Until He Was Gone – Wakas

Thank you so much for reading this story.


Wakas

Wala naman talaga akong masyadong maalala sa amin ni Elijah bago siya umalis patungong America noong mga bata pa kami. Sa dami ba naman naming mag pipinsan, hindi ko na kayang sabayan ang trip ng lahat. Mga babae lang ang naging ka close ko noon. Kaya naman, hindi naging kawalan sa akin ang pag alis niya.

“Ngayon dating nina Kuya Just, diba?” Tanong ni Erin sa akin Grade 5 kami.

Nag kibit balikat ako.

Alam kong ngayon ang dating nga pamilya nila galing sa U.S. Ang tanging naiisip ko lang ay ang mga chocolates na madalas pinapadala nila at ang mga imported na mga bagay. Kaya malamang, mas marami ngayon kasi umuwi na sila sa Pinas.

Nang pumunta kami sa bahay nila para sa ‘reunion’ na magaganap dahil sa pag balik nila ay natuwa lang ako kasi nakasama ko ang mga babae kong pinsan. Hindi naman talaga kasi ako close sa mga lalaki. Madalas, di ko sila naiintindihan. May mga sekreto silang hindi namin alam at palagi pang nang iinis.

Nag uusap si Azi at Josiah papasok kami ng living room. Naroon na si Kuya Justin at Ate Yasmin na parehong hinahalungkat ang kani kanilang maleta.

“Ate Yasss!” Sigaw ni Chanel sabay yakap sa kay Ate.

Yumakap din kami nina Erin at Claudette sa kanya. Maiksi na ang buhok ni Ate Yasmin ngayon. Mas bumata siyang tingnan. Hinalungkat niya ang maleta at agad binigay kay Chanel iyong mga bag at damit na may pangalan niya. Excited nilang dinumog iyong maleta habang sinusuyod ko ang kakarenovate lang nilang bahay.

Mas lumaki at mas naging engrande ang bahay nila. Siguro ay dito na sila talaga titira.

“Here.” Sabi ng pamilyar na boses sa likod ko.

Nilingon ko siya dahil sumigaw ang mga lalaking pinsan ko at dinumog siya. Umirap ako sa nakita. Iyon naman pala, may dala siyang mga sapatos na Nike at Adidas. Puro brand new at sobrang dami. Balak niya atang bigyan ng isa-isa ang lahat ng pinsan kong lalaki.

Nag angat siya ng tingin sa akin at bumuntong hininga.

“Elijah, ibigay mo ‘yong pink kay Klare.” Sabi ni Kuya Just na nasa likod niya.

“Course.” Aniya at binigay sa akin ang isang kulay orange na box na may malaking check.

“Diba mahilig kang sumayaw, Klare? You can use that.” Ani Kuya Justin.

“Thanks kuya.” Ngumisi ako at binalingan ang sapatos na binigay ni Elijah.

That’s how we communicate. Not cold, not warm, just in between. Ngunit sa lahat ay siya ang pinaka hindi ko pinapansin. Hindi rin naman kasi siya namamansin sa akin.

Kinurot ni Azi ang mukha ko sa school habang kumakain ako ng fishballs sa canteen. Gusto ko siyang saktan dahil sa sakit ng pagkakakurot niya sa pisngi ko. Pakiramdam ko ay pulang pula ito.

“I hate you!” Sigaw ko.

Ayaw na ayaw ko talaga ng iniinis ako lalo na pag gutom ako. Lumayo siya at hinawakan niya ang kanyang tiyan sa kakatawa. Matalim ko siyang tinitigan. Tahimik ang mga kaibigan ko dahil nahihiya siguro sa presensya ng mga pinsan ko.

Bumaling ako sa kinakain kong fishball at nakitang wala na don ang mga natira. Luminga ako sa kay Julia at Liza na siyang kasama ko ngayon pero tumingin lang sila sa likod ko. Nang lumingon ako ay nakita kong hinahawakan na ni Elijah ang stick na wala ng fishball.

“That’s mine!” Sabi ko.

We’re not even close. Bakit ganito siya?

“Damot mo naman. I’m just hungry.” At binigay niya sa akin ang stick na wala ng fishball. “Oh, ayan.” Ngumisi siya.

“Anong ayan? Asan ‘yong pagkain? Bilhan mo ulit ako!” Sabi ko.

“Hindi ka ba marunong mamigay? Diet ka naman minsan. Tumataba ka na, e.” Aniya at nilagpasan kami.

Natawa ang mga kaibigan ko sa sinabi ni Elijah. What’s funny? Matalim ko silang tinitigan.

Kayang kaya niya talagang insultuhin ang kabuuan ng pagkatao ko. Nakakairita! Anong mataba? Ni buto’t balat na nga ako. Kaya ko gustong kumain nang kumain ay para tumaba naman ng kaonti.

Sinundan ko siya nang tingin at nakita kong bumili siya ng mga pagkain kasama si Azi at Josiah. Pinagtitinginan silang tatlo dito sa canteen. Maiingay kasi at tawa nang tawa. Marami pang mga kaibigan at maraming katawanan kaya mas lalong nakakaagaw ng atensyon.

“God! Hindi man lang niya ako hinatiran ng pagkain dito! Inubos niya kaya ang fishballs!” Reklamo ko.

“Hayaan mo na. Ibigay mo na lang sa pinsan mo.”

Hindi ko maintindihan kung bakit ganon? Gutom ako. Isa pa, kung gusto niya ng pagkain, pwede namang magpaalam siya sa akin. Hindi naman ako madamot. Pero bigla niya na lang inubos nang di nagpapaalam kaya nakakabanas lalo. Ni hindi man lang siya nagsisi sa kanyang ginawa.

Dahil kasali ako sa Dance Troupe at sa Cheerleading, madalas kaming masali sa mga activities ng school. Minsan ay contest sa labas ng school, pero mas madalas naman ang intermission number lang sa mga activities. Kaya noong Grade 9 kami, nagpasya silang mag practice sa bahay nina Chanel para sa isang activity.

Doon nila napiling mag practice kasi may kasama kami sa Troupe na may gusto kay Josiah. Pagkadating namin sa bahay nila ay nagulat kami nang nakita ang apat na lalaking nag babasaan dahil naglilinis ng dalawang sasakyan. Tawa sila nang tawa habang ginagawa iyon. Nagsimulang tumili ang mga kaibigan ko. Knoxx, Azi, Elijah, and Josiah, shirtless while car washing? Syempre matutuwa ang sambayanan.

Dumiretso sila sa loob dahil nahihiya sila na magpahalatang kinikilig. Pinauna ko sila dahil hindi naman sila pamilyar sa bahay nina Joss, habang ako ay kabisado na.

“Hi girls!” Tumatawang sambit ni Azi habang pinaglalaruan ‘yong hose.

“Azi, mababasa si Klare.” Ani Knoxx nang nakitang umaamba ako papasok nang naubos na sila.

Mabilis akong tumakbo para hindi mabasa ngunit nabasa ako nang diretsong tinutok sa akin ni Elijah ang hose.

“Uh-oh.”

Napapikit ako nang nabasa ako mula ulo hanggang paa. Sa sobrang gulat ay halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko.

“Tuwalya, Joss.” Sabi ni Knoxx.

“Elijah!” Ani Azi.

Nilingon ko si Elijah at nakitang walang bahid na pagsisisi sa kanyang mga mukha. Tumingin lang siya sa akin habang nililigpit ang hose na hinahawakan niya kanina. Tiningnan ko ang damit ko at ang mga sapatos kong basang basa talaga. Binigay ng namumutlang si Josiah sa akin ang tuwalya. Ni hindi ko ito natanggap ng mabuti dahil sa gulat ko sa nangyari.

“Anong nangyari, Kuya?” Tanong ni Claudette nang lumabas siya sa pintuan nina Josiah.

Nalaglag ang panga ni Claudette nang nakita akong basang basa. Nilingon ko si Elijah at walang pag aalinlangang sinugod dala ang isang baldeng tubig na nasa gilid ko.

“HINDI KA MAN LANG NAG SORRY!” Sigaw ko at binuhusan siya ng tubig.

Tumakbo si Azi palayo. Mabilis ang tibok ng puso ko sa sobrang inis. Pakiramdam ko ay nagdidilim na ang paningin ko. This isn’t the first time. Palagi naman siyang ganito. Madalas siyang nagkakasala sakin at hindi ko kailanman narinig sa kanya ang salitang sorry!

Basang basa siya mula ulo hanggang paa. Pinasadahan niya lang ng kamay ang kanyang ulo na para bang natutuwa pa siya dahil binasa ko siya.

“I hate you so much! Wala kang modo!” Sigaw ko habang inaawat ni Josiah. “Ni hindi ka nagsorry!”

“Mag sorry ka, dude.” Sabi ni Azi. “She’ll hate you.”

“It’s okay. I won’t expect that she will love me, anyway.” Humalakhak siya.

Mas lalo akong nainis.

Hell yeah! Puputi na lang ang mga uwak, hinding hindi kita magugustuhan. I hate him so much! Siya ang pinaka ayaw ko sa mga pinsan ko. Bukod sa mayabang, hindi marunong magpakumbaba, ay masyado pang feeling at nakakairita.

Dumami pa ang away namin. Palaki nang palaki habang tumatagal. I hated him so much! Always. Everytime. Naiirita ako tuwing pumupunta sila sa bahay at nilalaro ang kapatid kong si Charles. I want Charles to grow up good. Hindi iyong tulad nila, tulad sa kanya. Pero hindi ko alam kung bakit baliw ang kapatid ko sa kanya. Idol niya yata itong si Elijah.

“Kuya said I should root for Los Angeles Lakers.” Aniya sabay kain ng popcorn habang nanonood ng Basketball.

“Kuya who?” Tanong ko sa kapatid kong Grade 1 pa lang.

“Kuya Elijah.” Aniya na parang ang bobo ko dahil hindi ko alam.

“Heat is better, Charles. Mas magaling sila.”

Umiling siya. “Lakers!”

Paano niya kaya nauuto ang kapatid ko. Kahit na ganon ay sinigurado kong marunong mag sorry ang kapatid ko at may natututunang maganda galing sa akin.

Isang araw ay naabutan ko si Erin na pababa sa kanilang sasakyan habang gumagala ako sa flowershop sa baba ng aming building.

“Oh, ba’t ka nandito?” Tanong ko at nakita ko rin si Claudette sa kanyang likod.

“Magbabasketball daw sila. Ayokong manood, tinatamad ako. Dito na lang tayo.”

Nakita kong paalis na ang sasakyan nina Azi. Mabilis ko itong hinarangan. Kinausap ko sila na sasama kami. Lalo na nang nalamang ang kalaban ay ang mga taga Xavier University High School. Hindi naman daw ito tournament. Katuwaan lang daw, practice game kumbaga bago magsimula ‘yong sasalihan nilang tournament sa Marco ngayong summer.

“Ba’t kayo sumama, akala ko boring?” Tanong ni Azi na nasa front seat.

“Etong si Klare, may crush sa taga XUHS.”

“Uy! Shhh!” Pinigilan ko si Erin.

“Si Sarmiento.” Aniya.

Hindi ko naman kailangang pigilan si Erin dahil alam na iyon ng halos lahat. Hindi ko alam kung paano nangyari. Namulat na lang ako na alam ng lahat na may gusto ako sa player na iyon. Mabuti na lang at hindi kami schoolmates, hindi ako masyadong napapahiya.

Sa gym ng school ginanap ang practice game. Kahit na practice game ay may mga tao din palang nanuod bukod sa amin. Iyong mga players na mas bata, mga taga XUHS na mga babae, at mga taga school na kilala din namin. Medyo maingay kahit na hindi official ang game.

“Halatang lumalandi lang ang mga babaeng yan.” Sabay turo ni Erin sa mga babaeng may dalang cartolina at may mga pangalan ng paborito nilang players kasama si Eion.

Tumango ako at umupo na kami sa bleachers. Nandoon ang mga pinsan ko, naglaro. Kasama sa first five si Elijah, Azi, Rafael, at dalawa pang kabigan nila. Sa kabila naman ay ‘yong chinitong si Ty, Sarmiento, Velez, Lim, at Saavedra.

Syempre, nag cheer din kami. Hindi ko nga lang alam kung saan ako mag chicheer, kung sa mga pinsan ko ba o kina Eion.

“GO EION!” Uminit ang pisngi ko nang narealize na masyado akong na carried away sa game.

“Traydor!” Sigaw ni Azi sa akin habang yumuyuko siya sa hingal.

Tumawa kami.

Nag angat ng tingin si Elijah sa akin. Inirapan ko siya. Hate him. Mabuti magaling si Rafael at si Elijah at nakakascore sila. Ngunit madalas talaga silang nawawala kay Ty.

“Ang galing ni Hendrix!” Sabi ni Erin habang pinapanood ang bawat lay up na ginagawa ng lalaking player.

Tumango ako.

Talo ang school namin sa laro. We’ll, okay lang naman. Sa huling laro ay panalo sila. Ngayon, talo naman. Give an take. Besides, isa lang naman ang lamang. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

“Lika, Klare! I congratulate natin ang XUHS!” Sabi ni Erin at mabilis na tumakbo pababa ng bleachers.

“Huh?” Nilingon ko si Claudette na nakatingin lang sa akin habang tumatayo.

“I’m gonna comfort the losers.” Aniya.

Tumango ako at sumunod sa kanila.

Gusto ko sanang sumama kay Erin ngunit ayokong mag mukhang tanga tulad na lang ng mga babaeng nakaaligid sa mga taga XUHS. Ngunit ayaw ko ring maging tanga, tulad ng mga babaeng nasa mga pinsan ko at kinocomfort sila dahil sa pagkatalo. Can we just go home instead?

Kinawayan ako ni Erin at tinuro niya si Eion. Naengganyo ako kaya hindi ko na mapigilan ang mga paa ko. Nilagpasan ko ang Knights, team ng school namin.

Nakita kong naka upo si Elijah habang nakahilig ang kamay niya sa palapag ng bleachers. Hinihingal pa siya at pawis pa. Pinagmamasdan niya ako habang nilalagpasan siya.

Ilang sandali ang nakalipas ay may bolang tumama sa paa ko kaya natalisod ako at tumama ang mukha ko sa sahig ng court.

“ARAY!” Sigaw ko sabay tinda sa ilong kong na flat yata.

Hinawakan ko ang dibdib ko sa sobrang sakit at ang tuhod ko naman sa sobrang hapdi. What the hell? Mabilis akong dinaluhan ng mga pinsan ko.

“Klare, are you alright?” Tanong ni Rafael.

“Pulang pula ang ilong mo.” Sabi ni Josiah.

“Dude, what the fuck?” ani Damon sabay tingin kay Elijah.

“The ball tripped.” Palusot ni Elijah.

And he didn’t even bother to say sorry. Tumayo ako kahit na masakit pa ang tuhod ko. Naiiyak ako sa sakit. Nakita ko pang pinanood ako ng kabilang team. Ang iba sa kanila ay tumawa ang iba naman ay nasaktan para sa akin. Nakita ko rin ang mga mata ni Eion na nakakunot habang pinapanood ako.

God! This is so embarrassing! Binalingan ko si Elijah na ganon parin ang posisyon sa bleachers.

“Klare? Masakit pa ba?” Tanong ni Damon.

Hindi na ako sumagot. Diretso ang lakad ko patungo kay Elijah at sinalubong ko ang mukha niya ng isang malakas na sampal. Pumikit siya pagkatapos matanggap iyon. Pumula agad ang kanyang pisngi at nag igting ang kanyang bagang bago siya bumaling sakin.

“ASSHOLE!” Sigaw ko at mabilis na umalis sa gym na iyon ng walang ulo.

So embarrassing! Nag kulong ako sa kwarto ko dahil sa kahihiyang sinapit. Narinig ko ang mga katok ng mga pinsan ko. Anong ginagawa nila dito sa bahay namin? Hindi ko sila sinagot. Kahit nang dumating na ang gabi at ginugutom na ako ay hindi ko parin sila pinapasok, hindi rin ako umalis.

“Klare! Dinner!” Sabi ni mommy.

“I’m not hungry.” Sagot ko.

“Klare, open the door. Dito matutulog ang mga pinsan mo.”

Hindi ako sumagot. So what? Matulog sila diyan sa guest room. I’m not in the mood. Bukod sa pasang natamo ko sa pagkakadapa ko kanina, baon ko rin ang kahihiyan. I don’t wanna be reminded.

“Klare?” Kumatok si Erin.

Kinagat ko ang labi ko. “Just open the door. Ibibigay ko sayo ang pagkain. Di mo na kailangang lumabas.” Aniya. “Claudette is here with your food. Open it, Klare.”

Tumayo ako at narealize na hindi ako makakatulog pag hindi ako kakain. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Elijah na may dalang pagkain. Sa likod niya ay ang mga pinsan ko at sabay sabay nila siyang tinulak bago ko pa naisarado ang pinto.

Nabitiwan niya ang bag niya sa sahig at iningatan niya ang pagkain. Mabilis kong binuksan ulit ang pintuan para makalabas ngunit sinarado na iyon ng mga pinsan ko galing sa labas.

“Dyan! Mag kulong kayong dalawa! Settle your fight! Hindi namin ‘to bubuksan hanggat di kayo magiging okay!” Dinig kong sinabi ni Chanel.

“Hey! Open!” Sigaw ko at pinilit na buksan ang pintog hindi natitinag.

“They won’t open. Kumain ka na lang.” Ani Elijah habang nakaupo na sa kama ko na parang sa kanya.

Nilingon ko siya at kinuha ko ang pagkaing dala niya. God! Pakiramdam ko ay tinatapakan na niya ang ego ko dahil sa pagkuha ko sa dala niyang pagkain. But damn, I’m so hungry.

“Your room is too girly. Pink here, pink there… Kay Barbie ba ‘to?” Humalakhak siya.

Hindi ako umimik. Kumain ako ng tahimik sa maliit na study table ko. Pinulot ko rin ‘yong bottled water na dala niya para uminom.

“Mukhang nagsuka si Hello Kitty dito, ah?” Aniya habang pinapakealaman ang kumot kong kulay pink.

“Will you stop it?” Sigaw ko.

Nilingon niya ako at ngumisi siya sa naging reaksyon ko. Alright! Gusto niya talaga na iniinis ako. Pwes, I won’t give you the satisfaction.

“Maliligo na lang muna ako.”

“Ha! Buti pa nga. Ang baho mo.” Sabi ko.

“You might want to smell my socks and tell me kung mabaho ba talaga ako.”

“Edi wag ka nang maligo kung tingin mo ay mabango ka.” Sabi ko.

What a stupid conversation.

“Klare, hindi naman naliligo ang mga tao para maging mabango. Like me, natural akong mabango. Naliligo ako to feel clean. I feel queasy from the game.”

“Oh, alright!? Edi maligo ka para mawala ang germs at maging malinis ang nakakadiri mong katawan.” Sabi ko sabay inom ng tubig.

Tumikhim siya at bahagyang tumawa. “Well talk after my shower.” Aniya at tumayo.

Binalingan ko siya at pinanood siyang pumasok sa banyo ko. Whatever, mister. Dammit! Bakit ba kasi nandito siya? I should just sleep bago pa mangyari iyong ‘talk’ na sinasabi niya. Mabuti na lang at tapos na akong maligo. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kama at pumikit na. Sa kasamaang palad ay hindi ako makatulog. Pwede namang mag play asleep. Play dead. Whatever.

Bumukas ang pintuan at pikit parin ang mga mata ko. Narinig kong humalakhak siya. Naamoy ko ang showergel ko. Dammit, he used my showergel!

“Kunwari ka pa. You are awake.” Aniya.

Whatever. Matutulog din naman ako. I don’t want to talk to you.

“So you don’t want to talk?” Aniya habang nag bibihis ata. Ewan ko.

Ilang sandali ay narinig ko ng nag click ang switch ng ilaw. Ang tanging natira ay ang lights sa gilid ng aking kama. Narinig ko ang hininga niya habang kinukuha ang comforter ko.

“Hey!” Sabi ko nang narealize na kukunin niya ang lahat.

“We’ll share.” Humalakhak ulit siya.

Sa dilim ay kitang kita ko ang pagkalibang ng kanyang mga mata. Kinagat niya ang kanyang labi at bumaling sa akin habang nakahiga.

“So what’s your problem with me?” Aniya.

“Pwede bang mag pretend na lang tayo na maayos tayo at wag ng mag usap kasi naalibadbaran ako sayo.” Sabi ko.

“Bakit? Anong ginawa ko sayo?” Tumawa ulit siya.

“Wala. That’s why we’ll just sleep, okay?”

“Palagi kang galit sa akin.”

“Well that’s because you piss me off all the time!” Sabi ko sabay lingon sa kanya.

Tinitigan niya ako. Tinitigan ko rin siya pabalik. Ang mga mata niya ay sinusuri akong mabuti. Bumitiw siya sa pagtitig sa mga mata ko at nilakbay ng kanyang mga mata ang kabuuan ng mukha ko. Kumunot ang noo ko sa ginawa niyang pagtitig sa akin.

“You piss me off all the time, too.” Aniya.

Umirap ako at tinalikuran siya sa higaan.

Ang pinaka nakakagago sa lahat ay hindi siya nagsosorry. Imbes ay mas lalo niya pa akong iniinis! Dyan ka na nga!

“And I’m sorry.” Aniya nang tinalikuran ko na. “I’m sorry kung naiinis kita kasi naiinis ako sayo. I’m sorry, Klare.”

“Ba’t ka maiinis sa akin? Ni hindi kita pinapakealaman? Ni hindi kita pinapansin?” Naiirita kong sinabi.

“Kaya nga ako naiinis.” He sighed.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Until He Was Gone – Kabanata 50

This is the last chapter of Until He Was Gone. Salamat sa pagbabasa. Wait for the Epilogue na lang po. Finished: March 8, 2014


Kabanata 50

Lies

Umiyak ako nang umiyak habang iniisip na umalis na talaga siya. Wala akong pakealam kung makita iyon ni mommy at daddy. Alam naman nila kung bakit at wala silang magagawa sa nararamdaman ko.

“Klare…” Ani mommy isang araw pumasok siya sa kwarto ko.

Last na ng final exams mamaya ko at malapit ng mag summer. Nakahiga ako sa kama gaya ng madalas kong ginagawa nitong mga nakaraang araw. Nilingon ko si mommy nang tinawag niya ulit ako.

“Tapos na ba ang exams?” Tanong niya.

Umiling ako. “May isa pa po, mamaya.” Sabi ko.

Tumango siya. “Saan mo gusto pumunta ngayong summer? Pwede tayong mag bakasyon. How about your cousins? May pinaplano ba sina Erin?”

Umiling ako. “Wala pa naman po.”

Simula nang umalis si Elijah, hindi na kami gaanong lumalabas. Naisip kong bago pa umalis si Elijah ay hindi na naman talaga kami lumalabas dahil sa nalaman nila tungkol sa akin, pero iba na itong ngayon. At least ang mga boys, lumalabas para mag party, kaming mga girls ay mas naging busy sa pag aaral. Ni hindi na ulit sila nakatungtog sa bahay simula nong nag usap ang buong pamilya.

“Gusto mong magbakasyon sa Bohol? We’ve been to Bora pero hindi pa tayo nakapuntang Bohol. Pwede nating isama sina Erin at Claudette… all of them.” Aniya.

Tumango ako at tumayo para mag ayos na. Ginagawa ni mommy ang lahat para maibalik sa dati. Gustuhin ko mang maibalik sa dati ang lahat pero di ko na magawa.

Nagmadali ako sa pagbibihis para makaalis na sa bahay. Pag dating ko naman sa school ay diretso ang pagsisimula ng exams. Mahirap pero iginugol ko naman ang mga araw ko sa pag aaral kaya may naisasagot ako.

Si Elijah ay nasa New York na. Hindi ko alam kung kailan ang balik niya dahil hindi naman iyon binanggit ni Tita Beatrice nang tumawag siya dalawang araw pagkatapos nang hinatid namin siya sa airport noong Valentines Day. Ani Tita ay doon daw muna titira si Elijah sa kay kuya Justin para makapag aral. At dahil mag aaral siya, napagtanto kong matagal pa ang balik niya. That’s an advantage, though. Para talagang makalimutan na namin ang isa’t-isa.

“Sorry, Klare, for this. Alam kong nasasaktan ka kasi tumawag pa ako ngayon.” Aniya nang tinawagan ako.

“It’s okay, Tita. Gusto ko lang rin namang malaman kung naging maayos ba siya diyan.”

“He’s doing fine. I hope you are doing good, too.”

“I’m doing great, tita. Thank you po.”

Alam kong sinusunod ni Elijah ang payo ko para sa aming dalawa, ang kalimutan ang isa’t isa. Masakit pero alam kong darating ang panahon na makakalimutan ko na masakit pala ito. Dadating ang panahon na tuwing inaalala ko ito ay mandidiri na lang ako at tatawa na lang sa mga pagkakamaling nagawa, at alam kong ganon din ang mangyayari sa kanya.

Naka deactivate ang Facebook ni Elijah noon pang lumabas na sa pamilya ang tungkol sa amin. Nag deactivate naman ako gabi nong Valentines Day. Mas mabuti na rin siguro na wala kaming komunikasyon. Ganon rin ang gusto ng mga magulang namin, na hindi na kami pinagbibigyan ng kahit konting komunikasyon. Mas lalo lang kaming mahihirapan kung meron.

“Ang hirap naman non! Kainis!” Pahayag ni Erin pagkalabas namin ng classroom.

“Oo nga. Tsss…” Sabi ni Julia. “Buti pa si Klare, maagang natapos.”

“Mahirap parin naman. Nagkataon lang.” Sabi ko.

Nagpatuloy kami sa pagtitipon tipon at pag uusap sa labas ng classroom. Nagreklamo sila sa di makatarungang coverage ng exam at kung anu ano pa. Nakinig lang ako sa mga hinaing nila at ngumingisi tuwing may nakakatawa.

Nang nalaman ng mga kaibigan kong umalis si Elijah ay inisip nilang dahil lang iyon sa kagustuhan ng mommy at daddy niya na doon na siya mag aaral. Maraming nawasak ang puso, lalo na si Hannah na nag hintay pa talaga yata kay Elijah noong Valentines Day. Kinausap na rin ako ni Cherry tungkol sa pag alis ni Elijah at wala akong naisagot sa mga tanong niya. Masyado siyang maraming gustong malaman, tulad ng kailan siya babalik, na mismo ako ay walang alam.

Kalaunan ay napuno ang corridor ng mga estudyanteng tapos na rin sa exams. Lumabas si Eion sa kabilang classroom kasama sina Josiah. Maingay sila kaya napabaling kaming lahat sa kanila. Nakatingin agad si Eion sa akin. Ni hindi ko na siya napapansin dahil sa dami ng problema. At hindi ko rin naman siya kailangang gambalain dahil minsan ko na siyang nasaktan. Ngunit ngumiti parin ako at nagbakasakaling maayos kami.

Nagulat ako nang tumango siya at ngumiti na rin. Ngunit agad rin siyang nag iwas ng tingin para bumaling sa mga kaibigan niya.

Biglang may umubo sa likod namin. Natahimik ang mga kasama ko. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Julia at kumunot ang noo ni Hannah habang nakatingin sa likod ko. Kumunot ang noo ko sa mga ekspresyon ng kaibigan ko. Bago pa ako lumingon ay may nagsalita ng pamilyar na boses sa likod ko.

“Klare, pwede ba kitang maimbita?”

Nanlaki ang mga mata ko nang nakaharap ko ang naka unipormeng si Pierre. Si Hendrix ay nakatingin sa akin at nakahalukipkip sa likod niya.

“S-Saan?”

Natahimik ang lahat. Ang iba ay napangisi. Ano ang gustong mangyari ni Pierre at saan niya ako iimbitahan?

“Dinner, tonight? Just us.” Aniya.

Narinig ko ang halakhak ni Julia sa likod ko.

“Uhmmm…”

“Go, Klare.” Ani Erin.

Napalingon ako sa kanya at pabalik ulit sa naghihintay na si Pierre. “Uh… Uhm… Sure?” Nag aalinlangan kong sagot.

Tumango si Pierre. “I’ll text you kung saan.” Bago umalis.

Pinagtulakan ako ng mga kaibigan ko dahil sa paanyaya niyang hindi ko alam kung para saan.

“Manliligaw na iyon? Kaibigan mo pala ‘yon?”

“OMG! Ang gwapo gwapo talaga ng kuya niya, ang cool!” Ani Erin. “Pag naging kayo, Klare, kailangan close kami ni Hendrix, a?” Ani Erin sabay hagikhik.

Umiling ako. I don’t think so. Hindi parin ako handang buksan ang sarili ko para sa ibang tao. Wait… o baka naman iyan ang dahilan kung bakit ang mga tao ay nakakamove on o hindi? Ang mga nakaka move on ay iyong mga taong nagbubukas ng kanilang puso para sa iba? At iyong mga hindi, sila iyong naghihintay parin at namumuhay parin sa nakaraan?

Hindi ko alam. Basta ang pakiramdam ko sa ngayon ay si Elijah lang talaga. Siya lang talaga. Ang mga luha niyang nagpapaluha sa akin gabi gabi sa panaginip man o habang gising. Siya pa rin. Pero umaasa ako na balang araw ay hindi ko na iyon maaalala.

“Klare? Saan ka pupunta?” Tanong ni mommy nang nag 5:30 na at nakatanggap na ako ng text kay Pierre.

Pierre Ty:

Nakuha ko ang numero mo sa isang common friend. Mag kita na lang tayo sa St. Bourbon Bistro ng JR Borja Extension. 5:30PM. I’m sorry I can’t fetch you.

Iyon ang kanyang sinabi. Naisip ko tuloy na mali itong ginagawa ko kasi 5:30 na ako umalis ng bahay.

“Mag didinner lang po, kasama ang isang kaibigan.”

Tumango si mommy at hinayaan na akong lumabas.

Dahil mahirap sumakay papunta sa lugar na tinutukoy ni Pierre ay kinailangan kong mag taxi.

Simple lang ang suot ko. Isang itim na dress lang at sandals. Nilugay ko lang ang buhok ko at naglagay lang ako ng kaonting make up para mas mahighlight ang features ng mukha ko. Walang traffic doon kaya mabilis akong nakarating. At least, 10 minutes late lang naman.

Nakita kong naghihintay na si Pierre sa loob. Mag isa siya at may inorder na siyang drinks para sa aming dalawa. Tumayo siya nang nakita akong pumasok at hinintay niya ang pag upo ko bago siya umupo.

Bakit ang awkward? Uncomfortable ako sa kanya. Siguro ay dahil weird ang sitwasyon ito. Naisip ko tuloy kung paano niya ako napapayag.

“Thanks for coming.” Aniya.

“You’re welcome.”

Umorder kami ng light foods. Naalala ko sa kanya si Elijah nang umorder muna siya ng appetizer bago ang main course. Madalas iyong ganon tuwing kumakain kami sa labas. I should really stop thinking about him if I really want to move on.

“Kumusta ka na?” Tanong niya.

“I’m fine.”

Nakakailang din pala kasi alam niya ang tungkol sa amin ni Elijah. “I heard Elijah’s gone. Nag abroad?”

Nagulat ako nang nakaya niyang i-open up ang topic na ito. Nilagay ng waiter ang appetizer at ang drinks. Pinanood ko iyon bago ko siya sinagot.

“Yup.”

“Iniwan ka?” Tanong niya.

“Hindi. Tinulak ko siya palayo.”

Nag igting ang kanyang bagang. “Bakit?”

“Coz it’s wrong. We’re cousins.” Ilang beses ko ba ito iuulit sa kanya?

Tumango si Pierre at pinagmasdan akong mabuti.

Naka polo siya na kulay dark blue at may kung ano sa aura niya na nakakaintimidate. It’s like he’s dominating you.

“Kunwari di kayo pinsan, gagawin mo parin ba ang desisyong iyon?” Tanong niya habang sinusubukan na ang mga appetizers.

Tumawa ako. “Changing the circumstances? Bakit ko siya papakawalan kung hindi kami magpinsan? In the first place, hindi magiging forbidden kung hindi kami magpinsan.”

Kumain ako nang dumating ang main course. He’s really intimidating. Ang ayaw ko sa lahat ay ang pinapanood ang pagsubo ko ng pagkain. Imbes na mag enjoy ako ay naaasiwa lang ako sa dinner na ito.

“No. Hindi mo nakuha. Ang ibig mong sabihin ay kung nakilala mo siya bilang ibang tao, at hindi ang pinsan mo. Let’s say, ampon ka…”

Ngumisi ulit ako.

It’s ridiculous. Bakit kailangan ko pang mag ilusyon sa mga sinasabi niya? Can we just talk about something else, instead? Paano ako makakamove on kung ang bukang bibig ng mga tao ay si Elijah? Ang lahat na nga nang pumapasok sa utak ko ay siya, pati ba naman sa ibang tao?

“Okay. Ampon ako.” Sabi ko. “Tapos?”

“Ampon ka pala. Will you still decide that way?” Aniya.

“I… I don’t know. No? Syempre.”

Suminghap siya at umiling.

What? Is he disappointed? Coz I still love Elijah? Of course mahal ko pa siya, isang buwan pa lang simula nang umalis siya. Hindi naman tayo nag lokohan nang minahal ko iyon. I’m not some machine, dinibdib ko dahil tao ako at may puso.

“Well, kung nandito pa siya, hindi ko siya itutulak palayo ngunit hindi ko rin maipapangako na kaya ko siyang ipaglaban agad. That’s a big blow to me.” Natulala ako. “The ampon thing.”

Nag angat siya ng tingin sa akin.

“What if right now? That he’s gone? Sabihin ko sayong… you are not a Montefalco?” Seryoso ang kanyang mukha. Well, ganon naman ang mukha niya palagi.

“Well, that’s impossible. Mana ako kay mommy.” Ngumisi ako.

Umiling siya. “Yes, mana ka sa mommy mo because she’s your real mom. But your dad isn’t your dad.”

Kumunot ang noo ko. “Kunwari pa ba ito? Well… Kung ganyan naman, at wala na si Elijah-“

Napatayo si Pierre at diretso ang tingin niya sa likod ko.

Anong problema nito? Nakakatakot naman siya.

“Pierre, I told you! Ako ang magsasabi! Stubborn boy!” Matigas na sinabi ng isang boses sa likod ko.

Mabilis kong nilingon at nakita ko ang daddy ni Pierre. Namukhaan ko agad siya kahit isang beses ko pa lang siyang nakita. Magkamukhang magkamukha kasi sila ni Pierre at Hendrix. Chinito sila ngunit hindi sobrang intsik ang mga mata. Tulad lang ng mga mata ni mommy, kung saan ako nagmana.

“Good evening po.” Sabi ko nang narealize na mukhang galit ang kanyang daddy.

May nakita akong mga nakaitim na lalaki sa likod ni Hendrix. Naka shades sila kahit gabi na sa labas. I figured they are his goons or bodyguards.

“Good evening, Klare.” Malamig na sinabi ng kanyang daddy sabay tingin sa akin.

Ngumiti ako at naasiwa sa pangyayari. Nilingon ko si Pierre ngunit wala na siyang sinasabi.

“I’m Ricardo Ty.” Naglahad siya ng kamay sa akin.

Mabilis ko itong tinanggap. Itinuro niya ang upuan sa tabi ko. Tumango ako para umupo siya. Dammit, what’s this? It’s so awkward.

“I believe your mother is Helena Limyap?” Tanong niya.

“Yes po.” Nagulat ako kasi kilala niya si mommy. “Helena L. Montefalco na po siya ngayon.”

Tumango si Mr. Ricardo Ty. “Kilala ako ng mommy mo.” Nagulat ako nang bumagsak ang kanyang mga mata at may nangilid na luha sa kanyang mga mata. “I missed the 18 years of your life.”

Kumunot ang noo ko. Ano? Hindi ko alam.

“I’m your father.” Nabasag ang boses niya.

Nalaglag ang panga ko. “Nagkakamali po kayo, Sir. Yung daddy ko po ay si Lorenzo Montefalco.”

Umiling siya. “I’m your biological father.”

Umiling din ako. “S-Si Lorenzo Montefalco po ang biological father ko.”

“No, Klarey… I am.”

Nanlaki ang mga mata ko. I can’t believe this old man! Hindi ko mapigilan na magalit sa kanyang mga sinasabi! That’s impossible! So impossible!

“Impossible! Ma walang galang na po, pero high school pa lang ay boyfriend na ni mommy si daddy.” Sabi ko.

“Yes. But your mom went to Davao after college. Nagtrabaho siya doon para sa kanyang pamilya sa Davao. Nagtrabaho siya sa kompanya ko. Iniwan niya ang daddy mo.”

Hindi na ako makahinga. Ang tanging ginawa ko ay ang umiling sa harap niya.

“I fell in love with her. Nagkagustuhan kami at nabuo ka.” Bumuhos ang kanyang luha.

“NO!” Sigaw kong nagpabigla kay Hendrix. “My mother loved my father dearly! And besides…” Tiningnan ko si Hendrix at Pierre na parehong nakakunot ang noo. “Kung totoo ang sinabi niyo, bakit may anak ka na kasing edad ko-“

“I cheated on my wife, Klare!” Aniya.

Si mommy ay nagkaroon ng affair sa isang lalaking may asawa at anak na noon? What the fuck? Is this true?

Umiling ako. “Liars!”

“Klare, watch your mouth. That’s my father.” Ani Hendrix sabay tingin sa akin.

“Hayaan mo kuya, she’s hurt.”

“WHAT ARE YOU TALKING ABOUT! Hindi ako anak nino! I’m the daughter of Helena and Lorenzo Montefalco! I am a Montefalco!” Sinabi ko.

“No, you are not.” Ani Mr. Ty. “You go ask your mom. I wanted to confront you with her pero hindi sila pumapayag.”

“Because it’s a lie!” Sabi ko sabay tayo.

“It’s not a lie, Klare. We look the same.” Singit ni Pierre.

“Bakit hindi si mommy ang kinausap niyo? Bakit ako? At bakit hindi nila sinabi sa akin? This is a scam!”

Mabuti na lang at walang tao sa restaurant. Ang mga waiters lang ang nakakarinig ng mga sigaw ko, at syempre silang nasa harap ko.

“Because they want to treat you as their own! Gusto nilang maging Montefalco ka ngunit ang totoo, hindi. You are my daughter, Klare. At sinasabi ko ito sa’yo ngayon dahil gusto kong punan ang mga taon na wala ako sa buhay mo. Hindi ako kailanman pinagbigyan ng mommy at daddy mo na masilayan ka kahit saglit. I’ve been telling your mom that we should confront you pero ayaw niya at gusto niyang mabuhay ka ng tahimik. What about me, Klare? Hindi ako matatahimik! Mamamatay akong hindi naibibigay sayo ang pagmamahal na nararapat. I am your father, and you are a Ty.”

Hinayaan nila akong tumakbo palayo sa kanilang lahat. Pumara ako ng taxi at umiyak ako sa loob. Marami na akong naisip. Sobrang dami na hindi ko na kayang isipin ng mabuti ang lahat.

Una sa lahat, hindi ako anak ni daddy. Pangalawa, hindi ako Montefalco. Pangatlo, they lied to me.

Oh my God!

Padabog kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang nagdidinner na sina mommy, daddy, at Charles. Dammit! Charles is here! I don’t wanna be mad around him!

“Klare?” Mabilis akong sinalubong ni mommy nang nakitang umiiyak ako.

Hinawi ko ang kamay niya at tiningnan siyang mabuti.

“Ma, Montefalco po ba ako?” Tanong ko.

Mabilis na nag iba ang ekspresyon niya. Umiyak siya at humagulhol. Lumapit si daddy sa kanya at dinaluhan siya. Nakaawang ang bibig ko sa gulat dahil sa kanyang reaksyon. Hindi niya na kailangang kumpirmahin iyon.

“You are a Montefalco, Klare.” Ani Daddy.

Umiling ako. “Kaninong anak ako?” Tanong ko.

“Ate, what’s wrong?” Nanginig ang boses ni Charles.

Hindi ko na kaya. It’s true. I’m living in a world full of lies.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Until He Was Gone – Kabanata 49

Kabanata 49

Leave

Everything is well planned. Nang dumating ang Valentines Day ay walang naging problema sa mga plano namin ni Claudette at Azi. Kinakabahan ako pero naging kampante rin lalo na nang tumawag sa akin si Ate Yas bago ako umalis ng bahay.

“Klare…” Malumanay niyang tawag sabay buntong hininga. “Thank you so much for this.”

“Ate, ayaw ko pong makarinig ng salitang ‘Thank You’ para dito. I did this not to please anyone.”

“I-I know. I’m sorry. I know na mahirap ito sayo.”

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong pag usapan ang bagay na ito. I just want to put the phone down and start this day.

“Basta, I’m just happy na ginawa mo ang tamang bagay, ang tamang desisyon. I really like you. May paninindigan at prinsipyo ka. You are a strong lady.”

Ayaw ko nang nakakarinig na pinupuri ako dahil sa ginawa kong ito. Tama na iyong sakit na idinudulot nito sa akin para lang magawa ang tamang bagay. Hindi ko na kailangan ng mga papuri at pagkilala sa pinili ko.

“I think… bagay na bagay kayo ni Elijah.”

Nalaglag ang panga ko.

Suminghap si Ate Yasmin. “Sayang lang at maling panahon.”

Hindi ako kumibo. Anong sasabihin ko sa kanya gayong wala naman talaga akong magagawa para baguhin ang panahon. Hindi ako Diyos at hindi rin kayang pagbigyan ng Diyos ang hiling na iyan. It’s so impossible.

“So… Klare, thank you again.” Aniya nang napagtantong wala na akong sasabihin. “Happy hearts day! Hope you find someone who can love you the way you loved Elijah. Sa panahong iyon, I’ll be really happy for you. And I’m sure Elijah will be, too.”

“Thanks, Ate Yas.”

Gusto kong sabihin na hindi naman ako naghahanap, na hindi ko naman kailangan, na masyado pa akong maraming dinadamdam para diyan ngunit ayaw ko nang patagalin pa ang pag uusap namin.

Nag ayos ako habang si Claudette ay naghihintay na sa sala. Kahit na may gagawin akong paglabag sa utos ng mga magulang namin ay nakapagtatakang hindi ako kinakabahan. Siguro ay dahil alam kong tama ang ginagawa kong ito.

Sigurado kaming hindi ako papayagan ng pamilya namin na ihatid ko si Elijah sa airport. Magpapanic lang sila at iisipin nilang sasama ako kay Elijah at tumakas na lang. Kaya kinailangan naming magplano kung paanong hindi kami mahahalata. Kumpleto ang nakalahad na plano naming apat ni Claudette, Azi, at Elijah. Mag papaalam kami ni Claudette na lalabas at manonood ng sine ngayong Valentines dahil pareho kaming walang date. Pupunta kaming dalawa sa Centrio Mall at magpapalipas oras hanggang sa tumawag si Azi para sunduin kami kasama si Elijah. Sabay namin siyang ihahatid sa airport. Pagkabalik ay ihahatid ulit kami ni Azi sa Centrio bago siya umuwi sa bahay nila.

“Ready?” Nakangiting tanong ni Claudette sa akin.

Pareho kaming bihis na bihis na para bang may totoong date. Naka black and white dress ako habang siya ay naka pulang dress na may malaking gold necklace. Nakita ko ang pagbaling ni mommy sa amin.

“Tita, alis na po kami ni Klare.” Ani Claudette.

“Alright. Klare, nasa baba na ang daddy mo para ihatid kayo sa Centrio.”

Kung akala niyo ay lagi akong hinahatid kung saan man ako pumupunta ay nagkakamali kayo. Simula nang nalaman ng pamilya ko ang tungkol sa amin ni Elijah, doon lang sila naging bantay sarado. Noon, kaya ko pang mag jeep o mag taxi. Ngayon, hindi na nila ako hinahayaang mag isa.

Mabilis kaming nakarating sa Centrio. Ni hindi ko pinansin ang matagal na titig ni daddy sa akin papasok kami ng elevator galing sa basement.

Nagpalipas oras kami ni Claudette sa isang coffee shop na punong puno ng cut outs na mga hugis puso. Napuna ko rin ang acoustic band na sinet up para lang sa araw na ito. Hindi ko rin pwedeng kaligtaan ang maya’t mayang mga surpresa ng mga lalaki sa kanilang nililigawan o girlfriends.

Nahagip ng paningin ko ang titig na titig na si Claudette sa akin. Kinunot ko ang noo ko. She’s observing me again.

“Hindi mo iniinom ang kape mo.” Aniya.

Tumango ako at ininom ang inorder ko frappe.

“Clau, wala ka bang date?” I want to make this conversation as light as possible.

“Most probably? That’s why I’m here.”

“Ano bang tipo mo?” Tanong ko habang umiinom ng kape.

“It will either be Channing Tatum or Taeyang.”

Kumunot ang noo ko. Kilala ko si Channing Tatum pero si Tiyang ay di ko pa naririnig.

“Taeyang.” Aniya.

Hindi na ako umimik. Must be some of her K-Pop obsessions. Napatalon ako nang tumunog ang cellphone niyang nasa harap ko.

“Kuya’s here, Klare.” Aniya at agad tumayo.

Tumango ako at sinundan siya sa basement. Sa kauna unahang pagkakataon sa araw na ito ay nakaramdam ako ng kaba. Nakita ko ang kanilang Fortuner sa basement. Mabilis na binuksan ni Claudette ang frontseat. Not what I expected! Ang akala ko ay kaming dalawa ang sa likod dahil si Elijah ang sa front seat ngunit nagkamali ako.

Lumunok ako nang binuksan ni Elijah ang pintuan. Nakatitig siya sa akin habang sumasakay ako.

“Bilis na kuya, malay natin nag hire ng tao si Dad para sundan kami.” Ani Claudette.

“Chill, Dette Dette, wala tayong gagawing masama. Ihahatid lang naman.”

“And please, drive safely.” Ani Claudette.

“Course.” at pinaandar agad ni Azi.

Nakatingin lang ako sa kalsadang dinadaanan namin ngunit sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita ko ang pagkabaling ng ulo ni Elijah sa aking banda. God, he’s staring at me!

Nilingon ko siya sa pagbabaka sakaling maasiwa siya at mag iwas ng tingin ngunit hindi siya umiwas. Imbes ay tumikhim siya at nagsalita.

“The shortest hour of my life.” Aniya.

“Elijah, wag nating gawing mas mahirap ito.” I looked away.

Ganon ang naging eksena. Sumisipol lang si Azi sa mga mahina at malumanay na kanta sa kanyang stereo habang tahimik naman si Claudette sa front seat.

Dire diretso ang drive ni Azi habang nasa syudad pa kami. Tumitigil lang siya pag stop ang traffic light ngunit diretso agad ang harurot pag wala.

“Dude, don’t step on the gas, please.” Singhap ni Elijah.

“Bakit? Baka ma late ka?” Ani Azi.

“Edi mabuti.” Ani Elijah.

“Why are you leaving, then, kung pinapangarap mong ma late at hindi makaalis? What’s the point?” Ani Azi habang tinataas ang kanyang kamay galing sa manibela.

“Coz I want to stay if she’ll make this work for us.”

“What the f, dude. Kung gusto mong wag umalis, edi huwag.” Ani Azi.

“Coz I want him to go, Azi. Kailangan niyang umalis. Kailangan naming matutong mabuhay na malayo at wala sa isa’t isa. Hindi siya matututo kung palagi siyang nandito.” Tumingin ako sa bintana.

Mabilis na nawawala ang mga kahoy at posteng dinadaanan namin. Via Singapore ang kanyang flight patungong US. Umalis na ang kanyang mommy at daddy last week patungo doon. Si Ate Yasmin at Kuya Justin ay umalis na rin noong January pa lang.

“Yeah, right. Lalo na pag may nakaaligid sayong inchik and all the guys, I might just kill them. Aalis na lang ako at baka maging kriminal lang ako dito.”

Mabilis ko siyang nilingon. Humalakhak si Azi at tumingin sa salamin para tingnan kaming dalawa. Ngumisi si Elijah sa akin kahit na matalim ko siyang tinitigan.

Hinawakan niya ang kamay kong nakalagay sa upuan. Gusto kong alisin ang kamay niya o bawiin ang kamay ko ngunit nagbago ang isip ko nang hinigpitan niya ang pagkakahawak non at nalungkot ang kanyang mga mata.

“Baby, please? Just for now?”

Hindi na ako umimik. Hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko. Hindi rin kumibo si Azi o si Claudette sa harapan. Tahimik si Elijah habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

I will miss his touch. I will miss his warmth. I will miss everything about him? Why is this so cruel? Hindi ko alam. Siguro ay may kasalanan ako sa langit o baka naman may nag aabang na malaki at magandang mangyayari sa akin kaya nauuna ang bad karma? I hope the reason for all these is worth it. Iyon ay kung may rason nga ang mga ito. Rason? Baka para turuan lang ako kung paano magmahal. At ang sakit kasi bakit sa ganitong paraan pa?

Nilingon ko si Elijah at nakapikit siya ngunit alam kong hindi siya tulog. Pinaglalaruan niya parin ang mga daliri ko.

Hindi ko na alam kung ilang minuto ang naging byahe pero nagulat na lang ako nang tumambad na sa akin ang airport. Nag park si Azi sa tapat at tinigil niya na ang sasakyan.

“Uh, we’re here.” Aniya.

Binitiwan ni Elijah ang kamay ko at binuksan ang pintuan. Sabay nilang kinuha ni Azi ang kanyang mga luggage. Isang malaking maleta lang at backpack ang meron siya. Not much. But I don’t think kailangan niyang dalhin ang buong kabinet niya dahil kaya niya namang bumili ng ibang damit pagkarating doon.

Tahimik si Claudette sa gilid ko habang pinapanood namin ang dalawa.

Kailangan kong imemorize ang bawat detalye kay Elijah. Ang mga maliliit na panahon at oras noon ay naging importante sa akin ngayon. Sana ay noong hindi pa kami nabubuking, tiningnan ko siya ng mas maayos, sana ay inamoy ko siya ng mas matagal, sana ay kinabisado ko lahat ng kilos niya… kasi natatakot ako na isang araw makalimutan ko na ang lahat. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot doon.

Lumandas ang luha sa mga mata ko at agad ko iyong pinunasan. I want to be strong for this. Ako ang nagtutulak sa kanya palayo, hindi pwedeng ako ang iiyak.

Nang nagtagpo ang aming mga mata ay tumitig agad siya sa akin. Dammit! Mabilis siyang lumapit sa akin. Yumuko ako ngunit hinawakan niya ang baba ko at itanaas niya ang mukha ko para lumebel sa kanyang mga mata.

“Baby, are you crying?” Tanong ko.

“Nope!” I lied.

“Nagbago na ba ang isip mo? Or are you coming with me? We can run away now!”

Umiling ako.

“Elijah…” Saway ni Azi. “Dad’s gonna kill me.”

“Isn’t that a happy reason kuya? To be killed for love?” Humalakhak si Claudette.

“Para sa pag ibig ni Elijah at Klare? No. One day, mamamatay ako para sa pag ibig ko.”

“And that day will never come.” Halakhak ulit ni Claudette.

Nag igting ang bagang ni Elijah at hinila ako palayo sa kanilang dalawa. Mabilis ang lakad niya patungo sa loob. Ngunit hindi kami pwedeng pumasok. Siya lang itong pwedeng pumasok sa loob. Kinagat ko ang labi ko at tiningnan siya.

“Shall I book you a ticket now?” Tanong niya.

Umiling ako. “Sa oras na ginawa mo ‘yan, sa gitna pa lang ng byahe, patay na lahat ng cards mo. We can’t run. We’re impaired without our family.”

“No baby, I can work for us. We’ll be happy.” Aniya.

Patuloy parin ako sa pag iling. “Elijah, hindi talaga pwede.”

Pumungay ang kanyang mga mata. “Klare, please, baby?” Aniya.

Narinig ko ang mga yapak nina Claudette at Azi sa likod namin. May mga tao sa paligid ngunit abala sila sa pag pila papasok doon.

“Akala ko ba tapos na, Elijah?” Tanong ko.

Pumikit siya at nakita kong may lumandas na luha sa kanyang mga mata. “Hindi ‘yon matatapos.”

Nilagay niya ang kanyang noo sa aking noo. Nakapikit lang siya habang pinagmamasdan ko ang paghihirap siya. Kinukurot ang damdamin ko ngunit kailangan kong maging matatag. Gusto kong makita niya na iyon talaga ang desisyon ko.

“Klare, please, God, I’m begging. Come with me.” Aniya habang napapaos ang kanyang boses.

Masakit. Tinitingnan ko pa lang siya, masakit na agad ang nararamdaman ko.

“You will lose yourself, Elijah. At ayaw kong mangyari iyon sayo.”

“Yes, I lost myself. But I found it in you. Please, just give me a chance. I’ll be a man for you. I’ll work hard for us, please.”

Narinig ko ang pagmumura ni Azi sa likod at paghakbang niya palayo.

“Baby, please?”

Nangingilid na ang mga luha ko habang pinapanood siyang nanghihingi ng kung ano sa akin. Dumilat siya at kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata.

“Baby, I’ll work hard for us, just please be with me. I can do it with you.”

May namuong bara sa lalamunan ko. I can’t help it. Iiyak na talaga ako.

“Elijah, we can’t. You are just nineteen. We really can’t. Marami pang naghihintay sa atin sa mundong ito. Marami pa tayong hindi alam.”

“Oh God, Klare!” Aniya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko. “I have fallen deeply in love with you because of your decisions. Ngayon mas lalo pa akong nahuhulog. Do something about it, please? Please, be with me, Klare, catch me…” Nanghina ang kanyang boses.

“Elijah, flight niyo na.” Mahinahong sinabi ni Claudette sa likod ko.

Nanlaki ang mga mata ko at agad ko siyang tinulak.

“Baby…” Bumalik siya nang nanginginig ang mga balikat.

May kung anong nagrarambol sa tiyan ko sa sobrang pagkahabag. Kusang tumulo ang mga luha ko na agad ko namang pinunasan.

“Please…” Aniya.

Tinulak ko ulit siya.

“Go, Elijah! Limang minuto na lang, boarding na. I need you to go. I’m setting you free-“

“I don’t want to be free.” Nanginig ang kanyang boses at hinuli ulit ang aking mga siko.

Umiling ako at tinulak siya.

“This is what I want, Elijah. This is what I need. What you need. You need to go. You have to go. Umalis ka na!” Sabi ko at hindi ko na napigilan ang pag iyak ko.

“Klare-“

Hinawakan niya ang mga braso ko at mariin niya akong siniil ng mga halik. His kisses were soft and gentle. Hindi niya ako pinilit. Nanlaki ang mga mata ko sa bigla pero ang mga halik niya ang rason kung bakit unti-unti akong napapapikit. I want to just kiss him forever.

May kuryenteng naglakbay sa batok ko pababa. At alam kong inaakit niya ako sa pamamagitan ng tapat at malalambot niyang mga halik. Kumalabog ang puso ko. Ito ang unang pagkakataon na nahalikan ako ng ganito, na hinalikan niya ako ng ganito, at ayaw kong bumitiw. Nakalimutan ko ang lahat.

Lumandas ulit ang maiinit kong luha sa aking mga pisngi. Naalala ko kung bakit kami nandito. Tinulak ko siya ngunit hinawakan niya ang nakakuyom kong mga kamay sa dibdib at tumigil siya sa paghalik.

“Baby, I’m not leaving without you.” Umiling siya. “No.”

Umiling din ako. “You are, Elijah. You will leave!” Sigaw ko. “Please? Please leave? Can you please leave?” Paulit ulit ko iyong sinabi.

Nalaglag ang panga niya na para bang hindi siya makapaniwala sa mga salitang binitawan ko. Tinuro ko ang airport.

“Ang tanging makakapagpasaya sa akin ngayon ay ang umalis ka. So you leave… please? Please, leave the Philippines for me.”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Until He Was Gone – Kabanata 48

Kabanata 48

Best Shot

He was true to his words. Iniwasan niya ako. Ni hindi ko nakita ni anino niya sa loob ng isang linggo sa school. At wala ring bumabanggit ng kanyang pangalan sa mga pinsan ko. Bantay sarado na rin ako. Malabong may mga panahon na mag isa ako. I guess, ito ang naging kasunduan ng mga tito at tita ko. Dahil hindi naman mababantayan si Elijah ay ako ang binabantayan.

“You done with the homeworks, Klare?” Tanong ni Erin sa akin.

“Oo. Pero di ako sigurado dito.”

Lumunok ako nang narealize na madalas nga pala akong umaasa kay Elijah pagdating sa mga homeworks.

Nilingon ko si Erin at nakitang seryoso siya sa pagbabasa ng kanyang term paper. Even our relationship got bruised. Hindi na ito tulad nang dati. May pader na sa gitna naming dalawa.

Sa loob ng tatlong linggo ay namuhay ako ng mapayapa. Kung matatawag nga ba itong mapayapa…

“Bukas si Damon ang susundo sayo.” Ani Rafael sabay patakbo ng kanyang sasakyan.

Napa buntong hininga ako at tumingala na lang sa aming building. Naha-hassle ko na ang mga pinsan ko dahil sa takot ng mga magulang namin na patago kaming magkita ni Elijah. Dapat ay hindi na lang nila ito ginawa. Elijah was serious when he said that… Hindi na talaga siya nagpakita sa akin.

Ni wala na ring night out na nagaganap. O hindi ko alam pero baka meron ngunit hindi lang ako naiimbitahan. Lumunok ako at tinangnan ang cellphone kong may panibagong sim card. Walang number ni Elijah dito. Nag deactivate na rin siya sa Facebook kaya hinding hindi ko siya mahahagilap. Naisipan ko tuloy kung mag deactivate na lang din ako.

Habang tinitingnan ang aking News Feed ay napatunayan kong tama ang hinala ko. Nang nag upload ang Club Tilt sa kanilang page ng mga pictures na kinuha noong nakaraang gabi ay nakita ko ang iilan sa mga pinsan ko sa dancefloor. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita si Elijah na tumatawa habang hinahawakan sa baywang ang isang babaeng naka killer heels at naka black dress.

Mabilis kong sinarado ang browser. May kung anong dumaloy sa lalamunan ko patungo sa likod ko. One day, I’ll get used to this.

Masyado na akong mahina para umiyak. Itinulog ko na lang lahat. Ganon nga, Klare. Maybe I should really just deactivate all my accounts.

Hindi maiiwasan ang sakit ngunit papanindigan ko ang desisyon ko dahil para ito sa ikabubuti naming dalawa. Kung sakaling sa pag liliwaliw niya ay makahanap siya ng babaeng magmamahal sa kanya ng tunay at higit pa sa akin ay magiging masaya rin ako. Ideal, yes. Magiging masaya ako kahit na mamamatay ako sa sakit.

Ngunit napagtanto ko ring ang mga alon ng sakit na naramdaman niya ay tumatama na sa ibang tao.

Isang araw ay nakita ko na lang na namamaga ang mga mata ni Hannah sa harap ko. Tulala siya at walang sinasabi. Nakatingin si Julia at Liza sa kanya ngunit parehong seryoso si Erin at Claudette sa aming mga homework. Nag angat ng tingin si Claudette sa akin kaya nag taas ako ng kilay. Minsan, sa sobrang observant ng kanyang mga mata ay hindi ko na alam kung tumutunganga lang ba siya sa akin o may pinaparating siya sa pamamagitan ng pag titig.

Nilingon ko ulit si Hannah na ngayon ay tulala at pinupunit ang tissue sa kanyang harapan. Nagkalat siya sa mesa namin. Hindi ko maintindihan kung anong meron.

“Oh. My. God.” Sabay takip ni Liza sa kanyang bibig.

Lumingalinga ako sa mga kaibigan ko para tingnan kung ano ang meron. Isang beses na lumingon si Hannah sa gilid namin ay agad na siyang binaha ng luha. Nilingon ko rin kung ano iyong nasa gilid at nalaglag ang panga ko nang nakita kong masayang nag ho-holding hands si Elijah at si Cherry.

Naka uniform pareho ang dalawa at naglalakad patungong bandang Engineering building. Naglakbay ang titig ko sa mga galaw ni Elijah. Binitiwan ni Elijah ang kamay ni Cherry para hawakan ang kanyang baywang. Sinapak siya ni Cherry bago bumati sa mga kaibigan niyang nanonood sa unahang benches namin.

Nakangiti ang dalawa at hindi ko maiwasang tumitig sa mga labing masaya ni Elijah.

Humagulhol si Hannah sa harap ko kaya naagaw niya agad ang buong atensyon ko. Dinaluhan siya agad ni Liza at Julia. Hinimas ni Julia ang likod ni Hannah habang pulang pul siya at tinatakpan ang kanyang mukha.

“Anong nangyari?” Tanong ko.

“Sorry…” Ani Claudette.

Narinig kong lumagutok ang ballpen ni Erin at nag angat siya ng tingin.

“I told you, Hannah. Sabi ko wag mong patulan si Elijah ngayon.” Ani Erin.

“Bakit ngayon, Erin? Noon pinagkakanulo naman natin silang dalawa, a?” Ani Julia.

Suminghap si Erin. Para bang gusto niyang sabihin ang lahat ngunit hindi niya kaya. Walang alam ang mga kaibigan ko at walang plano ang buong pamilya na ipangalandakan ang nangyari sa amin ni Elijah. It will remain our deepest and darkest secret.

“Ano bang nangyari?” Tanong ko.

Sumulyap si Erin sa akin.

“Nag date sila ni Elijah, Klare. Patulong naman o-” Sabi ni Julia na agad pinutol ni Erin.

“Klare, can’t help. Talagang manwhore si Elijah. Hayaan na natin. Maghanap ka ng ibang lalaki diyan, Hannah.”

“Last week, Klare.” Nagpatuloy si Julia sa pag aakalang may maitutulong ako. “Niyaya ni Elijah si Hannah na mag date. Tapos sa sumunod na araw, may mga rumors na na may ibang dinate si Elijah at mas lalong dumami, iba ibang babae, e. Tas ngayon, eto ang latest, si Cherry. Ang malala ay publicly dating. Hindi na rumors! Totoo na!”

Napalunok ako. Pakiramdam ko ay nilunok ko lahat ng hinanakit at mga salitang gusto ko sanang sabihin.

“H-He’s probably serious with Cherry, then.” Sabi ko.

Nilingon ako ni Claudette habang tumikhim naman si Erin at nagligpit ng gamit.

“Edi mabuti! I mean…” Kinagat ni Erin ang kanyang labi. “Let’s just go and forget Elijah.”

Pinanood ko ang patuloy na pagluha ni Hannah buong araw. Alam ng halos lahat ng blockmates ko ang nangyari tungkol doon. Naaawa ako sa mga taong naapektuhan dahil sa mga ginagawa ni Elijah. He’s merciless and ruthless. He’s being an asshole again. But maybe, he’ll always be an asshole. Kaya nga ‘yon nainlove sa akin, diba?

Hindi ko maiwasan ang pagsakit ng tiyan ko tuwing nadadatnan ko si Elijah kasama si Cherry. At noong isang araw ay nadatnan ko rin siya sa covered courts na nag P-P.E. at nakikipag harutan sa isa pa niyang magandang kaklase. Now, would I believe that he’s serious? No. Ngunit hindi ko parin maiwasan na tumabang tuwing nakikita siya. Nadidistract lang ako tuwing umiiyak na si Hannah at nag aalburoto na si Erin.

“Klare…” Ani Hannah nang umalis si Erin para bumili ng pagkain.

Tumingin agad si Claudette sa amin. Nakita ko ang nalulungkot na mga mata ni Liza at Julia para kay Hannah. Hinawakan ni Hannah ang braso ko at halos mahabag ako sa mga luhang nagbabadya ulit sa kanyang mga mata.

“T-Tulungan mo ako kay Elijah, o?” Aniya.

“H-ha?” Nanlaki ang mga mata ko.

“Last night, he texted me. Nagtanong siya kung kamusta ako at gusto niyang mag date kami sa Valentines day.” Medyo malungkot niyang sinabi.

“Ano?” Humilig si Claudette at hininaan niya ang kanyang boses.

Mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone para ipakita sa akin ang totoong mga text ni Elijah na nag yayaya sa kanya sa Valentines day isang linggo na lang simula ngayon.

“That’s bullshit.” Pabulong na sinabi ni Claudette.

Nang binaba ni Hannah ay nakita kong nagreply siya na sasama siya kay Elijah. That was really stupid! So stupid of her! Kinagat ko ang labi ko at tiningnan si Hannah sa kanyang mga mata.

“Elijah is bluffing. O kung totoong ididate ka nga niya, sigurado akong may oras iyon. At marami pa siyang ididate sa araw na iyon kaya kung ayaw mong masaktan ay wag mo na lang siyang siputin.” Naiinis ako kay Elijah at sa lahat ng pinaggagagawa niya.

Gusto ko siyang sugurin at pagsabihan ngunit mauungkat lang na bitter ako o nagsisisi ako sa mga desisyon ko para sa aming dalawa. No! Papanindigan ko ang aking desisyon. Oo, nasasaktan ako pero hindi ibig sabihin non ay babaliin ko na ang mg prinsipyo na iniwan sa akin ng mga nangyari.

“Klare, pakisabi naman na sana this time totohanan na.” Nanginig ang kanyang boses habang hinahawakan ang mga kamay ko.

Napalunok ako at nanuot sa aking dibdib ang hinaing niya.

“Paki sabi na umiiyak ako dahil sa kanya…” Pumikit siya at tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

Kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko. Naaawa ako sa mga taong nasasaktan niya dahil sa mga nanyari. Naiirita ako sa mga inasal niya ngunit wala akong magawa dahil hindi niya kailangan ng opinion ko. Hindi kailangan ni Elijah ang opinion ng babaeng tumulak sa kanya palayo.

Umihip ang malakas na hangin sa 6th floor ng Aggies building. Tanaw ko ang kabuuan ng divisoria sa labas at ang matatabang ulap sa langit. May klase ako dito tuwing alas tres ng hapon. Ngunit ngayong araw na ito, may sakit ang professor namin kaya take home quiz lang ang meron. Umalis na ang lahat para pumunta sa library habang ako ay nandito pa at naghihintay kay Claudette na pumunta sa kabilang building.

Minsan lang ako mag isa nitong mga nakaraang araw, kaya nilulubos ko na.

“Anong nangyari?” Narinig kong umalingawngaw ang boses ng isang lalaki sa gilid ko.

Napatalon ako at napatingin sa kanya. Nakita ko si Pierre na nakataas noo at blankong tiningnan ako. Noong nakaraang araw, nakita ko rin siya kasama si Hendrix ngunit hindi niya ako tiningnan. Si Hendrix lang iyong tumingin kaya nagulat ako ngayong nandito siya at kinakausap ako.

“Huh?” Wika ko.

Hinipan ng hangin ang buhok ko. Natabunan ang mukha ko kaya pinigilan ko silang lahat sa pagsayaw sa hangin.

“Anong nangyari sa inyo?” Aniya.

Tinikom ko ang bibig ko. Sa di malamang kadahilanan, alam ko agad kung ano ang ibig niyang sabihin.

“Anong nangyari at bakit nakikita ko ‘yong pinsan mong may kasamang iba’t-ibang babae?” Mas klarong tanong niya.

I looked away, “Pinsan ko siya. Hindi kami pwede.”

Hindi siya umimik. Para bang may hinihintay pa siya sa mga sinasabi ko.

“Lumayo kayo sa isa’t isa?” Tanong niya.

Nag igting ang bagang ko. Bakit kaya madalas mas madaling sabihin sa mga di mo kilala ang mga problema mo kesa sa mga kaibigan? “Oo.”

“Bakit? Dahil lang sa pinsan kayo?”

Tumingin ulit ako sa kanya. “Dahil pinsan kami.”

“Paano kung hindi kayo magpinsan, would you decide to push him away?” Malamig niyang sinabi.

Halos matawa ako sa sinabi niya. “Syempre, hindi, Pierre. Pero magpinsan kami.”

Tinikom niya ang kanyang bibig at humakbang palapit sa akin. Nagulat ako nang biglang tumagos ang titig niya sa likod ko at tumigil siya sa pag lapit. Ngumuso si Pierre sa akin at tinalikuran ako. Weirdo.

Hindi ko na siya tinanong kung saan siya pupunta. Lumingon na lang ako sa labas para salubungin ang malakas na ihip ng hangin nang biglang may nakita ulit ako sa gilid ng aking mga mata. Nakita ko si Elijah na nakatayo, mag isa at walang nakakapit sa kanyang braso.

Kumalabog ang puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit… Kung iyon ba ay dahil bawal kaming ganito o dahil mahal na mahal ko parin siya.

“Elijah.” Sabi ko.

Bumagsak ang kanyang mga mata. Halos humagulhol na ako nang nakitang humakbang siya papalapit sa akin. Pakiramdam ko ay bumabalik siya sa akin. Umatras ako dahil hindi ko kinaya ang lahat ng nararamdaman ko ngunit mabilis siyang naglakad para hilahin ang braso ko.

“Nakahanap ka agad ng bago?” Galit niyang utas.

Nanlaki ang mga mata ko. Ang ibig niya bang sabihin ay si Pierre?

“Are you using him to make me jealous?” Dagdag niya.

Nakita ko ang galit at lungkot sa kanyang mga mata. Tinanggal ko ang kamay niya sa aking braso.

“Stop it, Elijah, I’m not like you!” Sabi ko.

Nanliit ang mga mata niya. “Kung ganon, bakit kayo magkasama?”

“Nagkita lang kami dito! ‘Yon lang! Stop asking me questions like that. Ganon ba ang tingin mo sakin?” Sabi ko.

Nalaglag ang kanyang panga at huminahon siya. Pakiramdam ko tatalikuran niya ako sa galit na ipinakita niya…

“Klare…” Napapaos ang kanyang boses.

Nananaginip ba ako?

Nilagay niya ang aking ulo sa kanyang dibdib at hinagkan niya ako ng buong buo. Narinig ko ang mabilis na kalampag ng puso niya. Napansin ko rin ang mabilis na paghinga niya. Nalanghap ko ang bango niyang matagal ko nang di naamoy. It feels so right in his arms. Why is it so wrong? Akala ko ay patuloy siyang manlalamig sa akin pagkatapos ng lahat ngunit heto siya at nilalagay ako sa kanyang mga bisig.

“I miss you so much.” Bulong niya habang nanginginig ang kanyang boses.

Tinulak ko siya. I miss you, too. Dammit! Galit ko siyang tinulak at kinunot ko ang noo ko nang nagkaharap kami. I’m not going to rant about his recent love affairs. I’m not going to vent about his stupid relationships!

“Elijah, tama na nga. Wag mong saktan si Hannah. If you want to date, date those who are sport to that kind of arrangement-“

“I’m sorry.” Umiling siya at yumuko. Hinanap niya ang aking mga mata. “Nasaktan ba kita?”

Nalaglag ang panga ko sa tanong niya. Iyon ang dapat mong gawin, ang saktan ako. Hindi ako magrereklamo sayo. Oo, magrereklamo ako sa sarili ko pero hanggang doon na lang iyon.

“N-Nasaktan ba kita? I’m sorry for being a jerk!” Aniya at pumikit siya na para bang siya iyong nasasaktan.

“Elijah…” Nanginig ang boses ko.

Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakahaplos sa pisngi ko.

“Hindi ko kayang mag move on. Hindi ko kayang humanap ng ibang babae. Hindi ko kayang tumingin sa iba. Bawat galaw mo ang naaalala ko. Bawat salita mo ang nasa isip ko. Bawat tawa mo ang umaalingawngaw sa tainga ko. Klare, I can’t move on from you. Trying hard is futile.”

Nagbara ang lalamunan ko sa mga sinabi niya. Nangingilid na ang luha ko at hindi na ako makahinga. I’m so feircely in love with him. Na nasa gitna na naman ako ngayon ng pakikipaglaban sa kung ano ang tama at sa kung ano ang hindi.

“Klare, isang salita mo lang na mahal mo ulit ako ay ipaglalaban kita hanggang sa maubos ako.”

Humagulhol na ako sa mga salitang binitiwan niya. I can’t bear it anymore. I am so in love with him and it hurts so much that I can’t do anything about us.

Kung sana ay pwedeng mabuhay kami sa ibang panahon, sa ibang pagkakataon, sa ibang katauhan ay matagal na akong sumugal. But our family’s wrath will drown us if we push through this. Hindi ako nagdesisyon dahil spur of the moment lang, ang desisyong ginawa ko noon ay may markang kawakasan. Pinag isipan ko iyon ng mabuti simula pa lang.

“Elijah, can’t you see why I’m doing this?”

“KLARE, I CAN’T STAY IN THIS FUCKING COUNTRY WITH YOU NOT MINE!” Sigaw niya sa akin. “This will be either we’ll run away… or I will run away alone and forget you!”

Nabasag ang puso ko sa kanyang sinabi. Yes. That’s probably the smartest thing to do, Elijah. Kung hindi natin kayang iwasan ang isa’t-isa habang nandito ka ay maaaring pareho tayong hindi makaahon sa pagkakahulog na ito. We’ll leave this chapter her. We’ll close it now. Iyon ang kailangan naming dalawa, closure.

“Klare, baby, please…” Pumikit siya. “Please choose me this time. Please be with me. Magiging okay tayong dalawa. I’ll work hard for us. We don’t need our families support. I only need you. I know I only need you.” Nagmamakaawa na ang boses niya sa akin.

Bumuhos ang luha ko at hindi ko na kayang patagalin pa ito.

“Elijah, listen. I am in love with you.”

Nag angat siya ng tingin sa akin habang pinupunasan niya ang kanyang sariling luha. “Dammit!” Aniya sa kanyang luhang hindi tumitigil.

“Pero hindi talaga tayo pwede. We will hurt our family. Itatakwil nila tayo at sa tingin mo ba ay magiging masaya tayong dalawa pag nangyari ‘yon-“

“I don’t care as long as I have you-“

“No, Elijah.” Sabi ko sabay iling. “You don’t care about it now, what about in the long run? You’ll miss Ate Yas, I’ll miss Charles. We’ll miss our mom and dads. Paano kung sa desisyon mong ito ay magkasakit si Tito Exel? We’ll rot in guilt!” Sabi ko.

Umiling siya. “I don’t care.”

Nalungkot ako sa kanyang sinabi. I couldn’t believe it. Hindi ko kaya kong iyon ang mangyari sa aming dalawa at ayaw kong wala siyang pakealam. It’s our family.

“Elijah, halos magkapareha ang dugong nananalaytay sa atin. Ma-Maaring pag mag desisyon tayong magkaanak, hindi ba sinabi nilang magkakaroon ng defects pag-“

“I only need you. I don’t need anything else anymore, Klare.” Singit niya.

Pumikit ako at nanghina. How will I make him understand?

“Elijah, this is my decision. This is what I want to happen.” Sabi ko.

Hindi siya kumibo. Sumandal siya sa railing, tumingala, at pumikit.

Sa mahabang mga minutong nagdaan ay ganoon lang kaming dalawa. I wish I could just stay here with him. Sana ay tumigil ang panahon at hindi na namin kailangang mag alala pa.

“I want you to understand my decision. Kung mahal mo talaga ako, maiintindihan mo iyon.”

Nilingon niya ako. “Don’t turn my love against me, Klare.”

Umiling ako. “I just want you to understand. Balang araw, pag umibig ka sa iba, maiintindihan mo ito lahat.”

“I’ll be damned if that day comes.”

“It’s not impossible, Elijah.”

Pumikit siya at humilig sa haligi. Ilang sandali ay dumilat siya at tiningnan ako nang nakakagat ang kanyang labi.

Kumalabog ang puso ko. I don’t know… I’m… Dammit.

Hinigit niya ang kamay ko at marahan niya ulit akong niyakap. Nangatog ang binti ko sa yakap niya. Mahigpit na mahigpit ito at ayaw ko ng bumitaw. Pumikit ako at dinama siya.

“That was my best shot.” Bulong niya. “Baby…”

Kinurot ang puso ko. Totohanan na ito? Eto na talaga? Ito na ba talaga? Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang paborito kong mga mata na nakatingin din sakin.

“Ihatid niyo ako ni Azi sa airport ngayong Valentines Day?”

Mas nabasag pa ang wasak kong puso sa kanyang linya. Lumayo ako sa kanya at narinig ko agad ang mahihinang mga yapak ni Claudette.

“Done?” Aniya sabay halukipkip.

“Yup, Dette. Thanks. Done.” Ani Elijah habang kinukusot ang kanyang mga mata.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Until He Was Gone – Kabanata 47

Kabanata 47

I’m Done

Grounded ako. Nagkulong sa kwarto nang walang cellphone hanggang nag New Year. Kinakausap lang ako nina mommy at daddy sa malamig na tono pag kailangan ko nang kumain. Ni walang kamuwang muwang si Charles sa nangyayari.

“Hey, ate, can you text Kuya Elijah to come over? I wanna jog.” Ani Charles.

Tinitigan ko lang ang kapatid ko. Hindi ko mahanap ang mga salita na dapat kong gamitin para sabihin sa kanyang hindi pwede. Suminghap si mommy at hinawakan ang likod ni Charles kaya bumaling si Charles sa kaya.

“Kuya Elijah is busy, Charles. Do you want to be with your classmates? Ihahatid kita mamaya kina Toby.” Ani mommy.

Pumikit ako. This is the day. Kumalabog agad ang puso ko nang nag sink in ang mangyayari ngayong araw sa akin. Tumayo ako kahit na ko konti lang ang nagalaw ko sa aking pagkain. Tumingala si daddy sa akin.

“Klare, di ka pa tapos kumain.” Malamig niyang utas.

“I’m done, dad. Sa kwarto lang ako.” Sabi ko.

“Klare, wag kang bastos. Charles is here and we are eating.” Ani mommy.

Tinikom ko ang bibig ko. Mahal na mahal ko si mommy at daddy pero siguro, sa buhay ng isang tao, aabot ka sa punto na mailap ka sa kanila. Lalo na ngayong malamig silang pareho sa akin dahil sa nangyari sa amin ni Elijah.

Bumalik ako sa pagkakaupo. Gustong gusto kong umangal at dumiretso na lang sa kwarto kaya lang ay ayaw ko nang dagdagan pa ang pinsala ng nangyari.

“Ate? Are you okay?” Tanong ni Charles sabay kunot noo.

Tumango ako at pinilit na ngumisi. “Masakit lang ang tiyan ko, Charles.”

Parang piniga ang puso ko. Dadating at dadating ka pala talaga sa punto na ang simpleng tanong ng isang tao ay nakakapag pagaan na ng loob sa’yo. Pakiramdam ko ay kalaban ko na ang lahat, at si Charles na walang ka muwang muwang na lang ang natitira sa akin. Gusto ko siyang yakapin at gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng problema ko. But I’m sure he’ll never understand. Siguro ay ang isasagot niya lang sa akin ay si Elijah.

Hinintay kong matapos si Charles bago ako umalis ng hapag para sa kwarto ko. Ganoon ang eksena parati. Pero sa araw na ito, iba…

Kumalabog ang puso ko nang narinig ang doorbell sa labas. Hindi pa oras. May dalawang oras pa bago pumunta ang mga relatives namin dito ngunit may mga nauna.

“Klare?” Narinig ko ang mahinhing boses ni Claudette habang kumakatok sa pintuan ko.

Pumikit ako sa aking kama. I’m not sure if I want to talk.

“Klare, please open?” Aniya.

Suminghap ako at tumayo galing sa pagkakahiga. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang malulungkot na mga mata ni Claudette. Ang mahaba niyang buhok ay naka half pony tail at nakasuot siya ng puting dress. Tinalikuran ko agad siya para maupo sa kama.

Bihis na siya, hindi tulad kong naka shorts at over sized t-shirt lang. Bakit ko kailangang magbihis kung ngayon kami hahatulan ni Elijah? No need to wear something grand for something tragic.

Nilagay ko ang baba ko sa tuhod ko at naging tulala na lang sa sahig habang naririnig ang mga buntong hininga ni Claudette pagkatapos isarado ang pintuan.

“Anong plano mo?” Tanong niya.

Tumikhim ako. “Tulad nang gustong mangyari nina Erin at Chanel.”

Umiling siya at umupo sa tabi ko. “Hindi ako nandito dahil inutos nila. I want to know the truth from you. Iyong nararamdaman mo. Iyong tunay mong plano. I won’t tell, Klare.”

Inangat ko ang mukha ko para makita ang kanyang mala pusang mga mata. Observant talaga si Claudette. Oo nga’t nakikita niya sa aking mga mata kung ano ang gusto ko ngunit hindi ibig sabihin na kung ano ang gusto ko ay iyon ang masusunod. Sometimes, you need to sacrifice the things you love for greater things. Mas matimbang parin ang pamilya namin para sa akin. Simula pa lang ay alam ko na iyon. Nag aalinlangan ako pag nakikita si Elijah na nasasaktan, kasi mahal na mahal ko siya. But I know better… we need to set each other free for the sake of our family, for our own sakes, too.

Alam kong hindi iyon maiintindihan ng mga taong nagmamahal. Kasi pag nagmamahal ka, ‘yong iniibig mo lang dapat ang iniisip mo. Sana ay ganon ka simple. Sana ay nagmahal ako at ang iisipin ko lang ay ang sakit na maidudulot sa akin ng mahal ko o kung paano ko siya mapapanatiling nahuhumaling sa akin. But this is a different situation… we carry a baggage. Hindi lang kami ang nandito. Hindi lang kami ang iniisip ko. Maraming ibang tao, na mahal ko rin, na ayaw kong saktan.

“Clau, I can’t leave but he can. So I will push him away.” Simple kong sinabi.

“P-Pero Klare, hindi mo ba siya mahal?” Nagkasalubong ang kilay ni Claudette.

“Mahal na mahal.” KInagat ko ang labi ko. “Kaya nga ito ang desisyon ko. Kaya nga papakawalan ko siya. Do you think he’ll be happy with me sa oras na itakwil siya ng kanyang pamilya?”

Nag iwas ng tingin si Claudette.

“Nakita ko na iyon sa mga movies, nabasa sa mga libro, nakita sa ibang tao… Lahat tayo, may kakayahang ma fall-out of love sa mga taong minamahal natin… lahat tayo, may kakayahang mag move on. Maaring pakiramdam mo ay imposible sa ngayon, pero gaya ng ipinakita sa mga pelikula, libro, at karanasan ng ibang tao, posible iyon. Masyado namang ata akong espesyal kung sa lahat ng tao ay ako lang ang hindi maka move on pagkatapos ng ilang taon, dekada, o kung kailan pa man. Matagal, oo, pero hindi imposible. I will cling to that faint hope. I will move on, someday. And he will, too.”

Nang nilingon ko si Claudette ay nagulat ako nang pulang pula ang kanyang ilong at bumubuhos na ang kanyang luha.

“Klare, Klare…” Humikbi siya. “P-Paano na ‘yan? Elijah will fight for you!”

Ang tono ng kanyang basag na boses ay mas lalong nagpahabag sa akin.

“Klare, nang umuwi ang kanyang mommy at daddy kasama si Kuya Just at Ate Yas dito hindi nila tinatantanan si Elijah. Si Elijah ang may ayaw na iwan ka. Sobra sobra ang pagmamahal niya sayo!”

Alam ko. Alam ko kaya nga mas lalong masakit. Sobrang sakit na pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa sakit.

“Sobra sobra din ang pagmamahal ko sa kanya kaya ko ito gagawin, Clau.”

HIndi ko tinahan si Claudette. Kusa siyang nagpunas ng kanyang luha. Ni hindi ko siya matignan. Ako ang puno’t dulo ng gulo sa pamilyang ito. Kung tutuosin, dapat ay ako ang umalis at mawala. Kung may matatakbuhan lang ako bukod sa impyerno ay matagal na akong kumaripas.

“Sigurado ka na ba talaga? Masasaktan mo siya.” Aniya.

“Nasaktan ko na siya. At oo, masasaktan ko ulit siya, Claudette pero panandaliang sakit lang ito kumpara sa maidudulot ko sa kanya at sa buong pamilya pag naging makasarili kami.”

“But Klare-“

“Do you think I’m in love with the thought of hurting him? Akala mo ba nasisiyahan ako sa mga nangyayari? Akala mo ba madali sa akin ang lahat, Clau? Alam mo kung ano ‘yong madali? ‘Yong higitin na lang si Elijah palayo sa bahay na ito at tumakbo palayo sa inyo. Iyon ang madali. Pero pinili ko itong masakit dahil ito ang tama. Ayaw kong maging makasarili siya dahil sa akin. Pipiliin kong masaktan sa ganitong paraan kesa sa masaktan kayong lahat.”

Nasa gilid ng mga mata ko ang mga luha pero hindi sila bumubuhos. Syempre, ilang araw na rin akong ganito at ilang araw ko na rin itong iniisip.

“Ang madaling gawin ay ang iwan na lang kayo at mahalin siya. Effortless, Claudette. You get that? But it’s wrong! And I want to love him right!”

Tumikhim si Claudette at tiningnan ang panyo niyang hinahawakan. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang paparaming tao sa aming bahay. Tumayo si Claudette at nagpaalam para lumabas. Tumango ako at hinayaan siya.

Kumalabog ang puso ko nang nakita ang mga kamay ng relo. It’s time. Hindi ako nagkamali. Isang iglap lang ay kinatok na agad ako ni mommy.

“Klare, lumabas ka na.” Aniya.

I didn’t move. Mabilis na pinihit ni mommy ang doorknob. For some reason, hindi niya agad iyon nabuksan. Pinanood kong gumagalaw ang doorknob hanggang sa bumukas ang pintuan at nakita ko siyang mabilis ang hininga.

Tinakpan niya ang kanyang bibig at nakita kong may luhang lumandas sa kanyang pisngi. That was weird. Suminghap siya at inayos ang sarili.

“What a-are you waiting for? N-Naghihintay na ang mga tito mo.” Pinasadahan niya ako ng tingin. “H-Hindi ka nagbihis? Nevermind… Let’s go.” Aniya at bakas parin ang pamumutla sa kanyang mukha.

Umiling ako at may napagtanto. Madaling mahulaan si mommy. Siguro ay naisip niyang may ginawa akong mali, like slitting my wrist or drinking poison. Pakiramdam ko inisip ni mommy na ganon nga ang ginawa ko dahil sa depression. Pangatlong beses na iyon nangyari simula nang nalaman niya ang tungkol sa amin ni Elijah. Parang nagkakapanic attack siya tuwing binubuksan ang pintuan.

Tumayo ako at lumabas. Pagkarating sa sala ay bumungad agad sa akin ang naka salampak sa sofang si Elijah. Nakatingin siya sa patay na TV. Kulay grey ang kanyang jacket at parang papasyal lang kung saan. Katabi niya si Kuya Justin at sa likod niya, nakatayo si Ate Yasmin.

Malungkot akong tinitigan ni Ate Yas. What can I say? I’m glad they’re all here? No. I’m not glad.

Pinasadahan ko ng tingin sina Erin, Chanel, at Claudette sa kabilang sofa. Parehong tulala. Si Rafael naman at Azi ay nakatayo malapit sa bintana. Si Josiah at Damon ay nag uusap sa movie room. Nakaupo sa dining table ang mga tito at tita ko. Kumpleto silang lahat ngunit wala akong makitang bahid ng kasiyahan dahil sa katotohanang iyon.

“Tito…” Sabay kuha ko sa kamay ng pinakamalapit sakin na si Tito Az.

Hinawi niya agad ang kanyang kamay. Ayaw niyang mag pa mano sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari. Narinig kong suminghap si Azi sa malayo at nagmura. Umangal ang kanyang asawa na si Tita Claudine.

Ang kanina pang nangingilid na luha ay bumuhos na sa pisngi ko. Hinila ako ni mommy at pinaupo sa gilid niya.

“Azrael, wag ka nga-“

“We need to clear things out.” Matigas na sinabi ni Tito Az. “Walang makikipag relasyon sa inyo ng family member. That is the rule of man, the rule of everyone.”

Nag iwas ako ng tingin sa kanilang lahat. Palihim kong pinunasan ang aking mga luha. That was a blow! Dammit!

“I am disappointed, Klare.” Ani Tito Az.

Hindi ako kumibo. Nagkasundo na kami ng sarili ko. Hahayaan ko sila sa kung anong hinanakit na sasabihin nila. Hahayaan ko sila hanggang sa pagsasalitain nila ako.

“Ikaw ang babae, ikaw ang umiwas.”

“Tito, umiwas siya-” Singit ni Elijah.

“Shut the hell up, Elijah!” Sigaw ng kanyang daddy.

Pumikit ako at nagdasal na sana ay matapos na ito. Alam kong imposible. Simula pa lang ito.

“Stop defending her!” Ani Tito Exel na daddy ni Elijah.

“I said I’m in love with her, dad! Hindi iyong siya-“

“ELIJAH!” Pigil ng kanyang daddy.

Nakita kong nilapitan na ng mommy ni Elijah si Tito Exel. Lumapit din sina Tita Claudine sa kanya. I’m scared. I hope Elijah would just stop talking. Si Tito Exel ang eldest sa mga kapatid ni daddy, siya ang pinakamatanda. Hindi ko alam kung malusog pa ba siya pero sa inasta ni Tita ay mukhang hindi. Inaalala nila ang kanyang kalusugan.

“Elijah, will you just listen and stop talking?” Ani Ate Yasmin sa kapatid niya.

Natahimik kaming lahat. Naghintay ako sa susunod na atake nila sa akin.

“Klare, what happened? Pareho kayong Montefalco. You are cousins! Magkadugo kayo. Alam mong hindi pwede. Batas ng Diyos at sa batas ng tao mismo, hindi kayo kailanman magiging pwede. Hindi ba kayo kinilabutan?” Ani Tita Claudine.

Malumanay siya at nakakapagkalma. Hindi ko siya tiningnan. Ang sahig na lang ang tanging kaibigan ko sa ngayon.

“Of course kinilabutan sila, mom.” Ani Azi. “Obvious ba? Kinilabutan nga tayo!”

“Azrael!” Ani Tito Az.

Kinagat agad ni Azi ang kanyang labi at tumingin siya sa labas ng bintana namin.

“My point is, kung alam niyong bawal, mali, bakit niyo pinagpatuloy? Why did you two nurture the feelings? Sana, nang naramdaman mo ito, Elijah, umalis ka na lang kung hindi mo maiwasan si Klare. At ikaw, Klare, sana ay umiwas ka na lang kay Elijah-“

“Claudine, let’s get to the main point. I don’t want to hear all the dramas about my son and their daughter!” Ani Tito Exel.

“Claud, mas mabuti pa nga.” Sabay tingin ni daddy sa akin. “Napagsabihan na namin ni Helena si Klare. Naiintindihan niya. She knows what to do. We did not raise her like that-“

“What do you mean, Lorenzo? Na pinalaki namin si Elijah na ganyan? That’s a next step to bestiality!” Ani Tito Exel!

“EXEL! You are being harsh!” Sigaw naman ng mommy ni Elijah.

Lumipad ang paningin ko kay Elijah na ngayon ay nakapikit at pinagdugtong ang mga daliri sa kanyang kaliwang kamay sa kanan habang humihilig dito. Nagtitimpi siya. Alam kong nagtitimpi siya. Sana ay manatili siyang ganyan. Magulo na ang lahat at nag aaway na! Ni wala pa kaming sinasabi at ginagawa ay halos mag away na ang dati’y malapit na magkapatid. Daddy and Tito Exel, ang Tita Beatrice na mommy ni Elijah at si Tito Exel mismo.

“Don’t be harsh to your son and to Klare! Anong magagawa natin sa dalawang ito kung ganon ang nararamdaman nila? Leave it alone! Feelings fade, anyway! Stop overreacting!” Sabay tingin ni Tita Beatrice sa akin.

Napalunok ako.

“Klare…” Nakakapanindig balahibong tawag ni Tita Beatrice sa akin.

Elijah got most of his features from his dad, kahit iyong mga mata niya. Pero ngayong kaharap ko si tita Beatrice, napagtanto kong nakuha niya kay tita ang kanyang gilas.

“What are your thoughts?” Tanong niya.

Hindi ako umimik. Hinayaan kong magsalita ang umaambang si Ate Yas.

“Dadalhin namin si Elijah sa States-“

“No way. I’m staying here.” Ani Elijah.

Nakaawang ang bibig ni Ate Yasmin at tiningnan niya ang nakapikit paring si Elijah habang hinihilig ang ulo sa sofa at pinaglalaruan ang kanyang gold na kwintas.

“Klare, anong sasabihin mo?” Ulit ni Tita Beatrice.

Pumikit ako at suminghap. “Iiwasan ko po si Elijah.”

“WHAT A LOAD OF CRAP-” Ani Elijah na nilapitan ni Rafael at halos suntukin.

Pinigilan ni Josiah si Rafael. Sabay sabay na nag ilingan ang mga tito at tita namin habang nanggagalaiting tinuturo ni Rafael si Elijah.

“Heard it, respect it! Tangina mo, you are one selfish asshole!”

“Raf!” Tumayo si Chanel at tumulong sa paglayo kay Rafael.

Nag igting ang bagang ni Elijah. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ito. Hindi ko rin alam kung saan ako humugot ng mga salita para masabi sa kanilang lahat ito.

“I love him, po. Hindi ko iyon idedeny.” Sabi ko at agad dumilat si Elijah at tumingin sa akin.

“I love her, too. Now tell me what’s wrong-“

“What’s wrong is your love for each other, Elijah! Iyon ang maling mali! Iyon ‘yon kaya tumahimik ka!” Ani Erin.

“This is not a question of who loves who. There is no question here, son.” Ani Tito Exel kay Elijah. “Ang tanging tama at ang kailangan niyong gawin ay ang itigil ang kahibangang ito. Incest is evil. Loving her is evil.”

“I never thought I was an angel, dad.” Ani Elijah.

“Ej, stop answering. Just listen.” Anang mahinahon na si Kuya Justin.

“But Klare isn’t evil.” Dagdag ni Tita Beatrice sabay tingin sa akin.

“Surely, my daughter isn’t evil.” Sabay tingin ni daddy sa akin. “Kuya Exel, I raised her and I know her. Klare will choose what is right. And you heard her. Let’s all trust her.”

Tumingin silang lahat sa akin. I knew it! It’s all up to me!

“Yes po. Umasa kayo sa akin. Hindi na po ako uulit. I’ve learned my lessons. Incest is evil.” Inulit ko iyon na parang robot. “At mas importante po sa akin ang pamilya natin. Bata pa po kami ni Elijah, I will find someone else soon, he will too. We can all move on from this.” Sabi ko. “Alam ko pong hindi ito maiintindihan ni Elijah, pero sa oras na maging okay na ang lahat at maka move on na tayo, doon lang niya maappreciate ‘yong desisyon ko. Sa tingin ko ito talaga ang tama. Mali na minahal ko siya at mali rin na mahal niya ako. Mali rin na hinayaan ko ang damdamin namin. Pinagsisisihan ko po ang lahat ng namagitan sa aming dalawa.”

Tumayo si Elijah habang nagsasalita ako.

“Alright. I’m done. We’re done. Happy now? Hindi ko na siya guguluhin o gagambalain. Hindi rin ako aalis. I’ll stay here and date all the girls that I want except for her. Makakaasa kayong lahat. Makakaasa ka, Klare.” At umalis.

Sumunod si Azi sa kanya. Bumagsak ang mata ko sa aking mga kamay. Yes, Elijah. Hate me, baby. Hate me, alright?


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Until He Was Gone – Kabanata 46

Kabanata 46

Allowed

“No…” Umiling si Elijah ngunit hindi niya ako napigilan.

Hinawi ko ang kanyang malalambot na kamay nang dumapo iyon sa magkabilang balikat ko para pigilan ako sa pag alis.

“No, Klare… No, no, no!” Aniya habang sinusundan ako.

Napatalon si Rafael at si Damon nang nakita ako. Mukha silang nagbabantay doon sa sala para walang makapasok sa bahay nina Elijah habang gumagawa kami ng scene sa CR.

“No, baby, baby, please…” Hinawakan ulit ni Elijah ang siko ko kaya binagsak ko ang braso ko at hinarap siya.

“Stop it! I want to leave!” Sabi ko kahit na wasak na ang puso ko sa kakatingin sa mga luha niya. “We can’t be…”

Sana ay tama ang pagyakap sa kanya ngayon at ang pagpunas sa kanyang luha. Sana ay tama kung hawakan ko ang pisngi niya at ilagay siya sa aking balikat para damhin ang mabilis na pintig kanyang puso, pakalmahin para tumahan. Sana ay tama kung sabihin ko sa kanyang mahal ko siya at kaya namin ‘to. Kasi kung tama iyon, gagawin ko ang lahat para lang maging kami. Ngunit hindi iyon tama. At kailanman, hindi iyon magiging tama.

Tinalikuran ko ulit siya ngunit hinawakan niya ang braso ko at hinila niya ako patungo sa kanyang mga bisig. Binalot niya ako ng kanyang braso sa harap nang nanlalaking mga mata ni Damon at Rafael. Niyakap niya ako galing sa likuran at ibinaon niya ang kanyang basang pisngi sa aking leeg. Nag pumiglas ako kahit na nanghihina na. Bumuhos ang luha ko sa ginawa niya.

“Klare, Klare, hush… Please… Listen to me. We can get through this. We can do this together.”

Umiling ako at nawalan na ng lakas. Tumigil ako sa pagpiglas ngunit mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin. Iyon ang naging pinaka mahigpit niyang yakap. Para bang sa oras na kumalas siya ay hindi na ulit ako babalik, hindi niya na ulit ako makukuha. It was heartbreaking. Hindi ko kayang maramdaman iyon.

“Elijah…” Bumuhos ang luha ko at hinawakan ko ang kanyang braso.

“Stay.” Bulong niya sa leeg ko.

Shit! Dammit! I want to. Gusto ko na lang umupo sa kinatatayuan namin dahil sa panghihina. Gusto ko siyang sundin. Gusto kong maging tama ang lahat. I want to be with him. But this is all wrong.

“Elijah, hindi ako makahinga.” I lied.

Iyon ang tanging paraan para kumalas siya. Iyong malaman na nasasaktan na ako. Iyon lang talaga. And that is how he will let me go. That is how it should be. Dahil kung hindi ay hindi ko na alam kung paano.

“Elijah…” Dinig kong mahinahon na sambit ni Rafael habang nilalapitan si Elijah.

Lumayo ako at mabilis na pumalit si Rafael sa kinatayuan ko.

“Raf!” Umigting ang kanyang panga sa pagharang na ginawa ni Rafael sa aming dalawa.

Narinig ko ang tawanan sa labas. Mabuti na lang at walang ibang nakarinig. Wala na akong pakealam kung malaman man ng mga pinsan ko ang lahat ng tungkol sa amin ni Elijah. Alam ko namang hindi nila iyon sasabihin sa mga magulang namin.

Hinila ako ni Damon palayo sa kay Elijah na ngayon ay nakikipagtitigan at galit sa pagharang ni Rafael.

“Daan tayo sa main gate. Di ka mahahalata. Azi is waiting. Sina Chanel nasa party pa para walang makahalata-“

Naiiyak ulit ako habang tumatango. Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan namin si Elijah. Kinukurot ang puso ko at tinalikuran si Elijah.

“Damon!” Sigaw ni Elijah nang naglakad na kami ni Damon.

Lumingon ako at nakita kong nakahawak si Rafael sa kanyang panga. What? Did Elijah hit him?

Tinulak ako ni Damon. “Klare! Go!”

Nakita ko ang nakakaawang mga mata ni Elijah. Halos mag ugat ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko talaga kayang panindigan na gusto ko na siyang mawala. I can tell him that. But I will always look sad. Hindi ko parin kayang peke-in ang aking damdamin.

“Klare!” Sigaw ni Elijah nang nakarating na ako sa sala at nagmadali na ako.

“Fuck it, Elijah! Heard her, right? She wants you to leave! If the girl wants you to leave! Respect it! Kung gusto rin niyang umalis, respetuhin mo! Don’t be pathetic!”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Damon kay Elijah. Hindi ko na ulit narinig ang boses niya nang nakalabas ako sa bahay nila. Masikip na masikip ang dibdib ko habang tumatakbo palabas ng gate nila. Nakaabang na ang sasakyan ni Azi sa akin. Nakababa ang kanyang salamin at kitang kita ko ang gulat niyang mukha at namumutla niyang labi. Binuksan niya ang pintuan galing sa loob at agad na akong pumasok.

Inayos ko ang sarili ko at hindi na ulit siya tiningnan. Pinaandar niya ang kanyang sasakyan ng walang imik.

Habang nakikita na paalis na ako sa village nina Elijah ay hindi ko na naman mapigilan ang luha ko. Naalala ko kung paano niya ako tingnan kahit sinasaktan ko siya. I just want him to be harsh to me. I need him to be harsh to me.

Bakit kaya magagawa mo paring mag kwestyon sa mga desisyong alam mong tama? Bakit hindi parin buo ang loob ko sa desisyon ko? Kasi kahit na binitiwan ko na ang mga salitang masasakit kay Elijah ay hanggang ngayon nag dadalawang isip parin ako sa desisyon kong ito. But it’s the right thing to do. That’s the only reason. And it should be enough.

Napapaos ang boses ni Azi kaya umubo siya bago magsalita. “K-Klare, ayaw mo bang bumalik?”

Nilingon ko siya at nakita kong diretso parin ang titig niya sa kalsada. Dumaan ang mga repleksyon ng mga ilaw sa kanyang mukha at nakita kong namumutla parin siya. “No. Kung babalik ako, baka di na ako umuwi.” Pakiramdam ko iyon ang tanging totoo sa lahat ng mga sinabi ko ngayong araw.

Come to think of it, I’ve been lying for the past two days. Masarap sa pakiramdam ang magsabi ng totoo minsan. Kinagat ko agad ang labi ko. Dapat ay hindi ko iyon sinabi. Lalo na kay Azi.

“Why are you giving me that choice, Azi?” Tanong ko nang napagtanto kung ano ang ibig sabihin ng kanyang tanong.

“I don’t know… Coz Elijah’s hurt?” Nilingon niya ako.

Hindi ko inasahan na magseseryoso siya minsan. Umiling ako at ngumisi. Ngumingisi ako kasi hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

“Pabor ka ba sa incest?” Tanong ko.

Nag igting ang kanyang panga at hindi siya umimik.

Tumango ako. “Then don’t joke about that.”

“Elijah deserved an explanation-“

“I explained it to him, Azrael.” Sabi ko.

“You didn’t. I heard the conversation, Klare! Nakita kong nakasandal ang noo ni Elijah sa pintuan at halos magmakaawa sayo!” Galit niyang sinabi.

“Alam na niya! Alam niya na ganito ang mangyayari! Ayokong magkasiraan ang pamilya natin! Ayaw kong madungisan ang pangalan niya! I want him to be free from this! He deserved better! We’re too young!” Tinakpan ko ang bibig ko.

Hindi ko alam kung sinasabi ko ba ito kay Azi o sa aking sarili. Pakiramdam ko ay ineexplain ko sa aking sarili para maalala ko kung bakit ako nag desisyon nito.

“He’s in love with you!” Aniya at hinampas ang manibela nang dumaan kami sa tulay.

Nakita ko ang malawak na ilog ng Cagayan de Oro. Hindi ko kayang tingnan na seryoso si Azi. At hindi ko rin kayang marinig sa kanya iyong huling sinabi niya lalo na’t siya ang pinaka malapit kay Elijah.

“Alam mo, Klare? Noon pa man, naramdaman ko na na may espesyal sa pakikitungo niya sayo pero binalewala ko iyon dahil magpinsan tayong lahat! Pero ngayon? God!” Tumingala siya at naaninag ko na agad ang bahay namin.

I want him to stop talking. Pakiramdam ko’y kahit malayo ay maririnig kami ng mga magulang ko.

Itinigil niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng Montefalco Building.

“Ngayon ko lang napagtagpi tagpi ang lahat-“

Hindi ko na siya pinatapos. Padabog kong sinarado ang sasakyan niya. Hindi ko na kailangang marinig ang lahat ng iyan. I’ve suffered enough and I will suffer more from regrets, blame, what-ifs, and the past. Hindi ko na kailangang marinig pa ang lahat ng sasabihin niya.

Pinikit ko ang mga mata ko at tinakpan ko ang mukha ko sa loob ng elevator. Huminga ako ng malalim nang bumukas ito sa third floor. Sana ay tulog na sina mommy at daddy. It’s 11:30PM, anyway.

Binuksan ko ang pintuan at dahan dahan akong pumasok. Ilaw na lang sa sala ang nagbibigay liwanag. Huminga ulit ako ng malalim nang napagtantong nasa loob na sila ng kani kanilang kwarto.

Pumasok ako sa kwarto ko at naging tulala sa loob ng limang minuto. Hindi pa nag si-sink in sa akin lahat ng nangyari. Iyong mga sinabi ko kay Elijah. Iyong pag yakap niya sa akin. Halos mag makaawa na siya. Naiisip ko kung paano pumungay ang mga mata niya buong panahong binabantaan ko siyang iiwan ko siya. At sa bawat pagtawag niya sa akin ng ‘baby’, halos isumpa ko ang sarili ko.

Umupo ako sa kama at napatalon ako nang may tumawag sa cellphone ko. Noong una ay buong akala ko si Elijah iyon. Nang nakita kong si Chanel ang tumatawag ay bumuntong hininga ako. I want him to rest for tonight. I want him to just sleep in his room and forget about what happened. I want him to dream of good things and forget me, even just through sleep.

Alam kong sa sinabi ni Damon ay malamang natauhan siya. Lumunok ako at sinagot iyong tawag.

Nanginginig ang boses ni Chanel habang tumatawag. Ginapangan ako ng kaba.

“Klare, p-papunta na si Elijah diyan.” Aniya.

Naririnig ko si Josiah sa background na nag mumura.

“Hindi namin siya napigilan. We are chasing him right now. Don’t worry about our friends. Wala silang alam sa nangyayari. Si Erin at Claudette na ang nag- Oh my God! He’s outside your house!”

SHIT! Pinatay ko agad ang cellphone ko. Pinatay ko rin ang ilaw ng aking kwarto at gumapang ako sa aking kama. Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Dahil masyado nang tahimik ay narinig ko agad ang doorbell namin.

Nagkabuhol buhol na ang utak ko. Shall I open the door? Or just stay here? Pero bago pa ako nakapag desisyon ay narinig ko na ang pagbubukas ng pintuan sa malayo.

Hindi ko alam kung sino ang nag papasok sa kanya. Was it dad? Mom? Manang? Ewan ko. Sana ay si manang na lang.

Narinig ko ang mga yapak. Mariin akong pumikit hanggang sa may kumatok sa pintuan. “Klare, open up.” Napapaos at pabulong na boses ni Elijah.

“Go away.” Sabi ko.

Hindi siya umimik. Narinig ko na lang ang marahang pagkalabog ng pintuan. He’s still outside. Siguro ay humihilig sa aking pintuan.

“Elijah, leave me alone.” Mariin kong sinabi.

Hindi ulit siya umimik. Tumingin ako sa aking pintuan, kahit madilim ay kitang kita ko ang repleksyon ng ilaw sa labas sa tiles.

“Yup. I’ll leave. I just want to calm myself down. Give me a minute.”

Suminghap ako sa kanyang sinabi. I thought he’ll fight. Akala ko ay pumunta siya rito para ipagdiinan sa akin na gusto niya akong makausap. Totoong ayaw ko muna siyang makausap, ngunit ang marinig sa kanya na aalis din siya ay masakit din pala.

Kinilabutan ako nang narinig ang boses ni Daddy. “Klare?” Narinig ko ang kanyang yapak.

Hindi ako sumagot. Ngunit nanlaki ang mga mata ko. Nagising si daddy at silang dalawa ni Elijah ang nasa labas?

“Klare, Elijah’s here. Sinabi niya saking nag away kayo and he wants to apologize.” Singhap ni daddy.

Hindi ako umimik. Will it be safer if I just pretend that I’m asleep?

“Klarey?” Tawag ni daddy sa akin. “I know you’re awake. Kakapasok mo lang sa kwarto. At hindi ito ang unang beses na nagpanggap kang tulog.”

Napaupo ako sa aking kama. Oh shit! I should just really pretend that I’m asleep.

“If you’re asleep then I’ll open the door and check on you-“

“Dad, paki sabi kay Elijah na bukas na kami mag uusap.” Sabi ko.

“Oh? So you are awake. Harapin mo na itong si Elijah nang makauwi na ito. Just talk and it’s done. Malaki ba ang away niyo, Elijah?”

“No, tito. Just… a small argument. I’ll leave now. Okay lang.”

FUCK! Fuck the small argument, Elijah! Just… Kinagat ko ang labi ko at tumayo na. Narinig ko ang mahinahong boses ni mommy sa labas. Maging siya ay nagising sa pagpunta ni Elijah.

“Elijah, ba’t kayo nag away? Sorry kay Klare, medyo mahirap intindihin madalas ang batang ito.” Ani mommy.

Lumapit ako sa pintuan. I want to hear everything clearly.

“Okay lang, tita. It’s my fault. I just… just… I think I’ll go.” Ani Elijah.

“No, Elijah, wait.” Ani mommy.

Tinakpan ko ang bibig ko nang nakalapit na ako ng husto sa aking pintuan. Isang dangkal na lang ang agwat ko sa pintuan at dinig na dinig ko na sila.

“Klare? Wag kang mag inarte. Elijah is tired. Gusto ka lang niyang makausap.” Medyo mariing sinabi ni mommy.

“Calm down. Let your daughter deal with this-“

“No, Klare!” Kumalabog ang pinto sa sapak ni mommy.

“Mom! Please understand. Pwede bang hayaan niyo munang humupa ang galit ko sa kanya?”

“Ano bang ikinagagalit mo sa kanya?”

Oh great God, please forgive me! Bakit kailangang mangealam ni mommy at daddy sa away namin ni Elijah.

“Elijah, what’s wrong?” Medyo tumaas ang tono ng boses ni mommy.

Tumataas ang boses ni mommy sa amin ni Charles ngunit hindi ko pa kailanman narinig ang ganong klaseng galit sa boses niya. It’s like she figured something out from all of there…

“Mom, nothings wrong!” Utas ko.

“Elijah?” Tanong ni mommy.

“Tita…” He trailed off.

SHIT! SHIT! SHIT! I know he’s not afraid of anything! Alam kong kaya niyang isugal ang lahat para sa akin pero nandito ako para sumugal sa aming dalawa, para hindi siya masaktan, hindi siya masira. He’s not going to tell mommy and daddy… No!

Binalot kami ng matinding katahimikan. Tinakpan ko ang bibig ko habang pumapatak ang luha ko. Bangungot. Iyon lang ang tangi kong naisip sa mga sandaling iyon.

“Tita, I’m in love with Klare!” Napapaos na boses ni Elijah.

Humagulhol ulit ako. When will this end? Dalawang kamay na ang nakatakip sa bibig ko habang sinasandal ko ang noo ko sa pintuan. Elijah, don’t do this. Don’t do this…

“N-No… you’re not in love with your cousin.” Sabi ni mommy. “NO!” Sumigaw si mommy at narinig ko ang palakpak ng isang sampal.

Napahawak ako sa pintuan. OH MY GOD! What will I do?

“Elijah! Bawiin mo ang sinabi mo!” Sigaw ni daddy.

Narinig kong sumigaw si Daddy at may kumalabog. Hindi ko na kaya. I’m not going to let anyone hurt him. Oo, wala akong karapatang sabihin iyon dahil ako mismo ay nanakit sa kanya. But this is too much. If he’s going to be hated for this, then I will be hated for this, too.

Binuksan ko ang pintuan at agad akong niyakap ni mommy. Nakita kong kinwelyuhan na ni daddy si Elijah. Hindi ko inakalang magiging mahinahon ang mukha ni Elijah habang kinikwelyuhan siya ni daddy.

“Dad!” Sigaw ko ngunit mahigpit ang hawak ni mommy sa braso ko.

Napatingin ako sa mga daliri niyang halos manuot sa aking balat dahil dahil sa hugpit ng higit. Kumalabog ang puso ko. Pakiramdam ko ay aalis na ito sa aking dibdib. Sana nga ay umalis na lang ito para wala na akong maramdaman.

“I’m sure my daughter doesn’t feel the same, Elijah!” Sigaw ni daddy.

Tumango si Elijah at pumikit. “Yes, tito. I’m sorry.”

“Magpinsan kayong dalawa! Magkadugo! For God’s sake, how?” Nanggagalaiti si Daddy.

“I don’t know tito. I’m just… really-“

“Elijah, magkadugo kayong dalawa.” Singit ni mommy.

“Alam ko, tita.”

“We did not raise Klare like that! Bad influence ka! You don’t deserve her! At talagang hindi kayo pwede! That’s wrong! What you are feeling is wrong! It’s against the laws and the Church!” Sigaw ni Daddy. “I am disappointed, Elijah. Very disappointed with you.” Ani daddy habang umiiling kay Elijah.

“I’m sorry, tito.” Ulit ni Elijah.

Nanlaki ang mga mata ko. He’s going to take all the blame for this? Magsasakripisyo siya sa akin kahit noong una ay ako iyong may balak na magsakripisyo para sa kanya? Bumagsak lalo ang kanyang mukha. At mas lalo ring piniga ang puso ko.

“Leave! Your dad will hear about this!” Ani daddy.

Binitiwan ni daddy ang kwelyo ni Elijah. Walang pag aalinlangang pumihit si Elijah para umalis. Humagulhol ako.

“Dad!” Tawag ko. “Elijah!”

Hindi ko na alam kung sino ang uunahin ko. Hindi ko na mahanap ang mga tamang salita. Nang nakawala ako kay mommy para sundan si Elijah ay si daddy naman ang humila sa akin. Nakalabas na si Elijah nang hinarap ko si daddy at mommy.

“I am in love with him, too!” Sabi ko.

Lumipad ang kamay ni mommy sa kanyang bibig at nanlaki ang mga mata ni daddy.

“I love him more than I’m allowed to love him! Kaya bitiwan niyo ako! Hindi siya ang may kasalanan! Kundi ako!” Sigaw ko sabay hawi sa kamay ni daddy sa aking braso ngunit mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Until He Was Gone – Kabanata 45

Kabanata 45

Gone

Marami kami sa loob. May mga pagkain at may mga regalo sa mesa. Binati agad ako nina Julia, Hannah, at Liza. Kumakain na sila galing sa mga pagkaing nakahain.

Narinig ko agad ang footsteps ni Elijah pababa ng kanilang hagdanan. Kinabahan agad ako. Mabuti na lang at nandito si Erin at Damon sa gilid ko habang kumakain na rin.

“Magkakaroon tayo ng games, a? Wag kayong KJ!” Ani Chanel.

“Beerpong?” Tanong ng boyfriend niya.

“Saka na ‘yon. Flipcup at parlor games na muna.”

Nag kwentuhan ang mga tao, syempre, tungkol sa Christmas vacation nila. Nagtatawanan ang lahat ngunit wala akong maramdaman kundi kaba sa mga titig ni Elijah sa akin. Ni hindi ko siya binabalingan.

“Si Eion.” Narinig kong bulong ni Liza.

Nakita kong humahakbang si Eion sa harapan ko at binati ang mga kaibigan nina Josiah. He’s different. Parang may nag iba sa kanya. He looked happier. Naka puting v-neck t-shirt siya at naka maong pants lang at nakikipag high five sa mga kaibigan ni Josiah. It’s easier to love Eion. Walang sabit. Masasaktan ka pero mababaw lang ang mga sugat. Unlike the love I have for Elijah, extreme and too much. It’s scary.

“Klare, you want some cake?” Napatalon ako nang tumayo si Elijah sa harap ko na may dalang slice ng cake sa kanyang kamay.

Kita ko ang titig ni Damon at Rafael sa akin habang ginagawa niya iyon. Si Erin at Chanel ay nagngungusuan habang lumilinga linga naman si Claudette para suriin ang mga tingin ng ibang tao.

“Thanks.” Sabi ko at kinuha ang cake na binibigay niya.

“Gusto mong umakyat sa veranda?” nakangisi si Elijah.

“Uh, no. Mas gusto ko dito.” Sabay tingin sa mga tao.

“Hmm… Alright.”

“Elijah! Elijah! Picture muna kayo nina Hannah, please?” Sabay hila ni Erin kay Elijah patungo sa readyng ready na sina Hannah sa malaking christmas tree nina Elijah.

Natagalan sila sa pag pipicture. Marami ang nakisali. Mas mabuti iyon para ma divert ang atensyon ni Elijah sa kanila.

Pagkatapos ng kainan ay lumabas kami para maglaro ng parlor games at iba pang mga plano ng mga kaibigan ni Chanel. I felt completely useless. Hindi ako masyadong pinaglalaro nina Erin at Chanel habang si Elijah naman ay laging present sa mga laro.

Maraming inihanda si Chanel na parlor games. Nag hubad na ang ilang boys dahil sa pawis na natamo sa parlor games. Pinanood kong sumayaw ang dog tag na suot ni Elijah nang hinubad niya ang kulay puying t-shirt.

“Ang last bago tayo mag beerpong ay ang Newspaper Dance!” Tumawa si Chanel.

“You suck, Chanel!” Ani Josiah sa kanyang disappointment.

Tumawa ako. Nakainom na rin kasi sila dahil may dalawang larong nangailangan ng pag inom ng alak. Iyong Flipcup at ‘yong imbentong laro ni Chanel na pabilisang makainom ng Jack Daniels ng isang grupo habang sinasabi ang ‘Merry Christmas’.

Pulang pula na ang mga girls. Napansin kong mapupungay na ang mga mata ni Hannah. Ang sabi niya ay susunduin naman daw sila ng kuya niya. Ang iba ay mag o-overnight kina Elijah, ang iba naman ay uuwi. Hindi pa namin napag paplanuhan ang pag o-overnight ko dito. Ni wala akong dalang damit. Ang sabi ni Erin ay mag o-overnight lang ako kung maganda ang kalalabasan.

“Sige na, come on! Find a partner! Dapat boy and girl, a?” Ani Chanel.

Nagtaas ng kamay si Elijah. “Akin si Klare!”

Nakita ko ang awkward na pagkakaestatwa ni Chanel sa kundisyon ni Elijah. Umiling na agad ako. No. I can’t. No, I won’t. Nilingon ako ni Elijah at kumunot ang kanyang noo nang napanood ang pag iling ko.

“No, I’ll pass.” Ngumisi ako.

“Ayaw niya, Elijah. Find another.” Ani Chanel.

“How about Hannah?” Sabay tulak ni Erin kay Hannah.

“Uy! Ano ba!” Nangingiting sinabi ni Hannah.

Nakapirmi ang titig ng nakakunot noong si Elijah sa akin. He wants me. But we can’t do it. Nag iwas ako ng tingin.

“Hannah, then!” Sabi ni Chanel at pinukaw na ang iba para makahanap ng partner.

Nginitian ni Hannah si Elijah habang pumupwesto sila sa harap ng newspaper. May sinabi si Hannah kaya naagaw niya ang titig ni Elijah sa akin. Lumunok ako. This will happen eventually. He deserves to fall in love with someone who won’t sink him. Hindi sakin. Dahil habang minamahal niya ako, unti unti siyang madudurog. Mali ako, hindi ako iyong mag se-self destruct sa pagmamahalang ito kundi siya. Pag nawala siya, ako ang mag se-self destruct. Pag nagpatuloy naman kami, siya naman ang mawawasak. I don’t love my self that much anymore. I don’t mind if I self destruct. All I care about is his future. That’s probably what love is all about. Unconditional and considerate. I wish it was easy, but I figured it will never be.

“Sige! Pag umandar ang music, sayawan! Tas pag stop, step agad sa newspaper!”

Sinimulan nila ang laro. Nagtawanan kami habang nagsasayawan ang lahat ng kasali. Sinabi pa ni Chanel kung ano ang premyo para mas lalong ganahan ang lahat!

Sa unang beses ay natigilan si Elijah nang sabay silang tumungtong ni Hannah sa newspaper at napahawak si Hannah sa kanyang dibdib. Gulat na gulat si Elijah sa titigan nilang dalawa. Hindi ko kinaya at nag iwas na lang ako ng tingin.

“Okay! Lahat naman pasok!” Sabi ni Erin.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na unti unting naghiwalay ang lahat ng kasali. Tumingin ulit ako sa kanila. Nakita kong tumingin ulit si Elijah sa akin. Para bang pinapanood niya ang reaksyon ko. Pinilit kong ngumisi at manatiling normal. I need to encourage him to do that with Hannah.

“Klare, want to go home?” Tanong ni Claudette. “Inuman na rin nman pagkatapos nito. I’ll ask Kuya Azrael to bring you home.”

Umiling ako. “I’m okay, Clau.” Utas ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong sa pangalawang pagkakataon ay nagkalapit ang dalawa. Hinawakan ni Elijah ang baywang ni Hannah para supportahan ito sa pagtungtong nila sa newspaper. Oh I can leave now and just let them do that.

Nilingon ko si Claudette, “Pwedeng si Damon na lang ang maghatid sa akin? I don’t trust Azi that much, Clau. And… bathroom lang.” Sabi ko sabay tayo.

“Oh, Elijah? Pasok pa naman kayo! San ka pupunta?” Narinig kong sinabi ni Chanel sa kanya.

“Oh shit, Klare!?” Sigaw ni Erin sa likod.

“Okay, okay! Ipagpatuloy ang game!” Sabi ni Chanel sa likod.

I knoooow! I know he’s behind me! Mabilis akong naglakad papasok sa bahay nila at dumiretso na ako sa CR. Dammit! Sinarado ko agad ang pinto ng CR. Humilig ako sa pinto at tumingala. He’ll be here, I’m pretty sure of that.

“Klare?” Kumatok si Elijah.

I cleared my throat, I need to sound as normal as possible.

“Yup? Elijah, bumalik ka na don. I’m peeing.” Utas ko.

“Klare, baby, are we okay?” Nabasag ang boses niya.

Kinurot ang puso ko sa tanong at sa pagkakasabi niya nito. Pumikit ako at kinagat ko ang aking labi para hindi tumakas ang tinatago kong hikbi.

“What are you talking about? Of course we are okay!” Matapang kong sinabi at agad kong tinakpan ang bibig ko para hindi lumabas ang hikbi.

“Then please, open the door, Klare. I want to see you.” Narinig kong bahagyang kumalabog ang pintuan ng CR.

“Umiihi ako.” I lied.

“I’m waiting.”

“God, Elijah! Please?”

Bumuhos na ang luha ko. Napaupo na ako habang sumasandal sa pintuan. Hindi ko na kaya. I can’t do this to him. Kung sasaktan ko man siya ay kailangan niyang malaman ang dahilan. I don’t wanna be unfair to him. I don’t want to hurt him more through lying!

“Klare…” Mahinahon niyang sinabi. “Naririnig ko ang mga hikbi mo. Open the goddamn door or I’ll push this!”

Oh shit! Dammit! Pag sinabi niya ay gagawin niya.

“Elijah…” Humikbi ako. Hindi ko na maitatago ang luha at pag iyak ko. “Give me a minute, please.”

Hindi siya umimik. Natatakot akong bigla niya na lang itulak ang pinto para lang mabuksan ito. Tumayo ako kahit nangangatog ang binti ko. Umupo ako sa inodorong saradi at pinasadahan ng palad ang aking mukha. I screwed everything!

“Don’t open the door! Masasaktan mo ako. Humihilig ako sa pintuan ngayon.” I lied again.

“Okay, baby.” Halos bulong na lang ang narinig ko.

God! This is hurting me more. Gusto kong maging malupit siya sa akin. Pero paano siya magiging malupit kung wala siyang kamuwang muwang? I don’t deserve the tenderness of his voice. Damn, I don’t even deserve to be called ‘baby’ at the moment!

“Elijah? Anong nangyari?” Narinig ko ang tanong ni Claudette galing sa labas.

She wasn’t alone. She was with one of my cousins. Pamilyar na mausisang boses ni Rafael ang bumalot.

“Uuwi na si Klare, diba? Ihahatid ko na?” Ani Rafael.

“What? No! Just… please can you leave us?” Ani Elijah.

Pinagsalikop ko ang mga daliri ko at sinandal ko ang noo ko sa kanila. Lord, please, understand that I am going to hurt the love of my life to abide Your Will. I am not going to lie to myself. Alam kong mali ito. Gaya ng sabi nila, sa mata ng Diyos at sa mata ng tao. If ever, one day, I’ll regret this… I will take all the blame. Hindi sa mga tao, hindi sa Diyos. This is my decision. I wanted to just hug him tight and run away with him but I will choose to protect him, to protect our name, to protect our family. I will never blame anyone for this. I can only blame myself.

“Azi, will you just fuck off?” Dinig kong sigaw ni Elijah sa labas.

“Huh? Anong meron? World War 4? 5? 6? 7? 8? Whatever?”

“Kuya Azi, let’s go.” Sabi ni Claudette. “Rafael…”

Their voices faded. Thank God for Claudette! Pero alam kong hindi matatahimik sina Erin at Chanel hangga’t hindi kami nasusundang dalawa. I need to make this fast. Hurt him fast. Break it to him fast!

Pero paano iyon? Mahaharap ko ba siya? Just the sound of his voice makes my heart melt in pain. Paano na lang kung magkaharap na kami? Paano kung umiyak siya? I’m going to run into his arms and just hug him tight, assure him that everythings alright. No, Klare. We need to fight the feelings! You need to!

“Klare? Are you jealous? May nagawa ba akong mali ngayong gabi? ‘Nong nakaraan? Did I hurt you?”

“Elijah, sinong nasa labas?” Binalewala ko ang tanong niya.

“I’m alone. C-Can I open the door?”

Umiling ako. “NO! Stay there. Gusto ko lang na marinig mo lahat ang sasabihin ko.”

Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang magsalita habang humihinga ng ganito ka bigat. Am I going to survive this confrontation? God, is it even a confrontation? It’s not! I’m a coward for hiding in here!

“Elijah, we need to stop.”

Gusto kong makuha niya iyon. Hindi na muna ako nagsalita. Hindi na rin siya nagsalita. Gusto kong mag sink iyon sa kanyang utak. Comprehend, Elijah.

“Come again, baby? I heard you wrong.”

“DAMMIT, ELIJAH! I said I want us to stop!”

Humagulhol na ako. Tumindig ang balahibo ko nang narinig ko ang sarili kong pag iyak. Umalingawngaw iyon sa buong CR. Tinakpan ko ang bibig ko. It reminds me of the funerals I’ve been. Iyong iyak ng taong namatayan.

“Di kita maintindihan, Klare.” Aniya.

Halos isigaw ko na ang lahat ng mura sa utak ko. I didn’t want to curse at him. I want him to comprehend everything in just one statement! Dahil hindi ko na kayang magpaliwanag.

“Klare, open the door.” Aniya sabay kalabog ng pintuan.

Napatalon ako sa ginawa niya. Tumayo ako kahit nanginginig ang binti ko. I need to make this explanation fast!

Elijah, please hate me. Please, just hate me. Please, I want you to just hate me.

“Elijah! Stop doing that! Listen!” Sigaw ko. “Kailangan na nating tapusin ‘to-“

“Baby, you are just jealous. Take that back-“

“No! I’m not! Hell, I’m not! This is my decision! Itigil na natin ito. Please, itigil na natin ito.” Humikbi ako. “Mommy and daddy will get hurt! Sina tito at tita rin! Si Ate Yas at Kuya Just! Silang lahat, masasaktan natin! This is wrong from the very beginning! Mali na tinolerate ko ang damdamin mo! I’m sorry!”

“Klare, it doesn’t matter-“

“It doesn’t matter to you! But it matters to me! Stop being selfish! Let’s face the effing truth! Mag pinsan tayong dalawa! Bawal magmaghalan ang mag pinsan ng ganito! This is all forbidden! I can’t… I can’t fight for you! I can’t fight for us!”

“Dammit!” Sigaw niya at tinulak na ang pintuan.

Kumalabog ang pintuan at nanlaki ang mga mata ko nang tumambad si Elijah sa aking harap na pulang pula ang mga mata. Mabilis ang kanyang hininga at hinanap agad ng kanyang mga kamay ang aking braso. Hinawi ko ang mga kamay niya.

“We can’t be seen or heard, Elijah!” Sinubukan kong tumakas sa CR ngunit hinarangan niya ako.

Tinulak ko siya ngunit ako iyong napaatras sa tulak ko. Mabilis na ang kalabog ng puso ko. I’m sure, hindi ako makakatakas dito hanggang hindi ko siya masasaktan ng lubos na mawawalan na siya ng lakas para pigilan ako.

Umiyak ako ng husto. Ni hindi na ako makahinga. Naisip kong baka mag collapse na lang ako dito. May narinig akong mga boses ni Chanel at Erin sa labas. Ngunit hindi ko na iyon ininda. Ang tanging nakuha ko na lang ay ang siguraduhing walang makakapasok muna sa bahay nina Elijah habang ganon ang pangyayari. Yes, please, protect us. Protect his name. I don’t want to be seen with him in this drama. Magkakaroon lang ng mga tanong ang mga kaibigan namin. At ayaw ko na ng tanong dahil masyado na akong maraming ganoon. I want answers. And Elijah needs my answer, too. He doesn’t deserve this. But then again, I don’t deserve him. His love for me is pure but we are forbidden.

“Klare, ano ‘yang sinasabi mo? Why give up now? We can fight together-“

“Elijah! We can’t! Yes! Oo! Inaamin ko, we can fight, but we can’t fight forever! At mas lalong hindi ko kayang labanan natin ang ating mga pamilya! For heaven’s sake they are all we have!”

“Klare, let’s tell them now. Sina mommy at daddy? Kung hindi nila tayo maiintindihan at itatakwil nila tayo, then we’ll face the consequences!”

“Can you hear yourself, Elijah? What do you think are the consequences? Naisip mo na ba ang mga iyon?” Nanliit ang mga mata ko.

Pumikit siya at tumingala. Suminghot siya at mas lalo lang akong nasaktan. My baby is crying. Oh my God! He’s crying in front of me. Oh my God!

“Klare, oo! Tingin mo ba bago ko tinanggap na mahal kita, hindi ko naisip iyon? I’ve been thinking about everything from the very beginning! I’m not dumb or shallow, Klare! Hindi ko ipaparamdam sa’yo na mahal kita kung hindi ko iyon naisip! Pero sigurado ako! I am this sure! So what the hell is your problem with me now? What’s not enough? Am I not enough?” Sigaw niya.

Nanghina ang tuhod ko. Klare, remember, this is all for Elijah. Para sa inyong dalawa. Para sa inyong pamilya. Stop being selfish!

“Baby, what’s wrong? Am I not enough?” His voice too soft and too sweet.

Pumikit ako at tinulak ang papalapit na Elijah. Ngayon, sigurado ako, nanghihina na siya. Napaatras siya sa tulak ko.

“No.” Umiling ako. “It’s not enough.”

Nalaglag ang kanyang panga. Kinuyom ko ang aking panga at tiningnan siya ng diretso sa kanyang mga mata.

“I want you gone, Elijah.”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Until He Was Gone – Kabanata 44

Kabanata 44

Miss You

Pagod na pagod ako nang dumating kami sa bahay. Sa sasakyan namin ako sumabay. Nauna kami sa bahay at sumunod naman ang mga pinsan ko.

“Klare, are you okay?” Tanong ni mommy pagkapasok ko ng bahay.

Tumango ako.

“Pagod ka ba? We can tell your cousins to just go home instead. Si Elijah, it’s okay if he’ll stay.”

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. “Wag na mom. Okay lang na nandito sila.”

Of course concerned si mommy kay Elijah. Ngunit kailangan kong umiwas kay Elijah. Alam kong pag siya lang ang narito ay paniguradong sa kwarto ko iyon matutulog.

Humikab si Azi pagkapasok niya sa amin. Nasa kusina pa ako at umiinom ng tubig nang pumasok siya kasama ang ibang pinsan ko. Tahimik ang mga girls at parang maingat sa bawat galaw. Nakapamulsa si Elijah habang nakikipag biruan kay Rafael.

“Xbox?” Anyaya ni Josiah.

“Sige ba!” Ani Azi.

Pumasok si daddy na bitbit si Charles. Tulog ang kapatid ko kaya dumiretso sila sa kwarto.

“Wag kayong masyadong mag puyat.” Paalala niya.

“Yes, tito. Klare, matulog na tayo?” Ani Erin.

Instinct ang nag tulak sa akin para lingunin si Elijah. Nasa akin ang titig niya at naka half smile siyang umuupo sa sofa.

“Okay.” Bumaling ako kay Erin.

“Good night, boys!” Sabi ni Chanel.

“Ang K-KJ niyo naman? What’s up?” Tanong ni Rafael habang naghuhubad ng kanyang pulang polo shirt.

“We’re exhausted.” Ani Erin.

Hinawakan ni Elijah ang kanyang earrings habang pinapanood si Azi na inaayos ang Xbox sa aming sala. Normal lang ito para sa kanya. Wala siyang alam sa mga nangyayari. Hindi niya alam na iniiwasan ko siya.

“Okay, bye! Good night!” Ani Chanel at hinila ako patungong kwarto.

Walang umimik sa kanila pagkapasok sa kwarto ko. Umupo si Claudette sa kama ko habang parehong nag hubad ng sapatos si Erin at Chanel. Nilapag ko ang regalo ni Elijah sa tabi ng kama ko. Binuksan ko ulit ito dahil hindi ko pa ito nakikita ng maayos. Isang barrette na butterfly at punong puno ng crystals o diamonds. Sa pakpak nito ay may kulay violet na bato. It’s so pretty. Suminghap ako at kinuha ko ang iPad ko.

“What are we going to do, Erin? Mahahalata ni Elijah na nilalayuan siya ni Klare? Okay lang ba na malaman niya na may alam tayo sa kanila?” Tanong ni Claudette.

Binuhay ko ang iPad at agad binuksan ang Skype. I know what to do. I know I left her hanging the last time we talked. Ngayon ay kukumpirmahin ko kay Ate Yasmin ang desisyon ko. She needs to give us time. I needed her faith.

“Okay lang naman. I don’t think Elijah’s really quiet about this.” Sumulyap si Erin sa akin. “He’s transparent.”

Hindi ako umimik. Oo. Walang pakealam si Elijah kung may makaalam ng tungkol sa aming dalawa. Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang online si Ate Yas. Buong akala ko ay magli-leave a message lang muna ako sa kanya, ngunit ngayong online siya, kumalabog ang puso ko.

“Anong ginagawa mo, Klare?” Ani Chanel.

“I-I’m calling Ate Yasmin.”

“Huh? Why?” Nagkatinginan silang tatlo.

Nag angat ako ng tingin. “She knows about us.”

Lumapit si Erin sa akin. “At anong sinabi niya?”

Umiling ako. “Gusto niyang itigil namin ito ni Elijah.”

Sinagot ni Ate Yasmin ang tawag ko. Madaling umakyat sina Erin at Chanel sa kama ko para tumabi sa akin at kausapin si Ate Yas.

“Oh, I thought ikaw lang, Klare.” Malamig niyang sinabi.

Suminghap ako at tumango. This is it.

“Merry Christmas sa inyo!” Kumaway si Ate Yasmin sa aming lahat ngunit batid kong walang ngumisi.

“Merry Christmas, ate.”

“O, ba’t malungkot kayo?” Kunot noong tanong ni Ate.

“Ate, kasi, alam na nila ang lahat.”

Pinaliwanag nila sa kanya kung paano nila nalaman. I can’t stand this conversation. Pakiramdam ko ay tinatraydor ko ang walang kamalay malay na si Elijah. Napansin nina Erin na medyo nawawalan ako ng gana.

“Klare, what are your plans?” Tanong ni Ate Yasmin.

Tumango ako at pumikit. Ito lang naman talaga ang itinawag ko. I didn’t need to hear anything about everything. I just want to say something. “Papakawalan ko na si Elijah.”

“Are you going to hurt my brother?” Parang sinaksak ako sa tanong niya.

Nakakairita. I want to be mad at her, to be mad at everyone but it’s useless. Moving is useless. Speaking is useless. Lalo na pag nasa maling parte ka. “Anong magagawa ko, Ate? Masasaktan ko siya! Pero mas masasaktan ako tuwing nakikitang masasaktan siya.”

Binalot sila ng katahimikan. Narinig ko ang pagsinghot ni Claudette sa gilid. She’s crying silently. Ako naman? Nagdurugo ang puso ko ngunit naubos na ang luha ko. I’m so damn exhausted. I never thought that loving someone can be this exhausting. Na kahit mismong pag iyak para sa minamahal ay nakakapagod na. Deep inside I’m crying, ngunit pagod na ang katawan ko.

“I’m gonna sleep.” Sabay bigay ko sa iPad kay Chanel.

Umalis ako sa kama at nagkulong sa banyo. I couldn’t stand seeing Elijah in pain. Can I really do this? Can I really hurt him? Sana ay maging malupit siya sa akin sa oras na malaman o maramdaman niyang lumalayo ako sa kanya! That would be easier.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong nakabihis na ang mga pinsan ko at inantay nila akong humiga sa kama. Hindi ako sigurado kung magkakasya kaming apat dito. Nilagay na ni Claudette ang cushion ng sofa sa baba at nakita kong may kumot na siya. Sa baba siya matutulog.

Nakita kong umiilaw ang cellphone ko. Dinampot ko ito at nakita ang mga messages ni Elijah.

Elijah:

Merry Christmas, Klare.

I miss you.

Tulog na kayo?

Kinagat ko ang labi ko at nagtype ng message.

“Are you texting him again?” Tanong ni Erin.

“Erin, just one?” I almost begged.

“Klare, you need discipline.”

“Isa lang naman, e. I just want him to feel, at least, safe this Christmas.” Sabi ko.

Hindi na umimik si Erin. Humiga si Chanel at naintindihan kong alam nila kung ano ang ibig sabihin ko.

Ako:

Merry Christmas, Elijah! Matulog na tayo. I’m exhausted. Thanks for your gift. I hope you liked mine.

Binigyan ko siya ng itim na jacket na nabili ko sa Nike. Alam kong wala lang iyon kumpara sa binigay niya sa akin. Ngunit iyon lang ang tangi kong naisip na ibigay sa kanya. Magbibigay iyon ng init sa kanya sa mga malalamig na panahon. And I guess that’s appropriate right now.

Mukhang masyadong masaya ang naging text ko. Mukhang walang problema kahit na ang totoo ay pinipiga na ang puso ko. Iniwan ko ang cellphone ko sa mesa at umakyat na sa kama sa gitna ni Erin at Chanel. Pinatay ni Chanel ang ilaw at ang tanging ilaw ay ang maliit na lamp sa gilid ng mesa ko.

My bed smells like Elijah. Dammit! Hindi ko maiwasan ang pamumuo ng mga luha ko.

“Anong gagawin natin, Erin? Irereto ba ulit natin si Klare kay Eion or someone?” Tanong ni Chanel.

“I don’t know, Ate. Si Elijah, madaling ireto sa iba.” Ani Erin.

Suminghap ako. “I refuse to use anybody. I can push Elijah away without using anyone.” Matapang kong sinabi.

“Pero hindi kapani paniwala, Klare, pag walang iba.” Sabi ni Chanel.

Hindi ako kumibo. That’s what I know. I need to push him away without using anyone. I can do this. I will do this for us and for our family.

Mabilis akong nakatulog dulot na rin siguro ng mahapding mga mata at mahabang araw. Kinaumagahan ay sabay kaming nagising ni Claudette. Ni hindi rin sila umalis sa kwarto para iwan kaming dalawang natutulog. Sabay kaming lumabas.

Tanghali na. Syempre dahil matagal naman ang uwi naman kagabi. Kumakain na ang mga pinsan ko. Sumabay naman ako at pumagitna si Erin at Chanel sa upuan ko. Nagbibiruan na naman sila ngunit hindi ko magawang tumawa. Tumatawa si Elijah at si Azi dahil sa biruan nila habang sina Erin at Chanel naman ay nagsikap para maging okay para sa aming apat.

“Natapos niyo na ang take home quiz sa Biology? Sobrang hirap!” Ani Erin.

“Natapos ko na.” Sagot ni Claudette.

It’s a normal Christmas for us. It looks so normal for Elijah. But it wasn’t normal for me. It will never be, anymore. Minarkahan ng sampal ni Erin at desisyon ko ang mga pasko para sa akin ngayon. Hindi ko alam kung kailan ko makakalimutan ang lahat ng ito. Sana ay balang araw, makalimutan ko ito. I don’t want to have memories about this. Inisip ko tuloy na sana ay magka amnesia ako. But like what Erin said, this is not a soap opera. It’s all impossible.

Nag angat ako ng tingin at aksidente kong nahagip ang titig ni Elijah sa akin. He’s smiling like an idiot. Kung ano man iyong ikinasasaya niya ay masaya na rin ako. Nag taas siya ng isang kilay bilang kwestyon sa pagiging tahimik ko. Inangat ko ang labi ko para magbigay ng ngisi. Nakita ko ang pag buntong hininga niya at ang pagpungay ng kanyang mga mata na para bang gumaan ang kanyang pakiramdam nang nakita akong ngumisi.

I’ll soon forget how it feels to look at you straight in the eyes. And you will forget it too. Nagkaroon ng bukol sa lalamunan ko. Here I go again. I should stop being emotional and work hard for this show.

“Sino ba ‘yong nakabunot sakin kagabi? I’m sure it’s just within us! Sinong gago ang mag bibigay sa akin ng Apat na box ng condom? What do you think of me? Hindi boyscout!?” Angal ni Azi.

Humagalpak sa tawa si Elijah at ang ibang pinsan ko. “That’s a lifetime supply for you, dude.”

“Ef you, Elijah! Just ef you! Sana ay binigyan mo na lang ako ng sapatos!”

Everything is just normal. I need to act normal.

Sa araw na iyon ay umalis sila. Maiksing paalam lang ang nangyari sa amin ni Elijah dahil hindi umaalis sina Erin hanggang di mauuna si Elijah. That was their tactic and it was helping me.

Elijah:

I really, really miss you baby. Hope I can spend time with you soon.

Parang kinukurot ang dibdib ko sa mga text ni Elijah na hindi ko nirereplyan. Hindi ko pwedeng hindi replyan ang mga text niya dahil magdududa iyon at maaring matakot. Pero ano nga ba itong plano ko? Hindi ba ito mismo iyong bigyan si Elijah ng pagdududa at takot para sa aming dalawa?

Elijah:

Baby, I’m not being clingy, but I miss your texts :'(

Kahit ang smiley sa huli ng text niya, biruin niyo, nakapagpaiyak sa akin? I just want to throw my cellphone away. I want to run away. Gusto ko na lang iwan ang pamilya ko, iwan ang lahat, at umalis ng mag isa. Lumabas din ang totoo. I never really cared for myself. Wala akong pakealam kung kamuhian ako ng pamilya ko o itakwil nila ako. I’m doing this only for Elijah. This is all for him. Dahil siya lang ang inaaalala ko. I want him to be safe, feel good, and be with his family.

Naiisip ko si Charles, si mommy at daddy, I can’t leave them. I love them. Ngunit tuwing nakikita kong ganito si Elijah, I swear I can run away.

Hindi ko ulit siya nireplyan. Tumunog ulit ang cellphone ko at naisip na magkukulong na lang ako sa CR at magdasal na makalimutan ang lahat. If only amnesia was optional. But then again, sa mga storya at mga movies lang nangyayari ang ganyan. You get an accident, suffer from head injuries, and get amnesia. Pero hindi ganon sa totoong buhay. In real life, you’re lucky if you land in coma, most of the time you’ll die. At kung ano man ang mangyari sa akin, I’ll be grateful.

Dammit! Just look at my thoughts! Tingnan mo ‘yong mga iniisip ko!

“Klare? Are you okay?” Napatalon ako nang narinig si mommy sa likod ko.

Malakas ang TV at pinapanood ko ang isang movie sa cable chanel. Tumango ako at hindi ko siya nilingon. Ayokong may kahit sinong nagtatanong sakin kung okay lang ba ako, kasi pakiramdam ko kinakalabit ako para umiyak. I want the people around me to just shut the hell up and have faith in me. Na kahit mukha akong mahina ay kaya ko itong lagpasan.

Elijah:

Baby are we cool?

Holy… Mabilis akong nag type. I can’t do this. But I really need to.

Ako:

Sorry, Elijah. I’m busy. Naghahanda lang para sa party.

That was real cold. Dinudurog ko ang sarili kong puso sa pamamagitan ng pananakit sa kanya. Ano pa ba ang paraan para maging madali ito?

Nagmadali ako palabas ng bahay nang tumawag si Chanel. Sinusundo ako ni Damon at Chanel patungo kina Elijah. Mas dumami ang kanilang inimbita simula nang nalaman nila ang tungkol sa amin. Hannah, Julia, and Liza will be there at maging ang mga kaibigan ni Josiah at Chanel. They want a big crowd for this house party.

Naka wayfarers si Damon nang pinagbuksan ako ng pintuan sa likod ng kanyang kotse. Seryoso niya akong pinanood papasok sa kotse niya. I wondered why. Nasagot din ang tanong ko pagkapasok ko.

“Get it, Dame? We need to lose Klare in the crowd.” Ani Chanel.

“Bakit di na lang iwan si Klare sa kanila? Hindi na lang isama?” Tanong ni Damon.

He knew. I don’t mind. I needed all the help I can get.

“Hindi pwede. Tingin mo pag wala si Klare hindi tatakas ang lintik mong pinsan para puntahan siya sa bahay nila? And what if we are all drunk?” Ani Chanel.

“Chanel, di naman kailangan. I said I can handle Elijah. Kung mananatili ako sa bahay ay pwede ko naman siyang paalisin na lang.” That’s hard but I can do that for him.

“No, Klare. You don’t understand. Pag nasa bahay ka ninyo at pinaalis mo siya. You think he’ll really leave? Mas lalo lang kayong mahahalata ng mommy at daddy mo niyan. Knowing him? He doesn’t really care at all. Kaya sumama ka na lang. Mas mabuting mabuking tayo nina Azi kesa sa mabuking ka sa harap ng mommy at daddy mo!”

Hindi na ako umimik. I guess they are right. Pinaandar ni Damon ang kanyang sasakyan.

Nang nakarating na kami sa bahay nina Elijah ay agad ko siyang nakitang tumatawa sa balkonahe nila kasama ang mga kaibigan ni Josiah. May dala silang mga beer at mukhang nagsimula na ang house party na gaganapin sa bahay nila.

Sumipol si Damon habang pinapark sa loob ng malawak na parking lot ng bahay nina Elijah ang kanyang sasakyan.

“Ngayon ko lang talaga napansin ang lahat na sinabi mo na, Erin. Inabangan niya talaga ako dahil alam niyang kasama natin si Klare.”

Nakita kong sumimsim sa beer si Elijah at pinanood ang pagbukas ng pinto ni Damon. Sumipol ulit si Damon.

“Damn! How come I didn’t notice anything-“

“Shut up, Damon! hindi ka nakakatulong. Let’s go, Klare!” Sabi ni Erin at lumabas na ng sasakyan.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Until He Was Gone – Kabanata 43

Kabanata 43

Choice

Napahawak ako sa aking pisngi. Nanuot ang hapdi ng sampal ni Erin sa akin. Nakaawang ang bibig ko at nagbabadya ang mga luha ko sa pagtulo.

“Kailan lang?” Tanong ni Erin.

Mabilis ang kanyang hininga at tumutulo ang kanyang luha. Si Chanel naman ay umiiling sa kanyang likod at si Claudette ay pinipisil ang kanyang daliri habang umiiyak sa kaba.

“Erin, let me explain…”

“What explain? My God, Klare! May hinala ako, e, pero di ako naniniwala! I thought you were better than that? At ngayong napatunayan ko na? Oh shit! You are such a lustful girl!”

Umiling ako. “Erin, hindi ganon-“

“All this time? ‘Yong pagtulog ba ni Elijah sa kwarto mo, may nangyayari sa inyo?”

“ERIN! Hindi ganon!”

“Holy shit.” Tinakpan ni Chanel ang kanyang bibig at pumikit na parang nandidiri.

“Edi ano, Klare? Anong meron sa makasarili ninyong relasyon? Hindi mo ba nakitang mag pinsan kayo? Hindi mo ba naisip na lumayo?”

“Erin, you think hindi niya na isip ‘yon all this time?” Singit ng nanginginig na si Claudette sa likod.

“Shut up, Clau. What kind of cousin are you? Alam mo ang totoo ngunit hinayaan mo sila! This is a disgrace to our family! To yourself, Klare! Sa inyo ni Elijah!”

“Alam ko, Erin-“

“Alam mo pero nagpatuloy ka?” Sigaw ni Chanel at lumapit sa akin. “Are you out of your mind? Alam mo ba kung anong mangyayari sa inyo ni Elijah? Kakamuhian kayo ng mga parents natin! This is all wrong in the eyes of the society, in the eyes of God! For goodness sake, magising ka!”

Bumuhos ang luha ko. Alam kong tama sila. Alam ko ring alam ko iyon noong una pa lang pero naging makasarili ako. Masyado kong dinamdam ang feelings ko para kay Elijah. Hindi ko inisip ang kinabukasan. Hindi ko inisip ang kahahantungan naming dalawa.

“Oh shit, this is really disgusting. Hindi ko kayang isipin.” Bulong ni Chanel sabay tingin sa mariing pumipikit na si Claudette. “I don’t know why you put up with their shits, Dette.”

“Tanggap na naman ‘yon. Chanel, hindi tayo ang unang pamilyang may ganito-” Ani Clau.

“WAIT, WAIT, What? Naririnig mo ba ang sarili mo, Dette? Kung sakali bang bibigyan kita ng pagkakataon ay mamahalin mo ba si Josiah? Would you kiss Rafael? Can your stomach take Damon as your husband?”

Mas lalong pumikit si Claudette at nanahimik.

Alam ko. Alam kong hindi sang ayon si Claudette at sinuportahan niya lang kaming dalawa ni Elijah dahil mahal niya kaming pareho. She cared for us. And that was enough for me. Hindi ko kailangang masabihan na sang ayon sila sa incest. Gusto ko lang ng mga taong nakakaintindi.

“This is not lust! No wala pang nangyayari sa amin ni Elijah-“

“But you’re thinking about it, aren’t you?” Erin snarled. “Don’t tell me hindi mo iyon naiisip? Seeing Elijah’s body dripping in sweat, don’t tell me hindi mo pa iyon naiisip?” Napangiwi siya. “You… you want him naked! You want him on your bed naked while he’s kissing you endlessly!”

Umiiling ako at umiiyak. Tinakpan ko ang mukha ko dahil hindi ko na mapigilan ang aking mga luha. Basang basa ang kamay ko dahil don. Hinawi ni Erin ang mga kamay kong nakatakip sa aking mukha. I feel so stupid!

“You want it, right? That’s what you really want! Imposibleng nagkagusto ka lang sa kanya at wala kang intensyong ganon!”

“Erin, ba’t di mo rin tanungin si Elijah! He’s the guy here-” Singit ni Claudette.

“Exactly why. Guys can fuck just about anyone fuckable. Ikaw ang babae, ikaw dapat ang magpigil, Klare! At sige, sabihin mo nga, hindi mo mapigilan? Your hormones are driving you insane coz of this sick love you have for him? THAT’S FUCKING LUST!” Sigaw niyang nagpapikit sa akin.

Gusto kong lumaban. Gusto kong ipatigil si Erin. Gusto kong ipaliwanag sa kanya na hindi ganon. Pero paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat kung ako mismo ay hindi ko maipaliwanag ang tunay na nararamdaman ko.

“Open your eyes, Klare!” Sigaw niya.

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko. Nakita kong humahagulhol na si Chanel sa likod. Umiiyak si Erin ngunit kaya niya paring maging matapang.

“Erin, tama na, please, tama na.” Sabi ko.

“Anong tama na? Tama na rin, Klare! Nakakadiri kayong dalawa!” Pumiyok ang boses niya at umatras sa akin.

“Erin, hindi ko gusto itong nangyayari sa aming dalawa ni Elijah. Umiwas ako pero hindi ko nagawang tumakas.”

“You didn’t try hard enough, Klare. Admit it! You were ruled by your instincts!” Sabi ni Chanel habang pinupunasan ang kanyang luha.

“Elijah will get hurt-“

“So anong gusto mo? Saktan si Elijah sa mabilis na paraan o saktan niyo ang isa sa mabagal at matagal na panahon?” Ani Erin. “Think about it, Klare! Pag tinakwil kayo ng pamilya natin, saan kayo pupulutin ni Elijah? You think he’ll have his Chevy? You think his cards won’t get closed? You think?”

Tama sila. Tama si Erin. Pero umiiwas ako sa katotohanan. Natatakot ako.

“At ikaw? What will happen to you? Your mom and dad will be furious! Kung hindi ka nila hahayaan kay Elijah ay ipaglalayo nila kayong dalawa! Madudungisan lang ang pangalan niyo dahil sa panandaliang makamundong pagnanasang ito!” Umismid si Erin at sumulyap kay Chanel.

Humupa na ang luha ni Chanel at kumunot ang kanyang noo.

“Klare, can you hear yourself? Mahal mo si Elijah, mahal ka ni Elijah? Naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi ka ba kinikilabutan o nandidiri? Hindi mo ba alam na wala kayong patutunguhan? Hindi mo ba iyon naisip? Kakamuhian kayo ng mga magulang natin.” Mahinahon niyang sinabi.

Dahan dahan akong tumango. “Hindi ako tanga, alam ko ‘yon.”

Nanlaki ang mata ni Erin. “Then why are you doing this? Why are you still with Elijah?”

“Erin, mahal ko siya-“

“SHIT!” Sigaw ni Erin at umiwas ng tingin sa akin. “Hindi mo ba talaga makuha? Hindi mo makuha? Do you want us to tell your parents?”

“Erin, wag!” Sabi ko.

“This is disgusting and lustful! What are you thinking, Klare?”

Hindi na ako makasagot. Mali. Maling mali. Ano ang dapat kong gawin? Sabihin ninyo. Dahil sa ngayon, wala na akong tiwala sa aking sarili. Hindi ko na alam kung sino ang papaniwalaan ko.

“If you think this is a soap opera na maaring may isa sa inyong ampon, then you are wrong Klare. For Heaven’s sake, Montefalco ang nananalaytay na dugo sa inyon dalawa! Stop dreaming and face the reality! This is incest!” Ani Erin.

Bumuhos ang luha ko. Mabilis na tumakbo si Claudette patungo sa akin at dinaluhan ako.

“Klare, I’m sorry.” Nanghihina niyang sinabi. “I’m really sorry.”

“Klare, we love you. We care for you and Elijah. At wag mong isiping nagiging bitch kami dahil dito. Pero kasi ito ang totoo. You need to get hurt para magising ka. Magising ka sa katotohanan na hindi soap opera ang buhay mo, na hindi tama ito, na walang tama sa ganito.” Ani Chanel at lumapit sa akin.

Humikbi ako. Naririnig ko ang singhap ni Erin sa harap ko.

“Naisip mo na ba ang future ninyo ni Elijah, Klare?” Tanong ni Erin. “Anong manngyayari? Magkakaanak kayo pero tinakwil na kayo ng mga Montefalco. We can support you, pero what about the society? Are you going to be truly happy about that? Elijah’s parents will hate him. Ate Yasmin and Kuya Justin will hate him.”

Umiling ako. Hindi ko alam kung para saan ang iling ko. Kung dahil ba hindi ako naniniwala sa sinasabi nila o hindi ko matanggap na alam ko sa sarili kong ganon nga ang mangyayari.

“And what if this is just puppy love? Paano kung tinuruan ka lang ni Elijah na mainlove, ngunit hanggang doon lang. He might fall for someone else. You might fall for someone else eventually pero sira na kayong dalawa kasi nadungisan na ang pangalan ninyo. You’ve been involved in incest, you think it’s good?”

Binalot kami ng katahimikan. Pinunasan ni Claudette ang mga luha ko. Namumugto ang mga mata ko. Ano ang sasabihin ko kay Elijah pag nakita niya akong ganito? He’ll be furious. I’m scared.

“Please don’t tell our parents.” Maliit ang boses ko nang sinabi ko ito.

Tumikhim si Erin at nakapamaywang siyang tinitigan ako.

“You probably only liked the thought that this is forbidden. Masyado siguro kayong nahumaling dahil patago ang relasyong ito. Save yourself, Klare. Save Elijah!” Sabi ni Erin.

Unti unti akong tumango at alam ko ito na ang oras na hinihintay at kinakatakutan ko. Ito na ‘yong ayaw kong mangyari. I need to let Elijah go. Even if it will hurt him. Kailangan kong mamili: ang pagmamahalan namin ni Elijah o ang pamilya namin. The first choice will be really selfish, the latter is reasonable and justifiable. Kailangan kong mamili sa sarili kong kapakanan o sa kapakanan ng marami.

Sa pagmamahalang ito, marami ang masasaktan. Una sa lahat, ang mga magulang namin, ang mga pinsan at relatives namin, at ang aming mga sarili. Mas pipiliin ko parin ang may mas konting damage. Mas pipiliin kong masaktan ng isang beses kesa sa masaktan ng paulit ulit habang buhay. Mas pipiliin kong ako ang masaktan kesa sila. Alam kong masasaktan ko si Elijah sa kahit anong pipiliin ko. But one day, when he falls for another girl, I know he’ll understand and he’ll thank me.

“Anong gagawin ko?” Mahinahon kong tanong.

Pinulot ko ang box na regalo ni Elijah. I held it close to me. This is the last. I’m letting him go. No matter what, he needs to let me go. I need him to let me go. Kahit na masakit sa akin. Kahit na masakit sa kanya. I saw this coming but I didn’t know it’ll still hurt this bad.

Ang sakit sakit. Kasi alam kong tama sila at alam kong mali kami. Gusto kong ipaglaban ang para sa aming dalawa pero marami kaming masasaktan. We will hurt ourselves, too. Elijah will understand soon. I know he will.

“Sabihin mo kay Elijah na kailangang maghiwalay na kayo.” Sabi ni Erin. “We will help, Klare. And you need to mean it. Kailangan mo siyang iwasan.”

“B-But he’ll get mad!”

“Wag mo ng alalahanin iyon! He will get mad! Kasi maghihiwalay kayo! He will really be angry pero iyon lang ang tanging paraan!”

“Hindi siya bumibitiw, Erin.” Nanginginig ako nang sinabi ko iyon.

“Erin, you don’t know how inlove Elijah is with Klare.” Ani Claudette.

“This is why you should end it while it’s early. I believe ito ang dahilan kung bakit nag iba ang tingin mo para kay Eion. Hindi pa ito ganon ka tagal. Maaring malalim na ang mga ugat pero malambot pa ang lupa. We can still uproot your feelings for each other and prevent it from growing.”

Lumunok ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang tanging gusto ko lang sabihin ay…

“Please, keep this a secret. Wag niyong sabihin sa parents natin.” Sabi ko.

Tumango sila at bumuntong hininga.

Nanghina ako. This is it. This is where we stop. Inasahan ko ito pero masakit parin. Sobrang sakit na hindi ko na ata kaya.

“You are still young. Marami ka pang makikilala. Elijah is still nineteen, too. Marami pa siyang makikilala. Don’t worry too much.” Ani Chanel.

Hinigpitan ko ang yakap ko sa box na binigay ni Elijah.

“What shall we do now? Iuwi si Klare? Elijah is out there!” Ani Erin sabay tingin kay Chanel.

“No. We need to calm her down. Kumalma tayo-”

May biglang kumatok sa kanina pa nakasaradong pinto ng comfor room.

“We’re here po. Still changing!” Sigaw ni Erin.

“Is… Klare inside?” Umalingawngaw ang boses ni Elijah.

Nagkatinginan kami. Kinagat ko ang labi ko at naghilamos.

“Oo, nandito. Nag C-CR, Elijah, bakit?” Ani Chanel sa normal na boses.

“What’s taking you all so long?”

“Elijah, mga babae kami. Go back there and stop being nosy!” Sigaw ni Chanel.

Narinig ko ang mga yapak ni Elijah palayo. Dammit! Dammit! Even the sound of his footsteps walking away can hurt me so bad! Umiyak ulit ako ngunit alam kong walang halaga ang luha ko. Hindi ko na maibabalik ang panahon. Ito na ang sitwasyon ngayon at kailangan kong isugal ang aking puso para maprotektahan ang aming pamilya, Elijah’s name, at ang aking lahat.

“Klare, we need you to be honest all the time.” Singhap ni Erin.

Tumango ako.

“We are going to help. I want you to be honest. We will protect our family. We will protect the both of you. Please, cooperate.” Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

Tumango ako at tunay na sumang ayon.

Ilang sandali pa bago kami lumabas. Nag retouch at nagpakalma. Makikita parin sa mga mata ko ang pamumugto. Maging kay Chanel ay kitang kita parin. Mabuti na lang at patapos na rin ang party kaya hindi na namin kailangang magtagal.

Pagkapasok namin sa function hall ay diretso agad ang titig ni Elijah sa akin. Hindi ko siya tiningnan. Tinawag si Erin at Chanel ng kanilang daddy para umuwi na sana.

“Hey, hindi ba tayo mag o-overnight kina Klare?” Tanong ng kapatid nilang si Josiah.

“Hindi!” Sabay na sagot ng dalawa.

“A-Ano ka ba, Kuya Joss. It’s Christmas. Dapat sa bahay lang.” Sabi ni Erin.

“Hey, Kuya Elijah. You want to spend Christmas in our house?” Nakangiting sinabi ni Charles kay Elijah.

Ngumiti si Elijah at agad akong kinabahan. Dammit, Charles! Why did you have to invite him?

“Sure!” Ani Elijah.

Nanlaki ang mga mata ni Erin at Chanel. Umiling si Claudette at nanahimik sa tabi.

“Alright, alright! Sleep over kina Klare! And this time, Elijah, sa guest room ka matulog! May gagawin kaming mga girls!” Ani Erin.

Kumunot ang noo ni Elijah ngunit suminghap siya. “Alright, then.”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Until He Was Gone – Kabanata 42

Kabanata 42

Christmas

Mabuti na lang at pagkatapos ng Xavier Days ay naging busy na ulit kami sa school. Hectic na ang schedule namin sa sobrang daming ipapractice. Maging ang Physical Education na subject ay nangangailangang tutukan. Halos araw-araw akong pagod dahil sa mga ginagawa namin sa school.

“Klare, lunch?” Tanong ni Elijah nang naabutan niya kami sa benches sa tapat ng Chapel sa loob ng school.

Napansin ko ang pagtingin sa malayo ni Hannah at ang bulong bulungan ni Julia at Liza sa gilid.

“Uh… Uhm… Sumama ka na lang muna kina Josiah, Elijah. Sasama ako sa kanilang mag lunch, e.” Sabi ko.

Madalas ay kami ang magkasama ni Elijah sa lunch. Pwedeng sa bahay o sa fastfood. Madalas ay kasama namin si Azi o si Claudette. At ang mga madalas na araw na iyon ay tuwing wala sina Erin, Julia, Hannah, at Liza na nakaabang. Ngayon, nakasama ko sila dahil sa isang reporting namin bago magbakasyon.

“Oh, okay.” Pinasadahan ni Elijah ng tingin ang mga kasama ko.

Hanggang ngayon ay hindi parin nakakarecover si Hannah sa ginawang pagtanggi ni Elijah. Ni hindi ko nga alam kung nagkausap na ba ang dalawa simula noon. Simula rin kasi noon ay palagi na lang kami ang magkasama ni Elijah.

“Sige, enjoy your lunch.” Ngumiti siya at umalis nang inaakbayan ni Azi.

May sinasabi na naman si Azi sa kanya at paniguradong tungkol na naman iyon sa mga babae. Minsan gusto kong patahimikin na lang si Azi. Masyado siyang maraming maibibigay na ideya kay Elijah. Naisip ko minsan na pwedeng umalis na lang si Elijah at iwan ako sa oras na makahanap sila ni Azi ng ‘perfect’ girl. Lalo na’t may sabit ako at ang mahanap nila ay wala, mas nakakalamang talaga ang ibang babae. Pero naisip ko ring wala nang puwang ang pangamba para sa akin. Alam ko na may hangganan ang sa amin ni Elijah. Kung makahanap man siya ng iba sa mas madaling panahon ay mas mabuti na rin iyon. Hindi pa masyadong nag uugat ng malalim ang damdamin namin para sa isa’t-isa. Hindi nga ba?

“Si… Elijah ba ang palagi mong kasama sa lunch, Klare?” Tanong ni Erin habang nanliliit ang mga mata.

“Uh, madalas si Claudette.” At kasama parin si Elijah pero hindi ko sasabihin iyon.

Tumango si Erin ngunit nanatili ang titig niya sa akin.

Lumipas pa ang ilang araw at mas naexcite ang mga kaibigan ko sa Christmas Party na ipaplano. December 27 pa naman iyon gaganapin pero excited na sila. Nagkaroon na rin kami ng kringle. Iyon nga lang, dahil masyado kaming marami ay malabong nasa mga kaibigan ko lang ang mabubunot ko. Ang nabunot ko ay isa sa mga lalaking kaibigan ni Chanel. At ang nabunot naman ni Elijah ay si Azi.

“Anong ibibigay ko sa kanya? Sex toy?” Ani Elijah.

Sinapak ko siya nang narinig ko iyon. Nasa loob kami ng sasakyan niya at papauwi na kami ng bahay.

“Baliw ito!” Sabi ko.

“Totoo naman. Kesa humanap siya ng babae diyan at magkasakit lang siya, mabuti pa ganon na lang.”

Nanliit ang mga mata ko nang tinitigan ko siya. Nakatingin siya sa daan at natatawa parin.

“Anong gift mo sakin?” Tanong niya.

Uminit ang pisngi ko. “Hindi naman ikaw ‘yong nabunot ko.”

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanyang gabi gabi kong iniisip kung ano ang maibibigay ko sa kanya. Wala akong alam. Kilalang kilala ko siya ngunit hindi ko alam kung ano ang ibibigay ko sa kanya kaya ginawa ko iyang alibi dahil wala pa akong maisagot.

“Madaya ‘to.” Sumulyap siya sakin.

Tumawa ako. “Alam mo bang si Azi ang nakabunot sayo?” Kumunot ang noo niya.

“What? Ba’t mo sinabi! Dapat ay secret iyon!” Angal ko.

“I want to just kill him. Gusto ko sanang magpalit kami kaso hindi siya pumapayag. At isa pa, siya ang nabunot ko kaya kung magpapalit kami, siya ‘yong magbibigay ng regalo sa sarili niya.” He sighed.

Hindi ko mapigilan ang pag ngiti. Elijah’s so cute when he’s frustrated. Nakita kong nag iba ang ekspresyon niya nang tinigil niya ang sasakyan sa bahay namin.

“Erin’s here.” Aniya.

Naaninag ko agad ang nakahalukipkip na si Erin sa baba ng building namin. Kinalas ko ang seatbelt ko at lumabas na. Naka uniporma siya at bitbit niya pa ang mga libro niya.

“Erin?” Tanong ko.

Ngumisi siya. “Hinihintay ko lang si Ate Chanel. Sabi niya dito ako maghintay, e.” Sumulyap siya sa kakalabas lang na Elijah at biglang may bumusina sa likod ko.

Nilingon ko at nakita ko ang kotse ni Chanel na nagpark malapit sa Chevy ni Elijah.

“Oh, there she is!” Sabay turo ni Erin at umalis na agad para pumasok doon.

Binaba ni Chanel ang salamin at nakita ko agad ang mapanuring mga mata niya. Pabalik balik niya kaming tiningnan ni Elijah bago kumaway at umalis. Kumalabog ang puso ko. Gusto kong balewalain pero hindi ko magawa. I know there’s something fishy about that scene.

“Elijah, tingin ko nakakahalata na sila.” Sabi ko.

Kinagat ni Elijah ang kanyang labi. Tiningnan ko lang siya ng nakakunot noo at lumipad ang pag iisip ko sa araw na mabubuking kaming dalawa. “Alright, we’ll loosen up.” Aniya.

Lumunok ako at tumango.

“I don’t want you upset over this. We’ll loosen up.”

He’s true to his word. Nang nag tipon kaming mag pipinsan para sa nalalapit na family christmas party ay wala si Elijah.

“Elijah’s not here yet? No shit?” Ani Azi nang isang oras na siya sa bahay at wala parin si Elijah.

“Where is he, Klare?” Tanong ni Erin.

“I don’t know.” I lied.

Ang totoo niyan ay nagpaalam siya sa aking magpalipas na lang muna ng araw sa gym dahil sa pagiging busy ko. Sinabi ko rin sa kanyang hindi na muna ako mag titext habang nandito sila. Inabala ko ang sarili ko sa pag bi-bake ng meryenda namin.

“Tulungan na kita, Klare.” Sabi ni Claudette at kinuha iyong pan sa oven nang naluto na ito. “Si Elijah?” Bulong niya.

“Nasa gym.” Sagot ko.

“Nag away kayo?” Bulong niya ulit.

Umiling ako.

Hindi ko na sinabi kay Claudette ang plano namin ni Elijah. Hindi rin naman siya nang usisa. Kaya ang resulta sa sala ay punong puno ng usapan sa taong wala doon.

“I bet 500 bucks, si Hannah talaga ‘yong kinahuhumalingan ni Elijah.” Ani Azi at tumango tango pa siya dahil sa pagiging over confident. “Gym equals Hannah.”

Nilingon ako ni Erin habang kumakain ng butter cake na niluto ko. “What do you think, Klare?” Tanong niya.

Nagkibit balikat ako.

“Hindi ba kayo ang close ni Elijah. How come hindi mo alam?” Kumunot ang noo niya.

Kumalabog ang puso ko. I need to calm down. Calm down. Ang tangi kong naiisip ay katulad itong pakiramdam ko nang in-interrogate ako ni Pierre at Ate Yasmin. Natatakot ako.

“He’s secretive, Erin. Tsaka may mga lakad siyang hindi ko alam.”

I thought those excuses can hold her idead about us but I was wrong. Nang nagkaroon na kami ng Christmas Party sa N Hotel kasama ang mga relatives namin. Naabutan ko siyang tinitingnan ang cellphone ko habang abala ako sa pagkuha ng regalong natanggap ko galing sa nakabunot sakin.

“Erin?” Tumaas ang boses ko.

Nanlamig ang kamay ko nang nakita kong hawak-hawak niya ang cellphone ko. oo at may password iyon na tulad ng kay Elijah ngunit hindi ko parin maiwasan ang kaba.

“I was just checking.” Aniya.

Kumunot ang noo ni Elijah sa inasta ni Erin. Umamba siyang magsasalita na ngunit ako na mismo ang nagsalita para mapigilan na siya. “Kunin mo na ‘yong regalo mo doon!” Sabi ko.

Nalaglag ang panga ni Erin sa akin. “Alright, alright! Don’t shout at me.” Aniya at binitiwan ang cellphone ko.

Nakita kong uminom si Elijah ng tubig habang umuupo ako at kinukuha ang cellphone ko.

“Sorry, hindi ko napansin.” Bulong niya. “I was looking at you the whole time.”

Kinagat ko ang labi ko. “I’m scared, Elijah. Tingin ko ay may hinala na talaga siya.”

Suminghap siya at tinitigan ako. “I really don’t like this idea of yours. Mabuti pa ay sabihin na lang natin sa kanila ngayon.”

Naestatwa ako sa sinabi ni Elijah sa akin. Fuck, no! Hindi pwede! Umiling ako at nakita ko siyang pumikit at pinasadahan ng kanyang palad ang kanyang buhok.

“Stop worrying, please. You’re frustrating me.”

Ngumuso ako. “Sorry. Hindi ko lang mapigilan.”

Nagkatuwaan pa kami sa hotel. May mga pa games at kung anu-ano pa. May para sa mga matatanda at para naman sa mga bata. Masaya ang paskong ito. Hindi ko nga lang alam kung masaya ba si Elijah. Nilingon ko siyang nakangiti habang pinagmamasdan kami ni Charles na nag papapicture sa photobooth na inarkila ng pamilya. Kinindatan niya ako nang nakitang nakatingin ako sa kanya. Hindi ko maiwasang malungkot.

I know why he stayed this Christmas. Sa aming mga Montefalco, sila lang ng kanyang pamilya ang nangingibang bansa tuwing Christmas. Sina Damon at Rafael, parehong destino ang mga magulang nila sa Europa ngunit umuuwi sila tuwing Christmas. Ang pamilya naman ni Elijah ay talagang nangingibang bansa para lang icelebrate doon ang Christmas at New Year.

“Ate, why is Kuya Elijah here? Hindi ba every Christmas he’s abroad?” Tanong ni Charles sa akin.

Nagkibit balikat ako at yumuko ako kay Charles. “You call him, please? I think he’s lonely. Wala siyang kasabay mag photobooth.” Sabi ko.

Masayang tumango si Charles at kumaripas na kay Elijah.

Nakapulang polo shirt at kulay dark blue na maong si Elijah. Natawa ako nang tamad siyang tumayo pagkahila ni Charles sa kanya.

“Dapat ay pinagsasabihan ninyo ang kuya niyo na dito na lang sa Pinas mag Christmas.” Sabi ni mommy kay daddy sa harap ng mga tito at tita ko. “Dual Citizenship is not an excuse to be somewhere else. Look at Elijah, he’s here. He values our family.”

Sumang ayon ang mga kapatid ni daddy sa sinabi ni mommy.

Tumatawa sa photobooth sina Erin at Azi. May wig pa si Azi na sinuot at si Erin naman ay naglagay ng mustache.

“Kami naman!” Sabi ko nang dumating si Elijah.

“O sige!” Tumawa si Azi at umalis doon para bigyan kami ng space.

Noong una ay kaming tatlo lang. Panay ang piggy back ride ni Charles kay Elijah habang ako ay pinagmamasdan ang dalawa at natatawa na lang.

“Ang cute!” Sigaw ni Claudette.

Nilingon ko siya at agad niyang kinagat ang kanyang labi. Nakapulang peplum dress siya at nakatali ang mahaba at straight na buhok. Nakapula kasi kaming lahat. Color coding para magandang tingnan sa picture.

“Wait lang, ate. I’m gonna call mom and dad.” Sabi ni Charles at tumakbo ulit palayo sa aming dalawa.

Nilingon ako ni Elijah at nag taas siya ng kilay. Yumuko ako at narealize na kaming dalawa na lang ang nandoon.

Narinig ko ang click ng camera sa photobooth. Shit! Nakunan kaming dalawa na ganon? Bigla akong hinila ni Elijah palapit sa kanya at nagawa pa niyang ngumiti habang inakbayan ako. Hindi ako makangiti. Ang lakas ng kalabog ng puso ko sa ginawa niya. Pinapanood kami ng mga pinsan namin!

“Ako rin!” Sabi ni Azi at siniko si Elijah para lang makasingit samin.

“Ako!” Sabay singit ni Josiah.

“Me too!” Sigaw ng awkward na si Claudette at nakisawsaw silang tatlo sa amin.

Napalunok ako at kumalas kay Elijah habang nakitang nagkatinginan si Erin at Chanel. Dammit! I need a break. Umalis ako doon at hinayaan silang magkagulo sa photobooth.

Nabilis akong lumabas sa function hall para mag punta sa comfort room. I need to get my shit together.

Huminga ako ng malalim pagkapasok sa CR. Nag retouch ako sa konting make up na nasa mukha ko. Inisip ko ang hawak ni Elijah sa baywang ko. Parang nandoon parin iyon. Parang hindi natanggal ang kamay niya. Pumikit ako at tiningnan ang gift niyang nakabalot sa isang kulay violet na papel. Binigay niya ito kanina nang nagkita kami. Mabuti na lang at naisip niyang una itong ibigay dahil paniguradong kung ngayon niya pa ibibigay ay mahahalata na kami masyado.

Tumunog ang cellphone ko at nakitang may mensahe doon galing kay Elijah.

Elijah:

You okay? Hindi ako pinapakawalan ni Charles.

Mabilis akong nag type ng irereply.

Ako:

Yup. I’m alright. Nag retouch lang. Babalik na ako.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Naka buhayhay ang kulay brown, mahaba, at straight kong buhok. Bumagay lang sa tube dress na suot ko. May itim na eyeshadow sa gilid ng aking mga mata para ma highlight ang konting pagka chinita nito.

Pinili ni Elijah na sumama sa amin imbes na sa pamilya niya para makasama ako. It’s our first Christmas together as… I don’t know how to call us. I don’t really care. Ang tanging alam ko ay pareho kami ng nararamdaman at tama na iyon para sa akin.

Unti unti kong pinunit ang kulay violet na wrapper ng medyo maliit na box. Nakita kong may gold ribbon na naka engrave sa box. Nalaglag ang panga ko nang napagtantong mamahalin na naman itong regalo niya.

“Aspial.”

Kinilabutan ako sa nagsalita sa likod ko. Nilingon ko agad ang malungkot na mata ni Erin habang binasa niya ang box. Itinago ko iyon sa likod ko ngunit sa hitsura ni Claudette sa likod nilang dalawa ni Chanel, nahinuha kong huli na ang lahat.

“Kanino galing ‘yan, Klare?” Tanong ni Chanel.

Mabilis ang hininga ko. What shall I do? Galing kay Daddy? Kay mommy? Kanino?

“Aspial.” Inulit ni Erin ang brand na nakitang naka engrave sa labas ng box.

“Erin, Chanel, please…” Sabi ni Claudette.

Nagulat ako sa matapang niyang boses kahit na tumutulo na ang kanyang mga luha.

“Shut up, Dette!” Sabi ni Erin at kinuha agad sa likod ko ang regalo ni Elijah.

Sinubukan kong kunin ang box ngunit lumayo si Erin sa akin at pinigilan ako ni Chanel. Mabilis ang paghinga ni Erin at nanginginig ang kamay niya habang unti unting binubuksan ang kulay itim na box.

“Erin, akin ‘yan.” Nanginginig ang boses ko.

Nalaglag ang panga niya at marahang kinuha ang isang malaking barrette sa loob. Punong puno ito ng crystals at kulay violet ang katabing color ng mga crystals.

“Holy shit, pinagawa pa ito.” Nakita kong bumuhos ang luha ni Erin.

Nabasa ang box kaya marahan niyang binaba ang barrette at pinasok ulit sa loob. Laglag panga rin si Chanel nang kinuha ang box at tiningnan ang regalo ni Elijah para sakin.

“Cousins don’t give each other those kind of gifts, Klare!” Panay ang punas ni Erin ng kanyang mga luha.

Nanginig ang mga labi ko. Kinagat ko na lang ito at yumuko.

“Klare, may relasyon kayo ni Elijah.” Hindi iyon tanong. Kumpirmasyon iyon galing kay Erin.

“Oh my God!” Sabay lagay ni Chanel sa box sa sink.

Tumilapon ang barrette. Nalaglag ang puso ko sa nangyari. Agad ko iyong dinampot at maingat na nilagay ulit sa loob. Habang ginagawa ko iyon ay halos mabingi ako sa sampal na natamo ko galing kay Erin.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]