Until He Was Gone – Wakas

Thank you so much for reading this story.


Wakas

Wala naman talaga akong masyadong maalala sa amin ni Elijah bago siya umalis patungong America noong mga bata pa kami. Sa dami ba naman naming mag pipinsan, hindi ko na kayang sabayan ang trip ng lahat. Mga babae lang ang naging ka close ko noon. Kaya naman, hindi naging kawalan sa akin ang pag alis niya.

“Ngayon dating nina Kuya Just, diba?” Tanong ni Erin sa akin Grade 5 kami.

Nag kibit balikat ako.

Alam kong ngayon ang dating nga pamilya nila galing sa U.S. Ang tanging naiisip ko lang ay ang mga chocolates na madalas pinapadala nila at ang mga imported na mga bagay. Kaya malamang, mas marami ngayon kasi umuwi na sila sa Pinas.

Nang pumunta kami sa bahay nila para sa ‘reunion’ na magaganap dahil sa pag balik nila ay natuwa lang ako kasi nakasama ko ang mga babae kong pinsan. Hindi naman talaga kasi ako close sa mga lalaki. Madalas, di ko sila naiintindihan. May mga sekreto silang hindi namin alam at palagi pang nang iinis.

Nag uusap si Azi at Josiah papasok kami ng living room. Naroon na si Kuya Justin at Ate Yasmin na parehong hinahalungkat ang kani kanilang maleta.

“Ate Yasss!” Sigaw ni Chanel sabay yakap sa kay Ate.

Yumakap din kami nina Erin at Claudette sa kanya. Maiksi na ang buhok ni Ate Yasmin ngayon. Mas bumata siyang tingnan. Hinalungkat niya ang maleta at agad binigay kay Chanel iyong mga bag at damit na may pangalan niya. Excited nilang dinumog iyong maleta habang sinusuyod ko ang kakarenovate lang nilang bahay.

Mas lumaki at mas naging engrande ang bahay nila. Siguro ay dito na sila talaga titira.

“Here.” Sabi ng pamilyar na boses sa likod ko.

Nilingon ko siya dahil sumigaw ang mga lalaking pinsan ko at dinumog siya. Umirap ako sa nakita. Iyon naman pala, may dala siyang mga sapatos na Nike at Adidas. Puro brand new at sobrang dami. Balak niya atang bigyan ng isa-isa ang lahat ng pinsan kong lalaki.

Nag angat siya ng tingin sa akin at bumuntong hininga.

“Elijah, ibigay mo ‘yong pink kay Klare.” Sabi ni Kuya Just na nasa likod niya.

“Course.” Aniya at binigay sa akin ang isang kulay orange na box na may malaking check.

“Diba mahilig kang sumayaw, Klare? You can use that.” Ani Kuya Justin.

“Thanks kuya.” Ngumisi ako at binalingan ang sapatos na binigay ni Elijah.

That’s how we communicate. Not cold, not warm, just in between. Ngunit sa lahat ay siya ang pinaka hindi ko pinapansin. Hindi rin naman kasi siya namamansin sa akin.

Kinurot ni Azi ang mukha ko sa school habang kumakain ako ng fishballs sa canteen. Gusto ko siyang saktan dahil sa sakit ng pagkakakurot niya sa pisngi ko. Pakiramdam ko ay pulang pula ito.

“I hate you!” Sigaw ko.

Ayaw na ayaw ko talaga ng iniinis ako lalo na pag gutom ako. Lumayo siya at hinawakan niya ang kanyang tiyan sa kakatawa. Matalim ko siyang tinitigan. Tahimik ang mga kaibigan ko dahil nahihiya siguro sa presensya ng mga pinsan ko.

Bumaling ako sa kinakain kong fishball at nakitang wala na don ang mga natira. Luminga ako sa kay Julia at Liza na siyang kasama ko ngayon pero tumingin lang sila sa likod ko. Nang lumingon ako ay nakita kong hinahawakan na ni Elijah ang stick na wala ng fishball.

“That’s mine!” Sabi ko.

We’re not even close. Bakit ganito siya?

“Damot mo naman. I’m just hungry.” At binigay niya sa akin ang stick na wala ng fishball. “Oh, ayan.” Ngumisi siya.

“Anong ayan? Asan ‘yong pagkain? Bilhan mo ulit ako!” Sabi ko.

“Hindi ka ba marunong mamigay? Diet ka naman minsan. Tumataba ka na, e.” Aniya at nilagpasan kami.

Natawa ang mga kaibigan ko sa sinabi ni Elijah. What’s funny? Matalim ko silang tinitigan.

Kayang kaya niya talagang insultuhin ang kabuuan ng pagkatao ko. Nakakairita! Anong mataba? Ni buto’t balat na nga ako. Kaya ko gustong kumain nang kumain ay para tumaba naman ng kaonti.

Sinundan ko siya nang tingin at nakita kong bumili siya ng mga pagkain kasama si Azi at Josiah. Pinagtitinginan silang tatlo dito sa canteen. Maiingay kasi at tawa nang tawa. Marami pang mga kaibigan at maraming katawanan kaya mas lalong nakakaagaw ng atensyon.

“God! Hindi man lang niya ako hinatiran ng pagkain dito! Inubos niya kaya ang fishballs!” Reklamo ko.

“Hayaan mo na. Ibigay mo na lang sa pinsan mo.”

Hindi ko maintindihan kung bakit ganon? Gutom ako. Isa pa, kung gusto niya ng pagkain, pwede namang magpaalam siya sa akin. Hindi naman ako madamot. Pero bigla niya na lang inubos nang di nagpapaalam kaya nakakabanas lalo. Ni hindi man lang siya nagsisi sa kanyang ginawa.

Dahil kasali ako sa Dance Troupe at sa Cheerleading, madalas kaming masali sa mga activities ng school. Minsan ay contest sa labas ng school, pero mas madalas naman ang intermission number lang sa mga activities. Kaya noong Grade 9 kami, nagpasya silang mag practice sa bahay nina Chanel para sa isang activity.

Doon nila napiling mag practice kasi may kasama kami sa Troupe na may gusto kay Josiah. Pagkadating namin sa bahay nila ay nagulat kami nang nakita ang apat na lalaking nag babasaan dahil naglilinis ng dalawang sasakyan. Tawa sila nang tawa habang ginagawa iyon. Nagsimulang tumili ang mga kaibigan ko. Knoxx, Azi, Elijah, and Josiah, shirtless while car washing? Syempre matutuwa ang sambayanan.

Dumiretso sila sa loob dahil nahihiya sila na magpahalatang kinikilig. Pinauna ko sila dahil hindi naman sila pamilyar sa bahay nina Joss, habang ako ay kabisado na.

“Hi girls!” Tumatawang sambit ni Azi habang pinaglalaruan ‘yong hose.

“Azi, mababasa si Klare.” Ani Knoxx nang nakitang umaamba ako papasok nang naubos na sila.

Mabilis akong tumakbo para hindi mabasa ngunit nabasa ako nang diretsong tinutok sa akin ni Elijah ang hose.

“Uh-oh.”

Napapikit ako nang nabasa ako mula ulo hanggang paa. Sa sobrang gulat ay halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko.

“Tuwalya, Joss.” Sabi ni Knoxx.

“Elijah!” Ani Azi.

Nilingon ko si Elijah at nakitang walang bahid na pagsisisi sa kanyang mga mukha. Tumingin lang siya sa akin habang nililigpit ang hose na hinahawakan niya kanina. Tiningnan ko ang damit ko at ang mga sapatos kong basang basa talaga. Binigay ng namumutlang si Josiah sa akin ang tuwalya. Ni hindi ko ito natanggap ng mabuti dahil sa gulat ko sa nangyari.

“Anong nangyari, Kuya?” Tanong ni Claudette nang lumabas siya sa pintuan nina Josiah.

Nalaglag ang panga ni Claudette nang nakita akong basang basa. Nilingon ko si Elijah at walang pag aalinlangang sinugod dala ang isang baldeng tubig na nasa gilid ko.

“HINDI KA MAN LANG NAG SORRY!” Sigaw ko at binuhusan siya ng tubig.

Tumakbo si Azi palayo. Mabilis ang tibok ng puso ko sa sobrang inis. Pakiramdam ko ay nagdidilim na ang paningin ko. This isn’t the first time. Palagi naman siyang ganito. Madalas siyang nagkakasala sakin at hindi ko kailanman narinig sa kanya ang salitang sorry!

Basang basa siya mula ulo hanggang paa. Pinasadahan niya lang ng kamay ang kanyang ulo na para bang natutuwa pa siya dahil binasa ko siya.

“I hate you so much! Wala kang modo!” Sigaw ko habang inaawat ni Josiah. “Ni hindi ka nagsorry!”

“Mag sorry ka, dude.” Sabi ni Azi. “She’ll hate you.”

“It’s okay. I won’t expect that she will love me, anyway.” Humalakhak siya.

Mas lalo akong nainis.

Hell yeah! Puputi na lang ang mga uwak, hinding hindi kita magugustuhan. I hate him so much! Siya ang pinaka ayaw ko sa mga pinsan ko. Bukod sa mayabang, hindi marunong magpakumbaba, ay masyado pang feeling at nakakairita.

Dumami pa ang away namin. Palaki nang palaki habang tumatagal. I hated him so much! Always. Everytime. Naiirita ako tuwing pumupunta sila sa bahay at nilalaro ang kapatid kong si Charles. I want Charles to grow up good. Hindi iyong tulad nila, tulad sa kanya. Pero hindi ko alam kung bakit baliw ang kapatid ko sa kanya. Idol niya yata itong si Elijah.

“Kuya said I should root for Los Angeles Lakers.” Aniya sabay kain ng popcorn habang nanonood ng Basketball.

“Kuya who?” Tanong ko sa kapatid kong Grade 1 pa lang.

“Kuya Elijah.” Aniya na parang ang bobo ko dahil hindi ko alam.

“Heat is better, Charles. Mas magaling sila.”

Umiling siya. “Lakers!”

Paano niya kaya nauuto ang kapatid ko. Kahit na ganon ay sinigurado kong marunong mag sorry ang kapatid ko at may natututunang maganda galing sa akin.

Isang araw ay naabutan ko si Erin na pababa sa kanilang sasakyan habang gumagala ako sa flowershop sa baba ng aming building.

“Oh, ba’t ka nandito?” Tanong ko at nakita ko rin si Claudette sa kanyang likod.

“Magbabasketball daw sila. Ayokong manood, tinatamad ako. Dito na lang tayo.”

Nakita kong paalis na ang sasakyan nina Azi. Mabilis ko itong hinarangan. Kinausap ko sila na sasama kami. Lalo na nang nalamang ang kalaban ay ang mga taga Xavier University High School. Hindi naman daw ito tournament. Katuwaan lang daw, practice game kumbaga bago magsimula ‘yong sasalihan nilang tournament sa Marco ngayong summer.

“Ba’t kayo sumama, akala ko boring?” Tanong ni Azi na nasa front seat.

“Etong si Klare, may crush sa taga XUHS.”

“Uy! Shhh!” Pinigilan ko si Erin.

“Si Sarmiento.” Aniya.

Hindi ko naman kailangang pigilan si Erin dahil alam na iyon ng halos lahat. Hindi ko alam kung paano nangyari. Namulat na lang ako na alam ng lahat na may gusto ako sa player na iyon. Mabuti na lang at hindi kami schoolmates, hindi ako masyadong napapahiya.

Sa gym ng school ginanap ang practice game. Kahit na practice game ay may mga tao din palang nanuod bukod sa amin. Iyong mga players na mas bata, mga taga XUHS na mga babae, at mga taga school na kilala din namin. Medyo maingay kahit na hindi official ang game.

“Halatang lumalandi lang ang mga babaeng yan.” Sabay turo ni Erin sa mga babaeng may dalang cartolina at may mga pangalan ng paborito nilang players kasama si Eion.

Tumango ako at umupo na kami sa bleachers. Nandoon ang mga pinsan ko, naglaro. Kasama sa first five si Elijah, Azi, Rafael, at dalawa pang kabigan nila. Sa kabila naman ay ‘yong chinitong si Ty, Sarmiento, Velez, Lim, at Saavedra.

Syempre, nag cheer din kami. Hindi ko nga lang alam kung saan ako mag chicheer, kung sa mga pinsan ko ba o kina Eion.

“GO EION!” Uminit ang pisngi ko nang narealize na masyado akong na carried away sa game.

“Traydor!” Sigaw ni Azi sa akin habang yumuyuko siya sa hingal.

Tumawa kami.

Nag angat ng tingin si Elijah sa akin. Inirapan ko siya. Hate him. Mabuti magaling si Rafael at si Elijah at nakakascore sila. Ngunit madalas talaga silang nawawala kay Ty.

“Ang galing ni Hendrix!” Sabi ni Erin habang pinapanood ang bawat lay up na ginagawa ng lalaking player.

Tumango ako.

Talo ang school namin sa laro. We’ll, okay lang naman. Sa huling laro ay panalo sila. Ngayon, talo naman. Give an take. Besides, isa lang naman ang lamang. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

“Lika, Klare! I congratulate natin ang XUHS!” Sabi ni Erin at mabilis na tumakbo pababa ng bleachers.

“Huh?” Nilingon ko si Claudette na nakatingin lang sa akin habang tumatayo.

“I’m gonna comfort the losers.” Aniya.

Tumango ako at sumunod sa kanila.

Gusto ko sanang sumama kay Erin ngunit ayokong mag mukhang tanga tulad na lang ng mga babaeng nakaaligid sa mga taga XUHS. Ngunit ayaw ko ring maging tanga, tulad ng mga babaeng nasa mga pinsan ko at kinocomfort sila dahil sa pagkatalo. Can we just go home instead?

Kinawayan ako ni Erin at tinuro niya si Eion. Naengganyo ako kaya hindi ko na mapigilan ang mga paa ko. Nilagpasan ko ang Knights, team ng school namin.

Nakita kong naka upo si Elijah habang nakahilig ang kamay niya sa palapag ng bleachers. Hinihingal pa siya at pawis pa. Pinagmamasdan niya ako habang nilalagpasan siya.

Ilang sandali ang nakalipas ay may bolang tumama sa paa ko kaya natalisod ako at tumama ang mukha ko sa sahig ng court.

“ARAY!” Sigaw ko sabay tinda sa ilong kong na flat yata.

Hinawakan ko ang dibdib ko sa sobrang sakit at ang tuhod ko naman sa sobrang hapdi. What the hell? Mabilis akong dinaluhan ng mga pinsan ko.

“Klare, are you alright?” Tanong ni Rafael.

“Pulang pula ang ilong mo.” Sabi ni Josiah.

“Dude, what the fuck?” ani Damon sabay tingin kay Elijah.

“The ball tripped.” Palusot ni Elijah.

And he didn’t even bother to say sorry. Tumayo ako kahit na masakit pa ang tuhod ko. Naiiyak ako sa sakit. Nakita ko pang pinanood ako ng kabilang team. Ang iba sa kanila ay tumawa ang iba naman ay nasaktan para sa akin. Nakita ko rin ang mga mata ni Eion na nakakunot habang pinapanood ako.

God! This is so embarrassing! Binalingan ko si Elijah na ganon parin ang posisyon sa bleachers.

“Klare? Masakit pa ba?” Tanong ni Damon.

Hindi na ako sumagot. Diretso ang lakad ko patungo kay Elijah at sinalubong ko ang mukha niya ng isang malakas na sampal. Pumikit siya pagkatapos matanggap iyon. Pumula agad ang kanyang pisngi at nag igting ang kanyang bagang bago siya bumaling sakin.

“ASSHOLE!” Sigaw ko at mabilis na umalis sa gym na iyon ng walang ulo.

So embarrassing! Nag kulong ako sa kwarto ko dahil sa kahihiyang sinapit. Narinig ko ang mga katok ng mga pinsan ko. Anong ginagawa nila dito sa bahay namin? Hindi ko sila sinagot. Kahit nang dumating na ang gabi at ginugutom na ako ay hindi ko parin sila pinapasok, hindi rin ako umalis.

“Klare! Dinner!” Sabi ni mommy.

“I’m not hungry.” Sagot ko.

“Klare, open the door. Dito matutulog ang mga pinsan mo.”

Hindi ako sumagot. So what? Matulog sila diyan sa guest room. I’m not in the mood. Bukod sa pasang natamo ko sa pagkakadapa ko kanina, baon ko rin ang kahihiyan. I don’t wanna be reminded.

“Klare?” Kumatok si Erin.

Kinagat ko ang labi ko. “Just open the door. Ibibigay ko sayo ang pagkain. Di mo na kailangang lumabas.” Aniya. “Claudette is here with your food. Open it, Klare.”

Tumayo ako at narealize na hindi ako makakatulog pag hindi ako kakain. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Elijah na may dalang pagkain. Sa likod niya ay ang mga pinsan ko at sabay sabay nila siyang tinulak bago ko pa naisarado ang pinto.

Nabitiwan niya ang bag niya sa sahig at iningatan niya ang pagkain. Mabilis kong binuksan ulit ang pintuan para makalabas ngunit sinarado na iyon ng mga pinsan ko galing sa labas.

“Dyan! Mag kulong kayong dalawa! Settle your fight! Hindi namin ‘to bubuksan hanggat di kayo magiging okay!” Dinig kong sinabi ni Chanel.

“Hey! Open!” Sigaw ko at pinilit na buksan ang pintog hindi natitinag.

“They won’t open. Kumain ka na lang.” Ani Elijah habang nakaupo na sa kama ko na parang sa kanya.

Nilingon ko siya at kinuha ko ang pagkaing dala niya. God! Pakiramdam ko ay tinatapakan na niya ang ego ko dahil sa pagkuha ko sa dala niyang pagkain. But damn, I’m so hungry.

“Your room is too girly. Pink here, pink there… Kay Barbie ba ‘to?” Humalakhak siya.

Hindi ako umimik. Kumain ako ng tahimik sa maliit na study table ko. Pinulot ko rin ‘yong bottled water na dala niya para uminom.

“Mukhang nagsuka si Hello Kitty dito, ah?” Aniya habang pinapakealaman ang kumot kong kulay pink.

“Will you stop it?” Sigaw ko.

Nilingon niya ako at ngumisi siya sa naging reaksyon ko. Alright! Gusto niya talaga na iniinis ako. Pwes, I won’t give you the satisfaction.

“Maliligo na lang muna ako.”

“Ha! Buti pa nga. Ang baho mo.” Sabi ko.

“You might want to smell my socks and tell me kung mabaho ba talaga ako.”

“Edi wag ka nang maligo kung tingin mo ay mabango ka.” Sabi ko.

What a stupid conversation.

“Klare, hindi naman naliligo ang mga tao para maging mabango. Like me, natural akong mabango. Naliligo ako to feel clean. I feel queasy from the game.”

“Oh, alright!? Edi maligo ka para mawala ang germs at maging malinis ang nakakadiri mong katawan.” Sabi ko sabay inom ng tubig.

Tumikhim siya at bahagyang tumawa. “Well talk after my shower.” Aniya at tumayo.

Binalingan ko siya at pinanood siyang pumasok sa banyo ko. Whatever, mister. Dammit! Bakit ba kasi nandito siya? I should just sleep bago pa mangyari iyong ‘talk’ na sinasabi niya. Mabuti na lang at tapos na akong maligo. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kama at pumikit na. Sa kasamaang palad ay hindi ako makatulog. Pwede namang mag play asleep. Play dead. Whatever.

Bumukas ang pintuan at pikit parin ang mga mata ko. Narinig kong humalakhak siya. Naamoy ko ang showergel ko. Dammit, he used my showergel!

“Kunwari ka pa. You are awake.” Aniya.

Whatever. Matutulog din naman ako. I don’t want to talk to you.

“So you don’t want to talk?” Aniya habang nag bibihis ata. Ewan ko.

Ilang sandali ay narinig ko ng nag click ang switch ng ilaw. Ang tanging natira ay ang lights sa gilid ng aking kama. Narinig ko ang hininga niya habang kinukuha ang comforter ko.

“Hey!” Sabi ko nang narealize na kukunin niya ang lahat.

“We’ll share.” Humalakhak ulit siya.

Sa dilim ay kitang kita ko ang pagkalibang ng kanyang mga mata. Kinagat niya ang kanyang labi at bumaling sa akin habang nakahiga.

“So what’s your problem with me?” Aniya.

“Pwede bang mag pretend na lang tayo na maayos tayo at wag ng mag usap kasi naalibadbaran ako sayo.” Sabi ko.

“Bakit? Anong ginawa ko sayo?” Tumawa ulit siya.

“Wala. That’s why we’ll just sleep, okay?”

“Palagi kang galit sa akin.”

“Well that’s because you piss me off all the time!” Sabi ko sabay lingon sa kanya.

Tinitigan niya ako. Tinitigan ko rin siya pabalik. Ang mga mata niya ay sinusuri akong mabuti. Bumitiw siya sa pagtitig sa mga mata ko at nilakbay ng kanyang mga mata ang kabuuan ng mukha ko. Kumunot ang noo ko sa ginawa niyang pagtitig sa akin.

“You piss me off all the time, too.” Aniya.

Umirap ako at tinalikuran siya sa higaan.

Ang pinaka nakakagago sa lahat ay hindi siya nagsosorry. Imbes ay mas lalo niya pa akong iniinis! Dyan ka na nga!

“And I’m sorry.” Aniya nang tinalikuran ko na. “I’m sorry kung naiinis kita kasi naiinis ako sayo. I’m sorry, Klare.”

“Ba’t ka maiinis sa akin? Ni hindi kita pinapakealaman? Ni hindi kita pinapansin?” Naiirita kong sinabi.

“Kaya nga ako naiinis.” He sighed.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: