Simula
Malamig ang gabi sa Davao habang nakaupo ako sa mga hagdanan Magsaysay Park. Hindi ko alam kung ano ang meron ngayon pero may mga taong nagsisindi ng sky lantern sa may boardwalk. Dahil sa mga pinapalipad nilang sky lantern, mas lalo kong nakita ang kagandahan ng madilim na dagat sa malayo. Para itong pangyayari sa isang animated movie na napanood ko noon.
Nangaligkig ako sa ginaw ng hanging umihip. Hindi naman maginaw sa umaga, summer na kasi at umiinit na ang panahon. Pero tuwing gabi, ganito ang temperatura. Hindi ko nga lang alam kung sa Davao lang ba ito o sa buong Pilipinas.
Niyakap ko ang sarili ko at binaba ko ng isang palapag ang dalawa kong paa. Bakit ba kasi ako naka shorts at loose tank top. Kahit na may tube sa loob ay nanginginig parin ako sa lamig. Mabilis akong nag sisi pag labas sa gabing ito.
“It’s summer, Klare! It’s my turn!” Sigaw ni Papa sa akin.
“Pero, pa, I’ve been with you all year.” Pangatwiran ko nang nanggalaiti siya.
“Oo, sa Cagayan de Oro! Hindi dito sa Davao! Now I want you here in our home. Bakit ka aalis?” Aniya.
“Klare.” Malamig na tawag ni Tita Marichelle, Papa’s wife.
Hinawi niya ang kanyang mahaba at kulot na buhok at pinagdiin ang mapupulang labi bago suminghap at nagpatuloy sa pagsasalita.
“As much as I want you gone in this house-“
“Mom, stop it.” Putol ni Hendrix sa mommy niya.
“Sorry. Pero ang sinabi ni Ricardo ang masusunod. Batas ang kanyang mga salita.”
Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko mapigilan ang pagdaramdam tuwing nagsasalita si Tita Marichelle. I get that she doesn’t like me. Hindi ito ang unang beses na pinaramdam niya sa akin ito. Ngunit sa loob ng dalawang taon ay hindi parin ako nasasanay. I have never been hated. Kahit na sabihin nating naging ‘hate’ ako nina Erin, Chanel, at Ate Yasmin noon, hindi parin ako natrato ng ganito harap harapan.
This is better, actually. Mas maganda siyang makitungo kumpara sa mga pinsan ko ngayon. but I’m not in the right place to blame my cousins. I understand. Alam ko kung bakit kinakamuhian nila ako sa ngayon. I want to do something about it. Kaya lang, alam kong may mga sugat na hinahayaan na lang para mag hilom. Kasi pag inaalagaan mo ito, mas lalo lang dudugo, maiimpeksyon lang.
“Okay.” Sabi ko at tumayo habang kumakain pa sila.
Intimidating ang atmosphere ng malaking bahay ng mga Ty sa Davao. Kumpara sa bahay ng mga pinsan kong may pagka-modern, itong bahay nila ay puno ng makikintab na antiques.
“Saan ka pupunta?” Tanong ni papa.
“Magpapahangin.” Sagot ko.
“Hindi ka pa tapos kumain!” Aniya.
“I’m done.”
“Klare Desteen Ty!” Sigaw niya nang nakalayo na ako at napagtanto niyang hindi na ako babalik sa hapagkainan.
Ilang beses na rin akong napagalitan dahil sa suot ko habang kumakain. Ngayong gabi, espesyal dahil hindi ako napagalitan sa suot kong loose top at shorts lang. Ngunit napagalitan naman ako sa ibang rason… Suminghap ako at nilingon ang hapagkainan. Silang apat ay nakatingin sa akin. I feel like I don’t belong here.
“Ganyan ka ba pinalaki ng mga Montefalco? Umaalis nang di pa natatapos ang pagkain? We are having dinner here, Klare! Wag kang bastos!” Ani papa.
Ilang beses ba ako masasaktan tuwing binabanggit ang pangalan na iyan? Hindi ako pinalaki ni daddy na ganito. Hindi ako bastos. Hindi ako nagrerebelde dito sa bahay nila. I’m just really, really pissed. Ayokong mapagbuntungan ko sila habang kumakain kami. Imbes na magsalita ako ng masama ay mas pipiliin kong manahimik at umalis.
“Dad! Will you give her a break? You’ve been too hard on her.” Ani Hendrix.
“Pa, I just really want to go. I’m not hungry. At naiinip na ako. Ayokong hintayin na matapos kayong kumain bago umalis.” Sabi ko.
“Klare, asan na ang manners mo? Proper table etiquette.” Singit ni Tita Marichelle sa isang dalisay na boses.
Yes, she hates me. Ang gusto ko sa kay Tita Marichelle ay hindi siya ‘yong tipong plastik at tinatago ang kulo. Sinasabi niya ang mga gusto niyang sabihin sa harap ng mga tao. She’s also not bitter all the time. Sa loob ng halos dalawang taon na nakasama ko siya ay may naidulot na rin siyang maganda sa akin. Naniniwala akong kahit ang mga taong nasaktan at mananakit ay may kalambutan at kabaitan rin na tinatago sa katawan. Iyon ang natutunan ko sa loob ng mahigit dalawang taon.
“Sorry, tita.” Sabi ko.
“Let her go, Ricardo. Pierre…” Sabay tingin niya kay Pierre na tumayo agad.
“I know, mom. You don’t have to tell me.” Ani Pierre at agad tumayo at naglakad patungo sa akin.
Diretso ang lakad ko palabas ng kanilang bahay. Wala na si Pierre sa likod ko. Naririnig ko ang agos ng fountain sa kanilang garden habang naglalakad ako patungong gate. Hindi ko na kailangang sabihin sa security guard na aalis ako dahil binuksan niya na ang gate. Umilaw agad ang headlights ng sasakyang nasa likod ko. Kung hindi ako tatabi ay masasagasaan ako nito kaya minabuti kong tumabi. Nang tumigil ito sa harap ko ay sumakay na agad ako sa front seat.
Ganito ang eksena halos gabi gabi. Noong bago pa lang ako dito sa bahay nila, kuntento na ako sa garden at sa gilid ng fountain. Pero pagkabalik ko galing Cagayan de Oro, naging maliit na ang bahay para sa akin. Mas gugustuhin kong umalis at magpahangin sa labas.
Hinihingal si Pierre habang ipinapakita sa akin ang skateboard na dala. Nakayakap na ako sa tuhod ko habang pinagmamasdan siyang pawis at nakangisi.
“You sure you want to go back?” Tanong niya habang umuupo sa tabi ko.
Pinunasan niya ang kanyang pawis gamit ang kanyang t-shirt. Pinanood ko ang mga gulong ng skateboard na binigay niya sa akin last December bilang regalo.
“Naisip ko lang… Simula nung nagpalit ako ng apelyido, hindi na ako masyado nakakauwi sa bahay namin.”
Tinitigan niya ako. Hinawakan ko ang gulong ng skateboard na kulay pink.
“Miss ko na sina mommy at daddy. Miss ko na ang kapatid ko.”
“You’ve been with them yesterday, Klare.” Ani Pierre.
“Oo. Pero not really ‘with’ them. Nag paalam lang ako na sa Davao ako magbabakasyon. Iyon lang, Pierre.”
“Tuwing Sabado at Linggo, umuuwi ka naman sa inyo.”
“Oo. Pero…” Hindi ko mahanap ang tamang salita.
“You want to be with your family just for this summer? Do you miss your travels? ‘Yong mga beach niyo, sleep overs, what else?”
Nag angat ako ng tingin kay Pierre.
Nag iwas siya ng tingin at nagpatuloy siya sa pagsasalita.
“Okay. Sabihin mo kay daddy ‘yan. He’ll let you go. O baka pa nga ngayong Summer ay sa Cagayan de Oro tayong lahat mag summer para sa ikakasaya mo.” Bumaling ulit siya sa akin.
“You know that won’t happen. Tita Marichelle will get mad, Pierre. I understand, but… Okay lang naman sa akin na ako na lang. Kahit na wag na kayong sumama.”
“Understand that dad is possessive of you. Ilang taon kang ipinagkait sa kanya ng mommy at daddy mo. Gusto niya lang makabawi.” Aniya.
“Nakabawi na si papa. Alam kong mahal niya ako. And he gave me his name… Hindi na ako Montefalco ngayon.”
Natahimik siya. Seryoso ang kanyang mga mata habang sinusuri ako.
“You were never a Montefalco.” Umihip ang malakas na hangin.
Nag iwas ako ng tingin. Treachery? Pakiramdam ko ay tinraydor ko ang mga Montefalco dahil sa ginawa kong ito. Ang gulat at sakit na idinulot sa akin ng katotohanan two years ago ay ang naging dahilan sa mga pagbabago at mga desisyong tinahak ko ngayon. I don’t want to think about that anymore, though. Wala akong pinagsisihan.
Kinagat ko ang labi ko at kinuha ang skaterboard sa kamay niya bago ako tumayo.
“Hindi ko deserve ang pangalan nila. Guess you’re right… I was never a Montefalco.” Sabi ko.
“What do you mean?” Aniya nang pinaubaya sa akin ang skateboard.
“They are great people, Pierre. At ako? Kasalanan ako. I’m the proof of the mistake years ago.” Ngumisi ako at natuwa sa mukhang galit na ipinakita ni Pierre.
Madalang siyang magbigay ng ekspresyon. At tuwing nakikita ko siyang galit o gulat ay natutuwa ako.
Tumawa ako at nilapag ang skateboard sa baba. Sinakyan ko ito at mabilis kong sinalubong ang hangin. Nilagay ko ang kamay ko sa likod ko at hinayaan ang sariling sumakay rito kasabay ang ibang skaters sa Magsaysay Park.
“Don’t pull that stunt again, Klare!” Sigaw ni Pierre sa malayo.
Naalala ko tuloy nong una akong natutong mag skateboard gamit ang skateboard ni Pierre. Nasugatan ako non dahil akala ko kaya ko ‘yong tulad ng mga ginagawa niyang pag lipad sabay hawak sa board.
Tumigil ako nang nakalayo na at nginitian ang ilang mga kaibigan ni Pierre at Hendrix na nakasalubong ko sa park.
“Asan si Pierre?” Tanong ni Vaughn.
Siya lang ang tiningnan ko sa dagat ng mga kaibigan ni Pierre. Sa kanilang lahat, sa kanya lang magaan ang loob ko. Bukod kasi sa taga Xavier University rin siya, hindi rin siya intimidating tulad ng iba. Nakaupo lang siya sa bench at pinapanood akong hinihingal at tumitigil sa pag s-skate. Naka puting t-shirt lang siya at khaki shorts.
“Ah? Iniwan ko sa may tower.” Sabay turo ko sa kay Pierre na ngayon ay papalapit na pala.
Aksidente kong nahagip sa tingin ang babae sa likod niyang palaging badtrip sa akin, si Dana. Nakahalukipkip siya at nakakunot ang noo.
“Bakit ka nandito?” Tanong niya.
“Uh, nagpapahangin lang kami ni Pierre.” Sabi ko.
Alam ko kung bakit galit siya sa akin. Sa mga tropa ni Pierre na may gusto sa kanya, siya lang ang may ayaw tumanggap na magkadugo kami ni Pierre. Tingin niya ay threat ako sa kanya. Which isn’t true… kasi bukod sa nakakadiri iyon ay may mahal na akong iba.
“Akala ko si Pierre lang ang nandito. Di talaga malakas ang dating mo, di kita napapansin.” Ani Dana, iyong palaging galit sa akin.
“Dana, tama na nga.” Saway ni Vaughn.
Tinalikuran ko sila at nakita kong sobrang lapit na ni Pierre sa akin. Hawak hawak niya ang kanyang cellphone at seryoso niya akong tinitigan.
“There you are, Pierre!” Ani Dana.
Hindi kumibo si Pierre. Diretso ang tingin niya sa akin habang nilalagay ang cellphone niya sa kanyang bulsa.
“Uwi na kami mga pre.” Aniya sa mga kabigan sabay high five.
“Ang aga? Summer naman, a? Party muna.” Ani Vaughn at tumayo sa gilid ko.
“Pass muna. Kailangang umuwi ni Klare.”
Kumunot ang noo ko sa kapatid ko.
“Bakit?” Usisa ni Vaughn.
Narinig ko na ang usap usapan ni Dana kasama ang mga kaibigan niya kung gaano siya kainis sa akin at sa mga ginagawa kong pagpipigil kay Pierre na lumabas kasama silang lahat.
“Oo nga naman?” Tanong ng isa pa niyang intimidating friend.
“Babalik kaming Cagayan de Oro. Bukas.” Ani Pierre.
What? Ni hindi nga pumapayag si papa. Nag text ba si papa sa kanya na payag na siya? Sasama kaya sila ni Tita Marichelle? Sasama ba si Pierre at Hendrix? Kung hindi sila sasama ay paniguradong pwede na akong tumira sa Montefalco Building. Kinagat ko ang labi ko sa kaba… Charles, we’ll meet again! Maglalaro tayo ng Xbox buong magdamag!
Totoo talaga siguro ang kasabihang, “you don’t know what you got till it’s gone”. Kasi noong palagi pa kaming magkasama ni Charles, madalas ko siyang binabalewala. Ngayong hindi na, nasasabik naman ako sa kanya. Malaki na siya ngayon. Hindi na siya cute, gwapo na raw siya. He’s grade 5 and he’s very, very tall. Hindi talaga namamalayan ang panahon.
“Oh? Summer there?” Tanong ni Vaughn sabay tingin sakin. “O si Klare lang?”
“Kami.” Ani Pierre sabay lakad palayo.
Nginitian ko si Vaughn at nagpaalam na. Kumaway din si Pierre sa kanyang mga kaibigan bago kinuha sa akin ang skateboard ko at naglakad papuntang sasakyan niya.
“You sure you really want to go?” Tanong niya ulit sa akin nang nakalayo na kami.
“Pierre, nag text ba si papa? Pumayag ba siya?” Excited kong tanong.
“Yup. Di ka niya natiis.” Sagot niya.
Halos tumalon ako sa sinabi ng kapatid ko. Inakbayan ko siya ngunit lumayo siya ng konti sa pagkakairita. “THANK YOU!” Pumalakpak ako.
Umismid siya at umiling sa reaksyon ko. “Kahit na sabihin ko sayong this week din ang balik ni Elijah, tutuloy ka parin?”
Nalaglag ang panga ko. Binitiwan ko siya at napawi ang ngisi ko.
“You are joking, right?” Tanong ko.
“I’m not, Klare.” Sabay pakita niya sa cellphone niyang may status ng pinsan kong kaibigan niya sa fb.
Claudette Jamilla Montefalco: Elijah’s almost back. I’m stoked.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]
ilove
How can I download this story po? 😊
Hi! The book is available in Jonaxx Stories app. The app is available in Play Store, App Store and App Gallery.