Until He Returned – Kabanata 1

Kabanata 1

Montefalco

“Kumpleto na ba ang lahat?” Tanong ni papa habang nilalagay ang skateboard ko sa likod ng van na sasakyan namin pabalik ng Cagayan de Oro City.

“Dad, why don’t we take the plane?” Tanong ni Hendrix kay papa.

“Bakit, Hendrix, nagmamadali kayo?”

“Hendrix, okay lang. Mas gusto ko rin naman mag travel by land.” Sabi ko.

Ang totoo ay gusto ko rin sanang irequest kay papa na mag van lang kami pauwi ng Cagayan de Oro. Nang nalaman ko mismo sa kanya na iyon nga ang sasakyan namin, hindi ko na kailangang banggitin iyon sa kanya.

Matalim na tinitigan ni Hendrix ang apat na bodyguards sa loob ng sasakyan. Iyon ang ayaw niya tuwing bumibyahe kami ng matagal. Mas marami ang kakailanganing bodyguards. Iyon na ang nakasanayan ni papa para sa dalawa kong kapatid.

Ang alam ko, maraming negosyo si papa sa Davao. Malaking tao siya sa lugar kaya kailangan niya ng mas maraming bodyguards. Ilang beses nang nagtalo si Hendrix at si papa tungkol sa mga bodyguards na pinapadala niya para sa amin. Aniya’y wala namang magtatangka sa amin dahil hindi naman kami ang humahawak ng negosyo. But papa will always insist… syempre, mga anak niya sila at pati ako.

Bumaling si papa sa akin at ngumiti. Sa gitna ng kanyang ngiti ay nakita ko ang pangamba. Naglahad siya ng kanyang braso at naghintay sa paglapit ko para yumakap.

“Thanks, pa.” Sabi ko sabay yakap sa kanya.

“All for you.” Aniya sabay halik sa akin ulo.

“Take care, Klare. Also, take care of Hendrix and Pierre.” Nakahalukipkip na sinabi ni tita Marichelle sa likod ni papa.

Kumalas ako sa yakap ni papa para harapin si Tita Marichelle. Alam kong labag sa loob niya ang pag alis naming tatlo ngunit gaya ng sabi niya, ang mga salita ni papa ay batas.

“Makakaasa ka po, Tita.”

Hindi naman kailangang sumama ni Hendrix at Pierre sa Cagayan de Oro. Dito ang buhay nila sa Davao. Ngunit si Hendrix na mismo ang nagsabi na sasama sila. Masaya rin sila sa Cagayan de Oro at ani Pierre ay gusto rin daw ni Hendrix na kumawala sa mommy nila.

“Susunod siguro kami ng Tita Marichelle mo pag natapos ang trabaho.” Ani papa.

Tumango ako.

Kahit na hindi ako makapaniwala na sasama si Tita Marichelle sa Cagayan de Oro, hindi na ako kumibo. It’s nice to know that they are opening their minds now. Na ang nakaraan ay hindi na maaaring maulit pa. Marami na ang nangyari sa loob ng ilang taon at naka move on na ang lahat. Wala nang dahilan para manatili sa nakaraan.

“You sure you don’t want to visit Samal again, instead?” Tanong ni papa nang sumakay na si Pierre at Hendrix sa van.

Ngumisi ako. “I love Samal. Maybe next time, pa.”

Ngumiti siya at naawa ako sa chinito niyang mga mata. Ayaw na ayaw niyang pinapakawalan ako. Madalas ay nagagalit siya ngunit pinagbibigyan niya parin ang mga kapritso ko.

Pumasok ako sa sasakyan at umupo sa tabi ni Hendrix. Umupo si Pierre sa front seat at binaba niya na ang likod ng upuan at umambang matutulog na. Ang isang body guard ay nasa tabi ko at ang tatlo ay nasa likod.

“Klarey, palit tayo.” Ani Hendrix sa akin.

Tumango ako. Sa maiksing panahon ay alam na nina Hendrix at Pierre kung ano ang mga gusto ko. Gusto ko sa tabi ng bintana. Gusto kong manood ng tanawin sa labas. Nakakarelax kasi.

“Sorry, Klare, but I need to remind you to take care of your ahias, too.” Tumawa si papa.

“No problem, pa.”

Ngumiwi si Hendrix sa kanyang daddy. “Take care, dad and mom. Alis na kami.”

Nang umandar na ang van ay naging abala si Hendrix sa pag chicheck sa maaari naming makain. Si Pierre naman ay tulog agad sa pakikinig sa iPod. Binigyan ako ni Hendrix ng chichirya. Tinanggap ko ito at nagpasalamat na.

“Anong plano mo pagbalik ng CDO?” Tanong ni Hendrix.

Nagkibit balikat ako. “Pupunta sa bahay. G-Gusto ko sanang tumira doon kaso… magagalit si papa.” Nag iwas ako ng tingin.

“Are you sure? Or you didn’t try hard enough to convince him? Malambot si dad sa’yo. Matigas siya sa amin ni Pierre. Kaya kahit anong kumbinsi ko sa kanya na sa mga Montefalco ka tumira ay hindi niya ako pinagbibigyan. Well, I guess maybe I also didn’t try hard enough. Ayaw ko sa gusto mo, e.”

Bumaling agad ako kay Hendrix. Kumakain siya ngayon ng caramel popcorn at umiinom ng Monster habang tinitingnan ang daan palabas ng Davao.

“Thanks, Rix. I don’t know what to say. Salamat at dahil sa’yo ay pinayagan ako ni papa na bumalik sa CDO.”

“No, he was too soft, Klare. No problem.” Aniya at suminghap bago ako tiningnan. “Ano? You sure you won’t convince him?”

Ngumisi ako. “Enough na siguro ang makabonding ko ang kapatid kong si Charles araw-araw.”

“You are not literally going to spend your every summer day with him, are you?” Umismid siya.

Sa kanilang dalawa ni Pierre, si Hendrix ang mature at mas cold. Kung si Pierre ay simple-minded at misteryoso. Si Hendrix naman ang madaling espellingin at may pagka suplado. Iyan siguro ang isa sa dahilan kung bakit hindi ko naramdaman ang presensya niya kahit na nakikita ko naman siya noong high school. He’s just there… watching me from afar. Hindi tulad kay Pierre na parang ikakamatay kung hindi siya mapansin.

Tumawa ako. “I won’t. Uh… Siguro mga four to five days a week? I also miss my mom and dad.”

“Hindi mo ba na mi-miss ang cousins mo?”

Napawi ang ngiti ko at bumagsak ang mga mata ko sa baba. “Of course, I miss them. Kaso hindi na rin naman nila ako tatanggapin.”

“The boys don’t seem to mind.” Ani Hendrix.

“Galit si Azi. Kaya wala siyang pakealam.” Nag angat ako ng tingin sa kanya.

Parang pinipiga ang puso ko habang inaalala ang lahat ng nangyari dalawang taon na ang nakalipas. Masakit ang bawat araw na pinagdaanan ko. Hindi lang dahil may pinakawalan akong parte ng sarili ko, kundi dahil sa pagkawala niya, mabilis namang gumuho ang mundo ko.

Hindi ko na alam kung paano aayusin ang mga bagay na basag na at nawasak pa ulit. Masyado nang masakit kung aayusin pa ang lahat. At ang mga desisyon ay pinapanindigan. Walang puwang sa puso ko ang mga ‘what ifs’ at ‘what could have beens’. Masyado akong puno ng maraming tanong at maraming isyu kaya hindi ko na kailangang dagdagan pa iyon.

Nagkulong ako sa kwarto dalawang araw pagkatapos kong nalaman ang totoo. Hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon. Walang pagkain. Umiyak lang ako nang umiyak. Kumakatok si mommy at daddy ngunit hindi ko sinasagot. Binuksan nila ang pintuan para kausapin ako ngunit hindi ako gumagalaw sa pagkakahiga.

Daddy isn’t really my ‘dad’. And mommy cheated on me. Bukod sa may ginawa siyang immoral ay hindi ko matanggap na ang love story na pinaniwalaan kong wagas at totoo ay nauwi sa ganito. At ako ang patunay na walang love story na walang pagkakamali. Lahat may loopholes, lahat dumaan sa delubyo.

“Klare, our relatives are here to discuss this. Please, kumain ka naman. Please, lumabas ka ng kwarto. Your cousins are here, too.”

Hindi ko matanggap iyon. Ni hindi ko alam kung relatives ko nga ba sila o mga pinsan ko nga ba ang mga pinsang pinaniwalaan ko. Hindi ko rin alam kung sino ang nakakaalam at sinong walang alam tulad ko. Hindi ko alam kung paano na ako ngayon. Gusto ko silang ituring na kadugo, dahil iyon ang nakasanayan ko. Pero ang malamang hindi pala ay parang isang bangungot! Sana ay magising na lang ako! Sana ay hindi ito totoo.

“Ate, stop crying.” Umiiyak si Charles habang pinagmamasdan akong umiiyak sa kama ko.

Napagtanto kong hindi tama itong ginagawa ko. Dapat ay hindi niya makitang ganito ako. At ayaw kong makitang umiiyak siya… mas lalo lang akong naiiyak.

Tumayo ako, nag ayos at lumabas kasama si Charles. Pagkalabas ko ay nakita ko ang nakahilera kong mga pinsan sa aming sala. Mabilis na dumalo si Claudette, Azi, at Rafael sa akin na para bang bigla akong madadapa kung hindi nila ako lalapitan.

“I’m okay.” Sabi ko sabay upo sa tabi ni Erin.

We’re here again for another issue. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata ng mga tito ko. Daddy has been crying for two days, too. Lalo na si mommy. Ngunit pag dinadalaw nila ako sa kwarto ay pinipilit nilang maging matatag para sa akin. I appreciate that. I love them. And I want us to be real family.

“Klare, you are my cousin.” Ani Erin na siyang nagpabasag sa katahimikan.

Iyon din ang naging gatilyo sa pagsasalita ni Tito Az.

“We should file a case, Lorenzo.” Ani Tito.

Nagulantang ako sa sinabi ni Tito Azrael kay Daddy. Kanino sila mag fa-file ng kaso? Kay Mr. Ricardo Ty? Para saan?

“That’s not the answer here, Azrael.” Ani Tita Claudine.

“Tama si Claudine. Bakit tayo mag fa-file ng kaso-“

Pinutol ko si daddy. Tingin ko ay may right ako dito. At hindi iyong kaso ang gusto kong pag usapan, kundi ang buong pagkatao ko. “Bakit niyo po inilihim ang lahat ng ito sa akin?”

Pumikit si Claudette sa gilid ko at umiyak.

“Klare, believe me, I didn’t know. We didn’t know. Fuck, I’m so guilty!” Ani Erin at humagulhol na rin.

“Erin, your words!” Matigas na sinabi ng kanyang mommy.

“Sinong nakakaalam? Bukod kay mommy at daddy, alam niyo po ba, Tita?” Bumaling ako kay Tita Claudine.

Nag iwas siya ng tingin sa akin. Binalingan ko ang naka tux na si Tito Stephen. Naninigarilyo siya sa loob ng bahay at tumango siya sa akin. Halos mapamura ako sa tango niya. Bumaling ako kay Tito Benedict at Tita Liezl na parehong nag iwas ng tingin. At sa huli, bumaling ako kay tito Azrael. Matalim ko siyang tinitigan.

“Gusto naming tratuhin ka na isang tunay na Montefalco, Klare.” Paliwanag ni Tito Azrael.

Alam nilang lahat! Alam ng mga tito at tita ko na hindi ako tunay na Montefalco! Mabilis na tumulo ang mga luha ko. This… betrayal!

“Klare, listen up!” Ani mommy at tumayo para lumapit sa akin.

Lumuhod siya sa harap ko. Umiling ako dahil alam ko na kung ano ang sasabihin niya. Ilang beses niya nang sinabi ito sa loob ng dalawang araw na pagkukulong ko sa kwarto.

“You’re not a mistake.” Aniya.

I am. Kasi kung hindi nga iyon ‘mistake’ bakit kinailangan pang itago? What the hell happened between Mr. Ricardo Ty and my mother?

“N-Nung nagkahiwalay kami ng daddy mo dahil nag aral siya sa Manila at ako naman ay pumuntang Davao para magtrabaho-“

“Sinong daddy po?” Matigas kong tanong na nag paangat ng tingin sa lahat.

“KLARE!” Sigaw ni Tito Azrael sa isang matigas at malalim na boses.

“Kuya, hayaan mo si Klare. May karapatan siya.” Utas ni daddy sa likod.

“Your dad, Klare.” Pumikit si mommy at nagpatuloy. “Nagtrabaho ako para kay Ricardo Ty. And there… it was wrong, forbidden… Pagkakamali iyong nagawa naming dalawa pero hindi pagkakamali na nabuo at ipinanganak ka!” Aniya.

Hindi na ako makahinga. Narinig ko ang mga singhap ni Erin sa gilid ko at mga hikbi naman ni Claudette at Chanel sa kabila.

“Tita naman, why didn’t you tell us…” Ani Erin.

“Two months akong buntis nang bumalik ako ng Cagayan at nagkita ulit kami ng daddy mo. Sinabi ko sa kanya ang lahat… but your dad loved me, Klare. He loved me enough to give you his name!”

Mas lalo akong umiyak. Umiiyak ako dahil nagi-guilty ako. Kung kani kanino ko na lang naipapadama ang galit at inis ko. Napagtanto kong nasasaktan ko si daddy sa ginagawa at sinasabi ko. Nasasaktan ko din si mommy. Nilingon ko si daddy na nakayuko sa tabi habang si Charles ay umiiyak.

I love the Montefalco family so much! Mahal na mahal ko sila at masakit na malamang hindi ka parte ng pamilya! Na kahit anong pilit mong gawin, anong pilit nilang gawin, walang dugo nila ang nananalaytay sa mga ugat mo. Kahit isang pursyento ay hindi ako Montefalco. Nagseselos ako kay Claudette, kay Erin, kay Chanel dahil pare pareho silang ipinanganak na tunay na Montefalco.

I really, really want to belong! Tingin ko ay Montefalco ako! Tingin ko ay hindi naman importante kung magkadugo kami o hindi! Ang importante ay naramdaman kong pamilya kaming lahat, na kapamilya ko sila!

“Ngayon bakit kay mag fa-file ng kaso sa kay Mr. Ricardo Ty?” Tanong ko.

Walang sumagot. Kahit si tito Azrael ay hindi na nakasagot.

“He’s my biological father.” Sabi ko sabay tingin kay daddy.

Parang sinasaksak ang puso ko habang nakikita siyang nakayuko at malungkot. He raised me as his own.

“You are my daughter, Klare.” Ani daddy.

Tumango ako. “I am, dad.”

Naaalala ko pa ‘yong mga ginawa namin noon. Kahit kailan, hindi niya pinaramdam sa akin na iba ako. Pareho kaming dalawa ni Charles. Mamahalin ang mga laruan ko at hindi ako pinagkaitan sa edukasyon, mga gamit, at pagmamahal. Walang butas ang pagmamahal niya para sa akin. Ngunit nang malaman ko ang katotohanang ito, hindi ko mapigilan ang pagiging curious sa tunay kong ama.

“I understand…” Sabi ko at pinunasan ko ang mga luha ko. “Alam ko pong gusto niyo lang akong ituring na tunay na Montefalco. Ayaw niyong maging iba ako sa inyo. Alam kong mahal niyo ako.” Nanginig ang boses ko.

Sana ay hindi ko na lang ito nalaman. Mas mabuti nga atang naniwala na lang ako sa katangahang iyon, sa kasinungalingang iyon. Pag wala kang alam, wala ka ring mararamdaman na sakit. Innocence is a bliss.

“Kaya lang po… gusto kong makilala si Mr. Ricardo Ty. Sino po siya?” Humikbi ako. “Anong klaseng tao siya? Gusto ko ring makilala ang tunay kong ama.”

Walang kumibo ni isa. Nanghina si mommy kaya ang kamay niyang kanina ay nakapatong sa aking mga tuhod ay nahulog.

“Klare, baka masamang tao siya? Klare, baka i brain wash ka niya para magpalit ka ng apelyido?” Ani Erin.

Umiling ako. “Alam niyong hindi niya magagawa sa akin iyon, Erin.”

“Klare, Erin’s right! What if he’ll make you choose?” Ani Rafael sabay pasada ng kamay sa kanyang buhok.

Bumaling ako kay Rafael at umiling ulit. “Mahal ko kayo. Get that? Kayo ang pamilya ko. I just really want to know him.”

“Klare, I swear this is a big mistake! Just let the whole idea go! You are a Montefalco! Period! Iyon na ‘yon.” Ani Chanel. “He’s just your biological father.”

“Pinagkait ako sa kanila tulad ng pinagkait sila sa akin. I want to get to know him, and my half brothers. This is a mess, mom.” Bumaling ako kay mommy. “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Pero alam ko kung ano ang tama… may rason kung bakit nalaman ko ang katotohanan kahit na pilit niyo itong tinago. Ang rason ay para kilalanin ko sila.”

“Ang rason, Klare…” Ani mommy. “Ay gusto ni Ricardo na kunin ka. Iyon ‘yon. Kaya ayaw ko!” Tumayo siya. “You are not going anywhere.”

“Mom? Hanggang ngayon ba pinagdududahan ninyo parin ako? I sacrificed my heart for this family! Kahit na ang sarili kong kaligayahan ay binalewala ko para lang mapanatili ang pamilya natin! Hindi pa ba sapat ang mga pinatunayan ko kung ano ang kaya kong gawin para sa pamilyang ito? Now you don’t say that I can’t!”

Nanahimik silang lahat.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: