Until He Returned – Wakas

Wakas

“Ayan na naman si Azi kasama ang kanyang girlfriend.” Umirap si Erin habang nag s-stretching kami para sa Grade 5 Physical Education.

“That’s not his girlfriend, Erin.” Natigilan si Claudette habang pinapanood ang kanyang kuya na may katawanang babae.

Naka uniporme namin iyong babae at napapaligiran siya ng mga pinsan namin. Si Damon at Josiah ay nag uusap habang si Azi naman ay nakatoon ang pansin sa babae. Si Elijah ang unang tumigil at sumandal sa punong kahoy, likod ng aming basketball court. Pinapanood niya kaming nag s-stretching.

Inabot ko ang aking paa galing sa likuran para makapag stretching na rin doon. Ang aming lesson sa ngayon ay badminton. Kilala ang school namin dahil sa pangunguna sa mga sports activities. Madalas ang mga champion sa badminton, basketball, volleyball, at kung anu-ano pang sports ay galing sa school na ito kaya seryosong subject ang P.E sa amin.

“Sino pala ang girlfriend niya, Claudette?” Tanong ng kaibigan kong si Liza.

“Marami.” Simpleng sagot ni Claudette.

Sumulyap ulit ako kay Azi na halatang pinopormahan iyong babaeng nagpapacute sa kanya. Ngunit imbes na manatili ang tingin ko sa kanya ay nahagip ng paningin ko ang paninitig ni Elijah sa akin. Mabilis akong nag iwas ng tingin. Naalala ko na ang sapatos na suot ko ngayon ay iyong ibinigay niya.

“I hate sports!” Ani Claudette nang nagsimula na kami sa badminton.

Sa aming tatlo nina Erin at Claudette, ako lang iyong mas magalaw sa sports. Mapili nga lang ako. Hindi ko gaanong gusto ang badminton, volleyball, at basketball kahit na madalas akong nakakascore sa mga iyon. Sa lahat ng sports ay swimming lang ang kinahihiligan ko. Pero dahil mas nakakaengganyo ang pagsasayaw, iyon ang mas pinagtuonan ko ng pansin.

Tagaktak ang pawis ko sa badminton. Lalo na dahil isa ako sa hindi natanggal. Nakasilong na sa benches ang mga pinsan ko nang natanggal si Claudette pagkatapos ng dalawang laro at si Erin naman ay pagkatapos ng lima. Pagod na pagod na ako pero nang pumasok ang shuttle cock sa court nang hindi nakuha ng kaklase ko ay nanalo ako!

Tumalon ako sa tuwa. Exempted na ako sa quiz next week! Pumalakpak ang mga kaklase ko at pinalibutan agad ako. Hiyang hiya pa ako dahil medyo tuyo na sila habang pawis na pawis pa ako dahil sa game.

“Congrats, Klare!” Sigaw ni Erin.

High pa ako sa tuwa kaya tumango tango lang ako sa kanila.

“Probably because of the shoes!”

Napalingon ako sa sumigaw ng ganon. Nakita kong nakangiti si Elijah habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa. Hinampas siya ni Josiah at naglakad na sila palayo, iniiwan si Elijah na nakatitig sa akin. Inirapan ko siya. It’s not because of the shoes, asshole! Isampal ko sa mukha mo itong sapatos na bigay mo, e.

Hindi ko talaga alam kung bakit kahit hindi kami madalas mag usap ay lagi siyang nang iinis at lagi naman akong naiinis sa kanya. Minsan kahit wala siyang ginagawa ay naiinis lang ako bigla sa kanya.

Siguro ganon talaga ang buhay. Hindi talaga natin maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan. At para sa akin, sa lahat ng mga pinsan ko, siya ang ayaw ko. Kahit maliit niyang galaw ay naiirita na ako.

Kaya naman ay nang isinama sila ni daddy sa Fit n Well nang kinuha niya ako isang araw ay nairita ako.

Pinapanood ko ang sarili ko sa malaking salamin sa harapan habang nag aaral ng hiphop grooves kasama ang dance instructor ko. Apat lang kami na nakaenrol dito pero ngayon ay espesyal. May tatlong babaeng nakadagdag at kilala ko sila. Schoolmates ko sila pero mas matanda sila sa akin ng isang taon. Binati nila ako kanina at awkward naman akong ngumiti at nag concentrate sa pagsasayaw.

Umupo si Azrael at Elijah kasama ang kapatid kong si Charles sa likod ko. Na badtrip kaagad ako lalo na nang nakita kong ngumingisi si Elijah habang tumitingin sa akin. Hindi ko alam pero tuwing ngumingisi siya ay pakiramdam ko’y kinukutya niya ako.

Inosenteng naglalaro si Charles ng kanyang transformers sa tabi ni Elijah habang nakapangalumbaba naman si Elijah sa kakapanood sa akin. Mga mata niya ay diretso sa salamin sa harap ko para makita ang ekspresyon ng mukha ko.

“Okay, girls, dapat mas snappy pa niyan.” Sabi ng instructor sa mga baguhang babae sa gilid ko.

Tumatawa lang sila habang piniperform ang utos ng instructor. Malamya sila. May pag asa lang sila sa hiphop dance kung aaraw arawin nila ang routines sa loob ng isang taon. Wala talagang puwang ang hiphop sa mga mahinhin at medyo girly na babae. Hindi ko alam kung babalik pa ba sila dito next week o hindi na dahil marerealize nilang hindi para sa kanila ang pagsasayaw.

“Klare, show me.” Sabi ng instructor pagkatapos mabigo sa mababagal nilang moves.

Pinakitaan ko siya ng mismong itinuro niya sa amin, dinagdagan ko lang ng detalye at mas binilisan dahil iyon ang gusto niya. Pagkatapos kong gawin iyon ay hinubad ko kaagad ang pawis kong jacket.

Tinalikuran ko ang instructor para magtungo doon kina Charles nang sa ganon ay makainom ako ng Gatorade at mailagay ko iyong jacket sa bag ko. Malayo pa lang ay kitang kita ko na ang panghahalungkat ni Elijah sa mga gamit ko. Kumulo agad ang dugo ko kaya nang nakalapit ay marahas kong binawi sa kanya ang bag ko.

“Anong hinahanap mo?” Sigaw ko.

Nagtaas siya ng kilay at binigay niya sa akin ang tuwalya ko. “Wipe your sweat.”

Mabilis kong kinuha sa kamay niya ang tuwalya. Medyo napahiya ako don. Hindi ko alam kung masyado ba akong malupit sa kanya o talagang nagkamilagro kaya mabait siya ngayon.

“Alam ko.” Sabi ko at pinunasan ang sarili ko habang kinukuha ang Gatorade para uminom.

Kinuha niya ang pawis kong jacket at nilagay niya sa likod ng upuan. Hinayaan ko siyang gawin ‘yon. Sinisiko na siya ni Azi habang ginagawa niya iyon.

“What?” Iritadong sabi ni Elijah nang harapin niya si Azi.

Binaba ko ang Gatorade ko at pinanood ko ang tatlong babaeng palapit sa upuan namin. Sila iyong tinutukoy kong tatlong babaeng tinuturuan ng instructor kanina. Pawis ang tatlo at tumatawa pa habang lumalapit.

Pare pareho silang mapuputi at naka make up. Kahit pawis ay hindi natanggal ang make up nila. Isa sa mga babae ay pulang pula parin ang labi kahit na basang basa ang buhok.

“Hi! Nag ji-gym pala kayo dito, Lanie?” Paunang sinabi ni Azi.

Tumango ang magandang si Lanie. “Oo. Sinubukan lang naming tatlo. You know, malapit na kasi ang summer. Mag boboracay kami, e.”

Napatingin si Lanie kay Elijah habang si Elijah ay tamad na humihilig sa upuan.

“Sinusundo niyo si Klare?” Tanong ni Lanie kay Azi nang narealize na walang balak na makipag usap ang isa kong pinsan.

“Oo. Nag grocery pa ang dad niya sa Robinsons kaya iniwan kami dito. Mamaya andito na iyon.” Sabi ni Azi.

Kahit na pareho silang marunong nang mag drive, hindi parin legal sa mga Grade 10 students ang mag drive ng sasakyan. Hindi pa sila gaanong pinapayagang mag drive ng sasakyan. Sa kanilang lahat ngayon ay si Kuya Justin, Knoxx, at Rafael pa lang ang malayang nakakapagdrive.

Nilingon ko ang kapatid kong naka pajama at naka puting sleeveless shirt habang umiinom ng Chuckie. Pinunasan ko ang kanyang bibig ng panyo habang nakikinig sa pinag uusapan nila.

“Ganon ba? Lagi niyo ba siyang sinusundo, Elijah?”

Napatingin ako kay Elijah. Si Gwen Ramos, isa sa tatlong babae ay tinutukan talaga ng tanong si Elijah.

Nag angat ng tingin si Elijah sa mestiza’ng pawis at may mapulang labi. “Yup.” He lied.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Sa pagkakaalam ko, ito pa lang ang kauna unahang pag sundo sa akin. Why would he lie about it, I don’t know. I’m not sure.

“Ganon? Mukhang mapapadalas talaga tayo dito.” Halakhak ng isa pa nilang kasama.

Tumawa si Azi kasama ang mga babae. “Aba mapapadalas din kami dito.” Kumindat siya sa kanila.

Kasabay non ang pagkakabasa ko sa text ni daddy na nasa labas na daw ang sasakyan. Pwede na daw kaming pumasok. May binili lang siya sa Prime Meat ng Rosario Arcade. Dinampot ko kaagad ang mga gamit ko at pinatayo ko ang kapatid ko para makaalis na kami. Kung ayaw pang umalis ng boys ay bahala sila.

“Saan ka pupunta?” Tanong ni Elijah sa akin nang bitbit ko na si Charles.

“The car’s outside. Uwi na kami. Dito na lang muna kayo. Marami namang taxi sa labas.”

Tumayo agad si Elijah at hinila niya si Azi.

“Are you kidding me?” Iritadong sinabi ni Elijah sa akin.

Umirap ako sa kawalan at mabilis na naglakad palabas. Nagpaalam ako sa babaeng nasa hall na madalas kong inuutangan ng tubig kapag uhaw na uhaw na ako para kumuha ng pera sa wallet. Nakita ko kaagad ang sasakyan naming naka park. NIlagay ko si Charles sa loob at sinuotan ng seatbelt. Kuntento na siya basta may Chuckie at Transformers.

“Huwag ka ngang mag dabog.” Ani Elijah.

Lumabas ako sa likod para ilagay ang gamit ko sa harapan. Sinarado ko ang pinto at hinarap si Elijah.

“Hindi ako nagdadabog.” Sabi ko.

“Tsss. You guys stop it. Nauumay na ako sa pag aaway ninyo araw-araw.” Ani Azi at pumasok sa loob, bini baby talk si Charles.

“Stop it, idiot. Ayokong mabungi ang kapatid ko sa pag bibaby talk mo.” Iritado kong sinabi kay Azi.

“Ang sungit sungit mo, Klare.” Ani Azi sa akin.

Inirapan ko siya. “Alam mo? Kayong dalawa? Bakit pa kayo sumama? Sana doon na lang kayo sa bahay at nag order ng pizza. You guys are ruining my class.”

“What do you mean ruining your class? Naka upo lang naman kami don.” Ani Elijah.

“If you don’t want me to hook up with your classmates, Klare, then sorry pero you can’t stop me.” Humagalpak si Azi.

Luminga si Elijah kay Azi at sa akin. “Ewan ko sa inyo.” Sabi ko at pumasok na sa front seat para maghintay kay daddy. Gusto ko ng umuwi.

Hinampas ni Elijah ang salamin ng front seat at iminuwestra niya sa aking ibaba ko iyon. Umirap ako at ibinaba ko iyon. Mas klaro kong nakita ang mukha niyang hindi ko malaman kung galit ba o natutuwa.

“You are a big fat liar, Elijah.” Sabi ko.

Laglag ang panga niyang pinapakinggan ako.

“Ang sabi mo palagi ninyo akong sinusundo kina Gwen pero ang totoo first time niyo naman ito. Yuck! You guys would lie just to get the girls you like!” umiling ako sa pandidiri.

“Bakit? Ayaw mong sunduin ka namin?” Nagtaas ng kilay si Elijah sa akin.

Hindi ko alam bakit umaapaw ang galit ko gayong dapat ay wala naman akong pakealam. Siguro ay gusto nilang magpa impress sa mga babaeng iyon kaya nila nasabi iyon. Maliit na bagay lang ito, Klare. Bakit ganito ka makapag react? Just let them flirt. I shouldn’t care.

“You lied to get their attention. Disgusting. Tss.” Sabi ko at mabilis na sinarado ulit ang salamin.

“Hey!” Sigaw niya galing sa labas ngunit hindi ko na siya pinansin.

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya pagkapasok niya sa likod ko.

“Dammit, I don’t understand girls.” Bulong niya.

Tumawa si Azi.

Kaya naman simula noon ay palagi na silang sumasama sa pag sundo sa akin. Madalas ay sila na mismo ang sumusundo sa akin kasama si Damon at Knoxx gamit ang sasakyan ni Knoxx. I don’t understand them. Pinopormahan nila iyong tatlong schoolmates namin. Anila’y mas maganda daw’ng pormahan pag hindi naka uniporme ang mga babae. Ang tahimik kong dance lessons ay naging piyesta para sa kanila kaya naman palagi akong bad trip.

Nang nag Grade 11 sila ay naging usap usapan na ang maswerteng mga babaeng magiging date nila sa Fine Dining. February ng taong iyon, walang laman ang hangin kundi ang nalalapit na Fine Dining. Hindi ko alam kung bakit big deal sa kanila iyon. Nag papractice kami sa gym ng prom at nandoon na ang Grade 11 at Grade 12 na mga estudyante sa bleachers dahil sila na ang susunod sa amin.

Kumakanta kami ng community singing na kanta namin nang nakita kong kasama ng mga Montefalco sa pag upo sa bleachers si Gwen Ramos.

“Totoo ba ‘yong balita na sila na ni Elijah?” Tanong ni Julia sa akin habang kumakanta ako ng You’ll Be In My Heart ni Phil Collins kaharap ang partner kong mahiyain.

“Ewan ko.” Lingon ko kay Julia.

“Feeling ko, e, sila na.” Ani Erin.

Nilingon ko si Erin.

“I saw her in Elijah’s car.” Aniya. “Sa front seat. Probably mag didate.” Kibit balikat ni Erin.

Nairita ako sa hindi malamang kadahilanan. Tinitigan ko si Gwen Ramos at inisa-isa ko ang bawat magandang parte ng katawan at mukha niya. Maputi, matangos ang ilong, pula ang labi dahil sa lipstick, maganda ang mga mata, makurba ang katawan, maporma manamit, katamtamang haba ang buhok at madalas ay may headband.

“She’s pretty.” Ani Claudette.

Napatingin ako kay Claudette at hindi ko magawang makipagtalo sa katotohanang iyon. The girl is pretty.

“And she’s Elijah’s date for Fine Dining!” Ani Hannah.

Tumango ako at pinanood ulit silang nag uusap at nagtatawanang dalawa.

Simula noon ay mataas na ang tingin ko kay Gwen. Kung meron man akong titingalaing babae ay siya na iyon. Gusto kong maging kagaya niya. Iyong mahinhin, babaeng babae, at maganda. Lahat ng sinusuot niyang damit ay pilit kong tinatatak sa utak ko para pag nasa mall ako ay ganong klaseng damit din ang bibilhin ko.

“Huy!” Tinampal ni Erin ang aking balikat nang naabutang titig na titig ako kay Gwen sa bleachers nong basketball game nila Elijah.

Tumitili siya pag nakaka shot ang Knights, mahinhin siyang tumatalon kapag nakaka shot si Elijah, kasama niya ang iilan niyang kaibigan at nagtatawanan sila sa mahinhin na paraan.

“Sinong tinitingnan mo diyan?” Tanong ni Erin.

“Wala. Tulala lang ako.” Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan.

Tinanggal ko ang tingin ko kay Gwen at pinapak na ang popcorn na bili nina Claudette kanina. Ito na ang finals ng Pasarell, kalaban ang Crusaders ng XUHS.

Napatingin agad ako kay Eion Sarmiento at naisip ko kung ganong babae rin kaya ang tipo niya? Iyong mahinhin at hindi makabasag pinggan?

“Go, Go XUHS!” Sigaw ni Erin at tumatawa, nag iingat na hindi marinig ng mga pinsan namin.

Matalim siyang tinitigan ni Rafael. Tumahimik si Erin at bumungisngis sa gilid ko kaya natapon ang ilang popcorn.

“Erin, ingat naman dyan!” Sabi ko.

Tumunog ang bell at idineklarang panalo ang Knights. Tuwang tuwa ang mga pinsan ko. Bigo naman ang XUHS.

“Nanalo lang tayo kasi team B lang ‘yon ng XUHS, ‘yon. Wala ‘yong Ty.” Sabi ni Claudette.

Napatingin ako sa mga pinsan kong nagtatalunan. Sinalubong ni Elijah ang tuwang tuwa na si Gwen at pinulupot agad ni Gwen ang kanyang braso sa leeg ni Elijah para makahalik ng ilang beses. Nagtawanan silang dalawa. Agad akong nag iwas ng tingin at natigil sa pagkain ng popcorn. May parte sa dibdib kong pisikal na sumakit.

Kumunot ang noo ko at binigay kay Erin ang popcorn. “Ayoko na.” Sabi ko.

“Okay.” At kinuha niya sa kamay ko. “Lika! Puntahan natin ang mga pinsan natin!”

AYOKO. But it’s wrong to say that. Bakit naman ayoko? Hindi ba dapat ay masaya ako dahil nanalo sila? Nakasimangot ako papalapit sa mga pinsan namin. Tuwang tuwa na si Erin at sinalubong niya ang kanyang kapatid na si Josiah.

“Congrats, Kuya!”

“Congrats!” Ani Claudette sa mga pinsan ko. “Kahit na nanalo kayo dahil wala ‘yong Ty at si Kuya Knoxx.”

“Shut up, Dette dette. Kahit nandito sila, talo sila.” Ani Azi.

Tahimik ako doon sa gilid. Batid kong nakapahinga ang kamay ni Elijah sa baywang ni Gwen. Hindi ko sila matignan.

“Biyernesanto, Klare?” Halakhak ni Elijah.

Hindi ko siya matignan.

“Oh! Natalo natin ang crush niya.” Ani Azi.

“Nasiko ko pa.” Hambog na sinabi ni Elijah. “Pero di ko ‘yon sinasadya.”

Tinapunan ko siya ng matalim na tingin at agad akong nag iwas dahil nakita kong hinahaplos niya ang baywang ni Gwen. Mas lalo lang akong nagagalit! “I hate dirty players!”

“Nangyayari naman talaga ‘yon sa game.” Ani Elijah.

“Bakit tuwang tuwa ka na nangyari ‘yon? Siguro ay nasaktan si Eion sa ginawa mo tapos tuwang tuwa ka?”

“Nasaktan siya sa ginawa ko. Pero hindi ko ‘yon sinasadya. It’s part of the game, Klare.” Ani Elijah.

“Elijah’s right, Klare. Ilang beses din siyang nasiko. Nasaktan din siya.” Paliwanag ni Gwen.

“Of course.” Sarkastiko kong sinabi at tinalikuran ko sila.

I don’t care if he’s right. I’m mad! Ewan ko!

Kahit na isang taon ko na silang nakikitang magkasama ni Gwen ay hindi parin ako sanay na makita silang magkasama at sweet. I don’t get myself and I don’t want to overthink. Iritado ako kay Elijah all the fucking time. Iyon lang iyon.

“Hey!” Nag ja-jog siya sa likod ko para maabutan niya ako.

Suot suot parin niya ang kanyang kulay dark blue na jersey na may nakalagay na Knights Number 28. At least it’s his birthdate. Hindi iyong tulad ni Josiah na kung sino ang girlfriend niya sa panahong iyon ay sa monthsary niya binibiyaya ang numero ng kanyang jersey.

“Hey, Klare!” Aniya dahil hindi parin ako tumitigil sa paglalakad.

Hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Hinarap niya ako sa kanya. Matalim ko siyang tinitigan.

“Aray, ano ba?” Sabi ko. “Gusto ko lang bumili ng pagkain sa labas.”

“What’s your problem with Gwen?” Ilang beses niya na ‘tong naitanong sa akin at palagi ko siyang hindi sinasagot.

Tiningnan ko ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko.

“Bitiwan mo ako!” Sabi ko.

“What’s your problem with my girlfriend, Klare?” Mariin niyang sinabi habang hinihigpitan pa ang hawak sa braso ko.

“Aray, Elijah, nasasaktan ako.” Sabi ko sabay hawak sa kamay niya sa braso ko.

Tumitig lang siya sa akin. Kumalabog ang puso ko at gusto ko na lang kumawala sa pagkakahawak niya sa akin. Wala akong problema kay Gwen. Wala akong pakealam kaya nga wala akong sinasabi. Gusto ko lang talagang umalis at bumili ng pagkain.

“What can I do to stop the pain?” Tanong niyang hindi ko naintindihan.

Kumunot ang noo ko at napatingin ulit ako sa kamay niyang humihigpit ang hawak sa akin. “Let go!” Sabi ko.

“Let go of who?”

Nalaglag ang panga ko sa tanong niya. Nag angat ako ng tingin sa kanya at hindi ako nag iwas kahit na sobrang lakas na ng pintig ng puso ko. I just want him to let go. Isa-isa kong kinalas ang daliri niya. Nanghina siya sa ginawa ko kaya mabilis kong nakalas ang kamay niya sa braso ko.

“Let go of who, Klare?”

I won’t answer that question. Nag bago ang ekspresyon sa kanyang mga mata, ang dati’y galit at determinado ay nagmukha ng nasasaktan at pagod. Kinagat ko ang labi ko at tinalikuran siya. Dahan dahan akong naglakad palayo sa kanya.

“Let go of the other girl, of course. Because I can’t let go of you.” Aniya kaya mabilis akong tumakbo palayo.

I don’t want to hear it. I don’t want to hear anything.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Until He Returned – Kabanata 50

Hi! Thanks for reading UHWG and UHR. <3 This is the last chapter. Sana magustuhan ninyo kahit na bitin. You don’t need to read the epilogue. Ito lang ang kailangan niyong basahin.


Kabanata 50

Home

Kinakabahan ako para sa aming lahat. Hindi ko na natingnan kung nasaan na si Elijah basta ay dumiretso na ako sa pintuan. Pagkalabas ay naabutan ko si Hendrix na tahimik na kinakausap si papa.

Nasa labas kami ng function room. Mabuti at kaonting waiter lang ang dumadaan doon. May exit sa kanan at ang mga CR naman sa kaliwa. Nang natagpuan ako ng mga mata ni Hendrix ay agad siyang tumigil sa pagsasalita.

Tinanggal ko ang maskara ko. Napatingin si papa sa akin at agad niya akong niyakap.

“Hindi mo sinabi sa akin. Hindi ka tumawag!” Sabi niya.

Napatingin ako kay Hendrix na ngayon ay seryoso at mukhang kinakabahan rin. Ano kaya ang sinabi niya kay papa? Sinabi niya kaya ang buong detalye?

Bago pa ako makapagsalita ay kumalabog na ang pintuan at narinig ko ang hagikhik ni lola. Kumalas ako sa pagkakayakap kay papa para harapin ang aking lola na ngayon ay napawi na ang ngiti.

“Anong ginagawa ng babaeng ‘yan dito?” Bungad ni lola sabay turo sa akin gamit ang kanyang pamaypay.

Mabilis akong nilagay ni papa sa kanyang likod para maharap niya si lola.

“Ricardo! Bakit nandito ‘yang estupidang batang iyan?” Ani lola, halos manggalaiti.

Bumalik si Pierre sa loob. Si Hendrix ay pumigil kay lola at bumubulong na kumalma muna. Nang lumabas ulit si Pierre ay nakita kong kasama niya na ang isang nurse.

“Mama, she’s my daughter! Don’t call her names!”

Napangiwi si lola dahil sa sinabi ni papa. “Ang batang iyan, Ricardo, sinungaling! Walang Ty’ng sinungaling! She will never belong to us!” Sigaw ni lola.

“I didn’t lie!” Pangatwiran ko.

“Sumasagot pa!” Nanginginig si lola sa galit.

Nakita ko ang kaba sa mukha ni papa. Hindi niya kayang makitang ganon si lola. Natatakot at naaawa din ako. Hindi ko na alam kung kaya ko pa ito o hindi. I just want this to end. Kahit na ang katapusan ay hindi niya kami tatanggapin, tatanggapin ko iyon.

“Mama, Calm down.” Ani papa habang hinahaplos ang likod ni lola. “Klare’s not a liar.”

“Sir, hindi po pwedeng ma stress si madame.” Sabi ng nurse.

Tumulong si Pierre sa pagpapakalma kay lola. Napatingin si lola kay Pierre.

“This girl is not your sister, Pierre. Wala siyang galang, walang modo, at sinungaling pa!”

Hindi sumagot si Pierre. Kumunot ang noo ni Hendrix pero hindi rin nagsalita.

Ayaw ko na ring magsalita. Tatanggapin ko na lahat ng sasabihin niya. Masyadong sarado ang isipan niya at pag aaksaya lang ng laway ang mangyayari kung magsasalita pa ako.

“Hindi ko alam, Ricardo, kung bakit mo pa talaga kinuha ang batang ito. Sana ay hinayaan mo na lang siyang manira ng pamilya kina Helena. She’s a big mistake!”

“Mama!” Sigaw ni papa. Halos mapatalon si lola sa sigaw ni papa. “She’s not a mistake. Ako ang may kasalanan at sa kanya ako may kasalanan. You should know that by now. Nang ginawa ko ang kasalanang iyon noon, wala pa si Klare. She’s the victim here! Wag mo siyang pagsalitaan ng ganyan-“

“Ricardo, kita mo ‘to? Nag aaway tayo ngayon dahil sa batang iyan. DOn’t you think she’s the pest here?”

“Ama…” Utas ni Hendrix.

“Oh you shut up, Hendrix. Pareho kayong dalawa ni Ricardo! You will make the same mistake-“

“Mama!” Sigaw ni papa, halatang galit na siya sa kay lola.

“This is all because of this girl.” Sabay tingin ni lola sa akin. “Ricardo, hindi mo ba nakikita? Isa siyang malaking kahihiyan maging sa mga Montefalco. Mahal niya raw ang pinsan niya!” Tumawa si lola.

Tahimik kaming lahat. Si papa ay nagpipigil at nag iiwas tingin kay lola. Ganon din si Hendrix. Si Pierre na lang ang nakakaatim na tingnan siya. Ang nurse ay nalilito sa mga sinasabi ni lola.

“Incest! That is really close to bestiality if you tell me.”

“Mama, hindi sila tunay na magpinsan. Walang dugong Montefalco si Klare!”

“No, no… Naiimagine ko ang mukha ni Exel pag nalaman niyang ganito. Disgusting. Kahit na hindi sila magkadugo ay lumaki silang magkasama. So disgusting.” Ngumiwi si lola sa akin.

Tumulo ang luha ko dahil sa reaksyon niyang halos masuka sa harapan ko. Tatanggapin ko ang lahat, kung ano man yan.

“At isa pa, sinulot niya si Elijah kay Selena! Si Selena at Elijah ang magboyfriend. Manang mana talaga siya sa kanyang ina, nanunulot.”

Nalaglag ang panga ko. Kailangan ko pang paalalahanan ang sarili ko na ang babaeng nagsasalita ay ang lola ko. Dahil sobrang nasasaktan na ako at nagdidilim na ang paningin ko. Kahit maraming pagkakamali si mommy ay mommy ko parin siya. Mahal ko siya. At ang marinig na pagsalitaan siya ng ganito ay sobrang sakit!

“Grabe din si Helena, ano? Talagang binigay niya pa ang talent niya sa kanyang anak.”

“Mama, stop it! She’s my daughter-“

“Your daughter, Ricardo, is a big monster! A family wrecker!”

Pagkasabi niya sa huling pangungusap at bumukas ang pintuan at nakita kong lumabas si Elijah at Selena kasama si Erin at Claudette. Namutla si Claudette nang nakita niya akong umiiyak habang si Erin naman ay pinagmamasdan lang ang mga nangyayari.

“See? Selena’s here!” Sabi ni lola sabay hila kay Selena. “Come on, Selena, tell your tito na sinulot ng sampid na iyan ang iyong boyfriend. Tulad ng panunulot ni Helena!”

Yumuko si Selena. Kahit na sa takot at kabadong ekspresyon ay matingkad parin ang kanyang kagandahan. Itim at sexy ang kanyang halter top at ang buhok niya ay umaalon sa kanyang likod.

“Tito…” Malamig na sinabi ni Selena.

Naramdaman ko si Elijah sa likod ko, sa tabi ni Hendrix. Tumutulo parin ang luha ko ngunit hindi na ako humihikbi. Gusto kong marinig ang sasabihin ni Selena.

“Ang totoo po… habang kami ni Elijah ay nilalandi siya ni Klare.” Pumikit siya.

Unti unting napaawang ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi!

“Selena, what are you talking about?” Banayad na boses ni Elijah sa likod ko.

Hinawakan ni Elijah ang aking kamay. Napatingin si papa sa akin, halatang may bahid na pagdududa na ang kanyang mga mata. Pati ba si papa ay itatakwil ako ngayon? Begging for him to believe me will be useless.

“Kasama po ako ni Elijah nang umuwi kami dito sa Pilipinas. Parati pong lumalapit si Klare sa kanya kaya naakit si Elijah.”

Hindi pa ako nakakakurap ay lumagapak na ang palad ni Erin sa pisngi ni Selena. Gulat na gulat si lola at napatingin siya kay Erin gamit ang galit niyang mga mata. Napahawak si Selena sa kanyang pisngi.

Mabilis na dinaluhan ni Hendrix si Erin. Kung hindi niya hinawakan ang braso ni Erin ay paniguradong sumugod na siya kay Selena.

“HIndi iyan ang alam ko! I know Klare is in love with Elijah but she will never do that! Hindi niya lalandiin si Elijah dahil alam niyang may girlfriend na ‘yong tao!” Sigaw ni Erin.

“Erin, the poker night? Paano napunta si Elijah sa Lifestyle District kung hindi siya tinawagan ni Klare!? Kung hindi siya nilandi!?” Sigaw ni Selena.

“Klare will never do that!” Sigaw ni Elijah kay Selena. “Ako ang kusang lumalapit sa kanya. Selena, you should give it up. I’m really sorry.” Pagod at nanghihinang sinabi ni Elijah. “I told you. Hindi mo na kailangang sumama sa akin sa Pilipinas.”

Humagulhol si Selena. Parang kinalabit ng mga salita ni Elijah ang kanyang mga luha. Hindi na siya ulit nagsalita.

“You know I love Klare so much. Yes, I needed your help para makauwi. At sorry kasi ganito ang nangyayari.”

“Ej, you were okay with me sa US. Pero nang nalaman mo na anak sa labas si Klare, halos baliktarin mo ang mundo mo! What am I? Just a past time?”

Nag iwas ng tingin si Elijah. Umiyak ako dahil alam kong may kasalanan talaga si Elijah sa kay Selena. He’s not perfect but I will kiss all his flaws. Ang importante sa akin ay mahal niya ako. Ako lang. At ngayon, napatunayan ko iyon.

“Lalo na nang bumalik ka dito at nilalandi ka ni Klare!” Sabay tingin ni Selena sa akin.

“Huwag mong pagsalitaan si Klare ng ganyan!” Sigaw ni Erin. “Kung meron mang malandi dito, ikaw iyon! Ipinagpipilitan mo ang sarili mo sa taong alam mong may mahal na iba!”

“Who are you?” Sigaw ni lola kay Erin.

“Ama…” Saway nI Hendrix.

Kinagat ni Erin ang kanyang labi at hindi na dinugtungan ang mga sinabi.

“Ricardo, look… ang sampid na iyan ay nagdala pa ng kanyang mga kampon! This is stupid!” Umiling si lola.

Humarap si papa sa akin at bumuntong hininga. Pinunasan ko ang aking mga luha. Si Elijah ay nasa likod ko, ang kamay niya ay nasa balikat ko bilang suporta.

“Elijah, please…” Humagulhol si Selena. “Please, di ako babalik ng New York kung di ka kasama. Please?”

Pumikit ako. Pumiyok na ang boses ni Selena sa pagmamakaawa kay Elijah. Hinawakan niya ang kamay ni Elijah na nasa balikat ko.

“Selena, please, stop it. I’m sorry.” Kalmadong sinabi ni Elijah.

Tinakpan ni Selena ang kanyang mukha habang humahagulhol. Hinila siya ni lola at halos durugin na ako ni lola gamit ang mga mata niya.

“Klare…” Ani papa.

Bumaling ako kay papa at tumango. “Sorry, pa. Gulo lang ang naging dala ko sa buhay niyo.”

Handa na ako sa magiging speech ko para magpaalam kay papa. Oo. Magpaalam. This love is bad for me. Dapat ay hindi ko tatalikuran ang pamilya ko. Dapat ay mas uunahin ko silang lahat sa sarili kong kaligayahan. Kaya lang, I love Elijah and he’s my family too. Kung pwede ko lang ipagsabay ang dalawa ay gagawin ko.

“I’m sorry kasi pagkakamali ako. I’m a living reminder of your mistake. Pati sa mga Montefalco. I’m sorry because I’m even existing.” Humagulhol ako.

Narinig kong nagmura si Pierre at mabilis siyang dumalo sa akin. Pumulupot ang braso ni Elijah sa aking baywang. Lumapit si Erin at Claudette sa akin.

I really can’t let go my family. Hindi ko kayang magpaalam kay papa. Hindi ko kayang magpaalam kay Hendrix at Pierre at mas lalong hindi ko kaya kung mag away sila dahil lang sa akin.

“Papa!” Sigaw ni Hendrix sa tulalang si papa.

“I’m sorry kung nagkakagulo kayo dahil sa akin. Trust that I won’t do this again. And you don’t have to do anything for me again.” Sabi ko.

“Mabuti pa nga. Umalis ka na lang dito.” Sabi ni lola habang tinatahan si Selena. “Ungrateful child.”

“Mama!” Natauhan si papa sa matatalim na salita ni lola. “Stop it. She’s my daughter. At kung may pagkakamali man siya, hindi mo siya kailangang pagsalitaan ng ganyan! If you don’t want to acknowledge her as your granddaughter, then don’t. But she will always be my daughter!” Sabi ni papa.

Bumilis ang hininga ni lola at humingi agad siya ng tulong sa nurse. Umiling si papa at lumapit kay lola para alalayan siya pero hinawi ni lola ang kanyang kamay.

“I’m disappointed, Ricardo!” Sabi ni lola habang hinahawakan ang kanyang ulo.

“Pierre,” Sabi ni papa.

At mabilis na bumalik si Pierre sa loob. Nahihirapan ang nurse at si Selena sa pagtulong kay lola. Tumulong si Hendrix ngunit hinawi na rin ni lola ang kamay niya.

Pagkabalik ni Pierre ay dala niya na ang iilang nurse na may dalang wheel chair. Naroon na rin si tita Marichelle at iilan ko pang tita at tito. Tinulungan nila si lola habang nanggagalaiting nagsasalita ng masama si lola tungkol sa amin.

“Bastard! Home wrecker! I can’t believe this! Sinira na naman ni Helena ang pamilya sa pamamagitan ng lintik niyang anak.”

Yumuko ako nang napatingin ang mga tito at tita ko sa akin. Lumapit si tita Marichelle kay papa.

“Ricardo, this won’t be solved here. Pag sarado ang loob ang ulo, hindi mabubuksan galing sa labas. That’s what I’ve learned. Kung matatanggap niya man ito, hindi dahil pinipilit natin. Iyon ay dahil gusto niya ng tanggapin. Pag binuksan niya na galing sa loob.”

Napabuntong hininga si papa at tumingin silang dalawa sa akin. Si Elijah ay hinahalikan na ang buhok ko para mapatahan ako.

“Let’s go. Call your other cousins.” Sabi ni papa.

Mabilis na tumakbo si Hendrix sa loob para tawagin ang mga pinsan ko. Patuloy sa pang iinsulto si lola sa akin. Kinwento niya sa relatives ko ang nangyari.

“Let’s go, Klare.” Sabi ni papa at nanguna na siyang lumabas sa amin.

Napatingin ako kay tita Marichelle na ngumiti din sa akin at kay Elijah. “Go.” Aniya.

Tumango ako at sumunod kay papa. Ganon din ang ginawa ni Pierre, Claudette, at Erin. Ilang sandali ang nakalipas ay tumatakbo na rin palabas ng venue sina Azi, Knoxx, Rafael, Damon, Josiah, Chanel, at Hendrix.

Malalim na ang gabi. Kitang kita ang maliwanag na buwan at ang bituing nagsisilbing palamuti sa langit. Tumigil sa paglalakad si papa sa parking lot ng hotel. Sa malayo ay natatanaw ang garden at ang malaking entrance ng buong hotel, pag tatalikod ka naman ay makikita mo ang kabuuan ng hotel. Humalukipkip si papa at tumingala ako sa kanya.

“I’m sorry, pa.” Sabi ko, nagtatapang tapangan at nagdarasal na hindi na ako maiyak nang sa ganon ay maging klaro ang bawat salita ko. “Hindi ko po gustong magkagulo kayo. Maiintindihan ko po kung magagalit kayo sa akin dahil gulo lang ang naibigay ko sayo simula ng-“

“Klare, hindi mapapantayan ng lahat ng ito ang kasiyahang nadama ko nang tawagin mo akong ‘papa’ noon.” Ngumiti si papa, siyang nagpaiyak ulit sa akin.

Dammit, Klare!

“Hush it, baby.” Bulong ni Elijah sa tainga ko. Pinunasan niya ang takas na luha sa aking mga mata. Napatingin ako kay Elijah at kita ko sa mukha niya ang paghihirap.

“I will support you. Kahit ano pa ‘yan, I will be here to support. Your tita Marichelle and I will be here to support you. Pamilya ka namin. You should know that. You won’t need your ama’s support. You will only need ours. Okay?”

Pinunasan din ni papa ang pisngi ko. Pinipiga ang puso ko sa kasiyahan dahil sa mga narinig kong salita galing sa kanya. Hindi ako makapaniwala!

Tumango agad ako. Their support is everything to me. Nang akala ko’y itatakwil niya rin ako kanina ay gumuho ang mundo ko. Ngayong nalaman kong sumusuporta parin siya sa akin ay tama na sa akin iyon.

Ito ang natutunan ko. Sa mundong ito, hindi mo mapapasang ayon sayo ang lahat ng tao. Kahit ang mga mahal mo at ang mga nag mamahal sayo ay maaaring iba ang magiging pananaw at opinyon sa mga ginagawa mo. Kaya makontento tayo sa mga taong nagmamahal at tumatanggap. Hindi na natin kailangang magtanim ng galit sa mga taong hindi nakakaintindi. Tanggapin na lang din natin na iyon ang pananaw nila at huwag na nating ipilit.

“Next month, birthday mo, hindi ba?”

Nagulat ako dahil naalala ni papa iyon sa gitna ng kaguluhang ito. Of course, next month will be September.

“Pupunta kami ni Marichelle, Pierre, at Hendrix sa Cagayan de Oro. We’ll celebrate with your family, Klare. Okay? At pag naisipan mong umuwi sa dito sa Davao, you’ll always be welcome in our house. ‘Yong ama mo, siguro ay kina tita Tania mo titira.” Ngumiti si papa. “So don’t worry about it.”

Niyakap ko si papa. Ito lang talaga ang tanging hinihingi ko. Ito lang.

“I called Helena, too. Sinabi ko sa kanya na nandito kayong lahat.”

“Po?” Pasigaw na sinabi ni Rafael. “I’m dead.”

“Don’t worry. Hindi niya sasabihin sa mga magulang niya but I expect you’ll tell them eventually pag nakauwi na kayo?” Kumalas si papa sa pagkakayakap sa akin at tumingin siya sa mga pinsan ko.

“I’m dead, too.” Tawa ni Knoxx.

“Opo. Sasabihin din namin.” Ani Rafael.

“Pinapauwi na kayo. Alam ni Helena at ng dad mo, Klare, na kasama mo si Elijah dito. Ang tanging gusto nila ay makauwi kayo. They will support you.” Ngumiti si papa sa akin.

Tumango ako at parang nabunutan ako ng tinik. Sa loob ng ilang taon, namuhay ako kasama ang tinik na iyon. At ngayon na susuportahan na ako ng pamilya ko at susuportahan na rin ako nina papa ay sapat na sa akin.

Napatingin ako kay Elijah. Ngumiti siya sa akin. This is all for you, baby. Ngumiti rin ako pabalik.

“Tito, bukas, uuwi na kami. Hindi na kami magtatagal kasi baka mabuking na kami. Isasama namin si Elijah at Klare.” Ani Knoxx.

Tumango si papa. “Okay. Klare, visit our house. Sina Pierre at Hendrix, sa susunod na araw ko pa ipapauwi.”

Tumango ako at niyakap pa ulit si papa.

“I’m gonna miss you.” Bulong ni papa sa akin.

Hindi na rin kami nagtagal. Hinahanap na si papa sa party at pinababalik na si Pierre at Hendrix doon. Isa-isa na kaming pumasok sa mga sasakyan para bumalik na sa hotel. Kahit na halos wala naman kaming ginawa ay pagod na pagod ako. Nakakapagod palang makinig sa mga pang iinsulto ni lola. Nakakapagod palang mangatwiran pag hindi naman nila dinidinig ang mga salita mo.

Gayunpaman ay sobrang saya ko sa suportang natanggap ko galing sa aking mga pinsan. Kina Erin, Chanel, at Claudette. Sa mga boys na kahit na hindi sila lubos na makapag enjoy sa Davao City dahil sa mga issues ko ay pinilit parin nilang magpakasaya at sumuporta sa akin. Wala na akong mahihiling pa. Sila lang ang kailangan ko sa buhay kong ito.

Wala ng pangamba sa aking sistema. Elijah’s with me, my family’s with me, everything’s alright. Sa pagod ko ay mabilis akong nakatulog sa kama.

Kinaumagahan ay nagising ako na nag iimpake na si Elijah sa mga damit ko. Naka topless siya habang inaabot ang mga damit ko at nilalagay sa loob ng luggage.

“Good morning!” Bati niya at mabilis siyang dumalo sa akin.

Kinusot ko ang aking mga mata, mahapdi parin dahil sa matinding pag iyak ko kahapon.

“Hungry?” Tanong niya.

Umiling ako. Nilagay niya sa tainga ko ang takas kong buhok.

“Breakfast tayo bago umalis. Tatapusin ko lang ‘to.” Sabay turo niya sa mga gamit namin.

Kumalabog ang pintuan namin dahil sa mga pinsan kong gutom na at naghihintay sa amin. Nahihiya ako dahil halos silang lahat ay nakapag bihis na kaya mabilis akong naligo at nagbihis na rin. Maingay sila sa kwarto namin at panay ang asaran nilang lahat.

Panay din ang reklamo nilang gutom na sila kaya naman ay mabilis na kaming bumaba para kumain sa restaurant. Isang long table ang kailangan para makaupo kaming lahat. Syempre, tabi kami ni Elijah habang kumakain at si Azi at Erin ay nasa harap naming dalawa.

Nilalagyan ni Elijah ng pagkain ang pinggan ko habang si Azi naman ay pinapanood kami habang ngumunguya siya ng fries.

“Ayoko na dito. So sweet I’m gonna die.” Humagalpak si Azi at tinulak niya si Josiah para paupuin siya sa gitna nila ni Rafael.

“Ako na nga lang don.” Sabi ni Josiah at umalis sa kanyang upuan para umupo sa bakanteng upuan ni Azi.

“Kiss my ass, Azi.” Sabi ni Elijah habang inaabot ang ham at nilalagyan ang pinggan ko. “What else do you want, baby?” Malambing niyang baling sa akin.

Uminit ang pisngi ko nang napaupo si Erin. Tinapik ni Josiah ang likod ni Erin habang natatawa siya. Wala ng nagsalita.

Pumikit ako at pakiramdam ko ay kumukulo na ang pisngi ko sa kahihiyan. Damn, Elijah!

Siniko ko si Elijah, “Preno muna.” Bulong ko.

Kumunot ang noo niya at ngumuso habang tinititigan ako.

Tahimik kaming kumain pagkatapos non. Nag drama pa si Chanel tungkol sa pagkakamiss niya sa Davao pagkaalis namin at sana daw ay babalik kami para mamasyal at pumunta sa Samal, next time. Syempre, pumayag ako dahil tingin ko ay masaya iyon. Excited agad sila lalo na nang binanggit ko ang iilang mga magagandang beach sa Davao Oriental tulad ng Dahican sa Mati City at marami pang iba.

“So… Bili muna tayo ng pagkain. By lunch, stop over tayo sa pinakamalapit na makakainan. Stay close.” Sabi ni Knoxx.

“Elijah, stay close daw. Huwag mong paliparin ang sasakyan mo.” Utas ni Josiah.

Tumawa si Elijah.

“He won’t, idiot. Syempre, he’ll obey all the traffic rules and will forever slow down kasi baka mapano si Klare.”

Uminit ulit ang pisngi ko lalo na nang pinanood ni Erin at Chanel ang reaksyon ko. Nag iwas na lang ako ng tingin. Hindi parin talaga ako masasanay sa asarang ganito.

Tumunog ang mga sasakyan nila at pumasok na isa-isa doon. Huli kaming pumasok ni Elijah, pinapanood ang pag alis nila isa-isa patungo sa pinakamalapit na fastfood para makabili ng makakain habang nag babyahe.

Pinatunog ni Elijah ang sasakyan niya kaya nabuksan ko ang pintuan. Pumasok ako roon at chineck ang bag ko sa likod. Ready na akong umalis. Sinuot ko ang seatbelt at pinanood ko siyang pumasok.

“Let’s go.” Sabi ko.

“Okay.” Bumaling siya sa akin habang pinapaandar ang kanyang sasakyan palabas ng parking lot ng hotel.

“Eyes on the road, Elijah.” Saway ko habang nakatingin ako sa kalsada.

“Okay, Klare.”

Bumaling ako sa kanya at nakakagat labi siyang tumitingin sa kalsada. Sa sinabi niya ay pakiramdam ko lahat ng gusto ko ay gagawin niya.

Nakalinya kaming lahat sa drive thru ng isang fast food. Nasa huli kami ni Elijah, kasunod nina Knoxx.

Bumaling siya sa akin habang naghihintay na kami naman. “You okay?” Tanong niya.

Tumango ako at ngumiti.

“Good.” Sabi niya at pinaandar ang sasakyan nang nakalabas na sina Knoxx.

Sinabi niya ang order at pinaandar ulit ang sasakyan para tanggapin iyong mga pagkain. Nilagay ko iyon sa likuran at nagsimula na siyang mag drive sunod kina Knoxx, palabas ng Davao City.

Binuksan ko ang GPS ko para tingnan ang dinadaanan namin. Hindi na naman kailangan dahil tanaw naman namin ang aming mga pinsan at medyo pamilyar din sa akin ang lugar.

“Sinong ka text mo?” Sumulyap si Elijah sa akin at pinaharurot ang sasakyan.

“Wala. Tinitingnan ko lang ang GPS ko.” Sabi ko.

May pinindot siya sa baba ng aircon at nakita ko doon ang isang mapa, katulad ng GPS ko sa aking cellphone.

“Put your phone down. Napaparanoid ako.” Aniya.

Ngumuso ako at nilagay ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Iniisip ba niyang may katext akong ibang lalaki kahit na pinaglaban ko na siya ng husto?

“You think may lalaki akong katext?” Tanong kong natatawa.

“May hang over pa ako sa panonood sayo kasama ‘yong Vaughn na iyon.” Sulyap niya sa akin.

“Oh my God! You’re one jealous boyfriend.”

Nakita kong pumula ang pisngi niya. “Yeah, right.” Medyo iritado niyang sinabi.

Humagalpak ako sa tawa. “Dapat ay alam mo na ngayon na ikaw lang, Elijah. Pumunta ako ng impyerno para sayo.”

Hinintay ko ang reaksyon niya pero nakakunot lang ang noo niya. Ang mga mata niya’y malalim at tinitingnan ang kalsada. Ang makurbang pilikmata ay mas nagpa highlight sa ekspresyon ng kanyang mga mata. Naka pout din ang kanyang labi at mukhang nagtatampo.

Mas lalong lumaki ang ngiti ko nang narealize ko kung ano ang problema niya. Simula nong nagbalik siya at nagkabalikan kami ay hindi ko pa sinasabi sa kanya na mahal ko siya. I don’t think that’s necessary. Ang mga kilos ko na ang magsasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal pero… isa rin iyon sa natutunan ko. Na ang kilos ay hindi sapat, kailangan parin ng mga salita.

“I love you, Elijah.” Sabi ko na agad kong pinagsisihan dahil sa biglaan niyang pag tigil sa sasakyan.

Napasigaw ako sa gulat. Kumalabog ang puso ko sa kaba.

“Dammit, Elijah! Mag dahan dahan ka nga!” Sigaw ko habang inaayos ko ang buhok ko.

“What did you just say?” Aniya sobrang lapit na ng kanyang mukha sa akin.

Hinahabol ko ang hininga ko ngunit nahihiya akong bumuga dahil ang ilong niya ay nasa tapat na ng labi ko. Ang dalawang kamay niya ay nasa gilid ng dalawang upuan ko.

Bumagal ang pag buga ko ng hinga dahil sa pagkaka conscious at sa gulat sa ginagawa niya.

“Say it again, Klare.” Utos niya.

Kinagat ko ang labi ko.

“Stop biting your lip and say it.” Naaamoy ko na ang mabango niyang hininga.

Halos dumikit na ako sa aking upuan sa kaba at pananabik. I love him so much. Too much. Kung masasaktan man ako para sa pagmamahal na ito, tatanggapin ko ang lahat, magkasama lang kaming dalawa.

“I said, I l-love you.” Sabi ko.

“Ba’t nanginingig ang boses mo?” Tanong niya, ang ilong niyay humahaplos na sa ilong ko.

Halos mapapikit na ako. Hindi pa nga dumadapo ang labi niya sa labi ko ay nalalasing na ako. Damn it, Elijah! This is what you do to me!

“B-Because you’re making me nervous.”

“Really?” Ngumiti siya at hinalikan niya ang labi ko, isang beses.

Naglakbay ang kuryente sa aking batok at humahataw na ang puso ko sa sobrang saya. Damn it!

“I’m in love with you. Are you in love with me?” Tanong niya habang pinapaulanan ako ng malalambing na halik.

“Hmmm.” Hindi ako makapagsalita dahil sa halik niya.

“I think you are.” Aniya at pinagpatuloy ang mababaw at nakakalasing niyang mga halik.

Napapikit ako at pinulupot ko ang aking braso sa kanyang leeg. I’m in love with you. So freaking much, Elijah.

Naririnig ko ang halakhak niya habang sinusuklian ko ang halik niya. Nanghina ako. Hindi ko na maramdaman ang braso ko, ang kamay ko, dahil sa halik niya. Hinayaan ko siyang paulanan ako ng malalim at mababaw na halik.

Bumaba ang kanyang halik sa aking panga. Napatingala ako dahil sa kiliting nararamdaman sa bawat halik niya. Uminit ang pisngi ko nang narealize na ginigiya ko siyang humalik pababa. Dammit, Klare!

“Hmmm. Klare, how do you feel about this?” Tanong niya habang hinahalikan ako pababa sa panga.

Kinagat ko pa lalo ang labi ko para mapigilan ang sarili ko sa pag daing. Why are you even asking me those questions, Elijah? Just… Kiss me!

“Do you like how this feels?” Humalakhak siya habang hinalikan ako sa aking leeg.

Nawala na ako sa aking sarili. Lasing na talaga ako sa kanya.

“Baby, do you like this?”

Tumigil siya sa paghalik. Dumilat ako at bumungad sa akin ang isang Elijah’ng nakangiti at mukhang nalulugod sa kanyang epekto sa akin.

“I can’t drive like this. I can’t concentrate.”

“Hindi tayo m-makakauwi pag di ka mag dadrive.” Sabi ko.

Nag angat ang kanyang labi. “Hindi ako matatahimik pag naiisip ko yong mukha mo habang hinahalikan kita. You’re pretty pleased because of my kisses.”

Humalakhak ako at nagkatitigan kaming dalawa.

“Let’s go home.” Sabi ko.

Tumango siya.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Until He Returned – Kabanata 49

Kabanata 49

Okay

Kung walang kumatok sa pintuan namin ay hindi ako magigising. Masyadong komportable ang pakiramdam ko habang natutulog. Wala akong inalalang problema kahit marami parin ako non. Siguro ay natuto ko ng tanggapin na may mga bagay na hindi ko na talaga mababago. Ang tanging magagawa ko na lang ay ang pahalagahan ang mga taong sumusuporta sa amin.

Malalim ang hininga ni Elijah nang bumangon ako dahil sa kumakatok. Nakahiga na pala ako sa braso niya, hindi ko namalayan. Siguro ay kalagitnaan kagabi ay gumalaw ako at naipatong ko ang ulo sa kanyang braso. Kinusot ko ang mga mata ko at nilingon ko siya. Laking gulat ko nang nalamang gising na pala siya!

“Good morning!” Napapaos ang kanyang boses at itinukod niya ang kanyang siko sa kama, nilagay ang baba sa kanyang kamay.

Uminit ang pisngi ko at narealize na kahit bagong gising ay matingkad parin ang kanyang kagwapuhan. Sa gitna ng mapupungay na mga mata at napapaos na boses ay sobrang kisig niya parin. Kamusta naman kaya ang mukha ko?

Dumapo ang kamay ko sa aking mga mata para icheck kung may muta ba ako. Nilinis ko iyon at mas lalong nahiya.

“K-Kanina ka pa gising?” Tanong ko.

Biglang lumakas ang katok sa pintuan. Pumikit si Elijah na para bang naiirita sa kumakatok.

“Medyo. Ayoko lang maistorbo ang pag tulog mo.” Aniya at mabilis na bumangon para lapitan ang pintuan.

Nakita kong alas otso na ng umaga. Medyo kumakalam na ang sikmura ko at tingin ko ay kailangan naming bumaba sa restaurant nila para kumain.

“Go away, Azi!” Sigaw ni Elijah sa pintuan at mabilis niyang sinarado.

Hinampas pa ni Azi sa labas ng isang beses bago siya tumigil. Kumunot ang noo ko at napatingin ako kay Elijah.

“Ano daw sabi?” Tanong ko.

“Kanina pa kasi kumakatok sina Chanel dito. Maaga daw kayo ngayon para maghanap ng dress sa Abreeza. Si Azi na ang inutusan nila ngayon para gisingin ka.” Umirap si Elijah.

“Ganon ba?”

Tumayo agad ako at hinablot ang tuwalya para makaligo at makapag bihis na. Ngayong maayos na ulit kami ni Erin ay determinado akong panatilihin namin ang status na iyon. Hindi ako pwedeng mag pa importante. Alam kong mahalaga sa kanila ang susuotin namin mamayang gabi kahit na hindi ko nakikita ang kahalagahan non.

“Relax, Klare.” Saway ni Elijah pagkatapos kong sinarado ang pintuan sa banyo.

Mabilis akong naligo at nagbihis sa loob ng banyo. Si Elijah ay nanonood lang ng TV at humihikab, pinapanood akong natataranta.

“Mag bi-breakfast muna tayo.” Aniya. “Sinabi ko sa kanila na by 9, nasa restaurant na dapat tayong lahat. That can wait, Klare.”

Tumango ako at umupo sa sofa nang siya naman ang naligo.

Nang nag alas nuwebe ay bumaba na kami ni Elijah kasama sina Pierre at Hendrix. Anila’y nauna na ang mga pinsan ko sa baba dahil ginugutom na sina Damon, Knoxx, at Josiah. Humihikab si Pierre sa loob ng elevator habang si Hendrix naman ay kausap si Elijah tungkol sa damit na susuotin nila mamaya.

“Uuwi na rin muna kami ni Pierre pagkatapos kumain. Babalik kami mamayang hapon.” Ani Hendrix.

Tumango si Elijah. “We’re probably going out with the girls. Hindi pwedeng sila lang.”

Kaya habang kumakain kami sa restaurant ay napagkasunduang sasama ang boys sa Abreeza pero kami lang ang pag ha-hunting ng maisusuot. Ayaw kong gumastos ng mahal kaya siguro simple at mura lang ang bibilhin ko. Si Claudette ay determinadong makakuha ng damit na maganda kahit na magkano, ganon din si Chanel at Erin.

Ang mga boys ay gagala lang daw sa mall at siguro ay mag ha-hunting ng girls. Mas gusto nilang mag chill kesa sa sumama sa amin na nakanganga sa bawat boutique na bibisitahin.

Sa mataong mall ay gumala ang mga mata namin. Halos katulad din ito ng mga mall sa Cagayan de Oro, mas matao nga lang.

“Sasama ako sa kanila.” Ani Elijah sabay turo sa amin.

Mabilis akong umiling. Alam kong ayaw niya lang na iwan ako pero para sa akin ay mas mabuting sumama siya sa boys. Ma bo-bore lang siya habang naghahanap kami ng damit.

“What the fuck, dude?” Angal ni Azi.

“Hindi kami tumututol, Elijah, pero grabe ka naman. Masasakal si Klare niyan. Ultimo paghahanap ng damit niya, sasama ka pa.” Ani Josiah.

Nalaglag ang panga ni Elijah at luminga siya sa akin.

“Anong susunod, dude, lalagyan mo na ba ng red carpet ang nilalakaran ni Klare, tas papaypayan mo na siya at bibigyan ng lemonade?” Tumawa si Azi.

Bumaling si Elijah kay Azi at tinuro niya ito. “Shut up or I’m gonna punch you.”

Napawi ang ngiti ni Azi. “Joke lang ‘yon!”

Kinagat ko ang labi ko at hinila si Elijah palayo sa kanila. Nag uusap na sina Claudette at Erin sa route namin ngayong araw. Tinitingnan nila ang mapa ng mall.

“Elijah,”

“So what if I’m smitten? Fuck, Azi. Pag siya nag mahal, maliligo siya ng bara sa akin.”

“Eh kasi mas maganda sana kung sumama ka na lang muna sa kanila. You know, mahirap ‘tong gagawin namin. You know Erin at Chanel. Grabe kung makapag shopping. Ma bo-bore ka lang. Tsaka, kailangan ko rin makipagbonding sa kanila. It’s been a long time since nagkaganito ulit kami.”

“Nasasakal ba kita?” Nanliit ang mga mata niya.

Ngumuso ako para magpigil ng ngisi pero hindi ko maiwasan ang pag angat ng labi ko. He’s so cute! Lalo na pag seryoso, galit, o frustrated. Hindi talaga ako magsasawa sa kanya.

“Klare, nasasakal kita?” Tanong niya ulit.

Umiling ako ng nakangisi.

Pumikit siya ng mariin. “Okay.” Bagsak ang kanyang mga mata sa baba. “Okay, I’ll calm down. I don’t want to lose you over my possessiveness.” Tinalikuran niya ako.

“Hey, Elijah. Hindi ako nagrereklamo.” Sabi ko.

Bumaling ulit siya sa akin. “Ayokong umabot tayo sa puntong mag rereklamo ka na.”

Dumiretso siya sa paglalakad kina Josiah. Umirap si Josiah nang nakita niya si Elijah.

“If you’re going to be motherfucking sad with us, then go ahead! Sumama ka kay Klare.”

Tumawa si Damon at Knoxx sa sinabi ni Josiah. Bumaling si Elijah sa akin at ngumisi. Ipinakita niya ang cellphone niya sa akin. Tumango ako at ngumisi din pabalik.

Paano ‘yon? Wala akong number niya? Kinuha ko ang cellphone ko nang nakalayo na sila at nakita kong may message na doon galing sa hindi kilalang number. Alam ko kaagad na kay Elijah iyon galing.

Elijah:

Baby, I’m really greedy. And I’m completely drawn to you. 🙁 Gusto ko sa akin ka lang. And I’m really sorry about that.

Humampas ang puso ko sa aking dibdib, malakas at mabilis. Damn, Elijah. Bakit ka nagsosorry gayong gustong gusto ko ang ginagawa mo?

Ako:

Gusto ko rin na sa akin ka lang. Don’t worry.

Elijah:

Talaga? Can I hear you say it, please? Yong boses mo talaga. Where are you?

Natawa ako sa kanyang kabaliwan. Hindi pa nag sasampung minuto na magkahiwalay kami ang naghahanap na agad siya sa akin. Hinayaan ko siyang maghanap habang kami ay patuloy rin sa paghahanap. Impyerno siguro ang pakiramdam nina Azi ngayon dahil kay Elijah.

Alas dos na nang nakahanap si Chanel ng kanyang damit. Kanina pa kami nakahanap ni Claudette. Kulay grey ang kay Claudette na spaghetti strap. Kay Chanel ay tube na kulay green. Ang akin ay kulay puting spaghetti strap. Si Erin na lang ang walang mahanap.

“Nevermind.” Ani Erin sabay hila sa kamay ko at kamay ni Claudette.

“May dala ka bang dress or anything?” Tanong ni Chanel kay Erin nang papunta na kami sa coffee shop kung saan ang mga boys.

“Meron pero pang beach ‘yon. Inisip ko kasing pupunta tayo ng Samal.” Humagikhik si Erin.

“Ha? Edi anong susuotin mo mamaya?” Tanong ni Claudette.

Ipinagkibit balikat lang iyon ni Erin. Hindi ko maintindihan kung bakit wala lang ito sa kanya gayong siya ang excited na mamili kami ng damit. Kinailangan na naming umuwi dahil alas tres ay mag hahanda na kami para sa party.

Nakita ko kaagad ang kislap sa mga mata ni Elijah habang pinapanood akong pumapasok sa loob ng flowershop. Uminit ang pisngi ko at nag iwas ako ng tingin sa kanya.

“Marco Polo na tayo.” Sabi ni Knoxx.

Tumayo na ang mga boys, ang presensya nila ay nagpapasikip sa buong coffeeshop. Ang mga mata ng mga tao ay nasa kanilang lahat. I wonder what’s with them?

Nagkahiwalay kami sa parking lot. Syempre, kay Elijah ako sumama. Tahimik siyang pinapanood ang bawat kilos ko. Tahimik rin akong sumasakay sa kanyang sasakyan.

“You say it.” Utos niya.

“Ano?” Kahit alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

PInaandar niya ang sasakyan dahil nahuli na kami. Umalis na silang lahat.

“Na gusto mo sa’yo lang ako.” Aniya.

Ngumisi ako. Hindi ko alam kung bakit big deal sa kanya ang sabihin ko iyon. Malaki agad ang ngiti niya nang narinig akong sinabi iyon. Hanggang sa Marco Polo ay damang dama ang maganda niyang disposisyon.

“Bah!” Tumatawa si Azi nang napansin ang ngiti sa labi ni Elijah.

Umiling na lang ako at umirap. He’s crazy. Napatingin si Azi sa akin, mabilis akong nag iwas ng tingin.

Papasok kami sa mga room namin. Hinila agad ako ni Chanel.

“Dito tayo sa room namin. Make up and all. You know?” Ani Chanel kaya napatingin ako kay Elijah na nakangiting tumango.

Ngumisi ako sa kanyang reaksyon.

“Ano kayang nangyari.” Humalakhak si Azi at nagyayang mag swimming sa kanilang lahat.

Pagkapasok ko sa room nina Claudette, Chanel, at Erin ay naabutan kong nakalatag na ang mga damit namin sa kama. Kasing laki ng room nila ang room namin ni Elijah.

“Unang mi-make up-an ay si Claudette.” Sabi ni Chanel.

Umupo si Claudette at hinayaan niyang make-upan siya ni Chanel at Erin. Naligo ako naman muna ako bago ko sinoot ang dress na nabili ko sa Abreeza.

Nang natapos si Claudette ay tinuro nila ako bilang susunod na mi-make upan. Umupo ako sa upuang binakantehan ni Claudette. Si Chanel ay lumapit sa kanyang naka charge na cellphone at si Claudette ay inaayos ang suot niyang damit.

Habang inaayos ni Erin ang BB Cream sa aking mukha ay may kumatok sa pintuang nakaharap sa akin. Hindi na non hinintay na may magbukas, binuksan na ng kumakatok ang pintuan at nagulat ako nang tumambad si Hendrix na may dalang itim na dress, nakasabit sa hanger.

“Here’s the dress. Is this okay?” Ani Hendrix.

Napaturo ako sa aking sarili. Hindi kasi ako sigurado kung sino ang kanyang kausap.

“Ilagay mo lang diyan.” Sagot ni Erin.

Tumingala ako kay Erin na hindi makatingin kay Hendrix. Bumaling ulit ako kay Hendrix na nagkakamot sa kanyang ulo. “Is this okay? Do you like it?”

“Basta, ilagay mo lang dyan.” Sagot ni Erin.

Nagkatinginan kami ni Claudette.

“Uh, okay.” Sabi ni Hendrix at nilapag ang magandang dress sa kama. Bumaling siya sa akin. “You hungry, Klare?”

Nautal ako sa pag sagot. Hindi ko alam kung bakit. “N-No. Kumain naman kami sa labas.”

Tumango si Hendrix at umambang lalabas na sa aming room. “Let me know if you need anything. Si Pierre ang maghahatid ng masks.” At umalis.

Binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Gusto kong magtanong kay Erin kung nagkakausap ba sila ni Hendrix o ano pero natatakot akong magalit siya sa tanong kong iyon. Si Claudette ay nakatitig na ngayon sa cellphone niya at si Chanel ay parang walang napapansing kahit ano. Weird.

Nang dumating na ang mga masks namin ay kinabahan na agad ako sa mga mangyayari. Alam kong mas maayos ako ngayon dahil kasama ko ang mga pinsan ko pero kinakabahan parin ako tuwing naiisip ko si Ama.

Titig na titig si Elijah sa akin nang papasok ako sa kanyang sasakyan. Makisig siya sa kanyang suot na tux at inisip kong hindi kaya siya mapagkakamalang escort ng debutant? Pumasok din si Claudette at Azi sa aming sasakyan dahil ang kanilang sasakyan naman ngayon ang pinatingin.

Maingay ang byahe patungo sa hotel kung saan ang venue dahil kay Elijah at Azi. Kinakabahan naman ako sa mga mangyayari.

Nang nasa parking lot ay nilapitan kaagad ako ni Pierre para sabihing papunta na rin si papa.

“This is the plan, Klare.” Ani Hendrix. “Lalapit kami kay dad. Isasama ka namin. I’m sure dad will confront ama-“

“Rix, baka masira ang partyni Cristine.” Saway ko.

Umiling siya. “Sasabihin ko kay dad na sa labas na lang tayo makipag usap. We’ll also need Elijah and Selena. And we think si Elijah lang ang makaka kumbinsi kay Selena na sumama sa kanya sa labas. But I can’t assure you that we’ll convince ama about this.”

Tumango ako. “Alam ko ‘yon. Gusto ko lang linisin ang lahat ng gulong ito. Gusto kong malaman ni Ama na wala na si Elijah at Selena. I want to thank Selena dahil pinagtakpan niya kami. I want to say sorry, too. At gusto ko ring magpaalam kay papa. We’re leaving tomorrow. We’ll face the Montefalcos.” Sabi ko.

“Wala ka ng magiging problema sa Montefalco, Klare.” Ani Knoxx.

Napatingin ako sa pinsan ko.

“Anong magagawa nila kung suportado namin kayo. Wala na. Dad will probably just back off. Baka nga ipakasal niya pa kayo.”

Napangiwi ako habang iniisip na ipapakasal kami ni Elijah at papangunahan iyon ni tito Azrael.

“Tama si Kuya, Klare.” Ani Claudette. “And tita Beatrice doesn’t have a problem with you two. Kaya paniguradong pati si tito Exel.”

“At basta mahanap lang si Elijah ay maayos na kay dad.” Ani Rafael. “So… this will be a piece of cake. Besides, kung ayaw parin nila, isama niyo kami sa tanan.”

Humagalpak silang lahat sa sinabi ni Rafael. Gumaan ang pakiramdam ko at inisip kong ang mga Ty na lang talaga ang haharapin ko.

Sinuot na namin ang mga maskara at pumasok na kami sa loob. Halatang halata na hindi kami kilala dahil lahat ng ulo ng mga nandoon ay nakatoon na agad sa amin sa pagtataka kung sinu-sino kami. Naka maskara din sila pero ang iba sa kanila ay walang pakealam kung makita ang mukha nila. Habang kaming lahat ay maingat na sinusuot ang mga maskara para hindi mamukhaan.

Umupo kami sa pinakamalayong table ayon sa inutos ni Hendrix. Gusto ko sanang tahimik kaming lahat para hindi kami mahalata ngunit sadyang hindi mapigilan ang mga bibig ng mga pinsan kong nakukuha pang magbiruan.

“May chix.” Bulong ni Josiah sabay siko kay Elijah.

“Asan?” Sagot ni Rafael.

Itinuro nila ang isa sa mga pinsan kong medyo maypagka revealing ang suot na deep v-neck dress.

“Hindi naman yan chix.” Sagot ni Elijah sabay halukipkip.

Kahit na gumagala ang mga mata ko para tingnan ang kabuuan ng angkan ng mga Ty ay hindi ko maiwasang pakinggan ang pinag uusapan nila. Masyadong mukhang importante ang bawat tita at tito ko habang naglalakad sa red carpet ng malawak na venue’ng ito. Mas malawak pa ito sa naging venue ng debut ko noon sa Xavier Estates. Kulay violet ang mga roses at ang mga balloons na nasa gitna. May upuang kulay violet din sa stage na wala pang umuupo. Doon siguro uupo si Cristine.

“Wag mong kausapin si Elijah. Wala yang nakikita kundi si Klare.” Sabi ni Azi.

Nag asaran pa sila at nangatwiran pa si Elijah na totoong hindi naman iyon maganda. Binalewala ko sila. Siguro ay kinakabahan din ang girls dahil tulad ko ay pinagmamasdan nila ang galaw ng mga tao.

“This is kinda scary.” Utas ni Chanel nang dumating ang aking lola na pinapaligiran ng mga tita at tito ko. Naroon din ang iilang matatandang Ty na hindi ko parin na kikilala hanggang ngayon. Siguro ay kapatid ng lolo ko dahil masyadong respetado at importante.

Napalunok ako. Nahihiya ang chinita kong mata at puting kutis ko sa mas chinitang mga mata ng pinsan ko at mas maputing balat nila. I don’t belong. Parang ang layo ng agwat ko sa kanilang lahat. Lalo na pag nag ma-mandarin na sila.

Nag serve muna ng pagkain bago nagsimula ang programme. Halos wala akong makain sa sobrang kaba lalo na nang kalagitnaan sa aming pagkain ay pumasok si papa kasama ang dalawang bodyguard at si tita Marichelle sa kanyang braso.

Naka tux si Papa at si tita Marichelle naman ay naka kulay violet na dress. Walang maskara ang dalawa. Si tita Marichelle ay may dala ngunit hindi niya iyon sinuot. Tumayo agad ang dalawa kong kapatid para salubungin si papa. Halos hindi niya pansinin ang dalawa nang sinuyod niya ang table ng mga kapamilya. Napatingin ang nakapamaywang na si Pierre sa akin at si Hendrix ang nagpapaliwanag. Siguro ay hinahanap niya ako.

Gumapang ang kaba sa akin. Lalo na nang sinalubong din siya ni lola. Binuksan ni lola ang kanyang pamaypay at nakangiting hinawakan ang braso ni papa. Itinuro niya ang mesang para sa kanila. Nakita kong nag iwas ng tingin si Hendrix kay lola at si Pierre naman ay si papa lang ang pinapanood.

Ilang sandali ang nakalipas ay pumwesto na si papa sa presidential table nila kasama si Hendrix at Pierre. May ibinulong si Hendrix sa kanya at napatingin siya sa aming table, tila may hinahanap.

“Klare, hanap ka ata ng daddy mo.” Sabi ni Claudette.

Tumango ako at nanatiling nakaupo. Ayaw kong mahalata ni lola na nandoon ako. Hindi ko alam kung paano pinaliwanag ni Hendrix ang nangyari pero nagpapasalamat akong walang gulong nangyayari.

Dumating na si Cristine, suot suot ang kanyang kulay violet na ball gown kasama ang kanyang escort na si Jesse Co. Hindi man lang siya ngumingiti ngunit naghihiyawan ang buong angkan. Nagpalakpakan at panay ang click ng mga camera lalo na nang sinuot niya na ang kanyang napakagandang maskara.

Halos hindi na ako mapakali. Nag enjoy ang mga pinsan ko sa panonood ng programme. Panay pa ang side comments ng mga boys tungkol sa misteryosang pinsan ko na naka maskara dahil mukha rawng maganda.

“Hey…” Bulong ni Elijah nang nagsimula na ang huling parte ng party.

“Hmmm?” Hindi ako makatingin sa kanya dahil kabadong kabado parin ako.

“Lalapitan ko na si Selena.” Hinalikan niya ang aking balikat.

Natunaw ako. Batid ko na nanonood sa amin si Erin at Chanel. Ayaw kong makita nila kaming sobrang sweet. Alam kong kahit na hindi na sila tutol ay hindi ibig sabihin na tanggap na nila kaming ganito sa isa’t-isa.

Tumango ako.

“Will you be okay?” Tanong niya.

Tumango ulit ako. “Lalabas na ako pagka senyas ni Hendrix. Isasama nila si papa at si lola.”

Tumango si Elijah at hinawakan ang kamay ko. “I’ll be there. Saglit lang ito.” Sabi niya.

Napalunok ako at mas lalong humampas ang puso ko sa aking dibdib nang tumayo ang tatlo sa presidential table. Napangiwi si tita Marichelle nang inayos ni papa ang kanyang sleeves at tinatapik siya ni Hendrix, iminumuwestra ang isang pintuan sa backstage.

Tumayo na rin si Elijah at nakita kong napatingin agad si Selena sa kanya. Umawang ang labi ni Selena, natigilan nang nakita niya ang kanyang ex sa party ng pamilya nila.

“Sama ako, Ej.” Sambit ni Erin.

Tumayo na rin ako nang nakitang lumabas na si papa sa pintuang iyon. Parang lumulutang ang aking mga paa habang naglalakad patungo doon. Hinahabol ko ang hininga ko sa sobrang kaba. Nakita kong tumayo ang natatawang si lola habang hinahawakan ni Pierre ang kanyang kamay. Syempre, papayag siya pag ang lalapit sa kanya ay ang kanyang paboritong apo.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Until He Returned – Kabanata 48

Kabanata 48

Sleep

Hindi rin nagtagal ay pumasok si Pierre sa kwarto. Nakabihis na siya at mukhang bagong ligo pa. Hindi tulad ni Josiah, hindi niya ininda na naabutan niya kami ni Elijah na malapit sa isa’t-isa.

Mabilis niyang binuksan ang TV. Nakatingin kaming dalawa ni Elijah sa kanya. Umupo siya sa tabi ni Elijah at nag scan ng channels. Nanatili ang kanyang mga mata sa TV at walang imik. Ngumuso ako dahil medyo natatawa ako sa pagiging walang pakealam ni Pierre.

“Asan na mga pinsan mo, Klare?” Tanong niya, hindi parin inaalis ang mga mata sa TV.

“Nasa mga kwarto pa nila. Nagbibihis.” Sabi ko.

May narinig kaming kumatok sa pintuan. Mabilis na tumayo si Pierre at nagtungo sa pintuan namin. Bumaling si Elijah sa akin at ngumiti.

“Must be the food.” Ani Elijah.

Tama siya. Dumating na nga ang inorder na mga pagkain ni Damon para sa aming lahat. Hindi nagkasya sa table ang lahat ng pagkain, kinailangan pang kunin ni Pierre ang table sa balcony at ang coffee table malapit sa kama. Nag offer naman ang mga waiter na naghatid na sa restaurant ng Marco Polo na lang daw kami kumain kaya lang ay tingin namin ay huli na ang lahat. Naihatid na ang pagkain at nagkasundo na kaming doon nga kakain lahat.

Naging busy kami sa pagkakasya ng mga pagkain sa mesa. Dumating si Hendrix na bagong ligo din at naka itim na sleeveless shirt at kulay blue na shorts. Tumulong siya sa pag aayos.

Maingay nang dumating si Azi, Knoxx, at Josiah. Wala silang ginawa kundi ang suriin ang mga pagkaing naroon. Pinaalam din ni Josiah na paparating na rin ang beer na inorder nila. Nagkasundo din silang doon na sa balcony mag inuman at mag usap-usap. Sa bagay, matagal na silang hindi nakakapag usap. Mahigit dalawang buwan din kasi nilang hindi nakasama si Elijah kaya ayos lang naman siguro. Isa pa, gabi pa naman ang party kaya hindi namin kailangang gumising ng maaga kinabukasan.

Nagkaasaran ulit ang mga pinsan ko. Sinasali pa nila ang tumatawang si Hendrix samantalang nakatoon ang pansin ni Pierre sa TV.

“What the heck is that?” Utas ni Azi sabay turo sa TV.

Nasa Channel V iyon at ang puro tugtog ay mga Korean songs. Naaalala ko tuloy si Claudette.

“Walang matinong channel.” Ani Pierre habang nakapangalumbaba.

“Ganito na nga sa bahay, ganito pa dito?” Reklamo ni Azi.

Binigay ni Pierre ang remote kay Azi. “Find a good channel, then.”

Umaliwalas ang mukha ni Azi at tumingin agad siya kay Elijah. Umangat ang labi ni Elijah at sumulyap sa akin. “I know what you’re thinking, Azi. Stop it.”

Binatukan ni Josiah si Azi. “Gago! Walang ganon dito! This is not a motel, you idiot!”

Nagtawanan silang tatlo. Tumawa rin si Hendrix kasama sila. “Wala atang ganon dito.” Ani Hendrix.

“Give me the remote, Azi.” Utos ni Josiah habang nakakahilong ni-scan ni Azi ang bawat channel sa pag hahanap ng kung anong kabulastugan.

“Walang porn dito. If you really want, search mo na lang sa phone mo.” Tumawa si Elijah.

“Desperate shit!” Sabay kuha ni Josiah ng remote kay Azi.

Ngumiwi si Azi. “I’m not desperate. Kayo? Ang paplastic niyo? Puro kayo mga pa virgin! Lalo ka na Elijah!”

Muntik na akong sumabog sa kakatawa. Alam ko. Alam ko naman kung ano ang mga kabulastugan nilang lahat pero bakit ngayon parang tinatago na ni Elijah sa akin.

“Shut up, Azi.” Ani Elijah.

“Ah! TWD.” Ani Josiah at umupo sa sofa.

Napatingin ako sa TV kung saan ang palabas ay iyong isang popular na american series na tungkol sa pamumuhay ng mga tao sa gitna ng zombie apocalypse.

“TWD? The White Dick?” Utas ni Azi habang umuupo sa tabi ni Josiah.

Napatingin si Josiah sa litong mukha ni Azi. “The Walking Dead, fucker!”

Mabilis namang tumama ang unan sa mukha ni Azi galing sa kay Elijah. “Damn, Azi. Anong pinapanood mo sa inyo? Puro ba porn? Ewan ko sayo!” Humalakhak si Elijah at lumapit sa sofa na inuupuan ko.

Ilang mura pa ang narinig ko galing sa kanila. Asaran dito, asaran doon. Nakakasabay na rin si Hendrix sa kanila. Si Pierre ay tumatawa lang kasama nila.

“Gutom na ako.” Reklamo ni Josiah.

Mabuti na lang at ilang sandali ang nakalipas ay dumating na si Knoxx, Rafael, at Damon kasama ang girls. May dala dala silang beer. Hindi ko alam kung sa hotel ba nila iyon binili o sa labas na.

“Kain na tayo!”

Syempre, maingay kaming lahat sa buong room. Hindi ko lubos maisip kung paano kami nakakaistorbo sa mga katabing suite. Pinaalalahanan naman ako ni Elijah na sound proof daw ang mga rooms. Pero tingin ko ay hindi kaya ng sound proof ang ingay namin.

Pinili ng mga boys na sa balcony mag inuman. Kahit na halos hindi sila magkasya doon ay pinilit nila ang mga sarili nila. Lalo na’t may mga smokers sa kanila, kinailangan nila ang open space habang nag iinuman.

Noong una ay kasali pa kami ng mga girls doon. Napansin ko ang malakas na pag inom ni Claudette. Tatlong bote agad ang natapos niya habang kalahati pa lang ako sa bote ko.

“Anyare? Got a problem, missy?” Tawa ni Erin habang inuubos ang iisang bote niya.

Nilagok ni Claudette ang kalahati ng pangatlong bote at ngumiwi siya pagkatapos.

“Para makatulog ng mabuti.” Paliwanag ni Claudette.

“Ako, di ko kailangan ng beer. Makakatulog ako ng mabuti ngayon dahil pagod ako.” Wika ni Chanel.

“Alcohol poisoning…” Singit ni Pierre.

Matalim ang titig ni Claudette sa kapatid ko pagkatapos ng sinabi niya.

“Hindi pa naman ako mamamatay nitong tatlong bote. God!” Umirap si Claudette at nag excuse para daw mag CR.

“She’s probably going to puke.” Umirap din si Pierre nang wala na si Claudette.

“No.” Sagot ni Knoxx. “You’ll need Jim Beam to make her puke.” Binuga ni Knoxx ang usok ng kanyang sigarilyo habang tinititigan si Pierre.

“Yeah right. This is a family of party and booze.” Sabi ni Pierre.

Kinabahan agad ako dahil baka mamaya ay magalit si Knoxx sa sinabi ni Pierre. Kilala ko pa naman si Knoxx. Mas malalim siyang magalit kumpara kay Azi. Tinitigan ko ang nakatayong si Knoxx sa balcony. Nakahilig siya sa railings at humahalakhak sa sinabi ni Pierre.

“And a primitive mind to make her puke, too.” Nagtaas ng kilay ni Knoxx kay Pierre.

Ngumuso si Pierre at nanahimik sa kanyang upuan.

“Come on, man. Don’t be too stiff.” Sabay tapik ni Josiah sa balikat ni Pierre.

Kumuha si Pierre ng isa pang bote ng beer. Umangal agad ako.

“Pierre, wag kang makisabay. Just let them be.” Sabi ko habang pinapanood siyang ngumingiwi sa pangatlo na niyang beer. “Sanay ang mga iyan. They’re bad influence.”

“Ouch!” Halakhak ni Azi at Elijah sa tabi ni Knoxx.

Nakahilig si Elijah, Azi, Knoxx, at Hendrix sa railings. Si Rafael naman ay nakaupo at naninigarilyo sa tabi ni Elijah. Si Damon ay umiinom pero cellphone ang inaatupag. Si Josiah at Pierre ay malapit sa pintuan. Kami nina Erin at Chanel ay nandon rin sa tabi ni Josiah at Pierre.

“How bout me, Klare? Di mo ba ako pagbabawalan?” Sabi ni Elijah.

Lumakas ang tawa ni Azi na para bang may kumikiliti sa kanya.

Uminit ang pisngi ko lalo na nang nanahimik silang lahat at ang tawa lang ni Azrael ang umalingawngaw.

Kumunot ang noo ko kay Elijah. Kumindat siya sa akin. Nakakahiya naman ito!

Pekeng umubo si Chanel at mariing pumikit. “Wag ka ng uminom, Elijah. Makakasama yan sa atay mo.” Nakangising sinabi ni Chanel.

Napapikit ako sa kahihiyan. God! I can’t take this! Nakakainis si Elijah! Hindi ba siya nahihiya sa mga pinsan namin. Alam kong alam na ng lahat at tanggap na nila pero hindi ko parin kayang gawin ang mga sinasabi ni Elijah.

“Uh…” Tumayo ako at natumba ang beer na nasa mesa kaya natapon iyon.

Tumayo din si Erin at Chanel sa takot na mabasa sila ng beer. Shit! I’m panicking! Dammit, Elijah!

“Easy, Klare.” Sabi ni Pierre at pinatayo ang bote.

“I… Uhm… Inaantok na ako.” Sabi ko.

“Tissue oh.” Sabi ni Chanel sabay punas sa natapong beer.

Dahil sa kahihiyan ay hindi ko na nagawang tingnan silang lahat. Nagpaalam na lang ako na maliligo para makatulog na. Nabigo si Chanel at Erin sa sinabi ko dahil gusto pa nilang makipagkwentuhan kaya sinabi ko sa kanilang mag kwentuhan kami sa kama.

Nagsusuklay ng buhok si Claudette sa kamay nang umupo si Erin at Chanel doon. Kinuha ko ang tuwalya para makaligo na. Binilisan ko dahil sabik din akong makausap silang tatlo.

Naabutan ko silang naghahagikhikan sa kama. Naka pajama na ako at gumapang na agad sa tabi ni Claudette. Pinasadahan ako ng tingin ni Erin at ngumuso siya.

Inubos namin ang isang oras para mag usap tungkol sa nangyari noong nagpunta ako sa bahay nina Pierre at Hendrix at naabutan doon si Selena. Mas detalyado at mas naintindihan ng apat ang nangyari. Ang sumunod na trenta minutos ay naubos dahil sa pagsasabi ni Erin na kailangan naming maagang magising para i-check kung may dress bang magaganda sa Abreeza para sa party.

“Erin, hindi yon party natin. Joiner lang tayo.” Paaalala ni Chanel.

“Anong gusto mo, ate? Dahil joiner tayo, magmumukha na tayong taong grasa? No way.” Umirap si Erin.

“Erin’s right, Chan. Party parin iyon. Mas maganda kung makiblend in tayo para hindi tayo mahalata.”

Nahuhulog na ang mga mata ko. Nakaupo sila sa kama at nagtatawanan kasabay ng asaran at tawanan ng boys sa balcony. Nakahiga ako at inaantok na talaga.

Humikab si Chanel at nagpaalam na maliligo na sa kwarto nila. Si Claudette naman ay hindi mapakali sa low batt niyang cellphone at sa puno naming mga outlet. Dito na rin kasi sila nag charge ng mga gadgets kaya kinailangan niyang bumalik sa kwarto nila para makapag charge.

Si Erin na lang at ako ang natitira. Humiga siya sa tabi ko. Imbes na antukin ako ay agad akong kinabahan.

“Klare…” Ani Erin, pareho kaming nakatingin sa magandang disenyo ng kisame.

“Hmm?”

“Sorry sa lahat.”

Mas lalong nawala ang antok ko sa sinabi niya.

“Sorry kay Eion. Sorry dahil sinabi ko sa kanya. Do you trust him?” Bumaling siya sa akin.

Tumingin din ako sa mapupungay niyang mga mata. “He’s my friend.”

Tumango siya. “Hindi niya sasabihin yon kahit kanino. I’m really sorry. I’m just desperate that time.”

Tinikom ko ang bibig ko at hinayaan ko siyang magsalita.

“Mahal ko siya. Mahal na mahal. Sobra.”

Kinagat ko ang labi ko. Ang marinig ito ng diretso sa kanya ay hindi ko kaya. Inisip ko kung kailan siya nagsimulang magmahal kay Eion at natatakot akong mas nauna siyang magkagusto kay Eion kesa sa akin.

“I really, really love him. Pero pag sobrang nasaktan ka na, aabot pala sa puntong mas mangingibabaw ang self worth mo.”

“Dapat ay pahalagahan muna natin ang sarili natin bago magmahal ng iba, Erin.” Sabi ko.

“I know…” Malambing niyang sinabi.

“Kailan ka nagsimulang magkagusto sa kanya?” Nakatingin ako sa seryoso niyang mga mata na nakatingin naman sa kisame ngayon.

Hindi siya agad nagsalita.

“Erin…” Tawag ko.

“Since high school.” Ani Erin sabay tingin sa akin gamit ang naiiyak niyang mga mata.

Nanlaki ang mga mata ko at wala akong gustong gawin kundi ang yakapin siya. “Bakit… Bakit di mo sinabi sakin?”

“Eh kasi crush mo siya at ayaw kong mag agawan tayong dalawa.” Humikbi siya at hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin ang pinaka close kong pinsan.

I miss her so much. And I love her so much. Inaamin kong nasaktan niya ako noon at nagkaroon ako ng hinanakit sa kanya pero hindi ko maimagine kung gaano rin siya nasaktan dahil sa akin.

“Crush ko lang naman ‘yon. Pwede naman kung sa’yo na ‘yon. Hindi niya naman ako pinapansin kaya naghanap ako ng ibang crush!” Sabi ni Erin habang yakap ko siya.

“Crush ko lang naman si Eion noon, Erin. Pwede namang sabay tayong kiligin?”

Umiling siya sa balikat ko. “Mas ma effort ka, e. Mas pansin ‘yong pagkakagusto mo. Ayokong makisawsaw kaya hinayaan kita. Pero I’m sorry for everything. Dahil naging boyfriend ko si Eion, dahil sinaktan ko kayo ni Elijah, dahil tumutol ako sa inyo.”

“Naiintindihan ko naman kung bakit ka tumutol sa amin.”

“Sorry dahil nagtanim ako ng hinanakit sayo. Kasi pakiramdam ko tinatalikuran mo kami, at mahal na mahal kita, hindi ko kayang tinatalikuran mo kami. Masyadong mataas ang pride ko. Sorry talaga. I’m really, really sorry.” Ani Erin.

Tumango ako. “Sorry din sa lahat. Alam kong nasaktan din kita, Erin. At naiintindihan ko ang mga ginawa mo.”

Hindi ko alam na may mas isasaya pa pala ang araw na iyon. Ang marinig iyon lahat galing kay Erin ay parehong masaya at nakakalungkot.

Nagising ako na madilim na ang kwarto. Ang ilaw na lang sa lamp ang hindi napapatay. Natakot agad ako na panaginip lang ang lahat ng nangyari kaya agad akong bumangot.

“Oh, shit.” Mura ni Elijah nang naabutan ko siyang dahan dahan na humihiga sa kama.

“Asan na sila?” Tanong ko sa kanya, dilat na dilat ang mga mata ko. Takot na takot na sagutin niya akong nananaginip lang ako.

“Nasa mga kwarto nila.” Ani Elijah.

Napa buntong hininga ako at agad humiga.

“Sorry nagising kita.” Napapaos na boses ni Elijah.

Nagpaalala iyon sa akin kung sino ang nasa tabi ko ngayon at anong nagagawa niya sa akin. Naghuramentado ang puso ko. Lahat ng antok ay lumipad na sa bintana. Nakita ko sa digital clock na mag aala una na ng madaling araw.

“O-Okay lang.” Sagot ko.

“Sorry kanina kung naging uncomfortable ka. Gusto sana kitang sundan para mag sorry pero na realize kong baka lalo kang magalit.”

Naalala ko ulit ang pangyayari kanina sa balcony. Tinakpan ko ang mukha ko ng kumot para magtago sa kahihiyan. Tumindig ang balahibo ko.

Hinawi ni Elijah ang kumot. Binaba niya iyon hanggang sa nakita niya ang mga mata ko.

“You are too cute.” Ngumiti siya at tiningnan niya ako gamit ang pagod niyang mga mata.

“Lasing ka ba?” Tanong ko.

Umiling siya.

“Okay lang kay Hendrix na magkatabi tayo?” Tinaas ko ang kilay ko.

“Uh, yup. Pero sinabi niya karapat dapat daw ako para sayo kung rerespetuhin kita lalo na sa gabing ito.” Ngumuso siya.

Mariin akong pumikit sa kahihiyan na bumuhos sa akin. Bakit ko ba kasi siya tinanong ng ganon? At bakit iyon sinabi ni Hendrix sa kanya? Nakakahiya!

“Oh… Okay. Let’s just sleep.” Sabi ko at umambang tatalikuran siya.

“Hey… you mad?” Ani Elijah habang hinahaplos ang braso ko.

May naglakbay na kuryente sa batok ko kaya hindi ko nagawang humarap agad sa kanya. Hindi ko rin mahawi ang kamay niyang nakapatong sa braso ko.

“I’m sorry. Alam kong nahihiya ka pa pag nasa harap nila. Dahan dahan na ako, next time.”

“O-Okay lang ako, Elijah.” Sabi ko nang hindi siya tinitingnan.

“Look at me, please?” Malambing niyang sinabi.

Kinagat ko ang labi ko. Dammit! Unti unti akong humarap sa kanya. Tumingin agad siya sa labi kong kinakagat ko ngayon.

“Are we good?” Tanong niya.

Tumango ako kahit na nakatitig siya sa labi ko. “We’re good.”

“Great.” Aniya hindi parin natatanggal ang mga mata sa labi ko.

Oh no… Titig niya pa lang ay nalalasing na ako.

“Do you think it’s a good idea to kiss you?” Tanong niya na hindi ko na nasagot dahil lumapit na siya para halikan ako.

Lahat ng konsepto sa utak ko ay nawala. Ang sitwasyon, ang lugar, ang oras, ang bukas, lahat ay nawala dahil sa mababaw at mahihina niyang mga halik. Lasang matamis at mint ang kanyang bawat halik at naging conscious agad ako sa hininga ko gayong kakagising ko lang sa aking pagkakaidlip.

Hinila niya ako palapit sa kanya. Walang pag aalinlangan akong tumugon at sumunod sa bawat halik niya. Habang tumatagal ay lalong lumalalim at pakiramdam ko ay wala na akong pakealam sa kahit anong bagay. I just really want him.

Tumigil siya sa paghalik, hinihingal at bahagyang lumayo.

“It’s a bad idea, baby.”

Kinagat niya ang kanyang labi at umupo agad sa kama para talikuran ako. Hinawakan ko ang labi ko at ang dibdib kong sobrang lakas ng pintig. Bumangon din ako at hinintay siyag humarap sa akin.

“Sorry, I don’t know how to k-kiss.” Nahihiya kong sinabi. “Tsaka… mabaho ba ang hininga ko?”

“NO!” Sigaw niyang nagpatalon sa akin.

Humarap siya sa akin. Tinitigan niya ako. Tumingin siya sa kama namin at pabalik ulit sa akin. Tinagilid ko ang ulo ko sa pagtataka kung ano ang iniisip ng isang Elijah Montefalco.

“Can we sleep?”

“Oo, matutulog na tayo.” Sabi ko.

Tumango siya at humiga ulit. Tinitigan ko siya habang tulala sa kisame, malalim ang iniisip.

“You know how to kiss and you know that. You’re making me break some rules again.” Sulyap niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. “Hindi ko alam na big deal sayo ang mag break ng rules, Elijah.” Ngumisi ako.

Mariin siyang pumikit at tinabunan niya ng kumot ang kanyang katawan. “Baby, will you please just sleep at shut your pretty mouth?”

Tumawa ako at humiga sa tabi niya. Damn, I love him so much!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Until He Returned – Kabanata 47

Kabanata 47

Catch Up

Nabasag lang ang awkward na katahimikan nang nagsalita si Hendrix.

“Sorry, Elijah. They were too excited.” Ani Hendrix sabay tingin sa nakasimangot na Elijah ngayon.

“Bakit kayo nandito?” Tanong ni Elijah at nagsalin ng tubig sa may coffee table.

Tumayo naman ako para makita silang lahat. Inisa-isa ko silang tiningnan at ang bawat isa sa kanila ay may dala dalang gamit. May malaking luggage si Azi at Claudette. Ganon din si Erin. Si Josiah, Damon, Rafael, at Knoxx ay parehong naka pack bag. Nagsiksikan sila sa aming living room. Umupo si Azi at hinaplos niya ang sofa.

“Ah! Finally!” Bumuntong hininga siya.

Napatingin ako kay Erin na nag iwas naman ng tingin sa akin. Malaki ang ngisi ni Claudette nang nilapitan niya ako. Kinakabahan ako pero mas nangibabaw ang kagalakan ko dahil nakita ko ulit sila.

“Ang sakit ng ulo ko pero ayos lang.” Ngumisi si Claudette at niyakap ako.

“Nagpumilit sila. Nasa school kami ni Pierre nang nilapitan ako ng mga pinsan mo na saan daw ‘yong bahay namin sa Davao.” Sumulyap si Hendrix sa mga pinsan ko. “Bukas pa sana kami pupunta dito ni Pierre kaso…” Nag kibit balikat siya.

Nilaapg ni Elijah ang kanyang baso at nakipag high five siya kay Rafael at Damon.

“Dude, where have you been?” Ani Azi, siya lang ang nakaupo sa sofa.

“Oo nga!” Dagdag ni Joss sabay lahad ng kamay kay Elijah.

“Kina Rafael.” Ani Elijah.

“What?” Sigaw ni Azi. “Nasa kina Rafael ka lang?”

“Teka, sinong nagsabi sa inyo na magkasama kami ni Klare dito?” Tanong ni Elijah sa kanila.

“Me.” Amin ni Damon. “Nakita ko ang data ng flight mo sa computer ni Rafael.”

Umiling si Rafael. “So nosy.”

“You left your wife?” Tanong ko kay Damon dahil nakita kong tatlo lang ang babaeng narito, si Erin, Chanel, at Claudette.

“Alam niya. Siya ang nag encourage, actually.” Ani Damon.

“Alam ba ng mga magulang natin na nandito kayo?” Tanong ni Elijah.

Umiling silang lahat. “We told them, mag a-outing lang sa Midway.” Sabi ni Knoxx.

“Who would believe that reason?” Ani Elijah.

“Mga parents natin.” Sagot ni Azi. “Apparently, tinulungan tayo ng mga kapatid mong makaalis. Hindi sila sumama pero sila ang nag encourage sa amin. We brought your Chevy by the way. Say thanks, please?”

“What? You brought my car? How?”

Nanlaki ang mga mata ko. That’s why they’re all exhausted! Nag land trip silang lahat. “Oh my God, Rix? Nag land trip kayo?” Tanong ko at binilang agad ang oras.

Mag aalas otso na non ng gabi at binilang ko pabalik ang oras. Walong oras ang byahe patungong Davao.

“Brought four cars. Your Chevy, Josiah’s, Rafael’s, and ours.” Ani Knoxx.

“Kayo, Pierre?” Tanong ko sa kapatid kong mukha ring pagod.

“Land trip din. Hindi kami nagkasya sa airplane. We were too many. Tss.” Ani Pierre at lumapit sa akin.

Umupo si Claudette sa tabi ni Azi at hinilig niya ang kanyang ulo doon.

“Tabi, Dette.” Sabi ni Erin sa kay Claudette habang hinahawi ang maiksi niyang buhok.

Nagsiksikan silang lahat sa sofa ng room namin.

“Klare, tinawagan mo na ba si daddy? Anong nangyari? Anong sinabi ni lola? Uuwi ka ba ng bahay?” Sumulyap si Hendrix kay Elijah.

“No…” Sagot ni Elijah. “She’s staying here.”

Nag igting ang panga ni Hendrix at bumaling ulit sa akin. “Why, Klare?”

“Kasya tayo lahat sa bahay. Marami kaming guestrooms.” Sabi ni Pierre sabay sulyap sa mga pinsan kong nasa sofa.

“We don’t need your hospitality. We can afford.” Singhal ni Azi.

Napatingin ang kapatid ko sa kanya. Si Azi naman ay nakipag usap kay Josiah tungkol na naman sa pagkawala ni Elijah at parang wala siyang sinabing ganon kay Pierre.

Hinawakan ko kaagad ang braso ni Pierre. Hindi ito ang panahon para mag away-away. Marami akong tanong. Gusto kong malaman kung bakit sila nandito? Kung ano na ang mga alam nila? Ngunit alam ko rin namang medyo pagod na silang lahat kaya mas maigi sigurong magkaroon muna sila ng matutuluyan. Alam ko ring maraming tanong si Pierre at Hendrix sa akin. Pero uunahin ko muna ang mga Montefalco.

“Okay, may room na kayo?” Tanong ni Elijah sa mga pinsan ko.

“Yup. Booked near you. Two Executive suites, tulad nito.” Ani Rafael sabay wagayway sa mga cards.

“Paano niyo nalamang nandito kami?” Tanong ko sa kanila.

“Hendrix, Klare. I told him kung saan ako tumutuloy.” Ani Elijah.

Napansin kong magkasundo si Hendrix at Elijah. Sa pagkakaalam ko ay ginawang pribado ni Elijah ang data niya sa hotel na ito kaya impossibleng ma track kami ni Rafael o ni Damon. Kaya pala… it’s my brother.

“Hindi ka uuwi, Klare?” Tanong ni Pierre.

“Pierre, I can’t. Kahit si tita Marichelle, pinalabas ako ng bahay.”

“Who’s tita Marichelle?” Nalilitong tanong ni Channel.

“Their mom, Chan.” Sagot ni Claudette at kinagat niya ang kanyang labi.

“Bakit hindi mo tinawagan si dad? For sure may magagawa siya!” Sabi ni Pierre.

Nakita ko agad ang pag ko-contact ni Hendrix ng kung sino sa kanyang cellphone. Kinabahan ako tuwing naiisip kong si daddy ang tinatawagan niya. Mabilis ko siyang pinigilan.

“Rix, wag na lang muna. May sakit si lola. Inatake siya kanina kaya pinaalis ako ng mga tita ninyo. Bukas, we’ll tell papa. Masyado ng gabi ngayon para problemahin niya ito. Tsaka, pagpahingahin muna natin si lola.”

“Klare, you’re my sister. Bahay mo rin iyon.”

Umiling ako. “Let’s face it, Rix. I’m not welcome. Bukod sa hindi maganda tingin nila sa akin ay dinagdagan pa ng problema kay Selena.” Sabi ko.

“What Selena?” Putol ni Erin.

Nagulat ako nang nalaman kong wala silang alam na relative namin si Selena. Wala silang alam tungkol doon at nagtaka agad ako kung bakit sila nandito.

“Apo ni lola si Selena.” Sagot ko kay Erin.

“What?” Nagkatinginan ang mga pinsan ko.

Suminghap si Hendrix at umiling. Pabalik balik ang kanyang lakad at tumigil siya nang nakapag desisyon.

“Ganito, we’ll let you stay here. Okay, Klare? Catch up kayo sa mga na miss ninyo-“

Pinutol ko kaagad si Hendrix. “Hindi nila alam? Akala ko alam nila at…” Hindi ko maitago ang kaba ko.

Umatras agad ako at lumapit kay Elijah na kausap ni Azi at Josiah.

“Why are you all here?” Tanong ko. Hinahanda ko na ang sarili ko sa mga masasakit na sagot nila.

“Alam naming hindi ka tanggap ng lola mo, Klare. At nalaman din namin kay Damon na pupunta ka dito kasama si Elijah. Inisip namin na kung magtatanan kayong dalawa, kailangan naming i-convince kayo na huwag.”

Nalaglag ang panga ko. They’re here to stop us?

“You’re doing it wrong, Chan.” Putol naman ni Knoxx. “We’ll fight with you. Unti unti nating sabihin sa parents nating lahat na okay lang kayo. Okay lang na ganito ang set up. Walang mag tatanong at mangungutya kung maayos sa ating lahat ang sitwasyong ito.”

Tumango ako at medyo naliwanagan. Ngunit hindi parin ako makapaniwala na okay na sa kanilang lahat ang sitwasyon namin ni Elijah. Si Claudette at Azi ay parehong sang ayon, noon pa man. Si Chanel, Knoxx, Damon, at Josiah ay medyo tutol ngunit nandito parin silang apat. Si Rafael, tutol rin pero nang tulungan niya si Elijah, napagtanto kong maayos na rin sa kanya. At si Erin, sobrang tutol. Nakakagulat na nandito siya.

“What’s with Selena? She’s still here, Klare?” Mariing tanong ni Erin sa akin.

Tumango ako.

“Relatives kayo? At anong nangyari?” Tanong ulit niya.

“Nang pinakilala ko si Elijah, akala ng mga Ty na sila parin ni Selena. Noong una, natakot pa akong umamin na hindi na iyon totoo. At wala ring pakealam si Selena kung totoo man ‘yong mga sinabi niya o hindi. Umalis sila ni Elijah sa bahay… at sinabi ko rin kay lola kung ano talaga ang totoong nangyari kay Elijah at Selena.”

Tahimik silang lahat na nakikinig sa akin. Tumigil sa pagsasalita si Josiah at bumaling rin sa akin. Nakapamaywang lang si Elijah at pinapanood akong kinikwento sa kanila ang nangyari.

“Hindi sila naniwala. Nagkaron ng high blood pressure si lola, kaya pinaalis ako don.”

Hindi ko na idedetalye kung paano ako ininsulto. That was between me and the people involved. Kahit na masakit at gusto kong sabihin sa ibang tao para makawala siya sa aking sistema ay nanatiling tikom ang aking bibig.

Nanliit ang mga mata ni Pierre. “That was a bad scene, I’m sure.”

Kilala niya si lola kaya alam niyang hindi iyon ganon ka dali nangyari. Bumaling si Pierre kay Hendrix.

“Kuya, let’s go home. Kausapin natin si ama.”

“She’s sick. Wag kang padalos dalos, Pierre.” ani Hendrix.

“Then, anong sasabihin natin?” Tanong ni Pierre.

“We need to get an exec room too. ‘Yong malapit dito.”

“What? Di tayo uuwi? Then how are we going to solve this.”

“We’ll stay here for tonight. Bukas ng umaga, uwi tayo para kausapin si mommy. Besides, wala silang alam na umuwi tayong Davao. Klare is here, we need to be here.”

“Alam ni mommy na uuwi tayo ngayon. Remember? It’s Cristine’s debut tomorrow night!”

“Who’s Cristine?” Singit ni Josiah na agad siniko ni Elijah.

“Kaya nga bukas tayo ng umaga uuwi. Pupunta tayong lahat don.” Tumingin si Hendrix sa aming lahat.

“What? We’ll gatecrash?” Umismid si Erin.

Natahimik si Hendrix at natulala sa sinabi ni Erin.

“Magkakaroon lang ng scene doon pag sasama kaming lahat, Hendrix. Isa pa, ang dami namin. Imposibleng hindi kami mapapansin.” Ani Elijah.

“Akong bahala sa inyo. Hindi kayo mapapansin because it’s masquerade. Sasabihin ko kay mommy na magdadala ako ng kaibigan. They won’t mind.”

“Then what, Rix? Baka magkagulo lang sa debut ni Cristine. Nandon si Ama, nandon rin si Selena.”

“Magkakaroon ng pagkakataong mag usap kayo ni Selena. At isa pa, siguro ay kung uuwi man si dad, didiretso siya sa debut. We’ll talk to him there. Not necessarily on the venue pero pwede ko siyang dalhin sa labas with us. And then you can talk to ama.”

Umiling ako. “I won’t. Tapos na akong magsalita, Rix.”

Natahimik ulit si Hendrix. Seryoso niya akong pinanood bago siya bumuntong hininga.

“Ihanda niyo na ang mga damit niyo. Ako na ang bahala sa mga mask. Pupunta tayo sa party bukas.” At tinalikuran niya kaming lahat.

“We’ll book a room, Klare.” Sabi ni Pierre at pinasadahan ng tingin ang mga pinsan ko. “Pahinga na kayo.”

Umalis ang mga kapatid ko. Ngayon ay ang mga pinsan ko na lang ang natitira. Pare parehong pagod sa haba ng byahe at siguro ay pareho na ring gutom tulad ko.

“Kuya Knoxx, order ka naman ng pagkain.” Sabay hawak ni Claudette sa kanyang tiyan.

“Yup. I think we should… uh, go to our rooms?” Anyaya ni Knoxx.

“Sinong saan?” Tumayo si Elijah.

“Two rooms right? Well, I, uh, guess, Erin, Chanel, Claudette-” Turo ni Rafael.

“Can we have Azi in our room?” Request ni Chanel.

“What the fuck. I’m not gay.” Luminga linga si Azi.

Tumawa si Elijah at tinukso si Azi.

“Okay fine. Lima tayo sa room at tatlo ang girls sa kanila? Ayos ba?” Tanong ni Rafael.

“Fine!” Umirap si Chanel. “We want boys in our room kasi.”

“We can stay in your room if you want. Pero sa room namin kami matutulog.”

Litong lito ako sa kanilang mga desisyon. Umupo ako sa isa pang sofa at pinanood silang nagdedesisyon para sa gabing iyon.

“Can we catch up now? Here? Pagkatapos nating mag ayos ng kwarto?” Tanong ni Claudette.

“Why not!” Excited na sinabi Chanel. “Dito na lang kaya tayo kumain?”

Tumingin silang lahat kay Elijah ng nakangisi. Umirap si Elijah at bumuntong hininga.

“Isa pa, I’m sure pupunta rin naman dito ang mga Ty, dito na lang tayo.” Nakangising sinabi ni Chanel.

Sumipol si Azi.

Uminit ang pisngi ko nang narealize na naninibago sila dahil nasa iisang kwarto kami ni Elijah. Hindi ito ang unang pagkakataon ngunit ngayon pa lang nila natanggap ulit. We won’t do anything strange but I don’t want to sound defensive. Alam kong marumi na ang utak nila sa ngayon at ayaw kong gatungan pa iyon. I’ll just shut the hell up while my face is burning shit.

“Sure.” Ani Elijah.

“YES!” Sigaw ng boys at naghigh five ulit silang lahat.

“Bring the beer!” Sabi ni Knoxx.

“And the chips!” Dagdag ni Josiah.

“Tumigil kayo. This is Davao, not Vegas. May mangyayari pa bukas at hindi tayo nandito para mag party!” Saway ni Chanel.

“But we can drink, right? Ang KJ mo ate.” Sabi ni Josiah.

“Whatever losers! Let’s go, Erin, Dette!”

Tumayo ang mga girls at dumiretso sa pinto. Si Claudette lang ang lumingon sa akin para magpaalam.

“Mag aayos lang kami, babalik din kami para mag dinner dito.” Aniya.

Tumango ako. Gusto kong sabihin sa kanila na na aappreciate ko ang pag punta nila dito. Ang effort nila at ang presensya nila ay sapat na sa akin. Ngayon, wala na akong pakealam. Ang gagawin namin bukas ay ang pagpapaliwanag na lang kay papa at ang pagpapaalam sa kanya na uuwi na kami ng Cagayan de Oro City. Ang malaman na kasama ko ang mga pinsan ko sa labang ito ay sapat na sa akin. I feel like I can face Tito Azrael, Tito Exel, and Tito Stephen. Salamat sa mga pinsan ko.

“Sinong nag drive ng sasakyan ko?” Tanong ni Elijah.

Tinuro ni Knoxx si Azi.

Ilang mura ang narinig ko sa dalawa. Si Damon naman ay abala sa pakikipag usap sa telepono at sa pag oorder ng mga pagkain.

“Father figure.” Halakhak ni Rafael at lumipad agad ang dirty finger ni Damon para sa kapatid.

Damn, I miss them so much. I miss the warmth of the Montefalcos. Sabihin na nating nagkaroon nga ako ng problema sa kanila noon ngunit iyon ay dahil mahal nila ako. Concerned sila sa sasabihin ng ibang tao sa amin ni Elijah at syempre hindi nila matanggap na may ganong nangyari. Pero mahal nila kami kaya natanggap nila kami ni Elijah. Wala na akong mahihiling pa. This is enough for me.

“Mag sho-shower lang ako.” Hikab ni Damon sabay kuha sa card ng kanilang kwarto.

Sumunod si Knoxx at Rafael. Si Josiah, Azi, at Elijah naman ay nag uusap tungkol sa sasakyan. Pinatingin daw nina Josiah at Azi lahat ng dalang sasakyan para maganda ang kondisyon kung sakaling ba byahe kami pabalik.

Umupo ako sa sofa ng maayos at kinapa ko kaagad ang remote ng TV. Binuksan ni Azi ang bintana at dinungaw ang buong syudad sa balcony.

Lumapit si Elijah sa akin at tumabi. Nilagay niya sa tainga ko ang takas na kong buhok at ngumuso siya.

“Masaya ka ba dahil nandito sila?” Tanong niya.

“Masaya na ako kanina. Mas naging masaya lang ngayon.” Ngumiti ako at nahagip ko sa aking mga mata ang panonood ni Josiah sa amin.

Uminit agad ang pisngi ko. Hindi parin talaga ako kumportable na nagiging public na kaming dalawa. Kahit kina Azi at Claudette ay hindi ako komportable, sa iba ko pa kayang pinsan?

“Ako, medyo na istorbo.” Ngumisi si Elijah.

Kumunot ang noo ko, gusto ko sanang magsalita ngunit lumalapit na si Josiah sa amin.

Napatingin si Elijah sa tinitingnan kong si Josiah at Azi. “Umalis na nga muna kayo?”

“Elijah!” Sabay hampas ko sa braso niya.

Napakamot ng ulo si Josiah. “Yeah, I, uh, I think we should go.” Sabi ni Josiah ng medyo naaasiwa at mabilis niyang hinila si Azi palabas.

Pumikit ako sa kahihiyan. Hindi ko ata kaya na ganito kami ni Elijah sa harapan nila!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Until He Returned – Kabanata 46

Kabanata 46

All Here

Napag isip isip kong maaaring wala pa si Elijah sa hotel. Gusto ko sanang pumunta doon ngunit ayaw kong tumambay sa labas ng kanyang pintuan, maghapon. Nagsisi agad ako kung bakit hindi ko kinuha ang kanyang cellphone number.

Sumakay ako ng taxi patungong Magsaysay Park, ngunit siguro ay hindi ako narinig ng maayos ng driver kaya sa People’s Park niya ako hinatid. Hindi na ako nagreklamo. Wala na akong naging panahon dahil bumubuhos ang mga luha sa mga mata ko.

Love is both a strength and a weakness.

Umupo ako sa isa sa mga bakanteng bench. Kitang kita ko ang mga couples sa harap ko na sobrang sweet sa isa’t isa. Wala silang kinakatakutan at walang pamilyang umaangal sa kanila. Mahal ko ang pamilya ko. Sila ang nagbibigay ng lakas sa akin. Pero sa mga panahong ito, sila ang humihila sa akin pababa. I have to remember that they love me too. Talagang mali lang sa kanila ang ginagawa kong ito. I couldn’t blame them fully. Pero sana naman ay bawasan ang pang iinsulto at pang mamaliit sa akin.

Pinaglalaruan ko ang luggage sa tabi ko habang pinagmamasdan ang bawat taong dumadaan. What will happen now? Dalawang pamilya na ang nagtakwil sa akin. Tinakwil na rin si Elijah ng pamilya namin dahil sa akin. I am the cause of all these pain. I couldn’t blame anyone. Talagang sarado lang ang pag iisip nila tungkol dito at maaaring hindi ko na mababago iyon.

Napatalon ako nang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Pierre sa screen.

Inisip ko na kaya nila sinabi sa akin noon na kaibigan lang nila si Selena ay dahil hindi sila close sa kanya. Hindi naman sila direktang magkamag-anak. Kamag anak siya ni lola at maaaring sa mga gathering ng mga Ty ay hindi nakakasama si Selena. Tinanggap ko ang explanation na iyon sa aking utak at sinagot ang kanyang tawag.

“Hello?”

Hindi agad nagsalita si Pierre.

“Pierre?” Nanginig ang boses ko kaya kinagat ko kaagad ang labi ko.

Ayaw kong malaman nilang may nangyayaring masama dito sa akin. I don’t want them to worry.

“You… okay? Are you… mad?” Nanginginig din ang kanyang boses.

Umiling ako habang tumutulo ang aking mga luha.

Ito siguro ang dahilan kung bakit parang may inililihim silang dalawa sa akin.

“I’m not.” Matapang kong sinabi.

“K-Kumusta kayo ni lola?”

Hindi ko siya sinagot. Imbes ay inilihis ko ang usapan. “Apo rin pala ni lola si Selena, no?”

Narinig kong nagmura siya sa kabilang linya. Halos makita ko ang mga pinsan kong Montefalco dahil sa lutong ng pagmumura niya. May narinig akong boses na nagtatanong kung anong nangyayari. I assumed it was Hendrix.

“Anong nangyari? I-I’m sorry. We’re sorry.” Mabilis na sinabi ni Pierre.

“Pierre, akin na.” Dinig kong sinabi ni Hendrix.

“No, Kuya, I need to talk to her.” Ani Pierre. “Klare…”

Tumango ako. Hindi na makapagsalita dahil sa pagbabara ng lalamunan.

“Ano na ang nangyari? Dinala mo ba si Elijah sa bahay? Dapat ay sinabi namin agad, e. Kaso hindi ko alam kung paano.”

“Ba’t di niyo sinabi?” Tumindig ang balahibo ko nang narinig ko ang pagkabasag ng sarili kong boses. Humikbi ako at narinig ko ang iilan pang mura ni Pierre.

Narinig ko rin ang mga boses sa kabilang linya. Nagkakagulo sila. Hindi ko alam kung sino ang kasama nila pero sa ngayon ay mas importante sa akin na kumalma ako. Ayaw kong mag alala ang mga kapatid ko pero hindi ko mapigilan ang pag iyak.

“Listen, Klare. We’re sorry. Malaki ang pamilya ng mga Chiong at hindi unique ang apelyido nila.” Si Hendrix na ngayon ang nasa linya. “Sa Ateneo de Davao noon, marami kaming mga Ty, may mga Go, may Co, may mga Chiong, at iba pang chinese family. Hindi namin alam kung sino ang relative nino.” Bumuntong hininga si Hendrix. “We care only for our first degree cousins. Iyon ang lagi naming nakakasama. Last reunion, doon lang namin nakilala si Selena, bilang parte ng pamilya nina lola. We are truly sorry.”

No. Actually, it doesn’t matter to me. Kung naging kapatid ko man si Selena ngayon, it just doesn’t matter. Elijah is in love with me and I love him back. We should be together. Hindi ko siya kayang ibigay sa mga taong nangangailangan sa kanya, sa mga taong hindi niya naman mahal. No. Yes, I love my family. But I’m not selfless enough to pretend that it’s okay to give him away. I will fight for this. I will fight for him.

“It’s okay.” Sabi ko.

Tahimik ang kabilang linya. Akala ko ay naputol na.

“Where’s Elijah? Kasama mo?” Tanong ni Hendrix.

“No. He’s with Selena.” Hindi ko maitago ang tabang sa boses ko.

Hindi ulit nagsalita si Hendrix. Hindi ko alam kung anong iniisip niya o kung masama ba ang loob niya sa nangyayari.

“What do you mean ‘it’s okay’, Klare? You mean everything’s okay for you? Maayos ka na magkasama si Elijah at Selena ngayon? Are you giving him up?”

“No.” Sabi ko.

“Then why are they together? Mina manipulate ka ba ni ama? Klare, what’s happening?” Natatarantang sinabi ni Hendrix.

Napatayo ako nang narealize na kailangan ko ng hanapin si Elijah. Papalubog pa lang ang araw at kung seryosong desperada si Selena ay hindi niya papakawalan si Elijah hangga’t di niya ito makukuha ulit. Kaya lang ay kailangan kong magbakasakali na nakauwi na siya sa hotel. I need this chance. I need to stay there and wait for him. Kahit na walang kasiguraduhan kung babalik pa ba siya o hindi na.

“Rix, talk to you later. Aalis lang ako.” Sabi ko agad habang kinukuha ang luggage ko.

Binaba ko ang cellphone ko at nagsimulang maglakad palabas ng People’s Park. It’s time to stop crying and move.

“Manong, sa Marco Polo.” Sabi ko sa driver ng taxi at sumakay na agad.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Elijah pag nagkita kaming dalawa. Pero alam kong galit iyon. Galit siya sa akin dahil sa ginawa ko. Siguro ay sumagi sa isip niya na ipapaubaya ko na naman siya sa iba para sa pamilya ko.

Nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng hotel ay mabilis na akong nagpunta sa elevator. Ni hindi ko na nilingon ang magandang tanawin ng swimming pool ngayong gumagabi na.

Sa tamang floor ako bumaba at medyo nahirapan ako sa mala-maze nitong corridor. Nang natagpuan ko na ang room ni Elijah ay prepared na ako para umupo sa sahig at maghintay sa kanya. Isang pihit sa door handle ay nalaman kong bukas iyon. He’s inside! Dahan dahan ko itong binuksan. Dim ang lights. Ang tanging may ilaw ay ang maliit na lamp malapit sa kama at ang ilaw galing sa mga building sa labas.

Nakahiga si Elijah sa kama, pinaglalaruan ang lowerlip. Tiningnan niya akong pumasok ngunit hindi niya ako nilapitan o kahit ano. I’m sure he’s angry.

Dinala ko ang luggage ko sa gilid ng sofa at tinanggal ko ang jacket ko. Walang nagsalita sa aming dalawa. Kung hindi siya galit ay kanina niya pa ako pinaulanan ng mga tanong.

Tumingin ako sa kanya at nakatingin lang din siya sa akin. Kumikinang ang kanyang pagod na mga mata. Naka puting t shirt siya at isang jersey shorts. Magulo ang kumot sa kama. Patay ang TV. Ang ilaw sa lamp lang ang nagliliwanag sa kanyang mukha.

“Sorry.” Sabi ko, lumalapit sa kama.

Hindi siya umimik. Nag iwas siya ng tingin sa akin. Gumapang ako sa kama sa tabi niya. Gumalaw siya para mabigyan ako ng lugar.

“I’m sorry.” Ulit ko habang nakatingin sa kanya kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. “Hey…”

Hindi parin siya tumitingin sa akin. Dinig ko lag ang mabigat niyang hininga at ang patuloy niyang paghaplos sa kanyang labi.

“Elijah…” Malambing kong sinabi.

Pumikit siya. Hinawakan ko ang baba niya at hinarap ko ang mukha niya sa akin.

“Elijah, sorry. Nagulat ako nang nandun si Selena. Hindi ko alam na relative siya ng mga Chiong. Wala akong alam.”

“Pinaubaya mo ako sa kanya.” Galit niyang sinabi at hinawi niya ang kamay ko.

“Gusto kong magpa good shot muna kay lola bago ko sabihin sa kanya ang totoo.”

“That’s never a good shot. To lie is never a good shot.” Mariin niyang sinabi.

“White lies, Elijah. Gaya ng ganiwa mo noon kay Selena. Para makauwi ka.” Sabi ko.

“Well, Klare, you don’t know how to use white lies. You should get yourself a teacher from hell.” Aniya.

“Elijah…” Hinawakan ko ang braso niya.

Dinungaw niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso. Lahat ng sakit kanina ay nawala. Ang makita siya, maramdaman siya, makasama siya, ay nakakawala ng sakit at pagod para sa akin. I could live like this forever.

“Don’t talk to me.” Aniya sabay talikod sa akin.

Ngumiti ako dahil kitang kita sa pag irap niya na konting kalabit na lang ay bibigay na siya.

“Elijah, I’m really sorry. Mali iyong nagawa ko. But still, kinailangan ko iyon sa panahong iyon. I need to gain my grandma’s trust.”

“To gain your grandma’s trust, you want me to date Selena, Klare? Ganon ba iyon? Sakripisyo na naman ako para sa pamilya mo?” Humarap siya sa akin.

Ngumuso ako. He really is mad at me. Naiintindihan ko naman. That was a stupid plan.

“No. I just want to buy time bago-“

“Binili na natin lahat ng oras sa Cagayan de Oro pa lang.” Humalukipkip siya. “I’m not mad because you’re choosing your family over me. I’m mad because it’s easy for you to drop me everytime.”

Yumuko ako.

“Okay, that’s a lie. I’m also mad because you always choose your family over me. Not that it’s bad. That’s a good thing. Damn! Fuck! Very good thing!” Nag iwas siya ng tingin.

Napatingin ulit ako sa kanya. Hindi na siya makatingin pabalik sa akin ngayon.

“Makes me want to be your family. So you will love to choose me all the damn fucking time.”

Kinagat ko ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Gusto kong magtanong kung ano ang ginawa nila ni Selena ngunit pinigilan ko ang sarili ko. I need to win him back and a jealous Klare can’t win him back.

“Sorry. Hindi naman sa ganon, Elijah. If I can keep you both, I will. I want to keep you both. I love my family.”

“I know.” Aniya, may bakas paring galit sa boses.

“Pero, kung hindi nila tayo kayang tanggapin, Elijah. You know I’ll stay with you.”

Napatingin siya sa akin. “I didn’t know you will.”

“I will.” Mariin kong sinabi.

“Alam kong importante sa’yo ang pamilya mo, Klare. And it’s also important for me that you’re happy. Just don’t… don’t give me away like that. Don’t you ever give me away. Hindi ko magagawa iyon sa’yo. Kahit sa utak ko, hindi ko kayang binibigay kita sa iba. I’m going to jail pag nakita kong may nakahawak sayong iba. Trust me. Halos mapatay ko si Rafael nong nakita kitang kasama mo si Vaughn.”

Yumuko ulit ako. Erin’s right.

“You own me, baby. But please don’t give me away. I can’t do that. And if you ask me to pretend again tomorrow, then I’m telling you, we’re going straight to your father.”

Umiling ako. “I will not ask you to pretend, Elijah. ‘Yon lang ‘yon para sana makausap ko ng walang galit si lola sa akin. Napag alaman kong ang mga utak at pusong sarado ay mahirap ng buksan. Kaya kong maghintay kung kailan nila bubuksan ang kanilang mga puso sa atin pero hindi ko kayang maghintay ng wala ka.”

Nanginig ang boses ko nang naalala ko ulit ang mga masasakit na sinabi ng mga kamag anak ko kanina.

Hindi na ako makatingin sa kanya. Naramdaman ko na ang haplos niya sa pulso ko. Pinipiga ulit ang puso ko dahil nakakapagod ang haplos niya. Gusto ko na lang nagpahinga sa piling niya at gusto ko ring sabihin sa kanya kung bakit ako nasasaktan ngayon.

“Elijah, I lost my family.” Umiyak ako sa harapan niya at hinila niya ako palapit sa kanya.

Humikbi ako sa kanyang dibdib. This is my home. This is my forever. Hindi bale na ang lahat, wag lang siyang mawala talaga.

“From now on, I’m your family, Klare. Ako lang.” Bulong niya.

Tama siya. I love him so much. Siguro ay dapat ma appreciate ko na lang ang mga taong sumusuporta sa amin at hindi na ako mamimilit sa mga taong may ayaw. I’m done trying. I’m done crying. It’s time to fight. They will have to deal with my decision. Kung tatanggapin nila kami, mabuti. Kung hindi naman, I will not try to open their minds. They can close it forever.

Pinunasan ko ang luha ko. Nanatili ako sa kanyang dibdib. Hinahaplos niya ang likod ko.

“I’m sorry talaga.” Sabi ko, bakas parin ang hikbi sa bawat salita.

“Yeah, alright, I’m really mad.” Aniya.

“You’re mad pero kinocomfort mo parin ako.” Sabi ko habang tulala sa kawalan. Nakasandal ang aking ulo sa kanyang dibdib.

“Of course, I’m in love with you, Klare. Inis ako sayo pero mahal parin kita.”

“I’m really sorry.” Sabi ko. “Bakit kaya hindi sinabi ni Selena kay ama na wala na kayo?”

“Because dad will know pag nalaman ng ama mo.” Ani Elijah.

“She’s trying to protect us.” Sabi ko.

“And she wants me back, too.” Bulong niya sa akin.

Napatingin ako sa kanyang mukha. Kita ko ang seryoso niyang mga mata. Sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang daliri.

“Anong sabi mo?”

“Ayon, umuwi ako dito.” Ani Elijah.

“Were you mean to her?”

Kumunot ang kanyang noo. “I don’t know.”

Alam kong oo ang sagot non. I know this boy and I’ve seen him break some hearts.

“Sorry kasi nilagay kita sa ganong sitwasyon.” Sabi ko at hinawakan ko ulit ang braso niya. Lumipad ulit ang mga mata niya sa kamay ko.

Hinilig ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. Huminga siya ng malalim at pinulupot niya ang kanyang kamay sa akin. Nagkadikit na ang mga binti naming dalawa sa kama.

Kinagat ko ang labi ko. We’re intimate.

“Hindi ka nagugutom?” Bulong niya sa akin.

“Hmmm. Medyo. Oorder tayo?” Tanong ko at tinagilid ko ang ulo ko.

Hinalikan niya ang tainga ko. “Later.”

Halos mapatalon kaming dalawa nang biglang sumabog ang pintuan namin dahil sa mga taong pumasok sa aming kwarto.

“Ito ba? Ito ba?” Dinig na dinig ko ang boses ni Azi at ni Erin na nag tatanong sa iritadong si Hendrix.

Pumasok silang lahat sa kwarto namin ni Elijah at wala akong nagawa kundi tumunganga habang pinapanood silang nagugulat din sa amin ni Elijah.

“What the fuck? May gana kayong magulat kahit na kayo ang nanggugulat?” Sigaw ni Elijah sa mukha ni Josiah na nakanganga, hawak hawak ang strap sa kanyang backpack.

They are all here. My cousins! And my brothers!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Until He Returned – Kabanata 45

Kabanata 45

Apo Niyo Rin Ako

Inisip ko lahat ng sinabi ni Hendrix at Pierre tungkol kay Selena. Kung hindi ako nagkakamali, sinabi ni Hendrix na kaibigan niya si Selena at magkaklase sila noon. Bakit kinaligtaan niya ang isang importanteng detalye? Alam ng dalawa ang history namin ni Elijah bago pa lang kami nagkabalikan. Dapat ay naisip nilang importanteng sabihin sa akin na kadugo ko ang girlfriend ni Elijah noon.

Hindi ko pa na oorganisa ang aking mga iniisip ay kinailangan ko ng makisabay sa mga relatives ko. Hindi ko rin mabalewala ang mga tingin nilang halos mandiri sa akin. Imbes na sila ang pagtoonan ko ng pansin ay si lola ang tiningnan kong komportableng nakaupo sa isa sa mga upuan sa dining table.

“Hindi ko po ba tatawagin sina… Elijah at Selena?”

Umismid siya sa akin. “Bakit mo tatawagin? Hayaan mo ang dalawa. Lalabas sila ngayon. Doon na sila sa labas kakain. Mamayang gabi ko na kakausapin ‘yong pinsan mo tungkol kay Selena.”

Napatingin ako sa mga tita ko sa harap na nag uusap at sa mga pinsan kong katabi ko sa hapagkainan. Wala ba akong magagawa para maiwasan ni Elijah ang pagsama kay Selena? Damn!

Hindi ako ginugutom kahit na masasarap ang bawat putaheng nilagay ng mga katulong sa mesa. Tuwang tuwa si Lola. Naalala ko tuloy ang sinabi ni papa na hindi siya nag iingat sa kanyang kinakain.

“Mama, dahan dahan lang. Ang blood pressure mo.” Anang isang tita ko.

“Huwag mo akong pangunahan halos lahat ng oras, Tania.” Mariing sinabi ni lola at nilagay na ang iilang seafood at karne sa kanyang plato.

Natahimik ang isang tita ko. Napatingin siya sa akin at inirapan niya ako. Bumagsak ang tingin ko sa aking plato at nagsimulang maglagay doon ng iilang pagkain.

“Kamusta ang negosyo nina Exel, Klare?” Tanong ni lola habang kumakain kami.

“Maayos po.” Sagot ko.

“Ayun lang ang isasagot mo? You should describe the site, describe their earnings… ilang truck na ba ang meron sila at ilang ektarya na ba ang lupa nila sa Surigao?” Nag abang si lola sa isasagot ko.

“I… I’m not sure about the details, lola. Maybe we should call Elijah?”

Umiling si lola at bumaling sa kanyang pagkain. “How disappointing. Montefalco ka pero wala kang alam sa negosyo niyo?”

Lumunok ako. “Negosyo po ‘yon ng pamilya nina Elijah. Konti lang po ang alam ko.”

Bakit pakiramdam ko ay kinakausap niya lang ako para malaman ang mga detalye tungkol kay Elijah? Pinilig ko ang ulo ko para mabura iyon sa isip ko. No. There must be a way to earn her attention.

“Ty na po ako ngayon. Uh, two years ago, I changed my family name…” Kinagat ko ang labi ko.

Hindi sumagot si lola. Nagpatuloy siya sa pagkain.

“Ano ba talaga ang iniisip ni Ricardo, Chelle?” Tanong ng isang tita ko sa kay tita Marichelle.

“She’s his daughter.” Kibit balikat ni tita Marichelle.

“She’s a living reminder of Ricardo’s mistakes! At kaya mong tanggapin siya? How stupid!” Anang tita ko.

Padarag kong nabitiwan ang aking mga kubyertos. I can’t do this. I can’t stay quiet. Napatingin ako kay tita Marichelle na ngayon ay pinapanood ang bawat galaw ko.

“Tania, Ricardo’s mistakes. Not the girl’s mistake. Kung meron mang dapat mag dusa dito, si Ricardo iyon. Hindi ang anak niya.” Ani tita Marichelle.

“Abomination. Wala pang ganitong eskandalo sa ating pamilya, mama. Hindi ko parin talaga matanggap.” Anang isang tita ko kay lola.

“Mawalang galang na po, pero nakikinig po ako.” Bumagsak ang mata ko. “Mas gusto ko pong hindi ko naririnig ang mga ito.”

“Luisa, tama na.” Ani lola.

Gusto kong magpasalamat kay lola at pinatahimik niya ang mga tita ko. Masakit ang mga salitang binitiwan nila at lahat ng gana ko para sa araw na ito ay nawala na. Hindi ko na ginalaw ang pagkain ko. Dumungaw lang ako doon sa takot na mas lalong mag alab ang galit ko pag nakita ko ang mukha ng mga taong nasa mesa.

“Ama, maayos kaya ‘yon si Ate Selena?” Tanong ng isa sa mga babae kong pinsan.

Kung isasabay talaga ako sa kanila ay magmumukha akong hindi chinese. Singkit at masyadong mapuputi. Madalas din silang nag ma-mandarin at hindi ko iyon maintindihan.

“With her boyfriend?”

Kinagat ko ang labi ko sa salitang boyfriend. How will I tell her about that?

“Of course. He’s Exel’s son.”

“But he’s not chinese.” Anang isang frustrated kong pinsan.

“Cristine, it doesn’t matter to me.” Ani lola.

“Bakit sa akin po, hindi pwede?” Tanong ng medyo bigong pinsan ko. Kitang kita ko ang pamumutla niya sa huli niyang tanong.

Matalim siyang tinitigan ni lola. “Because your filthy boyfriend is poor. And Jesse Co will be good for you.” Pahabol ni lola.

Nagpabalik balik ang tingin ko kay lola at kay Cristine. Walang nagawa si Cristine. Nagpatuloy siya sa pagkain habang ang katabi niyang pinsan ko rin ay humahalakhak at nanunuya sa kanya.

“How about Pierre and Hendrix, lola? Hindi po ba sila pwedeng magkaron ng girlfriend na walang dugong chinese?” Tanong ko.

Tumango si lola. “Is that even a question? Your brothers are pure bloods. Raised by your father and Marichelle na parehong puro. I can’t let the boys be tainted. Isa pa, when you say girlfriend… that’s just a girlfriend. Hindi mag aasawa. Then that’s fine with me. Pero kung mag aasawa na.” Umiling siya. Hindi niya na kailangang dagdagan iyon.

“Swerte naman pala ni Ate Selena.” Matabang na sinabi ni Cristine habang sinusulyapan si lola.

Naisip ko ulit si Elijah at Selena na magkasama ngayon. Hindi ko alam kung nasaan na sila ngayon o kung nandito pa ba sila sa aming bahay. Inisip kong magtatapat ako sa tunay na relasyon namin ni Elijah pero inisip ko rin ang kalagayan ni lola sa ngayon.

Pagkatapos kumain ay pinaupo siya sa sofa sa sala. May naka unipormeng babae ang nagmamasahe sa kanyang paa. Panay ang tingin ko sa labas. Wala ng bakas ni Elijah o ni Selena doon at inisip kong maaring umalis na ang dalawa. Hindi ko masisi si Elijah dahil ako ang nagtulak sa kanya palayo ngayon. Alam kong galit siya sa akin pero kailangan ko ito. Kung sasabihin ko kay lola ang totoo ngayon, kailangan wala siya.

Hindi ko alam kung ano ang balak ni Selena o anong nangyari at bakit patuloy siyang nagpapanggap na sila pa ni Elijah. Alam kong malabong magiging kakampi namin siya. Sinaktan namin siya ni Elijah, ginamit siya ni Elijah, natural sa tao na magtanim ng galit sa mga taong nanakit sa kanila. I won’t blame her.

“Mag pinsan po ba kami ni Selena, lola?” Tanong ko habang iniinda niya ang masahe sa kanyang paa.

Umiling si lola. “Anak siya ng pamangkin ko. You don’t know? Hindi ba ay nagkita na kayo sa Cagayan de Oro? Galing siya ng Cagayan de Oro with her boyfriend.”

Halos mapatalon ako sa salitang ‘boyfriend’. This is really wrong. Habang tumatagal na iniisip niyang sila parin ni Elijah ay mas lalong magiging mahirap ‘to. Nanlamig ang mukha ko habang iniisip kung paano magsisimula sa pag amin.

“Kaninong anak po siya?” Not that I know anyone from their family. Hindi ko kabisado ang pamilya nila dahil hindi nila ako binigyan ng pagkakataon.

“Pamingkin ko. Chiong. She’s a Chiong, Klare. Pinsan ni Ricardo ang kanyang daddy. Bakit ka nagtatanong?” Nanliit ang mga mata ni lola.

“I was just curious.” Sabay iwas ko ng tingin.

Mabilis kong inisip ang lahat lahat ng koneksyon namin ni Selena. Magkadugo kaming dalawa pero hindi direktang mag pinsan. Anak siya ng pamangkin ni lola. She’s not a Ty. Nakahinga ako ng malalim. As if that would make a difference.

“Cristine!” Halos napatalon ako sa mariing tawag niya sa pinsan kong nasa kabilang sofa.

Yakap yakap ni Cristine ang unan habang may katext sa kanyang cellphone.

“Are you texting that kid again? I said you stop it!” Utos ni lola.

Binaba ni Cristine ang kanyang cellphone at kita ko sa mga mata niya ang takot.

“Mag i-eighteen ka na bukas. You will have Jesse Co as your escort. Huwag ka ng mangarap na makihalubilo sa lalaking iyan.” Ani lola.

Si lola ang batas. Walang umaangal sa kanya dito. Alam ko ‘yon noon at ngayon ay napatunayan ko na. Kahit si papa ay walang nagagawa sa katigasan ng ulo ni lola.

“You’re invited, Klare. Wear your best dress.” Singhap ni lola. “Siguro ay alam na rin ‘yan ng pinsan mo, I expect?”

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko at hindi ako sumagot kay lola. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

“I’m talking to you, Klare. Alam ba ‘yan ng pinsan mo?”

Umiling ako. “Hindi po.”

“Oh, well, siguro naman ay sinabi niya na ngayon sa pinsan mo. Young love, huh?” Ngumiti si lola.

Kahit nakangiti siya ay alam mo talagang mahirap siyang kalabanin. Lalo na dahil kadugo ko siya. Lalo na dahil alam ko sa sarili kong mahal ko siya at gusto kong kunin ang loob niya, ngunit hindi sa ganitong paraan.

“Hindi na po kasi sila nag uusap ni Elijah.” Sabi ko.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang mabilis niyang paglingon sa akin.

“Sino?” Lito niyang tanong.

“Si Selena at Elijah po, hindi na nag uusap.” Sagot ko.

“No way. They’re mag on, right?” Sabay tingin ng isa kong pinsan kay Cristine.

Tumawa si lola. “They’re so in love? Paano sila hindi mag uusap? Siguro ay hindi mo lang napapansin.”

Umiling ako kahit kita ko sa mga mata ni lola ang pagkairita. “Matagal na po silang hindi na talaga nag uusap.”

Napawi ang ngiti ni lola. Tinitigan niya ako.

“Break na po sila.” Tumingin ako sa mga daliri ko.

Hinahanda ko na ang sarili ko sa dadating na masasakit na salita. Dumating ang isa sa mga tita ko at umupo sa tabi ni lola habang pinapanood ang pagmamasahe.

“Ako naman ang sunod.” Ani tita.

“What are you talking about, Klare? Puno ng kasinungalingan ang bibig mo.”

Kumalabog ang puso ko sa panimula ni lola. “It’s true. Nong umalis po si Selena sa Cagayan de Oro, wala na po sila ni Elijah.”

Hindi ko kayang tingnan ang mga mata ni lola.

“Sandali nga!” Sigaw niya sa nagmamasahe. “Umalis ka dito!” Aniya at nagmamadaling umalis ang nagmamasahe.

Nanlaki ang mga mata ni tita habang tinitingnan ako. Tumingin siya sa mga pinsan kong nasa kabilang sofa na walang imik dahil sa takot.

“Sinasabi mo ba na nagsisinungaling si Selena? You have no right to accuse her!” Mariin niyang sinabi sa akin.

“Ang sinasabi ko lang po ay ang totoo.” Mahinahon kong sinabi.

Kahit na gusto ko na ring manggalaiti sa galit ay binantayan ko ang sarili ko. Na dapat ay kontrolado ko parin ang boses ko, ang emosyon, at ang pakikitungo ko sa kanya. Dahil kahit anong gawin ko, siya ang lola ko. Nanggaling ang ama ko sa kanya at mahal ko siya. Ito ang pamilyang pinangarap ko. Umalis ako sa Cagayan de Oro dahil hindi ako matanggap ng pamilya ko, ngayon, nandito ako para may masilungan. Pero ano na naman ‘tong pinasok ko?

Sumikip ang dibdib ko.

“Liar!” Sigaw ni lola sabay turo sa akin. “Wag na wag mong akusahan ang apo ko ng ganyan!”

Nanlaki ang mga mata ko. “Pero apo niyo rin po ako.”

“You are not my granddaughter!”

Nalaglag ang panga ko. Tumayo ang mga pinsan ko at lumapit sa kay lola. Mabilis namang tumakbo si tita sa kusina para siguro tawagin ang iba ko pang tita at si tita Marichelle.

“I’m sorry kung hindi niyo po nagustuhan ang katotohanan, but that’s the truth. Hindi ko po alam kung bakit patuloy na nagpapanggap si Selena bilang girlfriend ni-”

“Bakit sila umalis kung ganon? Bakit pumayag ang lalaking isipin kong boyfriend parin siya ni Selena? You are one crazy girl!” Tumayo si lola.

Nakaupo ako at hindi ko na alam kung tatayo ba ako at lalapitan siya o aatras ako. Galit na galit siya at natatakot ako sa maaaring mangyari sa kanya.

“Kasi inutusan ko siya, ama…” Kinagat ko ang labi ko. Tinawag ko siyang ganon nang maisip niyang apo niya parin ako. Hindi ko magagawang magsinungaling sa ganitong bagay sa kanya. I treasure the whole family but I can’t lie this time.

“Don’t you call me that!”

Napatayo ako dahil lumapit na si lola sa akin. Umatras ako kahit na sofa lang ang nasa likod ko.

“Bakit ka naman susundin ng pinsan mo? This is impossible! He can’t pretend for you! Kung tunay na wala na sila, hindi iyon aalis kasama si Selena. At kung may katotohanan nga ‘yang mga kasinungalingan mo ay maaaring nagkabalikan na ang dalawang ‘yon.”

Umiling ako at umatras. “Inutusan ko siya na sumama. Pumayag siya dahil mahal niya ako.”

Naningkit pa lalo ang galit na mga mata ni lola.

Mabilis na dumalo sina tita Marichelle sa amin. Hinawakan nila ang braso ni lola. Marahas akong hinila ng isa sa mga pinsan ko at pakiramdam ko ay nakalmot niya ang braso ko. Mahapdi pero hindi ko ininda. Nanatili ang paningin ko kay lola.

“Anong sinabi mo?” Nanginginig ang boses ni lola nang lumapit siya sa akin.

“Klare! What are you talking about!??” Sigaw ni tita Marichelle.

“This is what I’m telling you, mama!” Sigaw naman ni tita Tania.

“Anong sinabi mo?” Tanong ulit ni lola sa mas mahinahong boses.

Umiling ako. “Elijah is not my cousin. He’s a Montefalco, I’m not. Wala na po sila ni Selena. Ako ang mahal niya.”

Mahapdi nang lumagapak sa aking pisngi ang mabigat na palad ni lola. Napaiyak ako sa pisikal at emosyonal na sakit.

“He’s your cousin! At silang dalawa ni Selena ang dapat!” Turo niya sa akin.

Hindi pa nakakaharap ang mukha ko sa kanya ay nakatanggap ako ng isa pang sampal galing sa isa kong tita.

“You are just like your mother! Ang hilig hilig ninyong manulot! Makisawsaw sa mga relasyong hindi para sa inyo!” Sigaw ni tita.

Kinagat ko ang labi ko. Tumutulo ang luha ko sa pisngi, sa baba… “Hindi na po sila ngayon. Matagal na po. At matagal ko na rin pong mahal si Elijah, bago pa siya umalis-”

“He’s your cousin!” Turo ni lola sa akin.

Wala akong ginawa kundi umiling nang umiling. Paano ko sasabihin o ipapaliwanag ang side ko sa mga taong hindi makikinig? Bago pa lang ako magsalita ay may katotohanan na silang pinaniniwalaan at wala silang panahon para dinggin ang kahit anong hindi sumasang ayon sa kanilang pinaniniwalaan. Ganon ka hirap. This is all futile. I love my family but they will probably never love me back.

“Ano ka, hayop?” Sigaw ni lola. “Aso ka ba na kaya mong patulan ang sarili mong kapatid dahil lang sa tawag ng laman mo? You…” Turo niya habang pinipigilan siya nina tita Marichelle. “You are not a Ty. You will never be a Ty. You belong to nobody!”

“La, please, pakinggan niyo po ako…”

Alam kong hindi siya makikinig pero walang masama sa pagbabakasakali. Nawawalan na ako ng pag asa pero may kaonti paring natitirang naniniwala sa akin. Naniniwala ako na kahit gaano ka ka galit sa isang tao, pag pamilya mo sila, maaawa ka parin sa kanila.

“Hindi po kami magpinsan ni Elijah. Wala na po sila ni Selena. Hindi ko po alam kung bakit sinasabi ni Selena na sila parin, pero iyon ang totoo. If you want, we’ll ask Selena together.”

“Sulutera ka, Klare. You’re a bitch, just like your mother!” Sigaw ng isa kong tita.

“Tania, tama na!” Sigaw ni tita Marichelle.

Nagkatitigan ang dalawa. Tinuro ako ni tita Tania habang nakatingin siya kay Marichelle.

“Chelle, manang mana sa kanyang pinanggalingan! Kitang may relasyon ay sumasawsaw. She’s a bitch, too! Totoong kung ano ang puno ay siya rin ang bunga!”

Umiling ako at tumingin kay tita Marichelle. “Tita, hindi po ‘yan totoo.”

“Don’t you dare call Marichelle your tita!” Sigaw ni lola sa akin.

Lumapit ako kay lola ng dahan dahan habang walang tigil na tumutulo ang luha ko. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya.

“La, please, kausapin niyo si Selena.”

“You’re a liar.” Ani lola.

Umiling ako. “Hindi po ako ganon, la.”

“Don’t you call me ‘lola’! You are not my granddaughter! You are dirty for loving your cousin. Disgusting for seducing someone else’s boyfriend. Sinungaling na bata ka. Hindi ka kasi pinalaki ng mga Ty. You’re a disgrace to this family!”

Tinapon niya ang kamay ko at tinulak palayo. Muntik na akong madapa ng patalikod at parang walang nangyari sa kanila. Tiningnan lang nila akong lahat na para bang may malaking barrier sa gitna namin.

“You will never belong to us. You will never be our family!” Sigaw ni lola at mabilis na bumigat ang kanyang paghinga.

“Mama!” Nakakabinging sigaw ni tita Marichelle.

Hinabol ni lola ang kanyang hininga. Pinalibutan siya ng mga tita ko at ginabayan sa pag upo. Narinig ko ang iyak ng mga pinsan ko sa gilid. Nakatunganga ako sa kanilang harapan, guilty sa nangyari, at sobrang takot na baka kung mapano si lola dahil sa akin.

Humakbang ako palapit sa kanila para makita ng mas maayos si lola. Mabigat ang hininga niya. Tumakbo ang nurse at may pinainom sa kanyang mga gamot. Ang isang nurse ay kumukuha na ng kanyang blood pressure.

Bumaling sa akin ang umiiyak na mga pinsan ko at tinulak nila ako palayo doon.

“Lumayas ka dito!” Sigaw ni Cristine.

Hindi parin mag sink in sa akin ang nangyari.

“She’s okay. Kailangan niyang magpahinga.” Sabi ng isang nurse sa kay tita Marichelle.

Matalim ang mga mata ng mga tita ko nang bumaling sila sa akin. Alam kong ipapatapon na nila ako sa labas ngunit hindi ako makagalaw dahil sa nangyari.

“Umalis ka na dito! Lumayas ka!” Sigaw ng isang tita ko.

Hindi parin ako makagalaw. Tumingin ako kay tita Marichelle na mas kalmado sa kanilang lahat.

“Klare, sasama ang pakiramdam ni mama pag nandito ka. Mas mabuting umalis ka na lang muna.” Ani tita Marichelle.

Tumango ako. Kasabay ng pagtango ko ay pag tulak sa akin ng isa ko pang pinsan. “Layas sabi! Sampid ka dito! Sampid!” Sigaw niya.

Pinipiga ang puso ko. Tiningnan ko silang lahat isa-isa. I guess I really don’t belong anywhere. Walang pamilyang tatanggap sa akin. Now, I’m lost. At siguro ay dahil sa galit ni Elijah, pati siya ay nawala ko na rin.

“What the hell are you waiting for, bitch? Go away! Dirty rat!”

Bumuhos ang luha ko nang tinalikuran ko sila. Pinunasan ko ito habang tumatakbo ako palabas dala dala ang mga gamit ko.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Until He Returned – Kabanata 44

Kabanata 44

Granddaughter

Kumakain kami ni Elijah sa dining table. Si papa ay nakaupo lang doon at sumisimsim sa kanyang kape. Hindi ko alam kung nasaan si tita Marichelle pero tingin ko ay nasa kusina siya at tumutulong sa mga katulong nila.

“Hindi na ako magtatagal, Klare. May aasikasuhin pa ako sa site. You’ll be okay here. Handa na naman ang kwarto mo.” Ani papa at bumaling kay Elijah. “Are you going to stay here?”

Umiling si Elijah. “Naka check in na po ako sa isang hotel. I’m good.”

Gusto ko sanang sabihin kay papa na dito na lang muna si Elijah pero tingin ko ay mali iyon. Ayaw kong bigyan ng dahilan si papa na ayawan si Elijah. One step at a time na lang muna. Mabuti na iyong alam kong hindi galit si papa sa amin. Ang humingi ng isa pang pabor ay sobra na ata.

“Dito na rin kayo mag lunch. Hintayin mo ang lola mo, Klare, bago kayo pumasyal. Kayong dalawa lang ba?” Tanong ni papa.

Tumango ako. “Opo. Kumusta na nga po pala si lola?”

Nilapag ni papa ang kanyang tasa at umupo ng maayos. Nakikita kong nahihirapan siyang sumagot.

“She’s not in a good shape, Klare.”

Tumango ako at uminom ng tubig.

Kahit na hindi naman kami close ni lola ay hindi ko parin maiwasang makisimpatya at makaramdam ng awa. Lola ko siya. Nananalaytay sa akin ang kanyang dugo. Mahal ko siya kahit na hindi niya iyon kailanman nasuklian.

Bata pa ako nang namatay ang lolo at lola ko na mga Montefalco. Ang tanging naaalala ko na lang ay mahilig silang mamigay ng mga kendi sa aming magpipinsan. Mahilig din sila sa mga regalo kaya masayang masaya ako pag kasama ko sila noon. Lubos ang iyak ko nang namatay si lola. Sumunod si lolo pagkatapos ng ilang buwan kaya medyo masakit ang taong iyon.

Ngayong may lola ulit ako, gusto kong iparamdam sa kanya ang pagmamahal na halos hindi ko naiparamdam sa lola at lolo ko noon. Masyado pa akong bata noon para maintindihan ang kahalagahan ng pagmamahal at ang sakit ng pagkawala.

“Mas gusto niyang sa bahay kasama ang mga pamangkin niya, kumpara sa ospital.” Umiling si papa. “Ni ayaw niyang magpa check up. Nag mi-maintain parin naman siya ng meds for high blood pressure at monitored din ang kanyang BP. In fact, nandito ang nurse niya sa bahay.”

Tumango ako.

“Hindi siya nagpipigil sa mga kinakain niya. Mas madalas din ang pagkakahilo niya these past few weeks. Tigas ng ulo ni mama.” Ani papa.

Sa pagkakakilala ko naman kay lola, medyo may katigasan nga siya ng ulo. Hindi ko makalimutan kung paano niya ako pinaalis noon dahil hindi niya ako matanggap. May takot akong nararamdaman ngayon pero mas nangibabaw ang awa sa aking puso.

I want to get to know her. I want to break the ice between us. Posible kaya iyon? Maybe I shouldn’t mention Elijah yet? Siguro ay kukunin ko na muna ang loob niya bago ko dahan dahang sasabihin sa kanya ang tungkol kay Elijah.

Tumunog ang cellphone ni papa. Sumenyas siya sa amin at tumayo para sagutin ito. Nagkatinginan kami ni Elijah.

“I still need to deal with my lola.” Paliwanag ko.

Tumango siya. “Aalis ba ako?”

Umiling ako. “Let’s see?”

Bumalik si papa ng nagmamadali. Uminom siya ng tubig at nakapamaywang na humarap sa amin.

“I need to go. Tawagan niyo ako kung may kailangan kayo. Sa opisina lang ako.”

“Kelan uwi mo, pa?” Tanong ko dahil sanay ako noon na pag aalis siya patungo sa site ay naaabutan siya ng ilang araw bago makauwi.

“I still don’t know. Just call me when you need me.” Ani papa at hinalikan niya ako sa noo. “Take care of her, Elijah. Treat this as your home.”

Tumango si Elijah at pinanood namin si papa na umalis ng bahay. Tumikhim ako at bumaling kay Elijah na nakatingin na sa akin. Parang may barang nawala sa aming dalawa. Alam kong hindi iyon naging solusyon sa mga problema namin. Ganon parin naman, pagkauwi namin sa bahay, galit parin sila. Ngunit ang malamang may kakampi ka kahit paano ay nakakagaan sa pakiramdam.

Nagvibrate ang cellphone ko sa tawag ni mommy. Siguro ay kanina pa siya tumatawag ngunit ngayon ko lang ito napansin. Sinagot ko kaagad ito at sinenyasan si Elijah na manahimik.

“Mommy, nasa Davao na po ako. Nasa bahay na.” Pambungad ko.

“Okay. Mabuti naman. Nag alala ako kasi di ka tumawag.”

“Sorry, medyo pagod sa byahe at naghahanda po ako kasi mag uusap kami ni lola mamaya pag dating niya.”

Hindi nakapagsalita si mommy. Akala ko ay naputol ang linya kaya sinulyapan ko muna ang screen.

“My?”

“Ayos ka lang ba? Sigurado kang makikipagkita ka sa… ama mo? Asan ang papa mo? Nandyan ba?”

“Wala na po. Nasa trabaho.” Sabi ko.

“Okay. Baba ko muna ‘to.” Ani mommy sa nagmamadaling boses.

Kilala ni mommy si lola. Si lola ang taong kung ano ang gusto niya, iyon ang masusunod. Kahit si daddy ay hindi napapasunod si lola. Takot halos lahat ng mga relatives ko kay lola.

“Is this your lola?” Tanong ni Elijah nang may nakita siyang picture ni lola sa taas ng piano sa sala.

“Yup.” Tiningnan ko rin ang picture ni lola sa frame.

Mas bata siya doon. Hindi rin gaanong singkit ang kanyang mga mata ngunit paper white ang kulay ng kanyang balat. Ganyang ganyan din ang balat ng mga relatives ko, masyado silang mapuputi, tulad o higit pa sa kaputian ni Claudette. Maputi rin naman ako, pero pag itinabi na ako sa kanila, makikita mo talaga ang diperensya ng balat nila.

Kumunot ang noo ni Elijah. “Familiar.”

“Magkamukha ba kami?” Ngumiti ako.

Tulad ni Hendrix at Pierre, hindi rin gaanong singkit ang mga mata ko. Hindi ko nga lang alam kung kanino nagmana ang mga mata ko, kay mommy ba o kay lola.

“Close ka ba sa mga relatives mo?” Nilapag ni Elijah ang frame at tumingin pa sa iilang medyo lumang picture ng mga tito at tita ko.

Umiling ako. “Hindi ako tanggap.”

Bumaling si Elijah sa akin.

“Ang alam ko may mga pinsan ako sa mga Ty. Halos babae, I think? Pero hindi ko pa sila nakakasama ng matagal.” Kibit balikat ko.

Nakatoon na ang buong atensyon niya sa akin ngayon. Umupo kami sa sofa at nagpalipas oras. Kahit sobrang lapit naming dalawa ay hindi naghahaplos ang balat namin.

Sumulyap ako kay Elijah na ngayon ay nakahilig sa sofa, nakapikit ang mata.

“Hindi ko parin matanggap na wala ako nong naghirap ka.” Aniya.

Ngumiti ako. He’s overthinking. Totoong naghirap ako noon at mas maganda kung nandoon siya pero nalagpasan ko rin naman. “Naramdaman ko noon na wala talaga akong pamilya. Sa mga Montefalco, lamig lang ang natatanggap ko. Hindi ko rin naman kayang isubo ang sarili ko sa mga Ty dahil ayaw nila sa akin. I’m completely alone that time, Elijah. Hindi na kita mapapansin pag nandon ka pa. Siguro ay frustration lang ang maibibigay ko sayo.” Wrong. I just want to make him feel better. Alam kong malaking bagay kung nandon nga siya noon.

“Anong ginagawa ko nong mga oras na ‘yon?” Dumilat siya at tumingin sa kawalan. “Party, booze, girls? Damn it!”

Ngumiti ako. “Because you’re Elijah Montefalco, you can party, have your booze and girls.”

Sumimangot siya at bumaling sa akin. “I’m Elijah Montefalco, and I can’t have you.”

Nagkatitigan kaming dalawa. Nabasag lang ang titigan nang narinig ko ang mga yapak ni Tita Marichelle.

“Klare…” Malamig niyang sinabi.

“Po?” Tumayo agad ako sa gulat.

Dammit, Klare! Ayan kasi, may patitig titig ka pa!

“Nandyan na ang lola mo.” Ani tita.

Tumango ako at walang pag aalinlangang sumunod sa kanya patungo sa double doors. Naaninag ko kaagad ang dalawang itim na sasakyan sa tapat ng pintuan namin. Lumabas ang mga driver at sinalubong nila si lola sa pintuan para alalayan. Nakita ko kung paano marahas na hinawi ni lola ang kamay ng umaalalay sa kanya.

“I don’t need your help!” Aniya at medyo nanginginig na bumaba sa sasakyan.

Isang kalabit na lang ay tutulungan ko na siya pero dahil alam kong aayawan niya ang tulong ko ay nanatili ako sa pintuan. Inayos ko ang sarili ko. Naramdaman ko si Elijah sa likod ko. Naglakad si tita Marichelle patungo kay lola.

Lumabas na rin ang nagtatawanan kong mga tita. Sinalubong sila ni tita Marichelle at nakipag beso beso sila sa kanya. Ang isa kong tita ay may malaking sumbrero na halos liparin ng hangin kaya tumili siya.

Lumabas ang isang pinsan kong lalaki, nasa high school pa lang at medyo hawig kay Pierre. Tumingin siya sa kabilang sasakyan. Lumabas din sa kabilang sasakyan ang dalawa kong pinsang babae, kasing edad ko lang at hindi ko alam ang pangalan. Nagtatawanan silang dalawa at medyo may halong chinese ang pinag uusapan nila. May lumabas pang tatlong medyo mas matandang babae sa kanila na parehong nakaputi at maitim ang buhok. May tinatawag sila sa loob habang sumusulyap sa akin.

“Klare…” Tawag ni lola sa akin.

Hindi ko alam kung guni guni ko ba iyon o ano pero tinawag ako ni lola sa pangalan ko! Gumuhit ang ngiti sa aking labi at umaliwalas ang aking mukha. Tinakbo ko ang hagdanan pababa nang sa ganon ay masalubong ko si lola para makapagmano.

“Magandang tanghali po, lola.” Sabi ko.

Nakikita ko ang pilit niyang ngiti. Bakas sa kanyang mga mata ang pagsusuri sa akin. “Asan ang papa mo?”

“Nasa site po.” Sagot ko.

Tumango siya at naglakad. “Sinong kasama mo papunta dito? Ang mga apo ko ba?”

Umiling ako. “Busy po si Hendrix at Pierre sa Cagayan de Oro.”

May mga binulong siyang hindi ko nakuha. Sinundan ko ang yapak niya samantalang ang ibang relatives ko ay nasa likod at nagbubulung bulungan. Naririnig ko parin ang tawanan ng mga pinsan ko.

Nahihirapan si lola na umakyat sa hagdanan. Bago pa ako nakapag lahad ng kamay ay nauna na si Elijah. Mabilis siyang bumaba at naglahad ng kamay kay lola. Nag angat ng tingin si lola kay Elijah. Nanliit ang kanyang mga mata.

“Sino ito?” Ani lola kay tita Marichelle.

Bumaling ako kay tita na nanlalaki ang mga mata sa akin. Imbes na sagutin ko si lola ay nahagip ng paningin ko ang itim na pumps galing sa isang makinis na binti, pababa ng sasakyan. Nalaglag ang panga ko nang nakita ko ang seryosong mukha ni Selena. Inaayos niya ang kanyang itim na dress na may naka ekis na strap sa harapan. Ang buhok niyang umaalon ay sinusuklay niya gamit ang kanyang mga daliri.

“Siya po si Elijah Montefalco, ama.” Sagot ng isang pinsan ko sa tabi ni Selena.

Bumaling si lola sa kanila. Naghagikhikan ang mga pinsan ko. Napatingin ako kay Elijah na nakatingin na rin sa akin dahil sa gulat at nandito si Selena.

“Selena, she’s your boyfriend?” Malaki ang ngiti ni lola. Malayong malayo sa ngiting ibinigay niya sa akin kanina. “So you are Exel Montefalco’s son?” Baling ni lola kay Elijah.

“Opo. I’m actually here for Klare-“

Tumawa ng pagkalakas lakas si lola at pinalakpak niya ng dalawang beses ang kanyang kamay. “Akalain mo nga naman. Selena, i-tour mo nga ang boyfriend mo sa loob ng bahay.”

Bumagsak ang puso ko sa mga sinabi ni lola. Gusto ko siyang putulin at gusto kong sabihin sa kanya na hindi na sila ni Selena.

Kitang kita ko ang pag iigting ng panga ni Elijah. I know he’s not going to shut up. Kaya naman inangat ko ang index finger ko sa aking labi at nanghingi sa kanya ng katahimikan.

Nilahad niya ang dalawang kamay at nabasa ko sa kanyang bibig ang “What?”

Umiling ako at nanatiling naroon ang kamay ko sa labi para maintindihan niyang ayaw kong magsalita siya.

“Okay, ama.” Ani Selena at mabilis na hinalikan si lola sa pisngi.

Tumatawa si lola. Tuwang tuwa sa nangyayari. Tinitigan ko si Selena sa pagbabakasakaling may paliwanag sa kanyang mga mata ngunit hindi niya ako tiningnan. Tumigil siya sa harap ni Elijah at nagkatitigan ang dalawa.

Nagsimula nang umiling si Elijah kay Selena. Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ni lola sa ginawa ni Elijah.

“Please, Ej?” Malambing na sambit ni Selena sa kanya.

“Oh, ano pang hinihintay niyo? Selena’s been missing you, boy. It’s been hard on her. Nasa iisang isla kayo at hindi pa kayo nagkikita. What’s wrong? Chivalry is not yet dead. Prove it to her.” Halakhak ni lola.

Kinagat ko ang labi ko. Sumulyap si Elijah sa akin at binuksan niya ang kanyang bibig. Kitang kita ko ang galit niya sa akin habang binabanggit ang mga salita.

“Baka hindi pumayag ang pinsan ko’ng mamasyal ako nang wala siya.”

Bumaling si lola sa akin. Umiling ako. “No, No…” Halos manginig ang boses ko. “It’s okay, Elijah. Go ahead.” Ngiti ko.

“See? At gusto ko munang makipag usap rin kay Klare. Please accompany my grand daughter. Kanina pa ‘yan nakikiusap sa akin na samahan siyang mag shopping. I can’t. I’m too old.” Ngiti ni lola.

Yumuko ako at pumikit. Gusto kong magalit kay Selena. Paano niya nagawang magpanggap kay lola na sila parin ni Elijah. Umusbong na rin ang galit ko sa aking sarili. Bakit ko na naman ito ginagawa? Dapat ay sabihin ko kay lola ang lahat. But is it the wisest thing to do right now? Ni hindi pa kami nag uusap ni lola! What if di niya tanggapin iyon at magiging dahilan pa iyon ng mas lalong pagka muhi niya sa akin? At paano pag kinausap ko muna siya bago ko sinabi, tsaka niya matatanggap?

“Go, Elijah. I’m fine here. Be with Selena.”

Hinawakan ni Selena ang braso ni Elijah. Napatingin ako sa mga daliri ni Selena na marahang hinahaplos ang brasong dapat ay sa akin. Nag iwas ako ng tingin kahit batid kong tinutusok ako ng matatalim na titig ni Elijah.

“Oh yeah!” Sarkastiko niyang sinabi at dahan dahang naglakad palayo kasama si Selena.

“Now, Klare… Let’s go. Hayaan mo na ‘yong pinsan mong makasama si Selena. We’ll have lunch inside.” Sabi ni lola at nagpatuloy siya sa paghakbang sa hagdanan.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Pumasok na rin ang mga pinsan kong nagtatawanan parin at chinicheer si Selena sa malayo.

Selena’s her granddaughter! That means, we’re cousins? What the heck?


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Until He Returned – Kabanata 43

Kabanata 43

Deserve Her

Hindi naman matagal ang naging byahe. Malapit lang naman kasi ang Davao, ngunit sinulit ko ang panahong nakahawak kamay sa akin si Elijah. I missed him so much at palagay ko’y hindi ko na muna siya dapat paulanan ng tanong.

Hindi rin siya nagsalita buong byahe. Nang nag land na ang eroplano at naghintay na kami sa mga bagahe ay tsaka lang nabasag ang katahimikan namin. Bumaling siya sa akin pagkatapos niyang walang kahirap-hirap na kinuha ang maleta ko.

“I need to find a hotel.” Aniya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko iyon naisip! Pinanood ko siyang may kinukuha sa kanyang bulsa. Nakita ko ang isang iPhone na kakabukas lang. Dumungaw ako at tumingin sa screen, tumingin rin si Elijah sa akin ng nakangisi.

“Finally, a phone.” Aniya.

“Matagal ka ng may cellphone ulit?” Tanong ko.

Umiling siya. “Ngayon lang ulit. Ayokong magkaroon kasi baka matext kita at malaman pa ng ibang tao na may communication parin tayo.”

“Bakit? Bakit ang tagal mong nagpakita?” Sa wakas ay naitanong ko na rin sa kanya ang kanina ko pa iniisip.

“Kasi alam ko, mas maaga, mas binabantayan ka.” Aniya at pinindot niya ang ilong ko bago nanghila.

Nagpatianod ako sa hila niya. Pamilyar na sa akin ang airport pero parang bago ito ngayong kasama ko na si Elijah. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko nang pinanood ko siyang lumilinga linga sa paghahanap ng taxi na masasakyan.

“Susunduin tayo ng driver namin.” Sabi ko sa wakas bago siya pumara ng isang taxi.

Bumaling siya sa akin at ngumuso. “Pwede bang utusan natin ang driver niyong ihatid muna tayo sa Marco Polo?”

Tumango ako at nakita ko kaagad ang naka puting polo at naka shades na driver ni daddy. Naka abang siya sa pintuan ng sasakyan at ang isa pang lalaki ay naglalahad ng kamay sa maletang dala ni Elijah. Binigay ni Elijah ang maleta ko, naka backpack lang siya at inisip kong saan niya kaya nakuha ang backpack na iyan o may damit ba siya sa loob. Naisip ko rin kung saan siya kumukuha ng pera.

“Kuya, pahatid po muna sa Marco Polo. Chi-check in lang po ang kasama ko.” Sabi ko.

Tumango ang driver at hinila ko na si Elijah sa loob ng sasakyan.

Hindi ko pa nasasabi kay papa na isasama ko si Elijah sa Davao. Ngunit alam kong alam niya na ngayon na kasama ko si Elijah. Paniguradong sinabi na ni Hendrix o ni Pierre ang balitang iyon. Tumunog ang cellphone ko, di pa kami nakakalayo sa airport.

“Hello, pa. Nakarating na po kami.” Sabi ko.

Hindi siya agad nagsalita.

“Kasama ko po si Elijah…” Hindi ko alam kung dudugtungan ko ba ng pinsan o ano? “Montefalco.”

“Narinig ko nga sa kapatid mo.” Tunog bigo ang boses ni papa.

Imbes na magtanong ako kung bakit ganon ay hindi ko ginawa. Ayaw ko kasi munang marinig sa kanya na hindi siya sang ayon sa aming dalawa. Lalo na’t sa cellphone pa lang naman at hindi ko pa lubusang naipapakilala sa kanya si Elijah. “Ihahatid ko lang po siya sa Marco Polo. Ta’s pupunta na kami diyan.” Ito ang naging batayan ko sa kanyang pagtutol at pag sang ayon sa aming dalawa. Dahil kung sang ayon siya, mag o-offer siya ng isang kwarto kay Elijah sa bahay namin.

“Okay, Klare. Dito na kayo mag breakfast.” Ani papa.

Kinagat ko ang labi ko at nagpaalam na sa kanya. Affirmative. Ayaw ni papa kay Elijah bilang pinsan ko. Paano na lang kung malaman niyang may relasyon kaming dalawa? O baka naman may alam na siya?

Pinapanood ko ang labas ng sasakyan. Kahit na nakailang beses na akong pabalik balik sa Davao ay hindi ko parin memoryado ang lahat. Hindi parin talaga ako sanay sa tanawin. Bumaling ako kay Elijah sa pag aakalang ganon din ang ginagawa niya ngunit nagulat ako dahil nakatitig lang siya sa kamay naming pinagsalikop niya.

“Anong nangyari sa loob ng dalawang buwan?” Tanong ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin habang pinaglalaruan niya ang mga daliri namin. “Nagpalamig ako. Umalis ako ng Cagayan de Oro, bumalik, hinanap ka, but I can’t go near you and you know that right?”

Tumango ako. “Saan ka nagpunta nang umalis ka ng Cagayan de Oro?”

“Went to Surigao, then back again. Gusto kong magkaroon sila ng lead na nasa Surigao ako para di na nila ako mahanap sa CDO. Pero nahanap ako ni Rafael.” He chuckled.

Nanlaki ang mga mata ko. “Saan ka nagtago nang nahanap ka ni Rafael?”

“Dynasty Court Hotel?” Mas lalong lumaki ang ngisi niya.

Mas lalo ring lumaki ang mata ko. Paano ba naman kasi, sobrang lapit ng hotel na iyon sa bahay namin. Hindi ako makapaniwalang doon lang siya nag tago.

“Hindi nila maiisip na nasa paligid ako. Iisipin ng lahat na lumayo ako ng husto. Because I don’t wanna be found, I’m probably somewhere far.” Nagkibit balikat siya.

Claudette was right. Totoong may plano si Elijah. Hindi niya kailanman hahayaan ang sarili niyang tumakbo na lang ng hindi nag iisip. And he’s plan was flawless.

“Anong ginawa ni Raf sa’yo?” Tanong ko nang narealize na may nakahanap nga pala sa kanya.

“Aksidente lang na nakita niya ako. Nasa labas siya ng Hotel with this girl at nakatingin ‘yong girl sa akin habang kinakausap ko ‘yong receptionist sa hall kaya napatingin din si Rafael sa akin.” Tumawa siya.

Nanliit ang mga mata ko. Hindi ko alam kong binibiro niya ba ako o ano. “You’re kidding me…”

Umiling siya. “That’s what happened!” At tumawa ulit.

Umirap ako at tinanggap ang sinabi niya para makapag tanong ulit. “Anong ginawa niya nong nakita ka niya?”

“Kinausap at niyayang bumalik. Sinabi ko sa kanya ang plano ko. Nag offer din siya na magstay ako sa kanyang condo since Damon’s not staying there anymore. Of course, I refused. I don’t need anyone’s help.” Tinagilid niya ang ulo niya at tinaas ang isang kilay na parang nagyayabang.

“Sabi mo you stayed with him?” Pinaalala ko sa kanya.

“Yup. ‘Nong malapit na akong magpakita sayo. Mas monitored ko ‘yong mga galaw ng tao ni tito Stephen. I have the means pero mas accurate ‘yong mga alam niya. Hindi ko kailangan ng tulong pero basta tungkol sayo, sating dalawa, kailangan hindi pumalpak.”

Ngumuso ako. “Where did you get your money? Nag ipon ka sa New York? Sa negosyo niyo? What?”

Ngumisi lang siya at tumingin sa labas. Tumingala siya sa isang medyo matayog na parihabang gusali sa tapat. “Marco Polo.”

Tumingala din ako sa hotel. Hindi pa ako nakakapasok dito pero isang tingin pa lang, alam ko na agad na mahal ang hotel na ito. Muntik ko nang bilangin kung magkano ang gastos ni Elijah nang pansamantala siyang nanatili sa Dynasty Court. Kung ano man o saan man siya kumukuha ng pera, hindi na iyon biro na negosyo. He’s earning… a lot.

Sumalubong agad sa amin ang malaking swimming pool pagkapasok namin sa premises ng hotel. Pinanood ko ang mga foreigner at kanilang mga partner na naliligo doon. Diretso naman ang lakad ni Elijah papasok sa hotel. Sumunod lang ako sa kanya at nagulat ako nang mabilis lang siyang nabigyan ng kwarto.

“Reserved. Elijah Montefalco. Paki private ‘yong details. Lahat.” Aniya at binigyan ng pera ang babae sa hall.

Sumakay na kami sa elevator. Isang room boy ang maghahatid sa amin doon. Aniya’y iiwan niya lang daw ang bag niya at aalis na kami.

Pagkapasok namin sa kwarto ay mabilis kong napansin ang malaking salamin na bintana. Kitang kita doon ang kabuuan ng syudad. Nilapitan ko kaagad iyon habang abala si Elijah sa paglalapag ng kanyang gamit sa cabinet ng room.

“I need to close the curtains before we go.” Ani Elijah sa likod ko.

Tumango ako at pumihit para hanapin siya ngunit nagulat ako nang nasa harap ko na kaagad siya. Nagkatitigan kaming dalawa. Kinagat ko ang labi ko at naisip na kailangan na naming umalis. Papa’s waiting. Alam kong maaaring sinabi na ni Hendrix kay papa na huwag sabihin kay mommy na kasama ko si Elijah pero mas maigi sana kung ako mismo ang magpapaliwanag sa kanya.

“I’ll close the curtains.” Aniya at hinawakan ang magkabilang balikat ko para itabi muna ako bago dumiretso sa kurtina.

Ngumuso ako at pinanood siyang sinasarado iyon. Pagkatapos ay mabilis niyang tiningnan ang pintuan.

“Let’s go.” Aniya at mabilis ring humakbang patungo ron.

“Okay.” Sabi ko at sumunod sa kanya.

Bakit bigo ako dahil hindi ko siya nahalikan sa maiksing panahon na iyon? Hindi ko alam. Maraming tao nang pumasok kami sa elevator kaya pareho kaming tahimik sa loob.

Pagkababa namin ay nandoon na rin ang driver at naghihintay sa pagsakay ulit namin. Tahimik ulit kami sa loob. Para mabasag ang katahimikan ay tinuro ko sa kanya ang iba’t-ibang lugar na napuntahan ko na. Itinuro ko kung saan kami madalas pumunta ni Pierre pag bored siya, kung saan madalas nag paparty si Hendrix at kung anu-ano pa.

“Taga saan si Selena?” Tanong ko ng wala sa sarili.

Bumaling si Elijah sa akin. “Didn’t know. Ang alam ko lang ay hometown niya ang Davao City.”

Tumango ako. I don’t know if he’s bluffing or what. Baka ayaw niya lang pag usapan o ayaw niya lang na magselos ako. “Hindi niyo ba napag uusapan ang Davao?” Tanong ko.

Umiling siya at tumingin sa labas.

Tumigil na ako sa pagtatanong. Lalo na nang pinalitan na ng kaba ang kaninang kalmado kong sistema. Papalapit kami nang papalapit sa bahay ay mas lalong lumalalim ang kaba ko. Hindi ko iyon naramdaman sa kamay ni Elijah na hindi man lang natitinag habang hinahawan ang kamay ko.

“You okay?” Tanong niya.

Mukha siguro akong natatae dahil sa kaba. Tumango na lang ako lalo na nang nakita ko na ang kulay itim naming gate.

“This is our house.” banggit ko.

“Nice house.” Aniya. “Maganda ba ang tungo ng mommy nina Pierre at Hendrix sayo?”

Papasok kami sa gate nang tinanong niya iyon. Ang pamilyar na fountain namin na may anghel na umiihi sa taas ay mas masigla tingnan ngayon. Mas berde rin ang bermuda ng garden at naging mukhang mas malinis ang bahay. Hindi ko alam kung dahil ba nandito ang lola o talagang ganito ang itsura ng bahay tuwing pasukan.

“She’s okay. Hindi naman siya malupit. Hindi rin naman kami close. Just okay.” Sabi ko at bumaba na nang tumigil ang sasakyan.

Bumaba na rin si Elijah. Ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng kanyang jacket. Hinintay naming umalis ang sasakyan bago tumuloy sa loob.

Hindi pa ako nakakalahati sa hagdanan ay naaninag ko na si papa sa pintuan. Nakalahad ang kanyang mga braso para yakapin ako. Tumakbo ako sa kanya at pinulupot ko ang braso ko sa kanyang katawan.

“I miss you, pa.” Sabi ko.

Hinalikan ni papa ang aking noo. Tumingala ako sa kanya at malaki ang ngiti niyang dumudungaw sa akin. Naririnig ko ang yapak ni Elijah sa hagdanan kaya kumalas agad ako kay papa para ilahad si Elijah.

“Pa, si Elijah po.” Sabi ko.

Tumango si papa at tinitigan si Elijah.

“Elijah Montefalco po.” Naglahad ng kamay si Elijah kay papa.

Mabilis namang tinanggap ni papa ang kamay ni Elijah. Ang singkit niyang mga mata ay mas lalong naningkit sa pagngiti niya.

“Nabanggit ka ni Hendrix sa akin.” Ani papa.

Nagulat ako sa kanyang sinabi.

“Nag invest ka daw.” Tawa ni papa.

Tumawa rin si Elijah at kinalas ang kamay niya galing kay papa. “Opo. Magaling po ang anak niyong humawak ng pera.”

Tumango si papa. “Of course, he’s my son.”

“Nag invest ka sa kompanya ni papa?” Tanong ko kay Elijah.

Ngumisi lang siya at hinawakan niya ang kamay ko.

Iniisip ko pa kung paano niya ginawa iyon. Bumaling ako kay papa na ngayon ay nakatoon ang pansin sa magkahawak naming mga kamay. Uh-oh.

“Pa…” Panimula ko, hindi ko matingnan ang mukha ni papa.

“I heard from Pierre na hindi ko raw pwedeng sabihin kay Helena na may kasama ka dito. Hindi ko naman sasabihin kay Helena kung may dadalhin kang kaibigan, o pinsan… but I’m curious. Bakit hindi ko pwedeng sabihin sa mommy mo, Klare?”

Kinagat ko ang labi ko. Nararamdaman ko na gustong magsalita ni Elijah ngunit pinigilan ko siya sa pamamagitan ng pagpisil ng kanyang kamay. I need to explain this to my father.

“Pa, I’m sorry kung itinago ko sa iyo ‘to… pero… si Elijah po…” Hindi ko iyon masabi. Nag angat ako ng tingin kay papa at nakita ko ang liwanag sa kanyang mga mata. Alam kong may alam na siya pero hinihintay niya akong magsalita. “Siya po ‘yong pinsan ko… na mahal ko.”

Halos tumunog ang tainga ko sa sarili kong salita. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Elijah. Hindi ako magtataka kung masasaktan ko siya sa pagkakahawak ko sa kanya.

Hindi nagsalita si papa. Binuksan niya na lang ang pintuan at iminuwestra ang loob ng bahay namin. Naglakad kami papasok ni Elijah doon. Napansin ko ang mga bagong muwebles at ang puting kurtina. Ikinagulat ko ang walang tao sa loob. Inisip kong nandito si lola kasama ang mga pinsan at ibang relatives ko.

“Sit.” Utos ni papa sabay turo sa aming sofa.

Umupo kaming dalawa ni Elijah. Tumikhim si papa at kinuha ang isang tasa sa coffee table. Ang puting longsleeve polong kanyang sinusuot ay nagpapatunay na may trabaho siya ngayon at hinihintay niya lang ang pagdating ko.

“Elijah… Montefalco?” Ani papa habang humihigop sa kanyang kape.

“Opo.” Sagot ni Elijah. “Anak ako ni Exel-“

“I know your dad… and your mom. Famous Exel Montefalco’s son.” Ani papa.

“Pa, magpinsan po kaming dalawa.” Inulit ko.

Bumaling si papa sa akin at umiling.

“I brought disgrace to that name a long time ago. I’m doing it again now. I don’t deserve your daughter. Mabait po siya, selfless, perpekto. I’m a sinner for loving her too much. She’s too good for me. She deserved good things… and I’ll never be a good thing to her. But I’m trying my best to be one of the good things. I want to deserve her.”

“Hindi kayo magpinsan.” Ani papa. “She’s my daughter. We don’t need to test her DNA. She belongs to me, it’s obvious.” Bumaling si papa sa akin. “Pero naiintindihan ko ang mga Montefalco. Lumaki kayong sabay.”

“Pa!” Halos manginig ang boses ko sa pagtawag sa kanya.

Tumango si papa. “Maraming taon pa para malaman kong karapatdapat ka ba sa anak ko. Bibigyan kita ng chance.” Ngumiti si papa kay Elijah.

Tumingin ako sa seryosong mukha ni Elijah.

“But this is a big blow to the Montefalcos. Very big blow.” Iling niya. “We can never undo history. Kung sana ay lumaki si Klare sa puder ko,” Nagkibit balikat siya. “You two will never happen. I will need her to find a chinese man and you two will never, ever meet. Pero dahil lumaki siya sa mga Montefalco…” Ngumuso si papa. “This is a very unusual thing.” Malalim ang kanyang inisip.

Tahimik kami ni Elijah at hinayaan naming mag isip si papa habang umiinom siya ng kape. Narinig ko ang yapak ni tita Marichelle galing sa dining room. Kumalabog agad ang dibdib ko. Nang nagtagpo ang aming mga mata ay nakita ko ulit ang tiitg niyang walang ekspresyon. Walang duda, dito nakuha ni Pierre ang kanyang kilos.

“Uuwi si mama ngayong lunch.” tumigil ang kanyang mga mata kay Elijah. “Klare, kumain kayo ng breakfast. Isama mo ang kaibigan mo.” Ani tita Marichelle at hinawi ang kanyang buhok bago bumalik sa dining room.

“Muntik ko nang makalimutan! Kumain muna kayo. I’ll join you.” Ani papa at tinuro ang dining room.

Nabunutan ako ng tinik sa mga narinig ko galing kay papa at sa inasta ni tita Marichelle. Bumaling ako kay Elijah na seryoso parin hanggang ngayon. Ngumiti ako at kakaibang init ang naramdaman ko sa aking puso. Sa wakas, matatanggap na kami!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Until He Returned – Kabanata 42

Kabanata 42

Run

Nanginginig ang tuhod ko nang humakbang ako palapit kay Elijah pagkatapos ng Angelus. Hindi ako makatakbo, hindi rin ako makatalon. Ang tanging nagawa ko ay ang dahan dahang paghakbang palapit sa kanya. Naka kulay grey na jacket siya at naka pants, dalawang kamay ang nakapamulsa habang hinihintay ako sa paglapit. Nangilid ag luha ko nang naamoy ko ang pamilyar niyang bango. This is Elijah Montefalco in front of me. Am I dreaming?

Inabot ko ang kanyang pisngi. Sinalubong niya ng haplos ang kamay ko at naramdaman ko ang init ng kanyang palad. I’m not dreaming!

“Saan ka galing?” Nanginig ang boses ko at hindi ko mapigilan ang paghikbi. “Bakit ngayon ka lang?”

Humalakhak siya. Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko dahil natatawa lang siya habang nahihirapan ako. Hinampas ko ang kanyang dibdib, hinawakan niya ang kamay kong nakakuyom.

“Wag kang tatawa tawa diyan, hindi ako masaya na umalis ka! Bumalik ka na, Elijah! Kaya natin ‘to!” Sabi ko.

Tumikhim siya. “Hindi ‘to kaya ni dad, Klare. Kailangang kumalma ang galit ng mga tao sa akin.”

Umiling ako. Inangat niya ang baba ko para magkatagpo ang mga mata namin.

“Listen, I don’t have all the time. Pinaalis lang ni Raf ang mga nanonood sayo.”

“Ni Rafael? Bakit? May alam si Rafael?” Tanong ko.

Tumango siya. Nanlaki ang mga mata ko at inaalala ko lahat ng medyo hindi magandang sinabi ni Rafael. Kahit na medyo tutol siya sa amin ni Elijah ay nagawa niya paring tulungan siya!

“We’ll see each other again later. Sa condo ni Rafael.” Aniya.

Nasa condo siya ni Rafael? Ibig sabihin, talagang tinutulungan siya ni Rafael dito? At totoong walang alam si Azi, Josiah at ang lahat ng mga pinsan ko! Marami akong tanong pero alam kong wala na kaming oras. Titig na titig si Elijah sa akin habang gumagala ang paningin ko sa paligid sa takot na may ibang taong makakita sa amin.

“Elijah, sumama ka sakin sa Davao.” Sabi ko.

Tumaas ang isa niyang kilay.

“Pupunta ako ng Davao next week. Pupunta ako kina papa. Magpapatulong tayo sa kanila. Sumama ka sakin.”

“I don’t think that’s a good idea, Klare. Dad’s mad. Mas lalong magagalit ‘yon pag-“

“No, Elijah. My father is a good person. Kayang kaya niyang ipaliwanag kay tito Exel lahat ng ito. Matutulungan niya tayo.” I said desperately.

Tumitig lang si Elijah sa akin. Alam kong gusto niyang kaming dalawa lang muna ang lumaban. Gusto niyang patunayan na kaya namin ‘tong dalawa pero ang totoo, hindi. Kailangan namin ng suporta ng ibang tao. Kailangan namin ng suporta galing sa pamilya ko.

“Kailan ka pupuntang Davao?” Tanong niya.

“Next week.” Sagot ko.

Tumango siya. “Sasamahan kita. Mag isa ka ba o sasama ang mga kapatid mo?”

Umiling ako. “Mag isa. They’re both busy.”

“Sasamahan kita. We’ll see each other on Sunday?”

Tumango ako. “Magdadala na ako ng gamit.”

Ngumuso siya at tumango rin.

“I’ll see if… I can get you a plane ticket.” Naaasiwa kong sinabi.

“Ako ang magbabayad sa ticket natin, Klare. You are hurting my ego, big time.”

Kinagat ko ang labi ko. “Elijah, iniwan mo ang pera mo. I don’t want you to borrow money from Rafael or Damon or-“

“You really are hurting me fucking big time, baby. Iniwan ko ang pera ni daddy. I have my own money. I’m not stupid. Alam kong dadating ang panahon na kailangan kitang buhayin ng walang tulong galing sa pamilya natin.”

Yumuko ako. Inangat niya naman ang baba ko at nagkatinginan ulit kami.

“I’ll see you on Sunday. Sa airplane. Ibibigay ko kay Hendrix ang plane ticket mo.” Aniya at mabilis akong hinalikan sa noo. “I love you.” At mabilis din siyang umalis.

Hindi ako makapagsalita. Pinanood ko lang siyang sinasalubong ni Rafael. Mga mata ni Rafael ay nakatingin sa akin habang naglalakad sila paalis sa campus. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Habang tumatagal ay lalong bumibilis ang pintig ng puso ko. Late reaction. Napahawak ako sa dibdib ko. Damn, Elijah Montefalco!

Wala akong naging imik nang nagkita kami ni Erin at Claudette sa klase. Hindi ako makatingin sa mga mata nila sapagkat natatakot akong mabasa nila sa mga mata ko na nagkita kami ni Elijah at may usapan na kami ngayon. Kumakalabog ang puso ko sa bawat mala-pusang tingin ni Claudette sa akin na mas lalong dumadalas ngayong hindi ko na sila tinitingnan.

“Okay ka lang, Klare?” Tanong niya pagkatapos akong titigan ng napakatagal.

“Oo naman.” Sabi ko nang hindi siya sinulyapan.

“Oo nga. Ba’t ba ako nagtatanong, e, mukha ka ngang okay. Sa loob ng two months, ngayon lang kita nakitang naging maayos.” Aniya at pumangalumbaba sa upuan ko.

Napatingin si Erin sa aming dalawa. Kumalabog pa lalo ang puso ko sa kaba. Hindi na ako nagsalita. Natatakot akong may masabi akong mas lalong makakapag duda kay Claudette. Mabuti na lang at dumating din ang professor namin at nag simula na ang aming klase.

Lumipas ang isang oras, ang tanging naging laman na lang ng isip ko ay si Elijah at ang kanyang mga mata. I missed him so much at gustong gusto kong mayakap siya pero hindi namin iyon nagawa. Na miss niya kaya ako?

“Ayan na naman si Vaughn.” Ani Erin habang nagliligpit ng gamit kakaalis lang ng professor namin.

Napatingin ako sa pintuan ng classroom at nakita ko ang nakangiting si Vaughn doon. Madalas ay sabay kaming naglalakad pagkatapos ng klaseng ito. Nakalimutan kong ganon din dapat ngayon. Naging friendly naman si Vaughn sa akin. Hindi na siya ulit nagtanong tungkol sa feelings ko sa kanya o nagsalita tungkol sa feelings niya sa akin at masaya ako doon.

Tumango ako kay Erin at nagligpit na rin ng gamit ko. Padabog niyang inaayos ang kanyang mga book sa kanyang upuan. Napatingin si Claudette sa kanya. Nag angat rin ako ng tingin sa kanyang seryosong mukha.

May problema kaya si Erin at Eion? Mukhang bad trip siya sa araw na ito. Tinalikuran niya ako at humakbang siya palayo sa akin. Isa pang hakbang at pumihit siya para harapin ulit ako, mukhang mas galit ngayon kesa kanina.

“Ewan ko, Klare, pero nasasaktan ako para kay Elijah. He’s gone at ngayong wala siya ay may kinakasama kang iba. Wala ka bang konsiderasyon? Can you reject everyone for him, please? Kahit ‘yong mga walang masamang intention.”

Nagulat ako sa sinabi niya sa akin. Sumulyap siya kay Vaughn.

“Vaughn is just my friend, Erin.” Paliwanag ko.

“Kahit iyong walang masamang intensyon. Kahit ‘yong mga kaibigan lang, Klare.” Ginulo niya ang buhok niya at mariing pumikit. “Sorry. Di ko maintindihan. Nevermind.” At umalis ng bigla.

Tumingin ako kay Claudette na umiiling na lang, sumasabay ang buhok niyang mahaba sa kanyang pag iling. Sumulyap siya sa akin habang sinasabit ang kanyang bag sa balikat.

“Ang mas nakapagtataka sa akin ay kung bakit ayaw ni Erin na mapunta ka sa iba. Kaya pala halos masabunutan niya ako tuwing magkasama kayo ni Vaughn. Weird, though.” Nagkibit balikat si Clau sa akin. “See you later, Klare.”

Bumaling ako kay Vaughn na naghihintay sa akin sa pintuan. Hindi ko naisip na makakasama ito sa amin ni Elijah. Hindi ko naisip dahil alam ko sa sarili kong wala akong plano sa amin ni Vaughn kundi ang pagkakaibigan. Erin’s probably just over thinking. Suminghap ako at naglakad kasabay ni Vaughn.

“May event kang sasalihan sa intramurals?” Tanong ni Vaughn.

We would usually talk about school stuff. Wala naman iyong malisya at nilinaw ko na naman kay Vaughn noon kung ano talaga kami kaya ayos lang naman siguro ito.

“Wala, e.”

“You don’t do sports? You’re the sporty type.” Aniya.

“Uh, nag s-swimming ako. Kaso mas inclined ako sa sayaw.”

“Wala ba kayong presentation sa kasama ang All-Star?” Tanong niya.

“Meron, but I’ll pass.”

Kumunot ang noo ni Vaughn. “Bakit?”

“Uuwi ako ng Davao this Intrams.” Ngumiti ako. Hindi ko alam kung bakit ako nakangiti. Siguro ay dahil alam kong makakasama ko si Elijah.

Tumango siya. “Whoa! That’s good. Sayang lang at di ako makakasama. I have Engineering basketball. Yayayain sana kitang manood ng games but I guess you’ll be very busy.”

Sabay kaming tumigil sa pintuan ng sunod kong klase. May mga estudyante na sa loob at hinihintay na lang nila ang professor namin para makapag simula na kami.

“Sorry, Vaughn. Maybe next time.” Ngiti ko sabay ambang papasok.

“Next time…” Ani Vaughn at tuluyan ng umalis.

Halos walang pumasok na lesson sa utak ko noong araw na iyon. Ang tangi kong naisip ay ang pagbabalik ni Elijah at ang excitement ko papuntang Davao. Magkakasama kami. Masusundan kaya kami ng mga hina hire ni tito Stephen na mga tao? Siguro ay gagawa ng paraan si Rafael? Paano naman kaya iyon? Kasabay ng excitement ko ay ang pangamba sa maaaring mangyari.

“What?” Tumaas ang boses ni Pierre nang sinabi ko sa kanila ni Hendrix ang totoo.

Alam kong dapat ay manahimik ako nang sa ganon ay walang makaalam tungkol kay Elijah ngunit hindi ko mapigilan. Sinabi rin naman kasi ni Elijah na ibibigay niya ang ticket ko kay Hendrix. Ibig sabihin, malalaman din ni Hendrix na natagpuan ko na si Elijah at magkasama kami patungong Davao.

Gulantang si Pierre samantalang walang pagbabago sa ekspresyon ni Hendrix habang iniinom ang kanyang Coke.

“This is a bad idea, Klare.” Ani Hendrix.

Pinanood ko ang kalmado niyang ekspresyon. Naririnig ko ang maingay na tikhim ni Pierre at pabalik balik niyang paglakad sa tapat ng bench na inuupuan ko malapit sa soccer field.

“This is a bad idea.” Ani Pierre.

“Bakit? Hindi naman siguro sasabihin ni papa kay tito Exel, diba? And besides, I promised papa. Hindi ko na pwedeng i-cancel iyon. Panahon na para ipakilala ko si Elijah sa kanya.”

Nagkatinginan ang dalawa.

“Klare, hindi ba pwedeng ikaw na muna ang pumunta?” Halong pag aalala at panunuri ang tingin ni Hendrix sa akin.

“Bakit?” Bigo kong sinabi.

“You’ll meet ama, too.” Ani Hendrix na para bang sapat iyong dahilan para iwan ko si Elijah dito sa Cagayan de Oro.

“Ako lang ang pupunta kay ama, if you want, Hendrix. I just want papa to meet Elijah. That’s all.”

Suminghap ulit si Pierre. Napatingin ako sa kanyang matatalim na titig sa akin na para bang may masama akong gagawin. Hindi ko iyon maintindihan. At wala ring makakapigil sa akin.

“Pierre, shall we book a roundtrip ticket? Siguro right after Intramurals niyo.” Ani Hendrix sa aming kapatid.

“Rix, I can do this alone. Stop worrying.”

“I’ll call the secretary, kuya.” Ani Pierre na parang walang narinig galing sa akin.

Bumaling si Hendrix sa akin at tumaas ang kanyang kilay. “Alam kong may ticket ka na galing kay Elijah.”

Ngumuso ako. “How did you know, Rix? Do you know anything?”

Because I’m damn desperate to know the details. Kung ano man ang mga tinatago ng mga tao sa paligid ko tungkol kay Elijah ay kailangan kong malaman. Ano ang ginawa ni Elijah sa loob ng dalawang buwan? Saan siya kumuha ng pera? Sinu sino ang tumulong sa kanya? This is ridiculous. Pamilya ko silang lahat ngunit bakit kailangan kong hatiin sa kaibigan at kaaway ang mga tao? This is bad.

Walang naisagot si Hendrix sa tanong ko. Aniya’y si Elijah lang daw ang sasagot nito. Pinilit ko, ngunit wala akong makuha.

Nagsimula akong mag impake ng gamit. Nagpaalam na si papa kay mommy na pupunta ako ng Davao, umaga ng Sunday. Pumayag si mommy, hindi ko alam kung dahil ba gusto niya iyon o dahil natatakot siyang magalit ako sa kanya. Hindi pa kami maayos ngunit kinakausap ko na siya ngayon kumpara noon.

“Take care, Klare.” Ani mommy nang hinahatid ako sa labas ng bahay papasok sa sasakyan nina Hendrix.

Ihahatid ako ng dalawa kong kapatid ngayon patungong airport.

“Take care din kayo ni dad at Charles, my.” Sabi ko sabay yakap kay daddy.

Wala si Charles dahil may field demo sila mamaya sa school. Ang alam ko, papanhik na rin si mommy at daddy sa school ngayon para manood.

Pumasok na ako sa loob at hindi ko na sila sinulyapan pa. Natatakot akong makita nila sa mga mata ko na makakasama ko si Elijah. Hindi ko alam kung ano ang stand nila tungkol sa amin ni Elijah ngayon, pero ayaw kong umasa na tanggap nila. Siguro si daddy at si Charles, tanggap nila. Si mommy? Hindi ko alam. I don’t want her to call tito Exel again.

“Klare, dapat ay iwan mo na lang si Elijah dito.” Pilit ni Hendrix.

Nasa tabi ko siya habang si Pierre ay nasa front seat. Mabilis ang patakbo ng driver. Isang oras na lang at flight ko na. Sa sobrang excitement ko, matagal akong nakatulog kagabi kaya pumalpak sa gising. I will see Elijah again!

“Bakit?” Sumulyap ako kay Hendrix.

Hindi siya nagsalita. Tinikom niya na lang ang bibig niya at humalukipkip siya.

“Is this about… the chinese rules?” Palipat lipat ang tingin ko kay Hendrix at kay Pierre.

“Kuya…” Tawag ni Pierre kay Hendrix nang walang nagsalita.

“Hey, Rix?” Sabi ko at hinarap siya.

I’m not going to back down. Kahit ano pa ‘yan. Alam nila ‘yan. Sukdulan na ang mga natanggap namin ni Elijah sa aming pamilya. Pakiramdam ko ay hindi na ulit ako matitinag sa kahit ano.

“No, Klare. This is not about that.” Ani Hendrix.

Napabuntong hininga ako. Umiling si Pierre at bumaling na lang sa kalsada.

“But if ama would make you choose between the family and Elijah, who would you choose?”

Kinagat ko ang labi ko.

Gustong gusto kong matanggap ako ng lola namin. Gustong gusto ko iyon dahil pamilya ko sila. Miss na miss ko na ang magkaroon ng pamilya ng walang sinusumbat sayo, ng walang masamang sinasabi sayo. Miss na miss ko na ang maramdaman na kabilang sa sa mga taong ito. Wala na ako para sa mga Montefalco kaya sisikapin kong tatanggapin ako ni lola sa mga Ty. Just her approval and I’m good. Kasi pakiramdam ko sa oras na tanggapin niya ako, tatanggapin ako ng mga tito at tita ko.

“Hindi ba pwedeng mahalin ang dalawa? It’s not the same love, Rix.” Hindi ko siya binalingan.

“What if, Klare?”

Hindi ako nagsalita. Napili ko na ang pamilya ko noon. Ngayon, aminado akong uhaw ulit ako sa pagmamahal ng isang pamilya. Gagawin ko ang lahat para lang maging masaya si lola. She better not make me choose.

“Rix, kung ikaw ang nasa lugar ko. Marami na kaming napagdaanan ni Elijah. Mahal ko ang pamilya ko, pero kung mahal nila ako, tatanggapin nila kung sino ang mamahalin ko.”

Hindi siya nagsalita. Diretso parin ang tingin niya sa kalsada.

Hindi na rin ako nagsalita. Natatakot ako sa lahat ng sinabi ni Hendrix. Siguro ay hindi ko na nga lang talaga muna ipapakilala si Elijah kay lola. Papa would be enough. And we’ll tell him about our problem. Maiintindihan niya kaya kami? I guess. Papa’s understanding.

Pagkarating namin sa airport, agad agad akong pumila papasok. Pinapanood ako ng mga kapatid ko sa pila. Parehong bigo ang mukha nila samantalang ngiting ngiti ako habang kinakawayan ko sila.

Totoong kinakabahan ako pero alam ko sa sarili kong hindi ako bibitaw kay Elijah kahit anong mangyari.

Nagmamadali ako papasok. Hindi ko na pinuna ang mga detalye sa buong airport dahil mali-late na ako at sobrang excited ko ng makasama si Elijah.

Tinakbo ko ang gate 4, kung saan naroon ang flight patungong Davao. Nakita kong isang tao na lang ang pumapasok at alam kong pumasok na ang lahat sa eroplano bukod sa akin. Inabot ko kaagad ang ticket ko at tumatakbo ako papasok ng eroplano.

Memoryado ko na ang seat number ko at half running kong tinahak ang center para makarating sa upuan ko.

Hinihingal na ako at mabilis ang pintig ng puso ko habang unti unti kong naaaninag si Elijah sa tabi ng bintana, naka earphones, pinaglalaruan ang lower lip, at pinapanood ang mabigat kong pag hinga.

Unti unti kong tinigil ang pagkakataranta ko. Sising sisi agad ako na tumakbo ako ng ganon ka layo at ngayon ay pawis na pawis na. Inayos ko ang buhok ko at pinunasan ang medyo pawis kong noo. Umayos siya sa pagkakaupo at tumabi ako sa kanya.

“You want to sit here? I’ll move.” Aniya.

“Uhm, okay.” Halos manginig ang labi ko sa sagot ko.

Umupo muna ako para makadaan siya tsaka ako lumipat sa inupuan niya kanina. Naaasiwa akong umupo doon at hinintay ko ang pagbabalik niya. Pareho kaming naka jacket. Siya ay nakaitim na jacket, samantalang ako ay naka kulay grey.

Sumalampak siya sa upuan at naamoy ko ulit ang pamilyar niyang bango. I miss him. I miss him so much.

“Wa-Wala bang tauhan ni tito dito?” Tanong ko.

“Wala.” Aniya.

“Paano nangyari?” Tumingin ako sa kanya at nagulat ako dahil malalim na ang tingin niya sa akin.

Tumindig ang balahibo ko. Bawat hibla sa aking katawan ay nagising dahil sa titig niya.

“Inutusan ni Rafael na huwag ka ng sundan. Tsaka na pag balik mo dito.” Aniya. “May lead silang nasa Cagayan de Oro lang ako.”

Tumango ako.

Nilagay niya ang kanyang braso sa likod ko at hinila niya ako palapit sa kanya. Naramdaman ko ang ilong niya sa pisngi ko. Hindi ako makagalaw. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga. Lahat ng demonyong nanahimik sa aking tiyan ay muling nabuhay.

“I missed you so much. Kahit nakikita kita halos araw araw sa school niyo, miss na miss parin kita ng sobra.”

Nanlaki ang mga mata ko. “N-Nasa school ka?”

Bumuntong hininga siya. Tinagilid ko ang aking ulo dahil sa kiliting naramdaman. “It’s torture. Makakapatay ako ng tao pag minamahal kita sa malayo. I won’t do it again. Pagbalik natin galing Davao, we’ll both face our family. This time, pag hindi parin sila pumayag. Will you run away with me?”

“We shouldn’t run. We can live near them, Elijah. I can’t… I can’t do that. Mahal ko ang pamilya natin at dapat ganon ka rin. But I’ll be with you. We shouldn’t run, alright? Pero pag wala na tayong choice, then I’ll run with you. Kahit na masakit. I’ll run with you.”

Kinagat niya ang kanyang labi at niyakap niya ako ng mahigpit. “I’m sorry, baby. Pero mahal na mahal lang talaga kita at hinding hindi ako mapipigilan.”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]