Kabanata 49
Okay
Kung walang kumatok sa pintuan namin ay hindi ako magigising. Masyadong komportable ang pakiramdam ko habang natutulog. Wala akong inalalang problema kahit marami parin ako non. Siguro ay natuto ko ng tanggapin na may mga bagay na hindi ko na talaga mababago. Ang tanging magagawa ko na lang ay ang pahalagahan ang mga taong sumusuporta sa amin.
Malalim ang hininga ni Elijah nang bumangon ako dahil sa kumakatok. Nakahiga na pala ako sa braso niya, hindi ko namalayan. Siguro ay kalagitnaan kagabi ay gumalaw ako at naipatong ko ang ulo sa kanyang braso. Kinusot ko ang mga mata ko at nilingon ko siya. Laking gulat ko nang nalamang gising na pala siya!
“Good morning!” Napapaos ang kanyang boses at itinukod niya ang kanyang siko sa kama, nilagay ang baba sa kanyang kamay.
Uminit ang pisngi ko at narealize na kahit bagong gising ay matingkad parin ang kanyang kagwapuhan. Sa gitna ng mapupungay na mga mata at napapaos na boses ay sobrang kisig niya parin. Kamusta naman kaya ang mukha ko?
Dumapo ang kamay ko sa aking mga mata para icheck kung may muta ba ako. Nilinis ko iyon at mas lalong nahiya.
“K-Kanina ka pa gising?” Tanong ko.
Biglang lumakas ang katok sa pintuan. Pumikit si Elijah na para bang naiirita sa kumakatok.
“Medyo. Ayoko lang maistorbo ang pag tulog mo.” Aniya at mabilis na bumangon para lapitan ang pintuan.
Nakita kong alas otso na ng umaga. Medyo kumakalam na ang sikmura ko at tingin ko ay kailangan naming bumaba sa restaurant nila para kumain.
“Go away, Azi!” Sigaw ni Elijah sa pintuan at mabilis niyang sinarado.
Hinampas pa ni Azi sa labas ng isang beses bago siya tumigil. Kumunot ang noo ko at napatingin ako kay Elijah.
“Ano daw sabi?” Tanong ko.
“Kanina pa kasi kumakatok sina Chanel dito. Maaga daw kayo ngayon para maghanap ng dress sa Abreeza. Si Azi na ang inutusan nila ngayon para gisingin ka.” Umirap si Elijah.
“Ganon ba?”
Tumayo agad ako at hinablot ang tuwalya para makaligo at makapag bihis na. Ngayong maayos na ulit kami ni Erin ay determinado akong panatilihin namin ang status na iyon. Hindi ako pwedeng mag pa importante. Alam kong mahalaga sa kanila ang susuotin namin mamayang gabi kahit na hindi ko nakikita ang kahalagahan non.
“Relax, Klare.” Saway ni Elijah pagkatapos kong sinarado ang pintuan sa banyo.
Mabilis akong naligo at nagbihis sa loob ng banyo. Si Elijah ay nanonood lang ng TV at humihikab, pinapanood akong natataranta.
“Mag bi-breakfast muna tayo.” Aniya. “Sinabi ko sa kanila na by 9, nasa restaurant na dapat tayong lahat. That can wait, Klare.”
Tumango ako at umupo sa sofa nang siya naman ang naligo.
Nang nag alas nuwebe ay bumaba na kami ni Elijah kasama sina Pierre at Hendrix. Anila’y nauna na ang mga pinsan ko sa baba dahil ginugutom na sina Damon, Knoxx, at Josiah. Humihikab si Pierre sa loob ng elevator habang si Hendrix naman ay kausap si Elijah tungkol sa damit na susuotin nila mamaya.
“Uuwi na rin muna kami ni Pierre pagkatapos kumain. Babalik kami mamayang hapon.” Ani Hendrix.
Tumango si Elijah. “We’re probably going out with the girls. Hindi pwedeng sila lang.”
Kaya habang kumakain kami sa restaurant ay napagkasunduang sasama ang boys sa Abreeza pero kami lang ang pag ha-hunting ng maisusuot. Ayaw kong gumastos ng mahal kaya siguro simple at mura lang ang bibilhin ko. Si Claudette ay determinadong makakuha ng damit na maganda kahit na magkano, ganon din si Chanel at Erin.
Ang mga boys ay gagala lang daw sa mall at siguro ay mag ha-hunting ng girls. Mas gusto nilang mag chill kesa sa sumama sa amin na nakanganga sa bawat boutique na bibisitahin.
Sa mataong mall ay gumala ang mga mata namin. Halos katulad din ito ng mga mall sa Cagayan de Oro, mas matao nga lang.
“Sasama ako sa kanila.” Ani Elijah sabay turo sa amin.
Mabilis akong umiling. Alam kong ayaw niya lang na iwan ako pero para sa akin ay mas mabuting sumama siya sa boys. Ma bo-bore lang siya habang naghahanap kami ng damit.
“What the fuck, dude?” Angal ni Azi.
“Hindi kami tumututol, Elijah, pero grabe ka naman. Masasakal si Klare niyan. Ultimo paghahanap ng damit niya, sasama ka pa.” Ani Josiah.
Nalaglag ang panga ni Elijah at luminga siya sa akin.
“Anong susunod, dude, lalagyan mo na ba ng red carpet ang nilalakaran ni Klare, tas papaypayan mo na siya at bibigyan ng lemonade?” Tumawa si Azi.
Bumaling si Elijah kay Azi at tinuro niya ito. “Shut up or I’m gonna punch you.”
Napawi ang ngiti ni Azi. “Joke lang ‘yon!”
Kinagat ko ang labi ko at hinila si Elijah palayo sa kanila. Nag uusap na sina Claudette at Erin sa route namin ngayong araw. Tinitingnan nila ang mapa ng mall.
“Elijah,”
“So what if I’m smitten? Fuck, Azi. Pag siya nag mahal, maliligo siya ng bara sa akin.”
“Eh kasi mas maganda sana kung sumama ka na lang muna sa kanila. You know, mahirap ‘tong gagawin namin. You know Erin at Chanel. Grabe kung makapag shopping. Ma bo-bore ka lang. Tsaka, kailangan ko rin makipagbonding sa kanila. It’s been a long time since nagkaganito ulit kami.”
“Nasasakal ba kita?” Nanliit ang mga mata niya.
Ngumuso ako para magpigil ng ngisi pero hindi ko maiwasan ang pag angat ng labi ko. He’s so cute! Lalo na pag seryoso, galit, o frustrated. Hindi talaga ako magsasawa sa kanya.
“Klare, nasasakal kita?” Tanong niya ulit.
Umiling ako ng nakangisi.
Pumikit siya ng mariin. “Okay.” Bagsak ang kanyang mga mata sa baba. “Okay, I’ll calm down. I don’t want to lose you over my possessiveness.” Tinalikuran niya ako.
“Hey, Elijah. Hindi ako nagrereklamo.” Sabi ko.
Bumaling ulit siya sa akin. “Ayokong umabot tayo sa puntong mag rereklamo ka na.”
Dumiretso siya sa paglalakad kina Josiah. Umirap si Josiah nang nakita niya si Elijah.
“If you’re going to be motherfucking sad with us, then go ahead! Sumama ka kay Klare.”
Tumawa si Damon at Knoxx sa sinabi ni Josiah. Bumaling si Elijah sa akin at ngumisi. Ipinakita niya ang cellphone niya sa akin. Tumango ako at ngumisi din pabalik.
Paano ‘yon? Wala akong number niya? Kinuha ko ang cellphone ko nang nakalayo na sila at nakita kong may message na doon galing sa hindi kilalang number. Alam ko kaagad na kay Elijah iyon galing.
Elijah:
Baby, I’m really greedy. And I’m completely drawn to you. 🙁 Gusto ko sa akin ka lang. And I’m really sorry about that.
Humampas ang puso ko sa aking dibdib, malakas at mabilis. Damn, Elijah. Bakit ka nagsosorry gayong gustong gusto ko ang ginagawa mo?
Ako:
Gusto ko rin na sa akin ka lang. Don’t worry.
Elijah:
Talaga? Can I hear you say it, please? Yong boses mo talaga. Where are you?
Natawa ako sa kanyang kabaliwan. Hindi pa nag sasampung minuto na magkahiwalay kami ang naghahanap na agad siya sa akin. Hinayaan ko siyang maghanap habang kami ay patuloy rin sa paghahanap. Impyerno siguro ang pakiramdam nina Azi ngayon dahil kay Elijah.
Alas dos na nang nakahanap si Chanel ng kanyang damit. Kanina pa kami nakahanap ni Claudette. Kulay grey ang kay Claudette na spaghetti strap. Kay Chanel ay tube na kulay green. Ang akin ay kulay puting spaghetti strap. Si Erin na lang ang walang mahanap.
“Nevermind.” Ani Erin sabay hila sa kamay ko at kamay ni Claudette.
“May dala ka bang dress or anything?” Tanong ni Chanel kay Erin nang papunta na kami sa coffee shop kung saan ang mga boys.
“Meron pero pang beach ‘yon. Inisip ko kasing pupunta tayo ng Samal.” Humagikhik si Erin.
“Ha? Edi anong susuotin mo mamaya?” Tanong ni Claudette.
Ipinagkibit balikat lang iyon ni Erin. Hindi ko maintindihan kung bakit wala lang ito sa kanya gayong siya ang excited na mamili kami ng damit. Kinailangan na naming umuwi dahil alas tres ay mag hahanda na kami para sa party.
Nakita ko kaagad ang kislap sa mga mata ni Elijah habang pinapanood akong pumapasok sa loob ng flowershop. Uminit ang pisngi ko at nag iwas ako ng tingin sa kanya.
“Marco Polo na tayo.” Sabi ni Knoxx.
Tumayo na ang mga boys, ang presensya nila ay nagpapasikip sa buong coffeeshop. Ang mga mata ng mga tao ay nasa kanilang lahat. I wonder what’s with them?
Nagkahiwalay kami sa parking lot. Syempre, kay Elijah ako sumama. Tahimik siyang pinapanood ang bawat kilos ko. Tahimik rin akong sumasakay sa kanyang sasakyan.
“You say it.” Utos niya.
“Ano?” Kahit alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.
PInaandar niya ang sasakyan dahil nahuli na kami. Umalis na silang lahat.
“Na gusto mo sa’yo lang ako.” Aniya.
Ngumisi ako. Hindi ko alam kung bakit big deal sa kanya ang sabihin ko iyon. Malaki agad ang ngiti niya nang narinig akong sinabi iyon. Hanggang sa Marco Polo ay damang dama ang maganda niyang disposisyon.
“Bah!” Tumatawa si Azi nang napansin ang ngiti sa labi ni Elijah.
Umiling na lang ako at umirap. He’s crazy. Napatingin si Azi sa akin, mabilis akong nag iwas ng tingin.
Papasok kami sa mga room namin. Hinila agad ako ni Chanel.
“Dito tayo sa room namin. Make up and all. You know?” Ani Chanel kaya napatingin ako kay Elijah na nakangiting tumango.
Ngumisi ako sa kanyang reaksyon.
“Ano kayang nangyari.” Humalakhak si Azi at nagyayang mag swimming sa kanilang lahat.
Pagkapasok ko sa room nina Claudette, Chanel, at Erin ay naabutan kong nakalatag na ang mga damit namin sa kama. Kasing laki ng room nila ang room namin ni Elijah.
“Unang mi-make up-an ay si Claudette.” Sabi ni Chanel.
Umupo si Claudette at hinayaan niyang make-upan siya ni Chanel at Erin. Naligo ako naman muna ako bago ko sinoot ang dress na nabili ko sa Abreeza.
Nang natapos si Claudette ay tinuro nila ako bilang susunod na mi-make upan. Umupo ako sa upuang binakantehan ni Claudette. Si Chanel ay lumapit sa kanyang naka charge na cellphone at si Claudette ay inaayos ang suot niyang damit.
Habang inaayos ni Erin ang BB Cream sa aking mukha ay may kumatok sa pintuang nakaharap sa akin. Hindi na non hinintay na may magbukas, binuksan na ng kumakatok ang pintuan at nagulat ako nang tumambad si Hendrix na may dalang itim na dress, nakasabit sa hanger.
“Here’s the dress. Is this okay?” Ani Hendrix.
Napaturo ako sa aking sarili. Hindi kasi ako sigurado kung sino ang kanyang kausap.
“Ilagay mo lang diyan.” Sagot ni Erin.
Tumingala ako kay Erin na hindi makatingin kay Hendrix. Bumaling ulit ako kay Hendrix na nagkakamot sa kanyang ulo. “Is this okay? Do you like it?”
“Basta, ilagay mo lang dyan.” Sagot ni Erin.
Nagkatinginan kami ni Claudette.
“Uh, okay.” Sabi ni Hendrix at nilapag ang magandang dress sa kama. Bumaling siya sa akin. “You hungry, Klare?”
Nautal ako sa pag sagot. Hindi ko alam kung bakit. “N-No. Kumain naman kami sa labas.”
Tumango si Hendrix at umambang lalabas na sa aming room. “Let me know if you need anything. Si Pierre ang maghahatid ng masks.” At umalis.
Binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Gusto kong magtanong kay Erin kung nagkakausap ba sila ni Hendrix o ano pero natatakot akong magalit siya sa tanong kong iyon. Si Claudette ay nakatitig na ngayon sa cellphone niya at si Chanel ay parang walang napapansing kahit ano. Weird.
Nang dumating na ang mga masks namin ay kinabahan na agad ako sa mga mangyayari. Alam kong mas maayos ako ngayon dahil kasama ko ang mga pinsan ko pero kinakabahan parin ako tuwing naiisip ko si Ama.
Titig na titig si Elijah sa akin nang papasok ako sa kanyang sasakyan. Makisig siya sa kanyang suot na tux at inisip kong hindi kaya siya mapagkakamalang escort ng debutant? Pumasok din si Claudette at Azi sa aming sasakyan dahil ang kanilang sasakyan naman ngayon ang pinatingin.
Maingay ang byahe patungo sa hotel kung saan ang venue dahil kay Elijah at Azi. Kinakabahan naman ako sa mga mangyayari.
Nang nasa parking lot ay nilapitan kaagad ako ni Pierre para sabihing papunta na rin si papa.
“This is the plan, Klare.” Ani Hendrix. “Lalapit kami kay dad. Isasama ka namin. I’m sure dad will confront ama-“
“Rix, baka masira ang partyni Cristine.” Saway ko.
Umiling siya. “Sasabihin ko kay dad na sa labas na lang tayo makipag usap. We’ll also need Elijah and Selena. And we think si Elijah lang ang makaka kumbinsi kay Selena na sumama sa kanya sa labas. But I can’t assure you that we’ll convince ama about this.”
Tumango ako. “Alam ko ‘yon. Gusto ko lang linisin ang lahat ng gulong ito. Gusto kong malaman ni Ama na wala na si Elijah at Selena. I want to thank Selena dahil pinagtakpan niya kami. I want to say sorry, too. At gusto ko ring magpaalam kay papa. We’re leaving tomorrow. We’ll face the Montefalcos.” Sabi ko.
“Wala ka ng magiging problema sa Montefalco, Klare.” Ani Knoxx.
Napatingin ako sa pinsan ko.
“Anong magagawa nila kung suportado namin kayo. Wala na. Dad will probably just back off. Baka nga ipakasal niya pa kayo.”
Napangiwi ako habang iniisip na ipapakasal kami ni Elijah at papangunahan iyon ni tito Azrael.
“Tama si Kuya, Klare.” Ani Claudette. “And tita Beatrice doesn’t have a problem with you two. Kaya paniguradong pati si tito Exel.”
“At basta mahanap lang si Elijah ay maayos na kay dad.” Ani Rafael. “So… this will be a piece of cake. Besides, kung ayaw parin nila, isama niyo kami sa tanan.”
Humagalpak silang lahat sa sinabi ni Rafael. Gumaan ang pakiramdam ko at inisip kong ang mga Ty na lang talaga ang haharapin ko.
Sinuot na namin ang mga maskara at pumasok na kami sa loob. Halatang halata na hindi kami kilala dahil lahat ng ulo ng mga nandoon ay nakatoon na agad sa amin sa pagtataka kung sinu-sino kami. Naka maskara din sila pero ang iba sa kanila ay walang pakealam kung makita ang mukha nila. Habang kaming lahat ay maingat na sinusuot ang mga maskara para hindi mamukhaan.
Umupo kami sa pinakamalayong table ayon sa inutos ni Hendrix. Gusto ko sanang tahimik kaming lahat para hindi kami mahalata ngunit sadyang hindi mapigilan ang mga bibig ng mga pinsan kong nakukuha pang magbiruan.
“May chix.” Bulong ni Josiah sabay siko kay Elijah.
“Asan?” Sagot ni Rafael.
Itinuro nila ang isa sa mga pinsan kong medyo maypagka revealing ang suot na deep v-neck dress.
“Hindi naman yan chix.” Sagot ni Elijah sabay halukipkip.
Kahit na gumagala ang mga mata ko para tingnan ang kabuuan ng angkan ng mga Ty ay hindi ko maiwasang pakinggan ang pinag uusapan nila. Masyadong mukhang importante ang bawat tita at tito ko habang naglalakad sa red carpet ng malawak na venue’ng ito. Mas malawak pa ito sa naging venue ng debut ko noon sa Xavier Estates. Kulay violet ang mga roses at ang mga balloons na nasa gitna. May upuang kulay violet din sa stage na wala pang umuupo. Doon siguro uupo si Cristine.
“Wag mong kausapin si Elijah. Wala yang nakikita kundi si Klare.” Sabi ni Azi.
Nag asaran pa sila at nangatwiran pa si Elijah na totoong hindi naman iyon maganda. Binalewala ko sila. Siguro ay kinakabahan din ang girls dahil tulad ko ay pinagmamasdan nila ang galaw ng mga tao.
“This is kinda scary.” Utas ni Chanel nang dumating ang aking lola na pinapaligiran ng mga tita at tito ko. Naroon din ang iilang matatandang Ty na hindi ko parin na kikilala hanggang ngayon. Siguro ay kapatid ng lolo ko dahil masyadong respetado at importante.
Napalunok ako. Nahihiya ang chinita kong mata at puting kutis ko sa mas chinitang mga mata ng pinsan ko at mas maputing balat nila. I don’t belong. Parang ang layo ng agwat ko sa kanilang lahat. Lalo na pag nag ma-mandarin na sila.
Nag serve muna ng pagkain bago nagsimula ang programme. Halos wala akong makain sa sobrang kaba lalo na nang kalagitnaan sa aming pagkain ay pumasok si papa kasama ang dalawang bodyguard at si tita Marichelle sa kanyang braso.
Naka tux si Papa at si tita Marichelle naman ay naka kulay violet na dress. Walang maskara ang dalawa. Si tita Marichelle ay may dala ngunit hindi niya iyon sinuot. Tumayo agad ang dalawa kong kapatid para salubungin si papa. Halos hindi niya pansinin ang dalawa nang sinuyod niya ang table ng mga kapamilya. Napatingin ang nakapamaywang na si Pierre sa akin at si Hendrix ang nagpapaliwanag. Siguro ay hinahanap niya ako.
Gumapang ang kaba sa akin. Lalo na nang sinalubong din siya ni lola. Binuksan ni lola ang kanyang pamaypay at nakangiting hinawakan ang braso ni papa. Itinuro niya ang mesang para sa kanila. Nakita kong nag iwas ng tingin si Hendrix kay lola at si Pierre naman ay si papa lang ang pinapanood.
Ilang sandali ang nakalipas ay pumwesto na si papa sa presidential table nila kasama si Hendrix at Pierre. May ibinulong si Hendrix sa kanya at napatingin siya sa aming table, tila may hinahanap.
“Klare, hanap ka ata ng daddy mo.” Sabi ni Claudette.
Tumango ako at nanatiling nakaupo. Ayaw kong mahalata ni lola na nandoon ako. Hindi ko alam kung paano pinaliwanag ni Hendrix ang nangyari pero nagpapasalamat akong walang gulong nangyayari.
Dumating na si Cristine, suot suot ang kanyang kulay violet na ball gown kasama ang kanyang escort na si Jesse Co. Hindi man lang siya ngumingiti ngunit naghihiyawan ang buong angkan. Nagpalakpakan at panay ang click ng mga camera lalo na nang sinuot niya na ang kanyang napakagandang maskara.
Halos hindi na ako mapakali. Nag enjoy ang mga pinsan ko sa panonood ng programme. Panay pa ang side comments ng mga boys tungkol sa misteryosang pinsan ko na naka maskara dahil mukha rawng maganda.
“Hey…” Bulong ni Elijah nang nagsimula na ang huling parte ng party.
“Hmmm?” Hindi ako makatingin sa kanya dahil kabadong kabado parin ako.
“Lalapitan ko na si Selena.” Hinalikan niya ang aking balikat.
Natunaw ako. Batid ko na nanonood sa amin si Erin at Chanel. Ayaw kong makita nila kaming sobrang sweet. Alam kong kahit na hindi na sila tutol ay hindi ibig sabihin na tanggap na nila kaming ganito sa isa’t-isa.
Tumango ako.
“Will you be okay?” Tanong niya.
Tumango ulit ako. “Lalabas na ako pagka senyas ni Hendrix. Isasama nila si papa at si lola.”
Tumango si Elijah at hinawakan ang kamay ko. “I’ll be there. Saglit lang ito.” Sabi niya.
Napalunok ako at mas lalong humampas ang puso ko sa aking dibdib nang tumayo ang tatlo sa presidential table. Napangiwi si tita Marichelle nang inayos ni papa ang kanyang sleeves at tinatapik siya ni Hendrix, iminumuwestra ang isang pintuan sa backstage.
Tumayo na rin si Elijah at nakita kong napatingin agad si Selena sa kanya. Umawang ang labi ni Selena, natigilan nang nakita niya ang kanyang ex sa party ng pamilya nila.
“Sama ako, Ej.” Sambit ni Erin.
Tumayo na rin ako nang nakitang lumabas na si papa sa pintuang iyon. Parang lumulutang ang aking mga paa habang naglalakad patungo doon. Hinahabol ko ang hininga ko sa sobrang kaba. Nakita kong tumayo ang natatawang si lola habang hinahawakan ni Pierre ang kanyang kamay. Syempre, papayag siya pag ang lalapit sa kanya ay ang kanyang paboritong apo.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]