Kabanata 48
Sleep
Hindi rin nagtagal ay pumasok si Pierre sa kwarto. Nakabihis na siya at mukhang bagong ligo pa. Hindi tulad ni Josiah, hindi niya ininda na naabutan niya kami ni Elijah na malapit sa isa’t-isa.
Mabilis niyang binuksan ang TV. Nakatingin kaming dalawa ni Elijah sa kanya. Umupo siya sa tabi ni Elijah at nag scan ng channels. Nanatili ang kanyang mga mata sa TV at walang imik. Ngumuso ako dahil medyo natatawa ako sa pagiging walang pakealam ni Pierre.
“Asan na mga pinsan mo, Klare?” Tanong niya, hindi parin inaalis ang mga mata sa TV.
“Nasa mga kwarto pa nila. Nagbibihis.” Sabi ko.
May narinig kaming kumatok sa pintuan. Mabilis na tumayo si Pierre at nagtungo sa pintuan namin. Bumaling si Elijah sa akin at ngumiti.
“Must be the food.” Ani Elijah.
Tama siya. Dumating na nga ang inorder na mga pagkain ni Damon para sa aming lahat. Hindi nagkasya sa table ang lahat ng pagkain, kinailangan pang kunin ni Pierre ang table sa balcony at ang coffee table malapit sa kama. Nag offer naman ang mga waiter na naghatid na sa restaurant ng Marco Polo na lang daw kami kumain kaya lang ay tingin namin ay huli na ang lahat. Naihatid na ang pagkain at nagkasundo na kaming doon nga kakain lahat.
Naging busy kami sa pagkakasya ng mga pagkain sa mesa. Dumating si Hendrix na bagong ligo din at naka itim na sleeveless shirt at kulay blue na shorts. Tumulong siya sa pag aayos.
Maingay nang dumating si Azi, Knoxx, at Josiah. Wala silang ginawa kundi ang suriin ang mga pagkaing naroon. Pinaalam din ni Josiah na paparating na rin ang beer na inorder nila. Nagkasundo din silang doon na sa balcony mag inuman at mag usap-usap. Sa bagay, matagal na silang hindi nakakapag usap. Mahigit dalawang buwan din kasi nilang hindi nakasama si Elijah kaya ayos lang naman siguro. Isa pa, gabi pa naman ang party kaya hindi namin kailangang gumising ng maaga kinabukasan.
Nagkaasaran ulit ang mga pinsan ko. Sinasali pa nila ang tumatawang si Hendrix samantalang nakatoon ang pansin ni Pierre sa TV.
“What the heck is that?” Utas ni Azi sabay turo sa TV.
Nasa Channel V iyon at ang puro tugtog ay mga Korean songs. Naaalala ko tuloy si Claudette.
“Walang matinong channel.” Ani Pierre habang nakapangalumbaba.
“Ganito na nga sa bahay, ganito pa dito?” Reklamo ni Azi.
Binigay ni Pierre ang remote kay Azi. “Find a good channel, then.”
Umaliwalas ang mukha ni Azi at tumingin agad siya kay Elijah. Umangat ang labi ni Elijah at sumulyap sa akin. “I know what you’re thinking, Azi. Stop it.”
Binatukan ni Josiah si Azi. “Gago! Walang ganon dito! This is not a motel, you idiot!”
Nagtawanan silang tatlo. Tumawa rin si Hendrix kasama sila. “Wala atang ganon dito.” Ani Hendrix.
“Give me the remote, Azi.” Utos ni Josiah habang nakakahilong ni-scan ni Azi ang bawat channel sa pag hahanap ng kung anong kabulastugan.
“Walang porn dito. If you really want, search mo na lang sa phone mo.” Tumawa si Elijah.
“Desperate shit!” Sabay kuha ni Josiah ng remote kay Azi.
Ngumiwi si Azi. “I’m not desperate. Kayo? Ang paplastic niyo? Puro kayo mga pa virgin! Lalo ka na Elijah!”
Muntik na akong sumabog sa kakatawa. Alam ko. Alam ko naman kung ano ang mga kabulastugan nilang lahat pero bakit ngayon parang tinatago na ni Elijah sa akin.
“Shut up, Azi.” Ani Elijah.
“Ah! TWD.” Ani Josiah at umupo sa sofa.
Napatingin ako sa TV kung saan ang palabas ay iyong isang popular na american series na tungkol sa pamumuhay ng mga tao sa gitna ng zombie apocalypse.
“TWD? The White Dick?” Utas ni Azi habang umuupo sa tabi ni Josiah.
Napatingin si Josiah sa litong mukha ni Azi. “The Walking Dead, fucker!”
Mabilis namang tumama ang unan sa mukha ni Azi galing sa kay Elijah. “Damn, Azi. Anong pinapanood mo sa inyo? Puro ba porn? Ewan ko sayo!” Humalakhak si Elijah at lumapit sa sofa na inuupuan ko.
Ilang mura pa ang narinig ko galing sa kanila. Asaran dito, asaran doon. Nakakasabay na rin si Hendrix sa kanila. Si Pierre ay tumatawa lang kasama nila.
“Gutom na ako.” Reklamo ni Josiah.
Mabuti na lang at ilang sandali ang nakalipas ay dumating na si Knoxx, Rafael, at Damon kasama ang girls. May dala dala silang beer. Hindi ko alam kung sa hotel ba nila iyon binili o sa labas na.
“Kain na tayo!”
Syempre, maingay kaming lahat sa buong room. Hindi ko lubos maisip kung paano kami nakakaistorbo sa mga katabing suite. Pinaalalahanan naman ako ni Elijah na sound proof daw ang mga rooms. Pero tingin ko ay hindi kaya ng sound proof ang ingay namin.
Pinili ng mga boys na sa balcony mag inuman. Kahit na halos hindi sila magkasya doon ay pinilit nila ang mga sarili nila. Lalo na’t may mga smokers sa kanila, kinailangan nila ang open space habang nag iinuman.
Noong una ay kasali pa kami ng mga girls doon. Napansin ko ang malakas na pag inom ni Claudette. Tatlong bote agad ang natapos niya habang kalahati pa lang ako sa bote ko.
“Anyare? Got a problem, missy?” Tawa ni Erin habang inuubos ang iisang bote niya.
Nilagok ni Claudette ang kalahati ng pangatlong bote at ngumiwi siya pagkatapos.
“Para makatulog ng mabuti.” Paliwanag ni Claudette.
“Ako, di ko kailangan ng beer. Makakatulog ako ng mabuti ngayon dahil pagod ako.” Wika ni Chanel.
“Alcohol poisoning…” Singit ni Pierre.
Matalim ang titig ni Claudette sa kapatid ko pagkatapos ng sinabi niya.
“Hindi pa naman ako mamamatay nitong tatlong bote. God!” Umirap si Claudette at nag excuse para daw mag CR.
“She’s probably going to puke.” Umirap din si Pierre nang wala na si Claudette.
“No.” Sagot ni Knoxx. “You’ll need Jim Beam to make her puke.” Binuga ni Knoxx ang usok ng kanyang sigarilyo habang tinititigan si Pierre.
“Yeah right. This is a family of party and booze.” Sabi ni Pierre.
Kinabahan agad ako dahil baka mamaya ay magalit si Knoxx sa sinabi ni Pierre. Kilala ko pa naman si Knoxx. Mas malalim siyang magalit kumpara kay Azi. Tinitigan ko ang nakatayong si Knoxx sa balcony. Nakahilig siya sa railings at humahalakhak sa sinabi ni Pierre.
“And a primitive mind to make her puke, too.” Nagtaas ng kilay ni Knoxx kay Pierre.
Ngumuso si Pierre at nanahimik sa kanyang upuan.
“Come on, man. Don’t be too stiff.” Sabay tapik ni Josiah sa balikat ni Pierre.
Kumuha si Pierre ng isa pang bote ng beer. Umangal agad ako.
“Pierre, wag kang makisabay. Just let them be.” Sabi ko habang pinapanood siyang ngumingiwi sa pangatlo na niyang beer. “Sanay ang mga iyan. They’re bad influence.”
“Ouch!” Halakhak ni Azi at Elijah sa tabi ni Knoxx.
Nakahilig si Elijah, Azi, Knoxx, at Hendrix sa railings. Si Rafael naman ay nakaupo at naninigarilyo sa tabi ni Elijah. Si Damon ay umiinom pero cellphone ang inaatupag. Si Josiah at Pierre ay malapit sa pintuan. Kami nina Erin at Chanel ay nandon rin sa tabi ni Josiah at Pierre.
“How bout me, Klare? Di mo ba ako pagbabawalan?” Sabi ni Elijah.
Lumakas ang tawa ni Azi na para bang may kumikiliti sa kanya.
Uminit ang pisngi ko lalo na nang nanahimik silang lahat at ang tawa lang ni Azrael ang umalingawngaw.
Kumunot ang noo ko kay Elijah. Kumindat siya sa akin. Nakakahiya naman ito!
Pekeng umubo si Chanel at mariing pumikit. “Wag ka ng uminom, Elijah. Makakasama yan sa atay mo.” Nakangising sinabi ni Chanel.
Napapikit ako sa kahihiyan. God! I can’t take this! Nakakainis si Elijah! Hindi ba siya nahihiya sa mga pinsan namin. Alam kong alam na ng lahat at tanggap na nila pero hindi ko parin kayang gawin ang mga sinasabi ni Elijah.
“Uh…” Tumayo ako at natumba ang beer na nasa mesa kaya natapon iyon.
Tumayo din si Erin at Chanel sa takot na mabasa sila ng beer. Shit! I’m panicking! Dammit, Elijah!
“Easy, Klare.” Sabi ni Pierre at pinatayo ang bote.
“I… Uhm… Inaantok na ako.” Sabi ko.
“Tissue oh.” Sabi ni Chanel sabay punas sa natapong beer.
Dahil sa kahihiyan ay hindi ko na nagawang tingnan silang lahat. Nagpaalam na lang ako na maliligo para makatulog na. Nabigo si Chanel at Erin sa sinabi ko dahil gusto pa nilang makipagkwentuhan kaya sinabi ko sa kanilang mag kwentuhan kami sa kama.
Nagsusuklay ng buhok si Claudette sa kamay nang umupo si Erin at Chanel doon. Kinuha ko ang tuwalya para makaligo na. Binilisan ko dahil sabik din akong makausap silang tatlo.
Naabutan ko silang naghahagikhikan sa kama. Naka pajama na ako at gumapang na agad sa tabi ni Claudette. Pinasadahan ako ng tingin ni Erin at ngumuso siya.
Inubos namin ang isang oras para mag usap tungkol sa nangyari noong nagpunta ako sa bahay nina Pierre at Hendrix at naabutan doon si Selena. Mas detalyado at mas naintindihan ng apat ang nangyari. Ang sumunod na trenta minutos ay naubos dahil sa pagsasabi ni Erin na kailangan naming maagang magising para i-check kung may dress bang magaganda sa Abreeza para sa party.
“Erin, hindi yon party natin. Joiner lang tayo.” Paaalala ni Chanel.
“Anong gusto mo, ate? Dahil joiner tayo, magmumukha na tayong taong grasa? No way.” Umirap si Erin.
“Erin’s right, Chan. Party parin iyon. Mas maganda kung makiblend in tayo para hindi tayo mahalata.”
Nahuhulog na ang mga mata ko. Nakaupo sila sa kama at nagtatawanan kasabay ng asaran at tawanan ng boys sa balcony. Nakahiga ako at inaantok na talaga.
Humikab si Chanel at nagpaalam na maliligo na sa kwarto nila. Si Claudette naman ay hindi mapakali sa low batt niyang cellphone at sa puno naming mga outlet. Dito na rin kasi sila nag charge ng mga gadgets kaya kinailangan niyang bumalik sa kwarto nila para makapag charge.
Si Erin na lang at ako ang natitira. Humiga siya sa tabi ko. Imbes na antukin ako ay agad akong kinabahan.
“Klare…” Ani Erin, pareho kaming nakatingin sa magandang disenyo ng kisame.
“Hmm?”
“Sorry sa lahat.”
Mas lalong nawala ang antok ko sa sinabi niya.
“Sorry kay Eion. Sorry dahil sinabi ko sa kanya. Do you trust him?” Bumaling siya sa akin.
Tumingin din ako sa mapupungay niyang mga mata. “He’s my friend.”
Tumango siya. “Hindi niya sasabihin yon kahit kanino. I’m really sorry. I’m just desperate that time.”
Tinikom ko ang bibig ko at hinayaan ko siyang magsalita.
“Mahal ko siya. Mahal na mahal. Sobra.”
Kinagat ko ang labi ko. Ang marinig ito ng diretso sa kanya ay hindi ko kaya. Inisip ko kung kailan siya nagsimulang magmahal kay Eion at natatakot akong mas nauna siyang magkagusto kay Eion kesa sa akin.
“I really, really love him. Pero pag sobrang nasaktan ka na, aabot pala sa puntong mas mangingibabaw ang self worth mo.”
“Dapat ay pahalagahan muna natin ang sarili natin bago magmahal ng iba, Erin.” Sabi ko.
“I know…” Malambing niyang sinabi.
“Kailan ka nagsimulang magkagusto sa kanya?” Nakatingin ako sa seryoso niyang mga mata na nakatingin naman sa kisame ngayon.
Hindi siya agad nagsalita.
“Erin…” Tawag ko.
“Since high school.” Ani Erin sabay tingin sa akin gamit ang naiiyak niyang mga mata.
Nanlaki ang mga mata ko at wala akong gustong gawin kundi ang yakapin siya. “Bakit… Bakit di mo sinabi sakin?”
“Eh kasi crush mo siya at ayaw kong mag agawan tayong dalawa.” Humikbi siya at hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin ang pinaka close kong pinsan.
I miss her so much. And I love her so much. Inaamin kong nasaktan niya ako noon at nagkaroon ako ng hinanakit sa kanya pero hindi ko maimagine kung gaano rin siya nasaktan dahil sa akin.
“Crush ko lang naman ‘yon. Pwede naman kung sa’yo na ‘yon. Hindi niya naman ako pinapansin kaya naghanap ako ng ibang crush!” Sabi ni Erin habang yakap ko siya.
“Crush ko lang naman si Eion noon, Erin. Pwede namang sabay tayong kiligin?”
Umiling siya sa balikat ko. “Mas ma effort ka, e. Mas pansin ‘yong pagkakagusto mo. Ayokong makisawsaw kaya hinayaan kita. Pero I’m sorry for everything. Dahil naging boyfriend ko si Eion, dahil sinaktan ko kayo ni Elijah, dahil tumutol ako sa inyo.”
“Naiintindihan ko naman kung bakit ka tumutol sa amin.”
“Sorry dahil nagtanim ako ng hinanakit sayo. Kasi pakiramdam ko tinatalikuran mo kami, at mahal na mahal kita, hindi ko kayang tinatalikuran mo kami. Masyadong mataas ang pride ko. Sorry talaga. I’m really, really sorry.” Ani Erin.
Tumango ako. “Sorry din sa lahat. Alam kong nasaktan din kita, Erin. At naiintindihan ko ang mga ginawa mo.”
Hindi ko alam na may mas isasaya pa pala ang araw na iyon. Ang marinig iyon lahat galing kay Erin ay parehong masaya at nakakalungkot.
Nagising ako na madilim na ang kwarto. Ang ilaw na lang sa lamp ang hindi napapatay. Natakot agad ako na panaginip lang ang lahat ng nangyari kaya agad akong bumangot.
“Oh, shit.” Mura ni Elijah nang naabutan ko siyang dahan dahan na humihiga sa kama.
“Asan na sila?” Tanong ko sa kanya, dilat na dilat ang mga mata ko. Takot na takot na sagutin niya akong nananaginip lang ako.
“Nasa mga kwarto nila.” Ani Elijah.
Napa buntong hininga ako at agad humiga.
“Sorry nagising kita.” Napapaos na boses ni Elijah.
Nagpaalala iyon sa akin kung sino ang nasa tabi ko ngayon at anong nagagawa niya sa akin. Naghuramentado ang puso ko. Lahat ng antok ay lumipad na sa bintana. Nakita ko sa digital clock na mag aala una na ng madaling araw.
“O-Okay lang.” Sagot ko.
“Sorry kanina kung naging uncomfortable ka. Gusto sana kitang sundan para mag sorry pero na realize kong baka lalo kang magalit.”
Naalala ko ulit ang pangyayari kanina sa balcony. Tinakpan ko ang mukha ko ng kumot para magtago sa kahihiyan. Tumindig ang balahibo ko.
Hinawi ni Elijah ang kumot. Binaba niya iyon hanggang sa nakita niya ang mga mata ko.
“You are too cute.” Ngumiti siya at tiningnan niya ako gamit ang pagod niyang mga mata.
“Lasing ka ba?” Tanong ko.
Umiling siya.
“Okay lang kay Hendrix na magkatabi tayo?” Tinaas ko ang kilay ko.
“Uh, yup. Pero sinabi niya karapat dapat daw ako para sayo kung rerespetuhin kita lalo na sa gabing ito.” Ngumuso siya.
Mariin akong pumikit sa kahihiyan na bumuhos sa akin. Bakit ko ba kasi siya tinanong ng ganon? At bakit iyon sinabi ni Hendrix sa kanya? Nakakahiya!
“Oh… Okay. Let’s just sleep.” Sabi ko at umambang tatalikuran siya.
“Hey… you mad?” Ani Elijah habang hinahaplos ang braso ko.
May naglakbay na kuryente sa batok ko kaya hindi ko nagawang humarap agad sa kanya. Hindi ko rin mahawi ang kamay niyang nakapatong sa braso ko.
“I’m sorry. Alam kong nahihiya ka pa pag nasa harap nila. Dahan dahan na ako, next time.”
“O-Okay lang ako, Elijah.” Sabi ko nang hindi siya tinitingnan.
“Look at me, please?” Malambing niyang sinabi.
Kinagat ko ang labi ko. Dammit! Unti unti akong humarap sa kanya. Tumingin agad siya sa labi kong kinakagat ko ngayon.
“Are we good?” Tanong niya.
Tumango ako kahit na nakatitig siya sa labi ko. “We’re good.”
“Great.” Aniya hindi parin natatanggal ang mga mata sa labi ko.
Oh no… Titig niya pa lang ay nalalasing na ako.
“Do you think it’s a good idea to kiss you?” Tanong niya na hindi ko na nasagot dahil lumapit na siya para halikan ako.
Lahat ng konsepto sa utak ko ay nawala. Ang sitwasyon, ang lugar, ang oras, ang bukas, lahat ay nawala dahil sa mababaw at mahihina niyang mga halik. Lasang matamis at mint ang kanyang bawat halik at naging conscious agad ako sa hininga ko gayong kakagising ko lang sa aking pagkakaidlip.
Hinila niya ako palapit sa kanya. Walang pag aalinlangan akong tumugon at sumunod sa bawat halik niya. Habang tumatagal ay lalong lumalalim at pakiramdam ko ay wala na akong pakealam sa kahit anong bagay. I just really want him.
Tumigil siya sa paghalik, hinihingal at bahagyang lumayo.
“It’s a bad idea, baby.”
Kinagat niya ang kanyang labi at umupo agad sa kama para talikuran ako. Hinawakan ko ang labi ko at ang dibdib kong sobrang lakas ng pintig. Bumangon din ako at hinintay siyag humarap sa akin.
“Sorry, I don’t know how to k-kiss.” Nahihiya kong sinabi. “Tsaka… mabaho ba ang hininga ko?”
“NO!” Sigaw niyang nagpatalon sa akin.
Humarap siya sa akin. Tinitigan niya ako. Tumingin siya sa kama namin at pabalik ulit sa akin. Tinagilid ko ang ulo ko sa pagtataka kung ano ang iniisip ng isang Elijah Montefalco.
“Can we sleep?”
“Oo, matutulog na tayo.” Sabi ko.
Tumango siya at humiga ulit. Tinitigan ko siya habang tulala sa kisame, malalim ang iniisip.
“You know how to kiss and you know that. You’re making me break some rules again.” Sulyap niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. “Hindi ko alam na big deal sayo ang mag break ng rules, Elijah.” Ngumisi ako.
Mariin siyang pumikit at tinabunan niya ng kumot ang kanyang katawan. “Baby, will you please just sleep at shut your pretty mouth?”
Tumawa ako at humiga sa tabi niya. Damn, I love him so much!
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]