Hi! Thanks for reading UHWG and UHR. <3 This is the last chapter. Sana magustuhan ninyo kahit na bitin. You don’t need to read the epilogue. Ito lang ang kailangan niyong basahin.
Kabanata 50
Home
Kinakabahan ako para sa aming lahat. Hindi ko na natingnan kung nasaan na si Elijah basta ay dumiretso na ako sa pintuan. Pagkalabas ay naabutan ko si Hendrix na tahimik na kinakausap si papa.
Nasa labas kami ng function room. Mabuti at kaonting waiter lang ang dumadaan doon. May exit sa kanan at ang mga CR naman sa kaliwa. Nang natagpuan ako ng mga mata ni Hendrix ay agad siyang tumigil sa pagsasalita.
Tinanggal ko ang maskara ko. Napatingin si papa sa akin at agad niya akong niyakap.
“Hindi mo sinabi sa akin. Hindi ka tumawag!” Sabi niya.
Napatingin ako kay Hendrix na ngayon ay seryoso at mukhang kinakabahan rin. Ano kaya ang sinabi niya kay papa? Sinabi niya kaya ang buong detalye?
Bago pa ako makapagsalita ay kumalabog na ang pintuan at narinig ko ang hagikhik ni lola. Kumalas ako sa pagkakayakap kay papa para harapin ang aking lola na ngayon ay napawi na ang ngiti.
“Anong ginagawa ng babaeng ‘yan dito?” Bungad ni lola sabay turo sa akin gamit ang kanyang pamaypay.
Mabilis akong nilagay ni papa sa kanyang likod para maharap niya si lola.
“Ricardo! Bakit nandito ‘yang estupidang batang iyan?” Ani lola, halos manggalaiti.
Bumalik si Pierre sa loob. Si Hendrix ay pumigil kay lola at bumubulong na kumalma muna. Nang lumabas ulit si Pierre ay nakita kong kasama niya na ang isang nurse.
“Mama, she’s my daughter! Don’t call her names!”
Napangiwi si lola dahil sa sinabi ni papa. “Ang batang iyan, Ricardo, sinungaling! Walang Ty’ng sinungaling! She will never belong to us!” Sigaw ni lola.
“I didn’t lie!” Pangatwiran ko.
“Sumasagot pa!” Nanginginig si lola sa galit.
Nakita ko ang kaba sa mukha ni papa. Hindi niya kayang makitang ganon si lola. Natatakot at naaawa din ako. Hindi ko na alam kung kaya ko pa ito o hindi. I just want this to end. Kahit na ang katapusan ay hindi niya kami tatanggapin, tatanggapin ko iyon.
“Mama, Calm down.” Ani papa habang hinahaplos ang likod ni lola. “Klare’s not a liar.”
“Sir, hindi po pwedeng ma stress si madame.” Sabi ng nurse.
Tumulong si Pierre sa pagpapakalma kay lola. Napatingin si lola kay Pierre.
“This girl is not your sister, Pierre. Wala siyang galang, walang modo, at sinungaling pa!”
Hindi sumagot si Pierre. Kumunot ang noo ni Hendrix pero hindi rin nagsalita.
Ayaw ko na ring magsalita. Tatanggapin ko na lahat ng sasabihin niya. Masyadong sarado ang isipan niya at pag aaksaya lang ng laway ang mangyayari kung magsasalita pa ako.
“Hindi ko alam, Ricardo, kung bakit mo pa talaga kinuha ang batang ito. Sana ay hinayaan mo na lang siyang manira ng pamilya kina Helena. She’s a big mistake!”
“Mama!” Sigaw ni papa. Halos mapatalon si lola sa sigaw ni papa. “She’s not a mistake. Ako ang may kasalanan at sa kanya ako may kasalanan. You should know that by now. Nang ginawa ko ang kasalanang iyon noon, wala pa si Klare. She’s the victim here! Wag mo siyang pagsalitaan ng ganyan-“
“Ricardo, kita mo ‘to? Nag aaway tayo ngayon dahil sa batang iyan. DOn’t you think she’s the pest here?”
“Ama…” Utas ni Hendrix.
“Oh you shut up, Hendrix. Pareho kayong dalawa ni Ricardo! You will make the same mistake-“
“Mama!” Sigaw ni papa, halatang galit na siya sa kay lola.
“This is all because of this girl.” Sabay tingin ni lola sa akin. “Ricardo, hindi mo ba nakikita? Isa siyang malaking kahihiyan maging sa mga Montefalco. Mahal niya raw ang pinsan niya!” Tumawa si lola.
Tahimik kaming lahat. Si papa ay nagpipigil at nag iiwas tingin kay lola. Ganon din si Hendrix. Si Pierre na lang ang nakakaatim na tingnan siya. Ang nurse ay nalilito sa mga sinasabi ni lola.
“Incest! That is really close to bestiality if you tell me.”
“Mama, hindi sila tunay na magpinsan. Walang dugong Montefalco si Klare!”
“No, no… Naiimagine ko ang mukha ni Exel pag nalaman niyang ganito. Disgusting. Kahit na hindi sila magkadugo ay lumaki silang magkasama. So disgusting.” Ngumiwi si lola sa akin.
Tumulo ang luha ko dahil sa reaksyon niyang halos masuka sa harapan ko. Tatanggapin ko ang lahat, kung ano man yan.
“At isa pa, sinulot niya si Elijah kay Selena! Si Selena at Elijah ang magboyfriend. Manang mana talaga siya sa kanyang ina, nanunulot.”
Nalaglag ang panga ko. Kailangan ko pang paalalahanan ang sarili ko na ang babaeng nagsasalita ay ang lola ko. Dahil sobrang nasasaktan na ako at nagdidilim na ang paningin ko. Kahit maraming pagkakamali si mommy ay mommy ko parin siya. Mahal ko siya. At ang marinig na pagsalitaan siya ng ganito ay sobrang sakit!
“Grabe din si Helena, ano? Talagang binigay niya pa ang talent niya sa kanyang anak.”
“Mama, stop it! She’s my daughter-“
“Your daughter, Ricardo, is a big monster! A family wrecker!”
Pagkasabi niya sa huling pangungusap at bumukas ang pintuan at nakita kong lumabas si Elijah at Selena kasama si Erin at Claudette. Namutla si Claudette nang nakita niya akong umiiyak habang si Erin naman ay pinagmamasdan lang ang mga nangyayari.
“See? Selena’s here!” Sabi ni lola sabay hila kay Selena. “Come on, Selena, tell your tito na sinulot ng sampid na iyan ang iyong boyfriend. Tulad ng panunulot ni Helena!”
Yumuko si Selena. Kahit na sa takot at kabadong ekspresyon ay matingkad parin ang kanyang kagandahan. Itim at sexy ang kanyang halter top at ang buhok niya ay umaalon sa kanyang likod.
“Tito…” Malamig na sinabi ni Selena.
Naramdaman ko si Elijah sa likod ko, sa tabi ni Hendrix. Tumutulo parin ang luha ko ngunit hindi na ako humihikbi. Gusto kong marinig ang sasabihin ni Selena.
“Ang totoo po… habang kami ni Elijah ay nilalandi siya ni Klare.” Pumikit siya.
Unti unting napaawang ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi!
“Selena, what are you talking about?” Banayad na boses ni Elijah sa likod ko.
Hinawakan ni Elijah ang aking kamay. Napatingin si papa sa akin, halatang may bahid na pagdududa na ang kanyang mga mata. Pati ba si papa ay itatakwil ako ngayon? Begging for him to believe me will be useless.
“Kasama po ako ni Elijah nang umuwi kami dito sa Pilipinas. Parati pong lumalapit si Klare sa kanya kaya naakit si Elijah.”
Hindi pa ako nakakakurap ay lumagapak na ang palad ni Erin sa pisngi ni Selena. Gulat na gulat si lola at napatingin siya kay Erin gamit ang galit niyang mga mata. Napahawak si Selena sa kanyang pisngi.
Mabilis na dinaluhan ni Hendrix si Erin. Kung hindi niya hinawakan ang braso ni Erin ay paniguradong sumugod na siya kay Selena.
“HIndi iyan ang alam ko! I know Klare is in love with Elijah but she will never do that! Hindi niya lalandiin si Elijah dahil alam niyang may girlfriend na ‘yong tao!” Sigaw ni Erin.
“Erin, the poker night? Paano napunta si Elijah sa Lifestyle District kung hindi siya tinawagan ni Klare!? Kung hindi siya nilandi!?” Sigaw ni Selena.
“Klare will never do that!” Sigaw ni Elijah kay Selena. “Ako ang kusang lumalapit sa kanya. Selena, you should give it up. I’m really sorry.” Pagod at nanghihinang sinabi ni Elijah. “I told you. Hindi mo na kailangang sumama sa akin sa Pilipinas.”
Humagulhol si Selena. Parang kinalabit ng mga salita ni Elijah ang kanyang mga luha. Hindi na siya ulit nagsalita.
“You know I love Klare so much. Yes, I needed your help para makauwi. At sorry kasi ganito ang nangyayari.”
“Ej, you were okay with me sa US. Pero nang nalaman mo na anak sa labas si Klare, halos baliktarin mo ang mundo mo! What am I? Just a past time?”
Nag iwas ng tingin si Elijah. Umiyak ako dahil alam kong may kasalanan talaga si Elijah sa kay Selena. He’s not perfect but I will kiss all his flaws. Ang importante sa akin ay mahal niya ako. Ako lang. At ngayon, napatunayan ko iyon.
“Lalo na nang bumalik ka dito at nilalandi ka ni Klare!” Sabay tingin ni Selena sa akin.
“Huwag mong pagsalitaan si Klare ng ganyan!” Sigaw ni Erin. “Kung meron mang malandi dito, ikaw iyon! Ipinagpipilitan mo ang sarili mo sa taong alam mong may mahal na iba!”
“Who are you?” Sigaw ni lola kay Erin.
“Ama…” Saway nI Hendrix.
Kinagat ni Erin ang kanyang labi at hindi na dinugtungan ang mga sinabi.
“Ricardo, look… ang sampid na iyan ay nagdala pa ng kanyang mga kampon! This is stupid!” Umiling si lola.
Humarap si papa sa akin at bumuntong hininga. Pinunasan ko ang aking mga luha. Si Elijah ay nasa likod ko, ang kamay niya ay nasa balikat ko bilang suporta.
“Elijah, please…” Humagulhol si Selena. “Please, di ako babalik ng New York kung di ka kasama. Please?”
Pumikit ako. Pumiyok na ang boses ni Selena sa pagmamakaawa kay Elijah. Hinawakan niya ang kamay ni Elijah na nasa balikat ko.
“Selena, please, stop it. I’m sorry.” Kalmadong sinabi ni Elijah.
Tinakpan ni Selena ang kanyang mukha habang humahagulhol. Hinila siya ni lola at halos durugin na ako ni lola gamit ang mga mata niya.
“Klare…” Ani papa.
Bumaling ako kay papa at tumango. “Sorry, pa. Gulo lang ang naging dala ko sa buhay niyo.”
Handa na ako sa magiging speech ko para magpaalam kay papa. Oo. Magpaalam. This love is bad for me. Dapat ay hindi ko tatalikuran ang pamilya ko. Dapat ay mas uunahin ko silang lahat sa sarili kong kaligayahan. Kaya lang, I love Elijah and he’s my family too. Kung pwede ko lang ipagsabay ang dalawa ay gagawin ko.
“I’m sorry kasi pagkakamali ako. I’m a living reminder of your mistake. Pati sa mga Montefalco. I’m sorry because I’m even existing.” Humagulhol ako.
Narinig kong nagmura si Pierre at mabilis siyang dumalo sa akin. Pumulupot ang braso ni Elijah sa aking baywang. Lumapit si Erin at Claudette sa akin.
I really can’t let go my family. Hindi ko kayang magpaalam kay papa. Hindi ko kayang magpaalam kay Hendrix at Pierre at mas lalong hindi ko kaya kung mag away sila dahil lang sa akin.
“Papa!” Sigaw ni Hendrix sa tulalang si papa.
“I’m sorry kung nagkakagulo kayo dahil sa akin. Trust that I won’t do this again. And you don’t have to do anything for me again.” Sabi ko.
“Mabuti pa nga. Umalis ka na lang dito.” Sabi ni lola habang tinatahan si Selena. “Ungrateful child.”
“Mama!” Natauhan si papa sa matatalim na salita ni lola. “Stop it. She’s my daughter. At kung may pagkakamali man siya, hindi mo siya kailangang pagsalitaan ng ganyan! If you don’t want to acknowledge her as your granddaughter, then don’t. But she will always be my daughter!” Sabi ni papa.
Bumilis ang hininga ni lola at humingi agad siya ng tulong sa nurse. Umiling si papa at lumapit kay lola para alalayan siya pero hinawi ni lola ang kanyang kamay.
“I’m disappointed, Ricardo!” Sabi ni lola habang hinahawakan ang kanyang ulo.
“Pierre,” Sabi ni papa.
At mabilis na bumalik si Pierre sa loob. Nahihirapan ang nurse at si Selena sa pagtulong kay lola. Tumulong si Hendrix ngunit hinawi na rin ni lola ang kamay niya.
Pagkabalik ni Pierre ay dala niya na ang iilang nurse na may dalang wheel chair. Naroon na rin si tita Marichelle at iilan ko pang tita at tito. Tinulungan nila si lola habang nanggagalaiting nagsasalita ng masama si lola tungkol sa amin.
“Bastard! Home wrecker! I can’t believe this! Sinira na naman ni Helena ang pamilya sa pamamagitan ng lintik niyang anak.”
Yumuko ako nang napatingin ang mga tito at tita ko sa akin. Lumapit si tita Marichelle kay papa.
“Ricardo, this won’t be solved here. Pag sarado ang loob ang ulo, hindi mabubuksan galing sa labas. That’s what I’ve learned. Kung matatanggap niya man ito, hindi dahil pinipilit natin. Iyon ay dahil gusto niya ng tanggapin. Pag binuksan niya na galing sa loob.”
Napabuntong hininga si papa at tumingin silang dalawa sa akin. Si Elijah ay hinahalikan na ang buhok ko para mapatahan ako.
“Let’s go. Call your other cousins.” Sabi ni papa.
Mabilis na tumakbo si Hendrix sa loob para tawagin ang mga pinsan ko. Patuloy sa pang iinsulto si lola sa akin. Kinwento niya sa relatives ko ang nangyari.
“Let’s go, Klare.” Sabi ni papa at nanguna na siyang lumabas sa amin.
Napatingin ako kay tita Marichelle na ngumiti din sa akin at kay Elijah. “Go.” Aniya.
Tumango ako at sumunod kay papa. Ganon din ang ginawa ni Pierre, Claudette, at Erin. Ilang sandali ang nakalipas ay tumatakbo na rin palabas ng venue sina Azi, Knoxx, Rafael, Damon, Josiah, Chanel, at Hendrix.
Malalim na ang gabi. Kitang kita ang maliwanag na buwan at ang bituing nagsisilbing palamuti sa langit. Tumigil sa paglalakad si papa sa parking lot ng hotel. Sa malayo ay natatanaw ang garden at ang malaking entrance ng buong hotel, pag tatalikod ka naman ay makikita mo ang kabuuan ng hotel. Humalukipkip si papa at tumingala ako sa kanya.
“I’m sorry, pa.” Sabi ko, nagtatapang tapangan at nagdarasal na hindi na ako maiyak nang sa ganon ay maging klaro ang bawat salita ko. “Hindi ko po gustong magkagulo kayo. Maiintindihan ko po kung magagalit kayo sa akin dahil gulo lang ang naibigay ko sayo simula ng-“
“Klare, hindi mapapantayan ng lahat ng ito ang kasiyahang nadama ko nang tawagin mo akong ‘papa’ noon.” Ngumiti si papa, siyang nagpaiyak ulit sa akin.
Dammit, Klare!
“Hush it, baby.” Bulong ni Elijah sa tainga ko. Pinunasan niya ang takas na luha sa aking mga mata. Napatingin ako kay Elijah at kita ko sa mukha niya ang paghihirap.
“I will support you. Kahit ano pa ‘yan, I will be here to support. Your tita Marichelle and I will be here to support you. Pamilya ka namin. You should know that. You won’t need your ama’s support. You will only need ours. Okay?”
Pinunasan din ni papa ang pisngi ko. Pinipiga ang puso ko sa kasiyahan dahil sa mga narinig kong salita galing sa kanya. Hindi ako makapaniwala!
Tumango agad ako. Their support is everything to me. Nang akala ko’y itatakwil niya rin ako kanina ay gumuho ang mundo ko. Ngayong nalaman kong sumusuporta parin siya sa akin ay tama na sa akin iyon.
Ito ang natutunan ko. Sa mundong ito, hindi mo mapapasang ayon sayo ang lahat ng tao. Kahit ang mga mahal mo at ang mga nag mamahal sayo ay maaaring iba ang magiging pananaw at opinyon sa mga ginagawa mo. Kaya makontento tayo sa mga taong nagmamahal at tumatanggap. Hindi na natin kailangang magtanim ng galit sa mga taong hindi nakakaintindi. Tanggapin na lang din natin na iyon ang pananaw nila at huwag na nating ipilit.
“Next month, birthday mo, hindi ba?”
Nagulat ako dahil naalala ni papa iyon sa gitna ng kaguluhang ito. Of course, next month will be September.
“Pupunta kami ni Marichelle, Pierre, at Hendrix sa Cagayan de Oro. We’ll celebrate with your family, Klare. Okay? At pag naisipan mong umuwi sa dito sa Davao, you’ll always be welcome in our house. ‘Yong ama mo, siguro ay kina tita Tania mo titira.” Ngumiti si papa. “So don’t worry about it.”
Niyakap ko si papa. Ito lang talaga ang tanging hinihingi ko. Ito lang.
“I called Helena, too. Sinabi ko sa kanya na nandito kayong lahat.”
“Po?” Pasigaw na sinabi ni Rafael. “I’m dead.”
“Don’t worry. Hindi niya sasabihin sa mga magulang niya but I expect you’ll tell them eventually pag nakauwi na kayo?” Kumalas si papa sa pagkakayakap sa akin at tumingin siya sa mga pinsan ko.
“I’m dead, too.” Tawa ni Knoxx.
“Opo. Sasabihin din namin.” Ani Rafael.
“Pinapauwi na kayo. Alam ni Helena at ng dad mo, Klare, na kasama mo si Elijah dito. Ang tanging gusto nila ay makauwi kayo. They will support you.” Ngumiti si papa sa akin.
Tumango ako at parang nabunutan ako ng tinik. Sa loob ng ilang taon, namuhay ako kasama ang tinik na iyon. At ngayon na susuportahan na ako ng pamilya ko at susuportahan na rin ako nina papa ay sapat na sa akin.
Napatingin ako kay Elijah. Ngumiti siya sa akin. This is all for you, baby. Ngumiti rin ako pabalik.
“Tito, bukas, uuwi na kami. Hindi na kami magtatagal kasi baka mabuking na kami. Isasama namin si Elijah at Klare.” Ani Knoxx.
Tumango si papa. “Okay. Klare, visit our house. Sina Pierre at Hendrix, sa susunod na araw ko pa ipapauwi.”
Tumango ako at niyakap pa ulit si papa.
“I’m gonna miss you.” Bulong ni papa sa akin.
Hindi na rin kami nagtagal. Hinahanap na si papa sa party at pinababalik na si Pierre at Hendrix doon. Isa-isa na kaming pumasok sa mga sasakyan para bumalik na sa hotel. Kahit na halos wala naman kaming ginawa ay pagod na pagod ako. Nakakapagod palang makinig sa mga pang iinsulto ni lola. Nakakapagod palang mangatwiran pag hindi naman nila dinidinig ang mga salita mo.
Gayunpaman ay sobrang saya ko sa suportang natanggap ko galing sa aking mga pinsan. Kina Erin, Chanel, at Claudette. Sa mga boys na kahit na hindi sila lubos na makapag enjoy sa Davao City dahil sa mga issues ko ay pinilit parin nilang magpakasaya at sumuporta sa akin. Wala na akong mahihiling pa. Sila lang ang kailangan ko sa buhay kong ito.
Wala ng pangamba sa aking sistema. Elijah’s with me, my family’s with me, everything’s alright. Sa pagod ko ay mabilis akong nakatulog sa kama.
Kinaumagahan ay nagising ako na nag iimpake na si Elijah sa mga damit ko. Naka topless siya habang inaabot ang mga damit ko at nilalagay sa loob ng luggage.
“Good morning!” Bati niya at mabilis siyang dumalo sa akin.
Kinusot ko ang aking mga mata, mahapdi parin dahil sa matinding pag iyak ko kahapon.
“Hungry?” Tanong niya.
Umiling ako. Nilagay niya sa tainga ko ang takas kong buhok.
“Breakfast tayo bago umalis. Tatapusin ko lang ‘to.” Sabay turo niya sa mga gamit namin.
Kumalabog ang pintuan namin dahil sa mga pinsan kong gutom na at naghihintay sa amin. Nahihiya ako dahil halos silang lahat ay nakapag bihis na kaya mabilis akong naligo at nagbihis na rin. Maingay sila sa kwarto namin at panay ang asaran nilang lahat.
Panay din ang reklamo nilang gutom na sila kaya naman ay mabilis na kaming bumaba para kumain sa restaurant. Isang long table ang kailangan para makaupo kaming lahat. Syempre, tabi kami ni Elijah habang kumakain at si Azi at Erin ay nasa harap naming dalawa.
Nilalagyan ni Elijah ng pagkain ang pinggan ko habang si Azi naman ay pinapanood kami habang ngumunguya siya ng fries.
“Ayoko na dito. So sweet I’m gonna die.” Humagalpak si Azi at tinulak niya si Josiah para paupuin siya sa gitna nila ni Rafael.
“Ako na nga lang don.” Sabi ni Josiah at umalis sa kanyang upuan para umupo sa bakanteng upuan ni Azi.
“Kiss my ass, Azi.” Sabi ni Elijah habang inaabot ang ham at nilalagyan ang pinggan ko. “What else do you want, baby?” Malambing niyang baling sa akin.
Uminit ang pisngi ko nang napaupo si Erin. Tinapik ni Josiah ang likod ni Erin habang natatawa siya. Wala ng nagsalita.
Pumikit ako at pakiramdam ko ay kumukulo na ang pisngi ko sa kahihiyan. Damn, Elijah!
Siniko ko si Elijah, “Preno muna.” Bulong ko.
Kumunot ang noo niya at ngumuso habang tinititigan ako.
Tahimik kaming kumain pagkatapos non. Nag drama pa si Chanel tungkol sa pagkakamiss niya sa Davao pagkaalis namin at sana daw ay babalik kami para mamasyal at pumunta sa Samal, next time. Syempre, pumayag ako dahil tingin ko ay masaya iyon. Excited agad sila lalo na nang binanggit ko ang iilang mga magagandang beach sa Davao Oriental tulad ng Dahican sa Mati City at marami pang iba.
“So… Bili muna tayo ng pagkain. By lunch, stop over tayo sa pinakamalapit na makakainan. Stay close.” Sabi ni Knoxx.
“Elijah, stay close daw. Huwag mong paliparin ang sasakyan mo.” Utas ni Josiah.
Tumawa si Elijah.
“He won’t, idiot. Syempre, he’ll obey all the traffic rules and will forever slow down kasi baka mapano si Klare.”
Uminit ulit ang pisngi ko lalo na nang pinanood ni Erin at Chanel ang reaksyon ko. Nag iwas na lang ako ng tingin. Hindi parin talaga ako masasanay sa asarang ganito.
Tumunog ang mga sasakyan nila at pumasok na isa-isa doon. Huli kaming pumasok ni Elijah, pinapanood ang pag alis nila isa-isa patungo sa pinakamalapit na fastfood para makabili ng makakain habang nag babyahe.
Pinatunog ni Elijah ang sasakyan niya kaya nabuksan ko ang pintuan. Pumasok ako roon at chineck ang bag ko sa likod. Ready na akong umalis. Sinuot ko ang seatbelt at pinanood ko siyang pumasok.
“Let’s go.” Sabi ko.
“Okay.” Bumaling siya sa akin habang pinapaandar ang kanyang sasakyan palabas ng parking lot ng hotel.
“Eyes on the road, Elijah.” Saway ko habang nakatingin ako sa kalsada.
“Okay, Klare.”
Bumaling ako sa kanya at nakakagat labi siyang tumitingin sa kalsada. Sa sinabi niya ay pakiramdam ko lahat ng gusto ko ay gagawin niya.
Nakalinya kaming lahat sa drive thru ng isang fast food. Nasa huli kami ni Elijah, kasunod nina Knoxx.
Bumaling siya sa akin habang naghihintay na kami naman. “You okay?” Tanong niya.
Tumango ako at ngumiti.
“Good.” Sabi niya at pinaandar ang sasakyan nang nakalabas na sina Knoxx.
Sinabi niya ang order at pinaandar ulit ang sasakyan para tanggapin iyong mga pagkain. Nilagay ko iyon sa likuran at nagsimula na siyang mag drive sunod kina Knoxx, palabas ng Davao City.
Binuksan ko ang GPS ko para tingnan ang dinadaanan namin. Hindi na naman kailangan dahil tanaw naman namin ang aming mga pinsan at medyo pamilyar din sa akin ang lugar.
“Sinong ka text mo?” Sumulyap si Elijah sa akin at pinaharurot ang sasakyan.
“Wala. Tinitingnan ko lang ang GPS ko.” Sabi ko.
May pinindot siya sa baba ng aircon at nakita ko doon ang isang mapa, katulad ng GPS ko sa aking cellphone.
“Put your phone down. Napaparanoid ako.” Aniya.
Ngumuso ako at nilagay ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Iniisip ba niyang may katext akong ibang lalaki kahit na pinaglaban ko na siya ng husto?
“You think may lalaki akong katext?” Tanong kong natatawa.
“May hang over pa ako sa panonood sayo kasama ‘yong Vaughn na iyon.” Sulyap niya sa akin.
“Oh my God! You’re one jealous boyfriend.”
Nakita kong pumula ang pisngi niya. “Yeah, right.” Medyo iritado niyang sinabi.
Humagalpak ako sa tawa. “Dapat ay alam mo na ngayon na ikaw lang, Elijah. Pumunta ako ng impyerno para sayo.”
Hinintay ko ang reaksyon niya pero nakakunot lang ang noo niya. Ang mga mata niya’y malalim at tinitingnan ang kalsada. Ang makurbang pilikmata ay mas nagpa highlight sa ekspresyon ng kanyang mga mata. Naka pout din ang kanyang labi at mukhang nagtatampo.
Mas lalong lumaki ang ngiti ko nang narealize ko kung ano ang problema niya. Simula nong nagbalik siya at nagkabalikan kami ay hindi ko pa sinasabi sa kanya na mahal ko siya. I don’t think that’s necessary. Ang mga kilos ko na ang magsasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal pero… isa rin iyon sa natutunan ko. Na ang kilos ay hindi sapat, kailangan parin ng mga salita.
“I love you, Elijah.” Sabi ko na agad kong pinagsisihan dahil sa biglaan niyang pag tigil sa sasakyan.
Napasigaw ako sa gulat. Kumalabog ang puso ko sa kaba.
“Dammit, Elijah! Mag dahan dahan ka nga!” Sigaw ko habang inaayos ko ang buhok ko.
“What did you just say?” Aniya sobrang lapit na ng kanyang mukha sa akin.
Hinahabol ko ang hininga ko ngunit nahihiya akong bumuga dahil ang ilong niya ay nasa tapat na ng labi ko. Ang dalawang kamay niya ay nasa gilid ng dalawang upuan ko.
Bumagal ang pag buga ko ng hinga dahil sa pagkaka conscious at sa gulat sa ginagawa niya.
“Say it again, Klare.” Utos niya.
Kinagat ko ang labi ko.
“Stop biting your lip and say it.” Naaamoy ko na ang mabango niyang hininga.
Halos dumikit na ako sa aking upuan sa kaba at pananabik. I love him so much. Too much. Kung masasaktan man ako para sa pagmamahal na ito, tatanggapin ko ang lahat, magkasama lang kaming dalawa.
“I said, I l-love you.” Sabi ko.
“Ba’t nanginingig ang boses mo?” Tanong niya, ang ilong niyay humahaplos na sa ilong ko.
Halos mapapikit na ako. Hindi pa nga dumadapo ang labi niya sa labi ko ay nalalasing na ako. Damn it, Elijah! This is what you do to me!
“B-Because you’re making me nervous.”
“Really?” Ngumiti siya at hinalikan niya ang labi ko, isang beses.
Naglakbay ang kuryente sa aking batok at humahataw na ang puso ko sa sobrang saya. Damn it!
“I’m in love with you. Are you in love with me?” Tanong niya habang pinapaulanan ako ng malalambing na halik.
“Hmmm.” Hindi ako makapagsalita dahil sa halik niya.
“I think you are.” Aniya at pinagpatuloy ang mababaw at nakakalasing niyang mga halik.
Napapikit ako at pinulupot ko ang aking braso sa kanyang leeg. I’m in love with you. So freaking much, Elijah.
Naririnig ko ang halakhak niya habang sinusuklian ko ang halik niya. Nanghina ako. Hindi ko na maramdaman ang braso ko, ang kamay ko, dahil sa halik niya. Hinayaan ko siyang paulanan ako ng malalim at mababaw na halik.
Bumaba ang kanyang halik sa aking panga. Napatingala ako dahil sa kiliting nararamdaman sa bawat halik niya. Uminit ang pisngi ko nang narealize na ginigiya ko siyang humalik pababa. Dammit, Klare!
“Hmmm. Klare, how do you feel about this?” Tanong niya habang hinahalikan ako pababa sa panga.
Kinagat ko pa lalo ang labi ko para mapigilan ang sarili ko sa pag daing. Why are you even asking me those questions, Elijah? Just… Kiss me!
“Do you like how this feels?” Humalakhak siya habang hinalikan ako sa aking leeg.
Nawala na ako sa aking sarili. Lasing na talaga ako sa kanya.
“Baby, do you like this?”
Tumigil siya sa paghalik. Dumilat ako at bumungad sa akin ang isang Elijah’ng nakangiti at mukhang nalulugod sa kanyang epekto sa akin.
“I can’t drive like this. I can’t concentrate.”
“Hindi tayo m-makakauwi pag di ka mag dadrive.” Sabi ko.
Nag angat ang kanyang labi. “Hindi ako matatahimik pag naiisip ko yong mukha mo habang hinahalikan kita. You’re pretty pleased because of my kisses.”
Humalakhak ako at nagkatitigan kaming dalawa.
“Let’s go home.” Sabi ko.
Tumango siya.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]