Wakas
“Ayan na naman si Azi kasama ang kanyang girlfriend.” Umirap si Erin habang nag s-stretching kami para sa Grade 5 Physical Education.
“That’s not his girlfriend, Erin.” Natigilan si Claudette habang pinapanood ang kanyang kuya na may katawanang babae.
Naka uniporme namin iyong babae at napapaligiran siya ng mga pinsan namin. Si Damon at Josiah ay nag uusap habang si Azi naman ay nakatoon ang pansin sa babae. Si Elijah ang unang tumigil at sumandal sa punong kahoy, likod ng aming basketball court. Pinapanood niya kaming nag s-stretching.
Inabot ko ang aking paa galing sa likuran para makapag stretching na rin doon. Ang aming lesson sa ngayon ay badminton. Kilala ang school namin dahil sa pangunguna sa mga sports activities. Madalas ang mga champion sa badminton, basketball, volleyball, at kung anu-ano pang sports ay galing sa school na ito kaya seryosong subject ang P.E sa amin.
“Sino pala ang girlfriend niya, Claudette?” Tanong ng kaibigan kong si Liza.
“Marami.” Simpleng sagot ni Claudette.
Sumulyap ulit ako kay Azi na halatang pinopormahan iyong babaeng nagpapacute sa kanya. Ngunit imbes na manatili ang tingin ko sa kanya ay nahagip ng paningin ko ang paninitig ni Elijah sa akin. Mabilis akong nag iwas ng tingin. Naalala ko na ang sapatos na suot ko ngayon ay iyong ibinigay niya.
“I hate sports!” Ani Claudette nang nagsimula na kami sa badminton.
Sa aming tatlo nina Erin at Claudette, ako lang iyong mas magalaw sa sports. Mapili nga lang ako. Hindi ko gaanong gusto ang badminton, volleyball, at basketball kahit na madalas akong nakakascore sa mga iyon. Sa lahat ng sports ay swimming lang ang kinahihiligan ko. Pero dahil mas nakakaengganyo ang pagsasayaw, iyon ang mas pinagtuonan ko ng pansin.
Tagaktak ang pawis ko sa badminton. Lalo na dahil isa ako sa hindi natanggal. Nakasilong na sa benches ang mga pinsan ko nang natanggal si Claudette pagkatapos ng dalawang laro at si Erin naman ay pagkatapos ng lima. Pagod na pagod na ako pero nang pumasok ang shuttle cock sa court nang hindi nakuha ng kaklase ko ay nanalo ako!
Tumalon ako sa tuwa. Exempted na ako sa quiz next week! Pumalakpak ang mga kaklase ko at pinalibutan agad ako. Hiyang hiya pa ako dahil medyo tuyo na sila habang pawis na pawis pa ako dahil sa game.
“Congrats, Klare!” Sigaw ni Erin.
High pa ako sa tuwa kaya tumango tango lang ako sa kanila.
“Probably because of the shoes!”
Napalingon ako sa sumigaw ng ganon. Nakita kong nakangiti si Elijah habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa. Hinampas siya ni Josiah at naglakad na sila palayo, iniiwan si Elijah na nakatitig sa akin. Inirapan ko siya. It’s not because of the shoes, asshole! Isampal ko sa mukha mo itong sapatos na bigay mo, e.
Hindi ko talaga alam kung bakit kahit hindi kami madalas mag usap ay lagi siyang nang iinis at lagi naman akong naiinis sa kanya. Minsan kahit wala siyang ginagawa ay naiinis lang ako bigla sa kanya.
Siguro ganon talaga ang buhay. Hindi talaga natin maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan. At para sa akin, sa lahat ng mga pinsan ko, siya ang ayaw ko. Kahit maliit niyang galaw ay naiirita na ako.
Kaya naman ay nang isinama sila ni daddy sa Fit n Well nang kinuha niya ako isang araw ay nairita ako.
Pinapanood ko ang sarili ko sa malaking salamin sa harapan habang nag aaral ng hiphop grooves kasama ang dance instructor ko. Apat lang kami na nakaenrol dito pero ngayon ay espesyal. May tatlong babaeng nakadagdag at kilala ko sila. Schoolmates ko sila pero mas matanda sila sa akin ng isang taon. Binati nila ako kanina at awkward naman akong ngumiti at nag concentrate sa pagsasayaw.
Umupo si Azrael at Elijah kasama ang kapatid kong si Charles sa likod ko. Na badtrip kaagad ako lalo na nang nakita kong ngumingisi si Elijah habang tumitingin sa akin. Hindi ko alam pero tuwing ngumingisi siya ay pakiramdam ko’y kinukutya niya ako.
Inosenteng naglalaro si Charles ng kanyang transformers sa tabi ni Elijah habang nakapangalumbaba naman si Elijah sa kakapanood sa akin. Mga mata niya ay diretso sa salamin sa harap ko para makita ang ekspresyon ng mukha ko.
“Okay, girls, dapat mas snappy pa niyan.” Sabi ng instructor sa mga baguhang babae sa gilid ko.
Tumatawa lang sila habang piniperform ang utos ng instructor. Malamya sila. May pag asa lang sila sa hiphop dance kung aaraw arawin nila ang routines sa loob ng isang taon. Wala talagang puwang ang hiphop sa mga mahinhin at medyo girly na babae. Hindi ko alam kung babalik pa ba sila dito next week o hindi na dahil marerealize nilang hindi para sa kanila ang pagsasayaw.
“Klare, show me.” Sabi ng instructor pagkatapos mabigo sa mababagal nilang moves.
Pinakitaan ko siya ng mismong itinuro niya sa amin, dinagdagan ko lang ng detalye at mas binilisan dahil iyon ang gusto niya. Pagkatapos kong gawin iyon ay hinubad ko kaagad ang pawis kong jacket.
Tinalikuran ko ang instructor para magtungo doon kina Charles nang sa ganon ay makainom ako ng Gatorade at mailagay ko iyong jacket sa bag ko. Malayo pa lang ay kitang kita ko na ang panghahalungkat ni Elijah sa mga gamit ko. Kumulo agad ang dugo ko kaya nang nakalapit ay marahas kong binawi sa kanya ang bag ko.
“Anong hinahanap mo?” Sigaw ko.
Nagtaas siya ng kilay at binigay niya sa akin ang tuwalya ko. “Wipe your sweat.”
Mabilis kong kinuha sa kamay niya ang tuwalya. Medyo napahiya ako don. Hindi ko alam kung masyado ba akong malupit sa kanya o talagang nagkamilagro kaya mabait siya ngayon.
“Alam ko.” Sabi ko at pinunasan ang sarili ko habang kinukuha ang Gatorade para uminom.
Kinuha niya ang pawis kong jacket at nilagay niya sa likod ng upuan. Hinayaan ko siyang gawin ‘yon. Sinisiko na siya ni Azi habang ginagawa niya iyon.
“What?” Iritadong sabi ni Elijah nang harapin niya si Azi.
Binaba ko ang Gatorade ko at pinanood ko ang tatlong babaeng palapit sa upuan namin. Sila iyong tinutukoy kong tatlong babaeng tinuturuan ng instructor kanina. Pawis ang tatlo at tumatawa pa habang lumalapit.
Pare pareho silang mapuputi at naka make up. Kahit pawis ay hindi natanggal ang make up nila. Isa sa mga babae ay pulang pula parin ang labi kahit na basang basa ang buhok.
“Hi! Nag ji-gym pala kayo dito, Lanie?” Paunang sinabi ni Azi.
Tumango ang magandang si Lanie. “Oo. Sinubukan lang naming tatlo. You know, malapit na kasi ang summer. Mag boboracay kami, e.”
Napatingin si Lanie kay Elijah habang si Elijah ay tamad na humihilig sa upuan.
“Sinusundo niyo si Klare?” Tanong ni Lanie kay Azi nang narealize na walang balak na makipag usap ang isa kong pinsan.
“Oo. Nag grocery pa ang dad niya sa Robinsons kaya iniwan kami dito. Mamaya andito na iyon.” Sabi ni Azi.
Kahit na pareho silang marunong nang mag drive, hindi parin legal sa mga Grade 10 students ang mag drive ng sasakyan. Hindi pa sila gaanong pinapayagang mag drive ng sasakyan. Sa kanilang lahat ngayon ay si Kuya Justin, Knoxx, at Rafael pa lang ang malayang nakakapagdrive.
Nilingon ko ang kapatid kong naka pajama at naka puting sleeveless shirt habang umiinom ng Chuckie. Pinunasan ko ang kanyang bibig ng panyo habang nakikinig sa pinag uusapan nila.
“Ganon ba? Lagi niyo ba siyang sinusundo, Elijah?”
Napatingin ako kay Elijah. Si Gwen Ramos, isa sa tatlong babae ay tinutukan talaga ng tanong si Elijah.
Nag angat ng tingin si Elijah sa mestiza’ng pawis at may mapulang labi. “Yup.” He lied.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Sa pagkakaalam ko, ito pa lang ang kauna unahang pag sundo sa akin. Why would he lie about it, I don’t know. I’m not sure.
“Ganon? Mukhang mapapadalas talaga tayo dito.” Halakhak ng isa pa nilang kasama.
Tumawa si Azi kasama ang mga babae. “Aba mapapadalas din kami dito.” Kumindat siya sa kanila.
Kasabay non ang pagkakabasa ko sa text ni daddy na nasa labas na daw ang sasakyan. Pwede na daw kaming pumasok. May binili lang siya sa Prime Meat ng Rosario Arcade. Dinampot ko kaagad ang mga gamit ko at pinatayo ko ang kapatid ko para makaalis na kami. Kung ayaw pang umalis ng boys ay bahala sila.
“Saan ka pupunta?” Tanong ni Elijah sa akin nang bitbit ko na si Charles.
“The car’s outside. Uwi na kami. Dito na lang muna kayo. Marami namang taxi sa labas.”
Tumayo agad si Elijah at hinila niya si Azi.
“Are you kidding me?” Iritadong sinabi ni Elijah sa akin.
Umirap ako sa kawalan at mabilis na naglakad palabas. Nagpaalam ako sa babaeng nasa hall na madalas kong inuutangan ng tubig kapag uhaw na uhaw na ako para kumuha ng pera sa wallet. Nakita ko kaagad ang sasakyan naming naka park. NIlagay ko si Charles sa loob at sinuotan ng seatbelt. Kuntento na siya basta may Chuckie at Transformers.
“Huwag ka ngang mag dabog.” Ani Elijah.
Lumabas ako sa likod para ilagay ang gamit ko sa harapan. Sinarado ko ang pinto at hinarap si Elijah.
“Hindi ako nagdadabog.” Sabi ko.
“Tsss. You guys stop it. Nauumay na ako sa pag aaway ninyo araw-araw.” Ani Azi at pumasok sa loob, bini baby talk si Charles.
“Stop it, idiot. Ayokong mabungi ang kapatid ko sa pag bibaby talk mo.” Iritado kong sinabi kay Azi.
“Ang sungit sungit mo, Klare.” Ani Azi sa akin.
Inirapan ko siya. “Alam mo? Kayong dalawa? Bakit pa kayo sumama? Sana doon na lang kayo sa bahay at nag order ng pizza. You guys are ruining my class.”
“What do you mean ruining your class? Naka upo lang naman kami don.” Ani Elijah.
“If you don’t want me to hook up with your classmates, Klare, then sorry pero you can’t stop me.” Humagalpak si Azi.
Luminga si Elijah kay Azi at sa akin. “Ewan ko sa inyo.” Sabi ko at pumasok na sa front seat para maghintay kay daddy. Gusto ko ng umuwi.
Hinampas ni Elijah ang salamin ng front seat at iminuwestra niya sa aking ibaba ko iyon. Umirap ako at ibinaba ko iyon. Mas klaro kong nakita ang mukha niyang hindi ko malaman kung galit ba o natutuwa.
“You are a big fat liar, Elijah.” Sabi ko.
Laglag ang panga niyang pinapakinggan ako.
“Ang sabi mo palagi ninyo akong sinusundo kina Gwen pero ang totoo first time niyo naman ito. Yuck! You guys would lie just to get the girls you like!” umiling ako sa pandidiri.
“Bakit? Ayaw mong sunduin ka namin?” Nagtaas ng kilay si Elijah sa akin.
Hindi ko alam bakit umaapaw ang galit ko gayong dapat ay wala naman akong pakealam. Siguro ay gusto nilang magpa impress sa mga babaeng iyon kaya nila nasabi iyon. Maliit na bagay lang ito, Klare. Bakit ganito ka makapag react? Just let them flirt. I shouldn’t care.
“You lied to get their attention. Disgusting. Tss.” Sabi ko at mabilis na sinarado ulit ang salamin.
“Hey!” Sigaw niya galing sa labas ngunit hindi ko na siya pinansin.
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya pagkapasok niya sa likod ko.
“Dammit, I don’t understand girls.” Bulong niya.
Tumawa si Azi.
Kaya naman simula noon ay palagi na silang sumasama sa pag sundo sa akin. Madalas ay sila na mismo ang sumusundo sa akin kasama si Damon at Knoxx gamit ang sasakyan ni Knoxx. I don’t understand them. Pinopormahan nila iyong tatlong schoolmates namin. Anila’y mas maganda daw’ng pormahan pag hindi naka uniporme ang mga babae. Ang tahimik kong dance lessons ay naging piyesta para sa kanila kaya naman palagi akong bad trip.
Nang nag Grade 11 sila ay naging usap usapan na ang maswerteng mga babaeng magiging date nila sa Fine Dining. February ng taong iyon, walang laman ang hangin kundi ang nalalapit na Fine Dining. Hindi ko alam kung bakit big deal sa kanila iyon. Nag papractice kami sa gym ng prom at nandoon na ang Grade 11 at Grade 12 na mga estudyante sa bleachers dahil sila na ang susunod sa amin.
Kumakanta kami ng community singing na kanta namin nang nakita kong kasama ng mga Montefalco sa pag upo sa bleachers si Gwen Ramos.
“Totoo ba ‘yong balita na sila na ni Elijah?” Tanong ni Julia sa akin habang kumakanta ako ng You’ll Be In My Heart ni Phil Collins kaharap ang partner kong mahiyain.
“Ewan ko.” Lingon ko kay Julia.
“Feeling ko, e, sila na.” Ani Erin.
Nilingon ko si Erin.
“I saw her in Elijah’s car.” Aniya. “Sa front seat. Probably mag didate.” Kibit balikat ni Erin.
Nairita ako sa hindi malamang kadahilanan. Tinitigan ko si Gwen Ramos at inisa-isa ko ang bawat magandang parte ng katawan at mukha niya. Maputi, matangos ang ilong, pula ang labi dahil sa lipstick, maganda ang mga mata, makurba ang katawan, maporma manamit, katamtamang haba ang buhok at madalas ay may headband.
“She’s pretty.” Ani Claudette.
Napatingin ako kay Claudette at hindi ko magawang makipagtalo sa katotohanang iyon. The girl is pretty.
“And she’s Elijah’s date for Fine Dining!” Ani Hannah.
Tumango ako at pinanood ulit silang nag uusap at nagtatawanang dalawa.
Simula noon ay mataas na ang tingin ko kay Gwen. Kung meron man akong titingalaing babae ay siya na iyon. Gusto kong maging kagaya niya. Iyong mahinhin, babaeng babae, at maganda. Lahat ng sinusuot niyang damit ay pilit kong tinatatak sa utak ko para pag nasa mall ako ay ganong klaseng damit din ang bibilhin ko.
“Huy!” Tinampal ni Erin ang aking balikat nang naabutang titig na titig ako kay Gwen sa bleachers nong basketball game nila Elijah.
Tumitili siya pag nakaka shot ang Knights, mahinhin siyang tumatalon kapag nakaka shot si Elijah, kasama niya ang iilan niyang kaibigan at nagtatawanan sila sa mahinhin na paraan.
“Sinong tinitingnan mo diyan?” Tanong ni Erin.
“Wala. Tulala lang ako.” Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan.
Tinanggal ko ang tingin ko kay Gwen at pinapak na ang popcorn na bili nina Claudette kanina. Ito na ang finals ng Pasarell, kalaban ang Crusaders ng XUHS.
Napatingin agad ako kay Eion Sarmiento at naisip ko kung ganong babae rin kaya ang tipo niya? Iyong mahinhin at hindi makabasag pinggan?
“Go, Go XUHS!” Sigaw ni Erin at tumatawa, nag iingat na hindi marinig ng mga pinsan namin.
Matalim siyang tinitigan ni Rafael. Tumahimik si Erin at bumungisngis sa gilid ko kaya natapon ang ilang popcorn.
“Erin, ingat naman dyan!” Sabi ko.
Tumunog ang bell at idineklarang panalo ang Knights. Tuwang tuwa ang mga pinsan ko. Bigo naman ang XUHS.
“Nanalo lang tayo kasi team B lang ‘yon ng XUHS, ‘yon. Wala ‘yong Ty.” Sabi ni Claudette.
Napatingin ako sa mga pinsan kong nagtatalunan. Sinalubong ni Elijah ang tuwang tuwa na si Gwen at pinulupot agad ni Gwen ang kanyang braso sa leeg ni Elijah para makahalik ng ilang beses. Nagtawanan silang dalawa. Agad akong nag iwas ng tingin at natigil sa pagkain ng popcorn. May parte sa dibdib kong pisikal na sumakit.
Kumunot ang noo ko at binigay kay Erin ang popcorn. “Ayoko na.” Sabi ko.
“Okay.” At kinuha niya sa kamay ko. “Lika! Puntahan natin ang mga pinsan natin!”
AYOKO. But it’s wrong to say that. Bakit naman ayoko? Hindi ba dapat ay masaya ako dahil nanalo sila? Nakasimangot ako papalapit sa mga pinsan namin. Tuwang tuwa na si Erin at sinalubong niya ang kanyang kapatid na si Josiah.
“Congrats, Kuya!”
“Congrats!” Ani Claudette sa mga pinsan ko. “Kahit na nanalo kayo dahil wala ‘yong Ty at si Kuya Knoxx.”
“Shut up, Dette dette. Kahit nandito sila, talo sila.” Ani Azi.
Tahimik ako doon sa gilid. Batid kong nakapahinga ang kamay ni Elijah sa baywang ni Gwen. Hindi ko sila matignan.
“Biyernesanto, Klare?” Halakhak ni Elijah.
Hindi ko siya matignan.
“Oh! Natalo natin ang crush niya.” Ani Azi.
“Nasiko ko pa.” Hambog na sinabi ni Elijah. “Pero di ko ‘yon sinasadya.”
Tinapunan ko siya ng matalim na tingin at agad akong nag iwas dahil nakita kong hinahaplos niya ang baywang ni Gwen. Mas lalo lang akong nagagalit! “I hate dirty players!”
“Nangyayari naman talaga ‘yon sa game.” Ani Elijah.
“Bakit tuwang tuwa ka na nangyari ‘yon? Siguro ay nasaktan si Eion sa ginawa mo tapos tuwang tuwa ka?”
“Nasaktan siya sa ginawa ko. Pero hindi ko ‘yon sinasadya. It’s part of the game, Klare.” Ani Elijah.
“Elijah’s right, Klare. Ilang beses din siyang nasiko. Nasaktan din siya.” Paliwanag ni Gwen.
“Of course.” Sarkastiko kong sinabi at tinalikuran ko sila.
I don’t care if he’s right. I’m mad! Ewan ko!
Kahit na isang taon ko na silang nakikitang magkasama ni Gwen ay hindi parin ako sanay na makita silang magkasama at sweet. I don’t get myself and I don’t want to overthink. Iritado ako kay Elijah all the fucking time. Iyon lang iyon.
“Hey!” Nag ja-jog siya sa likod ko para maabutan niya ako.
Suot suot parin niya ang kanyang kulay dark blue na jersey na may nakalagay na Knights Number 28. At least it’s his birthdate. Hindi iyong tulad ni Josiah na kung sino ang girlfriend niya sa panahong iyon ay sa monthsary niya binibiyaya ang numero ng kanyang jersey.
“Hey, Klare!” Aniya dahil hindi parin ako tumitigil sa paglalakad.
Hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Hinarap niya ako sa kanya. Matalim ko siyang tinitigan.
“Aray, ano ba?” Sabi ko. “Gusto ko lang bumili ng pagkain sa labas.”
“What’s your problem with Gwen?” Ilang beses niya na ‘tong naitanong sa akin at palagi ko siyang hindi sinasagot.
Tiningnan ko ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko.
“Bitiwan mo ako!” Sabi ko.
“What’s your problem with my girlfriend, Klare?” Mariin niyang sinabi habang hinihigpitan pa ang hawak sa braso ko.
“Aray, Elijah, nasasaktan ako.” Sabi ko sabay hawak sa kamay niya sa braso ko.
Tumitig lang siya sa akin. Kumalabog ang puso ko at gusto ko na lang kumawala sa pagkakahawak niya sa akin. Wala akong problema kay Gwen. Wala akong pakealam kaya nga wala akong sinasabi. Gusto ko lang talagang umalis at bumili ng pagkain.
“What can I do to stop the pain?” Tanong niyang hindi ko naintindihan.
Kumunot ang noo ko at napatingin ulit ako sa kamay niyang humihigpit ang hawak sa akin. “Let go!” Sabi ko.
“Let go of who?”
Nalaglag ang panga ko sa tanong niya. Nag angat ako ng tingin sa kanya at hindi ako nag iwas kahit na sobrang lakas na ng pintig ng puso ko. I just want him to let go. Isa-isa kong kinalas ang daliri niya. Nanghina siya sa ginawa ko kaya mabilis kong nakalas ang kamay niya sa braso ko.
“Let go of who, Klare?”
I won’t answer that question. Nag bago ang ekspresyon sa kanyang mga mata, ang dati’y galit at determinado ay nagmukha ng nasasaktan at pagod. Kinagat ko ang labi ko at tinalikuran siya. Dahan dahan akong naglakad palayo sa kanya.
“Let go of the other girl, of course. Because I can’t let go of you.” Aniya kaya mabilis akong tumakbo palayo.
I don’t want to hear it. I don’t want to hear anything.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]
dear elijah, bat di ka magexist mahal? uso yon anoh