Until Forever – Simula

Ito po ang third book ng Until He Was Gone. This is both a prequel and a sequel. Please be patient with the ups coz my priority is EBNAB. Thank you so much for supporting this story! Hope you’ll continue to support this till the end.


Simula

“Bro, wanna play ball?” Kakadating lang ni Azi galing sa kanila.

I told him I’m not in the mood to go out. Ang tigas talaga ng ulo ng isang ito. Pumasok sa loob ng kwarto ko si Josiah at Damon. Nag dala pa talaga siya ng kanyang team.

“What the fuck, dude? You’re decaying inside your room. Go out, man!” Ani Azi sabay dribble ng bola. Mabilis na lumipad ang dirty finger ko sa ere.

Humalakhak siya.

“Dammit, I told you I’m not in the mood…” Paos pa ako sa nagyari kagabi.

Kinusot ko ang mata ko. Hinawi ni Josiah ang kurtina kaya lumiwanag ng husto doon. Hinawakan ko ang ulo ko. Damn! I just want to sleep the whole day.

“I hate you guys.” Because it’s true, I hate them right now.

Pero mas naiinis ako kay Kuya Justin. I told him to go slow. Now I’m a wreck. What’s it called again? Jim Beam and Jack Daniels? Sabi ko sa kanyang beer lang muna dahil first time ko pang uminom. So much for being his apprentice.

Naririnig ko na ang tawa niya galing sa labas. Kasama niya si Rafael at si Knoxx. Tinaas ko ang kamay ko nang nakitang umamba ng high five si Knoxx sa akin.

“You cool, bro?” Aniya.

Ngumisi ako at ginulo ang buhok.

“I heard muntik ka ng ma lason ng Jim Beam.” Knoxx chuckled.

“Or ma comatose?” Nagtaas ng kilay si Rafael.

“Non sense. I’m good. Si Kuya ang na comatose kagabi. Dad was too angry to let him sleep.”

Bumaling silang lahat kay Kuya Justin. Syempre, nagalit si daddy nang nalaman niyang pinainom ako ng alak ni Kuya. Kahit na kagustuhan ko iyon, still Kuya Justin is responsible for that.

Napuno ng kantyaw si Kuya habang dumiretso na ako sa bathroom. I’m not sure if I can even dribble a ball right now. Masyadong masakit ang ulo ko para tumakbo. I just really wanna rest.

After the cold shower, naabutan ko silang lahat sa kama ko. Azi’s too curious about the alcoholic beverages. Naaalala ko sa kanya ang sarili ko kahapon.

“Fuck you, Kuya. I just wanna try.” Iritadong sinabi niya kay Knoxx nang pagbawalan siya nito.

“Try my ass. You’re still a kid!” Ani Knoxx.

“Isang taon lang gap natin. Kung bata ako, bata ka rin.”

Umiling na lang ako at naghanap ng maisusuot. Hindi ko na maalala ang nangyari kagabi. Ang alam ko ay pinagalitan ni daddy si Kuya Just. Nasali pa ‘yong issue na ayaw ni Kuya Justin mag major ng business. Dad’s too hard on Kuya Just these past few days. Kaya naiintindihan ko kung gusto niyang mag loosen up.

“Ej, drink these.” Sabay lapag ni Kuya Justin sa isang tablet ng vitamin C at mamahaling mucolytic.

Napatingin ako sa kanya. “Are you kidding me?”

“Trust me. It will help. I got this.” Kindat niya.

Nagkibit balikat ako. Simple. Kung lalala ang pakiramdam ko dahil sa pinainom niyang ito, I’ll stay inside my room forever. Hindi ako mapipilit ni Azi na lumabas dito.

Ngunit nakakagulat dahil tama si Kuya Justin. Nakatulong nga ang dalawang pinagsamang tablet na iyon. Fast relief, indeed.

“May study tungkol diyan. That’s the cure for hangover, Elijah. If you wanna learn, I’ll teach you the whole thing.” Kindat ulit niya sa akin.

Nagkibit balikat ako. Well, I guess I should take note.

“I wish Justin’s my brother. Nakakairita ang Knoxx na iyon. Yabang!” Singhal ni Azi, papalabas kami ng bahay. “Age my ass. He’s just Grade 9. Akala mo naman kung makapag salita, legal age na. Kuya Justin’s cool. Knoxx sucks big time.”

“Try kaya natin uminom next week o mamayang gabi? Tago lang tayo para di makita nina mommy.” Ani Damon sabay ayos sa kanyang buhok.

“At saan naman tayo magtatago?” Nagtaas ng kilay si Josiah.

And curiousity killed the cat. Alam kong noon pa lang ay gusto na nilang ma try uminom. Syempre, I got the eldest Montefalco brother kaya ako ang naunang maka experience ng ganon. Ngayong na experience ko na, silang lahat gusto na rin. I bet Azi’s ass, Knoxx won’t let them drink a drop.

“What about sa bahay nina Elijah? Elijah’s room?” Ngising aso ni Azi, papasok kami sa sasakyan ni Rafael.

“At ako ang papagalitan ni Dad? Tsss.” Sabi ko.

“Come on, Elijah. Hindi tayo papagalitan kung di nila malalaman. Sabihin natin na ‘sleepover’.” Nag quotation marks pa sa hangin ang unggoy.

“What are you, a girl, Azi? Sleepover ka dyan.” Irap ni Josiah. “Jamming, Elijah. Let’s invite Rafael.”

“Pag inimbitahan mo si Kuya Rafael, dadating si Knoxx. Azi’s ass will burn.” Ani Damon.

Tumawa ako.

Syempre, nang dumating na si Rafael at Knoxx ay tumahimik na sila tungkol don. Nag shift ang topic sa girls. Halos hindi pa kami magkasya sa loob ng sasakyan. Dalawa naman ang dala dahil sumama naman si Kuya Justin but heck the monkeys want to be together. Hindi bale na raw na maging sardinas kami sa loob.

“Akin na nga.” Sabay kuha ni Josiah sa winawagayway ni Dame na cellphone.

He’s at it again. Searching for interesting schoolmates and trying his badboy moves. Humikab ako habang tumitingin sa labas ng sasakyan. Sinusundan ko ng tingin ang bawat building na nadadaanan namin.

“Just look at her, man!” Sabay pakita ni Azi sa picture don sa cellphone ni Damon. “Andrea Tancinco! She’s so hot!”

Dinungaw ko ang picture ng isang babaeng medyo chinita at payat. Yeah, well, she’s pretty. “Looks too young.” Sabay tingin ko ulit sa labas.

“Mas maganda kaya ang mas bata!” Panindigan ni Azi.

“Patingin, Azrael!” Sabi ni Knoxx na nasa front seat.

“Hell, maghanap ka ng babae mo sa school niyo.” Galit na sambit ni Azi.

Tumawa na lang si Knoxx sa front seat. Bumaling ulit si Azi sa akin. “What about this girl, bra?” Sabay palit ng picture sa cellphone ni Damon. “Who’s this again, Dame?”

“Alyssa Acosta.” Sabi ni Damon.

Once again, I’m tempted. Dinungaw ko ulit ang isang picture ng babaeng sobrang puti, nakalabas ang dimple, pula ang labi, may maiksing shorts, at spaghetti strap na damit. Damn!

Kinuha ko ‘yong cellphone sa kamay ni Azi. Lumaki ang ngisi niya dahil sa ginawa ko.

“What section, Dame?” Tanong ko.

“I don’t know. Taga Pueblo Campus,” sagot ni Damon.

“How about this Andrea whatever?” Sabay tingin ko ulit sa picture nung babaeng medyo chinita. Azi’s right, she’s hot!

“Klare’s classmate.” Sagot ni Damon.

Nagtaas ako ng kilay. Binigay ko kay Azi ang cellphone ni Damon. I lost my interest there.

“May isa pa, dude!” Sabi ni Azi sabay pakita ng isa pang babaeng morena at matangkad.

Damn girls. Pinag aagawan na ni Josiah at Azi ang cellphone ni Damon. Punong puno iyon ng girls. Well, at least they’re not watching porn habang naghahanda kami sa game na ‘to.

“Nandon ba sina Erin?” Tanong kong sinagot kaagad ni Josiah.

“Yup. Claudette and Klare. Sinundo, diba, ni Justin?” Nagtaas siya ng kilay sakin.

Nagkasalubong ang kilay ko. Wala akong alam. Hindi ko alam na sinundo ni Kuya ang tatlo.

“How about Yasmin, Ej?” Tanong ni Rafael.

“Surigao with mommy.” Sagot ko sabay tingin ulit sa labas.

Nakarating na kami sa Marco Hotel. Dito gaganapin ‘yong basketball game. Katuwaan lang pero sineseryoso nila. Tamad akong bumaba sa sasakyan. Nagpapasalamat dahil nakahinga na rin ang mga buto ko. Mamaya kay Kuya Justin na ako sasakay. Damn boys. Sumulyap ako sa kabilang parking lot nang narinig kong tumunog ang sasakyan namin.

Kakalabas lang ng girls sa sasakyan. Hinawi ni Claudette ang mahaba niyang buhok at nilagay niya sa tainga niya ang kanyang malaking headphones. Inaayos ni Erin ang kanyang damit samantalang nilalagay ni Klare ang kanyang kamay sa loob ng mga bulsa ng kanyang Nike Jacket.

“Where’s Chan, by the way?” Tanong ni Kuya Justin kay Josiah.

“Probably with his cheating boyfriend. Tsss.” Sagot ni Josiah. “May araw ‘yon sa akin. Kung di ako aawayin ni Ate, suntukin ko ‘yon.”

Ngumuso ako habang tamad na tumatayo doon. Maaga pa naman kaya tumayo muna kami sa parking lot. Abala rin si Azi at Knoxx sa pamimili sa tatlong bola sa likod ng sasakyan. Siguro ay kulang sa hangin ang mga iyon kaya natatagalan sila.

Kinagat ko ang labi ko nang naramdaman ko ang siko ni Klare sa tagiliran ko. Busy sila ni Erin sa pag uusap tungkol sa hindi ko alam. Basta ay nagtitilian ang dalawa. Their topic must be about a crazy serial killer. Their shrieks are filling up my ears.

“Elijah, where’s ate Yas?” Nagulat ako nang bigla akong tinanong ni Erin.

Nilingon ko sila. Nakita ko kung paano nagulat si Klare na sobrang lapit niya pala sa akin. Jesus, we’re not even that close to each other. ‘Yong siko lang naman niya ang tumatama sa tagiliran ko. Paranoid girl. Umatras siya at lumayo sa akin. Oh, you don’t wanna be near me? I don’t want to be near you too.

“Nasa Surigao kasama si Mommy.” Sagot ko at tumingin na ako sa likod. Ang tagal ni Azi at Knoxx.

“Eto na, e. Kung sana nandito si Ate Yas, makikita niya na si Eion Sarmiento.” Bulong ni Erin.

Well, hindi iyon bulong kasi naririnig ko. Eion Sarmiento? XUHS player? Napatingin ako kay Knoxx na ngayon ay may suot ng Chevalier jersey. They’re not Crusaders for today, huh?

Sinarado na nila ang likod ng sasakyan pagkatapos makuha ang bolang dadalhin namin. Pinanood ko silang naglalakad patungo sa akin.

“Let’s go, dude.” Sabi ni Josiah.

Hindi ako gumalaw. I waited for Knoxx and Azi. Nang naabutan na nila ako ay saka ako naglakad kasabay sa kanila. Nakita ko kaagad na papasok na ang girls sa gym, sumusunod naman ang boys.

“Who’s Eion Sarmiento, Knoxx?” Tanong ko nang di nililingon si Knoxx.

“One of our varsities. At… uh? Crush ni Klare?”

Tumango ako. His name sounds familiar. Probably one of Xavier University’s star player. Sumabog ang gym sa hiyawan. I’m really not a fan of the XUHS basketball team, they always have a bunch of cheerleaders with them everytime.

Tumingala ako para makita ang mga mukha nong babaeng sumisigaw para sa kanila. Nagulat ako nang nakita kong may iilang taga school din namin na sumisigaw para sa amin. Nag angat pa ako ng tingin at sinalubong ako ng nakakabinging tili ng dalawang babae.

“ELIJAH MONTEFALCO!!!”

Napapikit ako at napahawak sa aking tainga. Dammit! Binunggo agad ako ni Azi.

“Damn, bro, you’ve got some real fans out there.” Tumawa siya.

“Fuck off.” Iritado kong sinabi.

Halos pumutok ang ear drums ko sa tiling iyon. I don’t wanna hear it again. Mabilis na akong nag tungo sa benches pero ewan ko kung anong nakain nung mga babaeng iyon, mas ginanahan ata silang tumili nang nakita akong nasaktan sa kanilang mga boses. I don’t understand them!

Agad kong inayos ang sapatos ko habang naririnig ang nakakairitang tili ng mga babae at mas nakakairitang kantsyaw ni Azi at Josiah sa tabi ko. Nakaupo ako habang silang dalawa ay nakatayo. Sinubukan pa ni Azi na tanggalin ang kanyang jersey, mas lalong tumili ang mga babae.

“Thanks, Azi.” Sarkastiko kong sinabi sa kanyang.

Tumawa lang siya at parang enjoy na enjoy sa ginagawang pagtili ng mga babae. Bastard. Napatingin ako sa kabilang bench, nakita ko kaagad ang matangkad, medyo payat at maputing player na may nakalagay na Sarmiento 28 sa likod. We have the same number.

Inangat ko pa ang mata ko at nakita ko kaagad na pumwesto ang mga babae kong pinsan sa bleachers malapit sa bench ng Chevaliers. Claudette’s busy with her iPod, Erin’s watching us, and Klare’s watching Eion Sarmiento.

“Tsss. What’s so special?” I’m suddenly pissed.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

2 thoughts on “Until Forever – Simula

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: