Kabanata 1
Good Morning
Hindi ko parin mahanap ang sagot kung ano ang meron sa Sarmiento na ‘yan. Why is Klare crazy over him? Some other girls are crazy over him too! Naririnig ko kung paano humiyaw ang iilang schoolmates niya sa bleachers. It’s stupid.
Azi passed the ball to me. Dinribble ko ngunit nakaharang si Eion sa dadaanan ko dapat. I suddenly got pissed and frustrated. I need to shoot this ball but how? Sa sobrang frustration ko ay hindi ko sinasadyang nasiko si Eion Sarmiento. The referee didn’t notice it kaya hindi tinawag bilang foul. Diniretso ko ang bola sa ring at agad akong nanlamig. I’m sure the audience noticed it!
Nakita ko kung paano pumalibot ang mga teammates niya para sa kanya. Tumatango naman siya at panay ang sabing okay lang siya.
“Two points from Number 28, Montefalco.”
Mabilis akong tumingin sa mga bleachers kung nasaan ang mga pinsan kong babae. They didn’t even clap their hands! Nakatingin lang si Erin at Klare kay Eion. Si Claudette naman ay nakatoon sa kabilang team.
“Hindi ko sinasadya.” Paliwanag ko kaagad nang lumapit si Rafael sa akin.
“I know. He’s an annoying guard.” Ani Rafael at tinapik ako sa likod. “Nasiko ko rin ‘yon kanina nong ako ang binantayan niya.”
Tumango ako at binalewala na lang.
Tumili ang mga babaeng maiigay. Sinisigaw ang apelyido ko. Well, Azi’s really proud of it. Panay ang flying kiss niya sa mga babaeng tumitili sa apelyido namin.
“Ni hindi mo alam kung ikaw nga ang tinutukoy na Montefalco. It could be me, you know! Tsss.” Ani Josiah kay Azi.
“Stop ruining the moment and just be greatful you idiot.” Ani Azi na siya sigurong magpapatalo sa amin.
Sa sobrang saya niya sa mga tili ay halos puro pasikat na lang ang ginagawa niya. Halos mag slam dunk na siya sa sobrang pasikat.
“Yabang!” Sigaw ko nang tinaas niya ang kanyang kamay pagkatapos maka shoot ng isa.
Nilingon ko ulit ang mga babaeng nagtitilian para sa amin. Dumami sila at pare parehong nakabalandra ang makikinis nilang mga legs. Damn… Let’s do this!
We won. Isang puntos lang ang lamang. I didn’t like it. Gusto kong manalo ng sobrang laking puntos ang lamang. Ni hindi pinapasok si Knoxx sa last two quarters and I felt shit about that. That means they could win if they’d maximize their players but they didn’t.
“Ayos!” Sabay fist bump ni Knoxx sa aming lahat. Tumigil siya sa akin. “You improved a lot.”
“Gym, Elijah. Not just jog. Mas maganda pag toned ang muscles. You’ll feel lighter.” Ani Kuya Justin habang nagpupunas ako ng pawis.
“Maybe you should enrol him, Just?”
Tumango si Kuya Justin at nag usap pa sila ni Rafael at Knoxx tungkol sa laro.
Habang nag papalit ako ng damit ay nahagip ng mga mata ko iyong mga babae na bumaba galing bleachers patungo sa amin. Napatingin ako sa kani kanilang mga legs. Tumaas ang dalawa kong kilay at yumuko para kalasin ang sintas ng sapatos ko.
“Hi, Melissa!” Salubong ni Josiah sa kanyang girlfriend.
Sinalubong din ni Azrael at Damon ang iba pang mga kilala namin na sumusuporta. Nahagip ng paningin ko sina Erin na naroon sa kabilang benches at nakikiusisa sa mga players ng Crusaders. Nakatayo lang si Klare sa pinaka likod habang hinihila siya ni Erin. Nagpupumiglas pa si Klare sa ginawa niya kay Erin. Nag angat ang labi ko.
“Hi Elijah! Nice game!” Nawala ako sa focus dahil sa biglang lumapit sa akin.
I remembered this girl! Ito ‘yong nasa cellphone ni Azi. But I forgot her name. What’s her name again? Her long fair legs looked really nice to me. Lalo na ngayong naka tayo siya sa gilid ko.
“Ah! Thanks! I’m sorry. You are?” Kinunot ko ang noo ko.
“Alyssa Acosta.” Medyo naoffend siya sa tanong ko.
Tumango ako.
“Alyssa, pakilala mo naman ako sa kanya.” May lumapit na tatlo pang babae.
Tumayo na ako at inayos ko ang bag ko. I don’t wanna be rude. Naglahad ako ng kamay sa kanila at nagpakilala. Namumukhaan ko sila pero hindi ko parin na rere-call ang pangalan nila. Si Alyssa Acosta lang iyong naalala ko nang nasa sasakyan na kami.
“Mag ja-jamming kami ngayon sa bahay nina Elijah.” Panimula ni Josiah nang tumawag ang kanyang dad.
So they’re still at it. Gusto pa rin nila talagang uminom. I need to tell Kuya Justin. He’ll help. Hindi niya naman siguro ilalaglag si Azi kay Knoxx. He’ll understand. They’re just curious.
Bumaba ako ng sasakyan. Wala pa naman si Knoxx at Rafael at nakita ko sa kabila na nandoon na si Kuya Just kasama ang girls. Naglalakad ako patungo doon nang biglang tumunog ang cellphone ko. It’s from an unknown number.
Unknown number:
This is Alyssa Acosta. Nice meeting you Elijah. Save my number. Josiah gave your number to me.
Mabilis akong nag type ng reply.
Ako:
Sure thing. Nice meeting you too. Naka alis na kayo sa venue?
Nag angat ako ng tingin nang nakitang nakahalukipkip si Justin sa labas ng sasakyan habang si Klare at Erin ay nagtitilian sa gilid. Kumunot ang noo ko at bumaling ulit kay Kuya.
“They want a drink but Azi’s not allowed. Ayaw ni Knoxx, e.”
Ngumuso si Kuya sa akin. “Curious boys. Well, anong plano niyo? Pwede naman sa bahay but they need to be really quiet. Dad’s around for tonight. Ayokong pagalitan niya na naman ako.”
“I don’t know if they can shut their mouths.”
“Pwede naman siguro, Ej, itago na lang natin ‘yong bottle incase mag check si dad.”
Tumango ako at nilingon ko ang kabilang sasakyan. Sumenyas ako ng ‘okay’ sa kanila at halos maghiyawan sila sa saya.
“Ayan! Nanghihinayang ka ngayon! Kung sana ay hindi ka nahiya kanina ay nakausap mo na si Eion!” Dinig ko ang boses ni Erin na pinapagalitan si Klare.
“Marami pa namang pagkakataon.” Simpleng sagot ni Klare.
Humalukipkip ako at hindi ko napigilang sumungit. “You’ll stoop down to that level? Girls should just keep quiet and wait for the boy to make a move. Tsk.”
Sinimangutan ako ni Erin. “Yup. Kasi madalas yung mga lalaking pumuporma ay iyon sila ‘yong mga arseholes, Elijah.”
Lumingon si Klare sa akin at nakita ko ang mataray niyang ekspresyon. Ngumisi ako. “Like all of you.”
“Well, hindi ako ang pumuporma sa mga babae.” Humalakhak ako.
“You’re too proud. Feeling chic-magnet. Tss.” Umirap si Klare at hinawi ang kanyang bangs. Nilagay niya iyon sa kanyang tainga at nakita ko kaagad ang kanyang ear piercing. Hindi siya nag susuot ng earrings.
“Ikaw ang nagsabi niyan. Hindi ko sinabing chic-magnet ako.”
“Get lost, Elijah. Shoo!” Ani Erin. “Away na naman kayo.”
Medyo nairita ako sa kanilang dalawa kaya naglakad na ako ng di nagpapaalam.
“Rude. Saan ka pupunta?” Dinig ko ang tanong ni Klare.
Halos matigilan ako sa paglalakad. Nilingon ko siya at nakita kong hindi natinag ang mataray niyang mukha.
“Sa sasakyan, syempre. To get lost.” Umirap ako at nagtungo na sa sasakyan.
Hindi ko malaman kung badtrip ako o ano basta ay masaya ako dahil sa bahay matutulog ang mga boys. This will be really fun!
Pauwi kami ay panay ang reply ni Alyssa Acosta sa akin.
Alyssa:
Yup. Kayo?
Ako:
I’m home. What are you doing?
“Shit, dude! Hiningi ni Alyssa Acosta ‘yong number mo!” Sabi ni Josiah papasok kami ng bahay.
“Really? Akala ko binigay mo lang bigla sa kanya?” Ngumisi ako at mas lalong ginanahan sa pag titext kay Alyssa.
“Hindi ah! Tinanong niya kung anong network mo. Sinabi ko Globe tapos sabi niya pareho daw kayo at pwede daw bang makita ‘yong number mo.”
Nagtawanan kami at mas lalong dumami ang usapan na patungkol sa mga babaeng nag cheer kanina. Syempre sa hapag ay pormal kami. Sumama si dad sa amin sa pagkain. Panay ang pangaral niya sa amin na mag enjoy dahil mga bata pa kami at huwag na huwag malulong sa mga masasamang bisyo most specifically ‘yong drugs.
“No… Hindi ako mamamatay sa prohibited drugs pag nag take ako. Mamamatay ako dahil papatayin ako ni dad pag ginawa ko ‘yan so I’d rather live a simple happy life.” Tumango tango pa si Azi.
Good boys kaming masyado. Mabuti na lang at medyo busy si Rafael at Knoxx kaya hindi sila sumama. Si Damon, Josiah, Azi, at ako lang ang nandoon.
Pagkatapos kumain ay nagsiakyatan na agad kami sa kwarto ko. Naabutan ko si Kuya Justin na naglalagay ng Henessy sa round table ng balcony ko.
“We’ll start easy.” Aniya sabay ngising aso.
“Is that even easy?” Tanong ko.
“Let’s start hard, Just. Para matuto kami.” Halakhak ni Damon.
“I’m quiet surprised, Dame. Hindi ko alam na first time mo rin ‘to. Rafael is open minded.” Ani Kuya kay Damon na umuupo na ngayon sa tapat ng Henessy.
“Well, he is. But dad isn’t… so…”
Nagsimula na kami doon. Umupo lang kami sa balcony. Nag s-strum ng guitar si Josiah habang ako ay panay ang text habang nagpapahangin doon. Palaging pumipikit ng mariin si Azi tuwing nilalagok ang shot.
“Bakit may naaadik dito kung ganito ka sama ang lasa? I don’t get it!” Sabi ni Azi pagkatapos mailapag ang pangatlong shot ng Henessy.
Pulang pula ang kanyang mukha at basang basa ang kanyang labi. Hindi ko mapigilang kantyawan siya. Ganon din ang ginawa ni Damon. Kung medyo okay lang sana si Josiah ay siguro kanina niya pa ‘to tinawanan si Azi pero maging siya ay mukhang tipsy na rin.
“Ganon talaga, Azi. Pag sobrang lasing ka na, masarap na ‘yan!” Ani Kuya.
Nagtawanan kami. May kumatok sa aking pintuan. Agad nag presenta si Damon na siya na ang mag oopen non. Nagpaluto kasi kami ng sisig at beef tapa sa cook kaya iyon na siguro ‘yon.
Pagkatapos kunin ni Dame ay binalot agad kami ng nakakagutom na amoy ng sisig. Agad iyong nilantakan ni Azi at nag reklamo siya sa sobrang sakit ng ulo niya.
Alyssa:
Wow! Ang swerte siguro pag naging pinsan kita. Hehe
Nag type agad ako ng reply.
Ako:
Do you want us to be cousins? Hindi kita maliligawan pag cousins tayo.
Nilingon ko ulit si Azi na nakapikit ang isang mata habang nag titext. Sino kaya ang ka text nito.
Tumawa si Kuya Justin. “Iyan ang signs na medyo lasing na.”
Tumawa rin si Josiah at kinuha ang cellphone niya. “Remember this day. Ito ang araw na nadevirginized ng alcohol ang lalamunan at atay natin.”
Nagtawanan kami.
“Next on my checklist? Devirginize a girl. Or have sex.” Sabi ni Azi. “I’m sure mas mauuna ako sa inyong lahat.”
“Well…” Nagkibit balikat si Josiah.
Ngumisi ako. Mauuna my ass. Josiah’s probably doing ‘it’ already.
“Shut up, Joss. You’re a big fat virgin.” Sabi ni Azi.
“Hoy! Pag naka buntis kayo, ibubuking ko kayong lahat!” Sabi ni Kuya Justin. “Don’t make the girls cry! That plan is disgusting, Azi.”
“Well kung willing siya, edi willing din ako. Hindi ko naman sinabing iri-rape ko siya, Justin. It’s mutual understanding. Let’s be open minded. Tsaka, I’m smart. I won’t get anyone pregnant.”
Nanlaki ulit ang mata ni Azi nang tumunog ang kanyang cellphone. Tumunog din ang akin at nakita kong may tatlong mensahe na doon. Isa galing kay Alyssa, isa galing sa nangungumusta kong classmate at isa pang unknown number.
Alyssa Acosta:
Bolero! I hate you. 🙁
Ngumisi ako ngunit narinig ko ang halakhak ni Azi. Sino ang katext niya? Mabilis kong dinungaw ang cellphone ko.
“Sinong ka text mo?”
“A couple of girls. But Klare made me laugh hard.” Tumawa ulit siya.
Hinawakan ko ang cellphone ni Azi at nagulat ako dahil nag titext sila ni Klare. Binigay niya naman sa akin ang phone niya.
“Sinabi ko sa kanyang nag inuman tayo. I’m sure she won’t tell anyone. She can keep a secret.” Ani Azi.
Binasa ko ang text ni Klare. Wala akong number niya at kahit kailan hindi siya nag appear sa inbox ko. Kahit emergency texts wala!
Klare:
You’re so drunk Azrael. Mali mali ang texts mo. You’ll die so young because of alcohol or worst, ma aaaddict ka dyan!
“She needs to seriously sort her hierarchy of things. Sabi niya worst daw ang maaddict! Mas worst kaya ang mamatay! Crazy girl.” Tatawa tawa lang si Azi.
Tiningnan ko ang cellphone kong maraming nagtitext. Tuwing ganito na ang oras ng gabi ay sobrang daming nag titext sa akin. Binalingan ko ulit ang cellphone ni Azi at tiningnan ko ang kabuuan ng conversation nila ni Klare.
Ang unang text niya kay Azi, kahit na mukhang text niya sa lahat ay: “Good morning! <3 “
Bakit di niya ako sinasali? Suplada talaga. Binalik ko kay Azi ang kanyang cellphone at nilagok ko ang shot ng Henessy. Tinabi ko ang cellphone ko at nagsalin na lang ng isa pang shot sa akin. Nakakainggit. I want to recieve Good Morning texts too. Nilingon ko si Azi at nairita ako sa naka ngisi niyang mukha habang nag tatype ng reply. Fucker.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]