Until Forever – Kabanata 2

Song: I Will Always Stay This Way In Love by Nina

Kabanata 2

Nice Voice

So yeah, we all got drunk. Sumakit ang ulo ko pero dahil don sa tinuro ni Kuya Justin sa akin ay mabilis naman akong nakaahon. Sila naman ay panay ang request ng sabaw kinaumagahan. Ayaw pang umalis sa kwarto ko. Mabuti na lang at walang sumuka sa sahig. Si Azi at Josiah panay ang suka sa bathroom kagabi.

“Ang tagal ng soup.” Sabi ni Azi habang nakapulupot sa aking comforter.

Sabog ang mga mukha nila. Natatawa na lang ako at panay ang mura nila sa akin dahil hindi daw ako nalasing. Nalasing ako pero mas nauna lang talaga sila kaya hindi na nila namalayan.

“I feel like shit.” Ani Azi sabay kuha sa nilalahad na cellphone ni Josiah. “Ano ‘to?”

Dinungaw ko iyon para tingnan kung ano ‘yong ipinapakita ni Josiah kay Azi.

“CR muna ako.” Ani Josiah at padabog na sinarado ang CR.

“Tangina mo, Josiah!” Tawa nang tawa si Azi.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong porn ang nasa cellphone ni Josiah. Humagalpak sa tawa si Damon nang narinig ang boses ng babae galing sa cellphone ni Joss. Lumapit din siya sa amin para manood.

Nagtawanan kaming tatlo at hinagisan ni Azi ng unan ang pintuan ng bathroom ko.

“Fuck your cure for hangover is porn? At anong ginagawa mo dyan sa CR?”

Panay ang tawanan namin kahit sa school. Hindi kayang bitiwan ni Azi ‘yong ginawa ni Josiah sa bahay. Our teacher got pissed cuz Azi won’t stop laughing. Napagalitan na kami at lahat pero hindi parin kami matigil sa kakatawa.

“Huy, boys!” Binatukan ni Chanel si Azi at Josiah habang kumakain kami sa canteen.

“Ano ba!” Iritadong sabi ni Azi sabay tingin kay Chanel.

“I know what you did! Kayo talaga, di kayo nagsasabi!” Aniya. “Elijah, sana sinama mo ang girls.”

“Ang KJ ng girls.” Sabi ko.

Sumimangot si Chanel. “Hindi sila iinom. They’ll just watch. Bonding lang naman. I’ll convince Knoxx next time.”

“I’m not going to let Dette taste that thing.” Ani Azi na agad namang sinapak ni Damon.

“Loko! Nasarapan ka na nong lasing ka na!”

Patuloy sila sa pag aasaran habang napansin ko ang panay na pag tunog ng cellphone ko. Kinuha ko kaagad iyon sa bulsa ko at nakita ko ang mga texts ni Alyssa Acosta at iilang babaeng classmate ko.

“So… Kelan ba alis ni Kuya Just?” Tumabi si Chanel sa akin.

“Next month. Kasama si Ate.” I said.

“Hindi ka sasama?” Tanong ni Chanel.

“Hindi. Sa December pa ako. Don kami magpapasko.” Sagot ko.

“Kaya pala di nag enrol si Just for this year? How about Yas? Enroled siya, a?”

“Aabsent lang siya ng two months.” Sagot ko habang nag tatype para makapag reply sa text ni Stephanie Angeles, iyong crush ng kaibigan ko.

Stephanie:

I heard you’re texting Alyssa. Akala ko ba di ka pumapatol ng textmates?

Ako:

I’m being polite. You jealous?

Binatukan agad ako ni Chanel at agad siyang tumayo.

“What?” Tanong ko sabay angat ng tingin sa kanya.

“Ang kapal mo? Alyssa Acosta tapos Stephanie Angeles? Tsss.”

Tumawa na lang ako at umiling. “Saan ka, Ate?” Tanong ni Josiah.

“Bakit? Sama ka?” Sarkastikong tanong ni Chanel. “Pupunta ako sa speech lab. ‘Yong CD ng kakantahin ni Klare para sa speech test nila nasa akin. Ibibigay ko.”

“Ngayon ba ‘yon? Manonood ako.” Tumayo agad si Josiah at umambang sasama kay Chanel. “Ako nagturo kay Erin nong kanta niya. Pinaghirapan ko ‘yon.”

Tumayo rin si Azi at Damon para sumunod kay Chanel. Wala akong nagawa kundi sumunod. Ayokong maiwan sa canteen na puno ng nanonood na mga mata. Tumunog ang cellphone ko at naging abala ako sa pagrereply sa mga text ng mga kilala ko.

Stephanie:

Nope. Bakit naman ako magseselos? Hindi naman tayo.

Alyssa:

May practice kayo mamaya?

Ako to Stephanie:

Aryt. 🙂

Ako to Alyssa:

Wala. Every Friday lang madalas. Depende kay Coach.

Mabilis na nag reply si Stephanie.

Stephanie:

🙁

Ako:

Why are you sad?

“Tingnan niyo si Rafael? God damn it, anong ginagawa niya diyan sa kabilang section?” Tanong ni Josiah.

Sumilip kami sa pintuan nila at nakita naming naroon nga si Rafael, walang takot na nakiki upo sa classroom ng may classroom. May kinakausap siyang babaeng may malaking salamin.

Sabay kaming suminghap at sabay rin naming binanggit ang pangalan nung babaeng kausap niya, “Tasha.”

“Ha?” Iritadong sambit ni Chanel at agad bumalik sa kanyang dinaanan para tingnan si Rafael na nasa Grade 9 section. “Anong. Ginagawa. Niya. Diyan?”

Tinulak ko si Chanel para maalis doon. “Hayaan mo na.”

“Why is he still pursuing that bitch?” Iritado niyang sinabi.

“Who said?”

“Sino?” Tanong kong inosente.

“Sinong nagsabing nililigawan niya ‘yan?” Dagdag ni Damon.

“Pag untugin ko kayong apat dyan! I know Rafael. Humanda ‘yang Tasha na ‘yan.”

“Yeah, great!” Sabi ko nang nagmartsa si Chanel paliko sa corridor.

“Ano ba, Chanel, hayaan mo na si Rafael.” Ani Azi.

“Wala ka bang konsiderasyon para kay Claudette, Azi? Hindi mo na ba naaalala?” Inis na sinabi ni Chanel.

“Of course naaalala! Pero kasalanan ‘yon ni Dette at Erin!”

Nilingon agad ni Chanel si Azi at itinuro. Natigilan si Damon at Josiah. Suminghap na lang ako at umiling habang nagbabasa ng mga mensahe ng mga girls.

“Itinali niya si Claudette sa isang punong kahoy at binato ng putik. Si Dette Dette, Azrael. Si Claudette Montefalco!” Mariing sinabi ni Chanel.

“Grade 7, yeah. That was a long time ago.” Sabi ko.

“That was last year. Shut up, Elijah! Her legs isn’t everything.” Kumunot ang noo ko at nagtama ang paningin namin ni Chanel. Inirapan niya ako.

“Boom!” Sabay tapik ni Josiah sa balikat ko.

“What’s the matter with her?” Tanong Azi sabay turo sa naglalakad na Chanel.

Sumunod na lang kami at nagtawanan ulit nang nakasalubong ang iilang mga kaibigan naming babae. Papalapit na kami sa speechlab ay unti unti rin kaming tumatahimik. Inisip ko kung pwede ba kaming pumasok. Malaki ang speech laboratory namin at naaalala ko nong kumanta rin kami noon para dito ay naka pasok naman ang ibang estudyante. Nakita ko si Claudette na kumakanta sa harapan. Wala kaming naririnig dito sa labas. Ang malaking salamin at ang mga classmate niyang naka head phones lang ang nakikita namin galing doon.

“Dito lang kayo.” Sabi ni Chanel.

“Di tayo makakapasok?” Tanong ko.

Itinuro ni Chanel iyong mga upuan sa likod kung saan may dalawang classmate kaming naka upo at iilang babaeng taga ibang level. “Magpapaalam muna ako.” Aniya.

Pumasok siya sa loob. Pumalakpak ang mga classmates nila. Nakita kong pumula ang pisngi ni Claudette. She must’ve been nervous.

“Go Dette!” Ani Azi sabay tulak nang pintuan, ni hindi pa nga kami pinapapasok ni Chanel.

“Si Erin ang susunod.” Ani Damon kay Josiah.

“How did you know?” Tanong ni Joss.

“Montefalco, C. Montefalco, E. Montefalco, K.” Umirap si Damon at pumasok na rin sa loob.

“Dito tayo.” Ani Chanel habang nagsiksikan kami sa bench doon sa likod. Nakatayo na lang si Dame sa gilid ni Azi dahil hindi na kami nagkasya.

Si Chanel ay binibigay iyong CD sa magandang teacher ng speech.

“Hi, Ma’am!” Bati ko sa kanya.

Ngumisi lang siya at tumango. Kinurot ako ni Chanel at binulungan na sasapakin niya ako mamaya.

Natahimik kami nang kumanta na si Erin. Panay ang banggit ni Josiah na siya ang nagturo kay Erin non. Well, he also got pissed coz some of the boys were checking her out.

“Sobrang protective mo naman, Joss. Kakairita.” Ani Chanel sabay akbay sa kanyang kapatid.

“Yeah, let her go, Joss.” Sambit ko pagkatapos kong isend ang text ko para kay Alyssa.

Nagpalakpakan ang mga kaklase nila. Syempre, ang kinukuha ng teacher sa speech ay kung paano i-pronounce ang mga salita. Hindi ito pagandahan ng boses pero syempre mas maganda pakinggan kung whole package. Maganda ang diction, pronouncation, at ang boses mismo.

Nag angat ako ng tingin nang humakbang si Klare sa stage. Pansin ko ang iksi ng kanyang dark blue na skirt, iyong uniform ng girls sa school. Inayos niya ang striped necktie at nakipag tawanan pa siya sa operator.

“Go, Klare!” Dinig kong sigaw ni Erin.

“I love you, Klare!”

Sinabayan pa ito ng ilang lalaking kaklase niya.

“Sino ‘yong sumigaw?” Napatanong ako sa kawalan.

Hindi ko makita dahil bawat estudyante ay nasa loob ng cubicle. Gusto kong tumayo pero ayokong gumawa ng eksena. Nilagay ni Klare ang headphones sa kanyang ulo. Hinawi niya ang bangs niya at malaki pa rin ang kanyang ngiti.

She’s pretty confident. I haven’t heard her sing though. Humalukipkip ako at naghintay sa kakantahin niya.

Simula pa lang ng kanta ay tumindig na ang balahibo ko.

“I never lost the love that I had given you

With all the things that we have both been through

I never stayed in love before

As much as I have stayed in love with you…”

Itinukod ko ang aking siko sa aking tuhod at pumangalumbaba ako sa panonood sa kanya. Gumagala ang tingin niya. Hindi makapirmi. Palipat lipat sa kanyang mga kaklase.

“Galing niya talaga.” Ani Chanel.

“Yeah.” Sabi ni Azi.

Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinikilabutan.

“Love

It means just you and me to stay together.”

Hindi ako mapakali. Lalo na tuwing ngumingiti siya dahil sa hiyaw ng kanyang mga kaklase. I don’t like this. Kahit na malamig dahil sa aircon ay pinagpawisan ako. Panay ang punas ko sa pawis ko. Lalo na nang nasa huli na siya ng kanyang kanta. She’s repeating these words over and over again:

“I will always stay this way in love with you.”

Linipat niya ang kanyang paningin sa isang kaklase. Tiningnan ko kung sino ang tiningnan niya at napabuntong hininga ako nang si Erin ‘yon.

“I will always stay this way in love with you.” Inilipat niya ulit ang tingin niya at nakita kong kay Claudette.

“I will always stay this way in love with you.” God! Inilipat niya ulit at sa isang lalaking kaklase siya nakatingin. You better be gay or a nerd, dude.

“I will always stay this way in love with you.” Inilipat niya don sa kaklase niyang varsity. I won’t forgive you, Klare.

“I will always stay this way in love with you.” Nakita kong tumingin siya sa sahig at ngumiti.

Hinahabol ko ang hininga ko at mabilis ang pintig ng puso ko. I’m probably sick or something. Tatayo na sana ako para lumabas nang nagtama ang tingin naming dalawa.

“I will always stay this way in love with you…

I will always stay in love this way…” Her eyes lingered on me.

I can’t help but open my damned mouth. Manghang mangha ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Fuck!

“Tas na! Ang galing!” Sabay palakpak ni Azi.

Tinakpan ko na lang ang mukha ko ng aking mga palad. I can’t take it… Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. But I like it. I like hearing her saying those words…

“Galing mo, Klare!” Sabi ng isang lalaki.

Hindi ako nag angat ng tingin. Yeah. Flirt all you want.

“You okay?” Tanong ni Azi sa akin nang natapos na at ganon pa rin ako. “Alis na tayo. Lalabas na sila. Tsaka time na. Computer lab tayo ngayon.” Ani Azi.

Tumango ako at tumayo. Nagulat ako nang pagkalabas namin ay lumabas din ang kanyang mga kaklase. Aalis na sana ako nang hinawakan ni Chanel ang braso ko.

“You wait. Sasabay ako. Babatiin ko lang sila.” Aniya at mabilis siyang tumakbo kay Klare, Erin, at Claudette. Niyakap niya ang tatlo.

Humalukipkip ako at pinanood ko rin si Josiah at Damon na lumapit sa kanilang tatlo.

“Galing niyo! Congrats! Akala ko di ako makakaabot. Nagmadali ako kanina.” Ani Chanel.

“Thanks, Chan! Kinabahan ako don!” Ani Klare.

“Nice voice.” Sambit ko at lumapit sa kanya.

Fuck! I’m nervous again. PInagpapawisan ang kamay ko.

“Yeah, sarcastic.” Inirapan niya ako at tinalikuran.

Napawi ang ngiti ko at pinagmasdan ko siyang kinakausap si Claudette, papalayo sa akin.

“Tara na!” Ani Chanel sabay hila sa akin para makaalis na rin kami don.

“Ouch…” Halakhak ni Azi.

Napatingin ako sa kanya at nagkibit balikat lang siya sa akin.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: