Until Forever – Kabanata 3

Kabanata 3

Sick

“What? So wala ka, ganon?” Halos ilayo ko ang cellphone ko sa aking tainga.

“Don’t be such a girl. May flu ako-“

Hindi pa ako natatapos sa pagsasalita ay pinutol na ni Azrael ang tawag niya. Asshole. I’m really sick and tired. Kung sana di ko lang pinatulan ‘yong hamon ng mga taga XUHS na mag laro ng basketball nong isang araw ay di sana ako nabasa ng ulan at nagkaganito. Absent ako sa school kanina because of this freaking flu.

Tumunog ang cellphone ko habang nanonood ako ng movie. Tamad ko itong sinagot.

“Hello, mom?” Sabi ko.

“Ej, uminom ka ng medicine? How are you feeling? Is your dad there? Nasa school pa ang ate mo at sabi ni Justin, di ka daw pupunta sa birthday ni Azrael dahil masakit parin ang ulo mo?”

“Yup. Dad isn’t here. Si Kuya Justin lang ang nandito.” I said.

“Sorry. I convinced him to stay pero ayaw niya. He needs that, though. He’ll be flying to Manila next week. He needs all the bonding he can get.”

Umirap ako sa kawalan. “It’s okay mom. I can take care of myself.”

“May papupuntahin ka ba sa bahay? Perhaps a girl? or shall I ask Chanel to take care of you. You know your Ate Yas will be late, Friday ngayon, activities ng school nila.”

“Wala akong papupuntahin sa bahay natin. Seriously mom, where’d you get your ideas? I can take care of my self.”

Narinig ko na lang si mommy na suminghap.

“Mom, I gotta go. Take care sa Manila. I love you. Muwah.”

She giggled. “Elijah! Drink your meds.”

“Yes, mom.”

At nang nakawala na ako sa kanyang mga tanong at bilin ay nagsimula ulit akong kumain ng pop corn at nanood ng TV.

“Still sick?” Dinig ko ang mga yapak ni Kuya Justin sa gilid.

“Yeah. Good luck!” Sabi ko sabay tingin sa cellphone kong nag vibrate.

Alyssa:

Drink meds, please.

“Siguro may papupuntahin kang babae dito no?” Tanong ni Kuya Justin sabay hagis sa akin ng unan.

Umayos ako sa pagkakaupo at hinawi ko ‘yong unan sa aking dibdib.

“Bakit ‘yan ang iniisip ng lahat? Wala akong papupuntahin dito. I’m just damn sick. My head is aching. May flu ako. Just tell them.”

I shivered. I need to turn off the centralized aircon. Kung bakit ba kasi nag a-aircon sa bahay kahit na maulan naman. God, I hate the rain. I’m fine with the snow. Nakakairita kasi ‘yong ulan, nakakadumi ng sapatos, paa, at iba pa. Inaayos ni Kuya Justin ang kanyang buhok habang tinitingnan akong naka ngising aso.

“You’ll miss the fun. At magiging burden ka kay Yasmin. Kung dito ka sa bahay, I’m sure uuwi ‘yon dito imbes na pumunta kina Azrael because of you.”

“Sinabi ko sa kanyang pumunta siya doon.” Sabi ko nang di siya tinitingnan.

“Sabi ni Knoxx, pumayag daw si Tito Az na painumin ang boys so legit ‘yong inuman sa bahay nila ngayon.”

“I know.” Di parin ako natinag.

Dumungaw ulit ako sa cellphone ko.

Stephanie:

It’s so cold kasi. 🙁 How are you feeling? Kinuha mo na ba ‘yong body temp mo?

Ako:

Yup. 38. I’m okay, though. Wala lang sa mood. What are you doin?

Tumunog ulit ang cellphone ko para sa isa pang nag text bukod sa mga mura ni Chanel dahil hindi ako makakapunta.

Unknown number:

Hi, this is Lorainne. Save my number guys. Xoxo

What does xoxo mean? Hugs and kisses right? Lorainne who?

Ako:

Lorainne Santos?

Mabilis siyang nag reply.

Lorainne:

How rude. Lorainne Montalban.

Okay. Hinagisan ulit ako ni Kuya Justin ng unan. Tumawa siya nang nakitang nairita ako.

“Since di ka pupunta, paki gawa na lang ‘tong assignment ni Klare. Nagpatulong siya kay Rafael. Tinanggap ni Rafael pero binigay niya sa akin.”

Ngumiwi ako. “At ibibigay mo sa akin?”

“Well, you’re good at math.”

“Hindi ba siya magaling sa Math?”

“She is pero mahirap ‘to. Nabaliw siguro ‘yong teacher nila.”

Hinagis niya ang notebook na kulay pink sa table. Agad ko iyong kinuha.

“I’ll get the keys. You sure you don’t wanna go, huh? The drivers are all out. Kay dad at kay Yas. Good luck!” Aniya.

Tumango ako at tiningnan ang notebook na may magandang sulat kamay. Magaan ang kanyang sulat kamay at malinis. Tuwing may erasures ay hindi masakit sa mta. Isang beses na crash out lang at ang letter G niya ay may arte. Palaging may date sa taas at may nakalagay na heart sa baba. Nang nakita ko kung asan ‘yong assignment niya ay mabilis na gumana ang utak ko.

Kumuha ako ng ballpen at nagsimulang mag scribble ng mga sagot doon sa gilid. So much for the headache. Mas lalo lang sasakit ang ulo ko nito. I need a scratch paper. Binaliktad ko ang kanyang notebook at imbes na sumulat ako sa huling page ay nakita ko ang mga nakasulat.

“Eion Sarmiento forever. I thougt I can never find the right man to love. I’ve seen so many faces, been in different places, until I finally gave up. Sweetheart, it took me half of my life in finding you. Now I wish to spend the other half in keeping you and loving you for the rest of my life.”

WHAT THE HECK? Ngumisi ako. Really? Sweetheart, huh? Half of your life in finding him? Half my ass.

Nilagyan ko ng mga notes doon.

Ako:

Half? If my math is correct, mamamatay ka at the age of 26?

You’ve been in different places? Hindi ko alam na naghahanap ka pala ng mamahalin nong nag Cam Sur kayo nina Tito?

YOU ARE JUST A GIRL. GET OVER THIS LOVE THING.

CRUSH IS THE TERM. LOVE IS DIFFERENT. DON’T CONFUSE IT.

Napawi ang ngiti ko nang narealize na ang dami kong sinulat at paniguradong papatayin ako non. Well, I’m dying anyway.

“Ej!” Kumalabog ang pintuan nang pumasok si Ate Yas. Mabilis na dumapo ang kamay niya sa noo ko. Hinawi ko iyon agad.

“I’m okay.”

Umismid siya. “Then bakit di ka sasama?”

Tumayo ako at nilapag ko ang notebook sa table. I’ll answer the last two items later.

“Sasama ako sa’yo. Bihis lang ako.” Sabi ko.

“But you’re sick. Mainit pa ang noo mo.”

“Tss…” At mabilis nang umakyat para magbihis.

Well yes, I look and feel sick. Nag jacket na lang ako at ballcap. Tiningnan ko ang cellphone ko na may mga message galing sa mga kaibigan ko. Dalawa sa mga lalaki, tatlo naman ulit galing kay Stephanie, Alyssa, at Lorainne.

Lorainne:

Is this Elijah Montefalco?

Ako:

Yup.

Alyssa:

Are you asleep?

Ako:

Nope. Pupunta ako sa bday ni Azrael.

Stephanie:

Nag FB. Ang daming posts ng babae sa wall mo. 🙁

“Let’s go.” Sabi ko sa naghihintay na si Ate Yas. Mas mabilis pa siyang nakapag bihis sa akin.

“Tara.” Inakbayan niya ako.

Inayos ko ang notebook ni Klare pagkarating sa sasakyan. Doon ko sinagutan ang huling mga items. Ibibigay ko ‘to sa kanya mamaya. She’s there right? Sa party ni Azrael?

Pormal at hindi gaanong maingay ang party ni Azi. Pagkapasok ko ay naroon ang iba kong kaibigan. Nagulat ako nang nakita ko doon si Lorainne Montalban. Tumatawa pa siya kasama ang mga kaibigan niya. Tumango lang ako.

Kahit paano, pormal parin dahil syempre, nandito ang kanyang pamilya. Nakipag high five ako sa iilang kaibigan ko at nakita kong nagulat si Knoxx at Kuya Justin sa pagpunta ko.

“Kala ko ba may sakit?” Sabay tapik ni Kuya Just sa balikat ko.

May mga nagpapaalam na kay Azi. Papatapos na siguro ang party niya. Nilapitan ni Ate Yasmin si Azi para ibigay ‘yong gift niya at mag greet.

“Yeah. Meron parin. Got bored so…” Sabi ko.

“ELIJAH RILEY MONTEFALCO.” Ani Chanel nang nakita ako. “You’re just so busy with your girls! Kaya mong makipag text text sa kanila pero ang umupo dito, hindi?”

Tumawa lang ako. “Come on, Chan. I’m sick.” Sabay hawak ko sa kamay niya at lagay ko sa ulo ko.

Umiling siya at tinampal ang kamay ko.

It’s fun. Kung sana ay wala lang akong flu ay mas masaya sana ito. Kumain ako pero hindi masyadong marami. Narealize ko din na mukhang dito kami matutulog mag pinsan. Nang dumating ang alas otso ay halos umalis na lahat ng bisita.

“Happy birthday, bra!” Sabay tapik ko sa likod ni Azi habang kausap ‘yong pinopormahan niyang Grade 10. Well, what the hell? Mas matanda pa kay Knoxx ‘yon ah? But she’s damn pretty.

“Go away.” Aniya.

Tumawa na lang ako at pumunta kina Rafael. Nilapag ko ang cellphone ko katabi ng mga beeg na nilagay ni Tito Az.

“I’ll let you drink just for tonight. Para hindi kayo ma ignorante sa mga inumin. But this is strictly for the boys only.” Sabay tingin niya kay Ate Yas at Chanel.

Sumimangot silang dalawa. “Pero tito, kahit taste lang?” Ani Ate Yas.

“No, Yas. Tsaka wag kayo sa mga kwarto. Dito lang kayo sa sala. Pagkatapos ay pwede na don.”

Syempre nag diwang kaming mga boys. Kumuha agad kami isa-isa ng mga beer. Umuwi na lahat ng mga kaibigan ni Azi. Nasa labas na rin siya para ihatid ‘yong pinopormahan nila.

Sumulyap ako sa mga girls at nakita kong abala si Chanel sa mga, Idunno, nail polis or something? Girls…

“Birthday sex! Birthday sex!” Sabi ni Azi nang pumasok siya.

“My ass!” Tawa ni Josiah.

“Cool!” Sabay lapit ni Damon at tapik sa kanya.

Nag kibit balikat siya. “Second base.”

Halos mailuwa ko ang beer na iniinom ko. Dammit! Hindi nga?

Nakita ni Azi ang gulat kong mukha at nag kibit balikat ulit siya.

“Susumbong kita kay dad.” Sabi ni Claudette sa malayo.

Tumawa lang si Azi. “He’ll congratulate me, Dette.”

Umirap si Claudette sa kayabangan ni Azi. Panay naman ang tanong ni Rafael at Knoxx tungkol sa nangyari sa labas. Really? Umiling na lang ako at uminom. Gumalaw ako nang nakita ko si Klare na lumalapit table. Ngunit mas nakakaengganyo ang usapan nina Azi kaya nakinig na lang ako don.

“Hindi ba akin ‘to?” Tanong niya kay Rafael.

Nagulat si Raf sa tanong ni Klare. “Oo. Just. Ikaw nag dala niyan?”

Tinaas ko ang kamay ko. “Ako.”

Kinuha ni Klare ang cellphone ko at tumitig siya doon bago niya dinampot ang kanyang notebook. Blanko ang tingin niya sa akin. Nag taas ako ng kilay. Marahan siyang humakbang patungo sa akin. Napansin ko ang mga kuko niya ay kulay pink na ngayon.

“Your phone.” Aniya sabay lahad sa akin ng cellphone ko.

“Thanks.” Sabi ko.

“Ang landi.” Umirap siya at tinalikuran ako.

What? Dinungaw ko ang cellphone ko at nakita ko ang text ni Alyssa.

Alyssa:

Wow. Sana pwede akong sumama. Welcome kaya ako sa familyo niyo kung sakali? 😛

Sinong malandi? Ako ba? Tumingin ako kay Klare at nakita kong kumuha pala siya ng beer. Tumatawa si Chanel sa ginawa niya. Namutla si Claudette at panay ang tago ni Erin sa beer. Nakita ko kung paano niya agad nilagok ang kalahati.

Ikaw ang malandi. And you’re breaking the rules.

Nilapag ko ang beer ko sa mesa. Tumagilid siya at mas lalong umiksi ang kanyang shorts. Nagtawanan sila ni Erin. Ngumiwi si Erin sa kanyang pag inom ng beer na agad kinuha ni Klare.

Hinablot ko ito sa kamay niya. Tumingala siya sa akin at unti unting napawi ang kanyang ngisi.

“You’re not allowed to drink yet.” Aniya.

“Uminom ako kasama si mommy at daddy last Christmas. I’m sure they won’t mind.” Aniya.

Nagtaas ako ng kilay. “Sabi ni tito Az, hindi kayo pwede ngayon.”

Nagtaas din siya ng kilay at ngumuso. Mabilis akong tumingin sa kanyang labi. “You’re sick. Bakit ka umiinom? Sa ating dalawa, ikaw dapat ang hindi pwedeng uminom.”

Kinagat ko ang aking labi. Alam niyang may sakit ako. “Pakealam mo. Di ko alam na may alam ka pala sakin.” Ngumisi ako.

May kinuha siya sa gilid. Narinig ko ang tawa ni Erin. “Duh! We’re cousins.” Aniya at kinuha ang beer ni Josiah.

Tumayo si Klare. May linya sa kanyang hita. Probably because of her tight shorts. Umatras ako. Mabilis niyang hinablot ang beer sa kamay ko at pinalitan niya ‘to ng baso.

“Tubig ang iinumin mo for tonight.” Utos niya.

Nilagpasan niya ako at nilapag niya ‘yong beer ko sa mesa. Hindi na siya tumingin ulit sa akin pero ako, buong gabi kong binabalik ang titig ko sa kanya. Hindi na rin siya uminom. Pinatikim niya lang si Erin. At hindi ko na rin naibalik ang beer sa kamay ko. Dammit. Tiningnan ko ang baso ng tubig na binigay niya. I can’t help but smile.

I wanna be sick for the next three weeks.

Habang tinitingnan ko siya at nakikipagtawanan ako kina Joss at Azi na panay babae ang pinag uusapan ay pinanood ko kung paano pumula ang kanyang pisngi nang binuksan ang kanyang notebook.

Hah! Sinong malandi ngayon? Nilingon niya ako at kumunot ang kanyang noo. Nag taas ako ng kilay sa kanya. Pinatingin niya kay Erin ang mga nilagay ko doon at hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkakairita. That was supposed to be our secret. Bakit kailangan pang ipakita niya sa ibang tao? Tumawa si Erin at inirapan niya ako.

Nag iwas ako ng tingin sa kanila. I need to stop this… shit. Whatever. Inabala ko ulit ang sarili ko sa pakikinig kina Joss at Azi habang nag titext ako sa ibang babae.

Ako:

You free next Saturday, Alyssa?

Alyssa:

Yup. Bakit?

Nag angat ako ng tingin kay Klare na ngayon ay tinatali ‘yong buhok niya. Nakataas ang kamay niya habang ginagawa iyon.

“I kissed her neck, then her collarbones, then I squeezed her boob.” Ani Azi habang tinitingnan ko ang leeg at collarbones ni Klare.

Fuck. Pumikit ako at pinagpawisan. Hindi ko alam kung mas lalala ba ‘tong sakit ko o magiging maayos na ako ngayon.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: