Until He Returned – Kabanata 44

Kabanata 44

Granddaughter

Kumakain kami ni Elijah sa dining table. Si papa ay nakaupo lang doon at sumisimsim sa kanyang kape. Hindi ko alam kung nasaan si tita Marichelle pero tingin ko ay nasa kusina siya at tumutulong sa mga katulong nila.

“Hindi na ako magtatagal, Klare. May aasikasuhin pa ako sa site. You’ll be okay here. Handa na naman ang kwarto mo.” Ani papa at bumaling kay Elijah. “Are you going to stay here?”

Umiling si Elijah. “Naka check in na po ako sa isang hotel. I’m good.”

Gusto ko sanang sabihin kay papa na dito na lang muna si Elijah pero tingin ko ay mali iyon. Ayaw kong bigyan ng dahilan si papa na ayawan si Elijah. One step at a time na lang muna. Mabuti na iyong alam kong hindi galit si papa sa amin. Ang humingi ng isa pang pabor ay sobra na ata.

“Dito na rin kayo mag lunch. Hintayin mo ang lola mo, Klare, bago kayo pumasyal. Kayong dalawa lang ba?” Tanong ni papa.

Tumango ako. “Opo. Kumusta na nga po pala si lola?”

Nilapag ni papa ang kanyang tasa at umupo ng maayos. Nakikita kong nahihirapan siyang sumagot.

“She’s not in a good shape, Klare.”

Tumango ako at uminom ng tubig.

Kahit na hindi naman kami close ni lola ay hindi ko parin maiwasang makisimpatya at makaramdam ng awa. Lola ko siya. Nananalaytay sa akin ang kanyang dugo. Mahal ko siya kahit na hindi niya iyon kailanman nasuklian.

Bata pa ako nang namatay ang lolo at lola ko na mga Montefalco. Ang tanging naaalala ko na lang ay mahilig silang mamigay ng mga kendi sa aming magpipinsan. Mahilig din sila sa mga regalo kaya masayang masaya ako pag kasama ko sila noon. Lubos ang iyak ko nang namatay si lola. Sumunod si lolo pagkatapos ng ilang buwan kaya medyo masakit ang taong iyon.

Ngayong may lola ulit ako, gusto kong iparamdam sa kanya ang pagmamahal na halos hindi ko naiparamdam sa lola at lolo ko noon. Masyado pa akong bata noon para maintindihan ang kahalagahan ng pagmamahal at ang sakit ng pagkawala.

“Mas gusto niyang sa bahay kasama ang mga pamangkin niya, kumpara sa ospital.” Umiling si papa. “Ni ayaw niyang magpa check up. Nag mi-maintain parin naman siya ng meds for high blood pressure at monitored din ang kanyang BP. In fact, nandito ang nurse niya sa bahay.”

Tumango ako.

“Hindi siya nagpipigil sa mga kinakain niya. Mas madalas din ang pagkakahilo niya these past few weeks. Tigas ng ulo ni mama.” Ani papa.

Sa pagkakakilala ko naman kay lola, medyo may katigasan nga siya ng ulo. Hindi ko makalimutan kung paano niya ako pinaalis noon dahil hindi niya ako matanggap. May takot akong nararamdaman ngayon pero mas nangibabaw ang awa sa aking puso.

I want to get to know her. I want to break the ice between us. Posible kaya iyon? Maybe I shouldn’t mention Elijah yet? Siguro ay kukunin ko na muna ang loob niya bago ko dahan dahang sasabihin sa kanya ang tungkol kay Elijah.

Tumunog ang cellphone ni papa. Sumenyas siya sa amin at tumayo para sagutin ito. Nagkatinginan kami ni Elijah.

“I still need to deal with my lola.” Paliwanag ko.

Tumango siya. “Aalis ba ako?”

Umiling ako. “Let’s see?”

Bumalik si papa ng nagmamadali. Uminom siya ng tubig at nakapamaywang na humarap sa amin.

“I need to go. Tawagan niyo ako kung may kailangan kayo. Sa opisina lang ako.”

“Kelan uwi mo, pa?” Tanong ko dahil sanay ako noon na pag aalis siya patungo sa site ay naaabutan siya ng ilang araw bago makauwi.

“I still don’t know. Just call me when you need me.” Ani papa at hinalikan niya ako sa noo. “Take care of her, Elijah. Treat this as your home.”

Tumango si Elijah at pinanood namin si papa na umalis ng bahay. Tumikhim ako at bumaling kay Elijah na nakatingin na sa akin. Parang may barang nawala sa aming dalawa. Alam kong hindi iyon naging solusyon sa mga problema namin. Ganon parin naman, pagkauwi namin sa bahay, galit parin sila. Ngunit ang malamang may kakampi ka kahit paano ay nakakagaan sa pakiramdam.

Nagvibrate ang cellphone ko sa tawag ni mommy. Siguro ay kanina pa siya tumatawag ngunit ngayon ko lang ito napansin. Sinagot ko kaagad ito at sinenyasan si Elijah na manahimik.

“Mommy, nasa Davao na po ako. Nasa bahay na.” Pambungad ko.

“Okay. Mabuti naman. Nag alala ako kasi di ka tumawag.”

“Sorry, medyo pagod sa byahe at naghahanda po ako kasi mag uusap kami ni lola mamaya pag dating niya.”

Hindi nakapagsalita si mommy. Akala ko ay naputol ang linya kaya sinulyapan ko muna ang screen.

“My?”

“Ayos ka lang ba? Sigurado kang makikipagkita ka sa… ama mo? Asan ang papa mo? Nandyan ba?”

“Wala na po. Nasa trabaho.” Sabi ko.

“Okay. Baba ko muna ‘to.” Ani mommy sa nagmamadaling boses.

Kilala ni mommy si lola. Si lola ang taong kung ano ang gusto niya, iyon ang masusunod. Kahit si daddy ay hindi napapasunod si lola. Takot halos lahat ng mga relatives ko kay lola.

“Is this your lola?” Tanong ni Elijah nang may nakita siyang picture ni lola sa taas ng piano sa sala.

“Yup.” Tiningnan ko rin ang picture ni lola sa frame.

Mas bata siya doon. Hindi rin gaanong singkit ang kanyang mga mata ngunit paper white ang kulay ng kanyang balat. Ganyang ganyan din ang balat ng mga relatives ko, masyado silang mapuputi, tulad o higit pa sa kaputian ni Claudette. Maputi rin naman ako, pero pag itinabi na ako sa kanila, makikita mo talaga ang diperensya ng balat nila.

Kumunot ang noo ni Elijah. “Familiar.”

“Magkamukha ba kami?” Ngumiti ako.

Tulad ni Hendrix at Pierre, hindi rin gaanong singkit ang mga mata ko. Hindi ko nga lang alam kung kanino nagmana ang mga mata ko, kay mommy ba o kay lola.

“Close ka ba sa mga relatives mo?” Nilapag ni Elijah ang frame at tumingin pa sa iilang medyo lumang picture ng mga tito at tita ko.

Umiling ako. “Hindi ako tanggap.”

Bumaling si Elijah sa akin.

“Ang alam ko may mga pinsan ako sa mga Ty. Halos babae, I think? Pero hindi ko pa sila nakakasama ng matagal.” Kibit balikat ko.

Nakatoon na ang buong atensyon niya sa akin ngayon. Umupo kami sa sofa at nagpalipas oras. Kahit sobrang lapit naming dalawa ay hindi naghahaplos ang balat namin.

Sumulyap ako kay Elijah na ngayon ay nakahilig sa sofa, nakapikit ang mata.

“Hindi ko parin matanggap na wala ako nong naghirap ka.” Aniya.

Ngumiti ako. He’s overthinking. Totoong naghirap ako noon at mas maganda kung nandoon siya pero nalagpasan ko rin naman. “Naramdaman ko noon na wala talaga akong pamilya. Sa mga Montefalco, lamig lang ang natatanggap ko. Hindi ko rin naman kayang isubo ang sarili ko sa mga Ty dahil ayaw nila sa akin. I’m completely alone that time, Elijah. Hindi na kita mapapansin pag nandon ka pa. Siguro ay frustration lang ang maibibigay ko sayo.” Wrong. I just want to make him feel better. Alam kong malaking bagay kung nandon nga siya noon.

“Anong ginagawa ko nong mga oras na ‘yon?” Dumilat siya at tumingin sa kawalan. “Party, booze, girls? Damn it!”

Ngumiti ako. “Because you’re Elijah Montefalco, you can party, have your booze and girls.”

Sumimangot siya at bumaling sa akin. “I’m Elijah Montefalco, and I can’t have you.”

Nagkatitigan kaming dalawa. Nabasag lang ang titigan nang narinig ko ang mga yapak ni Tita Marichelle.

“Klare…” Malamig niyang sinabi.

“Po?” Tumayo agad ako sa gulat.

Dammit, Klare! Ayan kasi, may patitig titig ka pa!

“Nandyan na ang lola mo.” Ani tita.

Tumango ako at walang pag aalinlangang sumunod sa kanya patungo sa double doors. Naaninag ko kaagad ang dalawang itim na sasakyan sa tapat ng pintuan namin. Lumabas ang mga driver at sinalubong nila si lola sa pintuan para alalayan. Nakita ko kung paano marahas na hinawi ni lola ang kamay ng umaalalay sa kanya.

“I don’t need your help!” Aniya at medyo nanginginig na bumaba sa sasakyan.

Isang kalabit na lang ay tutulungan ko na siya pero dahil alam kong aayawan niya ang tulong ko ay nanatili ako sa pintuan. Inayos ko ang sarili ko. Naramdaman ko si Elijah sa likod ko. Naglakad si tita Marichelle patungo kay lola.

Lumabas na rin ang nagtatawanan kong mga tita. Sinalubong sila ni tita Marichelle at nakipag beso beso sila sa kanya. Ang isa kong tita ay may malaking sumbrero na halos liparin ng hangin kaya tumili siya.

Lumabas ang isang pinsan kong lalaki, nasa high school pa lang at medyo hawig kay Pierre. Tumingin siya sa kabilang sasakyan. Lumabas din sa kabilang sasakyan ang dalawa kong pinsang babae, kasing edad ko lang at hindi ko alam ang pangalan. Nagtatawanan silang dalawa at medyo may halong chinese ang pinag uusapan nila. May lumabas pang tatlong medyo mas matandang babae sa kanila na parehong nakaputi at maitim ang buhok. May tinatawag sila sa loob habang sumusulyap sa akin.

“Klare…” Tawag ni lola sa akin.

Hindi ko alam kung guni guni ko ba iyon o ano pero tinawag ako ni lola sa pangalan ko! Gumuhit ang ngiti sa aking labi at umaliwalas ang aking mukha. Tinakbo ko ang hagdanan pababa nang sa ganon ay masalubong ko si lola para makapagmano.

“Magandang tanghali po, lola.” Sabi ko.

Nakikita ko ang pilit niyang ngiti. Bakas sa kanyang mga mata ang pagsusuri sa akin. “Asan ang papa mo?”

“Nasa site po.” Sagot ko.

Tumango siya at naglakad. “Sinong kasama mo papunta dito? Ang mga apo ko ba?”

Umiling ako. “Busy po si Hendrix at Pierre sa Cagayan de Oro.”

May mga binulong siyang hindi ko nakuha. Sinundan ko ang yapak niya samantalang ang ibang relatives ko ay nasa likod at nagbubulung bulungan. Naririnig ko parin ang tawanan ng mga pinsan ko.

Nahihirapan si lola na umakyat sa hagdanan. Bago pa ako nakapag lahad ng kamay ay nauna na si Elijah. Mabilis siyang bumaba at naglahad ng kamay kay lola. Nag angat ng tingin si lola kay Elijah. Nanliit ang kanyang mga mata.

“Sino ito?” Ani lola kay tita Marichelle.

Bumaling ako kay tita na nanlalaki ang mga mata sa akin. Imbes na sagutin ko si lola ay nahagip ng paningin ko ang itim na pumps galing sa isang makinis na binti, pababa ng sasakyan. Nalaglag ang panga ko nang nakita ko ang seryosong mukha ni Selena. Inaayos niya ang kanyang itim na dress na may naka ekis na strap sa harapan. Ang buhok niyang umaalon ay sinusuklay niya gamit ang kanyang mga daliri.

“Siya po si Elijah Montefalco, ama.” Sagot ng isang pinsan ko sa tabi ni Selena.

Bumaling si lola sa kanila. Naghagikhikan ang mga pinsan ko. Napatingin ako kay Elijah na nakatingin na rin sa akin dahil sa gulat at nandito si Selena.

“Selena, she’s your boyfriend?” Malaki ang ngiti ni lola. Malayong malayo sa ngiting ibinigay niya sa akin kanina. “So you are Exel Montefalco’s son?” Baling ni lola kay Elijah.

“Opo. I’m actually here for Klare-“

Tumawa ng pagkalakas lakas si lola at pinalakpak niya ng dalawang beses ang kanyang kamay. “Akalain mo nga naman. Selena, i-tour mo nga ang boyfriend mo sa loob ng bahay.”

Bumagsak ang puso ko sa mga sinabi ni lola. Gusto ko siyang putulin at gusto kong sabihin sa kanya na hindi na sila ni Selena.

Kitang kita ko ang pag iigting ng panga ni Elijah. I know he’s not going to shut up. Kaya naman inangat ko ang index finger ko sa aking labi at nanghingi sa kanya ng katahimikan.

Nilahad niya ang dalawang kamay at nabasa ko sa kanyang bibig ang “What?”

Umiling ako at nanatiling naroon ang kamay ko sa labi para maintindihan niyang ayaw kong magsalita siya.

“Okay, ama.” Ani Selena at mabilis na hinalikan si lola sa pisngi.

Tumatawa si lola. Tuwang tuwa sa nangyayari. Tinitigan ko si Selena sa pagbabakasakaling may paliwanag sa kanyang mga mata ngunit hindi niya ako tiningnan. Tumigil siya sa harap ni Elijah at nagkatitigan ang dalawa.

Nagsimula nang umiling si Elijah kay Selena. Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ni lola sa ginawa ni Elijah.

“Please, Ej?” Malambing na sambit ni Selena sa kanya.

“Oh, ano pang hinihintay niyo? Selena’s been missing you, boy. It’s been hard on her. Nasa iisang isla kayo at hindi pa kayo nagkikita. What’s wrong? Chivalry is not yet dead. Prove it to her.” Halakhak ni lola.

Kinagat ko ang labi ko. Sumulyap si Elijah sa akin at binuksan niya ang kanyang bibig. Kitang kita ko ang galit niya sa akin habang binabanggit ang mga salita.

“Baka hindi pumayag ang pinsan ko’ng mamasyal ako nang wala siya.”

Bumaling si lola sa akin. Umiling ako. “No, No…” Halos manginig ang boses ko. “It’s okay, Elijah. Go ahead.” Ngiti ko.

“See? At gusto ko munang makipag usap rin kay Klare. Please accompany my grand daughter. Kanina pa ‘yan nakikiusap sa akin na samahan siyang mag shopping. I can’t. I’m too old.” Ngiti ni lola.

Yumuko ako at pumikit. Gusto kong magalit kay Selena. Paano niya nagawang magpanggap kay lola na sila parin ni Elijah. Umusbong na rin ang galit ko sa aking sarili. Bakit ko na naman ito ginagawa? Dapat ay sabihin ko kay lola ang lahat. But is it the wisest thing to do right now? Ni hindi pa kami nag uusap ni lola! What if di niya tanggapin iyon at magiging dahilan pa iyon ng mas lalong pagka muhi niya sa akin? At paano pag kinausap ko muna siya bago ko sinabi, tsaka niya matatanggap?

“Go, Elijah. I’m fine here. Be with Selena.”

Hinawakan ni Selena ang braso ni Elijah. Napatingin ako sa mga daliri ni Selena na marahang hinahaplos ang brasong dapat ay sa akin. Nag iwas ako ng tingin kahit batid kong tinutusok ako ng matatalim na titig ni Elijah.

“Oh yeah!” Sarkastiko niyang sinabi at dahan dahang naglakad palayo kasama si Selena.

“Now, Klare… Let’s go. Hayaan mo na ‘yong pinsan mong makasama si Selena. We’ll have lunch inside.” Sabi ni lola at nagpatuloy siya sa paghakbang sa hagdanan.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Pumasok na rin ang mga pinsan kong nagtatawanan parin at chinicheer si Selena sa malayo.

Selena’s her granddaughter! That means, we’re cousins? What the heck?


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: