Kabanata 45
Apo Niyo Rin Ako
Inisip ko lahat ng sinabi ni Hendrix at Pierre tungkol kay Selena. Kung hindi ako nagkakamali, sinabi ni Hendrix na kaibigan niya si Selena at magkaklase sila noon. Bakit kinaligtaan niya ang isang importanteng detalye? Alam ng dalawa ang history namin ni Elijah bago pa lang kami nagkabalikan. Dapat ay naisip nilang importanteng sabihin sa akin na kadugo ko ang girlfriend ni Elijah noon.
Hindi ko pa na oorganisa ang aking mga iniisip ay kinailangan ko ng makisabay sa mga relatives ko. Hindi ko rin mabalewala ang mga tingin nilang halos mandiri sa akin. Imbes na sila ang pagtoonan ko ng pansin ay si lola ang tiningnan kong komportableng nakaupo sa isa sa mga upuan sa dining table.
“Hindi ko po ba tatawagin sina… Elijah at Selena?”
Umismid siya sa akin. “Bakit mo tatawagin? Hayaan mo ang dalawa. Lalabas sila ngayon. Doon na sila sa labas kakain. Mamayang gabi ko na kakausapin ‘yong pinsan mo tungkol kay Selena.”
Napatingin ako sa mga tita ko sa harap na nag uusap at sa mga pinsan kong katabi ko sa hapagkainan. Wala ba akong magagawa para maiwasan ni Elijah ang pagsama kay Selena? Damn!
Hindi ako ginugutom kahit na masasarap ang bawat putaheng nilagay ng mga katulong sa mesa. Tuwang tuwa si Lola. Naalala ko tuloy ang sinabi ni papa na hindi siya nag iingat sa kanyang kinakain.
“Mama, dahan dahan lang. Ang blood pressure mo.” Anang isang tita ko.
“Huwag mo akong pangunahan halos lahat ng oras, Tania.” Mariing sinabi ni lola at nilagay na ang iilang seafood at karne sa kanyang plato.
Natahimik ang isang tita ko. Napatingin siya sa akin at inirapan niya ako. Bumagsak ang tingin ko sa aking plato at nagsimulang maglagay doon ng iilang pagkain.
“Kamusta ang negosyo nina Exel, Klare?” Tanong ni lola habang kumakain kami.
“Maayos po.” Sagot ko.
“Ayun lang ang isasagot mo? You should describe the site, describe their earnings… ilang truck na ba ang meron sila at ilang ektarya na ba ang lupa nila sa Surigao?” Nag abang si lola sa isasagot ko.
“I… I’m not sure about the details, lola. Maybe we should call Elijah?”
Umiling si lola at bumaling sa kanyang pagkain. “How disappointing. Montefalco ka pero wala kang alam sa negosyo niyo?”
Lumunok ako. “Negosyo po ‘yon ng pamilya nina Elijah. Konti lang po ang alam ko.”
Bakit pakiramdam ko ay kinakausap niya lang ako para malaman ang mga detalye tungkol kay Elijah? Pinilig ko ang ulo ko para mabura iyon sa isip ko. No. There must be a way to earn her attention.
“Ty na po ako ngayon. Uh, two years ago, I changed my family name…” Kinagat ko ang labi ko.
Hindi sumagot si lola. Nagpatuloy siya sa pagkain.
“Ano ba talaga ang iniisip ni Ricardo, Chelle?” Tanong ng isang tita ko sa kay tita Marichelle.
“She’s his daughter.” Kibit balikat ni tita Marichelle.
“She’s a living reminder of Ricardo’s mistakes! At kaya mong tanggapin siya? How stupid!” Anang tita ko.
Padarag kong nabitiwan ang aking mga kubyertos. I can’t do this. I can’t stay quiet. Napatingin ako kay tita Marichelle na ngayon ay pinapanood ang bawat galaw ko.
“Tania, Ricardo’s mistakes. Not the girl’s mistake. Kung meron mang dapat mag dusa dito, si Ricardo iyon. Hindi ang anak niya.” Ani tita Marichelle.
“Abomination. Wala pang ganitong eskandalo sa ating pamilya, mama. Hindi ko parin talaga matanggap.” Anang isang tita ko kay lola.
“Mawalang galang na po, pero nakikinig po ako.” Bumagsak ang mata ko. “Mas gusto ko pong hindi ko naririnig ang mga ito.”
“Luisa, tama na.” Ani lola.
Gusto kong magpasalamat kay lola at pinatahimik niya ang mga tita ko. Masakit ang mga salitang binitiwan nila at lahat ng gana ko para sa araw na ito ay nawala na. Hindi ko na ginalaw ang pagkain ko. Dumungaw lang ako doon sa takot na mas lalong mag alab ang galit ko pag nakita ko ang mukha ng mga taong nasa mesa.
“Ama, maayos kaya ‘yon si Ate Selena?” Tanong ng isa sa mga babae kong pinsan.
Kung isasabay talaga ako sa kanila ay magmumukha akong hindi chinese. Singkit at masyadong mapuputi. Madalas din silang nag ma-mandarin at hindi ko iyon maintindihan.
“With her boyfriend?”
Kinagat ko ang labi ko sa salitang boyfriend. How will I tell her about that?
“Of course. He’s Exel’s son.”
“But he’s not chinese.” Anang isang frustrated kong pinsan.
“Cristine, it doesn’t matter to me.” Ani lola.
“Bakit sa akin po, hindi pwede?” Tanong ng medyo bigong pinsan ko. Kitang kita ko ang pamumutla niya sa huli niyang tanong.
Matalim siyang tinitigan ni lola. “Because your filthy boyfriend is poor. And Jesse Co will be good for you.” Pahabol ni lola.
Nagpabalik balik ang tingin ko kay lola at kay Cristine. Walang nagawa si Cristine. Nagpatuloy siya sa pagkain habang ang katabi niyang pinsan ko rin ay humahalakhak at nanunuya sa kanya.
“How about Pierre and Hendrix, lola? Hindi po ba sila pwedeng magkaron ng girlfriend na walang dugong chinese?” Tanong ko.
Tumango si lola. “Is that even a question? Your brothers are pure bloods. Raised by your father and Marichelle na parehong puro. I can’t let the boys be tainted. Isa pa, when you say girlfriend… that’s just a girlfriend. Hindi mag aasawa. Then that’s fine with me. Pero kung mag aasawa na.” Umiling siya. Hindi niya na kailangang dagdagan iyon.
“Swerte naman pala ni Ate Selena.” Matabang na sinabi ni Cristine habang sinusulyapan si lola.
Naisip ko ulit si Elijah at Selena na magkasama ngayon. Hindi ko alam kung nasaan na sila ngayon o kung nandito pa ba sila sa aming bahay. Inisip kong magtatapat ako sa tunay na relasyon namin ni Elijah pero inisip ko rin ang kalagayan ni lola sa ngayon.
Pagkatapos kumain ay pinaupo siya sa sofa sa sala. May naka unipormeng babae ang nagmamasahe sa kanyang paa. Panay ang tingin ko sa labas. Wala ng bakas ni Elijah o ni Selena doon at inisip kong maaring umalis na ang dalawa. Hindi ko masisi si Elijah dahil ako ang nagtulak sa kanya palayo ngayon. Alam kong galit siya sa akin pero kailangan ko ito. Kung sasabihin ko kay lola ang totoo ngayon, kailangan wala siya.
Hindi ko alam kung ano ang balak ni Selena o anong nangyari at bakit patuloy siyang nagpapanggap na sila pa ni Elijah. Alam kong malabong magiging kakampi namin siya. Sinaktan namin siya ni Elijah, ginamit siya ni Elijah, natural sa tao na magtanim ng galit sa mga taong nanakit sa kanila. I won’t blame her.
“Mag pinsan po ba kami ni Selena, lola?” Tanong ko habang iniinda niya ang masahe sa kanyang paa.
Umiling si lola. “Anak siya ng pamangkin ko. You don’t know? Hindi ba ay nagkita na kayo sa Cagayan de Oro? Galing siya ng Cagayan de Oro with her boyfriend.”
Halos mapatalon ako sa salitang ‘boyfriend’. This is really wrong. Habang tumatagal na iniisip niyang sila parin ni Elijah ay mas lalong magiging mahirap ‘to. Nanlamig ang mukha ko habang iniisip kung paano magsisimula sa pag amin.
“Kaninong anak po siya?” Not that I know anyone from their family. Hindi ko kabisado ang pamilya nila dahil hindi nila ako binigyan ng pagkakataon.
“Pamingkin ko. Chiong. She’s a Chiong, Klare. Pinsan ni Ricardo ang kanyang daddy. Bakit ka nagtatanong?” Nanliit ang mga mata ni lola.
“I was just curious.” Sabay iwas ko ng tingin.
Mabilis kong inisip ang lahat lahat ng koneksyon namin ni Selena. Magkadugo kaming dalawa pero hindi direktang mag pinsan. Anak siya ng pamangkin ni lola. She’s not a Ty. Nakahinga ako ng malalim. As if that would make a difference.
“Cristine!” Halos napatalon ako sa mariing tawag niya sa pinsan kong nasa kabilang sofa.
Yakap yakap ni Cristine ang unan habang may katext sa kanyang cellphone.
“Are you texting that kid again? I said you stop it!” Utos ni lola.
Binaba ni Cristine ang kanyang cellphone at kita ko sa mga mata niya ang takot.
“Mag i-eighteen ka na bukas. You will have Jesse Co as your escort. Huwag ka ng mangarap na makihalubilo sa lalaking iyan.” Ani lola.
Si lola ang batas. Walang umaangal sa kanya dito. Alam ko ‘yon noon at ngayon ay napatunayan ko na. Kahit si papa ay walang nagagawa sa katigasan ng ulo ni lola.
“You’re invited, Klare. Wear your best dress.” Singhap ni lola. “Siguro ay alam na rin ‘yan ng pinsan mo, I expect?”
Pinaglaruan ko ang mga daliri ko at hindi ako sumagot kay lola. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.
“I’m talking to you, Klare. Alam ba ‘yan ng pinsan mo?”
Umiling ako. “Hindi po.”
“Oh, well, siguro naman ay sinabi niya na ngayon sa pinsan mo. Young love, huh?” Ngumiti si lola.
Kahit nakangiti siya ay alam mo talagang mahirap siyang kalabanin. Lalo na dahil kadugo ko siya. Lalo na dahil alam ko sa sarili kong mahal ko siya at gusto kong kunin ang loob niya, ngunit hindi sa ganitong paraan.
“Hindi na po kasi sila nag uusap ni Elijah.” Sabi ko.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang mabilis niyang paglingon sa akin.
“Sino?” Lito niyang tanong.
“Si Selena at Elijah po, hindi na nag uusap.” Sagot ko.
“No way. They’re mag on, right?” Sabay tingin ng isa kong pinsan kay Cristine.
Tumawa si lola. “They’re so in love? Paano sila hindi mag uusap? Siguro ay hindi mo lang napapansin.”
Umiling ako kahit kita ko sa mga mata ni lola ang pagkairita. “Matagal na po silang hindi na talaga nag uusap.”
Napawi ang ngiti ni lola. Tinitigan niya ako.
“Break na po sila.” Tumingin ako sa mga daliri ko.
Hinahanda ko na ang sarili ko sa dadating na masasakit na salita. Dumating ang isa sa mga tita ko at umupo sa tabi ni lola habang pinapanood ang pagmamasahe.
“Ako naman ang sunod.” Ani tita.
“What are you talking about, Klare? Puno ng kasinungalingan ang bibig mo.”
Kumalabog ang puso ko sa panimula ni lola. “It’s true. Nong umalis po si Selena sa Cagayan de Oro, wala na po sila ni Elijah.”
Hindi ko kayang tingnan ang mga mata ni lola.
“Sandali nga!” Sigaw niya sa nagmamasahe. “Umalis ka dito!” Aniya at nagmamadaling umalis ang nagmamasahe.
Nanlaki ang mga mata ni tita habang tinitingnan ako. Tumingin siya sa mga pinsan kong nasa kabilang sofa na walang imik dahil sa takot.
“Sinasabi mo ba na nagsisinungaling si Selena? You have no right to accuse her!” Mariin niyang sinabi sa akin.
“Ang sinasabi ko lang po ay ang totoo.” Mahinahon kong sinabi.
Kahit na gusto ko na ring manggalaiti sa galit ay binantayan ko ang sarili ko. Na dapat ay kontrolado ko parin ang boses ko, ang emosyon, at ang pakikitungo ko sa kanya. Dahil kahit anong gawin ko, siya ang lola ko. Nanggaling ang ama ko sa kanya at mahal ko siya. Ito ang pamilyang pinangarap ko. Umalis ako sa Cagayan de Oro dahil hindi ako matanggap ng pamilya ko, ngayon, nandito ako para may masilungan. Pero ano na naman ‘tong pinasok ko?
Sumikip ang dibdib ko.
“Liar!” Sigaw ni lola sabay turo sa akin. “Wag na wag mong akusahan ang apo ko ng ganyan!”
Nanlaki ang mga mata ko. “Pero apo niyo rin po ako.”
“You are not my granddaughter!”
Nalaglag ang panga ko. Tumayo ang mga pinsan ko at lumapit sa kay lola. Mabilis namang tumakbo si tita sa kusina para siguro tawagin ang iba ko pang tita at si tita Marichelle.
“I’m sorry kung hindi niyo po nagustuhan ang katotohanan, but that’s the truth. Hindi ko po alam kung bakit patuloy na nagpapanggap si Selena bilang girlfriend ni-”
“Bakit sila umalis kung ganon? Bakit pumayag ang lalaking isipin kong boyfriend parin siya ni Selena? You are one crazy girl!” Tumayo si lola.
Nakaupo ako at hindi ko na alam kung tatayo ba ako at lalapitan siya o aatras ako. Galit na galit siya at natatakot ako sa maaaring mangyari sa kanya.
“Kasi inutusan ko siya, ama…” Kinagat ko ang labi ko. Tinawag ko siyang ganon nang maisip niyang apo niya parin ako. Hindi ko magagawang magsinungaling sa ganitong bagay sa kanya. I treasure the whole family but I can’t lie this time.
“Don’t you call me that!”
Napatayo ako dahil lumapit na si lola sa akin. Umatras ako kahit na sofa lang ang nasa likod ko.
“Bakit ka naman susundin ng pinsan mo? This is impossible! He can’t pretend for you! Kung tunay na wala na sila, hindi iyon aalis kasama si Selena. At kung may katotohanan nga ‘yang mga kasinungalingan mo ay maaaring nagkabalikan na ang dalawang ‘yon.”
Umiling ako at umatras. “Inutusan ko siya na sumama. Pumayag siya dahil mahal niya ako.”
Naningkit pa lalo ang galit na mga mata ni lola.
Mabilis na dumalo sina tita Marichelle sa amin. Hinawakan nila ang braso ni lola. Marahas akong hinila ng isa sa mga pinsan ko at pakiramdam ko ay nakalmot niya ang braso ko. Mahapdi pero hindi ko ininda. Nanatili ang paningin ko kay lola.
“Anong sinabi mo?” Nanginginig ang boses ni lola nang lumapit siya sa akin.
“Klare! What are you talking about!??” Sigaw ni tita Marichelle.
“This is what I’m telling you, mama!” Sigaw naman ni tita Tania.
“Anong sinabi mo?” Tanong ulit ni lola sa mas mahinahong boses.
Umiling ako. “Elijah is not my cousin. He’s a Montefalco, I’m not. Wala na po sila ni Selena. Ako ang mahal niya.”
Mahapdi nang lumagapak sa aking pisngi ang mabigat na palad ni lola. Napaiyak ako sa pisikal at emosyonal na sakit.
“He’s your cousin! At silang dalawa ni Selena ang dapat!” Turo niya sa akin.
Hindi pa nakakaharap ang mukha ko sa kanya ay nakatanggap ako ng isa pang sampal galing sa isa kong tita.
“You are just like your mother! Ang hilig hilig ninyong manulot! Makisawsaw sa mga relasyong hindi para sa inyo!” Sigaw ni tita.
Kinagat ko ang labi ko. Tumutulo ang luha ko sa pisngi, sa baba… “Hindi na po sila ngayon. Matagal na po. At matagal ko na rin pong mahal si Elijah, bago pa siya umalis-”
“He’s your cousin!” Turo ni lola sa akin.
Wala akong ginawa kundi umiling nang umiling. Paano ko sasabihin o ipapaliwanag ang side ko sa mga taong hindi makikinig? Bago pa lang ako magsalita ay may katotohanan na silang pinaniniwalaan at wala silang panahon para dinggin ang kahit anong hindi sumasang ayon sa kanilang pinaniniwalaan. Ganon ka hirap. This is all futile. I love my family but they will probably never love me back.
“Ano ka, hayop?” Sigaw ni lola. “Aso ka ba na kaya mong patulan ang sarili mong kapatid dahil lang sa tawag ng laman mo? You…” Turo niya habang pinipigilan siya nina tita Marichelle. “You are not a Ty. You will never be a Ty. You belong to nobody!”
“La, please, pakinggan niyo po ako…”
Alam kong hindi siya makikinig pero walang masama sa pagbabakasakali. Nawawalan na ako ng pag asa pero may kaonti paring natitirang naniniwala sa akin. Naniniwala ako na kahit gaano ka ka galit sa isang tao, pag pamilya mo sila, maaawa ka parin sa kanila.
“Hindi po kami magpinsan ni Elijah. Wala na po sila ni Selena. Hindi ko po alam kung bakit sinasabi ni Selena na sila parin, pero iyon ang totoo. If you want, we’ll ask Selena together.”
“Sulutera ka, Klare. You’re a bitch, just like your mother!” Sigaw ng isa kong tita.
“Tania, tama na!” Sigaw ni tita Marichelle.
Nagkatitigan ang dalawa. Tinuro ako ni tita Tania habang nakatingin siya kay Marichelle.
“Chelle, manang mana sa kanyang pinanggalingan! Kitang may relasyon ay sumasawsaw. She’s a bitch, too! Totoong kung ano ang puno ay siya rin ang bunga!”
Umiling ako at tumingin kay tita Marichelle. “Tita, hindi po ‘yan totoo.”
“Don’t you dare call Marichelle your tita!” Sigaw ni lola sa akin.
Lumapit ako kay lola ng dahan dahan habang walang tigil na tumutulo ang luha ko. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya.
“La, please, kausapin niyo si Selena.”
“You’re a liar.” Ani lola.
Umiling ako. “Hindi po ako ganon, la.”
“Don’t you call me ‘lola’! You are not my granddaughter! You are dirty for loving your cousin. Disgusting for seducing someone else’s boyfriend. Sinungaling na bata ka. Hindi ka kasi pinalaki ng mga Ty. You’re a disgrace to this family!”
Tinapon niya ang kamay ko at tinulak palayo. Muntik na akong madapa ng patalikod at parang walang nangyari sa kanila. Tiningnan lang nila akong lahat na para bang may malaking barrier sa gitna namin.
“You will never belong to us. You will never be our family!” Sigaw ni lola at mabilis na bumigat ang kanyang paghinga.
“Mama!” Nakakabinging sigaw ni tita Marichelle.
Hinabol ni lola ang kanyang hininga. Pinalibutan siya ng mga tita ko at ginabayan sa pag upo. Narinig ko ang iyak ng mga pinsan ko sa gilid. Nakatunganga ako sa kanilang harapan, guilty sa nangyari, at sobrang takot na baka kung mapano si lola dahil sa akin.
Humakbang ako palapit sa kanila para makita ng mas maayos si lola. Mabigat ang hininga niya. Tumakbo ang nurse at may pinainom sa kanyang mga gamot. Ang isang nurse ay kumukuha na ng kanyang blood pressure.
Bumaling sa akin ang umiiyak na mga pinsan ko at tinulak nila ako palayo doon.
“Lumayas ka dito!” Sigaw ni Cristine.
Hindi parin mag sink in sa akin ang nangyari.
“She’s okay. Kailangan niyang magpahinga.” Sabi ng isang nurse sa kay tita Marichelle.
Matalim ang mga mata ng mga tita ko nang bumaling sila sa akin. Alam kong ipapatapon na nila ako sa labas ngunit hindi ako makagalaw dahil sa nangyari.
“Umalis ka na dito! Lumayas ka!” Sigaw ng isang tita ko.
Hindi parin ako makagalaw. Tumingin ako kay tita Marichelle na mas kalmado sa kanilang lahat.
“Klare, sasama ang pakiramdam ni mama pag nandito ka. Mas mabuting umalis ka na lang muna.” Ani tita Marichelle.
Tumango ako. Kasabay ng pagtango ko ay pag tulak sa akin ng isa ko pang pinsan. “Layas sabi! Sampid ka dito! Sampid!” Sigaw niya.
Pinipiga ang puso ko. Tiningnan ko silang lahat isa-isa. I guess I really don’t belong anywhere. Walang pamilyang tatanggap sa akin. Now, I’m lost. At siguro ay dahil sa galit ni Elijah, pati siya ay nawala ko na rin.
“What the hell are you waiting for, bitch? Go away! Dirty rat!”
Bumuhos ang luha ko nang tinalikuran ko sila. Pinunasan ko ito habang tumatakbo ako palabas dala dala ang mga gamit ko.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]