Until He Returned – Kabanata 46

Kabanata 46

All Here

Napag isip isip kong maaaring wala pa si Elijah sa hotel. Gusto ko sanang pumunta doon ngunit ayaw kong tumambay sa labas ng kanyang pintuan, maghapon. Nagsisi agad ako kung bakit hindi ko kinuha ang kanyang cellphone number.

Sumakay ako ng taxi patungong Magsaysay Park, ngunit siguro ay hindi ako narinig ng maayos ng driver kaya sa People’s Park niya ako hinatid. Hindi na ako nagreklamo. Wala na akong naging panahon dahil bumubuhos ang mga luha sa mga mata ko.

Love is both a strength and a weakness.

Umupo ako sa isa sa mga bakanteng bench. Kitang kita ko ang mga couples sa harap ko na sobrang sweet sa isa’t isa. Wala silang kinakatakutan at walang pamilyang umaangal sa kanila. Mahal ko ang pamilya ko. Sila ang nagbibigay ng lakas sa akin. Pero sa mga panahong ito, sila ang humihila sa akin pababa. I have to remember that they love me too. Talagang mali lang sa kanila ang ginagawa kong ito. I couldn’t blame them fully. Pero sana naman ay bawasan ang pang iinsulto at pang mamaliit sa akin.

Pinaglalaruan ko ang luggage sa tabi ko habang pinagmamasdan ang bawat taong dumadaan. What will happen now? Dalawang pamilya na ang nagtakwil sa akin. Tinakwil na rin si Elijah ng pamilya namin dahil sa akin. I am the cause of all these pain. I couldn’t blame anyone. Talagang sarado lang ang pag iisip nila tungkol dito at maaaring hindi ko na mababago iyon.

Napatalon ako nang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Pierre sa screen.

Inisip ko na kaya nila sinabi sa akin noon na kaibigan lang nila si Selena ay dahil hindi sila close sa kanya. Hindi naman sila direktang magkamag-anak. Kamag anak siya ni lola at maaaring sa mga gathering ng mga Ty ay hindi nakakasama si Selena. Tinanggap ko ang explanation na iyon sa aking utak at sinagot ang kanyang tawag.

“Hello?”

Hindi agad nagsalita si Pierre.

“Pierre?” Nanginig ang boses ko kaya kinagat ko kaagad ang labi ko.

Ayaw kong malaman nilang may nangyayaring masama dito sa akin. I don’t want them to worry.

“You… okay? Are you… mad?” Nanginginig din ang kanyang boses.

Umiling ako habang tumutulo ang aking mga luha.

Ito siguro ang dahilan kung bakit parang may inililihim silang dalawa sa akin.

“I’m not.” Matapang kong sinabi.

“K-Kumusta kayo ni lola?”

Hindi ko siya sinagot. Imbes ay inilihis ko ang usapan. “Apo rin pala ni lola si Selena, no?”

Narinig kong nagmura siya sa kabilang linya. Halos makita ko ang mga pinsan kong Montefalco dahil sa lutong ng pagmumura niya. May narinig akong boses na nagtatanong kung anong nangyayari. I assumed it was Hendrix.

“Anong nangyari? I-I’m sorry. We’re sorry.” Mabilis na sinabi ni Pierre.

“Pierre, akin na.” Dinig kong sinabi ni Hendrix.

“No, Kuya, I need to talk to her.” Ani Pierre. “Klare…”

Tumango ako. Hindi na makapagsalita dahil sa pagbabara ng lalamunan.

“Ano na ang nangyari? Dinala mo ba si Elijah sa bahay? Dapat ay sinabi namin agad, e. Kaso hindi ko alam kung paano.”

“Ba’t di niyo sinabi?” Tumindig ang balahibo ko nang narinig ko ang pagkabasag ng sarili kong boses. Humikbi ako at narinig ko ang iilan pang mura ni Pierre.

Narinig ko rin ang mga boses sa kabilang linya. Nagkakagulo sila. Hindi ko alam kung sino ang kasama nila pero sa ngayon ay mas importante sa akin na kumalma ako. Ayaw kong mag alala ang mga kapatid ko pero hindi ko mapigilan ang pag iyak.

“Listen, Klare. We’re sorry. Malaki ang pamilya ng mga Chiong at hindi unique ang apelyido nila.” Si Hendrix na ngayon ang nasa linya. “Sa Ateneo de Davao noon, marami kaming mga Ty, may mga Go, may Co, may mga Chiong, at iba pang chinese family. Hindi namin alam kung sino ang relative nino.” Bumuntong hininga si Hendrix. “We care only for our first degree cousins. Iyon ang lagi naming nakakasama. Last reunion, doon lang namin nakilala si Selena, bilang parte ng pamilya nina lola. We are truly sorry.”

No. Actually, it doesn’t matter to me. Kung naging kapatid ko man si Selena ngayon, it just doesn’t matter. Elijah is in love with me and I love him back. We should be together. Hindi ko siya kayang ibigay sa mga taong nangangailangan sa kanya, sa mga taong hindi niya naman mahal. No. Yes, I love my family. But I’m not selfless enough to pretend that it’s okay to give him away. I will fight for this. I will fight for him.

“It’s okay.” Sabi ko.

Tahimik ang kabilang linya. Akala ko ay naputol na.

“Where’s Elijah? Kasama mo?” Tanong ni Hendrix.

“No. He’s with Selena.” Hindi ko maitago ang tabang sa boses ko.

Hindi ulit nagsalita si Hendrix. Hindi ko alam kung anong iniisip niya o kung masama ba ang loob niya sa nangyayari.

“What do you mean ‘it’s okay’, Klare? You mean everything’s okay for you? Maayos ka na magkasama si Elijah at Selena ngayon? Are you giving him up?”

“No.” Sabi ko.

“Then why are they together? Mina manipulate ka ba ni ama? Klare, what’s happening?” Natatarantang sinabi ni Hendrix.

Napatayo ako nang narealize na kailangan ko ng hanapin si Elijah. Papalubog pa lang ang araw at kung seryosong desperada si Selena ay hindi niya papakawalan si Elijah hangga’t di niya ito makukuha ulit. Kaya lang ay kailangan kong magbakasakali na nakauwi na siya sa hotel. I need this chance. I need to stay there and wait for him. Kahit na walang kasiguraduhan kung babalik pa ba siya o hindi na.

“Rix, talk to you later. Aalis lang ako.” Sabi ko agad habang kinukuha ang luggage ko.

Binaba ko ang cellphone ko at nagsimulang maglakad palabas ng People’s Park. It’s time to stop crying and move.

“Manong, sa Marco Polo.” Sabi ko sa driver ng taxi at sumakay na agad.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Elijah pag nagkita kaming dalawa. Pero alam kong galit iyon. Galit siya sa akin dahil sa ginawa ko. Siguro ay sumagi sa isip niya na ipapaubaya ko na naman siya sa iba para sa pamilya ko.

Nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng hotel ay mabilis na akong nagpunta sa elevator. Ni hindi ko na nilingon ang magandang tanawin ng swimming pool ngayong gumagabi na.

Sa tamang floor ako bumaba at medyo nahirapan ako sa mala-maze nitong corridor. Nang natagpuan ko na ang room ni Elijah ay prepared na ako para umupo sa sahig at maghintay sa kanya. Isang pihit sa door handle ay nalaman kong bukas iyon. He’s inside! Dahan dahan ko itong binuksan. Dim ang lights. Ang tanging may ilaw ay ang maliit na lamp malapit sa kama at ang ilaw galing sa mga building sa labas.

Nakahiga si Elijah sa kama, pinaglalaruan ang lowerlip. Tiningnan niya akong pumasok ngunit hindi niya ako nilapitan o kahit ano. I’m sure he’s angry.

Dinala ko ang luggage ko sa gilid ng sofa at tinanggal ko ang jacket ko. Walang nagsalita sa aming dalawa. Kung hindi siya galit ay kanina niya pa ako pinaulanan ng mga tanong.

Tumingin ako sa kanya at nakatingin lang din siya sa akin. Kumikinang ang kanyang pagod na mga mata. Naka puting t shirt siya at isang jersey shorts. Magulo ang kumot sa kama. Patay ang TV. Ang ilaw sa lamp lang ang nagliliwanag sa kanyang mukha.

“Sorry.” Sabi ko, lumalapit sa kama.

Hindi siya umimik. Nag iwas siya ng tingin sa akin. Gumapang ako sa kama sa tabi niya. Gumalaw siya para mabigyan ako ng lugar.

“I’m sorry.” Ulit ko habang nakatingin sa kanya kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. “Hey…”

Hindi parin siya tumitingin sa akin. Dinig ko lag ang mabigat niyang hininga at ang patuloy niyang paghaplos sa kanyang labi.

“Elijah…” Malambing kong sinabi.

Pumikit siya. Hinawakan ko ang baba niya at hinarap ko ang mukha niya sa akin.

“Elijah, sorry. Nagulat ako nang nandun si Selena. Hindi ko alam na relative siya ng mga Chiong. Wala akong alam.”

“Pinaubaya mo ako sa kanya.” Galit niyang sinabi at hinawi niya ang kamay ko.

“Gusto kong magpa good shot muna kay lola bago ko sabihin sa kanya ang totoo.”

“That’s never a good shot. To lie is never a good shot.” Mariin niyang sinabi.

“White lies, Elijah. Gaya ng ganiwa mo noon kay Selena. Para makauwi ka.” Sabi ko.

“Well, Klare, you don’t know how to use white lies. You should get yourself a teacher from hell.” Aniya.

“Elijah…” Hinawakan ko ang braso niya.

Dinungaw niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso. Lahat ng sakit kanina ay nawala. Ang makita siya, maramdaman siya, makasama siya, ay nakakawala ng sakit at pagod para sa akin. I could live like this forever.

“Don’t talk to me.” Aniya sabay talikod sa akin.

Ngumiti ako dahil kitang kita sa pag irap niya na konting kalabit na lang ay bibigay na siya.

“Elijah, I’m really sorry. Mali iyong nagawa ko. But still, kinailangan ko iyon sa panahong iyon. I need to gain my grandma’s trust.”

“To gain your grandma’s trust, you want me to date Selena, Klare? Ganon ba iyon? Sakripisyo na naman ako para sa pamilya mo?” Humarap siya sa akin.

Ngumuso ako. He really is mad at me. Naiintindihan ko naman. That was a stupid plan.

“No. I just want to buy time bago-“

“Binili na natin lahat ng oras sa Cagayan de Oro pa lang.” Humalukipkip siya. “I’m not mad because you’re choosing your family over me. I’m mad because it’s easy for you to drop me everytime.”

Yumuko ako.

“Okay, that’s a lie. I’m also mad because you always choose your family over me. Not that it’s bad. That’s a good thing. Damn! Fuck! Very good thing!” Nag iwas siya ng tingin.

Napatingin ulit ako sa kanya. Hindi na siya makatingin pabalik sa akin ngayon.

“Makes me want to be your family. So you will love to choose me all the damn fucking time.”

Kinagat ko ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Gusto kong magtanong kung ano ang ginawa nila ni Selena ngunit pinigilan ko ang sarili ko. I need to win him back and a jealous Klare can’t win him back.

“Sorry. Hindi naman sa ganon, Elijah. If I can keep you both, I will. I want to keep you both. I love my family.”

“I know.” Aniya, may bakas paring galit sa boses.

“Pero, kung hindi nila tayo kayang tanggapin, Elijah. You know I’ll stay with you.”

Napatingin siya sa akin. “I didn’t know you will.”

“I will.” Mariin kong sinabi.

“Alam kong importante sa’yo ang pamilya mo, Klare. And it’s also important for me that you’re happy. Just don’t… don’t give me away like that. Don’t you ever give me away. Hindi ko magagawa iyon sa’yo. Kahit sa utak ko, hindi ko kayang binibigay kita sa iba. I’m going to jail pag nakita kong may nakahawak sayong iba. Trust me. Halos mapatay ko si Rafael nong nakita kitang kasama mo si Vaughn.”

Yumuko ulit ako. Erin’s right.

“You own me, baby. But please don’t give me away. I can’t do that. And if you ask me to pretend again tomorrow, then I’m telling you, we’re going straight to your father.”

Umiling ako. “I will not ask you to pretend, Elijah. ‘Yon lang ‘yon para sana makausap ko ng walang galit si lola sa akin. Napag alaman kong ang mga utak at pusong sarado ay mahirap ng buksan. Kaya kong maghintay kung kailan nila bubuksan ang kanilang mga puso sa atin pero hindi ko kayang maghintay ng wala ka.”

Nanginig ang boses ko nang naalala ko ulit ang mga masasakit na sinabi ng mga kamag anak ko kanina.

Hindi na ako makatingin sa kanya. Naramdaman ko na ang haplos niya sa pulso ko. Pinipiga ulit ang puso ko dahil nakakapagod ang haplos niya. Gusto ko na lang nagpahinga sa piling niya at gusto ko ring sabihin sa kanya kung bakit ako nasasaktan ngayon.

“Elijah, I lost my family.” Umiyak ako sa harapan niya at hinila niya ako palapit sa kanya.

Humikbi ako sa kanyang dibdib. This is my home. This is my forever. Hindi bale na ang lahat, wag lang siyang mawala talaga.

“From now on, I’m your family, Klare. Ako lang.” Bulong niya.

Tama siya. I love him so much. Siguro ay dapat ma appreciate ko na lang ang mga taong sumusuporta sa amin at hindi na ako mamimilit sa mga taong may ayaw. I’m done trying. I’m done crying. It’s time to fight. They will have to deal with my decision. Kung tatanggapin nila kami, mabuti. Kung hindi naman, I will not try to open their minds. They can close it forever.

Pinunasan ko ang luha ko. Nanatili ako sa kanyang dibdib. Hinahaplos niya ang likod ko.

“I’m sorry talaga.” Sabi ko, bakas parin ang hikbi sa bawat salita.

“Yeah, alright, I’m really mad.” Aniya.

“You’re mad pero kinocomfort mo parin ako.” Sabi ko habang tulala sa kawalan. Nakasandal ang aking ulo sa kanyang dibdib.

“Of course, I’m in love with you, Klare. Inis ako sayo pero mahal parin kita.”

“I’m really sorry.” Sabi ko. “Bakit kaya hindi sinabi ni Selena kay ama na wala na kayo?”

“Because dad will know pag nalaman ng ama mo.” Ani Elijah.

“She’s trying to protect us.” Sabi ko.

“And she wants me back, too.” Bulong niya sa akin.

Napatingin ako sa kanyang mukha. Kita ko ang seryoso niyang mga mata. Sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang daliri.

“Anong sabi mo?”

“Ayon, umuwi ako dito.” Ani Elijah.

“Were you mean to her?”

Kumunot ang kanyang noo. “I don’t know.”

Alam kong oo ang sagot non. I know this boy and I’ve seen him break some hearts.

“Sorry kasi nilagay kita sa ganong sitwasyon.” Sabi ko at hinawakan ko ulit ang braso niya. Lumipad ulit ang mga mata niya sa kamay ko.

Hinilig ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. Huminga siya ng malalim at pinulupot niya ang kanyang kamay sa akin. Nagkadikit na ang mga binti naming dalawa sa kama.

Kinagat ko ang labi ko. We’re intimate.

“Hindi ka nagugutom?” Bulong niya sa akin.

“Hmmm. Medyo. Oorder tayo?” Tanong ko at tinagilid ko ang ulo ko.

Hinalikan niya ang tainga ko. “Later.”

Halos mapatalon kaming dalawa nang biglang sumabog ang pintuan namin dahil sa mga taong pumasok sa aming kwarto.

“Ito ba? Ito ba?” Dinig na dinig ko ang boses ni Azi at ni Erin na nag tatanong sa iritadong si Hendrix.

Pumasok silang lahat sa kwarto namin ni Elijah at wala akong nagawa kundi tumunganga habang pinapanood silang nagugulat din sa amin ni Elijah.

“What the fuck? May gana kayong magulat kahit na kayo ang nanggugulat?” Sigaw ni Elijah sa mukha ni Josiah na nakanganga, hawak hawak ang strap sa kanyang backpack.

They are all here. My cousins! And my brothers!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: