Until He Returned – Kabanata 43

Kabanata 43

Deserve Her

Hindi naman matagal ang naging byahe. Malapit lang naman kasi ang Davao, ngunit sinulit ko ang panahong nakahawak kamay sa akin si Elijah. I missed him so much at palagay ko’y hindi ko na muna siya dapat paulanan ng tanong.

Hindi rin siya nagsalita buong byahe. Nang nag land na ang eroplano at naghintay na kami sa mga bagahe ay tsaka lang nabasag ang katahimikan namin. Bumaling siya sa akin pagkatapos niyang walang kahirap-hirap na kinuha ang maleta ko.

“I need to find a hotel.” Aniya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko iyon naisip! Pinanood ko siyang may kinukuha sa kanyang bulsa. Nakita ko ang isang iPhone na kakabukas lang. Dumungaw ako at tumingin sa screen, tumingin rin si Elijah sa akin ng nakangisi.

“Finally, a phone.” Aniya.

“Matagal ka ng may cellphone ulit?” Tanong ko.

Umiling siya. “Ngayon lang ulit. Ayokong magkaroon kasi baka matext kita at malaman pa ng ibang tao na may communication parin tayo.”

“Bakit? Bakit ang tagal mong nagpakita?” Sa wakas ay naitanong ko na rin sa kanya ang kanina ko pa iniisip.

“Kasi alam ko, mas maaga, mas binabantayan ka.” Aniya at pinindot niya ang ilong ko bago nanghila.

Nagpatianod ako sa hila niya. Pamilyar na sa akin ang airport pero parang bago ito ngayong kasama ko na si Elijah. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko nang pinanood ko siyang lumilinga linga sa paghahanap ng taxi na masasakyan.

“Susunduin tayo ng driver namin.” Sabi ko sa wakas bago siya pumara ng isang taxi.

Bumaling siya sa akin at ngumuso. “Pwede bang utusan natin ang driver niyong ihatid muna tayo sa Marco Polo?”

Tumango ako at nakita ko kaagad ang naka puting polo at naka shades na driver ni daddy. Naka abang siya sa pintuan ng sasakyan at ang isa pang lalaki ay naglalahad ng kamay sa maletang dala ni Elijah. Binigay ni Elijah ang maleta ko, naka backpack lang siya at inisip kong saan niya kaya nakuha ang backpack na iyan o may damit ba siya sa loob. Naisip ko rin kung saan siya kumukuha ng pera.

“Kuya, pahatid po muna sa Marco Polo. Chi-check in lang po ang kasama ko.” Sabi ko.

Tumango ang driver at hinila ko na si Elijah sa loob ng sasakyan.

Hindi ko pa nasasabi kay papa na isasama ko si Elijah sa Davao. Ngunit alam kong alam niya na ngayon na kasama ko si Elijah. Paniguradong sinabi na ni Hendrix o ni Pierre ang balitang iyon. Tumunog ang cellphone ko, di pa kami nakakalayo sa airport.

“Hello, pa. Nakarating na po kami.” Sabi ko.

Hindi siya agad nagsalita.

“Kasama ko po si Elijah…” Hindi ko alam kung dudugtungan ko ba ng pinsan o ano? “Montefalco.”

“Narinig ko nga sa kapatid mo.” Tunog bigo ang boses ni papa.

Imbes na magtanong ako kung bakit ganon ay hindi ko ginawa. Ayaw ko kasi munang marinig sa kanya na hindi siya sang ayon sa aming dalawa. Lalo na’t sa cellphone pa lang naman at hindi ko pa lubusang naipapakilala sa kanya si Elijah. “Ihahatid ko lang po siya sa Marco Polo. Ta’s pupunta na kami diyan.” Ito ang naging batayan ko sa kanyang pagtutol at pag sang ayon sa aming dalawa. Dahil kung sang ayon siya, mag o-offer siya ng isang kwarto kay Elijah sa bahay namin.

“Okay, Klare. Dito na kayo mag breakfast.” Ani papa.

Kinagat ko ang labi ko at nagpaalam na sa kanya. Affirmative. Ayaw ni papa kay Elijah bilang pinsan ko. Paano na lang kung malaman niyang may relasyon kaming dalawa? O baka naman may alam na siya?

Pinapanood ko ang labas ng sasakyan. Kahit na nakailang beses na akong pabalik balik sa Davao ay hindi ko parin memoryado ang lahat. Hindi parin talaga ako sanay sa tanawin. Bumaling ako kay Elijah sa pag aakalang ganon din ang ginagawa niya ngunit nagulat ako dahil nakatitig lang siya sa kamay naming pinagsalikop niya.

“Anong nangyari sa loob ng dalawang buwan?” Tanong ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin habang pinaglalaruan niya ang mga daliri namin. “Nagpalamig ako. Umalis ako ng Cagayan de Oro, bumalik, hinanap ka, but I can’t go near you and you know that right?”

Tumango ako. “Saan ka nagpunta nang umalis ka ng Cagayan de Oro?”

“Went to Surigao, then back again. Gusto kong magkaroon sila ng lead na nasa Surigao ako para di na nila ako mahanap sa CDO. Pero nahanap ako ni Rafael.” He chuckled.

Nanlaki ang mga mata ko. “Saan ka nagtago nang nahanap ka ni Rafael?”

“Dynasty Court Hotel?” Mas lalong lumaki ang ngisi niya.

Mas lalo ring lumaki ang mata ko. Paano ba naman kasi, sobrang lapit ng hotel na iyon sa bahay namin. Hindi ako makapaniwalang doon lang siya nag tago.

“Hindi nila maiisip na nasa paligid ako. Iisipin ng lahat na lumayo ako ng husto. Because I don’t wanna be found, I’m probably somewhere far.” Nagkibit balikat siya.

Claudette was right. Totoong may plano si Elijah. Hindi niya kailanman hahayaan ang sarili niyang tumakbo na lang ng hindi nag iisip. And he’s plan was flawless.

“Anong ginawa ni Raf sa’yo?” Tanong ko nang narealize na may nakahanap nga pala sa kanya.

“Aksidente lang na nakita niya ako. Nasa labas siya ng Hotel with this girl at nakatingin ‘yong girl sa akin habang kinakausap ko ‘yong receptionist sa hall kaya napatingin din si Rafael sa akin.” Tumawa siya.

Nanliit ang mga mata ko. Hindi ko alam kong binibiro niya ba ako o ano. “You’re kidding me…”

Umiling siya. “That’s what happened!” At tumawa ulit.

Umirap ako at tinanggap ang sinabi niya para makapag tanong ulit. “Anong ginawa niya nong nakita ka niya?”

“Kinausap at niyayang bumalik. Sinabi ko sa kanya ang plano ko. Nag offer din siya na magstay ako sa kanyang condo since Damon’s not staying there anymore. Of course, I refused. I don’t need anyone’s help.” Tinagilid niya ang ulo niya at tinaas ang isang kilay na parang nagyayabang.

“Sabi mo you stayed with him?” Pinaalala ko sa kanya.

“Yup. ‘Nong malapit na akong magpakita sayo. Mas monitored ko ‘yong mga galaw ng tao ni tito Stephen. I have the means pero mas accurate ‘yong mga alam niya. Hindi ko kailangan ng tulong pero basta tungkol sayo, sating dalawa, kailangan hindi pumalpak.”

Ngumuso ako. “Where did you get your money? Nag ipon ka sa New York? Sa negosyo niyo? What?”

Ngumisi lang siya at tumingin sa labas. Tumingala siya sa isang medyo matayog na parihabang gusali sa tapat. “Marco Polo.”

Tumingala din ako sa hotel. Hindi pa ako nakakapasok dito pero isang tingin pa lang, alam ko na agad na mahal ang hotel na ito. Muntik ko nang bilangin kung magkano ang gastos ni Elijah nang pansamantala siyang nanatili sa Dynasty Court. Kung ano man o saan man siya kumukuha ng pera, hindi na iyon biro na negosyo. He’s earning… a lot.

Sumalubong agad sa amin ang malaking swimming pool pagkapasok namin sa premises ng hotel. Pinanood ko ang mga foreigner at kanilang mga partner na naliligo doon. Diretso naman ang lakad ni Elijah papasok sa hotel. Sumunod lang ako sa kanya at nagulat ako nang mabilis lang siyang nabigyan ng kwarto.

“Reserved. Elijah Montefalco. Paki private ‘yong details. Lahat.” Aniya at binigyan ng pera ang babae sa hall.

Sumakay na kami sa elevator. Isang room boy ang maghahatid sa amin doon. Aniya’y iiwan niya lang daw ang bag niya at aalis na kami.

Pagkapasok namin sa kwarto ay mabilis kong napansin ang malaking salamin na bintana. Kitang kita doon ang kabuuan ng syudad. Nilapitan ko kaagad iyon habang abala si Elijah sa paglalapag ng kanyang gamit sa cabinet ng room.

“I need to close the curtains before we go.” Ani Elijah sa likod ko.

Tumango ako at pumihit para hanapin siya ngunit nagulat ako nang nasa harap ko na kaagad siya. Nagkatitigan kaming dalawa. Kinagat ko ang labi ko at naisip na kailangan na naming umalis. Papa’s waiting. Alam kong maaaring sinabi na ni Hendrix kay papa na huwag sabihin kay mommy na kasama ko si Elijah pero mas maigi sana kung ako mismo ang magpapaliwanag sa kanya.

“I’ll close the curtains.” Aniya at hinawakan ang magkabilang balikat ko para itabi muna ako bago dumiretso sa kurtina.

Ngumuso ako at pinanood siyang sinasarado iyon. Pagkatapos ay mabilis niyang tiningnan ang pintuan.

“Let’s go.” Aniya at mabilis ring humakbang patungo ron.

“Okay.” Sabi ko at sumunod sa kanya.

Bakit bigo ako dahil hindi ko siya nahalikan sa maiksing panahon na iyon? Hindi ko alam. Maraming tao nang pumasok kami sa elevator kaya pareho kaming tahimik sa loob.

Pagkababa namin ay nandoon na rin ang driver at naghihintay sa pagsakay ulit namin. Tahimik ulit kami sa loob. Para mabasag ang katahimikan ay tinuro ko sa kanya ang iba’t-ibang lugar na napuntahan ko na. Itinuro ko kung saan kami madalas pumunta ni Pierre pag bored siya, kung saan madalas nag paparty si Hendrix at kung anu-ano pa.

“Taga saan si Selena?” Tanong ko ng wala sa sarili.

Bumaling si Elijah sa akin. “Didn’t know. Ang alam ko lang ay hometown niya ang Davao City.”

Tumango ako. I don’t know if he’s bluffing or what. Baka ayaw niya lang pag usapan o ayaw niya lang na magselos ako. “Hindi niyo ba napag uusapan ang Davao?” Tanong ko.

Umiling siya at tumingin sa labas.

Tumigil na ako sa pagtatanong. Lalo na nang pinalitan na ng kaba ang kaninang kalmado kong sistema. Papalapit kami nang papalapit sa bahay ay mas lalong lumalalim ang kaba ko. Hindi ko iyon naramdaman sa kamay ni Elijah na hindi man lang natitinag habang hinahawan ang kamay ko.

“You okay?” Tanong niya.

Mukha siguro akong natatae dahil sa kaba. Tumango na lang ako lalo na nang nakita ko na ang kulay itim naming gate.

“This is our house.” banggit ko.

“Nice house.” Aniya. “Maganda ba ang tungo ng mommy nina Pierre at Hendrix sayo?”

Papasok kami sa gate nang tinanong niya iyon. Ang pamilyar na fountain namin na may anghel na umiihi sa taas ay mas masigla tingnan ngayon. Mas berde rin ang bermuda ng garden at naging mukhang mas malinis ang bahay. Hindi ko alam kung dahil ba nandito ang lola o talagang ganito ang itsura ng bahay tuwing pasukan.

“She’s okay. Hindi naman siya malupit. Hindi rin naman kami close. Just okay.” Sabi ko at bumaba na nang tumigil ang sasakyan.

Bumaba na rin si Elijah. Ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng kanyang jacket. Hinintay naming umalis ang sasakyan bago tumuloy sa loob.

Hindi pa ako nakakalahati sa hagdanan ay naaninag ko na si papa sa pintuan. Nakalahad ang kanyang mga braso para yakapin ako. Tumakbo ako sa kanya at pinulupot ko ang braso ko sa kanyang katawan.

“I miss you, pa.” Sabi ko.

Hinalikan ni papa ang aking noo. Tumingala ako sa kanya at malaki ang ngiti niyang dumudungaw sa akin. Naririnig ko ang yapak ni Elijah sa hagdanan kaya kumalas agad ako kay papa para ilahad si Elijah.

“Pa, si Elijah po.” Sabi ko.

Tumango si papa at tinitigan si Elijah.

“Elijah Montefalco po.” Naglahad ng kamay si Elijah kay papa.

Mabilis namang tinanggap ni papa ang kamay ni Elijah. Ang singkit niyang mga mata ay mas lalong naningkit sa pagngiti niya.

“Nabanggit ka ni Hendrix sa akin.” Ani papa.

Nagulat ako sa kanyang sinabi.

“Nag invest ka daw.” Tawa ni papa.

Tumawa rin si Elijah at kinalas ang kamay niya galing kay papa. “Opo. Magaling po ang anak niyong humawak ng pera.”

Tumango si papa. “Of course, he’s my son.”

“Nag invest ka sa kompanya ni papa?” Tanong ko kay Elijah.

Ngumisi lang siya at hinawakan niya ang kamay ko.

Iniisip ko pa kung paano niya ginawa iyon. Bumaling ako kay papa na ngayon ay nakatoon ang pansin sa magkahawak naming mga kamay. Uh-oh.

“Pa…” Panimula ko, hindi ko matingnan ang mukha ni papa.

“I heard from Pierre na hindi ko raw pwedeng sabihin kay Helena na may kasama ka dito. Hindi ko naman sasabihin kay Helena kung may dadalhin kang kaibigan, o pinsan… but I’m curious. Bakit hindi ko pwedeng sabihin sa mommy mo, Klare?”

Kinagat ko ang labi ko. Nararamdaman ko na gustong magsalita ni Elijah ngunit pinigilan ko siya sa pamamagitan ng pagpisil ng kanyang kamay. I need to explain this to my father.

“Pa, I’m sorry kung itinago ko sa iyo ‘to… pero… si Elijah po…” Hindi ko iyon masabi. Nag angat ako ng tingin kay papa at nakita ko ang liwanag sa kanyang mga mata. Alam kong may alam na siya pero hinihintay niya akong magsalita. “Siya po ‘yong pinsan ko… na mahal ko.”

Halos tumunog ang tainga ko sa sarili kong salita. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Elijah. Hindi ako magtataka kung masasaktan ko siya sa pagkakahawak ko sa kanya.

Hindi nagsalita si papa. Binuksan niya na lang ang pintuan at iminuwestra ang loob ng bahay namin. Naglakad kami papasok ni Elijah doon. Napansin ko ang mga bagong muwebles at ang puting kurtina. Ikinagulat ko ang walang tao sa loob. Inisip kong nandito si lola kasama ang mga pinsan at ibang relatives ko.

“Sit.” Utos ni papa sabay turo sa aming sofa.

Umupo kaming dalawa ni Elijah. Tumikhim si papa at kinuha ang isang tasa sa coffee table. Ang puting longsleeve polong kanyang sinusuot ay nagpapatunay na may trabaho siya ngayon at hinihintay niya lang ang pagdating ko.

“Elijah… Montefalco?” Ani papa habang humihigop sa kanyang kape.

“Opo.” Sagot ni Elijah. “Anak ako ni Exel-“

“I know your dad… and your mom. Famous Exel Montefalco’s son.” Ani papa.

“Pa, magpinsan po kaming dalawa.” Inulit ko.

Bumaling si papa sa akin at umiling.

“I brought disgrace to that name a long time ago. I’m doing it again now. I don’t deserve your daughter. Mabait po siya, selfless, perpekto. I’m a sinner for loving her too much. She’s too good for me. She deserved good things… and I’ll never be a good thing to her. But I’m trying my best to be one of the good things. I want to deserve her.”

“Hindi kayo magpinsan.” Ani papa. “She’s my daughter. We don’t need to test her DNA. She belongs to me, it’s obvious.” Bumaling si papa sa akin. “Pero naiintindihan ko ang mga Montefalco. Lumaki kayong sabay.”

“Pa!” Halos manginig ang boses ko sa pagtawag sa kanya.

Tumango si papa. “Maraming taon pa para malaman kong karapatdapat ka ba sa anak ko. Bibigyan kita ng chance.” Ngumiti si papa kay Elijah.

Tumingin ako sa seryosong mukha ni Elijah.

“But this is a big blow to the Montefalcos. Very big blow.” Iling niya. “We can never undo history. Kung sana ay lumaki si Klare sa puder ko,” Nagkibit balikat siya. “You two will never happen. I will need her to find a chinese man and you two will never, ever meet. Pero dahil lumaki siya sa mga Montefalco…” Ngumuso si papa. “This is a very unusual thing.” Malalim ang kanyang inisip.

Tahimik kami ni Elijah at hinayaan naming mag isip si papa habang umiinom siya ng kape. Narinig ko ang yapak ni tita Marichelle galing sa dining room. Kumalabog agad ang dibdib ko. Nang nagtagpo ang aming mga mata ay nakita ko ulit ang tiitg niyang walang ekspresyon. Walang duda, dito nakuha ni Pierre ang kanyang kilos.

“Uuwi si mama ngayong lunch.” tumigil ang kanyang mga mata kay Elijah. “Klare, kumain kayo ng breakfast. Isama mo ang kaibigan mo.” Ani tita Marichelle at hinawi ang kanyang buhok bago bumalik sa dining room.

“Muntik ko nang makalimutan! Kumain muna kayo. I’ll join you.” Ani papa at tinuro ang dining room.

Nabunutan ako ng tinik sa mga narinig ko galing kay papa at sa inasta ni tita Marichelle. Bumaling ako kay Elijah na seryoso parin hanggang ngayon. Ngumiti ako at kakaibang init ang naramdaman ko sa aking puso. Sa wakas, matatanggap na kami!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!

Discover more from Jonaxx Stories

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading