Until He Returned – Kabanata 42

Kabanata 42

Run

Nanginginig ang tuhod ko nang humakbang ako palapit kay Elijah pagkatapos ng Angelus. Hindi ako makatakbo, hindi rin ako makatalon. Ang tanging nagawa ko ay ang dahan dahang paghakbang palapit sa kanya. Naka kulay grey na jacket siya at naka pants, dalawang kamay ang nakapamulsa habang hinihintay ako sa paglapit. Nangilid ag luha ko nang naamoy ko ang pamilyar niyang bango. This is Elijah Montefalco in front of me. Am I dreaming?

Inabot ko ang kanyang pisngi. Sinalubong niya ng haplos ang kamay ko at naramdaman ko ang init ng kanyang palad. I’m not dreaming!

“Saan ka galing?” Nanginig ang boses ko at hindi ko mapigilan ang paghikbi. “Bakit ngayon ka lang?”

Humalakhak siya. Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko dahil natatawa lang siya habang nahihirapan ako. Hinampas ko ang kanyang dibdib, hinawakan niya ang kamay kong nakakuyom.

“Wag kang tatawa tawa diyan, hindi ako masaya na umalis ka! Bumalik ka na, Elijah! Kaya natin ‘to!” Sabi ko.

Tumikhim siya. “Hindi ‘to kaya ni dad, Klare. Kailangang kumalma ang galit ng mga tao sa akin.”

Umiling ako. Inangat niya ang baba ko para magkatagpo ang mga mata namin.

“Listen, I don’t have all the time. Pinaalis lang ni Raf ang mga nanonood sayo.”

“Ni Rafael? Bakit? May alam si Rafael?” Tanong ko.

Tumango siya. Nanlaki ang mga mata ko at inaalala ko lahat ng medyo hindi magandang sinabi ni Rafael. Kahit na medyo tutol siya sa amin ni Elijah ay nagawa niya paring tulungan siya!

“We’ll see each other again later. Sa condo ni Rafael.” Aniya.

Nasa condo siya ni Rafael? Ibig sabihin, talagang tinutulungan siya ni Rafael dito? At totoong walang alam si Azi, Josiah at ang lahat ng mga pinsan ko! Marami akong tanong pero alam kong wala na kaming oras. Titig na titig si Elijah sa akin habang gumagala ang paningin ko sa paligid sa takot na may ibang taong makakita sa amin.

“Elijah, sumama ka sakin sa Davao.” Sabi ko.

Tumaas ang isa niyang kilay.

“Pupunta ako ng Davao next week. Pupunta ako kina papa. Magpapatulong tayo sa kanila. Sumama ka sakin.”

“I don’t think that’s a good idea, Klare. Dad’s mad. Mas lalong magagalit ‘yon pag-“

“No, Elijah. My father is a good person. Kayang kaya niyang ipaliwanag kay tito Exel lahat ng ito. Matutulungan niya tayo.” I said desperately.

Tumitig lang si Elijah sa akin. Alam kong gusto niyang kaming dalawa lang muna ang lumaban. Gusto niyang patunayan na kaya namin ‘tong dalawa pero ang totoo, hindi. Kailangan namin ng suporta ng ibang tao. Kailangan namin ng suporta galing sa pamilya ko.

“Kailan ka pupuntang Davao?” Tanong niya.

“Next week.” Sagot ko.

Tumango siya. “Sasamahan kita. Mag isa ka ba o sasama ang mga kapatid mo?”

Umiling ako. “Mag isa. They’re both busy.”

“Sasamahan kita. We’ll see each other on Sunday?”

Tumango ako. “Magdadala na ako ng gamit.”

Ngumuso siya at tumango rin.

“I’ll see if… I can get you a plane ticket.” Naaasiwa kong sinabi.

“Ako ang magbabayad sa ticket natin, Klare. You are hurting my ego, big time.”

Kinagat ko ang labi ko. “Elijah, iniwan mo ang pera mo. I don’t want you to borrow money from Rafael or Damon or-“

“You really are hurting me fucking big time, baby. Iniwan ko ang pera ni daddy. I have my own money. I’m not stupid. Alam kong dadating ang panahon na kailangan kitang buhayin ng walang tulong galing sa pamilya natin.”

Yumuko ako. Inangat niya naman ang baba ko at nagkatinginan ulit kami.

“I’ll see you on Sunday. Sa airplane. Ibibigay ko kay Hendrix ang plane ticket mo.” Aniya at mabilis akong hinalikan sa noo. “I love you.” At mabilis din siyang umalis.

Hindi ako makapagsalita. Pinanood ko lang siyang sinasalubong ni Rafael. Mga mata ni Rafael ay nakatingin sa akin habang naglalakad sila paalis sa campus. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Habang tumatagal ay lalong bumibilis ang pintig ng puso ko. Late reaction. Napahawak ako sa dibdib ko. Damn, Elijah Montefalco!

Wala akong naging imik nang nagkita kami ni Erin at Claudette sa klase. Hindi ako makatingin sa mga mata nila sapagkat natatakot akong mabasa nila sa mga mata ko na nagkita kami ni Elijah at may usapan na kami ngayon. Kumakalabog ang puso ko sa bawat mala-pusang tingin ni Claudette sa akin na mas lalong dumadalas ngayong hindi ko na sila tinitingnan.

“Okay ka lang, Klare?” Tanong niya pagkatapos akong titigan ng napakatagal.

“Oo naman.” Sabi ko nang hindi siya sinulyapan.

“Oo nga. Ba’t ba ako nagtatanong, e, mukha ka ngang okay. Sa loob ng two months, ngayon lang kita nakitang naging maayos.” Aniya at pumangalumbaba sa upuan ko.

Napatingin si Erin sa aming dalawa. Kumalabog pa lalo ang puso ko sa kaba. Hindi na ako nagsalita. Natatakot akong may masabi akong mas lalong makakapag duda kay Claudette. Mabuti na lang at dumating din ang professor namin at nag simula na ang aming klase.

Lumipas ang isang oras, ang tanging naging laman na lang ng isip ko ay si Elijah at ang kanyang mga mata. I missed him so much at gustong gusto kong mayakap siya pero hindi namin iyon nagawa. Na miss niya kaya ako?

“Ayan na naman si Vaughn.” Ani Erin habang nagliligpit ng gamit kakaalis lang ng professor namin.

Napatingin ako sa pintuan ng classroom at nakita ko ang nakangiting si Vaughn doon. Madalas ay sabay kaming naglalakad pagkatapos ng klaseng ito. Nakalimutan kong ganon din dapat ngayon. Naging friendly naman si Vaughn sa akin. Hindi na siya ulit nagtanong tungkol sa feelings ko sa kanya o nagsalita tungkol sa feelings niya sa akin at masaya ako doon.

Tumango ako kay Erin at nagligpit na rin ng gamit ko. Padabog niyang inaayos ang kanyang mga book sa kanyang upuan. Napatingin si Claudette sa kanya. Nag angat rin ako ng tingin sa kanyang seryosong mukha.

May problema kaya si Erin at Eion? Mukhang bad trip siya sa araw na ito. Tinalikuran niya ako at humakbang siya palayo sa akin. Isa pang hakbang at pumihit siya para harapin ulit ako, mukhang mas galit ngayon kesa kanina.

“Ewan ko, Klare, pero nasasaktan ako para kay Elijah. He’s gone at ngayong wala siya ay may kinakasama kang iba. Wala ka bang konsiderasyon? Can you reject everyone for him, please? Kahit ‘yong mga walang masamang intention.”

Nagulat ako sa sinabi niya sa akin. Sumulyap siya kay Vaughn.

“Vaughn is just my friend, Erin.” Paliwanag ko.

“Kahit iyong walang masamang intensyon. Kahit ‘yong mga kaibigan lang, Klare.” Ginulo niya ang buhok niya at mariing pumikit. “Sorry. Di ko maintindihan. Nevermind.” At umalis ng bigla.

Tumingin ako kay Claudette na umiiling na lang, sumasabay ang buhok niyang mahaba sa kanyang pag iling. Sumulyap siya sa akin habang sinasabit ang kanyang bag sa balikat.

“Ang mas nakapagtataka sa akin ay kung bakit ayaw ni Erin na mapunta ka sa iba. Kaya pala halos masabunutan niya ako tuwing magkasama kayo ni Vaughn. Weird, though.” Nagkibit balikat si Clau sa akin. “See you later, Klare.”

Bumaling ako kay Vaughn na naghihintay sa akin sa pintuan. Hindi ko naisip na makakasama ito sa amin ni Elijah. Hindi ko naisip dahil alam ko sa sarili kong wala akong plano sa amin ni Vaughn kundi ang pagkakaibigan. Erin’s probably just over thinking. Suminghap ako at naglakad kasabay ni Vaughn.

“May event kang sasalihan sa intramurals?” Tanong ni Vaughn.

We would usually talk about school stuff. Wala naman iyong malisya at nilinaw ko na naman kay Vaughn noon kung ano talaga kami kaya ayos lang naman siguro ito.

“Wala, e.”

“You don’t do sports? You’re the sporty type.” Aniya.

“Uh, nag s-swimming ako. Kaso mas inclined ako sa sayaw.”

“Wala ba kayong presentation sa kasama ang All-Star?” Tanong niya.

“Meron, but I’ll pass.”

Kumunot ang noo ni Vaughn. “Bakit?”

“Uuwi ako ng Davao this Intrams.” Ngumiti ako. Hindi ko alam kung bakit ako nakangiti. Siguro ay dahil alam kong makakasama ko si Elijah.

Tumango siya. “Whoa! That’s good. Sayang lang at di ako makakasama. I have Engineering basketball. Yayayain sana kitang manood ng games but I guess you’ll be very busy.”

Sabay kaming tumigil sa pintuan ng sunod kong klase. May mga estudyante na sa loob at hinihintay na lang nila ang professor namin para makapag simula na kami.

“Sorry, Vaughn. Maybe next time.” Ngiti ko sabay ambang papasok.

“Next time…” Ani Vaughn at tuluyan ng umalis.

Halos walang pumasok na lesson sa utak ko noong araw na iyon. Ang tangi kong naisip ay ang pagbabalik ni Elijah at ang excitement ko papuntang Davao. Magkakasama kami. Masusundan kaya kami ng mga hina hire ni tito Stephen na mga tao? Siguro ay gagawa ng paraan si Rafael? Paano naman kaya iyon? Kasabay ng excitement ko ay ang pangamba sa maaaring mangyari.

“What?” Tumaas ang boses ni Pierre nang sinabi ko sa kanila ni Hendrix ang totoo.

Alam kong dapat ay manahimik ako nang sa ganon ay walang makaalam tungkol kay Elijah ngunit hindi ko mapigilan. Sinabi rin naman kasi ni Elijah na ibibigay niya ang ticket ko kay Hendrix. Ibig sabihin, malalaman din ni Hendrix na natagpuan ko na si Elijah at magkasama kami patungong Davao.

Gulantang si Pierre samantalang walang pagbabago sa ekspresyon ni Hendrix habang iniinom ang kanyang Coke.

“This is a bad idea, Klare.” Ani Hendrix.

Pinanood ko ang kalmado niyang ekspresyon. Naririnig ko ang maingay na tikhim ni Pierre at pabalik balik niyang paglakad sa tapat ng bench na inuupuan ko malapit sa soccer field.

“This is a bad idea.” Ani Pierre.

“Bakit? Hindi naman siguro sasabihin ni papa kay tito Exel, diba? And besides, I promised papa. Hindi ko na pwedeng i-cancel iyon. Panahon na para ipakilala ko si Elijah sa kanya.”

Nagkatinginan ang dalawa.

“Klare, hindi ba pwedeng ikaw na muna ang pumunta?” Halong pag aalala at panunuri ang tingin ni Hendrix sa akin.

“Bakit?” Bigo kong sinabi.

“You’ll meet ama, too.” Ani Hendrix na para bang sapat iyong dahilan para iwan ko si Elijah dito sa Cagayan de Oro.

“Ako lang ang pupunta kay ama, if you want, Hendrix. I just want papa to meet Elijah. That’s all.”

Suminghap ulit si Pierre. Napatingin ako sa kanyang matatalim na titig sa akin na para bang may masama akong gagawin. Hindi ko iyon maintindihan. At wala ring makakapigil sa akin.

“Pierre, shall we book a roundtrip ticket? Siguro right after Intramurals niyo.” Ani Hendrix sa aming kapatid.

“Rix, I can do this alone. Stop worrying.”

“I’ll call the secretary, kuya.” Ani Pierre na parang walang narinig galing sa akin.

Bumaling si Hendrix sa akin at tumaas ang kanyang kilay. “Alam kong may ticket ka na galing kay Elijah.”

Ngumuso ako. “How did you know, Rix? Do you know anything?”

Because I’m damn desperate to know the details. Kung ano man ang mga tinatago ng mga tao sa paligid ko tungkol kay Elijah ay kailangan kong malaman. Ano ang ginawa ni Elijah sa loob ng dalawang buwan? Saan siya kumuha ng pera? Sinu sino ang tumulong sa kanya? This is ridiculous. Pamilya ko silang lahat ngunit bakit kailangan kong hatiin sa kaibigan at kaaway ang mga tao? This is bad.

Walang naisagot si Hendrix sa tanong ko. Aniya’y si Elijah lang daw ang sasagot nito. Pinilit ko, ngunit wala akong makuha.

Nagsimula akong mag impake ng gamit. Nagpaalam na si papa kay mommy na pupunta ako ng Davao, umaga ng Sunday. Pumayag si mommy, hindi ko alam kung dahil ba gusto niya iyon o dahil natatakot siyang magalit ako sa kanya. Hindi pa kami maayos ngunit kinakausap ko na siya ngayon kumpara noon.

“Take care, Klare.” Ani mommy nang hinahatid ako sa labas ng bahay papasok sa sasakyan nina Hendrix.

Ihahatid ako ng dalawa kong kapatid ngayon patungong airport.

“Take care din kayo ni dad at Charles, my.” Sabi ko sabay yakap kay daddy.

Wala si Charles dahil may field demo sila mamaya sa school. Ang alam ko, papanhik na rin si mommy at daddy sa school ngayon para manood.

Pumasok na ako sa loob at hindi ko na sila sinulyapan pa. Natatakot akong makita nila sa mga mata ko na makakasama ko si Elijah. Hindi ko alam kung ano ang stand nila tungkol sa amin ni Elijah ngayon, pero ayaw kong umasa na tanggap nila. Siguro si daddy at si Charles, tanggap nila. Si mommy? Hindi ko alam. I don’t want her to call tito Exel again.

“Klare, dapat ay iwan mo na lang si Elijah dito.” Pilit ni Hendrix.

Nasa tabi ko siya habang si Pierre ay nasa front seat. Mabilis ang patakbo ng driver. Isang oras na lang at flight ko na. Sa sobrang excitement ko, matagal akong nakatulog kagabi kaya pumalpak sa gising. I will see Elijah again!

“Bakit?” Sumulyap ako kay Hendrix.

Hindi siya nagsalita. Tinikom niya na lang ang bibig niya at humalukipkip siya.

“Is this about… the chinese rules?” Palipat lipat ang tingin ko kay Hendrix at kay Pierre.

“Kuya…” Tawag ni Pierre kay Hendrix nang walang nagsalita.

“Hey, Rix?” Sabi ko at hinarap siya.

I’m not going to back down. Kahit ano pa ‘yan. Alam nila ‘yan. Sukdulan na ang mga natanggap namin ni Elijah sa aming pamilya. Pakiramdam ko ay hindi na ulit ako matitinag sa kahit ano.

“No, Klare. This is not about that.” Ani Hendrix.

Napabuntong hininga ako. Umiling si Pierre at bumaling na lang sa kalsada.

“But if ama would make you choose between the family and Elijah, who would you choose?”

Kinagat ko ang labi ko.

Gustong gusto kong matanggap ako ng lola namin. Gustong gusto ko iyon dahil pamilya ko sila. Miss na miss ko na ang magkaroon ng pamilya ng walang sinusumbat sayo, ng walang masamang sinasabi sayo. Miss na miss ko na ang maramdaman na kabilang sa sa mga taong ito. Wala na ako para sa mga Montefalco kaya sisikapin kong tatanggapin ako ni lola sa mga Ty. Just her approval and I’m good. Kasi pakiramdam ko sa oras na tanggapin niya ako, tatanggapin ako ng mga tito at tita ko.

“Hindi ba pwedeng mahalin ang dalawa? It’s not the same love, Rix.” Hindi ko siya binalingan.

“What if, Klare?”

Hindi ako nagsalita. Napili ko na ang pamilya ko noon. Ngayon, aminado akong uhaw ulit ako sa pagmamahal ng isang pamilya. Gagawin ko ang lahat para lang maging masaya si lola. She better not make me choose.

“Rix, kung ikaw ang nasa lugar ko. Marami na kaming napagdaanan ni Elijah. Mahal ko ang pamilya ko, pero kung mahal nila ako, tatanggapin nila kung sino ang mamahalin ko.”

Hindi siya nagsalita. Diretso parin ang tingin niya sa kalsada.

Hindi na rin ako nagsalita. Natatakot ako sa lahat ng sinabi ni Hendrix. Siguro ay hindi ko na nga lang talaga muna ipapakilala si Elijah kay lola. Papa would be enough. And we’ll tell him about our problem. Maiintindihan niya kaya kami? I guess. Papa’s understanding.

Pagkarating namin sa airport, agad agad akong pumila papasok. Pinapanood ako ng mga kapatid ko sa pila. Parehong bigo ang mukha nila samantalang ngiting ngiti ako habang kinakawayan ko sila.

Totoong kinakabahan ako pero alam ko sa sarili kong hindi ako bibitaw kay Elijah kahit anong mangyari.

Nagmamadali ako papasok. Hindi ko na pinuna ang mga detalye sa buong airport dahil mali-late na ako at sobrang excited ko ng makasama si Elijah.

Tinakbo ko ang gate 4, kung saan naroon ang flight patungong Davao. Nakita kong isang tao na lang ang pumapasok at alam kong pumasok na ang lahat sa eroplano bukod sa akin. Inabot ko kaagad ang ticket ko at tumatakbo ako papasok ng eroplano.

Memoryado ko na ang seat number ko at half running kong tinahak ang center para makarating sa upuan ko.

Hinihingal na ako at mabilis ang pintig ng puso ko habang unti unti kong naaaninag si Elijah sa tabi ng bintana, naka earphones, pinaglalaruan ang lower lip, at pinapanood ang mabigat kong pag hinga.

Unti unti kong tinigil ang pagkakataranta ko. Sising sisi agad ako na tumakbo ako ng ganon ka layo at ngayon ay pawis na pawis na. Inayos ko ang buhok ko at pinunasan ang medyo pawis kong noo. Umayos siya sa pagkakaupo at tumabi ako sa kanya.

“You want to sit here? I’ll move.” Aniya.

“Uhm, okay.” Halos manginig ang labi ko sa sagot ko.

Umupo muna ako para makadaan siya tsaka ako lumipat sa inupuan niya kanina. Naaasiwa akong umupo doon at hinintay ko ang pagbabalik niya. Pareho kaming naka jacket. Siya ay nakaitim na jacket, samantalang ako ay naka kulay grey.

Sumalampak siya sa upuan at naamoy ko ulit ang pamilyar niyang bango. I miss him. I miss him so much.

“Wa-Wala bang tauhan ni tito dito?” Tanong ko.

“Wala.” Aniya.

“Paano nangyari?” Tumingin ako sa kanya at nagulat ako dahil malalim na ang tingin niya sa akin.

Tumindig ang balahibo ko. Bawat hibla sa aking katawan ay nagising dahil sa titig niya.

“Inutusan ni Rafael na huwag ka ng sundan. Tsaka na pag balik mo dito.” Aniya. “May lead silang nasa Cagayan de Oro lang ako.”

Tumango ako.

Nilagay niya ang kanyang braso sa likod ko at hinila niya ako palapit sa kanya. Naramdaman ko ang ilong niya sa pisngi ko. Hindi ako makagalaw. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga. Lahat ng demonyong nanahimik sa aking tiyan ay muling nabuhay.

“I missed you so much. Kahit nakikita kita halos araw araw sa school niyo, miss na miss parin kita ng sobra.”

Nanlaki ang mga mata ko. “N-Nasa school ka?”

Bumuntong hininga siya. Tinagilid ko ang aking ulo dahil sa kiliting naramdaman. “It’s torture. Makakapatay ako ng tao pag minamahal kita sa malayo. I won’t do it again. Pagbalik natin galing Davao, we’ll both face our family. This time, pag hindi parin sila pumayag. Will you run away with me?”

“We shouldn’t run. We can live near them, Elijah. I can’t… I can’t do that. Mahal ko ang pamilya natin at dapat ganon ka rin. But I’ll be with you. We shouldn’t run, alright? Pero pag wala na tayong choice, then I’ll run with you. Kahit na masakit. I’ll run with you.”

Kinagat niya ang kanyang labi at niyakap niya ako ng mahigpit. “I’m sorry, baby. Pero mahal na mahal lang talaga kita at hinding hindi ako mapipigilan.”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: