Kabanata 2
Ty
Hindi naging madali para sa kanila ang pagpayag na makipagkita ako kay Mr. Ricardo Ty na mag isa. Nag daan ang ilang araw bago nila ako pinayagan. Mabuti. Dahil sa sarili ko, alam kong kahit hindi nila ako payagan ay gagawin ko parin iyong gusto ko. I want to get to know my father. My real father.
“Klare…” Suminghap si daddy nang araw na pinakawalan niya na ako para makilala ko na ang totoong ama ko.
Sa aming lahat, kaming dalawa talaga ang naaapektuhan. Ayaw kong maramdaman niyang may kumpetisyon silang dalawa. Walang kumpetisyon. Mahal ko si daddy at hindi na iyon mababago ng biological father ko.
Napagtanto ko ring hindi ito tungkol sa pagsisinungaling na ginawa nila sa akin. Ito ay tungkol sa paghahanap ko sa sarili ko. Gaano ko man kamahal ang mga Montefalco, hindi ko parin maiwasan ang pag iisip sa kay Ricardo Ty. Hindi rin ako makapaniwala na hindi lang si Charles ang kapatid ko. May dalawa pa akong half brothers, ang isa sa kanila ay palagi kong nakikita noon at hindi ko pinapansin.
“Remember, you will always be my daughter.” Nanginig ang boses ni Daddy ngunit hindi siya umiyak.
Tumango ako at hindi rin umiyak.
I need to be strong. Ilang araw na rin akong umiiyak dahil dito. Tama na iyon. Kailangan ko nang magpakatatag para sa aking sarili.
“I know you… I raised you well.” Aniya. “At kung sakaling maisipan mong pumili at pipiliin mo sila-“
“Dad, walang pipili. Hindi ako pipili. Ikaw ang daddy ko and it will never change. Oo, gusto kong makilala si Mr. Ty, pero iyon ay dahil gusto kong hanapin ang sarili ko, ang buong pagkatao ko.”
Tumango siya. “I know, Klare. I… I just want to let you know that I support you. Kung ano man ang mga magiging desisyon mo ay susuportahan ko. Huwag mong sisihin ang mommy mo sa lahat ng pagsisinungaling at pagsesekreto ko at ng mga tito at tita mo. Ako… Ako ang nakiusap na huwag nang ungkatin ito. Because I want to treat you as my own daughter-“
“Dad, I am your daughter. I will always be.”
Pinakawalan na ako ni daddy. Alam niya noon pa man na may posibilidad na kukunin ako ni Mr. Ty. Ngunit para sa akin, hindi iyon ‘pagkuha’. Hindi ako tuluyang sasama sa kanila upang putulin ang koneksyon ko sa mga Montefalco. I loved the Montefalcos at hindi na iyon mababago ng panahon at nang kahit anong pagkakataon.
Ngunit hindi ko maipagkakaila na gusto ko ring makilala ang tunay kong ama. Gusto ko ring makilala ang dalawa kong half brothers na umaligid sa akin nitong nakaraang buwan. Gusto ko ring maramdaman ang pagmamahal nila… kung paano mabuhay nang sila ang kasama. Nobody would understand… I know. Kasi sa aming lahat, ako lang ang may ganitong buhay.
Malaki ang ngisi ni Mr. Ricardo Ty sa akin nang nagkita ulit kami sa Bourbon St. Bistro. Nasa kabilang table sina Pierre at Hendrix, kumakain at mukhang walang pakealam sa amin. Walang tao sa buong restaurant kundi kami.
“I’m glad you came.” Ani Mr. Ty.
Halos hindi ko makain ang coffee jelly na siyang tanging inorder ko sa lunch na ito. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagtatanong. Tumikhim siya at kumunot ang gilid sa kanyang mga mata.
“I want to introduce myself to you. Dahil mukhang hindi naging maganda ang naging takbo ng first meeting natin. May I?” Nag angat siya ng kilay.
Ngayon ko lang napagtanto, na parehong pareho ang kilay ni Pierre, kilay ni Mr. Ty, at ang mga kilay ko. Lumunok ako sa naisip na iyon. God! Bakit ngayon ko lang ito nakita? Iyong mga paglapit ni Pierre sa akin. Iyong misteryosong mga sinasabi ni Hendrix tuwing lumalapit si Pierre sa akin noon! It all made sense now!
“I’m Ricardo Chiong Ty. Taga Davao City ako, kung saan kami nagkakilala ng mommy po. Naging sekretarya ko siya sa kompanya ko.”
I’m not sure if I want to talk about that part, though. May mga bagay na gusto kong malaman at may mga bagay na gusto kong tanggihang malaman.
Tumango ako. “Mr. Ty, where is your wife?” Diretso kong tanong.
“Ang asawa kong si Marichelle Ty ay nasa Davao.” Nilingon niya si Pierre at Hendrix sa gilid. “Hindi iyon sanay na wala ang kahit isa sa mga anak niya sa bahay ngunit tingin ko ay hindi na talaga mapipigilan.”
Nilingon ko si Pierre na kumakain ng steak.
Paano kaya nangyari ang lahat? Kung taga Davao sila ay bakit nakita kong lumaki si Hendrix sa Cagayan de Oro? Paano at bakit? Nang bumaling ulit ako kay Mr. Ty ay pakiramdam ko nabasa niya ang mga tanong ko.
“Around two years old si Hendrix noong nangyari iyon.” Aniya sa mas mababang boses. “Hindi niya na maalala. Anong maaalala ng isang toddler? Ngunit sa malalaking away namin ng kanyang mommy simula nang nabuntis siya kay Pierre hanggang sa nag isang taon si Pierre, syempre, maaalala ni Hendrix na minsan ay nag away ang kanyang mommy at daddy.”
Halos hindi ko maimagine ng maayos ang mga batang mukha ni Pierre at Hendrix. Kahit lingunin ko sila ay wala akong maimagine.
“Nang hinanap ko si Helena, not because I want her back, but because I want to know you, five years old si Hendrix noon. Nalaman niya. He’s a smart kid.” Nilingon niya si Hendrix. “Madalas ulit kaming mag away ng mommy niya kaya napabayaan silang dalawa ni Pierre. Well, Hendrix can take care of himself, Pierre can’t. Iyon ang dark years namin ni Marichelle. Madalas ako sa Surigao o sa Cagayan de Oro just to get close to Helena. I’m not after her. Alam kong masaya siya sa daddy mo. i just really want to know my daughter.”
Nairita ako sa sinabi ni Mr. Ty. Bakit siya habol nang habol sa akin gayong may dalawa siyang anak na kinailangan ang kalinga at atensyon niya? Nagagalit ako sa kanya! But then again… I probably will never understand. He’s a father.
“Bakit po sa Surigao? Wala po kami sa Surigao.” Kinagat ko ang labi ko.
Dammit! Bakit ako nagtanong non? Of course I know why!
“May malaking Palm plantation kayo doon, diba?” Nag taas ulit siya ng kilay.
“Hindi iyon amin. Sa tito Exel ko iyon.” Kinagat ko ulit ang labi ko.
May kirot akong naramdaman sa puso ko. I can still remember him vividly. At ayokong sumagi siya sa isipan ko nitong mga nakaraang araw. Mabuti na rin at wala siya dito. Mabuti na rin na umalis siya. Mabuti na ganoon ang nangyari. Kasi kung ganitong pasabog na rin lang naman ang aabutin ko sa buhay na ito, hindi ko alam kung mabibigyan ko pa ba siya ng normal na relasyon. He deserved a normal relationship. Sweet moments, kiss under the rain, no holds barred… everything normal. Hindi iyong taboo at magulong relasyon na tanging naibigay ko sa kanya.
“Still, umasa ako.” Ani Mr. Ty.
“Nang na contact ko na siya sa Cagayan de Oro, may Temporary Restraining Order na agad ako sa inyo.”
Nalaglag ang panga ko.
“I tried again ngunit kinausap ako ni Lorenzo na huwag na kayong gambalain. He can afford after all, my daughter doesn’t need my financial attention. Ngunit hindi iyon ang gusto kong ibigay sa’yo. I want to love you, take care of you…”
Hindi ko alam kung bakit uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Kumirot din ang puso ko at nangilid ang mga luha sa aking mga mata. Nakita ko rin ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.
“Umuwi ako sa Davao na bigo. Umuwi ako nang may galit si Hendrix sa akin. Alam niyang may kapatid siya. Grade one siya non at kinakalaban niya na ako. Palagi niya akong tinatanong kung bakit imbes na silang dalawa ni Pierre ang pagkaabalahan ko, bakit iyong isang kapatid niya ang gusto kong makita? Mas mahal ko ba ang mommy ng isang kapatid niya sa mommy nila? Iyon ang nagpagising sa akin.”
Hindi ko alam kung bakit si Charles ang naiisip kong mukha ni Pierre noon. Ang sakit para sa isang bata na maisip na agad iyon! Mr. Ty is such an ass! But I want him to pursue me, too! Gusto ko rin sanang maramdaman ang pagmamahal niya noon. Kahit na hindi naman ako kinulang sa pagmamahal. That’s too selfish of me. I didn’t like that feeling. Hinayaan ko siyang magpatuloy.
“Walang alam si Pierre at wala ring sinabi si Hendrix. Nagulat ako nang nagdesisyon si Hendrix na mag transfer sa Cagayan de Oro pagtungtong ng grade 7.”
Nanlaki ulit ang mga mata ko at nilingon ko si Hendrix na ngayon ay kumakain na ng dessert.
“Alam ko siyempre kung ano ang gusto niyang mangyari. May binili akong bahay sa Cagayan de Oro at doon siya pinatira. Marichelle did not approve, though. Ngunit hinayaan ko si Hendrix sa Cagayan de Oro.”
Tumango ako. “Kaya siya nag high school sa Xavier.” Ngayon ko lang napagtanto ang lahat.
“Exactly. At nagulat ako dahil nakilala ka niya ngunit hindi ka niya kailanman nilapitan. He’s just watching you from afar. Iyon lang. Dahil alam niyang wala siya sa lugar para isiwalat ang katotohanan. Last year, though…” Tumikhim si Mr. Ty. “Nalaman ni Pierre ang tungkol sayo. Hindi ba mag e-eighteen ka na non? I was thrilled and I want to meet my eighteen-year old daughter. Hindi ka na minor at pwede na akong magpakilala. Nalaman iyon ni Pierre kaya nagalit siya at naisip na sumunod sa kanyang kuya sa Cagayan de Oro. Gusto ka niyang makilala. Gusto niyang makita ang dahilan kung bakit napabayaan siya noon.”
Uminom ako ng tubig. Hindi ako makapaniwala kung paano nag kasya lahat ng piraso sa puzzle na ito.
“But unlike his brother, Pierre is more… vocal. I heard he went up to you.” Humalakhak si Mr. Ty. “Hendrix got mad at him. Palagi silang nag aaway na dalawa tungkol sayo. Gusto ni Pierre na kilalanin ka, si Hendrix naman ay mas gustong pinapanood ka lang.”
Mas dumami ang naging alam ko sa kay Hendrix at Pierre. Mas gumaan rin ang loob ko kay Mr. Ty. Isang meeting lang iyon ngunit nawala na agad ang mga pader sa aming dalawa. Magaan ang loob ko sa kanya at hindi ko maintindihan kung paano iyon nangyari.
Nagkaroon din ng schedule para magkaharap si mommy, daddy, ako, at Mr. Ty. Isinama ni mommy at daddy ang isang abogado. Wala masyadong palitan ng salita at tensyonado ang naging meeting. Tahimik lang ang abogado sa gilid ko. Para bang nag hihintay ng maling sasabihin ni Mr. Ty.
“Uuwi na ako ng Davao this weekend. Ang mga anak ko, dito lang sa Cagayan de Oro hanggang next week. Kung gusto mong sumama, Klare…”
Nanlaki ang mga mata ko sa offer niya.
“Sabihin mo lang kay Hendrix o kay Pierre. Pinilit nila akong sabihin sa’yo ‘to-“
“Ricardo…” Malamig na utas ni mommy. “Hindi sasama si Klare. Dito lang siya sa Cagayan.”
Bumaling si Mr. Ty kay mommy. “Helena, hindi ko sinabing isasama ko siya. Iyon naman ay kung gusto niya. I’m giving her a choice. She’s not a child.”
Nakita kong hinawakan ni daddy ang braso ni mommy para kumalma ito.
“Paano kami nakakasiguro na hindi mo ibi-brainwash si Klare pagsumama siya? Baka hindi na siya bumalik!” Ani mommy.
“Mom!” Saway ko.
“Helena…” Tumawa si Mr. Ty. “Wala ka bang tiwala sa anak mo? Dalawang beses ko pa lang siyang nakausap pero alam ko na agad na matino at mature siyang mag isip. I’m not gonna lie here, Lorenzo.” Sabay tingin niya sa kay daddy. “I want her to be a Ty. She is.” Sabay tingin niya sa akin. “Pero I’ll give her that choice. Hindi ko siya pipilitin.”
Umiling si mommy at halos umiyak na.
Naging mahirap ang desisyon sa pagsama sa Davao. Ilang beses kong inisip ang mga maaaring mangyari sa akin doon. Ano kaya ang itsura ng bahay nila? Ano kaya ang mga business ni Mr. Ty? Ano kaya ang typical na araw para sa kanila? Kahit na ayaw kong isipin ito ay nagugulat na lang ako sa sarili ko. Mabilis na lumilipad ang utak ko sa mga tanong na iyan.
Nang nagkaroon ng malaking party dahil sa birthday ng daddy ni Azi, doon ko naramdaman ang malalaking spaces sa gitna ko at sa mga pinsan ko. Alam kong nararamdaman ko lang ito dahil ngayon, alam ko na ang katotohanan.
“Ate, let’s go and take a picture.” Ani Charles na siyang palagi kong kasama.
Hindi niya ako tinatantanan. Sunod nang sunod si Charles sa akin. Pagpinipili kong umupo na lang at hayaan ang mga pinsan ko, umuupo lang din siya sa tabi ko.
Mga malalaking round tables ang pagitan sa amin ngayon ng mga pinsan kong nag papicture sa stage ng engrandeng venue.
“Klare!” Sabay hila ni Erin sa akin.
Nakikipagtawanan ako sa kanila at nakikisali na rin ngunit lumilipad ang isip ko sa Davao. It’s wrong, alright? It’s unfair! Kaya minabuti kong tumahimik at iniwasan na lang ang pag iisip ng ganon.
“Clau… Hindi ba ampon si Klare?” Narinig kong tanong ng isang pinsan ni Claudette at Azi sa mother’s side.
“Hindi siya ampon.” Ani Claudette, pabulong at mukhang galit.
Pinaglaruan ko ang kutsara ko at nagkunwaring hindi sila naririnig.
“Anak siya sa labas? O ampon, ano ba talaga?”
“None of your biz-“
“Illegitimate child, ba? OMG? Ba’t ngayon lang nalaman? So scandalous. Alam mo bang pinag usapan namin ‘yan ng tropa ko? Kumabit ba ‘yong mommy niya sa iba?”
Hindi ako makahinga sa mga sinabi nang kanyang pinsan. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Claudette para tumigil ang pinsan niyang iyon ngunit nang bumalik siya sa aming table ay mukha siyang guilty at iritado. Tingin siya nang tingin sa akin at hindi siya matahimik kahit nginingitian ko siya. How will I assure her that I didn’t really hear anything? Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
Simula pa lang iyon ng lahat. Napagod akong sumagot sa mga tanong ng mga kaibigan namin tungkol sa tunay kong pagkatao. Apparently, it wasn’t a secret anymore. Alam agad lahat ng nakakakilala sa amin na either ampon ako o anak ako sa labas.
“The Montefalcos should just get rid of her. Nakakahiyang eskandalo.” Narinig ko sa mga relatives ng mama nina Azi.
“Matalino si Lorenzo pero bakit niya tinanggap si Helena pagkatapos nang nangyari. Worst, nagbunga pa.”
Noong una ay pahapyaw lang ang sakit na naramdaman ko ngunit kalaunan ay sinasaksak na ako.
“Klare, ampon ka o anak sa labas?” Tanong ng isang kakilala.
Hindi ko alam kung nagpapatawa ba siya sa tanong niya o seryoso. Hindi pa rin ako natanong ng ganito ka diretso.
“A-Anak sa labas.” Sagot ko.
Tuwing ganon ang isasagot ko ay parang nadidisappoint silang lahat. Para bang mas maayos kung naging ampon na lang ako. Patalikod na sakit ang idinulot nito sa akin. Iyong araw-araw, nababato ako ng mga salita at ayos lang iyon sa akin pero sa totoo lang ay nanunoot ito at nasasaktan talaga ako.
“Ba’t di mo pa iniiba ang apelyido mo?” Inosenteng tanong ni Hannah nang kinwento ko sa kanila ang lahat isang araw sa mall.
Nakanganga lang ako. Marami akong gustong sabihin ngunit hindi ko naituloy.
“Ha? Bakit niya ichi-change, Hannah?” Tanong ni Julia.
“Hello! It’s her real father. Mas mabuti na iyong malinaw. At isa pa, sabi ni daddy, dapat daw mag change kung ganito ang sitwasyon. Mapapahiya kasi si Mr. Montefalco kung hindi. Okay sana kung tulad noon, na walang nakakaalam. Pero ngayong kumalat na na anak ka ng isang Filipino-Chinese, dapat ay dinala mo na ang apelyido nila para humupa na ang issue at patahimikin na nila ang daddy mo.”
Binalewala ko iyon lahat. Ayokong mag paapekto. Oo, naaapektuhan na ako ngunit pag iisipin ko pa ito lalo ay mas lalo lang akong maapektuhan kaya pipiliin kong huwag nang mag isip.
“My…” Isang araw habang kumakain ako ng cereals.
“Hmmm?” ani mommy nang gumagawa siya ng sandwich para kay Charles. May swimming lessons kasi iyon ngayon.
“Sama kaya ako ng Davao kina Pierre at Hendrix?”
Halos matapon ang sandwich na ginagawa ni mommy dahil sa tanong ko. Pulang pula ang kanyang pisngi nang bumaling siya sa akin.
“You are not going anywhere, Klare Desteen!” Nanggagalaiti siya.
“It’s just a vacation, mom. Say… 5 day-“
“NO!” Sigaw niya.
Mas lalo lang lumayo ang damdamin ko sa lahat. It’s depressing… wala akong masandalan at makausap. Walang makakaintindi. Alam ko. Dahil noon, may mga kaibigan ako sa school na illegitimate child o iyong mga batang galing sa isang broken family, at inaamin kong noon, hindi ko naiintindihan ang mga desisyon at mga trip nila. Ngayon, hindi ko namamalayang ganon na rin ang mga desisyon at trip ko… dahil ako na ang nasa kalagayan nila.
“Nakakaingit ka, Clau.” Sabi ko isang araw nang nagkita kaming magpipinsan.
Masayang masaya sina Erin at Chanel kasama ang mga boys. Tahimik lang ako sa gilid katabi ang natatawang si Claudette dahil sa mga ginagawa ng mga pinsan namin. Napawi ang ngiti niya at bumaling siya sa akin.
I hate that I feel so depressed. Ayaw ko mang pahiran ang ibang tao sa pagiging problemado ko, nagagawa ko parin. Naguilty agad ako nang nakitang nalungkot si Claudette. Kani kanina lang ay tuwang tuwa siya sa ginagawa nila.
“Sorry.” Sabi ko.
“Klare…” Sabay hawak niya sa likod ko.
Dammit! Bakit tuwing pinapansin ako ay naiiyak ako? Isang kalabit lang sa akin ay naiiyak ako! Para akong bomba na pag nahagip lang nga kahit ano ay agad nang sasabog!
“Don’t be sad about it. Ugh!” Suminghap siya. “I actually don’t know what to say…”
Alam ko. Alam kong nahihirapan ang mga taong mag adjust at umintindi dahil sila mismo wala pang napagdadaanang ganito. I just want to shut up and keep all my feelings to myself. Kaya lang, minsan, hindi ko maiwasan. Para akong isang balde na napupuno at umaapaw. Resulta ay nadadamay ko ang taong nasa paligid ko.
“It’s okay.” Yumuko ako at ngumisi.
I guess I’ll just keep all of these to myself, huh?
“Oh, Klare! Para kanino itong mga bulaklak?” Tanong ni Kristal na tindera ng flowershop sa baba ng building namin.
“Ah! Ilalagay lang ni mommy sa dining table.” Sabi ko.
“Oh? Akala ko naman ibibigay. Madalas kasi lilies yong inoorder niya. Ngayon white roses.” Tumango si Kristal. “Wait? Montefalco ka parin ba?”
Nagulat ako sa tanong niya. “Oo. Bakit?”
“E, pwede mo nang ibahin apelyido mo diba kasi iba naman daddy mo? Bakit Montefalco ka pa rin?”
Isang inosenteng tanong na hindi ko masagot. Damn!
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]