This is the last chapter of Until He Was Gone. Salamat sa pagbabasa. Wait for the Epilogue na lang po. Finished: March 8, 2014
Kabanata 50
Lies
Umiyak ako nang umiyak habang iniisip na umalis na talaga siya. Wala akong pakealam kung makita iyon ni mommy at daddy. Alam naman nila kung bakit at wala silang magagawa sa nararamdaman ko.
“Klare…” Ani mommy isang araw pumasok siya sa kwarto ko.
Last na ng final exams mamaya ko at malapit ng mag summer. Nakahiga ako sa kama gaya ng madalas kong ginagawa nitong mga nakaraang araw. Nilingon ko si mommy nang tinawag niya ulit ako.
“Tapos na ba ang exams?” Tanong niya.
Umiling ako. “May isa pa po, mamaya.” Sabi ko.
Tumango siya. “Saan mo gusto pumunta ngayong summer? Pwede tayong mag bakasyon. How about your cousins? May pinaplano ba sina Erin?”
Umiling ako. “Wala pa naman po.”
Simula nang umalis si Elijah, hindi na kami gaanong lumalabas. Naisip kong bago pa umalis si Elijah ay hindi na naman talaga kami lumalabas dahil sa nalaman nila tungkol sa akin, pero iba na itong ngayon. At least ang mga boys, lumalabas para mag party, kaming mga girls ay mas naging busy sa pag aaral. Ni hindi na ulit sila nakatungtog sa bahay simula nong nag usap ang buong pamilya.
“Gusto mong magbakasyon sa Bohol? We’ve been to Bora pero hindi pa tayo nakapuntang Bohol. Pwede nating isama sina Erin at Claudette… all of them.” Aniya.
Tumango ako at tumayo para mag ayos na. Ginagawa ni mommy ang lahat para maibalik sa dati. Gustuhin ko mang maibalik sa dati ang lahat pero di ko na magawa.
Nagmadali ako sa pagbibihis para makaalis na sa bahay. Pag dating ko naman sa school ay diretso ang pagsisimula ng exams. Mahirap pero iginugol ko naman ang mga araw ko sa pag aaral kaya may naisasagot ako.
Si Elijah ay nasa New York na. Hindi ko alam kung kailan ang balik niya dahil hindi naman iyon binanggit ni Tita Beatrice nang tumawag siya dalawang araw pagkatapos nang hinatid namin siya sa airport noong Valentines Day. Ani Tita ay doon daw muna titira si Elijah sa kay kuya Justin para makapag aral. At dahil mag aaral siya, napagtanto kong matagal pa ang balik niya. That’s an advantage, though. Para talagang makalimutan na namin ang isa’t-isa.
“Sorry, Klare, for this. Alam kong nasasaktan ka kasi tumawag pa ako ngayon.” Aniya nang tinawagan ako.
“It’s okay, Tita. Gusto ko lang rin namang malaman kung naging maayos ba siya diyan.”
“He’s doing fine. I hope you are doing good, too.”
“I’m doing great, tita. Thank you po.”
Alam kong sinusunod ni Elijah ang payo ko para sa aming dalawa, ang kalimutan ang isa’t isa. Masakit pero alam kong darating ang panahon na makakalimutan ko na masakit pala ito. Dadating ang panahon na tuwing inaalala ko ito ay mandidiri na lang ako at tatawa na lang sa mga pagkakamaling nagawa, at alam kong ganon din ang mangyayari sa kanya.
Naka deactivate ang Facebook ni Elijah noon pang lumabas na sa pamilya ang tungkol sa amin. Nag deactivate naman ako gabi nong Valentines Day. Mas mabuti na rin siguro na wala kaming komunikasyon. Ganon rin ang gusto ng mga magulang namin, na hindi na kami pinagbibigyan ng kahit konting komunikasyon. Mas lalo lang kaming mahihirapan kung meron.
“Ang hirap naman non! Kainis!” Pahayag ni Erin pagkalabas namin ng classroom.
“Oo nga. Tsss…” Sabi ni Julia. “Buti pa si Klare, maagang natapos.”
“Mahirap parin naman. Nagkataon lang.” Sabi ko.
Nagpatuloy kami sa pagtitipon tipon at pag uusap sa labas ng classroom. Nagreklamo sila sa di makatarungang coverage ng exam at kung anu ano pa. Nakinig lang ako sa mga hinaing nila at ngumingisi tuwing may nakakatawa.
Nang nalaman ng mga kaibigan kong umalis si Elijah ay inisip nilang dahil lang iyon sa kagustuhan ng mommy at daddy niya na doon na siya mag aaral. Maraming nawasak ang puso, lalo na si Hannah na nag hintay pa talaga yata kay Elijah noong Valentines Day. Kinausap na rin ako ni Cherry tungkol sa pag alis ni Elijah at wala akong naisagot sa mga tanong niya. Masyado siyang maraming gustong malaman, tulad ng kailan siya babalik, na mismo ako ay walang alam.
Kalaunan ay napuno ang corridor ng mga estudyanteng tapos na rin sa exams. Lumabas si Eion sa kabilang classroom kasama sina Josiah. Maingay sila kaya napabaling kaming lahat sa kanila. Nakatingin agad si Eion sa akin. Ni hindi ko na siya napapansin dahil sa dami ng problema. At hindi ko rin naman siya kailangang gambalain dahil minsan ko na siyang nasaktan. Ngunit ngumiti parin ako at nagbakasakaling maayos kami.
Nagulat ako nang tumango siya at ngumiti na rin. Ngunit agad rin siyang nag iwas ng tingin para bumaling sa mga kaibigan niya.
Biglang may umubo sa likod namin. Natahimik ang mga kasama ko. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Julia at kumunot ang noo ni Hannah habang nakatingin sa likod ko. Kumunot ang noo ko sa mga ekspresyon ng kaibigan ko. Bago pa ako lumingon ay may nagsalita ng pamilyar na boses sa likod ko.
“Klare, pwede ba kitang maimbita?”
Nanlaki ang mga mata ko nang nakaharap ko ang naka unipormeng si Pierre. Si Hendrix ay nakatingin sa akin at nakahalukipkip sa likod niya.
“S-Saan?”
Natahimik ang lahat. Ang iba ay napangisi. Ano ang gustong mangyari ni Pierre at saan niya ako iimbitahan?
“Dinner, tonight? Just us.” Aniya.
Narinig ko ang halakhak ni Julia sa likod ko.
“Uhmmm…”
“Go, Klare.” Ani Erin.
Napalingon ako sa kanya at pabalik ulit sa naghihintay na si Pierre. “Uh… Uhm… Sure?” Nag aalinlangan kong sagot.
Tumango si Pierre. “I’ll text you kung saan.” Bago umalis.
Pinagtulakan ako ng mga kaibigan ko dahil sa paanyaya niyang hindi ko alam kung para saan.
“Manliligaw na iyon? Kaibigan mo pala ‘yon?”
“OMG! Ang gwapo gwapo talaga ng kuya niya, ang cool!” Ani Erin. “Pag naging kayo, Klare, kailangan close kami ni Hendrix, a?” Ani Erin sabay hagikhik.
Umiling ako. I don’t think so. Hindi parin ako handang buksan ang sarili ko para sa ibang tao. Wait… o baka naman iyan ang dahilan kung bakit ang mga tao ay nakakamove on o hindi? Ang mga nakaka move on ay iyong mga taong nagbubukas ng kanilang puso para sa iba? At iyong mga hindi, sila iyong naghihintay parin at namumuhay parin sa nakaraan?
Hindi ko alam. Basta ang pakiramdam ko sa ngayon ay si Elijah lang talaga. Siya lang talaga. Ang mga luha niyang nagpapaluha sa akin gabi gabi sa panaginip man o habang gising. Siya pa rin. Pero umaasa ako na balang araw ay hindi ko na iyon maaalala.
“Klare? Saan ka pupunta?” Tanong ni mommy nang nag 5:30 na at nakatanggap na ako ng text kay Pierre.
Pierre Ty:
Nakuha ko ang numero mo sa isang common friend. Mag kita na lang tayo sa St. Bourbon Bistro ng JR Borja Extension. 5:30PM. I’m sorry I can’t fetch you.
Iyon ang kanyang sinabi. Naisip ko tuloy na mali itong ginagawa ko kasi 5:30 na ako umalis ng bahay.
“Mag didinner lang po, kasama ang isang kaibigan.”
Tumango si mommy at hinayaan na akong lumabas.
Dahil mahirap sumakay papunta sa lugar na tinutukoy ni Pierre ay kinailangan kong mag taxi.
Simple lang ang suot ko. Isang itim na dress lang at sandals. Nilugay ko lang ang buhok ko at naglagay lang ako ng kaonting make up para mas mahighlight ang features ng mukha ko. Walang traffic doon kaya mabilis akong nakarating. At least, 10 minutes late lang naman.
Nakita kong naghihintay na si Pierre sa loob. Mag isa siya at may inorder na siyang drinks para sa aming dalawa. Tumayo siya nang nakita akong pumasok at hinintay niya ang pag upo ko bago siya umupo.
Bakit ang awkward? Uncomfortable ako sa kanya. Siguro ay dahil weird ang sitwasyon ito. Naisip ko tuloy kung paano niya ako napapayag.
“Thanks for coming.” Aniya.
“You’re welcome.”
Umorder kami ng light foods. Naalala ko sa kanya si Elijah nang umorder muna siya ng appetizer bago ang main course. Madalas iyong ganon tuwing kumakain kami sa labas. I should really stop thinking about him if I really want to move on.
“Kumusta ka na?” Tanong niya.
“I’m fine.”
Nakakailang din pala kasi alam niya ang tungkol sa amin ni Elijah. “I heard Elijah’s gone. Nag abroad?”
Nagulat ako nang nakaya niyang i-open up ang topic na ito. Nilagay ng waiter ang appetizer at ang drinks. Pinanood ko iyon bago ko siya sinagot.
“Yup.”
“Iniwan ka?” Tanong niya.
“Hindi. Tinulak ko siya palayo.”
Nag igting ang kanyang bagang. “Bakit?”
“Coz it’s wrong. We’re cousins.” Ilang beses ko ba ito iuulit sa kanya?
Tumango si Pierre at pinagmasdan akong mabuti.
Naka polo siya na kulay dark blue at may kung ano sa aura niya na nakakaintimidate. It’s like he’s dominating you.
“Kunwari di kayo pinsan, gagawin mo parin ba ang desisyong iyon?” Tanong niya habang sinusubukan na ang mga appetizers.
Tumawa ako. “Changing the circumstances? Bakit ko siya papakawalan kung hindi kami magpinsan? In the first place, hindi magiging forbidden kung hindi kami magpinsan.”
Kumain ako nang dumating ang main course. He’s really intimidating. Ang ayaw ko sa lahat ay ang pinapanood ang pagsubo ko ng pagkain. Imbes na mag enjoy ako ay naaasiwa lang ako sa dinner na ito.
“No. Hindi mo nakuha. Ang ibig mong sabihin ay kung nakilala mo siya bilang ibang tao, at hindi ang pinsan mo. Let’s say, ampon ka…”
Ngumisi ulit ako.
It’s ridiculous. Bakit kailangan ko pang mag ilusyon sa mga sinasabi niya? Can we just talk about something else, instead? Paano ako makakamove on kung ang bukang bibig ng mga tao ay si Elijah? Ang lahat na nga nang pumapasok sa utak ko ay siya, pati ba naman sa ibang tao?
“Okay. Ampon ako.” Sabi ko. “Tapos?”
“Ampon ka pala. Will you still decide that way?” Aniya.
“I… I don’t know. No? Syempre.”
Suminghap siya at umiling.
What? Is he disappointed? Coz I still love Elijah? Of course mahal ko pa siya, isang buwan pa lang simula nang umalis siya. Hindi naman tayo nag lokohan nang minahal ko iyon. I’m not some machine, dinibdib ko dahil tao ako at may puso.
“Well, kung nandito pa siya, hindi ko siya itutulak palayo ngunit hindi ko rin maipapangako na kaya ko siyang ipaglaban agad. That’s a big blow to me.” Natulala ako. “The ampon thing.”
Nag angat siya ng tingin sa akin.
“What if right now? That he’s gone? Sabihin ko sayong… you are not a Montefalco?” Seryoso ang kanyang mukha. Well, ganon naman ang mukha niya palagi.
“Well, that’s impossible. Mana ako kay mommy.” Ngumisi ako.
Umiling siya. “Yes, mana ka sa mommy mo because she’s your real mom. But your dad isn’t your dad.”
Kumunot ang noo ko. “Kunwari pa ba ito? Well… Kung ganyan naman, at wala na si Elijah-“
Napatayo si Pierre at diretso ang tingin niya sa likod ko.
Anong problema nito? Nakakatakot naman siya.
“Pierre, I told you! Ako ang magsasabi! Stubborn boy!” Matigas na sinabi ng isang boses sa likod ko.
Mabilis kong nilingon at nakita ko ang daddy ni Pierre. Namukhaan ko agad siya kahit isang beses ko pa lang siyang nakita. Magkamukhang magkamukha kasi sila ni Pierre at Hendrix. Chinito sila ngunit hindi sobrang intsik ang mga mata. Tulad lang ng mga mata ni mommy, kung saan ako nagmana.
“Good evening po.” Sabi ko nang narealize na mukhang galit ang kanyang daddy.
May nakita akong mga nakaitim na lalaki sa likod ni Hendrix. Naka shades sila kahit gabi na sa labas. I figured they are his goons or bodyguards.
“Good evening, Klare.” Malamig na sinabi ng kanyang daddy sabay tingin sa akin.
Ngumiti ako at naasiwa sa pangyayari. Nilingon ko si Pierre ngunit wala na siyang sinasabi.
“I’m Ricardo Ty.” Naglahad siya ng kamay sa akin.
Mabilis ko itong tinanggap. Itinuro niya ang upuan sa tabi ko. Tumango ako para umupo siya. Dammit, what’s this? It’s so awkward.
“I believe your mother is Helena Limyap?” Tanong niya.
“Yes po.” Nagulat ako kasi kilala niya si mommy. “Helena L. Montefalco na po siya ngayon.”
Tumango si Mr. Ricardo Ty. “Kilala ako ng mommy mo.” Nagulat ako nang bumagsak ang kanyang mga mata at may nangilid na luha sa kanyang mga mata. “I missed the 18 years of your life.”
Kumunot ang noo ko. Ano? Hindi ko alam.
“I’m your father.” Nabasag ang boses niya.
Nalaglag ang panga ko. “Nagkakamali po kayo, Sir. Yung daddy ko po ay si Lorenzo Montefalco.”
Umiling siya. “I’m your biological father.”
Umiling din ako. “S-Si Lorenzo Montefalco po ang biological father ko.”
“No, Klarey… I am.”
Nanlaki ang mga mata ko. I can’t believe this old man! Hindi ko mapigilan na magalit sa kanyang mga sinasabi! That’s impossible! So impossible!
“Impossible! Ma walang galang na po, pero high school pa lang ay boyfriend na ni mommy si daddy.” Sabi ko.
“Yes. But your mom went to Davao after college. Nagtrabaho siya doon para sa kanyang pamilya sa Davao. Nagtrabaho siya sa kompanya ko. Iniwan niya ang daddy mo.”
Hindi na ako makahinga. Ang tanging ginawa ko ay ang umiling sa harap niya.
“I fell in love with her. Nagkagustuhan kami at nabuo ka.” Bumuhos ang kanyang luha.
“NO!” Sigaw kong nagpabigla kay Hendrix. “My mother loved my father dearly! And besides…” Tiningnan ko si Hendrix at Pierre na parehong nakakunot ang noo. “Kung totoo ang sinabi niyo, bakit may anak ka na kasing edad ko-“
“I cheated on my wife, Klare!” Aniya.
Si mommy ay nagkaroon ng affair sa isang lalaking may asawa at anak na noon? What the fuck? Is this true?
Umiling ako. “Liars!”
“Klare, watch your mouth. That’s my father.” Ani Hendrix sabay tingin sa akin.
“Hayaan mo kuya, she’s hurt.”
“WHAT ARE YOU TALKING ABOUT! Hindi ako anak nino! I’m the daughter of Helena and Lorenzo Montefalco! I am a Montefalco!” Sinabi ko.
“No, you are not.” Ani Mr. Ty. “You go ask your mom. I wanted to confront you with her pero hindi sila pumapayag.”
“Because it’s a lie!” Sabi ko sabay tayo.
“It’s not a lie, Klare. We look the same.” Singit ni Pierre.
“Bakit hindi si mommy ang kinausap niyo? Bakit ako? At bakit hindi nila sinabi sa akin? This is a scam!”
Mabuti na lang at walang tao sa restaurant. Ang mga waiters lang ang nakakarinig ng mga sigaw ko, at syempre silang nasa harap ko.
“Because they want to treat you as their own! Gusto nilang maging Montefalco ka ngunit ang totoo, hindi. You are my daughter, Klare. At sinasabi ko ito sa’yo ngayon dahil gusto kong punan ang mga taon na wala ako sa buhay mo. Hindi ako kailanman pinagbigyan ng mommy at daddy mo na masilayan ka kahit saglit. I’ve been telling your mom that we should confront you pero ayaw niya at gusto niyang mabuhay ka ng tahimik. What about me, Klare? Hindi ako matatahimik! Mamamatay akong hindi naibibigay sayo ang pagmamahal na nararapat. I am your father, and you are a Ty.”
Hinayaan nila akong tumakbo palayo sa kanilang lahat. Pumara ako ng taxi at umiyak ako sa loob. Marami na akong naisip. Sobrang dami na hindi ko na kayang isipin ng mabuti ang lahat.
Una sa lahat, hindi ako anak ni daddy. Pangalawa, hindi ako Montefalco. Pangatlo, they lied to me.
Oh my God!
Padabog kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang nagdidinner na sina mommy, daddy, at Charles. Dammit! Charles is here! I don’t wanna be mad around him!
“Klare?” Mabilis akong sinalubong ni mommy nang nakitang umiiyak ako.
Hinawi ko ang kamay niya at tiningnan siyang mabuti.
“Ma, Montefalco po ba ako?” Tanong ko.
Mabilis na nag iba ang ekspresyon niya. Umiyak siya at humagulhol. Lumapit si daddy sa kanya at dinaluhan siya. Nakaawang ang bibig ko sa gulat dahil sa kanyang reaksyon. Hindi niya na kailangang kumpirmahin iyon.
“You are a Montefalco, Klare.” Ani Daddy.
Umiling ako. “Kaninong anak ako?” Tanong ko.
“Ate, what’s wrong?” Nanginig ang boses ni Charles.
Hindi ko na kaya. It’s true. I’m living in a world full of lies.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]