Until He Was Gone – Kabanata 49

Kabanata 49

Leave

Everything is well planned. Nang dumating ang Valentines Day ay walang naging problema sa mga plano namin ni Claudette at Azi. Kinakabahan ako pero naging kampante rin lalo na nang tumawag sa akin si Ate Yas bago ako umalis ng bahay.

“Klare…” Malumanay niyang tawag sabay buntong hininga. “Thank you so much for this.”

“Ate, ayaw ko pong makarinig ng salitang ‘Thank You’ para dito. I did this not to please anyone.”

“I-I know. I’m sorry. I know na mahirap ito sayo.”

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong pag usapan ang bagay na ito. I just want to put the phone down and start this day.

“Basta, I’m just happy na ginawa mo ang tamang bagay, ang tamang desisyon. I really like you. May paninindigan at prinsipyo ka. You are a strong lady.”

Ayaw ko nang nakakarinig na pinupuri ako dahil sa ginawa kong ito. Tama na iyong sakit na idinudulot nito sa akin para lang magawa ang tamang bagay. Hindi ko na kailangan ng mga papuri at pagkilala sa pinili ko.

“I think… bagay na bagay kayo ni Elijah.”

Nalaglag ang panga ko.

Suminghap si Ate Yasmin. “Sayang lang at maling panahon.”

Hindi ako kumibo. Anong sasabihin ko sa kanya gayong wala naman talaga akong magagawa para baguhin ang panahon. Hindi ako Diyos at hindi rin kayang pagbigyan ng Diyos ang hiling na iyan. It’s so impossible.

“So… Klare, thank you again.” Aniya nang napagtantong wala na akong sasabihin. “Happy hearts day! Hope you find someone who can love you the way you loved Elijah. Sa panahong iyon, I’ll be really happy for you. And I’m sure Elijah will be, too.”

“Thanks, Ate Yas.”

Gusto kong sabihin na hindi naman ako naghahanap, na hindi ko naman kailangan, na masyado pa akong maraming dinadamdam para diyan ngunit ayaw ko nang patagalin pa ang pag uusap namin.

Nag ayos ako habang si Claudette ay naghihintay na sa sala. Kahit na may gagawin akong paglabag sa utos ng mga magulang namin ay nakapagtatakang hindi ako kinakabahan. Siguro ay dahil alam kong tama ang ginagawa kong ito.

Sigurado kaming hindi ako papayagan ng pamilya namin na ihatid ko si Elijah sa airport. Magpapanic lang sila at iisipin nilang sasama ako kay Elijah at tumakas na lang. Kaya kinailangan naming magplano kung paanong hindi kami mahahalata. Kumpleto ang nakalahad na plano naming apat ni Claudette, Azi, at Elijah. Mag papaalam kami ni Claudette na lalabas at manonood ng sine ngayong Valentines dahil pareho kaming walang date. Pupunta kaming dalawa sa Centrio Mall at magpapalipas oras hanggang sa tumawag si Azi para sunduin kami kasama si Elijah. Sabay namin siyang ihahatid sa airport. Pagkabalik ay ihahatid ulit kami ni Azi sa Centrio bago siya umuwi sa bahay nila.

“Ready?” Nakangiting tanong ni Claudette sa akin.

Pareho kaming bihis na bihis na para bang may totoong date. Naka black and white dress ako habang siya ay naka pulang dress na may malaking gold necklace. Nakita ko ang pagbaling ni mommy sa amin.

“Tita, alis na po kami ni Klare.” Ani Claudette.

“Alright. Klare, nasa baba na ang daddy mo para ihatid kayo sa Centrio.”

Kung akala niyo ay lagi akong hinahatid kung saan man ako pumupunta ay nagkakamali kayo. Simula nang nalaman ng pamilya ko ang tungkol sa amin ni Elijah, doon lang sila naging bantay sarado. Noon, kaya ko pang mag jeep o mag taxi. Ngayon, hindi na nila ako hinahayaang mag isa.

Mabilis kaming nakarating sa Centrio. Ni hindi ko pinansin ang matagal na titig ni daddy sa akin papasok kami ng elevator galing sa basement.

Nagpalipas oras kami ni Claudette sa isang coffee shop na punong puno ng cut outs na mga hugis puso. Napuna ko rin ang acoustic band na sinet up para lang sa araw na ito. Hindi ko rin pwedeng kaligtaan ang maya’t mayang mga surpresa ng mga lalaki sa kanilang nililigawan o girlfriends.

Nahagip ng paningin ko ang titig na titig na si Claudette sa akin. Kinunot ko ang noo ko. She’s observing me again.

“Hindi mo iniinom ang kape mo.” Aniya.

Tumango ako at ininom ang inorder ko frappe.

“Clau, wala ka bang date?” I want to make this conversation as light as possible.

“Most probably? That’s why I’m here.”

“Ano bang tipo mo?” Tanong ko habang umiinom ng kape.

“It will either be Channing Tatum or Taeyang.”

Kumunot ang noo ko. Kilala ko si Channing Tatum pero si Tiyang ay di ko pa naririnig.

“Taeyang.” Aniya.

Hindi na ako umimik. Must be some of her K-Pop obsessions. Napatalon ako nang tumunog ang cellphone niyang nasa harap ko.

“Kuya’s here, Klare.” Aniya at agad tumayo.

Tumango ako at sinundan siya sa basement. Sa kauna unahang pagkakataon sa araw na ito ay nakaramdam ako ng kaba. Nakita ko ang kanilang Fortuner sa basement. Mabilis na binuksan ni Claudette ang frontseat. Not what I expected! Ang akala ko ay kaming dalawa ang sa likod dahil si Elijah ang sa front seat ngunit nagkamali ako.

Lumunok ako nang binuksan ni Elijah ang pintuan. Nakatitig siya sa akin habang sumasakay ako.

“Bilis na kuya, malay natin nag hire ng tao si Dad para sundan kami.” Ani Claudette.

“Chill, Dette Dette, wala tayong gagawing masama. Ihahatid lang naman.”

“And please, drive safely.” Ani Claudette.

“Course.” at pinaandar agad ni Azi.

Nakatingin lang ako sa kalsadang dinadaanan namin ngunit sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita ko ang pagkabaling ng ulo ni Elijah sa aking banda. God, he’s staring at me!

Nilingon ko siya sa pagbabaka sakaling maasiwa siya at mag iwas ng tingin ngunit hindi siya umiwas. Imbes ay tumikhim siya at nagsalita.

“The shortest hour of my life.” Aniya.

“Elijah, wag nating gawing mas mahirap ito.” I looked away.

Ganon ang naging eksena. Sumisipol lang si Azi sa mga mahina at malumanay na kanta sa kanyang stereo habang tahimik naman si Claudette sa front seat.

Dire diretso ang drive ni Azi habang nasa syudad pa kami. Tumitigil lang siya pag stop ang traffic light ngunit diretso agad ang harurot pag wala.

“Dude, don’t step on the gas, please.” Singhap ni Elijah.

“Bakit? Baka ma late ka?” Ani Azi.

“Edi mabuti.” Ani Elijah.

“Why are you leaving, then, kung pinapangarap mong ma late at hindi makaalis? What’s the point?” Ani Azi habang tinataas ang kanyang kamay galing sa manibela.

“Coz I want to stay if she’ll make this work for us.”

“What the f, dude. Kung gusto mong wag umalis, edi huwag.” Ani Azi.

“Coz I want him to go, Azi. Kailangan niyang umalis. Kailangan naming matutong mabuhay na malayo at wala sa isa’t isa. Hindi siya matututo kung palagi siyang nandito.” Tumingin ako sa bintana.

Mabilis na nawawala ang mga kahoy at posteng dinadaanan namin. Via Singapore ang kanyang flight patungong US. Umalis na ang kanyang mommy at daddy last week patungo doon. Si Ate Yasmin at Kuya Justin ay umalis na rin noong January pa lang.

“Yeah, right. Lalo na pag may nakaaligid sayong inchik and all the guys, I might just kill them. Aalis na lang ako at baka maging kriminal lang ako dito.”

Mabilis ko siyang nilingon. Humalakhak si Azi at tumingin sa salamin para tingnan kaming dalawa. Ngumisi si Elijah sa akin kahit na matalim ko siyang tinitigan.

Hinawakan niya ang kamay kong nakalagay sa upuan. Gusto kong alisin ang kamay niya o bawiin ang kamay ko ngunit nagbago ang isip ko nang hinigpitan niya ang pagkakahawak non at nalungkot ang kanyang mga mata.

“Baby, please? Just for now?”

Hindi na ako umimik. Hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko. Hindi rin kumibo si Azi o si Claudette sa harapan. Tahimik si Elijah habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

I will miss his touch. I will miss his warmth. I will miss everything about him? Why is this so cruel? Hindi ko alam. Siguro ay may kasalanan ako sa langit o baka naman may nag aabang na malaki at magandang mangyayari sa akin kaya nauuna ang bad karma? I hope the reason for all these is worth it. Iyon ay kung may rason nga ang mga ito. Rason? Baka para turuan lang ako kung paano magmahal. At ang sakit kasi bakit sa ganitong paraan pa?

Nilingon ko si Elijah at nakapikit siya ngunit alam kong hindi siya tulog. Pinaglalaruan niya parin ang mga daliri ko.

Hindi ko na alam kung ilang minuto ang naging byahe pero nagulat na lang ako nang tumambad na sa akin ang airport. Nag park si Azi sa tapat at tinigil niya na ang sasakyan.

“Uh, we’re here.” Aniya.

Binitiwan ni Elijah ang kamay ko at binuksan ang pintuan. Sabay nilang kinuha ni Azi ang kanyang mga luggage. Isang malaking maleta lang at backpack ang meron siya. Not much. But I don’t think kailangan niyang dalhin ang buong kabinet niya dahil kaya niya namang bumili ng ibang damit pagkarating doon.

Tahimik si Claudette sa gilid ko habang pinapanood namin ang dalawa.

Kailangan kong imemorize ang bawat detalye kay Elijah. Ang mga maliliit na panahon at oras noon ay naging importante sa akin ngayon. Sana ay noong hindi pa kami nabubuking, tiningnan ko siya ng mas maayos, sana ay inamoy ko siya ng mas matagal, sana ay kinabisado ko lahat ng kilos niya… kasi natatakot ako na isang araw makalimutan ko na ang lahat. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot doon.

Lumandas ang luha sa mga mata ko at agad ko iyong pinunasan. I want to be strong for this. Ako ang nagtutulak sa kanya palayo, hindi pwedeng ako ang iiyak.

Nang nagtagpo ang aming mga mata ay tumitig agad siya sa akin. Dammit! Mabilis siyang lumapit sa akin. Yumuko ako ngunit hinawakan niya ang baba ko at itanaas niya ang mukha ko para lumebel sa kanyang mga mata.

“Baby, are you crying?” Tanong ko.

“Nope!” I lied.

“Nagbago na ba ang isip mo? Or are you coming with me? We can run away now!”

Umiling ako.

“Elijah…” Saway ni Azi. “Dad’s gonna kill me.”

“Isn’t that a happy reason kuya? To be killed for love?” Humalakhak si Claudette.

“Para sa pag ibig ni Elijah at Klare? No. One day, mamamatay ako para sa pag ibig ko.”

“And that day will never come.” Halakhak ulit ni Claudette.

Nag igting ang bagang ni Elijah at hinila ako palayo sa kanilang dalawa. Mabilis ang lakad niya patungo sa loob. Ngunit hindi kami pwedeng pumasok. Siya lang itong pwedeng pumasok sa loob. Kinagat ko ang labi ko at tiningnan siya.

“Shall I book you a ticket now?” Tanong niya.

Umiling ako. “Sa oras na ginawa mo ‘yan, sa gitna pa lang ng byahe, patay na lahat ng cards mo. We can’t run. We’re impaired without our family.”

“No baby, I can work for us. We’ll be happy.” Aniya.

Patuloy parin ako sa pag iling. “Elijah, hindi talaga pwede.”

Pumungay ang kanyang mga mata. “Klare, please, baby?” Aniya.

Narinig ko ang mga yapak nina Claudette at Azi sa likod namin. May mga tao sa paligid ngunit abala sila sa pag pila papasok doon.

“Akala ko ba tapos na, Elijah?” Tanong ko.

Pumikit siya at nakita kong may lumandas na luha sa kanyang mga mata. “Hindi ‘yon matatapos.”

Nilagay niya ang kanyang noo sa aking noo. Nakapikit lang siya habang pinagmamasdan ko ang paghihirap siya. Kinukurot ang damdamin ko ngunit kailangan kong maging matatag. Gusto kong makita niya na iyon talaga ang desisyon ko.

“Klare, please, God, I’m begging. Come with me.” Aniya habang napapaos ang kanyang boses.

Masakit. Tinitingnan ko pa lang siya, masakit na agad ang nararamdaman ko.

“You will lose yourself, Elijah. At ayaw kong mangyari iyon sayo.”

“Yes, I lost myself. But I found it in you. Please, just give me a chance. I’ll be a man for you. I’ll work hard for us, please.”

Narinig ko ang pagmumura ni Azi sa likod at paghakbang niya palayo.

“Baby, please?”

Nangingilid na ang mga luha ko habang pinapanood siyang nanghihingi ng kung ano sa akin. Dumilat siya at kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata.

“Baby, I’ll work hard for us, just please be with me. I can do it with you.”

May namuong bara sa lalamunan ko. I can’t help it. Iiyak na talaga ako.

“Elijah, we can’t. You are just nineteen. We really can’t. Marami pang naghihintay sa atin sa mundong ito. Marami pa tayong hindi alam.”

“Oh God, Klare!” Aniya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko. “I have fallen deeply in love with you because of your decisions. Ngayon mas lalo pa akong nahuhulog. Do something about it, please? Please, be with me, Klare, catch me…” Nanghina ang kanyang boses.

“Elijah, flight niyo na.” Mahinahong sinabi ni Claudette sa likod ko.

Nanlaki ang mga mata ko at agad ko siyang tinulak.

“Baby…” Bumalik siya nang nanginginig ang mga balikat.

May kung anong nagrarambol sa tiyan ko sa sobrang pagkahabag. Kusang tumulo ang mga luha ko na agad ko namang pinunasan.

“Please…” Aniya.

Tinulak ko ulit siya.

“Go, Elijah! Limang minuto na lang, boarding na. I need you to go. I’m setting you free-“

“I don’t want to be free.” Nanginig ang kanyang boses at hinuli ulit ang aking mga siko.

Umiling ako at tinulak siya.

“This is what I want, Elijah. This is what I need. What you need. You need to go. You have to go. Umalis ka na!” Sabi ko at hindi ko na napigilan ang pag iyak ko.

“Klare-“

Hinawakan niya ang mga braso ko at mariin niya akong siniil ng mga halik. His kisses were soft and gentle. Hindi niya ako pinilit. Nanlaki ang mga mata ko sa bigla pero ang mga halik niya ang rason kung bakit unti-unti akong napapapikit. I want to just kiss him forever.

May kuryenteng naglakbay sa batok ko pababa. At alam kong inaakit niya ako sa pamamagitan ng tapat at malalambot niyang mga halik. Kumalabog ang puso ko. Ito ang unang pagkakataon na nahalikan ako ng ganito, na hinalikan niya ako ng ganito, at ayaw kong bumitiw. Nakalimutan ko ang lahat.

Lumandas ulit ang maiinit kong luha sa aking mga pisngi. Naalala ko kung bakit kami nandito. Tinulak ko siya ngunit hinawakan niya ang nakakuyom kong mga kamay sa dibdib at tumigil siya sa paghalik.

“Baby, I’m not leaving without you.” Umiling siya. “No.”

Umiling din ako. “You are, Elijah. You will leave!” Sigaw ko. “Please? Please leave? Can you please leave?” Paulit ulit ko iyong sinabi.

Nalaglag ang panga niya na para bang hindi siya makapaniwala sa mga salitang binitawan ko. Tinuro ko ang airport.

“Ang tanging makakapagpasaya sa akin ngayon ay ang umalis ka. So you leave… please? Please, leave the Philippines for me.”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: