Until He Was Gone – Kabanata 48

Kabanata 48

Best Shot

He was true to his words. Iniwasan niya ako. Ni hindi ko nakita ni anino niya sa loob ng isang linggo sa school. At wala ring bumabanggit ng kanyang pangalan sa mga pinsan ko. Bantay sarado na rin ako. Malabong may mga panahon na mag isa ako. I guess, ito ang naging kasunduan ng mga tito at tita ko. Dahil hindi naman mababantayan si Elijah ay ako ang binabantayan.

“You done with the homeworks, Klare?” Tanong ni Erin sa akin.

“Oo. Pero di ako sigurado dito.”

Lumunok ako nang narealize na madalas nga pala akong umaasa kay Elijah pagdating sa mga homeworks.

Nilingon ko si Erin at nakitang seryoso siya sa pagbabasa ng kanyang term paper. Even our relationship got bruised. Hindi na ito tulad nang dati. May pader na sa gitna naming dalawa.

Sa loob ng tatlong linggo ay namuhay ako ng mapayapa. Kung matatawag nga ba itong mapayapa…

“Bukas si Damon ang susundo sayo.” Ani Rafael sabay patakbo ng kanyang sasakyan.

Napa buntong hininga ako at tumingala na lang sa aming building. Naha-hassle ko na ang mga pinsan ko dahil sa takot ng mga magulang namin na patago kaming magkita ni Elijah. Dapat ay hindi na lang nila ito ginawa. Elijah was serious when he said that… Hindi na talaga siya nagpakita sa akin.

Ni wala na ring night out na nagaganap. O hindi ko alam pero baka meron ngunit hindi lang ako naiimbitahan. Lumunok ako at tinangnan ang cellphone kong may panibagong sim card. Walang number ni Elijah dito. Nag deactivate na rin siya sa Facebook kaya hinding hindi ko siya mahahagilap. Naisipan ko tuloy kung mag deactivate na lang din ako.

Habang tinitingnan ang aking News Feed ay napatunayan kong tama ang hinala ko. Nang nag upload ang Club Tilt sa kanilang page ng mga pictures na kinuha noong nakaraang gabi ay nakita ko ang iilan sa mga pinsan ko sa dancefloor. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita si Elijah na tumatawa habang hinahawakan sa baywang ang isang babaeng naka killer heels at naka black dress.

Mabilis kong sinarado ang browser. May kung anong dumaloy sa lalamunan ko patungo sa likod ko. One day, I’ll get used to this.

Masyado na akong mahina para umiyak. Itinulog ko na lang lahat. Ganon nga, Klare. Maybe I should really just deactivate all my accounts.

Hindi maiiwasan ang sakit ngunit papanindigan ko ang desisyon ko dahil para ito sa ikabubuti naming dalawa. Kung sakaling sa pag liliwaliw niya ay makahanap siya ng babaeng magmamahal sa kanya ng tunay at higit pa sa akin ay magiging masaya rin ako. Ideal, yes. Magiging masaya ako kahit na mamamatay ako sa sakit.

Ngunit napagtanto ko ring ang mga alon ng sakit na naramdaman niya ay tumatama na sa ibang tao.

Isang araw ay nakita ko na lang na namamaga ang mga mata ni Hannah sa harap ko. Tulala siya at walang sinasabi. Nakatingin si Julia at Liza sa kanya ngunit parehong seryoso si Erin at Claudette sa aming mga homework. Nag angat ng tingin si Claudette sa akin kaya nag taas ako ng kilay. Minsan, sa sobrang observant ng kanyang mga mata ay hindi ko na alam kung tumutunganga lang ba siya sa akin o may pinaparating siya sa pamamagitan ng pag titig.

Nilingon ko ulit si Hannah na ngayon ay tulala at pinupunit ang tissue sa kanyang harapan. Nagkalat siya sa mesa namin. Hindi ko maintindihan kung anong meron.

“Oh. My. God.” Sabay takip ni Liza sa kanyang bibig.

Lumingalinga ako sa mga kaibigan ko para tingnan kung ano ang meron. Isang beses na lumingon si Hannah sa gilid namin ay agad na siyang binaha ng luha. Nilingon ko rin kung ano iyong nasa gilid at nalaglag ang panga ko nang nakita kong masayang nag ho-holding hands si Elijah at si Cherry.

Naka uniform pareho ang dalawa at naglalakad patungong bandang Engineering building. Naglakbay ang titig ko sa mga galaw ni Elijah. Binitiwan ni Elijah ang kamay ni Cherry para hawakan ang kanyang baywang. Sinapak siya ni Cherry bago bumati sa mga kaibigan niyang nanonood sa unahang benches namin.

Nakangiti ang dalawa at hindi ko maiwasang tumitig sa mga labing masaya ni Elijah.

Humagulhol si Hannah sa harap ko kaya naagaw niya agad ang buong atensyon ko. Dinaluhan siya agad ni Liza at Julia. Hinimas ni Julia ang likod ni Hannah habang pulang pul siya at tinatakpan ang kanyang mukha.

“Anong nangyari?” Tanong ko.

“Sorry…” Ani Claudette.

Narinig kong lumagutok ang ballpen ni Erin at nag angat siya ng tingin.

“I told you, Hannah. Sabi ko wag mong patulan si Elijah ngayon.” Ani Erin.

“Bakit ngayon, Erin? Noon pinagkakanulo naman natin silang dalawa, a?” Ani Julia.

Suminghap si Erin. Para bang gusto niyang sabihin ang lahat ngunit hindi niya kaya. Walang alam ang mga kaibigan ko at walang plano ang buong pamilya na ipangalandakan ang nangyari sa amin ni Elijah. It will remain our deepest and darkest secret.

“Ano bang nangyari?” Tanong ko.

Sumulyap si Erin sa akin.

“Nag date sila ni Elijah, Klare. Patulong naman o-” Sabi ni Julia na agad pinutol ni Erin.

“Klare, can’t help. Talagang manwhore si Elijah. Hayaan na natin. Maghanap ka ng ibang lalaki diyan, Hannah.”

“Last week, Klare.” Nagpatuloy si Julia sa pag aakalang may maitutulong ako. “Niyaya ni Elijah si Hannah na mag date. Tapos sa sumunod na araw, may mga rumors na na may ibang dinate si Elijah at mas lalong dumami, iba ibang babae, e. Tas ngayon, eto ang latest, si Cherry. Ang malala ay publicly dating. Hindi na rumors! Totoo na!”

Napalunok ako. Pakiramdam ko ay nilunok ko lahat ng hinanakit at mga salitang gusto ko sanang sabihin.

“H-He’s probably serious with Cherry, then.” Sabi ko.

Nilingon ako ni Claudette habang tumikhim naman si Erin at nagligpit ng gamit.

“Edi mabuti! I mean…” Kinagat ni Erin ang kanyang labi. “Let’s just go and forget Elijah.”

Pinanood ko ang patuloy na pagluha ni Hannah buong araw. Alam ng halos lahat ng blockmates ko ang nangyari tungkol doon. Naaawa ako sa mga taong naapektuhan dahil sa mga ginagawa ni Elijah. He’s merciless and ruthless. He’s being an asshole again. But maybe, he’ll always be an asshole. Kaya nga ‘yon nainlove sa akin, diba?

Hindi ko maiwasan ang pagsakit ng tiyan ko tuwing nadadatnan ko si Elijah kasama si Cherry. At noong isang araw ay nadatnan ko rin siya sa covered courts na nag P-P.E. at nakikipag harutan sa isa pa niyang magandang kaklase. Now, would I believe that he’s serious? No. Ngunit hindi ko parin maiwasan na tumabang tuwing nakikita siya. Nadidistract lang ako tuwing umiiyak na si Hannah at nag aalburoto na si Erin.

“Klare…” Ani Hannah nang umalis si Erin para bumili ng pagkain.

Tumingin agad si Claudette sa amin. Nakita ko ang nalulungkot na mga mata ni Liza at Julia para kay Hannah. Hinawakan ni Hannah ang braso ko at halos mahabag ako sa mga luhang nagbabadya ulit sa kanyang mga mata.

“T-Tulungan mo ako kay Elijah, o?” Aniya.

“H-ha?” Nanlaki ang mga mata ko.

“Last night, he texted me. Nagtanong siya kung kamusta ako at gusto niyang mag date kami sa Valentines day.” Medyo malungkot niyang sinabi.

“Ano?” Humilig si Claudette at hininaan niya ang kanyang boses.

Mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone para ipakita sa akin ang totoong mga text ni Elijah na nag yayaya sa kanya sa Valentines day isang linggo na lang simula ngayon.

“That’s bullshit.” Pabulong na sinabi ni Claudette.

Nang binaba ni Hannah ay nakita kong nagreply siya na sasama siya kay Elijah. That was really stupid! So stupid of her! Kinagat ko ang labi ko at tiningnan si Hannah sa kanyang mga mata.

“Elijah is bluffing. O kung totoong ididate ka nga niya, sigurado akong may oras iyon. At marami pa siyang ididate sa araw na iyon kaya kung ayaw mong masaktan ay wag mo na lang siyang siputin.” Naiinis ako kay Elijah at sa lahat ng pinaggagagawa niya.

Gusto ko siyang sugurin at pagsabihan ngunit mauungkat lang na bitter ako o nagsisisi ako sa mga desisyon ko para sa aming dalawa. No! Papanindigan ko ang aking desisyon. Oo, nasasaktan ako pero hindi ibig sabihin non ay babaliin ko na ang mg prinsipyo na iniwan sa akin ng mga nangyari.

“Klare, pakisabi naman na sana this time totohanan na.” Nanginig ang kanyang boses habang hinahawakan ang mga kamay ko.

Napalunok ako at nanuot sa aking dibdib ang hinaing niya.

“Paki sabi na umiiyak ako dahil sa kanya…” Pumikit siya at tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

Kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko. Naaawa ako sa mga taong nasasaktan niya dahil sa mga nanyari. Naiirita ako sa mga inasal niya ngunit wala akong magawa dahil hindi niya kailangan ng opinion ko. Hindi kailangan ni Elijah ang opinion ng babaeng tumulak sa kanya palayo.

Umihip ang malakas na hangin sa 6th floor ng Aggies building. Tanaw ko ang kabuuan ng divisoria sa labas at ang matatabang ulap sa langit. May klase ako dito tuwing alas tres ng hapon. Ngunit ngayong araw na ito, may sakit ang professor namin kaya take home quiz lang ang meron. Umalis na ang lahat para pumunta sa library habang ako ay nandito pa at naghihintay kay Claudette na pumunta sa kabilang building.

Minsan lang ako mag isa nitong mga nakaraang araw, kaya nilulubos ko na.

“Anong nangyari?” Narinig kong umalingawngaw ang boses ng isang lalaki sa gilid ko.

Napatalon ako at napatingin sa kanya. Nakita ko si Pierre na nakataas noo at blankong tiningnan ako. Noong nakaraang araw, nakita ko rin siya kasama si Hendrix ngunit hindi niya ako tiningnan. Si Hendrix lang iyong tumingin kaya nagulat ako ngayong nandito siya at kinakausap ako.

“Huh?” Wika ko.

Hinipan ng hangin ang buhok ko. Natabunan ang mukha ko kaya pinigilan ko silang lahat sa pagsayaw sa hangin.

“Anong nangyari sa inyo?” Aniya.

Tinikom ko ang bibig ko. Sa di malamang kadahilanan, alam ko agad kung ano ang ibig niyang sabihin.

“Anong nangyari at bakit nakikita ko ‘yong pinsan mong may kasamang iba’t-ibang babae?” Mas klarong tanong niya.

I looked away, “Pinsan ko siya. Hindi kami pwede.”

Hindi siya umimik. Para bang may hinihintay pa siya sa mga sinasabi ko.

“Lumayo kayo sa isa’t isa?” Tanong niya.

Nag igting ang bagang ko. Bakit kaya madalas mas madaling sabihin sa mga di mo kilala ang mga problema mo kesa sa mga kaibigan? “Oo.”

“Bakit? Dahil lang sa pinsan kayo?”

Tumingin ulit ako sa kanya. “Dahil pinsan kami.”

“Paano kung hindi kayo magpinsan, would you decide to push him away?” Malamig niyang sinabi.

Halos matawa ako sa sinabi niya. “Syempre, hindi, Pierre. Pero magpinsan kami.”

Tinikom niya ang kanyang bibig at humakbang palapit sa akin. Nagulat ako nang biglang tumagos ang titig niya sa likod ko at tumigil siya sa pag lapit. Ngumuso si Pierre sa akin at tinalikuran ako. Weirdo.

Hindi ko na siya tinanong kung saan siya pupunta. Lumingon na lang ako sa labas para salubungin ang malakas na ihip ng hangin nang biglang may nakita ulit ako sa gilid ng aking mga mata. Nakita ko si Elijah na nakatayo, mag isa at walang nakakapit sa kanyang braso.

Kumalabog ang puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit… Kung iyon ba ay dahil bawal kaming ganito o dahil mahal na mahal ko parin siya.

“Elijah.” Sabi ko.

Bumagsak ang kanyang mga mata. Halos humagulhol na ako nang nakitang humakbang siya papalapit sa akin. Pakiramdam ko ay bumabalik siya sa akin. Umatras ako dahil hindi ko kinaya ang lahat ng nararamdaman ko ngunit mabilis siyang naglakad para hilahin ang braso ko.

“Nakahanap ka agad ng bago?” Galit niyang utas.

Nanlaki ang mga mata ko. Ang ibig niya bang sabihin ay si Pierre?

“Are you using him to make me jealous?” Dagdag niya.

Nakita ko ang galit at lungkot sa kanyang mga mata. Tinanggal ko ang kamay niya sa aking braso.

“Stop it, Elijah, I’m not like you!” Sabi ko.

Nanliit ang mga mata niya. “Kung ganon, bakit kayo magkasama?”

“Nagkita lang kami dito! ‘Yon lang! Stop asking me questions like that. Ganon ba ang tingin mo sakin?” Sabi ko.

Nalaglag ang kanyang panga at huminahon siya. Pakiramdam ko tatalikuran niya ako sa galit na ipinakita niya…

“Klare…” Napapaos ang kanyang boses.

Nananaginip ba ako?

Nilagay niya ang aking ulo sa kanyang dibdib at hinagkan niya ako ng buong buo. Narinig ko ang mabilis na kalampag ng puso niya. Napansin ko rin ang mabilis na paghinga niya. Nalanghap ko ang bango niyang matagal ko nang di naamoy. It feels so right in his arms. Why is it so wrong? Akala ko ay patuloy siyang manlalamig sa akin pagkatapos ng lahat ngunit heto siya at nilalagay ako sa kanyang mga bisig.

“I miss you so much.” Bulong niya habang nanginginig ang kanyang boses.

Tinulak ko siya. I miss you, too. Dammit! Galit ko siyang tinulak at kinunot ko ang noo ko nang nagkaharap kami. I’m not going to rant about his recent love affairs. I’m not going to vent about his stupid relationships!

“Elijah, tama na nga. Wag mong saktan si Hannah. If you want to date, date those who are sport to that kind of arrangement-“

“I’m sorry.” Umiling siya at yumuko. Hinanap niya ang aking mga mata. “Nasaktan ba kita?”

Nalaglag ang panga ko sa tanong niya. Iyon ang dapat mong gawin, ang saktan ako. Hindi ako magrereklamo sayo. Oo, magrereklamo ako sa sarili ko pero hanggang doon na lang iyon.

“N-Nasaktan ba kita? I’m sorry for being a jerk!” Aniya at pumikit siya na para bang siya iyong nasasaktan.

“Elijah…” Nanginig ang boses ko.

Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakahaplos sa pisngi ko.

“Hindi ko kayang mag move on. Hindi ko kayang humanap ng ibang babae. Hindi ko kayang tumingin sa iba. Bawat galaw mo ang naaalala ko. Bawat salita mo ang nasa isip ko. Bawat tawa mo ang umaalingawngaw sa tainga ko. Klare, I can’t move on from you. Trying hard is futile.”

Nagbara ang lalamunan ko sa mga sinabi niya. Nangingilid na ang luha ko at hindi na ako makahinga. I’m so feircely in love with him. Na nasa gitna na naman ako ngayon ng pakikipaglaban sa kung ano ang tama at sa kung ano ang hindi.

“Klare, isang salita mo lang na mahal mo ulit ako ay ipaglalaban kita hanggang sa maubos ako.”

Humagulhol na ako sa mga salitang binitiwan niya. I can’t bear it anymore. I am so in love with him and it hurts so much that I can’t do anything about us.

Kung sana ay pwedeng mabuhay kami sa ibang panahon, sa ibang pagkakataon, sa ibang katauhan ay matagal na akong sumugal. But our family’s wrath will drown us if we push through this. Hindi ako nagdesisyon dahil spur of the moment lang, ang desisyong ginawa ko noon ay may markang kawakasan. Pinag isipan ko iyon ng mabuti simula pa lang.

“Elijah, can’t you see why I’m doing this?”

“KLARE, I CAN’T STAY IN THIS FUCKING COUNTRY WITH YOU NOT MINE!” Sigaw niya sa akin. “This will be either we’ll run away… or I will run away alone and forget you!”

Nabasag ang puso ko sa kanyang sinabi. Yes. That’s probably the smartest thing to do, Elijah. Kung hindi natin kayang iwasan ang isa’t-isa habang nandito ka ay maaaring pareho tayong hindi makaahon sa pagkakahulog na ito. We’ll leave this chapter her. We’ll close it now. Iyon ang kailangan naming dalawa, closure.

“Klare, baby, please…” Pumikit siya. “Please choose me this time. Please be with me. Magiging okay tayong dalawa. I’ll work hard for us. We don’t need our families support. I only need you. I know I only need you.” Nagmamakaawa na ang boses niya sa akin.

Bumuhos ang luha ko at hindi ko na kayang patagalin pa ito.

“Elijah, listen. I am in love with you.”

Nag angat siya ng tingin sa akin habang pinupunasan niya ang kanyang sariling luha. “Dammit!” Aniya sa kanyang luhang hindi tumitigil.

“Pero hindi talaga tayo pwede. We will hurt our family. Itatakwil nila tayo at sa tingin mo ba ay magiging masaya tayong dalawa pag nangyari ‘yon-“

“I don’t care as long as I have you-“

“No, Elijah.” Sabi ko sabay iling. “You don’t care about it now, what about in the long run? You’ll miss Ate Yas, I’ll miss Charles. We’ll miss our mom and dads. Paano kung sa desisyon mong ito ay magkasakit si Tito Exel? We’ll rot in guilt!” Sabi ko.

Umiling siya. “I don’t care.”

Nalungkot ako sa kanyang sinabi. I couldn’t believe it. Hindi ko kaya kong iyon ang mangyari sa aming dalawa at ayaw kong wala siyang pakealam. It’s our family.

“Elijah, halos magkapareha ang dugong nananalaytay sa atin. Ma-Maaring pag mag desisyon tayong magkaanak, hindi ba sinabi nilang magkakaroon ng defects pag-“

“I only need you. I don’t need anything else anymore, Klare.” Singit niya.

Pumikit ako at nanghina. How will I make him understand?

“Elijah, this is my decision. This is what I want to happen.” Sabi ko.

Hindi siya kumibo. Sumandal siya sa railing, tumingala, at pumikit.

Sa mahabang mga minutong nagdaan ay ganoon lang kaming dalawa. I wish I could just stay here with him. Sana ay tumigil ang panahon at hindi na namin kailangang mag alala pa.

“I want you to understand my decision. Kung mahal mo talaga ako, maiintindihan mo iyon.”

Nilingon niya ako. “Don’t turn my love against me, Klare.”

Umiling ako. “I just want you to understand. Balang araw, pag umibig ka sa iba, maiintindihan mo ito lahat.”

“I’ll be damned if that day comes.”

“It’s not impossible, Elijah.”

Pumikit siya at humilig sa haligi. Ilang sandali ay dumilat siya at tiningnan ako nang nakakagat ang kanyang labi.

Kumalabog ang puso ko. I don’t know… I’m… Dammit.

Hinigit niya ang kamay ko at marahan niya ulit akong niyakap. Nangatog ang binti ko sa yakap niya. Mahigpit na mahigpit ito at ayaw ko ng bumitaw. Pumikit ako at dinama siya.

“That was my best shot.” Bulong niya. “Baby…”

Kinurot ang puso ko. Totohanan na ito? Eto na talaga? Ito na ba talaga? Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang paborito kong mga mata na nakatingin din sakin.

“Ihatid niyo ako ni Azi sa airport ngayong Valentines Day?”

Mas nabasag pa ang wasak kong puso sa kanyang linya. Lumayo ako sa kanya at narinig ko agad ang mahihinang mga yapak ni Claudette.

“Done?” Aniya sabay halukipkip.

“Yup, Dette. Thanks. Done.” Ani Elijah habang kinukusot ang kanyang mga mata.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: