Kabanata 47
I’m Done
Grounded ako. Nagkulong sa kwarto nang walang cellphone hanggang nag New Year. Kinakausap lang ako nina mommy at daddy sa malamig na tono pag kailangan ko nang kumain. Ni walang kamuwang muwang si Charles sa nangyayari.
“Hey, ate, can you text Kuya Elijah to come over? I wanna jog.” Ani Charles.
Tinitigan ko lang ang kapatid ko. Hindi ko mahanap ang mga salita na dapat kong gamitin para sabihin sa kanyang hindi pwede. Suminghap si mommy at hinawakan ang likod ni Charles kaya bumaling si Charles sa kaya.
“Kuya Elijah is busy, Charles. Do you want to be with your classmates? Ihahatid kita mamaya kina Toby.” Ani mommy.
Pumikit ako. This is the day. Kumalabog agad ang puso ko nang nag sink in ang mangyayari ngayong araw sa akin. Tumayo ako kahit na ko konti lang ang nagalaw ko sa aking pagkain. Tumingala si daddy sa akin.
“Klare, di ka pa tapos kumain.” Malamig niyang utas.
“I’m done, dad. Sa kwarto lang ako.” Sabi ko.
“Klare, wag kang bastos. Charles is here and we are eating.” Ani mommy.
Tinikom ko ang bibig ko. Mahal na mahal ko si mommy at daddy pero siguro, sa buhay ng isang tao, aabot ka sa punto na mailap ka sa kanila. Lalo na ngayong malamig silang pareho sa akin dahil sa nangyari sa amin ni Elijah.
Bumalik ako sa pagkakaupo. Gustong gusto kong umangal at dumiretso na lang sa kwarto kaya lang ay ayaw ko nang dagdagan pa ang pinsala ng nangyari.
“Ate? Are you okay?” Tanong ni Charles sabay kunot noo.
Tumango ako at pinilit na ngumisi. “Masakit lang ang tiyan ko, Charles.”
Parang piniga ang puso ko. Dadating at dadating ka pala talaga sa punto na ang simpleng tanong ng isang tao ay nakakapag pagaan na ng loob sa’yo. Pakiramdam ko ay kalaban ko na ang lahat, at si Charles na walang ka muwang muwang na lang ang natitira sa akin. Gusto ko siyang yakapin at gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng problema ko. But I’m sure he’ll never understand. Siguro ay ang isasagot niya lang sa akin ay si Elijah.
Hinintay kong matapos si Charles bago ako umalis ng hapag para sa kwarto ko. Ganoon ang eksena parati. Pero sa araw na ito, iba…
Kumalabog ang puso ko nang narinig ang doorbell sa labas. Hindi pa oras. May dalawang oras pa bago pumunta ang mga relatives namin dito ngunit may mga nauna.
“Klare?” Narinig ko ang mahinhing boses ni Claudette habang kumakatok sa pintuan ko.
Pumikit ako sa aking kama. I’m not sure if I want to talk.
“Klare, please open?” Aniya.
Suminghap ako at tumayo galing sa pagkakahiga. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang malulungkot na mga mata ni Claudette. Ang mahaba niyang buhok ay naka half pony tail at nakasuot siya ng puting dress. Tinalikuran ko agad siya para maupo sa kama.
Bihis na siya, hindi tulad kong naka shorts at over sized t-shirt lang. Bakit ko kailangang magbihis kung ngayon kami hahatulan ni Elijah? No need to wear something grand for something tragic.
Nilagay ko ang baba ko sa tuhod ko at naging tulala na lang sa sahig habang naririnig ang mga buntong hininga ni Claudette pagkatapos isarado ang pintuan.
“Anong plano mo?” Tanong niya.
Tumikhim ako. “Tulad nang gustong mangyari nina Erin at Chanel.”
Umiling siya at umupo sa tabi ko. “Hindi ako nandito dahil inutos nila. I want to know the truth from you. Iyong nararamdaman mo. Iyong tunay mong plano. I won’t tell, Klare.”
Inangat ko ang mukha ko para makita ang kanyang mala pusang mga mata. Observant talaga si Claudette. Oo nga’t nakikita niya sa aking mga mata kung ano ang gusto ko ngunit hindi ibig sabihin na kung ano ang gusto ko ay iyon ang masusunod. Sometimes, you need to sacrifice the things you love for greater things. Mas matimbang parin ang pamilya namin para sa akin. Simula pa lang ay alam ko na iyon. Nag aalinlangan ako pag nakikita si Elijah na nasasaktan, kasi mahal na mahal ko siya. But I know better… we need to set each other free for the sake of our family, for our own sakes, too.
Alam kong hindi iyon maiintindihan ng mga taong nagmamahal. Kasi pag nagmamahal ka, ‘yong iniibig mo lang dapat ang iniisip mo. Sana ay ganon ka simple. Sana ay nagmahal ako at ang iisipin ko lang ay ang sakit na maidudulot sa akin ng mahal ko o kung paano ko siya mapapanatiling nahuhumaling sa akin. But this is a different situation… we carry a baggage. Hindi lang kami ang nandito. Hindi lang kami ang iniisip ko. Maraming ibang tao, na mahal ko rin, na ayaw kong saktan.
“Clau, I can’t leave but he can. So I will push him away.” Simple kong sinabi.
“P-Pero Klare, hindi mo ba siya mahal?” Nagkasalubong ang kilay ni Claudette.
“Mahal na mahal.” KInagat ko ang labi ko. “Kaya nga ito ang desisyon ko. Kaya nga papakawalan ko siya. Do you think he’ll be happy with me sa oras na itakwil siya ng kanyang pamilya?”
Nag iwas ng tingin si Claudette.
“Nakita ko na iyon sa mga movies, nabasa sa mga libro, nakita sa ibang tao… Lahat tayo, may kakayahang ma fall-out of love sa mga taong minamahal natin… lahat tayo, may kakayahang mag move on. Maaring pakiramdam mo ay imposible sa ngayon, pero gaya ng ipinakita sa mga pelikula, libro, at karanasan ng ibang tao, posible iyon. Masyado namang ata akong espesyal kung sa lahat ng tao ay ako lang ang hindi maka move on pagkatapos ng ilang taon, dekada, o kung kailan pa man. Matagal, oo, pero hindi imposible. I will cling to that faint hope. I will move on, someday. And he will, too.”
Nang nilingon ko si Claudette ay nagulat ako nang pulang pula ang kanyang ilong at bumubuhos na ang kanyang luha.
“Klare, Klare…” Humikbi siya. “P-Paano na ‘yan? Elijah will fight for you!”
Ang tono ng kanyang basag na boses ay mas lalong nagpahabag sa akin.
“Klare, nang umuwi ang kanyang mommy at daddy kasama si Kuya Just at Ate Yas dito hindi nila tinatantanan si Elijah. Si Elijah ang may ayaw na iwan ka. Sobra sobra ang pagmamahal niya sayo!”
Alam ko. Alam ko kaya nga mas lalong masakit. Sobrang sakit na pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa sakit.
“Sobra sobra din ang pagmamahal ko sa kanya kaya ko ito gagawin, Clau.”
HIndi ko tinahan si Claudette. Kusa siyang nagpunas ng kanyang luha. Ni hindi ko siya matignan. Ako ang puno’t dulo ng gulo sa pamilyang ito. Kung tutuosin, dapat ay ako ang umalis at mawala. Kung may matatakbuhan lang ako bukod sa impyerno ay matagal na akong kumaripas.
“Sigurado ka na ba talaga? Masasaktan mo siya.” Aniya.
“Nasaktan ko na siya. At oo, masasaktan ko ulit siya, Claudette pero panandaliang sakit lang ito kumpara sa maidudulot ko sa kanya at sa buong pamilya pag naging makasarili kami.”
“But Klare-“
“Do you think I’m in love with the thought of hurting him? Akala mo ba nasisiyahan ako sa mga nangyayari? Akala mo ba madali sa akin ang lahat, Clau? Alam mo kung ano ‘yong madali? ‘Yong higitin na lang si Elijah palayo sa bahay na ito at tumakbo palayo sa inyo. Iyon ang madali. Pero pinili ko itong masakit dahil ito ang tama. Ayaw kong maging makasarili siya dahil sa akin. Pipiliin kong masaktan sa ganitong paraan kesa sa masaktan kayong lahat.”
Nasa gilid ng mga mata ko ang mga luha pero hindi sila bumubuhos. Syempre, ilang araw na rin akong ganito at ilang araw ko na rin itong iniisip.
“Ang madaling gawin ay ang iwan na lang kayo at mahalin siya. Effortless, Claudette. You get that? But it’s wrong! And I want to love him right!”
Tumikhim si Claudette at tiningnan ang panyo niyang hinahawakan. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang paparaming tao sa aming bahay. Tumayo si Claudette at nagpaalam para lumabas. Tumango ako at hinayaan siya.
Kumalabog ang puso ko nang nakita ang mga kamay ng relo. It’s time. Hindi ako nagkamali. Isang iglap lang ay kinatok na agad ako ni mommy.
“Klare, lumabas ka na.” Aniya.
I didn’t move. Mabilis na pinihit ni mommy ang doorknob. For some reason, hindi niya agad iyon nabuksan. Pinanood kong gumagalaw ang doorknob hanggang sa bumukas ang pintuan at nakita ko siyang mabilis ang hininga.
Tinakpan niya ang kanyang bibig at nakita kong may luhang lumandas sa kanyang pisngi. That was weird. Suminghap siya at inayos ang sarili.
“What a-are you waiting for? N-Naghihintay na ang mga tito mo.” Pinasadahan niya ako ng tingin. “H-Hindi ka nagbihis? Nevermind… Let’s go.” Aniya at bakas parin ang pamumutla sa kanyang mukha.
Umiling ako at may napagtanto. Madaling mahulaan si mommy. Siguro ay naisip niyang may ginawa akong mali, like slitting my wrist or drinking poison. Pakiramdam ko inisip ni mommy na ganon nga ang ginawa ko dahil sa depression. Pangatlong beses na iyon nangyari simula nang nalaman niya ang tungkol sa amin ni Elijah. Parang nagkakapanic attack siya tuwing binubuksan ang pintuan.
Tumayo ako at lumabas. Pagkarating sa sala ay bumungad agad sa akin ang naka salampak sa sofang si Elijah. Nakatingin siya sa patay na TV. Kulay grey ang kanyang jacket at parang papasyal lang kung saan. Katabi niya si Kuya Justin at sa likod niya, nakatayo si Ate Yasmin.
Malungkot akong tinitigan ni Ate Yas. What can I say? I’m glad they’re all here? No. I’m not glad.
Pinasadahan ko ng tingin sina Erin, Chanel, at Claudette sa kabilang sofa. Parehong tulala. Si Rafael naman at Azi ay nakatayo malapit sa bintana. Si Josiah at Damon ay nag uusap sa movie room. Nakaupo sa dining table ang mga tito at tita ko. Kumpleto silang lahat ngunit wala akong makitang bahid ng kasiyahan dahil sa katotohanang iyon.
“Tito…” Sabay kuha ko sa kamay ng pinakamalapit sakin na si Tito Az.
Hinawi niya agad ang kanyang kamay. Ayaw niyang mag pa mano sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari. Narinig kong suminghap si Azi sa malayo at nagmura. Umangal ang kanyang asawa na si Tita Claudine.
Ang kanina pang nangingilid na luha ay bumuhos na sa pisngi ko. Hinila ako ni mommy at pinaupo sa gilid niya.
“Azrael, wag ka nga-“
“We need to clear things out.” Matigas na sinabi ni Tito Az. “Walang makikipag relasyon sa inyo ng family member. That is the rule of man, the rule of everyone.”
Nag iwas ako ng tingin sa kanilang lahat. Palihim kong pinunasan ang aking mga luha. That was a blow! Dammit!
“I am disappointed, Klare.” Ani Tito Az.
Hindi ako kumibo. Nagkasundo na kami ng sarili ko. Hahayaan ko sila sa kung anong hinanakit na sasabihin nila. Hahayaan ko sila hanggang sa pagsasalitain nila ako.
“Ikaw ang babae, ikaw ang umiwas.”
“Tito, umiwas siya-” Singit ni Elijah.
“Shut the hell up, Elijah!” Sigaw ng kanyang daddy.
Pumikit ako at nagdasal na sana ay matapos na ito. Alam kong imposible. Simula pa lang ito.
“Stop defending her!” Ani Tito Exel na daddy ni Elijah.
“I said I’m in love with her, dad! Hindi iyong siya-“
“ELIJAH!” Pigil ng kanyang daddy.
Nakita kong nilapitan na ng mommy ni Elijah si Tito Exel. Lumapit din sina Tita Claudine sa kanya. I’m scared. I hope Elijah would just stop talking. Si Tito Exel ang eldest sa mga kapatid ni daddy, siya ang pinakamatanda. Hindi ko alam kung malusog pa ba siya pero sa inasta ni Tita ay mukhang hindi. Inaalala nila ang kanyang kalusugan.
“Elijah, will you just listen and stop talking?” Ani Ate Yasmin sa kapatid niya.
Natahimik kaming lahat. Naghintay ako sa susunod na atake nila sa akin.
“Klare, what happened? Pareho kayong Montefalco. You are cousins! Magkadugo kayo. Alam mong hindi pwede. Batas ng Diyos at sa batas ng tao mismo, hindi kayo kailanman magiging pwede. Hindi ba kayo kinilabutan?” Ani Tita Claudine.
Malumanay siya at nakakapagkalma. Hindi ko siya tiningnan. Ang sahig na lang ang tanging kaibigan ko sa ngayon.
“Of course kinilabutan sila, mom.” Ani Azi. “Obvious ba? Kinilabutan nga tayo!”
“Azrael!” Ani Tito Az.
Kinagat agad ni Azi ang kanyang labi at tumingin siya sa labas ng bintana namin.
“My point is, kung alam niyong bawal, mali, bakit niyo pinagpatuloy? Why did you two nurture the feelings? Sana, nang naramdaman mo ito, Elijah, umalis ka na lang kung hindi mo maiwasan si Klare. At ikaw, Klare, sana ay umiwas ka na lang kay Elijah-“
“Claudine, let’s get to the main point. I don’t want to hear all the dramas about my son and their daughter!” Ani Tito Exel.
“Claud, mas mabuti pa nga.” Sabay tingin ni daddy sa akin. “Napagsabihan na namin ni Helena si Klare. Naiintindihan niya. She knows what to do. We did not raise her like that-“
“What do you mean, Lorenzo? Na pinalaki namin si Elijah na ganyan? That’s a next step to bestiality!” Ani Tito Exel!
“EXEL! You are being harsh!” Sigaw naman ng mommy ni Elijah.
Lumipad ang paningin ko kay Elijah na ngayon ay nakapikit at pinagdugtong ang mga daliri sa kanyang kaliwang kamay sa kanan habang humihilig dito. Nagtitimpi siya. Alam kong nagtitimpi siya. Sana ay manatili siyang ganyan. Magulo na ang lahat at nag aaway na! Ni wala pa kaming sinasabi at ginagawa ay halos mag away na ang dati’y malapit na magkapatid. Daddy and Tito Exel, ang Tita Beatrice na mommy ni Elijah at si Tito Exel mismo.
“Don’t be harsh to your son and to Klare! Anong magagawa natin sa dalawang ito kung ganon ang nararamdaman nila? Leave it alone! Feelings fade, anyway! Stop overreacting!” Sabay tingin ni Tita Beatrice sa akin.
Napalunok ako.
“Klare…” Nakakapanindig balahibong tawag ni Tita Beatrice sa akin.
Elijah got most of his features from his dad, kahit iyong mga mata niya. Pero ngayong kaharap ko si tita Beatrice, napagtanto kong nakuha niya kay tita ang kanyang gilas.
“What are your thoughts?” Tanong niya.
Hindi ako umimik. Hinayaan kong magsalita ang umaambang si Ate Yas.
“Dadalhin namin si Elijah sa States-“
“No way. I’m staying here.” Ani Elijah.
Nakaawang ang bibig ni Ate Yasmin at tiningnan niya ang nakapikit paring si Elijah habang hinihilig ang ulo sa sofa at pinaglalaruan ang kanyang gold na kwintas.
“Klare, anong sasabihin mo?” Ulit ni Tita Beatrice.
Pumikit ako at suminghap. “Iiwasan ko po si Elijah.”
“WHAT A LOAD OF CRAP-” Ani Elijah na nilapitan ni Rafael at halos suntukin.
Pinigilan ni Josiah si Rafael. Sabay sabay na nag ilingan ang mga tito at tita namin habang nanggagalaiting tinuturo ni Rafael si Elijah.
“Heard it, respect it! Tangina mo, you are one selfish asshole!”
“Raf!” Tumayo si Chanel at tumulong sa paglayo kay Rafael.
Nag igting ang bagang ni Elijah. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ito. Hindi ko rin alam kung saan ako humugot ng mga salita para masabi sa kanilang lahat ito.
“I love him, po. Hindi ko iyon idedeny.” Sabi ko at agad dumilat si Elijah at tumingin sa akin.
“I love her, too. Now tell me what’s wrong-“
“What’s wrong is your love for each other, Elijah! Iyon ang maling mali! Iyon ‘yon kaya tumahimik ka!” Ani Erin.
“This is not a question of who loves who. There is no question here, son.” Ani Tito Exel kay Elijah. “Ang tanging tama at ang kailangan niyong gawin ay ang itigil ang kahibangang ito. Incest is evil. Loving her is evil.”
“I never thought I was an angel, dad.” Ani Elijah.
“Ej, stop answering. Just listen.” Anang mahinahon na si Kuya Justin.
“But Klare isn’t evil.” Dagdag ni Tita Beatrice sabay tingin sa akin.
“Surely, my daughter isn’t evil.” Sabay tingin ni daddy sa akin. “Kuya Exel, I raised her and I know her. Klare will choose what is right. And you heard her. Let’s all trust her.”
Tumingin silang lahat sa akin. I knew it! It’s all up to me!
“Yes po. Umasa kayo sa akin. Hindi na po ako uulit. I’ve learned my lessons. Incest is evil.” Inulit ko iyon na parang robot. “At mas importante po sa akin ang pamilya natin. Bata pa po kami ni Elijah, I will find someone else soon, he will too. We can all move on from this.” Sabi ko. “Alam ko pong hindi ito maiintindihan ni Elijah, pero sa oras na maging okay na ang lahat at maka move on na tayo, doon lang niya maappreciate ‘yong desisyon ko. Sa tingin ko ito talaga ang tama. Mali na minahal ko siya at mali rin na mahal niya ako. Mali rin na hinayaan ko ang damdamin namin. Pinagsisisihan ko po ang lahat ng namagitan sa aming dalawa.”
Tumayo si Elijah habang nagsasalita ako.
“Alright. I’m done. We’re done. Happy now? Hindi ko na siya guguluhin o gagambalain. Hindi rin ako aalis. I’ll stay here and date all the girls that I want except for her. Makakaasa kayong lahat. Makakaasa ka, Klare.” At umalis.
Sumunod si Azi sa kanya. Bumagsak ang mata ko sa aking mga kamay. Yes, Elijah. Hate me, baby. Hate me, alright?
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]