Until He Was Gone – Kabanata 46

Kabanata 46

Allowed

“No…” Umiling si Elijah ngunit hindi niya ako napigilan.

Hinawi ko ang kanyang malalambot na kamay nang dumapo iyon sa magkabilang balikat ko para pigilan ako sa pag alis.

“No, Klare… No, no, no!” Aniya habang sinusundan ako.

Napatalon si Rafael at si Damon nang nakita ako. Mukha silang nagbabantay doon sa sala para walang makapasok sa bahay nina Elijah habang gumagawa kami ng scene sa CR.

“No, baby, baby, please…” Hinawakan ulit ni Elijah ang siko ko kaya binagsak ko ang braso ko at hinarap siya.

“Stop it! I want to leave!” Sabi ko kahit na wasak na ang puso ko sa kakatingin sa mga luha niya. “We can’t be…”

Sana ay tama ang pagyakap sa kanya ngayon at ang pagpunas sa kanyang luha. Sana ay tama kung hawakan ko ang pisngi niya at ilagay siya sa aking balikat para damhin ang mabilis na pintig kanyang puso, pakalmahin para tumahan. Sana ay tama kung sabihin ko sa kanyang mahal ko siya at kaya namin ‘to. Kasi kung tama iyon, gagawin ko ang lahat para lang maging kami. Ngunit hindi iyon tama. At kailanman, hindi iyon magiging tama.

Tinalikuran ko ulit siya ngunit hinawakan niya ang braso ko at hinila niya ako patungo sa kanyang mga bisig. Binalot niya ako ng kanyang braso sa harap nang nanlalaking mga mata ni Damon at Rafael. Niyakap niya ako galing sa likuran at ibinaon niya ang kanyang basang pisngi sa aking leeg. Nag pumiglas ako kahit na nanghihina na. Bumuhos ang luha ko sa ginawa niya.

“Klare, Klare, hush… Please… Listen to me. We can get through this. We can do this together.”

Umiling ako at nawalan na ng lakas. Tumigil ako sa pagpiglas ngunit mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin. Iyon ang naging pinaka mahigpit niyang yakap. Para bang sa oras na kumalas siya ay hindi na ulit ako babalik, hindi niya na ulit ako makukuha. It was heartbreaking. Hindi ko kayang maramdaman iyon.

“Elijah…” Bumuhos ang luha ko at hinawakan ko ang kanyang braso.

“Stay.” Bulong niya sa leeg ko.

Shit! Dammit! I want to. Gusto ko na lang umupo sa kinatatayuan namin dahil sa panghihina. Gusto ko siyang sundin. Gusto kong maging tama ang lahat. I want to be with him. But this is all wrong.

“Elijah, hindi ako makahinga.” I lied.

Iyon ang tanging paraan para kumalas siya. Iyong malaman na nasasaktan na ako. Iyon lang talaga. And that is how he will let me go. That is how it should be. Dahil kung hindi ay hindi ko na alam kung paano.

“Elijah…” Dinig kong mahinahon na sambit ni Rafael habang nilalapitan si Elijah.

Lumayo ako at mabilis na pumalit si Rafael sa kinatayuan ko.

“Raf!” Umigting ang kanyang panga sa pagharang na ginawa ni Rafael sa aming dalawa.

Narinig ko ang tawanan sa labas. Mabuti na lang at walang ibang nakarinig. Wala na akong pakealam kung malaman man ng mga pinsan ko ang lahat ng tungkol sa amin ni Elijah. Alam ko namang hindi nila iyon sasabihin sa mga magulang namin.

Hinila ako ni Damon palayo sa kay Elijah na ngayon ay nakikipagtitigan at galit sa pagharang ni Rafael.

“Daan tayo sa main gate. Di ka mahahalata. Azi is waiting. Sina Chanel nasa party pa para walang makahalata-“

Naiiyak ulit ako habang tumatango. Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan namin si Elijah. Kinukurot ang puso ko at tinalikuran si Elijah.

“Damon!” Sigaw ni Elijah nang naglakad na kami ni Damon.

Lumingon ako at nakita kong nakahawak si Rafael sa kanyang panga. What? Did Elijah hit him?

Tinulak ako ni Damon. “Klare! Go!”

Nakita ko ang nakakaawang mga mata ni Elijah. Halos mag ugat ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko talaga kayang panindigan na gusto ko na siyang mawala. I can tell him that. But I will always look sad. Hindi ko parin kayang peke-in ang aking damdamin.

“Klare!” Sigaw ni Elijah nang nakarating na ako sa sala at nagmadali na ako.

“Fuck it, Elijah! Heard her, right? She wants you to leave! If the girl wants you to leave! Respect it! Kung gusto rin niyang umalis, respetuhin mo! Don’t be pathetic!”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Damon kay Elijah. Hindi ko na ulit narinig ang boses niya nang nakalabas ako sa bahay nila. Masikip na masikip ang dibdib ko habang tumatakbo palabas ng gate nila. Nakaabang na ang sasakyan ni Azi sa akin. Nakababa ang kanyang salamin at kitang kita ko ang gulat niyang mukha at namumutla niyang labi. Binuksan niya ang pintuan galing sa loob at agad na akong pumasok.

Inayos ko ang sarili ko at hindi na ulit siya tiningnan. Pinaandar niya ang kanyang sasakyan ng walang imik.

Habang nakikita na paalis na ako sa village nina Elijah ay hindi ko na naman mapigilan ang luha ko. Naalala ko kung paano niya ako tingnan kahit sinasaktan ko siya. I just want him to be harsh to me. I need him to be harsh to me.

Bakit kaya magagawa mo paring mag kwestyon sa mga desisyong alam mong tama? Bakit hindi parin buo ang loob ko sa desisyon ko? Kasi kahit na binitiwan ko na ang mga salitang masasakit kay Elijah ay hanggang ngayon nag dadalawang isip parin ako sa desisyon kong ito. But it’s the right thing to do. That’s the only reason. And it should be enough.

Napapaos ang boses ni Azi kaya umubo siya bago magsalita. “K-Klare, ayaw mo bang bumalik?”

Nilingon ko siya at nakita kong diretso parin ang titig niya sa kalsada. Dumaan ang mga repleksyon ng mga ilaw sa kanyang mukha at nakita kong namumutla parin siya. “No. Kung babalik ako, baka di na ako umuwi.” Pakiramdam ko iyon ang tanging totoo sa lahat ng mga sinabi ko ngayong araw.

Come to think of it, I’ve been lying for the past two days. Masarap sa pakiramdam ang magsabi ng totoo minsan. Kinagat ko agad ang labi ko. Dapat ay hindi ko iyon sinabi. Lalo na kay Azi.

“Why are you giving me that choice, Azi?” Tanong ko nang napagtanto kung ano ang ibig sabihin ng kanyang tanong.

“I don’t know… Coz Elijah’s hurt?” Nilingon niya ako.

Hindi ko inasahan na magseseryoso siya minsan. Umiling ako at ngumisi. Ngumingisi ako kasi hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

“Pabor ka ba sa incest?” Tanong ko.

Nag igting ang kanyang panga at hindi siya umimik.

Tumango ako. “Then don’t joke about that.”

“Elijah deserved an explanation-“

“I explained it to him, Azrael.” Sabi ko.

“You didn’t. I heard the conversation, Klare! Nakita kong nakasandal ang noo ni Elijah sa pintuan at halos magmakaawa sayo!” Galit niyang sinabi.

“Alam na niya! Alam niya na ganito ang mangyayari! Ayokong magkasiraan ang pamilya natin! Ayaw kong madungisan ang pangalan niya! I want him to be free from this! He deserved better! We’re too young!” Tinakpan ko ang bibig ko.

Hindi ko alam kung sinasabi ko ba ito kay Azi o sa aking sarili. Pakiramdam ko ay ineexplain ko sa aking sarili para maalala ko kung bakit ako nag desisyon nito.

“He’s in love with you!” Aniya at hinampas ang manibela nang dumaan kami sa tulay.

Nakita ko ang malawak na ilog ng Cagayan de Oro. Hindi ko kayang tingnan na seryoso si Azi. At hindi ko rin kayang marinig sa kanya iyong huling sinabi niya lalo na’t siya ang pinaka malapit kay Elijah.

“Alam mo, Klare? Noon pa man, naramdaman ko na na may espesyal sa pakikitungo niya sayo pero binalewala ko iyon dahil magpinsan tayong lahat! Pero ngayon? God!” Tumingala siya at naaninag ko na agad ang bahay namin.

I want him to stop talking. Pakiramdam ko’y kahit malayo ay maririnig kami ng mga magulang ko.

Itinigil niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng Montefalco Building.

“Ngayon ko lang napagtagpi tagpi ang lahat-“

Hindi ko na siya pinatapos. Padabog kong sinarado ang sasakyan niya. Hindi ko na kailangang marinig ang lahat ng iyan. I’ve suffered enough and I will suffer more from regrets, blame, what-ifs, and the past. Hindi ko na kailangang marinig pa ang lahat ng sasabihin niya.

Pinikit ko ang mga mata ko at tinakpan ko ang mukha ko sa loob ng elevator. Huminga ako ng malalim nang bumukas ito sa third floor. Sana ay tulog na sina mommy at daddy. It’s 11:30PM, anyway.

Binuksan ko ang pintuan at dahan dahan akong pumasok. Ilaw na lang sa sala ang nagbibigay liwanag. Huminga ulit ako ng malalim nang napagtantong nasa loob na sila ng kani kanilang kwarto.

Pumasok ako sa kwarto ko at naging tulala sa loob ng limang minuto. Hindi pa nag si-sink in sa akin lahat ng nangyari. Iyong mga sinabi ko kay Elijah. Iyong pag yakap niya sa akin. Halos mag makaawa na siya. Naiisip ko kung paano pumungay ang mga mata niya buong panahong binabantaan ko siyang iiwan ko siya. At sa bawat pagtawag niya sa akin ng ‘baby’, halos isumpa ko ang sarili ko.

Umupo ako sa kama at napatalon ako nang may tumawag sa cellphone ko. Noong una ay buong akala ko si Elijah iyon. Nang nakita kong si Chanel ang tumatawag ay bumuntong hininga ako. I want him to rest for tonight. I want him to just sleep in his room and forget about what happened. I want him to dream of good things and forget me, even just through sleep.

Alam kong sa sinabi ni Damon ay malamang natauhan siya. Lumunok ako at sinagot iyong tawag.

Nanginginig ang boses ni Chanel habang tumatawag. Ginapangan ako ng kaba.

“Klare, p-papunta na si Elijah diyan.” Aniya.

Naririnig ko si Josiah sa background na nag mumura.

“Hindi namin siya napigilan. We are chasing him right now. Don’t worry about our friends. Wala silang alam sa nangyayari. Si Erin at Claudette na ang nag- Oh my God! He’s outside your house!”

SHIT! Pinatay ko agad ang cellphone ko. Pinatay ko rin ang ilaw ng aking kwarto at gumapang ako sa aking kama. Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Dahil masyado nang tahimik ay narinig ko agad ang doorbell namin.

Nagkabuhol buhol na ang utak ko. Shall I open the door? Or just stay here? Pero bago pa ako nakapag desisyon ay narinig ko na ang pagbubukas ng pintuan sa malayo.

Hindi ko alam kung sino ang nag papasok sa kanya. Was it dad? Mom? Manang? Ewan ko. Sana ay si manang na lang.

Narinig ko ang mga yapak. Mariin akong pumikit hanggang sa may kumatok sa pintuan. “Klare, open up.” Napapaos at pabulong na boses ni Elijah.

“Go away.” Sabi ko.

Hindi siya umimik. Narinig ko na lang ang marahang pagkalabog ng pintuan. He’s still outside. Siguro ay humihilig sa aking pintuan.

“Elijah, leave me alone.” Mariin kong sinabi.

Hindi ulit siya umimik. Tumingin ako sa aking pintuan, kahit madilim ay kitang kita ko ang repleksyon ng ilaw sa labas sa tiles.

“Yup. I’ll leave. I just want to calm myself down. Give me a minute.”

Suminghap ako sa kanyang sinabi. I thought he’ll fight. Akala ko ay pumunta siya rito para ipagdiinan sa akin na gusto niya akong makausap. Totoong ayaw ko muna siyang makausap, ngunit ang marinig sa kanya na aalis din siya ay masakit din pala.

Kinilabutan ako nang narinig ang boses ni Daddy. “Klare?” Narinig ko ang kanyang yapak.

Hindi ako sumagot. Ngunit nanlaki ang mga mata ko. Nagising si daddy at silang dalawa ni Elijah ang nasa labas?

“Klare, Elijah’s here. Sinabi niya saking nag away kayo and he wants to apologize.” Singhap ni daddy.

Hindi ako umimik. Will it be safer if I just pretend that I’m asleep?

“Klarey?” Tawag ni daddy sa akin. “I know you’re awake. Kakapasok mo lang sa kwarto. At hindi ito ang unang beses na nagpanggap kang tulog.”

Napaupo ako sa aking kama. Oh shit! I should just really pretend that I’m asleep.

“If you’re asleep then I’ll open the door and check on you-“

“Dad, paki sabi kay Elijah na bukas na kami mag uusap.” Sabi ko.

“Oh? So you are awake. Harapin mo na itong si Elijah nang makauwi na ito. Just talk and it’s done. Malaki ba ang away niyo, Elijah?”

“No, tito. Just… a small argument. I’ll leave now. Okay lang.”

FUCK! Fuck the small argument, Elijah! Just… Kinagat ko ang labi ko at tumayo na. Narinig ko ang mahinahong boses ni mommy sa labas. Maging siya ay nagising sa pagpunta ni Elijah.

“Elijah, ba’t kayo nag away? Sorry kay Klare, medyo mahirap intindihin madalas ang batang ito.” Ani mommy.

Lumapit ako sa pintuan. I want to hear everything clearly.

“Okay lang, tita. It’s my fault. I just… just… I think I’ll go.” Ani Elijah.

“No, Elijah, wait.” Ani mommy.

Tinakpan ko ang bibig ko nang nakalapit na ako ng husto sa aking pintuan. Isang dangkal na lang ang agwat ko sa pintuan at dinig na dinig ko na sila.

“Klare? Wag kang mag inarte. Elijah is tired. Gusto ka lang niyang makausap.” Medyo mariing sinabi ni mommy.

“Calm down. Let your daughter deal with this-“

“No, Klare!” Kumalabog ang pinto sa sapak ni mommy.

“Mom! Please understand. Pwede bang hayaan niyo munang humupa ang galit ko sa kanya?”

“Ano bang ikinagagalit mo sa kanya?”

Oh great God, please forgive me! Bakit kailangang mangealam ni mommy at daddy sa away namin ni Elijah.

“Elijah, what’s wrong?” Medyo tumaas ang tono ng boses ni mommy.

Tumataas ang boses ni mommy sa amin ni Charles ngunit hindi ko pa kailanman narinig ang ganong klaseng galit sa boses niya. It’s like she figured something out from all of there…

“Mom, nothings wrong!” Utas ko.

“Elijah?” Tanong ni mommy.

“Tita…” He trailed off.

SHIT! SHIT! SHIT! I know he’s not afraid of anything! Alam kong kaya niyang isugal ang lahat para sa akin pero nandito ako para sumugal sa aming dalawa, para hindi siya masaktan, hindi siya masira. He’s not going to tell mommy and daddy… No!

Binalot kami ng matinding katahimikan. Tinakpan ko ang bibig ko habang pumapatak ang luha ko. Bangungot. Iyon lang ang tangi kong naisip sa mga sandaling iyon.

“Tita, I’m in love with Klare!” Napapaos na boses ni Elijah.

Humagulhol ulit ako. When will this end? Dalawang kamay na ang nakatakip sa bibig ko habang sinasandal ko ang noo ko sa pintuan. Elijah, don’t do this. Don’t do this…

“N-No… you’re not in love with your cousin.” Sabi ni mommy. “NO!” Sumigaw si mommy at narinig ko ang palakpak ng isang sampal.

Napahawak ako sa pintuan. OH MY GOD! What will I do?

“Elijah! Bawiin mo ang sinabi mo!” Sigaw ni daddy.

Narinig kong sumigaw si Daddy at may kumalabog. Hindi ko na kaya. I’m not going to let anyone hurt him. Oo, wala akong karapatang sabihin iyon dahil ako mismo ay nanakit sa kanya. But this is too much. If he’s going to be hated for this, then I will be hated for this, too.

Binuksan ko ang pintuan at agad akong niyakap ni mommy. Nakita kong kinwelyuhan na ni daddy si Elijah. Hindi ko inakalang magiging mahinahon ang mukha ni Elijah habang kinikwelyuhan siya ni daddy.

“Dad!” Sigaw ko ngunit mahigpit ang hawak ni mommy sa braso ko.

Napatingin ako sa mga daliri niyang halos manuot sa aking balat dahil dahil sa hugpit ng higit. Kumalabog ang puso ko. Pakiramdam ko ay aalis na ito sa aking dibdib. Sana nga ay umalis na lang ito para wala na akong maramdaman.

“I’m sure my daughter doesn’t feel the same, Elijah!” Sigaw ni daddy.

Tumango si Elijah at pumikit. “Yes, tito. I’m sorry.”

“Magpinsan kayong dalawa! Magkadugo! For God’s sake, how?” Nanggagalaiti si Daddy.

“I don’t know tito. I’m just… really-“

“Elijah, magkadugo kayong dalawa.” Singit ni mommy.

“Alam ko, tita.”

“We did not raise Klare like that! Bad influence ka! You don’t deserve her! At talagang hindi kayo pwede! That’s wrong! What you are feeling is wrong! It’s against the laws and the Church!” Sigaw ni Daddy. “I am disappointed, Elijah. Very disappointed with you.” Ani daddy habang umiiling kay Elijah.

“I’m sorry, tito.” Ulit ni Elijah.

Nanlaki ang mga mata ko. He’s going to take all the blame for this? Magsasakripisyo siya sa akin kahit noong una ay ako iyong may balak na magsakripisyo para sa kanya? Bumagsak lalo ang kanyang mukha. At mas lalo ring piniga ang puso ko.

“Leave! Your dad will hear about this!” Ani daddy.

Binitiwan ni daddy ang kwelyo ni Elijah. Walang pag aalinlangang pumihit si Elijah para umalis. Humagulhol ako.

“Dad!” Tawag ko. “Elijah!”

Hindi ko na alam kung sino ang uunahin ko. Hindi ko na mahanap ang mga tamang salita. Nang nakawala ako kay mommy para sundan si Elijah ay si daddy naman ang humila sa akin. Nakalabas na si Elijah nang hinarap ko si daddy at mommy.

“I am in love with him, too!” Sabi ko.

Lumipad ang kamay ni mommy sa kanyang bibig at nanlaki ang mga mata ni daddy.

“I love him more than I’m allowed to love him! Kaya bitiwan niyo ako! Hindi siya ang may kasalanan! Kundi ako!” Sigaw ko sabay hawi sa kamay ni daddy sa aking braso ngunit mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: