Until He Was Gone – Kabanata 45

Kabanata 45

Gone

Marami kami sa loob. May mga pagkain at may mga regalo sa mesa. Binati agad ako nina Julia, Hannah, at Liza. Kumakain na sila galing sa mga pagkaing nakahain.

Narinig ko agad ang footsteps ni Elijah pababa ng kanilang hagdanan. Kinabahan agad ako. Mabuti na lang at nandito si Erin at Damon sa gilid ko habang kumakain na rin.

“Magkakaroon tayo ng games, a? Wag kayong KJ!” Ani Chanel.

“Beerpong?” Tanong ng boyfriend niya.

“Saka na ‘yon. Flipcup at parlor games na muna.”

Nag kwentuhan ang mga tao, syempre, tungkol sa Christmas vacation nila. Nagtatawanan ang lahat ngunit wala akong maramdaman kundi kaba sa mga titig ni Elijah sa akin. Ni hindi ko siya binabalingan.

“Si Eion.” Narinig kong bulong ni Liza.

Nakita kong humahakbang si Eion sa harapan ko at binati ang mga kaibigan nina Josiah. He’s different. Parang may nag iba sa kanya. He looked happier. Naka puting v-neck t-shirt siya at naka maong pants lang at nakikipag high five sa mga kaibigan ni Josiah. It’s easier to love Eion. Walang sabit. Masasaktan ka pero mababaw lang ang mga sugat. Unlike the love I have for Elijah, extreme and too much. It’s scary.

“Klare, you want some cake?” Napatalon ako nang tumayo si Elijah sa harap ko na may dalang slice ng cake sa kanyang kamay.

Kita ko ang titig ni Damon at Rafael sa akin habang ginagawa niya iyon. Si Erin at Chanel ay nagngungusuan habang lumilinga linga naman si Claudette para suriin ang mga tingin ng ibang tao.

“Thanks.” Sabi ko at kinuha ang cake na binibigay niya.

“Gusto mong umakyat sa veranda?” nakangisi si Elijah.

“Uh, no. Mas gusto ko dito.” Sabay tingin sa mga tao.

“Hmm… Alright.”

“Elijah! Elijah! Picture muna kayo nina Hannah, please?” Sabay hila ni Erin kay Elijah patungo sa readyng ready na sina Hannah sa malaking christmas tree nina Elijah.

Natagalan sila sa pag pipicture. Marami ang nakisali. Mas mabuti iyon para ma divert ang atensyon ni Elijah sa kanila.

Pagkatapos ng kainan ay lumabas kami para maglaro ng parlor games at iba pang mga plano ng mga kaibigan ni Chanel. I felt completely useless. Hindi ako masyadong pinaglalaro nina Erin at Chanel habang si Elijah naman ay laging present sa mga laro.

Maraming inihanda si Chanel na parlor games. Nag hubad na ang ilang boys dahil sa pawis na natamo sa parlor games. Pinanood kong sumayaw ang dog tag na suot ni Elijah nang hinubad niya ang kulay puying t-shirt.

“Ang last bago tayo mag beerpong ay ang Newspaper Dance!” Tumawa si Chanel.

“You suck, Chanel!” Ani Josiah sa kanyang disappointment.

Tumawa ako. Nakainom na rin kasi sila dahil may dalawang larong nangailangan ng pag inom ng alak. Iyong Flipcup at ‘yong imbentong laro ni Chanel na pabilisang makainom ng Jack Daniels ng isang grupo habang sinasabi ang ‘Merry Christmas’.

Pulang pula na ang mga girls. Napansin kong mapupungay na ang mga mata ni Hannah. Ang sabi niya ay susunduin naman daw sila ng kuya niya. Ang iba ay mag o-overnight kina Elijah, ang iba naman ay uuwi. Hindi pa namin napag paplanuhan ang pag o-overnight ko dito. Ni wala akong dalang damit. Ang sabi ni Erin ay mag o-overnight lang ako kung maganda ang kalalabasan.

“Sige na, come on! Find a partner! Dapat boy and girl, a?” Ani Chanel.

Nagtaas ng kamay si Elijah. “Akin si Klare!”

Nakita ko ang awkward na pagkakaestatwa ni Chanel sa kundisyon ni Elijah. Umiling na agad ako. No. I can’t. No, I won’t. Nilingon ako ni Elijah at kumunot ang kanyang noo nang napanood ang pag iling ko.

“No, I’ll pass.” Ngumisi ako.

“Ayaw niya, Elijah. Find another.” Ani Chanel.

“How about Hannah?” Sabay tulak ni Erin kay Hannah.

“Uy! Ano ba!” Nangingiting sinabi ni Hannah.

Nakapirmi ang titig ng nakakunot noong si Elijah sa akin. He wants me. But we can’t do it. Nag iwas ako ng tingin.

“Hannah, then!” Sabi ni Chanel at pinukaw na ang iba para makahanap ng partner.

Nginitian ni Hannah si Elijah habang pumupwesto sila sa harap ng newspaper. May sinabi si Hannah kaya naagaw niya ang titig ni Elijah sa akin. Lumunok ako. This will happen eventually. He deserves to fall in love with someone who won’t sink him. Hindi sakin. Dahil habang minamahal niya ako, unti unti siyang madudurog. Mali ako, hindi ako iyong mag se-self destruct sa pagmamahalang ito kundi siya. Pag nawala siya, ako ang mag se-self destruct. Pag nagpatuloy naman kami, siya naman ang mawawasak. I don’t love my self that much anymore. I don’t mind if I self destruct. All I care about is his future. That’s probably what love is all about. Unconditional and considerate. I wish it was easy, but I figured it will never be.

“Sige! Pag umandar ang music, sayawan! Tas pag stop, step agad sa newspaper!”

Sinimulan nila ang laro. Nagtawanan kami habang nagsasayawan ang lahat ng kasali. Sinabi pa ni Chanel kung ano ang premyo para mas lalong ganahan ang lahat!

Sa unang beses ay natigilan si Elijah nang sabay silang tumungtong ni Hannah sa newspaper at napahawak si Hannah sa kanyang dibdib. Gulat na gulat si Elijah sa titigan nilang dalawa. Hindi ko kinaya at nag iwas na lang ako ng tingin.

“Okay! Lahat naman pasok!” Sabi ni Erin.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na unti unting naghiwalay ang lahat ng kasali. Tumingin ulit ako sa kanila. Nakita kong tumingin ulit si Elijah sa akin. Para bang pinapanood niya ang reaksyon ko. Pinilit kong ngumisi at manatiling normal. I need to encourage him to do that with Hannah.

“Klare, want to go home?” Tanong ni Claudette. “Inuman na rin nman pagkatapos nito. I’ll ask Kuya Azrael to bring you home.”

Umiling ako. “I’m okay, Clau.” Utas ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong sa pangalawang pagkakataon ay nagkalapit ang dalawa. Hinawakan ni Elijah ang baywang ni Hannah para supportahan ito sa pagtungtong nila sa newspaper. Oh I can leave now and just let them do that.

Nilingon ko si Claudette, “Pwedeng si Damon na lang ang maghatid sa akin? I don’t trust Azi that much, Clau. And… bathroom lang.” Sabi ko sabay tayo.

“Oh, Elijah? Pasok pa naman kayo! San ka pupunta?” Narinig kong sinabi ni Chanel sa kanya.

“Oh shit, Klare!?” Sigaw ni Erin sa likod.

“Okay, okay! Ipagpatuloy ang game!” Sabi ni Chanel sa likod.

I knoooow! I know he’s behind me! Mabilis akong naglakad papasok sa bahay nila at dumiretso na ako sa CR. Dammit! Sinarado ko agad ang pinto ng CR. Humilig ako sa pinto at tumingala. He’ll be here, I’m pretty sure of that.

“Klare?” Kumatok si Elijah.

I cleared my throat, I need to sound as normal as possible.

“Yup? Elijah, bumalik ka na don. I’m peeing.” Utas ko.

“Klare, baby, are we okay?” Nabasag ang boses niya.

Kinurot ang puso ko sa tanong at sa pagkakasabi niya nito. Pumikit ako at kinagat ko ang aking labi para hindi tumakas ang tinatago kong hikbi.

“What are you talking about? Of course we are okay!” Matapang kong sinabi at agad kong tinakpan ang bibig ko para hindi lumabas ang hikbi.

“Then please, open the door, Klare. I want to see you.” Narinig kong bahagyang kumalabog ang pintuan ng CR.

“Umiihi ako.” I lied.

“I’m waiting.”

“God, Elijah! Please?”

Bumuhos na ang luha ko. Napaupo na ako habang sumasandal sa pintuan. Hindi ko na kaya. I can’t do this to him. Kung sasaktan ko man siya ay kailangan niyang malaman ang dahilan. I don’t wanna be unfair to him. I don’t want to hurt him more through lying!

“Klare…” Mahinahon niyang sinabi. “Naririnig ko ang mga hikbi mo. Open the goddamn door or I’ll push this!”

Oh shit! Dammit! Pag sinabi niya ay gagawin niya.

“Elijah…” Humikbi ako. Hindi ko na maitatago ang luha at pag iyak ko. “Give me a minute, please.”

Hindi siya umimik. Natatakot akong bigla niya na lang itulak ang pinto para lang mabuksan ito. Tumayo ako kahit nangangatog ang binti ko. Umupo ako sa inodorong saradi at pinasadahan ng palad ang aking mukha. I screwed everything!

“Don’t open the door! Masasaktan mo ako. Humihilig ako sa pintuan ngayon.” I lied again.

“Okay, baby.” Halos bulong na lang ang narinig ko.

God! This is hurting me more. Gusto kong maging malupit siya sa akin. Pero paano siya magiging malupit kung wala siyang kamuwang muwang? I don’t deserve the tenderness of his voice. Damn, I don’t even deserve to be called ‘baby’ at the moment!

“Elijah? Anong nangyari?” Narinig ko ang tanong ni Claudette galing sa labas.

She wasn’t alone. She was with one of my cousins. Pamilyar na mausisang boses ni Rafael ang bumalot.

“Uuwi na si Klare, diba? Ihahatid ko na?” Ani Rafael.

“What? No! Just… please can you leave us?” Ani Elijah.

Pinagsalikop ko ang mga daliri ko at sinandal ko ang noo ko sa kanila. Lord, please, understand that I am going to hurt the love of my life to abide Your Will. I am not going to lie to myself. Alam kong mali ito. Gaya ng sabi nila, sa mata ng Diyos at sa mata ng tao. If ever, one day, I’ll regret this… I will take all the blame. Hindi sa mga tao, hindi sa Diyos. This is my decision. I wanted to just hug him tight and run away with him but I will choose to protect him, to protect our name, to protect our family. I will never blame anyone for this. I can only blame myself.

“Azi, will you just fuck off?” Dinig kong sigaw ni Elijah sa labas.

“Huh? Anong meron? World War 4? 5? 6? 7? 8? Whatever?”

“Kuya Azi, let’s go.” Sabi ni Claudette. “Rafael…”

Their voices faded. Thank God for Claudette! Pero alam kong hindi matatahimik sina Erin at Chanel hangga’t hindi kami nasusundang dalawa. I need to make this fast. Hurt him fast. Break it to him fast!

Pero paano iyon? Mahaharap ko ba siya? Just the sound of his voice makes my heart melt in pain. Paano na lang kung magkaharap na kami? Paano kung umiyak siya? I’m going to run into his arms and just hug him tight, assure him that everythings alright. No, Klare. We need to fight the feelings! You need to!

“Klare? Are you jealous? May nagawa ba akong mali ngayong gabi? ‘Nong nakaraan? Did I hurt you?”

“Elijah, sinong nasa labas?” Binalewala ko ang tanong niya.

“I’m alone. C-Can I open the door?”

Umiling ako. “NO! Stay there. Gusto ko lang na marinig mo lahat ang sasabihin ko.”

Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang magsalita habang humihinga ng ganito ka bigat. Am I going to survive this confrontation? God, is it even a confrontation? It’s not! I’m a coward for hiding in here!

“Elijah, we need to stop.”

Gusto kong makuha niya iyon. Hindi na muna ako nagsalita. Hindi na rin siya nagsalita. Gusto kong mag sink iyon sa kanyang utak. Comprehend, Elijah.

“Come again, baby? I heard you wrong.”

“DAMMIT, ELIJAH! I said I want us to stop!”

Humagulhol na ako. Tumindig ang balahibo ko nang narinig ko ang sarili kong pag iyak. Umalingawngaw iyon sa buong CR. Tinakpan ko ang bibig ko. It reminds me of the funerals I’ve been. Iyong iyak ng taong namatayan.

“Di kita maintindihan, Klare.” Aniya.

Halos isigaw ko na ang lahat ng mura sa utak ko. I didn’t want to curse at him. I want him to comprehend everything in just one statement! Dahil hindi ko na kayang magpaliwanag.

“Klare, open the door.” Aniya sabay kalabog ng pintuan.

Napatalon ako sa ginawa niya. Tumayo ako kahit nanginginig ang binti ko. I need to make this explanation fast!

Elijah, please hate me. Please, just hate me. Please, I want you to just hate me.

“Elijah! Stop doing that! Listen!” Sigaw ko. “Kailangan na nating tapusin ‘to-“

“Baby, you are just jealous. Take that back-“

“No! I’m not! Hell, I’m not! This is my decision! Itigil na natin ito. Please, itigil na natin ito.” Humikbi ako. “Mommy and daddy will get hurt! Sina tito at tita rin! Si Ate Yas at Kuya Just! Silang lahat, masasaktan natin! This is wrong from the very beginning! Mali na tinolerate ko ang damdamin mo! I’m sorry!”

“Klare, it doesn’t matter-“

“It doesn’t matter to you! But it matters to me! Stop being selfish! Let’s face the effing truth! Mag pinsan tayong dalawa! Bawal magmaghalan ang mag pinsan ng ganito! This is all forbidden! I can’t… I can’t fight for you! I can’t fight for us!”

“Dammit!” Sigaw niya at tinulak na ang pintuan.

Kumalabog ang pintuan at nanlaki ang mga mata ko nang tumambad si Elijah sa aking harap na pulang pula ang mga mata. Mabilis ang kanyang hininga at hinanap agad ng kanyang mga kamay ang aking braso. Hinawi ko ang mga kamay niya.

“We can’t be seen or heard, Elijah!” Sinubukan kong tumakas sa CR ngunit hinarangan niya ako.

Tinulak ko siya ngunit ako iyong napaatras sa tulak ko. Mabilis na ang kalabog ng puso ko. I’m sure, hindi ako makakatakas dito hanggang hindi ko siya masasaktan ng lubos na mawawalan na siya ng lakas para pigilan ako.

Umiyak ako ng husto. Ni hindi na ako makahinga. Naisip kong baka mag collapse na lang ako dito. May narinig akong mga boses ni Chanel at Erin sa labas. Ngunit hindi ko na iyon ininda. Ang tanging nakuha ko na lang ay ang siguraduhing walang makakapasok muna sa bahay nina Elijah habang ganon ang pangyayari. Yes, please, protect us. Protect his name. I don’t want to be seen with him in this drama. Magkakaroon lang ng mga tanong ang mga kaibigan namin. At ayaw ko na ng tanong dahil masyado na akong maraming ganoon. I want answers. And Elijah needs my answer, too. He doesn’t deserve this. But then again, I don’t deserve him. His love for me is pure but we are forbidden.

“Klare, ano ‘yang sinasabi mo? Why give up now? We can fight together-“

“Elijah! We can’t! Yes! Oo! Inaamin ko, we can fight, but we can’t fight forever! At mas lalong hindi ko kayang labanan natin ang ating mga pamilya! For heaven’s sake they are all we have!”

“Klare, let’s tell them now. Sina mommy at daddy? Kung hindi nila tayo maiintindihan at itatakwil nila tayo, then we’ll face the consequences!”

“Can you hear yourself, Elijah? What do you think are the consequences? Naisip mo na ba ang mga iyon?” Nanliit ang mga mata ko.

Pumikit siya at tumingala. Suminghot siya at mas lalo lang akong nasaktan. My baby is crying. Oh my God! He’s crying in front of me. Oh my God!

“Klare, oo! Tingin mo ba bago ko tinanggap na mahal kita, hindi ko naisip iyon? I’ve been thinking about everything from the very beginning! I’m not dumb or shallow, Klare! Hindi ko ipaparamdam sa’yo na mahal kita kung hindi ko iyon naisip! Pero sigurado ako! I am this sure! So what the hell is your problem with me now? What’s not enough? Am I not enough?” Sigaw niya.

Nanghina ang tuhod ko. Klare, remember, this is all for Elijah. Para sa inyong dalawa. Para sa inyong pamilya. Stop being selfish!

“Baby, what’s wrong? Am I not enough?” His voice too soft and too sweet.

Pumikit ako at tinulak ang papalapit na Elijah. Ngayon, sigurado ako, nanghihina na siya. Napaatras siya sa tulak ko.

“No.” Umiling ako. “It’s not enough.”

Nalaglag ang kanyang panga. Kinuyom ko ang aking panga at tiningnan siya ng diretso sa kanyang mga mata.

“I want you gone, Elijah.”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

One thought on “Until He Was Gone – Kabanata 45

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: