Until He Was Gone – Kabanata 44

Kabanata 44

Miss You

Pagod na pagod ako nang dumating kami sa bahay. Sa sasakyan namin ako sumabay. Nauna kami sa bahay at sumunod naman ang mga pinsan ko.

“Klare, are you okay?” Tanong ni mommy pagkapasok ko ng bahay.

Tumango ako.

“Pagod ka ba? We can tell your cousins to just go home instead. Si Elijah, it’s okay if he’ll stay.”

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. “Wag na mom. Okay lang na nandito sila.”

Of course concerned si mommy kay Elijah. Ngunit kailangan kong umiwas kay Elijah. Alam kong pag siya lang ang narito ay paniguradong sa kwarto ko iyon matutulog.

Humikab si Azi pagkapasok niya sa amin. Nasa kusina pa ako at umiinom ng tubig nang pumasok siya kasama ang ibang pinsan ko. Tahimik ang mga girls at parang maingat sa bawat galaw. Nakapamulsa si Elijah habang nakikipag biruan kay Rafael.

“Xbox?” Anyaya ni Josiah.

“Sige ba!” Ani Azi.

Pumasok si daddy na bitbit si Charles. Tulog ang kapatid ko kaya dumiretso sila sa kwarto.

“Wag kayong masyadong mag puyat.” Paalala niya.

“Yes, tito. Klare, matulog na tayo?” Ani Erin.

Instinct ang nag tulak sa akin para lingunin si Elijah. Nasa akin ang titig niya at naka half smile siyang umuupo sa sofa.

“Okay.” Bumaling ako kay Erin.

“Good night, boys!” Sabi ni Chanel.

“Ang K-KJ niyo naman? What’s up?” Tanong ni Rafael habang naghuhubad ng kanyang pulang polo shirt.

“We’re exhausted.” Ani Erin.

Hinawakan ni Elijah ang kanyang earrings habang pinapanood si Azi na inaayos ang Xbox sa aming sala. Normal lang ito para sa kanya. Wala siyang alam sa mga nangyayari. Hindi niya alam na iniiwasan ko siya.

“Okay, bye! Good night!” Ani Chanel at hinila ako patungong kwarto.

Walang umimik sa kanila pagkapasok sa kwarto ko. Umupo si Claudette sa kama ko habang parehong nag hubad ng sapatos si Erin at Chanel. Nilapag ko ang regalo ni Elijah sa tabi ng kama ko. Binuksan ko ulit ito dahil hindi ko pa ito nakikita ng maayos. Isang barrette na butterfly at punong puno ng crystals o diamonds. Sa pakpak nito ay may kulay violet na bato. It’s so pretty. Suminghap ako at kinuha ko ang iPad ko.

“What are we going to do, Erin? Mahahalata ni Elijah na nilalayuan siya ni Klare? Okay lang ba na malaman niya na may alam tayo sa kanila?” Tanong ni Claudette.

Binuhay ko ang iPad at agad binuksan ang Skype. I know what to do. I know I left her hanging the last time we talked. Ngayon ay kukumpirmahin ko kay Ate Yasmin ang desisyon ko. She needs to give us time. I needed her faith.

“Okay lang naman. I don’t think Elijah’s really quiet about this.” Sumulyap si Erin sa akin. “He’s transparent.”

Hindi ako umimik. Oo. Walang pakealam si Elijah kung may makaalam ng tungkol sa aming dalawa. Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang online si Ate Yas. Buong akala ko ay magli-leave a message lang muna ako sa kanya, ngunit ngayong online siya, kumalabog ang puso ko.

“Anong ginagawa mo, Klare?” Ani Chanel.

“I-I’m calling Ate Yasmin.”

“Huh? Why?” Nagkatinginan silang tatlo.

Nag angat ako ng tingin. “She knows about us.”

Lumapit si Erin sa akin. “At anong sinabi niya?”

Umiling ako. “Gusto niyang itigil namin ito ni Elijah.”

Sinagot ni Ate Yasmin ang tawag ko. Madaling umakyat sina Erin at Chanel sa kama ko para tumabi sa akin at kausapin si Ate Yas.

“Oh, I thought ikaw lang, Klare.” Malamig niyang sinabi.

Suminghap ako at tumango. This is it.

“Merry Christmas sa inyo!” Kumaway si Ate Yasmin sa aming lahat ngunit batid kong walang ngumisi.

“Merry Christmas, ate.”

“O, ba’t malungkot kayo?” Kunot noong tanong ni Ate.

“Ate, kasi, alam na nila ang lahat.”

Pinaliwanag nila sa kanya kung paano nila nalaman. I can’t stand this conversation. Pakiramdam ko ay tinatraydor ko ang walang kamalay malay na si Elijah. Napansin nina Erin na medyo nawawalan ako ng gana.

“Klare, what are your plans?” Tanong ni Ate Yasmin.

Tumango ako at pumikit. Ito lang naman talaga ang itinawag ko. I didn’t need to hear anything about everything. I just want to say something. “Papakawalan ko na si Elijah.”

“Are you going to hurt my brother?” Parang sinaksak ako sa tanong niya.

Nakakairita. I want to be mad at her, to be mad at everyone but it’s useless. Moving is useless. Speaking is useless. Lalo na pag nasa maling parte ka. “Anong magagawa ko, Ate? Masasaktan ko siya! Pero mas masasaktan ako tuwing nakikitang masasaktan siya.”

Binalot sila ng katahimikan. Narinig ko ang pagsinghot ni Claudette sa gilid. She’s crying silently. Ako naman? Nagdurugo ang puso ko ngunit naubos na ang luha ko. I’m so damn exhausted. I never thought that loving someone can be this exhausting. Na kahit mismong pag iyak para sa minamahal ay nakakapagod na. Deep inside I’m crying, ngunit pagod na ang katawan ko.

“I’m gonna sleep.” Sabay bigay ko sa iPad kay Chanel.

Umalis ako sa kama at nagkulong sa banyo. I couldn’t stand seeing Elijah in pain. Can I really do this? Can I really hurt him? Sana ay maging malupit siya sa akin sa oras na malaman o maramdaman niyang lumalayo ako sa kanya! That would be easier.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong nakabihis na ang mga pinsan ko at inantay nila akong humiga sa kama. Hindi ako sigurado kung magkakasya kaming apat dito. Nilagay na ni Claudette ang cushion ng sofa sa baba at nakita kong may kumot na siya. Sa baba siya matutulog.

Nakita kong umiilaw ang cellphone ko. Dinampot ko ito at nakita ang mga messages ni Elijah.

Elijah:

Merry Christmas, Klare.

I miss you.

Tulog na kayo?

Kinagat ko ang labi ko at nagtype ng message.

“Are you texting him again?” Tanong ni Erin.

“Erin, just one?” I almost begged.

“Klare, you need discipline.”

“Isa lang naman, e. I just want him to feel, at least, safe this Christmas.” Sabi ko.

Hindi na umimik si Erin. Humiga si Chanel at naintindihan kong alam nila kung ano ang ibig sabihin ko.

Ako:

Merry Christmas, Elijah! Matulog na tayo. I’m exhausted. Thanks for your gift. I hope you liked mine.

Binigyan ko siya ng itim na jacket na nabili ko sa Nike. Alam kong wala lang iyon kumpara sa binigay niya sa akin. Ngunit iyon lang ang tangi kong naisip na ibigay sa kanya. Magbibigay iyon ng init sa kanya sa mga malalamig na panahon. And I guess that’s appropriate right now.

Mukhang masyadong masaya ang naging text ko. Mukhang walang problema kahit na ang totoo ay pinipiga na ang puso ko. Iniwan ko ang cellphone ko sa mesa at umakyat na sa kama sa gitna ni Erin at Chanel. Pinatay ni Chanel ang ilaw at ang tanging ilaw ay ang maliit na lamp sa gilid ng mesa ko.

My bed smells like Elijah. Dammit! Hindi ko maiwasan ang pamumuo ng mga luha ko.

“Anong gagawin natin, Erin? Irereto ba ulit natin si Klare kay Eion or someone?” Tanong ni Chanel.

“I don’t know, Ate. Si Elijah, madaling ireto sa iba.” Ani Erin.

Suminghap ako. “I refuse to use anybody. I can push Elijah away without using anyone.” Matapang kong sinabi.

“Pero hindi kapani paniwala, Klare, pag walang iba.” Sabi ni Chanel.

Hindi ako kumibo. That’s what I know. I need to push him away without using anyone. I can do this. I will do this for us and for our family.

Mabilis akong nakatulog dulot na rin siguro ng mahapding mga mata at mahabang araw. Kinaumagahan ay sabay kaming nagising ni Claudette. Ni hindi rin sila umalis sa kwarto para iwan kaming dalawang natutulog. Sabay kaming lumabas.

Tanghali na. Syempre dahil matagal naman ang uwi naman kagabi. Kumakain na ang mga pinsan ko. Sumabay naman ako at pumagitna si Erin at Chanel sa upuan ko. Nagbibiruan na naman sila ngunit hindi ko magawang tumawa. Tumatawa si Elijah at si Azi dahil sa biruan nila habang sina Erin at Chanel naman ay nagsikap para maging okay para sa aming apat.

“Natapos niyo na ang take home quiz sa Biology? Sobrang hirap!” Ani Erin.

“Natapos ko na.” Sagot ni Claudette.

It’s a normal Christmas for us. It looks so normal for Elijah. But it wasn’t normal for me. It will never be, anymore. Minarkahan ng sampal ni Erin at desisyon ko ang mga pasko para sa akin ngayon. Hindi ko alam kung kailan ko makakalimutan ang lahat ng ito. Sana ay balang araw, makalimutan ko ito. I don’t want to have memories about this. Inisip ko tuloy na sana ay magka amnesia ako. But like what Erin said, this is not a soap opera. It’s all impossible.

Nag angat ako ng tingin at aksidente kong nahagip ang titig ni Elijah sa akin. He’s smiling like an idiot. Kung ano man iyong ikinasasaya niya ay masaya na rin ako. Nag taas siya ng isang kilay bilang kwestyon sa pagiging tahimik ko. Inangat ko ang labi ko para magbigay ng ngisi. Nakita ko ang pag buntong hininga niya at ang pagpungay ng kanyang mga mata na para bang gumaan ang kanyang pakiramdam nang nakita akong ngumisi.

I’ll soon forget how it feels to look at you straight in the eyes. And you will forget it too. Nagkaroon ng bukol sa lalamunan ko. Here I go again. I should stop being emotional and work hard for this show.

“Sino ba ‘yong nakabunot sakin kagabi? I’m sure it’s just within us! Sinong gago ang mag bibigay sa akin ng Apat na box ng condom? What do you think of me? Hindi boyscout!?” Angal ni Azi.

Humagalpak sa tawa si Elijah at ang ibang pinsan ko. “That’s a lifetime supply for you, dude.”

“Ef you, Elijah! Just ef you! Sana ay binigyan mo na lang ako ng sapatos!”

Everything is just normal. I need to act normal.

Sa araw na iyon ay umalis sila. Maiksing paalam lang ang nangyari sa amin ni Elijah dahil hindi umaalis sina Erin hanggang di mauuna si Elijah. That was their tactic and it was helping me.

Elijah:

I really, really miss you baby. Hope I can spend time with you soon.

Parang kinukurot ang dibdib ko sa mga text ni Elijah na hindi ko nirereplyan. Hindi ko pwedeng hindi replyan ang mga text niya dahil magdududa iyon at maaring matakot. Pero ano nga ba itong plano ko? Hindi ba ito mismo iyong bigyan si Elijah ng pagdududa at takot para sa aming dalawa?

Elijah:

Baby, I’m not being clingy, but I miss your texts :'(

Kahit ang smiley sa huli ng text niya, biruin niyo, nakapagpaiyak sa akin? I just want to throw my cellphone away. I want to run away. Gusto ko na lang iwan ang pamilya ko, iwan ang lahat, at umalis ng mag isa. Lumabas din ang totoo. I never really cared for myself. Wala akong pakealam kung kamuhian ako ng pamilya ko o itakwil nila ako. I’m doing this only for Elijah. This is all for him. Dahil siya lang ang inaaalala ko. I want him to be safe, feel good, and be with his family.

Naiisip ko si Charles, si mommy at daddy, I can’t leave them. I love them. Ngunit tuwing nakikita kong ganito si Elijah, I swear I can run away.

Hindi ko ulit siya nireplyan. Tumunog ulit ang cellphone ko at naisip na magkukulong na lang ako sa CR at magdasal na makalimutan ang lahat. If only amnesia was optional. But then again, sa mga storya at mga movies lang nangyayari ang ganyan. You get an accident, suffer from head injuries, and get amnesia. Pero hindi ganon sa totoong buhay. In real life, you’re lucky if you land in coma, most of the time you’ll die. At kung ano man ang mangyari sa akin, I’ll be grateful.

Dammit! Just look at my thoughts! Tingnan mo ‘yong mga iniisip ko!

“Klare? Are you okay?” Napatalon ako nang narinig si mommy sa likod ko.

Malakas ang TV at pinapanood ko ang isang movie sa cable chanel. Tumango ako at hindi ko siya nilingon. Ayokong may kahit sinong nagtatanong sakin kung okay lang ba ako, kasi pakiramdam ko kinakalabit ako para umiyak. I want the people around me to just shut the hell up and have faith in me. Na kahit mukha akong mahina ay kaya ko itong lagpasan.

Elijah:

Baby are we cool?

Holy… Mabilis akong nag type. I can’t do this. But I really need to.

Ako:

Sorry, Elijah. I’m busy. Naghahanda lang para sa party.

That was real cold. Dinudurog ko ang sarili kong puso sa pamamagitan ng pananakit sa kanya. Ano pa ba ang paraan para maging madali ito?

Nagmadali ako palabas ng bahay nang tumawag si Chanel. Sinusundo ako ni Damon at Chanel patungo kina Elijah. Mas dumami ang kanilang inimbita simula nang nalaman nila ang tungkol sa amin. Hannah, Julia, and Liza will be there at maging ang mga kaibigan ni Josiah at Chanel. They want a big crowd for this house party.

Naka wayfarers si Damon nang pinagbuksan ako ng pintuan sa likod ng kanyang kotse. Seryoso niya akong pinanood papasok sa kotse niya. I wondered why. Nasagot din ang tanong ko pagkapasok ko.

“Get it, Dame? We need to lose Klare in the crowd.” Ani Chanel.

“Bakit di na lang iwan si Klare sa kanila? Hindi na lang isama?” Tanong ni Damon.

He knew. I don’t mind. I needed all the help I can get.

“Hindi pwede. Tingin mo pag wala si Klare hindi tatakas ang lintik mong pinsan para puntahan siya sa bahay nila? And what if we are all drunk?” Ani Chanel.

“Chanel, di naman kailangan. I said I can handle Elijah. Kung mananatili ako sa bahay ay pwede ko naman siyang paalisin na lang.” That’s hard but I can do that for him.

“No, Klare. You don’t understand. Pag nasa bahay ka ninyo at pinaalis mo siya. You think he’ll really leave? Mas lalo lang kayong mahahalata ng mommy at daddy mo niyan. Knowing him? He doesn’t really care at all. Kaya sumama ka na lang. Mas mabuting mabuking tayo nina Azi kesa sa mabuking ka sa harap ng mommy at daddy mo!”

Hindi na ako umimik. I guess they are right. Pinaandar ni Damon ang kanyang sasakyan.

Nang nakarating na kami sa bahay nina Elijah ay agad ko siyang nakitang tumatawa sa balkonahe nila kasama ang mga kaibigan ni Josiah. May dala silang mga beer at mukhang nagsimula na ang house party na gaganapin sa bahay nila.

Sumipol si Damon habang pinapark sa loob ng malawak na parking lot ng bahay nina Elijah ang kanyang sasakyan.

“Ngayon ko lang talaga napansin ang lahat na sinabi mo na, Erin. Inabangan niya talaga ako dahil alam niyang kasama natin si Klare.”

Nakita kong sumimsim sa beer si Elijah at pinanood ang pagbukas ng pinto ni Damon. Sumipol ulit si Damon.

“Damn! How come I didn’t notice anything-“

“Shut up, Damon! hindi ka nakakatulong. Let’s go, Klare!” Sabi ni Erin at lumabas na ng sasakyan.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: