Kabanata 43
Choice
Napahawak ako sa aking pisngi. Nanuot ang hapdi ng sampal ni Erin sa akin. Nakaawang ang bibig ko at nagbabadya ang mga luha ko sa pagtulo.
“Kailan lang?” Tanong ni Erin.
Mabilis ang kanyang hininga at tumutulo ang kanyang luha. Si Chanel naman ay umiiling sa kanyang likod at si Claudette ay pinipisil ang kanyang daliri habang umiiyak sa kaba.
“Erin, let me explain…”
“What explain? My God, Klare! May hinala ako, e, pero di ako naniniwala! I thought you were better than that? At ngayong napatunayan ko na? Oh shit! You are such a lustful girl!”
Umiling ako. “Erin, hindi ganon-“
“All this time? ‘Yong pagtulog ba ni Elijah sa kwarto mo, may nangyayari sa inyo?”
“ERIN! Hindi ganon!”
“Holy shit.” Tinakpan ni Chanel ang kanyang bibig at pumikit na parang nandidiri.
“Edi ano, Klare? Anong meron sa makasarili ninyong relasyon? Hindi mo ba nakitang mag pinsan kayo? Hindi mo ba naisip na lumayo?”
“Erin, you think hindi niya na isip ‘yon all this time?” Singit ng nanginginig na si Claudette sa likod.
“Shut up, Clau. What kind of cousin are you? Alam mo ang totoo ngunit hinayaan mo sila! This is a disgrace to our family! To yourself, Klare! Sa inyo ni Elijah!”
“Alam ko, Erin-“
“Alam mo pero nagpatuloy ka?” Sigaw ni Chanel at lumapit sa akin. “Are you out of your mind? Alam mo ba kung anong mangyayari sa inyo ni Elijah? Kakamuhian kayo ng mga parents natin! This is all wrong in the eyes of the society, in the eyes of God! For goodness sake, magising ka!”
Bumuhos ang luha ko. Alam kong tama sila. Alam ko ring alam ko iyon noong una pa lang pero naging makasarili ako. Masyado kong dinamdam ang feelings ko para kay Elijah. Hindi ko inisip ang kinabukasan. Hindi ko inisip ang kahahantungan naming dalawa.
“Oh shit, this is really disgusting. Hindi ko kayang isipin.” Bulong ni Chanel sabay tingin sa mariing pumipikit na si Claudette. “I don’t know why you put up with their shits, Dette.”
“Tanggap na naman ‘yon. Chanel, hindi tayo ang unang pamilyang may ganito-” Ani Clau.
“WAIT, WAIT, What? Naririnig mo ba ang sarili mo, Dette? Kung sakali bang bibigyan kita ng pagkakataon ay mamahalin mo ba si Josiah? Would you kiss Rafael? Can your stomach take Damon as your husband?”
Mas lalong pumikit si Claudette at nanahimik.
Alam ko. Alam kong hindi sang ayon si Claudette at sinuportahan niya lang kaming dalawa ni Elijah dahil mahal niya kaming pareho. She cared for us. And that was enough for me. Hindi ko kailangang masabihan na sang ayon sila sa incest. Gusto ko lang ng mga taong nakakaintindi.
“This is not lust! No wala pang nangyayari sa amin ni Elijah-“
“But you’re thinking about it, aren’t you?” Erin snarled. “Don’t tell me hindi mo iyon naiisip? Seeing Elijah’s body dripping in sweat, don’t tell me hindi mo pa iyon naiisip?” Napangiwi siya. “You… you want him naked! You want him on your bed naked while he’s kissing you endlessly!”
Umiiling ako at umiiyak. Tinakpan ko ang mukha ko dahil hindi ko na mapigilan ang aking mga luha. Basang basa ang kamay ko dahil don. Hinawi ni Erin ang mga kamay kong nakatakip sa aking mukha. I feel so stupid!
“You want it, right? That’s what you really want! Imposibleng nagkagusto ka lang sa kanya at wala kang intensyong ganon!”
“Erin, ba’t di mo rin tanungin si Elijah! He’s the guy here-” Singit ni Claudette.
“Exactly why. Guys can fuck just about anyone fuckable. Ikaw ang babae, ikaw dapat ang magpigil, Klare! At sige, sabihin mo nga, hindi mo mapigilan? Your hormones are driving you insane coz of this sick love you have for him? THAT’S FUCKING LUST!” Sigaw niyang nagpapikit sa akin.
Gusto kong lumaban. Gusto kong ipatigil si Erin. Gusto kong ipaliwanag sa kanya na hindi ganon. Pero paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat kung ako mismo ay hindi ko maipaliwanag ang tunay na nararamdaman ko.
“Open your eyes, Klare!” Sigaw niya.
Unti unti kong binuksan ang mga mata ko. Nakita kong humahagulhol na si Chanel sa likod. Umiiyak si Erin ngunit kaya niya paring maging matapang.
“Erin, tama na, please, tama na.” Sabi ko.
“Anong tama na? Tama na rin, Klare! Nakakadiri kayong dalawa!” Pumiyok ang boses niya at umatras sa akin.
“Erin, hindi ko gusto itong nangyayari sa aming dalawa ni Elijah. Umiwas ako pero hindi ko nagawang tumakas.”
“You didn’t try hard enough, Klare. Admit it! You were ruled by your instincts!” Sabi ni Chanel habang pinupunasan ang kanyang luha.
“Elijah will get hurt-“
“So anong gusto mo? Saktan si Elijah sa mabilis na paraan o saktan niyo ang isa sa mabagal at matagal na panahon?” Ani Erin. “Think about it, Klare! Pag tinakwil kayo ng pamilya natin, saan kayo pupulutin ni Elijah? You think he’ll have his Chevy? You think his cards won’t get closed? You think?”
Tama sila. Tama si Erin. Pero umiiwas ako sa katotohanan. Natatakot ako.
“At ikaw? What will happen to you? Your mom and dad will be furious! Kung hindi ka nila hahayaan kay Elijah ay ipaglalayo nila kayong dalawa! Madudungisan lang ang pangalan niyo dahil sa panandaliang makamundong pagnanasang ito!” Umismid si Erin at sumulyap kay Chanel.
Humupa na ang luha ni Chanel at kumunot ang kanyang noo.
“Klare, can you hear yourself? Mahal mo si Elijah, mahal ka ni Elijah? Naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi ka ba kinikilabutan o nandidiri? Hindi mo ba alam na wala kayong patutunguhan? Hindi mo ba iyon naisip? Kakamuhian kayo ng mga magulang natin.” Mahinahon niyang sinabi.
Dahan dahan akong tumango. “Hindi ako tanga, alam ko ‘yon.”
Nanlaki ang mata ni Erin. “Then why are you doing this? Why are you still with Elijah?”
“Erin, mahal ko siya-“
“SHIT!” Sigaw ni Erin at umiwas ng tingin sa akin. “Hindi mo ba talaga makuha? Hindi mo makuha? Do you want us to tell your parents?”
“Erin, wag!” Sabi ko.
“This is disgusting and lustful! What are you thinking, Klare?”
Hindi na ako makasagot. Mali. Maling mali. Ano ang dapat kong gawin? Sabihin ninyo. Dahil sa ngayon, wala na akong tiwala sa aking sarili. Hindi ko na alam kung sino ang papaniwalaan ko.
“If you think this is a soap opera na maaring may isa sa inyong ampon, then you are wrong Klare. For Heaven’s sake, Montefalco ang nananalaytay na dugo sa inyon dalawa! Stop dreaming and face the reality! This is incest!” Ani Erin.
Bumuhos ang luha ko. Mabilis na tumakbo si Claudette patungo sa akin at dinaluhan ako.
“Klare, I’m sorry.” Nanghihina niyang sinabi. “I’m really sorry.”
“Klare, we love you. We care for you and Elijah. At wag mong isiping nagiging bitch kami dahil dito. Pero kasi ito ang totoo. You need to get hurt para magising ka. Magising ka sa katotohanan na hindi soap opera ang buhay mo, na hindi tama ito, na walang tama sa ganito.” Ani Chanel at lumapit sa akin.
Humikbi ako. Naririnig ko ang singhap ni Erin sa harap ko.
“Naisip mo na ba ang future ninyo ni Elijah, Klare?” Tanong ni Erin. “Anong manngyayari? Magkakaanak kayo pero tinakwil na kayo ng mga Montefalco. We can support you, pero what about the society? Are you going to be truly happy about that? Elijah’s parents will hate him. Ate Yasmin and Kuya Justin will hate him.”
Umiling ako. Hindi ko alam kung para saan ang iling ko. Kung dahil ba hindi ako naniniwala sa sinasabi nila o hindi ko matanggap na alam ko sa sarili kong ganon nga ang mangyayari.
“And what if this is just puppy love? Paano kung tinuruan ka lang ni Elijah na mainlove, ngunit hanggang doon lang. He might fall for someone else. You might fall for someone else eventually pero sira na kayong dalawa kasi nadungisan na ang pangalan ninyo. You’ve been involved in incest, you think it’s good?”
Binalot kami ng katahimikan. Pinunasan ni Claudette ang mga luha ko. Namumugto ang mga mata ko. Ano ang sasabihin ko kay Elijah pag nakita niya akong ganito? He’ll be furious. I’m scared.
“Please don’t tell our parents.” Maliit ang boses ko nang sinabi ko ito.
Tumikhim si Erin at nakapamaywang siyang tinitigan ako.
“You probably only liked the thought that this is forbidden. Masyado siguro kayong nahumaling dahil patago ang relasyong ito. Save yourself, Klare. Save Elijah!” Sabi ni Erin.
Unti unti akong tumango at alam ko ito na ang oras na hinihintay at kinakatakutan ko. Ito na ‘yong ayaw kong mangyari. I need to let Elijah go. Even if it will hurt him. Kailangan kong mamili: ang pagmamahalan namin ni Elijah o ang pamilya namin. The first choice will be really selfish, the latter is reasonable and justifiable. Kailangan kong mamili sa sarili kong kapakanan o sa kapakanan ng marami.
Sa pagmamahalang ito, marami ang masasaktan. Una sa lahat, ang mga magulang namin, ang mga pinsan at relatives namin, at ang aming mga sarili. Mas pipiliin ko parin ang may mas konting damage. Mas pipiliin kong masaktan ng isang beses kesa sa masaktan ng paulit ulit habang buhay. Mas pipiliin kong ako ang masaktan kesa sila. Alam kong masasaktan ko si Elijah sa kahit anong pipiliin ko. But one day, when he falls for another girl, I know he’ll understand and he’ll thank me.
“Anong gagawin ko?” Mahinahon kong tanong.
Pinulot ko ang box na regalo ni Elijah. I held it close to me. This is the last. I’m letting him go. No matter what, he needs to let me go. I need him to let me go. Kahit na masakit sa akin. Kahit na masakit sa kanya. I saw this coming but I didn’t know it’ll still hurt this bad.
Ang sakit sakit. Kasi alam kong tama sila at alam kong mali kami. Gusto kong ipaglaban ang para sa aming dalawa pero marami kaming masasaktan. We will hurt ourselves, too. Elijah will understand soon. I know he will.
“Sabihin mo kay Elijah na kailangang maghiwalay na kayo.” Sabi ni Erin. “We will help, Klare. And you need to mean it. Kailangan mo siyang iwasan.”
“B-But he’ll get mad!”
“Wag mo ng alalahanin iyon! He will get mad! Kasi maghihiwalay kayo! He will really be angry pero iyon lang ang tanging paraan!”
“Hindi siya bumibitiw, Erin.” Nanginginig ako nang sinabi ko iyon.
“Erin, you don’t know how inlove Elijah is with Klare.” Ani Claudette.
“This is why you should end it while it’s early. I believe ito ang dahilan kung bakit nag iba ang tingin mo para kay Eion. Hindi pa ito ganon ka tagal. Maaring malalim na ang mga ugat pero malambot pa ang lupa. We can still uproot your feelings for each other and prevent it from growing.”
Lumunok ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang tanging gusto ko lang sabihin ay…
“Please, keep this a secret. Wag niyong sabihin sa parents natin.” Sabi ko.
Tumango sila at bumuntong hininga.
Nanghina ako. This is it. This is where we stop. Inasahan ko ito pero masakit parin. Sobrang sakit na hindi ko na ata kaya.
“You are still young. Marami ka pang makikilala. Elijah is still nineteen, too. Marami pa siyang makikilala. Don’t worry too much.” Ani Chanel.
Hinigpitan ko ang yakap ko sa box na binigay ni Elijah.
“What shall we do now? Iuwi si Klare? Elijah is out there!” Ani Erin sabay tingin kay Chanel.
“No. We need to calm her down. Kumalma tayo-”
May biglang kumatok sa kanina pa nakasaradong pinto ng comfor room.
“We’re here po. Still changing!” Sigaw ni Erin.
“Is… Klare inside?” Umalingawngaw ang boses ni Elijah.
Nagkatinginan kami. Kinagat ko ang labi ko at naghilamos.
“Oo, nandito. Nag C-CR, Elijah, bakit?” Ani Chanel sa normal na boses.
“What’s taking you all so long?”
“Elijah, mga babae kami. Go back there and stop being nosy!” Sigaw ni Chanel.
Narinig ko ang mga yapak ni Elijah palayo. Dammit! Dammit! Even the sound of his footsteps walking away can hurt me so bad! Umiyak ulit ako ngunit alam kong walang halaga ang luha ko. Hindi ko na maibabalik ang panahon. Ito na ang sitwasyon ngayon at kailangan kong isugal ang aking puso para maprotektahan ang aming pamilya, Elijah’s name, at ang aking lahat.
“Klare, we need you to be honest all the time.” Singhap ni Erin.
Tumango ako.
“We are going to help. I want you to be honest. We will protect our family. We will protect the both of you. Please, cooperate.” Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
Tumango ako at tunay na sumang ayon.
Ilang sandali pa bago kami lumabas. Nag retouch at nagpakalma. Makikita parin sa mga mata ko ang pamumugto. Maging kay Chanel ay kitang kita parin. Mabuti na lang at patapos na rin ang party kaya hindi na namin kailangang magtagal.
Pagkapasok namin sa function hall ay diretso agad ang titig ni Elijah sa akin. Hindi ko siya tiningnan. Tinawag si Erin at Chanel ng kanilang daddy para umuwi na sana.
“Hey, hindi ba tayo mag o-overnight kina Klare?” Tanong ng kapatid nilang si Josiah.
“Hindi!” Sabay na sagot ng dalawa.
“A-Ano ka ba, Kuya Joss. It’s Christmas. Dapat sa bahay lang.” Sabi ni Erin.
“Hey, Kuya Elijah. You want to spend Christmas in our house?” Nakangiting sinabi ni Charles kay Elijah.
Ngumiti si Elijah at agad akong kinabahan. Dammit, Charles! Why did you have to invite him?
“Sure!” Ani Elijah.
Nanlaki ang mga mata ni Erin at Chanel. Umiling si Claudette at nanahimik sa tabi.
“Alright, alright! Sleep over kina Klare! And this time, Elijah, sa guest room ka matulog! May gagawin kaming mga girls!” Ani Erin.
Kumunot ang noo ni Elijah ngunit suminghap siya. “Alright, then.”
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]