Mapapansin Kaya? – Epilogue

THANK YOU SA WALANG SAWANG SUPPORTA NINYO! Sobrang saya ko na nakaabot kayo dito… ang saya saya.. hehehe. nasiyahan din ako sa pagsusulat nito kaya sana pinasaya ko rin kayo…

Songs used:

Only One – Lifehouse

You Belong to Me – Jason Wade

Things Will Go My Way – The Calling


Epilogue

“Bilis na, Manong!” Sigaw ni Coreen sa driver namin.

Natataranta na ang driver sa pagdi-drive dahil masyadong atat si Coreen makarating sa Araneta.

“Ano ba, Coreen? Anong problema mo?” Sabi ko habang ineenjoy ang byahe.

“Kasi naman po, ang daming tao kaya doon! Naka attire pa naman tayo ng ganito tapos mahuhuli tayo at makikipag pilahan kasama yung fans?”

Umirap ako, “Hello? Nakalimutan mo na ba? Fiancee ko yung mag co-concert! Tingin mo hahayaan niya tayong pumila doon.”

Humalukipkip siya at umirap narin.

“Ay oo nga pala… Si Wade nga pala yun… Pag nalaman niyang paparating na ang mahal na Reina ay kung maari ipapagiba niya yung isang pader ng Araneta para lang makapasok ka ng matiwasay…” Umirap siya. “Promise, Reina, mauunahan tayo sa harap kasi ang bagal mo. Alam mo namang wala tayong ticket.”

“May reserved seats tayo doon, Coreen.” Sabi ko.

“Eh sabi naman sayo diba, maraming tao ngayon. Come back concert niya kaya ito.” Sumbat ni Coreen sakin.

Hindi ko talaga maintindihan. Bakit ba natataranta ang isang ito? Hindi naman ako hahayaan ni Wade na walang upuan sa concert niya. Praning na talaga itong si Coreen.

Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Nag aayos na siya ng buhok ngayon habang bumubulung-bulong ng mga reklamo tungkol sa pagiging relax ko dito.

“Bakit mo naisipang puno na yung VIP?” Tanong ko.

Ngumuso siya at sinulyapan ako. Unti-unti siyang ngumisi at nag peace sign!

“Inimbitahan ko kasi si Liam tsaka Shan…” Tinakpan niya ang bibig niya.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Masyado ng maraming nandoon. Pinaclose na nga ang VIP dahil nakalaan lang yun sa mga kakilala at espesyal kay Wade. Maingat kong binilang ang mga sasali. Tama lang talaga yung upuan doon sa VIP para sa mga sasali. Ayaw sumama ni Liam, ang sabi naman ni Shan ay may taping siya kaya hindi ko na inasahan ang pagdating niya.

“P-Paano mo sila napapayag?” Tanong ko.

Nagkibit-balikat si Coreen, “Kumpara sayo, mas malakas ang charm ko kaya…” Ngumisi siya.

Suminghap ako at tinanaw ang mahabang pila sa labas. Kailangang nasa harap ako dahil iyon ang usapan namin ng fans club ni Wade.

Ito ang unang concert nila pagkatapos nung bumalik siya. Eksakto pang sa birthday ko iyon idinaos. Ang galing, ano? Parang si Wade lang yung birthday gift ko! Nag greet na siya kaninang umaga, kaya nga malaki na ang ngiti ko ngayon. Binigyan niya ako ng mga flowers, chocolates, at mukha rin yatang pinakyaw niya ang mga cake ng iba’t-ibang tindahan.

Hindi na muna ako magpaparty sa ngayon. Concert kasi ni Wade ngayong gabi at napilit ko sina mommy at daddy na manood. Maging ang mga relatives ko ay nilibre ni Wade kaya mas lalo silang ginanahang manood ng concert. Kaya ngayon, patay kaming dalawa ni Coreen.

“Palabasin na lang natin si Noah at… Rozen…” Nanliit ang mga mata ko sa pag iling niya.

“Wag na! Ako na ang bahala. Mag papahanap na lang ako sa staff ng upuan.”

“O sige, kahit saan basta may upuan. Kahit sa huling mga upuan pa yan…”

Nilubayan ko na siya dahil panay na ang text niya. Kanina pa tumigil sa pagtitext si Wade, siguro ay naging busy na sa paghahanda.

“Ayan tuloy, buti pa nag shorts or pants na lang tayo. May pa uniform-uniform ka pang nalalaman diyan.” Sabi ko sa kanya.

Tinignan niya ako ng saglit, pero wala yata siya sa katinuan dahil sa katext niya.

Huminto ang sasakyan sa parking lot. Dito kami sa backstage papasok.

“Tara, Coreen!” Sabi ko sabay tulak sa pintuan.

Lumabas din naman si Coreen, pero nakatingin parin siya sa cellphone niya. Sabay kaming naglakad papasok sa loob.

“Bakit pa kasi nakadress pa tayo.” Sabi ko.

Nakakabanas lang. Ayaw ko talaga ng mukha akong center of attention pero dahil sa description ni Coreen na mag kakapareho naman kami ng damit na white dress, pumayag akong isuot ito. Naka puti rin naman siya, pero simple lang, simple din naman itong akin, kaso may swarovski diamonds na sequins. Kung yung damit niya ay may simpleng spagetti strap, yung akin naman sariling design ko ng lace illusion neckline kaya di hamak na mas kapansin pansin ako.

“Wag ka ng magreklamo! Ang ganda mo naman, ah? Pag nakita ka ni Wade baka hindi na matapos ang concert. Tatawagin ka na lang nun at magkikita kayo sa backstage para doon…”

Uminit ang pisngi ko.

Ngumisi si Coreen.

“Kita mo na? O diba, masaya yun? Kaya tumigil ka na sa kaka satsat diyan at hayaan mo na yang damit mo.”

Bumuntong-hininga ako at pumasok na sa loob.

Busy ang staff. Ito na yata ang pinaka malaking concert nina Wade. Unang araw pa lang ng paglabas ng ticket, sold out agad. Maraming umiyak kasi hindi nakabili ng ticket. Syempre, I assured them na magkakaroon pa ulit ng ganito. Kaso, yung iba, parang nawawalan na talaga ng pag asa. Nanghihinayang talaga sila ng bongga. Hindi pa naman mamamaalam si Wade sa showbiz, bakit ganyan sila makareact? Siguro ay dahil natakot na silang ulitin iyon ni Wade.

Naisipan kong pumasok sa backstage para mag ‘good luck’ kay Wade, kaso may biglang lumapit saking tatlong babae.

“Ms. Reina!” Sigaw nung dalawa.

Nagmamadali sila papunta sakin. Sumandal si Coreen sa pader habang pinapanood akong kinakausap sila.

“Uy! Hello!” Ngumisi ako.

Kilala ko sila. Sila yung mga president ng tatlong WadeSha fans club noon. Ngayon ay may iisa na silang grupo na ginawa na nakatoon sa pag suporta sa kahit anong desisyon ni Wade.

“Kumusta ang plano?” Tanong ko.

Nakangisi sila sakin at mukhang excited na excited na.

“Okay po… Alam niya po ba yung tungkol sa plano namin?” Tanong nila.

Umiling ako, “Hindi. Hindi ko sinabi.”

“Naku! Salamat talaga at secret lang natin ito.” Sabi nung isa.

Ngumisi ako.

“No problem.”

Kasi naman, gusto nilang mag apologize kay Wade. Gusto nilang ag sorry sa panghuhusga nila sakin. Nag sorry na sila sakin, agad ko silang pinatawad, kaso, si Wade mejo hindi parin okay sa kanila.

“Sorry talaga, Ms. Reina.” Pagbabalik nila.

“Okay na talaga ako. Alam ko namang wala kayong alam noon.”

Nagpasya silang isurprise si Wade ngayong concert niya. Hindi ko nga alam kung paano pero rinig ko ay involve daw lahat ng mga humusga sakin, meaning, halos lahat ng fans nina Wade at Shan.

“Nag apologize na rin po ba si Ms. Shan Melendez?” Tanong nila.

Tumango ako, “Oo. It’s okay, mahal niya si Wade, natural tendency ng tao ang ganun.”

Nagkatinginan silang tatlo.

“Naku! Ang bait niyo po talaga! Si Shan naman po kasi, hindi kinaklaro! Alam niya namang pag gusto naming mga fans, kahit walang sapat na ebidensya, agad naming pinapaniwalaan.”

“Oo nga! Si Ms. Shan naman talaga ang puno’t dulo dito.” Anila.

“Naku! Wag natin siyang sisihin. Umasa din kasi siya na may patutunguhan sila ni Wade…”

“Naku, Ms. Reina, sobrang bait niyo talaga. Sorry po talaga sa ginawa namin noon.”

Mahabang pagsosorry pa yung sinabi nila kaya naman mejo natagalan pa kami sa pag uusap. Nakita ko ng nagtataray si Coreen habang tinititigan ako.

“Uy, sige na, maghahanap pa kasi kami ng upuan.” Sabi ko.

“Ah! Sige po… Uhm… Pwedeng picture po?”

Dahil mababait naman sila at wala naman sigurong masama kung mag papapicture ako kasama sila, ginawa ko na. Kitang kita ko na ang pagkakairita ni Coreen nang siya pa yung naatasang mag picture saming apat.

“Thanks, Ms Reina!” Tumitiling sinabi ng isa.

Kinawayan ko sila at sumama na agad sa atat na si Coreen.

“Bilisan mo na, Reina! Maghahanap pa tayo ng upuan.” Aniya.

Nauuna siyang maglakad. Mabilis at natataranta siya kung makapaglakad. Panay pa ang lingon-lingon niya sa paligid.

“Coreen, sandali!” Sigaw ko.

Ang bilis kasing maglakad ng isang ito. Nag di-dim na ang lights, hudyat na malapit ng magsimula.

Shiz! Natagalan tuloy kami! Wala pa kaming upuan. Nasa taas na kami ngayon, ang bilis kasing umakyat ni Coreen para maghanap ng upuan. Kaya dumungaw ako sa VIP seats, nakita ko doong puno nga! Mukhang walang ni isang nag absent sa lahat ng invited, ah?

Bumaling ako sa natigilang si Coreen at tinignan kung sinong kaharap niya. Sa gitna ng makukulay na lights, na tanging naging ilaw namin ngayon palapit na ang pagsisimula ng concert ay naaninag ko ang kapatid ko. Nakalagay ang kanyang daliri sa ulo habang nakasandal ang siko niya sa arm ng upuan. Yung paa niya naman ay nakapatong sa kanyang tuhod na para bang may hinihintay.

“Thanks…” Sabi ni Coreen.

Tumayo siya at bumuntong hininga.

“You are always welcome…” Malamig na sagot nito.

Naglahad siya ng kamay aat ipinakita sakin ang katabing upuan nung inuupuan niya kanina.

“Dito ka, Reina.” Ani Coreen sakin.

Ngumisi ako sa kanya. Sa wakas… bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang kapatid kong bumababa na ngayon para umupo sa VIP seat na para sa kanya.

“Sana kayo na lang dito. Doon na lang ako sa VIP seat.” Ngumisi ako kay Coreen.

“Weh? Ano ka? Bestfriends tayo, kaya dahil napahamak ako sa pag iimbita kina Shan at Liam, dadamayan mo ako sa kamalasan ko.”

Mas lalo akong ngumisi, “Dadamayan ka rin nun.”

Ngumuso siya at inirapan na lang ako. Sarap asarin nito! Kaya ayun, wala akong ginawa kundi asarin siya hanggang sa nagsimula yung count down.

“10… 9… 8…” Sumigaw din ako kahit na naasiwa ako sa mga fans na kanina pa picture ng picture sakin.

Hindi naman sa nagrereklamo ako sa upuan naming napapalibutan ng fans (well, except sa harap naming hagdanan lang naman), pero nakakahiya lang na lahat ng ekspresyon mo ay nahahagip ng camera nila.

“7… 6… 5… 4… 3…”

Bumilis ang pintig ng puso ko. Pakiramdam ko aalis na ang puso ko sa sobrang excitement! WADE ON STAGE AGAIN! YESSS!

Dim yung lights nang bumukas yung curtains. Pero kitang kita ko ang apat na lights sa baba na nakatoon sa bawat isang miyembro ng Going South.

Si Zac, si Adam, si Austin…

Sabay ko silang narinig sa intro.

Ngunit halos hindi ko rin marinig kalaunan dahil sa ingay ng tili galing sa fans. Kaya ang ginawa ko ay nag ingay na rin.

“WOOOOOOH! WADE SEXY RIVAS! I LOVE YOU!!!” Sigaw ko.

Humagalpak sa tawa si Coreen at maging yung mga nasa tabi naming mga babae. May isa pa nga doong kanina pa nag vivideo sakin. Mukha yatang mas balak niya akong videohan kesa sa manood kay Wade.

“WADE SEXY RIVAS! WADE! SEXY! RIVAS!” Iyon ang bumalot sa buong Araneta kahit na nagsimula na sa pagkanta si Wade.

“She’s got a pretty smile

It covers up the poison that she hides

She walks around in circles in my head

Waiting for a chance to break me

A chance to take me down

Now I see the burden you gave me

Is too much to carry too much to bury inside…”

Kailangan ko pang lakihan ang mga mata ko para makita ng maayos si Wade. Ang layo ko kasi, eh, pero di bale, kahit malayo, naaaninag ko parin ang walang kupas na kagwapuhan niya.

“GWAPO MO WADE!” Sigaw ng isang humahagulhol doon sa baba.

Ganun ka gwapo! Yung mapapahagulhol ka talaga!

“I guess you’re the only one, that nobody changes

I guess you’re the only one left standing

When everything else goes down

You’re still the only one…”

Kahit na malayo ako, laking gulat ko nang itinuro niya ako, diretso, yung tipong siguradong sigurado ako na ako yung tinuturo niya.

“Yeah, you’re still the only one…”

Tumindig ang balahibo ko at natahimik. Hindi ako nakatili dahil nagbara yung lalamunan ko. Sina Coreen lang at yung mga fans ang tumili para sakin. Nalibong na lang ako sa upuan ko at nagpipigil ng ngiti.

Ngumisi si Wade sa reaction ng madla at tumalikod siya para ipagpatuloy ang kanta…

“It’s all shallow and all so appealing

I’m up to my ankles and I’m drowning

Anyway in a sea of sarcastic faces familiar places

Everything looks quite the same here

It’s all confusingly amusing bitter and tainted

The picture you painted to me…

I guess you’re the only one…”

Kinagat ko na lang ang labi ko. Nag dim ulit yung lights. Niyugyog ni Coreen ang balikat ko.

“OH MY GOD! SHET! REINA!” Aniya.

Magulong-magulo na siya. Maging ang mga fans ay hysterical na. Hindi ko na maintindihan… may umiiyak, may naninisay sa kilig, may nagwawala, may panay ang tili na halos mapaos na… halu-halo. That’s the Wade Rivas effect!

Nang unti-unti ulit na bumukas yung dalawang ilaw sa center stage. Naaninag ko ang magulong buhok ni Wade. Nakapikit siya at nakaupo sa isang itim na stool. Nasa harap niya yung microphone at may hawak siyang acoustic guitar.

Kinalabit niya ng marahan yung guitar at nakita kong ngumisi siya kahit nakapikit.

“See the pyramids along the Nile

Watch the sunrise from a tropic isle

Just remember darling all the while

You belong to me…”

Tumindig ang balahibo ko sa boses na pinarinig niya saming lahat. Malamig, tagos sa puso… yung tipong mamumuo ang luha sa mga mata mo. Kinagat ko na lang ang kamay ko dahil kung hindi ay baka mapahikbi na ako.

“See the market place in old Algiers

Send me photographs and souvenirs

Just remember when a dream appears

You belong to me…”

Unti-unting naagaw ang atensyon ko sa mga nakaputing fans ni Wade na ngayon ay may dala-dalang mga puting kandila na may butterfly sa hawakan.

“Ito na yung surprise ng fans ni Wade sa kanya.” Sabi nI Coreen.

Tumango ako at pinanood silang sinisindihan isa-isa yung mga kandila nila.

“And Ill be so alone without you

Maybe youll be lonesome too…”

Mas lalong lumamig ang boses ni Wade. Nakapikit parin siya hanggang ngayon. Mukhang damang-dama niya talaga ang kinakanta niya. Kaya naman damang dama ko rin ito at hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

Bumaling ulit ako sa mga fans niyang unti-unting pumwesto sa bawat baitan ng hagdanan sa tapat ko. Pumwesto sila sa magkabilang gilid. Naaalala ko sa kanila yung mga sundalo ni Prince Charles tuwing darating yung royal family… Yun nga lang, imbes na katana o rifle yung dala nila ay kandila naman.

“Fly the ocean in a silver plane

See the jungle when it’s wet with rain

Just remember till you’re home again

You belong to me…”

Papalapit na sila nang palapit samin ni Coreen. Ayos! Not bad! Hindi naman pala nangungulelat ang pwesto namin ni Coreen ngayon kasi dito yung surprise ng mga fans niya.

“I’ll be so alone without you

Maybe youll be lonesome too…”

Unti-unting humupa yung pag strum ni Wade ng guitar. Dinilat niya ang mga mata niya at nakita kong suminghap siya at umiling.

Ngumisi din siya at pumasok sa stage sina Zac, Adam at Austin. Tinapik nila yung likod ni Wade at nakipag high five sa kanya. Nagtawanan pa ang apat hanggang sa bumaling si Wade sakin ng nakangiti at tumayo na rin.

Kinuha yung stool sa likod ni Wade at ngayon ay tumutugtog na silang apat. Wala narin yung gitara ni Wade. Nandyan na rin kasi si Zac at Austin para i back up yung gitara niya.

Una kong narinig ang gitara ni Austin… bago pumasok si Zac at Adam…

“I came to tell you… how it all began…”

Bumaba si Wade sa stage at tumayo sa dulo ng mga hagdanan. Ngayon, magkatapat na kaming dalawa. Pero unti-unti kong narerealize na hindi siya aakyat sa hagdanan. Nandoon lang siya, kumakanta, nakatayo at nakatitig sakin.

“Nothing seems to work out right

I’m broken down again

So hold me now

Say it’s not forever…”

Unti-unti kong naramdaman ang pagtatapik ni daddy sa balikat ko. Si mommy naman ay inaalalayan ako patayo. Nanlaki ang mga mata ko sa bigla.

“‘Cause maybe someday

In time

Well things will go my way, ohh

Things will go my way…”

Kasabay ng pag ingay ng kanta ay ang pagkakagulat ko sa buong pangyayari.

Nilingon ko ang nakatayo at nakangising si Coreen. Nag peace sign ang lukaret at winagayway niya ang bouquet na hawak hawak niya.

“A-Anong?”

Bago pa ako makapagsalita ay ibinigay niya na ang isa pang bouquet sakin. WHAT?

“Let’s go, Reina.” Nanginginig na sinabi ni Daddy sakin.

Naunang mag lakad si Coreen. Siya lang yung naglalakad sa gitna ng mga fans na may dalang kandila.

Nang lumiko na si Coreen ay nagsimula din kaming maglakad nina daddy at mommy.

Napalingon-lingon ako sa mga fans na ngayon ay sobrang tahimik at panay ang picture sa mga nangyayari.

“I’ve pushed to get through

The crowds of twisted souls

Just to find I’m right back here

Doing what I’m told…”

At sa wakas ay tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Nakangisi siyang pinapanood akong gulat na gulat sa nangyayari. Nang nakita ko na siyang pinapalibutan ng mga kapatid ko, ng mga tao, ng isang may dalang malaki at makapal na libro… Doon ko na realize na totoo ito. This isn’t a concert! THIS IS A FREAKING WEDDING! OUR WEDDING!

Basang basa na ang pisngi ko sa mga luha nang nakarating na ako sa huling baitan.

“So take my hand

Don’t let me surrender…”

Naglahad siya ng kamay. Nilagay ko agad ang nanginginig kong kamay sa ibabaw ng kamay niya. Tinapik siya ni Daddy at niyakap ni mommy.

“’Cause maybe someday

Ya, in time

Things will go my way…”

Humagulhol ako sa iyak nang nakita kong nakangiti siya at nakabalandra ang dimple niya pero naiiyak narin.

Hindi niya na pinagpatuloy ang kanta kahit na nagpatuloy parin sa pagtugtog ang mga miyembro ng Going South.

“Happy birthday, Reina… my wife…” Bulong niya sakin.

Pumagitna agad yung pormal na lalaking may hawak ng makapal at malaking libro na mukhang biblia. Mabilis lang yung nangyari, binasa iya lang ang Corinthians 13.

“Reina Carmela Elizalde, do you take me as your lawfully wedded husband, kasi ako, noon ko pa ‘to pinangarap. Ikaw lang yung pangarap kong hindi nagbago. At patuloy akong mangangarap sayo… dahil hanggang ngayon, pakiramdam ko ang hirap mo paring abutin… hanggang ngayon, ikaw parin yung pinaghihirapan ko para lang mapansin ako… dahil hanggang ngayon, ikaw lang talaga ang laman ng puso ko. So this time…” Nanginig ang boses niya.

SHIZ! WALA AKONG INIHANDANG SASABIHIN! Wala akong ginawa kundi umiyak!

“So this time… you’re not leaving me anymore… kasi noon pa man, sayo lang umiikot ang mundo ko. My whole heart and soul is chained on you… Kaya ngayon, gusto kong makasiguro, na ikaw rin ay akin, na tayong dalawa ay para lang sa isa’t-isa. Coz Reina, I love you with all my heart and soul… baliw na lang ang magdududa sa pag ibig ko sayo.”

Tumigil siya at suminghap. Tumango ako at hinayaang tumulo ang luha ko.

“Will you take me as your husband, Reina?”

Tumango ako at nagbara ang lalamunan ko, “O-Of course!”

Agad niyang pinadulas ang singsing sa kamay ko. Kinuha ko yung isang singsing.

Tumili ang mga fans habang isinusoot ko iyon sa kanya.

“Will you take me as your lawfully-”

“Wala ng tanong, Reina… It will always be a yes…”

Nanginginig ang kamay ko nang isinoot ko yung singsing sa kanya. Pumalakpak ang lahat. Agad niya akong hinila at hinalikan. Binalot niya ang labi ko sa maiinit at sabik na halik. Nakakalasing. Nakakalimutan kong nasa harap kami ng maraming tao. Nangatog ang binti ko sa halik niya. Pakiramdam ko nakakalimutan din niyang maraming tao dito.

Darn, Wade Rivas!

“Reina Carmela Rivas.” Bulong niya sa tainga ko, “Ready for honeymoon?”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Mapapansin Kaya? – Kabanata 75

WARNING: SPG

thanks sa support people… hindi ko to matatapos kung wala kayo. salamat… abangan yung epilogue…

This is the last kb.


Kabanata 75

Sobra Sobra

Lumabas si Wade sa studion habang nasa likod niya na ang gitara. My rockstar in character.. Nakakatuwa siyang tignan. Kaya lang sumimangot siya nang nakita ang balloon sa kamay ni ko.

Kinuha ko kasi iyon kay Adam para tignan. Nag high five sila ni Adam at Austin.

“Ayos, bro?” Tanong ni Adam.

Tumango si Wade at bumaling sakin. Winagayway ko yung balloon. Sa totoo lang, alam kong ako yung makakapagpabago ng pag iisip niya, pero hindi ko alam kung paano. Pakiramdam ko, ako yung superhero na may power pero hindi alam kung paano gamitin ang power na iyon.

“Ano yan?” Sabay turo sa balloon na hawak-hawak ko.

Lumapit ako kay Wade. Nilahad niya ang bisig niya, para bang naghihingtay siyang yumakap ako sa kanya. Kaya sinandal ko ang buong katawan ko sa kanya nang ipinakita ko iyon.

Pinulupot niya ang kanyang braso sa baywang ko.

“Galing sa fans mo sa labas.” Sabi ko at tinuro ang nakalagay sa balloons.

Hinalikan niya ang pisngi ko at binasa ang nakasulat doon. Ngumuso siya.

“They love you because they love me…” Aniya.

“Ayaw mo nun? Ready silang tanggapin yung desisyon mo para lang bumalik ka?”

Umiling si Wade at hinila ako, “Tara na… Uwi na tayo…” Ngumisi siya sakin.

Sumimangot naman ako ngayon. Ayaw niya talagang paawat sa desisyon niya, ah?

Nagpadala ako sa hila niya papunta sa elevator.

“See you around, man!” Tinapik niya sa balikat si Austin at Adam.

Kakalabas naman si Zac sa studio, naabutan niya kaming paalis na. Napatingin si Zac sakin at ngumisi kay Wade.

“Basta sama ako sa kasal, ah…” Aniya.

“Whatever, Zac.” Pumihit si Wade para talikuran sila.

Ramdam ko, kita ko sa mukha niya ang panghihinayang. Magkaibigan silang apat. Mejo matagal-tagal narin silang magkasama para buuin ang Going South. Nakakalungkot isiping dumating lang ako ay gumuho agad yung pundasyong inilaan nila para sa bandang ito.

Nakakalungkot.

Alam kong kahit firm ang desisyon ni Wade tungkol dito ay hindi niya parin kayang takasan ang lungkot. Maaring hindi siya nagsisisi, hindi siya nanghinayang, pero alam kong malungkot siya.

“Wade…” Hinila ko siya pagkalabas namin sa elevator.

“Bakit?”

“Pwedeng kahit saglit lang, doon muna tayo?” Sabay turo ko sa front door ng Moon Records.

“Anong gagawin natin diyan?” Tanong niya with a confused look.

“Panonoorin ko lang ang fans mo, kakausapin.” Sabi ko.

Nakita kong kumuyom ang panga niya sa suhestyon ko. Ayaw niya.

“Please?” Hinaplos ko ang likod ng leeg niya.

Pumikit siya at humugot ng malalim na hininga.

“Alright…” Aniya at nagpahila din sakin.

Pinapanood kami ng mga nagtatrabaho sa Moon Records. Nakita ko yung mga ulo nilang sabay na gumalaw sa paglalakad naming dalawa. May ibang bumati kay Wade at kinumbinsi siyang bumalik, ngumiti lang siya at tinignan ako. Hinayaan niya akong hilain siya papunta sa front door.

Pinagbuksan kami ng security guard. Kahit na salamin naman yung pintuan at kanina ko pa nakikita yung mga fans na nakaupo sa labas, iba parin talaga yung feeling na walang barrier sa gitna ninyo.

Agad may lumapit na security guards saming dalawa ni Wade. Para bang naghahanda silang protektahan kaming dalawa.

Nagmartsa ang mga fans palapit samin. Alam ko kung gaano sila nahirapan sa pagpipigil sa pagtakbo para dumugin si Wade. Nasa tapat kami ngayon ng building. Hindi kami bumababa sa hagdanan ng Moon Records dahil may nakahilerang mga security guards sa unang baitan ng hagdanan. Kaya ang mga fans ay nanatiling sa baba. Ganun pa man, kitang-kita ko yung mga mukha nila. Iniisa-isa ko silang tinignan. Malulungkot at kakagaling lang sa iyak yung iba. Yung iba naman ay hindi maalis ang pagkamangha kay Wade.

Nasa likod ko lang si Wade, walang imik at malamig ang tingin sa mga umiidolo sa kanya.

Humakbang ako palapit sa kanila ngunit agad namang hinila ni Wade ang braso ko. Hinayaan ko siyang hawakan ang braso ko at agad na lang akong nagsalita.

“Hello po! Ako nga po pala si Reina Carmela Elizalde.” Sabi ko.

Tumango ang mga fans ngunit tahimik parin.

“Ako po yung girlfriend ni Wade…” Dagdag ko.

“Fiancee.” Pagtatama ni Wade.

Hindi ko siya pinansin. Nakatoon lang ang buong atensyon ko sa kanyang mga fans.

“Thank you po sa effort na yan…” Sabay turo ko sa pink balloons. “Na aappreciate ko po yung pagmamahal niyo kay Wade… Naappreciate ko po yung paghanga niyo sa kanya…”

Bahagyang nagbulung-bulungan ang mga fans.

“Mahal ka din po namin. Susuportahan namin si Wade…” Sabi nung mejo matanda ng fan.

Naging dahilan ito ng mas lalong umingay na bulung-bulungan. Napawi din ang bulung-bulungan nang nagsalita ulit ako.

“Pareho po tayo ng gusto… Kahit na nasaktan ako sa mga nangyari, sa mga bashers, sa mga nanira, sa lahat ng nangyari, gusto ko parin siyang bumalik sa showbiz.”

Mas lalong humigpit ang hawak ni Wade sa braso ko.

“Kung ako ang masusunod, pababalikin ko siya. Dahil una ko po siyang nakilala, at napansin, noong nasa stage siya at kinakanta ang isang napakagandang kanta. Pakiramdam ko, hindi kumpleto ang buong pagkatao niya kung wala siya sa stage…” Pumiyok ang boses ko.

Naasiwa ako sa katahimikang bumalot sa buong lugar. Ihip lang ng hangin ang narinig ko at panghihina lang ng kamay ni Wade ang naramdaman ko.

“Mahal ko po siya ng buong buo. Susuportahan ko siya kahit ano man ang gusto niya. Pero ayaw ko siyang malungkot, coz I know this is his passion. Hindi bale na yung sakit… di bale na yung lahat ng naranasan ko… ang importante sakin makita siyang masaya…”

Naramdman kong linapit niya ang bibig niya sa tainga ko.

“But I’m happy with you, Reina.”

Ngumisi ako at bumaling sa kanya.

“You will be happier with me… and with your passion, Wade.”

Napalunok siya sa sinabi ko. Damn, I love this man so much. Hindi ko alam kung paano ko nakakayang pasanin yung pagmamahal ko sa kanya dito lang sa puso ko, eh ang liit liit ng puso.

“I’ll try my very best, po, na pabalikin siya sa stage. Para kumanta… Para hangaan niyo… I love Wade completely, with or without his fame. Pero pakiramdam ko po, magiging buo yung pagkatao niya pag bumalik siya sa pagkanta…” Nilingon ko si Wade na ngayon ay nakita kong pula na ang ilong at naiiyak ng nakasimangot sakin.

Ngumisi ako at napatingin sa fans niyang ngayon ay humahagulhol na rin.

“Baguhan ka talaga, Reina… Kaya mahal na mahal kta, eh…” Bulong niya sakin.

Suminghap siya at kinusot ang mga mata.

“Mamaya pa dapat ‘to, pero sige…” Aniya at sinuyod ang mga fans niyang nag aabang ng sasabihin niya.

Biglang lumuhod si Wade sa harap ko. Halos magtatalon ako nang nakita ko pa lang siyang papaluhod. Dahil alam ko… alam ko na kung anong gagawin niya… Kahit na hindi ko iyon inaasahan, nalaman ko rin dahil sa pagluhod niya.

Nakangisi siya nang nilahad yung pulang box.

Tumili na ako ng bongga. Hindi na ako makapagpigil. Tinalikuran ko na siya at sinabunutan na yung isang guard doon.

OH MY GOODNESS! I’m hyperventilating in front of these people!

May iilan na akong nakitang kumukuha ng video…

“Marry me, Reina… Kung hindi, hindi ako babalik sa Going South.” Banta niya.

“OH MY GOOOOD! AHHHH!”

“AHHH MARRY WADE, REINA!”

“SHEMSSS! SHEMS! MARRY NA!”

“KASAL NA PLEASE!” Sigaw nang sigaw ang mga fans niya sakin.

“WE LOVE YOU REINA!” Sabay sabay silang sumigaw nito.

Hindi ko na marinig ng maayos ang lahat kasi iba-iba na yung sigaw nila. Bumabaling na rin yung mga nakaharang na guards samin at nakangising pinapanood kami.

“Of course, I’ll marry you, Wade Rivas! WHO WOULDN’T?”

Nilagay niya dahan-dahan ang singsing sa kamay ko. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay niya habang nilalagay ito sakin. Nang tuluyan niya na itong nailagay ay tumayo na siya. Agad ko siyang niyakap.

At dahil mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya, hindi ko na namalayang yumuyuko na pala siya para abutin yung binti ko. Binuhat niya ako sa bisig niya at agad bumalik papasok sa Moon Records.

“WE LOVE YOU REINA! CONGRATULATIONS, WADE!” Iyon ang huli kong narinig sa mga fans niya.

Tumitili ding sumalubong ang buong staff ng Moon Records. May mga bumabati at naninisay sa kilig. Kaya lang, suplado itong si Wade at diretso lang na naglakad papuntang parking lot.

“You made me do it, Reina.” Buntong hininga ni Wade nang inilapag niya ako sa front seat ng kotse niya.

Pagkalapag niya ay inatake niya na agad ako ng halik. Malalalim at sabik na mga halik. Halos lumubog ako sa kinauupuan ko.

“Oh? May gustong mag picture nito? Sige, picturan nila!” Aniya sabay halik sakin sa leeg.

Damn! Maging ako ay sabik na sabik narin sa kanya. Mejo matagal-tagal na rin kasi yung huli naming halikan. Alam niyo na, palagi akong nasa bahay.

Padabog niyang sinarado ang pintuan at tumakbo na agad siya papunta sa driver’s seat.

“Damn, don’t tell me di na naman tayo aabot!” Aniya sabay paharurot sa sasakyan niya.

Maging ako ay gusto naring makaabot sa condo niya. Hindi ko na mapigilan ang paghaplos sa mukha niya. Sobrang gwapo niya. Yung matangos na ilong, expressive na mga mata, mapupulang labi at malalim na dimple… He’s just too hot.

Hinila niya ako palabas ng sasakyan pagkarating namin sa parking lot. Nang nakita naming kaming dalawa lang sa elevator ay agad niya na akong inatake sa loob.

Nagpapalitan kami ng halik nang gumapang yung kamay niya sa ilalim ng damit ko. He unclasped my bra easily. Hindi pa naman natatanggal yung top ko pero damang dama ko na ang init sa katawan ko at maging sa katawan niya.

Gumapang yung kamay ko sa maiinit niyang abs. Napangiti ako nang naramdaman itong nag flex.

Idiniin niya ang sarili niya sakin. Napasandal ako sa gilid ng elevator. Inangat niya ako at mas lalong hinalikan.

Mariin ng humahaplos sa gitna ng hita ko ang kanya. Hindi ko mapigilan yung pag init pa lalo ng katawan ko ngayong ramdam kong sabik na sabik niya talaga siya.

TING!

Bumukas ang elevator. Pareho kaming tumakbo ng nakahawak kamay papuntang condo niya.

“Aabot tayo, Wade!” Sabi ko.

Tumawa siya at nanginginig ang kamay niyang binuksan ang pintuan ng condo.

Pagkasarado agad ng pintuan ay balik kami sa halikan. Nilagay ko ang kamay ko sa leeg niya ang isang kamay naman ay naglalakbay sa heat inducing abs niya. Yung isang kamay niya naman ay minamasahe ang dibdib ko, yung isa ay gumagapang na sa ilalim ng shorts ko.

“Shit, di ako aabot, Reina.” Aniya sabay tulak sakin sa sofa.

Mabilis ang hininga niya habang pinapanood akong nakahiga sa sofa. Mabilis niyang tinanggal ang tshirt niya bago hinalikan ulit ako.

“Wade….”

Naaninag ko ang mga simbolo sa alibata na ang ibig sabihin ay Reina sa dibdib niya. Napalunok ako nang yumukyok siya at nag flex ulit yung abs at vline niya.

Nialagay ko ang kamay ko sa baywang niya, habang yung mga kamay niya naman ay busy sa pagtatanggal ng damit ko.

Hinalikan niya ang dibdib ko, dahan dahan at nakakakiliti. Yung isang kamay niya naman ay nilalaro ang nipple ko.

Hindi ko na mapigilan, napadaing na ako sa pangalan niya, “Wade!!!”

SHIZ!

“Tangna-” Mura niya at madaling tinatanggal ang belt niya.

Tinulungan ko siya sa pagbaba ng kanyang pants. Napapikit ako nang nakitang readyng ready na yung kanya.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang shorts ko habang hinahalikan yung tiyan ko pababa.

“I love you so much, Reina Rivas…” Aniya at dahandahan niyang ipinasok sakin yung kanya.

KInagat ko ang labi ko.

“Kahit anong gusto mo, gagawin ko. Susundin ko. Damn, mahal na mahal kita. Sobra sobra…” Aniya.

Sinabayan ko siya sa pag galaw. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinawakan ko ang braso niya.

“Mahal din…” Hindi ko matapos tapos ang sinasabi ko.

Pumilipit na lang ako sa naramdaman ko sa kalooblooban ko.

“Oh my gosh…” Sabi ko at natigilan… “Mahal na mahal din… ki… ta… Wade~” Hindi ko na kayang marinig ang sarili ko.

“Ugh, Reina!” Naramdaman kong tumigil at nanginig siya kasabay ng naramdaman ko.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Mapapansin Kaya? – Kabanata 74

Kabanata 74

Pink Balloons

Hindi naman talaga sinabi ng maayos ni mommy at daddy na papayag na sila samin ni Wade. Hindi nila nilinaw sakin. Ang alam ko lang ay gusto ng planuhin ni daddy yung wedding.

Nakaraan ang ilang araw, nagbalik din sa dati ang buhay pamilya ko. Trabaho silang lahat, ako naman mejo nag lie low muna sa Fashion Week. May nag offer ulit na magazine sakin na ifeature yung works ko. Though I doubt it kung dahil ba iyon nagustuhan nila o dahil mainit akong topic ngayon.

Hindi ako hinahayaan ni Wade na lumabas sa bahay. Siya na mismo nag pupunta sa bahay araw-araw para bisitahin ako. Ayaw niyang may mangyaring tulad nung sa mall.

Nanonood ako ng TV habang hinihintay ang pag dating niya. Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi parin naiaalis sa mga balita ang tungkol kay Wade at Shan. Unti-unti na ring pumapasok sa kokote ng media ang kasinungalingang bumabalot sa ‘relasyon’ nilang dalawa.

May isang special report pa na nag hahayag ng mga clues tungkol sa katotohanan. Ipinakita yung mga clips ng pag deny ni Wade noong kasagsagan pa lang ng pagsikat niya at ni Shan.

May eksena doong may pinag uusapan si Zac at si Wade, sabay silang tumawa, kaya nang lumapit ang reporter kay Wade at nag tanong tungkol sa relasyon ni Wade at Shan.

“Wala… Wala…” Umiiling si Wade at umiilag sa camera pero tumatawa parin.

May kumento din doon ang reporter na ganyan talaga sa showbiz, madalas yung mga totoong relasyon ay tinatago.

Doon nagsimula ang lahat. Tuwing iniinterview si Shan, hindi naman siya nagsisinungaling, pero panigurado namang blooming at palaging nakangiti at nakabalandra ang dimple niya pag kaharap ang camera.

“May relasyon ba kayo ng vocalist ng Going South na si Wade Rivas?”

Hindi siya agad sumagot. Nakangisi lang siya at nagningning ang mga mata niya. Taas baba ang microphone niya na para bang nag aalinlangang sumagot.

“No comment…” Tumawa siya.

Sa tagal niyang sumagot, yun lang din pala yung mapapala ng mga tao.

Hindi siya nagsinungaling pero di niya naman sinabi ang totoo.

Nung unang nakita si Zoey na papasok sa condo ni Wade kasama ang isang matangkad na lalaki, si Mr. Manzano at ang isang P.A, pinakitang si Zoey lang naman talaga ang nasa picture. Pagkatapos noon ay nagpakita si Shan sa publiko na may malaking black aviators. Hindi siya ngumingiti at palaging mukhang pula ang ilong niya.

Nang inintriga at tinanong kung anong nangyari…

“We’re okay… we’re okay…” Pero naiiyak siyang sumasagot.

Aburido si Wade kasi hindi siya mahilig magpainterview. Nang na interview siya sa The Buzz ng isang beses at tinanong kung anong meron sa kanila ni Shan ay diretsahan ang sagot niya.

“Hindi kami. Magkaibigan kami pero hindi kami.” Yun ang sagot niya.

Pero makikita sa host ang pag aalinlangan at pagkukunwaring naniniwala sa sagot niya.

Nabuhay ang topic na ito dahil kahapon nag painterview si Shan.

“Ano ba talaga ang totoo?” Tanong ng host.

May itim na background sina Shan. Itim din ang soot niya, maging ang host ay nakaitim, parang namatayan lang.

Hindi nagsalita si Shan.

“May relasyon ba kayo ni Wade Rivas?”

Ilang sandali pa bago siya sumagot, “Ang alam ko lang tito Boy, mahal ko siya.” Natigil pa siya para umiyak.

Napangiwi ako.

“Sino si Reina Carmela Elizalde?” Tanong sa kanya.

“Siya po yung ipinakilalang kaibigan ni Wade. Hindi ko naman alam na may nakaraan po sila. I was blind all along, tito Boy. Hindi ko po ineexpect.”

“Ginamit ka ba ni Reina Elizalde?”

Pumikit si Shan at nakita ko ang pag tulo ng luha niya, “Hindi naman po. May talent siya. Tinulungan ko lang siyang makapasok. Yung talent niya ang nagdala sa kanya sa estadong yan.”

“Anong masasabi mo sa pag quit ni Wade sa Going South?”

“Sayang po. Isa po siya sa pinaka magaling na artist na nakilala ko. Yung buong Going South po. Tingin ko, malaking kawalan siya. Hindi na mabubuo ulit yung Going South kung wala siya.”

Napalunok ako. She’s right!

“Anong masasabi mo sa WadeSha?”

Umiyak siya. Humagulhol bago nagsalita, “Maraming salamat sa suporta ninyo samin ni Wade. I really appreciate it. Kahit na wala ng WadeSha ngayon, sana patuloy niyo kaming suportahan sa kanya kanya naming career.”

“Lastly, Shan… Ano ang iyong mensahe kay Wade… at kay Reina…”

Humagulhol ulit si Shan. Ipinakita sa buong interview ang pagbibigay pa ng tubig ng staff bago siya nakapagsalita ulit.

“Stay strong sa inyong dalawa. Pasensya na kayo kung naging hadlang ako. Hindi ko naman alam yun. I love Wade, so ipinapakita ko sa kanya iyon. Hindi ko naman alam na may naapakan pala akong tao all this time.” Pumikit siya.

Natapos ang interview nang umiiyak si Shan at hindi na ulit nadugtungan ang sinabi niya.

Nakatunganga lang ako sa TV. Ang sumunod naman na clip ay ang mga nagwe-welgang fans ni Wade. Nagkaroon pa sila ng conference. Yung mga myembro sa iba’t-ibang fan-org. Yung mga WadeShanatics, WadeShaNation, WadeShaForever, GoingSouthNation, GoingSouthers… at kung anu-ano pang nakakadugo ng ilong na mga ganyan ay nagkaroon ng prescon. Bumuo sila ng panibagong organization. Isa sa pinakamalaking fanbase so far dito sa Pilipinas. Yung GSShippers na nalalayon sa pagiging matatag ng bandang Going South kasama si Wade. Nagkaroon din ito ng sister group na ang pangalan ay Wadesters.

“Hindi ako nagsasarado ng pinto para kay Wade Rivas. Of course, it’s always open for him. Pero kilala ko siya, this is his passion, pero alam ko ring mauuna sa listahan niya ang pagsecure sa relasyon nila ni Reina. Gaya ng sinabi niya sa statement niya, matagal niya na itong hinintay, nobody can ruin it for him. All we need to do is just support him. Kilalanin sana ng mga fans si Reina.” Sabi sa ambush interview ni Mr. Manzano. “I’ve met her. Lagi kaming magkasama sa backstage. Mahinhin po iyon. Hindi gaanong nagsasalita kung hindi tinatanong. Mabait na bata, matulungin at hindi mo makikita sa aura niya na sobrang yaman nila. So I understand kung bakit baliw na baliw si Wade sa kanya. Madalang ang babaeng ganyan lalo na’t mulat siya sa karangyaan.”

Nakapikit ako at halos takpan na ang tainga dahil sa hiyang nadarama sa pinagsasabi ni Mr. Manzano.

Napatalon ako nang may pumulupot sa leeg ko. Marahan niyang pinahingalay ang braso niya sa balikat ko.

“What are you watching?” Malambing na tanong ni Wade.

“Local news?”

Kumunot ang noo niya, “Hindi ka naman gaanong nanonood ng TV, ah?”

Pinatay ko ang TV at hinarap siya.

“Halos lahat kasi ng topic tungkol satin.”

Suminghap siya, “Wag mo ng panoorin. Mamaya basahin na naman diyan yung litanya at kumento ng mga mapanghusgang fans tungkol sayo. I don’t want you hurt, Reina.”

“Hindi naman.”

Hindi ako masasaktan pa. Pakiramdam ko pinoprotektahan ako ng pagmamahal niya sa sakit na maaring madama ko dahil lang sa mga sinasabi ng fans. Ganun ka tindi ang pagmamahal ni Wade. Tagos hanggang kaluluwa ko. Magagawa akong protektahan laban sa sakit.

“Hey…” Untag niya.

Tinaas ko ang kilay ko.

“Labas tayo ngayon.”

Unti-unti akong ngumisi. SA WAKAS! MAKAKALABAS NA AKO SA BAHAY!

“San tayo?” Nakangisi kong tanong.

“Hmmm. Kunin ko lang yung isang gitara ko sa Moon Records, tapos may kukunin din ako kay Hugo.”

“O sige ba!”

Kahit saan pa yan… basta ang gusto ko lang ay lumabas at masinagan ng araw. LOL. Nasisinagan naman ako ng araw tuwing naglalakad ako sa garden at sa pool side ng bahay namin, kaya lang iba parin pag nasa labas ka na ng mga matataas na dingding ng bahay namin.

“Pagkatapos ay punta tayo sa condo ko. May sakit si Carmela…” He pouted.

Ngumuso ako sa pout niya.

Nilagay niya yung noo niya sa balikat ko. Tumindig ang balahibo ko.

“Bakit? A-Anong nangyari?” Nauutak kong tanong.

Nakakakiliti naman kasi kahit yung buhok niyang dumadapo lang sa balat ng leeg ko.

“Ayaw niyang kumain. Bumili na nga ako ng treats, baka sakaling kumain.” Aniya.

“Baka naman in heat?” Sabi ko nang nakataas ang kilay.

Inangat niya ang ulo niya at kinunot ang noo.

“Sabi naman sayo ayaw ko siyang ipabreed diba?”

Hinampas ko ang balikat niya. Andito na naman tayo sa usaping ito. Inirapan ko siya. Kainis ‘to Tumawa siya sa reaksyon ko at niyakap ako.

“Nasanay na akong pinagbabawalan siya kaya sa ngayon, hindi talaga pwede…”

Asus! Bumabawi sa yakap ang isang ito. Umirap ako at tumayo.

“Tayo na! Hindi na ako makapaghintay makalabas dito…” Hinila ko siya at nakita kong kinuha niya ang cellphone niya.

“Text ko muna si daddy.” Ngumisi siya sakin.

Yes… Textmates sila ni daddy. Palagi pa siyang nagrereklamo kasi ang sagot lang daw ni daddy sa kanya ay isang malamig na, “K.”

Umirap ako at patuloy parin siyang hinila palabas ng bahay namin. Mabilis kaming nakarating sa Moon Records. Hindi ako makapaniwalang may iilan paring mga fanatic ang nag we-welga sa labas.

“Shit!” Napamura si Wade nang may tumuro sa sasakyan niya.

“Hala! Patay! Benz nga pala gamit mo!”

Kilala kasi ang sasakyan na ito bilang sasakyan niya kaya kahit tinted, makikilala parin siya ng fans.

Kahit bawal magpaharurot ng sasakyan papasok sa parking lot, sinenyasan siya ng security guard na bilisan ang pagpapatakbo nang di maabutan ng fans. Iyon nga ang ginawa niya. Nakapasok kami sa parking lot bago nagkaroon ng barricade doon para hindi sila makapasok.

Suminghap si Wade at umiling. Pinagmasdan ko naman siya at hinanap ang traces na nagsisisi siya sa desisyon niya. Sinimangutan niya lang ako nang naabutang nakatitig ako.

“What?” Tanong niya pagkapasok namin sa Moon Records.

“Kawawa ang fans mo-“

“Kawawa ang fans o kawawa ka? Walang tanong, Reina. Ikaw lang yung sagot kaya wag mo na akong iconvince…” Malamig niyang sinabi sakin.

Kaya lang, hindi talaga maalis sakin ang mga fans na nagbibilad sa araw para lang maibalik si Wade sa Going South. Dumungaw ako sa bintana at nakita ko yung mga kulay pink na balloon sa labas. Ano yan? Pinanood kong mabuti ang mga fans na may hawak na pink balloons. Si Wade ay nasa loob pa ng studio para kunin yung guitar niya.

“Inabangan talaga nila si Wade para diyan.”

Napatingin ako sa nagsasalita. Si Adam! Nandito pala ang mga miyembro ng Going South?! Nakita ko rin si Austin sa likod niya. Nakahalukipkip lang siya at pinanood ako.

“Adam… A-Austin…” Naramdaman kong gumapang ang guilt sa kalooblooban ko.

It was all my fault.

“I’m sorry…”

Umiling si Adam, “No, Reina. Kung ako nasa katayuan ni Wade… ibabash ang asawa ko at aawayin ng fans, I would probably quit. So I understand. It’s the right thing to do.”

Pareho silang nakatingin ngayon sa mga fans. Napatingin na rin ako sa baba, kung saan nandoon ang mga fans na may dalang pink balloons.

Binuksan ni Adam ang bintana. May isang fan na nakakita at tumili habang itinuturo kaming tatlo doon.

Tumakbo sila para tumapat at bahagyang lumapit sa bintana. Kahit na nasa ika tatlong palapag kami, malinaw kong narinig ang sinasabi nila.

“REINA! Please, tulungan mo kaming ibalik si Wade. Hindi naman lahat ng fans ang naging masama sayo… Kami… we love you… Mahal namin ang mahal ni Wade…”

May nakita akong humagulhol na isa. Nalaglag ang panga ko nang humagulhol ang halos lahat ng fans.

“Reina, please… please…”

Hindi ako makapaniwala. Hinding hindi pumapasok sa utak ko. Ganito ka passionate ang fans ni Wade sa kanya. Iniiyakan siya. Minamahal siya kahit may iba siyang mahal. It was too surreal, impossible, unrealistic, perfect…

May isang nakawalang balloon na agad namang inabot ni Adam at binasa ang nakasulat.

“We love Wade and Reina. Please come back.” Iyon ang nakasulat sa balloon.

Dumungaw ako sa mga humahagulhol at may nakita akong fans na umiiyak at nginingitian ako.

“Ang ganda mo pala, Ms. Reina…”

Parang kinurot ang puso ko nang nakita kong bata pa ang nagsabi noon. Mukhang nasa elementarya pa yata.

“Kahit di na lang po siya bumalik, makausap lang namin kayo ng maayos at makapag apologize, ayos na samin…” Nabasag ang boses nung mas matanda bago humagulhol.

Wala akong nagawa doon kundi ang lumunok at panoorin silang marubdob na pinapahayag ang mga daing nila.

“Hindi na magbabago ang isip ni Wade. Nothing will change his mind…” Sabi ni Adam nang nakangiti. “Pakitaan man siya ng milyun-milyong fans na humahagulhol, hindi magbabago ang isip niya.”

Umiling ako at tinitigan siya. Nabigla siya sa pag iling ko kaya hindi niya pinagpatuloy ang pagsasalita.

“Ako… Mababago ko ang isip niya.”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Mapapansin Kaya? – Kabanata 73

Kabanata 73

Pre Nuptial

Buong araw, iyon lang ang laman ng news. Ipinakita sa TV ang umiiyak at nag wewelgang mga fans sa labas ng istasyon at Moon Records.

“Hindi naman kami lahat yung nambully kay Reina! Bakit nasali kami?” Sabi nung isang umiiyak at may dalang tarpaulin ni Wade.

Ibalik si Wade! – Yun ang laman ng mga tarp at karatulang dala-dala nila.

Gigil na gigil na akong puntahan si Wade pero dahil nangako ako sa kanyang hindi ako lalabas ng bahay.

Sa sobrang paranoid ko, napatalon na ako nang narinig kong tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako sa buong pamilya ko, kasama si Liam at Coreen na pare-parehong nakatitig sakin. Para bang gusto rin nilang sagutin yung cellphone ko.

Tumayo ako at umalis para pumuntang kwarto.

Nang nakalapit na ako sa hagdanan ay halos masamid na ako sa pagtakbi papuntang kwarto…

“Hello, Wade?” Sabi ko nang nakarating na sa pintuan ng kwarto ko.

“You okay?”

Halos maiyak ako sa tanong niya. Pagkatapos ng ginawa niya, tingin niya matitinag pa ako? Hindi na! Hinding hindi! Kahit ano pa yang ibato sakin, okay na okay ako. Simula palang, siya naman talaga ang nagbibigay ng lakas sakin. Lagi niyang pinaparamdam sakin na ako yung bumubuo sa pagkatao niya. Pero ang totoo nito ay siya itong bumubuo sa pagkatao ko. Hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob kung wala siya… Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung wala siya.

“B-Bakit mo ako tinatanong?” Nabasag ang boses ko.

Hindi ko na mapigilan ang pag iyak ko.

“Are YOU okay? Ikaw itong umalis ng showbiz. It’s your dream, Wade. Why leave your dream just for me?”

Naisip ko yung pagiging walang kwenta ko noon. Iniwan ko siya. Hindi sapat na dahilan yung excuse ko noon sa pag iwan ko sa kanya… hindi sapat yun para saktan ko siya.

“Of course, I’m okay kung okay ka… Kaya are you okay, Reina?”

Humikbi pa ako lalo. I can’t take this. He’s just too darn good for me…

“Yes, I’m okay pag nandyan ka.” Pumikit ako.

“Bakit ka umiiyak?”

Natawa ako sa tanong niya, “Ikaw ba marinig yung speech mo sa TV, hindi ka ba maiiyak?”

Humalakhak din siya.

“Is this okay, Wade? Yung pag talikod mo? How bout the band? Madidisband? You’re the vocalist, for God’s sake? What about Zac? Austin? and Adam? Mr. Manzano?”

“Nasabi ko na sa kanila, Reina. Besides, wala naman silang magagawa. Mag eexpire na ako next month. Wala na silang hold sakin.”

“Wade, this isn’t a joke. It’s your career.”

“May naipon ako, Reina. My family bought this farm sa Alegria. At marami na rin akong-“

“That’s not what I mean, Wade. It’s your passion we are talking about… Yung music. You are really talented… You belong there. Sayo ang stage, Wade.”

Suminghap siya, “No, Reina. I’ll protect you. Ikaw ang priority ko. Kaya hindi na magbabago ang isip ko.”

Napalunok ako.

“Are you really sure about this?” Tanong ko.

“Yes. Really sure, Reina.”

Pumikit na lang ako. Hindi ako makapaniwala. Tulad ng mga fans niya, nanghihinayang din ako sa pag alis niya sa showbiz! Phenomenal ang pag sikat nila. Siya yung lead, siya yung center of attention, siya yung aalis. Sayang! At lahat ng iyan gagawin niya para sakin.

“Magpahinga ka muna ngayong araw, okay? Hindi kita papupuntahin dito o pupuntahan diyan.” He chuckled.

Nanghina ako. I really really want to be with him. Kaso… pakiramdam ko sa oras na magkita kami hindi na ulit ako hihiwalay sa kanya. Gugustuhin ko na lang na nasa tabi niya parati.

“Papunta na ang parents ko galing Alegria. Pupunta kami diyan, bukas, mamamanhikan. I’ll marry you, kahit na ayaw ng pamilya mo, I’ll marry you, Reina.”

Hindi matanggal sa utak ko ang mga banta ni Wade. Maging sa panaginip ko ay dumalaw ito sakin. Matamis na banta… I love you so much, Wade.

Nagising na lang ako sa panibagong araw. Tinanghali pala ako ng gising. Ang sarap pala ng tulog ko.

Biglang may kumatok sa pintuan ko.

“Sino yan?” Sigaw ko kahit napapaos pa ang boses ko.

“Ma’am Reina, salamat naman, gising ka na po ba?”

Mahina ang boses ng katulong namin. Halos hindi ko marinig dahil sarado naman kasi yung pintuan ng kwarto ko.

Inaantok pa akong bumangon. Nakapikit pa ako habang naglalakad. Binuksan ko yung pinto at naaninag ang natatarantang mukha ng katulong.

“Naku ho!” Sigaw niya sa mukha ko. “Hindi ka pa po pala naliligo! Hindi ba sinabi sayo ni Wade…” Iba yung tono ng Wade niya.

Nagising ako dun sa tono. Para kasing isa siya sa mga nag nanasa.

“… ni Wade na pupunta siya dito kasama yung pamilya niya?”

Nanlaki ang mga mata ko nang narealize na oo nga pala, sinabi nga pala iyon ni Wade sakin.

“P-Po? nandyan na ba sila?”

Tumango si manang, “Oo! Kanina pa. Nasa baba. Kausap yung mommy at daddy mo. Kanina pa nila ako inuutusang gisingin ka kaya lang tulog na tulog ka.”

JUSKO! Buti hindi si Wade ang pumunta dito at gumising sakin!

Agad kong nicheck ang muta at laway ko. Meron ba? Makaligo na nga muna! Nagmadali akong pumunta sa banyo at naligo. Pakiramdam ko wisik-wisik lang yung ginawa ko sa sobrang bilis.

Nakatuwalya pa ako nang lumabas para magbihis pero langya, bumungad sakin ang magulo kong kwarto! Nagkalat ang mga photo album at kung anu-anu pang abubut ko noon. Mukhang may nag halungkat ng baul ko!

Nakita kong nakasimangot na tinitignan ni Wade ang isang spring notebook na malaki.

“WADE?” Sabi ko.

Tumingala siya at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko. Uminit ang pisngi ko. Buong akala ko ay aasarin niya na naman ako ng mga bastos na hirit niya pero nakasimangot lang siya habang iniisa-isa ang parte ng katawan ko.

“Anyare? Kumusta yung pag uusap ni mommy at daddy sa mga magulang mo? Sorry, wala pa ako. Tinanghali ako.” Sabi ko sabay kuha ng damit sa closet.

Sinusubukan kong umilag sa titig niyang hindi matanggal-tanggal sakin. Pero nakasimagot parin naman siya.

“Hinihintay ka namin.” Masungit niyang sagot.

Kumunot ang noo ko at sinarado ang closet room para makapagbihis na ako. Narinig ko ang pagtayo niya at paglapit sakin.

“Mag bibihis muna ako.” Sabi ko sabay kuha sa tuwalya para makapag panty na at bra habang nasa labas pa siya.

Bigla niyang binuksan yung pintuan. Naka sarado iyon pero nabuksan niya. Ewan ko kung paano niya ginawa.

“AHH!” Halos mapatili ako.

Seryoso parin ang mukha niya. Nagmadali akong kunin ulit ang tuwalya. Panty pa lang naisusuot ko. Mas lalo akong naasiwa nang nakatitig siya ng nakasimangot sa dibdib ko.

“Manyak ka!” Sigaw ko.

Pero mukhang hindi niya ata yun narinig.

“Sino ‘to?” Iyon ang tanong niya sakin habang ipinapakita ang lumang barbie autograph ko.

“Huh?”

Inayos ko yung tuwalya at tinignan iyung tinuturo niya.

“Ynigo Sanchez?” Sabi ko habang binabasa ko ang sulat kamay ko. “Classmate ko yan noong highschool.”

“Nasan na siya ngayon?”

Uminit ang pisngi ko nang narealize kung bakit siya nakasimangot at bakit siya nagtatanong.

“Huh? Ewan ko? Nag aaral din sa kabilang Univ-“

“Sino ‘to?” Tinuro niya ang isa pang mas lumang autograph.

“Benjamin Jimenez?” Playing dumb now… Kinagat ko ang labi ko, “Kapitbahay namin.”

Nanliit ang mga mata niya.

“Alin yung bahay nila dito?” Tanong niya.

“Wade! Anu bah! Matagal na kaya yan?”

“Who is your crush? Ynigo Sanchez? Isa pa, who is your crush? Benjamin Jimenez? Ang dami mo palang naging crush? Asan yung iba mo pang ganito? Para yatang taon-taon kang nagpapalit ng crush?”

Mas lalong uminit ang pisngi ko. Eh… Kasalanan ko bang hopeless romantic ako noon!?

“Kaya ba madali mo rin akong naging crush noon? Baka sa susunod na taon, iba naman yung gusto mo, ah?” Masungit niyang sinabi.

“Huh? Hindi no! Apat na taon, Wade. Sasayangin ko ba yun.”

Naningkit pa lalo ang mga mata niya at nakita kong dahan-dahan niyang sinarado ang pintuan ng closet room ko.

Napalunok ako at napaatras.

Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa tuwalya ko. Nanghina agad yung tuhod ko. Alam kong nasa bahay kami, nandito mga magulang namin, at alam nilang nasa loob kaming dalawa ng kwarto ko… pero damn, kung gusto ni Wade na angkinin ako ngayon din, alam ko sa sarili kong bibigay ako, wala akong pake kung mahuli kami at paghiwalayin dahil sa kahalayang nagawa. Paghiwalayin your faces! Hindi ako natatakot.

Tinanggal ni Wade ang tuwalya ko.

“Wade~”

Shit! Hindi niya pa nga ako nahahawakan, napapaungol na ako.

“Magbihis ka na…” Malamig niyang bulong sakin. “Mejo galit ako…”

SHIIIIIIIIIIIZ! Umalis siya at iniwan akong nakatunganga doon sa closet room na hubo’t hubad. Sa sobrang panginginig ng tuhod ko ay napaluhod ako sa sahig.

MY GOSH! Pwedeng lumuhod at magmakaawa sa kanya? My gosh!

“Make it fast, Reina!” Sigaw niya sa labas.

Malulutong na mura na lang ang tanging naisip ko habang nagbibihis ako. Damn you, Rivas! Walking heater! With you damn freaking heat inducing abs! Wag mo akong bitinin! Pakshet!

Pagkalabas ko ay nasa pintuan na siya at inaabangan ako.

“Let’s go…” Umirap siya.

“Seriously, ang bata ko pa nun. Ni hindi ko na nga maalala si Ynigo… Crush nun si Coreen. Hindi ako.”

Nilingon niya ako.

“Kung ikaw yung crush niya, bibigay ka ba?”

“Uhmm! Hindi no! Panget kaya nun!”

“Paasa! Ikaw talaga ang galing mong magkunwareng baguhan!”

Hinawakn ko ang braso niya.

“Hindi naman.” Sabi ko sabay haplos.

Nakita kong nakakuyom ang kamay niya habang hinahaplos ko yung braso niya. Nakita ko ring pumula ang pisngi niya at nag iwas ng tingin. Bumaba na kami sa hagdanan at naaninag ko ang naghihintay naming mga magulang.

Naka upo ang mama at papa ni Wade sa kabilang sofa, ang mga magulang ko naman ay nasa kabila. Kapansin pansin ang pagiging simple ng mama at papa ni Wade kumpara sa naka coat na daddy ko at naka dress na mommy ko.

“Reina, bakit ngayon ka lang nagising? Say sorry to your visitors.” Sabi ni mommy.

Yumuko ako sa mama at papa ni Wade na parehong nakangiti sakin, “Sorry po.”

“So as I was saying… pwede nating gawan sila ng pre nuptial agreement.” Sabi ng mama ni Wade.

PRE NUPTIAL? BAKIT PA YUN KAILANGAN? ATSAKA? TALAGANG MAGPAPAKASAL?

“Sang ayon ako diyan.” Dagdag ni mommy.

Humalukipkip si Wade habang nakikinig sa mga magulang namin.

“Mom, wag na po…” Nakakahiya.

“Kung anong ari-arian mo, Reina, mula pagkabata hanggang ikinasal ka ay sayo lang, hindi conjugal property.” Sabi ng mama ni Wade sakin.

Nakakaguilty at nakakahiya naman sina mommy at daddy, tumatango pa naman si mommy sa sinasabi ng mama ni Wade.

“Pero yung akin, wag na. Kung ano yung akin simula nung pagsikat ko hanggang ngayon ay gagawin kong conjugal property. Yung dalawang bahay, yung condo, mga sasakyan, at ang pera sa bangko, conjugal.” Sabi ni Wade.

Napatingin si daddy kay Wade. Hinawakan ko ang braso niya. That’s my Wade Rivas.

Napatingin si Daddy sakin. Seryoso ang mukha niya. Hindi ko mapigilang ngumiti sa kanya. Yes, dad, he’s that kind of man. Kaya nga papakasalan ko, diba?

“Wag ng mag prenup, just plan the damn wedding.”

Nabigla ako sa mura ni Daddy. Halos mapatalon din ako nang narealize kung ano yung sinabi niya! WE ARE GETTING MARRIED!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Mapapansin Kaya? – Kabanata 72

Kabanata 72

Quit

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Mabilis din ang hininga ni Coreen at napaparanoid na at baka habulin kami ng mga fans at pagbabatuhin.

“Mga walang hiya!” Aniya habang tumitingin sa likuran.

Diretso ang paandar ko. Mabilis din ang tibok ng puso ko. Ngayong nasabuyan ako ng icecream, pakiramdam ko kaya nilang gumawa pa ng mas malala pa doon.

Panay ang liko ka para ilagan ang mga sasakyan nang nag ring ang cellphone ko. Mabilis iyon na kinuha ni Coreen.

Sinulyapan ko siya pero hindi ko maiwan ang kalsada.

“Sino yan, Coreen?” Natataranta kong tanong.

“Hello, Wade?” Bungad niya.

Napasulyap ulit ako.

“Si Coreen ‘to. We just got harassed by your fans.”

Muntik ko nang maibangga yung sasakyan. Wala akong planong sabihin yun kay Wade dahil alam kong magwawala iyon!

“COREEN!” Sigaw ko pero wala akong nagagawa.

Inilayo niya ang sarili niya sakin para maipagpatuloy ang pakikipag usap kay Wade.

“Tinapunan si Reina ng icecream- Yes, umalis siya ng bahay-“

Kinagat ko na lang ang labi ko. Isa rin yan sa dahilan kung bakit ayaw kong sabihin ‘to kay Wade. Damn! Kinuha din ni Coreen ang cellphone niya.

“It’s all over the internet? Kakaalis nga lang namin ng mall- Okay, here she is-” Inilahad niya sa akin ang cellphone ko habang ang isang kamay niya naman ay malikot na tinitignan ang Facebook niya.

Marahan kong kinuha ang cellphone. Nanunuyo ang lalamunan ko. Patay ako kay Wade!

“Gosh! Yung picture nating tinatapunan ng icecream, nagtrend agad. Tsk! The power of fame nga naman.”

“Hello?” Nilagay ko ang cellphone ko sa tainga.

Papaliko na kami papunta sa village namin. Napabuntong-hininga ako. Natakasan ko ang fans niya!

“Ba’t ka umalis ng bahay, Reina?” Mariin at seryoso ang tono ng boses niya.

“K-Kasi… pinagalitan ako. I want to take a break-“

“Listen… Gusto kong sa bahay ka lang. Wag kang lalabas hanggat di ko sinasabi… hanggat hindi kita pinupuntahan.”

“O-Okay…”

Natahimik siya ng ilang sandali. Narinig kong suminghap siya.

“Damn stupid fans!” Dinig ko ang frustration sa boses niya.

“Hindi naman nila kasalanan. Wala silang alam, Wade.” Nanginig ang boses ko.

Hindi ako makapaniwalang pinagtanggol ko ang fans niya!

“Shan, and the fans, huh? Wag kang lumabas ulit ng bahay niyo. Nasan ka na?” Tanong niya.

“Papasok ng village. Malapit na sa bahay.” Sagot ko.

“You stay there. Hindi ko na hihintayin si Mr. Manzano at ang buong bandang makabalik bukas. I’ll call you later, Reina. Promise me hindi ka lalabas.”

“Promise… Pero, Wade, hindi ba dapat antayin mo sina Zac? Sina Mr. Manzano?”

“I called them, Reina. Alam na nila ang tungkol sa prescon. Bukas pa yung usapan, but what’s the point, I need it now…”

“O-Okay.”

Nipark ko agad ang sasakyan namin. Tinignan ko si Coreen na panay ang titig sa mga pictures namin sa internet. Nang ibinaba ko na ang cellphone ko ay agad kong kinalas ang seatbelt at lumabas ng sasakyan.

“Coreen, come on! Labas na! Punta tayo sa kwarto!” Sigaw ko sa nakatunganga paring si Coreen.

“Look, Reina! May mga kakampi ka!”

Lumabas siya at ipinakita sakin ang cellphone niya.

Sa tabi ng mga pagmumura at mga pambabash ng fans, may ibang nag cocomment ng matino.

“Hindi ba noon pa man, kinaklaro na ni Wade na wala silang relasyon noon pa? Hindi kaya totoo yun? And this is his true girl? Finally nakabalik na galing ibang bansa?”

“Hindi naman si Reina yung naglalandi sa picture ah? Si Wade naman! He initiated so why are we attacking her?”

“Wade cheated? Hindi ba noon pa man sinabi niya ng wala silang relasyon ni Shan?”

Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko nang nakitang may mga tao din palang ganito. Yung hindi pinapangunahan ng galit nila.

Mabilis kong hinila si Coreen papuntang sala. Ganun parin ang bahay, mukhang nandoon parin ang buong pamilya ko sa dining room.

“Reina…” Narinig ko ang isang pamilyar na boses galing sa likuran.

Bumaling ako sa nagsalita at nabigla nang nakitang nakapamulsa si Liam at nakatayo sa likod ng sofang inuupuan ni Coreen.

“I’m sorry about what happened.” Nakita ko ang guilt at lungkot sa kanyang mukha.

“It’s not your fault. Ako dapat ang mag sorry. You’re right, pinaasa kita unconsciously… I’m sorry…” Nilapitan ko siya habang pinapanood kami ni Coreen.

Hinaplos ko ang braso niya. Tinignan ni Liam ang kamay kong nakahaplos sa kanyang braso at nakita ko pa lalo ang lungkot sa mga mata niya. Yes, it’s all my fault. Pero gaya ng sabi ni Wade, may masasaktan sa mga desisyon namin. Marami. Mga fans, mga taong malapit samin, mga nagmamahal samin, maging ang pamilya ko.

Yumuko na lang ako at tinalikuran si Liam.

But nothing will change my mind. I won’t make that same mistake again. I won’t leave him again…

Binuksan ni Coreen ang TV at agad bumungad samin ang special news tungkol sa eskandalong kinasasangkutan ng pinakasikat na artist for the past 3 years.

“Bukas pa makakauwi ang tatlo sa bandang Going South kasama ang manager nilang si Mr. Manzano…” Ulat ng reporter.

Ang ipinapakita naman sa TV ay ang mga flash ng camera at isang pintuang dinudumog ng media.

“Paparating na si Wade Rivas para sa prescon na dapat ay bukas pa.”

Itinuro ni Coreen ang pintuan.

Nanliit ang mga mata ko at nakitang paparating na si Wade. Papasok na siya sa silid na iyon. Maingay at halos nagkakagulo sa pag uunahan ng mga photographers nang nagpakita na si Wade.

Diretso ang lakad niya sa isang presidential table. Pinapalubutan siya ng mabibigat na tao.

Kinuha agad ni Wade yung microphone, kahit wala pa namang nagsasalita o nagtatanong na reporter.

May ibinulong sa kanya ang isang babaeng propesyunal at mukhang isa niya pang manager bago siya hinayaang magsalita. Tumango si Wade at tumingin sa mga reporter na nag aabang.

“Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy. Hindi ko na rin hihintayin na magtanong kayo. I know what you want. You want the truth, then I’ll give you the truth.”

Bahagyang nagkagulo ang mga reporters. Kahit sa background ng camera man ng estasyong ito ay may naririnig akong bulung-bulungan. Gusto nilang makalapit pa kay Wade para maging mas klaro yung sasabihin niya.

“Four years ago, I met this girl. Reina Carmela Elizalde, mayaman. We all know that. May ari yung pamilya niya ng isang napakalaking kompanyang nag aangkat ng barku-barkong hardware and construction materials. And I’m just a simple boy from the province.”

Panay ang click ng mga camera. Sanay na sanay na siguro si Wade sa mga flash, hindi siya natitinag sa bawat flash ng camera, eh. Tinitigan niya ang audience na ngayon ay sobrang tahimik na.

“Matayog ang pangarap ko. Gusto kong gumraduate sa magandang paaralan, maka achieve ng laude, at pumasok sa isang sikat na banda. Kaya nang nakapasok ako sa pinapasukan niyang university, sinabihan ako ng kaibigan ko, makipaglapit ako sa kanya, makipag kaibigan, para makapasok naman ako sa banda ng kuya niya.”

Tumunganga ako sa TV. Naaalala ko simula nung umpisa. Naaalala ko lahat, nung una naming pagkakakilala.

“Syempre, hindi ko naman siya kilala, gusto kong subukan para lang makapasok sa banda. I was so desperate. Pero hinarangan ako ng kuya niya. I got so mad. Hindi ko pa nga nasisimulan, may humaharang na sakin.” Suminghap siya. “I tried to avoid her. But I just couldn’t resist her innocent charms.”

Dito pa lang, nahihirapan na akong huminga. Pinaawang ko ang bibig ko para naman mas makahinga pa ako. Titig na titig ako sa TV, ganun rin naman si Coreen sa kabilang sofa. Unti-unti akong umupo sa sofa.

“Yes, naging magkaibigan kami. I was hard on her. I even bullied her. Kasi ayaw ko sa kanya. Kasi masyadong mayabang. Yes, true, may masamang balak ako, pero hindi ko naman ginawa. Napasok ako sa banda ng kuya niya. I enjoyed it. And she was there… she was always there watching me. I hated it… And I loved it. Magulo ako kasi magulo din ang utak ko. Hindi ko alam na unti-unti na pala akong nahuhumaling sa kanya. Buong akala ko ako yung may plano, ako yung may bitag para sa kanya, but no, it was her trap.”

Nanginig ang labi kong nakaawang. Nararamdaman ko na ang panunuyo ng lalamunan ko.

“Isang araw, umamin siya saking gusto niya ako. Hindi naman sa nagmamayabang ako, but it wasn’t the first time na may umamin sakin. I’ve been with girls, and I’ve heard them say the same thing. Ngunit siya yung umamin na nanginig din ako. I couldn’t believe it! Hindi niya ba nakikita? Mayaman siya, I’m just nothing. Mahuhusgahan ako sa oras na magiging kami. Her brothers will be furious, I’m sure. Pero kahit kailan, di niya pinaramdam sakin yun. Para bang walang barriers, walang mayaman, walang mahirap.”

Tumigil si Wade. Doon ko na realize na hindi lang yung lalamunan ko ang barado. He was trying so hard to breathe normally too!

Namuo ang mga luha ko sa gilid ng mga mata. Blurry na ang TV para sakin pero patuloy akong nanood at nakinig.

“Dinala ko siya sa province namin, sa Alegria. She was really simple. Hindi siya nagreklamo nang pinasakay ko siya sa kalabaw namin.” Humalakhak siya. “Hindi siya nagreklamo sa putik. Hindi siya nagreklamo sa maliit naming bahay. Walang reklamo sa tricycle, walang reklamo sa lahat! And like I said, mayaman siya, hindi siya sanay sa mga ganun. That’s why she’s really weird for me…”

Tumulo na ang luha ko pero hindi ako humikbi. Nanikip na lang ang dibdib ko, para bang na stuck ang lahat ng ihihikbi ko sa lalamunan ko.

“Na iinlove na pala ako sa kanya. I can imagine a future with her kahit mahirap pa noon. Wala pa akong ibubuga. Wala pa akong sariling pera… Wala pa akong maipagmamayabang. Paano ko siya bubuhayin? Hindi naman ako mayaman? Hindi rin ako papayag na mag aabang na lang ako sa mga magulang niya para saming dalawa. YES, po, iyon agad yung inisip ko. Though, I know, deep inside here, she’s just a little girl. Hindi niya yun iniisip. Hindi siya ganun ka lalim mag isip tungkol samin. Kaya naman nang nalaman niya yung tungkol sa plano kong gamitin siya para lang makapasok sa banda ng kuya niya, she left me…” Natigilan siya. “She left me for her dreams. Ang sakit. I thought it was my trap, but it was hers… Alam mo yung feeling na siya yung unang umamin pero ikaw yung naiwan? Siya yung may mababang pride na agad umamin, pero ikaw na matayog ang pride, ikaw rin yung hindi maka move on?”

Hindi ko alam na makakaliha pala ako ng ganito. Tuloy-tuloy na parang gripo ang luha kong tumulo sa mga mata.

“Ikaw yung dapat nang iwan kasi siya naman yung nag alok ng puso niya. Ikaw yung may karapatang umayaw o umo-o, pero langyang buhay, ikaw pa yung nagmamakaawa. No, it wasn’t her fault. It was my fault. Ako yung may masamang plano nung una. But I was too bitter. Gusto kong isiping kasalanan niya. Pero kalaunan, natalo ako ng puso ko. Napasok ako sa Going South. Nag ipon para sundan siya sa France at nakitang may iba siyang kasama. Bumalik yung pagkamuhi ko. Damn her! Ang sabi niya sakin ako mahal niya pero ang bilis naman yata? 17 months pa lang ang nakakalipas ah? Mabilis ba yun o talagang mabagal lang ang pag mo-move on ko?”

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Rozen at Kuya Dashiel na nakatayo at nanonood na rin ng prescon.

“Nagbalik siya. Magulo na naman ang utak ko. I was torn between revenge and making her fall so hard for me so she’ll never leave again.”

Dumapo ang palad ko sa bibig kong nakaawang. Hindi ko na kayang pigilan ang bawat paghabol ko ng hininga.

“Gusto kong maghiganti, pero isang sabi niya lang sakin na mahal niya parin ako, lusaw na agad ang loob ko. Nakalimutan ko yung paghihirap ko sa loob ng apat na taon. Wade, its another trap. You know her… Siya yung mababa ang pride sa una pero sa huli siya yung mang iiwan. Ang lakas ng loob talaga ng babaeng ‘to! Kaya pang ulitin yung ginawa niya noon! Got so mad at her… pero nung nasaktan ko na siya, halos magkabaliw-baliw na ako para lang mapatawad niya. No… Hindi ako kailanman nakawala sa bitag niya. Simula nung nalunod ako, hindi na ako nakaahon ulit. Pride ko na lang ang nagbibigay ng lakas sakin. Kaya imbes na magpakalunod akong mag isa, narealize kong hindi na bagay ang revenge, lunod na ako, dapat malunod din siya. So I made her fall so hard for me that she’ll never leave.”

Tumahimik siya.

Maingay naman akong humagulhol. Naramdaman ko ang kamay ni Coreen sa likod ko. Pinagmasdan ko siya at nakita kong umiiyak na rin siya at natatawa. Umiling ako at mas lalo pang umiyak.

“Kung itinatanong niyo kung may relasyon ba kaming dalawa ni Shan, sabihin niyo sakin kung may panahon pa ba akong makipagrelasyon sa iba? Reina didn’t give my heart a chance to love again or to love another…” Umiling si Wade. “Kung iniisip niyo kung bakit kayo naniwalang may relasyon kami ni Shan, then I don’t know. I’ve been denying it ever since. Though I wanted Reina to get jealous noon, I made her believe that it was true. Pero sa fans, I denied it noon pa man. Sana ganun din ang gawin ni Shan kasi alam niya ang totoo. And to all who are asking about my tats, Reina po ang ibig sabihin nito. Hindi ko ito sinasagot sa press noon dahil ayaw kong malaman ni Reina na patay na patay parin ako sa kanya pagkatapos ng apat na taon.”

Humugot siya ng malalim na hininga.

“Now, this life won’t make her leave me again… Patapos na po ang kontrata ko sa Moon Records next month. Ang kontrata ko naman sa managers ko ay patapos na rin. Yung huling album na nairecord ko, that will probably be my last. I will quit show business.”

Maingay ang media sa background. Nagkagulo. Tumango lang ang dalawang katabi ni Wade.

Nalaglagan na ako ng panga.

“What? He’ll quit?” Narinig ko si Noah sa likod ni Coreen.

“Pumasok ako sa Going South dahil passion at pangarap kong kumanta… pumasok din ako para magkapera ako at maabot ko siya. Kaya kong magpatuloy para sa passion at pangarap ko dahil nandito na siya. Pero hindi ko po nagustuhan ang reaksyon ng fans. I Didn’t like the way you treated her. I’m sorry, Reina. Sorry din po sa pamilya niya. Mr. and Mrs. Elizalde. Sa tatlo niyang kapatid, kay Coreen, sa managers ko, sa manager ng Going South, kay Zac, Austin, at Adam, sa pamilya ko lahat ng mga nasaktan at masasaktan sa desisyon ko… Sorry… At sa fans, salamat sa suportang ibinigay niyo sakin for the past years. Sana suportahan niyo rin ako ngayon. Coz if I were to choose if I’d stay with Reina or be your Wade Rivas, I’ll choose to stay with her, coz I’m not Wade Rivas without her. Thank you.”

Pumihit si Wade at diretsong umalis sa silid. Sumunod din ang dalawang importanteng tao sa kanya. Natulala na lang ako habang narinig kong nag sisinghapan sa likuran ko ang buong pamilya kong nanunood din pala.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Mapapansin Kaya? – Kabanata 71

Kabanata 71

Ice Cream

Nanunuyo ang lalamunan ko pagkapasok ko sa bahay. Tahimik at mukhang napagalitan lahat ng katulong dahil nakayuko silang sumalubong sakin.

“Sinong nandito, manang?” Tanong ko.

Dumiretso si Rozen sa dining room, nilagpasan niya ako.

“Daddy at mommy niyo po.” Sabi ni manang.

“Sino pa?”

“Kuya Dashiel at Kuya Noah niyo.”

Tumango ako. Kumpleto kami. Bihira lang itong nangyayari. Sigurado akong seryoso ito at alam ko na rin kung tungkol saan. Humugot ako ng malalim na hininga bago nagmartsa papuntang dining room.

Naaninag ko yung seryosong mukha ni Dad na tinatapik sa balikat ni mommy. Si Noah naman ay nakanguso at hinihintay akong umupo sa tabi niya. Si Rozen ay nakahalukipkip at nakatitig rin sakin. Si Kuya Dash naman ay nakatayo sa tabi ni Rozen.

Napalunok ako at umupo. Yung upuan lang ang bumasag sa katahimikan.

“Dad…” Sabi ko pagkaupo ko.

“What is this scandal, Reina?” Nanggagalaiti niyang sinabi.

Madalang magalit si daddy. Kaya nang narinig ko ang tono ng boses niya ay bumilis ang pintig ng puso ko sa kaba. He’s really angry. Binigyan ako ng worried look ni mommy.

“Dad, si Wade po yung-“

“WHAT ARE YOU TWO DOING? NAGHAHALIKAN SA PARKING LOT?” Tumaas ang tono ng boses ni daddy.

“Dad, it’s not like she’s a little girl. She’s turning 23, for god’s sake.” Sabi ni Rozen.

“But she’s a girl, Rozen!” Sabi ni mommy. “You don’t understand.”

“I understand, mom. Kung mahal ko, hahalikan ko kung saan ko gusto-“

“Rozen!” Saway ko.

Gusto kong magpaliwanag ng maayos. Hindi yung ginagawa naming topic ang paghahalikan namin ni Wade sa parking lot.

“Have you seen the photos, Reina? You’ve been bashed!” Sabi ni daddy.

Tumango ako, “Alam ko po. And I’m ready to face it.”

“Ito ba ang dahilan kung bakit hindi ka magpapakasal kay Liam?” Tanong ni mommy with that concerned look.

“Yes, mom… I-I’m in love with Wade.”

Narinig kong suminghap si Dad at si Kuya Dash.

“Baby, he’s a rockstar.” Sabi ni Kuya Dash na para bang yan lang ay dapat matinag na ako.

Para bang iyun ang pinaka unang dahilan kung bakit dapat kong iwan si Wade.

“At hindi ba ginamit ka lang niya noon?” Dagdag ni Kuya Dash.

Namutla ako at tinignan ang hysterical na reaction ni daddy at mommy.

“What do you mean, Dash?” Tanong ni mommy.

Yumuko ako at pumikit. Hindi ko na alam kung paano malulusutan ‘to. Wala na akong magagawa kundi sabihin sa kanila ang totoo.

“Bago umalis si Reina papuntang France, niliko siya ni Wade. Ginamit siya para makapasok sa banda ni Noah. She’s madly in love with him kaya hindi niya iyon nakita agad.” Aniya.

Tumingin si mommy kay Noah.

“Is that true, Noah?”

“Yes, ma.” Nakita ko ang lungkot ni Noah sa pag amin niya.

“Pagkakamali iyon.” Naiiyak na ako. “Malaking pagkakamali. Totoong… Totoong may plano yung kaibigan ni Wade, pero hindi niya itinuloy yun. Iniwasan niya ako para hindi siya mahusgahan. Pero pinilit ko siyang-“

“Kung hindi niya itinuloy, ba’t naging kayo, diba?” Sabi ni Kuya Dash.

Tinignan ko siya. Halos magmakaawa na ako sa mga titig ko. Panay ang tulo ng mga luha ko. Iiyak ako, pero hindi ako magpapatinag. Hindi naman porket umiiyak ay mahina na agad…

“Because our feelings… were true…” Humikbi ako.

“Sus maryosep.” Bulong ni mommy habang umiiling.

“At… kung hindi yun totoo, bakit naging kami parin hanggang ngayon diba? Sikat na siya! Hindi niya na ako kailangan! Money, fame, andyan na lahat, bakit ako parin, diba?” Halos sinigaw ko ito sa kanila.

Humikbi ako. Hindi ko na mapigilan ang paghagulhol. Nilapitan ako ni Kuya Dash ay hinaplos ang likod ko.

“Bakit niyo ba ako pinapangunahan? Bakit gusto niyong si Liam yung mapapangasawa ko? To preserve the bloodline? The money? The fame? Kayo naman pala ang manloloko! Hindi si Wade!”

Nakita kong napaawang ang bibig ni daddy sa sinabi ko. Nagalit siya. Galit na galit. Brace yourself, Reina.

Nabigla ako nang sa patuloy kong pag hikbi ay walang nagsalita.

“Who is this Wade Rivas, anyway?” Tanong ni mommy sabay tingin sa mga kapatid ko.

Bawat segundo na ang paghikbi ko kaya naman hindi na ako makapagsalita ng maayos.

“Wade Rivas…” Sabi ni Rozen. “A poor guy from Alegria.”

“Alegria? Yung probinsya lapit sa Camino Real?”

Tumango si Rozen, “Classmate ni Reina noon at vocalist nina Noah noon. Iniwan siya ni Reina dahil sa pag aakalang niloko siya nito. After four years, mom, then boom!” Ngumisi si Rozen. “Nagkabalikan. No communication. No promises.”

Nilingon ako ni mommy.

“Anong trabaho ng daddy niya?” Tumaas ang kilay ni mommy.

Hindi ako nakapagsalita. Sa totoo lang, kailangan pa ba yun? God!

“Retired…” Humikbi ako. “Army.”

Tumango si mommy at tumaas ulit yung kilay, “How bout his mom, Reina?”

“Teacher.”

“How many siblings?”

Napatingin ako sa seryosong mukha ni mommy. SERYOSO? Tinatanong ito?

“One. Boy.” Sagot ko.

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko.

“May piercing ba siya? Sa ears? Anywhere?”

Umiling ako.

“How about…” Nanliit ang mga mata ni mommy, “Tattoos?”

Napalunok ako at tumango.

“A Delinquent?”

Umirap ako, “No.”

“Bakit di mo pa siya dinadala dito?” Diretsahang tanong niya.

“Because you’ll judge him like how my brothers judged him!” Diretso ko ring sagot.

Huminga ng malalim si mommy at tinignan ang daddy kong tulala.

“How about Liam?” Tanong ni mommy.

“We’re friends, mom. Just friends…” Sagot ko.

“Buong akala namin may namumuo na. You were too close…” Sabi ko.

“Close? Kung nakita niyo silang dalawa ni Wade, then you’ll the meaning of close.” Matabang na sinabi ni Rozen.

Napatingin si mommy sa kanya.

“I’m not against Liam or pro-Wade. Just saying, mom.” Aniya.

Bumaling ulit si mommy sakin at tumango. “Bring him here, Reina.”

“Not now…” Sabi ni daddy.

Tumango ako.

“Thanks!” Tumayo agad ako at tumakbo papuntang kwarto.

Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ikatuwa o ikasaya yung nangyari. Hindi ko alam. Kinakabahan parin ako ngayon. Yung alam ko lang ay binigyan ako ng pagkakataon ng pamilya ko. Yun lang.

Nitext ko si Wade:

Pinapapunta ka dito. We’ll just set the date, Wade. I’m sorry.

Agad-agad ay nag reply siya:

I will. Thank you. I love you. Wait for me. May aasikasuhin lang ako.

Busy yata siya. Inaasikaso niya pa yung issue. Ano na kayang nangyayari? Ano na kayang meron?

Ilang sandali ay may natanggap akong text galing kay Coreen.

Coreen:

Lecheng Shan! May paiyak-iyak pang nalalaman! Broken hearted daw!? Leche sha!

Nireplyan ko agad siya:

Where are you?

Coreen:

Kumakain sa mall. I’ve seen the video.

Tumayo ako at inayos ang sarili. I wnat to get out of here. Lalo na ngayong mukhang wlaang plano ang mga magulang kong umalis at magtrabaho. Agad akong lumabas para makapag drive na papunta kay Coreen. Nitext ko ulit siya at nagtanong kung saang mall. Nireplyan niya naman ako.

Coreen:

Wait. Don’t go out, Reina.

Pero huli na ang lahat, nasa traffic na ako at malapit na ako sa mall. Narealize kong baka nga bad idea itong ginagawa kong paglabas ng bahay ngayong kasagsagan ng issue. Ano naman ngayon? Anong gagawin nila sakin? Papatayin nila ako? Hindi. Hanggang salita lang sila. Hindi nila magagawa sakin yun!

Pagkapasok ko pa lang ng mall, nakita ko na ang mga nanunusok na titig ng mga tao.

“Reina Elizalde… Siya yung manggagamit?”

Manggagamit? Diretso lang ang lakad ko. Nidial ko ang numero ni Coreen.

“Hello?” Nag aalang sagot niya.

“Nasa mall na ako. Nasan ka?”

“Eto… Nasa gitna.” Aniya. “Bakit ka pumunta dito?” Pasigaw niyang sinabi. “Nag i-air pa lang ng statement ni Shan! Nandito sa malaking TV sa gitna ng mall, Reina! You should have stayed home!”

Tumingala ako nang narealize na nasa gitna rin pala ako.

Nakita ko sa malaking TV ang umiiyak na si Shan!

Lumingon-lingon ako para hanapin si Coreen. Nanlaki yung mga mata niya nang nakita ako. Pinatay niya agad ang cellphone at tumakbo papunta sakin.

“You stubborn girl!” Aniya sabay hila sakin.

“Siya yung Reina diba?” Sabi ng isang babae.

“Oo. Yung manggagamit.”

“Hindi siya manggagamit!” Sigaw ni Coreen.

Pinaringgan niya lahat ng nakatingin samin.

“Syempre, nasaktan.” Narinig kong sinabi iyon ni Shan.

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang malaking TV. Patuloy akong hinila ni Coreen.

“Anong masasabi mo sa mga sinasabi ng netizens na ginamit ka lang daw ni Reina Elizalde para sumikat siya? Ginamit niya rin di umano si Wade Rivas para lang magkaroon ng pangalan?”

“Oh my God! Hindi niya na kailangang manggamit! Kaya niyang bilhin pati yang istasyon niyo!” Sabay turo ni Coreen sa malaking TV.

“I don’t know… Hindi ko naman alam ang side niya.” Sagot ni Shan.

True. Hindi niya alam kung ginagamit ko si Wade o hindi, pero for heaven’s sake, kailangan bang mag no comment? Pwede namang sabihing hindi ako ganung tao!

“Mahal mo pa ba si Wade?” Tanong ng host, diretsahan.

“Oo.” Madrama niyang sagot sabay tango.

“Nagbreak ba kayo dahil sa third party?”

Hindi siya sumagot. Suminghap lang siya at tumulo ang luha niya. Ngumisi siya pero napangiwi parin sa huli.

SHIZ! ARTISTA! Wala pa naman siyang sinasabing mga kasinungalingan pero nababali yung katotohanan sa simpleng pag arte niya.

“Kasalukuyan nating hinihingi ang side ni Wade, pero hanggang ngayon ay hindi parin siya nagsasalita.” Sabi ng host. “What can you say about your fans, Ms. Shan?”

“Of course, nagpapasalamat ako kasi nandyan sila hanggang ngayon. Sana wag nilang awayin si Reina… She’s a girl, too. Mahirap ma bash.” Humikbi siya. “Syempre, gusto ko ring protektahan siya dahil hindi ko naman alam yung side niya… pero alam kong malulungkot siya pag nalaman yung mga hinaing ng fans.”

Ilang sandali pa ay may niflash sa screen na mga comment ng fans habang binabasa ito ng host.

“Bakit sa kasagsagan pa ng kasikatan nilang dalawa, diba? Kung hindi siya manggagamit, bakit siya nag design ng gowns nila? Pinapasok siya ni Shan sa Fashion Week. Tapos ngayon si Wade naman puntirya niya. I doubt her sincerity.”

May nagbara sa lalamunan ko. Hindi ko yata kayang marinig ang mga sinasabi ng fans.

“She’s just using Wade for fame.”

“She’s a famewhore.”

“Super! Mayaman lang naman siya. Walang talent.”

Dumapo ang kamay ko sa bibig kong nalaglag. Below the belt! What do you know about talents?

“Let’s go, Reina.” Hinila ako ni Coreen.

Nanghihina na ang tuhod ko kaya madali niya akong nahila. Nagpahila na lang ako. Tulala ako buong panahong hinihila niya ako palabas ng mall. May mga naririnig ako sa paligid, pero binalewala ko iyon.

“Yung plastik!”

“Manggagamit!”

“Famewhore! Sana mamatay na siya! Nakakasira ng relasyon!”

“Kabit!”

“Third party! Cheap! Yuck!”

“Cheap tulad ng gawa niya. Walang talent kaya ayan kumapit sa patalim.”

“WadeSha parin ako. Forever. Rot in hell Reina.”

Nabalikan lang ako ng ulirat ko nang may nagtapon sakin ng ice cream.

“WHAT THE?” Napasigaw si Coreen dahil maging siya ay natapunan din.

Nakita kong nahulog ang cone galing sa damit ko papuntang sahig. Naiwan ang chocolate ice cream na nagkalat sa damit ko. Meron ding chocolate ice cream na ambon si Coreen. Umamba siyang susugurin yung grupo ng highschool girls na nagtapon nun.

“MGA BRUHA! KAYO MAMATAY!” Sigaw niya habang sinusugod sila.

Hinila ko agad yung braso niya kahit naiiyak na ako. Alam mo yung feeling na nagmamahal ka lang naman pero hinuhusgahan ka na ng lahat. You are the witch of this fairytale, the antagonist of this lovestory… ang sakit. Kasi samin dapat ito ni Wade, pero yung tingin ng lahat ako yung salot. Mamatay na ako? Anong mararamdaman nila pag sila yung sinabihan ng ganun? Anong mararamdaman nila pag hinahahadlangan sila? Well, I guess I shouldn’t blame them… They are fed by sugarcoated words. Wala silang alam. Pinagtatakpan lang lagi ang katotohanan. Yung katotohanan, madalas hindi pinapangalandakan.

“Coreen, let’s go! Let’s just go!”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Mapapansin Kaya? – Kabanata 70

Kabanata 70


I Promise

Madali kong ni check ang Facebook account ko sa sobrang kaba ko. For the first time in history, nawindang ako sa mga notifications.

Una kong napansin ang 225 na friend requests…

“Deactivate your account, Reina.” Sabi ni Wade sakin.

Siya na mismo ang kumuha ng mga pinamili namin. Mukhang balak niya rin yatang magluto kasi naging busy na ako sa pag fi-Facebook.

Umupo lang ako sa sofa at panay ang scroll ko sa wall ko.

Coreen Samantha Aquino: Uh-oh!

Maging sa comment ni Coreen ay maraming nag cocomment:

Coreen! Si Reina yun?

Hindi ba sila naman talaga mula pa noong college?

Wait, Reina’s back in the Phil?

Napalunok ako nang binasa ko lahat ng nasa wall ko.

Reina, ikaw yung nasa viral pic?

Rein, ikaw yun?

Wade and Reina?

Huli na ang lahat, isa na rin sa nag wall sakin ang mga pinsan ko.

Reina Carmela Elizalde, dahil ba sa kanya?

Dami mo ng bashers. Tsk. Don’t worry, we’re here.

Nicheck ko rin ang inbox ko na tadtad na ng mga message.

WadeShanatics: I hate you. Mamatay ka na. Malandi. Kitang may gf yung tao.

WadeShaNation: Nakasulat na yung pangalan mo sa deathnote. Hope you rot in hell!

WadeShaForever: Manggagamit. We know your story. Ginamit mo si Shan para sumikat ka. Now you’re using Wade!? HAHA Desperate much, girl?

OH MY GOD! Hindi ko na kayang basahin lahat ng mga mensahe nila. Naiiyak na ako kahit tatlo pa lang yung nababasa ko.

Hinaplot ni Wade ang cellphone ko.

“I said deactivate your account.”

Nanginginig pa yung mga kamay ko at natutulala ako habang tinitignan siyang nakakunot ang noo at pinipindot ang cellphone ko.

Pagkatapos ng ilang sandali ay nilapag niya ito sa mesa at niyakap ako galing sa likuran. Sa init ng yakap niya, hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Humagulhol na ako sa iyak. Alam ko. Nakita kong paparating ito. Hinahanda ko na ang sarili ko. At sinabi kong papanindigan ko na ito at sasabihin ko sa publiko… Sasabihin namin ni Wade, ganun pa man, tao rin ako, babae, nasasaktan din.

Hindi ako sanay na may mga galit saking di ko kilala. Ni hindi ko nga natantanan si Wade noon nang nakita kong galit siya. Ngayon pa kayang marami na ang galit sakin?

“Shhh… I’m sorry…” Bulong ni Wade sakin at tinapik ang balikat ko.

“Okay lang. Kaya ko ‘to.” Sabi ko.

“I’ll be here. Shhh…” Bulong niya at tinatahan ako.

Tumayo ako kahit nanginginig pa ang binti ko. Pinagmasdan ako ni Wade habang sinusubukang lumapit sa mga pinamili namin.

“A-Anong gusto mong lutuin k-ko?” Pinunasan ko ang mga luha ko at kinuha yung sauce.

Balak kong gumawa ng sweet and sour chicken.

“Reina…” Buntong hininga ni Wade.

Kinuha ko yung mga pinamili at nilagay sa ref. Yung mga spices lang tsaka yung manok ang niready ko.

“Reina, ako na diyan. Marunong na akong magluto. Please rest.” Aniya.

Hindi ko siya pinakinggan.

“Wade, I saw this coming. Ready na ako para dito. Kaya kayang kaya lang.” Sabi ko.

Naramdaman ko ang kamay niya sa siko ko. Hinaplos niya ito.

“I want you to rest, Reina.” Hinila niya ng marahan ang dalawang siko ko.

“It’s okay, Wade.” Sabi ko.

“Rest or papagurin pa kita.”

Bumaling ako sa kanya at nakita kong nakangisi siya.

“Wag kang mag paapekto sa mga sinasabi ng tao. Naalala mo nung nagpaapekto ka? Anong nangyari sating dalawa?” Aniya.

Ikinulong niya ang pisngi ko sa mga palad niya.

“I love you, Reina, so much, and it’s all that matters. Yun lang. Wala silang pakealam. Maya-maya, may tatawag na sakin para makapag issue ako ng statement about the viral picture. I will protect you, I promise. Pero hinding hindi kita idedeny. I want you to be strong for me. Okay?”

Tumango ako at tinitigan ang mukha ng tanging lalaking minahal ko.

“I will, Wade. Promise.”

Hinalikan niya ang noo ko.

“Now, you rest. I’ll do this.”

Tama si Wade. Dapat pala akong magpahinga. Pagkahiga ko, tulog agad ako. Pagod pala ako, hindi ko namamalayan. Dagdagan pa ng stress na natanggap ko galing sa bashers. Iilan pa nga pang iyong nabasa ko, na stress na ako ng ganito, paano pa kaya kung nabasa ko yun lahat?

Hindi ko na alam kung ilang oras akong natulog. Nagising na lang ako na dinidilaan na ni Carmela ang kamay ko. Hindi ako agad bumangon. Hinaplos ko muna ang ulo ng bloodhound.

Siya siguro ang palaging kasama ni Wade dito sa condo niya mula pa noon.

“Bakit, ma?” Narinig ko ang mahinang boses ni Wade sa labas ng kwarto.

Unti-unti akong bumangon para tignan kung sinong kausap niya. Naglakad ako, barefoot, palabas ng kwarto niya at nakita ko siyang nasa bar ng kanyang kusina, nakatalikod at may kausap sa cellphone.

Naririnig ko rin ang cellphone kong tumutunog kung saan. Binalewala ko iyon at nag concentrate sa sinasabi ni Wade.

“Sabi ko naman wag kang magsalita sa media, diba?”

Sino kaya ang kausap niya.

“Sana hinintay mo ang statement ko.”

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

“Yes, that was true.” Yumuko si Wade. “I didn’t lie to you, ma.” Narinig ko ang frustration sa boses ni Wade.

Pumihit siya at nakita akong nakikinig sa kanya.

“Okay, ma. Ah! Wait… Hindi ako makakauwi sa Alegria. Kayo na lang ang pumunta dito- Yes- Oo- Kailangan- Please, thanks ma…”

Binaba niya iyon at hinarap ako. Tumunog ulit ang cellphone niya. Hindi niya na iyon tinignan, diretso niyang nicancel yung tawag.

“Ginugutom ka na?” Tanong niya sabay turo sa mesang may luto niya.

Naglakad ako papunta sa kanya. I want to hug him. Feel him.

Niyakap ko ang mainit niyang katawan. This is my Wade. He loves me so much. Wala na akong mahihiling pa. Wala akong pakealam kung may umaway sakin, mambash, manira, ang importante matatag kami.

Hinaplos niya ang likod ko at suminghap.

“Tinawagan si mama ng media. Simple niyang sinabi na oo, ikaw ang girlfriend ko.”

Napatingin ako sa kanya.

“Tapos?”

“That was all.” Umiling siya. “Sinabi ko na rin sa kanya na nagkahiwalay tayo nung nasa France ka… at na sana hayaan niya akong magpaliwanag sa publiko.”

Hinampas ko dibdib niya.

“Bakit ba kasi di mo sinabi sa kanya yung totoo noon pa lang?”

Hinila niya ako papunta sa mesa para makakain na kaming dalawa.

“Bakit ko sasabihin gayung maging ako di naniniwala na nagkukunwari ka lang satin noon? Hindi ko sasabihin ang mga hindi ko pinaniniwalaan, Reina.”

Pinaupo niya ako. Tumabi siya sakin. Sabay kaming kumaing dalawa. Ang sarap ng luto niya! Noong iniwan ko siya, di pa ito marunong magluto ah? Ngayon pang masterchef na. Busog na busog ako sa niluto niyang sweet and sour chicken. Alam niya yatang yun ang balak kong lutuin kaya iyon ang niluto niya.

“Saan mo gustong tumira? Sa condo o bahay talaga?” Tanong niya.

“Uhmm. Kahit saan. Pero since may condo ka, pwedeng dito na lang.” Ngumisi ako.

Kinagat niya ang labi niya kaya mas lalong sumalida ang dimple.

“Bumili ako ng bahay.” Aniya.

Natigilan ako sa sinabi niya, “T-Talaga?”

Tumango siya, “Oo. Ikaw ang mamimili kung saan tayo.”

Noon pa man, si Wade na talaga ang mahilig mag isip tungkol sa future. Noong bata pa lang kami, hindi ko pa naiisip ang mga kasal-kasal, pero siya yung nag uudyok sakin para maisip ko yun.

“I love you, Wade.” Sabi ko at nilapit ang labi ko sa kanya.

Hinilig ko ang katawan ko sa kanya at hinila ang leeg niya para makalapit sakin.

“Kahit itanan mo na lang ako.” Sabi ko sa gitna ng maiinit naming halik.

Nakita ko ang pagngisi niya habang hinahalikan ko siya.

Binuhat niya ang katawan ko at pinaupo ako sa hita niya.

KRIIIIING-KRINGGGG

Linsyak! Cellphone ko yun ah! At kanina pa yun nag ri-ring!

“Reina, sagutin mo muna yun.” Aniya sabay tulak sakin.

Ayoko. Gusto ko maghalikan na lang kami.

Kaso, ilang saglit ang nakalipas ay ang cellphone niya naman ngayon ang nag ri-ring. Panibagong ring din ang narinig ko sa cellphone ko.

Ngumisi siya at tinuro ang cellphone ko.

“Wag kang mag alala, after this, we’ll do it hard, okay?” Kumindat siya.

Uminit ang pisngi ko at napatalon palayo sa kanya.

Humagalpak siya sa tawa habang nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. RIVAS! SHIZ!

“Hello?” Sagot niya sa cellphone niya.

Lumapit na rin ako sa cellphone ko at sinagot ito.

“Hello?” Tinignan ko si Wade na ngayon ay seryoso ng nakikipag usap sa tumatawag sa kanya.

“Reina, where are you?”

SI DADDY!

“D-D-Dad?” Nauutal pa ako! Shiz!

“Do I need to trace your GPS?” Malumanay pero nakakatakot niyang sinabi. “Umuwi ka na!”

“Y-Yes, dad.” Sabi ko.

Binaba iyon ni daddy. Nanginig ang kamay ko. For sure, I’m a dead meat! Papagalitan ako at pipilitin akong iharap si Wade sa kanila.

Pero di ako matatakot… Kasi alam ko, pigilan man nila ako, hindi sila magtatagumpay. I’ll be with Wade, whatever it takes.

Binaba din ni Wade ang cellphone niya.

“Naghihintay si Rozen sa 17th floor. Sabay kayong bababa, may dala siyang body guards…” Sabi ni Wade.

Napalunok ako at tumango na lang.

Natulala si Wade. Ilang sandali pa bago siya nagsalita, “Makikipag usap ako sa kay Mr. Manzano at through skype at sa isa ko pang manager, Reina. Promise me, ipaglalaban mo ako this time.”

Tumango ako.

“Promise me, Reina. You’ll stay.”

“I Promise, Wade.”

Alam ko sa sarili ko na isa ito sa mga pangakong hindi mapapako. Ano man ang ipapagawa sakin ng mga magulang ko, yung sarili kong desisyon ang masusunod. I will choose Wade this time… I’ll stay, this time.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Mapapansin Kaya? – Kabanata 69

Kabanata 69

Buking

“Kumain muna tayo sa labas.” Alok ni Wade.

Umiling ako.

“They’ll see us, Wade.”

Sinoot niya ang aviators na nasa table.

“They won’t.” Aniya. “Tsaka, no problem with that, Reina. Aamin din ako pagkabalik ng manager ko dito.”

“Pero habang hindi pa alam ng publiko, mas mabuti sigurong manahimik muna.”

Tinanggal niya ang aviators at umupo ulit sa sofa.

“Okay, then, mag go-grocery na lang tayo. Walang laman yung ref ko.”

Tumango ako, “Puntahan natin si Zoey.”

Iyon lang ang tanging naisip ko. Siguro hindi naman mamasamain ng mga taong nakakakita kung dalawa kaming kasama ni Wade.

“Alright…” Hinalikan ni Wade ang noo ko.

Sabay kaming umalis sa condo niya. Lumalayo ako dahil gusto niyang dumidikit siya sakin. Gusto niyang nakaakbay siya o di kaya ay nakahawak siya sa baywang ko.

Siniko ko siya nang may pumasok sa elevator. Nag uusap yung dalawang propesyunal na babae, pero nanahimik sila nang nang nakita si Wade.

Bahagya akong lumayo kay Wade kaya nagawa nilang pumagitna saming dalawa. Napakamot si Wade sa batok niya habang sinisimangutan ako.

Nilagay ko ang index finger ko sa labi ko.

“Shhhh…”

Napalingon ang mga babae sakin. Diretso lang ang tingin ko na para bang seryosong tumitingin sa kawalan at naghihintay na bumukas lang ulit ang elevator.

Saka lang ako nakahinga ng maluwang nang nakarating na ako sa sasakyan ni Wade. Bumuga ako ng malalim na hininga habang tumatayo doon.

Hindi pa nga ako nakakahinga ng maayos ay ikinulong na ako ni Wade sa kanyang dalawang braso. Napasandal ako sa kotse niya. Yung dalawang kamay niya ay nasa gilid ng dalawang braso ko.

“Reina, aamin din ako. Bakit hindi parin pwedeng makipagharutan in public?” Humalakhak siya.

Hindi na ako nakapagsalita dahil umamba na siyang hahalikan ako. Hinampas ko ang dibdib niya. Hindi siya natinag. Shiz those heat inducing abs.

“WADE!”

“Shhh! Walang tao dito sa parking lot… Walang makakakita…” Nakangisi siya nang palapit at palapit na ang kanyang mga labi.

Mabilis ko na lang siyang hinalikan.

“Oh, hayan, tapos na! Tayo na!” Sabi ko sabay tulak sa kanya.

Umiling siya nang nakangiti. Ang gwapo niya talaga. Kahit na pinipindot niya lang naman yung alarm ng sasakyan niya ay gwapong-gwapo na siya.

Pumasok na ako sa loob. Pumasok din siya at pinaandar agad ang sasakyan.

“Punta muna tayo kay Zoey.” Sabi ko at kinuha yung cellphone para itext si Zoey na kailangan namin siya.

“Yes, ma’am.” Aniya at dumapo yung kamay niya sa hita ko.

Ginalaw-galaw ko ang hita ko para matanggal yung kamay niya doon.

“Ugh! Wade!”

“Reina, wala namang nakatingin.” Tumawa siya.

“Kahit na…”

Hindi ko na maayos yung pagtitext ko dahil sa kamay niyang nasa hita ko. Umaalis lang ito tuwing kailangan niyang mag change gear. Panay naman ang tanggal ko sa kamay niyang bumabalik agad doon.

“WADE! You perv!” Saway ko.

“Alam mo naman pala…” Tumawa ulit siya.

Hay naku! Ang hilig ng isang ito. Hindi na ako masosorpresa kung isang araw ay may mangyari samin dito sa loob ng sasakyan niya. Shiz! I can’t imagine! Hindi pwede! Kilala siya at baka ma issuehan pa kami ng scandal or something.

“Mag preno ka naman.” Saway ko ulit kasi lumalapit na masyado yung palad niya.

Umiling na lang ako nang nakita kong nakatingin lang siya sa kalsada at nakabalandra ang kanyang dimple.

Mabuti at agad pumayag si Zoey. Syempre, marami pa akong idedesign na sosootin niya. It’s a give and take relationship para saming dalawa.

“Grocery? Magmumukhang ikaw yung third wheel, Reina kahit na ang totoo ay ako.” Untag ni Zoey habang nagpapark si Wade sa isang supermarket.

Tinanggal ko ang seatbelt ko at lumabas na sasasakyan ni Wade.

“Oo, dapat ganun ang mangyari.”

Lumabas din si Zoey.

“Reina, just let her act normal. Malapit na rin naman akong umamin. Hindi na namin kailangang mag PDA para lang ipangalandakan na may relasyon kami. Naglalakad lang tayong tatlo, agad na may issue na saming dalawa, kaya wag ka ng mag alala.” Sabi ni Wade sabay lahad ng kamay sakin.

Tumaas ang kilay ko nang tinignan ko ang kamay niya.

“You think kayo ang bibigyan ng issue pag nakita nilang magkahawak-kamay tayong nag go-grocery.”

Umirap si Wade at nilagay na lang sa bulsa ang kamay niya.

“Fine! Babae ka! Kundi lang kita mahal!” Nauna siyang maglakad.

“Sungit!” Sabi ko at sumunod sa kanya.

“Reina, pwedeng yung mejo may pagka gold naman next gown na susootin ko?”

Naligo ako ng tanong tungkol sa mga gowns na kanyang susootin. Masyado ring vain itong si Zoey. Iyon lang talaga yata ang laman ng utak. Maging ang balak kong clothing line ay halos iblackmail niya pa ako para lang gawin ko siyang image model.

Tumangu-tango lang ako habang nilalagay ang mga bilihin sa cart na tinutulak ni Wade. Naka aviators parin siya at tuwing may tumititig sa kanya ay agad siyang nag iiwas ng tingin.

Syempre, hindi talaga maiiwasang may maririnig ka…

“Hindi ba si Wade yan?” Tanong ng isang babae sa kasama niya.

“Mukhang oo, kasama niya na naman yung model.” Si Zoey iyong tinutukoy nila.

Hindi iyon narinig ni Zoey dahil panay ang talak niya tungkol sa next gig niya. Famewhore talaga ang isang ‘to.

“Let’s make this fast.” Sabi ko nang narealize na may kumukuha na ng picture.

Kahit na hindi pa naman nila confirmed na si Wade nga itong humahakbang sa tabi ko, marami ng nakakuha ng picture. Malamang kumalat na rin na nasa Manila na ang iniidolo nila.

Tumakbo kami palabas ng supermarket kasi talagang dumami na ang mga taong nag pipicture sa kanya.

“Ang saya talaga pag artista!” Napatili si Zoey.

“Ikaw lang ang masaya, Zoey.” Sagot ni Wade habang isinusoot yung seatbelt niya.

Bumungisngis si Zoey, “Hindi naman kasi kayo masaya kasi di niyo sinasabi sa publiko. May lihim pa kayo. Pag nalaman nila yan, at malaya na kayong nakakagalaw, then you’ll get used to it.”

Natahimik ako. Hindi ko alam kung publiko lang ba yung kalaban namin o pati yung pamilya ko.

Nagkatinginan kami ni Wade. Nakita kong dumapo ang titig niya sa may dibdib ko. Uminit ang pisngi ko. Akala ko pa naman naiisip niya yung mga sinasabi ni Zoey, pero yun naman pala, kamanyakan na naman ang inaatupag niya!

Sinimangutan ko siya, sumimangot din siya at umiling.

Nanigas ako nang lumapit siya sakin.

“Seatbelt mo. Ugh! Reina Rivas.” Inabot niya yung seatbelt at sinoot sakin.

Tumindig ang balahibo ko sa narinig ko sa kanya at sa ginawa niya! Pero mukha lang namang normal iyon para sa kanya, nagawa niya pang lumingon kay Zoey nang nagtanong si Zoey ng ganito…

“REINA RIVAS? OMY! DON’T TELL ME NAGPAKASAL NA KAYO? Secretly married ang peg? Ganun yung mga artista madalas, eh! Talaga?” Rumaragasa yung mga sumunod na tanong niya, “Kailan? Saan? Paano? Sinong kasali? Ba’t di ako kasali? Sus! Talagang sisikat pa lalo ako pag isisiwalat ko ‘to sa media pero pasalamat kayong dalawa at mejo malaki-laki yung atraso ko sa inyo noon.”

“We’re not yet married, Zoey.” Sabi ni Wade.

“Weh? Liars!”

“Wag kang mag alala, pag magpapakasal kaming dalawa, invited kayong lahat.” Napatingin si Wade sakin.

Para bang gusto niyang makita ang reaksyon ko. Suminghap ako at tinitigan siya pabalik.

“Gusto ko ng simpleng wedding. Yung sekreto. I hate showbiz, Wade.” Sabi ko.

Ngumuso si Wade at di na nagsalita.

“Asus! Reina! Ang saya kaya ng bonggang wedding! Yung tipong laman kayo ng magazine. Nafeature kayo ni Korina at buong hapon nadelay ang mga shows para lang sa wedding of the year special?”

Hindi ko alam kung bakit ito yung pinag uusapan namin ngayon. Ni hindi ko pa nga alam kung matatanggap kami ng mga magulang ko. Sa bagay, matanggap o hindi, magpapakasal ako sa kanya.

“Thanks, Zoey.” Sabi ko nang pababa na si Zoey.

Nasa harap na kami ng apartment niya ngayon.

“Walang anuman, basta, Reina ah, yung gown?” Aniya.

Tumango na lang ako at ngumisi.

Kumaway siya nang paalis na kami ni Wade. Buti na lang talaga nandyan si Zoey. Mabilis kaming nakarating sa condo ni Wade. Syempre, ninja moves ulit. Ako yung unang pumasok bago siya. Siya yung may dala ng mga pinamili namin.

Pagkarating niya sa condo ay nilapag niya agad ang mga iyon sa table.

“Cook for me, just like the old times?” Niyakap niya ako galing sa likuran habang inaayos ko yung mga pinamili.

“Sure, anong gusto mo? Marami na akong alam ngayon. You know, independent ako sa France.” Ngumisi ako.

Hinalikan niya ang tainga ko. Napapapikit ako sa kiliting naramdaman.

“Pwedeng French Kiss?” Humalakhak siya sa tainga ko.

Nangatog na naman yung tuhod ko. Nakakapanghina talaga ang kalandian ng isang ito. Hinigpitan niya pa lalo ang yakap niya sakin habang inilalapit ang labi niya sa labi ko.

Binigyan niya ako ng mainit at malalim na french kiss. Dahil sa sobrang nakakalasing ang mga halik niya, halos mabitiwan ko iyong mga de latang sauce na hawak-hawak ko.

“Ooopppss…” Aniya pero nagpatuloy siya sa pagsisiil sakin ng maainit na halik.

Nakasandal na ako sa buong katawan niya.

Mas lalo niyang idiniin ang halik. Hindi ko mapigilan ang init sa katawan ko.

“Ugh! Reina…” Bulong niya.

Sa kalagitnaan ng halikan namin ay tumunog ang cellphone ko.

Kinapa ko iyon sa bulsa ko pero hinawakan niya ang kamay kong kumakapa sa cellphone. Inilayo niya iyon sa bulsa ko.

“Wadeee…” Angal ko.

Hinablot niya ang cellphone ko at tinignan kung sino ang istorbong tumatawag. Dumapo ang kanyang kamay sa noo at ipinakita sakin ang cellphone ko.

Istorbong Zoey! Anong nakalimutan nito?

“Hello, Zoey?”

Tinalikuran ko si Wade.

“Reina! May picture sa internet na kumakalat… pareho kayong nakatagilid ni Wade sa parking lot ng condo niya. Unang picture ay nakasandal ka lang sa sasakyan niya. Pangalawa ay yung hahalikan ka na niya.”

Nanlaki ang mga mata ko.

“Posted 30 minutes ago, 1000 likes and 5000 comments na!” Aniya. “It’s too viral right now… Isang refresh ko lang, hundred agad yung dadagdag.”

Napatingin ako kay Wade na ngayon ay nakapamulsa lang at hinihintay na matapos ako sa kausap ko.

“Wade, buking na tayo.” Sabi ko sa kanya.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Mapapansin Kaya? – Kabanata 68

Kabanata 68

Mana Sayo, Baguhan

Naging mabilis ang panahon. So far, tahimik naman si Shan. Wala pang mga issue tungkol sa kaniya o sa kay Wade.

“Reina, I’m home…” Pambungad niya sakin pagkagising ko isang araw.

Napaupo ako sa kama ko. Hindi ko pa nga natatanggal ang muta sa mata ko ay nakarating na siya?

“A-Akala ko ba sa isang araw ka pa-“

“Nauna na ako. I just really want to check on you. And I miss you so much!” Malambing niyang sinabi.

“I miss you, too. Pero hindi naman kailangang dumiretso ka na dito. I’m okay-“

“No. Gusto kong nandito ako. At wala ka ng magagawa kasi bumababa na ako ng eroplano. I’m with Mr. Manzano’s guards. Hindi alam ng media na nandito na ako kaya walang mag aabang sa condo.”

Halos mapatalon ako sa saya. I can’t believe it! Talagang nakauwi na si Wade! Pareho na kami ng lupang tinatapakan. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Gusto ko ng maligo agad at magbihis. Sana naghintay ako sa condo nila.

“Okay. Pupunta ako.” Sabi ko.

Nagmadali akong maligo, kumain at magbihis. Nanginginig yung kamay ko sa pagmamadali.

“Where are you going, Reina?” Tanong ni Noah.

Napatingin ako sa opisina nina mommy at daddy. Naging malamig ang turing nila sakin mula nung natapos ang party. Maging ang mga relatives ko, ganun din ang pakiramdam sa akin. Hindi na rin gaanong nagpupunta si Liam dito. Tinitext ko siya, gusto kong mapanatili yung pagkakaibigan namin pero hindi niya ako sinasagot.

“Work.” Simpleng sagot ko kay Noah.

Nanliit ang mga mata niya.

“Oh! Come on, Noah? Hindi ako grounded… I’m old enough for that! Late na ako kaya wag mo na akong intrigahin.” Sabay lagay ko ng earrings sa magkabilang tainga ko.

Nilubayan niya rin naman ako pero nakasalubong ko naman si Daddy.

“Reina… saan ka pupunta?”

Napalunok ako at nag iwas ng tingin.

“Trabaho po.” Sagot ko.

Hindi na sila gaanong umaalis ng bahay simula nung party. Para bang gusto nilang mapalapit sakin nang malaman nila kung ano ang mga gusto ko at bakit ayaw ko kay Liam. Masaya ako kasi nandyan sila, kaya lang, unti-unti ring napalitan ang saya ko ng pagkainis. Bakit ngayon pa? Hindi rin maiaalis sa kanila ang tampo. Nagtatampo parin sila dahil hindi ko sila pinagbigyan sa hiling nilang pakasalan ko si Liam.

Madali kong pinaandar ang sasakyan ko at pinaharurot papunta sa condo ni Wade. Kalahating oras ang naging byahe dahil masyado ng traffic. Iyon na yata ang pinakamahabang kalahating oras para sakin.

Maraming tao sa condo kaya kahit na kampante akong walang media, nag ingat parin ako. Pinindot ko ang floor ng condo ni Wade at halos tumakbo na ako papunta sa pintuan niya nang tumunog ang elevator para palabasin ako.

Hindi na ako kumatok, ginamit ko na lang ang susi ko. Mabilis kong binuksan at sinarado ang pintuan ko.

Nabigla ako nang bumungad sakin ang topless kong boyfriend. Inabangan niya talaga ang pagdating ko. Napatalon ako sa tuwa. Kinukurot ang puso ko sa tuwa kaya tumalon ako at niyakap ang leeg niya.

Sinalo niya ako at pinulupot niya ang buong katawan ko sa makisig niyang mga bisig.

“I missed you so much, Wade.” Pumiyok ang boses ko.

Hindi na siya nagsalita, nang nagtama ang mga labi namin, agad kong naintindihan kung gaano niya ako ka-miss. Sabik na sabik siya. Ganun din ang naramdaman ko sa sarili ko.

Kumahol pa si Carmela.

Hindi namin pinansin. Patuloy kami sa paghahalikan. Nahulog yung handbag ko at naramdaman kong naglalakad na siya patungo sa kwarto.

Baka madapa kami dahil masyado na kaming nahuhumaling sa halikan naming dalawa.

Unti-unti niya akong binaba nang nahirapan na akong yumuko para abutin yung labi niya. Hinawakan niya yung baywang ko, nag ti-tiptoe naman ako ngayon para lang maabot yung labi niya.

“I miss you so much, Reina.” Huminga siya at pumikit habang isinasandal ang noo niya sa noo ko.

Pumikit din ako at inilapat ko ang labi ko sa labi niya. Mariin at mainit.

“Ugh! Reina~” Tumindig ang balahibo ko sa ungol niya.

“Ipinaglaban kita sa pamilya ko.” Sabi ko sa gitna ng halikan namin.

Natigilan siya.

“Gusto nilang magpakasal ako kay Liam. Hindi ako pumayag, Wade. Kung ikakasal man ako, sayo yun, hindi sa ibang tao. Ikaw lang ang minahal ko kaya ikaw ang papakasalan ko.”

Uminit ang pisngi ko sa sinabi ko. Tumigil ako sa pag abot ng labi niya. Nahiya ako. Pakiramdam ko ako yung nag aalok ng kasal sa kanya. Gusto ko lang namang malaman niya na siya talaga ang pipiliin ko. Hindi na ako mag kukunwareng okay lang na sundin ko ang pamilya ko. This is my choice.

Ikinulong niya ang pisngi ko sa mga palad niya.

“N-Nagawa mo yun…”

Nagtama ang mga mata naming dalawa. Hindi na ako makapagsalita. Nanuyo ang lalamunan ko sa bigat ng tingin niya. Tumango na lang ako. Pumikit siya at kumunot ang noo niya bago ako hinalikan.

“Mas lalo akong nalulunod sayo, Reina…”

Tumindig ulit ang balahibo ko. Lalo nang nang ang tanging narinig ko na lang ay ang mga labi naming marahan at sabik na naghahalikan. Sa sobrang lakas at sabik niya, napaatras ako at napasandal sa dining table.

“Ahh… shit!” Mura niya pagkatapos niya akong tignan. “Pulang pula ang pisngi mo at pumipikit ka pa…” Kinagat niya ang labi niya at gumapang yung kamay niya sa ilalim ng floral top ko.

Madali niyang tinanggal ang butones ng floral top ko at nagsimula siya sa paghalik sa leeg ko. Napapatingala ako sa kiliti ng halik niya. Nangangatog na ang binti ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang tumayo gayung sinisimulan niya na ang mga halik na yan sakin. Hinuli niya ang dibdib ko ng labi niya.

Ugh! Hindi ko alam. Bibigay na talaga ang binti ko. Sumandal pa ako sa dining table. Gusto ko na lang pumatong at umupo doon. Ginulo ko ang buhok niya habang patuloy niyang hinahalikan ang dibdib ko. Ang isang kamay niya ay dumapo na sa shorts ko.

Hindi ko napigilang ibahiga ang magkabila kong binti. Darn! Uminit ang pisngi ko.

“Reina” Malambing niyang untag habang umuupo na sa harapan ko at hinahalikan ang puson ko.

OMG! Binuksan niya ang buttones ng shorts ko at nagpatuloy sa paghahalik pababa. Halos pumilipit na ako sa naramdaman kong pagkakayanig ng sistema ko.

“Wa-” Hindi ko na tinapos ang pangalan niya, kinagat ko na lang ang labi ko kasi alam kong mahihiya na naman ako sa oras na marinig ko ang sarili kong sinasabi iyon.

“Ugh!” Binaba niya ang shorts ko at madali niya ring binaba yung kanya. Kinapa ko yung shorts ko at may nakapa ako doong condom. Ngumisi ako at binigay agad sa kanya kahit na alam kong tatanggihan niya iyon.

Umiling siya at hinagis sa dining table ang condom. Ayaw niya talagang gumamit. Magaling din ang isang ito, ah! Syempre, madalas niyang ginagawa noon. Kaya lang natatakot talaga ako dun sa banta niyang bubuntisin niya ako.

“Hindi na tayo nakaabot ng kwarto.” Bulong niya sa tainga ko.

Tama siya. Hindi na nga kami nakaabot ng kwarto. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na hindi namin sa kwarto iyon ginawa. Pero damn, it feels so good.

Pagkatapos noon ay binuhat niya ako. Alam niya yatang nangatog na yung binti ko sa ginawa namin. Hinalikan niya ng isang beses ang leeg ko bago nilapag sa sofa. Umupo siya doon at hinaplos ang buhok ko.

“Hindi mo sinabi saking may nangyari pang ganun. Alam ko na noon pa, na may plano ang mga magulang mong ipagkasundo ka sa kay Liam. Para yan sa pamilya mo.”

Tumango ako, “Kanino mo nalaman?”

“Kay Rozen? Lagi siyang nagpaparinig sakin. Syempre, sinasabi ko sa sarili ko na nasayo ang desisyon. Nasayo naman talaga. Labas ako diyan. Pero sa totoo lang, gusto kong ako yung piliin mo. Na kahit ikaw yung magdedecide, gusto kong kumbinsihin ka na ako.”

“Ikaw naman talaga ang pinili ko.”

Pumikit siya at hinalikan ang ilong ko. “Yes, Reina. And I’m so happy…”

Ngumisi ako at niyakap siya.

Matagal kaming nagyakapan sa sofa. Ang init talaga ng katawan niya. Hindi ko maiwasang mag isip ng green tuwing nararamdaman ko ang init ng katawan niya.

Umiling ako at hinanap yung condom na hinagis niya kanina.

“Hindi ka ba talaga gumagamit?” Tanong ko.

“Alam ko namang magulo pa tayong dalawa kaya hindi ko hahayaang mabuo yung junior ko habang ganito. Di bale, pag nakasal na tayo, aanakan kita ng marami.” Humagalpak siya ng tawa.

Hinampas ko ang braso niya.

“Dapat isisilang siyang tanggap ng pamilya mo. Lumaki akong masaya sa simple kong pamilya. Dapat ganun rin siyang lumaki.”

Napaisip tuloy ako. Ano kaya ang itsura ng magiging anak namin? Lalaki kaya o babae? Ewan ko, basta ang alam ko, maganda o gwapo ang bata. Ang gwapo-gwapo kaya ni Wade.

I promise to raise our child really well. Hinding hindi ko ipaparamdam sa kanya na kunware lang ang pagmamahal ko.

“Sana wag siyang maging playboy…” Nabigla ako sa sinabi ni Wade.

Iniisip niya rin pala ang magiging anak namin.

“Ba’t ayaw mo?” Tumawa ako. “Ayaw mong magmana siya sayo?”

“Ayokong balang araw…” Tumingin siya sakin. “Pag nakilala niya na yung babaeng mamahalin niya, magsisisi siya kung bakit nag bulakbol pa siya, magsisisi siya sa mga kasalanan niya at iisipin niyang di siya karapatdapat para sa babaeng iyon.”

Kinurot ang puso ko.

“Mag aalinlangan siya at hahaba pa ang kwento kaya umabot pa sa puntong iiwan siya ng mahal niya.” Tumatawa na siya sa kalagitnaan.

“That’s your story, not our child’s!” Hinampas ko ulit yung abs niyang nag flex.

“Sana maganda ang katawan niya.” Sabi ko. “Lalo na kung lalaki.”

“Kung babae, hindi pwedeng lumabas kasama ang ibang lalaki. Kasi paniguradong mana sayo yun, baguhan.” Tumawa ulit siya.

Darn cute, Rivas!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Mapapansin Kaya? – Kabanata 67

Kabanata 67

Mahal Ko Rin Siya

Umiiyak ako sa kwarto ng tumawag si Wade sakin. Matagal kong sinagot yung tawag. Inayos ko pa kasi ang boses ko. Wala akong balak na maglihim sa kanya, ang ikinakatakot ko lang ngayon ay ang pag aalala niya. Nakaya ko namang mag isa, kaya’t hindi niya na kailangang mag alala. Baka umuwi lang iyon dito kahit di pa natatapos ang concert niya sa L.A.

“Hello?” Mahina ang boses ko.

Hindi siya agad sumagot. Para bang inisip niya munang mabuti kung may problema ba ako dahil sa boses ko.

“Wade?” Tawag ko, ngayon gamit na ang mas maaliwalas na boses.

“Ayos ka lang ba, Reina? May problema ka ba?”

Hindi ako makapaniwalang sa tono lang ng boses niya ibinase na may problema ako.

“Wala, Wade.” Bumungisngis ako ng bahagya. “Nandito yung family ko para magcelebrate dun sa tagumpay ko sa Fashion Week. Alam mo na, maraming nakapansin sa gawa ko.”

“I know… Congratulations, Reina. I’m so proud of you…” He sighed.

“Thank you…” Nabasag ang boses ko sa huling salitang binanggit.

Halos pukpukin ko na ang ulo ko sa inis sa sarili. Tumigil ka nga, Reina!

“Reina, uuwi ako pagkatapos ng L.A concert. You have to tell me what’s your problem…” Aniya.

Umiling ako kahit alam kong di niya iyon nakikita, “Wala, Wade. Tapusin mo muna yung concert mo. Can’t wait to see you… Miss na miss lang kita.”

Hindi siya naniniwalang wala akong dinaramdam. Ayaw ko munang sabihin sa kanya ang nangyari. Knowing Wade, baka dumiretso lang iyon dito nang di tinatapos ang concert para lang ipagtanggol ako.

“You don’t have to worry, Wade, I’m doing fine.” Sabi ko sa kanya sa huli. “And Wade…” Sabi ko.

“Reina?”

“Makikipagkita siguro ako kay Shan this Friday.” Sabi ko.

“Bakit? May appointment kayo?”

“Nope… I’ll tell her about us.”

Hindi ko alam kung padalos-dalos ba yung desisyon ko o yun talaga ang matagal ko ng pinag iisipan. SIya. Siya yung gusto kong makausap. Dahil karamihan sa fans ni Wade ay fans din niya, kaya nga may WadeSha dahil iyon ang gusto nila para sa kanilang dalawang iniidolo. Ramdam ko sa mga sagot ni Wade ang pag aalala at pagtitiwala. Para bang pinipilit niya ang sarili niyang hayaan ako sa desisyon ko, pero hindi niya parin magawang ipaubaya sakin ang lahat.

Mas pinili kong sa high end na restaurant kaming magkita. At least, publiko pero wala masyadong madla na mag aabang sa kanya. Sa restaurant ng Le Marcelle kami nagkita. Naka itim na dress siya, naka ponytail ang buhok at may malaking sun glasses.

Hindi niya alam ang pag uusapan namin. Mabuti nga at pumayag siya kahit busy siya. Aniya’y wala dawng problema basta kaibigan niya. Masaya ako’t tinuturing niya akong kaibigan. Pero pagkatapos nito, hindi ko alam kung kaya niya pa ako tawaging ganun.

Tumayo siya nang dumating ako. Grey ang kulay ng dress ko at nakalugay lang ang buhok, tulad ng lagi kong ayos.

“Nabigla talaga ako at nakipagkita ka sakin, Reina! Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o ano…” Tumawa siya at nagbeso sakin.

Nabigla ako sa pagiging affectionate niya masyado sakin.

Sabay kaming umupo. Umorder ako ng maiinom. Ganun rin ang inorder niya.

“Hectic talaga ang schedule ko ngayon. Buti na lang at nung nag set ka ng date ay wala pa akong appointment.” Tumawa siya.

Ngumiti din ako, “Thank you sa pakikipagkita sakin.”

“Uy, masyado kang formal! Ganyan ba talaga pag anak mayaman?” Tumawa ulit siya.

Hindi naman sa ganun pero talagang di ko magawang bumungisngis kasabay niya gayung may maselan akong sasabihin.

Marami kaming pinag usapan, tungkol sa showbiz, mostly. Kasi iyon naman yung lagi niyang binabanggit, ‘sumisikat’ na raw ako at kailangan ko ng background sa showbiz.

“Nagsimula ako sa child star, diba? Kaya hindi ko na masyado maalala kung paano ako nag aadjust sa mga situation. Bigla na lang akong namulat na alam ko na kung paano. Ikaw? Alam kong pinanganak ka ring sikat, pero hindi tulad sa aking sa showbiz.”

“Hindi naman talaga ako sanay na sanay sa pagiging sikat. Ang alam ko lang, hindi na ako nabibigla kung may nakakakilala sakin.”

Ngumisi siya, “Aww, nakakainggit.” Aniya.

Paikot-ikot ang topic namin hanggang sa napadpad kami kay Wade.

“Si Wade kasi nagmula sa hirap. Alam mo yun? Hinahangaan ko talaga yung mga taong ganun. Down to earth ang pamilya niya. Down to earth din siya. Matalino. Alam mo bang gumraduate siyang Magna Cum Laude- Ay oo nga pala, diba schoolmates kayo?” Tanong niya.

Tumango ako, “First year college nang nag classmate kaming dalawa sa Philosophy. Nakilala ko siya dahil sumali siya sa Zeus, yung banda nina Liam ngayon.”

“Oo nga… Alam ko yun eh. Tapos bigla siyang kinuha sa Going South. Si Adam kasi kilala niya na noon pa. Pareho yata silang taga Alegria.”

Alegria. Naalala ko lahat ng nangyari sa probinsyang iyon. Yung pananakit ko kay Wade, yung pagtatakwil ko sa sarili kong nararamdaman para sa kanya…

“Bakit nga ba talaga siya umalis sa Zeus. Ang alam ko, may offer na rin sila sa Moon Records noon…” Humilig si Shan sa mesa para makinig sa sasabihin ko.

“Nung umalis siya, nawala yung offer kasi hindi sila makahanap ng pamalit kay Wade. Nadisband ang Zeus.” Dagdag ko.

“Ang mean talaga ni Wade…” Suminghap siya. “Sayang yung Zeus noon eh.”

“Umalis siya dahil galit siya sakin.”

Kinalas ni Shan ang pagkakapangalumbaba niya at uminom ng tubig.

“Galit siya sayo? Bakit?” Tanong niya pagkatapos niyang uminom.

Hindi ako makapaniwalang normal ko itong sasabihin sa kanya. Hindi ko makita ang mga mata niya dahil naka sun glasses siya pero hindi ko iyon ipapahubad sa kanya. Alam kong kailangan niya yun, kahit na hindi siya dinudumog dito, nasa public place parin kami.

“Naging boyfriend ko siya noon.”

Hindi na sumagot si Shan. Natigilan na lang siya. Para bang dapat may kasunod pa yung sinasabi ko kaya pinagpatuloy ko iyon.

“Hinusgahan ko siya. Buong akala ko, totoong ginamit niya lang ako para makapasok sa banda. Iyon ang plano nila ni Zoey. Pero hindi niya iyon tinuloy dahil minahal niya na ako.”

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi ko. Nakita kong napalunok si Shan at tumango.

“Really?” Halos matawa siya sa sinabi ko pero bakas sa boses niya ang panginginig.

Hindi ako nagsalita. Hinintay ko munang maproseso niya iyong impormasyon.

“Pero bakit? I mean…” Tumawa siya ng bahagya. “Saan… Saang bansa ka nga galing, Reina? Saan ka nag aral?”

“France.” Sagot ko.

Patuloy siyang umiiling habang umiinom ng tubig, “A-Are you… resigning? What are your plans? Bakit mo s-sinasabi sakin ‘to? Hindi na ba kayo nagkakasundo ni-ni Wade?”

Ramdam ko ang pagkakataranta niya sa mga tanong niya.

“God!” Hinawakan niya ang kanyang noo.

“Hindi, Shan, nagpaplano akong lumabas. Wade’s been vocal about your fake relationship. Lagi niyang nidedeny ang relasyon niyo sa publiko.”

Well, except nung kakarating ko lang. May pa ‘no comment’ pa siyang nalalaman. Pinagseselos yata ako noon.

“N-Nagkabalikan kayo?”

Nakita ko ang isang luhang tumakas sa ilalim ng sunglass niya. Nanginginig ang nakaawang niyang labi habang hinihintay ang sagot ko.

Dahan-dahan akong tumango. Bumuhos yung luha niya. Panay ang punas niya gamit ang mga tissue sa harapan namin.

“I-I’m sorry, Reina… It’s just…”

Nataranta ako. Kinuha ko yung mga tissue at ibinigay sa kanya. Tinanggap niya rin naman ang mga ito.

“It’s just… I love Wade.” Pabulong niyang sinabi. “I’m in love with him.”

Nanlaki ang mga mata ko. I saw this coming, pero nakakabigla parin.

“He’s harsh… He’s eccentric… pero I adore his talents and charisma so much!” Mas lalo siyang humagulhol.

Iyong tipong hindi ko na maagapan ang pagtulo ng luha niya. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana sa condo niya na lang kami nagkita.

Tumango na lang ako.

“I know… Mahal ko rin siya kaya naiintindihan kita.” Kinurot ang puso ko sa sinabi ko.

Ang weird… Ang weird pag may kilala kang mahal din ang taong mahal mo.

“Alam mo yung tumitindig… yung balahibo ko tuwing lumalapit siya? A-Alam mo yung u-umaasa ako na isang araw, kahit na harsh siya, pag m-magustuhan niya ako, worth it. Kasi alam mo yun, may hinihintay siyang bumalik n-na taga ibang bansa. Ibig sabihin, k-kaya niyang maghintay… P-Puro yung nararamdaman niyang pagmamahal.”

“May hinihintay siyang taga ibang bansa?”

“Oo. Sinabi niya iyon noon, sa isang interview tungkol sa tattoo niya.”

Kinagat ko ang labi ko.

“It was you, right? Ikaw yung hinihintay niya.”

Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung may iba pa ba…

“And-And his tattoo… Hindi niya sinasabi kung anong ibig sabihin ng tattoo niya…” Aniya.

“It’s Reina, Shan. Alibata yung ginamit niya para buuin ang pangalan ko.”

Mas lalo siyang humagulhol.

“Reina… Carmela… his dog. Sinasabi niyang mahal na mahal niya si Carmela…”

Napangiwi ako nang naalala ko yung aso ni Wade. Believe me, sweet pakinggan pero damn Rivas!

Namuo din ang luha ko dahil sa realization ko. Noon pa man, kahit wala pa ako dito, nagpaparinig na siya sakin.

“I love him, Reina. Kaya kong maghintay kasi alam kong worth it na kung umibig siya. I-I’ve heard he’s a playboy, noon. Pero tahimik lang siya sa parteng yan… Para bang ikinakahiya niyang napagdaanan niya iyon. Pero kita naman siguro sa karisma niya, alam niya kung paano magdala ng mga tao, simple lang sakanya ang makihalubilo. And the stage is natural for him, hindi siya kinakabahan tuwing nag peperform.. at nakakaya niyang paibigin ka sa i-isang kanta lang.”

Nakikita ko ang sarili ko sa mga sinasabi niya. Ganung-ganun din ang nararamdaman ko. Tumango na lang ako at napapikit. Nag concentrate ako sa paghinga ng tama para hindi ako tuluyang humagulhol.

“A-At sana… sana di ka na lang bumalik.” Tumigil siya at humikbi.

Doon lang din tumulo ang luha ko. I know what she lost… Kung hindi ako bumalik, malaki ang pag asa nila ni Wade. Baka nga mapaibig niya si Wade. She’s not that bad. She speaks her mind. Noon pa man, nakita ko na ang pagiging totoo niya kay Wade. At iyon ang naging dahilan kung bakit ako napansin ni Wade noon. Kaya hindi ako magtataka kung isang araw ay mahulog ng tuluyan si Wade sa kanya, lalo na kung di ako bumalik.

Tumango ako.

“Reina, can you leave me, please. Don’t worry, hindi ako magsasalita sa media. Hihintayin ko yung pag amin niyo ni Wade. H-Hindi ko nga lang maipapangako na sa inyo yung fans. I can’t control them… I-I will try to…” Humikbi siya.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko.

“I’m sorry, Shan. I’m sorry…” Sabi ko.

Nag alinlangan pa akong umalis pero hindi niya na ako pinansin. Humikbi na lang siya at inaayos ang sarili.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]