Mapapansin Kaya? – Kabanata 70

Kabanata 70


I Promise

Madali kong ni check ang Facebook account ko sa sobrang kaba ko. For the first time in history, nawindang ako sa mga notifications.

Una kong napansin ang 225 na friend requests…

“Deactivate your account, Reina.” Sabi ni Wade sakin.

Siya na mismo ang kumuha ng mga pinamili namin. Mukhang balak niya rin yatang magluto kasi naging busy na ako sa pag fi-Facebook.

Umupo lang ako sa sofa at panay ang scroll ko sa wall ko.

Coreen Samantha Aquino: Uh-oh!

Maging sa comment ni Coreen ay maraming nag cocomment:

Coreen! Si Reina yun?

Hindi ba sila naman talaga mula pa noong college?

Wait, Reina’s back in the Phil?

Napalunok ako nang binasa ko lahat ng nasa wall ko.

Reina, ikaw yung nasa viral pic?

Rein, ikaw yun?

Wade and Reina?

Huli na ang lahat, isa na rin sa nag wall sakin ang mga pinsan ko.

Reina Carmela Elizalde, dahil ba sa kanya?

Dami mo ng bashers. Tsk. Don’t worry, we’re here.

Nicheck ko rin ang inbox ko na tadtad na ng mga message.

WadeShanatics: I hate you. Mamatay ka na. Malandi. Kitang may gf yung tao.

WadeShaNation: Nakasulat na yung pangalan mo sa deathnote. Hope you rot in hell!

WadeShaForever: Manggagamit. We know your story. Ginamit mo si Shan para sumikat ka. Now you’re using Wade!? HAHA Desperate much, girl?

OH MY GOD! Hindi ko na kayang basahin lahat ng mga mensahe nila. Naiiyak na ako kahit tatlo pa lang yung nababasa ko.

Hinaplot ni Wade ang cellphone ko.

“I said deactivate your account.”

Nanginginig pa yung mga kamay ko at natutulala ako habang tinitignan siyang nakakunot ang noo at pinipindot ang cellphone ko.

Pagkatapos ng ilang sandali ay nilapag niya ito sa mesa at niyakap ako galing sa likuran. Sa init ng yakap niya, hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Humagulhol na ako sa iyak. Alam ko. Nakita kong paparating ito. Hinahanda ko na ang sarili ko. At sinabi kong papanindigan ko na ito at sasabihin ko sa publiko… Sasabihin namin ni Wade, ganun pa man, tao rin ako, babae, nasasaktan din.

Hindi ako sanay na may mga galit saking di ko kilala. Ni hindi ko nga natantanan si Wade noon nang nakita kong galit siya. Ngayon pa kayang marami na ang galit sakin?

“Shhh… I’m sorry…” Bulong ni Wade sakin at tinapik ang balikat ko.

“Okay lang. Kaya ko ‘to.” Sabi ko.

“I’ll be here. Shhh…” Bulong niya at tinatahan ako.

Tumayo ako kahit nanginginig pa ang binti ko. Pinagmasdan ako ni Wade habang sinusubukang lumapit sa mga pinamili namin.

“A-Anong gusto mong lutuin k-ko?” Pinunasan ko ang mga luha ko at kinuha yung sauce.

Balak kong gumawa ng sweet and sour chicken.

“Reina…” Buntong hininga ni Wade.

Kinuha ko yung mga pinamili at nilagay sa ref. Yung mga spices lang tsaka yung manok ang niready ko.

“Reina, ako na diyan. Marunong na akong magluto. Please rest.” Aniya.

Hindi ko siya pinakinggan.

“Wade, I saw this coming. Ready na ako para dito. Kaya kayang kaya lang.” Sabi ko.

Naramdaman ko ang kamay niya sa siko ko. Hinaplos niya ito.

“I want you to rest, Reina.” Hinila niya ng marahan ang dalawang siko ko.

“It’s okay, Wade.” Sabi ko.

“Rest or papagurin pa kita.”

Bumaling ako sa kanya at nakita kong nakangisi siya.

“Wag kang mag paapekto sa mga sinasabi ng tao. Naalala mo nung nagpaapekto ka? Anong nangyari sating dalawa?” Aniya.

Ikinulong niya ang pisngi ko sa mga palad niya.

“I love you, Reina, so much, and it’s all that matters. Yun lang. Wala silang pakealam. Maya-maya, may tatawag na sakin para makapag issue ako ng statement about the viral picture. I will protect you, I promise. Pero hinding hindi kita idedeny. I want you to be strong for me. Okay?”

Tumango ako at tinitigan ang mukha ng tanging lalaking minahal ko.

“I will, Wade. Promise.”

Hinalikan niya ang noo ko.

“Now, you rest. I’ll do this.”

Tama si Wade. Dapat pala akong magpahinga. Pagkahiga ko, tulog agad ako. Pagod pala ako, hindi ko namamalayan. Dagdagan pa ng stress na natanggap ko galing sa bashers. Iilan pa nga pang iyong nabasa ko, na stress na ako ng ganito, paano pa kaya kung nabasa ko yun lahat?

Hindi ko na alam kung ilang oras akong natulog. Nagising na lang ako na dinidilaan na ni Carmela ang kamay ko. Hindi ako agad bumangon. Hinaplos ko muna ang ulo ng bloodhound.

Siya siguro ang palaging kasama ni Wade dito sa condo niya mula pa noon.

“Bakit, ma?” Narinig ko ang mahinang boses ni Wade sa labas ng kwarto.

Unti-unti akong bumangon para tignan kung sinong kausap niya. Naglakad ako, barefoot, palabas ng kwarto niya at nakita ko siyang nasa bar ng kanyang kusina, nakatalikod at may kausap sa cellphone.

Naririnig ko rin ang cellphone kong tumutunog kung saan. Binalewala ko iyon at nag concentrate sa sinasabi ni Wade.

“Sabi ko naman wag kang magsalita sa media, diba?”

Sino kaya ang kausap niya.

“Sana hinintay mo ang statement ko.”

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

“Yes, that was true.” Yumuko si Wade. “I didn’t lie to you, ma.” Narinig ko ang frustration sa boses ni Wade.

Pumihit siya at nakita akong nakikinig sa kanya.

“Okay, ma. Ah! Wait… Hindi ako makakauwi sa Alegria. Kayo na lang ang pumunta dito- Yes- Oo- Kailangan- Please, thanks ma…”

Binaba niya iyon at hinarap ako. Tumunog ulit ang cellphone niya. Hindi niya na iyon tinignan, diretso niyang nicancel yung tawag.

“Ginugutom ka na?” Tanong niya sabay turo sa mesang may luto niya.

Naglakad ako papunta sa kanya. I want to hug him. Feel him.

Niyakap ko ang mainit niyang katawan. This is my Wade. He loves me so much. Wala na akong mahihiling pa. Wala akong pakealam kung may umaway sakin, mambash, manira, ang importante matatag kami.

Hinaplos niya ang likod ko at suminghap.

“Tinawagan si mama ng media. Simple niyang sinabi na oo, ikaw ang girlfriend ko.”

Napatingin ako sa kanya.

“Tapos?”

“That was all.” Umiling siya. “Sinabi ko na rin sa kanya na nagkahiwalay tayo nung nasa France ka… at na sana hayaan niya akong magpaliwanag sa publiko.”

Hinampas ko dibdib niya.

“Bakit ba kasi di mo sinabi sa kanya yung totoo noon pa lang?”

Hinila niya ako papunta sa mesa para makakain na kaming dalawa.

“Bakit ko sasabihin gayung maging ako di naniniwala na nagkukunwari ka lang satin noon? Hindi ko sasabihin ang mga hindi ko pinaniniwalaan, Reina.”

Pinaupo niya ako. Tumabi siya sakin. Sabay kaming kumaing dalawa. Ang sarap ng luto niya! Noong iniwan ko siya, di pa ito marunong magluto ah? Ngayon pang masterchef na. Busog na busog ako sa niluto niyang sweet and sour chicken. Alam niya yatang yun ang balak kong lutuin kaya iyon ang niluto niya.

“Saan mo gustong tumira? Sa condo o bahay talaga?” Tanong niya.

“Uhmm. Kahit saan. Pero since may condo ka, pwedeng dito na lang.” Ngumisi ako.

Kinagat niya ang labi niya kaya mas lalong sumalida ang dimple.

“Bumili ako ng bahay.” Aniya.

Natigilan ako sa sinabi niya, “T-Talaga?”

Tumango siya, “Oo. Ikaw ang mamimili kung saan tayo.”

Noon pa man, si Wade na talaga ang mahilig mag isip tungkol sa future. Noong bata pa lang kami, hindi ko pa naiisip ang mga kasal-kasal, pero siya yung nag uudyok sakin para maisip ko yun.

“I love you, Wade.” Sabi ko at nilapit ang labi ko sa kanya.

Hinilig ko ang katawan ko sa kanya at hinila ang leeg niya para makalapit sakin.

“Kahit itanan mo na lang ako.” Sabi ko sa gitna ng maiinit naming halik.

Nakita ko ang pagngisi niya habang hinahalikan ko siya.

Binuhat niya ang katawan ko at pinaupo ako sa hita niya.

KRIIIIING-KRINGGGG

Linsyak! Cellphone ko yun ah! At kanina pa yun nag ri-ring!

“Reina, sagutin mo muna yun.” Aniya sabay tulak sakin.

Ayoko. Gusto ko maghalikan na lang kami.

Kaso, ilang saglit ang nakalipas ay ang cellphone niya naman ngayon ang nag ri-ring. Panibagong ring din ang narinig ko sa cellphone ko.

Ngumisi siya at tinuro ang cellphone ko.

“Wag kang mag alala, after this, we’ll do it hard, okay?” Kumindat siya.

Uminit ang pisngi ko at napatalon palayo sa kanya.

Humagalpak siya sa tawa habang nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. RIVAS! SHIZ!

“Hello?” Sagot niya sa cellphone niya.

Lumapit na rin ako sa cellphone ko at sinagot ito.

“Hello?” Tinignan ko si Wade na ngayon ay seryoso ng nakikipag usap sa tumatawag sa kanya.

“Reina, where are you?”

SI DADDY!

“D-D-Dad?” Nauutal pa ako! Shiz!

“Do I need to trace your GPS?” Malumanay pero nakakatakot niyang sinabi. “Umuwi ka na!”

“Y-Yes, dad.” Sabi ko.

Binaba iyon ni daddy. Nanginig ang kamay ko. For sure, I’m a dead meat! Papagalitan ako at pipilitin akong iharap si Wade sa kanila.

Pero di ako matatakot… Kasi alam ko, pigilan man nila ako, hindi sila magtatagumpay. I’ll be with Wade, whatever it takes.

Binaba din ni Wade ang cellphone niya.

“Naghihintay si Rozen sa 17th floor. Sabay kayong bababa, may dala siyang body guards…” Sabi ni Wade.

Napalunok ako at tumango na lang.

Natulala si Wade. Ilang sandali pa bago siya nagsalita, “Makikipag usap ako sa kay Mr. Manzano at through skype at sa isa ko pang manager, Reina. Promise me, ipaglalaban mo ako this time.”

Tumango ako.

“Promise me, Reina. You’ll stay.”

“I Promise, Wade.”

Alam ko sa sarili ko na isa ito sa mga pangakong hindi mapapako. Ano man ang ipapagawa sakin ng mga magulang ko, yung sarili kong desisyon ang masusunod. I will choose Wade this time… I’ll stay, this time.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: