Mapapansin Kaya? – Epilogue

THANK YOU SA WALANG SAWANG SUPPORTA NINYO! Sobrang saya ko na nakaabot kayo dito… ang saya saya.. hehehe. nasiyahan din ako sa pagsusulat nito kaya sana pinasaya ko rin kayo…

Songs used:

Only One – Lifehouse

You Belong to Me – Jason Wade

Things Will Go My Way – The Calling


Epilogue

“Bilis na, Manong!” Sigaw ni Coreen sa driver namin.

Natataranta na ang driver sa pagdi-drive dahil masyadong atat si Coreen makarating sa Araneta.

“Ano ba, Coreen? Anong problema mo?” Sabi ko habang ineenjoy ang byahe.

“Kasi naman po, ang daming tao kaya doon! Naka attire pa naman tayo ng ganito tapos mahuhuli tayo at makikipag pilahan kasama yung fans?”

Umirap ako, “Hello? Nakalimutan mo na ba? Fiancee ko yung mag co-concert! Tingin mo hahayaan niya tayong pumila doon.”

Humalukipkip siya at umirap narin.

“Ay oo nga pala… Si Wade nga pala yun… Pag nalaman niyang paparating na ang mahal na Reina ay kung maari ipapagiba niya yung isang pader ng Araneta para lang makapasok ka ng matiwasay…” Umirap siya. “Promise, Reina, mauunahan tayo sa harap kasi ang bagal mo. Alam mo namang wala tayong ticket.”

“May reserved seats tayo doon, Coreen.” Sabi ko.

“Eh sabi naman sayo diba, maraming tao ngayon. Come back concert niya kaya ito.” Sumbat ni Coreen sakin.

Hindi ko talaga maintindihan. Bakit ba natataranta ang isang ito? Hindi naman ako hahayaan ni Wade na walang upuan sa concert niya. Praning na talaga itong si Coreen.

Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Nag aayos na siya ng buhok ngayon habang bumubulung-bulong ng mga reklamo tungkol sa pagiging relax ko dito.

“Bakit mo naisipang puno na yung VIP?” Tanong ko.

Ngumuso siya at sinulyapan ako. Unti-unti siyang ngumisi at nag peace sign!

“Inimbitahan ko kasi si Liam tsaka Shan…” Tinakpan niya ang bibig niya.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Masyado ng maraming nandoon. Pinaclose na nga ang VIP dahil nakalaan lang yun sa mga kakilala at espesyal kay Wade. Maingat kong binilang ang mga sasali. Tama lang talaga yung upuan doon sa VIP para sa mga sasali. Ayaw sumama ni Liam, ang sabi naman ni Shan ay may taping siya kaya hindi ko na inasahan ang pagdating niya.

“P-Paano mo sila napapayag?” Tanong ko.

Nagkibit-balikat si Coreen, “Kumpara sayo, mas malakas ang charm ko kaya…” Ngumisi siya.

Suminghap ako at tinanaw ang mahabang pila sa labas. Kailangang nasa harap ako dahil iyon ang usapan namin ng fans club ni Wade.

Ito ang unang concert nila pagkatapos nung bumalik siya. Eksakto pang sa birthday ko iyon idinaos. Ang galing, ano? Parang si Wade lang yung birthday gift ko! Nag greet na siya kaninang umaga, kaya nga malaki na ang ngiti ko ngayon. Binigyan niya ako ng mga flowers, chocolates, at mukha rin yatang pinakyaw niya ang mga cake ng iba’t-ibang tindahan.

Hindi na muna ako magpaparty sa ngayon. Concert kasi ni Wade ngayong gabi at napilit ko sina mommy at daddy na manood. Maging ang mga relatives ko ay nilibre ni Wade kaya mas lalo silang ginanahang manood ng concert. Kaya ngayon, patay kaming dalawa ni Coreen.

“Palabasin na lang natin si Noah at… Rozen…” Nanliit ang mga mata ko sa pag iling niya.

“Wag na! Ako na ang bahala. Mag papahanap na lang ako sa staff ng upuan.”

“O sige, kahit saan basta may upuan. Kahit sa huling mga upuan pa yan…”

Nilubayan ko na siya dahil panay na ang text niya. Kanina pa tumigil sa pagtitext si Wade, siguro ay naging busy na sa paghahanda.

“Ayan tuloy, buti pa nag shorts or pants na lang tayo. May pa uniform-uniform ka pang nalalaman diyan.” Sabi ko sa kanya.

Tinignan niya ako ng saglit, pero wala yata siya sa katinuan dahil sa katext niya.

Huminto ang sasakyan sa parking lot. Dito kami sa backstage papasok.

“Tara, Coreen!” Sabi ko sabay tulak sa pintuan.

Lumabas din naman si Coreen, pero nakatingin parin siya sa cellphone niya. Sabay kaming naglakad papasok sa loob.

“Bakit pa kasi nakadress pa tayo.” Sabi ko.

Nakakabanas lang. Ayaw ko talaga ng mukha akong center of attention pero dahil sa description ni Coreen na mag kakapareho naman kami ng damit na white dress, pumayag akong isuot ito. Naka puti rin naman siya, pero simple lang, simple din naman itong akin, kaso may swarovski diamonds na sequins. Kung yung damit niya ay may simpleng spagetti strap, yung akin naman sariling design ko ng lace illusion neckline kaya di hamak na mas kapansin pansin ako.

“Wag ka ng magreklamo! Ang ganda mo naman, ah? Pag nakita ka ni Wade baka hindi na matapos ang concert. Tatawagin ka na lang nun at magkikita kayo sa backstage para doon…”

Uminit ang pisngi ko.

Ngumisi si Coreen.

“Kita mo na? O diba, masaya yun? Kaya tumigil ka na sa kaka satsat diyan at hayaan mo na yang damit mo.”

Bumuntong-hininga ako at pumasok na sa loob.

Busy ang staff. Ito na yata ang pinaka malaking concert nina Wade. Unang araw pa lang ng paglabas ng ticket, sold out agad. Maraming umiyak kasi hindi nakabili ng ticket. Syempre, I assured them na magkakaroon pa ulit ng ganito. Kaso, yung iba, parang nawawalan na talaga ng pag asa. Nanghihinayang talaga sila ng bongga. Hindi pa naman mamamaalam si Wade sa showbiz, bakit ganyan sila makareact? Siguro ay dahil natakot na silang ulitin iyon ni Wade.

Naisipan kong pumasok sa backstage para mag ‘good luck’ kay Wade, kaso may biglang lumapit saking tatlong babae.

“Ms. Reina!” Sigaw nung dalawa.

Nagmamadali sila papunta sakin. Sumandal si Coreen sa pader habang pinapanood akong kinakausap sila.

“Uy! Hello!” Ngumisi ako.

Kilala ko sila. Sila yung mga president ng tatlong WadeSha fans club noon. Ngayon ay may iisa na silang grupo na ginawa na nakatoon sa pag suporta sa kahit anong desisyon ni Wade.

“Kumusta ang plano?” Tanong ko.

Nakangisi sila sakin at mukhang excited na excited na.

“Okay po… Alam niya po ba yung tungkol sa plano namin?” Tanong nila.

Umiling ako, “Hindi. Hindi ko sinabi.”

“Naku! Salamat talaga at secret lang natin ito.” Sabi nung isa.

Ngumisi ako.

“No problem.”

Kasi naman, gusto nilang mag apologize kay Wade. Gusto nilang ag sorry sa panghuhusga nila sakin. Nag sorry na sila sakin, agad ko silang pinatawad, kaso, si Wade mejo hindi parin okay sa kanila.

“Sorry talaga, Ms. Reina.” Pagbabalik nila.

“Okay na talaga ako. Alam ko namang wala kayong alam noon.”

Nagpasya silang isurprise si Wade ngayong concert niya. Hindi ko nga alam kung paano pero rinig ko ay involve daw lahat ng mga humusga sakin, meaning, halos lahat ng fans nina Wade at Shan.

“Nag apologize na rin po ba si Ms. Shan Melendez?” Tanong nila.

Tumango ako, “Oo. It’s okay, mahal niya si Wade, natural tendency ng tao ang ganun.”

Nagkatinginan silang tatlo.

“Naku! Ang bait niyo po talaga! Si Shan naman po kasi, hindi kinaklaro! Alam niya namang pag gusto naming mga fans, kahit walang sapat na ebidensya, agad naming pinapaniwalaan.”

“Oo nga! Si Ms. Shan naman talaga ang puno’t dulo dito.” Anila.

“Naku! Wag natin siyang sisihin. Umasa din kasi siya na may patutunguhan sila ni Wade…”

“Naku, Ms. Reina, sobrang bait niyo talaga. Sorry po talaga sa ginawa namin noon.”

Mahabang pagsosorry pa yung sinabi nila kaya naman mejo natagalan pa kami sa pag uusap. Nakita ko ng nagtataray si Coreen habang tinititigan ako.

“Uy, sige na, maghahanap pa kasi kami ng upuan.” Sabi ko.

“Ah! Sige po… Uhm… Pwedeng picture po?”

Dahil mababait naman sila at wala naman sigurong masama kung mag papapicture ako kasama sila, ginawa ko na. Kitang kita ko na ang pagkakairita ni Coreen nang siya pa yung naatasang mag picture saming apat.

“Thanks, Ms Reina!” Tumitiling sinabi ng isa.

Kinawayan ko sila at sumama na agad sa atat na si Coreen.

“Bilisan mo na, Reina! Maghahanap pa tayo ng upuan.” Aniya.

Nauuna siyang maglakad. Mabilis at natataranta siya kung makapaglakad. Panay pa ang lingon-lingon niya sa paligid.

“Coreen, sandali!” Sigaw ko.

Ang bilis kasing maglakad ng isang ito. Nag di-dim na ang lights, hudyat na malapit ng magsimula.

Shiz! Natagalan tuloy kami! Wala pa kaming upuan. Nasa taas na kami ngayon, ang bilis kasing umakyat ni Coreen para maghanap ng upuan. Kaya dumungaw ako sa VIP seats, nakita ko doong puno nga! Mukhang walang ni isang nag absent sa lahat ng invited, ah?

Bumaling ako sa natigilang si Coreen at tinignan kung sinong kaharap niya. Sa gitna ng makukulay na lights, na tanging naging ilaw namin ngayon palapit na ang pagsisimula ng concert ay naaninag ko ang kapatid ko. Nakalagay ang kanyang daliri sa ulo habang nakasandal ang siko niya sa arm ng upuan. Yung paa niya naman ay nakapatong sa kanyang tuhod na para bang may hinihintay.

“Thanks…” Sabi ni Coreen.

Tumayo siya at bumuntong hininga.

“You are always welcome…” Malamig na sagot nito.

Naglahad siya ng kamay aat ipinakita sakin ang katabing upuan nung inuupuan niya kanina.

“Dito ka, Reina.” Ani Coreen sakin.

Ngumisi ako sa kanya. Sa wakas… bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang kapatid kong bumababa na ngayon para umupo sa VIP seat na para sa kanya.

“Sana kayo na lang dito. Doon na lang ako sa VIP seat.” Ngumisi ako kay Coreen.

“Weh? Ano ka? Bestfriends tayo, kaya dahil napahamak ako sa pag iimbita kina Shan at Liam, dadamayan mo ako sa kamalasan ko.”

Mas lalo akong ngumisi, “Dadamayan ka rin nun.”

Ngumuso siya at inirapan na lang ako. Sarap asarin nito! Kaya ayun, wala akong ginawa kundi asarin siya hanggang sa nagsimula yung count down.

“10… 9… 8…” Sumigaw din ako kahit na naasiwa ako sa mga fans na kanina pa picture ng picture sakin.

Hindi naman sa nagrereklamo ako sa upuan naming napapalibutan ng fans (well, except sa harap naming hagdanan lang naman), pero nakakahiya lang na lahat ng ekspresyon mo ay nahahagip ng camera nila.

“7… 6… 5… 4… 3…”

Bumilis ang pintig ng puso ko. Pakiramdam ko aalis na ang puso ko sa sobrang excitement! WADE ON STAGE AGAIN! YESSS!

Dim yung lights nang bumukas yung curtains. Pero kitang kita ko ang apat na lights sa baba na nakatoon sa bawat isang miyembro ng Going South.

Si Zac, si Adam, si Austin…

Sabay ko silang narinig sa intro.

Ngunit halos hindi ko rin marinig kalaunan dahil sa ingay ng tili galing sa fans. Kaya ang ginawa ko ay nag ingay na rin.

“WOOOOOOH! WADE SEXY RIVAS! I LOVE YOU!!!” Sigaw ko.

Humagalpak sa tawa si Coreen at maging yung mga nasa tabi naming mga babae. May isa pa nga doong kanina pa nag vivideo sakin. Mukha yatang mas balak niya akong videohan kesa sa manood kay Wade.

“WADE SEXY RIVAS! WADE! SEXY! RIVAS!” Iyon ang bumalot sa buong Araneta kahit na nagsimula na sa pagkanta si Wade.

“She’s got a pretty smile

It covers up the poison that she hides

She walks around in circles in my head

Waiting for a chance to break me

A chance to take me down

Now I see the burden you gave me

Is too much to carry too much to bury inside…”

Kailangan ko pang lakihan ang mga mata ko para makita ng maayos si Wade. Ang layo ko kasi, eh, pero di bale, kahit malayo, naaaninag ko parin ang walang kupas na kagwapuhan niya.

“GWAPO MO WADE!” Sigaw ng isang humahagulhol doon sa baba.

Ganun ka gwapo! Yung mapapahagulhol ka talaga!

“I guess you’re the only one, that nobody changes

I guess you’re the only one left standing

When everything else goes down

You’re still the only one…”

Kahit na malayo ako, laking gulat ko nang itinuro niya ako, diretso, yung tipong siguradong sigurado ako na ako yung tinuturo niya.

“Yeah, you’re still the only one…”

Tumindig ang balahibo ko at natahimik. Hindi ako nakatili dahil nagbara yung lalamunan ko. Sina Coreen lang at yung mga fans ang tumili para sakin. Nalibong na lang ako sa upuan ko at nagpipigil ng ngiti.

Ngumisi si Wade sa reaction ng madla at tumalikod siya para ipagpatuloy ang kanta…

“It’s all shallow and all so appealing

I’m up to my ankles and I’m drowning

Anyway in a sea of sarcastic faces familiar places

Everything looks quite the same here

It’s all confusingly amusing bitter and tainted

The picture you painted to me…

I guess you’re the only one…”

Kinagat ko na lang ang labi ko. Nag dim ulit yung lights. Niyugyog ni Coreen ang balikat ko.

“OH MY GOD! SHET! REINA!” Aniya.

Magulong-magulo na siya. Maging ang mga fans ay hysterical na. Hindi ko na maintindihan… may umiiyak, may naninisay sa kilig, may nagwawala, may panay ang tili na halos mapaos na… halu-halo. That’s the Wade Rivas effect!

Nang unti-unti ulit na bumukas yung dalawang ilaw sa center stage. Naaninag ko ang magulong buhok ni Wade. Nakapikit siya at nakaupo sa isang itim na stool. Nasa harap niya yung microphone at may hawak siyang acoustic guitar.

Kinalabit niya ng marahan yung guitar at nakita kong ngumisi siya kahit nakapikit.

“See the pyramids along the Nile

Watch the sunrise from a tropic isle

Just remember darling all the while

You belong to me…”

Tumindig ang balahibo ko sa boses na pinarinig niya saming lahat. Malamig, tagos sa puso… yung tipong mamumuo ang luha sa mga mata mo. Kinagat ko na lang ang kamay ko dahil kung hindi ay baka mapahikbi na ako.

“See the market place in old Algiers

Send me photographs and souvenirs

Just remember when a dream appears

You belong to me…”

Unti-unting naagaw ang atensyon ko sa mga nakaputing fans ni Wade na ngayon ay may dala-dalang mga puting kandila na may butterfly sa hawakan.

“Ito na yung surprise ng fans ni Wade sa kanya.” Sabi nI Coreen.

Tumango ako at pinanood silang sinisindihan isa-isa yung mga kandila nila.

“And Ill be so alone without you

Maybe youll be lonesome too…”

Mas lalong lumamig ang boses ni Wade. Nakapikit parin siya hanggang ngayon. Mukhang damang-dama niya talaga ang kinakanta niya. Kaya naman damang dama ko rin ito at hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

Bumaling ulit ako sa mga fans niyang unti-unting pumwesto sa bawat baitan ng hagdanan sa tapat ko. Pumwesto sila sa magkabilang gilid. Naaalala ko sa kanila yung mga sundalo ni Prince Charles tuwing darating yung royal family… Yun nga lang, imbes na katana o rifle yung dala nila ay kandila naman.

“Fly the ocean in a silver plane

See the jungle when it’s wet with rain

Just remember till you’re home again

You belong to me…”

Papalapit na sila nang palapit samin ni Coreen. Ayos! Not bad! Hindi naman pala nangungulelat ang pwesto namin ni Coreen ngayon kasi dito yung surprise ng mga fans niya.

“I’ll be so alone without you

Maybe youll be lonesome too…”

Unti-unting humupa yung pag strum ni Wade ng guitar. Dinilat niya ang mga mata niya at nakita kong suminghap siya at umiling.

Ngumisi din siya at pumasok sa stage sina Zac, Adam at Austin. Tinapik nila yung likod ni Wade at nakipag high five sa kanya. Nagtawanan pa ang apat hanggang sa bumaling si Wade sakin ng nakangiti at tumayo na rin.

Kinuha yung stool sa likod ni Wade at ngayon ay tumutugtog na silang apat. Wala narin yung gitara ni Wade. Nandyan na rin kasi si Zac at Austin para i back up yung gitara niya.

Una kong narinig ang gitara ni Austin… bago pumasok si Zac at Adam…

“I came to tell you… how it all began…”

Bumaba si Wade sa stage at tumayo sa dulo ng mga hagdanan. Ngayon, magkatapat na kaming dalawa. Pero unti-unti kong narerealize na hindi siya aakyat sa hagdanan. Nandoon lang siya, kumakanta, nakatayo at nakatitig sakin.

“Nothing seems to work out right

I’m broken down again

So hold me now

Say it’s not forever…”

Unti-unti kong naramdaman ang pagtatapik ni daddy sa balikat ko. Si mommy naman ay inaalalayan ako patayo. Nanlaki ang mga mata ko sa bigla.

“‘Cause maybe someday

In time

Well things will go my way, ohh

Things will go my way…”

Kasabay ng pag ingay ng kanta ay ang pagkakagulat ko sa buong pangyayari.

Nilingon ko ang nakatayo at nakangising si Coreen. Nag peace sign ang lukaret at winagayway niya ang bouquet na hawak hawak niya.

“A-Anong?”

Bago pa ako makapagsalita ay ibinigay niya na ang isa pang bouquet sakin. WHAT?

“Let’s go, Reina.” Nanginginig na sinabi ni Daddy sakin.

Naunang mag lakad si Coreen. Siya lang yung naglalakad sa gitna ng mga fans na may dalang kandila.

Nang lumiko na si Coreen ay nagsimula din kaming maglakad nina daddy at mommy.

Napalingon-lingon ako sa mga fans na ngayon ay sobrang tahimik at panay ang picture sa mga nangyayari.

“I’ve pushed to get through

The crowds of twisted souls

Just to find I’m right back here

Doing what I’m told…”

At sa wakas ay tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Nakangisi siyang pinapanood akong gulat na gulat sa nangyayari. Nang nakita ko na siyang pinapalibutan ng mga kapatid ko, ng mga tao, ng isang may dalang malaki at makapal na libro… Doon ko na realize na totoo ito. This isn’t a concert! THIS IS A FREAKING WEDDING! OUR WEDDING!

Basang basa na ang pisngi ko sa mga luha nang nakarating na ako sa huling baitan.

“So take my hand

Don’t let me surrender…”

Naglahad siya ng kamay. Nilagay ko agad ang nanginginig kong kamay sa ibabaw ng kamay niya. Tinapik siya ni Daddy at niyakap ni mommy.

“’Cause maybe someday

Ya, in time

Things will go my way…”

Humagulhol ako sa iyak nang nakita kong nakangiti siya at nakabalandra ang dimple niya pero naiiyak narin.

Hindi niya na pinagpatuloy ang kanta kahit na nagpatuloy parin sa pagtugtog ang mga miyembro ng Going South.

“Happy birthday, Reina… my wife…” Bulong niya sakin.

Pumagitna agad yung pormal na lalaking may hawak ng makapal at malaking libro na mukhang biblia. Mabilis lang yung nangyari, binasa iya lang ang Corinthians 13.

“Reina Carmela Elizalde, do you take me as your lawfully wedded husband, kasi ako, noon ko pa ‘to pinangarap. Ikaw lang yung pangarap kong hindi nagbago. At patuloy akong mangangarap sayo… dahil hanggang ngayon, pakiramdam ko ang hirap mo paring abutin… hanggang ngayon, ikaw parin yung pinaghihirapan ko para lang mapansin ako… dahil hanggang ngayon, ikaw lang talaga ang laman ng puso ko. So this time…” Nanginig ang boses niya.

SHIZ! WALA AKONG INIHANDANG SASABIHIN! Wala akong ginawa kundi umiyak!

“So this time… you’re not leaving me anymore… kasi noon pa man, sayo lang umiikot ang mundo ko. My whole heart and soul is chained on you… Kaya ngayon, gusto kong makasiguro, na ikaw rin ay akin, na tayong dalawa ay para lang sa isa’t-isa. Coz Reina, I love you with all my heart and soul… baliw na lang ang magdududa sa pag ibig ko sayo.”

Tumigil siya at suminghap. Tumango ako at hinayaang tumulo ang luha ko.

“Will you take me as your husband, Reina?”

Tumango ako at nagbara ang lalamunan ko, “O-Of course!”

Agad niyang pinadulas ang singsing sa kamay ko. Kinuha ko yung isang singsing.

Tumili ang mga fans habang isinusoot ko iyon sa kanya.

“Will you take me as your lawfully-”

“Wala ng tanong, Reina… It will always be a yes…”

Nanginginig ang kamay ko nang isinoot ko yung singsing sa kanya. Pumalakpak ang lahat. Agad niya akong hinila at hinalikan. Binalot niya ang labi ko sa maiinit at sabik na halik. Nakakalasing. Nakakalimutan kong nasa harap kami ng maraming tao. Nangatog ang binti ko sa halik niya. Pakiramdam ko nakakalimutan din niyang maraming tao dito.

Darn, Wade Rivas!

“Reina Carmela Rivas.” Bulong niya sa tainga ko, “Ready for honeymoon?”


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: