Baka Sakali 3 – Epilogue

Epilogue

Tumigil ako sa ginawa at tumayo ng maayos. Dumiretso ako sa CR para maglinis. Tinanggal ko ang condom at naghugas na.

“Jacob…” tinig ni Felicity ang tumawag galing sa kama.

Palagi na lang talagang ganito tuwing natatapos. Wala akong maramdaman kundi guilt. Hindi ko alam kung para saan. Para ba iyon kay Felicity… dahil hindi ko masuklian ng maayos ang pinapakita niya. O para sa aking sarili?

“Hmmm?” sabi ko habang naghuhugas.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Ilang taon kong hindi kaya tingnan ng ganito ka tagal ang sarili ko. Lahat ng sulok sa aking mukha, siya lang ang naaalala ko. Kahit sa katawan ko, siya ang naaalala ko. Rosie owned me. The whole of me.

Noon.

Noon ‘yon.

“I’m cold…” tawag ni Felicity.

“Sandali lang…” sabi ko at naghugas naman ng kamay ngayon.

Sa wakas, naramdaman ko na kung paano ulit ang humalik… kung paano ulit ang may inaalagaan at may inaalala… kung paano ulit ang mahalin.

Ilang taon kong tiniis ang pag-iisa. Sinabi ko sa sarili ko na kakayanin ko ang lahat ng ito. Kalahati sa akin ang nangangarap na pag balik ko, tanggapin niya ako ulit. Ang kalahati ay punong puno ng poot at galit.

Iniwan niya ako sa panahong kailangan ko siya. I must’ve been toxic to her but is that enough reason for her to leave? Kapag ba napuno siya sa akin ay iiwan niya ako? Paano kung palagi siyang mapuno? Paano kung kasal kami at doon siya napuno, iiwan niya rin ba ako? Tatalikuran niya ba ang pangako naman sa Diyos?

Tapos na akong maghugas ng kamay. Lumabas na ako ng CR at pinulot ko ang aking mga damit sa sahig. Sinuot ko ang aking boxers at dumiretso na sa balkonahe ng kwarto.

Ano ang gagawin mo kung lahat ng bagay at lugar siya ang naaalala mo? Simple. Tabunan mo lahat ng alaala niyo ng mga bagong alaala. Pero ilang buwan na ang nakalipas simula ng pinalitan ko siya, hindi parin tuluyang nawawala ang lahat.

“You really hate cuddling, huh?” tanong ni Felicity.

Nakahilig na ako ngayon sa railings ng balkonahe. Tinitingnan ko ang mga bagong bahay ilang bloke lang ang layo sa tinatayuan ng amin.

“Iyan ba ang nakuha mo sa mga babae sa US?” tanong niya.

Huminga ako ng malalim at hindi na siya nilingon.

“Hindi ako nagkaroon ng karelasyon sa US.”

Humalakhak siya. Ang matamis niyang tawa ay bumalot sa buong kwarto. Ibang iba sa tawa ni Rosie noon. Pinilig ko ang ulo ko. Kailangan kong tigilan ang pagkukumpara. Ito na ngayon. Kailangan ko nang tanggapin na wala na talaga. Kailangan ko nang tanggapin na hanggang doon na lang kaming dalawa. May bago na ako. At maaaring ganoon rin siya.

“Then should I be glad? After three years… or so… ngayon ka lang nagkaroon ulit ng girlfriend. And it’s me?” Mahinahon ang pagkakasabi ni Felicity nito.

Nagkakilala kaming dalawa sa opisina. Nag apply siya bilang manager at nakuha siya. Noong sinabi niyang pwede siya sa Alegria dahil malapit lang doon ang probinsya ng tatay niya, pinalipat ko siya sa Alegria para maging manager sa isang pabrika.

Simple lang siya at walang arte kumpara sa mga babaeng katulad niya ang estado ng buhay. Madali siyang patawanin. Madali siyang pasiyahin. Madali siyang libangin. Mga bagay na inakala kong hindi ko na magagawa pang uli noon ay nagawa ko sa kanya.

Akala ko hindi ko na kayang magpatawa ng ibang tao, magpasaya… humalik… mag alaga.

Isang yakap galing sa likod ang natanggap ko sa kanya. Tumuwid ako ng pagkakatayo at kinalas bahagya ang kanyang braso. Hinarap ko siya at nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako pabalik. Niyakap niya ako ng paharap ngayon. Hinilig niya ang kanyang ulo sa aking dibdib. Hinaplos ko ang kanyang buhok.

Siguro ay ito ang tinutukoy ni Tito Samuel noon sa akin. Siguro… ganito rin sila noon. Siguro nga… ito talaga ang realidad. Siguro nga… ang ganoong klaseng pagmamahalan ay hindi pwede sa buhay ng isang tao. Siguro nga… hanggang alaala na lang ang mga iyon.

May rason kung bakit sobra sobra ang pagmamahal ko kay Rosie. Iyon ay para malaman ko kung hanggang saan ko kayang mag mahal. Para malaman ko kung sagad ba o hindi ang pagmamahal ko sa mga susunod ko pang mamahalin. Standard. That’s it. Ang pagmamahal ko kay Rosie ay nagmistulang standard sa kalidad ng pagmamahal ko. At itong nararamdaman ko para kay Felicity ngayon, hindi makaabot man lang sa standard na iyon.

“I’m tired. Shall we sleep?” tanong ni Felicity.

Hubo’t hubad pa siya at ang tanging nakabalot sa kanya ay ang kumot sa aking kama.

Umiling ako. “Ikaw na muna ang matulog. Kailangan kong icheck ang ipinakita ni Tito Samuel sa akin na data kanina. Tatawag daw siya ngayon, e. Aantayin ko na lang.”

Noong nasa America ako, wala akong inisip kundi ang naiwan ko dito sa Pilipinas. Si Rosie. Si Rosie na itinaboy ako. Kulang na lang ay isigaw niya sa akin na hindi niya na ako mahal. Oo, iyon lang ang tanging makakapag insulto sa akin ng husto. Kung sabihin niya mang sawa na siya sa akin, matatanggap ko pa. Pero kung sabihin niyang hindi niya na ako mahal, iyon ang hindi ko makakaya.

“You know, Jacob… I think Rosie is a great girl for you…” sabi ni Tita Lydia.

Pangalawang pasko ko sa America ay hindi parin ako umuwi. Pu-pwede akong umuwi pero pinili kong hindi.

Simula kasi noong nagkalayo kami ni Rosie, mas lalo akong naliwanagan. Noong una, hindi ko pa matanggap ang mga binato niya sa akin. Ang sabi ko sa sarili ko, sawa na siya sa akin! Hindi niya na ako kayang mahalin! Sawa na siya kaya niya ako tinulak palayo! Na hindi niya matanggap kapag bumagsak ang kompanya! Hindi matatanggap ni Rosie kung bumagsak ang J.A. kasama ko! Hindi ako ang Jacob na gusto niya kung simpleng pamumuhay lang ang maiaalay ko sa kanya!

Pero hindi… habang tumatagal ay napagtanto ko ang gusto niyang mangyari. She wants to be out of my life because I love her too much. My love for her is self-destructive. Ni hindi ko naisip kung ano ang pakiramdam niya habang nakikita niyang pabagsak ang kompanya. Ipinapakita ko lang sa kanya na walang nagbago sa aming dalawa. Na ganoon ko parin siya kamahal kahit na halos mawasak ako. Ipinakita ko lang naman sa kanya na kahit walang wala ako, hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanya.

“Wala ka paring balak na umuwi sa Pasko?” tanong ni Tita Lydia.

Sa gilid naming dalawa ay ang malaking christmas tree. Sa harap namin ay ang fireplace. Pareho kaming umiinom ng wine. Tulala ako sa apoy habang siya’y tinitingnan ang bawat pahina ng mga photo album nila.

“Dito na muna ako.”

Baka pag umuwi ako, hindi na ako bumalik. Baka pag umuwi ako, mawawalan ng silbi ang pag alis ko. At ang tanging matitira ay ang panghihinayang sa nawalang panahon.

Umupo na rin si Tito Samuel sa tabi ni Tita Lydia.

“To let go of someone you love dearly is a hard thing to do, Jacob… Kaya ko nasabing mabuting babae si Rosie para sa’yo…”

Kahit na naiintindihan ko ang ibig sabihin ni Tita Lydia ay nananaig parin sa akin madalas ang kalahating nararamdaman ko.

“Hindi ba dapat hindi bitiwan kung mahal mo? Paano naging dakila ang pagpapalaya?”

Huminga ng malalim si Tita Lydia. Nanatili ang mga mata ko sa mga apoy. Hindi ko ginawang lihim ang nangyari sa amin ni Rosie. Kitang kita nilang lahat ang mga iyon. Alam ni Tita at Tito. Ilang beses silang nagtangkang makipag usap sa akin tungkol dito pero umiiwas ako. Dahil alam ko, hindi siya ang makakapagpagising sa akin. Ako lang. Ako lang ang makakatanggap sa mga desisyon ni Rosie. Walang ibang tao ang makakapagpaliwanag sa akin ng lahat ng iyon kundi ako.

“Kung nakakabuti naman para sa minamahal mo, kaya mong magpalaya. That’s called sacrifice.”

“Na hindi ko kailangan dahil kaya ko kahit hindi ako umalis.”

Oo. Alam kong kaya ko kahit hindi ako umalis. Kailangan ko lang mag tiis na pansamantalang maghirap para tuluyang makabawi sa lahat ng utang ni papa.

Hindi ko pwedeng ibenta ang binili niyang lupa bago siya namatay dahil alam ko kung bakit niya iyon binili. Asset iyon para sa J.A. Iyon ang dahilan kung bakit kahit alam niyang mahihirapang makabawi ang J.A., ginawa niya parin. At nakita niya rin siguro na mas magkakaroon ng silbi ang trucking kapag binili niya ang lupaing iyon. Nakita ko ito, pa. At kung hinihingi mong mag tiis ako, kaya ko. Pero hindi kaya ni Rosie. Hindi niya kayang makita akong nag titiis.

“What’s the point now, really? You’re here. I’m just saying that Rosie did something great. Mahirap iyon. Ang palayain ang minamahal mo para lang sa ikabubuti niya. That’s something, Jacob.”

“It reminds me of your dad and his first love…” tumawa ng bahagya si Tito.

Alam ko ang tungkol kay papa at Auntie Precy. Halos lahat ng matatanda sa J.A. ay alam ang tungkol doon. Lalong lalo ako pero hindi detalyado ang alam ko.

“Iba iyon…” sabi ko.

“Yeah. At some point, iba nga… Pero still, it reminds me of it…” ani Tito Samuel, nakatitig sa akin.

“Si Priscilla ba?” tanong ni Tita Lydia. “She’s somewhere here, Samuel…”

Kinuha niya ang isang photo album at may itinuro si Tita Lydia kay Tito.

“She looks like Rosie. Mas payat nga lang si Rosie sa kanya sa kapanahunang ito…” ani Tita.

“Yup. After all, pamangkin niya ‘yon…” ani Tito. “Jacob, hindi mo ba siya kinokontact kahit ngayon lang? Pasko, a.”

“Hindi na, tito.”

Ayaw kong umiyak at mapuno lang ng pighati ang mga araw ko dito. Mas mabuting ganito. Mas mabuting mag concentrate ako sa bagay na dahilan kung bakit gusto niya akong bumitiw.

Hindi ko kakayanin ang long distance relationship. Hindi ko kakayaning mag concentrate dito habang iniisip siya sa malayo. Hindi ako kasing tatag niya. Kaya nga kailangang kailangan ko siya noon. Pero pinili niya ang itulak ako palayo. Imbes na hawakan niya ako ng mahigpit habang inaayos ang aking buhay ay pinili niyang itulak ako palayo. Para ano? Para mag isang gawin iyon. Para mag isang tahakin ang landas na kaya ko sana kung kasama ko siya.

“Noong umalis si Juan Antonio sa Alegria para mag aral ng agrikultura at pamamalakad sa negosyo, Jacob, ganyan din ang ginawa niya kay Precy Aranjuez. Ayaw din niya itong makausap. Hindi niya sinabi kung bakit pero tingin ko’y para maayos niyang nagagawa ang gawain niya sa Maynila.”

“Nagkakilala sila ni mama. Iyon ang alam ko…” sagot ko sabay inom ng wine.

“Noong umalis din naman kasi si Precy, hindi siya bumalik ng Alegria, e. Nag aral siya sa Maynila ng pagtuturo. Maybe, your dad wants her to feel what he felt. He can’t leave Alegria. Syempre, i-establish pa ang J.A. noon. At malupit ang lolo diyan.”

“Masyadong bata rin siguro. Who would think it’s serious when they had that relationship while they were in high school? Mababaw ang mga relasyong nagsisimula sa high school. Puno ng kapusukan… idealism… reality will hit you real hard when the time comes. And then you’ll see where all your idealism goes.”

Nakatingin ako kay Tita Lydia habang sinasabi niya iyon. Umiiling siya na parang alam niyang nahahawakan niya ngayon ang puso ko. Totoo. Nagsimula kami nI Rosie noong high school pa lang kami. At wala akong inisip noon kundi kaming dalawa lang. Na mahal ko siya at mahal niya ako. Na ako lang. Na kaming dalawa ang magkakatuluyan. Magiging asawa ko siya, magkakaanak kami, at mabuhay ng payapa sa Alegria. But then reality came in between us.

“Bumalik si Juan Antonio sa Alegria, kasama niya na si Cielo. Buntis na si Cielo sa’yo…”

Sandali akong natigilan. Buntis si mama sa akin pagbalik nila ng Alegria. Tumindig ang balahibo ko.

“Kung ganoon, Tito, sinasabi mong pinakasalan ni papa si mama dahil buntis siya sa akin?” medyo matabang kong tanong.

“Mahal ng papa mo ang mama mo. That’s what I know. But you know… by now… you probably know how it all is. Right now, wala na kayo ni Rosie… Don’t tell me hindi mo naiisip na pwede ka pang magmahal ulit. Hindi ganoon ka tindi. Hindi ganoon ka grabe. Pero magmahal. Magmahal ulit.”

Hindi ako nakapagsalita. Hindi pa ako umabot sa mga puntong iyan. Ang tanging naiisip ko ay galit at panghihinayang. Pinaghahatian ng mga ito ang puso ko.

“Noong tinanong ko si Juan Antonio tungkol kay Cielo… Tinanong ko siya kung sa wakas ba napalitan si Precy… Ang sinagot niya sa akin noon, Jacob, iba si Precy… Iyon lang.”

Umigting ang bagang ko.

“There are loves like that. For people who are lucky to experience it. Hindi lahat ng tao, Jacob, ang nagmamahal ng ganyan. Only for a few. Only few people can experience fierce love. Swerte ka na kung naramdaman mo iyan. Ngunit hindi ibig sabihin na kailangan mong ipaglaban.”

“If you call it fierce, why can’t people fight for it? Kung talaga palang matinding pagmamahal, bakit hindi pinaglalaban? Hindi ba kaya nga matinding pagmamahal, kasi kayang ipaglaban kahit saang digmaan?”

Tumawa si Tito. “If you find someone who loves you deeply, then you’ll realize. You’ll realize how happy it is to feel the security it will give you. Isang bagay na hindi maibibigay sa’yo ng matinding pag ibig. Seguridad, Jacob. Ang kapayapaan na maibibigay ng pagmamahal na iyon ay hindi kayang ibigay ng fierce love. Because fierce love will always involve risk. It will involve bending… bending hard, and breaking.”

Natahimik ako. Alam ko na sugal ito. Alam ko na kailangang sumugal. Kung mahal mo, susugal ka talaga.

“The other love will give you peace and security. You won’t need to risk too much becauseit’s a sure win. When I asked Juan Antonio pagbalik niya ng Alegria, kung babalikan niya rin ba si Priscilla. He told me that Cielo gave him the peace of mind. And above all, Cielo gave him you. And he’s willing to make that promise in front of God, just to give you and Cielo a happy family.”

Nanginig ako sa sinabi ni Tito. Hindi ko pa naiisip na magmahal muli. Magmahal bukod kay Rosie pero ngayong sinabi niya ito sa akin, nasasaktan ako.

“So if you ask me if Juan Antonio truly loved your mom, I will say yes, he did. Iba ang pag ibig ni Juan kay Precy. Iba rin para sa iyong mommy. In the end, it’s the choices you make, Jacob. Alin sa dalawang pag ibig na iyon kaya ang nakakapagpakalma kay Juan Antonio. Alin sa dalawa ang madali? Alin sa dalawa ang makakapagpasaya sa mas maraming tao?”

Hindi ko alam kung paano ako magdedesisyon kung ako ang nasa kalagayan ni papa. Hindi ko alam kung kaya ko rin bang piliin ang daan na gusto niya.

Pagkabalik ko ng Pilipinas ay doon ko mas lalong napagtanto.

Ang mundo ay nang iiwan. Hindi ito nag hihintay sa’yo hanggang kailan ka nakahanda. HIndi ito ganoon. Handa ka man o hindi, sasampalin ka ng realidad.

“Aalis daw yata, e…” ani Leo sa akin.

Hindi ako nagsalita. Nanatili ang mga mata ko sa inumin.

“Inimbitahan ko sa birthday ko pero hindi nagreply. Tinanong ko kay Karl, ang sinabi ay nag hahanda daw iyon sa pag Du-Dubai. Kasama daw iyong boss niya.”

Duke Valenzuela. Iyon ang alam kong pangalan ng manliligaw niya. Boss. CEO. CEO ng isang international company.

Gusto kong basagin ang basong hawak ko. Kahit anong gawin ko, hindi ako! Kahit gaano na ka successful ang J.A., kulang parin! At maaaring tama si Tito! Ang hirap ng ganitong klaseng pag ibig! Nakakatakot! Paano kung mag makaawa ako sa kanya tapos hindi parin pala? May iba na siya? Susugal ba ako? Hindi. Hindi na ulit. Hindi na ulit ako susugal! Why can’t fierce love be a sure win?

Nilagok ko ang inumin ng isang bagsakan.

“Jacob, sus… may gusto yata ‘yong manager mo sa’yo, e. Bakit hindi ka mag move on na lang kay Rosie? May iba na iyong tao. Alam noon na nasa Pinas ka na, bakit ngayon niya pa itutuon ang pag alis?”

“Kontrata, siguro…” sagot ko kay Teddy. Para na rin makumbinsi ang sarili ko na ayos pa ‘to.

“Kontrata? Eh tapos ka na sa pag aaral, iyon lang usapan niyo. May trabaho na siya. Bakit kailangan pang umalis, ‘di ba?”

“Jacob…” ani Leo.

Natahimik si Teddy. Nilingon ko si Leo at nakita kong may nginuso siya kung saan. Kahit madilim sa bar ay kitang kita ko ang aking manager na si Felicity. Humingi siya ng isang linggong leave sa akin kaya siya nandito ngayon sa isang bar sa Maynila. Saktong kinailangan ko rin kasing mag Maynila para icheck ang paglipat sa pangalawang palapag ng mga empleyado.

“Not bad…” ani Teddy. “Pero iba parin si Rosie…”

Tiningnan kong mabuti si Felicity. Umaliwalas ang kanyang mukha nang nahanap ako. Ngumiti siya sa akin ngunit hindi ko masuklian ang kanyang ngiti.

“Hi! Ang suplado naman ng isa d’yan!” tawa niya.

Umiling ako at nagsalin na lang ulit sa aking baso.

Tinutukso kaming dalawa sa opisina. Pati ba naman dito, kapag kasama ko ang barkada ay tinutukso parin kaming dalawa?

“Tara, Feli! Let’s dance! That’s my song!” anang kanyang kaibigan.

Kumaway siya sa amin at dumiretso na sa dancefloor. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong pasayaw sayaw siya kasama ang kanyang mga kaibigan. Tatawa tawa siya habang ginagawa ang mga sayaw. Pinilig ko ang ulo ko, dahil may naiisip na naman ako tungkol kay Rosie. Kailangan ko nang tumigil sa pag iisip sa kanya.

Tiningnan ko ang aking inumin.

“Ano ‘yon?” tanong ni Leo.

Bumaling ulit ako sa dancefloor at nakita kong may humawak sa braso ni Felicity. Parang galit sa kanya ang lalaki at sinisigawan siya sa dancefloor. Tumayo ako at dumiretso na doon. Hindi ko alam kung anong mayroon o kung kilala niya ba ang lalaki pero hindi magandang tingnan iyon. Walang lalaki ang pwedeng manakit ng ganoon sa isang babae.

But then I can’t look at her the way I stare at Rosie. I can’t make love with her the way I did with Rosie. I can’t love her the way I loved Rosie.

Gaya ng sabi ni Tito, iba-iba daw talaga ang pag ibig. Iba nga iyong kay Rosie. Iba rin itong kay Felicity. Ang sa kay Felicity iyong nabibigyan ako ng kapayapaan at seguridad. Mahal niya ako at hindi ko na kailangang mangamba. It’s a sure win. I don’t need to risk. I don’t have to be scared. I don’t need to be scared anymore. Ang pagmamahal niya ang babalot sa takot kong puso.

“Jacob…” tawag ni Felicity.

Napatalon ako. Ngayon ko lang napansin na kanina pa ako nakatunganga. Kailangan na nga pala naming umalis.

“Kanina ka pa tulala, a? Are you okay?” tanong niya.

Tumango ako at pinaandar ang sasakyan.

Nagkita kami nI Rosie sa event. Mag isa siya pero alam kong kasama niya iyong bago. Hindi ko alam kung sila na ba at ayaw ko ring malaman.

Siguro ay gustong gusto niya iyon. Siguro ay hindi mahigpit. Siguro ay pumapayag sa mga pangarap niya. Siguro ay hindi mahirap mahalin. Siguro ay mature. Lahat ng kabaliktaran sa akin noon.

“Ayos ka lang ba?” mas mahinahong tanong ni Felicity.

“Ayos lang ako…” Nilingon ko siya. Pilit akong ngumiti.

“Ngayon lang ba ulit kayo nagkita ng ex mo?” tanong niya.

Shit! Bakit niya tinatanong sa akin ito?

“Parang ganoon na nga…”

“Ang ganda niya pala talaga, ‘no? Nakakapanliit…”

Nilingon ko si Felicity. Bumaling siya sa labas. Ayaw tumingin pabalik sa akin. “Hindi mo kailangang ikumpara ang sarili mo sa kanya…”

“Kaya ka siguro in love na in love sa kanya noon ‘no? She looks like a goddess! Lahat napapatingin sa kagandahan niya. Kahit siguro naka t shirt lang ‘yon, sobrang ganda niya na.”

“Hindi ko siya minahal dahil lang sa kagandahan niya.”

“Kung ganoon, ano?” tanong ni Felicity.

Nasa EDSA kami ngayon. Bakit ito pa ang naging topic naming dalawa habang natatraffic?

“Huwag na natin ‘tong pag usapan pa, Felicity. Ang importante ay ngayon.”

“Do you think you two will reconcile?”

Nilingon ko siya, bahagyang naiirita. “Let’s not talk about this! Wala na iyon! Matagal na iyon!”

Kitang kita ko ang pagkabigo niya sa aking reaksyon. I want to assure her that it’s okay pero hindi ko magawa. Nanatili ang mga mata ko sa kalsada.

“I’m sorry, Jacob. I’m sorry for bringing this up…” Nanginginig ang boses niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Nilingon ko siya at nakita kong umiiyak na siya. Kinagat ko ang labi ko at kinuha ang tissue.

“Hindi… Hindi, ayos lang, Fel. Ayaw ko lang na iyan ang ginagawa mong topic. Tapos na ‘yon. Tapos na… Huwag na nating pag usapan…” sabi ko ng mas mahinahon habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

Marahan siyang tumango at hinawakan niya ang aking kamay.

“I’m just so scared, Jacob. Pakiramdam ko, talagang hindi ka akin. Pakiramdam ko, may nag mamay aring iba sa’yo…” ani Felicity.

Umiling ako. Napagtanto ko doon kung gaano kami ka pareho ni Felicity. Iyong takot at panginginig niya, tulad sa takot at panginginig ko. I am so scared that I would tremble so hard. I am so scared of it.

Kung mangyari ulit sa akin iyon, hindi ko na alam kung saan pa ako pupulutin kaya hinding hindi ako makakapayag na mangyari ulit sa akin iyon. Hindi na ulit. Hindi na talaga mauulit.

“Hindi mo kaya ‘yon? Mamuhay ng simple basta nandito ako? Hindi mo kaya ‘yon? Kaya ko ‘yon… Pero hindi mo ako binigyan ng pagkakataon. Kaya ko ‘yon, Rosie.” Umiling ako. “Tingin mo hindi ako magsisikap? Tingin mo nasanay akong mabuhay na marangya?”

“Jacob, hindi ganoon ‘yon. If I can push you to your limits, then I will. For you.”

Umiiyak si Rosie sa harap ko. She’s in a defensive stance. Parang alam niya na ngayon bubugahan ko siya ng mga hinanakit. Ng mga bagay na hinayaan kong mabaon sa aking puso.

“At para diyan, tinulak mo ako palayo. Ni hindi mo inisip ang mararamdaman ko. Na wasak na nga ako, dinikdik mo pa ng husto.”

“Hindi ganoon ‘yon, Jacob.”

Pumikit siya at umiyak.

“Iniwan mo ako sa panahong ikaw lang ang kinapitan ko. Kahit na sabihin mong para sa akin iyon, bakit? Alam mo ba? Kaya ko parin ang lahat ng ito, lalo na kung kasama kita. Hindi ko kailangan ng pagsasakripisyo mo! Hindi ko kailangan ng sakit!”

Maiinit na luha sa aking pisngi ang sumabay sa mga patak ng ulan. Ang akala ko, hindi ko na ulit iiyakan ito. Ang akala ko, naisalba na ako sa pag ibig na nagbigay sa akin ng seguridad at kapayapaan.

“Pero tama ka… You’re a poison to me…”

Nagkamali ako. Akala ko ang pag uusap naming dalawa ay makakapagpalaya sa akin, pero bakit parang mas lalo akong nakulong?

“Where have you been?” tanong ni Felicity sa akin habang ginugulo ko ang bahagyang basang buhok.

Lumipat kami ng kwarto. Sa isang guestroom ako pansamantalang kami natutulog dahil mas malapit iyon sa study ni papa. Lilipat din ako doon sa kwarto nila ni mama, pinaparenovate ko pa.

“Hindi ba nasabi sa’yo ng driver?”

“I know you’ve been to the plantation. Pineapple plantation. Bakit ka pumunta doon?” tanong niya, sinusundan ako sa loob ng kwarto.

Kumuha ako ng tuwalya. Maliligo ako ng mainit na tubig. Kanina pa ako nilalamig. Pakiramdam ko magkakasakit si Rosie sa nangyari.

“May binisita lang?”

“Naroon daw si Rosie, ‘di ba?”

Nilingon ko siya. Humalukipkip si Felicity. Sa kauna unahang pagkakataon ay nakita ko siyang may halong galit at iritasyon.

“Oo. Nagulat ako nang nakita ko siya doon…”

“Hindi kayo nag usap na magkita doon?” tanong ni Felicity.

Umiling ako. “Hindi ko gagawin ‘yan.”

Magkaiba ang pagmamahal ko para sa kanya at para kay Rosie pero hinding hindi ko gagawin iyon sa kanya. Siya na ngayon ang girlfriend ko at rerespetuin ko iyon.

Biglag gumulo ang utak ko.

“Then bakit kayo nagkita doon?” tanong niya.

“Hindi ko alam, Felicity. Pumunta ako doon, nandoon din siya. Kabayo ang sinakyan ko kaya noong umulan nagpasilong kami sa kubo…”

“Did you talk to her?”

Tumango ako. Kitang kita ko ang pait sa kanyang mga mata. “Iyon lang…”

“Anong pinag usapan n’yo?”

Hindi. Hindi niya pwedeng tanungin ito sa akin. Masasaktan siya dito.

“Felicity, please? Huwag kang mag alala…” sabi ko sabay lapit sa kanya kahit na maging ako’y gulong gulo na.

I just know that I need to protect her. I can’t hurt the woman that loves me so much. Not like this.

Hinawi niya ang kamay ko at lumayo siya sa akin.

“Ano, Jacob?” mahinahon niyang tanong. “Anong pinag usapan n’yo?”

Pumikit ako ng mariin. Binagsak ko ang tuwalya. Alam kong kailangan niya ng katotohanan sa akin. Ayaw ko siyang saktan pero mas masasaktan ko siya kung ililihim ko sa kanya.

“Nag usap kami tungkol sa nangyari sa amin noon. Closure, Felicity. Lahat ng hinanakit ko sa kanya, sinabi ko. Sinabi ko rin na naiintindihan ko ang pagtulak niya sa akin palayo-“

“Sinabi mo bang mahal mo pa siya?”

Hindi ako nakagalaw. Pumatak ang luha sa kanyang mga mata.

“Felicity, ikaw ang girlfriend ko-“

“But you love her, I know. You love her…” Tumango siya habang umiiyak.

Gusto ko siyang aluin pero hindi nanatili akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ko ipagkakaila iyon. Sana ay hindi niya na lang ako tinanong. Sana ay hinayaan niya na lang akong gawin itong lahat.

“And did she tell you how much she wants you back?” tanong niya.

“Felicity, hindi na iyon pwede. Wala na iyon kay Rosie…” sabi ko.

“She wants you back, I know it! I know when a girl is still in love with a man, Jacob! I see it in her eyes! And you! I see it in you! Kaya isang tanong pa ulit! Sinabi mo ba sa kanyang mahal mo siya?” sigaw niya sa akin, ngayon mas lalong humagulhol.

Parang pinipiga ang puso ko.

Rosie is the love of my life. Rosie is my fierce love. Siya ang magtutulak sa akin para mangarap at magbakasakali ulit. Siya ang tanging makakagawa sa akin noon. Siya lang at wala nang iba. Same reason why it’s so hard to be with her. Dahil kaakibat ng sobra sobrang pagmamahal ko sa kanya ay ang takot at walang kasiguraduhan. But do I want her? Do I want her so much? Do I want her so bad?

Yes. I want her so bad.

Yes. I can risk it.

Yes. I will risk it.

Yes. I don’t know how but I’m saying yes to everything.

“Felicity…”

“Jacob, marry me!” sigaw niya sa akin sabay lapit.

Hindi ako nakapagsalita. Basang basa ang kanyang pisngi sa mga luhang hindi ko na kayang punasan. Tingin ko’y masyadong nawasak at hindi ko na kayang ayusin pa.

“Marry me! Let me be your wife!”

“Felicity, we will see in the future-“

“Bakit hindi? Ha? Bakit hindi mo kaya akong pakasalan? When all you did with Rosie, years ago, was ask her to marry you! Bakit sa akin, hindi pwede? Because you grew up!? Because you’re different now? Ha? O dahil talagang iba ako! Dahil hindi ako ang gusto mong pakasalan? Dahil hanggang ngayon, siya parin!” sigaw niya.

Pumikit ako ng mariin. Nawalan ako ng mga salita. Nawalan ako ng lakas para humanap pa ng salita.

“And fuck it! I can’t blame you. I know from the start that I am a potential rebound for you pero sumugal ako! Nagbaka sakali ako sa’yo! Baka sakaling makalimutan mo ng tuluyan ang ex mo dahil sa akin!”

Sinapo ko ang noo ko. Hindi ko na makontrol ang lahat. Pati ang nararamdaman ko.

“Pero Jacob… Kung hindi mo ako kayang mahalin tulad ng matinding pagmamahal mo kay Rosie, huwag na lang. Hindi ko kailangan ng paninindigan mo. Hindi ko kailangan ng awa mo. Hindi mo kailangan akong gawing responsibilidad. Hindi ko kailangan ng lahat ng ‘yan…”

Nag init ang gilid ng mga mata ko. Tiningnan kong mabuti si Felicity. Nanginginig ang labi niya habang sinasabi ang lahat ng ito.

“Ang kailangan ko ay ang pagmamahal mo. Iyang pagmamahal mo na mukhang si Rosie lang talaga ang makakaranas. Iyan ang kailangan ko… Hindi ang kahit ano… Kaya kung hindi mo ‘yan maibibigay sa akin ng buo, hindi ako susugal sa’yo…” Umiling siya at kinuha ang nakahandang maleta sa gilid ng kama.

“Felicity…” tawag ko.

Ayaw kong umalis siya ng ganito. Pagkatapos ng lahat, she’s still important to me. A part of me loved her. A part of me trusted her. She made me happy. She made me realize that it’s okay to feel again.

“Felicity…”

Sinundan ko siya palabas ng kwarto. Nilingon niya ako bago siya makababa ng hagdanan.

Ngumiti siya kahit na ag mga luha sa kanyang mga mata ay patuloy na tumutulo.

“Thank you for the experience, Jacob. I hope we’ll be friends someday. At sana… bumalik ka na kay Rosie. Kasi iiwan kita, para sa inyong dalawa. Iiwan kita dahil alam kong mahal na mahal niyo ang isa’t-isa!”

Naestatwa ako habang tinitingnan ko siyang umiiyak pababa ng hagdanan.

Bumalik ako ng kwarto ilang sandali ang nakalipas at dumiretso sa banyo. Binuksan ko ang shower. Kahit hindi pa ako nakakapaghubad ay hinayaan ko ang tubig na dumaloy sa aking katawan.

Umupo ako sa malamig na tiles at sinapo ko ang aking noo.

Gaano ka kaduwag, Jacob? Ganito ka ba kaduwag talaga?

Pinili mong makasakit huwag lang masaktan? Pinili kong manakit ng ibang tao dahil hindi ko kayang masaktan ulit?

Anong magagawa ko, ang sakit sakit kapag si Rosie mananakit sa akin? Nakakatakot na iyon. Nakakatakot ang ginawa niya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin kung maulit pa iyon!

Ginulo ko ang buhok ko.

Pero paano kung iba na ‘to ngayon? Paano kung hindi na mangyayari ulit. Something in me changed because she pushed me away. Baka matanggap niya ang pagbabago sa akin. What if it’s all going to be okay? What if she’ll choose me this time? What if she’ll hold me tight this time?

But then… those are just what ifs.

Pumikit ako ng mariin at tumulo ang luha ko. Dahil alam ko sa sarili ko na takot man ako, tangina, kaya ko paring sumugal sa kanya. Kaya ko parin. Kakayanin ko paring sumugal. Ang sakit, hindi kaya pero para akong bulag kung sumugal! Para akong bulag na kayang humakbang kahit hindi nakikita kung bangin ba o patag pa ang daan! Kaya ko paring humakbang para sa kanya.

Inisip ko si Felicity at lahat ng sakripisyo niya.

Paano naging dakila ang pagpapalaya?

Ito ‘yon. Dakila ang pagpapalaya. Dakila ang pagsasakripisyo. In her sacrifice, I’ll find my real happiness.

I kissed her slowly. Sa bawat paghalik ko sa kanya ay ang pagkakamangha ko na hanggang ngayon, kaming dalawa. Everything’s worth it. Ang sakit na binigay niya sa akin, worth it. Ang lahat ng nangyari sa akin, worth it. Lahat ay worth it.

Rosie’s sacrifice made me realize that sometimes, we need to fall apart to grow individually. Sometimes, we need to focus on ourself to find our worth. At ang pagbabalik ko sa kanya ang nakapag parealize sa akin na kaya kong magbaka sakali, para lang sa pagmamahal na ito.

Ang sabi nila, mahirap daw panindigan ang ganitong klaseng pagmamahal. Fierce. Tough. Mahihirapan tuwing nakakasagupa ang realidad. At sa huli ay masisira lang… pero sa pagbabalik kong ito, masasabi ko na hindi. Gaano mo man kamahal ang isang tao, kung hindi mo pinaglaban, hindi fierce love iyon. Ang fierce love ay ang pag ibig na kahit anong sagupa sa realidad ay kaya paring bumangon, magpatawad, at mag mahal muli.

Ang sabi nila, ang ganitong klaseng pagmamahal ay hindi nagkakatuluyan sa huli. Siguro nga… para sa kanila… dahil hindi lahat ng tao ay kayang sumugal. It’s easy if it’s a sure win. Because that’s reality. And reality taught us that love is a choice… a decision. People choose what’s convenient and what is not scary. People choose the easy way.

But the easy way for me isn’t a win. A sure win for me isn’t victory. And mediocre love, for me, isn’t love at all. The only love I will accept is the fierce love. The only woman I’ll marry is the woman who can make me tremble so hard because I’m afraid to lose her.

Kung bumagsak man ako dito, I’d call it a loss. I’d call it the end. Ang tanging matatanggap ko ay ang pagbagsak ko dahil sa pagsugal ko sa mga pangarap ko. If I fail, I want it because I tried my best for this. If I fail, it’s because I took the chance. Kung masaktan man ako at mawasak, iyon ay dahil sinubukan ko sa abot ng aking makakaya. Sinubukan ko kaming dalawa. Sinubukan ko ulit ang pangarap ko.

I kissed her tenderly. Nakatitig si Rosie sa akin habang pinapaulanan ko siya ng halik. Kinagat niya ang labi niya at sinuklian ang aking mga halik.

Hinaplos ko ang kanyang dibdib dahilan kung bakita natigil siya sa pagsukli sa akin ng halik. Hinalikan kong muli siya. Hinahamon sa bawat halik.

It’s only in her arms that I can find my happiness. Hindi bale na kung mangamba ako. Ganoon naman talaga dapat pag nagmamahal.

Kinarga ko siya at niyakap niya ako ng mahigpit. Tumawa siya nang nahirapan siyang kalasin ang mga kumot sa kanyang baywang.

Tumawa rin ako at binaluktot ang kanyang tuhod sa aking braso.

“Anong ginagawa mo?” tanong niya.

Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Ang init sa kanyang mga mata ay hidi makatakas sa akin.

Hinalikan ko ulit siya at tiningnang mabuti habang pinapaupo siya sa aking hita. Dumaing siya nang naramdaman ako sa kanya. Paulit ulit at may panunuya kong tinaas baba siya habang karga karga ko.

Mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin. Bumitiw ang isang kamay niya at hinawakan ang kalakhan ko. Halos mapapikit ako sa ginawa niya. Pumungay ang mga mata niya habang tinutok sa kanya ang akin.

“Go in…” bulong niya.

“Masasaktan ka…” bulong ko.

Ngumuso siya at siya na mismo ang nagpumilit na gawin iyon. Napadaing ako sa naramdaman ko.

Rosie is my passion. This love is the meaning of my life.

Nanatili kaming ganoon saglit. Ipinakita niya sa akin ang kanyang daliri na may dalawang engagement ring. Ang una ay bago kami nagkahiwalay, ang pangalawa ay ang binigay ko sa kanyang bago kanina.

Dahan dahan siyang lumikha ng ritmo. Pumikit ako hinahayaan siyang gawin iyon. PInalupot niya ang kanyang braso sa aking leeg. Habang tumatagal ay bumibilis ang kanyang ginagawa.

Sinabayan ko siya. Taas baba rin ang pag karga ko sa kanya. Sinasalubong niya ang bawat pagpasok ko at lumalayo siya sa paglayo ko.

“I love you, Jacob…”

Hinalikan ko siya habang ginagawa iyon. Hinalikan ko ang kanyang leeg. Habang ginagawa ko iyon at tumitingala siya at pumipikit. Hindi ko mapigilan ang pagngisi. Hinalikan ko ang kanyang collarbone. Hinalikan ko ang kanyang dibdib, ang kanyang balikat. Bumilis pa lalo ang pag taas baba niya kaya sinabayan ko siya.

Halos mapadaing ako sa lakas ng pagkakalmot niya sa aking likod.

“Jacob!” she moaned so loud.

Mas lalo kong binilisan ang ginawa ko hanggang sa tinawag ko rin siya. Para akong nahilo sa tindi ng naramdaman ko. Ang init niya at ang init ko ay napag isa.

“I love you more, Rosie…”

Ayaw kong makulong sa pag iisip kung ano ang mangyayari kung si Rosie ang pinili ko. I want to live with my passion. Life is too short for mediocre things. Life is too short for mediocre love.

Hinawakan ko ang kamay niya pagkalabas namin ng sasakyan. Papalubog na ang araw, kulay orange ang langit. Umihip ang hangin at ang tunog ng mga dahon sa mga puno ng acacia ang narinig namin doon.

Nakatayo si Auntie Precy sa puntod ng aking ama. Isang kandila at mga bulaklak ang dala niya.

“Nandito pala si Auntie…” ani Rosie.

Tumango ako. “Lapitan natin…”

Dala ni Rosie ang mga bulaklak. Dala ko naman ang scented candle na sinabi niya sa akin. Palapit kami kay Auntie Precy ay mas lalo kong narinig ang mga sinasabi niya sa puntod ng aking ama.

“Salamat…” iyon lang ang malinaw.

Nilingon kami ni Auntie. Siguro’y namalayan niya ang pagdating namin. Nilapag nI Rosie ang bulaklak at bumalik siya sa akin para hawakan ang aking kamay.

Hinila ko siya para makaluhod kami at masindihan ag scented candle. Dalawa iyong dala namin at sabay naming sinindihan iyon galing sa kandila ni Auntie Precy.

“Auntie, kinakausap n’yo si Don Juan?” tanong ni Rosie at nilingon ang kanyang Auntie.

“Oo…”

“Anong sinabi n’yo?”

Hindi siya agad nagsalita. Pinalipas niya muna ang ilang segundo bago huminga ng malalim at nagsimula.

“Ang sabi ko, worth it lahat ng sakit sa aming dalawa. Na kung pinili niya ako, walang Rosie at Jacob. Na kung sumugal ulit ako sa kanya, masasayang kayong dalawa. Kaya okay ang lahat. Magandang desisyon ang lahat. Tama lang ang lahat. Lahat ng sakit… para sa inyong dalawa ni Jacob…”

Nilingon ko si Auntie Precy. Ngumiti siya sa akin.

“Hindi ‘to para sa amin dahil para ‘to sa inyo.”

“Salamat, Auntie…” tanging nasabi ko.

Ngumiti si Rosie at tumingala sa akin. It’s her smile that makes everything in me okay.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 3 – Kabanata 30

The last chapter. Hope you’ll wait for the Epilogue. Maraming salamat.

Kabanata 30

Mahal na Mahal Kita

First weeks of training a new HR staff, hindi gaanong nagpapakita si Duke sa opisina. Kung naroon man siya ay nasa loob lamang siya ng kanyang opisina. Hindi na kami nagkakasalamuha.

I want to keeo our friendship but I understand his actions right now. Eventually, he’ll find the right girl and he’ll realize why we can’t be. Iyon lamang ang pinagdarasal ko para sa kanya at para sa lahat ng nasaktan.

“Krista…” tawag ko sa trainee ko.

“Ma’am!” maligaya niyang sinabi.

Dalawang taon ang tanda ko sa kanya. Kinuha ko siya dahil halos nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Only that, she’s an improved version of me. Mas social sa ibang empleyado, mas approachable, at mas masayahin.

“Paki bigay na iyong first copy ng mga ginawa mo kanina sa Senior HR. Tapos sa kay Mr. Valenzuela naman iyong second copy. Then tapusin mo itong ineencode ko. Lalabas ako saglit, pagkabalik mo…”

Binigay ko sa kanya ang mga folder na tinutukoy ko. Ngumingiwi na siya sa harap ko kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

Her fair skin turned pink. Dinideform niya ang kanyang nguso.

“Oh? Bakit?” tanong ko.

“Lagi naman akong napapagalitan ni Mr. Valenzuela, Ma’am, e. Ang sungit noon. Ibinibigay ko na nga lang kay Ma’am Joanne.”

Duke’s like that to his other employees. Naaalala kong ganoon siya sa akin noong simula ko sa V Holdings.

“O sige. Ibigay mo na lang kay Joanne. Tapos balik ka dito…”

“Okay, po…”

Dumiretso na siya palabas. Pinanood ko siya habang masayang naglalakad hanggang sa nakaalis na. Nagpatuloy ako sa pag eencode ng mga newly hired trainees. Marami sila ngayon na nagkalat sa V Malls, in preparation for the new mall. Malapit na itong mag open at may nakaabang akong shoot para sa catalogue nito next week.

Lalabas ako ngayon para kumain ng lunch kasabay si Jacob. Uuwi kasi siya ng Alegria at ilang araw siya doon kaya bago iyon ay magkikita muna kami.

Hindi pa kami nagkakabalikan. Ayos lang iyon. Hindi rin naman ako nagmamadali. Pakiramdam ko, nakalatag na ang lahat at kung talagang sigurado kami sa isa’t-isa, hindi namin kailangang mag madali. At least that’s what I think. He didn’t mind too. Tingin ko ay ganoon din ang naiisip niya.

We don’t talk much about our relationship. Everything’s back to zero. It’s like the getting-to-know-each-other stage all over again. Ang kaibahan lang nito ay nanggaling na kami dito… Nakilala ko na siya noon, kinakapa ko na lang ngayon ang mga parteng nagbago habang magkalayo kaming dalawa.

“Tapos na, ma’am!”

Halos mapatalon ako nang pumasok muli si Krista. Tumango ako at ni save ang inencode. Nilapag ko ang mga files sa mesa at kinuha na ang aking bag.

“Sana kasing ganda niyo ako, ma’am…” nag ngising aso siya habang tinititigan ako.

Umiling ako sa kanya. “You’re beautiful, Krista. Hindi mo na kailangang mangarap na maging kagaya ko.”

“Ang hot kasi ng syota niyo e, kaya nangangarap talaga ako.” Lumapad lalo ang ngisi niya.

“Hindi ko boyfriend ‘yon… Sige na. Mag type ka na…” sabi ko sabay pakita sa kanya noong mga files.

Iniwan ko siya doon. I lost my access to the computers. Hindi na akin ang password sa computer ng opisina ko. Even the keys are not mine anymore. Ganoon pala iyon. Ito ang kauna unahang full time work na pinasukan ko kaya ngayon ko lang naranasan ang lahat.

Tiningnan ko ang cellphone ko nang nasa elevator ako. Saktong nag text si Jacob doon. I knew it.

Jacob:

Nasa baba na ako.

Parang may kumiliti sa tiyan ko. Agad akong nagtipa ng mensahe.

Ako:

Pababa na ako.

Nagkita kami sa tapat ng building ng pinagtatrabahuan ko. Sinarado ko ang pintuan ng kanyang Hummer at pinaandar niya na kaagad ito.

Inayos ko ang aircon ng kanyang sasakyan. Masyadong mainit sa labas.

“Naiwan mo nga pala ang lipstick mo dito…” aniya sabay bukas sa drawer sa harap ko.

“Oh!”

Uminit ang pisngi ko. Kaya pala parang may kulang sa gamit ko. Itong bagong lipstick ko pala ang nawawala.

“Thanks…” sabi ko.

Nag ayos kasi ako kahapon dahil birthday niya. Kumain kami sa labas at nag take out ng para kay Maggie at James. Kaya rin siya uuwi ng Alegria ngayon dahil magpapakain siya sa kanyang mga empleyado. Mahal siya ng mga ito kaya talagang pinapauwi rin siya.

Niliko niya ang sasakyan sa EDSA. Saktong kaharap agad namin ang billboard. Lagi na lang talaga akong nakakaramdam ng awkwardness tuwing nakikita namin ang billboard. Lagi ko kasi siyang nakikitang nakatingin pero walang sinasabi.

“‘Yong shoot mo next week, ano ulit?” aniya.

“Huh? Ano?” Nilingon ko siya.

Sumulyap siya sa akin at nagpatuloy sa pagmamaneho. Luminga linga siya sa magkabilang side at niliko sa kaliwa para makadiretso na sa kakainan naming dalawa.

“Underwear ulit?” tanong niya.

“Hindi swimwear ang shoot ko next week. Ano lang… accessories, ‘tsaka… hmmm… bags. Pero I have an scheduled shoot next next week, iyong sa agency. Undergarments.”

Hindi ako nakatingin sa kanya habang naiisip ang tanong.

“Bakit?”

“Hindi ka ba… naiilang sa shoot?” tanong niya.

Umiling ako. “Noong una. Uh, sa billboard na ‘yon. ‘Yon kasi ang una ko. Ewan ko lang sa undergarments. Siguro hindi naman.”

Tumango siya. “Pwede bang manood kung sakaling nandito ako sa panahong mag sho-shoot ka?”

Napangiti ako. Abala siya sa pagpaparking ngayon. Nag init ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit. I’m just really happy.

“Pwede naman…”

Tumango siya at kumurba ang ngiti sa kanyang labi. Binuksan niya ang pintuan mula sa loob. Naamoy ko ang kanyang pamilyar na pabango. Nagkatinginan kaming dalawa.

“Let’s go…”

Disyembre nang nag desisyon kami ni Jacob na umuwi sa Alegria ng sabay. Sumama si Maggie at James sa amin. Doon kami magpapasko. Syempre, nilubos lubos na ni Auntie Precy nang nalaman niyang umalis ako sa trabaho.

“Sa likod na kami ni James…” ani Maggie nang pumasok sa Hummer.

Nakita niyang may mga comforter at unan sa gitnang upuan. Siguro’y hinanda iyon ni Jacob para sa amin. Ang kay Maggie at James naman ay may dalawang unan.

“See? Ayos parin na di ka nagdala ng sasakyan…” ani Maggie kay James.

Kumportable silang pumasok sa likod. Naiwan kami ni Jacob sa labas. May dalawang driver sa harap kaya doon kami pupwesto.

“Ikaw na ang mauna…” sabi ko.

Umiling si Jacob. “Ikaw na…”

Tumango ako at pumasok na. Nahihiya kasi ako at naghanda pa talaga siya ng ganito.

“Tss… Asus…” naririnig kong bulung bulong ni Maggie sa likod.

Hindi ko na siya pinatulan. She’s always like that. Tuwing nag uusap kami ni Jacob ay kantyaw ang inaabot ko sa kanya. Para bang nakakatawa dahil ganito ulit kami ni Jacob ngayon.

Nakatulog ako sa byahe. Napaka komportable naman kasi ng mga kumot at unan. Tama lang ang lamig at may kaonting init akong nararamdaman. When Jacob saw my sleepy eyes, he offered his shoulder. Ayaw ko sana dahil alam kong mangangalay siya pero unti unting gumapang ang kamay niya sa aking mga daliri. Pinagsalikop niya ang aming daliri at hinigit niya ako palapit sa kanyang braso.

Tahimik akong nagpipigil. Mabuti at siguro’y tulog si Maggie kaya hindi niya na puna. Or else, that would have been so awkward!

Hinawakan ko ang braso niya at pinikit na ang aking mga mata. Medyo matagal tagal pa ako nakaidlip. Paano ba naman kasi, abala ang aking utak sa kay Jacob.

Nagising ako sa kalagitnaan ng byahe. Gumalaw ako kaya nilingon ako ni Jacob. Tumuwid ako sa pagkakaupo at tiningnan ang labas.

“Malapit na ba tayo?” tanong ko.

“Three hours pa…” sagot ni Jacob.

Nag stop over kami para kumain. Nag baon din kami ng snacks. Rinig na rinig ko ang mga chips na kinakain ni Maggie at James sa likod.

“Gusto mong matulog?” tanong ko kay Jacob nang nakita siyang humikab.

“Hindi… Okay lang ako…”

“You can sleep on my shoulder. Hindi na ako antok. Ikaw naman…”

Nilingon niya ako. I can see humor in his eyes but he wouldn’t smile. Nagpigil na lang din ako ng ngiti.

Ipinatong ko ang braso ko sa kanyang braso at hinawakan ko ang kanyang mga daliri. His palm feels rough. Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko iyon. I feel like it’s really him… It’s really Jacob.

“Sige na…” sabi ko.

Hinilig niya ang kanyang ulo sa aking braso. Kahit na magalaw ang byahe ay pinilit kong pumirmi para lang hindi siya magalaw at magising.

Ngunit habang ginagawa ko iyon ay nakatulog din ako sa kanyang ulo.

Pagkagising ko ay ako naman ang nasa kanyang balikat. Ngumiti ako at biglang nahiya.

“Sorry, nakatulog pala ako.”

“Okay lang…” sagot niya.

Hanggang sa nakarating kami ng Alegria ay magkahawak kamay kaming dalawa. Hinahaplos niya ang aking daliri. Hindi tuloy ako mapakali. Hindi ako makapag isip ng maayos.

“Magpapahinga ka pagkarating kina Auntie Precy?” tanong ni Jacob.

“Hmm. Oo. Konti. Bakit?”

“Bukas na lang kita susunduin?”

Umiling kaagad ako. “Ano? Buong araw mo akong papatulugin? Syempre mga… Hmm… Ala una, pwede na.”

“Doon ka na lang mananghalian kina Auntie, Jacob…” singit ni Maggie.

Tumango si Jacob. “Pwede?”

“Oo naman,” sagot ko.

Kaya iyon nga ang ginawa ni Jacob. Hinatid niya kami sa Bahay ni Lola. Hindi pa gaanong informed si Auntie Precy tungkol rito. Hindi rin kasi alam ni mama at papa dahil hindi ko pa sinabi. Ayaw ko pa muna. Hindi rin naman kasi kami nagmamadali.

“Akala ko sasakyan ni James ang gamit n’yo?” tanong ni Auntie kay Maggie.

Dire diretso ang kapatid ko sa loob. Nilapag ni James ang mga dala namin sa lamesa. Nilingon ako ni Auntie. Kakaalis lang ng sasakyan ni Jacob.

“Nagkabalikan kayong dalawa?”

“Hindi pa…” sabay kami ni Maggie.

“Asus itong si Rosie… Pinapatagal pa!”

“Hindi naman ako nagmamadali! ‘Tsaka… ganoon din siya! Hindi niya naman ako tinatanong…”

“So? Ibig sabihin talagang?” Hindi pinagpatuloy ni Auntie iyon.

Umirap na lang ako. Parang gusto ng lahat na umamin ako kahit wala pa.

“Sinabi mo na ba kay Adele ‘to, Rosie?” tanong ni Auntie, sinusundan ako kahit sa tabi ng ref.

“Hindi pa. Anong sasabihin ko e di pa naman kami ni Jacob. Wala! Basta… Bahala na…”

As much as possible, ayaw kong mag paapekto sa kahit ano. Gusto kong iyong kami lang muna ni Jacob. Gusto ko muna ng privacy.

Bago ako nagpahinga ay kinumpirma ko muna through email ang pagsipot ko sa second interview dito sa Alegria. Nangyari ang first interview sa kanilang opisina sa Maynila. Wala si Jacob noon kaya hindi niya alam. Dahil sinabi ko sa Senior HR na willing akong mag pa assign sa Alegria o di kaya ay sa Maynila, ni schedule niya ako ng interview sa Alegria sa Lunes.

Dito nagtanghalian si Jacob sa amin. Nalibang si Auntie Precy sa kanya. Lalo na tuwing tinatanong niya kung sinu sino sa mga naging estudyante niya ang nag tatrabaho sa pabrika.

Naligo ako at nag ayos habang nag aantay si Jacob sa sala. Patuloy silang nag uusap doon. Nasama pa si James dahil ang sabi ni Maggie ay interesado daw itong bumili ng lupa sa Alegria.

Bumaba ako ng mga alas dos. Naka itim na sleeveless top at faded shorts lang ako. Ang sabi ni Jacob, may pupuntahan daw kami. Hindi niya naman sinabi kung saan. Tingin ko ay sa kanilang mansyon lang. Siguro’y ipapasyal niya ako.

Tumayo si Jacob ng nakita ako. Kinuha ko iyong sling bag sa lamesa at chineck ang mga kailangan doon sa loob. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin at nagkamot ng ulo.

“Alis na kayo?” tanong ni Auntie.

“Oo. Alis na tayo, Jacob?”

“Oo. Auntie, alis na kami… James…” aniya.

Nauna na akong lumabas. Sumunod siya sa akin. Hinatid kami ni Auntie sa gate.

Pinagbuksan ako ni Jacob ng pintuan. Pumasok ako sa loob at kumaway kay Auntie. Ngumiti si Auntie at kumaway na rin sa akin.

Pagkapasok ni Jacob ay pinaandar niya kaagad ang sasakyan niya. Inayos ko ang seatbelts ko at nilingon ko siya.

“Saan tayo?”

He’s wearing a dark red v neck t shirt and a dark blue jeans. Sa bawat paggalaw niya sa gear ay napapatingin ako sa kanyang braso. Tangina, Rosie.

“Basta…” He smiled.

Dire diretso ang drive niya. Nang lumiko kami sa isang pamilyar na daanan sa likod ng kanilang lupain ay napalunok ako. I can’t be mistaken. This is the road to the trucking.

Simula nang naging maayos ulit kami, hindi ko siya tinanong tungkol doon. I feel like all that’s in the past should be left behind. Kung ano man iyong nangyari ay kakalimutan ko na. I want to begin again pero…

Nalaglag ang panga ko nang nakita ko ang dingding ng trucking. Naroon parin ang mga baging doon pero may mga namumulaklak na. May mga letra din nang papalapit na kami sa gate.

J.A. Property.

At pagkatapos ng letter Y ay iyong pamilyar na gate nito. Wala nang baging doon. Bagong pintura at matingkad ang kulay gintong pangalan ko.

Bumukas ito. Nakita kong may dalawang security guard na nagbukas. I’m speechless. Parang kinukurot ang puso ko habang tinitingnan ang loob.

The small office got renovated. Medyo malaki laki na ito ngayon. May isang malaking bodega na at may open ding court kung nasaan ang mga truck. Wala itong lahat noon. Bilad sa araw ang mga truck sa loob ng trucking na ito noon.

“Ilang buwan? Jacob… Ang bilis ng trabaho a?” tanong ko, tinutukoy ang mga garahe.

Umiling siya. “Alam kong maganda ang negosyo na ito noon pa. Pagkabalik ko galing America, pinaayos ko ‘to. Sa huli… di ko inoperate. Hindi ko kaya…”

Kinagat ko ang labi ko. Lumabas agad ako ng sasakyan at luminga linga sa buong trucking. May isang kakapasok lang na truck na may nakalagay na “Rosie 9”.

“Ilang truck lahat? Grabe!”

“Twenty one pa lang.”

“Twenty one?” nilingon ko si Jacob sa aking likod.

Ang akala ko talaga binenta niya ito. Ang akala ko, balewala na ito sa kanya. I can’t believe it’s still alive now! I can’t believe I’m here! I’m willing to forget about this but now it’s all here in front of me.

“Iyong binili ni papa na lupain noon sa Alegria, may tanim na Palkata. Sa susunod na taon ang harvest ng mga iyon kaya makakatulong talaga itong mga truck para sa delivery. Tumutulong din ang mga ito sa corn milling. Wala nga lang pangalan noon at hindi rin gumagarahe ang iba dito…”

Hinarap ko siya. Napatingin siya sa akin at tumingin ulit sa mga truck.

Kahit na hindi naman kita sa kanya, alam kong ito ang hilig niya. This is his passion. The business, the farm lands, and Alegria. Kahit hindi halata sa kanya, alam kong ito talaga.

Then I remember all my first impressions about him. Naaabutan ko siya noon na nagbubuhat ng kahoy. Alam kong tinutulungan niya ang ama ni April sa trabaho pero bakit hindi ko ito nakita? Na hindi lamang siya tumutulong… na ito talaga ang hilig niya. Dito siya magaling. Ito ang kanyang mundo. It’s Jacob and Alegria.

“Bakit?” tanong niya.

Pinalis ko ang luha ko.

“Masaya lang ako…”

Hinawakan niya ang pisngi ko. Pumikit ako at naramdaman ko ang pagpahid niya sa aking luha gamit ang kanyang daliri.

“Tama na…” aniya. “Shh… Rosie…”

Hinaplos niya ang aking labi. How I longed for his touch. I miss it so much that I trembled when he kissed me.

Iba parin talaga pag si Jacob. Iba talaga. Ibang iba.

May mga bagay talaga na hindi mo kayang sabihin. Mga bagay na hindi kayang ilarawan ng mga salita. Iyong pakiramdam. Iyong kakaibang pakiramdam na naibibigay ng taong mahal mo.

“Jacob… Let’s grow together, this time. Please…” bulong ko nang bumitiw siya sa kanyang halik.

Hinilig niya ang kanyang noo sa akin. Dumilat ako at nakita kong nakatingin siya sa akin ng diretso.

“Ikaw na lang ang hinihintay ko, Rosie…” bulong niya.

For a long time, I thought this would never happen again. Iniisip ko noon na panaginip na lang talaga ang lahat. Hanggang doon na lang iyon. Na kailangan ko nang bitiwan ang lahat. Pero ngayong nandito kaming dalawa, parang panaginip parin. Hindi parin ako makapaniwala. At hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito… pero alam kong mananatili ako kay Jacob.

Tumili ako nang sumisid siya. Naaalala ko noon. Ganitong ganito siya. Kitang kita ko ang kanyang likod habang lumalangoy palapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang binti ko kaya halos masipa ko siya.

Nang umahon siya at uminit ang pisngi ko. Tumawa siya at humakbang palapit sa akin. Umatras ako.

“Jacob!” hindi ako makatingin sa kanya.

Nasa ilog kami ngayon. Ang Hummer ay nasa gilid ng punong kahoy at ang bang gamit namin ay nasa kubo.

Nahilig ako sa isang malaking bato. Kinulong niya ako sa kanyang mga braso. Napalunok ako.

“Kailan mo sasabihin sa akin, huh?” tanong niya.

“Huh?” Hindi parin ako makatingin.

Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Naaamoy ko na ang kanyang hininga. Inilag ko ang mukha ko dahil lalapat na ang ilong niya sa akin pero hinuli niya ang aking mga mata.

“Ano?” nahihiya kong tanong.

He’s so close to me. I can’t help but tremble!

“Na nag apply ka sa J.A.?”

Napatingin ako sa kanya. Sa kanyang mga mata ay kitang kita ko ang paghahamon.

“Huh? Alam mo na pala…”

“Tingin mo tanggap ka?”

Nalaglag ang panga ko. Ang yabang nito ha!

Bago pa ako makareact ay siniil niya na ako ng isang malalim na halik. Hinawakan ko ang braso niya ngunit kalaunan ay nanghina ako. Pababang humaplos ang aking kamay sa kanyang braso.

Tumigil siya sa paghalik upang huminga ng malalim at mabilis. Lumunok siya. Hindi ako makatingin pero siya ay titig na titig sa akin. Hinuhuli ang bawat iwas tingin ko.

“Tingnan mo ako…” aniya.

Nagtiim bagang ako. Kailanman hindi ako nahirapan ng ganito sa pag tingin sa kanya.

“Rosie, tingnan mo ako…” utos niya.

Kinagat ko ang labi ko at inangat ang tingin sa kanya. I can see it in his eyes… I can see everything he wants to say in his eyes. His passion, his love, his desires, his submissions, his hopes, his dreams, his everything…

“After all these years, I’m still so in love with you. Mas lalo pa kitang minahal noong iniwan mo ako. Mas lalo kitang minahal noong binigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon. Mas lalo kitang minahal…”

May nagbara sa lalamunan ko.

“I love you, too, Jacob. So much… So… So much…” pabulong kong sinabi.

Tumango siya at kinagat ang kanyang labi. Ilang sandali niya akong tinitigan na para bang minimemorize niya ang bawat detalye ng aking mukha. And then with just a move, he scooped me up.

Pinalupot ko ang aking braso sa kanyang leeg. I can feel the light beating on his chest. I can feel the heat on his abs.

Nang nakapasok na kami sa kubo ay nagsimula na siya sa kanyang mga halik. His kisses were teasing. Paunti unti at nanunuya. Napapapikit ako at dilat ulit pag tumitigil siya.

Hinubad niya ang aking itim na sleeveless shirt.

KInagat ko ang labi ko nang nahanap niya ang aking boobs. He kissed me hard and hungry. Hindi ko alam kung saan ko idederekta ang atensyon ko. Sa kanyang mga halik ba o sa kanyang mga haplos o sa kanyang pagkalas sa butones ng aking shorts.

“I miss you, Rosie,” bulong niya na mas lalong nagpahina sa akin.

His calloused palms pressed against my naked chest. I can’t help but moan. Hinawi niya ang strap ng aking bra hanggang sa tuluyan ng matanggal ang pang itaas kong mga damit.

Tumigil siya at pinagmasdan akong mabuti. Pakiramdam ko ay kasing pula na ng kamatis ang mukha ko sa hiya. He’s definitely enjoying this one! Huminga siya ng malalim at unti unting hinawakan ako muli.

Kumapit ako sa kanyang braso. Ngunit inilagay niya ang aking mga kamay sa kanyang batok. Nang kumapit na ako doon ay hinawakan niya ang magkabilang binti ko at unti unti akong hiniga sa isang kawayang kama na may kaonting foam.

Habang hinahalikan niya ako ay naramdaman ko ang kamay niya sa akin. Natigil ako sa paghalik. Masyado kong dinamdam ang klase klaseng sensasyon na naramdaman ko. Dumilat ako ng bahagya at nakita kong nakatitig siya sa akin. It’s like he wants to see me enjoy what he’s doing. Gusto kong tumigil dahil sa kahihiyan but the intense sensations he’s making me feel made me a slave to his touch.

His arousal pressed against me when he resumed his kisses. Liquid heat gushed in between my thighs.

“I miss you so much, Jacob…” pabulong at paungol kong nasabi.

Then I felt it… his hard arousal dared to enter me gently. Kinagat ko ang labi ko. He is the only man who’s ever touched me this way. Siya lang ang tanging makakaparamdam sa akin nito. Wala nang iba.

He thrusted softly. Dumilat ako ng bahagya at kitang kita kong nakatitig parin siya sa akin. Humalik siya sa akin.

“Jacob…” Halos magmakaawa ako.

He did two more gentle push until he filled me to the brim. I moaned so loud. Hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko.

Then he grind to me… slowly and deeply. The burning pain slowly turned into a burning pleasure in between my thighs. He plunged deeper and faster. Halos mapaiyak ako sa klase klaseng sensasyon na naramdaman.

Hindi ko na halos masuklian ang kanyang halik dahil sa ginagawa pero hindi siya tumitigil. Ayaw niya akong tigilan sa paghalik. He kissed me hungrily and desperately as he thrusts harder and faster.

Hanggang sa sumabog ang klase klaseng sensasyong naramdaman. Pakiramdam ko ay nasaktan ko siya sa likod dahil sa tindi ng pagkakalmot ko.

I moaned his name like I’m drowning. Naramdaman kong unti unting bumagal ang kaninay mabilis niyang galaw hanggang sa tuluyan nang tumigil. I felt his heat inside of me. It sent me to another blinding climax.

Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ng mahigpit. Nanatili siya sa ganoong posisyon.

I felt so tired. Lahat ng parte ng katawan ko ay nanghihina. Nawalan ako ng lakas.

“Mahal na mahal kita.”

HIndi ako nakasagot sa sobrang pagod.

“Tinandaan mo ba ‘yon? Mahal na mahal kita, Rosie. Ikaw lang.”

Nilingon niya ako. Pagod ko siyang tiningnan. He smiled wickedly. Damn it. I won’t get tired looking at him like this.

“Mahal na mahal kita…” ulit niya na para bang hindi ko naiintindihan.

Alam ko, Jacob. Mahal na mahal din kita.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 3 – Kabanata 29

Kabanata 29

I am So Sorry

Hindi ko alam kung ano ang gusto kong gawin. Ayaw kong bumalik sa loob pero alam kong kailangan dahil naroon ang mga kaibigan namin. I’m pretty sure Jacob did not plan for this, too. Alam kong gusto niya ring bumalik sa loob.

Tahimik kami sa loob ng sasakyan. Kinakalma ko pa ang sarili ko. Siya naman ay nakatingin sa akin habang nakahawak sa manibela.

Iginala ko ang tingin ko sa loob ng sasakyan. This is the new Hummer. Kulay itim ang dating Hummer ni Jacob, ito naman ngayon ay kulay grey.

“You like Hummers, huh…” kalmante kong sinabi.

Ayaw ko munang pag usapan ang mabibigat na bagay kaya iyon ang sinabi ko. Masakit ang ulo ko at hindi tumitigil ang pag singhot ko. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako.

“Mas mabuti kasi para sa Alegria…” sabi ni Jacob, nakatingin parin sa akin.

Parang kailan lang sa likod pa ako nito sumasakay. Ngayon ay nasa front seat na.

I wonder what happened to Felicity. She broke up with Jacob. I know she’s hurt. But then… ayos lang ba talaga kay Jacob iyon?

Napatingin ako kay Jacob. Nanatiling seryoso ang mga mata niya.

“Gusto mo bang bumalik o umuwi na tayo?” tanong niya sa isang banayad na boses.

“Gusto kong bumalik. Baka mag tampo si Leo. Pero… pagod na ako. Gusto ko na ring umuwi…”

Hindi ako makapag desisyon. What about Karl? What about our friends? We’ll leave them just like that?

Tumango siya at kinuha ang kanyang cellphone. Sumulyap ako doon at nakita kong default wallpaper lang ang naroon. Pinindot niya kaagad ang numero ni Leo.

Kinabit niya ang kanyang cellphone sa loud speaker at narinig ko ang pag ri-ring nito sa buong sasakyan.

“Hello,” boses iyon ni Leo.

“Ihahatid ko na si Rosie pauwi. Pagod na siya…”

“Oh!” Tumawa si Leo. “Sige. Sasabihin ko sa mga kaibigan niya…”

“Sige. Salamat…” ani Jacob.

Naputol agad ang linya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Jacob. Hindi na ako umangal dahil talagang hindi na maganda ang pakiramdam ko.

Pinaandar niya kaagad ang sasakyan. Huminga ako ng malalim.

Naisip ko si Duke. Iniwan ko siya doon. Ano ang iisipin niya?

Pumikit ako ng mariin. What about Felicity too?

“Jacob…” nilingon ko si Jacob.

Tumigil ang Hummer dahil sa traffic sa EDSA. Daan patungo sa aming apartment ang tinatahak ng Hummer.

“Nag usap na ba kayo ni Felicity?” tanong ko nang di siya tinitingnan.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang pagsulyap niya sa akin.

“Huling pag uusap namin ay noong umalis siya ng Alegria. Sinabi niya sa akin na gusto niyang maging magkaibigan parin kami.”

Konting kirot ang naramdaman ko sa aking puso.

“Anong sinabi mo?”

Pumikit ako. Sumasakit lalo ang ulo.

“We’ll be friends…”

Tumango ako. Sana ganyan din ang mangyari sa amin ni Duke.

Tahimik kami sa byahe. Lalo na noong nasa harap na namin ang billboard ko. Uminit ang pisngi ko habang tinitingnan ang sariling naka two piece. My mouth’s half open. Naka luhod ako at hinihipan ng hangin ang aking buhok.

Kitang kita ko ang paninitig ni Jacob doon habang tumitigil ang sasakyan dahil sa traffic.

Humilig siya sa manibela at pinaglaruan ang kanyang labi gamit ang likod ng kanyang index finger. Damn! Alam kong gwapo siya noon pa man pero kailan pa siya naging ganito ka gwapo?

Nang nalagpasan na namin ang billboard ay ‘tsaka pa lang ako nakahinga ng maayos. Dire diretso na ang drive niya patungo sa amin. Nanatili akong tahimik sa buong byahe. Probably because of my headache.

Nang nasa labas na kami ng apartment ay kinalas ko na ang seatbelts ko. Sabay kaming lumabas sa sasakyan. Hinintay ko siyang makaikot bago dumiretso sa gate.

Hindi ko alam kung tama bang papasukin ko siya. Nakita ko ang anino ni Maggie sa bintana.

“Pasok ka…” napapaos kong sinabi sabay tulak sa gate.

Sumunod siya sa akin. Si Maggie ay nasa pintuan na at nag aabang sa akin. Nakahalukipkip siya at nang nakalapit na ako ng tuluyan ay hinawakan niya ang noo ko.

Umilag ako ng bahagya pero marahas niyang hinigit ang braso ko.

“Rosie! Nilalagnat ka! Malayo pa lang, kita ko na!” sabi niya.

Umirap ako. “Ayos lang ako.”

Bumaling siya kay Jacob. She looked so disappointed. Hindi ko nilingon si Jacob. Pumasok na agad ako sa bahay at naabutan ko si James sa sofa na may kasamang maraming libro at laptop.

“Did you drink your meds? Rosie? What?” iritadong tanong ni Maggie.

“Uminom ako ng Paracetamol. Iinom pa ulit ako. Magiging maayos din ako…” sabi ko.

Nilingon ko si Maggie pero natabunan ang paningin ko ng katawan ni Jacob. Hinagilap niya ang noo ko kaya umilag ulit ako.

Umigting ang panga niya.

“I’m fine…” sabi ko.

Dumiretso na si Maggie sa kusina. Bumalik siya agad na may dalang isang basong tubig at gamot. Nilahad niya sa akin.

“‘tong si Maggie. Para naman akong bata niyan!”

Tatanggapin ko na sana pero binaling niya ang mga ito kay Jacob.

“Gamutin mo ‘yan. Sa kakaiyak ‘yan, e,”

Tinanggap agad ni Jacob ang binigay ng kapatid ko. Kinuha ko ang gamot sa kamay ni Jacob. Sinipat ko si Maggie na ngayon ay tumabi na kay James.

Kinuha ko rin ang tubig kay Jacob para makainom na ako. Binalik ko sa kanya ang baso at tinuro ko ang loob ng aking kwarto. Sobrang sakit ng ulo ko at alam kong kailangan kong magpahinga para bukas.

“Matutulog na ako…”

Tumango si Jacob. Bumaling siya sa kusina, siguro ay para ilapag doon ang baso.

Pumasok na ako sa kwarto at pagkahiga ay nakatulog agad.

Kinabukasan ay nagising ako sa alarm. Dumilat ako at naaninag ko ang sinag ng araw sa labas. May humaplos sa aking binti. Noong una, akala ko’y guni guni lang iyon pero nang tiningnan ko iyon ay nakita ko si Jacob na nakaupo sa aking paanan.

Pumikit ako ng mariin. Kamusta ang mukha ko ngayon? Pakiramdam ko sabog na sabog pa ako. Kakagaling ko lang sa lagnat tapos hindi pa ako nakapagbihis sa pagod ko kagabi.

Hindi nakapag bihis? Gumalaw ako ng bahagya at napatingin ako sa aking mga damit. Damn! I’m wearing a t shirt and pajamas!

Napabangon agad ako. Kinusot ko ang mga mata ko para kung may muta man doon ay matanggal na. Jacob’s sitting in front of me. Sa gilid niya ay may isang tray ng pagkain.

Sinong nagpalit ng damit ko? Siya? Si Maggie?

“Kumain ka na…”

Hinawakan niya ang noo ko. Kung pwede lang pumikit habang dinadamdam ang haplos niya ay ginawa ko na.

“Anong oras na?” tanong ko.

“Alas sais y media…” aniya.

Tumango ako at kinuha ang pagkain.

Scrambled egg at hotdog ang naroon. Hindi ganito magluto si Maggie. Hindi rin ganito kay James. Kung nasa kanilang dalawa ay walang hiwa ang hotdog. Wala rin masyadong spices ang scrambled eggs.

Pumasok si Maggie sa aking kwarto. Nag angat ako ng tingin sa kanya. A smile is plastered on her face.

“Kumain ka na, senyorita. Luto ‘yan ni Jacob. Ang saya! Dito siya nagpalipas ng gabi. ‘Tsaka…” nginuso niya ako. “May katulong ako sa paghuhubad sa’yo… Ayaw na ni James tumulong dahil nasukahan mo siya ‘di ba? Three years ago?”

Uminit ang pisngi ko. Tangina ‘tong si Maggie. Pwede namang tumahimik na sana!

“Papasok ka ba?” tanong niya.

Tumango ako.

“Ihahatid kita sa opisina mo. ‘Tsaka ako babalik ng bahay. Ayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Jacob.

Tumikhim ako at bahagyang pumormal.

“Ayos na…”

“Sussss!” Umirap si Maggie at lumabas na sa kwarto.

Ramdam ko talaga ang pag iinit ng pisngi ko. Pakiramdam ko, pulang pula na ito.

“Kumain ka na?” tanong ko.

“Kumain ako habang nagluluto kanina…”

Sumubo ako. Pati itong pag kain sa harap niya ay nakakaconscious. Tipid ang bawat subo ko at hindi ko kayang kumain ng marami.

Naligo at nagbihis ako. Pagkatapos ay tinupad niya nga ang gusto niya.

Naka kulay dark violet t shirt na siya nang lumabas ako. Siguro’y may mga damit siya sa loob ng Hummer.

Hinatid niya ako sa trabaho ng wala masyadong sinabi. Ang tanging sinabi niya ay na susunduin niya ako mamayang alas kuatro y media. Impunto!

Sa elevator pa lang ay kabado na ako. Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan kay Duke ang lahat ng ito.

Kagabi, bago ako natulog ay may gusto akong mangyari. Akala ko dahil lang iyon sa lagnat ko pero nagulat ako nang nadala ko ito hanggang ngayon.

“Joanne, paki inform ako please kung dumating na si Mr. Valenzuela…” bilin ko sa sekretarya ni Duke.

Pumasok na ako sa aking opisina. Tiningnan ko ang kalendaryo. Ito na lang iyong tanging magsasabi sa akin noon pero nang nakita kong tama lang ang panahon ngayon ay bahagya akong nabigo.

“Final screening…” sabi ko nang nakita ang schedule today.

Hindi ko na nakita ang mga files sa managerial positions ng bagong mall simula noong sinabi kong may kilala ako. Ang pina handle sa akin ay iyong mga lower positions kaya hindi ko alam kung kinuha nga ba ni Felicity ang posisyong iyon. Did she push through it?

I opened my computer. Hinanap ko doon ang kompanya ni Jacob.

Kumpara sa kumpanya ni Duke, mas maliit ang kay Jacob. Duke’s company is a giant company. Malaking korporasyon ito at maraming investors. We’re talking about thriollions here. We’re talking about international stock market and all that. Jacob’s company seemed small compare to the V Holdings. Kahit malaki na rin talaga ang kompanya ni Jacob, hindi parin maipagkakaila ang diperensya ng dalawa.

I clicked the Jobs part. Kahit ang site ng kompanya niya ay hindi pa ganoon ka established kumpara. Although, naroon nga ang halos lahat na popular na produkto nila. The meats, the corn made products, rice, fruits, and many more…

Hindi na naman siguro kailangang i explain kung bakit ko ito gagawin ‘di ba? Bakit hindi?

“Meron!” sabi ko habang tinitingnan ang qualifications ng Human Resource staff na kailangan nila.

I knew it. They’re making new products! This should be here!

Nag apply ako digitally. I sent my application letter, resume, transcript, and all the needed documents. Naisip ko pang pumunta mismo sa opisina nila para mag apply pero di ko iyon sasabihin sa kanya.

May biglang kumatok at pumasok sa aking pintuan. Agad kong ni minimize ang browser. Nakahinga ako ng malalim nang nakita ko si Joanne.

“Miss… nasa opisina niya na po si Mr. Valenzuela…”

“Okay! Salamat!”

Sinarado ng sekretarya ang aking pintuan. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. But my thoughts flew to Duke. Parang kailanlang ay lagi siyang dumidiretso sa opisina ko. He must’ve felt it!

Sa huli, pinrint ko ang isang sulat para kay Duke. Nang natapos ako ay huminga ako ng malalim at pinaalalahanan ang sarili.

I won the contest. I can’t quit the modeling stint for V Malls. I’m also under my agency so I’ll have some offers. Siguro naman kaya ko pang tustusan ang matrikula ni Maggie. My last gig was big. ‘Tsaka bayad na ako sa first sem ni Maggie. Next sem, may budget na rin ako. I have savings for the house, kasama doon ang kina mama at papa. I should be okay…

Lumabas ako ng aking opisina. Kumalabog na ang puso ko. At mas lalo lamang kumabog ang puso ko nang nakita ko si Felicity sa lobby. She’s wearing a corporate attire. Her hair’s up at may dala siyang clear book.

Tipid siyang ngumiti sa akin. Kinalma ko ang sarili ko at dumiretso sa kanya.

“Final screening, right?” tanong ko.

Tumango siya at bahagyang ngumiti. “Yup…”

Hindi makatakas sa akin ang panlalamig niya sa akin. Kumpara sa dati niyang ipinapakitang maligayang disposition. I shouldn’t be surprised! I’m lucky she can smile at me! Even if it’s forced!

“Kayo na ulit ni Jacob?” tanong niya.

Umiling ako. Napawi ang kaonting ngiti na nasa kanyang labi.

“There’s no need to make it fast, Felicity…”

Nagkatinginan kaming dalawa. How we’re so opposite, ngayon ko lang nakita. She’s shorter than me. Her lips were thin. She looks approachable and always happy. Parang magaan siyang kasama.

Siya ang nag pahinga kay Jacob ng maluwang noong sobrang sikip ng lahat. Siya ang naging sandalan ni Jacob noong gumuguho ang lahat. At maaaring siya rin ang bumuo kay Jacob noong nawasak ko ito.

“Good. I’m happy. I know he’s happy…” aniya.

Hindi ko alam kung bakit sumagi sa isip ko ang pag hingi ng tawad in behalf of Jacob. I just feel like her sacrifices should be well appreciated. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng nagsakripisyong hindi nakita. Pakiramdam mo, namatay ka para lang sa wala.

“I’m sorry. Jacob’s sorry for hurting you, Felicity.”

Tumango siya. Sa gilid ng kanyang mga mata ay luha. “Please, Rosie… I have an interview coming…” Tumawa siya.

Pumikit ako at umiling. Oo nga pala…

“I wish you good luck, Felicity. I know you got this…”

I smiled at her. Alam kong makukuha niya ang posisyon na ito. They’ll need four managers at isa siya sa top three ko noon. I was only blinded by pain.

Iniwan ko si Felicity doon para pumasok sa opisina ni Duke. Doon ang huling interview ng mga aplikante. Nang tinanong ko si Joanne kung may iniinterview daw ba ay sinabi nitong kakaalis lang daw kaya dumiretso na ako.

Marahan kong sinarado ang pintuan. Alam kong nakatingin na si Duke sa akin, papasok pa lang ako.

Nasa kanyang swivel chair siya. Pinaglalaruan niya ang kanyang ballpen. There were no traces of humor on his face as he looked at me.

Lumapit ako sa kanyang malaking lamesa. Nilapag ko sa kanyang harap ang pinrint kong sulat kanina sa opisina.

“Ano ‘yan?” tanong niya sa isang malamig na tono.

“It’s a resignation letter.”

“You’re resigning?” tanong niya.

Tumango ako. “It’s for the better…”

Pagkasabi ko noon ay sobra sobra akong nasaktan. I remember the kindness he showed me while I was here. I remember how he respected me so much. I remember our friendship. Alam kong may pagkakamali ako at ngayon gusto kog ituwid lahat.

“For the better?” tumaas ang kilay niya.

Bumagsak ang mga mata ko sa aking mga sulat.

“I will train employees without pay. The effective date of my resignation is today. Duke… I owe this company everything I have now. I owe you so many things. You gave me so many opportunities. I thank you for that. I thank the company…”

“Kung ganoon, anong pagkukulang at bakit ka aalis?”

“I want to take up new challenges. I want to test my capabilities-“

“Saan ka mag aapply, kung ganoon? Is the company not challenging you anymore, Rosie?”

“This experience is enriching. I learned so many things, Duke. It’s challenging, of course. But I feel like I’m getting too comfortable. I want something else.”

I want to start. I want to see my own legacy. Applying in a new company will give me that challenge. Iyong makikita ko ang progress ng paghihirapan ko.

“Is this about us?”

Hindi ako nakasagot agad. Hinilot ni Duke ang kanyang sentido.

“I want us to remain friends, Duke. Please…” nanghina ako.

Tumango siya pero kitang kita ko ang pagpipigil niya. Nangilid ang luha ko. Pakiramdam ko ay nasasaktan ako dahil nasasaktan siya. Ayaw kong gawin ito pero alam kong ito ang dapat.

“Of course, Rosie…” his voice was cold. “Are you done?”

Tumango ako. “Thank you…”

Tinalikuran ko siya. Dire diretso ang paglabas ko ng kanyang opisina. Naninikip ang dibdib ko at nagbabadya ang luha kong tumulo.

“Miss, you’re next…” tawag ni Joanne kay Felicity.

Pero hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko ang kulog ng pagkabasag ng isang salamin sa opisina ni Duke. Pumikit ako ng mariin. I am so sorry. I am so sorry for everything.

You really can’t get out of life without hurting someone. You can’t get out of it without getting hurt. You just have to figure out which pains are worth it.

Kaya dapat hindi mag depende ang kasiyahan mo sa iba. We all have to be self sufficient. We have to be independent. We have to be whole alone. And when we love someone, we love them because we’re whole… and we need them to share our wholeness.

Hindi ko pa masasabing ganoon na kami ka perpektong dalawa ni Jacob ngayon. I know I’m not that kind of girl yet but I’m willing to be. And being willing is already a big thing. I think trying to finally understand what love is is already a big thing. I think my willingness to try is already a big thing. And I know Jacob feels the same.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 3 – Kabanata 28

Kabanata 28

Pangako

Buong araw akong natulog at nagpahinga. Mabuti na lang at nang nag hapon ay medyo bumuti buti ang pakiramdam ko. Naisip ko pa namang kahit na may sakit ako ay pupunta ako.

“Hello, Rosie…” si Karl iyon.

Ni loud speaker ko ang cellphone ko. Alas singko y media na at nag aayos na ako.

“Yes…”

“Papunta na ako diyan? O? Ayos ka na ba?”

“Yeah… I’m feeling better.”

“Whoa! Kapag talaga ano, e, no… Better agad?”

Umirap ako. “Seriously, Karl. I’m feeling really better. Medyo masakit pa ang ulo ko pero maayos na ako.”

Ang alam ko, ang unang inimbitahan ni Leo sa kanyang birthday ay kaming dalawa lang ni Karl. Pero dahil nagkasabayan kami nina Callix noong Sabado ay naimbitahan niya na rin ang mga kaibigan ko. Unlike what we did last Saturday, hindi ito clubbing ngayon. It’s just chill, food, music, and booze. Isang bagay na hindi ko masyadong nagagawa pag lumalabas ako. Pero dahil ngayon, kasama ko ang kabanda ni Jacob, syempre iyon ang gusto nilang gawin.

“Oh? Saan ka?” tanong ni Maggie.

She broke in to my room. Naglalagay ako ng eye shadow. Siya naman ay panay hawak sa leeg at noo ko.

“May lagnat ka pa ah?”

“Wala na ‘yan…” sabi ko.

Matalim akong tinitigan ni Maggie. Nagpatuloy ako sa paglalagay ng eyeshadow. Hindi pwedeng ngayon niya ako pagbawalan.

“Papunta na si Karl dito. Aalis ako…” sabi ko para hindi niya na ako pigilan.

“May lagnat ka pa. Ilang paracetamol ang na inom mo? ‘Tsaka napapaos ang boses mo. Sinisipon ka?” tanong niya.

Umiling ako sabay tingin sa kanya.

“Ubo? Rosie… anong sasabihin ko kay Mommy? Kakasabi ko lang na hindi ka pumasok dahil nagkasakit ka tapos pagtawag niya mamaya sasabihin ko naman na umalis ka? Night out? Ano ‘yon?”

“I’ll call her after. Papasok ako bukas…”

“Paano kung may sakit ka pa? Papasok ka parin?”

“Oo…” sabi ko.

Umiling si Maggie at lumabas ng kwarto ko. Panay ang salita niya habang nasa labas. Pinapagalitan ako dahil hindi daw ako marunong mag alaga sa aking sarili. At marami pang ibang bagay na pinalabas ko na lang sa kabilang tainga ko.

“Maggie, what’s wrong?” boses ni Karl ang narinig ko.

Pinapasok niya pala ang kaibigan ko.

“Si Rosie, may sakit… lalabas pa…”

“Oh? Akala ko ayos na siya…”

Lumabas ako ng kwarto. Napatingin silang dalawa sa akin.

“Ayos na ako, Maggie. Seriously…”

Nag ngising aso si Karl. “Magiging maayos din ‘yan…”

“Saan ba kasi kayo pupunta?”

“Sa birthday ni Leo…” ani Karl.

Hindi na nagsalita si Maggie. Nagpatuloy siya sa pag aarrange ng mga libro niya sa lamesa. Tahimik siya bago nag angat ng tingin sa akin.

“Mag ingat kayo, kung ganoon.”

Nakawala kami sa kanya. I can’t believe how she quickly changed her mind. Noong nalaman niyang birthday ni Leo, paniguradong dahil iniisip niyang naroon si Jacob.

“Ayos na ayos, a?” puna ni Karl habang inaayos ko ang seatbelts.

“Hindi ako nag ayos… I just don’t want to look sick…”

“Alright… sabi mo e!”

Hinaplos niya bigla ang dibdib ko. Tinampal ko ang kamay niya at natawa na lang. Damn if he isn’t gay, I would’ve slapped him hard.

“Sweetheart neckline…” humalakhak siya.

“I wore this last month. Kung nag ayos ako, dapat nag shopping muna ako bago lumabas!” giit ko.

“Yeah, yeah!”

Nagtalo kaming dalawa dahil sa panunukso nila.

Kinontact din namin sina Belle, Ava, Callix, Josh, at Edward. Syempre, hindi ma contact sina Callix at Belle. Pero paniguradong pupunta iyon. Si Ava naman ay susunduin ni Josh, kasama si Edward. Naroon na daw sila at hinihintay kami.

Unti unti na akong ginapangan ng kaba. Hindi ako mapakali at hindi na ako makatawa sa mga biro ni Karl.

“Huwag mong kalimutan, Rosie… May girlfriend si Jacob…”

Kahapon ko lang nalaman na wala na si Jacob at Felicity. I know the break up is still fresh too, kahit na sabihing ilang araw na iyon. Hindi pa alam ni Karl ang tungkol doon.

“They broke up…”

Halos tumilapon ako sa tindi ng break ni Karl. Matalim ko siyang tinitigan.

“Are you kidding me?”

Umiling ako. “Drive properly…”

Kinwento ko sa kanya ang pagpunta ni Felicity sa opisina ko. Kinwento ko rin ang pagpunta ni Jacob sa amin kagabi.

“Kaya ba nagkasakit ka? Syempre… Kung ako rin naman nasa pwesto mo, magkakasakit din ako ng todo!”

Natahimik ako. Umiiling iling siya habang pinapark ang sasakyan. Nanlalamig na ako nang nakita ko ang pupuntahan naming bar.

“I can’t believe it. After all your tears… this?”

Kinalas ko ang seatbelts ko. Hindi na ako nakapagsalita o nakadagdag man lang sa kanya. I’m just so preoccupied with tonight.

Dumiretso kami ni Karl papasok sa bar. Dim ang lights ng bar at maingay pa sa mga old songs. Hindi iyon live, siguro dahil alas sais pa naman ng gabi.

Malawak ang lugar. Itim ang dingding at pinaghalong kulay pula at puti ang mga ilaw. Parang tulad rin ng mga club na napuntahan namin, only there’s less people and better music.

Naagaw ang pansin ko ng rounded bar nito. The place looks cool. Ang mga kulay pulang silya sa pangmaramihang mga lamesa ang nagpatingkad sa buong bar.

“Sila ba ‘yon?” tanong ni Karl sa akin.

Inayos ko ang buhok ko. Nasa gitna silang lahat. Napansin ko na kakarating lang din nina Belle at Callix. Kakaupo lang nila sa mga upuan.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong imbitado. Ang tanging naroon ay sina Jacob, Leo, Louie, Teddy, Callix, Edward, Josh, Belle, at Ava.

Dalawang upuan na lang ang natitira. Ukupado ang upuan sa tabi ni Jacob. Naroon si Leo at sa kabila naman ay si Teddy. The only unoccupied seats were the ones in front of him.

Nagtawag sila ng waiter. Napatingin si Leo sa amin at may sinabi siya sa buong table kaya napatingin din si Jacob sa amin ni Karl.

Nag iwas ako ng tingin. Pakiramdam ko ay nakalutang ako habang naglalakad.

Tumayo si Edward at inayos niya ang upuan ko. Ngumiti ako sa kanya at umupo na.

“Salamat…”

He smiled back and went back to his seat. Napatingin ako kay Leo…

“Happy birthday, bro!” ani Karl sabay high five kay Leo.

Tinanggap iyon ni Leo. Sinipat ko na lang si Karl at naabutan ko siyang nakangising aso.

“Happy birthday, Leo…” I said.

Tumayo ako at nag beso sa kanya. Uminit ang pisngi ko at nilingon agad si Jacob na ngayon ay nakataas ang kilay habang tinitingnan ang menu.

“Thanks! Akala ko di kayo dadating, e.”

Pinasadahan ko ng tingin ang buong lamesa. Naglalagay na ng pagkain ang mga waiter habang nag uusap usap kami.

“You seriously want your birthday to be celebrated here? And all your night outs in a club with some of your friends?”

Tumawa siya. “Pag kaarawan ko talaga, gusto ko ganito lang. I invited you last year… Don’t you remember?”

Umiling ako. I don’t remember.

“Siguro nag change ka na ng number that time. Sa Friday, club kami. Isasama ko na ang ibang kaibigan ko. You’re invited, by the way.”

“I’m sure I’m invited too…” ani Karl.

“Invited kayong lahat!”

Nagtawanan sila. Tipid lamang akong ngumiti at napatingin kay Jacob. Ang buong atensyon niya ay nasa menu parin na parang may hinahanap.

May sinabi siya kay Leo at tumango lamang si Leo sa kanya.

Pagkatapos ng walang tigil na kwentuhan ay kumain na kami. I find it cool that somehow, kahit hindi naman talaga nila masyadong kilala ang isa’t-isa, nagkakasundo ang lahat. Kung iisipin ko, sina Leo, Louie, at Teddy ay kaibigan ni Jacob. Sina Karl, Belle, Callix, Edward, Josh, at Ava naman ay kaibigan ko. Nagkakasundo si Louie at Edward dahil sa trabaho. Si Ava naman ay aliw kay Teddy. At syempre, hindi na mahirap kay Belle at Callix na pakisamahan ang barkada dahil may koneksyon naman sila.

Hindi ako masyadong nabusog dahil halos hindi ako kumain. I don’t want to feel bloated and ruin the night. Naaaliw na si Leo at Karl sa pag uusap tungkol sa negosyo. Nakikinig lamang ako.

Nilapag ng waiter ang mga inumin sa aming lamesa. Kitang kita ko ang pagkuha agad ni Jacob sa isang baso. Nilagok niya iyon na parang uhaw na uhaw siya.

Tumikhim ako. Napatingin siya sa akin. Tinulak niya ang basong walang laman sa mesa.

Nagtiim bagang ako. It’s just a shot, Rosie. Hindi naman siguro siya malalasing kapag may isang shot.

“Rosie…” ani Karl sabay bigay sa akin ng vodka.

“I think I had too much last Saturday.”

“Ah… The figure…” ani Karl kahit na ang iniisip ko ay ang sakit ko. Mamaya lumala pa itong sakit ko.

Mahigit na isang oras na pananahimik ang ginawa ko. Ganoon din si Jacob. Nagsasalita lamang kung tinatanong. Medyo okay na rin ako dahil hindi na siya uminom pang muli.

Unti unting dumami ang mga tao. Napapalingon ako sa mga grupong naroon.

“Ano? Game!” ani Leo sabay tayo.

Pulang pula na ang kanyang pisngi. Umiiling si Jacob sa kanya. Para bang may ayaw siyang gawin pero pinipilit siya ng birthday boy.

Leo’s wearing a faded blue button down shirt. Si Jacob naman ay naka itim na v neck t shirt. Tinapik ni Leo ang balikat ni Jacob at pinilit ulit siyang tumayo pero ayaw tumayo ng nasa harap ko.

“What is it?” tanong ko.

“Kanina ko pa ‘to kinukumbinsi na tutugtog kami dito. Kahit isa o dalawa lang. I miss playing, you know…”

“You’re always playing with your guitar, Leo. Ah! Huwag mo na kaming idamay. Nakakahiya…” ani Teddy sabay tingin sa kabilang table na kung saan ay puro mga babae.

Napatingin akong muli kay Jacob nang biglaan siyang tumayo. Mas matangkad siya ng kaonti kay Leo. Tumingala ako. He looked so manly. Inayos niya ang itim niyang relo.

“Isang kanta lang…” ani Jacob.

“Ha?” gulat na sinabi ni Teddy pero walang nagawa kundi tumayo.

Pumalakpak si Belle at Ava. Sa sobrang excitement pa ni Belle ay ni set niya na ang phone niya ng video para ma videohan ang lahat.

Kumalabog ang puso ko. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang narinig ko silang tumugtog ulit. This is new… I wonder what changed!

Pumalakpak ako. Nakaakyat na si Jacob sa stage at nang nilingon niya kami ay tumigil ako sa ginawa.

Kinagat ko ang labi ko at pumormal. Siniko ako ni Karl.

Nagsimula si Leo sa pag sstrum. Tumigil siya nang may sinabi si Teddy. Nag usap pa sila ng ilang sandali.

Pumalakpak ulit si Ava at Belle. Naki sali na rin si Josh, Edward, at Karl. Kulang sila ng isa. Wala si Ron. Kaya siguro medyo natagalan sila. ‘Tsaka matagal na rin silang hindi nakakatugtog.

Ibang kanta na ngayon ang tinugtog ni Leo. Sa gilid ng aking mga mata ay mas dumami ang panibagong dating na mga tao. Pero nanatili ang mga mata ko sa harap.

Hinawakan ni Jacob ang microphone. Dinala ako ng aking mga alaala sa Alegria. Bumubuhos ang nalalagas na dahon ng mahogany. Tumatakbo ako papunta sa covered court kung saan sila tumutugtog. My black shoes, my white socks, my complete uniform, my long hair… and the Jacob’s on stage.

Bumilis ang hininga ko. Lalo na nang nagsimula siya.

“If I give up on you I give up on me

If we fight what’s true, will we ever be

Even God himself and the faith I knew

Shouldn’t hold me back, shouldn’t keep me from you…”

Kumalabog ang puso ko. Pakiramdam ko, unti unti akong nahuhulog. Natatakot ako pero wala akong nagawa. It’s an inevitable fall.

Pumikit si Jacob. Nangilid ang luha ko.

“Tease me, by holding out your hand

Then leave me, or take me as i am…”

Does it really matter? Na nasaktan niya ako? Na ang dami daming nangyari sa gitna naming dalawa?

Marami kaming nasaktan. And I don’t know how to deal with all of that. Duke… Felicity… And even before all of these, we’ve been hurting other people. Para kaming bagyo pag nagkakalayo. Laging may nasasaktan at nawawasak.

Biglang tinugtog ni Leo ang isang pamilyar na kanta. Nanlaki ang mga mata ko. Kitang kita ko ang pag lingon ni Jacob sa kanya. Nakangiti ang tatlo. Si Jacob lang ang gulat sa tinugtog ni Leo.

Hindi na kanta ni Jacob sa unang intro ang lyrics kaya inulit pa nila para bigyan siya ng isa pang pagkakataon.

Kahit hindi pa natatapos ang naunang kanta ay inintro na nina Leo, Teddy, at Louie.

Bumaling si Jacob sa akin. Kinagat niya ang kanyang labi at nagsimula.

“We’ll do it all. Everything. On our own. We don’t need anything Or anyone…”

Tumindig ang balahibo ko. Pabulong akong napamura. Pumikit si Jacob at nag loosen up sa kanta. Kanina ay parang na eestatwa pa siya.

“If I lay here. If I just lay here. Would you lie with me and just forget the world?”

Gusto kong humagulhol. Gusto ko nang bumalik sa kanya. Alam kong magulo. Alam kong maraming pagkakamali. Pero kung hindi talaga ito iyong tama, bakit ito ang gustong gusto ko? Bakit pakiramdam ko ito ang tama?

If this isn’t the right thing, then what is the right thing? Will it feel better than this? Because I think this is the best love I can give… and receive… At kapag hindi ako susugal ngayon, habang buhay ko itong pagsisisihan.

Anyway, what is this world all about? I guess it’s all about risks. Everything’s vague… Hindi mo talaga malalaman kung alin ang tama o mali. Mararamdaman mo pero hindi mo iyon makukumpirma kung hindi mo susubukan.

Huminga ako ng malalim nang natapos sila sa pagkanta. Tumayo ako para pumalakpak. I tried my best not to cry. I don’t want to ruin my make up. Pinunasan ko ang luha sa gilid ng aking mga mata.

“Rosie?”

HIndi pa nakakababa sina Jacob ay narinig ko na ang boses ni Duke. Napatingin ako sa kakarating lang na mga lalaking kasing edad niya. There were six men with him.

Naupo na ang kanyang mga kasama at napatingin sa akin. Nanatili si Duke malapit sa lamesa namin. He’s wearing his white button down shirt. Nakatupi ito hanggang siko. Mukhang galing trabaho.

“Duke!”

Then I remembered! Nag absent ako dahil may sakit ako at makikita ako ng mismong boss ko sa lugar na ito? What the hell?

“Are you okay?” tanong ni Duke sabay pasada ng tingin sa aming lamesa.

Napalunok ako. He looked disappointed. I know he needs my explanation. Kasalanan ko ito!

Lumapit ako sa kanya. Umigting ang panga niya at bahagyang naglakad palayo. Sumunod ako sa kanya. Nilingon niya ako.

“I thought you were asleep…” aniya.

“I was sick. Naging okay na ako noong hapon tapos nag aya ang isang kaibigan ko kasi birthday niya…”

Nilingon ulit ni Duke ang lamesa. Tumango siya sa akin at bahagyang natigilan.

“But you’re okay now?” tanong ni Duke.

“Yes. I am…”

“Magtatrabaho ka na bukas?”

“Yes…”

“Sure?” he smiled.

I can’t help but feel so damn guilty. Alam kong totoong may sakit ako pero hindi ko parin maiwasan.

“Good.”

Pinadausdos niya ang kanyang kamay sa aking baywang at nilingon ang mga kasama. Napatingin ako sa kamay niya pero bago pa ako makapagsalita ay iginiya niya na ako sa kanilang lamesa.

“I’ll introduce you to my high school friends…”

Lumapit kami sa mesa. Tinanggal ni Duke ang kanyang kamay sa aking baywang para ipakilala ang mga kaibigan.

“Everyone, this is Rosie…”

“Rosie, the model?” tanong ng isa.

“Yes…” Tumawa si Duke.

Ngumiti rin ako sa kanila. Binanggit ni Duke ang mga pangalan nila paisa isa. Gusto ko mang makinig, walang pumapasok sa utak ko. Tumakas lang ang tingin ko pabalik sa mesa kung saan ang lahat. Kitang kita ko ang pagtapik ni Jacob sa balikat ni Leo. Nang napansin kong lilingon siya sa banda rito ay binalik ko ang tingin sa mga kaibigan ni Duke.

Ilang sandali ang nakalipas ay nilingon ko ulit ang lamesa namin. Sina Leo at Teddy ay nakatingin kay Jacob. Si Karl, Ava, at Belle ay nakatingin sa amin. Sabay sabay pa nilang tinuro ang labasan.

Tumingin ako sa pintuan ng bar at nakita kong kakaliko lang ni Jacob doon palabas. Shit! Binalik ko ang tingin ko kay Karl. Hindi ko siya marinig pero his lips says “umalis!”

“Duke… Please, excuse me…” sabi ko. “I’m really sorry. I have to go…”

Hindi ko na hinintay na sumang ayon si Duke sa pag alis ko. Dumiretso na ako palabas ng bar ng walang pag aalinlangan.

Hindi ko alam saan naka park ang Hummer ni Jacob. Hahanapin ko pa sa buong parking space sa labas. So much for these high heels!

Nang nakalabas ako ay luminga linga ako. Una kong tinungo ang parking lot sa kaliwa. Pinasadahan ko iyon ng tingin. Hindi ko alam kung aling Hummer naman ang dala niya.

Naglakad ako patungo sa kanan at nakita kong may ilang mga sasakyang nakalabas na. What if Jacob went home?

Tumayo ako sa gitna ng parking lot. Luminga linga ako. Unti unting nawawalan ng pag asa.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Karl. I need Jacob’s number! Damn it! Bakit walang nagbibigay sa akin?

Habang nagri-ring ay luminga linga ako.

“Rosie?” boses ni Jacob ang narinig ko kaya agad kong pinatay ang aking cellphone.

Sa likod ko nanggaling ang boses. Inayos ko muna ang aking buhok at kinalma muna ang sarili bago ko siya hinarap.

Naroon ang kanyang Hummer sa likod ko. Nakahilig siya sa pintuan doon at tumuwid sa pagkakatayo nang hinarap ko.

“U… Uuwi ka na?” tanong ko.

Umiling siya at bahagyang lumapit. “Nagpapalamig lang…”

“Bakit? Hindi ba malamig sa loob?” Shit!

Tumikhim ako at nanatili ang tingin sa kanya. Seryoso ang kanyang mga mata. Halos mawala ako sa lalim ng mga ito.

“Ba’t ka andito?” tanong niya.

Damn that question! Nag iwas ako ng tingin.

“Sinundan kita…” simple kong sinabi.

Hindi siya agad nakapagsalita. Ilang sandali pa ang pinalipas naming tahimik. Nang may biglang umilaw sa kanan ko ay lumapit na ako sa kanyang parking space. May dadaan kasing sasakyan.

“Bakit mo ako sinundan?” Mas klaro ang boses niya ngayon.

Napatingin ako sa kanya. His deep set eyes melted whatevers left with my walls. Ang isang kamay niya ay naka sabit sa kanyang bulsa. It made his biceps look bigger.

Kinain ng isang hakbang ang kalahati ng distansya naming dalawa. Napalunok ako.

“Nag aalala ako… Akala ko umuwi ka na…” sagot ko.

Halong sakit at saya sa puso ko. Pakiramdam ko, sasabog na ito ngayon dito. Pakiramdam ko, magkaka heart attack ako sa harap ni Jacob.

“Hindi ako uuwi. Hindi pa naman tapos ang birthday ni Leo…”

Kinagat ko ang labi ko. Tangina. Bakit ganito? Hindi ako makatingin sa kanya. Alam kong nakatitig siya sa akin.

“‘Tsaka hihintayin pa kita. Ihahatid kita sa inyo…”

Nag angat ako ng tingin sa kanya. His eyes looked serious and in pain. Pakiramdam ko kapag tinitingnan ko siya, nakikita rin niya lahat ng sakit na nararamdaman ko.

“Hindi ka naman siguro sasabay… sa…” Hindi niya pinagpatuloy.

Umiling na kaagad ako. I know what he meant. If he means Karl… or Duke… kahit kanino, hindi ako sasabay.

“Good…” aniya.

Tumango ako, nangingilid na ang luha. He smiled weakly. Mas lalo lang akong naiyak.

Bakit nagkakasakitan ang taong nagmamahalan? Kung mahal pala namin ang isa’t-isa, bakit ang sakit sakit?

Kinagat ko ang labi ko…

Then I realized… it’s because we don’t really love. We don’t act the word. We only feel it. Love should be shown. Love should be shown at all times. Through kindness, patience, and forgiveness.

I forgive him. I forgive him for everything. I forgive the past. I forgive myself. I forgive my decisions.

Bumuhos ang luha ko sa kanyang harap. Sa hiya ko ay tinakpan ko ang aking mukha. Nanatili akong nakatayo sa kanyang harap. Naramdaman ko ang pag lapit niya sa akin.

“Jacob, I’m sorry… I’m sorry for my reckless decisions. I failed to love you when you weren’t loveable. I’m sorry for not considering your feelings. Sorry… Sorry kasi nasaktan kita ng sobra sobra kahit na alam kong ako lang ang kinakapitan mo. I only want what’s best for you. Gulo rin ako noon!”

“Shhh… Sorry rin sa lahat. Sorry dahil hindi ko nakita kung gaano ka nahirapan. Tama ka. Sariling sakit ko lang ang naisip ko. Hindi ko naisip ‘yong iyo.”

Umiling ako. “No… You thought it’s easy for me to let go of you. And I don’t blame you for feeling that way. We both love differently. Kaya patawarin mo ako, Jacob. Nasaktan kita…” Nabasag ang boses ko.

Isang mainit na yakap ang bumalot sa akin. Pumikit ako ng mariin. His arms feel like my home. Para akong nawala ng ilang taon at ngayon ay nakauwi na sa wakas. Para akong nagpaanod sa gitna ng dagat at ngayon ay nakaapak na sa lupa.

“Pangako… gagawin ko ang lahat para intindihin ka, simula ngayon. Pangako, makikinig ako sa’yo…” pabulong niyang sinabi. “Rosie, bumalik ka na sakin…”

Kinagat ko ang labi ko at humagulhol na lang sa kanyang dibdib.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 3 – Kabanata 27

Kabanata 27

Refuse

Tahimik ako sa loob ng sasakyan ni Duke. I don’t want him to be bothered though. Alam kong ramdam niya ang katahimikan ko kaya niya pinatugtog ang stereo. Madalas hindi niya ginagawa iyon.

“Are you okay?” binasag niya ang katahimikan.

Duke is a friend. I suddenly want to share some things to him but I know it will probably hurt him so I didn’t. Si Maggie na lang ang kakausapin ko. O di kaya ay si Karl!

“Okay lang ako…”

“You’re spacing out.”

Tumango ako. “May iniisip lang.”

“May problema? Pamilya?” tanong niya.

Ngumiti ako. “Wala…”

Hindi na ulit kami nag usap. Ikinahiya ko iyon. I have to remind myself that next time, I shouldn’t let him drive me home.

Kinalas niya ang aking seatbelts. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon. Napagtanto ko kaagad na nasa tapat na pala ako ng bahay.

“I-I’m sorry…” natatawa kong sinabi.

“It’s okay…” aniya.

Binuksan ko ang pintuan. Karga karga ko ang bouquet na binigay niya sa akin kanina. Nginitian ko siya. Tipid rin siyang ngumiti sa akin.

Sinarado ko ang pinto. Pagkatapos ay umalis na siya. Nanatili ako ng ilang sandali sa labas bago tinalikuran iyon para makapasok sa aming gate.

Hindi ko pa nabubuksan ang gate namin ay nakita ko na ang anino ng isang matangkad na lalaki sa pintuan. It was Jacob. Nagtiim bagang ako. He’s here again! Mabuti naman at hindi ko na kakailanganin ang tulong ni Leo para lang makipag kita kay Jacob.

Pumasok ako sa gate namin. Kitang kita ko ang paglunok ni Jacob at pagbukas niya sa pintuan ng bahay para makapasok ako.

Dire diretso ang pasok ko. Si Maggie at James ay nasa kusina at mukhang abala sa paghahanda ng pagkain.

Nilapag ko ang mga rosas sa lamesa at hinarap si Jacob.

“Hiwalay na kayo ni Felicity?” malamig na tanong ko kay Jacob.

Hindi siya nakapagsalita. Parang nagulat sa tanong ko.

“Why did you court her in the first place, anyway?”

Matalim ko siyang tinitigan. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nakatingin si Maggie sa aming dalawa. Wala akong pakealam kung marinig ng kapatid ko at ni James ang mga bagay na ito.

“What? To show me that you’re with someone new?” tanong ko. “Pumunta siya sa opisina kanina! She went there! She cried! She told me she left you because she thinks you don’t love her! Tell me! Do you love her?” sigaw ko sa kay Jacob na ngayon ay nakatayo lang sa harapan ko.

Pakiramdam ko mababaliw na ako sa kakatanong sa kanya dito ngunit mananatiling ganyan ang reaksyon niya.

“Tingin ko ay tama ang lahat ng sinabi mo noon sa akin…” mas malamig niyang tono.

“Na ano?” inip kong tanong.

“Na… nakakasama ka sa akin. Gusto kitang balikan… pero natatakot akong pag nakita mong masyado ulit kitang mahal, iiwan mo ulit ako. So I chose her. She’s a better choice.”

“Yes…” Tumango ako. “She’s a better choice.”

Tangina!

“Hindi niya ako bibiguin. Mahal niya ako. Wala akong takot kapag siya ang para sa akin. Kapag ikaw, lagi akong takot. Ayaw ko nang maulit pa iyon…”

Tangina ang sakit!

“O! Edi bakit mo hinayaang makawala ‘yon! Edi sana ‘di ba? Nagmakaawa ka! Kasi ‘yon dapat ‘yong sa’yo! She’s a better choice!”

Pagod niya akong tiningnan. Hindi siya nagsalita. Pumungay ang mga mata niya at ngayon ay pulang pula ang kanyang ilong.

“Kaya ka ba nandito kasi wala na siya? Wala na ‘yong better choice mo kaya ako ulit?”

I did not want to sound so bitter and hurt but I did. Nawalan na talaga ako ng filter ng tuluyan.

“Hindi ba ikaw na rin ang nagsabi? Nakakasama ka sa akin. I believed in you. Masyado akong in love sa’yo kaya totoong nakakasama na iyon. She’s a better choice because I don’t love her the way I loved you.”

Hindi ako nakapagsalita.

“Hindi ko siya hinabol dahil alam kong sa huli, hindi parin talaga pwede! Sinong niloloko ko? ‘Di ba?”

“Fuck! And you shut up! I’m trying my best to move on! I hated you so much for finding someone! For not listening to me when I needed you to hear my heart! Ang tanging nakikita mo lang noon ay ang sarili mong puso! That you’ll get hurt if I let you go!”

“I hated you too, Rosie! Tinulak mo ako palayo! Sobra sobra ang sakit na binigay mo sa akin! At alam kong nasaktan ka rin sa ginawa mo noon! Hinawakan mong mag isa ang relasyon nating dalawa! Nating dalawa! Sating dalawa ang relasyong iyon! Dapat tayong dalawa ang nag dedesisyon!”

“Hindi mo kayang mag desisyon sa mga panahong iyon. You’re broken that time!” sigaw ko.

“Mas lalo ka dapat nag ingat sa desisyon mo! Dahil wasak ako noon! You did not believe in me. Hindi ka naniniwalang kaya ko. Ang taong sandalan ko, hindi naniniwala sa akin. How can I believe in myself, then?”

Natahimik ako.

“Nawalan ako ng tiwala sa sarili ko noon! Dahil sa nangyari! Ayaw ko nang balikan pero nasaan ako ngayon? Ha?” sigaw niya.

“Then should I thank Felicity for breaking up with you? Kaya nandito ka ulit sa akin?” Nanliit ang mga mata ko.

Huminga si Jacob ng malalim. Pulang pula ang kanyang mga mata. Maging ang kanyang ilong ay pulang pula na rin.

“Dito rin naman ‘to patungo. Alam ko ‘yon, noon pa… She just spared me the break up lines…” Nag angat siya ng tingin sa akin. “Bakit? Masaya ka ba na nandito ulit ako? Hindi ba ay may iba ka na rin?”

Napatingin siya sa mga bulaklak sa lamesa.

Suminghap siya ng matagal at nakita ko ang sa gilid ng mga mata niya ang mga luha. Parang kinukurot ang puso ko. Nawalan ako ng lakas para sigawan siya o magsalita man lang.

“Kaya nga pagkakakaibigan na lang ‘di ba? Kahit anong kaya mong ibigay, ‘yon na lang… Ayokong magaya kay daddy. I refuse to marry for convenience. Kahit na sabihing minahal niya si mommy, alam kong ganito ang naramdaman niya para kay Auntie Precy. I refuse to be like him. I want… you… Pero kung hindi pwede, edi di bale na.”

Hindi ako nakapagsalita. Ang sikip ng dibdib ko at pakiramdam ko ‘di ko pa kayang magsalita.

Tumikhim si Maggie. Walang nagsalita sa aming dalawa ni Jacob. Na estatwa ako sa kinatatayuan ko. Ganoon din siya.

“Dinner?” ani Maggie.

Hindi ako nagsalita. Umiling naman si Jacob.

“Salamat, Mag… Mauuna na ako… Uuwi na muna ako…” ani Jacob.

Sumulyap siya sa akin. Hindi ko siya pinigilan. Masyadong masikip itong bahay para sa aming dalawa.

“Oh? Kumain ka muna bago umuwi…”

“Hindi na…” ani Jacob sabay labas sa aming pintuan.

Sumunod si Maggie sa kanya para siguro ihatid sa labas. Nanghina ang tuhod ko. Hindi ko kinaya kaya naupo na ako sa sofa. Niyakap ko ang mga tuhod ko at ginulo ko ang buhok ko.

Nang narinig ko ang pag alis ng Hummer. Bumalik si Maggie sa loob. Umuga ang sofa. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nasa tabi ko si Maggie.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong naiyak dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko ang mga luhang ito ay masyado kong inalagaan sa loob ng aking mga mata.

“Tangina, Mag… Ano na ngayon? Hindi ko na alam!” sabi ko.

“Ganoon ba kayo lagi kung mag usap? Nag sisigawan? Mag usap naman kayo ng mahinahon o…” ani Maggie.

“I’m trying to move on! Nakapag simula na ako. Tapos ganito? Ano? Balik sa dati? Nawala lahat ng pinaghirapan ko?”

“Bakit? Rosie, ano ba ang gusto mo?” tanong ni Maggie.

Maging ako ay wala nang sagot sa tanong na iyan. Ang hirap. Sobrang hirap.

“It’s not that easy! It’s not that easy to come back to him, you know! Paano? Hindi ko alam! I can’t even imagine it!”

“Dahil nagbago na siya?” tanong ni Maggie.

Hindi ko alam kung bakit nahihirapan ako. Hindi ako makapaniwala na may posibilidad na magkabalikan kami. And if it’s a wise choice! What’s a wise choice in this situation? Hindi ko alam. Natatakot na akong mag desisyon at magkamali! Natatakot na ako!

Paano kung nagkabalikan kaming dalawa tapos mapagtanto niyang sana si Felicity na lang pala talaga? Paano kung dahil sa pagbabago niya, hindi na ako magkasya sa mundo niya? Paano ako? Ako na hanggang ngayon mahal na mahal parin siya tulad ng dati?

“Natatakot ako!” sabi ko, nanginginig ang aking boses.

Noon, matindi ang pananalig ko kay Jacob. Ngayon, pakiramdam ko ibang tao siya. Pakiramdam ko hindi na siya iyong dati. Pero mahal ko parin siya kaya natatakot ako.

“You’ll figure it out. Mag usap ulit kayo. Sabihin mo ‘yan sa kanya… You two matured. I’m sure you’ll find a way…”

“Do you think we need space?” tanong ko.

Pakiramdam ko mababaliw na ako sa kakaisip ng mga susunod na mangyayari. Ito ang nagagawa ng pagmamahal ko kay Jacob. Kung tutuusin, pareho lang naman yata kaming dalawa noon.

“You’ll figure it out…”

Habang kumakain kaming tatlo sa kusina ay tulala ako. Hindi na ako nahiya kay James na panay ang tingin sa akin. Pakiramdam ko sobrang pagod ako sa nangyayari.

“Mag absent ka muna bukas…” ani Maggie.

“Hindi pwede… may interview ako…” maagap kong sagot.

“I think you need to rest, sis. i’m sure may mag ki-carry out sa task mo if wala ka bukas…”

“Ayoko…”

Pakiramdam ko kapag aabsent ako, itutuloy tuloy ko na. Mag li-leave ulit ako ng mahabang panahon. Parang ayaw kong pumasok.

“Mabait naman si Duke. Maiintindihan ka noon.”

Naisip ko si Duke. I remember everything about him. Lahat ng namagitan sa aming dalawa. It’s breaking my heart.

Pumikit ako ng marahan.

“Hindi ka pa sumusubo ng kahit isa. Magkakasakit ka niyan…”

Hindi nagkamali si Maggie. Nilagnat at sinipon nga ako sa kakaiyak sa gabing iyon. Sumabay pa talaga ang sakit sa mga nangyayari. Kaya kinaumagahan ay wala akong choice kundi ang umabsent.

“Duke, I’m sorry I can’t go to work. Nilalagnat ako,” sabi ko nang tinawagan ko siya kinaumagahan.

“Oh? What happened? I’ll drop by your house to give you medicines…” ani Duke.

“Huwag na! Trangkaso lang ‘to. Tsaka nakainom na rin ako ng gamot. Pahinga na lang ‘to.”

I know he would insist but I promised myself to be firm.

“Rosie, gamot lang naman. Sige na. Tsaka pagkain na rin…”

“No, Duke. Baka wala ring tao dito mamaya kasi mag papacheck up ako kung lumala ‘to.”

“Edi samahan kita sa doctor?”

Suminghap ako. “Duke, I’m really okay. I just need my rest. Please, don’t bother…”

Natahimik si Duke. Pakiramdam ko may ginagawa akong mali pero hindi ko parin binawi.

“Okay… Get well then…”

“Thank you, Duke.”

“Ako na ang bahalang tumawag sa Manager. You’ll be fine.”

“Hindi na. Tinawagan ko na si Ma’am. Okay na daw.”

“Ganoon ba? O sige… Mabuti naman.”

Binaba ko ang cellphone ko. Nanatili akong nakahiga sa kama buong araw. Walang laman ang utak ko kundi ang lahat ng nangyayari.

He refused to be like his father. I refuse to be like Auntie Precy. Ayaw niyang maging katulad siya ni Don Juan kaya hinayaan niyang umalis si Felicity. Ayaw kong matulad kay Auntie Precy kaya di ako mag aantay sa kanya at sinubukan kong mag move on. It’s so funny that we did the same thing only in a different light. Magkasalungkat kaming dalawa, kahit saan tingnan.

Pero kung ginawa noon ni Don Juan ang ginawa ni Jacob ngayon, ano ang gagawin ni Auntie Precy?

She would probably reject him and tell him to go back with Cielo. Or… she would grab that opportunity to be with Don Juan? Hindi ko alam kung alin.

And I refuse to be like her.

I dialed her number. Bago ko pa tuluyang ma dial ang number niya ay may tawag galing kay Leo.

“Hello?” sagot ko kaagad.

“Mamaya ha?”

Bahagya akong nag hang. I don’t remember any hang out session today.

“Mamaya?”

“Tsss. Rosie, it’s my birthday!”

“Oh! Shoot! Happy birthday, Leo! Mamaya?”

“Oo! Iyong sinabi ni Karl sa’yo… Okay? I’m expecting you to be there, Rosie…”

“O-Okay…” sabi ko.

“Okay… Bye. Tatawagan ko pa ang iba…”

“Bye. Happy birthday ulit.”

“Thank you…”

Binaba niya ang cellphone. Ilang sandali akong natulala bago tuluyang dinial ang numero ni Auntie Precy.

Pagkasagot niya sa tawag ko ay rinig na rinig ko pa ang mga boses ng estudyanteng nag gu-Good morning sa kanya.

“Rosie, napatawag ka?”

“Auntie… I have a question…”

“Ano? May klase ako. Bilisan mo…” aniya.

“Kung… iniwan ni Don Juan Antonio si Cielo noon, tapos bumalik siya sa’yo… anong gagawin mo?”

Ilang sandali siyang hindi nagsalita. Napatingin pa ako sa cellphone ko para icheck kung naroon pa ba siya.

“Well… Itutulak ko siya palayo. Ipapabalik ko siya kay Cielo. Bakit mo naitanong?”

Nabigo ako sa sagot ni Auntie. “Bakit po?”

“Minahal ko si Juan Antonio dahil sa paninindigan niya. Kung iniwan niya si Cielo, ibig sabihin hindi niya ito pinanindigan.”

“But you have your chance! You can’t blow it away!”

“Bakit ka nagtatanong? Rosie, hindi ko na maibabalik ang dati. Ang importante ngayon, pinanganak si Jacob. Iyon ang isipin mo. Sige na… Ibababa ko na ‘to.”

“Te!” sigaw ko pero binabaan niya na ako.

Padabog kong binaba ang cellphone ko sa aking kama.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 3 – Kabanata 26

Kabanata 26

Done

Nahihiya ako kay Duke. Noong Linggo ay madalang ang text ko sa kanya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na hindi pa talaga ako handa. Na pinipilit kong maging maayos at ayaw kong sa bandang huli ay masaktan ko siya. But I also don’t want to tell him that through the phone. Gusto ko ng harap harapan para mas maayos ang usapan.

Maaga ako sa trabaho nang nag Lunes. I’m hoping to see Duke before he goes out for a meeting. Nag titimpla ako ng kape at luminga linga sa buong opisina para mahanap siya.

“Nandyan naba si Mr. Valenzuela?” tanong ko sa isang empleyado.

“Wala pa yata, Miss, e…” sagot niya.

Nasa labas rin ako uminom ng kape para mag antay sa kanya. Nang may nakita na akong mga pulang rosas ay tumuwid na ako sa pagkakatayo. I think it’s him!

Pupunta na sana siya sa opisina ko ngunit nang nakita niyang nasa dispenser ako ay lumapit siya sa akin. Napatingin ako sa mga empleyadong nakatingin sa amin. Uminit ang pisngi ko.

“Good morning, beautiful!” aniya sabay bigay ng bulaklak sa akin.

Tinanggap ko iyon. Sa kabilang kamay ko ay ang kape.

“Thank you, Duke. Naku! Nag abala ka ulit…”

Iginiya ko siya patungo sa aking opisina. Kabado na ako pagkapasok pa lang. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan pero kailangan ko talagang sabihin kaya wala akong magagawa. Nilapag ko ang mga rosas sa aking lamesa at umupo sa swivel chair. Si Duke ay nasa harap ko ulit, like the usual.

“Duke…” sabi ko sabay pangalumbaba sa aking lamesa.

I just want this as smooth as possible. Ayaw ko ng tensyon.

“Maybe we should slow down…” panimula ko.

Tahimik lamang siya. Parang hinihintay akong dagdagan ang sasabihin.

“I mean… sa lahat ng ito… Slow down. I don’t want to just suddenly decide…”

“I’ve been slowing down for years… But… yes, Rosie. I told you I can wait…”

“I don’t want you to wait…” Shit!

Hindi nakapagsalita si Duke. Hindi ko alam kung paano sasabihin ang parteng iyon. Ayaw kong ipressure ang sarili kong mag move on dahil lang may nag aantay. I want to go through this journey alone. Iyong hindi ako natatakot na matagalan kasi ako lang din naman ang involve. Pag may pinag antay ako, mapepressure lang ako.

“I mean… I don’t want you to be involved. I want to be okay alone first.”

“Okay…” Tumango siya.

Tumango rin ako.

“It’s been three years since you and your ex broke up. I hope you’ll be okay. That’s a long time…”

“It’s not about that… Ayaw ko lang mag padalos dalos, Duke.”

“Okay… I support you on that. Hindi tayo magpapadalos dalos…” Ngumiti siya.

“Thank you…” sabi ko.

May kumatok sa aking pintuan. Bumukas ito at nagpakita si Joanne.

“Aalis na tayo, sir,” aniya kay Duke.

“Okay… Susunod na ako…” Bumaling si Duke sa akin. “So… I’ll just text you then?”

Tumango ako at tipid na ngumiti.

Pagkaalis niya ay ‘tsaka ako nakahinga ng malalim. I didn’t mean to hurt or disappoint him, though. Gusto kong mag text sa kanya at mag sorry pero hindi ko ginawa. I will remain firm with my decision.

Inubos ko ang ilang oras sa loob ng opisina para sa mga paper works. May upcoming job interviews sa mga applicant ng mga malls nila kaya hinahanda ko rin ang mga files.

Naisip kong hindi ako papadalhan ni Duke ng pagkain kaya alas onse pa lang ay lumabas na ako para makabili ng pagkain. Gusto ko kasing tuloy tuloy na ang trabaho para mamayang hapon.

Nang naaninag sa lobby ang isang pamilyar na babae ay natigilan ako. Felicity is wearing a white off shoulder dress. Nang nakita niya ako ay tumayo siya.

Tiningnan ko ang bulletin board. I’m pretty sure the second interview’s done.

“Hi Rosie!” ani Felicity sabay ngiti.

“Hello!” Hindi ko alam kung paano pa ngingiti sa kanya. “Second job interview?” tanong ko.

Umiling siya. “Nagpunta ako dito para makausap ka.”

Hindi ako nakagalaw sa sinabi niya. What’s this for? Luminga linga ako para matingnan kung may ibang tao ba.

“Can we talk in private?”

Hindi ko alam kung sa opisina ko ba siya dadalhin o sa labas. But I figured it’s more private in my office so…

“Sa opisina tayo…” malamig ang tono ko at tinalikuran ko na siya para maka diretso sa opisina.

Sumunod naman siya. Pinagbuksan ko siya ng pintuan. Pumasok siya. She gracefully sat down the chair in front of my table.

Umupo naman ako sa swivel chair. Now this is so awkward!

“Is there something wrong with the result of the interview?” panimula ko.

“Hindi iyan ang pinunta ko dito…” Bigo siyang ngumiti.

Now, my heart’s on my throat. Ano ang pinunta niya dito kung ganoon?

“I broke up with Jacob…” aniya.

Umalingawngaw iyon sa buong opisina ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pagkatapos noon. Nanatili ang tingin ko sa kanya. Kitang kita ko ang bigo at pagod sa kanyang mga mata.

“I can’t handle him…” wika ni Felicity.

Nanginig na ang kanyang boses. Tears stream down her eyes. Hindi ako makahinga. Naestatwa ako sa kinauupuan ko.

Umiling siya at humikbi. Nangilid din ang luha sa aking mga mata. Here is a girl who loves Jacob dearly. She is weeping for it.

“Anong nangyari? Bakit?” tanong ko.

“From the very beginning, I know that he’s still not over you. From the very start of our relationship, I know what I’m risking. Na sugal itong lahat pero kaya kong sumugal dahil si Jacob, e.”

“Huh?”

Kumalabog ang puso ko. Hindi na ako makahanap ng mga tamang salita. Hindi ko alam kung paano siya aaluin.

“I tried my best. He tried his. But he failed miserably!”

“That’s impossible! You two looked so in love with each other!” sabi ko.

“I’m in love. He’s just being a gentleman!”

Hindi ako nakapagsalita. Pinalis ni Felicity ang kanyang mga luha.

“Nagpunta ako dito para sabihin sa’yo ‘to. Because I know… I know deep within him, he wants you back. He’s just so scared…”

Hindi ako makapaniwala na naririnig ko ito ngayon. If I were her, I’d go. Hinding hindi ko sasabihin sa taong mahal ng mahal ko ang mga ito.

“Alam mo, Rosie? Galit na galit ako sa’yo! Galit na galit ako kasi bakit ikaw pa ang nauna! It could’ve been me! If only mas maaga niya akong nakilala! Galit na galit ako sa’yo sa lahat ng ginawa mo sa kanya! Wala siyang kasalanan! Minahal ka lang niya-“

Umiling ako. “You don’t understand. You don’t know that. Hindi ikaw ang nasa-“

“Kahit ano pa! I would never leave Jacob for anything. I’ll hold his hand and guide him through his problems! Lalo na dahil inaasahan niya iyon. But you didn’t! I’d like to think that these are just hang ups! Pero tuwing tinatanong ko siya tungkol sa’yo, alam kong hindi!”

Anong sasabihin ko? Galit ako kay Jacob ngayon. Is this why he’s been acting strange lately? Kasi wala na sila? E tangina niya pala! Asshole!

“Kailan kayo nag break?” tanong ko.

“The same night you two got stranded! I broke up with him…”

“If you love him, bakit mo siya nakayang iwan? Hindi ba kakasabi mo lang na hinding hindi mo siya iiwan? That you’ll just hold his hand and guide him?”

Sumuko ang mga luha ko.

“You know he’s a gentleman. He won’t fail you! Hindi ka niya iiwan! Alam mo ‘yon? Kasi responsibildad niya ang puso mo! Alam ko ‘yon dahil kilala ko siya! Alam kong papanindigan niya ang mga desisyon niya! You should’ve stayed with him! E gaga ka pala! Iniwan mo! Kahit mahal mo?”

Hindi ko alam kung sinong sinasabihan ko noon. Siya ba o ang sarili ko!

Bahagya siyang huminahon. Pulang pula ang kanyang ilong. Tumuwid siya sa pagkakaupo at inayos niya ang sarili niya.

“Because it would only hurt him. Kapag nanatili ako sa kanya, masasaktan lang siya. At mas lalo lang akong masasaktan.”

Natahimik ako. Hindi ko alam kung bakit niya ito sinasabi sa akin.

Kumuha siya ng tissue at pinunasan niya ang kanyang mga luha. Natulala ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

“Alam mo ba noong una kaming nagkakilala? He’s cold and ruthless… I melted his facade. He loosen up… And at the same time, he got through me too.”

Ayaw kong marinig ito. Hindi ako tulad niyang martyr. Matalim ko siyang tinitigan pero hindi niya nabasa ang ibig kong sabihin.

“Months passed, doon ko pa lang naramdaman kung anong kulang. He’s so kind… gentle… and caring… you won’t realize it when you’re not in love with him. And then I heard about you…”

“Bakit mo ‘to sinasabi sa akin?” Nag iwas ako ng tingin.

“Dahil masasayang ang pag iwan ko sa kanya kung hindi mo ‘to malalaman. You left him, you pick him up now. Don’t wait for him to make the first move because he’s so damn scared you’ll break his heart again!”

“I broke his heart for the right reasons! And you think hindi ko rin nasaktan ang sarili ko? I was hurt too! Ako! Ako ‘yong nag sakripisyo! Nabigo rin ako! Why can’t you frigging see that? Kung ikaw ba ang nasa kinatatayuan ko, hindi mo ‘yon gagawin? And how sure are you na hindi mo ‘yon gagawin, ha? You don’t know anything! That was my only choice!”

“Kung ako ang nasa posisyon mo noon, I would do anything just to support him! That’s what he needed that time! The support from you but you did not give him anything! Sakit lang ang binigay mo sa kanya!”

“Fine! You’re the better decision maker! Pero nasasabi mo lang ‘yan kasi hindi mo naramdaman ang lahat ng naramdaman ko noon! My mother’s sick! Walang pera sa bahay! Nag aaral ako! And my boyfriend’s self destructing because his attention’s all on me! Hindi siya makalingon sa business na iniwan ng kanyang ama! You think it’s that easy to just support and guide him?”

Pumikit si Felicity. Hindi siya nakapagsalita. Nanginginig ako sa pinaghalong galit at inis.

“Sana, Rosie… sa pagkakataong ito, huwag mo na siyang saktan. I don’t know what kind of boyfriend he is to you but to me, he’s supportive, gentle, kind, sweet, and caring. He just can’t be faithful to me. Dahil alam ko kung sino talaga ang tinitibok ng puso niya.”

Hindi ako nakapagsalita. If I were her, I wouldn’t let Jacob go. Mahal na mahal ko ‘yon at di ko hahayaang sa iba siya mapunta. It would break my heart.

“I love him so I set him free. I freed him dahil totoong mukha siyang nakakulong sa akin. He’s trying his best to be fine but I know deep inside him he’s not. Nandito ako ngayon sa harap mo para sabihin sa’yong huwag mo siyang sasaktan pa… Ang hirap magmahal ng taong hindi ka minamahal, Rosie. Ang hirap magbakasakali na mabaling ang atensyon niya sa akin. Huwag mong sayangin ang pagpapakawala ko sa kanya…”

Tumayo si Felicity at dumiretso sa pintuan. Padabog niyang sinarado ang pintuan. Pumikit ako ng mariin. What is this mess we made?

Paulit ulit kong binalikan ang mga sinumbat ni Felicity sa akin. Hindi parin ako makapaniwalang wala na sila. Wala namang sinabi si Jacob sa akin. Hindi naman niya sinabing break na sila ni Felicity. Hindi kaya gusto pa ni Jacob na magkabalikan silang dalawa?

Buong araw na akong wala sa sarili sa aking opisina. Hindi na nga ako nakapagtanghalian dahil sa sobrang preoccupied sa nangyari. Jacob is such an ass! At hindi niya ba hinabol si Felicity? He did not ask her back? What if he’s asking her back now?

Pinindot ko ang numero ni Leo sa aking phonebook. Nag ring ito at agad na sinagot.

“Yes, Rosie…” his tone is playful.

“Leo, can you answer a question?”

“Ano ‘yon?” pumormal ang boses niya.

“Break na ba si Felicity at Jacob?”

Hindi siya agad nakasagot. “B-Bakit?”

“Nagtatanong ako. Huwag mo akong sagutin ng tanong…”

“Rosie, how did you know?”

Pumikit ako ng mariin. “Can I have Jacob’s number?”

“O-Okay… I’ll send it to you…”

Namuti na lang ang mata ko at walang dumating na numero ni Jacob. Gusto kong magsisigaw ng mura. Hindi ako mapakali buong araw sa opisina. Naiflood ko na rin kay Leo ang pag hingi ko ng numero kay Jacob pero walang dumating.

“Are you done?” tanong ni Duke.

Hindi ko nga namalayang alas singko na. Kung hindi pa niya ako kinatok at pinasok sa opisina ay mag oovertime ako ng walang ginagawa.

“Yes… I’m… done…” sabi ko sabay hagilap sa aking bag.

“I’ll drive you home.”

“Huwag na, Duke…” sabi ko.

“I know what you’re doing. You want me to back off a bit but this is just a friendly gesture. It’s just a drive to your home. Ni hindi nga kita niyayayang mag dinner, e.”

He smiled. I couldn’t. Tumango lamang ako.

“Okay then…”

My mind’s spinning. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong unahin. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos nito.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 3 – Kabanata 25

Kabanata 25

Ngiti

Nakahilig ang ulo ko sa isang malaking sofa. Ako lang yata itong nagpaparty na mukhang puyat.

“Rosie, phone mo. Lumilindol sa buong lamesa. Kanina pa ‘yan nag vavibrate!” sigaw ni Belle sa gitna ng malakas na house music.

Dumilat ako at kinuha ang aking purse, kung nasaan ang cellphone ko.Sumasayaw na si Callix, Ava, at Karl sa dancefloor. Tanging si Belle, Edward at Josh na lang ang natitira sa aming lamesa.

Tiningnan ko ang cellphone ko.

Simula kagabi, parang nawala ulit ako sa tinatahak kong landas. Pakiramdam ko unti unti ulit akong lumiliko. Pakiramdam ko niloloko ko lang ang sarili ko. Paulit ulit kong sinabi sa sarili ko na ayos lang iyon. Paano ba mag move on? Hindi ba ganoon naman talaga? Sa una, mag aalinlangan ka pa at magmumukha kang napipilitan. Eventually, new feelings will grow within you. This is what I’m doing. There’s not need to get confused.

Duke:

How’s the party?

Binalik ko sa purse ang cellphone ko. Hinilot ko ang aking sentido at hinilig ulit ang ulo sa sofa.

“May sakit ka ba, Rosie?” tanong ni Belle.

“Huh? Wala…” sabi ko nang ‘di dumidilat.

“Kanina ka pa walang gana ah?”

“Medyo masakit lang ang ulo ko…” sa kakapuyat kagabi.

Masasaktan ko si Duke. Kailan ko siya sasagutin? Saan patungo ang ginagawa naming ito? Buhol buhol ang mga tanong sa aking utak. Tama ba ito? I know that Maggie’s right… Maybe… Maybe I’ll live with it. Eventually, matatanggap ko na kahit mahal ko pa si Jacob, maaappreciate ko ang presensya ni Duke.

Ngayon… naiintindihan ko na si Auntie Precy. I know what she’s gone through. I know why she only loved Don Juan Antonio. Dahil syempre, kung pipilitin niyang magmahal ng iba, masasaktan lang sila dahil ang totoo kay Don Juan parin siya. But do I repeat what she did? No… I refuse to do that. That’s really hard. This one in front of me is easy.

“Hello?” narinig ko si Karl sa kanyang cellphone.

Imbes na ihilig lang ang ulo doon sa sofa ay umayos na ako sa pagkakaupo. Dalawang shot ng vodka ang dire diretso kong nilagok. Baka sakaling maging maayos ako pag uminom.

“O? Talaga!? Sa mga sofa!” ani Karl sabay pasada ng tingin.

Nagkatinginan kaming dalawa.

“Sino ‘yan?” tanong ni Callix.

“Ah! Sina Leo at Teddy. Nandito sila sa parehong bar.”

What the heck? Really? And Jacob with Felicity too, that’s for sure!

“Tapos? Pinapunta mo dito?” tanong ko.

“Eh nagtanong kung nasaan tayo…” Nagkibit ng balikat si Karl.

“Paano nila nalaman na nandito tayo?” tanong ko.

“Nag upload ako ng picture kanina…” sagot ni Callix.

Damn it!

“Bakit? May problema ka ba sa kanila, Rosie?” tanong ni Callix.

Bago pa ako makasagot ay dumating na si Louie at Teddy. Kaliwa’t kanang high five ang binigay nila sa kay Karl, Callix, Edward, at Josh.

Nilingon ko ang likod nila at wala naman si Jacob doon. Silang dalawa lang. Naupo sila sa sofa namin at nag kwentuhan tungkol sa kung anu-ano.

“Rosie!” ani Teddy sa akin.

Ngumiti ako. Sinuklian niya rin iyon ng ngiti.

“Tara Belle! Sayaw tayo!” ani Ava.

Tumayo silang dalawa ni Ava. Sumunod si Louie sa kanila. Nagsalin ulit ako ng unumin sa aking baso. Wala si Jacob. Calm down, Rosie…

“Kailan pa kayo nakabalik dito?” tanong ko.

“Noong isang araw pa ako. Sumama ako kay Ron at April. May honeymoon daw ang dalawa.”

“Oh? Saan sila nag honeymoon?” tanong ko.

“Sa Batangas daw…”

Then I remember Duke’s offer. Bumagsak ang tingin ko sa inumin ko at nilagok ko ito. Sasama pa ba ako doon? I feel like I’m being unfair to Duke. Ito rin ba ang naramdaman ni Auntie noon tuwing may ineentertain siyang iba? Na si Don Juan parin talaga?

“Oh? Kailan ang uwi nila?” tanong ko.

“Siguro nakauwi na ang mga iyon sa birthday ni Leo. Nga pala… pumunta ka ha?” ani Teddy.

“Asan nga pala si Leo?” tanong ni Karl.

“Andoon pa sa labas. Kasama si Jacob.”

Halos mailuwa ko ang iniinom ko. So much for concluding na wala siya! The hell?

“Don’t worry, Rosie… Mag isa si Jacob.”

“Ha? What do you mean?” Patay malisya kong sinabi.

Umiling si Teddy at nginitian ako.

“Bakit nga pala kayo nandito?” winala ko ang usapan.

“Nagkayayaan lang. Minsan lang kami sabay sabay na nandito. Si Louie baka mamalagi na sa Alegria, e.”

“Oh? Sa negosyo ‘no?”

“Si Jacob rin, baka mamalagi sa Alegria.”

Nag iwas ako ng tingin. Kitang kita ko ang kuryosidad sa mga mata ni Teddy nang sinabi iyon sa akin.

Bakit mamamalagi si Jacob sa Alegria? Akala ko ba Manila based siya?

“Ganoon ba?” sabi ko sabay tingin sa tumayong si Josh at Edward.

Umiling ako. Nakita kong may gusto silang lapitan na mga babae para pormahan. Biniro ko pa sila na isama nila si Karl. Talagang sumama ang mokong sa pamomorma.

“Hello, dude! Asan na ba kayo?” ani Teddy. “Ang tagal n’yo namang pumasok! Ano nakahanap ka ng chic diyan?”

Tumikhim ako at uminom ng tubig. Inayos ko ang damit ko. I’m wearing a black tube top dress.

“O sige… Lina kayo…” ani Teddy at binaba na ang cellphone. “Si Leo…” paliwanag niya sa akin.

Ilang sandali ang nakalipas ay naaninag ko na si Leo. Tumuwid ako sa pagkakaupo ko. Nasulyapan ko pa si Jacob sa likod niya. Mag isa nga siya. Tunay na wala si Felicity.

“Oh? Nandito ka pa?” Humagalpak si Leo sabay highfive kay Teddy.

“Ang tagal n’yo e!” ani Teddy.

Bumaling ako kina Karl. I don’t want to be awkward. Kaya laking pasasalamat ko nang bumalik si Karl at si Josh sa mesa. Si Edward ay nakasayaw na ang babaeng pinormahan sa dancefloor.

“Dude!”

Bumalik din si Callix at kaliwa’t kanan ang high five. Tahimik lang ako habang nag uusap usap sila. Umupo si Jacob sa tabi ni Teddy. Nakita kong nag tawag kaagad siya ng waiter at umorder na. Nag iwas ako ng tingin.

“Nasa kabilang lamesa ang mga pinsan ko. Pupuntahan ko lang…” ani Teddy at tumayo na.

“Sama ako…” ani Leo pero bago siya umalis ay nagbilin ng order sa waiter.

Ang natitira sa lamesa ay ako, si Callix, Karl, Josh, at Jacob na lang. Nang tumayo si Josh at Karl para pumuntang dancefloor ay nanlamig na ako. Tangina, bakit naiiwan kami?

“Uh, susundan ko lang si Belle. Medyo lasing pa naman iyon.”

What the heck? Why are we alone here?

Umiling ako at bahagyang natawa dahil naiwan kami. Seryoso ang ekspresyon ni Jacob nang tumingin siya sa akin. Bumaling siya sa lumapit na waiter at nakita kong tubig ang inorder niya at isang shot ng whiskey.

“Hindi ka sasayaw?” tanong ni Jacob sa akin.

Nanatili ang mga mata ko sa baso. Umiling ako bilang sagot.

“Ikaw? Ayos lang ako dito.” Tumawa ako. “You can dance. You don’t have to worry about me here…”

“Hindi na,” ani Jacob.

Oh… right! May girlfriend siya. Bakit pa siya sasayaw, ‘di ba?

“Sorry nga pala kahapon, ha? Pakiramdam ko nagutom ka kaka antay…” sabi ko.

“Hindi naman… Kumain naman ako bago pumunta doon. ‘Tsaka niyaya naman ako ni Maggie at James, tinanggihan ko dahil busog pa ako. Anong oras pala ang out mo sa trabaho?”

Hindi ko alam kung bakit naninikip ang dibdib ko. Para itong pinipiga. I tried to act calm but I just couldn’t.

“I-Uhm… Alas kuatro y media ang out ko. Natagalan lang ako kasi nag dinner kami nina Karl kahapon. Kakabalik lang kasi ni Josh, e. Nanlibre…”

Tumango siya.

“Next time na pumunta ka sa bahay, magsabi ka sa akin para hindi naman ganoon.”

He smiled. Parang kinukurot ang puso ko. Damn that smile. I remember that so well. “Next time…”

May next time pa ba, ha, Rosie? Tangina.

Natigil kami sa pag uusap nang bumalik si Leo. Natatawa pa ito pagkabalik. Parang nag asaran yata sila sa mesa nina Teddy.

“Ano?” tanong ni Jacob.

“Itong si Teddy, ililibre niya daw ako pag nilapitan ko ‘yong expat…”

“Tapos? Lalapitan mo?” tanong ni Jacob sabay tawa.

“Asan diyan, Leo?” tanong ko sabay hagilap sa buong bar.

Sa counter, may nakita akong mag isang koreana o chinese.

“Mamaya may boyfriend ‘yan…” Kinuha ni Leo ang whiskey at pinangalahati. “Pero… sige. Ililibre kahit na anong order daw. Oorder talaga ako ng mamahaling wine para sa ating lahat!”

“Maganda…” sabi ko sabay tingin kay Leo.

“Mas maganda ka pa…” ani Jacob.

What? Nanatili ang tingin ko kay Leo. Ngumisi si Leo sa akin.

“Humanda talaga si Teddy…”

Dumiretso na si Leo doon sa counter. Sinundan ko siya ng tingin. Ganoon din yata ang ginawa ni Jacob.

“Hmmm…”

Napalingon ako kay Jacob.

“Bakit?”

Nanatili ang tingin ni Jacob sa babae.

“‘Yan yata ‘yong transgender na pinormahan ni Teddy kasi akala niya babae!”

“What?” napalingon ako kay Leo na ngayon ay kakausapin na ang babae. “There’s nothing wrong with being a transgender…”

“Wala nga. Pero kung straight ka, hindi pwede ‘yan…”

Nakita naming umiling si Leo at natigilan. Humagalpak si Jacob. Umiling lamang ako ngunit di ko mapigilan ang mapangiti. Ang mga trip talaga ng mga unggoy na ito.

Bumalik si Teddy sa aming lamesa sabay high five kay Jacob.

“Baliw ka talaga, Teddy!” ani Jacob.

“Hoy!” sigaw ni Leo, pabalik na sa amin.

Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Nagtawanan kaming lahat.

“Nilapitan ko! Nilapitan ko! Libre mo ako!” ani Leo.

Umirap si Teddy. “Whatever.”

Umorder si Teddy ng isang mamahaling wine. Sabay silang dalawang dumiretso sa dancefloor leaving me alone with Jacob once again.

“Mga baliw talaga ang mga ‘yan.”

“Oo nga… walang pinagbago…” sabi ko.

Inubos ko ang kalahating tubig sa aking baso. Siguro sakto na iyong nainom kong alak ngayon.

“Water?” tanong ni Jacob nang nakitang ubos na ang tubig ko.

“Yes, please…” sabi ko.

I can’t explain how awkward this is!

Naramdaman ko ang paglindol sa lamesa habang nilalapag ni Jacob ang tubig malapit sa akin. Kinuha ko kaagad ang purse ko. I don’t want to draw too much attention so I need to see the message right away.

Duke:

Hey… I’m worried.

Shit…

Ako:

I’m sorry. I’m preoccupied with the party.

Duke:

Did you dance? Sinong maghahatid sa’yo pag uwi mo? Do you want me to pick you up?

Napatingin ako sa dancefloor. Tahimik lamang si Jacob, parang hinihintay akong magsalita pagkatapos ng panandaliang katahimikan.

Ako:

Si Karl…

Which is true. I won’t let Jacob drive me home kahit na ipagkanulo pa kami ng mga kaibigan ko. O kahit na sabihing friendly gesture iyon.

“Hi! I can see that you want to dance judging by the way you look at the dancefloor… Here… take my hand…” anang isang lalaki sabay lahad ng kamay sa akin.

Napatingin ako kay Jacob. Kitang kita ko ang pag igting ng panga ni Jacob habang nakatingin sa lalaki.

“Nag uusap kami. She can’t dance…” malamig ngunit mahinahon niyang sabi sa lalaki.

“Oh! I’m sorry. I didn’t mean to interrupt. I just thought she wants to dance…”

Umalis ang lalaki. Sinundan iyon ng tingin ni Jacob. Huminga ako ng malalim.

“Hayaan mo na. Ganyan talaga pag nasa bar. Gagawin ng iba ang lahat makasayaw lang…”

Bumaling si Jacob sa akin. “Noon ba… Paano ka nakakawala pag may ganyan?”

“Minsan sinasabi ko na… may boyfriend na ako.” Really, Rosie? “O minsan… boyfriend si Karl.”

“Buti di ka kinukulit masyado?”

“Kapag nandyan si Karl, hindi ako kinukulit. Kapag mag isa ako, ‘yan… may mangungulit,” sagot ko.

“Tapos? Anong sinasabi mo?” He looks so attentive.

Nagkibit ako ng balikat. “May boyfriend. Paulit ulit lang hanggang sa mag sawa…”

“Tss… Lalo na ngayon na may billboard kang bago, ‘di ba?”

Tumikhim ako. “Uh… Yup… But… the people in clubs don’t usually remember me as the billboard model so… it doesn’t matter. May iba… pero madalas, hindi nila maaalala.”

Nag vibrate ulit ang cellphone ko. Tumuwid sa pagkakaupo si Jacob. Binasa ko ang mensahe ni Duke.

Duke:

Text me pag pauwi ka na…

Sumulyap ako kay Jacob. Naabutan kong nakatingin siya aking cellphone. Nagkatinginan kaming dalawa.

“Uh… kailan uwi mo sa Alegria?” tanong ko.

“Hindi pa ako sigurado. Siguro sa makalawa…” ani Jacob. “Ikaw? Kailan ang balik mo doon?”

“Hindi pa ako sigurado.”

“Babalik ka pa ba doon?”

“Uh, nangako ako kay Auntie Precy na babalik ako…”

“May plano ka sanang hindi na bumalik?”

Shit!

“Uh… hindi naman.”

Tumango si Jacob. Natahimik ulit kaming dalawa. Nakakabingi at nakakapanindig balahibo ang katahimikan na namagitan sa amin. Kung hindi lang bumalik sina Karl, Ava, at Belle ay makakarinig na talaga ako ng crickets…

“Magsaya naman kayo! Ano? Sayaw, Rosie!” ani Karl.

Umiling ako. Uminom lang noong wine na binili ni Teddy ang tatlo at bumalik na ulit sa dancefloor. Naiwan ulit kami ni Jacob doon.

Napatingin ako kay Jacob na ngayon ay tulala sa kanyang baso. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para titigan ang kanyang mukha. He’s really so handsome. Like a manly model straight from a men’s magazine.

“Kumusta ang negosyo?” tanong ko.

Napatingin siya sa akin. “Maayos naman.”

“Balita ko… dalawang palapag daw ang sakop ng Headquarters ng J.A. dito sa Maynila, a? ‘Tsaka napansin ko noong pumunta ako sa pabrika, may bagong building…”

Tumango siya. “Oo. Gusto mong pumasyal sa HQ dito sa Maynila?”

Napawi ang ngiti ko. Tumikhim si Jacob. He probably understood why I couldn’t accept that.

“Maganda na…” simpleng nasabi niya.

Tumango ako at bumaling sa baso ko.

“Ikaw? Kumusta ang trabaho?” Hindi siya makatingin sa akin.

“Maayos naman…”

“Mabuti… May plano ka bang mangibang bansa ulit?”

“Kung may chance o opportunity, ayos din. Pero kuntento ako ngayon sa trabaho ko sa VMalls.”

“Lumipat sa ibang trabaho? O… magpapromote? Mayroon.”

“Promote, sure! Lipat? Saan naman? I can’t think of any company. Besides, I owe VMalls almost everything. Hindi ko mapapag aral si Maggie kung wala ang V Malls.”

Natahimik si Jacob. Nanatili siyang nakatingin sa kanyang baso.

Bumalik ang mga kaibigan namin. Napagod yata sila sa kakasayaw kaya nanatili na sila sa lamesa. Tahimik na ako. Ganoon din si Jacob. Ala una nang nagdesisyon kaming mga girls na umuwi. Gusto ko na ring umuwi.

“Uwi na tayo, Karl…” bulong ko kay Karl.

Umiling siya. “Mamaya na…”

“Gusto mo nang umuwi, Rosie?” tanong ni Jacob.

Napatingin si Leo sa akin. Tumikhim ako at bahagyang kinurot ang braso ni Karl. Napatingin si Jacob sa kamay ko at napaawang ang bibig niya. Mabilis kong inalis ang kamay ko sa braso ni Karl.

“Hindi na… Ihahatid naman ako ni Karl…”

“Oo! Oo, ihahatid ko siya!” ani Karl.

Tinikom ni Jacob ang bibig niya at tumango siya ng isang beses. Shit! Nakita niya iyong pagkurot ko sa braso ni Karl.

Tumayo ako. Ganoon din si Ava na sasabay na rin sa amin. Nag beso ako kay Belle dahil maiiwan siya sa pag aantay niya kay Callix.

“Alis na ako! Bye guys…” sabay kaway ko sa mga boys.

Kumaway si Leo, Louie, at Josh sa akin. Tumango lamang ang iba. Nanatili ang tingin ni Jacob sa kanyang inumin.

“Jacob… mauna na ako.”

Nag angat siya ng tingin sa akin at tumango ulit ng marahan. Ngumiti pa ako para mangiti rin siya. I’m sorry for doing that. Pakiramdam ko, naramdaman niyang ayaw kong siya ang mag hatid sa akin.

Tumango siyang muli. “Ingat kayo…”

“See you… uh… Jacob…”

“See you.”

“Wait, Rosie. Hingi ako ng number mo para ma contact na kita,” ani Leo sabay tayo at kuha ng cellphone.

Sumulyap ako kay Jacob at nakita kong ininom niya ng diretso ang wine. Hindi ko na mapigilan ang pag singit.

“Jacob, dahan dahan lang. Mag dadrive ka pa…” sabi ko.

Nag angat siya ng tingin sa akin. “Huli na ‘yon…”

Tumango ako at bumaling kay Leo. Naabutan kong nakatingin si Leo sa akin. His smirk showed. “Sige na… Number mo na…”

Binigay ko sa kanya ang number ko. Pagkatapos ay nagpaalam ulit ako. Nang palayo kami ay nilingon ko ulit ang lamesa. Nakita kong nakatingin si Jacob sa akin. Kumaway ulit ako sa kanya at malapad na ngumiti. Tipid din niyang tinugunan ang ngiti ko.

Kinagat ko ang labi ko at lumabas na ng bar. Tahimik ako habang naglalakad patungo sa sasakyan ni Karl.

“Anong problema mo, Roseanne?”

Napawi ang ngiti ko sa tanong ni Karl. “Kanina ka pa pangiti ngiti!”

Tumawa si Ava. “Hmmm…”

“Ha? Wala!” Kumunot ang noo ko at binuksan na ang pintuan ng sasakyan ni Karl.

Nang naupo ako doon ay pumikit ako ng marahan. Lord, please help me.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali – Kabanata 24

Kabanata 24

Bouquet

Hatinggabi ako inuwi ni Duke. I’m just tipsy, not drunk. Dumiretso na ako sa kwarto dahil tulog na rin naman yata si Maggie. Mabilis din akong nakatulog pagkatapos.

Hindi ko maintindihan kung mabilis ba o mabagal ang mga araw. Madalas, nagugulat na lang ako at aalis na pala ako sa trabaho. Minsan naman natutulala ako ng ilang minuto at napapansin ko na sobrang bagal ng panahon.

Nang nag Biyernes, second interview na iyon ng mga aplikante. Minu minuto nag pi-play sa aking utak ang scene na dadating si Felicity kasama si Jacob. Maaaring sinamahan na siya ni Jacob, this time dahil crucial na ang interview na ito. Tapos magkakasalubong kami ni Jacob sa lobby. Halos ikamatay ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

“Hello? What?” ani Karl nang tinawagan ko siya.

Gusto ko sanang magkape pero ayaw kong lumabas sa opisina ko. ‘Tsaka na siguro ako lalabas mamayang alas kuatro ng hapon. Umaga pa lang ngayon at simula noong nanligaw si Duke ay nagpapadala siya ng lunch sa akin kaya ayos lang kung magmukmok ako.

“Mamayang gabi, ha?” sabi ko.

Mag di-dinner out kami mamayang gabi kasama sina Callix, Belle, Ava, at Edward. Alam naman ni Karl pero sinabi niyang nagdadalawang isip siya dahil may gagawin kaya sinigurado ko na.

“Oo na! By the way, wala palang number si Leo sa’yo? O kahit si Teddy? Nagpunta sila dito kanina sa gym. Sabi punta ka daw sa birthday ni Leo…”

“Ha? Saan ganap?” tanong ko.

“Sa isangt maliit na bar lang.”

“Bar as in club?” tanong ko kahit na hindi importante. Kailangan ko lang humaba ang pag uusap para hindi ma tempt na lumabas ng opisina.

“Hindi ata club. Pagkain lang daw, booze, and music. They asked me to invite you.”

“Pag iisipan ko…”

Most likely, Felicity and Jacob will be there. I don’t want another encounter. I don’t want to see them holding hands, whispering to each others ears. Tama na… Ayaw ko na muna.

“Pag iisipan? Ito naman! Birthday lang naman. Makikikain lang tayo.”

“O basta basta!” I don’t want to elaborate this part. “Anyway, mamaya sa dinner ha?”

“Okay. Tuloy ba bukas?”

“Oo…” sabi ko.

“O sige na, sige na. Magtatrabaho pa ako…” ani Karl.

Umirap pa ako. Mabuti nga siya at pagala gala lang siya sa buong building para icheck ang mga business niya.

Binaba ko ang tawag at nagpatuloy na sa pagtatrabaho. May naghatid na ng pagkain kaya hindi ko na kailangang lumabas.

Sa huli, nakaya ko namang manatili sa loob ng aking opisina. Pero nang nag alas dos ay hindi ko na kinaya. I needed to pee so I went out of my office. Nag iingat akong di ako lumingon sa lobby. May tatlong applicants doon at wala namang lumapit sa akin. Dumiretso ako sa CR. Nang natapos ay dumaan ulit ako sa lobby. This time, pinasadahan ko na ng tingin at nakahinga nang maluwang nang nakitang wala doon si Felicity. Baka umaga ang schedule niya kaya nakaalis na.

Nagpatuloy ako sa pag aayos ng paper works. Alas kuatro nang may kumatok sa aking pintuan.

“Pasok!” sigaw ko kaya agad naman itong bumukas.

Ang unang nakita ko ay mga pulang bulaklak. Tumawa na ako doon pa lang. Araw-araw akong nakakatanggap ng bulaklak galing kay Duke.

“Surprise!” ani Duke sabay pasok.

Tumayo ako at tumawa. Binigay niya sa akin ang napakalaking bouquet. Hindi pa nga nalalagas ang mga ibinigay niya noong nakaraan ay may bago na ulit.

“Di ka na sana nag abala. I’m so spoiled.”

Tumawa siya. “I want you spoiled. Anyway, are you done with work?”

Tumango ako.

“I have something for you…” aniya.

“Ano ‘yan? Hmmm…”

Umupo ako sa aking swivel chair. Karga karga ko parin ang bulaklak. Tumayo si Duke sa harap ng aking lamesa at winagayway niya ang isang envelope.

“What’s that?”

“It’s a booking for two in a hotel. Meron nito sa Palawan, Batangas, Tagaytay, and abroad…” He smiled.

“And?”

“Let’s go on a vacation!”

“What? Kaka leave ko lang…” Kumalabog ang puso ko.

“Who approves your leave? It’s okay. Isang araw ka lang mag li-leave. The dates are within a long weekend.”

“Hmm. Kung hindi gaanong busy… then… why not?”

Nag usap kami ni Duke tungkol sa dates. He convinced me to the trip. Nakakatempt naman talaga kasi ang iisipin ko lang ay kung saan namin gustong magbakasyon. It’s from Brandon’s chain of hotels daw.

Pagkatapos naming mag usap doon ay bumaba na kami sa building. Pupunta kami kina Karl ngayon para sunduin si Karl sa building niya.

“Sus! Manlilibre lang iyon si Josh dahil big time na!” ani Karl tinutukoy ang kaibigan naming nag set ng dinner na ito.

“Edi maganda!” Tumawa ako.

Duke parked the car. Lumabas na ako. Iniwan ko na lang muna ang bouquet sa loob ng sasakyan at sabay na kaming tatlong pumasok.

Maingay ang grupo noong malayo pa lang kami. Ngunit nang nakitang kasama ko si Duke ay natahimik sila at naging tipid ang mga kilos.

“Nakauwi ka pala sa Alegria noong nakaraan, Rosie? Kumusta?” Sumulyap si Ava kay Duke.

I know what she meant by that. I just didn’t want to talk about it in front of Duke so I told them a little about April’s wedding. Syempre, iyong ibang detalye na tungkol kay Jacob ay pinag paliban ko.

Habang kumakain kami ay panay ang kwentuhan. Bidang bida si Josh na nakuha ng isang magandang kompanya at ngayon, big time na.

Duke saw some friends kaya nagpaalam muna siya saglit sa aming lamesa para puntahan iyon. Sinundan namin siya ng tingin habang umaalis at nang tuluyan nang nawala ay dumagsa na ang mga tanong.

“Kayo na?” malamig na tanong ni Callix.

Umiling ako. “Hindi.”

“Hindi o hindi pa?” tanong ni Edward.

“Hindi pa…” sagot ni Karl.

Ngumiwi ako sa kanya.

“You know what, Rosie. Not bad! He seems like a great guy. Intimidating but great!” ani Belle.

Umiwas na ako doon. Tinanong ko si Josh tungkol sa trabaho niya para mawala ang usapan. Unti unti na rin kaming nag loosen up dahil doon.

Nang bumalik si Duke ay natahimik ulit sila. I know they’re just really intimidated. Mas matanda sa aming lahat si Duke at mas mature kumilos.

Pagkatapos ng pag uusap namin tungkol sa paglabas bukas ay nagpaalam na kami. It’s just eight PM in the evening. Hindi kami lalabas ngayon dahil bukas pa ang usapan namin.

Kinarga ko ang mga bulaklak ni Duke nang pumasok ako. Sumabay si Karl kina Josh at Edward kaya naiwan kaming dalawa.

“Let’s go home?” sabi ko.

“Yeah!”

Inayos ko ang seatbelts ko at pinaandar na ni Duke ang sasakyan. Nilingon ko siya. Sumulyap siya sa akin, siguro’y nagulat sa paninitig ko.

“What?” he asked.

“Nothing. Natutuwa lang ako sa’yo…”

“I take that as a compliment. Natutuwa ka sa akin. I hope it’s not because I look like a clown!”

Humagalpak ako sa tawa. “Clown? Are you kidding me? Ang gwapo mo kaya!”

Kinagat niya ang labi niya. Ngumuso ako at bumaling sa kalsada. Damn it! Now it’s awkward!

“Pag isipan mo, ha? Iyong vacation na sinasabi ko sa’yo…”

“Alright! Pag iisipan ko. But where are we going?”

“Batangas? Do you want? O may nasa ibang bansa silang hotel. Do you want to go? But we’ll have to extend your leave if that’s the case.”

“Aling bansa?” tanong ko.

“Bangkok, Thailand. What do you think?”

“Nah! I’m just curious kung saan. Batangas na lang… kung sakali.”

“Bakit ayaw mo sa ibang bansa? Money? Sagot ko na ang plane tickets mo…”

“What? No way, Duke! Batangas na lang. That way, we won’t have to spend too much.”

Tumango siya. “Well, if that’s what you want. But if you want Thailand… we can, you know. Just tell me.”

“I’m fine with Batangas. Isa pa, ayaw kong mag leave na naman ng mahaba…”

Palapit na kami sa bahay. Nanatili ang tingin ko kay Duke habang karga karga ang bouquet of roses. Nang tuluyan nang nagpark sa labas ng apartment ay nilingon niya na ako.

“Thanks for today, Duke…” sabi ko.

“No problem… You’re always welcome. You know that…” He smiled.

Kinalas ko ang seatbelts. Tumulong siya nang natagalan ako. He’s so close to me I can smell his manly scent. Nilingon niya ako at naabutang bahagyang inaamoy siya. He smiled and looked at my lips.

Nanatili ang tingin ko sa kanyang mga mata. Kumalabog ang puso ko sa kaba. Nang nilapitan niya ako at pumikit ako. His lips brushed mine again. I kissed him back too. But unlike his kiss last time, his kisses right now were slower and more intimate.

Hinawakan ko ang kanyang dibdib pero nawalan ako ng lakas. Nagpatianod ako sa ritmo ng kanyang halik. It’s foreign. It’s like being lost in a place I don’t understand. It gave me a different kind of thrill. Bahagya ko siyang tinulak. Kabadong kabado na ako dahil habang tumatagal ay lumalalim ang aming mga halik.

Tumigil siya at huminga ng malalim. His breath smells like mint and his own manly scent.

“I’m sorry. Was I too fast?”

Umiling ako at bahagyang ngumiti.

“I like kissing you so much… I’m getting addicted…”

Tumawa ako. “I-I… I don’t know what to say…” Umiling iling ako. “Sige na! Uuwi na ako!” Biro ko.

Tumawa rin siya. “Sige… Mabuti pa nga…”

He opened the door for me. Lumabas ako at sinarado na ang pintuan. Bumukas ang salamin kaya kinawayan ko siya.

“Bye! Thank you ulit!” Ipinakita ko ang bouquet ng flowers.

Kumaway siya at nagdrive na palayo. Nakangiti pa ako nang tinalikuran ko ang kalsada para sa aming gate. Uminit ang pisngi ko at umiling na lang ako. Is this right? At least my attention’s busy with someone else.

Pagkabukas ko sa pintuan ng bahay namin ay nagulat ako nang tatlong tao ang nasa sofa namin. Si Jacob ay nakaupo sa harap ng pintuan. Nang nakita niya ako ay agad siyang tumayo.

Nalaglag ang panga ko sa gulat. Napatingin ako kay Maggie at James na parehong bumaling din sa akin. Bumaling ulit ako kay Jacob at napatingin siya sa mga rosas na dala ko. Nilagay niya sa kanyang bulsa ang kanyang mga kamay.

“Jacob?” sabi ko.

Tumayo si Maggie at sinalubong ako. “Sis, kanina pa siya dito. Hinihintay ka. Gusto mo ako nang bahala sa mga rosas na ‘yan?”

Wala na akong nagawa. Binigay ko kay Maggie ang mga bulaklak. Dumiretso siya sa kusina at sumama si James sa kanya. Naiwan kami ni Jacob sa sala.

“Uh, uuwi na sana ako buti dumating ka…” aniya.

Tumikhim ako. Pakiramdam ko nagkabuhol buhol ang buong sistema ko.

Nilagay ko ang bag ko sa coffee table at umupo sa sofa. Bakit siya nandito? Someone tell me why the heck is he here?

He’s wearing a black button down sleeveless. Nakalukot ito hanggang siko. Nang umupo ako sa sofa ay naupo rin siya.

“Pumunta ako dito para… personal na humingi ng tawad sa lahat ng nangyari.”

Tumango ako.

“Ayaw kong magkagalit tayong dalawa.”

Tumango ulit ako at hindi nakapagsalita. He looked confused.

“Kahit pagkakaibigan na lang… tulad ng dati…”

Naestatwa ako sa kinauupuan ko. Hindi niya na dinagdagan. Nag aantay siya ng isasagot ko sa kanya pero wala akong masabi. Walang gustong lumabas sa bibig ko.

Pagkakaibigan. Jacob is asking me for friendship. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. And yes, friendship, I can give him that. Kahit na gaano ka sakit, ibibigay ko iyan sa kanya! Kahit na anong hihingin niya, ibibigay ko. He means so much to me. I know he shouldn’t but he means so much.

“Pagkakaibigan. Oo. Sure!” Tumango ako.

“Thank you…” aniya.

Lumabas si Maggie sa kusina. Kasama si James. Pareho kaming napatingin sa kanilang dalawa. Nilapag ni Maggie ang vase na may mga bulaklak sa tabi ng TV at walang eye contact na dumiretso na sa kanyang kwarto. Sumunod din si James sa kanya.

“Kumain ka na?” tanong ko.

“Oo. Bago ako pumunta dito, kumain na ako…”

“Anong oras ka bang dumating dito?” tanong ko sabay tingin sa aking relo.

“Mga five thirty…”

Halos tatlong oras siya dito sa bahay.

“Ibig sabihin nag dinner ka ng mga five or mas maaga? Hindi ka ba pinaghapunan ni Maggie?”

“Ayos lang… busog pa naman ako.”

Tumayo ako at nagtungo sa kusina. Nang nakapasok na doon ay pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang aking kamay. Inisa isa ko ang mga kaldero at ang rice cooker para tingnan kung may pagkain. Nakita kong nag take out lang ang dalawa ng lechon manok at may tirang kanin pa.

Inayos ko ang lamesa para mapakain si Jacob. Nakakahiya naman talaga ‘tong si Maggie. Bumukas ang pintuan sa kwarto niya at pumasok siya sa kusina.

“Hindi mo pinakain?” pabulong kong tanong.

“Inanyayahan ko, ha! Ayaw kumain. Aantayin ka raw… Saan ka ba kasi galing? Tagal mo tonight, huh?”

Nagtiim bagang ako. Sumungaw ako sa sala at nakita kong nakatayo na si Jacob.

“Jacob… kumain ka na muna! Lika!” sabi ko.

Umiling siya at ngumiti. “Hindi na. Aalis na rin naman ako ‘tsaka busog pa ako.”

Nilingon ko ang hinanda kong kubyertos. My dalawang pinggan doon. Sino pang kakain bukod sa kanya? Edi ako! Tangina kahit tapos na akong kumain!

“Ah? Ganoon ba? Uh… Okay…” Tumango ako at dumiretso sa kanya.

Lumapit na siya sa pintuan at umamba nang aalis.

“Maggie, salamat sa pagpapapasok. Si James?”

“Nasa kwarto, Jacob…”

“Paki sabi aalis na ako… Rosie…”

Lumapit ako sa kanya para ihatid siya sa gate. Sabay kaming naglakad palabas. Ako ang nagbukas ng gate at luminga linga ako. Laking gulat ko nang nasa unahan lang pala ang Hummer niya.

Bumaling siya sa akin. Bahagya akong napaatras sa gulat ng pagkakalapit niya. Umatras siya ng bahagya nang napansin ang ginawa ko.

“Thank you… Sana maging magkaibigan ulit tayo. Ayaw kong may sama ng loob na mamagitan sa ating dalawa.”

Tumango ako. “Ako rin, Jacob…” Nag iwas ako ng tingin.

“Aalis na ako…” aniya.

“Sige… ingat ka…”

Tinalikuran niya ako. Pinatunog niya ang Hummer. Para akong hindi makahinga habang tinitingnan siyang palayo.

Nilingon niya ulit ako nang binuksan niya ang pintuan ng sasakyan. Ngumiti siya sa akin. Sinuklian ko rin iyon ng ngiti at kaway. He waved his hand too. Mabilis siyang pumasok sa sasakyan.

The headlights lit. Nanatili akong nakatayo. A familiar feeling rose within me. Kumaway ulit ako nang umandar ang sasakyan. Bumusina siya ng isang beses bago tuluyang umalis sa street.

“Ano kaya ‘yon?” si Maggie sa aking likod.

Sinarado ko ang gate at pinikit ko ang mga mata ko.

“Nagulat ako nang pagbukas ni James sa gate si Jacob ang pumasok. We were both shocked. Akala ko kung ano na pero nang sinabi niyang may sasabihin siya sa’yo ay syempre pinapasok ko. Anyway, Jacob’s like family to me. Ilang taon din kayo. Naiintindihan mo naman siguro iyon, Rosie…”

“I’m not blaming you or anything for letting him in, Mag.”

“O? Edi anong pinag aano mo diyan at bakit para kang problematic?”

Umiling ako at pumasok na ulit sa bahay. Sumunod si Maggie. Dumiretso ako sa kusina para iligpit ang pagkain na hinanda para sa aming dalawa ni Jacob.

“Wala!” iritadong sinabi ko.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 3 – Kabanata 23

Kabanata 23

Three Years

Buong araw ng Linggo ay nasa bahay lang ako. Wala akong ganang umalis. At tuwing iniisip kong papasok na ako ng trabaho bukas, parang gusto ko na lang ulit mag file ng leave. Pakiramdam ko nawalan ako ng gana. At ang tanging paraan para makapasok ako bukas ay ang isiping gagraduate na si Maggie next year.

“Magmumukmok ka lang ba diyan buong araw?” Tanong ni Maggie nang pumasok sa kwarto ko.

“Nag iipon ako ng lakas dahil papasok na ako bukas.”

Niyakap ko ang unan. Kahit itong kwarto ko, naaalala ko si Jacob. Maybe I should change it? Ano? Bumili na ako ng bagong unan, comforter, bedsheet, kurtina, at kung anu ano pa noon. Mahal naman kung papa renovate kaya wala akong choice kundi mag tiis.

“Nag usap kayo ‘no? Ni Jacob?” tanong ni Maggie.

I told her everything. Magaan sa pakiramdam ang may makwentuhan ng nangyari. Kahit na wala siyang masabi. Hindi niya masabi kung ano pang kulang.

“May hinanakit talaga siya sa’yo…”

Tumango ako.

Nakahiga lang ako. Siya naman ay nakaupo sa aking tabi.

“Hindi ko siya masisisi. You pushed him away. That was his lowest time. Nasaktan siya. Hindi rin kita masisisi dahil kinailangan mong gawin iyon. You just have to really move on, right now. I think…

“I think so too.”

“You need to consider someone else. That way, mahahati ang attention mo. Ma da-divert. Instead of mourning for Jacob, you’ll start a new relationship. I’m sure you really can’t forget Jacob, Rosie.”

“What do you mean?”

“Gaya ng nangyari kay Auntie. Ang problema kay Auntie, wala siyang ibang kinasama kaya lahat ng pagmamahal niya napunta lang talaga kay Don Juan. In your case, if you’ll be with someone else-“

“Ayaw ko ng may panakip butas, Mag…”

“No… Hindi panakip butas. This is a scaffolding for you to be able to finally love again after what happened. If you like someone… even just a bit… bigyan mo ng pagkakataon. Hindi ka makakamove on kung hindi ka gagalaw. And yes, you will still love Jacob because he’s your great love. Kaya don’t worry kung hindi mo pa siya makalimutan. That’s normal.”

Kinagabihan ay nakatanggap ako ng mensahe ni Duke. I texted him yesterday na pauwi na ako. Simula noong nangyari iyong sa kubo, hindi na ulit ako nakakapagtext masyado sa kanya.

Duke:

Are you home? I hope you’re fine.

I feel rude this past few days. Hindi ko siya narereplyan.

Ako:

I’m fine. Thanks. Ikaw? Yes, I’m home. Sorry, I’ve been very busy.

Nagreply siya kaagad.

Duke:

Papasok ka bukas? I’m fine too. How’s the province?

Ako:

Fine din. Yup. Papasok ako bukas.

Duke:

I thought you’re gonna extend your leave. Thank God.

Ako:

Hindi no. I can’t. ‘Tsaka, sapat na ang isang linggo.

Inubos ko ang oras ko sa pagtitext sa kanya. I can’t help but smile everytime he replies. Ang bilis niyang mag reply. He’s probably just in his condo.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para makapasok. Nakakapanibago na pagkagising ko nasa kwarto ko ulit ako. Parang bigla akong nasanay na sa Alegria ako at walang ginagawa.

Pagkatapos kong maligo, kumain, at magbihis ay dumiretso na ako sa trabaho. Kinontact ako ni Karl kahapon na ngayon daw ilalagay ang billboard kaya tinawagan ko siya habang nasa taxi ako.

“Nakabalik ka na?” tanong niya.

“Oo naman! Patungo na ako sa trabaho. Kumusta? Anong oras daw ilalagay? Kinakabahan ako!”

“Kita mo naman ‘yong final edits ‘di ba? Ang ganda kaya!”

“First time ko ‘to, e. Alam mo na… ‘Tsaka di ko nakita ang final edits. Hindi ko nabuksan ang email ad ko kahapon. Ngayon pa, pagdating ko sa trabaho.”

“Okay. Tingnan mo para ‘di ka na kabahan. Later?” tanong niya.

Tumawa ako. “Sige… pupunta ako sa spa n’yo. Doon na tayo magkita.”

“Okay…”

Pagkabukas ng elevator patungo sa opisina ay tulala pa ako. Pero nakuha ni Duke ang atensyon ko. Nakatayo siya sa isang cubicle na tapat ng pintuan. He’s wearing a black coat and tie at may malaking palumpong ng mga pulang rosas siyang dala.

Nalaglag ang panga ko. What’s this for?

Unti unting umangat ang labi ko. Tinulak ko ang transparent door. Tumuwid siya sa pagkakatayo. Kitang kita ko ang pag tingin ng ibang empleyado.

“Welcome back!” ani Duke.

Mas lalo akong nangiti. Tinanggap ko ang mga rosas. “Salamat! Nag abala ka pa.”

“Of course…” Ginala niya ang kanyang paningin mula ulo hanggang paa. “I’m glad nothing changed…”

“Isang linggo lang naman, Duke!” tumawa ako.

“Kahit na. Some things change real fast…”

Tiningnan kong mabuti ang suot niya. Mukhang may meeting siya ngayon, a?

“May meeting ka?” tanong ko.

“Yup. Babalik ako before lunch. Let’s eat together?”

“Uh… Okay!”

Sinamahan niya ako patungo sa aking opisina. Walang mga papel sa aking lamesa. Ibig sabihin, habang wala ako ay talagang walang binigay na trabaho. Nilingon ko siya.

“Wala bang paper works? What about the second interview?” tanong ko.

“Huwag mo na munang isipin iyon…”

Nilapag ko ang mga rosas sa aking lamesa. Hindi pwedeng ganoon. Ayaw kong may favoritism sa work. Ano na lang ang sasabihin ng HR Manager?

“Duke, hindi pwedeng ganoon. Iyong nirereview kong mga tao, asan na?”

“The second interview will be this coming Friday.”

Second interview? Kung nasaan si Felicity? Oh my God!

“Uh, pwede rin namang sa review na lang ako since nainterview ko na itong mga applicants.”

“Hmmm. Okay. If that’s what you want then I won’t put you in the panel.”

Huminga ako ng malalim. Ayaw ko mang gumagamit siya ng kanyang awtoridad para mas mapadali ang trabaho ko, gusto ko naman ang desisyon niyang ito. I want to detach.

“May kilala kasi ako sa mga applicants kaya mas mabuting huwag ako ang mag interview.”

“Oh? Sige… sige…”

Umupo ako sa aking swivel chair. Nakatayo si Duke sa aking harapan. His tux is quiet intimidating. His dark eyes sent shivers down my spine. Ang paninitig niya sa akin ay may ibang pinapahiwatig.

“Ngayon ang labas ng billboard mo. Kasalukuyang inaayos sa EDSA.”

“Oo nga. Nasabi ni Karl.”

“Do you have time this evening? The advertising team will celebrate for the successful shoot,” aniya.

“Ha? Talaga? Saan? Pupunta ako kina Karl mamaya.”

“Just in a club. Susunduin kita sa spa nina Karl. Ayos lang? Isama mo na rin si Karl.”

“O sige…”

May biglang kumatok kaya natigil kami sa pag uusap. It was Joanne, his assistant.

“Sir, it’s time. Kailangan na po nating umalis para sa meeting.”

“Okay… Susunod ako.”

Sinarado ni Joanne ang pintuan. Bumaling si Duke sa akin.

“So, I’ll go now. Before lunch… then later?”

Tumango ako at nagpaalam na rin sa kanya.

Nag review ako ng profiles ng mga empleyado. Nasabi ko na rin sa Manager na hindi ako hahandle ng second interview dahil may kilala ako. Nasabi na rin yata ni Duke iyon kaya hindi na ako nahirapan.

Nang nag lunch ay hindi nakarating si Duke dahil natagalan sa meeting pero nagpadala siya ng pagkain sa akin. He’s just so sweet.

“Hmmm. ‘Yon lang? I was expecting more from him!” ani Karl, tinutukoy si Jacob.

“What kind of more are you talking about?” tanong ko.

Kinwento ko sa kanya ang nangyari sa Alegria. Of course, I skipped the details. Lalo na iyong hindi ko pa kayang balikan.

“I was expecting he’ll come back to you noong nasa kubo kayo.”

“Well, I didn’t expect anything. May girlfriend siya. At isa pa, masyado ko siyang nasaktan.”

“So… anong status n’yo ngayon? Friends? Strangers?”

“Wala. Hindi naman kami nag usap ng ganyan. We just talked. Casual. I guess it’s safe to say that we’re still friends after all…”

Naisip ko iyong pag aalaga niya sa akin habang nasa kubo kami. He took care of me. Kahit na nasaktan ko siya at kahit na mahirap intindihan, he still cares for me.

“And you’re okay with that?” tanong ni Karl.

“Do I have a choice? Matagal na kaming break, Karl. Noong nagkaroon siya ng girlfriend, doon pa lang dapat nag move on na ako.”

“That was… seven or eight months ago, right? And moving on is a process. Hindi ‘yan instant kaya tama lang ‘yan. I can feel that you’re better now. At mas lalo na ngayong nakapag usap na kayo.”

Tumango ako. “I guess you’re right.” Lito pero magaan na ang pakiramdam ko ngayon.

“And then…” tumingin si Karl sa labas ng salon nila. “Here’s why you should feel really better.”

Napalingon din ako sa labas at nakita ko si Duke. Naka puting long sleeves na siya ngayon. Nakatupi ito hanggang siko at papasok na siya sa buong commercial building. Nang nakita niya kami ni Karl ay kumaway siya.

“He gave me flowers kanina. Sent me my lunch too.”

“It seems like a normal thing to him. Hindi ba talagang binibigyan ka niya ng bulaklak niyan? That’s not the first time. He’s courting you…”

Tumawa lamang ako. Tumigil na kami sa pag uusap dahil dumating na si Duke.

“Ready?” aniya sa aming dalawa ni Karl. Tumayo ako at tumingin kay Karl.

“Kanina pa. Excited na nga si Karl, e.”

“That’s good!” ani Duke at iginiya na kami patungo sa kanyang sasakyan para makaalis na doon.

Dinaanan namin nina Duke at Karl ang billboard sa EDSA. Nakita ko na ito kanina sa edits na sinend sa akin sa email ng photographer. Pero iba pa rin pag nakikita siya sa billboard.

“You look so hot, Rosie!” ani Duke.

Uminit ang pisngi ko. “First time ko ‘yan. Nahihiya pa ako.”

“Masasanay ka rin, eventually…” ani Karl. “Ang ganda kaya…”

Ang lapad ng ngiti ko lalo na nang nakarating kami sa club. Sa isang exclusive room sila nagpaparty. Pagkapasok namin ay pumutok ang party poppers. Sa flatscreen sa harap ay naka slide show ang mga resulta ng shoot at ang mga BTS. Hindi lang pala sa campaign ko ang celebration na ito, nandito rin kasi ang mga modelo nila.

Kumain muna kami habang ang mga photographer at ibang models ay nagsasaya na. Naroon din ang ilang managers ni Duke na panay ang biro sa kanya. It’s nice to see that the CEO is this approachable.

“What?” tanong ni Duke nang nangingiti ako sa kanya.

Kanina ko pa siya pinagmamasdan na nakikipag batian sa mga managers niya. Hindi naman siya ganito noon. He used to be intimidating and serious.

“Wala lang. I’m happy that your relationship with your employees is improving.”

Nagtaas siya ng kilay. “Kasi may isang empleyado ako noong sa sobrang pamimressure ko, napaiyak.”

Nagtaas din ako ng kilay. Ako ang tinutukoy niya. Nangyari ito noon sa akin. He’s just so scary that time and I’m an emotional mess (because of Jacob and my family).

“I hate to see your beautiful face crying just because of me. Or because of anything…”

Nakisali na si Karl sa party. Pinakilala siya ng mga kaibigan niyang photographers sa ilang bagong saltang modelo na naimbitahan dito.

Bumaba ang tingin ko sa juice sa harap ko. I mixed it properly with the straw. Pero imbes na hayaan ako ay tinaas ni Duke ang aking baba para magkatinginan ulit kami.

“Roseanne Aranjuez, what I’d give to have you as my girl…”

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Matapang niya akong tinitigan. I thought he’s going to be intimidated by my shocked expression pero hindi siya bumitiw sa kanyang titig sa akin.

Tumikhim ako. “Duke…”

Ngumiti siya kahit na hindi ako makangiti. “It’s been three years since I met you, Rosie. Siguro naman ay kilala mo na ako.”

Ngumiti din ako.

“Will you be my girlfriend?” Pabulong niyang sinabi sa akin.

Hindi ako nakasagot. I stared at my juice. I stirred it properly. I don’t know what to say to him.

“I… I still need to think about it…” Shit. I really don’t know.

“Well, yeah. I’m in no hurry anyway. I just want you to know that I want you as my girl…” bulong niya.

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ako makatingin sa kanya habang siya’y diretso ang tingin sa akin.

“Hey! Mr. Valenzuela! I’d like you to meet a friend. This is Marcus…”

“Duke Valenzuela…” ani Duke sabay lahad ng kamay.

Bumuga ako ng hininga. That was so close!

“Siya ‘yong photographer ng isang magazine. I’m recommending him sa brochure ng wet collection for this year! He has awesome portfolios…”

“Rosie!” tawag ni Karl sabay pakita sa akin ng wineglass.

Nilapag niya ang isang wineglass sa aking lamesa. Tinanggap ko ito.

“Lika! Sayaw tayo!” aniya at hinila ako.

Bago pa ako nagpatianod ay nilagok ko ang champagne. Nawala kami sa gitna ng mga modelo at staff.

Lumapit ako kay Karl para makabulong. Hindi pa niya nakuha ang gusto kong mangyari noong una kaya umilag siya. Ang bading talagang eto!

“Duke asked me to be his girlfriend!” sabi ko.

“Sinagot mo ba?” bulong niya pabalik.

Umiling ako.

Tumawa siya. “Walang chance?”

Sa tanong niyang iyon doon ko napagtanto ang lahat. Chance. Kanino ba iyan ibibigay? Kung tutuusin, walang lalaking mas malapit sa akin for the past years. Si Duke lamang ang ganito ka lapit sa akin. I have male friends. I’ve been courted by an officemate, a co-model, a friend from Dubai, and whatever pero walang kasing lapit ni Duke sa kanila. Si Duke lang. Kaya kung may lalaking mang pwede kong bigyan ng chance, si Duke iyon.

“Meron.”

Tumango si Karl at nagbigay ulit sa akin ng champagne. Minutes later, Duke joined me in the dancefloor. Nawala si Karl, siguro ay nagpunta sa mga kaibigan niya. Si Duke na ngayon ang kasayaw ko.

Nagtatawanan kaming dalawa habang nagsasayawan. I downed three champagnes and I’m kind of tipsy.

Habang tumatagal ay mas lalong naging intimate ang sayaw naming dalawa. Tinaas niya ang dalawang kamay ko at hinaplos niya pababa ang braso ko. Tumindig ang balahibo ko. Our nose touched. Pumikit ako sa sobrang hilo sa lights at sa maingay na music.

Then I felt his lips brush against mine. Dumilat ako sa gulat. Nakita kong nakapikit na siya habang hinahalikan ako ng marahan. Binaba ko ang kamay ko ay pinikit ko ang mga mata ko. I kissed him back. It was all gentle and sweet.

Natigil kaming dalawa sa pagsasayaw. At nang dumilat muli ako, nakita kong nakatingin na siya sa akin. Tumigil kami sa paghahalikan. Naninikip ang dibdib ko. He smiled. I forced a smile.

“I think you’re drunk. Shall I send you home?”

“I’m not drunk, Duke. Alam mong ano ako kung lasing…” Nag iwas ako ng tingin.

“Then you kissed me for real?”

Nagpakawala ako ng hinga. I guess it’s okay. Pilit kong pinigilan ang pag iisip sa isang tao. Nag angat ako ng tingin kay Duke.

Ngumiti si Duke sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.

“Sabihin mo lang sa akin kapag pagod ka na. Iuuwi na kita sa inyo.”

Tumango ako. “Okay… Sasabihin ko.”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 3 – Kabanata 22

Kabanata 22

Refuse

“Sumilong muna tayo…”

Naglakad siya palapit sa akin. Nanatili sa lupa ang aking mga mata. Nilagpasan niya lamang ako. Nanatili akong nakatayo doon. I really can’t decide yet if I should stay or not.

Narinig ko ang pag bukas ng pintuan sa kubo. Mas lalong lumakas ang ulan, dagdagan pa ng kulog. Basa na ang aking buhok.

“Ano ba, Rosie!?” sigaw ni Jacob.

Sa gulat ko ay napatalon ako at napalingon sa kanya. Pabalik siya sa akin, may halong iritasyon sa mukha.

Nagkatinginan kaming dalawa. Bumaba ang tingin niya sa aking kamay na mahigpit na nakakapit sa sling ng aking bag.

“Sumilong muna tayo…” aniya sa mas mahinahon na boses at hinawakan ang palapulsuhan ko.

Hinila niya ako patungo sa kubo.

Nagpatianod na ako. Bahagya ko pang ikinahiya ang pagpapahila ko pa sa kanya.

Pagkapasok namin sa loob ay binitiwan niya ang palapulsuhan ko. I shivered. It’s so cold. Nilingon ko ang labas na sobrang lakas ang ulan. Kumukulog pa!

Dumiretso si Jacob sa loob. Nilingon ko ang kawayang bench na naroon parin. Bumaling ako kay Jacob na sinisindihan ang kahoy sa may lutuan. Siguro ay para makalikha ng apoy at may init naman kahit paano.

Kumuha siya ng isang kaldero sa may abuhan. Tiningnan ko ang sarili ko. I’m a mess. I’m wet and broken.

Huminga ako ng malalim at umupo sa kawayang bench. Tumunog ito kaya napalingon si Jacob sa akin.

“Magpapakulo ako ng tubig…” aniya.

Tumango lamang ako. Hindi na makapagsalita. May nilingon siya sa isang kwarto at agad siyang nawala. Tanging ang kaldero sa taas ng apoy lang ang nasa tingin ko. Bahagya akong nanginginig sa lamig.

Nang lumabas siya sa kwarto ay may puting tela siyang dala. Lumapit siya sa akin at nilahad niya ang tela sa akin.

“Magkakasipon ka…” aniya.

Tumango ako. “Salamat…” paos ang boses ko.

Nagpunas ako gamit ang puting telang iyon. Pagkatapos ay pinalupot ko siya sa aking katawan para kahit paano’y maibsan ang lamig.

Humilig si Jacob sa dingding habang nag aantay na kumulo ang tubig. May mga mug na sa gilid na hinanda niya yata para lagyan ng mainit na tubig. Humalukipkip siya at pumikit. Natulala na lang ako.

Ilang sandali ang lumipas ay gumalaw ulit si Jacob para ilagay sa mga mug ang tubig sa loob ng kaldero. Sinalin niya sa isang mug at hinatid niya iyon sa akin.

“Malinis ‘yan. May dispenser ang mga trabahante dito… Inumin mo para di ka manlamig…” aniya.

Tumango lamang ako at tinanggap ang mug. Hindi ako uminom. Natulala lamang ako habang dinaramdam ang init ng mug.

Umupo siya sa kawayang silya sa malayong gilid. Sumulyap siya sa akin kaya nag iwas ako ng tingin.

“I’m sorry…” aniya.

Ilang sandali ang katahimikan. Nanatili akong tulala sa mainit na tubig. Nilalamig ako pero namamanhid na rin.

Hindi na ulit siya nagsalita. Mas lalong lumakas ang ulan. Matatagalan pa yata kami dito. Nilingon ko ulit siya at nakita kong nakapikit na siya. Tulog ba siya o ano?

Tinapik ko ang mug at huminga ako ng malalim. Now that he’s done with his side, I think it’s my time to pour out my side. Kung natutulog siya ay bahala na. Ang importante ay nasabi ko.

“I left you because I’m a poison to you. You loved me too much…” mahinahon kong sinabi. “Mahal na mahal din kita pero marami akong inaalala bukod sayo. I have my family. My mother’s sick. My father’s working abroad. Nag aaral ako para makakuha ng magandang trabaho at makatulong sa pamilya. At ang boyfriend ko, may naluluging kompanya dahil imbes na iyon ang pagtuonan ng pansin ay ako lang ang inaalala.”

Nag tiim bagang ako. I found it too hard to stop talking. I want to pour it all too. Like what he did.

“I love you for who you are. Not for your money. You know that. Not for anything with you. Just you. Pero hindi ko talaga kaya na makita ang pinaghirapan ng daddy mo na nagkaganoon. And I know you can fix it but you chose to give your attention to me. I feel like you love me too much to give your attention to anything…”

Hirap akong lumunok. Barado ang lalamunan ko sa isang nagmistulang bato na emosyon. But unlike what happened earlier, mas mahinahon na ako ngayon.

“I was hoping you’d understand that. Tinulak kita palayo para maisip iyon. Tinulak kita palayo para matauhan ka, Jacob. At ang sakit sa part ko kasi mahal na mahal kita pero wala akong choice. I don’t want to see you fail just because of me. And you don’t tell me what’s wrong with J.A. You keep it to yourself.”

Natahimik ako. I ended it there. Pero biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Lalo na nang nakita kong bahagya siyang dumilat at pumungay ang mga mata niya.

Kinagat niya ang kanyang labi at tinitigan ako.

Huminga ako ng malalim at binaling ang atensyon sa mug.

“Dahil nakikita mong pabagsak ang J.A., hindi ibig sabihin na talagang babagsak ito, Rosie. Tingin mo hindi ko pinapahalagahan ang pinaghirapan ni papa? At oo, itinago ko iyon dahil alam kong may problema ka rin sa pamilya mo. Kaya kong ayusin ang J.A., nandyan ka lang sa tabi ko.” Mas mahinahon niyang sinabi. “But then, I guess you’re right. Kung nanatili ako, hindi ganito ka laki ang J.A. ngayon. Hindi siya babagsak, oo, pero hindi ganito ka laki.”

Natahimik ako. Tahimik din siya. For a long time, nobody spoke. It’s just my breathing, my heartbeats, and the sound of the rain. Dumidilim na. Tumayo si Jacob at nagpunta siya sa abuhan. Nagsindi siya ng isang lampara at dinala niya doon sa amin.

“May cellphone ka? Hindi ko dala iyong akin…” ani Jacob.

Binitiwan ko ang mug. Nilapag ko iyon sa tabi ko at agad na kinuha ang aking cellphone sa maliit na bag. Luckily, it still has battery.

“May itetext ka?” tanong ko kahit na naisip kong itext si Auntie Precy.

Wala akong numero ni April. Kailangan ko ng numero niya kaya kailangan kong itext si Auntie para makahingi kami ng tulong or something.

“Sino ang pwedeng ma text mo?” tanong ni Jacob.

“Si Auntie Precy lang. Wala akong number ni April, e. O di kaya kay Leo… Wala…”

Nilahad ko ang cellphone ko para sa kanya. Baka may pwede siyang itext.

“Wala akong saulong number. Itext mo na lang si Auntie Precy. Sabihin mo na ikontact ang farm at magpadala ng sasakyan patungo dito…” ani Jacob.

Tumango ako at agad na nagtipa ng message. Pero una sa lahat, paano ko ipapaliwanag kay Auntie na magkasama kami ni Jacob? Whatever! Just text her, Rosie.

Ako:

Auntie, pwede ka po bang tumawag sa J.A.? Pakisabi po na padala ng sasakyan dito sa pineapple plantation?

Nasend ko ang message. Nag angat ako ng tingin kay Jacob.

“O di kaya’y itext mo si Felicity…” sabi ko.

Umiling siya. “Di ko saulo ang number.”

Tumikhim ako at binaba ang cellphone ko. Nagkatinginan ulit kaming dalawa. Hindi na ako bumitiw ngayon. Siya rin ay ganoon. It was so awkward but I just couldn’t look away.

‘Tsaka lang nawala ang atensyon ko sa kanya nang nag vibrate ang cellphone ko. Nanginig ako sa lamig habang binubuksan ang mensahe ni Auntie Precy.

Auntie Precy:

Saang pineapple plantation? Sa J.A.? Tumawag na ako. Anong ginagawa mo diyan?

“Nagreply na si Auntie Precy?” tanong ni Jacob.

“Oo. Tumawag na raw siya.”

Ilang sandali ang lumipas ay tumunog ang cellphone ko. Hindi pa ako nakakapagtipa ng reply kay Auntie Precy ay tumawag na siya.

“Rosie?”

“Hello, Auntie?” napapaos ang boses ko.

Tumayo si Jacob at lumapit sa akin. Sumulyap ako sa kanya ng isang beses habang kausap si Auntie.

“Anong ginagawa mo diyan? Umuulan, a? Tumawag na ako at may papunta na ang Hummer diyan. Anong nangyari? Ikaw lang?”

“Hindi po, Auntie. Kasama ko si Jacob.”

“Ha? Anong kasama mo si Jacob? Bakit kayo nandyan? Kayong dalawa lang? Susmaryusep! Anong nangyayari?”

“Nag… kita lang po kami malapit sa plantation, Auntie. Mamaya na po ako mag eexplain. Baka kasi ma lowbat ako. Ibababa ko na po ito…”

“O sige, sige…”

Binaba ko na ang cellphone at chineck ang battery. Kaya pa naman. I just did not want to explain in front of Jacob.

“Anong sabi ni Auntie?”

Umupo si Jacob sa tabi ko. Binaba ko ang cellphone ko sa gitna naming dalawa. Kinuha niya ang tasa at umambang ibibigay sa akin pero binawi niya.

“Papunta na raw dito ang Hummer n’yo…”

Tumango si Jacob at tumayo. Dumiretso siya sa abuhan. Tinapon niya ang tubig sa loob ng aking mug.

“Malamig na…” paliwanag niya at nagsalin ulit ng panibago.

Bumalik siya sa akin at binigay niya ang mainit na mug. Tinanggap ko ito. It gave me comfort. The heat from the hot water made me a little warm.

“Salamat…”

Nasa tabi ko parin siya. Humalukipkip siya habang nakatingin sa akin. Nanatili ang mga mata ko sa mug.

“Namumutla ka…” aniya.

Napatingin ako sa kanya. He’s looking at my lips. Tinikom ko ang bibig ko kaya nag angat siya ng tingin sa aking mga mata.

Tumayo agad siya at dumiretso sa bintana. He closed the window.

“Kakatok naman siguro sila kapag nandyan na.”

Mas lalong dumilim dahil sa ginawa niya. Tanging ang lampara lang ang umiilaw sa bahay. Tumingin ako doon at kinalma ang sarili. My heart just won’t stop beating like mad.

Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan. Natulala na lang ako sa lampara hanggang sa may narinig kaming bosina sa labas. Bahagyang binuksan ni Jacob ang bintana. Pagkatapos ay binuksan niya na ang pintuan at lumabas.

Tumayo ako, nakatingin na sa labas. Ang dating Hummer iyon. Nakabukas ang back seat at may kinukuha doon si Jacob. Narinig ko rin ang pag uusap nila ng driver.

Binalikan ako ni Jacob. Ngayon, may dala na siyang jacket at payong. Pinatay niya ang lampara pagkatapos ay bumalik sa pintuan, kung saan binuksan niya ang payong. Naglahad siya ng kamay sa akin.

“Dahan dahan lang…” aniya.

Tumango ako at lumapit sa kanya. Nakapalupot parin sa akin ang puting tela na binigay niya kanina. Laking gulat ko nang hinawi niya iyon pagkalapit ko sa kanya.

“May jacket ako. Iwan mo na ‘yan diyan,” aniya.

Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. Mahigpit ang diin ng kanyang kamay sa aking balikat habang sumisilong kami sa payong. Dahan dahan ang paghakbang namin hanggang sa nakapasok ako. Sinarado niya ang pintuan at pumasok siya sa front seat. I’m kind of surprised that it’s just the driver. Nakita ko pa ang pagsulyap ng driver sa akin gamit ang rearview mirror! It’s their old driver! Damn it!

“Tuwalya…” ani Jacob sabay bigay sa akin ng tuwalya. “Suotin mo ‘yang jacket ko…”

Tumango tango ako at nagpunas muna bago nagsuot ng jacket. Umandar na ang sasakyan para makabalik na kami sa mansyon.

Hinawakan ni Jacob ang aircon sa taas na nakatapat sa akin at pinatay niya iyon. Nilingon niya ako habang nagsusuot na ng jacket. I zipped it properly.

“Ayos ka lang?”

Tumango ako at napalunok.

“Ihahatid ka na namin diretso sa bahay n’yo…”

“O-Okay…”

Lumiko ang Hummer sa dinaanan kong short cut kanina. Tahimik ang buong byahe. Hindi nagsasalita si Jacob at ayaw ko ring magsalita.

Tumunog ang cellphone ng driver. Siya lamang ang naririnig namin nang sinagot niya ang kanyang cellphone.

“Nakuha ko na… Magtatanong muna ako.”

“Uuwi daw ba pagkatapos, Jacob?”

“Oo,” sagot ni Jacob.

“Marvin, uuwi din kami. Okay… Sige…”

Niliko ng driver sa street namin. Para akong nalulungkot. Hindi ko alam kung bakit. I suddenly wished that we had more time. I wish for more. Sana nanatili na lang muna kami doon. Iyong kami lang muna dalawa. Iyong hindi ko muna naiisip ang realidad na ganito… na hindi kami, na may Felicity, at na kailangan ko nang mag move on. I told him everything I want to say. At least that’s what I think. Dahil alam ko, pagkatapos nito, mas marami ulit akong gustong sabihin sa kanya. Like… I still love him. I want him back but I know it can never be…

Bumaba agad si Jacob na may payong. Binuksan niya ang pintuan ng back seat at naglahad ulit siya ng kamay sa akin. Tumango ulit ako at bumaba na. Sabay kaming naglakad patungo sa gate. Siya mismo ang nagbukas ng gate papasok sa aming bakuran.

Binuksan ni Auntie ang pintuan para salubungin ako.

“Jusko! Anong nangyari?” tanong ni Auntie.

“Naabutan po kami ng ulan sa plantation. Kabayo lang ang dala ko kaya hindi kami nakauwi…” ani Jacob.

“Ganoon ba? Basang basa kayong dalawa, a?”

“Nakasilong po kami sa isang kubo…” ani Jacob.

Umupo ako sa sofa at sinuklay ang buhok gamit ang daliri. Nakatayo parin si Jacob sa pintuan.

“Naku! Buti na lang may kubo! Upo ka, Jacob. May kape ako dito. Mag dinner muna kayo! Grabe ang pag aalala ko!”

“Hindi na, Auntie. Kailangan ko nang umuwi…” ani Jacob.

Napatingin si Auntie sa akin. A part of me fell when he said it. Umuwi kay Felicity. That’s where he should be.

“Ganoon ba? Uhm… O sige…”

Tumango si Jacob sabay tingin sa akin.

“Magpatuyo ka na, Rosie. Uuwi na ako.”

Tumango ako at ngumiti. “Sige, uh, salamat.” Nangilid ang luha ko. “Ingat ka.”

“Auntie, alis na po ako…”

“O sige…” tunog bigo pa si Auntie Precy.

Hinatid ni Auntie si Jacob palabas. Nanatili ako sa loob, natutulala. At nang umalis ang Hummer ay nasapo ko na lang ang aking mukha. Ayaw kong magpatuyo. Wala akong lakas na gumalaw doon.

“Anong nangyari?” tanong ni Auntie.

“Nagkausap kami, ‘te…” sabi ko.

Suminghot ako. It’s never been this real…

“At anong nangyari? Anong sinabi mo? Anong sinabi niya?”

“Sinumbat niya sa akin ang desisyon ko. Pero… nagkaintindihan naman kami sa huli…”

“Tapos?” tanong ni Auntie sa isang kuryosong tinig.

“Wala na… Iyon lang…”

Tumabi si Auntie sa akin at hinaplos niya ang aking likod. Humagulhol ako sa sakit. I am so tired of crying but I just can’t stop. Kung may paraan lang para makalimutan ang lahat ng ito…

“Gusto pa sana kaming dalawa. Gusto ko pa siya. Auntie ang hirap! Kailangan na talaga siyang iwasan! Kailangan ko nang makalimutan! Masyado nang masakit ito!”

Tahimik lamang si Auntie sa aking gilid.

“I refuse to be like you and Don Juan. I want to move on. And these are my steps. I told him about my decision.”

“Sinabi mong mahal mo pa siya?” tanong ni Auntie.

Umiling ako. “Hindi! I don’t want to be unfair to him. May iba na siya ngayon. Sobra sobra ang hinanakit niya nang tinulak ko siya palayo tapos pagbalik niya, sasabihin ko lang na mahal ko parin siya? And besides, he’ll reject me for sure! May iba na siyang mahal, Auntie…”

“Come here, Rosie…” ani Auntie sabay higit sa akin at yakap ng mahigpit.

I spent the whole night mourning. Alam kong kaonti na lang ay matatapos na ang lahat ng ito. Ang pag uusap namin ni Jacob ang naging hudyat ng katapusan.

Buhol buhol ang utak ko sa gabing iyon. Wala akong nireplyan kahit sino. Even Duke who constantly texted me that night. Wala akong lakas. Wala akong gana.

Hindi ako nakatulog. Alas singko na ng umaga at ang sakit na ng ulo ko ay dilat parin ako. Alas sais ng umaga na ako nakatulog kaya inubos ko ang buong Biyernes sa pagtulog.

Nagising ako ng mga alas singko na rin sa hapon dahil sa gutom. Kumain ako pero tulala parin. Ang akala ko magiging maayos ako pagkatapos naming mag usap, bakit parang lumala pa yata ako?

Nanatili ako sa bahay buong Biyernes. Wala na rin akong ganang gumala. I feel so drained.

Nagluto ako ng dinner. Iyon na lang ang naging libangan ko. Hindi na rin ako tinanong ni Auntie tungkol kahapon. Ayaw ko na ring pag usapan.

Kinaumagahan ng Sabado ay dumating si Maggie. Gusto kong ikwento sa kapatid ko ang lahat pero alam kong masisira lang ang araw ko kung sakali.

“Ang ganda talaga nitong dress na pinahiram, ‘no?” ani Maggie sabay sayaw kasama ang damit.

“Mabuti pa maghanda na tayo ngayon. Baka ma late pa tayo,” sabi ko.

Kanya kanya ang make up namin ni Maggie. Tinulungan ko na lang siya ng konti. Marunong naman siya pero mas marami akong karanasan kasama ang mga professional artist.

“Kailan ang uwi mo?” tanong niya sa akin habang inaayos ko ang kilay niya.

“Mamayang hapon…” sagot ko.

“Oh? Ba’t di na lang sa Sunday?” tanong ni Maggie.

“Gusto kong makapag pahinga pa sa bahay ng isang araw bago magtrabaho sa Lunes.”

“Edi sasabay ka sa akin? Hindi ba may party pa sa reception. Ano ‘di ka na sasama?” tanong ni Maggie.

“Sasama tayo. Kakain lang saglit tapos uwi na para maka sakay pa ng bus.”

“Seryoso ka, Rosie?”

“Oo!”

Sinundan niya ako ng tingin. Nanliit ang mga mata niya.

“May nangyari ba?”

“Wala! Iyon ang gusto ko, e.”

Patuloy niya akong kinulit. Kahit noong papunta na kami nina Auntie Precy at Maggie sa simbahan. I can’t take my eyes off Auntie Precy. She looked really good with make up on. Pinagtulungan namin siya ni Maggie kanina at sobrang ganda niya. She’s wearing a white dress. Para siyang ikakasal din.

Kasama namin ang isang co-teacher niya na paboritong guro ni April kaya naimbitahan. Mabuti na lang at may pick up sila kaya may nasakyan kami patungo sa simbahan.

Umupo kami sa likod. Malayo sa mga sponsors at mga bride’s maid.

Marami na ang tao. Naroon na rin ang tatay at nanay ni April. Pati ang side ni Ron na puro matatangkad.

Nakita ko sina Leo, Louie, at Teddy. Panay pa ang picture naming lima kasama si Maggie habang di pa nagsisimula. Pati si Auntie Precy ay pinagdiskitahan nilang makapag selfie. Panay ang tawa ko sa ginawa nila.

Ilang sandali ang nakalipas ay dumating na si Jacob kasama si Felicity. Jacob’s wearing a tux tulad ng suot ng mga boys. Si Felicity ay naka puting dress.

Nag iwas agad ako ng tingin. Si Maggie ay halos mabali ang leeg sa kakasunod ng tingin sa dalawa.

“That’s his girlfriend, sis? Mas maganda ka pa riyan…” ani Maggie.

“Shut up, Mag.”

“She’s short… and petite… but pretty… but of course, you’re prettier…”

“Tumigil ka nga…” patay mali kong sinabi.

Sinalubong nina Louie, Teddy, at Leo si Jacob. Nagtawanan sila at nag picture ulit. Felicity held the camera for them. Ang saya saya nila.

“Parang dati lang, ikaw ‘yong-“

“Tumigil ka na, Maggie, ha!”

Tumawa si Maggie. “Fine! Fine!”

Hindi na ako sumulyap ulit sa mga tao. My eyes was directed only to the cross above the altar. Dito gagawa ng pangako ang dalawang taong nagmamahalan. If you truly love someone… unconditionally… fiercely… that you’re willing to compromise and bend just so you two won’t break, this is where you go. To make a promise and bond with each other. To forever be faithful and loyal.

Will I feel that way for someone?

Siguro ngayon, wala pa akong makitang pwede bukod sa kanya but eventually, I will be watching that cross again and tell Him that I found someone. Ipapangako ko sa Kanya na mamahalin ko ng husto ang lalaking kasama ko. Na gagawin ko ang lahat, huwag lang kaming maghiwalay. Na mag cocompromise ako, mag aadjust, huwag lang mabasag. Iingatan ko ang puso ng mahal ko. Iingatan ko ang pag ibig naming dalawa.

It’s so sweet to witness two people tie the knot. Nakakainit sa puso. I am so happy for April. She finally found Ron.

Sumama kami sa bahay bakuran nina Ron kung saan ginanap ang reception pero pagkatapos kumain ay nag paalam din ako kay April.

“O? Saan ba ang table n’yo at bakit kanina ko pa kayo hindi mahanap?” tanong ni April nang nilapitan ko na siya.

“Nasa dulo. Kasama kasi namin si Auntie at may mga co teachers siya kaya doon na kami.”

“Kaya pala wala kayo sa lamesa nina Jacob!”

Ngumisi si Maggie. “Awkward naman kasi ‘pag nandoon kami.”

Tumawa si April. “Oo nga naman. By the way, salamat sa pag punta dito. Ang anak ko nasa taas na. Nakatulog sa pagod. Talaga bang wala na kayo mamaya sa games? May programme pa!”

“Sayang nga e pero kailangan na naming umalis,” sabi ko. Hindi alam kung anong irarason.

Niyakap ako ni April.

“Thank you… Thank you for being here. Hindi ko talaga inasahan pero masaya ako na nandito ka…”

Tumango ako at ngumiti. “You’re always welcome.”

“Kailangan ang balik mo dito sa Alegria?”

“Baka weeks from now, babalik ako. Magbabakasyon ulit,” sabi ko.

“Talaga?”

“Oo. Magagalit na si Auntie sa kanya pag di siya babalik. Ilang taon din ‘yang di nakakaapak dito, e.”

“Sige! Text me kapag nandito ka, ha? Ipapasyal kita!”

Nagbigayan pa kami ng numero bago kami tuluyang umalis. Pinasadahan ko ng tingin ang lamesa nina Leo. Hinila ako ni Maggie kaya hindi na ako nagtagal.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]