Epilogue
Tumigil ako sa ginawa at tumayo ng maayos. Dumiretso ako sa CR para maglinis. Tinanggal ko ang condom at naghugas na.
“Jacob…” tinig ni Felicity ang tumawag galing sa kama.
Palagi na lang talagang ganito tuwing natatapos. Wala akong maramdaman kundi guilt. Hindi ko alam kung para saan. Para ba iyon kay Felicity… dahil hindi ko masuklian ng maayos ang pinapakita niya. O para sa aking sarili?
“Hmmm?” sabi ko habang naghuhugas.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Ilang taon kong hindi kaya tingnan ng ganito ka tagal ang sarili ko. Lahat ng sulok sa aking mukha, siya lang ang naaalala ko. Kahit sa katawan ko, siya ang naaalala ko. Rosie owned me. The whole of me.
Noon.
Noon ‘yon.
“I’m cold…” tawag ni Felicity.
“Sandali lang…” sabi ko at naghugas naman ng kamay ngayon.
Sa wakas, naramdaman ko na kung paano ulit ang humalik… kung paano ulit ang may inaalagaan at may inaalala… kung paano ulit ang mahalin.
Ilang taon kong tiniis ang pag-iisa. Sinabi ko sa sarili ko na kakayanin ko ang lahat ng ito. Kalahati sa akin ang nangangarap na pag balik ko, tanggapin niya ako ulit. Ang kalahati ay punong puno ng poot at galit.
Iniwan niya ako sa panahong kailangan ko siya. I must’ve been toxic to her but is that enough reason for her to leave? Kapag ba napuno siya sa akin ay iiwan niya ako? Paano kung palagi siyang mapuno? Paano kung kasal kami at doon siya napuno, iiwan niya rin ba ako? Tatalikuran niya ba ang pangako naman sa Diyos?
Tapos na akong maghugas ng kamay. Lumabas na ako ng CR at pinulot ko ang aking mga damit sa sahig. Sinuot ko ang aking boxers at dumiretso na sa balkonahe ng kwarto.
Ano ang gagawin mo kung lahat ng bagay at lugar siya ang naaalala mo? Simple. Tabunan mo lahat ng alaala niyo ng mga bagong alaala. Pero ilang buwan na ang nakalipas simula ng pinalitan ko siya, hindi parin tuluyang nawawala ang lahat.
“You really hate cuddling, huh?” tanong ni Felicity.
Nakahilig na ako ngayon sa railings ng balkonahe. Tinitingnan ko ang mga bagong bahay ilang bloke lang ang layo sa tinatayuan ng amin.
“Iyan ba ang nakuha mo sa mga babae sa US?” tanong niya.
Huminga ako ng malalim at hindi na siya nilingon.
“Hindi ako nagkaroon ng karelasyon sa US.”
Humalakhak siya. Ang matamis niyang tawa ay bumalot sa buong kwarto. Ibang iba sa tawa ni Rosie noon. Pinilig ko ang ulo ko. Kailangan kong tigilan ang pagkukumpara. Ito na ngayon. Kailangan ko nang tanggapin na wala na talaga. Kailangan ko nang tanggapin na hanggang doon na lang kaming dalawa. May bago na ako. At maaaring ganoon rin siya.
“Then should I be glad? After three years… or so… ngayon ka lang nagkaroon ulit ng girlfriend. And it’s me?” Mahinahon ang pagkakasabi ni Felicity nito.
Nagkakilala kaming dalawa sa opisina. Nag apply siya bilang manager at nakuha siya. Noong sinabi niyang pwede siya sa Alegria dahil malapit lang doon ang probinsya ng tatay niya, pinalipat ko siya sa Alegria para maging manager sa isang pabrika.
Simple lang siya at walang arte kumpara sa mga babaeng katulad niya ang estado ng buhay. Madali siyang patawanin. Madali siyang pasiyahin. Madali siyang libangin. Mga bagay na inakala kong hindi ko na magagawa pang uli noon ay nagawa ko sa kanya.
Akala ko hindi ko na kayang magpatawa ng ibang tao, magpasaya… humalik… mag alaga.
Isang yakap galing sa likod ang natanggap ko sa kanya. Tumuwid ako ng pagkakatayo at kinalas bahagya ang kanyang braso. Hinarap ko siya at nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako pabalik. Niyakap niya ako ng paharap ngayon. Hinilig niya ang kanyang ulo sa aking dibdib. Hinaplos ko ang kanyang buhok.
Siguro ay ito ang tinutukoy ni Tito Samuel noon sa akin. Siguro… ganito rin sila noon. Siguro nga… ito talaga ang realidad. Siguro nga… ang ganoong klaseng pagmamahalan ay hindi pwede sa buhay ng isang tao. Siguro nga… hanggang alaala na lang ang mga iyon.
May rason kung bakit sobra sobra ang pagmamahal ko kay Rosie. Iyon ay para malaman ko kung hanggang saan ko kayang mag mahal. Para malaman ko kung sagad ba o hindi ang pagmamahal ko sa mga susunod ko pang mamahalin. Standard. That’s it. Ang pagmamahal ko kay Rosie ay nagmistulang standard sa kalidad ng pagmamahal ko. At itong nararamdaman ko para kay Felicity ngayon, hindi makaabot man lang sa standard na iyon.
“I’m tired. Shall we sleep?” tanong ni Felicity.
Hubo’t hubad pa siya at ang tanging nakabalot sa kanya ay ang kumot sa aking kama.
Umiling ako. “Ikaw na muna ang matulog. Kailangan kong icheck ang ipinakita ni Tito Samuel sa akin na data kanina. Tatawag daw siya ngayon, e. Aantayin ko na lang.”
Noong nasa America ako, wala akong inisip kundi ang naiwan ko dito sa Pilipinas. Si Rosie. Si Rosie na itinaboy ako. Kulang na lang ay isigaw niya sa akin na hindi niya na ako mahal. Oo, iyon lang ang tanging makakapag insulto sa akin ng husto. Kung sabihin niya mang sawa na siya sa akin, matatanggap ko pa. Pero kung sabihin niyang hindi niya na ako mahal, iyon ang hindi ko makakaya.
“You know, Jacob… I think Rosie is a great girl for you…” sabi ni Tita Lydia.
Pangalawang pasko ko sa America ay hindi parin ako umuwi. Pu-pwede akong umuwi pero pinili kong hindi.
Simula kasi noong nagkalayo kami ni Rosie, mas lalo akong naliwanagan. Noong una, hindi ko pa matanggap ang mga binato niya sa akin. Ang sabi ko sa sarili ko, sawa na siya sa akin! Hindi niya na ako kayang mahalin! Sawa na siya kaya niya ako tinulak palayo! Na hindi niya matanggap kapag bumagsak ang kompanya! Hindi matatanggap ni Rosie kung bumagsak ang J.A. kasama ko! Hindi ako ang Jacob na gusto niya kung simpleng pamumuhay lang ang maiaalay ko sa kanya!
Pero hindi… habang tumatagal ay napagtanto ko ang gusto niyang mangyari. She wants to be out of my life because I love her too much. My love for her is self-destructive. Ni hindi ko naisip kung ano ang pakiramdam niya habang nakikita niyang pabagsak ang kompanya. Ipinapakita ko lang sa kanya na walang nagbago sa aming dalawa. Na ganoon ko parin siya kamahal kahit na halos mawasak ako. Ipinakita ko lang naman sa kanya na kahit walang wala ako, hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanya.
“Wala ka paring balak na umuwi sa Pasko?” tanong ni Tita Lydia.
Sa gilid naming dalawa ay ang malaking christmas tree. Sa harap namin ay ang fireplace. Pareho kaming umiinom ng wine. Tulala ako sa apoy habang siya’y tinitingnan ang bawat pahina ng mga photo album nila.
“Dito na muna ako.”
Baka pag umuwi ako, hindi na ako bumalik. Baka pag umuwi ako, mawawalan ng silbi ang pag alis ko. At ang tanging matitira ay ang panghihinayang sa nawalang panahon.
Umupo na rin si Tito Samuel sa tabi ni Tita Lydia.
“To let go of someone you love dearly is a hard thing to do, Jacob… Kaya ko nasabing mabuting babae si Rosie para sa’yo…”
Kahit na naiintindihan ko ang ibig sabihin ni Tita Lydia ay nananaig parin sa akin madalas ang kalahating nararamdaman ko.
“Hindi ba dapat hindi bitiwan kung mahal mo? Paano naging dakila ang pagpapalaya?”
Huminga ng malalim si Tita Lydia. Nanatili ang mga mata ko sa mga apoy. Hindi ko ginawang lihim ang nangyari sa amin ni Rosie. Kitang kita nilang lahat ang mga iyon. Alam ni Tita at Tito. Ilang beses silang nagtangkang makipag usap sa akin tungkol dito pero umiiwas ako. Dahil alam ko, hindi siya ang makakapagpagising sa akin. Ako lang. Ako lang ang makakatanggap sa mga desisyon ni Rosie. Walang ibang tao ang makakapagpaliwanag sa akin ng lahat ng iyon kundi ako.
“Kung nakakabuti naman para sa minamahal mo, kaya mong magpalaya. That’s called sacrifice.”
“Na hindi ko kailangan dahil kaya ko kahit hindi ako umalis.”
Oo. Alam kong kaya ko kahit hindi ako umalis. Kailangan ko lang mag tiis na pansamantalang maghirap para tuluyang makabawi sa lahat ng utang ni papa.
Hindi ko pwedeng ibenta ang binili niyang lupa bago siya namatay dahil alam ko kung bakit niya iyon binili. Asset iyon para sa J.A. Iyon ang dahilan kung bakit kahit alam niyang mahihirapang makabawi ang J.A., ginawa niya parin. At nakita niya rin siguro na mas magkakaroon ng silbi ang trucking kapag binili niya ang lupaing iyon. Nakita ko ito, pa. At kung hinihingi mong mag tiis ako, kaya ko. Pero hindi kaya ni Rosie. Hindi niya kayang makita akong nag titiis.
“What’s the point now, really? You’re here. I’m just saying that Rosie did something great. Mahirap iyon. Ang palayain ang minamahal mo para lang sa ikabubuti niya. That’s something, Jacob.”
“It reminds me of your dad and his first love…” tumawa ng bahagya si Tito.
Alam ko ang tungkol kay papa at Auntie Precy. Halos lahat ng matatanda sa J.A. ay alam ang tungkol doon. Lalong lalo ako pero hindi detalyado ang alam ko.
“Iba iyon…” sabi ko.
“Yeah. At some point, iba nga… Pero still, it reminds me of it…” ani Tito Samuel, nakatitig sa akin.
“Si Priscilla ba?” tanong ni Tita Lydia. “She’s somewhere here, Samuel…”
Kinuha niya ang isang photo album at may itinuro si Tita Lydia kay Tito.
“She looks like Rosie. Mas payat nga lang si Rosie sa kanya sa kapanahunang ito…” ani Tita.
“Yup. After all, pamangkin niya ‘yon…” ani Tito. “Jacob, hindi mo ba siya kinokontact kahit ngayon lang? Pasko, a.”
“Hindi na, tito.”
Ayaw kong umiyak at mapuno lang ng pighati ang mga araw ko dito. Mas mabuting ganito. Mas mabuting mag concentrate ako sa bagay na dahilan kung bakit gusto niya akong bumitiw.
Hindi ko kakayanin ang long distance relationship. Hindi ko kakayaning mag concentrate dito habang iniisip siya sa malayo. Hindi ako kasing tatag niya. Kaya nga kailangang kailangan ko siya noon. Pero pinili niya ang itulak ako palayo. Imbes na hawakan niya ako ng mahigpit habang inaayos ang aking buhay ay pinili niyang itulak ako palayo. Para ano? Para mag isang gawin iyon. Para mag isang tahakin ang landas na kaya ko sana kung kasama ko siya.
“Noong umalis si Juan Antonio sa Alegria para mag aral ng agrikultura at pamamalakad sa negosyo, Jacob, ganyan din ang ginawa niya kay Precy Aranjuez. Ayaw din niya itong makausap. Hindi niya sinabi kung bakit pero tingin ko’y para maayos niyang nagagawa ang gawain niya sa Maynila.”
“Nagkakilala sila ni mama. Iyon ang alam ko…” sagot ko sabay inom ng wine.
“Noong umalis din naman kasi si Precy, hindi siya bumalik ng Alegria, e. Nag aral siya sa Maynila ng pagtuturo. Maybe, your dad wants her to feel what he felt. He can’t leave Alegria. Syempre, i-establish pa ang J.A. noon. At malupit ang lolo diyan.”
“Masyadong bata rin siguro. Who would think it’s serious when they had that relationship while they were in high school? Mababaw ang mga relasyong nagsisimula sa high school. Puno ng kapusukan… idealism… reality will hit you real hard when the time comes. And then you’ll see where all your idealism goes.”
Nakatingin ako kay Tita Lydia habang sinasabi niya iyon. Umiiling siya na parang alam niyang nahahawakan niya ngayon ang puso ko. Totoo. Nagsimula kami nI Rosie noong high school pa lang kami. At wala akong inisip noon kundi kaming dalawa lang. Na mahal ko siya at mahal niya ako. Na ako lang. Na kaming dalawa ang magkakatuluyan. Magiging asawa ko siya, magkakaanak kami, at mabuhay ng payapa sa Alegria. But then reality came in between us.
“Bumalik si Juan Antonio sa Alegria, kasama niya na si Cielo. Buntis na si Cielo sa’yo…”
Sandali akong natigilan. Buntis si mama sa akin pagbalik nila ng Alegria. Tumindig ang balahibo ko.
“Kung ganoon, Tito, sinasabi mong pinakasalan ni papa si mama dahil buntis siya sa akin?” medyo matabang kong tanong.
“Mahal ng papa mo ang mama mo. That’s what I know. But you know… by now… you probably know how it all is. Right now, wala na kayo ni Rosie… Don’t tell me hindi mo naiisip na pwede ka pang magmahal ulit. Hindi ganoon ka tindi. Hindi ganoon ka grabe. Pero magmahal. Magmahal ulit.”
Hindi ako nakapagsalita. Hindi pa ako umabot sa mga puntong iyan. Ang tanging naiisip ko ay galit at panghihinayang. Pinaghahatian ng mga ito ang puso ko.
“Noong tinanong ko si Juan Antonio tungkol kay Cielo… Tinanong ko siya kung sa wakas ba napalitan si Precy… Ang sinagot niya sa akin noon, Jacob, iba si Precy… Iyon lang.”
Umigting ang bagang ko.
“There are loves like that. For people who are lucky to experience it. Hindi lahat ng tao, Jacob, ang nagmamahal ng ganyan. Only for a few. Only few people can experience fierce love. Swerte ka na kung naramdaman mo iyan. Ngunit hindi ibig sabihin na kailangan mong ipaglaban.”
“If you call it fierce, why can’t people fight for it? Kung talaga palang matinding pagmamahal, bakit hindi pinaglalaban? Hindi ba kaya nga matinding pagmamahal, kasi kayang ipaglaban kahit saang digmaan?”
Tumawa si Tito. “If you find someone who loves you deeply, then you’ll realize. You’ll realize how happy it is to feel the security it will give you. Isang bagay na hindi maibibigay sa’yo ng matinding pag ibig. Seguridad, Jacob. Ang kapayapaan na maibibigay ng pagmamahal na iyon ay hindi kayang ibigay ng fierce love. Because fierce love will always involve risk. It will involve bending… bending hard, and breaking.”
Natahimik ako. Alam ko na sugal ito. Alam ko na kailangang sumugal. Kung mahal mo, susugal ka talaga.
“The other love will give you peace and security. You won’t need to risk too much becauseit’s a sure win. When I asked Juan Antonio pagbalik niya ng Alegria, kung babalikan niya rin ba si Priscilla. He told me that Cielo gave him the peace of mind. And above all, Cielo gave him you. And he’s willing to make that promise in front of God, just to give you and Cielo a happy family.”
Nanginig ako sa sinabi ni Tito. Hindi ko pa naiisip na magmahal muli. Magmahal bukod kay Rosie pero ngayong sinabi niya ito sa akin, nasasaktan ako.
“So if you ask me if Juan Antonio truly loved your mom, I will say yes, he did. Iba ang pag ibig ni Juan kay Precy. Iba rin para sa iyong mommy. In the end, it’s the choices you make, Jacob. Alin sa dalawang pag ibig na iyon kaya ang nakakapagpakalma kay Juan Antonio. Alin sa dalawa ang madali? Alin sa dalawa ang makakapagpasaya sa mas maraming tao?”
Hindi ko alam kung paano ako magdedesisyon kung ako ang nasa kalagayan ni papa. Hindi ko alam kung kaya ko rin bang piliin ang daan na gusto niya.
Pagkabalik ko ng Pilipinas ay doon ko mas lalong napagtanto.
Ang mundo ay nang iiwan. Hindi ito nag hihintay sa’yo hanggang kailan ka nakahanda. HIndi ito ganoon. Handa ka man o hindi, sasampalin ka ng realidad.
“Aalis daw yata, e…” ani Leo sa akin.
Hindi ako nagsalita. Nanatili ang mga mata ko sa inumin.
“Inimbitahan ko sa birthday ko pero hindi nagreply. Tinanong ko kay Karl, ang sinabi ay nag hahanda daw iyon sa pag Du-Dubai. Kasama daw iyong boss niya.”
Duke Valenzuela. Iyon ang alam kong pangalan ng manliligaw niya. Boss. CEO. CEO ng isang international company.
Gusto kong basagin ang basong hawak ko. Kahit anong gawin ko, hindi ako! Kahit gaano na ka successful ang J.A., kulang parin! At maaaring tama si Tito! Ang hirap ng ganitong klaseng pag ibig! Nakakatakot! Paano kung mag makaawa ako sa kanya tapos hindi parin pala? May iba na siya? Susugal ba ako? Hindi. Hindi na ulit. Hindi na ulit ako susugal! Why can’t fierce love be a sure win?
Nilagok ko ang inumin ng isang bagsakan.
“Jacob, sus… may gusto yata ‘yong manager mo sa’yo, e. Bakit hindi ka mag move on na lang kay Rosie? May iba na iyong tao. Alam noon na nasa Pinas ka na, bakit ngayon niya pa itutuon ang pag alis?”
“Kontrata, siguro…” sagot ko kay Teddy. Para na rin makumbinsi ang sarili ko na ayos pa ‘to.
“Kontrata? Eh tapos ka na sa pag aaral, iyon lang usapan niyo. May trabaho na siya. Bakit kailangan pang umalis, ‘di ba?”
“Jacob…” ani Leo.
Natahimik si Teddy. Nilingon ko si Leo at nakita kong may nginuso siya kung saan. Kahit madilim sa bar ay kitang kita ko ang aking manager na si Felicity. Humingi siya ng isang linggong leave sa akin kaya siya nandito ngayon sa isang bar sa Maynila. Saktong kinailangan ko rin kasing mag Maynila para icheck ang paglipat sa pangalawang palapag ng mga empleyado.
“Not bad…” ani Teddy. “Pero iba parin si Rosie…”
Tiningnan kong mabuti si Felicity. Umaliwalas ang kanyang mukha nang nahanap ako. Ngumiti siya sa akin ngunit hindi ko masuklian ang kanyang ngiti.
“Hi! Ang suplado naman ng isa d’yan!” tawa niya.
Umiling ako at nagsalin na lang ulit sa aking baso.
Tinutukso kaming dalawa sa opisina. Pati ba naman dito, kapag kasama ko ang barkada ay tinutukso parin kaming dalawa?
“Tara, Feli! Let’s dance! That’s my song!” anang kanyang kaibigan.
Kumaway siya sa amin at dumiretso na sa dancefloor. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong pasayaw sayaw siya kasama ang kanyang mga kaibigan. Tatawa tawa siya habang ginagawa ang mga sayaw. Pinilig ko ang ulo ko, dahil may naiisip na naman ako tungkol kay Rosie. Kailangan ko nang tumigil sa pag iisip sa kanya.
Tiningnan ko ang aking inumin.
“Ano ‘yon?” tanong ni Leo.
Bumaling ulit ako sa dancefloor at nakita kong may humawak sa braso ni Felicity. Parang galit sa kanya ang lalaki at sinisigawan siya sa dancefloor. Tumayo ako at dumiretso na doon. Hindi ko alam kung anong mayroon o kung kilala niya ba ang lalaki pero hindi magandang tingnan iyon. Walang lalaki ang pwedeng manakit ng ganoon sa isang babae.
But then I can’t look at her the way I stare at Rosie. I can’t make love with her the way I did with Rosie. I can’t love her the way I loved Rosie.
Gaya ng sabi ni Tito, iba-iba daw talaga ang pag ibig. Iba nga iyong kay Rosie. Iba rin itong kay Felicity. Ang sa kay Felicity iyong nabibigyan ako ng kapayapaan at seguridad. Mahal niya ako at hindi ko na kailangang mangamba. It’s a sure win. I don’t need to risk. I don’t have to be scared. I don’t need to be scared anymore. Ang pagmamahal niya ang babalot sa takot kong puso.
“Jacob…” tawag ni Felicity.
Napatalon ako. Ngayon ko lang napansin na kanina pa ako nakatunganga. Kailangan na nga pala naming umalis.
“Kanina ka pa tulala, a? Are you okay?” tanong niya.
Tumango ako at pinaandar ang sasakyan.
Nagkita kami nI Rosie sa event. Mag isa siya pero alam kong kasama niya iyong bago. Hindi ko alam kung sila na ba at ayaw ko ring malaman.
Siguro ay gustong gusto niya iyon. Siguro ay hindi mahigpit. Siguro ay pumapayag sa mga pangarap niya. Siguro ay hindi mahirap mahalin. Siguro ay mature. Lahat ng kabaliktaran sa akin noon.
“Ayos ka lang ba?” mas mahinahong tanong ni Felicity.
“Ayos lang ako…” Nilingon ko siya. Pilit akong ngumiti.
“Ngayon lang ba ulit kayo nagkita ng ex mo?” tanong niya.
Shit! Bakit niya tinatanong sa akin ito?
“Parang ganoon na nga…”
“Ang ganda niya pala talaga, ‘no? Nakakapanliit…”
Nilingon ko si Felicity. Bumaling siya sa labas. Ayaw tumingin pabalik sa akin. “Hindi mo kailangang ikumpara ang sarili mo sa kanya…”
“Kaya ka siguro in love na in love sa kanya noon ‘no? She looks like a goddess! Lahat napapatingin sa kagandahan niya. Kahit siguro naka t shirt lang ‘yon, sobrang ganda niya na.”
“Hindi ko siya minahal dahil lang sa kagandahan niya.”
“Kung ganoon, ano?” tanong ni Felicity.
Nasa EDSA kami ngayon. Bakit ito pa ang naging topic naming dalawa habang natatraffic?
“Huwag na natin ‘tong pag usapan pa, Felicity. Ang importante ay ngayon.”
“Do you think you two will reconcile?”
Nilingon ko siya, bahagyang naiirita. “Let’s not talk about this! Wala na iyon! Matagal na iyon!”
Kitang kita ko ang pagkabigo niya sa aking reaksyon. I want to assure her that it’s okay pero hindi ko magawa. Nanatili ang mga mata ko sa kalsada.
“I’m sorry, Jacob. I’m sorry for bringing this up…” Nanginginig ang boses niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Nilingon ko siya at nakita kong umiiyak na siya. Kinagat ko ang labi ko at kinuha ang tissue.
“Hindi… Hindi, ayos lang, Fel. Ayaw ko lang na iyan ang ginagawa mong topic. Tapos na ‘yon. Tapos na… Huwag na nating pag usapan…” sabi ko ng mas mahinahon habang pinupunasan ang kanyang mga luha.
Marahan siyang tumango at hinawakan niya ang aking kamay.
“I’m just so scared, Jacob. Pakiramdam ko, talagang hindi ka akin. Pakiramdam ko, may nag mamay aring iba sa’yo…” ani Felicity.
Umiling ako. Napagtanto ko doon kung gaano kami ka pareho ni Felicity. Iyong takot at panginginig niya, tulad sa takot at panginginig ko. I am so scared that I would tremble so hard. I am so scared of it.
Kung mangyari ulit sa akin iyon, hindi ko na alam kung saan pa ako pupulutin kaya hinding hindi ako makakapayag na mangyari ulit sa akin iyon. Hindi na ulit. Hindi na talaga mauulit.
“Hindi mo kaya ‘yon? Mamuhay ng simple basta nandito ako? Hindi mo kaya ‘yon? Kaya ko ‘yon… Pero hindi mo ako binigyan ng pagkakataon. Kaya ko ‘yon, Rosie.” Umiling ako. “Tingin mo hindi ako magsisikap? Tingin mo nasanay akong mabuhay na marangya?”
“Jacob, hindi ganoon ‘yon. If I can push you to your limits, then I will. For you.”
Umiiyak si Rosie sa harap ko. She’s in a defensive stance. Parang alam niya na ngayon bubugahan ko siya ng mga hinanakit. Ng mga bagay na hinayaan kong mabaon sa aking puso.
“At para diyan, tinulak mo ako palayo. Ni hindi mo inisip ang mararamdaman ko. Na wasak na nga ako, dinikdik mo pa ng husto.”
“Hindi ganoon ‘yon, Jacob.”
Pumikit siya at umiyak.
“Iniwan mo ako sa panahong ikaw lang ang kinapitan ko. Kahit na sabihin mong para sa akin iyon, bakit? Alam mo ba? Kaya ko parin ang lahat ng ito, lalo na kung kasama kita. Hindi ko kailangan ng pagsasakripisyo mo! Hindi ko kailangan ng sakit!”
Maiinit na luha sa aking pisngi ang sumabay sa mga patak ng ulan. Ang akala ko, hindi ko na ulit iiyakan ito. Ang akala ko, naisalba na ako sa pag ibig na nagbigay sa akin ng seguridad at kapayapaan.
“Pero tama ka… You’re a poison to me…”
Nagkamali ako. Akala ko ang pag uusap naming dalawa ay makakapagpalaya sa akin, pero bakit parang mas lalo akong nakulong?
“Where have you been?” tanong ni Felicity sa akin habang ginugulo ko ang bahagyang basang buhok.
Lumipat kami ng kwarto. Sa isang guestroom ako pansamantalang kami natutulog dahil mas malapit iyon sa study ni papa. Lilipat din ako doon sa kwarto nila ni mama, pinaparenovate ko pa.
“Hindi ba nasabi sa’yo ng driver?”
“I know you’ve been to the plantation. Pineapple plantation. Bakit ka pumunta doon?” tanong niya, sinusundan ako sa loob ng kwarto.
Kumuha ako ng tuwalya. Maliligo ako ng mainit na tubig. Kanina pa ako nilalamig. Pakiramdam ko magkakasakit si Rosie sa nangyari.
“May binisita lang?”
“Naroon daw si Rosie, ‘di ba?”
Nilingon ko siya. Humalukipkip si Felicity. Sa kauna unahang pagkakataon ay nakita ko siyang may halong galit at iritasyon.
“Oo. Nagulat ako nang nakita ko siya doon…”
“Hindi kayo nag usap na magkita doon?” tanong ni Felicity.
Umiling ako. “Hindi ko gagawin ‘yan.”
Magkaiba ang pagmamahal ko para sa kanya at para kay Rosie pero hinding hindi ko gagawin iyon sa kanya. Siya na ngayon ang girlfriend ko at rerespetuin ko iyon.
Biglag gumulo ang utak ko.
“Then bakit kayo nagkita doon?” tanong niya.
“Hindi ko alam, Felicity. Pumunta ako doon, nandoon din siya. Kabayo ang sinakyan ko kaya noong umulan nagpasilong kami sa kubo…”
“Did you talk to her?”
Tumango ako. Kitang kita ko ang pait sa kanyang mga mata. “Iyon lang…”
“Anong pinag usapan n’yo?”
Hindi. Hindi niya pwedeng tanungin ito sa akin. Masasaktan siya dito.
“Felicity, please? Huwag kang mag alala…” sabi ko sabay lapit sa kanya kahit na maging ako’y gulong gulo na.
I just know that I need to protect her. I can’t hurt the woman that loves me so much. Not like this.
Hinawi niya ang kamay ko at lumayo siya sa akin.
“Ano, Jacob?” mahinahon niyang tanong. “Anong pinag usapan n’yo?”
Pumikit ako ng mariin. Binagsak ko ang tuwalya. Alam kong kailangan niya ng katotohanan sa akin. Ayaw ko siyang saktan pero mas masasaktan ko siya kung ililihim ko sa kanya.
“Nag usap kami tungkol sa nangyari sa amin noon. Closure, Felicity. Lahat ng hinanakit ko sa kanya, sinabi ko. Sinabi ko rin na naiintindihan ko ang pagtulak niya sa akin palayo-“
“Sinabi mo bang mahal mo pa siya?”
Hindi ako nakagalaw. Pumatak ang luha sa kanyang mga mata.
“Felicity, ikaw ang girlfriend ko-“
“But you love her, I know. You love her…” Tumango siya habang umiiyak.
Gusto ko siyang aluin pero hindi nanatili akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ko ipagkakaila iyon. Sana ay hindi niya na lang ako tinanong. Sana ay hinayaan niya na lang akong gawin itong lahat.
“And did she tell you how much she wants you back?” tanong niya.
“Felicity, hindi na iyon pwede. Wala na iyon kay Rosie…” sabi ko.
“She wants you back, I know it! I know when a girl is still in love with a man, Jacob! I see it in her eyes! And you! I see it in you! Kaya isang tanong pa ulit! Sinabi mo ba sa kanyang mahal mo siya?” sigaw niya sa akin, ngayon mas lalong humagulhol.
Parang pinipiga ang puso ko.
Rosie is the love of my life. Rosie is my fierce love. Siya ang magtutulak sa akin para mangarap at magbakasakali ulit. Siya ang tanging makakagawa sa akin noon. Siya lang at wala nang iba. Same reason why it’s so hard to be with her. Dahil kaakibat ng sobra sobrang pagmamahal ko sa kanya ay ang takot at walang kasiguraduhan. But do I want her? Do I want her so much? Do I want her so bad?
Yes. I want her so bad.
Yes. I can risk it.
Yes. I will risk it.
Yes. I don’t know how but I’m saying yes to everything.
“Felicity…”
“Jacob, marry me!” sigaw niya sa akin sabay lapit.
Hindi ako nakapagsalita. Basang basa ang kanyang pisngi sa mga luhang hindi ko na kayang punasan. Tingin ko’y masyadong nawasak at hindi ko na kayang ayusin pa.
“Marry me! Let me be your wife!”
“Felicity, we will see in the future-“
“Bakit hindi? Ha? Bakit hindi mo kaya akong pakasalan? When all you did with Rosie, years ago, was ask her to marry you! Bakit sa akin, hindi pwede? Because you grew up!? Because you’re different now? Ha? O dahil talagang iba ako! Dahil hindi ako ang gusto mong pakasalan? Dahil hanggang ngayon, siya parin!” sigaw niya.
Pumikit ako ng mariin. Nawalan ako ng mga salita. Nawalan ako ng lakas para humanap pa ng salita.
“And fuck it! I can’t blame you. I know from the start that I am a potential rebound for you pero sumugal ako! Nagbaka sakali ako sa’yo! Baka sakaling makalimutan mo ng tuluyan ang ex mo dahil sa akin!”
Sinapo ko ang noo ko. Hindi ko na makontrol ang lahat. Pati ang nararamdaman ko.
“Pero Jacob… Kung hindi mo ako kayang mahalin tulad ng matinding pagmamahal mo kay Rosie, huwag na lang. Hindi ko kailangan ng paninindigan mo. Hindi ko kailangan ng awa mo. Hindi mo kailangan akong gawing responsibilidad. Hindi ko kailangan ng lahat ng ‘yan…”
Nag init ang gilid ng mga mata ko. Tiningnan kong mabuti si Felicity. Nanginginig ang labi niya habang sinasabi ang lahat ng ito.
“Ang kailangan ko ay ang pagmamahal mo. Iyang pagmamahal mo na mukhang si Rosie lang talaga ang makakaranas. Iyan ang kailangan ko… Hindi ang kahit ano… Kaya kung hindi mo ‘yan maibibigay sa akin ng buo, hindi ako susugal sa’yo…” Umiling siya at kinuha ang nakahandang maleta sa gilid ng kama.
“Felicity…” tawag ko.
Ayaw kong umalis siya ng ganito. Pagkatapos ng lahat, she’s still important to me. A part of me loved her. A part of me trusted her. She made me happy. She made me realize that it’s okay to feel again.
“Felicity…”
Sinundan ko siya palabas ng kwarto. Nilingon niya ako bago siya makababa ng hagdanan.
Ngumiti siya kahit na ag mga luha sa kanyang mga mata ay patuloy na tumutulo.
“Thank you for the experience, Jacob. I hope we’ll be friends someday. At sana… bumalik ka na kay Rosie. Kasi iiwan kita, para sa inyong dalawa. Iiwan kita dahil alam kong mahal na mahal niyo ang isa’t-isa!”
Naestatwa ako habang tinitingnan ko siyang umiiyak pababa ng hagdanan.
Bumalik ako ng kwarto ilang sandali ang nakalipas at dumiretso sa banyo. Binuksan ko ang shower. Kahit hindi pa ako nakakapaghubad ay hinayaan ko ang tubig na dumaloy sa aking katawan.
Umupo ako sa malamig na tiles at sinapo ko ang aking noo.
Gaano ka kaduwag, Jacob? Ganito ka ba kaduwag talaga?
Pinili mong makasakit huwag lang masaktan? Pinili kong manakit ng ibang tao dahil hindi ko kayang masaktan ulit?
Anong magagawa ko, ang sakit sakit kapag si Rosie mananakit sa akin? Nakakatakot na iyon. Nakakatakot ang ginawa niya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin kung maulit pa iyon!
Ginulo ko ang buhok ko.
Pero paano kung iba na ‘to ngayon? Paano kung hindi na mangyayari ulit. Something in me changed because she pushed me away. Baka matanggap niya ang pagbabago sa akin. What if it’s all going to be okay? What if she’ll choose me this time? What if she’ll hold me tight this time?
But then… those are just what ifs.
Pumikit ako ng mariin at tumulo ang luha ko. Dahil alam ko sa sarili ko na takot man ako, tangina, kaya ko paring sumugal sa kanya. Kaya ko parin. Kakayanin ko paring sumugal. Ang sakit, hindi kaya pero para akong bulag kung sumugal! Para akong bulag na kayang humakbang kahit hindi nakikita kung bangin ba o patag pa ang daan! Kaya ko paring humakbang para sa kanya.
Inisip ko si Felicity at lahat ng sakripisyo niya.
Paano naging dakila ang pagpapalaya?
Ito ‘yon. Dakila ang pagpapalaya. Dakila ang pagsasakripisyo. In her sacrifice, I’ll find my real happiness.
I kissed her slowly. Sa bawat paghalik ko sa kanya ay ang pagkakamangha ko na hanggang ngayon, kaming dalawa. Everything’s worth it. Ang sakit na binigay niya sa akin, worth it. Ang lahat ng nangyari sa akin, worth it. Lahat ay worth it.
Rosie’s sacrifice made me realize that sometimes, we need to fall apart to grow individually. Sometimes, we need to focus on ourself to find our worth. At ang pagbabalik ko sa kanya ang nakapag parealize sa akin na kaya kong magbaka sakali, para lang sa pagmamahal na ito.
Ang sabi nila, mahirap daw panindigan ang ganitong klaseng pagmamahal. Fierce. Tough. Mahihirapan tuwing nakakasagupa ang realidad. At sa huli ay masisira lang… pero sa pagbabalik kong ito, masasabi ko na hindi. Gaano mo man kamahal ang isang tao, kung hindi mo pinaglaban, hindi fierce love iyon. Ang fierce love ay ang pag ibig na kahit anong sagupa sa realidad ay kaya paring bumangon, magpatawad, at mag mahal muli.
Ang sabi nila, ang ganitong klaseng pagmamahal ay hindi nagkakatuluyan sa huli. Siguro nga… para sa kanila… dahil hindi lahat ng tao ay kayang sumugal. It’s easy if it’s a sure win. Because that’s reality. And reality taught us that love is a choice… a decision. People choose what’s convenient and what is not scary. People choose the easy way.
But the easy way for me isn’t a win. A sure win for me isn’t victory. And mediocre love, for me, isn’t love at all. The only love I will accept is the fierce love. The only woman I’ll marry is the woman who can make me tremble so hard because I’m afraid to lose her.
Kung bumagsak man ako dito, I’d call it a loss. I’d call it the end. Ang tanging matatanggap ko ay ang pagbagsak ko dahil sa pagsugal ko sa mga pangarap ko. If I fail, I want it because I tried my best for this. If I fail, it’s because I took the chance. Kung masaktan man ako at mawasak, iyon ay dahil sinubukan ko sa abot ng aking makakaya. Sinubukan ko kaming dalawa. Sinubukan ko ulit ang pangarap ko.
I kissed her tenderly. Nakatitig si Rosie sa akin habang pinapaulanan ko siya ng halik. Kinagat niya ang labi niya at sinuklian ang aking mga halik.
Hinaplos ko ang kanyang dibdib dahilan kung bakita natigil siya sa pagsukli sa akin ng halik. Hinalikan kong muli siya. Hinahamon sa bawat halik.
It’s only in her arms that I can find my happiness. Hindi bale na kung mangamba ako. Ganoon naman talaga dapat pag nagmamahal.
Kinarga ko siya at niyakap niya ako ng mahigpit. Tumawa siya nang nahirapan siyang kalasin ang mga kumot sa kanyang baywang.
Tumawa rin ako at binaluktot ang kanyang tuhod sa aking braso.
“Anong ginagawa mo?” tanong niya.
Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Ang init sa kanyang mga mata ay hidi makatakas sa akin.
Hinalikan ko ulit siya at tiningnang mabuti habang pinapaupo siya sa aking hita. Dumaing siya nang naramdaman ako sa kanya. Paulit ulit at may panunuya kong tinaas baba siya habang karga karga ko.
Mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin. Bumitiw ang isang kamay niya at hinawakan ang kalakhan ko. Halos mapapikit ako sa ginawa niya. Pumungay ang mga mata niya habang tinutok sa kanya ang akin.
“Go in…” bulong niya.
“Masasaktan ka…” bulong ko.
Ngumuso siya at siya na mismo ang nagpumilit na gawin iyon. Napadaing ako sa naramdaman ko.
Rosie is my passion. This love is the meaning of my life.
Nanatili kaming ganoon saglit. Ipinakita niya sa akin ang kanyang daliri na may dalawang engagement ring. Ang una ay bago kami nagkahiwalay, ang pangalawa ay ang binigay ko sa kanyang bago kanina.
Dahan dahan siyang lumikha ng ritmo. Pumikit ako hinahayaan siyang gawin iyon. PInalupot niya ang kanyang braso sa aking leeg. Habang tumatagal ay bumibilis ang kanyang ginagawa.
Sinabayan ko siya. Taas baba rin ang pag karga ko sa kanya. Sinasalubong niya ang bawat pagpasok ko at lumalayo siya sa paglayo ko.
“I love you, Jacob…”
Hinalikan ko siya habang ginagawa iyon. Hinalikan ko ang kanyang leeg. Habang ginagawa ko iyon at tumitingala siya at pumipikit. Hindi ko mapigilan ang pagngisi. Hinalikan ko ang kanyang collarbone. Hinalikan ko ang kanyang dibdib, ang kanyang balikat. Bumilis pa lalo ang pag taas baba niya kaya sinabayan ko siya.
Halos mapadaing ako sa lakas ng pagkakalmot niya sa aking likod.
“Jacob!” she moaned so loud.
Mas lalo kong binilisan ang ginawa ko hanggang sa tinawag ko rin siya. Para akong nahilo sa tindi ng naramdaman ko. Ang init niya at ang init ko ay napag isa.
“I love you more, Rosie…”
Ayaw kong makulong sa pag iisip kung ano ang mangyayari kung si Rosie ang pinili ko. I want to live with my passion. Life is too short for mediocre things. Life is too short for mediocre love.
Hinawakan ko ang kamay niya pagkalabas namin ng sasakyan. Papalubog na ang araw, kulay orange ang langit. Umihip ang hangin at ang tunog ng mga dahon sa mga puno ng acacia ang narinig namin doon.
Nakatayo si Auntie Precy sa puntod ng aking ama. Isang kandila at mga bulaklak ang dala niya.
“Nandito pala si Auntie…” ani Rosie.
Tumango ako. “Lapitan natin…”
Dala ni Rosie ang mga bulaklak. Dala ko naman ang scented candle na sinabi niya sa akin. Palapit kami kay Auntie Precy ay mas lalo kong narinig ang mga sinasabi niya sa puntod ng aking ama.
“Salamat…” iyon lang ang malinaw.
Nilingon kami ni Auntie. Siguro’y namalayan niya ang pagdating namin. Nilapag nI Rosie ang bulaklak at bumalik siya sa akin para hawakan ang aking kamay.
Hinila ko siya para makaluhod kami at masindihan ag scented candle. Dalawa iyong dala namin at sabay naming sinindihan iyon galing sa kandila ni Auntie Precy.
“Auntie, kinakausap n’yo si Don Juan?” tanong ni Rosie at nilingon ang kanyang Auntie.
“Oo…”
“Anong sinabi n’yo?”
Hindi siya agad nagsalita. Pinalipas niya muna ang ilang segundo bago huminga ng malalim at nagsimula.
“Ang sabi ko, worth it lahat ng sakit sa aming dalawa. Na kung pinili niya ako, walang Rosie at Jacob. Na kung sumugal ulit ako sa kanya, masasayang kayong dalawa. Kaya okay ang lahat. Magandang desisyon ang lahat. Tama lang ang lahat. Lahat ng sakit… para sa inyong dalawa ni Jacob…”
Nilingon ko si Auntie Precy. Ngumiti siya sa akin.
“Hindi ‘to para sa amin dahil para ‘to sa inyo.”
“Salamat, Auntie…” tanging nasabi ko.
Ngumiti si Rosie at tumingala sa akin. It’s her smile that makes everything in me okay.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]