Kabanata 28
Pangako
Buong araw akong natulog at nagpahinga. Mabuti na lang at nang nag hapon ay medyo bumuti buti ang pakiramdam ko. Naisip ko pa namang kahit na may sakit ako ay pupunta ako.
“Hello, Rosie…” si Karl iyon.
Ni loud speaker ko ang cellphone ko. Alas singko y media na at nag aayos na ako.
“Yes…”
“Papunta na ako diyan? O? Ayos ka na ba?”
“Yeah… I’m feeling better.”
“Whoa! Kapag talaga ano, e, no… Better agad?”
Umirap ako. “Seriously, Karl. I’m feeling really better. Medyo masakit pa ang ulo ko pero maayos na ako.”
Ang alam ko, ang unang inimbitahan ni Leo sa kanyang birthday ay kaming dalawa lang ni Karl. Pero dahil nagkasabayan kami nina Callix noong Sabado ay naimbitahan niya na rin ang mga kaibigan ko. Unlike what we did last Saturday, hindi ito clubbing ngayon. It’s just chill, food, music, and booze. Isang bagay na hindi ko masyadong nagagawa pag lumalabas ako. Pero dahil ngayon, kasama ko ang kabanda ni Jacob, syempre iyon ang gusto nilang gawin.
“Oh? Saan ka?” tanong ni Maggie.
She broke in to my room. Naglalagay ako ng eye shadow. Siya naman ay panay hawak sa leeg at noo ko.
“May lagnat ka pa ah?”
“Wala na ‘yan…” sabi ko.
Matalim akong tinitigan ni Maggie. Nagpatuloy ako sa paglalagay ng eyeshadow. Hindi pwedeng ngayon niya ako pagbawalan.
“Papunta na si Karl dito. Aalis ako…” sabi ko para hindi niya na ako pigilan.
“May lagnat ka pa. Ilang paracetamol ang na inom mo? ‘Tsaka napapaos ang boses mo. Sinisipon ka?” tanong niya.
Umiling ako sabay tingin sa kanya.
“Ubo? Rosie… anong sasabihin ko kay Mommy? Kakasabi ko lang na hindi ka pumasok dahil nagkasakit ka tapos pagtawag niya mamaya sasabihin ko naman na umalis ka? Night out? Ano ‘yon?”
“I’ll call her after. Papasok ako bukas…”
“Paano kung may sakit ka pa? Papasok ka parin?”
“Oo…” sabi ko.
Umiling si Maggie at lumabas ng kwarto ko. Panay ang salita niya habang nasa labas. Pinapagalitan ako dahil hindi daw ako marunong mag alaga sa aking sarili. At marami pang ibang bagay na pinalabas ko na lang sa kabilang tainga ko.
“Maggie, what’s wrong?” boses ni Karl ang narinig ko.
Pinapasok niya pala ang kaibigan ko.
“Si Rosie, may sakit… lalabas pa…”
“Oh? Akala ko ayos na siya…”
Lumabas ako ng kwarto. Napatingin silang dalawa sa akin.
“Ayos na ako, Maggie. Seriously…”
Nag ngising aso si Karl. “Magiging maayos din ‘yan…”
“Saan ba kasi kayo pupunta?”
“Sa birthday ni Leo…” ani Karl.
Hindi na nagsalita si Maggie. Nagpatuloy siya sa pag aarrange ng mga libro niya sa lamesa. Tahimik siya bago nag angat ng tingin sa akin.
“Mag ingat kayo, kung ganoon.”
Nakawala kami sa kanya. I can’t believe how she quickly changed her mind. Noong nalaman niyang birthday ni Leo, paniguradong dahil iniisip niyang naroon si Jacob.
“Ayos na ayos, a?” puna ni Karl habang inaayos ko ang seatbelts.
“Hindi ako nag ayos… I just don’t want to look sick…”
“Alright… sabi mo e!”
Hinaplos niya bigla ang dibdib ko. Tinampal ko ang kamay niya at natawa na lang. Damn if he isn’t gay, I would’ve slapped him hard.
“Sweetheart neckline…” humalakhak siya.
“I wore this last month. Kung nag ayos ako, dapat nag shopping muna ako bago lumabas!” giit ko.
“Yeah, yeah!”
Nagtalo kaming dalawa dahil sa panunukso nila.
Kinontact din namin sina Belle, Ava, Callix, Josh, at Edward. Syempre, hindi ma contact sina Callix at Belle. Pero paniguradong pupunta iyon. Si Ava naman ay susunduin ni Josh, kasama si Edward. Naroon na daw sila at hinihintay kami.
Unti unti na akong ginapangan ng kaba. Hindi ako mapakali at hindi na ako makatawa sa mga biro ni Karl.
“Huwag mong kalimutan, Rosie… May girlfriend si Jacob…”
Kahapon ko lang nalaman na wala na si Jacob at Felicity. I know the break up is still fresh too, kahit na sabihing ilang araw na iyon. Hindi pa alam ni Karl ang tungkol doon.
“They broke up…”
Halos tumilapon ako sa tindi ng break ni Karl. Matalim ko siyang tinitigan.
“Are you kidding me?”
Umiling ako. “Drive properly…”
Kinwento ko sa kanya ang pagpunta ni Felicity sa opisina ko. Kinwento ko rin ang pagpunta ni Jacob sa amin kagabi.
“Kaya ba nagkasakit ka? Syempre… Kung ako rin naman nasa pwesto mo, magkakasakit din ako ng todo!”
Natahimik ako. Umiiling iling siya habang pinapark ang sasakyan. Nanlalamig na ako nang nakita ko ang pupuntahan naming bar.
“I can’t believe it. After all your tears… this?”
Kinalas ko ang seatbelts ko. Hindi na ako nakapagsalita o nakadagdag man lang sa kanya. I’m just so preoccupied with tonight.
Dumiretso kami ni Karl papasok sa bar. Dim ang lights ng bar at maingay pa sa mga old songs. Hindi iyon live, siguro dahil alas sais pa naman ng gabi.
Malawak ang lugar. Itim ang dingding at pinaghalong kulay pula at puti ang mga ilaw. Parang tulad rin ng mga club na napuntahan namin, only there’s less people and better music.
Naagaw ang pansin ko ng rounded bar nito. The place looks cool. Ang mga kulay pulang silya sa pangmaramihang mga lamesa ang nagpatingkad sa buong bar.
“Sila ba ‘yon?” tanong ni Karl sa akin.
Inayos ko ang buhok ko. Nasa gitna silang lahat. Napansin ko na kakarating lang din nina Belle at Callix. Kakaupo lang nila sa mga upuan.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong imbitado. Ang tanging naroon ay sina Jacob, Leo, Louie, Teddy, Callix, Edward, Josh, Belle, at Ava.
Dalawang upuan na lang ang natitira. Ukupado ang upuan sa tabi ni Jacob. Naroon si Leo at sa kabila naman ay si Teddy. The only unoccupied seats were the ones in front of him.
Nagtawag sila ng waiter. Napatingin si Leo sa amin at may sinabi siya sa buong table kaya napatingin din si Jacob sa amin ni Karl.
Nag iwas ako ng tingin. Pakiramdam ko ay nakalutang ako habang naglalakad.
Tumayo si Edward at inayos niya ang upuan ko. Ngumiti ako sa kanya at umupo na.
“Salamat…”
He smiled back and went back to his seat. Napatingin ako kay Leo…
“Happy birthday, bro!” ani Karl sabay high five kay Leo.
Tinanggap iyon ni Leo. Sinipat ko na lang si Karl at naabutan ko siyang nakangising aso.
“Happy birthday, Leo…” I said.
Tumayo ako at nag beso sa kanya. Uminit ang pisngi ko at nilingon agad si Jacob na ngayon ay nakataas ang kilay habang tinitingnan ang menu.
“Thanks! Akala ko di kayo dadating, e.”
Pinasadahan ko ng tingin ang buong lamesa. Naglalagay na ng pagkain ang mga waiter habang nag uusap usap kami.
“You seriously want your birthday to be celebrated here? And all your night outs in a club with some of your friends?”
Tumawa siya. “Pag kaarawan ko talaga, gusto ko ganito lang. I invited you last year… Don’t you remember?”
Umiling ako. I don’t remember.
“Siguro nag change ka na ng number that time. Sa Friday, club kami. Isasama ko na ang ibang kaibigan ko. You’re invited, by the way.”
“I’m sure I’m invited too…” ani Karl.
“Invited kayong lahat!”
Nagtawanan sila. Tipid lamang akong ngumiti at napatingin kay Jacob. Ang buong atensyon niya ay nasa menu parin na parang may hinahanap.
May sinabi siya kay Leo at tumango lamang si Leo sa kanya.
Pagkatapos ng walang tigil na kwentuhan ay kumain na kami. I find it cool that somehow, kahit hindi naman talaga nila masyadong kilala ang isa’t-isa, nagkakasundo ang lahat. Kung iisipin ko, sina Leo, Louie, at Teddy ay kaibigan ni Jacob. Sina Karl, Belle, Callix, Edward, Josh, at Ava naman ay kaibigan ko. Nagkakasundo si Louie at Edward dahil sa trabaho. Si Ava naman ay aliw kay Teddy. At syempre, hindi na mahirap kay Belle at Callix na pakisamahan ang barkada dahil may koneksyon naman sila.
Hindi ako masyadong nabusog dahil halos hindi ako kumain. I don’t want to feel bloated and ruin the night. Naaaliw na si Leo at Karl sa pag uusap tungkol sa negosyo. Nakikinig lamang ako.
Nilapag ng waiter ang mga inumin sa aming lamesa. Kitang kita ko ang pagkuha agad ni Jacob sa isang baso. Nilagok niya iyon na parang uhaw na uhaw siya.
Tumikhim ako. Napatingin siya sa akin. Tinulak niya ang basong walang laman sa mesa.
Nagtiim bagang ako. It’s just a shot, Rosie. Hindi naman siguro siya malalasing kapag may isang shot.
“Rosie…” ani Karl sabay bigay sa akin ng vodka.
“I think I had too much last Saturday.”
“Ah… The figure…” ani Karl kahit na ang iniisip ko ay ang sakit ko. Mamaya lumala pa itong sakit ko.
Mahigit na isang oras na pananahimik ang ginawa ko. Ganoon din si Jacob. Nagsasalita lamang kung tinatanong. Medyo okay na rin ako dahil hindi na siya uminom pang muli.
Unti unting dumami ang mga tao. Napapalingon ako sa mga grupong naroon.
“Ano? Game!” ani Leo sabay tayo.
Pulang pula na ang kanyang pisngi. Umiiling si Jacob sa kanya. Para bang may ayaw siyang gawin pero pinipilit siya ng birthday boy.
Leo’s wearing a faded blue button down shirt. Si Jacob naman ay naka itim na v neck t shirt. Tinapik ni Leo ang balikat ni Jacob at pinilit ulit siyang tumayo pero ayaw tumayo ng nasa harap ko.
“What is it?” tanong ko.
“Kanina ko pa ‘to kinukumbinsi na tutugtog kami dito. Kahit isa o dalawa lang. I miss playing, you know…”
“You’re always playing with your guitar, Leo. Ah! Huwag mo na kaming idamay. Nakakahiya…” ani Teddy sabay tingin sa kabilang table na kung saan ay puro mga babae.
Napatingin akong muli kay Jacob nang biglaan siyang tumayo. Mas matangkad siya ng kaonti kay Leo. Tumingala ako. He looked so manly. Inayos niya ang itim niyang relo.
“Isang kanta lang…” ani Jacob.
“Ha?” gulat na sinabi ni Teddy pero walang nagawa kundi tumayo.
Pumalakpak si Belle at Ava. Sa sobrang excitement pa ni Belle ay ni set niya na ang phone niya ng video para ma videohan ang lahat.
Kumalabog ang puso ko. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang narinig ko silang tumugtog ulit. This is new… I wonder what changed!
Pumalakpak ako. Nakaakyat na si Jacob sa stage at nang nilingon niya kami ay tumigil ako sa ginawa.
Kinagat ko ang labi ko at pumormal. Siniko ako ni Karl.
Nagsimula si Leo sa pag sstrum. Tumigil siya nang may sinabi si Teddy. Nag usap pa sila ng ilang sandali.
Pumalakpak ulit si Ava at Belle. Naki sali na rin si Josh, Edward, at Karl. Kulang sila ng isa. Wala si Ron. Kaya siguro medyo natagalan sila. ‘Tsaka matagal na rin silang hindi nakakatugtog.
Ibang kanta na ngayon ang tinugtog ni Leo. Sa gilid ng aking mga mata ay mas dumami ang panibagong dating na mga tao. Pero nanatili ang mga mata ko sa harap.
Hinawakan ni Jacob ang microphone. Dinala ako ng aking mga alaala sa Alegria. Bumubuhos ang nalalagas na dahon ng mahogany. Tumatakbo ako papunta sa covered court kung saan sila tumutugtog. My black shoes, my white socks, my complete uniform, my long hair… and the Jacob’s on stage.
Bumilis ang hininga ko. Lalo na nang nagsimula siya.
“If I give up on you I give up on me
If we fight what’s true, will we ever be
Even God himself and the faith I knew
Shouldn’t hold me back, shouldn’t keep me from you…”
Kumalabog ang puso ko. Pakiramdam ko, unti unti akong nahuhulog. Natatakot ako pero wala akong nagawa. It’s an inevitable fall.
Pumikit si Jacob. Nangilid ang luha ko.
“Tease me, by holding out your hand
Then leave me, or take me as i am…”
Does it really matter? Na nasaktan niya ako? Na ang dami daming nangyari sa gitna naming dalawa?
Marami kaming nasaktan. And I don’t know how to deal with all of that. Duke… Felicity… And even before all of these, we’ve been hurting other people. Para kaming bagyo pag nagkakalayo. Laging may nasasaktan at nawawasak.
Biglang tinugtog ni Leo ang isang pamilyar na kanta. Nanlaki ang mga mata ko. Kitang kita ko ang pag lingon ni Jacob sa kanya. Nakangiti ang tatlo. Si Jacob lang ang gulat sa tinugtog ni Leo.
Hindi na kanta ni Jacob sa unang intro ang lyrics kaya inulit pa nila para bigyan siya ng isa pang pagkakataon.
Kahit hindi pa natatapos ang naunang kanta ay inintro na nina Leo, Teddy, at Louie.
Bumaling si Jacob sa akin. Kinagat niya ang kanyang labi at nagsimula.
“We’ll do it all. Everything. On our own. We don’t need anything Or anyone…”
Tumindig ang balahibo ko. Pabulong akong napamura. Pumikit si Jacob at nag loosen up sa kanta. Kanina ay parang na eestatwa pa siya.
“If I lay here. If I just lay here. Would you lie with me and just forget the world?”
Gusto kong humagulhol. Gusto ko nang bumalik sa kanya. Alam kong magulo. Alam kong maraming pagkakamali. Pero kung hindi talaga ito iyong tama, bakit ito ang gustong gusto ko? Bakit pakiramdam ko ito ang tama?
If this isn’t the right thing, then what is the right thing? Will it feel better than this? Because I think this is the best love I can give… and receive… At kapag hindi ako susugal ngayon, habang buhay ko itong pagsisisihan.
Anyway, what is this world all about? I guess it’s all about risks. Everything’s vague… Hindi mo talaga malalaman kung alin ang tama o mali. Mararamdaman mo pero hindi mo iyon makukumpirma kung hindi mo susubukan.
Huminga ako ng malalim nang natapos sila sa pagkanta. Tumayo ako para pumalakpak. I tried my best not to cry. I don’t want to ruin my make up. Pinunasan ko ang luha sa gilid ng aking mga mata.
“Rosie?”
HIndi pa nakakababa sina Jacob ay narinig ko na ang boses ni Duke. Napatingin ako sa kakarating lang na mga lalaking kasing edad niya. There were six men with him.
Naupo na ang kanyang mga kasama at napatingin sa akin. Nanatili si Duke malapit sa lamesa namin. He’s wearing his white button down shirt. Nakatupi ito hanggang siko. Mukhang galing trabaho.
“Duke!”
Then I remembered! Nag absent ako dahil may sakit ako at makikita ako ng mismong boss ko sa lugar na ito? What the hell?
“Are you okay?” tanong ni Duke sabay pasada ng tingin sa aming lamesa.
Napalunok ako. He looked disappointed. I know he needs my explanation. Kasalanan ko ito!
Lumapit ako sa kanya. Umigting ang panga niya at bahagyang naglakad palayo. Sumunod ako sa kanya. Nilingon niya ako.
“I thought you were asleep…” aniya.
“I was sick. Naging okay na ako noong hapon tapos nag aya ang isang kaibigan ko kasi birthday niya…”
Nilingon ulit ni Duke ang lamesa. Tumango siya sa akin at bahagyang natigilan.
“But you’re okay now?” tanong ni Duke.
“Yes. I am…”
“Magtatrabaho ka na bukas?”
“Yes…”
“Sure?” he smiled.
I can’t help but feel so damn guilty. Alam kong totoong may sakit ako pero hindi ko parin maiwasan.
“Good.”
Pinadausdos niya ang kanyang kamay sa aking baywang at nilingon ang mga kasama. Napatingin ako sa kamay niya pero bago pa ako makapagsalita ay iginiya niya na ako sa kanilang lamesa.
“I’ll introduce you to my high school friends…”
Lumapit kami sa mesa. Tinanggal ni Duke ang kanyang kamay sa aking baywang para ipakilala ang mga kaibigan.
“Everyone, this is Rosie…”
“Rosie, the model?” tanong ng isa.
“Yes…” Tumawa si Duke.
Ngumiti rin ako sa kanila. Binanggit ni Duke ang mga pangalan nila paisa isa. Gusto ko mang makinig, walang pumapasok sa utak ko. Tumakas lang ang tingin ko pabalik sa mesa kung saan ang lahat. Kitang kita ko ang pagtapik ni Jacob sa balikat ni Leo. Nang napansin kong lilingon siya sa banda rito ay binalik ko ang tingin sa mga kaibigan ni Duke.
Ilang sandali ang nakalipas ay nilingon ko ulit ang lamesa namin. Sina Leo at Teddy ay nakatingin kay Jacob. Si Karl, Ava, at Belle ay nakatingin sa amin. Sabay sabay pa nilang tinuro ang labasan.
Tumingin ako sa pintuan ng bar at nakita kong kakaliko lang ni Jacob doon palabas. Shit! Binalik ko ang tingin ko kay Karl. Hindi ko siya marinig pero his lips says “umalis!”
“Duke… Please, excuse me…” sabi ko. “I’m really sorry. I have to go…”
Hindi ko na hinintay na sumang ayon si Duke sa pag alis ko. Dumiretso na ako palabas ng bar ng walang pag aalinlangan.
Hindi ko alam saan naka park ang Hummer ni Jacob. Hahanapin ko pa sa buong parking space sa labas. So much for these high heels!
Nang nakalabas ako ay luminga linga ako. Una kong tinungo ang parking lot sa kaliwa. Pinasadahan ko iyon ng tingin. Hindi ko alam kung aling Hummer naman ang dala niya.
Naglakad ako patungo sa kanan at nakita kong may ilang mga sasakyang nakalabas na. What if Jacob went home?
Tumayo ako sa gitna ng parking lot. Luminga linga ako. Unti unting nawawalan ng pag asa.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Karl. I need Jacob’s number! Damn it! Bakit walang nagbibigay sa akin?
Habang nagri-ring ay luminga linga ako.
“Rosie?” boses ni Jacob ang narinig ko kaya agad kong pinatay ang aking cellphone.
Sa likod ko nanggaling ang boses. Inayos ko muna ang aking buhok at kinalma muna ang sarili bago ko siya hinarap.
Naroon ang kanyang Hummer sa likod ko. Nakahilig siya sa pintuan doon at tumuwid sa pagkakatayo nang hinarap ko.
“U… Uuwi ka na?” tanong ko.
Umiling siya at bahagyang lumapit. “Nagpapalamig lang…”
“Bakit? Hindi ba malamig sa loob?” Shit!
Tumikhim ako at nanatili ang tingin sa kanya. Seryoso ang kanyang mga mata. Halos mawala ako sa lalim ng mga ito.
“Ba’t ka andito?” tanong niya.
Damn that question! Nag iwas ako ng tingin.
“Sinundan kita…” simple kong sinabi.
Hindi siya agad nakapagsalita. Ilang sandali pa ang pinalipas naming tahimik. Nang may biglang umilaw sa kanan ko ay lumapit na ako sa kanyang parking space. May dadaan kasing sasakyan.
“Bakit mo ako sinundan?” Mas klaro ang boses niya ngayon.
Napatingin ako sa kanya. His deep set eyes melted whatevers left with my walls. Ang isang kamay niya ay naka sabit sa kanyang bulsa. It made his biceps look bigger.
Kinain ng isang hakbang ang kalahati ng distansya naming dalawa. Napalunok ako.
“Nag aalala ako… Akala ko umuwi ka na…” sagot ko.
Halong sakit at saya sa puso ko. Pakiramdam ko, sasabog na ito ngayon dito. Pakiramdam ko, magkaka heart attack ako sa harap ni Jacob.
“Hindi ako uuwi. Hindi pa naman tapos ang birthday ni Leo…”
Kinagat ko ang labi ko. Tangina. Bakit ganito? Hindi ako makatingin sa kanya. Alam kong nakatitig siya sa akin.
“‘Tsaka hihintayin pa kita. Ihahatid kita sa inyo…”
Nag angat ako ng tingin sa kanya. His eyes looked serious and in pain. Pakiramdam ko kapag tinitingnan ko siya, nakikita rin niya lahat ng sakit na nararamdaman ko.
“Hindi ka naman siguro sasabay… sa…” Hindi niya pinagpatuloy.
Umiling na kaagad ako. I know what he meant. If he means Karl… or Duke… kahit kanino, hindi ako sasabay.
“Good…” aniya.
Tumango ako, nangingilid na ang luha. He smiled weakly. Mas lalo lang akong naiyak.
Bakit nagkakasakitan ang taong nagmamahalan? Kung mahal pala namin ang isa’t-isa, bakit ang sakit sakit?
Kinagat ko ang labi ko…
Then I realized… it’s because we don’t really love. We don’t act the word. We only feel it. Love should be shown. Love should be shown at all times. Through kindness, patience, and forgiveness.
I forgive him. I forgive him for everything. I forgive the past. I forgive myself. I forgive my decisions.
Bumuhos ang luha ko sa kanyang harap. Sa hiya ko ay tinakpan ko ang aking mukha. Nanatili akong nakatayo sa kanyang harap. Naramdaman ko ang pag lapit niya sa akin.
“Jacob, I’m sorry… I’m sorry for my reckless decisions. I failed to love you when you weren’t loveable. I’m sorry for not considering your feelings. Sorry… Sorry kasi nasaktan kita ng sobra sobra kahit na alam kong ako lang ang kinakapitan mo. I only want what’s best for you. Gulo rin ako noon!”
“Shhh… Sorry rin sa lahat. Sorry dahil hindi ko nakita kung gaano ka nahirapan. Tama ka. Sariling sakit ko lang ang naisip ko. Hindi ko naisip ‘yong iyo.”
Umiling ako. “No… You thought it’s easy for me to let go of you. And I don’t blame you for feeling that way. We both love differently. Kaya patawarin mo ako, Jacob. Nasaktan kita…” Nabasag ang boses ko.
Isang mainit na yakap ang bumalot sa akin. Pumikit ako ng mariin. His arms feel like my home. Para akong nawala ng ilang taon at ngayon ay nakauwi na sa wakas. Para akong nagpaanod sa gitna ng dagat at ngayon ay nakaapak na sa lupa.
“Pangako… gagawin ko ang lahat para intindihin ka, simula ngayon. Pangako, makikinig ako sa’yo…” pabulong niyang sinabi. “Rosie, bumalik ka na sakin…”
Kinagat ko ang labi ko at humagulhol na lang sa kanyang dibdib.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]