Kabanata 29
I am So Sorry
Hindi ko alam kung ano ang gusto kong gawin. Ayaw kong bumalik sa loob pero alam kong kailangan dahil naroon ang mga kaibigan namin. I’m pretty sure Jacob did not plan for this, too. Alam kong gusto niya ring bumalik sa loob.
Tahimik kami sa loob ng sasakyan. Kinakalma ko pa ang sarili ko. Siya naman ay nakatingin sa akin habang nakahawak sa manibela.
Iginala ko ang tingin ko sa loob ng sasakyan. This is the new Hummer. Kulay itim ang dating Hummer ni Jacob, ito naman ngayon ay kulay grey.
“You like Hummers, huh…” kalmante kong sinabi.
Ayaw ko munang pag usapan ang mabibigat na bagay kaya iyon ang sinabi ko. Masakit ang ulo ko at hindi tumitigil ang pag singhot ko. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako.
“Mas mabuti kasi para sa Alegria…” sabi ni Jacob, nakatingin parin sa akin.
Parang kailan lang sa likod pa ako nito sumasakay. Ngayon ay nasa front seat na.
I wonder what happened to Felicity. She broke up with Jacob. I know she’s hurt. But then… ayos lang ba talaga kay Jacob iyon?
Napatingin ako kay Jacob. Nanatiling seryoso ang mga mata niya.
“Gusto mo bang bumalik o umuwi na tayo?” tanong niya sa isang banayad na boses.
“Gusto kong bumalik. Baka mag tampo si Leo. Pero… pagod na ako. Gusto ko na ring umuwi…”
Hindi ako makapag desisyon. What about Karl? What about our friends? We’ll leave them just like that?
Tumango siya at kinuha ang kanyang cellphone. Sumulyap ako doon at nakita kong default wallpaper lang ang naroon. Pinindot niya kaagad ang numero ni Leo.
Kinabit niya ang kanyang cellphone sa loud speaker at narinig ko ang pag ri-ring nito sa buong sasakyan.
“Hello,” boses iyon ni Leo.
“Ihahatid ko na si Rosie pauwi. Pagod na siya…”
“Oh!” Tumawa si Leo. “Sige. Sasabihin ko sa mga kaibigan niya…”
“Sige. Salamat…” ani Jacob.
Naputol agad ang linya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Jacob. Hindi na ako umangal dahil talagang hindi na maganda ang pakiramdam ko.
Pinaandar niya kaagad ang sasakyan. Huminga ako ng malalim.
Naisip ko si Duke. Iniwan ko siya doon. Ano ang iisipin niya?
Pumikit ako ng mariin. What about Felicity too?
“Jacob…” nilingon ko si Jacob.
Tumigil ang Hummer dahil sa traffic sa EDSA. Daan patungo sa aming apartment ang tinatahak ng Hummer.
“Nag usap na ba kayo ni Felicity?” tanong ko nang di siya tinitingnan.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang pagsulyap niya sa akin.
“Huling pag uusap namin ay noong umalis siya ng Alegria. Sinabi niya sa akin na gusto niyang maging magkaibigan parin kami.”
Konting kirot ang naramdaman ko sa aking puso.
“Anong sinabi mo?”
Pumikit ako. Sumasakit lalo ang ulo.
“We’ll be friends…”
Tumango ako. Sana ganyan din ang mangyari sa amin ni Duke.
Tahimik kami sa byahe. Lalo na noong nasa harap na namin ang billboard ko. Uminit ang pisngi ko habang tinitingnan ang sariling naka two piece. My mouth’s half open. Naka luhod ako at hinihipan ng hangin ang aking buhok.
Kitang kita ko ang paninitig ni Jacob doon habang tumitigil ang sasakyan dahil sa traffic.
Humilig siya sa manibela at pinaglaruan ang kanyang labi gamit ang likod ng kanyang index finger. Damn! Alam kong gwapo siya noon pa man pero kailan pa siya naging ganito ka gwapo?
Nang nalagpasan na namin ang billboard ay ‘tsaka pa lang ako nakahinga ng maayos. Dire diretso na ang drive niya patungo sa amin. Nanatili akong tahimik sa buong byahe. Probably because of my headache.
Nang nasa labas na kami ng apartment ay kinalas ko na ang seatbelts ko. Sabay kaming lumabas sa sasakyan. Hinintay ko siyang makaikot bago dumiretso sa gate.
Hindi ko alam kung tama bang papasukin ko siya. Nakita ko ang anino ni Maggie sa bintana.
“Pasok ka…” napapaos kong sinabi sabay tulak sa gate.
Sumunod siya sa akin. Si Maggie ay nasa pintuan na at nag aabang sa akin. Nakahalukipkip siya at nang nakalapit na ako ng tuluyan ay hinawakan niya ang noo ko.
Umilag ako ng bahagya pero marahas niyang hinigit ang braso ko.
“Rosie! Nilalagnat ka! Malayo pa lang, kita ko na!” sabi niya.
Umirap ako. “Ayos lang ako.”
Bumaling siya kay Jacob. She looked so disappointed. Hindi ko nilingon si Jacob. Pumasok na agad ako sa bahay at naabutan ko si James sa sofa na may kasamang maraming libro at laptop.
“Did you drink your meds? Rosie? What?” iritadong tanong ni Maggie.
“Uminom ako ng Paracetamol. Iinom pa ulit ako. Magiging maayos din ako…” sabi ko.
Nilingon ko si Maggie pero natabunan ang paningin ko ng katawan ni Jacob. Hinagilap niya ang noo ko kaya umilag ulit ako.
Umigting ang panga niya.
“I’m fine…” sabi ko.
Dumiretso na si Maggie sa kusina. Bumalik siya agad na may dalang isang basong tubig at gamot. Nilahad niya sa akin.
“‘tong si Maggie. Para naman akong bata niyan!”
Tatanggapin ko na sana pero binaling niya ang mga ito kay Jacob.
“Gamutin mo ‘yan. Sa kakaiyak ‘yan, e,”
Tinanggap agad ni Jacob ang binigay ng kapatid ko. Kinuha ko ang gamot sa kamay ni Jacob. Sinipat ko si Maggie na ngayon ay tumabi na kay James.
Kinuha ko rin ang tubig kay Jacob para makainom na ako. Binalik ko sa kanya ang baso at tinuro ko ang loob ng aking kwarto. Sobrang sakit ng ulo ko at alam kong kailangan kong magpahinga para bukas.
“Matutulog na ako…”
Tumango si Jacob. Bumaling siya sa kusina, siguro ay para ilapag doon ang baso.
Pumasok na ako sa kwarto at pagkahiga ay nakatulog agad.
Kinabukasan ay nagising ako sa alarm. Dumilat ako at naaninag ko ang sinag ng araw sa labas. May humaplos sa aking binti. Noong una, akala ko’y guni guni lang iyon pero nang tiningnan ko iyon ay nakita ko si Jacob na nakaupo sa aking paanan.
Pumikit ako ng mariin. Kamusta ang mukha ko ngayon? Pakiramdam ko sabog na sabog pa ako. Kakagaling ko lang sa lagnat tapos hindi pa ako nakapagbihis sa pagod ko kagabi.
Hindi nakapag bihis? Gumalaw ako ng bahagya at napatingin ako sa aking mga damit. Damn! I’m wearing a t shirt and pajamas!
Napabangon agad ako. Kinusot ko ang mga mata ko para kung may muta man doon ay matanggal na. Jacob’s sitting in front of me. Sa gilid niya ay may isang tray ng pagkain.
Sinong nagpalit ng damit ko? Siya? Si Maggie?
“Kumain ka na…”
Hinawakan niya ang noo ko. Kung pwede lang pumikit habang dinadamdam ang haplos niya ay ginawa ko na.
“Anong oras na?” tanong ko.
“Alas sais y media…” aniya.
Tumango ako at kinuha ang pagkain.
Scrambled egg at hotdog ang naroon. Hindi ganito magluto si Maggie. Hindi rin ganito kay James. Kung nasa kanilang dalawa ay walang hiwa ang hotdog. Wala rin masyadong spices ang scrambled eggs.
Pumasok si Maggie sa aking kwarto. Nag angat ako ng tingin sa kanya. A smile is plastered on her face.
“Kumain ka na, senyorita. Luto ‘yan ni Jacob. Ang saya! Dito siya nagpalipas ng gabi. ‘Tsaka…” nginuso niya ako. “May katulong ako sa paghuhubad sa’yo… Ayaw na ni James tumulong dahil nasukahan mo siya ‘di ba? Three years ago?”
Uminit ang pisngi ko. Tangina ‘tong si Maggie. Pwede namang tumahimik na sana!
“Papasok ka ba?” tanong niya.
Tumango ako.
“Ihahatid kita sa opisina mo. ‘Tsaka ako babalik ng bahay. Ayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Jacob.
Tumikhim ako at bahagyang pumormal.
“Ayos na…”
“Sussss!” Umirap si Maggie at lumabas na sa kwarto.
Ramdam ko talaga ang pag iinit ng pisngi ko. Pakiramdam ko, pulang pula na ito.
“Kumain ka na?” tanong ko.
“Kumain ako habang nagluluto kanina…”
Sumubo ako. Pati itong pag kain sa harap niya ay nakakaconscious. Tipid ang bawat subo ko at hindi ko kayang kumain ng marami.
Naligo at nagbihis ako. Pagkatapos ay tinupad niya nga ang gusto niya.
Naka kulay dark violet t shirt na siya nang lumabas ako. Siguro’y may mga damit siya sa loob ng Hummer.
Hinatid niya ako sa trabaho ng wala masyadong sinabi. Ang tanging sinabi niya ay na susunduin niya ako mamayang alas kuatro y media. Impunto!
Sa elevator pa lang ay kabado na ako. Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan kay Duke ang lahat ng ito.
Kagabi, bago ako natulog ay may gusto akong mangyari. Akala ko dahil lang iyon sa lagnat ko pero nagulat ako nang nadala ko ito hanggang ngayon.
“Joanne, paki inform ako please kung dumating na si Mr. Valenzuela…” bilin ko sa sekretarya ni Duke.
Pumasok na ako sa aking opisina. Tiningnan ko ang kalendaryo. Ito na lang iyong tanging magsasabi sa akin noon pero nang nakita kong tama lang ang panahon ngayon ay bahagya akong nabigo.
“Final screening…” sabi ko nang nakita ang schedule today.
Hindi ko na nakita ang mga files sa managerial positions ng bagong mall simula noong sinabi kong may kilala ako. Ang pina handle sa akin ay iyong mga lower positions kaya hindi ko alam kung kinuha nga ba ni Felicity ang posisyong iyon. Did she push through it?
I opened my computer. Hinanap ko doon ang kompanya ni Jacob.
Kumpara sa kumpanya ni Duke, mas maliit ang kay Jacob. Duke’s company is a giant company. Malaking korporasyon ito at maraming investors. We’re talking about thriollions here. We’re talking about international stock market and all that. Jacob’s company seemed small compare to the V Holdings. Kahit malaki na rin talaga ang kompanya ni Jacob, hindi parin maipagkakaila ang diperensya ng dalawa.
I clicked the Jobs part. Kahit ang site ng kompanya niya ay hindi pa ganoon ka established kumpara. Although, naroon nga ang halos lahat na popular na produkto nila. The meats, the corn made products, rice, fruits, and many more…
Hindi na naman siguro kailangang i explain kung bakit ko ito gagawin ‘di ba? Bakit hindi?
“Meron!” sabi ko habang tinitingnan ang qualifications ng Human Resource staff na kailangan nila.
I knew it. They’re making new products! This should be here!
Nag apply ako digitally. I sent my application letter, resume, transcript, and all the needed documents. Naisip ko pang pumunta mismo sa opisina nila para mag apply pero di ko iyon sasabihin sa kanya.
May biglang kumatok at pumasok sa aking pintuan. Agad kong ni minimize ang browser. Nakahinga ako ng malalim nang nakita ko si Joanne.
“Miss… nasa opisina niya na po si Mr. Valenzuela…”
“Okay! Salamat!”
Sinarado ng sekretarya ang aking pintuan. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. But my thoughts flew to Duke. Parang kailanlang ay lagi siyang dumidiretso sa opisina ko. He must’ve felt it!
Sa huli, pinrint ko ang isang sulat para kay Duke. Nang natapos ako ay huminga ako ng malalim at pinaalalahanan ang sarili.
I won the contest. I can’t quit the modeling stint for V Malls. I’m also under my agency so I’ll have some offers. Siguro naman kaya ko pang tustusan ang matrikula ni Maggie. My last gig was big. ‘Tsaka bayad na ako sa first sem ni Maggie. Next sem, may budget na rin ako. I have savings for the house, kasama doon ang kina mama at papa. I should be okay…
Lumabas ako ng aking opisina. Kumalabog na ang puso ko. At mas lalo lamang kumabog ang puso ko nang nakita ko si Felicity sa lobby. She’s wearing a corporate attire. Her hair’s up at may dala siyang clear book.
Tipid siyang ngumiti sa akin. Kinalma ko ang sarili ko at dumiretso sa kanya.
“Final screening, right?” tanong ko.
Tumango siya at bahagyang ngumiti. “Yup…”
Hindi makatakas sa akin ang panlalamig niya sa akin. Kumpara sa dati niyang ipinapakitang maligayang disposition. I shouldn’t be surprised! I’m lucky she can smile at me! Even if it’s forced!
“Kayo na ulit ni Jacob?” tanong niya.
Umiling ako. Napawi ang kaonting ngiti na nasa kanyang labi.
“There’s no need to make it fast, Felicity…”
Nagkatinginan kaming dalawa. How we’re so opposite, ngayon ko lang nakita. She’s shorter than me. Her lips were thin. She looks approachable and always happy. Parang magaan siyang kasama.
Siya ang nag pahinga kay Jacob ng maluwang noong sobrang sikip ng lahat. Siya ang naging sandalan ni Jacob noong gumuguho ang lahat. At maaaring siya rin ang bumuo kay Jacob noong nawasak ko ito.
“Good. I’m happy. I know he’s happy…” aniya.
Hindi ko alam kung bakit sumagi sa isip ko ang pag hingi ng tawad in behalf of Jacob. I just feel like her sacrifices should be well appreciated. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng nagsakripisyong hindi nakita. Pakiramdam mo, namatay ka para lang sa wala.
“I’m sorry. Jacob’s sorry for hurting you, Felicity.”
Tumango siya. Sa gilid ng kanyang mga mata ay luha. “Please, Rosie… I have an interview coming…” Tumawa siya.
Pumikit ako at umiling. Oo nga pala…
“I wish you good luck, Felicity. I know you got this…”
I smiled at her. Alam kong makukuha niya ang posisyon na ito. They’ll need four managers at isa siya sa top three ko noon. I was only blinded by pain.
Iniwan ko si Felicity doon para pumasok sa opisina ni Duke. Doon ang huling interview ng mga aplikante. Nang tinanong ko si Joanne kung may iniinterview daw ba ay sinabi nitong kakaalis lang daw kaya dumiretso na ako.
Marahan kong sinarado ang pintuan. Alam kong nakatingin na si Duke sa akin, papasok pa lang ako.
Nasa kanyang swivel chair siya. Pinaglalaruan niya ang kanyang ballpen. There were no traces of humor on his face as he looked at me.
Lumapit ako sa kanyang malaking lamesa. Nilapag ko sa kanyang harap ang pinrint kong sulat kanina sa opisina.
“Ano ‘yan?” tanong niya sa isang malamig na tono.
“It’s a resignation letter.”
“You’re resigning?” tanong niya.
Tumango ako. “It’s for the better…”
Pagkasabi ko noon ay sobra sobra akong nasaktan. I remember the kindness he showed me while I was here. I remember how he respected me so much. I remember our friendship. Alam kong may pagkakamali ako at ngayon gusto kog ituwid lahat.
“For the better?” tumaas ang kilay niya.
Bumagsak ang mga mata ko sa aking mga sulat.
“I will train employees without pay. The effective date of my resignation is today. Duke… I owe this company everything I have now. I owe you so many things. You gave me so many opportunities. I thank you for that. I thank the company…”
“Kung ganoon, anong pagkukulang at bakit ka aalis?”
“I want to take up new challenges. I want to test my capabilities-“
“Saan ka mag aapply, kung ganoon? Is the company not challenging you anymore, Rosie?”
“This experience is enriching. I learned so many things, Duke. It’s challenging, of course. But I feel like I’m getting too comfortable. I want something else.”
I want to start. I want to see my own legacy. Applying in a new company will give me that challenge. Iyong makikita ko ang progress ng paghihirapan ko.
“Is this about us?”
Hindi ako nakasagot agad. Hinilot ni Duke ang kanyang sentido.
“I want us to remain friends, Duke. Please…” nanghina ako.
Tumango siya pero kitang kita ko ang pagpipigil niya. Nangilid ang luha ko. Pakiramdam ko ay nasasaktan ako dahil nasasaktan siya. Ayaw kong gawin ito pero alam kong ito ang dapat.
“Of course, Rosie…” his voice was cold. “Are you done?”
Tumango ako. “Thank you…”
Tinalikuran ko siya. Dire diretso ang paglabas ko ng kanyang opisina. Naninikip ang dibdib ko at nagbabadya ang luha kong tumulo.
“Miss, you’re next…” tawag ni Joanne kay Felicity.
Pero hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko ang kulog ng pagkabasag ng isang salamin sa opisina ni Duke. Pumikit ako ng mariin. I am so sorry. I am so sorry for everything.
You really can’t get out of life without hurting someone. You can’t get out of it without getting hurt. You just have to figure out which pains are worth it.
Kaya dapat hindi mag depende ang kasiyahan mo sa iba. We all have to be self sufficient. We have to be independent. We have to be whole alone. And when we love someone, we love them because we’re whole… and we need them to share our wholeness.
Hindi ko pa masasabing ganoon na kami ka perpektong dalawa ni Jacob ngayon. I know I’m not that kind of girl yet but I’m willing to be. And being willing is already a big thing. I think trying to finally understand what love is is already a big thing. I think my willingness to try is already a big thing. And I know Jacob feels the same.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]