Baka Sakali 3 – Kabanata 26

Kabanata 26

Done

Nahihiya ako kay Duke. Noong Linggo ay madalang ang text ko sa kanya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na hindi pa talaga ako handa. Na pinipilit kong maging maayos at ayaw kong sa bandang huli ay masaktan ko siya. But I also don’t want to tell him that through the phone. Gusto ko ng harap harapan para mas maayos ang usapan.

Maaga ako sa trabaho nang nag Lunes. I’m hoping to see Duke before he goes out for a meeting. Nag titimpla ako ng kape at luminga linga sa buong opisina para mahanap siya.

“Nandyan naba si Mr. Valenzuela?” tanong ko sa isang empleyado.

“Wala pa yata, Miss, e…” sagot niya.

Nasa labas rin ako uminom ng kape para mag antay sa kanya. Nang may nakita na akong mga pulang rosas ay tumuwid na ako sa pagkakatayo. I think it’s him!

Pupunta na sana siya sa opisina ko ngunit nang nakita niyang nasa dispenser ako ay lumapit siya sa akin. Napatingin ako sa mga empleyadong nakatingin sa amin. Uminit ang pisngi ko.

“Good morning, beautiful!” aniya sabay bigay ng bulaklak sa akin.

Tinanggap ko iyon. Sa kabilang kamay ko ay ang kape.

“Thank you, Duke. Naku! Nag abala ka ulit…”

Iginiya ko siya patungo sa aking opisina. Kabado na ako pagkapasok pa lang. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan pero kailangan ko talagang sabihin kaya wala akong magagawa. Nilapag ko ang mga rosas sa aking lamesa at umupo sa swivel chair. Si Duke ay nasa harap ko ulit, like the usual.

“Duke…” sabi ko sabay pangalumbaba sa aking lamesa.

I just want this as smooth as possible. Ayaw ko ng tensyon.

“Maybe we should slow down…” panimula ko.

Tahimik lamang siya. Parang hinihintay akong dagdagan ang sasabihin.

“I mean… sa lahat ng ito… Slow down. I don’t want to just suddenly decide…”

“I’ve been slowing down for years… But… yes, Rosie. I told you I can wait…”

“I don’t want you to wait…” Shit!

Hindi nakapagsalita si Duke. Hindi ko alam kung paano sasabihin ang parteng iyon. Ayaw kong ipressure ang sarili kong mag move on dahil lang may nag aantay. I want to go through this journey alone. Iyong hindi ako natatakot na matagalan kasi ako lang din naman ang involve. Pag may pinag antay ako, mapepressure lang ako.

“I mean… I don’t want you to be involved. I want to be okay alone first.”

“Okay…” Tumango siya.

Tumango rin ako.

“It’s been three years since you and your ex broke up. I hope you’ll be okay. That’s a long time…”

“It’s not about that… Ayaw ko lang mag padalos dalos, Duke.”

“Okay… I support you on that. Hindi tayo magpapadalos dalos…” Ngumiti siya.

“Thank you…” sabi ko.

May kumatok sa aking pintuan. Bumukas ito at nagpakita si Joanne.

“Aalis na tayo, sir,” aniya kay Duke.

“Okay… Susunod na ako…” Bumaling si Duke sa akin. “So… I’ll just text you then?”

Tumango ako at tipid na ngumiti.

Pagkaalis niya ay ‘tsaka ako nakahinga ng malalim. I didn’t mean to hurt or disappoint him, though. Gusto kong mag text sa kanya at mag sorry pero hindi ko ginawa. I will remain firm with my decision.

Inubos ko ang ilang oras sa loob ng opisina para sa mga paper works. May upcoming job interviews sa mga applicant ng mga malls nila kaya hinahanda ko rin ang mga files.

Naisip kong hindi ako papadalhan ni Duke ng pagkain kaya alas onse pa lang ay lumabas na ako para makabili ng pagkain. Gusto ko kasing tuloy tuloy na ang trabaho para mamayang hapon.

Nang naaninag sa lobby ang isang pamilyar na babae ay natigilan ako. Felicity is wearing a white off shoulder dress. Nang nakita niya ako ay tumayo siya.

Tiningnan ko ang bulletin board. I’m pretty sure the second interview’s done.

“Hi Rosie!” ani Felicity sabay ngiti.

“Hello!” Hindi ko alam kung paano pa ngingiti sa kanya. “Second job interview?” tanong ko.

Umiling siya. “Nagpunta ako dito para makausap ka.”

Hindi ako nakagalaw sa sinabi niya. What’s this for? Luminga linga ako para matingnan kung may ibang tao ba.

“Can we talk in private?”

Hindi ko alam kung sa opisina ko ba siya dadalhin o sa labas. But I figured it’s more private in my office so…

“Sa opisina tayo…” malamig ang tono ko at tinalikuran ko na siya para maka diretso sa opisina.

Sumunod naman siya. Pinagbuksan ko siya ng pintuan. Pumasok siya. She gracefully sat down the chair in front of my table.

Umupo naman ako sa swivel chair. Now this is so awkward!

“Is there something wrong with the result of the interview?” panimula ko.

“Hindi iyan ang pinunta ko dito…” Bigo siyang ngumiti.

Now, my heart’s on my throat. Ano ang pinunta niya dito kung ganoon?

“I broke up with Jacob…” aniya.

Umalingawngaw iyon sa buong opisina ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pagkatapos noon. Nanatili ang tingin ko sa kanya. Kitang kita ko ang bigo at pagod sa kanyang mga mata.

“I can’t handle him…” wika ni Felicity.

Nanginig na ang kanyang boses. Tears stream down her eyes. Hindi ako makahinga. Naestatwa ako sa kinauupuan ko.

Umiling siya at humikbi. Nangilid din ang luha sa aking mga mata. Here is a girl who loves Jacob dearly. She is weeping for it.

“Anong nangyari? Bakit?” tanong ko.

“From the very beginning, I know that he’s still not over you. From the very start of our relationship, I know what I’m risking. Na sugal itong lahat pero kaya kong sumugal dahil si Jacob, e.”

“Huh?”

Kumalabog ang puso ko. Hindi na ako makahanap ng mga tamang salita. Hindi ko alam kung paano siya aaluin.

“I tried my best. He tried his. But he failed miserably!”

“That’s impossible! You two looked so in love with each other!” sabi ko.

“I’m in love. He’s just being a gentleman!”

Hindi ako nakapagsalita. Pinalis ni Felicity ang kanyang mga luha.

“Nagpunta ako dito para sabihin sa’yo ‘to. Because I know… I know deep within him, he wants you back. He’s just so scared…”

Hindi ako makapaniwala na naririnig ko ito ngayon. If I were her, I’d go. Hinding hindi ko sasabihin sa taong mahal ng mahal ko ang mga ito.

“Alam mo, Rosie? Galit na galit ako sa’yo! Galit na galit ako kasi bakit ikaw pa ang nauna! It could’ve been me! If only mas maaga niya akong nakilala! Galit na galit ako sa’yo sa lahat ng ginawa mo sa kanya! Wala siyang kasalanan! Minahal ka lang niya-“

Umiling ako. “You don’t understand. You don’t know that. Hindi ikaw ang nasa-“

“Kahit ano pa! I would never leave Jacob for anything. I’ll hold his hand and guide him through his problems! Lalo na dahil inaasahan niya iyon. But you didn’t! I’d like to think that these are just hang ups! Pero tuwing tinatanong ko siya tungkol sa’yo, alam kong hindi!”

Anong sasabihin ko? Galit ako kay Jacob ngayon. Is this why he’s been acting strange lately? Kasi wala na sila? E tangina niya pala! Asshole!

“Kailan kayo nag break?” tanong ko.

“The same night you two got stranded! I broke up with him…”

“If you love him, bakit mo siya nakayang iwan? Hindi ba kakasabi mo lang na hinding hindi mo siya iiwan? That you’ll just hold his hand and guide him?”

Sumuko ang mga luha ko.

“You know he’s a gentleman. He won’t fail you! Hindi ka niya iiwan! Alam mo ‘yon? Kasi responsibildad niya ang puso mo! Alam ko ‘yon dahil kilala ko siya! Alam kong papanindigan niya ang mga desisyon niya! You should’ve stayed with him! E gaga ka pala! Iniwan mo! Kahit mahal mo?”

Hindi ko alam kung sinong sinasabihan ko noon. Siya ba o ang sarili ko!

Bahagya siyang huminahon. Pulang pula ang kanyang ilong. Tumuwid siya sa pagkakaupo at inayos niya ang sarili niya.

“Because it would only hurt him. Kapag nanatili ako sa kanya, masasaktan lang siya. At mas lalo lang akong masasaktan.”

Natahimik ako. Hindi ko alam kung bakit niya ito sinasabi sa akin.

Kumuha siya ng tissue at pinunasan niya ang kanyang mga luha. Natulala ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

“Alam mo ba noong una kaming nagkakilala? He’s cold and ruthless… I melted his facade. He loosen up… And at the same time, he got through me too.”

Ayaw kong marinig ito. Hindi ako tulad niyang martyr. Matalim ko siyang tinitigan pero hindi niya nabasa ang ibig kong sabihin.

“Months passed, doon ko pa lang naramdaman kung anong kulang. He’s so kind… gentle… and caring… you won’t realize it when you’re not in love with him. And then I heard about you…”

“Bakit mo ‘to sinasabi sa akin?” Nag iwas ako ng tingin.

“Dahil masasayang ang pag iwan ko sa kanya kung hindi mo ‘to malalaman. You left him, you pick him up now. Don’t wait for him to make the first move because he’s so damn scared you’ll break his heart again!”

“I broke his heart for the right reasons! And you think hindi ko rin nasaktan ang sarili ko? I was hurt too! Ako! Ako ‘yong nag sakripisyo! Nabigo rin ako! Why can’t you frigging see that? Kung ikaw ba ang nasa kinatatayuan ko, hindi mo ‘yon gagawin? And how sure are you na hindi mo ‘yon gagawin, ha? You don’t know anything! That was my only choice!”

“Kung ako ang nasa posisyon mo noon, I would do anything just to support him! That’s what he needed that time! The support from you but you did not give him anything! Sakit lang ang binigay mo sa kanya!”

“Fine! You’re the better decision maker! Pero nasasabi mo lang ‘yan kasi hindi mo naramdaman ang lahat ng naramdaman ko noon! My mother’s sick! Walang pera sa bahay! Nag aaral ako! And my boyfriend’s self destructing because his attention’s all on me! Hindi siya makalingon sa business na iniwan ng kanyang ama! You think it’s that easy to just support and guide him?”

Pumikit si Felicity. Hindi siya nakapagsalita. Nanginginig ako sa pinaghalong galit at inis.

“Sana, Rosie… sa pagkakataong ito, huwag mo na siyang saktan. I don’t know what kind of boyfriend he is to you but to me, he’s supportive, gentle, kind, sweet, and caring. He just can’t be faithful to me. Dahil alam ko kung sino talaga ang tinitibok ng puso niya.”

Hindi ako nakapagsalita. If I were her, I wouldn’t let Jacob go. Mahal na mahal ko ‘yon at di ko hahayaang sa iba siya mapunta. It would break my heart.

“I love him so I set him free. I freed him dahil totoong mukha siyang nakakulong sa akin. He’s trying his best to be fine but I know deep inside him he’s not. Nandito ako ngayon sa harap mo para sabihin sa’yong huwag mo siyang sasaktan pa… Ang hirap magmahal ng taong hindi ka minamahal, Rosie. Ang hirap magbakasakali na mabaling ang atensyon niya sa akin. Huwag mong sayangin ang pagpapakawala ko sa kanya…”

Tumayo si Felicity at dumiretso sa pintuan. Padabog niyang sinarado ang pintuan. Pumikit ako ng mariin. What is this mess we made?

Paulit ulit kong binalikan ang mga sinumbat ni Felicity sa akin. Hindi parin ako makapaniwalang wala na sila. Wala namang sinabi si Jacob sa akin. Hindi naman niya sinabing break na sila ni Felicity. Hindi kaya gusto pa ni Jacob na magkabalikan silang dalawa?

Buong araw na akong wala sa sarili sa aking opisina. Hindi na nga ako nakapagtanghalian dahil sa sobrang preoccupied sa nangyari. Jacob is such an ass! At hindi niya ba hinabol si Felicity? He did not ask her back? What if he’s asking her back now?

Pinindot ko ang numero ni Leo sa aking phonebook. Nag ring ito at agad na sinagot.

“Yes, Rosie…” his tone is playful.

“Leo, can you answer a question?”

“Ano ‘yon?” pumormal ang boses niya.

“Break na ba si Felicity at Jacob?”

Hindi siya agad nakasagot. “B-Bakit?”

“Nagtatanong ako. Huwag mo akong sagutin ng tanong…”

“Rosie, how did you know?”

Pumikit ako ng mariin. “Can I have Jacob’s number?”

“O-Okay… I’ll send it to you…”

Namuti na lang ang mata ko at walang dumating na numero ni Jacob. Gusto kong magsisigaw ng mura. Hindi ako mapakali buong araw sa opisina. Naiflood ko na rin kay Leo ang pag hingi ko ng numero kay Jacob pero walang dumating.

“Are you done?” tanong ni Duke.

Hindi ko nga namalayang alas singko na. Kung hindi pa niya ako kinatok at pinasok sa opisina ay mag oovertime ako ng walang ginagawa.

“Yes… I’m… done…” sabi ko sabay hagilap sa aking bag.

“I’ll drive you home.”

“Huwag na, Duke…” sabi ko.

“I know what you’re doing. You want me to back off a bit but this is just a friendly gesture. It’s just a drive to your home. Ni hindi nga kita niyayayang mag dinner, e.”

He smiled. I couldn’t. Tumango lamang ako.

“Okay then…”

My mind’s spinning. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong unahin. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos nito.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: