Kabanata 22
Refuse
“Sumilong muna tayo…”
Naglakad siya palapit sa akin. Nanatili sa lupa ang aking mga mata. Nilagpasan niya lamang ako. Nanatili akong nakatayo doon. I really can’t decide yet if I should stay or not.
Narinig ko ang pag bukas ng pintuan sa kubo. Mas lalong lumakas ang ulan, dagdagan pa ng kulog. Basa na ang aking buhok.
“Ano ba, Rosie!?” sigaw ni Jacob.
Sa gulat ko ay napatalon ako at napalingon sa kanya. Pabalik siya sa akin, may halong iritasyon sa mukha.
Nagkatinginan kaming dalawa. Bumaba ang tingin niya sa aking kamay na mahigpit na nakakapit sa sling ng aking bag.
“Sumilong muna tayo…” aniya sa mas mahinahon na boses at hinawakan ang palapulsuhan ko.
Hinila niya ako patungo sa kubo.
Nagpatianod na ako. Bahagya ko pang ikinahiya ang pagpapahila ko pa sa kanya.
Pagkapasok namin sa loob ay binitiwan niya ang palapulsuhan ko. I shivered. It’s so cold. Nilingon ko ang labas na sobrang lakas ang ulan. Kumukulog pa!
Dumiretso si Jacob sa loob. Nilingon ko ang kawayang bench na naroon parin. Bumaling ako kay Jacob na sinisindihan ang kahoy sa may lutuan. Siguro ay para makalikha ng apoy at may init naman kahit paano.
Kumuha siya ng isang kaldero sa may abuhan. Tiningnan ko ang sarili ko. I’m a mess. I’m wet and broken.
Huminga ako ng malalim at umupo sa kawayang bench. Tumunog ito kaya napalingon si Jacob sa akin.
“Magpapakulo ako ng tubig…” aniya.
Tumango lamang ako. Hindi na makapagsalita. May nilingon siya sa isang kwarto at agad siyang nawala. Tanging ang kaldero sa taas ng apoy lang ang nasa tingin ko. Bahagya akong nanginginig sa lamig.
Nang lumabas siya sa kwarto ay may puting tela siyang dala. Lumapit siya sa akin at nilahad niya ang tela sa akin.
“Magkakasipon ka…” aniya.
Tumango ako. “Salamat…” paos ang boses ko.
Nagpunas ako gamit ang puting telang iyon. Pagkatapos ay pinalupot ko siya sa aking katawan para kahit paano’y maibsan ang lamig.
Humilig si Jacob sa dingding habang nag aantay na kumulo ang tubig. May mga mug na sa gilid na hinanda niya yata para lagyan ng mainit na tubig. Humalukipkip siya at pumikit. Natulala na lang ako.
Ilang sandali ang lumipas ay gumalaw ulit si Jacob para ilagay sa mga mug ang tubig sa loob ng kaldero. Sinalin niya sa isang mug at hinatid niya iyon sa akin.
“Malinis ‘yan. May dispenser ang mga trabahante dito… Inumin mo para di ka manlamig…” aniya.
Tumango lamang ako at tinanggap ang mug. Hindi ako uminom. Natulala lamang ako habang dinaramdam ang init ng mug.
Umupo siya sa kawayang silya sa malayong gilid. Sumulyap siya sa akin kaya nag iwas ako ng tingin.
“I’m sorry…” aniya.
Ilang sandali ang katahimikan. Nanatili akong tulala sa mainit na tubig. Nilalamig ako pero namamanhid na rin.
Hindi na ulit siya nagsalita. Mas lalong lumakas ang ulan. Matatagalan pa yata kami dito. Nilingon ko ulit siya at nakita kong nakapikit na siya. Tulog ba siya o ano?
Tinapik ko ang mug at huminga ako ng malalim. Now that he’s done with his side, I think it’s my time to pour out my side. Kung natutulog siya ay bahala na. Ang importante ay nasabi ko.
“I left you because I’m a poison to you. You loved me too much…” mahinahon kong sinabi. “Mahal na mahal din kita pero marami akong inaalala bukod sayo. I have my family. My mother’s sick. My father’s working abroad. Nag aaral ako para makakuha ng magandang trabaho at makatulong sa pamilya. At ang boyfriend ko, may naluluging kompanya dahil imbes na iyon ang pagtuonan ng pansin ay ako lang ang inaalala.”
Nag tiim bagang ako. I found it too hard to stop talking. I want to pour it all too. Like what he did.
“I love you for who you are. Not for your money. You know that. Not for anything with you. Just you. Pero hindi ko talaga kaya na makita ang pinaghirapan ng daddy mo na nagkaganoon. And I know you can fix it but you chose to give your attention to me. I feel like you love me too much to give your attention to anything…”
Hirap akong lumunok. Barado ang lalamunan ko sa isang nagmistulang bato na emosyon. But unlike what happened earlier, mas mahinahon na ako ngayon.
“I was hoping you’d understand that. Tinulak kita palayo para maisip iyon. Tinulak kita palayo para matauhan ka, Jacob. At ang sakit sa part ko kasi mahal na mahal kita pero wala akong choice. I don’t want to see you fail just because of me. And you don’t tell me what’s wrong with J.A. You keep it to yourself.”
Natahimik ako. I ended it there. Pero biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Lalo na nang nakita kong bahagya siyang dumilat at pumungay ang mga mata niya.
Kinagat niya ang kanyang labi at tinitigan ako.
Huminga ako ng malalim at binaling ang atensyon sa mug.
“Dahil nakikita mong pabagsak ang J.A., hindi ibig sabihin na talagang babagsak ito, Rosie. Tingin mo hindi ko pinapahalagahan ang pinaghirapan ni papa? At oo, itinago ko iyon dahil alam kong may problema ka rin sa pamilya mo. Kaya kong ayusin ang J.A., nandyan ka lang sa tabi ko.” Mas mahinahon niyang sinabi. “But then, I guess you’re right. Kung nanatili ako, hindi ganito ka laki ang J.A. ngayon. Hindi siya babagsak, oo, pero hindi ganito ka laki.”
Natahimik ako. Tahimik din siya. For a long time, nobody spoke. It’s just my breathing, my heartbeats, and the sound of the rain. Dumidilim na. Tumayo si Jacob at nagpunta siya sa abuhan. Nagsindi siya ng isang lampara at dinala niya doon sa amin.
“May cellphone ka? Hindi ko dala iyong akin…” ani Jacob.
Binitiwan ko ang mug. Nilapag ko iyon sa tabi ko at agad na kinuha ang aking cellphone sa maliit na bag. Luckily, it still has battery.
“May itetext ka?” tanong ko kahit na naisip kong itext si Auntie Precy.
Wala akong numero ni April. Kailangan ko ng numero niya kaya kailangan kong itext si Auntie para makahingi kami ng tulong or something.
“Sino ang pwedeng ma text mo?” tanong ni Jacob.
“Si Auntie Precy lang. Wala akong number ni April, e. O di kaya kay Leo… Wala…”
Nilahad ko ang cellphone ko para sa kanya. Baka may pwede siyang itext.
“Wala akong saulong number. Itext mo na lang si Auntie Precy. Sabihin mo na ikontact ang farm at magpadala ng sasakyan patungo dito…” ani Jacob.
Tumango ako at agad na nagtipa ng message. Pero una sa lahat, paano ko ipapaliwanag kay Auntie na magkasama kami ni Jacob? Whatever! Just text her, Rosie.
Ako:
Auntie, pwede ka po bang tumawag sa J.A.? Pakisabi po na padala ng sasakyan dito sa pineapple plantation?
Nasend ko ang message. Nag angat ako ng tingin kay Jacob.
“O di kaya’y itext mo si Felicity…” sabi ko.
Umiling siya. “Di ko saulo ang number.”
Tumikhim ako at binaba ang cellphone ko. Nagkatinginan ulit kaming dalawa. Hindi na ako bumitiw ngayon. Siya rin ay ganoon. It was so awkward but I just couldn’t look away.
‘Tsaka lang nawala ang atensyon ko sa kanya nang nag vibrate ang cellphone ko. Nanginig ako sa lamig habang binubuksan ang mensahe ni Auntie Precy.
Auntie Precy:
Saang pineapple plantation? Sa J.A.? Tumawag na ako. Anong ginagawa mo diyan?
“Nagreply na si Auntie Precy?” tanong ni Jacob.
“Oo. Tumawag na raw siya.”
Ilang sandali ang lumipas ay tumunog ang cellphone ko. Hindi pa ako nakakapagtipa ng reply kay Auntie Precy ay tumawag na siya.
“Rosie?”
“Hello, Auntie?” napapaos ang boses ko.
Tumayo si Jacob at lumapit sa akin. Sumulyap ako sa kanya ng isang beses habang kausap si Auntie.
“Anong ginagawa mo diyan? Umuulan, a? Tumawag na ako at may papunta na ang Hummer diyan. Anong nangyari? Ikaw lang?”
“Hindi po, Auntie. Kasama ko si Jacob.”
“Ha? Anong kasama mo si Jacob? Bakit kayo nandyan? Kayong dalawa lang? Susmaryusep! Anong nangyayari?”
“Nag… kita lang po kami malapit sa plantation, Auntie. Mamaya na po ako mag eexplain. Baka kasi ma lowbat ako. Ibababa ko na po ito…”
“O sige, sige…”
Binaba ko na ang cellphone at chineck ang battery. Kaya pa naman. I just did not want to explain in front of Jacob.
“Anong sabi ni Auntie?”
Umupo si Jacob sa tabi ko. Binaba ko ang cellphone ko sa gitna naming dalawa. Kinuha niya ang tasa at umambang ibibigay sa akin pero binawi niya.
“Papunta na raw dito ang Hummer n’yo…”
Tumango si Jacob at tumayo. Dumiretso siya sa abuhan. Tinapon niya ang tubig sa loob ng aking mug.
“Malamig na…” paliwanag niya at nagsalin ulit ng panibago.
Bumalik siya sa akin at binigay niya ang mainit na mug. Tinanggap ko ito. It gave me comfort. The heat from the hot water made me a little warm.
“Salamat…”
Nasa tabi ko parin siya. Humalukipkip siya habang nakatingin sa akin. Nanatili ang mga mata ko sa mug.
“Namumutla ka…” aniya.
Napatingin ako sa kanya. He’s looking at my lips. Tinikom ko ang bibig ko kaya nag angat siya ng tingin sa aking mga mata.
Tumayo agad siya at dumiretso sa bintana. He closed the window.
“Kakatok naman siguro sila kapag nandyan na.”
Mas lalong dumilim dahil sa ginawa niya. Tanging ang lampara lang ang umiilaw sa bahay. Tumingin ako doon at kinalma ang sarili. My heart just won’t stop beating like mad.
Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan. Natulala na lang ako sa lampara hanggang sa may narinig kaming bosina sa labas. Bahagyang binuksan ni Jacob ang bintana. Pagkatapos ay binuksan niya na ang pintuan at lumabas.
Tumayo ako, nakatingin na sa labas. Ang dating Hummer iyon. Nakabukas ang back seat at may kinukuha doon si Jacob. Narinig ko rin ang pag uusap nila ng driver.
Binalikan ako ni Jacob. Ngayon, may dala na siyang jacket at payong. Pinatay niya ang lampara pagkatapos ay bumalik sa pintuan, kung saan binuksan niya ang payong. Naglahad siya ng kamay sa akin.
“Dahan dahan lang…” aniya.
Tumango ako at lumapit sa kanya. Nakapalupot parin sa akin ang puting tela na binigay niya kanina. Laking gulat ko nang hinawi niya iyon pagkalapit ko sa kanya.
“May jacket ako. Iwan mo na ‘yan diyan,” aniya.
Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. Mahigpit ang diin ng kanyang kamay sa aking balikat habang sumisilong kami sa payong. Dahan dahan ang paghakbang namin hanggang sa nakapasok ako. Sinarado niya ang pintuan at pumasok siya sa front seat. I’m kind of surprised that it’s just the driver. Nakita ko pa ang pagsulyap ng driver sa akin gamit ang rearview mirror! It’s their old driver! Damn it!
“Tuwalya…” ani Jacob sabay bigay sa akin ng tuwalya. “Suotin mo ‘yang jacket ko…”
Tumango tango ako at nagpunas muna bago nagsuot ng jacket. Umandar na ang sasakyan para makabalik na kami sa mansyon.
Hinawakan ni Jacob ang aircon sa taas na nakatapat sa akin at pinatay niya iyon. Nilingon niya ako habang nagsusuot na ng jacket. I zipped it properly.
“Ayos ka lang?”
Tumango ako at napalunok.
“Ihahatid ka na namin diretso sa bahay n’yo…”
“O-Okay…”
Lumiko ang Hummer sa dinaanan kong short cut kanina. Tahimik ang buong byahe. Hindi nagsasalita si Jacob at ayaw ko ring magsalita.
Tumunog ang cellphone ng driver. Siya lamang ang naririnig namin nang sinagot niya ang kanyang cellphone.
“Nakuha ko na… Magtatanong muna ako.”
“Uuwi daw ba pagkatapos, Jacob?”
“Oo,” sagot ni Jacob.
“Marvin, uuwi din kami. Okay… Sige…”
Niliko ng driver sa street namin. Para akong nalulungkot. Hindi ko alam kung bakit. I suddenly wished that we had more time. I wish for more. Sana nanatili na lang muna kami doon. Iyong kami lang muna dalawa. Iyong hindi ko muna naiisip ang realidad na ganito… na hindi kami, na may Felicity, at na kailangan ko nang mag move on. I told him everything I want to say. At least that’s what I think. Dahil alam ko, pagkatapos nito, mas marami ulit akong gustong sabihin sa kanya. Like… I still love him. I want him back but I know it can never be…
Bumaba agad si Jacob na may payong. Binuksan niya ang pintuan ng back seat at naglahad ulit siya ng kamay sa akin. Tumango ulit ako at bumaba na. Sabay kaming naglakad patungo sa gate. Siya mismo ang nagbukas ng gate papasok sa aming bakuran.
Binuksan ni Auntie ang pintuan para salubungin ako.
“Jusko! Anong nangyari?” tanong ni Auntie.
“Naabutan po kami ng ulan sa plantation. Kabayo lang ang dala ko kaya hindi kami nakauwi…” ani Jacob.
“Ganoon ba? Basang basa kayong dalawa, a?”
“Nakasilong po kami sa isang kubo…” ani Jacob.
Umupo ako sa sofa at sinuklay ang buhok gamit ang daliri. Nakatayo parin si Jacob sa pintuan.
“Naku! Buti na lang may kubo! Upo ka, Jacob. May kape ako dito. Mag dinner muna kayo! Grabe ang pag aalala ko!”
“Hindi na, Auntie. Kailangan ko nang umuwi…” ani Jacob.
Napatingin si Auntie sa akin. A part of me fell when he said it. Umuwi kay Felicity. That’s where he should be.
“Ganoon ba? Uhm… O sige…”
Tumango si Jacob sabay tingin sa akin.
“Magpatuyo ka na, Rosie. Uuwi na ako.”
Tumango ako at ngumiti. “Sige, uh, salamat.” Nangilid ang luha ko. “Ingat ka.”
“Auntie, alis na po ako…”
“O sige…” tunog bigo pa si Auntie Precy.
Hinatid ni Auntie si Jacob palabas. Nanatili ako sa loob, natutulala. At nang umalis ang Hummer ay nasapo ko na lang ang aking mukha. Ayaw kong magpatuyo. Wala akong lakas na gumalaw doon.
“Anong nangyari?” tanong ni Auntie.
“Nagkausap kami, ‘te…” sabi ko.
Suminghot ako. It’s never been this real…
“At anong nangyari? Anong sinabi mo? Anong sinabi niya?”
“Sinumbat niya sa akin ang desisyon ko. Pero… nagkaintindihan naman kami sa huli…”
“Tapos?” tanong ni Auntie sa isang kuryosong tinig.
“Wala na… Iyon lang…”
Tumabi si Auntie sa akin at hinaplos niya ang aking likod. Humagulhol ako sa sakit. I am so tired of crying but I just can’t stop. Kung may paraan lang para makalimutan ang lahat ng ito…
“Gusto pa sana kaming dalawa. Gusto ko pa siya. Auntie ang hirap! Kailangan na talaga siyang iwasan! Kailangan ko nang makalimutan! Masyado nang masakit ito!”
Tahimik lamang si Auntie sa aking gilid.
“I refuse to be like you and Don Juan. I want to move on. And these are my steps. I told him about my decision.”
“Sinabi mong mahal mo pa siya?” tanong ni Auntie.
Umiling ako. “Hindi! I don’t want to be unfair to him. May iba na siya ngayon. Sobra sobra ang hinanakit niya nang tinulak ko siya palayo tapos pagbalik niya, sasabihin ko lang na mahal ko parin siya? And besides, he’ll reject me for sure! May iba na siyang mahal, Auntie…”
“Come here, Rosie…” ani Auntie sabay higit sa akin at yakap ng mahigpit.
I spent the whole night mourning. Alam kong kaonti na lang ay matatapos na ang lahat ng ito. Ang pag uusap namin ni Jacob ang naging hudyat ng katapusan.
Buhol buhol ang utak ko sa gabing iyon. Wala akong nireplyan kahit sino. Even Duke who constantly texted me that night. Wala akong lakas. Wala akong gana.
Hindi ako nakatulog. Alas singko na ng umaga at ang sakit na ng ulo ko ay dilat parin ako. Alas sais ng umaga na ako nakatulog kaya inubos ko ang buong Biyernes sa pagtulog.
Nagising ako ng mga alas singko na rin sa hapon dahil sa gutom. Kumain ako pero tulala parin. Ang akala ko magiging maayos ako pagkatapos naming mag usap, bakit parang lumala pa yata ako?
Nanatili ako sa bahay buong Biyernes. Wala na rin akong ganang gumala. I feel so drained.
Nagluto ako ng dinner. Iyon na lang ang naging libangan ko. Hindi na rin ako tinanong ni Auntie tungkol kahapon. Ayaw ko na ring pag usapan.
Kinaumagahan ng Sabado ay dumating si Maggie. Gusto kong ikwento sa kapatid ko ang lahat pero alam kong masisira lang ang araw ko kung sakali.
“Ang ganda talaga nitong dress na pinahiram, ‘no?” ani Maggie sabay sayaw kasama ang damit.
“Mabuti pa maghanda na tayo ngayon. Baka ma late pa tayo,” sabi ko.
Kanya kanya ang make up namin ni Maggie. Tinulungan ko na lang siya ng konti. Marunong naman siya pero mas marami akong karanasan kasama ang mga professional artist.
“Kailan ang uwi mo?” tanong niya sa akin habang inaayos ko ang kilay niya.
“Mamayang hapon…” sagot ko.
“Oh? Ba’t di na lang sa Sunday?” tanong ni Maggie.
“Gusto kong makapag pahinga pa sa bahay ng isang araw bago magtrabaho sa Lunes.”
“Edi sasabay ka sa akin? Hindi ba may party pa sa reception. Ano ‘di ka na sasama?” tanong ni Maggie.
“Sasama tayo. Kakain lang saglit tapos uwi na para maka sakay pa ng bus.”
“Seryoso ka, Rosie?”
“Oo!”
Sinundan niya ako ng tingin. Nanliit ang mga mata niya.
“May nangyari ba?”
“Wala! Iyon ang gusto ko, e.”
Patuloy niya akong kinulit. Kahit noong papunta na kami nina Auntie Precy at Maggie sa simbahan. I can’t take my eyes off Auntie Precy. She looked really good with make up on. Pinagtulungan namin siya ni Maggie kanina at sobrang ganda niya. She’s wearing a white dress. Para siyang ikakasal din.
Kasama namin ang isang co-teacher niya na paboritong guro ni April kaya naimbitahan. Mabuti na lang at may pick up sila kaya may nasakyan kami patungo sa simbahan.
Umupo kami sa likod. Malayo sa mga sponsors at mga bride’s maid.
Marami na ang tao. Naroon na rin ang tatay at nanay ni April. Pati ang side ni Ron na puro matatangkad.
Nakita ko sina Leo, Louie, at Teddy. Panay pa ang picture naming lima kasama si Maggie habang di pa nagsisimula. Pati si Auntie Precy ay pinagdiskitahan nilang makapag selfie. Panay ang tawa ko sa ginawa nila.
Ilang sandali ang nakalipas ay dumating na si Jacob kasama si Felicity. Jacob’s wearing a tux tulad ng suot ng mga boys. Si Felicity ay naka puting dress.
Nag iwas agad ako ng tingin. Si Maggie ay halos mabali ang leeg sa kakasunod ng tingin sa dalawa.
“That’s his girlfriend, sis? Mas maganda ka pa riyan…” ani Maggie.
“Shut up, Mag.”
“She’s short… and petite… but pretty… but of course, you’re prettier…”
“Tumigil ka nga…” patay mali kong sinabi.
Sinalubong nina Louie, Teddy, at Leo si Jacob. Nagtawanan sila at nag picture ulit. Felicity held the camera for them. Ang saya saya nila.
“Parang dati lang, ikaw ‘yong-“
“Tumigil ka na, Maggie, ha!”
Tumawa si Maggie. “Fine! Fine!”
Hindi na ako sumulyap ulit sa mga tao. My eyes was directed only to the cross above the altar. Dito gagawa ng pangako ang dalawang taong nagmamahalan. If you truly love someone… unconditionally… fiercely… that you’re willing to compromise and bend just so you two won’t break, this is where you go. To make a promise and bond with each other. To forever be faithful and loyal.
Will I feel that way for someone?
Siguro ngayon, wala pa akong makitang pwede bukod sa kanya but eventually, I will be watching that cross again and tell Him that I found someone. Ipapangako ko sa Kanya na mamahalin ko ng husto ang lalaking kasama ko. Na gagawin ko ang lahat, huwag lang kaming maghiwalay. Na mag cocompromise ako, mag aadjust, huwag lang mabasag. Iingatan ko ang puso ng mahal ko. Iingatan ko ang pag ibig naming dalawa.
It’s so sweet to witness two people tie the knot. Nakakainit sa puso. I am so happy for April. She finally found Ron.
Sumama kami sa bahay bakuran nina Ron kung saan ginanap ang reception pero pagkatapos kumain ay nag paalam din ako kay April.
“O? Saan ba ang table n’yo at bakit kanina ko pa kayo hindi mahanap?” tanong ni April nang nilapitan ko na siya.
“Nasa dulo. Kasama kasi namin si Auntie at may mga co teachers siya kaya doon na kami.”
“Kaya pala wala kayo sa lamesa nina Jacob!”
Ngumisi si Maggie. “Awkward naman kasi ‘pag nandoon kami.”
Tumawa si April. “Oo nga naman. By the way, salamat sa pag punta dito. Ang anak ko nasa taas na. Nakatulog sa pagod. Talaga bang wala na kayo mamaya sa games? May programme pa!”
“Sayang nga e pero kailangan na naming umalis,” sabi ko. Hindi alam kung anong irarason.
Niyakap ako ni April.
“Thank you… Thank you for being here. Hindi ko talaga inasahan pero masaya ako na nandito ka…”
Tumango ako at ngumiti. “You’re always welcome.”
“Kailangan ang balik mo dito sa Alegria?”
“Baka weeks from now, babalik ako. Magbabakasyon ulit,” sabi ko.
“Talaga?”
“Oo. Magagalit na si Auntie sa kanya pag di siya babalik. Ilang taon din ‘yang di nakakaapak dito, e.”
“Sige! Text me kapag nandito ka, ha? Ipapasyal kita!”
Nagbigayan pa kami ng numero bago kami tuluyang umalis. Pinasadahan ko ng tingin ang lamesa nina Leo. Hinila ako ni Maggie kaya hindi na ako nagtagal.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]