Kabanata 23
Three Years
Buong araw ng Linggo ay nasa bahay lang ako. Wala akong ganang umalis. At tuwing iniisip kong papasok na ako ng trabaho bukas, parang gusto ko na lang ulit mag file ng leave. Pakiramdam ko nawalan ako ng gana. At ang tanging paraan para makapasok ako bukas ay ang isiping gagraduate na si Maggie next year.
“Magmumukmok ka lang ba diyan buong araw?” Tanong ni Maggie nang pumasok sa kwarto ko.
“Nag iipon ako ng lakas dahil papasok na ako bukas.”
Niyakap ko ang unan. Kahit itong kwarto ko, naaalala ko si Jacob. Maybe I should change it? Ano? Bumili na ako ng bagong unan, comforter, bedsheet, kurtina, at kung anu ano pa noon. Mahal naman kung papa renovate kaya wala akong choice kundi mag tiis.
“Nag usap kayo ‘no? Ni Jacob?” tanong ni Maggie.
I told her everything. Magaan sa pakiramdam ang may makwentuhan ng nangyari. Kahit na wala siyang masabi. Hindi niya masabi kung ano pang kulang.
“May hinanakit talaga siya sa’yo…”
Tumango ako.
Nakahiga lang ako. Siya naman ay nakaupo sa aking tabi.
“Hindi ko siya masisisi. You pushed him away. That was his lowest time. Nasaktan siya. Hindi rin kita masisisi dahil kinailangan mong gawin iyon. You just have to really move on, right now. I think…
“I think so too.”
“You need to consider someone else. That way, mahahati ang attention mo. Ma da-divert. Instead of mourning for Jacob, you’ll start a new relationship. I’m sure you really can’t forget Jacob, Rosie.”
“What do you mean?”
“Gaya ng nangyari kay Auntie. Ang problema kay Auntie, wala siyang ibang kinasama kaya lahat ng pagmamahal niya napunta lang talaga kay Don Juan. In your case, if you’ll be with someone else-“
“Ayaw ko ng may panakip butas, Mag…”
“No… Hindi panakip butas. This is a scaffolding for you to be able to finally love again after what happened. If you like someone… even just a bit… bigyan mo ng pagkakataon. Hindi ka makakamove on kung hindi ka gagalaw. And yes, you will still love Jacob because he’s your great love. Kaya don’t worry kung hindi mo pa siya makalimutan. That’s normal.”
Kinagabihan ay nakatanggap ako ng mensahe ni Duke. I texted him yesterday na pauwi na ako. Simula noong nangyari iyong sa kubo, hindi na ulit ako nakakapagtext masyado sa kanya.
Duke:
Are you home? I hope you’re fine.
I feel rude this past few days. Hindi ko siya narereplyan.
Ako:
I’m fine. Thanks. Ikaw? Yes, I’m home. Sorry, I’ve been very busy.
Nagreply siya kaagad.
Duke:
Papasok ka bukas? I’m fine too. How’s the province?
Ako:
Fine din. Yup. Papasok ako bukas.
Duke:
I thought you’re gonna extend your leave. Thank God.
Ako:
Hindi no. I can’t. ‘Tsaka, sapat na ang isang linggo.
Inubos ko ang oras ko sa pagtitext sa kanya. I can’t help but smile everytime he replies. Ang bilis niyang mag reply. He’s probably just in his condo.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para makapasok. Nakakapanibago na pagkagising ko nasa kwarto ko ulit ako. Parang bigla akong nasanay na sa Alegria ako at walang ginagawa.
Pagkatapos kong maligo, kumain, at magbihis ay dumiretso na ako sa trabaho. Kinontact ako ni Karl kahapon na ngayon daw ilalagay ang billboard kaya tinawagan ko siya habang nasa taxi ako.
“Nakabalik ka na?” tanong niya.
“Oo naman! Patungo na ako sa trabaho. Kumusta? Anong oras daw ilalagay? Kinakabahan ako!”
“Kita mo naman ‘yong final edits ‘di ba? Ang ganda kaya!”
“First time ko ‘to, e. Alam mo na… ‘Tsaka di ko nakita ang final edits. Hindi ko nabuksan ang email ad ko kahapon. Ngayon pa, pagdating ko sa trabaho.”
“Okay. Tingnan mo para ‘di ka na kabahan. Later?” tanong niya.
Tumawa ako. “Sige… pupunta ako sa spa n’yo. Doon na tayo magkita.”
“Okay…”
Pagkabukas ng elevator patungo sa opisina ay tulala pa ako. Pero nakuha ni Duke ang atensyon ko. Nakatayo siya sa isang cubicle na tapat ng pintuan. He’s wearing a black coat and tie at may malaking palumpong ng mga pulang rosas siyang dala.
Nalaglag ang panga ko. What’s this for?
Unti unting umangat ang labi ko. Tinulak ko ang transparent door. Tumuwid siya sa pagkakatayo. Kitang kita ko ang pag tingin ng ibang empleyado.
“Welcome back!” ani Duke.
Mas lalo akong nangiti. Tinanggap ko ang mga rosas. “Salamat! Nag abala ka pa.”
“Of course…” Ginala niya ang kanyang paningin mula ulo hanggang paa. “I’m glad nothing changed…”
“Isang linggo lang naman, Duke!” tumawa ako.
“Kahit na. Some things change real fast…”
Tiningnan kong mabuti ang suot niya. Mukhang may meeting siya ngayon, a?
“May meeting ka?” tanong ko.
“Yup. Babalik ako before lunch. Let’s eat together?”
“Uh… Okay!”
Sinamahan niya ako patungo sa aking opisina. Walang mga papel sa aking lamesa. Ibig sabihin, habang wala ako ay talagang walang binigay na trabaho. Nilingon ko siya.
“Wala bang paper works? What about the second interview?” tanong ko.
“Huwag mo na munang isipin iyon…”
Nilapag ko ang mga rosas sa aking lamesa. Hindi pwedeng ganoon. Ayaw kong may favoritism sa work. Ano na lang ang sasabihin ng HR Manager?
“Duke, hindi pwedeng ganoon. Iyong nirereview kong mga tao, asan na?”
“The second interview will be this coming Friday.”
Second interview? Kung nasaan si Felicity? Oh my God!
“Uh, pwede rin namang sa review na lang ako since nainterview ko na itong mga applicants.”
“Hmmm. Okay. If that’s what you want then I won’t put you in the panel.”
Huminga ako ng malalim. Ayaw ko mang gumagamit siya ng kanyang awtoridad para mas mapadali ang trabaho ko, gusto ko naman ang desisyon niyang ito. I want to detach.
“May kilala kasi ako sa mga applicants kaya mas mabuting huwag ako ang mag interview.”
“Oh? Sige… sige…”
Umupo ako sa aking swivel chair. Nakatayo si Duke sa aking harapan. His tux is quiet intimidating. His dark eyes sent shivers down my spine. Ang paninitig niya sa akin ay may ibang pinapahiwatig.
“Ngayon ang labas ng billboard mo. Kasalukuyang inaayos sa EDSA.”
“Oo nga. Nasabi ni Karl.”
“Do you have time this evening? The advertising team will celebrate for the successful shoot,” aniya.
“Ha? Talaga? Saan? Pupunta ako kina Karl mamaya.”
“Just in a club. Susunduin kita sa spa nina Karl. Ayos lang? Isama mo na rin si Karl.”
“O sige…”
May biglang kumatok kaya natigil kami sa pag uusap. It was Joanne, his assistant.
“Sir, it’s time. Kailangan na po nating umalis para sa meeting.”
“Okay… Susunod ako.”
Sinarado ni Joanne ang pintuan. Bumaling si Duke sa akin.
“So, I’ll go now. Before lunch… then later?”
Tumango ako at nagpaalam na rin sa kanya.
Nag review ako ng profiles ng mga empleyado. Nasabi ko na rin sa Manager na hindi ako hahandle ng second interview dahil may kilala ako. Nasabi na rin yata ni Duke iyon kaya hindi na ako nahirapan.
Nang nag lunch ay hindi nakarating si Duke dahil natagalan sa meeting pero nagpadala siya ng pagkain sa akin. He’s just so sweet.
“Hmmm. ‘Yon lang? I was expecting more from him!” ani Karl, tinutukoy si Jacob.
“What kind of more are you talking about?” tanong ko.
Kinwento ko sa kanya ang nangyari sa Alegria. Of course, I skipped the details. Lalo na iyong hindi ko pa kayang balikan.
“I was expecting he’ll come back to you noong nasa kubo kayo.”
“Well, I didn’t expect anything. May girlfriend siya. At isa pa, masyado ko siyang nasaktan.”
“So… anong status n’yo ngayon? Friends? Strangers?”
“Wala. Hindi naman kami nag usap ng ganyan. We just talked. Casual. I guess it’s safe to say that we’re still friends after all…”
Naisip ko iyong pag aalaga niya sa akin habang nasa kubo kami. He took care of me. Kahit na nasaktan ko siya at kahit na mahirap intindihan, he still cares for me.
“And you’re okay with that?” tanong ni Karl.
“Do I have a choice? Matagal na kaming break, Karl. Noong nagkaroon siya ng girlfriend, doon pa lang dapat nag move on na ako.”
“That was… seven or eight months ago, right? And moving on is a process. Hindi ‘yan instant kaya tama lang ‘yan. I can feel that you’re better now. At mas lalo na ngayong nakapag usap na kayo.”
Tumango ako. “I guess you’re right.” Lito pero magaan na ang pakiramdam ko ngayon.
“And then…” tumingin si Karl sa labas ng salon nila. “Here’s why you should feel really better.”
Napalingon din ako sa labas at nakita ko si Duke. Naka puting long sleeves na siya ngayon. Nakatupi ito hanggang siko at papasok na siya sa buong commercial building. Nang nakita niya kami ni Karl ay kumaway siya.
“He gave me flowers kanina. Sent me my lunch too.”
“It seems like a normal thing to him. Hindi ba talagang binibigyan ka niya ng bulaklak niyan? That’s not the first time. He’s courting you…”
Tumawa lamang ako. Tumigil na kami sa pag uusap dahil dumating na si Duke.
“Ready?” aniya sa aming dalawa ni Karl. Tumayo ako at tumingin kay Karl.
“Kanina pa. Excited na nga si Karl, e.”
“That’s good!” ani Duke at iginiya na kami patungo sa kanyang sasakyan para makaalis na doon.
Dinaanan namin nina Duke at Karl ang billboard sa EDSA. Nakita ko na ito kanina sa edits na sinend sa akin sa email ng photographer. Pero iba pa rin pag nakikita siya sa billboard.
“You look so hot, Rosie!” ani Duke.
Uminit ang pisngi ko. “First time ko ‘yan. Nahihiya pa ako.”
“Masasanay ka rin, eventually…” ani Karl. “Ang ganda kaya…”
Ang lapad ng ngiti ko lalo na nang nakarating kami sa club. Sa isang exclusive room sila nagpaparty. Pagkapasok namin ay pumutok ang party poppers. Sa flatscreen sa harap ay naka slide show ang mga resulta ng shoot at ang mga BTS. Hindi lang pala sa campaign ko ang celebration na ito, nandito rin kasi ang mga modelo nila.
Kumain muna kami habang ang mga photographer at ibang models ay nagsasaya na. Naroon din ang ilang managers ni Duke na panay ang biro sa kanya. It’s nice to see that the CEO is this approachable.
“What?” tanong ni Duke nang nangingiti ako sa kanya.
Kanina ko pa siya pinagmamasdan na nakikipag batian sa mga managers niya. Hindi naman siya ganito noon. He used to be intimidating and serious.
“Wala lang. I’m happy that your relationship with your employees is improving.”
Nagtaas siya ng kilay. “Kasi may isang empleyado ako noong sa sobrang pamimressure ko, napaiyak.”
Nagtaas din ako ng kilay. Ako ang tinutukoy niya. Nangyari ito noon sa akin. He’s just so scary that time and I’m an emotional mess (because of Jacob and my family).
“I hate to see your beautiful face crying just because of me. Or because of anything…”
Nakisali na si Karl sa party. Pinakilala siya ng mga kaibigan niyang photographers sa ilang bagong saltang modelo na naimbitahan dito.
Bumaba ang tingin ko sa juice sa harap ko. I mixed it properly with the straw. Pero imbes na hayaan ako ay tinaas ni Duke ang aking baba para magkatinginan ulit kami.
“Roseanne Aranjuez, what I’d give to have you as my girl…”
Nanigas ako sa kinauupuan ko. Matapang niya akong tinitigan. I thought he’s going to be intimidated by my shocked expression pero hindi siya bumitiw sa kanyang titig sa akin.
Tumikhim ako. “Duke…”
Ngumiti siya kahit na hindi ako makangiti. “It’s been three years since I met you, Rosie. Siguro naman ay kilala mo na ako.”
Ngumiti din ako.
“Will you be my girlfriend?” Pabulong niyang sinabi sa akin.
Hindi ako nakasagot. I stared at my juice. I stirred it properly. I don’t know what to say to him.
“I… I still need to think about it…” Shit. I really don’t know.
“Well, yeah. I’m in no hurry anyway. I just want you to know that I want you as my girl…” bulong niya.
Kinagat ko ang labi ko. Hindi ako makatingin sa kanya habang siya’y diretso ang tingin sa akin.
“Hey! Mr. Valenzuela! I’d like you to meet a friend. This is Marcus…”
“Duke Valenzuela…” ani Duke sabay lahad ng kamay.
Bumuga ako ng hininga. That was so close!
“Siya ‘yong photographer ng isang magazine. I’m recommending him sa brochure ng wet collection for this year! He has awesome portfolios…”
“Rosie!” tawag ni Karl sabay pakita sa akin ng wineglass.
Nilapag niya ang isang wineglass sa aking lamesa. Tinanggap ko ito.
“Lika! Sayaw tayo!” aniya at hinila ako.
Bago pa ako nagpatianod ay nilagok ko ang champagne. Nawala kami sa gitna ng mga modelo at staff.
Lumapit ako kay Karl para makabulong. Hindi pa niya nakuha ang gusto kong mangyari noong una kaya umilag siya. Ang bading talagang eto!
“Duke asked me to be his girlfriend!” sabi ko.
“Sinagot mo ba?” bulong niya pabalik.
Umiling ako.
Tumawa siya. “Walang chance?”
Sa tanong niyang iyon doon ko napagtanto ang lahat. Chance. Kanino ba iyan ibibigay? Kung tutuusin, walang lalaking mas malapit sa akin for the past years. Si Duke lamang ang ganito ka lapit sa akin. I have male friends. I’ve been courted by an officemate, a co-model, a friend from Dubai, and whatever pero walang kasing lapit ni Duke sa kanila. Si Duke lang. Kaya kung may lalaking mang pwede kong bigyan ng chance, si Duke iyon.
“Meron.”
Tumango si Karl at nagbigay ulit sa akin ng champagne. Minutes later, Duke joined me in the dancefloor. Nawala si Karl, siguro ay nagpunta sa mga kaibigan niya. Si Duke na ngayon ang kasayaw ko.
Nagtatawanan kaming dalawa habang nagsasayawan. I downed three champagnes and I’m kind of tipsy.
Habang tumatagal ay mas lalong naging intimate ang sayaw naming dalawa. Tinaas niya ang dalawang kamay ko at hinaplos niya pababa ang braso ko. Tumindig ang balahibo ko. Our nose touched. Pumikit ako sa sobrang hilo sa lights at sa maingay na music.
Then I felt his lips brush against mine. Dumilat ako sa gulat. Nakita kong nakapikit na siya habang hinahalikan ako ng marahan. Binaba ko ang kamay ko ay pinikit ko ang mga mata ko. I kissed him back. It was all gentle and sweet.
Natigil kaming dalawa sa pagsasayaw. At nang dumilat muli ako, nakita kong nakatingin na siya sa akin. Tumigil kami sa paghahalikan. Naninikip ang dibdib ko. He smiled. I forced a smile.
“I think you’re drunk. Shall I send you home?”
“I’m not drunk, Duke. Alam mong ano ako kung lasing…” Nag iwas ako ng tingin.
“Then you kissed me for real?”
Nagpakawala ako ng hinga. I guess it’s okay. Pilit kong pinigilan ang pag iisip sa isang tao. Nag angat ako ng tingin kay Duke.
Ngumiti si Duke sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.
“Sabihin mo lang sa akin kapag pagod ka na. Iuuwi na kita sa inyo.”
Tumango ako. “Okay… Sasabihin ko.”
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]
my heart is aching for duke :((((