Baka Sakali 2 – Pangwakas

Salamat sa pagbabasa ng Baka Sakali 2. Hope magbasa din kayo ng mga upcoming stories ko. Pasensya na kung bitin na naman ito. Kung ayaw niyong mabitin, wa’g na lang kayong magbasa… ganito talaga yung ending na naisip ko eh. Hope you enjoyed this kasi nag enjoy ako sa pagsusulat.

love you readers <3


Pangwakas

“Jacob, mamaya punta na lang tayo agad sa bahay nila para makuha at mabasa mo yung kontrata.” Sabi ni papa.

Kakarating ko lang galing Maynila. Alam kong dapat buong byahe akong natulog para di ako puyat pagkarating dito, kaya lang hindi ko kayang matulog. Masyadong magulo ang isipan ko. Ayaw ko ng malayo kay Rosie pero ito ang gusto niya. Tama siya, kailangan kong mag-aral sa negosyong ito. Gusto ko itong pasukan at magandang training ground ito para sakin pero pag naiisip kong kapalit ng pag-aaral ko nito ay ang pagkakalayo namin, hindi ko kinakaya. Maaring kulang pa ako sa maturity. Kumpara saming dalawa, ako itong mas mabilis manlambot tuwing nagkakalayo kami. Nami-miss kaya ako nun? Hindi na lang ako mag iisip ng masama para hindi na siya magalit.

Nakatulog na ako nang di namamalayan. Nang nagising ako, siya agad ang nasa isip ko. Pag masyado na kayong malapit, parang lagi mong ineexpect na pagkagising mo, siya ang bubungad sayo. Pero sa ngayon, unan at cellphone ko ang bumungad sakin.

Dinampot ko agad ang cellphone ko at tinawagan siya…

“Akala ko nasa kwarto kita dito. Baliw na yata ako.” Sabi ko.

Tumawa si Rosie sa reaksyon ko.

“Soot-soot ko nga pala ang binigay mong relo.” Dagdag ko.

“Maganda ba?”

“Oo, Rosie. Binili mo ba ang sweldo mo ng relo para sakin?”

Sana tigilan niya na ang pagmomodel, nakakainsulto naman. Kaya ko naman siyang buhayin, ba’t kailangan niya pang magpakahirap para makabili ng mga bagay. Hindi naman ito kailangan. Tsaka… isa pa yang mga male models diyan sa Agencyng napasukan niya. Kung makatingin parang nanghuhubad ng mga babae, lalo na kay Rosie.

“Uhm… Oo.” Malambing niyang sinagot ang tanong ko.

“Rosie… Kung nag modeling ka para lang mabigyan ako ng ganito, sana tinigil mo na lang. Hindi naman kailangan eh. Ikaw lang naman ang gusto ko. Ikaw na buong-buo. Hindi kailangan ng kung anong materyal. Ayokong nahihirapan ka para lang sa ganito.”

“Kasi gusto ko lang talagang bigyan ka ng ganyan lalo na ngayong magkakalayo na tayo. At least man lang may alaala ka sakin.”

“Alam mo kung ano ang tanging gusto ko?”

“A-Ano?”

“Ikaw. Dito. Sa harap ko. Araw-araw. Yun lang masaya na ako.”

“Ibibigay ko rin yan sayo, Jacob. Sa right time. Pagkasal na tayo. Pagtapos na tayo sa pag-aaral.”

Ito ang isa sa mga gusto at ayaw ko kay Rosie. Gusto ko na inuuna niya ang pag-aaral namin. Ibig sabihin, iniisip at pinagpaplanuhan niya ang future naming dalawa. Maganda na sana pero nahihirapan ako. Kaya sa huli, ayaw ko parin. Mas gusto ko paring magpakasal na lang kami at gawin niya ang gusto niya. Iniisip ko nga kung paano ko siya mapipikot nang di niya namamalayan. Ang hirap lang ay natatakot akong iwan niya ako pag pinilit ko yung mga gusto ko.

“Miss na miss na din kita, Jacob. Sige na, kumain ka na. Mag aayos muna ako para mamaya. Maghalikan na lang tayo sa panaginip.” Aniya.

Ano ba yan! Daya nitong si Rosie! Alam nitong patay na patay ako sa kanya, binibigyan niya pa ako ng mga ideya ngayong malayo kami sa isa’t-isa.

“Hmp! Ito na nga ba ang ayaw ko. Magkalayo na nga tayo, tinutukso mo pa ako ng ganito. Balikan kita dyan eh, tsaka ikakama… tignan natin.”

“Tumigil ka nga diyan! Kakagising mo nga lang. Sige na… mag almusal ka na!”

Inaakit ako tapos ipapatigil pag naramdamang naakit na ako. Kainis!

“Pwedeng ikaw na lang gawin kong almusal? Sarap mo kasi!” Ngumisi ako

Pumunta na ako sa trucking kasama si Papa. Marami siyang kinausap. Kinausap niya yung may-ari nito noon. Aniya’y yung namamahala daw nito ay yung mga anak niya. Yun naman pala, siguro madali lang itong palakarin kasi mga kasing edad ko lang yung namamahala. Mga pinsan lang pala ni Eunice.

“Ipicture mo nga ang sarili mo. Tapos isend mo sakin. Gusto kong makita ka, Rosie…” Sabi ko nang tinawagan ko siya. Malapit na yung ramp nila.

“Oo na… Mamaya. anong ginagawa mo?”

“May hinihintay ako. Yung pinsan kasi ni Eunice ang nagpapatakbo sa trucking na ito noon. Nasa contract kasi yung uunti-untiin daw yung paglilipat ng management para di manibago yung mga empleyado. Okay na rin sakin kasi wala din naman akong alam sa trucking… yung spare parts ng trucks, pagpapatakbo sa negosyo, pag-aayos, marami pa kaya okay na rin kung itrain niya ako.”

“Ahh… So nasa trucking ka ngayon?”

“Oo. Nasa loob ako ni Rosie Buenaventura ngayon.” Ngumisi ako.

Alam kong alam niya kung ano yung ibig kong sabihin.

Tumawa ako nang di siya nagsalita, “Oh, ba’t natigilan ka diyan? Ayaw mo bang nasa loob mo ako, huh?”

“Jacob! Nakakahiya ka.”

“Oh bakit? Wala namang tao ngayon dito. Nakaupo pa ako sa likod ng truck na pinangyarihan ng milagro natin. Haaay, sana nandito ka. Hahalikan talaga kita hanggang sa lumambing ng husto ang boses mo at kumuyom na ang kamay mo sa sarap.”

Naaalala ko pa yung ginawa namin dito. Naiisip ko pa lang yung pagkalmot niya sa braso ko nag iinit na ako. Lecheng buhay ito. Tinutukso ko nga siya pero nag ba-backfire naman sakin. Ako pa yung nag iinit, lintek!

“Jacob! Tumigil ka-“

“Tumigil? Eh nasasarapan ka naman yata eh? Ba’t ako titigil. Rosie, kung gusto mo, wa’g kang mahiyang humingi sakin kasi pagbibigyan kita parati. Kung gusto mo mamayang gabi dahil sobrang miss na miss mo na ako, talagang lilipad ako diyan para lang ma satisfy ka kaya wa’g ka ng mahiya okay?”

“Sheet! Jacob! Tumigil ka na ah?”

Ayan na, nag iinit na yan! Minsan iniisip ko pag inaayawan niya ako, dun siya natutukso. Lalo na pag napapamura siya.

“Bakit ka napapamura? Nag iinit ka yata eh. Ano? Game na? mamayang gabi?”

“WHAAAT? Magseryoso ka nga diyan! Tumigil ka ah! Unahin mo nga yan. Saka na… Sa Sabado na!”

“Talaga? ayaw mong mamayang gabi? Lagi kitang tutuksuhin baka sakaling magbago ang isip mo at pauwiin mo ako diyan para gabi-gabi na tayong mag-“

Natigilan ako nang may naaninaw akong lumalapit sakin. “Hello, are you Jacob Buenaventura?”

“Ako. Bakit? Sino ka?” Tanong ko sa babae.

“Ako yung pinsan ni Eunice… I’m-“

“Ah! Okay. Saglit lang. Rosie… Tawagan na lang kita mamaya. Dumating na yung pinsan ni Eunice. Good luck sa modeling. I love you. Wa’g mong kalimutan yung pictures. Pakabait ka diyan pag mag loko ka diyan, uuwi ako tapos bubuntisin kita.”

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Rosie ay bumaling na ako sa babae.

“Ano yung pangalan mo, miss?” Tanong ko.

Ngumiti siya, “Ako si Jasmine. Yung pinsan ni Eunice.”

Tumango ako.

“Ako yung madalas mamahala dito. Pati rin itong mga kapatid ko. Ito si Bryan, ang kuya ko. Eto naman si Enzo yung bunso namin.”

Tumango ako at naglahad ng kamay sa kanila. Tinanggap nila ang kamay ko.

“Sa inyo yung Kampo Juan, diba? Pati rin yung farm ng Kampo Juan? Kailangan niyo nga talaga ng trucking para sa pag-aangkat niyo.” Sabi ni Bryan.

“Oo. Kaya nga interesado talaga ako dito.”

Ngumisi si Jasmine, “Naku! Ako yung madalas na mamahala dito. Sakin ka lang magtanong pag may problema.”

“Kuya, tinatawag ka ni daddy.” Sabi ng bunso nilang si Enzo nang kinalabit si Bryan.

“Okay… Iwan ko muna kayo dito. Punta lang ako sa opisina.”

Tumango ako.

Naiwan kaming dalawa ni Jasmine dito. Nakangisi siya habang nakatingin sa buong lupain sa harap namin.

“Ang ganda dito sa Alegria. Sayang at kailangan naming ibenta ang trucking namin sa inyo. Ayoko pa namang umalis dito.” Aniya.

“May dalawang buwan pa naman kayong mamamahala dito, kaya may dalawang buwan ka pang babalik sa Alegria.” Sabi ko.

Sumulyap siya sakin, “Mommy mo ba si Rosie Buenaventura?” Tumaas ang kilay niya.

Umiling agad ako, “Hindi, asawa ko yan.”

“HUH? May asawa ka na?” Dumungaw siya sa kamay ko.

Itinago ko agad ang kamay kong wala namang singsing.

“WALA NAMAN!” Humagalpak siya sa tawa.

Nag-iwas ako ng tingin, “Engaged na kami kaya malapit na rin naman.”

“Naku! Ang swerte naman niyan. Inaangkin mo na kahit wala di pa nga kayo umaabot ng simbahan.” Napawi ang ngisi niya. “Kainggit. Yung past relationship ko kasi, ako yung ganyan. Masyado akong naging clingy kaya ayun. Iniwan niya ako.”

Napatingin ako sa kanya. Yung mga masyadong clingy? Tulad ko? Clingy ba ako? Hindi naman ah? Kung clingy ako, dapat di ako pumayag na magpunta dito. Dapat pinilit ko si Rosie na tanggapin niyang doon lang ako mag i-FS! Pero hindi, eh, nandito ako! Kaya hindi ako clingy!

“Okay ka lang ba?” Hinuli niya ang titig ko.

Natulala pala ako sa sinabi niya. Tinignan ko ulit siya.

“Naku! Wa’g mo kong tignan ng ganyan. Naaawa ka sakin? Wa’g mo akong kaawaan. Maswerte pa nga ako kasi iniwan niya ako. Kung di niya ako iniwan, malamang hanggang ngayon, nahihirapan parin ako. Ayoko pa naman ng patuloy akong nasasaktan.” Ngumisi siya pero may luha sa gilid ng mga mata niya.

“Kung mahal mo ang isang tao, kahit ano pa siya, matatanggap mo. Hindi ka niya mahal kasi hindi ka niya natanggap. Pwede niyo namang pag-usapan ng mabuti kung ano ang ayaw at gusto niyo sa relasyon niyo, hindi yung, agad nag bi-break… Tss…”

Tumingin ako sa malawak na lupain at bulubundukin sa harapan ko. Kaya namin ni Rosie ‘to. Nasa inyong dalawa lang yan ng partner mo. Kung mahal niyo ang isa’t-isa, walang dahilan ang pwedeng tumibag dito.

Ginulo ko ang buhok ko nang umihip ang malakas na hangin. Humagulhol sa iyak si Jasmine sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko at tinignan ulit siya.

“J-Jasmine? Okay ka lang ba? May nasabi ba akong mali?”

Nabigla ako sa paghagulhol niya. Tangina, hindi pa naman ako magaling tumahan ng umiiyak unless si Rosie yan. Pati buhay ko ibubuwis ko na wa’g lang tumulo ang luha nun. HAY ROSIE! Bakit ikaw laman ng utak ko palagi?

“Uhm… Sorry..” Pinunasan niya ang mga luha niya. “Natamaan lang talaga ako sa sinabi mo. Si-Siguro di niya lang talaga ako mahal.” Nabasag yung boses niya sa huling sinabi.

PATAY! Ako pa yung dahilan bakit siya umiiyak.

“Uhm.. Hindi naman siguro applicable yun sa lahat. Pero yun kasi ang tingin ko-“

“Hindi! Tama ka.” Umiyak ulit siya. “Alam ko namang maaring di niya nga ako mahal. Kasi pagkatapos ng isang linggo, pinagpalit niya na agad ako. Siguro dahil pangit ako, o di kaya di ako marunong humawak ng relationships, o baka naman ayaw niya sa ugali ko.”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. PINAGPALIT? Tangina pag ako pinagpalit ni Rosie, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa mga tao at maging sa sarili ko.

Umiling ako… Hindi ganun ang relasyon namin ni Rosie. Matibay na kami kasi marami na kaming nadaanang pagsubok. Siguro naman pag may ibang taong gumulo sa isipan niya, hindi niya agad-agad ako ipagpapalit. Pag iisipan niya muna yun. Titignan niya pa kung worth it ba na ipagpalit ako. Iisipin niya pa kung sino talaga ang mahal niya.

Napahawak ako sa dibdib ko. Sumasakit ito ng pa onti-onti nang inisip kong ipagpapalit niya ako. Anong ginawa ko para iwan niya ako? Sinunod ko naman lahat, ah! Lahat ng gusto niya? Sh1t! Tangina! Tama na nga pag iisip nito. Hindi niya naman ako iniwan, iniisip ko pa lang, apektado na ako.

“Mabait ka naman tsaka maganda ka… Walang problema sayo. Siya yung may problema dito. Wala kang ginawang masama. Wala kang pagkukulang. Siya yung hindi interesadong paganahin ulit ang relasyon niyo. Kaya wa’g mong sisihin ang sarili mo.”

Tinitigan niya akong mabuti gamit ang maluha-luha niyang mga mata. Ngumiti ako. Hindi ko alam kung ano pang kaya kong gawin para patigilin na siya sa pag iyak.

“T-Talaga?”

Tumango ako.

Kawawa naman pala itong si Jasmine. Kung ako ang nasa posisyon niya, hindi ko makakayanan. Hanga ako sa kanya. Pero hindi mangyayari samin ni Rosie yun. Hindi basta-basta ganun. Hindi magagawa ni Rosie sakin yun.

Nalaman kong magkakilala pala itong si Rosie at Jasmine sa araw na iyon. Mabagal ang panahon dito sa Alegria. Wala akong ibang ginagawa kundi ang pag approve sa mga budget na kailangan para sa parts ng mga truck.

“Dito ka bumili ng parts kasi mura lang tsaka matitibay.” Sabay turo ni Jasmine sa papel na pinirmahan ko kanina. “Tapos, tipirin mo yung kita, malaki yung kita mo, yun nga lang, kailangan mo silang igastos para sa maintainance ng mga truck. Pero pag nabalanse mo na ang lahat, mababawi mo rin lahat ng yan.”

Okay, tama siya. Malaki ang kita pero nauubos din dahil sa mga parts at maintainance ng truck. Di tulad ng sa farming na yung kita mo, kita mo na talaga. Dito sa trucking, may liabilities pa yung kita mo. Tsk. Mahirap pero kaya ito.

“Jacob, uhmmm…” Pula ang pisngi ni Jasmine nang pinuntahan niya ako sa bahay isang araw.

“O, napadaan ka?” Tanong ko.

Kakatapos ko lang mag jogging at basketball sa court namin. Pawis na pawis ako at hinihingal pa. Nilapitan ko siya pero umatras siya.

“Ano yang dala mo?”

Ibinaba niya ang dalang lalagyan ng pagkain at mas lalong pumula ang pisngi niya.

“K-Kasi… pinagluto kita.” Aniya.

Nanlaki ang mga mata ko, “Talaga? Tamang-tama, gutom ako!” Tumawa ako.

“O-Oo! O sige! Heto!” Ibinigay niya sakin.

Tinanggap ko agad, “Wow! Amoy palang masarap na.” Sabi ko.

Magaling pala siyang magluto. Hobby niya raw ito. Habang kumakain ako ng luto niya, tumambay siya sa kusina namin.

“Si Rosie, mahilig ba magluto?”

Tumawa ako, “Naku, hindi!” Naisip ko tuloy yung mukha ng magandang si Rosie ko pag nagluluto. Ang cute-cute. Hindi marunong eh. Pero naknangputspa, tumitindig ang balahibo ko pag naiisip kong pinagluluto niya ako. Naghirap pa talaga siya para sakin. Napangisi tuloy ako.

“Naku! Dapat matuto siyang magluto. Para naman makakain ka ng luto niya. Masaya yung ganun eh.”

Tumawa ulit ako, “Ewan ko ba. Mas okay sakin yung di siya marunong. Gusto kong nakikita siyang nahihirapan para pakainin ako. HAHA! Na cu-cutan ako. Lalo na pag naiinis na siya. Pikon pa naman yun pag may di nagagawa.”

Langya! Nami-miss ko na tuloy siya ng sobra. Kaya naman nang umuwi ako sa Maynila, nanginig yung katawan ko pagkapasok ng sasakyan sa gate.

ROSIEEEEEEE! Ni hindi ko na mahawakan ng maayos ang doorknob sa sobrang kasabikan ko sa kanya.

“Sana hindi ka na nag-abalang magsoot ng damit, Rosie.”

Agad kong hinubad yung soot niyang damit. Ang bango niya kahit sa umaga. Pinaghandaan yata ang pagdating ko. Nag effort pa talaga siya. Eh hindi naman kailangan. Pwede namang di na siya nagsoot ng damit para wala ng hubaran.

Nilapag ko agad siya sa kama. Ilang beses din akong tinukso nito ngayong linggo, ngayon, mabubuhos ko na sa kanya lahat ng mga iniisip kong ginagawa namin tuwing gabi. Hinawakan ko ang baywang niya, nakakapang init yung hubog ng katawan niya talaga… Kahiya naman, agad pa yata akong malalabasan nito.

Nabigla ako nang nagising ako at nagluto siya. Ayaw kong iniiwan niya ako sa kama pag natutulog ako pero okay din sigurong iwan niya ako para ipagluto. Natutuwa talaga ako. Siguro next time, papanoorin ko siyang magluto.

“Gutom na gutom ka? Hindi ka ba kumain buong byahe?” Tanong niya

“Hmmm. Kumain. May dala akong pagkain. Yung pinadala ni Jasmine.”

“Uhmm… Pinagluto ka niya?”

Napansin ko ang pagiging matanong ni Rosie tungkol kay Jasmine. Anong problema ng isang ito? Nagseselos yata. Sana pauwiin niya na lang ako dahil sa selos na yan, hindi yung magkikimkim siya at magkukunwaring hindi pero unti-unti siyang nawawalan ng gana sa relasyon namin.

“Nag text si Jasmine.” Sabi ni Rosie nang tiningnan niya ang cellphone ko.

“Talaga?” Magseselos na naman ito! “Anong sabi?”

“Super thank you, Jake. Bakit siya nag thi-thank you?”

“Hmm. Hindi ako sigurado. Siguro dahil dun sa Alp. Alam mo na, yung welcome party ko. Sinagot ko yung inuman ng mga empleyado nila.”

“Ahh…”

Hindi na siya nagsalita ulit. Siguro tingin niya may ginawa ako para kay Jasmine. Ibabalik ko na nga lang sa trabaho yung usapan.

“Sayang di nag college iyang si Jasmine. Kung sana sa school siya nag aral tapos business management din, baka magaling siya.”

Tumango si Rosie, “Bakit mo nasabi?”

“Alam niya yung ilang subjects ko eh. lalo na sa reports.”

“Ah? May reports pala kayong gagawin?”

“Oo. Syempre… Kaya ayun, tinutulungan niya akong gumawa.”

Sana maging ayos ang paningin niya kay Jasmine. Mabuti nga yung tinutulungan ako ni Jasmine sa reports para din naman ‘to sa future namin ni Rosie. Aalis pa naman ako bukas.

“Jacob, pupunta ako bukas sa Sortee.” Sabi ni Rosie

“Sortee?” Yung isla?

“Oo. May launching na naman si Ms Bubbles Manuel. Alam mo namang nakapirma ako ng kontrata.”

Bayaran na lang natin ang kontratang iyan at umalis ka na sa pagmomodelo. Tss!\

“Anong oras?” Tanong ko.

“Alas tres.”

“Maaga akong aalis bukas, Rosie.”

“Alam ko… I’m sorry kung wala ka na naman. Wrong timing lang talaga. Di bale… Uhm… Di bale pag tapos ka na sa Alegria, sigurado akong makakasama ka rin.”

“Hindi ba isla ang Sortee? Ibig sabihin? Ibig sabihin beach attire yung collection na yan? Two piece? Bikini ba, Rosie?” Nanlaki ang mga mata ko.

“Hindi, Jacob. Gowns parin. Ganun parin kaya wa’g kang mag-alala.”

“Pero magdadala ka ba ng bikini?” Napalunok ako.

“Siguro.”

Sh1t! At wala ako? Tangina! Naiisip ko na yung paglalaway ni Brandon! No… way! Hindi pwede ‘to. Sorry, Rosie pero mamarkahan kita. Sige! Sootin mo yang bikini mo pero dapat sinisigaw ng balat mo ang mga ginawa ko sayo. Dapat alam ng lahat na may umaangkin sayo gabi-gabi. Ako yun. Ako lang. Akin ka lang.

Dahan-dahan ko siyang hinalikan sa leeg, sa dibdib. I love you so much, Rosie. Sana kahit di mo maintindihan yung kabaliwan ko sayo ay tatanggapin mo parin ako ng buong-buo. Pasensya na kasi selfish ako. Pasensya na sa pagiging paranoid ko… Sana wa’g mo kong iwan dahil dito.

Nagalit siya sa kissmarks na ginawa ko. Nag apologize ako syempre pero hindi ako nagsosorry sa sarili ko. Dapat lang na ganun ang gawin ko. Lintek, hindi ako hibang at bulag para ibalandra ang girlfriend ko sa buong mundo. Batid ko ang kagandahan at kasexyhan nun, at kahit hindi ko ipinapakita, alam kong naakit niya halos lahat ng mga lalaki.”

“Rosie… kasi… uhm… bukas…” Sabi ko nang pumipikit.

Magtatampo ito. Sh1t!

“Birthday ng daddy ni Jasmine. Uuwi sana ako pero sabi ni papa wa’g muna for this week kasi magkakaroon ng konting salu-salo sa kanila. Alam mo na… kailangan pumunta para magpakita ng respeto.”

Bakit pa kasi kailangang pumunta? Tsaka may parte pa talaga ako sa birthday, ah? Kaya mahirap tanggihan. Pinapakanta pa ako dun! Lecheng buhay! Kahit sinabi kong kailangan ko yung bandmates ko para dito, nagpresenta pa talaga si Bryan at Enzo na mag guitar para sakin.

“Uhm…Saan?” Dinig ko ang disappointment sa boses niya.

Parang kinurot ang dibdib ko. Nitong mga nakaraang araw, may napapansin ako sa tono niya. Palagi siyang walang gana. Lagi niya akong binababaan. Minsan kakatawag ko lang binababa niya na agad.

“Sa kabilang probinsya. Yung ancestral house nila Eunice. Dun ice-celebrate. Uhmmm… Mga 15 minutes ang byahe galing dito sa bahay.”

“Ah… So hindi ka muna makakauwi?”

“Oo. Sorry. Babawi ako next week? Miss na miss na kita… Sobra.” Sabi ko.

ARGHHHH! Ayoko na! Ayoko na! Sige! Magtitiis ako sa linggong ito. Pero next week mag apply na ako for transfer sa Manila. Hindi ko na kayang naririnig ko sa boses niya ang pagdududa. Ayaw kong banggitin sa kanya iyon kasi alam kong nagpipigil siya. Matured na si Rosie kaya kailangan ko ring magpakamature. Pero kung malakas siya, kaya niyang malayo kami sa isa’t-isa, ako naman, marami pang kakaining bigas, hindi ko pa kaya. Kaya ngayong Lunes, kakausapin ko ang daddy ni Jasmine. Ayoko na.

“Miss na miss na rin kita.” Aniya. “Uhm… Sige, Jacob… Mag aaral ako sa next class.. Ingat ka diyan.”

Pinutol niya ang linya. Nalaglag ang panga ko. ANO YUN? Bakit agad niyang pinutol? May iba na ba siya? Baka ayaw niya na sakin?

TANGINA! SHT! TAMA NA YANG MASAMANG INIISIP MO, JACOB! Nagpapakamature nga siya dito, dapat magpakamature ka rin. Wa’g kang mag isip ng masama. Wala siyang iba. Ako lang ang kanya. Wala, diba?

Habang kumakanta ako para sa birthday ng daddy ni Jasmine, wala akong ginawa kundi pumikit at isiping nasa harapan ko si Rosie.

“A hundred days have made me older

Since the last time that I saw your pretty face

A thousand lies have made me colder

And I don’t think I can look at this the same

But all the miles that separate

Disappear now when I’m dreaming of your face…”

Sinaway na ako ni Leo dahil dito. Aniya, hindi daw ito akma sa okasyon. Dapat daw mas masaya yung kantahin ko pero pakealam ba nila at ganito yung nararamdaman ko dito?

“Jacob, okay ka lang ba? Napaka nega naman ng kinanta mo.” Sabay tawa ni Jasmine sa table namin.

Suminghap ako, “Nami-miss ko na si Rosie eh.”

“OA nito! Isang linggo pa lang naman.”

Seryoso akong napatingin sa kanya.

Hindi na lang ako nagsalita. Ayaw kong maging masungit sa kanya, kawawa naman. Kung anong mga iniisip ko, akin na lang yun. Wala silang alam kung gaano ako kabaliw kay Rosie at hindi ko na kailangang ipangalandakan yun sa kanila. Wala naman akong mapapala kung sakali.

Nanood siya ng sine kanina kasama yung models. Sumasakit ang dibdib ko tuwing naiisip kong kasama niya yung Brandon na iyon. Nagmadali pa naman siyang ibaba yung tawag ko. Ano ba talaga, Rosie? Ano ba talagang nangyayari? Ayokong magduda. Gusto kong magpakamature para sating dalawa pero alam mo namang hindi ko kayang ganito.

Napainom ako ng marami sa gabing iyon. Pero umuwi rin naman ako nang narealize na wala akong mapapala sa kakainom. Matutulog na lang siguro ako sa bahay.

“Jacob, uuwi ka na? Hindi pa nga uuwi yung daddy mo eh uuwi ka na agad?” Sabi ni Jasmine.

“Oo eh, tatawagan ko pa si Rosie.” Sabi ko.

Sumimangot si Jasmine, “Rosie ka nang Rosie, bakit mahaba ba yung tawagan niyo? Di naman diba? Mabilis lang? Tawagan mo lang saglit tapos wa’g ka munang umuwi. Marami pa tayong pag-uusapan. Lalo na next week, may idedeliver pa Maynila-“

“Next week na lang natin pag usapan.” Sabi ko at tumayo na.

“Matatambakan yan ng trabaho. Sige ka, baka mas lalong maging busy ka next week, di mo na siya matatawagan o matitext.”

Napalingon ako kay Jasmine, “Okay lang. Magiging busy naman talaga ako next week kasi pinagpaplanuhan kong bumalik ng Maynila.” Matabang kong sinabi.

May tinanong pa si Jasmine pero di na ako nakinig. Tinalikuran ko na siya at dumiretso sa daddy niya. Nagpaalam ako ng maayos at sinabi kong inaantok na ako. Ang totoo, gagawa ako ng requirements at tatawagan ko si Leo kung may pwede ba akong applyan sa Manila. O baka si Ron, tatawagan ko na rin.

Hindi ko na muna sasabihin kay Rosie ang lahat, baka magalit lang yun. Ayaw pa naman nun na sa Manila ako mag Field Study.

Nangyari na ang kinakatakutan ko. Inaway ako ni Rosie sa cellphone dahil kay Jasmine. Paanong di ko mababanggit si Jasmine gayung lahat ng tanong niya ay may kaugnayan kay Jasmine. Ito na nga ba ang ayaw ko. Kaya kahit magalit siya sakin, uuwi ako ng Manila.

Nang nag Biyernes na, ang saya ko na! Uuwi na ako maya-maya kay Rosie at sasabihin ko na sa kanyang di na ako mag i-FS dito.

Pinipirmahan ko na lahat ng papers nang pumasok si Jasmine sa office.

“Jacob, talaga bang tuloy ka na?” Ilang araw niya na ako tinatanong nito pero ngayon lang naging madrama ang boses niya.

“Oo. Hindi ko kaya eh.” Dumudungaw parin ako sa mga papel.

“Hindi ba kita mapipigilan?” Nabasag ang boses niya.

Napatingin ako sa kanya. Nakita kong mangiyak-ngiyak na siyang nakatayo sa harapan ko.

Tumayo agad ako para tahanin siya.

“Sorry, h-hindi.” Mas lalong lumala ang pag iyak niya.

Hindi ko naman alam kung anong masasabi ko sa kanya para patigilin siya sa pag-iyak. Nakatingin lang ako sa kanya habang pinupunasan ang luha niya. Bigla niya akong niyakap. Humagulhol siya sa iyak.

“Ma mi-miss kita! Talaga bang walang makakapigil sayo? B-Bakit ba kasi kailangan mo pang umalis?” Tanong niya sa gitna ng paghikbi.

Hinaplos ko ang likod niya. Wala akong alam kung paano ko siya patatahanin gayung si Rosie ang desisyon ko. Mas uunahin ko si Rosie imbes na ang trabaho o pag-aaral o kahit sino. Si Rosie ang desisyon ko. Alam kong baliw na yata ako pero ganun yung nararamdaman ko. Hanggang sa nararamdaman ko pa ito, yun at yun talaga ang susundin ko.

“Jacob…”

Hinarap ako ni Jasmine. Punong-puno ng luha ang pisngi niya. Bakit ganito siya makapagreact? Iyakin ba siya o talagang nalulungkot siya sa pag-alis ko? Kawawa naman.

“Salamat talaga… Salamat. Maraming salamat.” Pumikit siya at hinila ang leeg ko.

Inilapit niya ang labi niya at hinalikan ako. SH1T! Tanggap ko namang umiyak siya sa harapan ko kasi nalulungkot siya pero kasali pa ba ang halik na ito? Nanlaki ang mga mata ko habang tinitignan ang basa niyang pisngi at nakapikit niyang mga mata.

Naramdaman niya siguro ang pag atras ko kaya itinigil niya at dinilat ang mga mata.

“Thank you, Jacob. I love you…”

WHAT? LOVE NIYA AKO? Kakabreak niya pa lang sa boyfriend niya, ah? AT ALAM NIYANG MAY GIRLFRIEND AKO! MAGKAIBIGAN PA SILA!

“Pero-“

“Shhh!”

Pinunasan niya ang luha niya.

“I love you, Jacob.” Umamba siyang hahalikan ulit ako pero itinulak ko siya.

“Jasmine…” Umiling ako. “SI ROSIE LANG ANG PWEDENG HUMALIK SAKIN! Alam mong may girlfriend na ako pero bakit mo ‘to ginagawa?” Hindi ko na napigilan ang pagkainis ko.

Sinuntok ko ang pintuan sa gilid. Napaatras si Jasmine. Ginulo ko ang buhok ko. Ang bilis ng paghinga ko sa sobrang inis ko.

“Jasmine…” Umiling ako. “Magkaibigan kayo ni Rosie at siya ang mahal ko-“

“Hindi ba ako pwedeng magkagusto sayo?” Tanong niya.

Umiling ako, “Hindi ako sang ayon sa ginawa mo, Jasmine. Kasi kung si Rosie ang mahahalikan ng iba, paniguradong magwawala ako.” Padabog kong binuksan ang pintuan.

Naabutan ko ang mga tsismosong empleyado. Kanina pa ba sila nandito sa labas? Nagsialisan agad sila nang nakitang galit na galit akong lumabas. Kaya pala kanina pa ako nakakaramdam na may nakikinig samin.

Lumuwas ako ng Maynila para makitang wala si Rosie sa kama ko. Asan ka na, Rosie? Patay rin ang cellphone niya. Ano kayang ginagawa niya?

“Hello, Karl?”

“J-Jacob! Unexpected call!” Nanginig pa yung pagtawa ni Karl.

“Asan si Rosie?” Diretso kong tanong.

Sinimangutan ako nina Leo. Imbes na si Rosie ang mahanap ko, sila yung sumalubong sakin. Lumuwas din pala siya ng Manila. Nagkaroon kami ng munting reunion.

“Kakapunta ko lang sa bahay nila. Walang tao. Wala dun si Maggie at James. Asan si Rosie? Bakit walang tao sa bahay nila? UMALIS BA SILA? INIWAN NIYA BA AKO?” Nabasag ang boses ko.

“H-Hindi, ah! Easy ka lang… Uhm…”

“Ano ba? Sasabihin mo ba o hindi?”

“AH! Oo! Sasabihin… syempre… pero kasi baka magalit siya-“

“TANGINA KA NAMAN! KAHIT KAILAN PANIRA KA! AKO YUNG BOYFRIEND NIYA AT MASISIYAHAN SIYA KUNG MAKITA NIYA AKO NGAYON! Bakit siya magagalit? May tinatago ba siya? May iba na ba siya? Yung Brandon?”

“H-Hindi! Wala! Nasa Aura siya ngayon. May ramp.”

Mabilis akong pumunta sa Ayala. Umakyat ako ng stage nang nakita ko siyang rumarampa. Maikli ang buhok niya at mas lalong pumayat. Hindi ko alam kung dahil ba sa soot niya yung kapayatan niya o ano. Pero kahit pumayat siya, kitang-kita mo yung confidence at pagiging blooming ng mukha niya. Mukha siyang inspired. Parang may masayang nangyayari sa buhay niya. Napawi lahat ng iyon nang nakita niya akong umakyat sa stage.

“Let’s go, Rosie.” Sabi ni Brandon sa kanya.

ANO?

“Good bye, Jacob.” At tinalikuran niya ako.

Napatingin ako sa mga taong nakatingin din sakin. LANGYA! Iniwan ako ni Rosie sa harap ntg maraming tao.

“ARGHHHH! May iba na ba siya?” Tanong ko kina Leo.

Nandoon parin sila sa bar, nag-iinuman.

“Ewan ko, ‘tol. Di naman kami laging nagkikita.” Sabi ni Ron.

Lagok ako nang lagok ng beer.

“Oh, heto.” Sabay pakita sakin ni Leo ng isang message.

Karl:

Status Party. Nandun si Rosie mamaya. I swear.

Tumawa sila sa ipinakita ni Leo. Nag high five pa sila dahil sa text na iyon.

“No sweat kong nakuha ang impormasyon na yan kay-“

Iniwan ko na sila at nag bihis sa bahay ng kulay blue. Ngayon, malalaman ko kung ano talaga ang tingin ni Rosie sa relasyon namin. Kasi ako… ganun parin… Kasal parin kami. Kahit na nagkakalayo na kami, ganun parin ang nararamdaman ko sa kanya, sana siya rin.

Nakita ko agad siyang papasok sa bar. TANGINA! Nakawhite at kasama pa ang nakawhite ding si Brandon.

Natigilan ako. Parang kinukurot ang dibdib ko. Anong ibig sabihin nito, Rosie? ANO? Bakit ka single? At bakit mo siya kasama? TANGINA! Nag-alab ang galit sa sistema ko. Pwede namang umalis ako at tapusin na lang ng walang pasubali ang relasyon namin. Kasi kitang-kita na ng dalawang mata ko ang ginagawa niya, oh. KITANG KITA KO NA! HULING HULI NA SIYA!

POTANGINA! SORRY PERO SHIT DI KO KAYA!

Hinila ko ang braso niya sa sobrang galit ko. Kumuyom na ang panga at kamay ko sa galit ko sa kanya at sa kasama niyang si Brandon.

“ANO BA?” Galit din siya.

Bakit ka galit? Anong ginawa ko? O baka naman nag gagalit-galitan ka lang para magkaroon ng dahilan ang pagbibreak naming dalawa? SH1T, Rosie! Wa’g mong gawin sakin ‘to!

Tinignan kong mabuti ang mukha niya. Gusto kong imemorize ang bawat detalye. Baka nakahanap na siya ng iba… Baka iwan niya na talaga ako… Baka dahil sa paglayo ko, nawalan na siya ng gana sa relasyon namin. Pero magbabakasakali akong hindi. Baka sakaling ako parin. Baka sakaling kaya ko pa siyang saluhin sa pagkakahulog niya sa iba. Baka sakaling maaagapan pa…

“Single ka na?” Bulong ko sa tainga niya.

Hindi ko maiwasan ang pagiging malupit sa kanya.

“Married ka? Kanino?”

Pero mas malupit parin siya. Kumuyom lalo ang panga ko sa sinabi niya.

“Kanino sa tingin mo?” Bulong ko pabalik.

“Ewan ko, basta ang alam ko, hindi sakin.”

Parang tinusok at binagsakan ng ilang libong bato at kutsilyo ang puso ko sa sinabi niya. Nanginig ang bibig ko.

“Bakit, Rosie? Are you in love with someone else?”

Hindi. Hindi siya maiinlove habang nandito ako sa mundo. Hindi ko hahayaan. Alam kong hindi ko mapipigilan ang damdamin niya pero habang nandito ako, akin siya, lahat gagawin ko, balikan niya lang ulit ako. Dahil siya ang desisyon ko.

Ang desisyon ko ay ang mundong kaming dalawa lang ang gumagalaw. Yung walang pakealam sa ibang tao. Ang importante ay kaming dalawa lang. Kaya ko nang mabuhay kahit kaming dalawa lang.

“Rosie, talaga bang di ka sa kwarto ko? Tinawagan ko naman yung mama mo tsaka yung papa ko, okay naman sila.”

Umiling siya habang nag aarrange ng gamit sa kabilang kwarto. Okay na rin basta ang importante nasa isang bubong kami pero sa totoo lang, anong pinagkaiba nito sa kwarto ko? Bahay ko ito at papasok ako dito sa kwarto niya kung kailan ko gusto. Kung ayaw niyang mag ano muna, pwede niya namang sabihin sakin. Di ko naman siya pipilitin.

“Ayos na ako dito.” Aniya.

Umupo ako sa kama niya. Busy siya sa paglalagay mga damit sa loob ng cabinet.

“Masikip dito kumpara sa kwarto ko.” Sabi ko.

“Okay lang.” Sabi niya nang di tumitingin sakin.

Nakita kong may pawis sa noo niya kahit may aircon naman. Siguro ay napagod siya sa pag aarrange. Ayaw niya kasing ako yung nag aarrange, ayaw niya ring mga katulong.

Nilakasan ko ang aircon.

“Jacob, wa’g masyadong malakas, nilalamig na nga ako.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Nagkatinginan kaming dalawa. Nanginig ang buong katawan ko.

“P-Pwede naman kitang painitin.”

Kumunot ang noo niya.

Lumapit ako sa kanya. Hindi siya gumalaw.

“Jacob, mamaya na nga… May ginagawa pa ako dito.”

MAMAYA? IBIG SABIHIN GO SIGNAL NA? ILANG ARAW NA RIN SIYANG HINDI NAG GO-GO DAHIL SA ALITAN NAMIN!

Shit! Tumindig ang balahibo ko. Hindi ko na kayang maghintay.

Nagligpit ulit siya ng mga damit. Nakaupo siya sa sahig. Nilapitan ko pa siya. Umupo ako sa likuran niya. Niyakap ko ang dibdib niya.

“Jacobbb…”

Pumikit ako at inamoy ang buhok niya. Ang bango niya talaga… Tangina. Ugh! Miss na miss ko na siya.

“Rosie, sagad sa buto na ang pananabik ko sayo.” Inamoy ko ulit siya.

Natigil siya sa ginagawa niya.

Ginapang ng kamay ko ang labi niya.

“Pwede na bang halikan ito? Kasi gutom na gutom na ang labi ko sa halik mo.”

“Ugh! Jacob!”

Hinarap ko ang mukha niya sakin at inabot ang labi niya. Napasandal siya sakin. Naghalikan kaming dalawa nang nakatalikod siya sakin.

Pinasadahan ko ng haplos ang dibdib niya. Ang isang kamay ko, gumapang na sa gitna ng hita niya. Langya! Mababaliw na yata ako!

Mabilis siyang humarap sakin. Pinulupot niya ang braso niya sa leeg ko. Ganyan, Rosie. Sabik ako kaya malamang sabik ka rin.

Binuhat ko siya papuntang kama. Nilapag ko siya at hinalikan agad. Wala na akong time para maghubad, talagang di ko na kayang palampasin yung pagkakataon.

“Jacob~~”

AH! Music to my ears! Shiiiit! Kung hindi naman ako maghuhubad walang mangyayari kaya hinubad ko ang t-shirt ko at hinalikan ulit siya. Nakakakiliti ang kamay niyang hinahaplos ang abs ko.

“Rosie, ” Hinawakan ko ang kamay niya at binaba.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Ngumisi ako.

“Nagpi-pills ka ba?” Tanong ko at hinalikan ulit siya sa leeg.

Ngayon, ang isang kamay ko pinasok ko na sa shorts niya.

“H-Hindi.” Aniya.

Magaling.

“Jacob!” Kinalabit niya ako.

Hindi ko siya pinansin. Shit! Ano? Mamaya na tayo mag usap, busy pa ako sayo.

Kinalabit niya ulit ako.

“Bakit?” Sinulyapan ko siya.

Ipinakita niya sakin ang isang condom.

“Kulang yan.” Hinalikan ko ang dibdib niya.

“JACOB~!”

“Hmmm?”

Kinalabit niya ulit ako at ipinakita ang condom.

Kinuha ko ang condom at hinagis sa basurahan. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko. Binalewala ko ang reaksyon niya, nagpatuloy ako sa paghalik sa dibdib niya, pababa. Ngayon, sinoot ko na ang kamay ko sa ilalim ng panty niya.

“Sht! Jacob!!!” Sigaw niya at kinalabit ulit ako.

“Hmm?”

Sumulyap ako sa kanya. Ipinakita niya sakin ang isang roll in tissue. Umiling ako at kinuha yun.

“Rosie, dalawang taon kitang sinunod. At muntik na tayong nagkahiwalay… Ngayon, subukan mong sundin ako.” Hinagis ko ang tissue sa basurahan at hinalikan siya sa tainga habang ang isang kamay ko ay hinahaplos na ang gitna ng hita niya.

Ngumisi ako nang nakita siyang walang magawa.

“Walang tissue, walang condom, walang pills. Next month ang kasal, sa ngayon, bubuntisin kita.”

Sinapak niya ako pero hinalikan din.

“Jacob~”

Nakakapanindig balahibo talaga ang pagtawag niya sakin.

“Yes, Rosie… Bubuntisin na kita. At sakin ka na habang buhay.”

Hinubad ko ang shorts niya at hinalikan siya para di na makaangal. Malalim at nakakapang-init yung mga halik niya.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 2 – Kabanata 30

Kabanata 30

Dalhin Mo Na Lahat

“Uhm… May driver akong dala. Okay lang ba sayo kung tabi tayo sa l-likuran.” Tanong ni Jacob palabas ng Bahay ni Lola.

“Okay lang naman.” Sabi ko at dumiretso na sa sasakyan nila.

Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip sa lahat ng nangyari. Napatawad ko na si Jacob pero nakaka-awkward pag agad akong magiging sweet sa kanya pagkatapos nang nag aalab naming away.

Nahuhulog agad ang mga mata ko palabas pa lang kami ng Alegria. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Napuyat talaga kasi ako kagabi sa kakaisip.

“Rosie?”

Napatalon ako sa pagtawag ni Jacob.

“E-Etong unan oh.” Sabay abot sakin ng malaking unan.

“Thanks.” Kinuha ko ito at nilagay na agad ang ulo ko.

“Hindi ka ba natulog kagabi? Bakit inaantok ka?”

Nakapikit na ako nang narinig ko ang tanong niya, “Hmm. Mejo.”

“P-Pwede namang sakin ka sumandal.”

Dinilat ko ang mga mata ko para sulyapan siya.

Nag-iwas siya ng tingin.

“Di na… Baka mabigatan ka sakin. Okay na ito…”

“Mabigatan? Ngayon pa ba ako mabibigatan? Ilang beses na kitang binuhat.”

Binigyan ko siya ng masamang tingin kaya nag-iwas na lang ulit siya ng tingin.

Alam kong miss na miss mo na ang lambingan natin. Miss na miss ko na rin yun pero dahan-dahan lang. Unti-untiin natin hanggang sa makapag-usap na tayo ng maayos.

Hindi ko na alam kung ilang oras akong natulog, nang dumilat ako, nasa lap na ako ni Jacob nakahiga. Naaninag ko agad ang mga mata niyang nanlalaki pagkakita niyang gising na ako.

“R-Rosie, b-bigla ka na lang sumandal sakin. Hindi naman kita pinilit na dito matulog. Sumandal ka kaya ganito nangyari. Ayaw ko namang nahihirapan ka habang natutulog. Sorry kung naabutan mong ganito-“

“Okay lang.” Sabi ko sabay ayos ng pag-upo.

Nagpapanic parin siya nang tumingin na ako sa labas. Mabilis ang patakbo ng driver nila pero hula ko malayu-layo pa kami sa Maynila.

“Ilang oras akong natulog?” Tanong ko.

“Uh… Lima. Bumili nga kami ng pagkain. Eto, oh!” Sabay pakita niya sa pagkain. “Nagpahinga kasi sila ng 30 minutes habang natutulog ka. Kumain din sila. Ayaw naman kitang gisingin kasi mahimbing yung tulog mo. Kumain ka na.”

“Ikaw? Kumain ka na ba?”

Napatalon siya sa tanong ko, “Hindi pa rin.”

“Bakit?” Tanong ko.

“H-Hindi kasi ako makagalaw nung natutulog ka kaya hinintay ko na lang na magising ka.”

Tumango ako at kinuha yung pagkain na binila niya. “Kumain na tayo.”

“O-O sige.”

Kumain kaming dalawa sa likod ng sasakyan. Tahimik siya habang kumakain kami. Dahil tuyo yung lalamunan ko, isang subo ko pa lang sa ulam, nabilaukan agad ako…

“Rosie, okay ka lang? Eto tubig!” Nagpanic ulit siya nang binigyan ako ng tubig.

Ininom ko naman agad. Pagkatapos kong uminom galing sa 1 liter na mineral water ay napahinga ako ng malalim.

“Okay ka na?” Tanong niya.

Tinignan niya ang mineral water at lumagok na rin dun. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Bumalik yung mga alaala ko noon. Yung pagiging obsessed niya sa indirect kiss naming dalawa.

“Akin yan, ah? Ako yung unang uminom. Bakit ka uminom dun?” Tanong ko.

“Ha? Bakit? Anong big deal sa pag inom ko dito?” Nabigla siya sa sinabi ko.

Umiling ako at di na lang nakipagtalo.

“A-Akin ka naman, ah? Pati labi mo akin kaya okay lang naman sigurong halikan ko kung ano yung akin.”

Pumikit ako at nagpigil ng ngisi. Shit kang Jacob ka! Bakit napapangisi mo ako sa simpleng mga sinasabi mo?

Uminit ang pisngi ko nang narealize na nakikinig pala siguro ang dalawang driver na dala niya. Pareho naman silang dalawang walang imik kaya tumahimik na lang ako. Ugh! Jacob! Pagkatapos naming kumain ay sinubukan ko ulit matulog. Ngayon, sa balikat niya na ako sumandal para matulog.

“Pwede namang dito, Rosie.” Sabay tapik niya sa hita niya. “Magkaka stiff-neck ka niyan.”

“Gusto ko dito.” Sabi ko.

“Ha? Ah… Eh… O sige.”

Nilagay ko ang kamay ko sa sparkling abs niya. Damn! Miss na miss ko na ang pakiramdam ng katawan niya. Isang linggo ko rin itong nakikitang palakad-lakad sa bahay namin nang di ko ginagalaw kaya ayan tulog, nanginginig ako habang nakapatong ang kamay ko sa abs niya.

Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko. Nanigas yung katawan niya.

“Matutulog na ako, Jacob.” Bulong ko sa tainga niya.

Hanggang saan kaya ang isang ito? Hanggang saan yung pagti-tiis niya sa mga panunuya ko? Natatawa ako kaya pinikit ko na lang ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan niya habang nakasandal ako doon. Sabik na sabik na siya pero pinipigilan niya.

Kahit na naaliw ako sa mga iniisip ko, sa sobrang puyat ko kagabi, nakatulog parin ako.

Nagising lang ulit ako nang gumalaw si Jacob. Hindi ko alam kung bakit naging biglaan yung pag galaw niya.

Hapon na nang dinilat ko ang mga mata ko. Tumigil na sa pag andar ang sasakyan. Orange na ang kulay ng langit, sigurop ay papalubog na ang araw. Sinuyod ng mga mata ko ang paligid at nakita kong nasa tapat na kami ng apartment namin.

Padabog na binuksan ni Jacob ang pintuan ng sasakyan niya.

“Jacob?” Tawag ko.

Sinundan ko siya nang tingin. Mabilis siyang naglakad. Nahagip agad ng mga mata ko kung saan siya patungo. Nakita ko si Brandon, nakasandal sa sasakyan niya habang nakaabang sa apartment namin.

“Oh my God!” Binuksan ko ang pintuan at tumakbo na para pigilan silang dalawa.

“ANONG GINAGAWA MO DITO!?” Sigaw ni Jacob kay Brandon.

Napatalon sa bigla si Brandon sa pagsugod ni Jacob.

“Dude, easy. Binibisita ko lang si Rosie.” Sabi ni Brandon.

“Brandon…” Pumagitna agad ako sa kanilang dalawa.

Mabilis na ang paghinga ni Jacob at nakakuyom na ang mga kamay. Oo nga pala… Naexplain niyang mabuti ang side niya pero hindi ko pa naeexplain ng mabuti yung sakin.

“Sorry, umalis ka na, please.” Sabi ko kay Brandon.

Naghalf-open ang bibig niya nang tinignan niya ako, “I thought you’re single.”

Kitangt-kita sa mga mata at tono ng boses niya ang disappointment.

“Binalikan mo talaga?” Tanong niya na parang nakakatawa ang pagbabalikan naming dalawa.

“Walang hiya ka! Anong pakealam mo kung balikan niya ako?” Sumugod si Jacob pero hinawakan ko ang dibdib niya para pigilan.

“Jacob, kumalma ka. Hayaan mo siya. It’s a waste of time. Ako na ang bahala dito.” Bumaling ako kay Brandon.

“Rosie… nakita mo siyang may kahalikang iba diba? Sinabi sakin ni Jasmine ang nangyari sa inyo kagabi. Naisip kong di mo na siya babalikan kahit anong explanation pa ang matanggap mo kasi alam kong matalino ka.”

Umiling ako.

Naramdaman ko na naman ang paninigas ng muscles ni Jacob. His jaw clenched. “Tangina mo, wa’g kang makealam dito! Wala kang alam! Mundo namin ‘to kaya wa’g kang sumawsaw!” Sigaw niya.

“JACOB!” Sinimangutan ko siya.

Bahagya siyang kumalma nang narinig ang pagsigaw ko. Tinignan niya ako sa mga mata bago ako bumaling kay Brandon.

“Bobo na kung bobo pero babalikan ko siya kasi mahal ko siya. Napatawad ko na siya. It’s not like he fell in love with someone else. Nilandi lang siya ng iba pero hindi naman siya nagpalandi. Misunderstanding lang ang lahat, Brandon. Kung tingin mo ay ganun ako ka taray para di siya patawarin ulit, nagkakamali ka sa akala mo sakin. I can forgive him cuz I love him.” Huminga ako ng malalim.

Yumuko si Brandon pagkatapos kong magsalita, “Okay, then.”

Hindi niya ako tinignan.

For the first time, aaminin ko sa sarili ko… gwapo si Brandon, at nararamdaman kong wagas siya kung magmahal, sana magmahal siya ng babaeng karapat-dapat para sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang trip niya sakin pero kahit di niya inaamin, nararamdaman kong espesyal ako sa kanya.

Bumaling siya kay Jacob, “Tinamaan ako sa girlfriend mo kaya alagaan mo siya kung ayaw mong agawin ko siya sayo.” Tumalikod siya.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Brandon. Hindi siya umamin sakin! Kay Jacob siya umamin! Hindi niya man lang ako tinignan. Hindi niya man lang ako sinulyapan.

Narinig ko ang sarcastic na pagtawa ni Jacob, “Hinding hindi kita pagbibigyan, tandaan mo yan.”

Sumulyap si Brandon kay Jacob. Nakangiti siya pero kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hinila ako ni Jacob at nilagay sa likuran niya.

“Umalis ka na.” Sabi ni Jacob.

Umiling si Brandon, “FMK, Jacob. Fvck, Marry, Kill… Rosie, April, Jasmine.”

“Fuck and Marry Rosie, Kill you.” Tumalikod si Jacob kay Brandon at hinila ako papasok sa apartment namin.

Tumitindig pa ang balahibo ko sa huling sinabi niya kay Brandon. Nandoon sina Maggie sa sala, nanonood na naman ng movie. Ngumisi lang silang dalawa at bumaling ulit sa TV. Para bang wala silang pakealam kung anong nangyari.

“Maggie, bati na kami.” Sabi ng inosenteng boses ni Jacob.

Kumaway lang si Maggie na nakatingin parin sa TV.

“Expected, Jacob. Yung tanong ay hindi kung magkakabati pa ba kayo… yung tamang tanong ay kung kelan. Hmmp. Don’t disturb. Maganda ang movie na ‘to. Shhh. Alis.” Sabi ni Maggie at humilig ulit kay James.

Hay nako! Sinasabi ko na nga ba yun ang iniisip ni Maggie simula pa lang. Dumiretso ako sa kwarto at tinignan ang mga damit kong nagkalat. Nilagay ko halos lahat ng damit ko sa luggage. Naabutan ako ni Jacob na nag iimpake.

“Rosie? S-Saan ka pupunta? Bakit ka nag iimpake?”

Ngumisi ako pero di ko siya sinagot.

“Pakiabot yung isang lotion. Pati rin yung isang damit diyan tsaka yung pants.” Tinuro ko yung mga sinabi ko.

Hindi siya gumalaw.

“Aalis ka?” Lumunok siya.

“Oo.”

“HUH? S-Saan? Bakit? Diba nagkabati na tayo-“

“Sa bahay niyo. Dun na ako titira. Unless kung ayaw mo?” Tumaas ang kilay ko.

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko at nagsimulang kumuha ng mga damit.

“Wa’g ka ng magtira ng damit dito, ah?” Aniya. “Dalhin mo na lahat ng gamit mo.”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 2 – Kabanata 29

Kabanata 29

Naniniwala naman ako

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko kay April.

Alam kong mejo mean ang pagkakatanong ko pero hindi ko talaga inaasahang mapapadpad siya dito sa bahay namin.

“Jusmiyo ka, Rosie! San ka galing? Asan si Jacob? Nag-away ba kayo?” Salubong ni Auntie Precy sakin.

Umiling ako. Papasok ako ng bahay at di parin matanggal sa sistema ko ang tanong kung bakit nandito si April. Ano ang pinag uusapan nila ni Auntie Precy?

“Hindi… I mean… oo. Pero okay na kami.”

Nagkatinginan sina Auntie Precy at April. Pareho silang bumuntong-hininga at napaupo sa sofa. Para bang nawalan sila ng lakas pareho.

“Bakit?” Tanong ko.

Tumingala si April sakin.

Umupo narin ako sa sofa para marinig ang sasabihin nila.

“Kasi naman… nalaman ko na nagalit si Jacob kay Jasmine. Tapos nakita ko yung sasakyan niya kanina, dumaan, naisip ko, nandito siya sa Alegria pagkatapos ng isang linggong pagkawala dahil sa away nila ni Jasmine pati sa mga kapatid niya.”

“Oo. Nag-away sila. Nag-away din kami ni Jacob. Naabutan ko silang naghahalikan sa opisina ng trucking.”

Parehong nanlaki ang mga mata ni Auntie Precy at April.

Umiiling na si April bago ko pa nadugtungan ang sasabihin ko.

“Inaway ko si Jacob pero sinabi niya saking di niya magagawa yun. Na si Jasmine yung nag initiate.”

“Rosie, maniwala ka sa kanya.” Napalunok si April.

Nabigla ako sa opinyon ni April.

“Alam ko. Nandito ako the whole time na wala ka. Alam ko ang mga ginagawa ni Jacob, bukambibig ka niya.”

Natahimik ako.

Huminga si April ng malalim bago nagsalita muli.

“Rosie… Kilala ko si Jacob. Simula bata pa kami, alam na alam ko na ang pag uugali niya.”

Tumango ako kay April.

“Kukuha lang ako ng pagkain, ah. Di pa yata nakakapaghapunan itong si Rosie… Saglit lang.” Sabi ni Auntie at nagmadaling pumunta sa kusina.

Nakinig ako sa sinasabi ni April. Hindi ko alam kung totoo ba yung mga makukuha ko sa sinasabi niya o kasinungalingan na naman. It’s just so hard to trust her again. Siya ang puno’t dulo ng video na iyon noon.

“Alam kong marami akong nagawang masama sa inyong dalawa. Dahil desperate akong makuha ang atensyon ni Jacob… dahil nakabaling na ang buong atensyon niya pagtungtong mo pa lang dito sa Alegria.”

Tumango ulit ako.

“Pero tanggap kong ikaw ang mahal niya at mahal mo rin siya.” Napatingin si April sa mga kamay niya. “At nakikita mo naman sigurong walang pag-asa diba?” Ngumisi siya sakin pero ramdam ko ang kalungkutan niya.

Binalot kami ng matinding katahimikan. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong sabihin sa kanyang pampalubag-loob. Wala. Wala akong maisip. Wala akong masabi.

“Okay, ito ang punto ko… Kilala ko si Jacob. Mabait siya. Mabait na mabait. At siya yung mahilig maging hero ng lahat. Tuwing inaaway ako noon, lagi niya akong pinagtatanggol. May ibang inaaway din bukod sakin, pinagtatanggol din niya. Pero ako yung paborito niya dahil ako yung madalas na inaaway noon. Pero nung dumating ka, hindi ko maintindihan, hindi ka naman kinawawa, pero nasayo ang atensyon niya.”

Natahimik ulit siya. Para bang iniisip niyang mabuti kung ano ang sasabihin niya.

“Ngayon, isang araw, narinig kong nag uusap si Jacob at Jasmine.”

Kinabog agad ang dibdib ko sa sinabi ni April. BAKIT? ANO ANG PINAG USAPAN NILA?

“Nabanggit ni Jasmine kay Jacob na iniwan siya ng ex niya at pinagpalit siya sa iba. Umiyak si Jasmine noon.”

Hinintay kong may sasabihin pa si April na ikakasakit ng damdamin ko.

“Syempre, gaya ng sinabi ko, mahilig si Jacob sa pagiging hero. Yung tipong icocomfort ka pag may problema ka. Yun ang kahinaan niya. Hindi niya kayang makita ang ibang tao na nahihirapan. Kung may magagawa siya, gagawin niya. Pero ito ang first time kong makita siyang dumidistansya sa mga may problema. Hindi niya kayang magpaka hero sa lahat dahil gusto niya, sayo lang siya magiging hero… Parang ganun.”

Kinilabutan ako sa sinabi ni April.

“Bakit? Ano bang nangyari?”

Dumating si Auntie Precy dala ang mga pagkain. Nakatoon parin ang pansin ko kay April.

“Nung time na umiyak si Jasmine, sumandal siya kay Jacob. Hindi siya pinigilan ni Jacob pero hindi niya rin naman siya niyakap o ano.”

Tumango ulit ako at naghintay pa ng karagdagang impormasyon.

“Isang araw, tinanong ko siya kung anong meron at bakit imbes na kayo ang laging magkasama ay si Jasmine ang kasama niya. Sinagot niya ako na para lang ito sa trabaho. Syempre, ayaw kong may kasama siyang iba bukod sayo kaya tinutulak ko si Jasmine palayo sa kanya tuwing may pagkakataon ako. Pero pinagsabihan ako ni Jacob na wa’g akong maging harsh sa kanya kasi may pinagdadaanan siya.”

So… he cared after all. Hindi ko masisisi si Jacob kasi mabait talaga siya.

“Kung ano man yung ipinakita ni Jacob na kabaitan kay Jasmine, dahil lang yun sa pagiging maawain niya.”

Napalunok ako. Bumalik ulit sakin lahat ng alaala nung magkalayo kami ni Jacob.

Tumatango si Auntie Precy sa sinabi ni April, “Mabait kasi si Jacob. Yun ang punto. Sigurado akong nagkakaclose lang sila ni Jasmine kasi hinahayaan niya na lang. Kakagaling lang sa break up ni Jasmine-“

“Pero nag confess siya kay Jacob… Sinabi niyang mahal niya si Jacob at hinalikan sa labi.”

“Yun ang point ko, Rosie.” Singit ni April. “Kakagaling lang ni Jasmine sa break up, kaya nabigla si Jacob nang sinabi ni Jasmine yung feelings niya para kay Jacob. Nagdalawang isip pa siya kung harsh niya bang tatanggihan si Jasmine o dahan-dahan niyang tatanggihan ito. Basta ang alam ko, sa aarw na nagkita tayo dito sa Alegria, agad umalis si Jacob pabalik ng Manila. Ni hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa pagdalaw mo. Saka ko narinig na nag away si Jasmine at Jacob.”

“Bakit?” Tanong ko kahit obvious na.

“Ang sabi ng mga nagtatrabaho sa trucking, narinig daw nilang sinigawan ni Jacob si Jasmine na ‘SI ROSIE LANG ANG PWEDENG HUMALIK SAKIN'” Humagalpak sa tawa si Auntie Precy.

Napangisi din si April.

Ngumuso ako at tinignan ulit silang dalawa. Mangiyak-ngiyak na si Auntie sa kakatawa.

“Lokong Jacob! Ewan ko ba! Talagang baliw siya sayo, Rosie.” Sabi ni Auntie.

“Di ko naabutan yung pagsigaw niya. Umalis na ako. Nadisappoint ako sa pagtagal nung halik.”

“Yun din ang iniisip kong iniisip mo kaya ako nandito para ipaliwanag sayo ito.” Sabi ni April ng nakangiti.

Hindi ko na naman siguro kailangan ng paliwanag. Bago pa ako nakarating dito at narinig yung paliwanag nila… napatawad ko na si Jacob. Salamat na rin at narinig ko ang side ni April, nawala na ng tuluyan ang bigat ng nararamdaman ko para samin ni Jacob.

“Uhm… Thanks, April.” Huminga ako ng malalim.

“Okay lang. Pambawi sa lahat ng nagawa ko. Kung hindi rin naman sakin si Jacob, dapat sayo lang siya.” Ngumisi siya.

Ngumisi din ako.

Weird. I know that was weird pero bakit nakangisi din ako?

“Ehem! Uy, girls! Kumain na nga kayo…”

Tumawa si April at kumuha na ng plato para makakain.

Sa sobrang saya ko sa sinabi ni April, baka gawin kong scholar yung anak niya in the future!

“So, okay na kayo ni Jacob, Rosie?” Tanong ni Auntie Precy.

“Oo naman.” Sabi ko.

“Weh? Hindi ako naniniwala! Kung totoong okay kayo, ba’t andito ka?” Tumaas ang kilay niya.

“Akala ko ba ayaw mo nang nasa bahay nila ako?” Tumaas din ang kilay ko.

“Hindi… Kasi inisip ko… na kung magkaayos kayo, sa bahay ka nila uuwi. Pero dito ka umuwi kaya inisip kong baka tuluyan na kayong nag… alam mo na…”

Umiling ako at tinignan ang cellphone kong may limang missed calls galing kay Jacob, “I don’t think that’ll happen.” Ngumisi ako at umalis na muna para sagutin ang tawag niya.

Tumunog ang cellphone ko nang nasa kwarto na ako.

“Hello?” Maarte kong sinagot.

“R-Rosie… Ba’t ngayon ka lang sumagot?”

Kinurot ang puso ko sa boses niya. Damn! Mahal na mahal ko talaga siya. Kahit simple lang yung tanong niya para na akong magha-hyperventilate sa sobrang saya.

“Kumakain pa kasi ako.” Sabi ko.

“S-Sorry. Naistorbo ba kita sa pagkain mo? Ibababa ko na?” Tanong niya.

“Tapos na rin naman akong kumain kaya okay na.” Sabi ko.

“Ganun ba? Uhm… Ako di pa ako kumakain.” Parinig niya sakin.

“Oh, ibababa ko muna para makakain ka, ah?”

“HA? Wa’g WA’G!” Aniya.

Nakangisi na ako pero tiniyak kong hindi niya iyon mahahalata, “Oh? Bakit? Para makakain ka na.”

“Kakainin na ako, basta wa’g mo lang ibaba. Uh… na mi-miss ko na talaga kasi yung boses mo…”

Natahimik ako sa sinabi niya. KInagat ko na lang ang labi ko para maiwasan ang pagngisi masyado. Humiga ako sa kama habang niyayakap ang unan. Wala akong naririnig kundi ang paghinga niya.

“Kailan ang balik natin sa Maynila?” Tanong ko.

“Kung kailan mo gusto.” Aniya.

“Bukas na agad. Marami pa akong kailangang tapusin sa Maynila. Tapos, ikaw, dito ka na lang mag field study ulit.” Sabi ko.

“HA? Bakit?” Dismayadong tanong niya.

“Wala ka namang ginagawa dun sa Manila. Wala na rin naman si Jasmine kaya okay na ako.” Sabi ko.

“Pero wala ka…”

Tumindig ang balahibo sa leeg ko. Simple lang naman yung sinabi niya pero ibang klase ang epekto sa akin.

“Isang buwan lang naman yun.” Sabi ko.

Gusto ko siyang makasama araw-araw… Pagkatapos ng lahat ng nangyari, I’ve learned my lesson. Pero since nasimulan niya na ito, gusto ko rin sanang tapusin niya na lang ito.

“Ihahatid kita sa Manila bukas.” Aniya. “At pag iisipan nating mabuti lahat ng desisyon natin.”

Napangiti ako sa sinabi niya.

“Oo. Dapat siguro wala ng mga lihim. Dapat kung ano ang ginawa mo sa araw na iyon, sasabihin mo lahat. Pati yung mga tingin mo ay di importante. At lalo na pag may ibang taong involve para maiwasan na yung pagdududa.”

“Oo. Tulad ng bakit kaya puti ang sinoot mo sa Status Party na iyon? Hindi man lang it’s complicated? Talagang single agad? Rosie, wa’g namang agad nag co-conclude. Wa’g naman sana akong iwan agad nang di pa ako nakakapagpaliwanag.”

Ewan ko kung bakit natatawa ako nang naisip ko yung Status Party.

“Hindi ko naman alam na may rule pala sa party na iyon. Nagkataon lang na puti yung soot ko.” Sabi ko.

“Ganun ba?” May halong sarcasm akong narinig sa boses niya.

“Oo. No secrets, right. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. BAKIT? TINGIN MO NAGSISINUNGALING AKO?” Tinarayan ko na.

“H-Hindi no! Sabi ko nga eh! N-Naniniwala naman ako, ah?”

Hay Jacob! Ang cute mo talaga. Sarap mong yakapin magdamag. SHEEEEEEEEEET! Miss na miss ko na tuloy siyang mayakap mag damag.

Humigpit lalo ang yakap ko sa unan ko.

“Maaga tayo bukas, ah? Gusto ko ng bumalik ng Manila.” Sabi ko.

At makasama ka… I love you, Jacob. And I miss you so much.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 2 – Kabanata 28

Kabanata 28

Masama at Maarte

Malakas ang kabog ng puso ko nang humakbang na ako papunta kina Jasmine. Nakita kong may nakaabang na sasakyan sa kanila sa kanto. Aalis na yata sila kaya binilisan ko ang paglalakad.

Sumulyap siya sakin ng nakangiti dahil siguro sa sinabi ng kasama niya. Pero nang nagfocus na siya sa mukha ko, nawala ang ngiting ipinakita niya.

“Jasmine.” Untag ko.

Papalapit na ako sa kanya.

Seryoso siyang tumingin sa loob ng sasakyan habang hinahawakan ang pinto.

“Wait lang. Susunod din ako.” Aniya at sinarado ang pintuan para harapin ako.

Hindi ko alam kung bakit nakasimangot lang ako palagi. Hindi ko kayang magmukhang ‘okay’ sa harap niya. Kahit wala pa naman talaga siyang alam sa sadya ko, hindi ko kayang makipagplastikan sa kanya.

“Rosie! Gabi na ah?” Tumingin siya sa likod ko. “Galing ka pang Maynila?” Tanong niya.

Tumango ako pero tikom na tikom ang bibig ko para wala akong masabing masama sa kanya.

“Sinong kasama mo?” Tanong niya.

Hindi ko iyon nasagot agad. Ilang beses ko pang ni-rephrase ang mga sagot na iniisip ko.

‘Si Jacob.’

‘Bakit nangangarap kang magkita ulit kayo ni Jacob?’

‘Inaasahan mo sigurong nandito si Jacob kasama ko?’

“Pwede ba kitang makausap?” Tinikom ko ulit ang bibig ko pagkatapos kong sabihin yun.

“Uhm…” Tumingin siya sa sasakyan nila at umatras ng bahagya. “Sure.”

Naglakad siya palayo sa sasakyan nila. Lumapit siya sa isang sari-sari store. Mabuti rin kasi mas malinaw ko siyang makikita dahil sa ilaw ng poste.

“B-Bakit, Rosie?” Narinig ko agad ang panginginig ng boses niya.

Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa malamig na simoy ng hangin o dahil kabado siya sa mga itatanong ko.

“May gusto ka ba kay Jacob?”

Her jaw dropped. Alam kong nakakalaglag-panga ang tanong ko pero by now, dapat nag expect na siya na tatanungin ko siya ng diretso.

Nakakabaliw na katahimikan ang dumapo saming dalawa. Alam ko na ang sagot pero gusto kong marinig ng diretso sa kanya. Gusto kong malaman niya na alam ko… Gusto kong malaman niya na hindi ako bulag sa mga pinaggagagawa niya.

Nakita kong dumaloy ang luha sa mga mata niya.

“I’m sorry, Rosie.” Tinakpan ng palad niya ang bibig niya.

Umiiling siya at lumalapit sakin.

Hindi ako nakaramdam ng awa o kung ano man sa pag iyak niya. Napaatras na lang ako nang umamba siyang hahawakan ang kamay ko.

Mas lalong kumunot ang noo ko habang pinapanood siyang humihikbi sa harapan ko. Huminga ako ng malalim para makapagsalita ulit nang di siya sinasampal…

“Inakit mo ba siya?”

Mas lalo siyang umiyak sa tanong ko.

“Alam kong kayo, Rosie. Alam ko namang mahal ka niya. Natural tendency sa mga tao na pag gusto mo, hindi mo talaga maiiwasang-“

PAK!

Nanginig ang kamay ko sa pagsampal ko sa mukha niya. Napahawak siya sa pisngi niya at mas lalong dumaloy ang luha sa mga mata niya. Napalabas din yung mga kapatid niya sa sasakyan.

“Anong nangyayari dito, Jasmine?” Tanong ng papalapit na kapaid niya samin.

“Bryan! Dun lang kayo ni Enzo sa sasakyan.” Sabi ni Jasmine.

Hindi ako lumingon sa mga kapatid niya. Ni hindi ako natatakot na sugurin ng dalawang kapatid niyang lalaki.

“Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng delikadeza, Jasmine? Kung alam mong may iba yung tao, hindi ka na mangangarap pa… Lalo na’t magkakilala tayo! ITINURING KITANG KAIBIGAN! At ano ‘tong ginawa mo?”

“Pero alam mo naman, diba, Rosie? Na wala talaga akong pag-asa sa kanya!? Hindi mo naman ako kailangang saktan ng ganito para sa bagay na alam mong walang pag-asa!”

“KAHIT NA! Hindi porke’t siguradong walang pag-asa ay hindi ka na makokonsensiya sa ginagawa mo!”

Kumunot ang noo niya…

Pinunasan niya ang luha niya at binigyan ako ng masamang tingin.

“Napaka selfish mo! Alam mo yun? Alam ko ang buong istorya niyo ni Jacob!”

Nag-alab ang galit ko sa sinabi niya. Amputa! Ano ngayon? At wala siyang pakealam kung ano yung mga ginawa namin ni Jacob noon!

“Alam kong inakit mo siya dahil lang mayaman siya! Hindi ka bagay sa kanya! DAMN! Ang tanga ni Jacob para mahulog sayo-“

PAK!

Ngayon, 180 degrees na nanggaling ang sampal ko. Naramdaman ko agad ang kamay ng isang binatilyo sa braso ko.

“Miss, tama na… Wa’g mong gawin yan sa kapatid ko.”

Binawi ko ang braso ko sa kanya at tinignan ulit si Jasmine.

“WALA KANG ALAM! Kaya wa’g na wa’g mo yang ipanlaban sakin!!! Kung ganun talaga ang tingin mo sakin, pwes, di kita masisisi na nilalandi mo si Jacob! Hala! Sige! Landiin mo siya. Tignan natin kung may mapapala ka! Nakita ko ang halikan niyong dalawa sa opisina. Ikaw ang nag initiate. Ang kapal din ng mukha mo, wala kang delikadeza!”

Hinawakan ulit ako ng kapatid ni Jasmine.

Bumaling ako sa kanya at sinigawan siya, “Ano ba?! Wa’g kang makealam dito!”

Bumaling ulit ako sa umiiyak na naman na si Jasmine.

“Kita mo na, ang sama-sama mo. Ang taray mo… Ang arte mo kaya di ko maintindihan kung bakit in love siya sa’yo.” Umiling siya.

“Wala kang pakealam kung in love si Jacob sakin. Wa’g mo nang alamin kung bakit! Wala kang puwang sa relasyon namin kaya buti pa wa’g ka ng lumapit sa kanya!”

Napaiyak siya ng sobra. Nilagay niya ang kamay niya sa pisngi niya. Gusto kong magtanong kung may gusto ba si Jacob sa kanya… pero ayokong bigyan siya ng ideya kung paano kami masisira ni Jacob. Gusto kong ipakita sa kanya na confident ako na sakin lang in love si Jacob. Umamin din naman siya na inlove si Jacob sakin pero talagang di matanggal sa isipan ko ang halikan nilang dalawa.

“Ang bait-bait ni Jacob. Pero ang sama-sama mo, Rosie.” Aniya.

Humakbang ako palapit sa kanya pero napigilan ako ng kamay na kanina pa nakahawak sa braso ko.

“Masama ako kasi malandi ka! Kung sana hindi mo nilandi ang boyfriend ko, hindi mo sana natanggap ‘to. Jasmine, akala ko mabait ka. Alam mo? Nung una, tiningala kita kasi mabait ka… Pero hindi naman pala. Ang landi mo pala.”

“Tama pala yung sinabi ni Eunice satin noon.” Tumawa ang nakahawak ng braso ko. “May pagka b1tch pala talaga ‘tong girlfriend ni Jacob. Naku, miss, hindi kayo bagay ni Jacob. Ang bait nun. Buti pa magpakabait ka rin.” Tumango pa ang kapatid ni Jasmine sakin habang tinitignan ko siya. “Wala namang ginagawang masama yung kapatid ko kay Jacob. Gusto niya lang naman. Hindi naman porke’t may girlfriend yung tao, wala ng pwedeng magkagusto sa kany-“

PAK!

Ayan! Naka-testing din siya ng 180 degrees na sampal ko. Inilaan ko lang ito kay Jasmine. Bonus itong kapatid niya.

“Wala akong pakealam kung maraming magkandarapa kay Jacob. Yung ayaw ko ay yung hinahalikan ng mga malalandi ang akin.” Sigaw ko sa napaatras ng kapatid ni Jasmine.

Bumaling ulit ako kay Jasmine habang umiiling sa disappointment.

“Hindi ako naniniwalang mahal mo si Jacob. Sabi ni Eunice sakin, may videong kumalat noon na sinasabi mong gusto mo ng mayayaman. VIDEO YUN! Hindi tsismis! Candid! Kaya kahit anong sabihin ni Eunice sakin, hanggang ngayon, hindi ako naniniwalang pinaglalaban mo si Jacob dahil mahal mo siya…”

Napakagat ako sa labi ko sa sobrang inis sa pinagsasabi ni Jasmine. Hindi ko matanggap. Hindi matanggap ng buong sistema ko na yun ang naging batayan niya. Hindi niya alam ang buong istorya… wala siyang alam tungkol samin.

Lumapit ulit ako kay Jasmine pero hinawakan ulit ng kapatid niya ang braso ko.

“Bryan, ayaw kong hinahawakan si Rosie kahit nino. Pakitanggal ng kamay mo.” Seryosong sinabi ng isang pamilyar na boses.

Imbes na sugurin at sampalin ko ulit si Jasmine ay napasulyap ako kay Jacob sa likuran. Nakatitig siya kay Bryan. Hindi tinanggal ni Bryan ang kamay niya sa braso ko kaya ako ang pilit na nagtanggal nito.

“Sinasampal niya ang kapatid ko, Jacob. What do you expect? Ano ang gagawin ko? Edi pigilan siya! Dude, hindi pa ba sapat na sinaktan mo ang damdamin niya? Dinala mo pa talaga ang girlfriend mo dito para saktan siya physically?”

Narinig ko ang paghagulhol ni Jasmine sa harap ko. Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Jacob, Jasmine at Bryan.

Unti-unting naging klaro sakin ang lahat ng nangyari. Lahat ng nakita ko sa opisina ay unti-unting nawawalan ng saysay para sakin ngayon.

“Sorry, pero kahit ano, para kay Rosie.”

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi ni Jacob kay Bryan.

“Jacob, ni katiting, wala ka ba talagang pakealam sakin? O-Okay lang sayo na saktan ako ni R-Rosie? A-Akala ko kaibigan kita?!” Nabasag ang boses ni Jasmine.

Huminga ako ng malalim at naghintay sa sagot ni Jacob. Hindi ko na kailangang itanong kahit kanino kasi si Jasmine na rin pala ang magtatanong sa kanya ng harap-harapan.

“Akala ko rin kaibigan kita. Kaibigan ko lahat ng rerespeto sa pagmamahal ko sa kanya. At kung di niyo matanggap yun, hindi ko rin kayo matatanggap.”

Napalunok ako at tinalikuran na si Jasmine. Akala ko magbubuhol-buhol pa ang buhok ko bago ko siya matantanan sa gabing ito. Akala ko makakapatay ako ng tao… Pero hindi na pala kailangan. For some reason, lahat ng sinabi ni Jacob, tumalab sakin, tumatak sakin.

“Let’s go, Jacob.” Sabay lakad ko pabalik sa sasakyan niyang nakapark na pala ngayon sa malayu-layong lugar.

Nilagpasan ko ang isa pang kapatid ni Jasmine na nakaawang ang bibig habang tinitignan ako.

“Jacob, gaya ng sabi ko, breach of contract.” Sabi ni Bryan.

“Saang korte at magkano? Babayaran ko kahit magkano. Lumayo lang kayo.”

WHAT? Ano yun? Breach of Contract!? Sa kontrata ba ng trucking? At magbabayad siya dahil gusto niyang lumayo na sina Jasmine sa amin?

Napalunok ako habang binubuksan ang front seat ng sasakyan ni Jacob. Hindi pa naging klaro sa akin ang lahat ng nangyari sa kay Jacob at Jasmine pero hindi ko na kailangang alamin. Ramdam na ramdam ko lahat ng sinabi ni Jacob. Ganunpaman, hindi ko parin kayang ngumiti sa kanya.

Sumusulyap siya sakin every 10 seconds. Para bang hinitintay niyang mag milagro at maging sweet ako sa kanya. Kaya lang, hindi ko magawa. Kailangan ko ulit ng time. Fresh parin ang lahat. Gusto kong iproseso ang lahat. Gusto kong pag-isipan kung ano talaga ang ugat ng lahat ng ito. Napatawad ko na siya pero tingin ko kailangan ko pang mag isip kung anong approach ang gagawin naming dalawa pagkatapos ng malaking away na ito… kung paano namin pangangalagaan ang relasyon namin. Yung tipong kahit ilang babae ang maglandi sa kanya, hindi basta-basta mawasak ang trust ko at hindi rin siya basta-bastang maglilihim sakin.

“Uhm… Sa Bahay parin ba ni Lola?” Lakas loob niya akong tinanong.

“Oo.” Malamig kong sinabi.

“Ah…” Tumango siya.

Alam kong disappointed siya sa desisyon ko. Para sa kanya, ang ibig sabihin nito ay hindi ko parin siya napapatawad, pero ang totoo, gusto ko lang mapag-isa ng kahit isang gabi. Break para saming dalawa pagkatapos ng matinding pag-aaway namin.

Gusto niya palagi akong nasa tabi niya. Gusto niya ng di ako nawawala. Gusto niyang literal kaming palaging magkasama. At hindi ko siya susumbatan dahil yun ang gusto kong Jacob. Yun ang Jacob ko. Part na iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya. At alam kong ang pagiging malamig at maarte ko ay part din ng nagustuhan niya sakin. Tanggap namin ang isa’t-isa. Lahat ng flaws namin ay hindi nagiging hadlang para mahalin namin ang isa’t-isa, instead, sila ang naging pundasyon sa pagmamahalan namin.

“Good night.” Sabi ko sa kanya at binuksan ang pintuan.

Aalis na sana ako nang narealize kong gusto kong humalik sa kanya… kahit sa pisngi man lang. Binalikan ko siya agad at hinalikan sa pisngi. Umalis din ako agad para isarado ang pintuan. Kahit madilim, ilaw lang sa loob ng sasakyan niya ang nagdadala ng liwanag, kitang-kita ko parin ang pamumula niya.

Sa sobrang pula ng pisngi niya, pakiramdam ko sasabog na siya.

Ngumuso ako kahit gusto kong ngumiti.

“Si-Sigurado ka bang dito ka matutulog?” Tanong niya.

Tumango ako.

“K-Kung ganun, tatawagan kita pagkarating ko sa bahay. W-Wa’g kang matutulog agad, ah? Tatawagan pa kita.” Lumunok siya.

Tumango ako at sinarado ang pinto.

Tinalikuran ko siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang naglalakad ako papasok ng Bahay ni Lola. Damn! Naiinlove na naman ako sa kanya. Ilang beses ba akong maiinlove sa iisang lalaki? Ilang beses na rin kaya siyang na inlove sakin?

“ROSIE!?!” Nakangiting sigaw ni April sakin nang nakapasok na ako sa Bahay ni Lola.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 2 – Kabanata 27

Kabanata 27

Walang Pangamba

Nag-iwas ako ng tingin. Naramdaman ko na kasi ang pag-iinit niya sa mga tingin niya pa lang. Hindi ko kayang tignan ang mga labi niya. Kahit paano, naaalala ko parin yung halikan niya. Yung pagkabiglang ipinakita niya.

“Ako na mauna.” Sabi ko.

Tumango siya at napalunok sa sinabi ko.

Umatras siya para bigyan ako ng daan. Agad akong pumasok sa loob. Nakatitig siya sakin habang sinasarado ko ang pinto. Napapikit ako nang sinarado ko iyon. Hindi ko alam kung bakit pinagpawisan ako sa titigan naming dalawa. Binuksan ko na lang ang shower at naligo. Sana pwedeng pawiin ng tubig na ‘to ang lahat ng pagdududa ko kay Jacob. Sana kaya nitong i-cleanse ang utak ko sa lahat ng bumabagabag sakin. Sana kaya nitong alisin sa utak ko yung halikan nila.

Pagkatapos kong maligo, nasa labas na naghihintay si Jacob. NAKNANGPUTSPA! Hindi ako makatingin sa kanya. Nakalimutan kong magdala ng damit kaya eto at nakatuwalya lang ako. Ito pa naman ang tuwalya kong maiksi. Yung tipong yuyuko ka lang, makikita na ang lahat. Basang-basa pa ang buhok ko kaya tuloy-tuloy ang tulo nito sa katawan ko.

Nagkasalubong ang tingin namin ni Jacob. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. Nakahalf-open na naman ang bibig niya. Ngumuso ako at nagpatuloy sa paglalakad.

“Ikaw na…” Malamig kong sinabi.

Tumango siya at tinignan ang banyo. Nagmadali ako sa paglalakad para makapagbihis na. Ayaw ko nang naabutan niya akong halos walang saplot. Alam kong hindi ito ang unang pagkakataon pero ewan ko kung bakit mas lalo akong na-co-conscious ngayon.

Nagbihis ako ng long denim pants at itim na spagetti strap. Sinusuklay ko ang buhok ko nang biglang pumasok si Jacob nang nakatuwalya lang rin. Bumalandra na naman ang sparkling abs niyang walang kupas. Ibinaling ko agad ang tingin ko sa ibang bagay. Nagkunwari akong may kinukuha sa drawer ko. Nang narinig kong unti-unti niyang sinarado ang pintuan ng kwarto, nabunutan ako ng tinik.

“Sa labas na ako magsusuklay. Magbihis ka na lang muna dito. Sa labas na rin ako maghihintay.”

“O-Okay… Uhm… Sige.”

Nilagpasan ko siya nang di tinitignan. Bakit kahit wala pa naman kaming ginagawa ay pinapangunahan na ako ng paninindig ng balahibo?

Mabilis siyang nagbihis. Hindi ko pa nga naayos ng mabuti ang buhok ko ay tapos na siya. Nakatingin lang ako sa salamin habang siya naman ay nakatingin sakin.

Hindi na talaga siya nahiya sa pagtitig sakin kahit kitang-kita ang repleksyon niya sa salamin. Binalewala ko siya at nagpatuloy sa pag-aayos ng buhok. Ilang sandali pa ang nakalipas bago ko siya kinausap.

“Jacob, ihanda mo na ang sasakyan. Alis na tayo. Ayokong ginagabi sa kalsada.” Sabi ko.

Tumango siya at nagmadaling lumabas.

Nang ready na ang lahat, bumyahe na kami. Bumili kami ng pagkain bago sumabak sa 9 hours na byahe…

“Sorry ah? Drive thru lang kasi di ako marunong magluto.” Sabi ko nang naalala yung pagluluto ni Jasmine.

Hindi ko alam kung bakit sinabi ko yun. Basta ang alam ko, gusto kong ipaalala sa kanya ang mga flaws ko. Baka kasi masyado na siyang nasanay kay Jasmine.

Sumulyap siya sakin. His jaw clenched. Nakita ko agad ang galit sa mga mata niya.

“Hindi naman kasi cook ang kailangan ko, kundi ikaw.”

Ngumuso ako at napatingin sa labas. Galit ang tono ng boses niya. Alam kong naramdaman niya ang gusto kong iparating. Kaya ang nangyari, halos buong byahe ay wala kaming imikan.

“Rosie, pwede bang pahinga muna tayo. Nangangawit na kasi ako.” Aniya half-way papuntang Alegria.

Tumango ako.

“Kainin na lang muna natin yung ano… mo… uhm…” Umiling siya at nakita kong pumula ang pisngi niya, “yung binili mo.”

Nagkasalubong ang kilay ko. Hindi ko alam kung dirty-minded ba ako o talagang may something doon sa sinabi niya.

Tumango na lang ako para hindi na maging mas lalong awkward dahil sa sinabi niya…

Kinuha ko ang biniling mga pagkain. Binigyan ko siya. Nakapark kami sa isang bayan apat na oras bago mag Alegria. Mararaming lumang bahay dito. Yung tipong sa mga horror movies mo lang nakikita. Minsan iniisip ko may mga cannibal na sa lugar na ito. Buti na lang at nakalock ang pintuan ng sasakyan. Maliwanag naman ang lugar pero madalang ang mga tao.

“Tapos ka na?” Tanong ni Jacob nang binaba ko na ang pagkain ko.

“Oo.” Sabi ko at tumingin sa labas.

“Nag da-diet ka ba dahil sa modeling mo?”

“Hindi naman.” Napalingon ako sa kanya.

Hindi ko maintindihan kung bakit ang pula-pula ng pisngi niya at mukha siyang may tinatago… para bang mabibilaukan siya kung di niya sasabihin sakin.

“Bakit?” Kumunot ang noo ko.

“W-Wala…” Nagpatuloy siya sa pagkain.

Uminom ako ng tubig at kinain yung mentos na binili ko rin kanina. Natapos din siyang kumain pero hindi niya agad pinaandar ang sasakyan. Sinandal niya ang likod niya sa upuan.

“Pwede naman tayong magpahinga ng 30 minutes. Tulog ka muna. Gigisingin lang kita pag nag 30 minutes na.” Sabi ko.

Umiling siya, “Hindi ako matutulog. Gusto ko lang magpahinga muna. Sa Alegria na ako matutulog.” Aniya.

Nagkatinginan kami. Hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling yung paninindig ng balahibo ko tuwing nagkakatinginan kami. Slow-motion pa siyang napalunok habang tinitignan ako.

“Uhmmm… Rosie, yung, cleavage mo, nakikita. Pwedeng pakiayos.” Nakita kong pumula ulit ang pisngi niya at nag iwas ng tingin.

“Ah? Sorry.” Inayos ko ang damit ko at tumingin na lang ako sa labas.

“Ah… Tsaka…”

Kinagat niya ang labi niya.

“Ano?” Tanong ko.

“May… ano… ketchup sa pisngi mo.”

“Ha?” Pinunasan ko ang pisngi ko.

Bumaling siya sakin at napalunok ulit siya.

“Nandito.” Unti-unti niyang nilapit ang kamay niya sa pisngi ko.

Pinunasan niya ang ketchup pero hindi niya agad tinanggal ang kamay niya. Nakita ko na lang na bumilis ang paghinga niya at inilapit niya na ang mukha niya sa mukha ko. Tinulak ko siya…

“Jacob, hindi pwede-” Sabi ko.

Natigilan siya sa ginawa niya.

“Ayokong hinahalikan mo ako. Naaalala ko ang halikan niyong dalawa. Sorry pero hindi ko kaya…” Bumuntong-hininga ako.

Kumuyom ang panga niya sa sinabi ko.

Pero hindi siya lumayo. Hindi ko na rin siya tinulak dahil kahit na alam kong sabik na sabik na siya sakin, marunong parin siyang magpahalaga sa damdamin ko. Pumikit siya at nilapit ang pisngi niya sakin…

“Hindi kita hahalikan, wa’g kang mag-alala. Pero please… gusto ko lang makalapit ng kahit konti.”

Dinig na dinig ko ang pagbilis ng hininga niya habang inilalapit ang sarili niya sakin. Kumabog agad ang dibdib ko. Dilat ang mga mata ko at nakikita ko ang reaksyon niya. Tumindig lalo ang balahibo ko nang dinilat niya rin ang mga mata niya. Isang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa’t-isa.

Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ko… Isang kamay niya ay nakalagay sa gitna ng upuan namin. Pababa ang paghaplos niya. Dumaan ang kamay niya sa leeg ko, sa braso, sa kamay, sa baywang, sa hita, pabalik sa baywang, leeg, tainga, mukha, labi…

“Miss na miss na kita… Yung lambing mo… halik mo… yung pagtawag mo sa pangalan ko… yung tamis ng labi mo… yung pakiramdam pag inaangkin kita… yung pakiramdam na ang swerte ko dahil akin ka… yung pakiramdam na kumpleto ako kasi nandyan ka… yung amoy ng buhok mo…” Inamoy niya ang buhok ko.

Natigilan ako sa ginawa niya.

Habang inaamoy niya ang buhok ko, hinahaplos niya rin ang braso ko. Hindi ko na namalayang hinahalikan niya na rin ang leeg ko…

“Jacob…” Marahan ko siyang itinulak.

Natigil siya ng sandali pero pinagpatuloy din niya ang paghalik sa leeg ko.

“Leeg lang naman… hindi pa naman labi. Hindi naman kita hahalikan sa labi kung ayaw mo… alam kong naaalala mo pa yun pero sana pagbigyan mo ako nito para makalimutan mo na yun.”

“Jacobbb~” Hindi ko alam kung saan nanggaling yung pagkabasag ng boses ko habang hinahalikan niya ng marahan ang leeg ko.

Natigilan siya at nanlaki ang mga mata niya. Uminit ang pisngi ko pero pinilit kong kinunot ang noo ko.

“Ayoko.” Sabi ko kahit taliwas naman talaga iyon sa nararamdaman ko.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa relasyon naming tinanggihan ko siya nito.

“Ayoko…” Tumingin ako sa labas at pumikit.

Suminghap siya at umupo ng maayos. Hinampas niya ang manibela at sumandal doon.

“Sorry.” Sabi ko.

“Okay lang. Alam ko naman. Hindi naman kita pipilitin… T-Talagang sobrang na miss na kita. Hindi ko na kaya. Ilang linggo din yun at alam mo namang hindi ako sanay na ano… Ugh! Rosie! Alis na tayo!” Hindi ko alam kung bakit pinaandar niya agad ang sasakyan niya.

Mabilis pa ang patakbo niya. Baka tatlong oras lang ang byahe dahil sa 100kmph, ah.

“Jacob! Dahan-dahan naman!”

Tinignan ko siya pero seryoso ang tingin niya sa daan. Matulin ang patakbo niya pero no-sweat ang mukha niya. Wala siyang ekspresyon na ipinapakita bukod sa seryosong tingin niya sa kalsada.

Tama ang hinala ko, nakaya niyang bumyahe ng tatlong oras lang papuntang Alegria. Alas sais kaming nakarating sa Alegria.

“Andito na tayo…” Seryoso niyang sinabi.

“Sa bahay ako nina Auntie Precy matutulog.”

Natigilan siya. Ilang sandali siyang tahimik. Sumulyap siya sakin bago ako sinagot…

“Okay.”

Pero hindi niya ako hinatid sa Bahay ni Lola. Diretso ang patakbo niya papuntang bahay nila.

“Jacob… sa Bahay ni Lola-“

“Ka matutulog. Hindi ka pa naman matutulog kaya sa bahay ka muna.”

DAMN THIS GUY! Gumagawa talaga ng paraan ah? Pero bago pa kami dumating sa bahay nina Jacob, namataan ko na agad si Jasmine sa isang tindahan sa isang kanto. Kasama niya yata ang kapatid niya. Hindi iyon namalayan ni Jacob.

“Jacob, bababa ako dito.”

Napasulyap siya sakin.

“Rosie, ihahatid naman kita mamaya… P-Pero kung ayaw mo na talaga akong makasama… sige, ihahatid na kita.”

Bago niya pa mabago ang direksyon ng sasakyan ay pinigilan ko na siya.

“HINDI. Dito lang ako. Nandyan si Jasmine sa kanto. Kakausapin ko lang. Mauna ka na sa bahay niyo.”

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.

“Itigil mo, Jacob.” Sabi ko dahil patuloy parin siya sa pagpapaandar.

Itinigil niya naman. Bumaling ulit siya sakin.

“Hihintayin k-kita.” Untag niya.

“Wa’g na. Mahaba-habang usapan ‘to kaya magpahinga ka na lang muna.”

Ilang sandali siyang natulala.

“Bakit? Natatakot ka? Baka may tinatago kayong ayaw mong malaman ko-“

“WALA, ROSIE! Natatakot ako, oo, pero hindi dahil may tinatago ako sayo. Natatakot ako kasi baka kung anu-ano na naman ang isipin mo… ayoko na ng misunderstanding. Ayoko na ng nagbabakasakali. Gusto ko ng siguradong tayong dalawa. Ayaw kong araw-araw akong nangangamba sa pag-alis mo. Gusto ko yung wala ng pangamba, Rosie.”

“Ako din, Jacob. Kaya hayaan mo ako.” Binuksan ko ang pintuan.

Now, the truth.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 2 – Kabanata 26

Kabanata 26

Baka Sakaling

Sa sobrang tindi ng emosyon ko, napanaginipan ko ang lahat ng mga nangyari. Pero may ibang scenes na hindi makatotohanan.

Nagising akong umiiyak nang madaling araw dahil napanaginipan kong iniwan ako ni Jacob nung sinampal ko siya…

“Tama na, Rosie! Mabuti na lang hindi pa kita pinakasalan, dahil di ko kayang makasama ang isang tulad mo habang buhay.” Tinalikuran niya ako.

Ramdam na ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko at nagising akong humihikbi. Nakakatrauma. Hindi na nga ako masyado nakatulog, pag nakatulog naman ganito ang inaabutan ko sa panaginip ko.

Madaling araw akong nagising pero alas nuwebe na akong lumabas ng kwarto. Akala ko huhupa ang pamumugto ng mga mata ko pero walang nangyari. Eto pa rin at mukhang lumalala. I want a shower.

Pagkalabas ko ng kwarto, tumambad agad si Jacob sa sala. Bigla siyang tumayo nang nakita akong lumabas ng kwarto.

Umiling ako at sinisi na lang si Maggie sa isipan. Pinapasok niya kahit alam niyang may alitan kami ni Jacob.

Nakaawang lang ang bibig ni Jacob habang hinihintay akong magsalita pero nilagpasan ko siya.

“Rosie, kumain ka na.” Nakangising sinabi ni Maggie sakin.

Kumakain silang dalawa ni James sa hapagkainan. Pareho ko silang inirapan.

“Bakit mo siya pinapasok?” Tanong ko.

Nagkibit-balikat siya, “Bakit hindi?”

“Tsss…”

Nilagpasan ko rin sila at dumiretso na sa banyo. Pero bago ko pa na buksan ang shower ay may sinasabi na si Maggie sa labas.

“Rosie, kausapin mo siya ulit-“

Umiling ako, “Tapos na. I need space kaya pwede bang tulungan mo naman ako.” Umirap ako sa kawalan.

I can’t believe this.

“Sumama ka sa kanya sa Alegria.” Diretsong demand ni Maggie.

“Ha? Para saan? Baka mapatay ko lang yung kabit niya pag nagkataon.”

“Hindi niya yun kabit, Rosie…” Sabi ni Maggie.

Binuksan ko ang shower. Tumigil din naman si Maggie sa kakasalita nang narinig niyang bumuhos na ang shower. Narealize niya sigurong useless akong kausap ngayon. Sana marealize din yun ni Jacob.

Pagkatapos kong maligo, nandoon parin siya sa sala. Nanonood siya ng TV pero nang nakita akong humahakbang papuntang kwarto ay bumaling agad sakin.

Ayaw ko siyang kausapin. Hindi rin naman niya ako kinakausap kaya okay na rin siguro ang ganito.

Hindi iyon ang tanging araw na nagpunta siya sa bahay. Araw-araw siya sa bahay. Walang imik.

Talaga bang iniwan niya na ang Alegria? At mukha pang wala siyang ibang kompanyang inaapplyan kasi buong araw siya sa bahay. Kahit wala ako, kahit nasa school ako, nasa bahay parin siya.

Sabi ni Maggie, buong araw lang siyang nakatunganga doon. Minsan, pumupunta siya sa kwarto ko at naglilinis.

Uminit ang pisngi ko nang nalaman yun kay Maggie alas-onse ng gabi, isang araw. Nakatulog na si Jacob sa sofa. Sinisilip ko siya minsan pero hindi ko tinatagalan ang pagtitig ko sa kanya. Para bang inaalagaan ko ang pagkamunhi ko imbes na patawarin siya. Ayaw kong mawala na lang bigla ang atraso niya sakin dahil sa pagmamakaawa niya. Alam ko, nagiging hard na ako sa kanya pero hindi ko siya kayang basta-basta mapatawad pagkatapos ng nangyari.

“Naglinis na naman siya kanina sa kwarto mo. Yung pinagpilian mo kasing mga damit nakakalat sa kama mo kaya ayun. Tignan mo, walang alikabok. Biruin mo, marunong pala sa gawaing bahay yang senyoritong yan.” Tumawa si Maggie.

Kumunot ang noo ko.

Damn! Uminit ang pisngi ko. Ililigpit ko ng maayos ang mga damit ko, lalo na yung mga underwear! KABANAS! Bakit naiisip ko ito?

Kinaumagahan, nagising na naman akong nanonood siya ng TV sa sala. Nakangisi siya habang pinapanood yung palabas pero bumaling agad siya sakin gamit ang seryosong mukha nang nakita akong palabas ng kwarto.

Humikab ako at tinali ang buhok ko. Maaga pala akong nagising. For some reason… mas maaga akong nagigising nitong mga nakaraang araw. Palagi din akong nagmamadaling umuwi. Alam ko… Hindi ako manhid at di ako denial… sasabihin at aaminin ko sa sarili ko na dahil nandito si Jacob sa bahay ay nagmamadali akong umuwi. Kaya lang, pag uwi ko, nilalagpasan ko lang siya. Wala din naman siyang imik.

Ngayon ang pang anim na araw na nandito siya. May mga damit siya sa kwarto ko. Siguro ay kinukuha niya yun habang nasa school ako.

Umupo ako sa sofa, isang metro ang layo sa kanya at kinuha ang remote control para ibahin ang palabas.

Napalunok siya at nanigas sa kinauupuan niya.

“Ba’t nandito ka parin?” Tanong ko.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong kinausap ko siya.

Napalingon siya sakin pero tamad kong nililipat ang channel habang hinihintay ang sagot niya. Hindi siya umimik kaya dinagdagan ko.

“Sabi ko, cool-off. Hindi mo ba yun maintindihan?” Tanong ko.

Bumaling ako sa kanya.

“W-Wala naman akong ginagawa. P-Pwede mo naman akong balewalain. H-Hindi naman kita pinipilit na p-pansinin ako.” Mabilis ang paghinga niya.

Ramdam na ramdam ko ang kaba niya.

Umiling ako at bumaling ulit sa TV.

“A-Alam ko namang ayaw mo ako dito pero kasi hindi ko kaya yung hinihingi mo… Hindi ko kaya ng cool-off. Matagal akong naghintay para magkita ulit tayo at hindi ako papayag na ito ang mapapala ko.”

Napalunok ako sa sinabi niya. Kahit na humingi ako ng cool-off, hindi ko maintindihan kung bakit gusto ko itong ginagawa niya. Dahil sa ginawa niya, hindi na ako umiiyak gabi-gabi. Hindi ko na masyadong naiisip ang mga away namin. Dahil araw-araw siyang nandito, nakakalimutan ko na ang sama ng loob ko.

“P-Pero… kung t-talagang ayaw mong nandito ako.” Napalunok siya. “Kung talagang di mo ako maatim dito, aalis ako. Sabihin mo lang, susundin ko.”

Pumikit ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng puso ko.

“Sabihin mo lang na ayaw mo ako dito sa bahay niyo, pwede naman ako sa labas. At kung ayaw mo parin akong nakikita dito, pwede namang tuwing wala ka na lang…”

SHT! Langya talaga ang lalaking ito! Hindi ko mawari kung sobrang inosente niya ba o talagang sobra ang pagmamahal niya sakin.

“Jacob… dalhin mo ako sa Alegria.” Sinabi ko ng di nag-iisip.

Dahil hindi ko na kailangang mag-isip. Kung ano ang nasa puso ko, ito ang sasabihin ko, ito ang gagawin ko.

Masakit mang isipin, kahit na ganun ang nangyari, kahit hindi pa niya lubusang nakuha ang trust ko, handa akong magpatawad. Handa akong magpatawad. Unti-unti ko na nga siyang napapatawad. Yun nga lang, kailangan kong maliwanagan. I want the truth. Gusto kong marinig ang lahat ng sides sa storya. Kay Jasmine, kay Jacob, sa daddy ni Jacob, kay April, sa lahat ng tao sa paligid… Gusto kong malaman.

I want a relationship with no bullsh1ts… Just plain truth.

Gusto ko ng walang tinatago. Kung mahal niya ako, maririnig at mararamdaman ko. Kung ayaw niya na, maririnig at mararamdaman ko rin. Walang paliguy-ligoy. Walang tinatago. At ito ang unang step para makuha ko yun.

Umaliwalas ang mukha niya at ngumisi.

“TALAGA?”

“Hindi para makasama ka… Para malaman ang buong katotohanan.”

“Oo. Sige! Uhmmm…” Tumayo siya at inayos ang sarili.

Kinagat niya ang labi niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

“Uhmmm. Dito na ako magbibihis. Tapos, ano, yung driver… ako na lang…” Ngumisi siya.

Sinimangutan ko na lang. Tumayo ako at humikab. Bahala siya… Cool-off parin kami, baka akala niya nabalik na ang status namin.

“Tsaka… R-Rosie, n-nakita ko yung… engagement ring sa ilalim ng kama mo kahapon. Uhmm… P-pwede bang…” Nag iwas siya ng tingin.

Nakita kong pumula ang pisngi niya.

“Sootin mo ulit yun?” Hindi parin siya makatingin.

“Titignan ko…” Malamig kong sinabi at umalis na para mag toothbrush sa banyo.

Nakalimutan kong magdala ng tuwalya. Mabuti na lang din kasi panay ang ngisi ni Maggie at James sa table habang nagkakape.

“Kumain muna kayo ah?” Panunuya ni Maggie sakin.

“Shut up, sis.” Nilagpasan ko sila at bumalik na sa kwarto.

Pagkabukas ko ng pinto… Huli sa aktong naghuhubad ng t-shirt si Jacob. Bumalandra ang sparkling abs niya kaya napa…

“Oh! Sh1t naman!” Sigaw ko sabay labas ulit ng kwarto.

“R-Rosie? Sorry…” Sabi niya pero sinarado ko na ang pinto.

Agad siyang lumabas nang hindi pa naaayos ang damit. May dala din siyang tuwalya. Nag iwas ako ng tingin. Iniwasan ko ring makipag usap sa kanya kahit kinakausap niya ako.

“Sorry… Hindi ko ni-lock kasi hindi naman talaga tayo nag lo-lock ng pinto diba? Sorry-“

Pinagsarhan ko ulit siya ng pinto. Kinuha ko yung tuwalya ko at nagmadali na papunta sa banyo. Pero naabutan kong nag uusap si Maggie, James at Jacob sa kusina. Hindi ko na lang sila tinignan kasi mukhang ako yung pinag-uusapan nila. Natahimik kasi sila nang lumapit ako.

“Ligo muna ako.” Sabi ni Jacob at nauna siyang humawak ng doorknob.

Umaamba na rin ako sa paghawak ng doorknob. Napatingin siya sakin. Uminit ang pisngi ko at nag-iwas ako ng tingin. Napakamot siya sa ulo at napaatras sa pintuan.

Narinig ko ang fake na ubo ni Maggie sa background at ang paghalakhak ni James.

“M-Mauna ka na, Rosie.” Sabi ni Jacob sakin.

Hindi ako umimik.

“Tayo na, Margaret.” Malambing na sinabi ni James kay Maggie.

Humalakhak si Maggie, “Bakit kasi di na lang kayo magsabay, baka sakaling di niyo na kailangang pumunta ng Alegria para maayos yan. NAKU!”

Bumaling ako kay Maggie para sana simangutan siya pero nagmadali na silang umalis ni James sa bahay.

“Jogging lang saglit.” Sigaw niya nang nasa pintuan na palabas. “Matagal pala… Uhmmm mga 12 hours ang jogging namin kaya no worries. Bye!”

Nanliit ang mga mata ko sa sinabi ni Maggie. Bumaling ako kay Jacob na ngayon ay naka half-open na ang bibig habang tinitignan ang labi ko.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 2 – Kabanata 25

Kabanata 25

Cool off

Hinila niya ako papuntang parking lot. Kinuha niya sa bulsa ang susi at pinatunog ang sasakyan. Nilapit niya ako sa pintuan ng front seat para sana ipasok pero kinuha ko pabalik ang kamay niya. Naramdaman ko agad ang ang pagkahilo ko sa alak

“Ano ba, Rosie?!” Sigaw ni Jacob nang hinarap ako. “Ano bang problema mo?”

“Anong problema ko, Jacob? IKAW!” Sigaw ko. “Ba’t ka nandito? Anong ginagawa mo dito?”

Handa akong magparaya. Handa ko siyang i-give up. Handa ko siyang pakawalan, pero hindi ko kayang makipagplastikan sa kanya at ngumiti na lang sa desisyon niya.

“Bakit, ikaw? Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ako iniiwasan? Anong problema mo? Mahal mo pa ba ako?” Nabasag ang boses niya sa huling tanong niya.

Nanghihina ako kaya hindi ko alam kung saang lakas ko hinugot ang sampal na ginawa ko sa kanya.

Nalaglag ang panga niya sa sampal ko. Nang bumaling ulit siya sakin, nakita kong namuo na ang luha sa mga mata niya.

“TANGINA, ROSIE! DIRETSUHIN MO NGA AKO, AKO PA BA YUNG MAHAL MO O MAY IBANG LAMAN NA YANG PUSO MO?” Sigaw niya sakin.

“Tangina ka rin, Jacob! Bakit ako ang tinatanong mo niyan?”

Lumapit siya sakin, umatras naman ako. Tinulak ko siya para matigil ang paglapit niya sakin.

“Ako ang dapat magtanong sayo niyan! Diba? Ako dapat!?”

Ang sakit-sakit na ng dibdib ko. Ang lakas at ang bilis ng pintig ng puso ko. Nanginginig na rin ako sa galit pero hindi ko alam kung bakit hindi ko mailabas ang luha ko. Pero mabuti na rin ang ganun. Dahil ayokong nakikita niya akong umiiyak dito.

“Bakit mo ako iniiwasan? Bakit nakapatay ang cellphone mo? Bakit wala ka sa bahay pag uwi ko? Bakit ka pumunta sa bar na ito? At bakit mo pinapangalandakan sa mundo na single ka? AT BAKIT MO KASAMA ANG BRANDON NA YUN?” Mabilis at klaro ang pagkakatanong niya sakin nito.

Kinagat ko ang labi ko at sinimangutan si Jacob. Ngayon lang yata ako nagngitngit sa galit simula nung nag-away kami noon.

“Kung makapagtanong ka parang wala ka ring ibang kasama sa Alegria, ah? Kung makapagtanong ka parang ang linis-linis mo!? Well, at least kasama ko lang si Brandon! Hindi kami nagyakapan! Hindi kami naghalikan! Tulad ng ginagawa niyo ni Jasmine sa Alegria! Sa likod ko! Habang wala ako! Habang nasa malayo ka! Habang magkasama kayong dalawa…”

Kitang kita ko ang unti-unting paglaki ng kanyang mga mata.

“Oh, ano ka ngayon? Hindi mo inasahang nakita ko ang pangyayaring yun! Yes, Jacob. Napadpad ako ng Alegria sa araw na yun at yun agad ang tumambad sa mga mata ko… Sa opisina… naghahalikan. Isang hapon… Na wala ako. Paano na lang kaya sa mga umagang wala ako? Anong ginagawa niyo? MAS MALALA PA SIGURO NIYAN, Diba? Paano sa gabi?”

Napalunok ako.

“Paano kayo sa gabi, Jacob? Sige… Sabihin mo.”

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at niyugyog ako habang nagsasalita…

“Paano kayo sa gabi? Diba pumupunta siya sa bahay niyo? Sa kwarto mo rin ba? Tapos ano? Nagkadevelopan na kayo?-“

“Rosie, makinig ka!” Niyugyog niya ang braso ko.

“Dinala mo rin ba siya sa kubo? May pinag usapan-“

“PUTANGINA! ROSIE, MAKINIG KA! Magkaibigan lang kaming dalawa!”

“WOW!” Nanginig ang boses ko habang sarcastic na ngumingisi sa kanya. “Magkaibigan din naman kami ni Brandon ah? Pero di naman kami nagyayakapan at naghahalikan!? Siguro i-try na rin kaya namin yun? Tutal magkaibigan naman kam-“

“Hindi mo ba nakita yung nangyari?” Nanginig ang boses niya habang pinuputol ako.

Tinulak niya ako kaya napasandal ako sa pintuan ng sasakyan niya.

“Tinulak ko siya! Sinabi ko sa kanyang walang pwedeng mamagitan samin! Hindi ko siya mahal at ikaw lang ang mahal ko.”

Umiiling na ako kalagitnaan pa lang ng pagsasalita niya.

“Bakit ka tumunganga!? Matagal kang tumunganga! Nagustuhan mo yata ang halik niya, diba? At napaisip ka mun-“

“ROSIE, PWEDE BANG TUMAHIMIK KA!? MAKINIG KA NA LANG MUNA!”

“Hindi ako tatahimik, Jacob dahil gusto kong malaman lahat ng nararamdaman mo. Nang walang halong pagsisinungaling… walang halong panghihinayang sa relasyon natin…”

“Ganun ba talaga ka baba ang tingin mo sa pagmamahal ko sa’yo, ha, Rosie?”

Natahimik ako sa tanong niya.

“Na kaya lang kitang palitan ng kung sinu-sino? Na pwedeng may alternative sayo? Ganun ba yung tingin mo sa pagmamahal ko?” Diretso ang tingin niya sa mga mata ko.

Huminahon siya nang nakita ang pag-iwas ko ng tingin.

No. No… No. Hindi ko alam kung bakit naging blanko ang utak ko pagkatapos niyang itanong yun sakin.

Suminghap siya at tinalikuran ako. Ginulo niya ang buhok ko at sumigaw.

Napatingin ang mga tao sa kanya. Yung ibang dumadaan at pumupunta sa sasakyan nila ay natitigilan para tignan siya.

“AHHHHH! SHIT! TANGINA.” Hinarap niya ako.

Basang-basa na ang pisngi niya sa luha. Kumukuyom na rin ang panga niya sa galit.

“Ngayon, ako naman ang magtatanong!”

Tinignan ko siyang mabuti.

“Bakit mo kasama si Brandon? Bakit single ang status mo?” Sabay hila sa damit ko.

Lumapit pa siya. Tinulak ko siya palayo pero pinilit niya paring lumapit.

“Bakit lagi mo akong iniiwasan sa cellphone? Bakit mukha kang laging naghahanap ng away tuwing tumatawag ako? Bakit lagi mo akong pinuputol tuwing nag uusap tayo?”

“KASI LAGI MONG BINABANGGIT SI JASMINE! Puro ka Jasmine! Si Jasmine ang bukambibig mo! Si Jasmine ang laging kasama mo! Si Jasmine na magaling mag luto at inaalagaan ka sa Alegria!”

“Kasi tinatanong mo ako tungkol sa kanya! Rosie!!! Kinakausap kita! Gusto kong malaman kung anu-ano ang pinagkakaabalahan mo pero lagi mong binababa tuwing nagtatanong na ako! HINDI MO ALAM NA HALOS MABALIW NA AKO SA KAKAHULA KUNG ANO ANG INIISIP MO! Lagi kong sinasabi sayong miss na miss na kita! Hinihintay kong sabihin mong umuwi na ako pero hindi mo sinasabi! Ayaw kong i let down ka! Ito ang gusto mong mangyari… Ito ang gustong mong field study ko, kaya kailangang kong makisama sa mga taong ayaw ko… kailangan kong seryosohin kasi para satin ‘to! Kasi ito ang gusto mo! Kasi ito ang tingin mong makakabuti para satin pero bakit tingin ko ito pa ang nakakapagpasama sating dalawa?”

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Wala akong ibang masabi. Gusto kong i-insist… i-insist na may naramdaman ako sa kanilang dalawa sa araw na iyon.

“Tignan mo ako.” Hinuli niya ang tingin ko pero nag-iwas ako ng tingin. “Rosie, pakiusap, tignan mo ako!”

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglandas ng mga luha sa mata niya.

“Rosie, wa’g mo akong pahirapan ng ganito.”

Kinagat ko ang labi ko.

“Rosie…” Napaos na siya. “Rosie, maayos pa natin ‘to. Hindi ko kaya ng ganito. Ang tagal kong naghintay na makasama ka ulit. Rosie…”

Tulala ako habang pinupunasan niya ang mga luha sa mga mata niya.

“Anong kailangan kong gawin? Rosie, tinulak ko siya. Hindi mo ba nakita? Rosie…”

Hindi ako umimik.

“Rosie, umalis na ako sa Alegria. Nagpatransfer na ako sa ibang kompanya nung lunes pa lang. Kasi hindi ko na kaya… Kasi kung kaya mong malayo ako sayo… kung kaya mong magtiis… pwes ako, hindi… Hindi ako kasinglakas mo. Hindi ako kasing tibay mo pagdating sa’yo…”

Naramdaman ko nang nag-blur ang mga mata ko sa luhang umaambang tutulo. Lumunok ako kahit ang sakit sakit na ng lalamunan ko.

“Sorry kung hindi ko magagawa ang two months na Field Study ng wala ka-“

“I don’t think so.. Jacob.” Ngayon ko lang siya tinignan ulit. “Tingin ko naman nag eenjoy ka dun. Tingin ko nag eenjoy ka dun kasama siya-“

“Saan ba pu-pwesto ang ‘tingin ko’ sa relasyon natin, Rosie? Hindi ba pwedeng ‘tingin KO’ naman? Hindi ba pwedeng ako naman? Hindi ba pwedeng ako naman yung pakinggan mo? Hindi lang naman ikaw yung nahihirapan dito, ah? Ako rin naman… Hirap na hirap na… Pwede bang mag preno ka muna sa away natin kasi ang sakit-sakit na.”

Tumulo na ang luha ko nang nakitang bumuhos pa ang luha niya. Agad kong pinunasan ang luha ko.

“Kung kami ni Brandon ang maghahalikan, tingin mo makakapagpreno ka?”

“Hindi! Pero gagapang parin ako pabalik sayo… Kahit ano pa yan… Kasi… puta… mahal na mahal kita… Sabihin mo lang sakin na mahal mo rin ako, tangina, ako pa ang magmamakaawa sayong magka ayos tayo!”

Yumuko siya at suminghap ng isang beses.

Umiling ako at umalis sa kinatatayuan ko.

“Patunayan mo ang pagmamahal mo. Patunayan mo ulit… Earn my trust again… Coz I don’t know if I can trust you, yet.”

Nakahalf-open ang bibig niya habang tinititigan ko.

“Let’s cool off.”

Kumunot ang noo niya. Naglakad siya papunta sakin.

“No… Wa’g ganito, Rosie…”

Tinalikuran ko siya at naglakad akong palayo.

“ROSIE! Wa’g ganito!” Sigaw niya.

Tumigil siya sa paglalakad. Nang naramdaman kong hindi niya na ako sinusundan, saka pa lang ako humagulhol sa iyak.

SHIIIIT! Ang sakit sakit! Ang dali talagang magpatawad pagdating sa kanya pero sheeet di ko siya matanggap dahil ang sakit-sakit pa!

“Rosie…”

Napatalon ako nang nakita kong pumark ang sasakyan niya sa gilid ko. Pinunasan ko agad ang luha ko at inayos ang mukha ko.

“Rosie, sumakay ka na. Umuwi na tayo.” Tawag ni Jacob.

Pumara ako ng taxi at agad sumakay.

“ROSIE! ROSIE!”

Hindi niya ba alam kung ano ang kahulugan ng cool-off? Bakit niya ako niyayayang umuwi sa kanila!?

Sinundan niya ang taxi papuntang bahay. Umiling ako habang lumalabas sa taxi. Mabilis akong naglakad papuntang apartment. Dinig ko rin ang padabog na pagsarado ng pintuan ng sasakyan ni Jacob, sinusundan niya parin ako.

Hinarap ko siya…

“PWEDE BA!? BIGYAN MO AKO NG SPACE! HUMINGI AKO NG COOL OFF KASI DI KO MAATIM NA TUWING NAKIKITA KO ANG PAGMUMUKHA MO, MUKHA NIYO NI JASMINE NA NAGHAHALIKAN ANG NA-AALALA KO!”

Natigilan siya sa sinabi ko.

“Rosie…” Napalunok siya. “Please… Pumunta tayo ng Alegria… Please-“

Padabog ko siyang pinagsarhan ng pinto.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 2 – Kabanata 24

Kabanata 24

Handa akong magparaya

Naiiyak ako buong oras na kasama ko sina Jamie. Tahimik sila at hindi nila ako masyadong binabagabag. Tapos na akong nag apologize kay Ms. Bubbles. Tinanggap niya pero pinagsabihan akong dapat kinausap ko si Jacob. Baka sakali dawng di niya yun ginawa kung nagkausap lang kami ng maayos.

Sa ngayon, nag-aalab pa ang galit ko. Ayaw ko muna siyang makausap. Baka mamura ko lang siya sa inis ko. Alam ko, nagpaalam na ako sa kanya. At sana… sana lumayo muna siya… Dahil sa ngayon, para akong bomba na sasabog na lang kahit anong minuto.

“Rosie, sama ka?” Tanong ni Angela nang nakangiti saakin.

Siya lang yata ang nagkalakas loob na tanungin ako. Nakikita ko si Brandon, nakaupo lang siya sa isang gilid at wala ring pinapansin. Pareho kaming dalawa. Hindi ko nga lang alam bakit ganyan ang reaksyon niya.

“Oo naman.” Pinilit kong ngumiti pero awkward na ngiti lang ang nagawa ko.

“O, guys, game daw siya!” Nakangiting tawag ni Angela sa kanila.

Nginitian ko sila isa-isa pero di rin nagtagal ay napalitan parin ang ngiti ko ng simangot. Damn!

May dalawang oras pa bago kami pupunta sa bar. Saka na daw kami pumunta pag nasa gitna na ng party kasi mas masaya. Tapos na rin kaming naghapunan dito. Kanina pa kami nakaupo dito sa Candy’s at nagpapatay ng oras.

“Shots na lang muna tayo habang naghihintay?” Sabi ni Dennis, yung isang model sa finale (kanina ko pa nalaman kung ano ang pangalan niya).

Sumang-ayon naman silang lahat at umorder ng mga beer at hard drinks.

Hindi naman talaga ako heavy-drinker kasi hindi ako nasasarapan sa lasa ng liquor. Kaya lang, dahil sa pait at hapdi ng naranasan ko this past few days ay parang naging tubig lang ang lasa ng lahat.

“Hinay-hinay lang, Rosie.” Sabi ni Brandon habang iniinom yung beer niya.

Hindi siya nakisali sa inuman ng hard drinks. Pero pinagmamasdan niya akong mabuti habang umiinom ako ng bawat shot.

Napapikit ako sa sobrang tapang ng iniinom ko. Patay, dapat hinay-hinay lang ang pag-inom. Hindi pa naman ako sanay baka malasing ako ng wala sa oras… wala pa naman si Jac-. UGH! Ayan na naman. Eto na naman ako. Hindi ko na naman kayang isipin man lang ang pangalan niya.

Nilagok ko ang isa pang shot. Hindi ko na alam kung pang-ilan na ‘to. Naiisip ko parin kasi yung pagyayakapan ni Jac- at Jasmine. Yung niyayakap siya ni Jasmine at unti-unting pag tapik niya sa balikat niya. Yung paghaharap nila nang umiiyak si Jasmine. Hindi ko mawari kung ano ang nararamdaman at iniisip ni Jac- sa mga puntong iyon. Ang alam ko lang, si Jasmine ang tanging nasa loob ng utak niya nun at posibleng maging pati sa puso. Tapos yung nakakapanlumong halik naman ang nakikita habang nakapikit ako ngayon.

Nanlaki ang mata ni Jacob habang hinahalikan siya ni Jasmine. Nakatunganga lang siya. Hindi niya itinulak o pinagalitan man lang sa paghalik. Tumunganga lang siya dun at nabigla habang ginagawa iyon ni Jasmine.

Bakit? Kasi maganda si Jasmine, mas magaling sakin sa halos lahat ng bagay kaya pagbibigyan niya. DAMN! DAMN! Tangina! I knoooow… Hindi mabuti itong mga iniisip ko. Pero hindi ko alam kung matatanggap ko ba ang kahit anong dahilan ni Jac- sa nangyari. Nagtimpi ako. Pinilit ko ang sarili kong wa’g mag isip ng masama kahit na punong-puno na ako ng pagdududa at bigla ko na lag silang nakitang ganun ang ginagawa. Mabuti na lang at di ako nagpakita, baka hindi ko masaksihan ang kataksilang ginawa ni Jac- kung agad akong nagpakita. Baka hindi ko naabutan yung halik!

Nilagok ko ulit ang isang baso.

“TARA NA GUYS!”

What? It’s been two hours? Talaga? Hindi ko namalayan ang panahon ah?

“Okay ba tong soot ko?” Tanong ni Jamie habang inaayos ang puting dress niya.

“Oo naman, magkakulay pa tayo.” Sabi ko habang iniinda ang sakit ng ulo ko.

Umiikot na yung mundo ko pero patuloy ako sa paglalakad.

Tumawa si Jamie, “Oo nga! Tignan mo si Angela, nakawhite din!” Tumawa ulit siya.

“Oo, pero itong si Riza at Kian kung makapaglampungan alam na alam ng red eh.” Hindi ko masyadong na gets yung sinabi ng kaibigan ni Jamie.

Ah, siguro dahil sa alak ito. Binalewala ko na lang ang lahat at inayos ang pagalalakad ko.

Sumakay kami sa sasakyan ni Brandon. As usual, ako na naman ang pinag front seat nila. Wala rin naman akong pakealam kasi hindi naman ako masyadong kinakausap ni Brandon. Mukha pa nga siyang galit. Padabog pa siya kung makapagmaneho at tuwing tinitignan ko siya ay naiirita lang siya.

“Anong problema mo?” Tanong ko.

“Wala.” Aniya pero diretso ang tingin niya sa kalsada.

Nagtatawanan naman sina Jamie sa likuran habang pinag-uusapan yung mga naka-red sa kabilang sasakyan. Nandun sina Kian at Riza na wagas daw kung makapaglampungan.

“We’re heeeere!” Sigaw ni Angela nang nakarating na kami.

Ngayon ko lang narealize na nakaputi pala kaming lahat dito sa sasakyan ni Brandon. Nakaputi din si Brandon. Hindi ko inaasahang ganito ang magiging soot namin. Usually kasi pag night out, black yung mabenta. Kaya nagputi ako sa ngayon dahil nababanas ako sa kakablack tuwing night out.

Bumaba kami sa sasakyan ni Brandon. Nagtatawanan parin sina Angela at Jamie. Natapilok pa ako sa isang gutter.

“ROSIE! Mag ingat ka naman!” Sigaw ni Brandon.

Binigyan ko siya ng masamang tingin. Umiling siya nang nakita ang titig ko. Umirap ako at ngumisi ulit kina Angela at Jamie. Parehong may amats na ang dalawang ito.

“Let’s go guys!” Sigaw ni Angela.

Sumunod ako. Sumunod din si Brandon sakin at ang iba pa naming mga kasama.

Tinatakan kami ng bouncer ng isang tatak na may nakalagay ‘Status Party’. Pumasok kami sa loob. Tama sila, masaya ngang dumating pagkalagitnaan na ng party. Maingay na at marami nang nagsasayawan.

Bumuntong-hininga ako. Gusto ko ng personal space. Pagkapasok namin ay agad nang nawala sina Jamie at Angela sa sayawan. Ako naman ay patuloy na tinatahak ang masikip at mataong daanan. Gusto kong humanap ng gilid na pwedeng pagtambayan ng di iniistorbo.

Nawindang ako nang may nakita akong isang malaking tarp na may nakalagay na “STATUS PARTY 3”

STATUS PARTY 3

WEAR YOUR STATUS:

WHITE means you’re single

RED means you’re in a relationship

BLACK means it’s complicated

BLUE means you’re married

Pink means you’re in an open relationship.

Nalaglag ang panga ko at tinignan ulit ang soot kong puting dress. SHET! Lumingon ako sa likuran at nakita kong nakasimangot na sumusunod si Brandon sakin, pareho kaming puti ang soot.

YOU GOT THE WRONG IDEA! Of course, winindang ko si Jac- sa ‘Goodbye’ ko pero damn, hindi pa ako single!

Gusto kong iexcuse ang sarili ko pero alam kong di ako maririnig ni Brandon unless bulungin ko sa kanya dahil masyadong maingay kaya lumiko na lang ako at umalis.

PERO LINSYAK NA BUHAY! Nakita kong natigilan si JACOB BUENAVENTURA at nakahalf-open ang bibig niya habang pabalik-balik ang tingin niya kay Brandon at sakin. Nakita kong naka kulay blue siyang t-shirt. ALAM NIYA ANG IBIG SABIHIN NG MGA KULAY NG DAMIT NAMIN KAYA NAPATINGIN NA RIN SIYA SA DAMIT NA SINUSOOT KO.

Kinagat ko ang labi ko at lumiko ulit. Imbes na lumiko ako ay nabangga ako sa isang waiter. Mabuti na lang at sinalo ako ni Brandon kung hindi ay humandusay na ako sa sahig. Umiikot na nga ang mundo ko, mababangga pa ako. Sh1t!

“Ayos ka lang ba, Rosie?” Bulong ni Brandon habang tinatayo ako.

Tumango ako at pinagsamantalahan ang pagkakataong sabihin sa kanya ito, “Excuse me.”

Tumango siya at binitiwan ako.

Umalis ako at pumunta sa gitna ng dancefloor.

May humila sa kamay ko. Akala ko si Brandon yun pero nang hinarap ko na ay nakita ko ang nakakuyom na panga ni Jacob. I know this expression, galit na galit siya.

“ANO BA!?” Sigaw ko para marinig niya.

Biglang nag-iba ang tunog ng trance music sa buong bar. Parang nagsisimula ng bagong kanta. Halo ng kantang Titanium at isa pang magandang beat. Mas lalo ring bumilis ang takbo at sayaw ng lights sa buong bar at napasigaw ang mga sumasayaw sa sobrang excitement. Parang nasa peak na ng party.

Nawala ako sa titig ni Jacob. Kitang-kita ko ang buong mukha niya sa gitna ng mabilis at pa-iba-ibang kulay ng lights sa dancefloor.

Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko at binulong, “Single ka na?”

Napalunok ako. Tumindig ang balahibo ko nang narinig ko ang boses niya.

“Married ka? Kanino?” Bulong ko sa tainga niya.

“Kanino sa tingin mo?” Bulong niya pabalik.

Naramdaman ko ang kamay niyang gumapang sa likuran ko hanggang sa likuran ng leeg ko.

“Ewan ko, basta ang alam ko, hindi sakin.” Umiling ako at naramdaman kong nag alab ang galit na nararamdaman ko.

Hinawi ko ang kamay niya. Nakita kong nalaglag ang panga niya sa ginawa ko.

Nakita kong kumuyom ulit ang panga niya sa sinabi ko.

“Bakit, Rosie? Are you in love with someone else?”

Sinapak ko siya at tinulak palayo sakin.

Gusto kong sumigaw. Gusto ko siyang sigawan pero ayaw kong mag eskandalo sa harap ng mga tao.

AKO PA NGAYON ANG INLOVE SA IBA!? TANGINA IKAW ITONG NAKIPAGHALIKAN SA IBA!

“Jacob, layuan mo na si Rosie!” Sigaw ni Brandon.

Walang pasubaling sinuntok ni Jacob nang dalawang beses si Brandon. Sumigaw ang mga tao. Kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Jacob. Napahawak si Brandon sa labi niya habang humandusay siya sa sahig ng nakatingala kay Jacob.

Dinaluhan ko agad si Brandon.

“Tangina! Tagal ko ng gustong gawin sayo yan! Subukan mong sumawsaw ulit samin, hindi lang iyan ang aabutin mo-“

“TUMIGIL KA NGA, JACOB!” Sigaw ko.

Bumaling si Jacob sakin. Mabilis ang paghinga niya habang galit akong tinignan.

Nanliit ang mga mata niya at naglahad ng kamay sakin.

“Rosie, umuwi na tayo.”

Nanginig ang buong sistema ko. Bumalik sa dati ang reaksyon ng mga tao. Para bang walang suntukang nangyari… Patuloy silang sumasayaw. Unti-unting tumayo si Brandon.

“Kung gusto niyang sumama sayo, kanina pa dapat siya sumama-“

Umambang susuntukin ulit siya ni Jacob pero pinigilan ko.

“Jacob! Tama na sabi!” Sigaw ko.

Tumigil siya sa kalagitnaan ng suntok niya.

“Lika na, Rosie.” Marahang sinabi ni Jacob habang hinihintay akong magsalita.

“Rosie, wa’g ka ng magpaloko sa kanya. Tama na yung isang beses-“

Pumikit si Jacob at kumuyom ulit ang panga niya.

Ginulo niya ang buhok niya. Pagdilat ng mga mata niya ay diretso ang titig niya sakin.

“Tara na, Rosie. Umuwi na tayo. Alam mong di ako aalis dito kung hindi kita kasama… Kaya… umuwi na tayo.”

Naglahad siya ng kamay. Kinurot ang puso ko. Para bang nawala ang lahat ng galit ko habang tinitignan ang mga mata niya. Nahihirapan siya. Siguro… Siguro… Hindi ko alam kung bakit siya nahihirapan. Maaring nahihirapan siya dahil mahal niya ako at nagseselos siya ngayon kay Brandon, pero maari ding nahihirapan siya dahil may mahal na siyang iba… At sa oras na yun, narealize ko na kahit ano… kahit anong dahilan pa ng paghihirap niya, tatanggapin ko ng buong-buo.

Mahal na mahal ko siya na kahit hilingin niya sakin ngayong pakawalan ko siya ay papayag ako. Kahit na pagsisihan niya pang nainlove siya sa iba at magsosorry siya sakin, patatawarin ko siya agad at pakakawalan para maging masaya lang ulit siya. Handa akong magparaya. Hindi ako magtatanim ng galit. Pero hindi ko maipapangakong hindi ako masasaktan. Hindi ko maipapangakong magiging masaya ako. Hindi ko maipapangakong mananatili akong kaibigan niya. Wala na akong maipapangako sa kanya.

Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya pero hindi na niya hinintay na mailagay ko ang palad ko. Agad niya na itong kinuha at hinila na ako palabas ng bar.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 2 – Kabanata 23

Kabanata 23

Ang Sakit

Nakatulog ako sa bus dahil sa kakaiyak. Nanatiling naka-off ang cellphone ko hanggang sa nakarating na ako sa Manila. Wala akong planong tignan kung nagtext o tumawag ba si Jacob. Hindi rin ako sigurado kung may magbabanggit ba sa kanyang nanggaling ako doon. Tanging mga empleyado at si April lang ang nakakaalam na nanggaling ako doon.

Ginabi ako sa bus at madaling araw akong nakabalik ng Maynila. Sabado na at may ramp na ako mamayang 3PM pero kailangan nasa backstage na ako by 12. Uuwi muna ako para maligo at magpaliot ng damit. Buong byahe, wala akong kinain. Isang araw yata akong walang kinakain. Hindi naman ako ginugutom sa nangyari.

Namumugto din ang mga mata ko. Ayokong magtagal sa bahay at baka dalawin lang ako ng hinagpis doon. At pag nagdesisyon si Jacob na umuwi sa weekend na ito, baka magpunta siya sa bahay dahil wala ako sa kanila. Ayoko muna siyang makita. Gusto kong magpalamig. Kasi pag magkita kami agad, baka kung ano pang masasakit na salita ang masabi ko sa kanya. Alam kong kailangan naming mag usap pero wa’g ngayong naiisip ko pa yung halikan nila ni Jasmine.

“Rosie?” Kinatok ako ni Maggie sa banyo.

Madaling araw akong dumating kaya hindi niya namalayan. Ngayon lang siya nagising na nasa banyo na ako.

“Kasama mo ba si Jacob?” Dinig ko ang ngisi niya sa tanong niya.

“HINDI!” Sigaw ko.

“A-Ah? Nasan siya?”

“Nasa Alegria!” Sabi ko at nilakasan ang shower.

Hindi na ulit nagtanong pa si Maggie. Nang natapos akong maligo, nagbihis na agad ako at nag impake na naman ng damit para mamayang gabi. Sasama din ako sa party nila mamayang gabi.

“Rosie,” Sambit ni Maggie habang inaayos ko yung bag at sinusuklay ang buhok.

Magpagupit kaya ako? Madaling-araw parin ngayon at pag aalis ako dito ng ganitong oras, wala akong mapupuntahan.

“Saan ka pupunta? Okay ka lang ba? Anong nangyari sa pagpunta mo ng Alegria?”

Umirap ako, “Obviously ang nangyari ay bumalik agad ako dito.”

“Bakit nga? Nag-away ba kayo?”

Hindi ako nagsalita.

“Mag, magpapaspa lang ako para sa ramp mamaya. Saan ba maganda? Massage, spa, salon at kung ano pa… Saan maganda?”

Napakunot ang noo ni Maggie sa tanong ko, “Sa ganitong oras magpapa spa ka?”

“Oo. Saan?”

“Try mo na lang sa Vanity Works. May problema ba?”

“Salamat.”

Binalewala ko ang tanong ni Maggie. Atat na akong umalis dito. Baka mamayang 6AM ay dumating na si Jacob sa bahay nila. Pag nakita niyang wala ako doon, susugod yun dito. YUN AY KUNG MAHAL NIYA PA AKO! Kung hindi, baka hindi na yun mag aabalang hanapin pa ako. O baka nga hindi na yun mag-aabalang umuwi pa dito.

Hindi ko sinunod ang payo ni Maggie na sa Vanity Works magpa-spa. Kung sakaling umuwi nga si Jacob dito, magtatanong yun kay Maggie kung nasan ako at alam niyo naman yung kapatid kong iyon, paniguradong sasabihin niya kay Jacob ang buong detalye.

Pumasok ako sa mas mahal na spa. Doon ako nagpalipas ng oras. Nagpa-massage, nagpatreatment, nagpatrim ng buhok, at kung anu-ano pa. Naiisip ko parin yung nangyari sa Alegria. Iniisip ko parin si Jacob. Umaasa parin akong may explanation siya pero hindi ko alam kung paano niya ieexplain sakin.

“Rosie, hindi agad ako nakagalaw kasi kaibigan ko siya, ayaw ko siyang saktan.”

That’s just bullsh1t! Kung kaibigan ko ang hahalik sakin, okay lang ba? Pero naisip ko ring nahalikan na ako ni Callix sa harap ni Jacob noon. Nasaktan siya pero tinanggap niya parin ako. Nahalikan na rin si Jacob ng ibang babae noon, hindi ko nga lang nakita pero nasaktan parin ako. Tinanggap ko parin kasi mahal ko siya. Ngayon, tatanggapin ko na naman ba? Hindi. May kaibahan sa sitwasyon noon at ngayon. Dahil ngayon, kami na, ngayon, alam na ng lahat na kaming dalawa lang dapat ang para sa isa’t-isa.

Naiinis ako kay Jasmine. Alam niyang kami na ni Jacob. Kung mahal niya nga si Jacob at may respeto siya samin, dapat hindi niya na lang sinabi at ginawa iyon. Alam kong aabot talaga sa point na gusto mong malaman ng taong mahal mo ang nararamdaman mo para sa kanila pero dapat siyang lumugar.

At itong si Jacob naman… ewan ko. Ano kayang pumasok sa kokote niya? Naiinlove na ba siya kay Jasmine kaya di siya nakapagreact. Alam kong mabait siya pag naging close niya na ang babae pero dapat simula pa lang sinabi niya na agad yung nararamdaman niya. Yakap pa lang ni Jasmine, iniwasan niya na. Pero hindi… humantong pa sila sa halikan at aminan.

Tangina!

“Rosie?”

Napatalon ako habang nagbabayad sa cashier. Mag aalas-onse na nang natapos lahat ng ginawa ko sa spa. Kailangan ko na lang kumain saka ako aalis papuntang mall para makapagmake-up para sa ramp.

Naaninaw ko ang nakangising mukha ni Brandon. Naka itim siyang shorts at itim na t-shirt.

“Malayo ka pa lang nagustuhan na agad kita. Kaya ito at nagpapaka stalker ako. Sabi ko sa sarili ko, ‘finally, may ibang babaeng nakaagaw ng atensyon ko bukod kay Rosie.’ Tapos ngayon, eto? Ikaw parin pala!? You’re just too pretty.” Nihead-to-foot ako ni Brandon.

Napangisi ang cashier at yung ibang nagbabayad sa sinabi ni Brandon.

“Tumigil ka nga. Wa’g kang mag eskandalo dito.” Sabi ko sabay kuha ng sukli ko.

Linagpasan ko siya para makalabas na ng spa pero hayun at sinundan parin ako nang nakangiti. Masyado talagang eskandaloso itong si Brandon.

“Balik ka ulit Mr. Rockwell.” Sabi ng mga taga spa sa kanya.

“Sure thing.” Kumindat siya sa kanila at bumaling ulit sakin.

“Ba’t ka andito?” Tanong ko.

“Nasa taas ako. Nag ji-gym. Ikaw?” Tumawa siya.

“Nagpapa-spa.”

“Whoa! Kaya pala blooming na blooming ka. Nagpaayos ka rin ba ng buhok mo?”

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

Ok. Nangungulila ako kay Jacob at ayaw kong may maging panakip-butas. Pero hindi ko maideny na nakakapagpalubag ng loob si Brandon. Pinupuri niya ako sa mga panahong pakiramdam ko ako ang pinakapangit na babae sa mundo. Kung talagang pinagpalit nga ako ni Jacob, ibig sabihin, mas nagustuhan niya si Jasmine sakin. She’s better, prettier, more interesting at kung anu-ano pa.

Nginitian ko si Brandon. Nanlaki ang mga mata niya sa ngiti ko.

“Finally, you responded!” Ramdam ko ang kasiyahan niya sa ngiti ko.

“Brandon, sige na, maiwan na kita. Kakain lang ako. Kita na lang tayo sa backstage mamaya.”

“NO! Kakain tayo ng sabay. Ililibre kita.”

“Brandon-“

“Please, Rosie… Ngayon lang naman ‘to. Pero kung gusto mong ulitin, I won’t mind. Pagbigyan mo lang ako ngayon.”

“Brandon…” Umiling ako.

Hindi tama ito. Baka anong sabihin ni Jacob.

Teka… Bakit ko ba yun iniisip? Ni minsan ba tinanong ni Jacob sa sarili niya kung anong iisipin ko sa kanila ni Jasmine. Alam ko na kahit sasama ako ngayon kay Brandon, si Jacob parin ang mahal ko. That’s not cheating. Yung cheating ay yung pagmamahal mo ng iba. Magkasama man kami ni Jacob, pero kung ang iisipin niya ay si Jasmine sa buong pagsasama namin, nag chi-cheat parin siya.

Hindi naman palaging nakikita yung pag chi-cheat. Minsan, sumasama ka sa iba pero hindi ka nag chi-cheat kasi alam mo kung sino ang tunay na mahal mo. Sana nga lang ganun ang ginagawa ni Jacob sakin. Sana nga kahit na magkasama sila ni Jasmine, ako yung iniisip niya.

BULLSH1T! Sinong binibiro mo, Rosie? Nahuli mo na ngang naghahalikan, nagkukunwari ka pa diyan.

Nagbara ang lalamunan ko. Nilunok ko na lang ang nagbabantang luha at sinagot si Brandon.

“Sige, libre mo ah.” Sabi ko.

Nalaglag ang mga panga niya sa sinabi ko. Tumalon pa talaga siya sa sobrang saya.

“Saan tayo?” Tanong niya nang nakangisi.

“Dito na lang sa malapit. Ginugutom na talaga kasi ako.”

Tumango siya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa isang restaurant malapit dito sa spa.

Tahimik ako pero mejo maingay at madaldal siya.

“Akala ko talaga hindi ka sasama. Grabe! Sobrang saya ko! Hindi b-ba magagalit yung boyfriend mo s apagsama mo sakin? Tsaka… sasama ka ba mamaya?”

Tinignan ko ang mga pagkaing nilalapag ng waiter. Light lang yung inorder ko kahit na hindi ako kumain kahapon. Wala parin kasi talaga akong gana pero hindi na ako bata para hayaan ang sarili kong magutom. Kailangan kong kumain lalo na’t may ramp akong gagawin.

“Sasama ako mamaya.” Simple kong sinabi.

Natahimik siya. Kumakain na kami pero nakatitig parin siya sakin.

“May problema ba kayo ng boyfriend mo?”

Umiling ako nang di siya tinitignan.

“Is he cheating on you?”

Padabog kong binitiwan ang kutsara at uminom ng tubig.

“Hindi, Brandon. Let’s just eat.” Sabi ko.

Humalukipkip siya at bumuntong-hininga.

“Hindi ko maintindihan kung bakit binalewala lang ng iba ang pinapangarap ko.” Umiling siya. “Kung sana ako yung boyfriend mo, pipikutin kita agad at ipapangako ko sayong magiging loyal ako. Hinding hindi ako titingin sa iba. Wala ka dapat ipangamba.”

“Brandon, wa’g na nating pag usapan ‘to.”

Tumango siya at ngumuso, “Okay. I respect your privacy pero wa’g mong isiping wala akong pakealam sa problema mo. Concerned ako kaya di ko maiiwasang di magtanong.”

Hindi na ulit ako nakipagtalo hanggang sa natapos na kaming kumain.

“Sabay na tayo sa backstage.” Aniya habang naglalakad kami papunta sa sasakyan namin.

Gusto ko sanang tumanggi at magcommute na lang papuntang mall kasi malapit lang naman iyon dito. Kaya lang pakiramdam ko useless na. Wala na akong lakas para tumanggi at makipagtalo pa sa kanya.

Binuksan niya ang pintuan at pumasok ako sa loob ng walang pag-aalinlangan.

“Pwede bang mahingi ang number mo?” Tanong niya habang nagdi-drive.

Sinulyapan ko siya at inisip na nakapatay ang cellphone ko. Sa ngayon, kung may feelings parin si Jacob sakin, nag-aalala na yun. Isang araw na kaming di nakakapag-usap.

“Uhmm.. Lowbat ako. Tsaka… Baka magchange number ako.” Napalunok ako sa sinabi ko.

“Lowbat ka? Hindi ka ba marunong mag charge? O may iniiwasan kang tao?” Nanliit ang mga mata niya.

Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa kalsada. Nagpapark na siya sa carpark ng mall. Bumuntong-hininga ako nang tumigil sa pag andar ang sasakyan niya.

Hindi narin siya umimik pero nakamasid parin ang mga mata niya sa bawat kilos ko. I admire him for respecting my privacy. Hindi niya pinipilit kung ayaw ko. Tahimik kaming dumating sa backstage. Narealize ng lahat ang pangyayari – na magkasama kaming dumating. Inintriga agad kami at binato ng maraming tanong.

“Wala… Nagkita lang kami sa gym kaya nagkasabay kami dito.” Sagot niya sa lahat ng nagtatanong.

“WEEEH? Nagkita? Sa dami ng gym dito, magkikita pa talaga kayo?”

Tumawa siya sa mga banat nila, “Kasalanan ko bang we’re meant to be?”

Nagtawanan sila.

Binalewala ko na lang. Pati yung mga nagtatanong sakin. Sinasagot ko lang sila ng sagot ni Brandon. As usual, hindi sila naniniwala. Gusto nilang mag isip na may mas malalim na dahilan pa. Na nag co-communicate kaming dalawa at nagkakadevelopan na. Mga ilusyunada. Wala ako sa mood para makipagtalo sa kanila. Wala akong iniisip kundi si Jacob. Minake-upan na ako ng make-up artist at pinuri na ako ng iba sa pagiging blooming ko.

Inaayos ko ang damit ko at naghintay ng go signal ni Kira nang biglang dumating si Brandon soot-soot ang damit niyang half-open ang mga butones.

“You’re such a big loss… Kung iwan mo ang boyfriend mo, kawalan ka para sa kanya…”

Napalunok ako, “Kawalan siya para sakin.”

Kumunot ang noo niya, “Hindi… Siya ang mawawalan, Rosie. Don’t you get it? Minsanan lang ang babaeng loyal ngayon. Yung all in one package: maganda, loyal, loving, maalaga sa katawan at mataray.” Tumawa siya.

Tumaas ang isang kilay ko habang tinitignan siya.

“Sorry, yun kasi yung ideal girl ko. At minsan lang ang tulad mo kaya hindi ko maiwasang manghinayang. Well, it’s an advantage for me kung iwan mo siya.” Ngumisi siya.

“Hindi ako ang mang-iiwan dito. Wala sakin ang desisyon, Brandon. Nasa kanya.” Nabasag ang boses ko sa huling sinabi ko.

“Oh, sh1t! Yung make up!” Sabi ko sabay paypay sa sarili ko.

Ayokong hawakan ang mga mata ko. Baka masira ko ang make up ko.

Lumapit si Brandon sakin para punasan ang luha ko.

“Ako na…” Aniya at marahang pinunasan ang mga luha ko.

Mas lalo lang nanikip ang dibdib ko sa ginawa niya.

“Don’t comfort me… Mas lalo akong naiiyak.” Sabi ko sabay atras.

Napalunok siya at tinignan ako na parang kahit anong oras ay pwedeng mabasag. Ilang sandali ang nakalipas, nang napakalma ko na ang sarili ko, biglang sumulpot si Karl sa backstage.

Busy ang lahat sa pag mi-make up. Mabilis kasi akong natapos kaya nandito lang ako at nakatayo malapit sa pintuan kasama si Brandon. Tulala ako, samantalang nakatitig siya sakin.

“Okay!!! Sige na, ready! In 5… 4… 3… 2… 1… PASOK!” Sigaw ni Kira.

Nagsimula na ang ramp. Sinilip ko ang stage at nakitang maraming tao. Hindi ko alam kung bakit sinuyod ko ang stage para tignan kung nandoon ba si Jacob. Nabigo ako nang nakitang wala siya. Inisa-isa ko ang bawat ulong nakatitig sa stage, talagang wala siya.

DAMN! Bakit ba ako umaasa? Nahahabag na naman ako habang iniisip kong umaasa ako sa wala.

Pumasok na sina Jamie at sina Angela.

Tatlong minuto na lang at kami na ang papasok. Tinignan ko ulit ang madla, sinuyod ulit at nagbakasakaling nakarating na siya… WALA PARIN.

Hindi ko naman alam kung masisiyahan ba ako kung nanonood siya. Sa galit ko sa kanya, pakiramdam ko ipagtatabuyan ko parin siya pag nandito siya. Lalo na pag makikita ko ang labi niyang hinalikan ni Jasmine. Ang pagtunganga niya sa harapan ng umaasang si Jasmine. Tangina!

“Brandon!”

Napatalon ako sa sigaw ni Kira.

“Y-Yepp! here I come!” Sabi ni Brandon at lumabas na sa stage.

Ako na ang susunod kay Brandon. Nag exercise ako sa pagngiti dahil masyadong stressed ang mukha ko sa kakasimangot. Inayos ko ang buhok ko at inisip na kung makita ko si Jacob paglabas ko ngayon, hindi ko siya kakausapin. Tangina siya! In love na in love ako sa kanya pero ganun ganun lang ang gagawin niya. I’ll be the best girl he’ll never have. You’ll regret this, Jacob.

“Rosie!”

“Yes, Kira!”

Mabilis akong pumasok. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ako kinabahan sa stage. Nakangisi ako at nakataas ang isang kilay habang naglalakad sa stage. Narinig kong sumipol ang ibang nanonood. Nginitian ko ang bawat sumigaw at sumipol sa paglabas ko. Pabalik na si Brandon nang nakarating ako sa harapan. Kinindatan niya ako at kinindatan ko rin siya.

Nag pose ako… 1… 2… Then…

May biglang tumalon galing sa audience papuntang stage. Mas matangkad siya sakin. Sa sobrang bigla ko, halos mahulog ako sa stage pero hinawakan niya ang braso ko. Tumingala ako para makita si Jacob na seryoso ang mukha.

“Kailangan nating mag-usap.” Aniya.

Nabunutan ako ng tinik pero malakas ang pintig ng puso ko sa sobrang kaba sa nangyari.

“Not now, Jacob!”

Narinig kong may humiyaw sa mga audience. NAG EESKANDALO NA NAMAN SIYA SA HARAP NG MADLA!

Kailangan naming mag-usap? Pinroseso ng utak ko ang pambungad na sinabi niya. Mag uusap kami? Ito na ba yung pag uusapan namin yung feelings niya para kay Jasmine? Kung talagang ako yung pipiliin niya, susugurin niya ako dito pero hindi niya ipagpipilitan ang pag uusap naming dalawa kasi kailangan niya lang namang ireassure ako!

Dumapo ang kaliwang kamay ko sa pisngi niya. Sa sobrang lakas ng pagkakasampal ko sa kanya, napaatras siya sa ginawa ko.

“ROSIE!” Sigaw niya.

Pero bago niya pa ako masumbatan ay tinulak na siya ni Brandon.

“Nag eeskandalo ka na, ‘tol. Back off.”

Nakita kong kumuyom ang panga ni Jacob sa inis. Bakit… Bakit sa bumibigay ako sa ekspresyon niya ngayon? Bakit lumakas at bumilis ang pintig ng puso ko ngayong nakikita ko siyang galit at nahihirapan habang tinitignan si Brandon.

“Let’s go, Rosie!” Sigaw ni Brandon at hinila ako.

Tinignan ko si Jacob. Tumingin din siya sakin.

“Rosie!” Sigaw nina Jamie at nina Kira sa loob ng stage.

Napatingin ako sa labi niyang hinalikan ni Jasmine. Naisip ko lahat ng pagtitimpi ko noong nakaraang linggo. Naisip ko yung sagot niya kay Jasmine. Naisip ko yung magtahimik at pagtunganga niya pagkatapos ng halikan nila ni Jasmine. Naisip ko ang pagyayakapan nila. Naisip ko ang linya niyang gusto niya akong makausap. At para saan? Malamang para sa nalalapit naming break up.

“Goodbye, Jacob.” Sabi ko at tinalikuran siya.

Tumakbo ako papuntang backstage habang umiiyak. ANG SAKIT. Gusto ko na lang kalimutan ang lahat pero alam kong hindi ganun ka dali. At tingin ko, hindi ko talaga magagawang kalimutan pa. I love Jacob so much.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 2 – Kabanata 22

Kabanata 22

Magsama Silang Dalawa

Lumipas ang isa pang linggo ng wala si Jacob. Tumatawag parin siya araw-araw pero hindi na tulad nung unang linggong nagkahiwalay kami, hindi na siya nag titext oras-oras. Tawag na lang ang inaasahan ko sa kanya. Dalawang tawag sa isang araw.

Thursday nang napansin kong iniiwasan niyang banggitin si Jasmine.

“Hello, Rosie?”

“Jacob… Kumusta na?” Tanong ko.

“O-Okay lang. Ikaw? I miss you so much. Sana pwedeng umuwi ngayon. Isang buwan na lang matatapos ko na ang Field Study na ito.” Aniya.

“Miss na din kita. Okay lang yan. Malapit na rin naman. Uuwi ka naman ngayong Sabado diba?”

“Uhm… Syempre! Hindi ka parin ba natutulog sa bahay?”

Napalunok ako sa sinabi niya, “Oo. Sorry. Nabobore kasi ako doon. Dito kasi sa bahay, madaldal si Maggie kaya ayun.”

Napabuntong-hininga siya, “Sorry, Rosie… Alam ko dapat umuwi ako last Saturday. Haay.”

“Bakit nagsisisi ka? Hindi ba maganda naman yung birthday ng daddy ni Jasmine?” Natigilan ako.

“Oo n-naman. Kumusta ang studies mo? Malapit naba ang midterms?” Tanong niya.

“Okay lang naman. Ikaw? Kumusta negosyo niyo ni Jasmine?”

“Okay lang din. Hmmm… Kailan ba ang next ramp mo?”

Bakit parang iniiba niya ang usapan? OMG! Ito na ba yung sinasabi ni Brandon?

“Jacob… Binibigyan ka pa ba ng pagkain ni Jasmine?”

“H-Huh?” Natahimik siya ng ilang segundo, “Ba’t mo naitanong?”

“Diba araw-araw ka niyang binibigyan ng pagkain? Taste test?” Sabi ko.

“Oo. Noon. Pero ngayon, di na… Teka… Ba’t siya pinag uusapan natin?”

BAKIT HINDI!? BAKIT NGAYON MO PA NAPAPANSIN NA TUMATAWAG KA NAMAN MINSAN SAKIN PARA PAG-USAPAN NATIN SIYA?

“Wala naman. Natanong ko lang.”

“Rosie…” Suminghap siya. “I miss you…”

“Bakit di ka na niya binibigyan ng pagkain ngayon? May nangyari ba?” Tanong ko.

“ROSIE! Ano ba yang iniisip mo!?”

Narinig ko ang pagtalon niya.

“Bakit? Nagtatanong lang naman ako!”

“Bakit parang iba ang tono mo? Wala naman akong ginagawang masama dito.”

“Ba’t ka defensive?” Huminahon ako.

“Kasi kung anu-ano na ang iniisip mo.”

Natahimik ako.

“Rosie, kung ayaw mo na ako dito… Uuwi ako diyan. Sabihin mo lang.”

Umiling ako at pumikit. I knew it… Doubts… Hindi applicable sa lahat ang sinabi ni Brandon. Maaring may point siya pero hindi ito applicable para samin ni Jacob. I’m sure of that!

“Sorry, Jacob.” Sabi ko.

Napabuntong-hininga siya.

“Tumigil ka na…” Aniya.

Kinagat ko ang labi ko.

“Tigilan mo na ang pag-iisip mo ng mga ganyan, Rosie.”

Napawi lahat ng pangamba ko sa nakalipas na tatlong linggo. Pangamba at pagdududa lang ang mga iyon. Wala ng iba pa… Hindi na ako mag aaksaya ng panahon para isipin pa ang mga iyon.

“I’m sorry.”

Pinunasan ko ang luhang dumaan sa pisngi ko. Kinagat ko ang labi ko at iniwasang magsalita pa para di niya marinig ang pag-iyak ko.

Ilang minuto pa ang nakalipas, walang nagsasalita saming dalawa. Hindi siya nagsalita. Hindi rin ako nagsalita.

“Jacob, sige na matulog na tayo.” Mabilis kong sinabi ‘to para di niya marinig ang paghikbi ko.

“Okay. Matulog na tayo. Wa’g mong ibaba. Hayaan mo lang.” Aniya.

Parang kinurot ang dibdib ko sa sinabi niya.

“Gusto kong marinig ang paghinga mo. Kahit di kita nakikita. Kahit paghinga mo lang, Rosie. Gusto kong marinig. Dahil miss na miss na kita at di ko kayang ganito.”

Hindi ako nakapagsalita sa pagpipigil ko ng luha.

“Rosie?”

Humikbi ako. Shet!

“Umiiyak ka?”

“Hindi.” Nanginig ang boses ko.

“Umiiyak ka! Rosie! Tama na!”

“Matulog na tayo.”

“Rosie, I love you.” Aniya. I can almost hear his desperation.

“I love you, too.”

“Bakit ang lamig mo sakin? Bakit pinuputol mo agad ang linya bago ko pa masabing, ‘I love you, more’. Alam mong may dugtong pa ito diba? Bakit di mo na dinidinig yun? Hindi na ba yun importante? Wala ka na bang pakealam?”

“Importante… I’m sorry… I’m so sorry…”

I’m sorry for doubting you, Jacob. I don’t deserve you. Akala ko siya yung magkakaproblema sa pagkakalayo namin pero eto ako at ako pala yung magkakaproblema.

Umiyak ako hanggang sa nakatulog ako. Hindi ko alam kung anong oras nakatulog si Jacob pero nagising akong lowbat ang cellphone ko.

Friday na at bukas magkikita na kami ni Jacob! Namumugto ang mga mata ko kaya ayokong pumasok sa school. Ayokong makita nina Ava, Callix at Belle ang mga mata ko ngayon. Paniguradong interview na naman ang aabutin ko sa kanila.

“Ba’t ka nag iimpake, Rosie?” Tanong ni Maggie nang napadaan siya sa kwarto ko.

“Pupuntahan ko si Jacob sa Alegria.” Sabi ko nang wala sa sarili.

“HA? Bakit? May nangyari ba?”

“Wala! Miss na miss ko na siya.” Sabi ko habang nililigpit ang isang pares ng damit.

May mga damit naman ako kina Auntie Precy kaya okay na ito.

“Mag aabsent ka?” Nanliit ang mga mata niya at tinitigan akong mabuti, “Umiyak ka ba kagabi?”

“Hindi.” Nag iwas ako ng tingin.

“Nag-away ba kayo? Nag talo ba kayo? Bakit anong nangyari?” Tanong ni Maggie.

Nandoon na rin si James sa likuran niya at nakikinig sa usapan.

“Hindi nga. Nagkabati na nga kami kaya pupunta ako dun.”

“Mag isa ka lang? Sinabi mo ba sa kanya?” Tanong ni Maggie.

“Hindi. Kasi… lowbat ako. Isusurprise ko na lang siya.”

Tumango siya, “O sige. Mag ingat ka. Umuwi ka agad. Diba may ramp ka bukas? Paano kung di mo abutan?”

“Actually, wala na talaga akong pakealam kung anong mangyari basta sa ngayon gusto kong pumunta ng Alegria para makita siya.”

“Okay. Sige, mag ingat ka. Tsaka… iinform mo si Karl pag di ka makakasama bukas, ah? Unprofessional pag di mo sinabi.”

“Oo.”

Umalis na agad ako. Hindi na ako makapaghintay na mapadpad sa Alegria. Alam kong nakakaumay na naman ang matagal na byahe. Lalong lalo na ngayong mag bu-bus ako, mag isa, at sabik kay Jacob.

Hindi ako natulog sa 9 hours straight na byahe. Maraming gumulo sa isipan mo at kay Jacob umiikot lahat ng gumugulo.

Nang sa wakas ay nakatapak na ako sa lupa ng Alegria, lumakas at bumilis ulit ang pintig ng puso ko. Falling in love again, huh? The place and the person… Napangisi ako habang pumapara ng tricycle.

“Manong, kina Auntie Precy Aranjuez.” Sabi ko.

Tumango si mamang driver. Kilala kasi si Auntie dito sa Alegria kaya hindi ko na kailangang sabihin ang buong address.

Ngiting-ngiti ako nang nakita ko ang bakuran ng Bahay ni Lola. Wala si Auntie kasi may klase ngayon at baka nasa Mababang Paaralan ng Alegria pa siya para magturo. Ang bobo ko talaga! Sa sobrang excitement ko, nakakalimutan ko na ang mga maliliit na bagay.

Pumara ulit ako ng tricycle. Hindi ko alam kung saan ako pupunta… Sa bahay nina Jacob? Nandoon kaya siya? Sa Kampo Juan? O baka naman sa trucking?

“ROSIE?”

Nabigla ako sa nakita kong kumakaway sakin.

“April!” Kinawayan ko rin siya.

“Nandito ka? Alam ba ni Jacob na nandito ka?” Tanong niya.

Mag isa lang siya at mukhang may pinamili.

“Hindi eh. Pupuntahan ko sana. Alam mo ba kung nasan siya ngayon?” Tanong ko.

“Uhmmm. Malamang nasa trucking.” Yumuko siya para tignan ang pinamili niya, “Malapit lang ang bahay namin dun. Gusto mo sabay na tayo? Padrop ka na lang sa trucking kay manong?”

Tumango ako at ngumisi. “O sige!”

“Manong, sa trucking ng mga Buenaventura. Tapos sa amin.” Sabi ni April.

“Sa Rosie Buenaventura?” Ngumisi ang driver sakin.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Oo nga pala… Syempre, sikat na iyon dito. May malaking ROSIE BUENAVENTURA kayang nakalagay sa malaking gate.

“Pinamili ko yung baby ko ng gatas tsaka pagkain. Hehe.” Sabi ni April.

Tumango ako, “Sorry wala akong dala. Di bale, sa susunod-“

“Naku! Wa’g ka ng mag-abala. Lagi naman akong binibigyan ni Jacob tsaka Jasmine. Binibisita nila ako sa bahay.”

WHAAAT? Okay. Parang mejo natinag yung magandang vibes ko sa sinabi ni April. Natahimik ako.

“Uhmm. Rosie, okay lang ba talaga sayong mag kasama si Jasmine at Jacob?” Tanong niya.

“Huh? B-Bakit?”

“Uhmm… Wala lang naman. Uhmm. Kasi kung ako nasa lagay mo, hindi ko siguro makakaya.” Ngumiti siya. “Ang taas ng tingin ko sayo dahil diyan.”

Ngumiti din ako, “Syempre, di maiiwasan yung mga selos, diba? Pero iba si Jacob… Nagagawa niyang pawiin ang selos ko. Tsaka hindi naman siya mag chi-cheat. Kilala ko siya. Mahal na mahal niya ako.”

Napalunok si April, “Alam ko.”

Nagkatinginan kami.

“O, andito na pala tayo.” Sabay turo niya sa malaking gate na may Rosie Buenaventura.

“Wow! O sige… Salamat, April! Manong, salamat! Eto po bayad ko tsaka ni April. Keep the change.” Sabi ko sabay labas ng tricycle.

“Naku! Salamat, Rosie!” Sabi ni April.

“Salamat din! Ingat ka!”

“Ikaw din! Good luck!” Kumaway siya at umalis na ang tricycle.

Hinarap ko ang malaking gate at huminga ng malalim.

Kinawayan ko ang nagbabantay na security guards pero nakasimangot sila sakin.

“Sino ka? I.D?”

SHET!

“Rosie Aranjuez.” Sabi ko sabay abot ng I.D. ko.

Tinitigang mabuti ng guard ang mukha ko sa I.D at mukha ko sa harap niya.

“Okay, pasok.” Aniya.

“Uhmm.. Salamat.” Kinuha ko ang I.D. “Nasan po si Jacob?” Tanong ko.

“Nandoon sa office.” Sabay turo niya sa office.

Agad akong pumunta sa sinabi ni manong guard. Busy ang buong trucking. Maraming trucks. Hinanap ko pa talaga yung truck na pinagdausan nung milagro namin ni Jacob noon. Uminit ang pisngi ko nang nakita ko yun. Ang weird sa pakiramdam.

Dumiretso na lang ako sa office.

Kakatok sana ako pero hindi sarado ang pintuan. Bahagyang nakabukas ang pintuan kaya sumilip ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita si Jacob at Jasmine na nagyayakapan. Naramdaman kong unti-unting gumuho ang mundo ko. Gumuho ang puso ko. Sumakit, kumirot at nahulog ang puso ko sa nakita ko.

No. This is impossible.

“Jacob…” Hinarap ni Jasmine si Jacob.

Nakangiti pero umiiyak si Jasmine na katingin kay Jacob. Napaawang ang bibig ni Jacob at diretso ang tingin niya sa mga mata ni Jasmine. He looked so stunned. WHAT THE FVCK IS HAPPENING?

“Salamat talaga… Salamat. Maraming salamat.”

Napatalon ako nang nilagay ni Jasmine ang kamay niya sa leeg ni Jacob at walang pasubaling hinalikan ang labi ni Jacob. Malagkit at mejo matagal. Hindi naman french kiss pero nandiri ako sa sobrang tagal.

“Thank you, Jacob. I love you…”

Nakita ko ang windang na ekspresyon ng mukha ni Jacob.

“Pero-“

“Shhh!” Pinutol siya ni Jasmine.

Nanginig ang paa ko. Gusto ko silang sugurin pero nanghina ako. Gusto kog awayin si Jasmine at sumabatan si Jacob pero nanghina ang mga paa ko. Hinintay ko na magalit si Jacob dahil sa sinabi ni Jasmine pero hindi niya ginawa. Tumunganga lang siya dun. Tumunganga silang dalawa. Pareho silang nag isip sa susunod na gagawin nila.

Pero bakit, Jacob? BAKIT? ‘Pero may girlfriend na ako?’ Ibig sabihin pag wala kang girlfriend, okay lang? KAYO NA?

BAKIT TUMUNGANGA LANG SIYA? KUNG HINDI NIYA GUSTO SI JASMINE, SABIHIN NIYA NG HARAP-HARAPAN!

“I love you, Jacob.” Inulit ni Jasmine.

Napapikit ako. Bakit wala kang masabi, Jacob? Bakit hindi ka nagagalit? Bakit wala kang maireact?

Tumakbo na lang ako. Ayoko na. Kung ako ang mahal ni Jacob, babalik siya sakin. Pero kung mahal niya talaga ako, dapat nung sinabi pa lang ni Jasmine na mahal niya si Jacob, agad niya na akong binanggit. Hindi eh. HINDI! Nag isip pa siya ng mabuti! Ni hindi niya ako binanggit kay Jasmine!

“Miss… Nasa loob ba yung girlfriend ni Sir Jacob?” Tanong ng isang driver sakin.

“OO! Nasa loob!” Sigaw ko at inirapan silang lahat sa gitna ng pag iyak ko.

TANGINA! Bakit walang nakapagsabi sakin na girlfriend niya na pala si Jasmine? Dapat di yan ROSIE BUENAVENTURA! DAPAT JASMINE BUENAVENTURA! Patakbuhin niyong dalawa yang trucking niyo! Mga lintek! Mga walang hiya! Aalis na ako dito. Aalis na ako kay Jacob! Iiwan ko na siya! Umasa akong wala talaga pero imposibleng wala gayung naghalikan sila at nagkaaminan pa. Alam kong di umamin si Jacob pero silence means yes, bullsh1t! MAGSAMA SILANG DALAWA!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]