Baka Sakali 2 – Kabanata 29

Kabanata 29

Naniniwala naman ako

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko kay April.

Alam kong mejo mean ang pagkakatanong ko pero hindi ko talaga inaasahang mapapadpad siya dito sa bahay namin.

“Jusmiyo ka, Rosie! San ka galing? Asan si Jacob? Nag-away ba kayo?” Salubong ni Auntie Precy sakin.

Umiling ako. Papasok ako ng bahay at di parin matanggal sa sistema ko ang tanong kung bakit nandito si April. Ano ang pinag uusapan nila ni Auntie Precy?

“Hindi… I mean… oo. Pero okay na kami.”

Nagkatinginan sina Auntie Precy at April. Pareho silang bumuntong-hininga at napaupo sa sofa. Para bang nawalan sila ng lakas pareho.

“Bakit?” Tanong ko.

Tumingala si April sakin.

Umupo narin ako sa sofa para marinig ang sasabihin nila.

“Kasi naman… nalaman ko na nagalit si Jacob kay Jasmine. Tapos nakita ko yung sasakyan niya kanina, dumaan, naisip ko, nandito siya sa Alegria pagkatapos ng isang linggong pagkawala dahil sa away nila ni Jasmine pati sa mga kapatid niya.”

“Oo. Nag-away sila. Nag-away din kami ni Jacob. Naabutan ko silang naghahalikan sa opisina ng trucking.”

Parehong nanlaki ang mga mata ni Auntie Precy at April.

Umiiling na si April bago ko pa nadugtungan ang sasabihin ko.

“Inaway ko si Jacob pero sinabi niya saking di niya magagawa yun. Na si Jasmine yung nag initiate.”

“Rosie, maniwala ka sa kanya.” Napalunok si April.

Nabigla ako sa opinyon ni April.

“Alam ko. Nandito ako the whole time na wala ka. Alam ko ang mga ginagawa ni Jacob, bukambibig ka niya.”

Natahimik ako.

Huminga si April ng malalim bago nagsalita muli.

“Rosie… Kilala ko si Jacob. Simula bata pa kami, alam na alam ko na ang pag uugali niya.”

Tumango ako kay April.

“Kukuha lang ako ng pagkain, ah. Di pa yata nakakapaghapunan itong si Rosie… Saglit lang.” Sabi ni Auntie at nagmadaling pumunta sa kusina.

Nakinig ako sa sinasabi ni April. Hindi ko alam kung totoo ba yung mga makukuha ko sa sinasabi niya o kasinungalingan na naman. It’s just so hard to trust her again. Siya ang puno’t dulo ng video na iyon noon.

“Alam kong marami akong nagawang masama sa inyong dalawa. Dahil desperate akong makuha ang atensyon ni Jacob… dahil nakabaling na ang buong atensyon niya pagtungtong mo pa lang dito sa Alegria.”

Tumango ulit ako.

“Pero tanggap kong ikaw ang mahal niya at mahal mo rin siya.” Napatingin si April sa mga kamay niya. “At nakikita mo naman sigurong walang pag-asa diba?” Ngumisi siya sakin pero ramdam ko ang kalungkutan niya.

Binalot kami ng matinding katahimikan. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong sabihin sa kanyang pampalubag-loob. Wala. Wala akong maisip. Wala akong masabi.

“Okay, ito ang punto ko… Kilala ko si Jacob. Mabait siya. Mabait na mabait. At siya yung mahilig maging hero ng lahat. Tuwing inaaway ako noon, lagi niya akong pinagtatanggol. May ibang inaaway din bukod sakin, pinagtatanggol din niya. Pero ako yung paborito niya dahil ako yung madalas na inaaway noon. Pero nung dumating ka, hindi ko maintindihan, hindi ka naman kinawawa, pero nasayo ang atensyon niya.”

Natahimik ulit siya. Para bang iniisip niyang mabuti kung ano ang sasabihin niya.

“Ngayon, isang araw, narinig kong nag uusap si Jacob at Jasmine.”

Kinabog agad ang dibdib ko sa sinabi ni April. BAKIT? ANO ANG PINAG USAPAN NILA?

“Nabanggit ni Jasmine kay Jacob na iniwan siya ng ex niya at pinagpalit siya sa iba. Umiyak si Jasmine noon.”

Hinintay kong may sasabihin pa si April na ikakasakit ng damdamin ko.

“Syempre, gaya ng sinabi ko, mahilig si Jacob sa pagiging hero. Yung tipong icocomfort ka pag may problema ka. Yun ang kahinaan niya. Hindi niya kayang makita ang ibang tao na nahihirapan. Kung may magagawa siya, gagawin niya. Pero ito ang first time kong makita siyang dumidistansya sa mga may problema. Hindi niya kayang magpaka hero sa lahat dahil gusto niya, sayo lang siya magiging hero… Parang ganun.”

Kinilabutan ako sa sinabi ni April.

“Bakit? Ano bang nangyari?”

Dumating si Auntie Precy dala ang mga pagkain. Nakatoon parin ang pansin ko kay April.

“Nung time na umiyak si Jasmine, sumandal siya kay Jacob. Hindi siya pinigilan ni Jacob pero hindi niya rin naman siya niyakap o ano.”

Tumango ulit ako at naghintay pa ng karagdagang impormasyon.

“Isang araw, tinanong ko siya kung anong meron at bakit imbes na kayo ang laging magkasama ay si Jasmine ang kasama niya. Sinagot niya ako na para lang ito sa trabaho. Syempre, ayaw kong may kasama siyang iba bukod sayo kaya tinutulak ko si Jasmine palayo sa kanya tuwing may pagkakataon ako. Pero pinagsabihan ako ni Jacob na wa’g akong maging harsh sa kanya kasi may pinagdadaanan siya.”

So… he cared after all. Hindi ko masisisi si Jacob kasi mabait talaga siya.

“Kung ano man yung ipinakita ni Jacob na kabaitan kay Jasmine, dahil lang yun sa pagiging maawain niya.”

Napalunok ako. Bumalik ulit sakin lahat ng alaala nung magkalayo kami ni Jacob.

Tumatango si Auntie Precy sa sinabi ni April, “Mabait kasi si Jacob. Yun ang punto. Sigurado akong nagkakaclose lang sila ni Jasmine kasi hinahayaan niya na lang. Kakagaling lang sa break up ni Jasmine-“

“Pero nag confess siya kay Jacob… Sinabi niyang mahal niya si Jacob at hinalikan sa labi.”

“Yun ang point ko, Rosie.” Singit ni April. “Kakagaling lang ni Jasmine sa break up, kaya nabigla si Jacob nang sinabi ni Jasmine yung feelings niya para kay Jacob. Nagdalawang isip pa siya kung harsh niya bang tatanggihan si Jasmine o dahan-dahan niyang tatanggihan ito. Basta ang alam ko, sa aarw na nagkita tayo dito sa Alegria, agad umalis si Jacob pabalik ng Manila. Ni hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa pagdalaw mo. Saka ko narinig na nag away si Jasmine at Jacob.”

“Bakit?” Tanong ko kahit obvious na.

“Ang sabi ng mga nagtatrabaho sa trucking, narinig daw nilang sinigawan ni Jacob si Jasmine na ‘SI ROSIE LANG ANG PWEDENG HUMALIK SAKIN'” Humagalpak sa tawa si Auntie Precy.

Napangisi din si April.

Ngumuso ako at tinignan ulit silang dalawa. Mangiyak-ngiyak na si Auntie sa kakatawa.

“Lokong Jacob! Ewan ko ba! Talagang baliw siya sayo, Rosie.” Sabi ni Auntie.

“Di ko naabutan yung pagsigaw niya. Umalis na ako. Nadisappoint ako sa pagtagal nung halik.”

“Yun din ang iniisip kong iniisip mo kaya ako nandito para ipaliwanag sayo ito.” Sabi ni April ng nakangiti.

Hindi ko na naman siguro kailangan ng paliwanag. Bago pa ako nakarating dito at narinig yung paliwanag nila… napatawad ko na si Jacob. Salamat na rin at narinig ko ang side ni April, nawala na ng tuluyan ang bigat ng nararamdaman ko para samin ni Jacob.

“Uhm… Thanks, April.” Huminga ako ng malalim.

“Okay lang. Pambawi sa lahat ng nagawa ko. Kung hindi rin naman sakin si Jacob, dapat sayo lang siya.” Ngumisi siya.

Ngumisi din ako.

Weird. I know that was weird pero bakit nakangisi din ako?

“Ehem! Uy, girls! Kumain na nga kayo…”

Tumawa si April at kumuha na ng plato para makakain.

Sa sobrang saya ko sa sinabi ni April, baka gawin kong scholar yung anak niya in the future!

“So, okay na kayo ni Jacob, Rosie?” Tanong ni Auntie Precy.

“Oo naman.” Sabi ko.

“Weh? Hindi ako naniniwala! Kung totoong okay kayo, ba’t andito ka?” Tumaas ang kilay niya.

“Akala ko ba ayaw mo nang nasa bahay nila ako?” Tumaas din ang kilay ko.

“Hindi… Kasi inisip ko… na kung magkaayos kayo, sa bahay ka nila uuwi. Pero dito ka umuwi kaya inisip kong baka tuluyan na kayong nag… alam mo na…”

Umiling ako at tinignan ang cellphone kong may limang missed calls galing kay Jacob, “I don’t think that’ll happen.” Ngumisi ako at umalis na muna para sagutin ang tawag niya.

Tumunog ang cellphone ko nang nasa kwarto na ako.

“Hello?” Maarte kong sinagot.

“R-Rosie… Ba’t ngayon ka lang sumagot?”

Kinurot ang puso ko sa boses niya. Damn! Mahal na mahal ko talaga siya. Kahit simple lang yung tanong niya para na akong magha-hyperventilate sa sobrang saya.

“Kumakain pa kasi ako.” Sabi ko.

“S-Sorry. Naistorbo ba kita sa pagkain mo? Ibababa ko na?” Tanong niya.

“Tapos na rin naman akong kumain kaya okay na.” Sabi ko.

“Ganun ba? Uhm… Ako di pa ako kumakain.” Parinig niya sakin.

“Oh, ibababa ko muna para makakain ka, ah?”

“HA? Wa’g WA’G!” Aniya.

Nakangisi na ako pero tiniyak kong hindi niya iyon mahahalata, “Oh? Bakit? Para makakain ka na.”

“Kakainin na ako, basta wa’g mo lang ibaba. Uh… na mi-miss ko na talaga kasi yung boses mo…”

Natahimik ako sa sinabi niya. KInagat ko na lang ang labi ko para maiwasan ang pagngisi masyado. Humiga ako sa kama habang niyayakap ang unan. Wala akong naririnig kundi ang paghinga niya.

“Kailan ang balik natin sa Maynila?” Tanong ko.

“Kung kailan mo gusto.” Aniya.

“Bukas na agad. Marami pa akong kailangang tapusin sa Maynila. Tapos, ikaw, dito ka na lang mag field study ulit.” Sabi ko.

“HA? Bakit?” Dismayadong tanong niya.

“Wala ka namang ginagawa dun sa Manila. Wala na rin naman si Jasmine kaya okay na ako.” Sabi ko.

“Pero wala ka…”

Tumindig ang balahibo sa leeg ko. Simple lang naman yung sinabi niya pero ibang klase ang epekto sa akin.

“Isang buwan lang naman yun.” Sabi ko.

Gusto ko siyang makasama araw-araw… Pagkatapos ng lahat ng nangyari, I’ve learned my lesson. Pero since nasimulan niya na ito, gusto ko rin sanang tapusin niya na lang ito.

“Ihahatid kita sa Manila bukas.” Aniya. “At pag iisipan nating mabuti lahat ng desisyon natin.”

Napangiti ako sa sinabi niya.

“Oo. Dapat siguro wala ng mga lihim. Dapat kung ano ang ginawa mo sa araw na iyon, sasabihin mo lahat. Pati yung mga tingin mo ay di importante. At lalo na pag may ibang taong involve para maiwasan na yung pagdududa.”

“Oo. Tulad ng bakit kaya puti ang sinoot mo sa Status Party na iyon? Hindi man lang it’s complicated? Talagang single agad? Rosie, wa’g namang agad nag co-conclude. Wa’g naman sana akong iwan agad nang di pa ako nakakapagpaliwanag.”

Ewan ko kung bakit natatawa ako nang naisip ko yung Status Party.

“Hindi ko naman alam na may rule pala sa party na iyon. Nagkataon lang na puti yung soot ko.” Sabi ko.

“Ganun ba?” May halong sarcasm akong narinig sa boses niya.

“Oo. No secrets, right. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. BAKIT? TINGIN MO NAGSISINUNGALING AKO?” Tinarayan ko na.

“H-Hindi no! Sabi ko nga eh! N-Naniniwala naman ako, ah?”

Hay Jacob! Ang cute mo talaga. Sarap mong yakapin magdamag. SHEEEEEEEEEET! Miss na miss ko na tuloy siyang mayakap mag damag.

Humigpit lalo ang yakap ko sa unan ko.

“Maaga tayo bukas, ah? Gusto ko ng bumalik ng Manila.” Sabi ko.

At makasama ka… I love you, Jacob. And I miss you so much.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!

Discover more from Jonaxx Stories

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading