Baka Sakali 2 – Kabanata 23

Kabanata 23

Ang Sakit

Nakatulog ako sa bus dahil sa kakaiyak. Nanatiling naka-off ang cellphone ko hanggang sa nakarating na ako sa Manila. Wala akong planong tignan kung nagtext o tumawag ba si Jacob. Hindi rin ako sigurado kung may magbabanggit ba sa kanyang nanggaling ako doon. Tanging mga empleyado at si April lang ang nakakaalam na nanggaling ako doon.

Ginabi ako sa bus at madaling araw akong nakabalik ng Maynila. Sabado na at may ramp na ako mamayang 3PM pero kailangan nasa backstage na ako by 12. Uuwi muna ako para maligo at magpaliot ng damit. Buong byahe, wala akong kinain. Isang araw yata akong walang kinakain. Hindi naman ako ginugutom sa nangyari.

Namumugto din ang mga mata ko. Ayokong magtagal sa bahay at baka dalawin lang ako ng hinagpis doon. At pag nagdesisyon si Jacob na umuwi sa weekend na ito, baka magpunta siya sa bahay dahil wala ako sa kanila. Ayoko muna siyang makita. Gusto kong magpalamig. Kasi pag magkita kami agad, baka kung ano pang masasakit na salita ang masabi ko sa kanya. Alam kong kailangan naming mag usap pero wa’g ngayong naiisip ko pa yung halikan nila ni Jasmine.

“Rosie?” Kinatok ako ni Maggie sa banyo.

Madaling araw akong dumating kaya hindi niya namalayan. Ngayon lang siya nagising na nasa banyo na ako.

“Kasama mo ba si Jacob?” Dinig ko ang ngisi niya sa tanong niya.

“HINDI!” Sigaw ko.

“A-Ah? Nasan siya?”

“Nasa Alegria!” Sabi ko at nilakasan ang shower.

Hindi na ulit nagtanong pa si Maggie. Nang natapos akong maligo, nagbihis na agad ako at nag impake na naman ng damit para mamayang gabi. Sasama din ako sa party nila mamayang gabi.

“Rosie,” Sambit ni Maggie habang inaayos ko yung bag at sinusuklay ang buhok.

Magpagupit kaya ako? Madaling-araw parin ngayon at pag aalis ako dito ng ganitong oras, wala akong mapupuntahan.

“Saan ka pupunta? Okay ka lang ba? Anong nangyari sa pagpunta mo ng Alegria?”

Umirap ako, “Obviously ang nangyari ay bumalik agad ako dito.”

“Bakit nga? Nag-away ba kayo?”

Hindi ako nagsalita.

“Mag, magpapaspa lang ako para sa ramp mamaya. Saan ba maganda? Massage, spa, salon at kung ano pa… Saan maganda?”

Napakunot ang noo ni Maggie sa tanong ko, “Sa ganitong oras magpapa spa ka?”

“Oo. Saan?”

“Try mo na lang sa Vanity Works. May problema ba?”

“Salamat.”

Binalewala ko ang tanong ni Maggie. Atat na akong umalis dito. Baka mamayang 6AM ay dumating na si Jacob sa bahay nila. Pag nakita niyang wala ako doon, susugod yun dito. YUN AY KUNG MAHAL NIYA PA AKO! Kung hindi, baka hindi na yun mag aabalang hanapin pa ako. O baka nga hindi na yun mag-aabalang umuwi pa dito.

Hindi ko sinunod ang payo ni Maggie na sa Vanity Works magpa-spa. Kung sakaling umuwi nga si Jacob dito, magtatanong yun kay Maggie kung nasan ako at alam niyo naman yung kapatid kong iyon, paniguradong sasabihin niya kay Jacob ang buong detalye.

Pumasok ako sa mas mahal na spa. Doon ako nagpalipas ng oras. Nagpa-massage, nagpatreatment, nagpatrim ng buhok, at kung anu-ano pa. Naiisip ko parin yung nangyari sa Alegria. Iniisip ko parin si Jacob. Umaasa parin akong may explanation siya pero hindi ko alam kung paano niya ieexplain sakin.

“Rosie, hindi agad ako nakagalaw kasi kaibigan ko siya, ayaw ko siyang saktan.”

That’s just bullsh1t! Kung kaibigan ko ang hahalik sakin, okay lang ba? Pero naisip ko ring nahalikan na ako ni Callix sa harap ni Jacob noon. Nasaktan siya pero tinanggap niya parin ako. Nahalikan na rin si Jacob ng ibang babae noon, hindi ko nga lang nakita pero nasaktan parin ako. Tinanggap ko parin kasi mahal ko siya. Ngayon, tatanggapin ko na naman ba? Hindi. May kaibahan sa sitwasyon noon at ngayon. Dahil ngayon, kami na, ngayon, alam na ng lahat na kaming dalawa lang dapat ang para sa isa’t-isa.

Naiinis ako kay Jasmine. Alam niyang kami na ni Jacob. Kung mahal niya nga si Jacob at may respeto siya samin, dapat hindi niya na lang sinabi at ginawa iyon. Alam kong aabot talaga sa point na gusto mong malaman ng taong mahal mo ang nararamdaman mo para sa kanila pero dapat siyang lumugar.

At itong si Jacob naman… ewan ko. Ano kayang pumasok sa kokote niya? Naiinlove na ba siya kay Jasmine kaya di siya nakapagreact. Alam kong mabait siya pag naging close niya na ang babae pero dapat simula pa lang sinabi niya na agad yung nararamdaman niya. Yakap pa lang ni Jasmine, iniwasan niya na. Pero hindi… humantong pa sila sa halikan at aminan.

Tangina!

“Rosie?”

Napatalon ako habang nagbabayad sa cashier. Mag aalas-onse na nang natapos lahat ng ginawa ko sa spa. Kailangan ko na lang kumain saka ako aalis papuntang mall para makapagmake-up para sa ramp.

Naaninaw ko ang nakangising mukha ni Brandon. Naka itim siyang shorts at itim na t-shirt.

“Malayo ka pa lang nagustuhan na agad kita. Kaya ito at nagpapaka stalker ako. Sabi ko sa sarili ko, ‘finally, may ibang babaeng nakaagaw ng atensyon ko bukod kay Rosie.’ Tapos ngayon, eto? Ikaw parin pala!? You’re just too pretty.” Nihead-to-foot ako ni Brandon.

Napangisi ang cashier at yung ibang nagbabayad sa sinabi ni Brandon.

“Tumigil ka nga. Wa’g kang mag eskandalo dito.” Sabi ko sabay kuha ng sukli ko.

Linagpasan ko siya para makalabas na ng spa pero hayun at sinundan parin ako nang nakangiti. Masyado talagang eskandaloso itong si Brandon.

“Balik ka ulit Mr. Rockwell.” Sabi ng mga taga spa sa kanya.

“Sure thing.” Kumindat siya sa kanila at bumaling ulit sakin.

“Ba’t ka andito?” Tanong ko.

“Nasa taas ako. Nag ji-gym. Ikaw?” Tumawa siya.

“Nagpapa-spa.”

“Whoa! Kaya pala blooming na blooming ka. Nagpaayos ka rin ba ng buhok mo?”

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

Ok. Nangungulila ako kay Jacob at ayaw kong may maging panakip-butas. Pero hindi ko maideny na nakakapagpalubag ng loob si Brandon. Pinupuri niya ako sa mga panahong pakiramdam ko ako ang pinakapangit na babae sa mundo. Kung talagang pinagpalit nga ako ni Jacob, ibig sabihin, mas nagustuhan niya si Jasmine sakin. She’s better, prettier, more interesting at kung anu-ano pa.

Nginitian ko si Brandon. Nanlaki ang mga mata niya sa ngiti ko.

“Finally, you responded!” Ramdam ko ang kasiyahan niya sa ngiti ko.

“Brandon, sige na, maiwan na kita. Kakain lang ako. Kita na lang tayo sa backstage mamaya.”

“NO! Kakain tayo ng sabay. Ililibre kita.”

“Brandon-“

“Please, Rosie… Ngayon lang naman ‘to. Pero kung gusto mong ulitin, I won’t mind. Pagbigyan mo lang ako ngayon.”

“Brandon…” Umiling ako.

Hindi tama ito. Baka anong sabihin ni Jacob.

Teka… Bakit ko ba yun iniisip? Ni minsan ba tinanong ni Jacob sa sarili niya kung anong iisipin ko sa kanila ni Jasmine. Alam ko na kahit sasama ako ngayon kay Brandon, si Jacob parin ang mahal ko. That’s not cheating. Yung cheating ay yung pagmamahal mo ng iba. Magkasama man kami ni Jacob, pero kung ang iisipin niya ay si Jasmine sa buong pagsasama namin, nag chi-cheat parin siya.

Hindi naman palaging nakikita yung pag chi-cheat. Minsan, sumasama ka sa iba pero hindi ka nag chi-cheat kasi alam mo kung sino ang tunay na mahal mo. Sana nga lang ganun ang ginagawa ni Jacob sakin. Sana nga kahit na magkasama sila ni Jasmine, ako yung iniisip niya.

BULLSH1T! Sinong binibiro mo, Rosie? Nahuli mo na ngang naghahalikan, nagkukunwari ka pa diyan.

Nagbara ang lalamunan ko. Nilunok ko na lang ang nagbabantang luha at sinagot si Brandon.

“Sige, libre mo ah.” Sabi ko.

Nalaglag ang mga panga niya sa sinabi ko. Tumalon pa talaga siya sa sobrang saya.

“Saan tayo?” Tanong niya nang nakangisi.

“Dito na lang sa malapit. Ginugutom na talaga kasi ako.”

Tumango siya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa isang restaurant malapit dito sa spa.

Tahimik ako pero mejo maingay at madaldal siya.

“Akala ko talaga hindi ka sasama. Grabe! Sobrang saya ko! Hindi b-ba magagalit yung boyfriend mo s apagsama mo sakin? Tsaka… sasama ka ba mamaya?”

Tinignan ko ang mga pagkaing nilalapag ng waiter. Light lang yung inorder ko kahit na hindi ako kumain kahapon. Wala parin kasi talaga akong gana pero hindi na ako bata para hayaan ang sarili kong magutom. Kailangan kong kumain lalo na’t may ramp akong gagawin.

“Sasama ako mamaya.” Simple kong sinabi.

Natahimik siya. Kumakain na kami pero nakatitig parin siya sakin.

“May problema ba kayo ng boyfriend mo?”

Umiling ako nang di siya tinitignan.

“Is he cheating on you?”

Padabog kong binitiwan ang kutsara at uminom ng tubig.

“Hindi, Brandon. Let’s just eat.” Sabi ko.

Humalukipkip siya at bumuntong-hininga.

“Hindi ko maintindihan kung bakit binalewala lang ng iba ang pinapangarap ko.” Umiling siya. “Kung sana ako yung boyfriend mo, pipikutin kita agad at ipapangako ko sayong magiging loyal ako. Hinding hindi ako titingin sa iba. Wala ka dapat ipangamba.”

“Brandon, wa’g na nating pag usapan ‘to.”

Tumango siya at ngumuso, “Okay. I respect your privacy pero wa’g mong isiping wala akong pakealam sa problema mo. Concerned ako kaya di ko maiiwasang di magtanong.”

Hindi na ulit ako nakipagtalo hanggang sa natapos na kaming kumain.

“Sabay na tayo sa backstage.” Aniya habang naglalakad kami papunta sa sasakyan namin.

Gusto ko sanang tumanggi at magcommute na lang papuntang mall kasi malapit lang naman iyon dito. Kaya lang pakiramdam ko useless na. Wala na akong lakas para tumanggi at makipagtalo pa sa kanya.

Binuksan niya ang pintuan at pumasok ako sa loob ng walang pag-aalinlangan.

“Pwede bang mahingi ang number mo?” Tanong niya habang nagdi-drive.

Sinulyapan ko siya at inisip na nakapatay ang cellphone ko. Sa ngayon, kung may feelings parin si Jacob sakin, nag-aalala na yun. Isang araw na kaming di nakakapag-usap.

“Uhmm.. Lowbat ako. Tsaka… Baka magchange number ako.” Napalunok ako sa sinabi ko.

“Lowbat ka? Hindi ka ba marunong mag charge? O may iniiwasan kang tao?” Nanliit ang mga mata niya.

Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa kalsada. Nagpapark na siya sa carpark ng mall. Bumuntong-hininga ako nang tumigil sa pag andar ang sasakyan niya.

Hindi narin siya umimik pero nakamasid parin ang mga mata niya sa bawat kilos ko. I admire him for respecting my privacy. Hindi niya pinipilit kung ayaw ko. Tahimik kaming dumating sa backstage. Narealize ng lahat ang pangyayari – na magkasama kaming dumating. Inintriga agad kami at binato ng maraming tanong.

“Wala… Nagkita lang kami sa gym kaya nagkasabay kami dito.” Sagot niya sa lahat ng nagtatanong.

“WEEEH? Nagkita? Sa dami ng gym dito, magkikita pa talaga kayo?”

Tumawa siya sa mga banat nila, “Kasalanan ko bang we’re meant to be?”

Nagtawanan sila.

Binalewala ko na lang. Pati yung mga nagtatanong sakin. Sinasagot ko lang sila ng sagot ni Brandon. As usual, hindi sila naniniwala. Gusto nilang mag isip na may mas malalim na dahilan pa. Na nag co-communicate kaming dalawa at nagkakadevelopan na. Mga ilusyunada. Wala ako sa mood para makipagtalo sa kanila. Wala akong iniisip kundi si Jacob. Minake-upan na ako ng make-up artist at pinuri na ako ng iba sa pagiging blooming ko.

Inaayos ko ang damit ko at naghintay ng go signal ni Kira nang biglang dumating si Brandon soot-soot ang damit niyang half-open ang mga butones.

“You’re such a big loss… Kung iwan mo ang boyfriend mo, kawalan ka para sa kanya…”

Napalunok ako, “Kawalan siya para sakin.”

Kumunot ang noo niya, “Hindi… Siya ang mawawalan, Rosie. Don’t you get it? Minsanan lang ang babaeng loyal ngayon. Yung all in one package: maganda, loyal, loving, maalaga sa katawan at mataray.” Tumawa siya.

Tumaas ang isang kilay ko habang tinitignan siya.

“Sorry, yun kasi yung ideal girl ko. At minsan lang ang tulad mo kaya hindi ko maiwasang manghinayang. Well, it’s an advantage for me kung iwan mo siya.” Ngumisi siya.

“Hindi ako ang mang-iiwan dito. Wala sakin ang desisyon, Brandon. Nasa kanya.” Nabasag ang boses ko sa huling sinabi ko.

“Oh, sh1t! Yung make up!” Sabi ko sabay paypay sa sarili ko.

Ayokong hawakan ang mga mata ko. Baka masira ko ang make up ko.

Lumapit si Brandon sakin para punasan ang luha ko.

“Ako na…” Aniya at marahang pinunasan ang mga luha ko.

Mas lalo lang nanikip ang dibdib ko sa ginawa niya.

“Don’t comfort me… Mas lalo akong naiiyak.” Sabi ko sabay atras.

Napalunok siya at tinignan ako na parang kahit anong oras ay pwedeng mabasag. Ilang sandali ang nakalipas, nang napakalma ko na ang sarili ko, biglang sumulpot si Karl sa backstage.

Busy ang lahat sa pag mi-make up. Mabilis kasi akong natapos kaya nandito lang ako at nakatayo malapit sa pintuan kasama si Brandon. Tulala ako, samantalang nakatitig siya sakin.

“Okay!!! Sige na, ready! In 5… 4… 3… 2… 1… PASOK!” Sigaw ni Kira.

Nagsimula na ang ramp. Sinilip ko ang stage at nakitang maraming tao. Hindi ko alam kung bakit sinuyod ko ang stage para tignan kung nandoon ba si Jacob. Nabigo ako nang nakitang wala siya. Inisa-isa ko ang bawat ulong nakatitig sa stage, talagang wala siya.

DAMN! Bakit ba ako umaasa? Nahahabag na naman ako habang iniisip kong umaasa ako sa wala.

Pumasok na sina Jamie at sina Angela.

Tatlong minuto na lang at kami na ang papasok. Tinignan ko ulit ang madla, sinuyod ulit at nagbakasakaling nakarating na siya… WALA PARIN.

Hindi ko naman alam kung masisiyahan ba ako kung nanonood siya. Sa galit ko sa kanya, pakiramdam ko ipagtatabuyan ko parin siya pag nandito siya. Lalo na pag makikita ko ang labi niyang hinalikan ni Jasmine. Ang pagtunganga niya sa harapan ng umaasang si Jasmine. Tangina!

“Brandon!”

Napatalon ako sa sigaw ni Kira.

“Y-Yepp! here I come!” Sabi ni Brandon at lumabas na sa stage.

Ako na ang susunod kay Brandon. Nag exercise ako sa pagngiti dahil masyadong stressed ang mukha ko sa kakasimangot. Inayos ko ang buhok ko at inisip na kung makita ko si Jacob paglabas ko ngayon, hindi ko siya kakausapin. Tangina siya! In love na in love ako sa kanya pero ganun ganun lang ang gagawin niya. I’ll be the best girl he’ll never have. You’ll regret this, Jacob.

“Rosie!”

“Yes, Kira!”

Mabilis akong pumasok. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ako kinabahan sa stage. Nakangisi ako at nakataas ang isang kilay habang naglalakad sa stage. Narinig kong sumipol ang ibang nanonood. Nginitian ko ang bawat sumigaw at sumipol sa paglabas ko. Pabalik na si Brandon nang nakarating ako sa harapan. Kinindatan niya ako at kinindatan ko rin siya.

Nag pose ako… 1… 2… Then…

May biglang tumalon galing sa audience papuntang stage. Mas matangkad siya sakin. Sa sobrang bigla ko, halos mahulog ako sa stage pero hinawakan niya ang braso ko. Tumingala ako para makita si Jacob na seryoso ang mukha.

“Kailangan nating mag-usap.” Aniya.

Nabunutan ako ng tinik pero malakas ang pintig ng puso ko sa sobrang kaba sa nangyari.

“Not now, Jacob!”

Narinig kong may humiyaw sa mga audience. NAG EESKANDALO NA NAMAN SIYA SA HARAP NG MADLA!

Kailangan naming mag-usap? Pinroseso ng utak ko ang pambungad na sinabi niya. Mag uusap kami? Ito na ba yung pag uusapan namin yung feelings niya para kay Jasmine? Kung talagang ako yung pipiliin niya, susugurin niya ako dito pero hindi niya ipagpipilitan ang pag uusap naming dalawa kasi kailangan niya lang namang ireassure ako!

Dumapo ang kaliwang kamay ko sa pisngi niya. Sa sobrang lakas ng pagkakasampal ko sa kanya, napaatras siya sa ginawa ko.

“ROSIE!” Sigaw niya.

Pero bago niya pa ako masumbatan ay tinulak na siya ni Brandon.

“Nag eeskandalo ka na, ‘tol. Back off.”

Nakita kong kumuyom ang panga ni Jacob sa inis. Bakit… Bakit sa bumibigay ako sa ekspresyon niya ngayon? Bakit lumakas at bumilis ang pintig ng puso ko ngayong nakikita ko siyang galit at nahihirapan habang tinitignan si Brandon.

“Let’s go, Rosie!” Sigaw ni Brandon at hinila ako.

Tinignan ko si Jacob. Tumingin din siya sakin.

“Rosie!” Sigaw nina Jamie at nina Kira sa loob ng stage.

Napatingin ako sa labi niyang hinalikan ni Jasmine. Naisip ko lahat ng pagtitimpi ko noong nakaraang linggo. Naisip ko yung sagot niya kay Jasmine. Naisip ko yung magtahimik at pagtunganga niya pagkatapos ng halikan nila ni Jasmine. Naisip ko ang pagyayakapan nila. Naisip ko ang linya niyang gusto niya akong makausap. At para saan? Malamang para sa nalalapit naming break up.

“Goodbye, Jacob.” Sabi ko at tinalikuran siya.

Tumakbo ako papuntang backstage habang umiiyak. ANG SAKIT. Gusto ko na lang kalimutan ang lahat pero alam kong hindi ganun ka dali. At tingin ko, hindi ko talaga magagawang kalimutan pa. I love Jacob so much.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: