Baka Sakali 2 – Kabanata 24

Kabanata 24

Handa akong magparaya

Naiiyak ako buong oras na kasama ko sina Jamie. Tahimik sila at hindi nila ako masyadong binabagabag. Tapos na akong nag apologize kay Ms. Bubbles. Tinanggap niya pero pinagsabihan akong dapat kinausap ko si Jacob. Baka sakali dawng di niya yun ginawa kung nagkausap lang kami ng maayos.

Sa ngayon, nag-aalab pa ang galit ko. Ayaw ko muna siyang makausap. Baka mamura ko lang siya sa inis ko. Alam ko, nagpaalam na ako sa kanya. At sana… sana lumayo muna siya… Dahil sa ngayon, para akong bomba na sasabog na lang kahit anong minuto.

“Rosie, sama ka?” Tanong ni Angela nang nakangiti saakin.

Siya lang yata ang nagkalakas loob na tanungin ako. Nakikita ko si Brandon, nakaupo lang siya sa isang gilid at wala ring pinapansin. Pareho kaming dalawa. Hindi ko nga lang alam bakit ganyan ang reaksyon niya.

“Oo naman.” Pinilit kong ngumiti pero awkward na ngiti lang ang nagawa ko.

“O, guys, game daw siya!” Nakangiting tawag ni Angela sa kanila.

Nginitian ko sila isa-isa pero di rin nagtagal ay napalitan parin ang ngiti ko ng simangot. Damn!

May dalawang oras pa bago kami pupunta sa bar. Saka na daw kami pumunta pag nasa gitna na ng party kasi mas masaya. Tapos na rin kaming naghapunan dito. Kanina pa kami nakaupo dito sa Candy’s at nagpapatay ng oras.

“Shots na lang muna tayo habang naghihintay?” Sabi ni Dennis, yung isang model sa finale (kanina ko pa nalaman kung ano ang pangalan niya).

Sumang-ayon naman silang lahat at umorder ng mga beer at hard drinks.

Hindi naman talaga ako heavy-drinker kasi hindi ako nasasarapan sa lasa ng liquor. Kaya lang, dahil sa pait at hapdi ng naranasan ko this past few days ay parang naging tubig lang ang lasa ng lahat.

“Hinay-hinay lang, Rosie.” Sabi ni Brandon habang iniinom yung beer niya.

Hindi siya nakisali sa inuman ng hard drinks. Pero pinagmamasdan niya akong mabuti habang umiinom ako ng bawat shot.

Napapikit ako sa sobrang tapang ng iniinom ko. Patay, dapat hinay-hinay lang ang pag-inom. Hindi pa naman ako sanay baka malasing ako ng wala sa oras… wala pa naman si Jac-. UGH! Ayan na naman. Eto na naman ako. Hindi ko na naman kayang isipin man lang ang pangalan niya.

Nilagok ko ang isa pang shot. Hindi ko na alam kung pang-ilan na ‘to. Naiisip ko parin kasi yung pagyayakapan ni Jac- at Jasmine. Yung niyayakap siya ni Jasmine at unti-unting pag tapik niya sa balikat niya. Yung paghaharap nila nang umiiyak si Jasmine. Hindi ko mawari kung ano ang nararamdaman at iniisip ni Jac- sa mga puntong iyon. Ang alam ko lang, si Jasmine ang tanging nasa loob ng utak niya nun at posibleng maging pati sa puso. Tapos yung nakakapanlumong halik naman ang nakikita habang nakapikit ako ngayon.

Nanlaki ang mata ni Jacob habang hinahalikan siya ni Jasmine. Nakatunganga lang siya. Hindi niya itinulak o pinagalitan man lang sa paghalik. Tumunganga lang siya dun at nabigla habang ginagawa iyon ni Jasmine.

Bakit? Kasi maganda si Jasmine, mas magaling sakin sa halos lahat ng bagay kaya pagbibigyan niya. DAMN! DAMN! Tangina! I knoooow… Hindi mabuti itong mga iniisip ko. Pero hindi ko alam kung matatanggap ko ba ang kahit anong dahilan ni Jac- sa nangyari. Nagtimpi ako. Pinilit ko ang sarili kong wa’g mag isip ng masama kahit na punong-puno na ako ng pagdududa at bigla ko na lag silang nakitang ganun ang ginagawa. Mabuti na lang at di ako nagpakita, baka hindi ko masaksihan ang kataksilang ginawa ni Jac- kung agad akong nagpakita. Baka hindi ko naabutan yung halik!

Nilagok ko ulit ang isang baso.

“TARA NA GUYS!”

What? It’s been two hours? Talaga? Hindi ko namalayan ang panahon ah?

“Okay ba tong soot ko?” Tanong ni Jamie habang inaayos ang puting dress niya.

“Oo naman, magkakulay pa tayo.” Sabi ko habang iniinda ang sakit ng ulo ko.

Umiikot na yung mundo ko pero patuloy ako sa paglalakad.

Tumawa si Jamie, “Oo nga! Tignan mo si Angela, nakawhite din!” Tumawa ulit siya.

“Oo, pero itong si Riza at Kian kung makapaglampungan alam na alam ng red eh.” Hindi ko masyadong na gets yung sinabi ng kaibigan ni Jamie.

Ah, siguro dahil sa alak ito. Binalewala ko na lang ang lahat at inayos ang pagalalakad ko.

Sumakay kami sa sasakyan ni Brandon. As usual, ako na naman ang pinag front seat nila. Wala rin naman akong pakealam kasi hindi naman ako masyadong kinakausap ni Brandon. Mukha pa nga siyang galit. Padabog pa siya kung makapagmaneho at tuwing tinitignan ko siya ay naiirita lang siya.

“Anong problema mo?” Tanong ko.

“Wala.” Aniya pero diretso ang tingin niya sa kalsada.

Nagtatawanan naman sina Jamie sa likuran habang pinag-uusapan yung mga naka-red sa kabilang sasakyan. Nandun sina Kian at Riza na wagas daw kung makapaglampungan.

“We’re heeeere!” Sigaw ni Angela nang nakarating na kami.

Ngayon ko lang narealize na nakaputi pala kaming lahat dito sa sasakyan ni Brandon. Nakaputi din si Brandon. Hindi ko inaasahang ganito ang magiging soot namin. Usually kasi pag night out, black yung mabenta. Kaya nagputi ako sa ngayon dahil nababanas ako sa kakablack tuwing night out.

Bumaba kami sa sasakyan ni Brandon. Nagtatawanan parin sina Angela at Jamie. Natapilok pa ako sa isang gutter.

“ROSIE! Mag ingat ka naman!” Sigaw ni Brandon.

Binigyan ko siya ng masamang tingin. Umiling siya nang nakita ang titig ko. Umirap ako at ngumisi ulit kina Angela at Jamie. Parehong may amats na ang dalawang ito.

“Let’s go guys!” Sigaw ni Angela.

Sumunod ako. Sumunod din si Brandon sakin at ang iba pa naming mga kasama.

Tinatakan kami ng bouncer ng isang tatak na may nakalagay ‘Status Party’. Pumasok kami sa loob. Tama sila, masaya ngang dumating pagkalagitnaan na ng party. Maingay na at marami nang nagsasayawan.

Bumuntong-hininga ako. Gusto ko ng personal space. Pagkapasok namin ay agad nang nawala sina Jamie at Angela sa sayawan. Ako naman ay patuloy na tinatahak ang masikip at mataong daanan. Gusto kong humanap ng gilid na pwedeng pagtambayan ng di iniistorbo.

Nawindang ako nang may nakita akong isang malaking tarp na may nakalagay na “STATUS PARTY 3”

STATUS PARTY 3

WEAR YOUR STATUS:

WHITE means you’re single

RED means you’re in a relationship

BLACK means it’s complicated

BLUE means you’re married

Pink means you’re in an open relationship.

Nalaglag ang panga ko at tinignan ulit ang soot kong puting dress. SHET! Lumingon ako sa likuran at nakita kong nakasimangot na sumusunod si Brandon sakin, pareho kaming puti ang soot.

YOU GOT THE WRONG IDEA! Of course, winindang ko si Jac- sa ‘Goodbye’ ko pero damn, hindi pa ako single!

Gusto kong iexcuse ang sarili ko pero alam kong di ako maririnig ni Brandon unless bulungin ko sa kanya dahil masyadong maingay kaya lumiko na lang ako at umalis.

PERO LINSYAK NA BUHAY! Nakita kong natigilan si JACOB BUENAVENTURA at nakahalf-open ang bibig niya habang pabalik-balik ang tingin niya kay Brandon at sakin. Nakita kong naka kulay blue siyang t-shirt. ALAM NIYA ANG IBIG SABIHIN NG MGA KULAY NG DAMIT NAMIN KAYA NAPATINGIN NA RIN SIYA SA DAMIT NA SINUSOOT KO.

Kinagat ko ang labi ko at lumiko ulit. Imbes na lumiko ako ay nabangga ako sa isang waiter. Mabuti na lang at sinalo ako ni Brandon kung hindi ay humandusay na ako sa sahig. Umiikot na nga ang mundo ko, mababangga pa ako. Sh1t!

“Ayos ka lang ba, Rosie?” Bulong ni Brandon habang tinatayo ako.

Tumango ako at pinagsamantalahan ang pagkakataong sabihin sa kanya ito, “Excuse me.”

Tumango siya at binitiwan ako.

Umalis ako at pumunta sa gitna ng dancefloor.

May humila sa kamay ko. Akala ko si Brandon yun pero nang hinarap ko na ay nakita ko ang nakakuyom na panga ni Jacob. I know this expression, galit na galit siya.

“ANO BA!?” Sigaw ko para marinig niya.

Biglang nag-iba ang tunog ng trance music sa buong bar. Parang nagsisimula ng bagong kanta. Halo ng kantang Titanium at isa pang magandang beat. Mas lalo ring bumilis ang takbo at sayaw ng lights sa buong bar at napasigaw ang mga sumasayaw sa sobrang excitement. Parang nasa peak na ng party.

Nawala ako sa titig ni Jacob. Kitang-kita ko ang buong mukha niya sa gitna ng mabilis at pa-iba-ibang kulay ng lights sa dancefloor.

Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko at binulong, “Single ka na?”

Napalunok ako. Tumindig ang balahibo ko nang narinig ko ang boses niya.

“Married ka? Kanino?” Bulong ko sa tainga niya.

“Kanino sa tingin mo?” Bulong niya pabalik.

Naramdaman ko ang kamay niyang gumapang sa likuran ko hanggang sa likuran ng leeg ko.

“Ewan ko, basta ang alam ko, hindi sakin.” Umiling ako at naramdaman kong nag alab ang galit na nararamdaman ko.

Hinawi ko ang kamay niya. Nakita kong nalaglag ang panga niya sa ginawa ko.

Nakita kong kumuyom ulit ang panga niya sa sinabi ko.

“Bakit, Rosie? Are you in love with someone else?”

Sinapak ko siya at tinulak palayo sakin.

Gusto kong sumigaw. Gusto ko siyang sigawan pero ayaw kong mag eskandalo sa harap ng mga tao.

AKO PA NGAYON ANG INLOVE SA IBA!? TANGINA IKAW ITONG NAKIPAGHALIKAN SA IBA!

“Jacob, layuan mo na si Rosie!” Sigaw ni Brandon.

Walang pasubaling sinuntok ni Jacob nang dalawang beses si Brandon. Sumigaw ang mga tao. Kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Jacob. Napahawak si Brandon sa labi niya habang humandusay siya sa sahig ng nakatingala kay Jacob.

Dinaluhan ko agad si Brandon.

“Tangina! Tagal ko ng gustong gawin sayo yan! Subukan mong sumawsaw ulit samin, hindi lang iyan ang aabutin mo-“

“TUMIGIL KA NGA, JACOB!” Sigaw ko.

Bumaling si Jacob sakin. Mabilis ang paghinga niya habang galit akong tinignan.

Nanliit ang mga mata niya at naglahad ng kamay sakin.

“Rosie, umuwi na tayo.”

Nanginig ang buong sistema ko. Bumalik sa dati ang reaksyon ng mga tao. Para bang walang suntukang nangyari… Patuloy silang sumasayaw. Unti-unting tumayo si Brandon.

“Kung gusto niyang sumama sayo, kanina pa dapat siya sumama-“

Umambang susuntukin ulit siya ni Jacob pero pinigilan ko.

“Jacob! Tama na sabi!” Sigaw ko.

Tumigil siya sa kalagitnaan ng suntok niya.

“Lika na, Rosie.” Marahang sinabi ni Jacob habang hinihintay akong magsalita.

“Rosie, wa’g ka ng magpaloko sa kanya. Tama na yung isang beses-“

Pumikit si Jacob at kumuyom ulit ang panga niya.

Ginulo niya ang buhok niya. Pagdilat ng mga mata niya ay diretso ang titig niya sakin.

“Tara na, Rosie. Umuwi na tayo. Alam mong di ako aalis dito kung hindi kita kasama… Kaya… umuwi na tayo.”

Naglahad siya ng kamay. Kinurot ang puso ko. Para bang nawala ang lahat ng galit ko habang tinitignan ang mga mata niya. Nahihirapan siya. Siguro… Siguro… Hindi ko alam kung bakit siya nahihirapan. Maaring nahihirapan siya dahil mahal niya ako at nagseselos siya ngayon kay Brandon, pero maari ding nahihirapan siya dahil may mahal na siyang iba… At sa oras na yun, narealize ko na kahit ano… kahit anong dahilan pa ng paghihirap niya, tatanggapin ko ng buong-buo.

Mahal na mahal ko siya na kahit hilingin niya sakin ngayong pakawalan ko siya ay papayag ako. Kahit na pagsisihan niya pang nainlove siya sa iba at magsosorry siya sakin, patatawarin ko siya agad at pakakawalan para maging masaya lang ulit siya. Handa akong magparaya. Hindi ako magtatanim ng galit. Pero hindi ko maipapangakong hindi ako masasaktan. Hindi ko maipapangakong magiging masaya ako. Hindi ko maipapangakong mananatili akong kaibigan niya. Wala na akong maipapangako sa kanya.

Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya pero hindi na niya hinintay na mailagay ko ang palad ko. Agad niya na itong kinuha at hinila na ako palabas ng bar.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: