Baka Sakali 1 – Kabanata 56

Kabanata 56

Platonic

Dalawang linggong wala si Jacob. Hindi kami nag uusap nina Callix, Belle at Ava. Ang tanging ginagawa lang ni Ava ay tignan ako gamit ang naawang ekspresyon. Si Belle naman, pinagkakalat sa lahat ang nagawa ko. Si Callix, balik sa dati, tawa nang tawa sa mga kaibigan niya pero tuwing nagtatagpo ang mga mata namin, agad siyang sumisimangot.

“Rosie, daan ako mamaya sa bahay niyo ah? Naiwan ko pala yung t-shirt ko kahapon.”

“Whatever, Karl. Akin na lang yun.” Sabi ko sa tanging kaibigang natira.

“Kaw talaga, this past few days ang sungit-sungit mo… Hmmm. Jacob’s absence?” Ngumisi siya.

“Wa’g mo nga akong artehan.” Inirapan ko na. “Sige, kunin mo maya.” Sabi ko habang nagtititigan kami ni Belle.

Hindi parin siya natatapos sa pagkakalat ng pagiging gold digger ko at ang pag tuhog ko sa magpinsan.

“Lika na!” Sabay hila sakin ni Karl nang narealize niyang nag tititigan na ulit kami ni Belle.

“Sasabunutan ko talaga yang bruhang yan! Bwiset!” Sabi ko.

“Chill ka nga! Ang init ng ulo mo! Hayaan mo na lang yan! Huhupa din yang mga issue mo, soon. Mabuti pa wag mo ng dagdagan.”

“Uwi na ako! Baka mapatay ko pa ang walang hiyang yun.” Sabi ko.

Actually, baka mapatay ko ang halos lahat ng schoolmates ko. Marami kasi talagang nag tsitsismisan tungkol sakin. Hindi dahil sikat ako kundi dahil kay Jacob. Sa maiksing panahon ni Jacob dito sa school, marami siyang naging kaibigan. Halos lahat ng nakakakilala sa kanya, alam kung anong nangyari saming tatlo ni Callix.

“Okay! Pasok muna ako… See ya later!” Sabay kindat ng bakla sakin.

Naglalakad ako ng walang ulo dito sa school. Pag napapalapit ako sa isang crowd, agad silang tatahimik at titingin sakin. Imbes na mahiya ako, tinititigan ko rin sila pabalik.

“Huy, Rosie? Asan na si Jacob? Tsss!” Sabi nung isang kaklase ko sa Biology 10.

“Ewan ko. Mukha ba akong girlfriend niya?”

“Hindi! Ambisyosa ka!” Sigaw niya pabalik, umirap pa!

“Yun naman pala ba’t ka nag tatanong diyan!?” Umirap din ako habang naglalakad papuntang gate.

Pagkarating ko ng bahay, wala pa si Maggie. Nandoon pa sa school. Tumawag si mama at papa at nangumusta samin ni Maggie. Wala masyado akong nasabi. Hindi nila alam na dito na nag-aaral si Jacob sa Maynila. Ayokong malaman nila, lalo na ni mama dahil ipagkakanulo na naman ako nun.

Biglang may nagbukas ng pintuan habang binababa ko ang telepono.

“Oh my sht!” Napasigaw ako.

“Bakit di naka lock ang pinto? Ikaw lang mag isa diba? Ba’t di naka lock ang pinto? Paano kung may pumasok na masamang tao…?” Sigaw ni Jacob sabay turo sa doorknob.

“God! Jacob! Muntik na akong magkaheart attack!” Sabay hingang malalim. “Anong ginagawa mo dito?”

“Ano? Binibisita ka!” Sabay pakita ng naka cast niyang kamay at turo naman ng naka iilang bandaid niya sa mukha.

Wala na yung pamamaga ng mga sugat niya sa mukha. Malamang! Dalawang linggo na kaya ang nakalipas. Mahaba-habang panahon na. Hindi naman ganun ka grabe yung mga pasa para mag stay. Actually, mukhang magaling na siya. Balik sa kaperpektuhan ang walang galos niyang mukha.

“Binibisita? Sabi ko distansya, diba? Pumayad ka! Ano ‘to ngayon? ‘Rosie, sige, bibigyan kita ng panahon…’ Asan na yun?” Sabi ko.

“Ayun na yung panahon! Dalawang linggo! Panahon na yun!” Sabay lapit niya sakin.

Di siya makatingin sa mga mata ko. Namula ang pisngi niya. Umiling na lang ako at nag face-palm.

“Jacob, ibig kong sabihin, hanggang sa maging okay na ang lahat… Maging maayos.” Sabi ko.

“A…aray.” Sabay hawak niya sa kamay na nakacast.

“B-Bakit? Anong nangyari?” Lumapit ako sa kanya para tignang mabuti ang cast.

“Ang sakit, Rosie.” Sabay turo niya sa kamay niya.

“Bakit? Alin? Sabi naman eh sana nagpahinga ka muna! Umupo ka nga!” Sabay lahad ko sa sofa sa harapan namin.

Umupo naman siya.

“Sakit sakit ng mga galos ko. Aray…” Ngayon yung galos sa mukha naman ang iniinda niya.

“Talaga?” Inexamin kong mabuti ang mukha niya. “Wala na namang pamamaga ah? Ba’t masakit?” Tumaas ang kilay ko.

Namula ulit ang pisngi niya, “D-Di ka ba nag alala sakin? D-Di mo ako binisita sa ospital ah?”

“Hay nako! Jacob, magpagaling ka na lang.”

“Nagpapagaling naman ako ah? Kaya nga nandito ako kasi nagpapagaling na ako.” Ngumisi siya.

“At saan na nga kasi yung time na hinihingi ko? Tss! Pwede ba! Kilala kita!” Umiling ako sabay upo sa sofa.

Winala niya ang usapan. Tinuro niya ang doorknob at ibinalik ang issue doon.

“Yung doorknob, inilolock lalo na pag ikaw lang mag isa. Paano kung may kapit bahay kang rapist edi kanina ka pa na rape!”

“Opo! I lolock na kasi… next time.”

“Rosie naman! Seryosohin mo nga yan… Dapat talaga nilolock yan! Paano kung may magnanakaw? Manghold up dito? Paano kung may kumidnap sayo?”

“Oo na kasi…” Sabi ko habang tinitignan parin siya.

Di parin siya makatingin sakin. Para bang naghahanap siya ng pwedeng mapag usapan.

Nilapitan ko siya para icheck kung totoo ba talagang may ‘galos’ sa mukha niya. Tinanggal ko isa-isa ang bandaid niya at tadaaaaaah! WALA NG GALOS!

“Ikaw talaga! Malaking sinungaling!”

“Aray!” Sabi niya pagkatanggal ko sa huling bandaid. “Bakit?”

“Wala na oh!” Umirap ulit ako.

“Wala na ba?” Sabay tingin sa salamin.

“Jusko naman, Jacob! Umalis ka na nga dito!” Sabi ko.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan para palabasin siya. Pero nang binuksan ko ang pintuan, tumambad ang nakangising si Karl sa labas.

“Uh… nakakaistorbo ba ako?” Tumaas ang kilay niya.

“Hindi, Karl. Sige… Kunin mo na yung t-shirt mo. Aalis na rin naman to si Jacob-“

“TEKA! Anong?!” Tumayo si Jacob at bumilis ang paghinga niya habang nakatitig kay Karl. “Anong kagaguhan ‘to?! Rosie?!” Hindi siya makapagsalita dahil hinihingal siya sa nakikita niya.

Nakapag face-palm ulit ako. Kung maka react wagas!

“Easy, dude…” Sabay pasok ni Karl sa bahay at sa kwarto ko para kunin ang naiwan niyang t-shirt.

Laglag ang panga ni Jacob habang pinagmamasdan si Karl na pumasok sa kwarto ko.

“R-Rosie, diba kwarto mo yun?” Tanong ni Jacob.

“Paano mo nalaman?”

Tinanggal ni Jacob ang cast ng kamay niya at tinapon sa sahig tapos sumugod sa kwarto ko… kay Karl.

“JACOB!” Sigaw ko habang tumatawa.

“Ito ba yung pinalit mo sakin? Kaya ba distansya? Kaya ba nanghihingi ka ng time? Kaya ba wala kang mapili samin ni Callix dahil sa kanya!?” Sigaw niya.

“Jacob, magkaibigan kami ni Karl.” Sabi ko.

Nakatayo lang si Karl doon habang hinahawakan ang naiwan niyang t-shirt.

“Nag movie marathon kami tapos nagpalit siya ng t-shirt kaya ayun, naiwan niya dito yung isa-“

“Rosie… nag momovie marathon tayo noon. Wa’g mo namang mantsahan ang mga alaala nating dalawa!” Suminghap siya.

Nagpipigil ako ng tawa habang tinitignan ang blankong ekspresyon ni Karl.

Gustuhin ko mang magpaliwanag ng maayos kay Jacob, hindi ko magawa. Nagpromise ako kay Karl na walang pagsasabihan sa munting secreto niya. Nawalan na ako ng ilang kaibigan this past few weeks, hindi ko makakayang pati si Karl ay mawala sakin dahil lang dito.

“Karl, umuwi ka na. Ako ng bahala dito.” Sabi ko.

“Okay, dude! Kaibigan lang kami ni Rosie…” Sabay takbo ni Karl sa labas.

Sinarado ko yung pintuan at tinignan ang pabalik-balik na paglalakad ni Jacob.

“Argh! Yun na yun?! Siya na!?”

“Jacob, tumigil ka nga!” Sabay upo ko sa sofa. “Magkaibigan lang kami. Platonic kami ni Karl.”

“Platonic?” Tanong niya.

“Yep, platonic. Yung magkaibigan na kahit kailan walang pwedeng mangyaring romance or something…”

Umupo siya sa tabi ko habang nakikinig sakin.

“Tayo?” Tanong niya sakin ng seryoso.

Nagkatitigan kaming dalawa. Balik perpekto ang features niya. Habang tumatagal, umaaliwalas ang mukha niya at tumatangkad pa siya lalo. Habang tumatagal, gumugwapo siya. Hindi ko masisisi kung bakit ang daming nahuhumaling sa kanya kahit na ayawan niya pa ang mga ito. Hindi siya yung tipong naghahabol ng mga babae, siya yung hinahabol ng mga babae.

“Tayo? Platonic din.” Sabay tingin ko sa bintana.

“We were never platonic, Rosie. Alam mo yun. Simula pa lang.”

“Ewan ko.”

Napatingin ulit ako sa mukha niya. Nagkatinginan ulit kaming dalawa. Alam na alam ko ang mga titig na ito kaya tumingin ako sa sahig para madistract siya.

“Alam mo yun. Kaya nga di ka makatingin ng diretso sa mga mata ko, diba? Kasi alam mo na pagtitignan mo ako, lalakas ang pintig ng puso mo… hindi mo maiintindihan ang mararamdaman mo. Alam ko kasi ganyan din ang nararamdaman ko.”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 1 – Kabanata 55

Kabanata 55

Give Me Time

Halu-halo ang emosyon ko. Umuwi ako sa bahay para makatulog ng maayos pero di ko nagawa. Bumisita si Karl kinaumagahan. Tahimik si Maggie, James at Karl habang pinapanood akong namumugto ang mga mata habang nanonood ng TV.

“Rosie…” Sa wakas binasag ni Maggie ang katahimikan.

Tinignan ko siya. Puyat na puyat ang mga mata ko sa kakaiyak.

Iniisip ko si Jacob. Gusto kong magtext pero naka off ang phone ko. Hindi ko magawa kasi alam kong kagabi puno yun ng hate messages galing sa kung kani-kaninong number. Tingin ko pakana yun ni Belle. Traydor!

“Sigurado ka na ba? Hindi ka man lang ba magpapaalam kay Jacob?” Tanong ni Maggie.

Umiling ako, “Di na. Mas mabuti yung ganito.” Tumulo yung luha ko.

“Rosie, ilang beses na kayong nagkasakitan. Please naman, sa ngayon, ipaliwanag mo sa kanya kung bakit ka lalayu.”

“Maiintindihan niya yun, Mag. Kung okay na siya ngayon, nakakapag isip na siya ng maayos. Pagsasabihan din siya ng ate ni Callix. Sisiraan ako nun panigurado. At mag iiba na naman ang ihip ng hangin. Sigurado akong maniniwala na naman siya. Mag, walang tiwala si Jacob sakin!” Napahikbi ako sa sinabi ko. “Gold digger… yun na naman ang issue.”

“Rosie, di naman siguro ganun si Jacob.” Sabi ni Karl.

“Nagawa niya ito noon, magagawa niya ulit ngayon.” Sabi ko.

“Pinaglaban ka niya. Muntik na siyang mamatay sa mga suntok ni Callix para sayo… imposibleng ganun.” Sabi ni Karl.

“Uh… Maggie, Rosie… may tao sa labas.” Sabi ni James na kanina pa tahimik at nakikinig samin.

Napatingin kaming lahat sa labas. Tama si James! May tao nga! Kinabahan ako! Sa sobrang kaba gusto ko na lang mag tago o tumakbo sa malayo… o di kaya lamunin ng lupa. Naaninaw ko ang Hummer nina Jacob sa labas.

“OH MY GOSH!” Sabi ko.

Pinagkakaguluhan ito ng mga kapitbahay namin dito sa apartment. May biglang kumatok sa pintuan. Binuksan ito ni James…

“Nandito ba si Rosie Aranjuez?” Tanong ni Don Juan Antonio Buenaventura, ang daddy ni Jacob.

Bago pa siya nasagot ni James, nagkatagpo na ang aming mga mata. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita ako.

“P-Pasok po kayo… P-Pasensya na po kayo dito sa apartment namin mejo magulo… wala kasi kaming katulong…” Litanya ni Maggie habang kinukuha yung nakakalat na tuwalya at damit sa sofa namin.

Ngumiti si Don Juan, ngiting nakakapag paalala sakin kay Jacob, “Rosie, pwede ba kitang makausap?” Aniya habang umupo sa sofa. “Okay lang, Maggie… Wa’g ka ng mag abala.” Sabi niya kay Maggie nang nakita niya itong naglilinis parin.

“Opo. Sure.” Sabi ko kahit na kinakabahan.

“Okay lang ba kung sa labas?” Tanong niya.

Napalunok ako, “Opo. Magbibihis lang po ako.” At maliligo.

Umalis na ako agad para maligo at magbihis ng mejo okay na damit. Minadali ko ang lahat kasi kinakabahan ako. Bakit ako gustong makausap ni Don Juan? Okay naman yung disposition niya siguro di niya naman ako huhusgahan, diba? Kasi kung huhusgahan niya ako, sa pintuan pa lang sinigawan niya na ako.

Pumunta kami sa isang malapit na coffee shop. Sa kasamaang palad, ang coffee shop na ito ay tambayan ng iilang estudyante sa school namin. Malapit lang kasi ang apartment sa school kaya di maiiwasang makapunta sa mga lugar na maraming schoolmates. Pero okay lang kasi Sunday naman ngayon at mukhang iilan lang ang nandito.

“Hindi po ako oorder…” Sabi ko.

Tumango siya at nagorder ng sa kanya… at ng para sakin.

Napabuntong-hininga siya bago magsalita…

“Rosie… kamukhang kamukha mo si Precy Aranjuez.” Aniya.

Hindi ako nagsalita. Tinitigan ko lang siya.

“Pero mas maganda ka.” Napabuntong-hininga siya. “Alam ko kung ano ang tunay na nangyari sa inyong dalawa ni Jacob, Rosie.”

Naghintay siyang magsalita ako pero tahimik parin ako…

“Sa Alegria pa lang, alam kong mahal ka niya. I know my son. Mana siya sakin. At ngayon, alam ko rin ang tunay na nangyari kung bakit nandoon siya sa ospital.”

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Naiiyak na nga ako sa kaba. Anong sasabihin niya? Na layuan ko na si Jacob? Oo, lalayuan ko naman talaga si Jacob pero parang ang sakit lang kung yung papa niya na ang magtaboy sakin. Okay lang kung si Callix, o yunga te ni Callix, pero kung si Don Juan?

“Kahit na… pinagtakpan ni Callix ang tunay na nangyari. Sinabi niya sa mommy niya na napaaway si Jacob. Walang imik si Jacob pero alam ko, Rosie. Nung gabing sinabi niya sakin na iniwan ka niya dahil mahal ka ni Callix. Alam ko na agad na mangyayari ang ganito. Kasi… kilala ko ang anak ko. Iniwan ka niya para sa pinsan niyang mahal ka… akala niya madali ka niyang makalimutan pero hindi, diba? Kaya ganun ang nangyari sa kanya.”

“Lalayuan ko na po si Jacob.” Sabi ko. May bukol na nakabara sa lalamunan ko kaya di ako makapagsalita ng maayos. “Mahal ko rin po siya kaya ko siya lalayuan. Ayokong masira siya sa pamilya niya. Ayokong magkasiraan sila ni Callix. Yan lang ang tanging paraan para mahalin siya… sa ngayon…”

Napaiyak na ako sa sinabi ko.

“Rosie, nakita mo naman diba? By now, siguro narealize mo na na walang distansya ang makakapagpalayo kay Jacob sayo. Nakita mo siya, diba? Hindi mo siya mapipigilan. Sinabi ko sa kanya na maaring ganito ang magiging desisyon mo pero di siya pumayag. Anong gagawin mo ngayon, ipagtatabuyan mo siya? Alam mong di yun matitinag sa pagtataboy mo. Rosie, ako ang kasama niya sa Alegria habang wala ka. Inakala kong makakaya niyang wala ka kung makihalubilo siya sa ibang babae pero hindi eh… sayo parin siya, baliktarin mo man ang mundo.”

Napaiyak ako lalo sa sinabi ni Don Juan.

“Mahirap lang po kami. Di po kami mayaman. Tapos sinasaktan ko pa siya. Sinira ko ang buhay niya. Di ako deserving sa ganung klaseng pagmamahal. Maari pong makalimutan niya ako in time. Bata pa po kami… Makakalimutan niya rin ako tulad ng pag limot mo kay Auntie Precy noon para sa mommy ni Jacob.”

Natahimik siya sa sinabi ko.

Ilang sandali pa bago siya nagsalita…

“Rosie, tingin mo ba pagkatapos mo siyang iwan ngayon for good, kaya niya pang magmahal ulit? Nakita mo ba kung gaano siya ka… baliw sayo? Mahal ko si Precy noon pero halos mabaliw ako nang nawala ang mommy ni Jacob… At wa’g na wa’g mong sasabihin kay Jacob na mahirap ka lang kaya hindi kayo pwede… Tinalikuran niya halos lahat ng kaibigan niya sa Alegria dahil sa bagay na yan.”

“Pero yun mismo ang sinabi ng ate ni Callix sakin. Alam ko po… mahirap lang kami… Maaring pinangarap kong yumaman din dahil ayaw ko ng nasa abroad yung mama at papa ko pero di sa ganitong paraan. Di ko sasagutin si Jacob para dun at mas lalong di ako magpapatali sa kanya para lang dun.”

Tumango si Don Juan at ngumiti, para bang may naaalala siya.

“OMYGOD! Roseanne Aranjuez!” Sa pintuan pa lang kilala ko na agad kung sinong sumigaw. Si Grace!

Kasama niya ang kanyang mga alipores. Parang everyday foundation day sa kakapal ng make up.

“Sorry po, tito, mga kaibigan yan ni Jacob. Baka po mag eskandalo yan dito dahil sa nangyari-“

“Anong nangyari? Balita ko nagsuntukan si Callix at Jacob dahil sayo? So ano? Sinong pinili mo?”

Kabanas naman ang mga ito.

“Si Jacob, syempre! Diba? Mas gwapo at mas mayaman!” Sabi ng isa sa alipores niya.

“Wala akong pinili. At di ako pipili.” Sabi ko.

Nagtawanan sila at narealize nilang di ako nag iisa. Nakita ko sa mukha nila ang pagkabigla sa nakita nilang kasama ko. Hindi nila kilala ang daddy ni Jacob kaya malamang pagkakamalan nilang boyfriend ko ang daddy niya.

“Oh my god! Don’t tell me-“

“Grace, ito si Don Juan Antonio Buenaventura. Daddy ni Jacob.” Sabi ko.

Nakita kong nanlaki ang mga mata nila. Seryoso naman ang mukha ni Tito don Juan.

“Mga kaibigan kayo ni Jacob?” Tanong niya kay Grace.

Namutla si Grace at tumango.

“Nandito kami ni Rosie para kumbinsihin siyang pakasalan ang anak ko. Ngayon, kung kaibigan ka ni Jacob, maari mo ba akong tulungang kumbinsihin ang babaeng mahal niya?”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Don Juan. Nagbulung-bulungan si Grace at ang mga alipores niya bago nag walk-out na maasim ang mga mukha.

“Sorry, Rosie.” Tumawa si Don Juan.

“Pero po… mas lalong magkakagalit si Callix at Jacob sa ginawa niyo.” Sabi ko.

Habang tinatapos ko ang salita kong iyon, nanlaki na ulit ang mga mata ko nang nakita ko kung sino ang nasa likuran.

“Wala akong pakealam, Rosie.”

Napatayo si Don Juan nang narinig niya ang anak niya sa likuran. May cast sa kamay ni Jacob at may iilang band aid sa mukha. Namamaga ang kaliwang pisngi nito. Halos maiyak ako nang nakita ko siya. Para sakin? Ganito? Ganito ang mangyayari sa kanya?

“Jacob, tumakas ka ba sa ospital?” Tanong ni Don Juan.

Binalewala siya ni Jacob, “Kung iisipin nilang lahat na pera ang habol mo sakin… ngayon pa lang pinaparating ko na sa kanila na wala akong pakealam. Ibibigay ko sayo lahat ng gusto mo. Gagawin ko ang lahat. Wala silang pakealam kung anong gagawin ko dahil buhay ko to. Ito ang pinipili ko. Ikaw ang pinipili ko.”

Napapikit ako sa sobrang sakit, “Jacob… kailangan kong lumayo sayo. Ayoko ng nagkakaganito. Ayokong nasasaktan ka. Ayokong nagkakasiraan kayo.”

“Lalayu ka? Mas lalo mo akong masasaktan sa gagawin mo-“

“Jacob, just… give me time.” Para din naman sayo ‘to.

Sana magkaayos na kayo ni Callix. Sana maging okay na ang lahat para pwede ng tayo ulit.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 1 – Kabanata 54

Kabanata 54

Sa Tamang Panahon

“Callix!” Nilapitan ko si Callix para pigilan siya sa pagsuntok kay Jacob pero itinulak niya ako.

“Wa’g mong sasaktan si Rosie!” Sigaw ni Jacob.

Sinuntok ulit ni Callix si Jacob.

“Anong karapatan mo sa kanya? Ilang buwan ka palang dito, inaagaw mo siya? Bro!!! Magpinsan tayo! At alam mong pinopormahan ko siya!” Sigaw ni Callix.

Narealize ko na hindi buo yung narinig niya. Yung huling part lang ng pinag-usapan namin ni Jacob ang narinig niya.

Sinuntok niya ulit si Jacob!

“Alam ko, Callix. Ikaw yung nauna pero mahal ko siya at wala ka ng magagawa-” Sinuntok ulit si Jacob.

Hindi siya lumaban. Hindi ko alam kung alin ang mas okay, na malaman ni Callix ang buong katotohanan o ang manatiling ito lang ang nalalaman niya?

“Kapal ng mukha mo! Ako ang nagpakilala sa kanya sayo! Kapal kapal mo! Hayop ka!” Sinuntok ulit siya ni Callix.

“Magkakilala na kami bago mo pa siya ‘pinakilala’ sakin. Minahal ko na siya noon pa, bro! Pinigilan ko lang kasi pinsan kita… pero tama na… kasi di ko kayang ganun. Mahal ko siya at siya ang makakapagdesisyon kung sino sating dalawa-“

Sinuntok na naman siya ni Callix. Napasigaw sina Ava at Belle sa suntok na yun. Nakita kasi nilang ibinuhos ni Callix dun ang buong lakas niya.

Napatakbo ako sa gitna ni Jacob at Callix. Hinihingal si Callix habang nakatihaya si Jacob sa buhangin, puno ng dugo, hindi lumalaban.

“Oh my god! Josh! Edward! Karl! Dalhin natin si Jacob sa ospital!” Sigaw ni Ava sa tatlong lalaking nakatingin.

Tinulungan din sila ng ibang mga tao sa paligid. Pinatayo nila si Jacob at duguan ang mukha nito.

“Jacob,” Nabasag ang boses ko.

Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Tinignan ko si Callix… Ginulo niya ang buhok niya habang hinihingal parin sa nangyayari. Tinignan niya ako at biglang nag walk-out.

PAK

Tumalon ang puso ko sa nangyari. Sinampal ako ni Belle!

“Malandi ka!” Sigaw niya.

“Hindi! Ikaw ang malandi!” Sigaw ko pabalik.

“Ano? Bakit? Nagselos ka siguro nung nilandi ko si Jacob, noh?! At least ako ipinapakita kong malandi ako! Na ganito ako! Pero ikaw? OMYGOD! Akala mo santa, iyon naman pala nasa loob ang kulo! Magpinsan pa ang pinunterya mo!”

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Umiiyak na lang ako ng parang tanga.

“Alam mo, Rosie? Akala ko nun okay ka eh… Ngayon? Naprove kong hindi. Talagang hindi. Magpinsan sila. Inisip mo ba ang mangyayari? Pinaasa mo si Callix!”

“Hindi ko siya pinaasa! Nilinaw ko na magkaibigan lang kaming dalawa!” Sigaw ko.

“Hindi! Kahit na! Nilinaw mo pero yung actions mo parang somewhere in the between friends and lovers! Naguguluhan ka siguro kasi pareho silang gwapo ano? Parehong mayaman? Tapos ngayon, narealize mong mas gwapo at mas mayaman si Jacob kaya ayan at nag dadrama ka para maakit siya-“

Sinampal ko si Belle. Hindi siya natinag. Nakita ko ang galit niyang mga mata na nakatitig parin sakin.

“Galit ka? bakit? Kasi totoo diba? Gold digger!”

“Hindi ako ganung klaseng tao!” Sigaw ko.

“Prove it! Kung di ka ganun… layuan mo silang dalawa! Sinira mo ang mag pinsan kaya utang na loob, Rosie, layuan mo silang dalawa!”

Natahimik ako sa sinabi ni Belle.

“Lika na, Ava! At baka mapatay ko pa tong si Rosie!” Sigaw ni Belle sa bestfriend niya.

Nakita ko ang nakikisimpatyang mga mata ni Ava. Nilapitan niya ako at tinapik ang likod.

“Rosie, alam kong malandi talaga si Belle pero tama siya… Kung mahal mo si… uh, Callix… o di kaya si Jacob… Kailangan mong layuan silang dalawa. Nasira ang relasyon nila dahil sayo. Magpinsan na sila bago ka pa dumating. Close na sila bago ka dumating at di pwedeng dahil andito ka na, masisira silang dalawa. Tingin ko ang mabuting magagawa mo sa ngayon ay ang layuan silang dalawa kasi kung magpupursige ka habang fresh pa ang lahat, may masasaktan. At mas lalong di sila magkakasundo niyan.”

Umiyak pa ako lalo nang nakita ko ulit ang simpatya sa mga mata niya.

“Sorry, Rosie pero tama si Belle.” Tinalikuran niya ako at umalis na.

Nang naiwan ako sa ere, wala akong nagawa kundi umiyak. Umiyak ako kahit maraming taong nakatingin sakin. Fresh pa sa kanilang lahat ang nangyaring suntukan.

Tama silang lahat. Simula’t sapul kasalanan ko ang lahat. Ang selfish ko. Gusto ko si Jacob pero ginagamit ko si Callix para masaktan siya. Kahit na kinaklaro ko kay Callix na friends lang kami, alam ko paring umaasa siya at hinahayaan ko lang. Gusto ko si Jacob pero pinagtatabuyan ko siya dahil nasaktan ako. Pride na lang ang meron ako pero di ko alam na pride din pala yung tatraydor sakin.

At ngayon? Nasan na yung mahal ko? Nasa ospital. Hindi siya lumaban kasi alam kong nagui-guilty siya kahit di niya yun kasalanan. Kahit na ako ang may kasalanan. Sinalo niya ang galit ni Callix kahit na ako naman talaga ang dapat ang nasaktan dun. Ako dapat ang sinuntok ni Callix. Ako ang puno’t-dulo ng pag aaway nila. Ako ang nagtanim at ako ang nag-alaga sa problemang ito kaya dapat ako yung magdusa. Pero hindi… sinalo yun ni Jacob. Inamin niya ang lahat kay Callix kahit di naman talaga dapat… Kasi di ako worth it…

“Rosie…” Napayakap ako sa tanging taong naiwan. Si Karl. “Puntahan natin sila sa ospital.”

Umiling ako, “Wa’g na… Lalayuan ko na si Jacob, Karl. Lalayuan ko na ang mag pinsan. Ayoko na. Tama na.” Sabi ko habang umiiyak sa braso niya.

Tahimik lang talaga siya the whole time na umiiyak ako at masaya ako. Sa lahat ng masasakit na salitang narinig ko sa gabing ito, siguro tama lang na may isang kaibigang marunong makinig lang.

Tama. Ito dapat ang noon ko pa ginawa. Dapat pinutol ko lahat ng di worth it sa buhay ko. Burn bridges… Akala ko noon, mas maraming kaibigan, mas masaya (mainly cuz wala akong kaibigan noon). Akala ko ganun. Pero ngayon, narealize kong mas masaya kung may isang kaibigan na tulad ni Karl, totoo at tanggap ka. Totoo din naman si Belle at Ava pero di nila ako matatanggap dahil di nila alam ang buong istorya. Pinagkaitan ko sila ng katotohanan at di ko na deserve ang friendship nila.

“Karl… bisitahin natin si Jacob. One. Last. Time.” Sabi ko nang sa wakas ay huminahon na sa pag iyak.

Oo. Bibisitahin ko siya. Pagkatapos nito, lalayu na ako sa kanilang dalawa ni Callix.

Tahimik na nagdrive si Karl papuntang ospital. Ako naman, tahimik rin na umiiyak sa loob.

“Kunin ko na lang ang gamit natin sa hotel? uwi na lang tayo?” Tanong ni Karl nang ipinark niya na ang sasakyan sa tapat ng ospital kung nasaan si Jacob.

Tumango ako at pinunasan ang luha ko.

Nang naglakad na ako sa loob ng ospital, mas lalo kong naramdaman ang finality sa desisyon ko… Na talagang bibitiwan ko na si Jacob… Sa ngayon. Kasi di ko kayang tuldukan ng tuluyan. Siguro dahil umaasa akong pagnagkaayos sila ni Callix, pwede na kaming dalawa ulit. Pero pag naiisip ko yung mukha, mata ni Callix, narealize kong hindi yun ganun ka dali. Malabo.

PAK!

Bago pa ako makapasok sa pintuan ng room ni Jacob may sumampal na agad sakin. Namuo agad yung luha ko bago ko pa nakita kung sino.

Suminghap ang sumampal sakin at nakita ko kung sino yun. Siya yung ate ni Callix na ikinasal nung isang araw.

Nalaglag ang panga ko. Nakita kong mangiyak-ngiyak siya.

“Kapal ng mukha mo.” Bulong niya.

Napahawak ako sa masakit na pisngi ko.

“Pasalamat ka’t di sinabi ni Callix sa mommy namin na ganito ang nangyari. Ako lang ang sinabihan niya sa totoong nangyari! Kapal ng mukha mong magpakita dito at bumisita kay Jacob!” Sigaw niya sakin.

Hindi ako makapagsalita. Hindi kami nag usap sa wedding niya… at di ko kailanman inisip na ganito ang una naming pag uusap.

“Dinala ka ng kapatid ko sa wedding ko para ipakilala sa buong pamilya. Seryoso siya sayo! Kung may delikadeza ka lang sana, sana di mo na pinaunlakan yung imbitasyon niya kung si Jacob ang mahal mo. Pero di eh… mas pinili mong mamangka sa dalawang ilog diba?”

Napatingin siya sa pintuan at pabalik ulit sakin.

“Sorry, miss pero di kita matatanggap sa kahit anong paraan. Maging girlfriend ka man ni Jacob o ni Callix, di kita matatanggap. Siguro si Jacob ang pinili mo kasi narealize mong mas mayaman siya diba? Kasi may ari siya ng J.A? Yun ba? Kasi yung daddy niya ang nagpatakbo nun? Yun siguro noh?”

Parang waterfalls ang luha kong tumutulong mag isa sa mga mata ko. Hindi parin ako makapagsalita.

“Layuan mo silang dalawa. Sinira mo silang dalawa. Mahiya ka naman.”

Napalunok ako at nilet go ang lahat. Siguro ganun talaga pag nagmamahal ka ng isang Jacob Buenaventura… Wala kang karapatan… Kasi mayaman siya. Kasi perpekto siya at ako hindi. Hindi mo siya pwedeng mahalin kasi ganun ang magiging tingin ng ibang tao sayo. Pero wala akong pakealam… wala akong pakealam kung anong tingin ng mga tao sakin kasi mahal ko siya. Ngayon, lalayuan ko siya hindi dahil ayaw kong isipin ng mga taong gold digger ako kundi dahil ayaw kong mawasak ng tuluyan ang relasyon niya sa pamilya para sakin.

“Oo. Lalayuan ko sila.” Sabi ko at tinalikuran siya.

Tinalikuran ko na rin ang kwarto kung saan nasa loob si Jacob… Its just not meant to be… Maybe, not now.

Sana ngayon ginawa ko na ang tamang desisyon. Lahat ng naging desisyon ko mula nung nagbalik ako dito sa Maynila, puro nabulag ng galit. Sana ngayon mangibabaw ang pagmamahal ko sa kanya. Ayokong masira ang relasyon niya sa pamilya niya dahil lang sakin. Kailangan kong matutunang mag mahal ng di selfish.

Baka sakaling di ngayon ang tamang oras para sumugal, Jacob. Sana kaya mong maghintay. Sana kaya ko rin.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 1 – Kabanata 53

Kabanata 53

Sagad Sa Buto

Hindi ko sinagot si Jacob. Tumayo ako at hinubad ang upper shirt ko. Nakita kong tumayo rin siya…

“Rosie, ba’t mo hinubad-“

“Maliligo muna ako, Jacob.” Sabi ko at umalis.

Ilang sandali ay sumunod din siya at alam kong lalapit siya sakin. Kitang kita ko ang mga mata ni Callix na nakatoon sa kanya. Basang-basa na ang abs part ni Jacob dahil sa alon. Hindi ako makatingin ng diretso. Pag tinitignan ko kasi siya naaalala ko yung unang halik namin. Yung nasa hot spring kami. Naaalala ko lahat ng alaala namin. Naiinis ako dahil hindi ko mapigilang purihin ang sparkling abs niya. Hindi ko mapigilan ang paglaglag ng panga ko. Hindi ko maiwasang tignan ang paligid at mainis sa mga nakikita kong babaeng nakanganga at tinititigan siya.

Dahil doon, lalong dumami ang mga babaeng lumapit sa kay Jacob. Pinilit siyang kumanta sa stage nung nag dinner kami. Ang ingay ni Belle sa pagchi-cheer kay Jacob at pang-aaway sa mga babaeng lumalapit sa kanya.

“Kala mo naman girlfriend, di pala!” Sigaw nung isang babae na kanina pa lumalapit kay Jacob.

“Eh bakit ikaw? Girlfriend ka ba? Di rin diba?” Sigaw pabalik ni Belle habang umiirap. “Lalaban talaga ako ng patayan para kay Jacob.” Biglang sabi niya habang umiiling samin. “Oh, Rosie, ba’t ganyan mukha mo?” Kumunot ang noo niya.

Umiling ako, “W-Wala.”

Napatingin ako sa nakapikit na si Jacob doon sa taas ng stage. Kahit na di niya kilala ang mga nasa banda, kaya niya paring kumanta na mukhang at-home. Magaling talaga siya. Sa sobrang gwapo at talented niya, di na ako magtataka kung mag sho-showbiz siya. Pero para yatang di ko kaya yun… Hindi ko alam kung bakit. Naririnig ko pa lang si Belle na makikipagpatayan para kay Jacob, hindi ko na masikmura.

“There’s a million reasons for you to go, but if you can find a reason to stay, I’ll do whatever it takes, to turn this around. I know whats at stake. I know that I’ve let you down. But if you give me a chance and give me a break. I’ll keep us together, whatever it takes.”

Iniimagine ko na ako yung pinaparinggan niya. Lumalambot ako. Lalo na’t maganda talaga ang buo niyang boses. Pati ang lyrics ng kanta wala akong maisip kundi kaming dalawa.

“OMG! Parang ako yung kinakantahan niya! OMG! Callix!” Sabi ni Belle.

Nabigla ako nang tinawag ni Belle si Callix. Kanina kasi umalis siya, ngayon lang yata nakabalik. Napatingin ako sa likuran. Nakita kong nakangisi si Callix sakin. Kumunot ang noo ko.

“Bakit, Belle?”

“Pahiram ng, uhm, ano… Yung room. Pwede? Pwede bang exchange muna tayo? Kami muna ni Jacob…” tumili siya. “Ngayong gabi? PLEASE! PLEASE!” Tumili pa siya lalo.

“Belle!” Sigaw ni Ava. “Kadiri ka!”

Nakita kong umiling si Karl sakin. Nagtawanan naman si Josh at Edward.

“Di ko na talaga mapigilan. Gusto ko na talaga siyang… alam mo na.” Tumili ulit siya at tumingin sa mga babaeng tumitili din para kay Jacob. “Humanda ang mga babaeng yan… at si Grace! Makikita nila… haha! Dudurugin ko ang mga pangarap nila.”

Hindi ko na talaga malunok ang pagkain kaya uminom ako ng tubig.

“Sige bah! Ayusin mo ah?” Tumawa si Callix at hinagis niya kay Belle ang susi ng kwarto nila.

Napaubo ako. Nabilaukan sa tubig.

“Rosie? Okay ka lang ba?” Tanong ni Belle.

Umiling ulit ako habang punupunasan ang sarili. “O-okay lang.”

Tumabi si Callix sakin at tinignan pa ako lalo. Kumain siya at nagbalik sa dati ang aura lalo na nang nakabalik ulit si Jacob galing stage. Ang daming pumupunta sa table namin para magpapicture sa kanya.

“Grabe, bro! Sikat mo na agad!” Sabi ni Callix sa pinsan niya.

“Pili ka lang! Kainggit ka!” Singit ni Josh.

“Nakakalaglag panty. Ubos na strap ng mga bra ko dahil sayo.” Sabi ni Belle.

Napabuntong-hininga si Ava sa sinabi ng bestfriend nila. Nag order si Callix ng maraming beer at tequila.

Kinuha ko ang unang shot at ininom. Nakita ko ang pag protesta ni Jacob sa mukha niya pero di siya nagsalita. Ilang oras ang nakalipas ay natamaan na sila. Kanina ko pa tinigilan ang pag inom kasi kinailangan ko ng ulirat sa pagbabantay kay Jacob. Inakbayan ako ni Callix pero di ko na pinansin dahil busy ako sa pakikinig kay Jacob at Belle.

“Bakit ba ang ganda ng katawan mo?” Seductive ang boses ni Belle nang tinanong niya ito.

“Hindi naman-“

“Di talaga… ganda talaga. Kanina? Sa beach? Di ko talaga mapigilan ang sarili ko.” Sabay hawak niya sa dibdib ni Jacob.

Lumayo si Jacob ng bahagya kay Belle.

Busy sa pagku-kwentuhan si Callix, Josh, at Edward. Si Ava at Karl naman nag ku-kwentuhan din kaya di nila yun nakita.

“Jacob, malamig ang gabi. Pero pinag iinit mo ako, lalo na pag lumalayo ka.”

Di na talaga nahiya ang panga ko at nalaglag na talaga siya ng kusa.

Kinuha ni Belle ang kamay ni Jacob ay nilagay sa gitna ng hita niya. Hinaplos niya ito pero binawi agad ni Jacob. Nakita kong namutla si Jacob habang tinitignan si Belle.

“Belle, wa’g. Hindi ako ganun-“

“Imposible.” Sabi ni Belle at nilagay niya ang kamay niya sa gitna ng hita ni Jacob.

Ngumisi si Belle at kinagat ang labi. Hindi na ako naghintay sa reaksyon ni Jacob. Tumayo na talaga ako. Halos tumambling yung table sa pagtayo ko kaya naagaw ko ang pansin nila.

“Excuse me.” Sabi ko at umalis agad papuntang dagat… palayo sa kanila.

“Rosie!” Narinig ko ang tawag ni Jacob sa likuran ko pero di ko pinansin.

Naiiyak ako. Naiinis ako dahil sa lahat ng kagaguhang ginawa niya sakin, mahal ko parin siya. Nasasaktan ako kasi ganito na ngayon. Nasasaktan ako kasi nagbago na ang lahat. Nasasaktan ako kasi di ko na siya ma control… NASASAKTAN AKO KASI MAHAL KO PARIN SIYA.

Naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa braso ko. Hinarap ko siya. Wala akong pakealam kung makita niyang umiiyak na ako.

Alon na lang ang naririnig namin ngayon. May mga tao sa paligid pero sobrang tahimik. Wala silang pakealam saming dalawa at wala rin akong pakealam sa kanila.

“ANO?” Sigaw ko sa mukha ni Jacob. “Wala! Wala akong pake! Makipagkant—- ka kahit kanino! La ako pake!” Sabay punas ng luha ko.

“Rosie, hindi ko magagawa yun.”

“Not in my face! Siguro! Kasi kung wala ako… kaya mo yun!” Sabi ko.

“ROSIE! HINDI! Ikaw lang mula noon ikaw lang!” Sabi niya.

“Ba’t ka nag eexplain? Iniwan mo ako nun! Tinaboy mo ako! Ngayon para kang aso na bubuntot-buntot sakin? Mukha mo Jacob! Bakit? Dahil sa lahat ng nakantot mo ako lang yung iba? Kasi virgin pa ako nun, ganun ba?” Sigaw ko.

Grabe! Ito na siguro ang pamatay kong speech. Supressed feelings na sa wakas ay nasabi ko na.

“OO! VIRGIN PA AKO NUN! TANGINA MO! Pinagtabuyan mo ako para sa wala! Sabi na sayo virgin pa ako diba? Tangina ikaw ang nakauna! At ikaw lang ang may marka sakin! Tangina mo di ka worth it!” Sabi ko habang umaapaw ang luha.

Nakita kong natigilan siya ng bongga. Bullsh1t siya! Akala mo ah! Mag iisang taon mo na akong sinasaktan! Panahon na talaga para magbayad ka! Magsisisi ka! Sa lahat! At di ako magiging sayo kahit na hinahatak ako ng sarili kong puso pabalik sayo! Hindi! Dahil ngayon, utak ko ang lider. Hindi na ako yung babae noon na puso ang pinaiiral. Muntik na akong napahamak nun! Kita niyo? Pinili ko siya noon sa pag-aaral ko pero anong ginawa niya? Pinagtabuyan niya ako!

“Rosie!” Yinugyog niya ang magkabilang balikat ko.

Nakita ko ang galit sa mukha niya.

“Wala akong pakealam! Wala akong pakealam sa nangyari dati ang gusto ko ay yung ngayon… Gusto kong ibalik lahat! Please! Sorry! Please… Huminahon ka.” Mahinahon niyang sinabi.

“HINDI JACOB! It will take mooore than this! Baka nga di enough lahat ngt gawin mo para pabalikin mo ako sayo eh! Alam mo kung bakit? Kasi winalanghiya mo ang pagkatao ko! Di mo ako pinaglaban! Pinalabas sa lahat ng video na yun na gold digger ako. Sirang sira ako! Tapos yun pala ang dahilan mo? Sige! Sabihin nating big thing sayo kung nag sisinungaling ako nun, big thing kung virgin o hindi… Pero iniwan mo ako sa ere!”

“Sh1t, Rosie! Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?! Nandito ako para ipaglaban ka! Dahil hindi kita matanggal sa sistema ko. Ginusto kong kalimutan ka pero hindi ko nagawa. Di ko magawa. Langya, Rosie mahal na mahal kita! Pangalan mo ang nananalaytay sa dugo at kaluluwa ko! Inangkin mo na ang buong pagkatao ko mula noon! Di ko kaya ng wala ka sa buhay ko! Pero di pwede diba? Pinsan ko siya! Nagsinungaling ka! Yun ang akala ko! MALI! MALI NA!”

Nakita ko ang luha sa mga mata niya. Tuwing pumupungay ang mga mata niya, naaalala ko ang Jacob KO. Naaalala ko siya sa Alegria. Inosente at sweet. Simple. Gusto ko siyang yakapin.

“Kung pwede lang mamatay sa pagkakamaling yun namatay na ako! Akala mo ba di ko yun pinagsisihan ng grabe! Nawasak ako! Nasabi ko na ba yun sayo?! Di ko na mahanap ang sarili ko kung wala ka! Nakadepende ang buong pagkatao ko sayo kaya di kita lulubayan! WALA NA AKONG PAKEALAM!”

Nabigla ako nang napahiga si Jacob sa buhangin at sumigaw ang ilang babae sa paligid.

“Walang hiya ka! Anong klase kang pinsan!” Sigaw ni Callix.

Pinatayo niya si Jacob para suntukin ulit.

“Isang tanong isang sagot, Jacob…” Sigaw ni Callix.

Nakita kong dumugo ang labi ni Jacob.

“Callix!” Sigaw ko.

“Tumahimik ka, Rosie!” Sigaw niya sakin. “Mahal mo ba si Rosie?” Tanong niya kay Jacob.

“Sagad sa buto, bro. Pero di ako magsosorry.”

“WALANG HIYA KA! ANG KAPAL NG MUKHA MONG HAYOP KA!!” Sinuntok niya ulit si Jacob.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 1 – Kabanata 52

Kabanata 52

Still In Love

No! Hindi ako sasama. Nahirapan na nga ako sa pagsama sa wedding na yun, meron pang ticket-for-two sa isang resort with Jacob?

Ilang araw na ang nakalipas pero di parin ako tinatantanan ng mga iniisip ko. Every five minutes, nag fa-flashback sakin ang lahat ng nangyari sa kubo. Yung halik niya… Hindi ko matanggal sa isip ko yung labi niya sa labi ko. Yung pagkakahawak niya sa likuran ko, sa baywang ko… yung mga titig niya sakin.

Gulong-gulo na ako. Hindi ko na maorganisa ng maayos ang iniisip ko.

Una, kailangan ko ng layuan si Callix. Hindi ko alam pero may masamang feeling na talaga ako. Pangalawa, kailangan ko ring layuan si Jacob dahil habang tumatagal, lumalambot ako. Masama iyon dahil hanggang ngayon, di ko parin makalimutan yung mga atraso niya sakin. Naiinis parin ako sa ginawa niya noon. Naiinis din ako sa ginagawa niya ngayon. Naiinis ako kasi nagbago na siya. Naiinis ako dahil wala akong hold sa kanya…

Siguro tama si Maggie, dapat ko ng tigilan to. Lalayuan ko sina Callix (ibig sabihin pati sina Ava, Belle, Josh at Edward). Si Karl lang ang ititira ko…

“Rosie!” Tawag ni Callix sakin sa corridor.

Kasama niya si Jacob. Tumingin ako sa paligid at nakikita ko na naman ang mga masasamang tingin ng mga tao sakin. Guilty ako, to the highest level. Yung kasing guilty nung may ginawa kaming masama ni Jacob sa kubo?

“Ano? Sisiputin mo ba si Jacob sa Imperial Bay?” Tumawa si Callix.

Kumunot ang noo ni Jacob habang tinitignan ang pinsan niya.

“Sorry Callix, pero di ako pwede eh.” Sabi ko.

“Oh, ba’t ka sakin nag sosorry? Kay Jacob dapat.”

Napatingin ako kay Jacob na hanggang ngayon ay nakatingin parin sa pinsan niya.

“Sorry, Jacob.” Sabi ko.

“Ba’t ayaw mo? Napanalunan natin yun, Rosie… Sayang naman-” Sabi ni Jacob.

Napalunok ako sa boses niya, “Ayoko!” Sabi ko.

Nakita kong nabigla si Callix sa sinabi ko.

“Bakit, Rosie? Natatakot ka?” Tanong ni Callix.

Nakita kong seryoso ang mukha niya pero humalakhak ito sa huli.

“Natatakot?” Tanong ko. Kinakabahan na.

“Natatakot ka ba na kayo lang dalawa ni Jacob?” Mas lalong naging seryoso ang mukha niya.

Napatingin kaming dalawa ni Jacob sa kanya.

“Callix, b-bakit naman ako m-matatakot?” Patay! Nauutal pa ako.

Umubo ako, baka sakaling mawala yung pagkautal ko.

Tumawa siya. Hindi yun normal na tawa… naiisip ko yung tawang lumabas sa bibig ko nung nainis ako kay Jacob sa CR.

“I mean, sasama kami ng barkada… outing na lang tayo! Naisip ko kasi di pwedeng kayo lang ni Jacob diba? Agree naman sina Belle kaya ayun!” Aniya.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako kay Callix o siguro dapat nga akong kabahan?

“Callix, hindi-“

“Rosie… Sige na naman! Bakit ba ayaw mo? Dahil ba kay Jacob?”

“Callix.” Sabi ni Jacob.

Napalingon si Callix sa pinsan niya.

“Bakit?” Tanong ni Callix. “Rosie… bakit? Anong problema? Wala naman tayong problema noon pero mula nung…” Di niya tinapos.

Nawindang ako sa sinabi niya. Alam ko kung ano ang karugtong noon.

“O sige! Sasama ako. Huli na ‘to ah? Kailangan ko na kasing magseryoso… I mean… sa Psychology.”

“OKAY!” Ngumisi si Callix at niyakap ako. “Ang hirap mong mapa oo! Mula pa noon.” Ngumisi si Callix.

Nakita kong napailing si Jacob sa kawalan. Oo, Jacob! Sana ma gets mong di si Callix ang una ko kundi ikaw… pero napakababaw na rason nun kaya di ko yun iha-highlight. Naiinis lang kasi lalo ako kay Jacob!

“Last na ‘to!” Sabi ko sa sarili ko nang lumabas kami sa van nina Callix (na sinakyan namin papuntang Imperial Bay). Si Jacob ay nakasakay sa Ford Ranger niya, una siyang nakapark sa loob.

“Hayyy! I’m so exciteddd!” Sigaw ni Belle.

“Oo! Bago yung two piece mo!” Sabi ni Ava.

“Di yuuuun! Syempre dahil kay Jacob! Alam mo yun, sa school kasi ang daming magulo at epal sa kanya… Ngayon akin lang siya! Ha-Ha-Ha!”

Siniko ko si Karl. Siya naman yung ‘past-lust’ ni Belle eh.

“Yuck! Wh0re!” Bulong niya sakin habang umiiling. “Sana malaman niyang sayo si Jacob nang di na siya mag assume na may pag-asa pa ang mga babaeng tulad niya-“

Siniko ko na ulit dahil nakita kong dumapo ang tingin ni Callix.

Si Jacob at Callix ang nasa room dapat namin ni Jacob. Kami ni Ava at Belle ay nasa iisang room. Si Edward, Josh at Karl naman ay nasa iisang room. Ang haliparot ay nagdiriwang na siguro ngayon. Tsk!

“TAYOOO NAA! SIGURADONG NAG SW-SWIMMING NA SI JACOB DUN!” Sigaw ni Belle.

“Rosie, tayo na?” Tawag ng naiingayan na si Ava.

“Maya na ako. Una na kayo.”

Umalis sila habang tinitignan ko pa ang sosootin kong two piece. Iniisip ko pa lang kung anong sinusoot ni Jacob ngayon namamanyak na ako. Di maari ‘to! Galit daspat ako! Galit! Napabuntong hininga ako nang naisip kung meron ba siyang soot. WHAAAAAAAAAAAT? Oh god! Ito na siguro yung resulta ng halik niya sa loob ng sasakyan, pati na rin nung pagsoot niya ng garter sakin. Kinikilabutan ako tuwing naaalala ko yun eh.

Nang lumabas ako, nakita kong kakalabas lang din ni Jacob at Callix sa hotel na parehong nagtatawanan. Nakita kong may nilapitan agad si Callix na grupo ng babaeng nakabikini sa labas. Kinausap niya ang mga ito habang nasa likuran si Jacob.

Lumapit pa ako ng konti. Naka sleeveless lang silang dalawa at shorts. Mas matangkad si Jacob kay Callix pero mas maputi si Callix kay Jacob. Pareho ang iilang features ni Callix at Jacob, yung ilong at hugis ng mukha. Mas defined ang muscles ni Jacob kesa kay Callix.

Nakita kong pinakilala ni Callix si Jacob sa mga babaeng kinikilig. Naglahad ang pinaka-sexy sa kanila ng kamay. Napatingin ako sa sariling bikini. Naka shorts pa ako at isang see-through top na kitang-kita ang nasa loob. Napalunok ako.

Biglang dumating si Belle… Sa kanilang lahat, yung salita niya lang ang narinig ko.

“JACOB! LIKA NA! MALIGO NA TAYO!” Sigaw niya at hinila si Jacob palayo sa mga babae.

Tumawa si Callix at umiling sa ginawa ni Belle.

Umirap ang mga babae kay Belle. Umirap din si Belle sa kanila.

Napahinga ako at nagsimulang maglakad sa kanila.

Nakita kong tumakbo sina Belle at Ava papuntang dagat. Binasa ni Belle si Callix at Jacob ng tubig dagat pero nakailag si Jacob kaya si Callix ang napuruhan. Naligo narin si Callix, si Jacob na lang ang natira. Nagpasya akong bumalik sa kwarto dahil ayaw kong mapag isa kasama si Jacob pero…

“ROSIE!” Tawag niya.

Napahinga ulit ako at hinarap siya.

Umihip ang hangin na amoy dagat. Nakita kong naglakbay ang titig niya sa buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit kinikilabutan talaga ako pag siya na ang gumawa nito.

“W-Wala bang… mas… ano…”

“Ano?” Tanong ko habang tinitignan siyang nakatitig sakin.

“Yung mas… may saplot?”

“Wala. Ano bang gusto mo mag longsleeve ako dito, nasa beach tayo?” Sabi ko at tinignan sina Callix sa malayo.

Nandun na rin pala sina Karl, Josh at Edward. Biglang lumapit si Jacob sakin, blocking my eyesight. Bigla niya ding hinawakan ang baywang ko.

Napaatras ako sa ginawa niya.

“Rosie, yung baywang mo oh, nakikita. Yung legs mo, nakikita… Yung…”

“HUH?” Tumawa ako sa reaksyon niya. “Ano ngayon? Yung sa kanila din naman ah?” Sabay turo ko sa ibang nandito na naka two piece.

Ginulo ni Jacob ang buhok niya. Pumula din ang pisngi niya at di na siya makatingin sakin. Inalis niya ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko at umatras ng ilang hakbang sakin.

Pwede ko nang ma-resume yung sight seeing ko kina Callix pero di ko magawa dahil mas curious ako kay Jacob.

“Anong problema mo?” Tanong niya.

Napatingin ako sa mga lalaki sa malayo na nagsa-sightseeing din ng girls. Nakita nila na nakatingin ako kaya mukhang pinagpipiyestahan nila ako sa tingin.

“Kung sana pwede lang kitang halikan, ngayon, dito, kanina ko pa ginawa…” Napabuntong hininga si Jacob habang tumitingin kay Callix.

Bakit di pwede? Gusto ko ring halikan mo ako ngayon, dito… pero masisira kayong dalawa ni Callix. Nauna si Callix sa buhay mo… huli ako. Isang taon mo pa lang akong nakilala. Bakit mo nga ako ipagpapalit sa isang taong kadugo mo at matagal mo ng nakakasama? Ito ang tumambad sa kokote ko habang tinitignan ko siya. It was the most dangerous thing… kasi for the first time… naintindihan ko kung bakit niya nagawa sakin yun noon.

PERO ALAM KO! MALI PARIN YUN! Tuwing naiisip kong pinagtabuyan niya ako, mali parin yun… Or am I being too selfish? Basta! Mali yun! Maling mali! Now, I’m very confused.

“Floozy ka masyado, Jacob. Kanina mukhang pinopormahan mo yung mga babae pero ngayon, nandito ka sa tabi ko at sinasabi mo yan.”

Napatingin siya sakin. Titig na di ko kayang tapatan. Dahil kung titigan ko siya ngayon habang nakatitig siya sakin, alam kong di ko na mapipigilan ang sarili ko. “Sila ang lumalapit sakin… Wala akong pinopormahang iba kundi ikaw.”

“Excuses! Kung sila ang lumalapit sayo, ba’t di mo iwasan?” Di ko talaga mapigilan.

“Iniiwasan ko n-naman ah? K-Kung hindi sana wala ako dito sa t-tabi mo.”

“Iniiwasan mo kung nandito ako, pero kung wala ako, sigurado.” Bakit parang tunog girlfriend ako?

Natahimik siya kaya napatingin ako sa kanya.

“Rosie, nagseselos ka ba?” Tanong niya pero bago pa ako nakapagsalita. “You’re still in love with me.”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 1 – Kabanata 51

Kabanata 51

Kasal-anan

“Kayo na nga lang kasing dalawa!” Sabi ni Maggie sabay turo sakin at kay Karl.

Umirap ako sa sinabi niya. Hindi alam ni Maggie na kulay pink itong si Karl. Palagi niyang iniemphasize na may iba pang lalaki diyan na pwedeng samahan (sa katauhan ni Karl). Bakit ako nakadikit sa mag pinsang yun?

“Revenge parin ba ito, sis?” Tanong niya na naitanong ko na rin sa sarili ko.

Totoo, maaaring nagsimula ito sa revenge pero ngayong nandito na ako, naguguluhan na ako. Una sa lahat, sinaktan ako ni Jacob. Pangalawa, nagbago na siya… Kahit anong iyak niya sa harapan ko at effort niya sa pagsasabing mahal niya ako, kulang parin yun. Alam kong nagpipigil siya dahil close sila ni Callix pero… hindi ko matapos ang iniisip ko kasi alam kong illegal iyon. Illegal na isiping sana ay ipaglaban ako ni Jacob sa lahat. Alam kong magagawa niya yun. Kaya lang, may isang parte sa sarili kong ayaw siyang balikan dahil sa sakit na naidulot niya. Oo, nasasaktan ako kasi nag iba na siya. Tuwing nakikita ko siyang kumakanta sa harapan ng tumitiling mga babae, nakikita kong nag iba na siya… Maaring minsan nasakin ang atensyon niya pero naiisip ko kung sino ang kinikindatan at nginingitian niya kung wala ako? Alam kong natural siyang gentleman sa mga babae pero naiinis ako dahil ganun siya. Naiinis ako dahil dapat ako lang! I know… selfish. At masama yun. Masamang masama.

Sa Alegria pa lang, open siya sa ibang babae. Pero nung naging kami na, nilinaw niya agad kay April na ako lang… gusto ko ganun ulit. Naiinis ako dahil mabait parin siya sa iba kahit na sinasabi niya saking ako lang. Nasan na yung actions niya? Bakit puro salita na lang?

“Hindi Mag, magkaibigan kami ni Callix. Nilinaw ko sa kanya ‘to noon. Bibigyan ko siya ng chance na ibuild ulit ang pagkakaibigan namin-“

“Si Callix may second chance pero si Jacob wala?” Singit ng haliparot na bading. “Okay, whatever!”

“Basta, Rosie, sinasabi ko sayo hindi talaga ako agree sa ginagawa mo.”

Hindi ko alam kung sadyang dense lang talaga si Maggie o masyadong gwapo si Karl para pagdudahang bading gayung kanina pa nito sinusoot ang headband kong may malaking ribbon dito sa kwarto ko. Nagbibihis ako para sa kasal. Tinulungan ako ni Karl na pumili ng damit at mag make up (hindi alam ni Maggie na si Karl ang nagmake up).

“Sure ka ba talaga?” Sabi ni Karl nang lumabas ako sa sasakyan niya pagkatapos akong ihatid sa tapat ng simbahan.

“Oo! Salamat sa make up ah?” Sabi ko.

Ngumisi siya at umalis.

Nang pumasok na ako sa simbahan, nakita ko agad si Jacob at Callix na nagkukwentuhan at nagtatawanan. Una akong nakita ni Jacob. Umamba siyang lalapit pero unang nakalapit si Callix sakin.

“Rosie! Lika! Pakilala kita sa parents ko.” Ngumiti siya.

“Callix.”

Nakuha niya ang tingin ko, “Alam ko. As a friend. Syempre.”

Mabuti at malinaw sa kanya yun. Lumapit kami sa isang mid-50s na babaeng may kausap na tingin ko’y daddy ni Callix (kasi kamukha niya).

“Mom, Dad, this is Rosie Aranjuez.”

Nang nagkatagpo ang mga titig namin, narealize kong magkahawig sila ng mommy ni Jacob sa picture. Hula ko nakakatandang kapatid itong mommy ni Callix.

“Kaibigan ko po.” Dagdag ni Callix nang sumulyap sakin.

Tumango ang mommy niya. I hate introductions. Ngumiti na lang ako ng parang tanga…

“Kaibigan? Hindi ka nagpapakilala ng kaibigan… Hmmm.” Ngumisi ang mommy niya. “Hello, Rosie! Mag enjoy ka ah? Itong si Callix eh di kasi nagpapakilala ng mga babae.”

“Mom!” Putol ni Callix.

“Magiging busy kami sa kasal ng ate niya kaya sana mag enjoy ka ah?”

Tumango ako. Kakahiya naman nito. Awkward. Tahimik lang yung daddy ni Callix habang ngumingiti sakin.

“Okay lang, magkaibigan din naman sila ni Jacob eh.” Nabigla ako sa sinabi ni Callix.

Mabuti at busy nga ang buong pamilya ni Callix sa kasal kaya di na ako masyadong nakikihalubilo sa kanila. Si Jacob ang katabi ko sa simbahan. Si Jacob na tumitingin sakin habang nag “I do.” yung ikinasal.

Ayoko siyang pansinin dahil galit at naiinis ako sa kanya. Nang pumunta na kami sa reception.

“Rosie, okay lang ba na kay Jacob ka muna sumakay?” Sabi ni Callix habang tinitignan ang bride at groom.

Ayaw ko sa ideya niya pero wala akong magagawa.

Nang nasa loob na kami ng Ford Ranger ni Jacob, may isang bouquet ng flowers sa front seat, itinabi ko ito.

“Sayo yan.” Sabi niya. “Di ko maibigay sa loob. Baka magduda si Callix.”

“Di ko kailangan ‘to.”

Napabuntong-hininga siya, “Rosie… mahal mo ba si Callix?”

“Jacob… Bakit ba? Anong pakealam mo?”

Bakit? Kung sinabi ko bang di ko siya mahal saka ka pa aaksyon.

“Ayokong magkamali ka.” Aniya. “Alam kong siya ang…” Pumikit siya. “First love mo. Pero kung… baka sakaling… ako yung mahal mo… wa’g mo na siyang paasahin.” Umandar yung sasakyan.

“Jacob, eto na naman tayo. Mag aaway na naman ba tayo?”

“Hindi kita inaaway, Rosie! Gusto ko lang malaman mo ang tingin ko.”

“Mag kaibigan lang kami ni Callix-“

“Ayaw ka niyang maging kaibigan lang!” Sumulyap siya sakin at pabalik sa daanan.

“At least kung ganun ang tingin niya mukhang seryoso siya kasi ipinakilala niya ako sa pamilya niya!” Sabi ko nang di nag iisip. Naiinis na kasi talaga ako sa kanya.

“Anong ibig mong sabihin?” Tumingin siya sakin.

PEEEEEEEP

“Sh1t, Jacob!” Sigaw ko kasi muntik na kaming nabunggo.

Hindi nagbago ang ekspresyon niya. Bumilis naman ang pintig ng puso ko.

“Tumingin ka nga sa kalsada!”

“Ipinakilala din naman kita sa daddy ko ah!? Seryoso din ako!”

“Oo! Noon! Siguro! Kasi ngayon…” Itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng venue ng reception. Binuksan ko ang pintuan bago ko dinagdagan ang sinabi ko. “Sa dami ng babae mo, hindi ko na makita kung ano ang pinagkaiba ko sa kanila.”

Hinila niya ang braso ko.

“Rosie, alam mong di totoo yan!”

“JACOB, nawala lang ako saglit naging manwh0re ka na! Akala mo ba di sinabi ni Callix kung paano ka nakikipaglandian-“

“Rosie, sinabi ko naman-” Hinila niya ako pabalik kaya nasarado yung pintuan.

“Kahit na!”

Nagkalapit ang mukha namin.

“Kahit na! Dahil kung anong akin… gusto ko akin lang!” Hindi ko na alam kung bakit ganito ang lumalabas sa bibig ko. Siguro dahil yun ang iniisip ko buong buwan simula nang nagkita ulit kami. “Kung akin ka nga… WALANG IBANG BABAE-“

Hindi ko na naipagpatuloy kasi hinalikan niya na ako. Iba ito sa halik ni Callix. Yung kamay ni Jacob, nasa leeg ko. Tinutulak ko siya pero nawawalan ako ng lakas. Nanghihina ako sa halik niya. Gusto kong umiyak at bumigay pero nangingibabaw ang inis ko sa kanya. Iniisip ko kung ilang labi na ang nahalikan niya simula nung nagkahiwalay kami. Naiinis ako!

Tumigil siya sa paghalik at hinarap ako.

“Rosie, ikaw lang. Nagkamali ako pero ikaw lang. Hanggang ngayon. At alam mo yun. At alam ko ring mali ito dahil sayo ako… sayong sayo pero ikaw? Akin ka ba? Hindi diba? Kaya mali. Pero okay lang. Kung gusto mong kabit ako sa buhay mo… wala akong pakealam, maambunan lang ng pagmamahal mo. Kahit konti. At Lalayuan ko ang lahat, aapakan ko ang sisira satin sa oras na sabihin mo saking ako parin at yun ang dapat kong gawin. Wala akong pakealam kung sino. Kahit si…” Pumikit siya, “Callix pa. Ipaglalaban kita. Sabihin mo lang sakin na yun ang gusto mo.”

Suminghap ako. Dinig na dinig ko ang lakas ng pintig ng puso ko nang biglang may kumatok sa salamin. Nakita ko si Callix na nakangisi sa labas.

“Jacob!” Nanlaki ang mata ko at napanganga sa nakita.

Ngayon ko lang narealize na marami palang tao sa labas! SH111111111111t!

Napabuntong-hininga siya at in-unlock ang sasakyan (na ni-lock niya pala kanina).

“Guilty ka parin sating dalawa. Tinted to. Don’t worry.”

Binuksan ko ang pintuan at hinarap si Callix. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba si Jacob gayung marami siyang babae. Ayoko ng masaktan. Natatakot na ako. Ayoko ring mag away silang dalawa dahil sakin. Ngayon pang mukhang nagbago na si Callix… Ayokong masira silang dalawa.

Sobrang confused na ako. Ayoko na! Mali na to! Alam kong mali pero nandito na ako!!! Mas lalo kong narealize yung pagkakamali ko sa reception.

Nang pinili na kung sino ang makakatanggap ng bouquet ng bride, nagkaroon ng game. Ang mechanics ng laro ay ilagay ng mga single na babae ang sapatos niya sa sahig. Pupulutin ng bride ang MASWERTENG mananalo. Yung sandals ko ang napili kaya ayun! Ako!

Nang pinaupo na ako sa harapan… hindi ko alam kung anong ipagdarasal ko sa mananalo, si Callix ba o si Jacob? Sino?

Laro din yung sakanila. Ang huling makakahanap at makasoot ng sapatos nila, yun ang mananalo.

Nagtawanan ang mga tao nang sinadya ni Callix ang pagiging huli samantalang yung ibang boys ay nagmadali (dahil ayaw maging center of attention), may iilan ding nahirapan. Pero nang isinoot na ni Callix yung sapatos niya… narealize kong wala si Jacob.

Pawis na pawis siya nang nakita ko ulit. Sparkling sweat na ang kumag nang nagpakita dala-dala ang sapatos niya.

“Ngayon ko pa nahanap!” Sabi ni Jacob. “Sh1t!”

Tumawa ang mga tao nang narealize na siya ang nanalo. Nakita kong tumingin agad siya sakin. Napatingin naman ako sa pumapalakpak at tumatawang si Callix.

“Pinagkakaisahan niyo ako ah?” Sigaw niya sa ibang relatives nilang nandoon na nagtatawanan.

“Okay, nowwww! Kung paano tinanggal ng groom ang garter, ganun din ang gagawin ni Jacob sa ating future-bride!”

Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Callix. Umiling ako sa upuan ko.

“Di pwedeng mag back out! Sige na! Wa’g ng KJ!” Sabi nung emcee.

Nagtilian ang mga tao!

“GO JACOB! GO JACOB!”

Kasi… alam niyo kung paano tinanggal? Ganito…

Nang lumuhod na si Jacob sa harapan ko, nagsimula na akong kabahan. Kasi alam ko kung anong memories ang maaalala ko. Nagkahalikan kami kanina sa sasakyan niya, doon palang, naligo na ako sa memories naming dalawa… pero ngayon… alam kong lahat na ang maaalala ko.

Kinagat niya ang garter at yumuko pa lalo sa binti ko. Hindi ko na marinig ang emcee dahil sa ingay ng mga tao. Uminit ang pisngi ko at narealize na wala akong kilala dito bukod sa isa pang pinsan ni Callix na nasa higher year.

“GO JACOB!” Sigaw ng iba.

Isinoot ni Jacob sa binti ko ang garter, gamit ang kanyang bibig.

“HIGHER!” Sigaw nung emcee.

Napamura at napapikit ako sa kaba nang nakita kong nakatitig si Jacob sakin habang kinakagat pataas yung garter sa legs ko.

“This is torture, Rosie.” Bulong niya sakin pagkatapos niya yun ginawa.

TORTURE. UNDERSTATEMENT. Hindi ko na maorganize ang iniisip ko. Gusto kong mapag isa. Mali ito!

“YOU WON A FREE-TICKET-FOR-TWO TO IMPERIAL BAY!” Excited na sinabi nung emcee sabay pakita sa dalawang ticket na kulay red at blue.

“WHOAAA!” Sigaw ng marami.

WHAT? WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT? Salamat na lang pero di ko matatanggap yun! NOT WITH JACOB! NO!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 1 – Kabanata 50

Kabanata 50

Invitation

Lumipas ang isang buwan, ganun parin ang tratuhan namin ni Jacob. Naglie-low kami ni Callix dahil na guilty siya sa ginawa niya. Mukhang okay din yun para kay Jacob dahil hindi na ulit kami nagkakaroon ng heated conversation.

Nagpasya akong pumunta ng library mag isa para sa isang assignment ng major ko. Akala ko matatahimik ako malayo sa kanilang lahat pero nagkakamali ako.

“R-Rosie!” Nabunggo ako kay Jacob nang bigla siyang lumiko sa bookshelf na tinitignan ko.

Umirap ako sa kanya. Baka isa na naman ‘to sa pakulo niya. Gusto niya na naman sigurong mapag isa kami nang mag-away ulit kami. Pumunta siya sa likod ko at umambang nagtatago.

“Ano ba, Jacob?” Tanong ko nang nakita siyang nagtatago sa likod ko.

“Shhh!” Nilagay niya ang index finger niya sa labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa lapit namin. Tumingin lang siya sa likuran ko. Balisa siya. Nagtaka ako… bakit naman kaya?

“Nagtatago ako.” Aniya.

“Bakit?” Tanong ko.

Bago niya pa nasagot yung tanong ko, nakita ko na kung sino ang pinagtataguan niya. Nandoon sina Grace kasama ang ilang kaibigan niya na mukhang nagkakatuwaan sa paghahanap kay Jacob.

Umiling na lang ako sa kawalan. Nakita kong tumayo si Jacob ng maayos sa likod ko habang tinitignan ang mga librong kinuha ko.

“JACOB!” Biglang sigaw ng isang kaibigan ni Grace.

I’m sure illegal yung pag sigaw niya dito sa library. Agad nilang pinagkaguluhan si Jacob sa likuran ko. Halos tumilapon pa nga ako sa isang tabi. Kung hindi ako hinila ni Jacob, talagang madadapa ako sa sahig.

Inayos ko ang sarili ko.

“Jacob, nandito ka lang pala-” Sabi ni Grace pero pinutol naman agad ni Jacob.

“Dahan-dahan naman. Nasasaktan si Rosie eh.”

Napatingin sila sakin at umirap silang lahat ng sabay-sabay. Bakit ba parang double meaning lahat ng naririnig ko these past few days?

“Jacob!” As usual, di nila ako pinansin.

Actually, pwedeng wala ako dito eh.

“Jacob, paturo sa major natin oh!” Sabi nung isang desperadang babae sabay kagat sa labi niya.

Napatingin si Jacob sakin na para bang malaki ang pagkakasala niya. Nagpatuloy ako sa pag hahanap ng mga libro kahit di na sumisink-in sakin lahat ng pamagat na nababasa ko.

“Sorry, girls pero may gagawin kami ni Rosie.” Aniya.

Napatingin ako sa kanya nang nakakunot ang noo.

“Ano?” Tanong ko.

“Oo nga! Anong gagawin niyo eh di naman siya Business ad?” Tanong nung isa bang may full-bangs na intsik.

“Sa Biology.” Ngumiti si Jacob na para bang sanay na siya sa ganitong pangyayari.

“Pero Jacob…”

I swear to God, napatitig talaga ako! Napatitig ako sa boobs ni Grace na inilapit niya sa dibdib ni Jacob. Napatalon ang kumag sa ginawa ni Grace, Ngumisi si Grace at kinagat ang lower lip sa nakitang reaksyon ni Jacob.

“Please… nahihirapan kami sa subject na ‘to.” Sabi ni Grace.

GOSH! Hindi ko kayang nakikita ito pero di ko naman napipigilan ang pagtitig. Lumayo si Jacob ng bahagya kay Grace…

Ngumisi siya at cool parin kumpara kanina nung nagtago siya sa likod ko, “Sorry pero importante to. Kung gusto niyo, kay Callix na lang. Magaling din yung pinsan ko eh.”

Humalakhak yung mga babae at nagkatinginan.

“Pero ikaw yung gusto namin.” Lumapit ulit si Grace at ngayon, hinaplos na ang leeg ni Jacob sabay kagat ulit sa labi. “Please, Jacob.”

Hindi ko na kinaya kaya umalis ako dun. Bago ako umalis, sumulyap ako sa nakangising mukha ng kumag. Wicked. May side sa kanyang hindi ko alam kung nakita ko na. Siguro sa 8 months na di kami nagkita, ito yung nadevelop niya… Hindi ako sigurado kung ano yun pero may something talaga.

“Rosie! Iniwan mo ako dun ah!” Umupo siya sa tabi ko.

Umirap na naman ako, “Sana tinuruan mo sila. Mukhang masaya yung pagtuturo sa kanila eh.” Pero sexy.

LANGIT! Langit yun para sa mga lalaki eh! Mga babae na mismo ang humahalina sayo!

“Rosie,” Napabuntong-hininga siya. “Alam mo namang ikaw lang…”

“Pano yung mga foreplay na pinagyayabang ni Grace? Ano yun?” Tinignan ko siya.

“Teka, nagseselos ka ba?” Tanong niya at umaliwalas ang mukha niya.

Yun ba talaga? I can’t believe na kahit ganun yung tanong ko, nagawa niya pang ipoint-out yung pagseselos ko.

“Hindi ako nagseselos. Pwede ba, Jacob?” Nagstruggle akong hinaan ang boses ko gayung nakatingin na ang ilang estudyante saming dalawa. “Sabi mo sakin ako lang. Paano ako maniniwala sayo kung naririnig kong nakikipagforeplay ka kahit kanino?”

“Rosie, sinabi ko na naman diba… hinanap kita sa mga babae. Tuwing nalalasing ako iniisip kong imposibleng hanggang ngayon in love parin ako sayo, sinubukan kong maghanap ng tulad ng pinaparamdam mo sakin pero wala akong mahanap kasi nag iisa ka lang.”

Natunganga ako sa sinabi niya. Ito yung nagbago kay Jacob. Kung noon ay sobrang inosente niya sa paningin ko… ngayon naman ay sobrang… sobrang… hindi ako makahanap ng tamang salita. May mga feelings talagang hindi kayang isalin sa salita.

Tinikom ko ang bibig kong kanina pa pala naka bukas. I looked away. Kinuha ko ang mga things kong nakakalat. Tinulungan ako ni Jacob.

“Ako na, Jacob.” Sabi ko.

“Tulungan na kita…” Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa ballpen at nagkatinginan kami.

Umiling ako… May naramdaman akong bukol sa lalamunan ko. I know this feeling. Isang kalabit na lang, mamumuo na ang luha ko.

“Hindi na ikaw ang Jacob ko.” Bulong ko kahit ayaw ko namang sabihin.

Nanlaki ang mga mata niya at nalaglag ang panga sa sinabi ko.

Hindi na ikaw… Kasi yung Jacob ko, akin lang. Ngayon, hindi na.

“Ako parin ito, Rosie. Nagkamali ako pero ako parin ito. Nasasaktan ako kasi nasasaktan kita pero kailangan mong malaman lahat ng ginawa ko dahil ayoko na talagang magkamali. Ayoko ng magtago ng kahit ano sayo… I’m an open book, to you… only you.”

Napalunok ako sa sinabi niya. Sumakit lalo yung lalamunan ko sa paglunok ko.

“Rosie? Jacob?” Napatalon ako sa interruption ni Callix.

Agad kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak ni Jacob.

Kumunot ang noo ni Callix habang tinitignan kaming dalawa. Mukhang di niya nakita yung hawakan namin ng kamay ni Jacob.

“C-Callix?” Sabi ko na parang nagui-guilty. Hindi ko alam kung bakit.

“Magkasama pala kayo?” Tumaas ang kilay ni Callix. “Bro?” Kay Jacob siya nagtanong.

“Callix…” Ako sana ang sasagot pero…

“Bro? Ba’t kayo magkasama?” Tanong niya ulit nang mas seryoso.

“Callix, nagkita lang kami dito. Nagkataon na may hinahanap ako. Tapos nandito siya. Sina Grace yung kasama ko dito kanina… Diba, Rosie?” Sabi ni Jacob.

“O-Oo.” Bakit guiltyng-guilty ako?

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kinakabahan ako! Sobrang kaba na halos manginig na ang mga paa ko.

Biglang ngumisi si Callix at ipinakita ang isang kulay Pink na papel na may ribbon sa gitna.

“Ganun ba? Hmmm. Rosie, iniimbitahan sana kita sa kasal ng ate ko.” Ngumiti siya lalo nang tinanggap ko yung invitation.

“Huh? T-Talaga?” Tinignan ko magandang invitation sa kamay ko.

“Oo. Ipapakilala kita sa pamilya ko.” Excited na sinabi ni Callix.

“P-Pero Callix!” Sabi ko.

Tumango siya.

Hindi niya kailanman ako niyaya ng kahit anong family gathering nila noon. Ni minsan, di sumagi sa isipan niyang ipakilala niya ako sa pamilya niya. Bakit ngayon?

“Callix… di ko matatanggap ‘to. Nakakahiya.” Sabi ko at ibinalik ang invitation sa kanya.

“Rosie, nag expect na si mommy. Sinabi ko na sa kanila na pupunta ka. Please, wa’g mo silang biguin.” Ngumiti ulit si Callix.

Napatingin ako kay Jacob na nakatulala sa malayo. Halatang malalim ang iniisip. Hinabol ni Callix ang titig ko.

“Ano, Rosie?” Tanong niya.

“Uh, Bro, baka naman nahihiya si Rosie… Di mo pa siya napapakilala diba-” Nabigla ako nang sumali si Jacob sa usapan.

“Okay lang! Kaya nga pinapakilala diba para di na mahiya? Bakit, Jacob, ayaw mo?” Tumaas ang kilay ni Callix.

Umiling si Jacob at umalis nang walang paalam.

Walk out ulit.

“Anong nangyayari kay Jacob, Rosie? May sinasabi ba siya sayo?” Tanong ni Callix habang tinitignan ang pinsan niyang umaalis. “Alam mo noon, alam ko halos lahat ng iniisip ng taong yun pero simula ng nag college, nagiging moody na siya… Ano kayang nangyari? Eh maganda naman ang lovelife nun? Hmmm.” Ngumisi si Callix.

“M-Maganda ang lovelife?” Tanong ko.

“Ooo! Dami kayang babaeng bumubuntot dun. Kailangan niya na lang pumili. Pero this past few days mukhang wala siyang gana sa mga babae.” Umiling si Callix at tinignan ako. “Bakit kaya? may alam ka ba?”

Di ako makatingin sa kanya, “Wala. Uh… Siguro may sariling problema.”

Di ako tinantanan ni Callix sa pagtitig niya. Kinakabahan tuloy ako lalo.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 1 – Kabanata 49

Kabanata 49

Halik

Ganun parin ang tratuhan namin ni Jacob sa isa’t-isa. Hindi ko siya pinapansin sa school pero lagi siyang nakatitig. Sumusulyap siya tuwing may lumalapit sa kanyang mga babae. Para bang guilty siya o naghihintay siya sa reaksyon ko.

Hindi dapat ako pupunta dito sa acquaintance ng School of Business. Kaso, itong si Karl ay isinama ako sa last minute na pamimili ng kanyang isusoot. As a result, dinala niya ako dito sa venue kung saan sila mag aacquaintance. Sa lahat ng colleges sa school, ang School of Business ang may pinaka bonggang acquaintance dahil marami sa kanilang estudyante ang mayaman. Sa Arts and Sciences naman, kung saan ang Psychology Major nabibilang, sa isang maliit na venue lang ginanap noong Wednesday.

“Ako na bahala sa kanya.” Sabi ni Karl sa mga nakaharang.

Tinignan ako ng lahat ng nandoon sa registration area. Syempre, bulong-bulungan na kami ang close ni Callix. At ngayon, si Karl ang kasama ko. Marami ang may gusto kay Karl pero nawawala dahil sa sobrang kasupladuhan nito. Suplado lang naman yan sa mga babae eh. Tsk tsk.

“Karl, uwi na ako.” Sabi ko nang nakita sa loob ang kumakantang banda nina Jacob.

Bahagyang lumaki ang mata niya nang nakita niya akong pumasok. Umamba akong aalis pero pinigilan ako ni Karl.

“Ihahatid nga kita mamaya.” Aniya at ngumisi.

“ROSIE!” Biglang bigla si Ava at Belle nang nakita ko.

Nabigla rin si Callix at pinalibutan nila ako pagkarating ko. Si Josh at Edward, ayun na at sumasayaw sa kantang mejo mabilis at masaya. Hindi ko pa naririnig ito pero tuwang-tuwa ang mga taong nakikinig. Tinititigan na naman ako ni Jacob habang kumakanta siya.

“Rosie! Sayaw tayo!” Sigaw ni Callix dahil di na kami magkarinigan sa sigaw at sa ingay ng kanta ni Jacob.

Tinignan ko ulit si Jacob na ngayon ay nakangisi na habang tinuturo ang mga babaeng sumisigaw. Of course! Sa status niya ngayon sa school, posibleng mabulag na siya ng tuluyan sa mga babae. Kung ano man yung mga sinabi niya sakin nung una kaming nagkita dito sa Maynila, maaring pagkatapos ng isa o dalawang buwan, magbabago din yun. Maraming magagandang babae dito at maraming nagkakagusto sa kanya… hindi na ako mag eexpect na pagkatapos ng ilang buwan ay totoo parin yung mga sinabi niya.

Napabuntong hininga ako at nilagay ang kamay ko sa kamay ni Callix.

Sumayaw na rin kami sa masayang kanta ni Jacob. Nakita ko si Ava na sumasayaw na rin kasama ang isang classmate namin nung high school. Si Belle naman ay naging isa sa mga babaeng tumitili doon sa harapan. Mukhang nawala na talaga ng tuluyan ang pagkahumaling niya kay Karl. Si Karl naman ay umiinom ng juice habang tinitignan ang mga sumasayaw na estudyante.

Inikot ako ni Callix. Inikot ko rin siya at nagtawanan kami. Nang natapos yung kanta, pinalitan ito ng isang pamilyar na kanta… ang kantang hinarana sakin ni Jacob sa harap ng soccer field ng Alegria National High School.

“We’ll do it all… everything… on our own…We don’t need… Anything… Or anyone… If I lay here… If I just lay here… Would you lie with me… And just forget the world?”

Hindi ko maalis ang tingin kay Jacob habang kinakanta niya ito ng nakapikit ang mga mata. Tumitili parin ang mga babae pero buo ang boses niya kaya dinig na dinig parin ito.

“Rosie…” Nakita ko ang ngiti ni Callix.

Nilagay niya ang magkabilang kamay ko sa leeg niya. Nilagay niya naman ang mga kamay niya sa baywang ko.

Ngumiti rin ako. Nilapit niya lalo ang sarili niya sakin… Sumulyap ako kay Jacob at nakita kong bukas na ang kanyang mga mata at diretso ang titig niya sakin.

“Rosie.” Hindi ko na makita si Jacob dahil sa sobrang lapit na ng mukha ni Callix sakin.

Nang tinignan ko ang mga mata ni Callix, nakita kong nakapikit na ang mga ito. Unti-unti niyang inilapit pa lalo ang mukha niya sakin hanggang sa hinalikan niya na ako.

Nanlaki ang mga mata ko. Tinulak ko agad si Callix at napatingin ako sa kay Jacob na natigilan sa pagkanta.

“Rosie, sorry…” Sabi ni Callix.

Binalewala ko ang sinabi ni Callix dahil sa reaksyon ni Jacob. Nakatunganga siya sa harapan. Nilapitan siya ni Leo pero umiling lang siya at nag walk-out.

“Sorry, masama ang pakiramdam ni Jacob…”

“AWWW! Bakit?” Sabay-sabay ang mga babae sa harapan.

Nagwalk-out na rin ako sa scene.

“ROSIE!” Sigaw ni Callix.

“Callix, sandali lang.” Sabi ko.

Sinundan niya parin ako habang tinatawag ang pangalan ko.

“Callix,” Hinarap ko siya. “Okay lang ako. Ayokong-“

“Rosie, sorry… Masyado akong nadala-“

“Okay lang! Sige na… Hayaan mo na lang muna ako, please.”

Hinayaan niya ako. Hindi ko saan kung saan ako pupunta. Sa CR? UUWI? Saan? Nakalabas na ako sa place nang nakita kong nakaupo si Jacob sa gutter. Lalagpasan ko sana pero nagkatagpo ang mga mata namin. Tumayo siya. Galit siya. Alam ko. Memorize ko ang mukha niya. Alam ko kung kailan siya galit at kailan siya masaya.

“Rosie…” Sabi niya.

Galit pati ang boses niya.

“Ano, Jacob?” Sabi ko.

“Ba’t ka umalis? Nagkakatuwaan na kayo ni Callix, diba?” His jaw clenched.

“Ano bang problema mo?”

Lumapit siya sakin dala ang isang puting panyo. Umatras ako pero hinila niya ako. Pinunasan niya ang labi ko.

“Jacob- a-anong… ginagawa… mo?”

“Sh1t, Rosie!” Sigaw niya at ginulo ang buhok. “Ako lang ang hahalik sayo!”

Tinulak ko siya.

“Ano ba-“

“ROSIE, HINALIKAN KA NIYA!”

“Ano ngayon? Hindi ako sayo kaya wala kang karapatan!” Sabi ko kahit big deal sakin yun. Ayokong hinahalikan ako ng kahit kanino. Lalo na pag si Callix.

Tinitigan niya ako.

“Rosie, pinsan ko siya!” Sabi niya.

Kumunot ang noo ko.

“Rosie, kung mahal mo siya, sabihin mo na ngayon. At kung hindi, sabihin mo sakin dahil hinding hindi na ako magkakamali ngayon. Wala na akong pakealam kung sino ang masasagasaan ko kaya sabihin mo sakin kung sino saming dalawa!” Tinuro-turo niya ang party (indicating Callix).

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

“Dahil sa ngayon, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Takot na akong magkamali! Takot na takot na ako! Pero sigurado akong sa oras na malaman kong ako parin yung mahal mo… wala na akong pakealam kung sinong masasaktan-“

“BAKIT di mo yan naisip noon, Jacob? Bago mo ko iwan, bakit di mo yan naisip? Na pinsan mo siya pero wala kang pakealam kasi mahal mo ako-“

“Hindi ako ang nang iwan, ikaw, Rosie-“

“IKAW! Kasi di ako aalis kung di mo ako sinaktan!” Sigaw ko dahil sa ngayon , inis na inis na ako sa kanya.

Bakit palagi kaming nagkakasakitan? Bakit palagi kaming nag aaway? Dalawang linggo palang kaming nagkikita pero ilang beses na kaming nagsisigawan at nag aaway.

“Nagalit ako! Oo! Sisihin mo ako kasi nagalit ako! Pero ikaw parin ang pipiliin ko!” Sigaw niya pabalik sakin.

“Wala nang kwenta, Jacob! Tapos na! Tapos na tayo!”

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Ilang segundo pa ang nakalipas bago ko narealize kung ano yung sinabi ko kay Jacob. Naiyak ako nang nakita kong nabigla siya sa sinabi ko.

“Tapos na diba? Nung umalis ako ng Alegria, tapos na tayo! Dahil itinaboy mo ako!” Sigaw ko.

“Jacob!” Nakita ko ang mga kabanda ni Jacob sa likuran ko.

Umalis ako, pero bago pa ako nakaalis…

“Rosie, please, wa’g kang mag move on sating dalawa…”

Napapikit ako sa sinabi ni Jacob. Hindi ko kayang naririnig siyang nahihirapan. Hindi ko na kayang makita siyang nasasaktan pero ang sakit nung mga ginawa niya sakin noon. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko…


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 1 – Kabanata 48

Kabanata 48

Tensyon

Nakarating kami ni Callix sa engrandeng bahay nina Jacob sa isang eksclusibong subdivision. Hindi naman ito kasing engrande ng bahay nila sa Alegria pero engrande parin ito sa paningin ko.

Habang papunta kami ni Callix at Belle dito, nalaman kong magkapatid ang ina ni Callix at ina ni Jacob na si Cielo. Kaya sila magpinsan. Nalaman ko ring sobrang close ni Callix at Jacob. Hindi nagpupupunta si Callix sa ‘bukid’ nina Jacob dahil mula raw nung namatay si mommy ni Jacob, tumigil na daw sa pagbisita ang mommy ni Callix doon. Nagkikita lang sila ni Jacob tuwing pumupunta si Jacob sa Maynila kasama ang daddy niya.

“Ba’t ka curious, Rosie?” Panirang tanong ni Belle sakin. Bago ako makapagsalita ay, “Anyway, ang laki ng bahay nila huh?”

Pumasok kami sa loob at nakita ang mga kabanda niyang nag papractice sa living room.

“Callix!” Nag highfive si Callix at Jacob.

Sumulyap si Jacob sakin at pabalik naman kay Callix.

“Eto na nga pala yung mga kantang kakantahin namin.” Ipinakita niya ang isang papel kay Callix.

Napatingin ako sa mga frame sa mga haligi ng bahay nila. May isa doong sumasakay ng kabayo si Jacob at Callix, mukhang nasa 7-8 years old sila nun. May nakita rin akong pictures nilang dalawa na highschool na at parehong naka jersey ng basketball. Napalunok ako sa dami nilang pictures… ibig sabihin nito ay close na close silang dalawa.

“Jacooob! Paturo ng gitara. Ang galing mo talaga! Manghang-mangha ako sayo nung nag perform kayo sa stage.” Sabi ni Belle habang isinusoot yung band ng gitara ni Jacob sa sarili niya.

Napatingin ako sa kanila.

“Uh…” Nagkatinginan kami ni Jacob.

Busy ang banda sa pag aadjust ng mga instrumento nila. Si Callix naman ay busy sa pageexamin sa papel na ibinigay ni Jacob.

“Sige ba. M-Mamaya.” Sabi ni Jacob.

Ayokong umiling. Please, Rosie, wa’g kang umiling. I looked away.

“Uh… Rosie, umupo ka muna.” Tumakbo si Jacob sakin at itinuro ang pinakamalapit na sofa sakin.

Tumango ako at, “Matagal pa ba yan? Yung practice niyo?” Sabi ko gamit ang mataray na tono ng boses ko.

“M-Mejo, ano? Unahin natin yung report?” Tanong niya.

“Rosie naman, wa’g ka ngang KJ! Hayaan mo na lang muna sila!” Sabi ni Belle na lumalapit na kay Jacob habang suot yung gitara.

“Well, ikaw kasi nag eenjoy ka dito. Ako hindi.”

Napatingin na rin si Callix sakin. Nakita kong napabuntong-hininga si Jacob at lumapit sa flatscreen nilang TV.

“Kung gusto mo manood muna kayo ng DVDs?” Sabay pakita niya sa mga dvd.

“Oo nga, Rosie. May dalaw ka ba ngayon?” Tumawa si Callix.

Nakita kong nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Jacob habang tinitignan si Callix. Galit siya. Anong ikinagalit niya sa sinabi ni Callix?

“Wala!” Sabi ko habang umiinit ang pisngi.

“Jacob… turuan mo ako ah?” Ngumisi ang flirt na si Belle habang ipinapakita kay Jacob ang gitara pati ang cleavage niya.

Sumulyap ulit si Jacob sakin. Tinaas ko na lang ang kilay ko.

“Pahiram ng laptop, Jacob. I mean… Uh… meron ka bang laptop?” Muntik na ako dun ah!

“Oo. Sandali lang.” Tumakbo siya at umalis para kumuha ng laptop.

Binigay niya agad sakin ito. Sumang-ayon na lang ako sa ideya nilang uunahin nila ang practice. Gusto ni Belle na manood din kami ng dvd (kahit na di namin yun maririnig dahil sa ingay nina Jacob). Pero bago daw siya manonood ay magpapaturo muna siya ng gitara.

Nakita kong nasa likuran na ni Belle si Jacob. Hinahawakan ni Jacob ang mga daliri ni Belle para ilagay sa tamang strings… I looked away. Tinignan ko na lang yung laptop at nagulantang ako sa nakita kong wallpaper.

“Sh1t!” Sabi ko.

Lakas ng pintig ng puso ko. Agad kong isinarado ang laptop. Kinakabahan akong may makakita. Lumingon ako sa kanila. Busy si Callix sa pakikipag usap sa bandmates ni Jacob, si Jacob busy kay Belle, si Teddy ang nakakita sa nangyari.

Ang wallpaper ng laptop ni Jacob ay kaming dalawa sa Alegria. Dahan-dahan kong pinalitan ito ng kahit ano.

Ilang sandali ang nakalipas, nagsimula na sila sa pagpapractice habang kami ni Belle at Callix ay nandoon sa sofa. Sinubukan kong maging busy sa laptop lalo na nung kinanta na ni Jacob ang dalawang kantang nakakapagpaalala sakin saming dalawa.

Sinubukan kong di tumingin sa kanila pero tuwing naliligaw ang mga mata ko, lagi kong nahuhuli na nakatitig siya sakin. Umubo ako at narealize ko na baka malaman na ni Callix o di kaya ni Belle na may something kaming dalawa dahil sa pag titig niya sakin. Kainis talaga tong si Jacob!

Nang natapos sila sa pagpapractice, nag merienda muna kami habang nanonood ng dvd. Si Belle ang pumili ng palabas. Talagang Friends with Benefits pa yung napili niya huh?

Habang kumakain kami ng cake at napunta sa part na bed scene yung movie…

“Favorite part!” Tumawa si Callix at nakipag high five kay Jacob.

Syempre, katabi ko si Callix. Si Belle naman at Jacob sa kabila. Tahimik kaming nanonood ng bed scene. Tinitignan ko si Belle na hindi nakatingin sa bed scene kundi kay Jacob. Kulang na lang ay tumulo yung laway niya sa kakatingin kay Jacob eh.

Nang tinignan ko si Jacob, nakatingin ulit siya sakin, half-open ang bibig. Oh? Ano? Miss mo na yung mga porn mo? Kainis! Umiling ako. Di ko mapigilan ang pag ngiti ko.

“Uh, Callix.” Sabi ni Jacob.

“Yeah?” Di matanggal ang tingin ni Callix sa TV.

“Pwedeng tabi kami ni Rosie… nang… uh… masimulan na namin yung… re-report?”

Nakita kong umiling si Leo habang umiinom ng softdrinks. Sumulyap siya sakin at ngumisi.

“Bro, uwi na muna ako ah?” Tumayo si Leo.

“Kami rin.” Sabay na sinabi ng tatlo niyang ka bandmates.

“Talaga? Bakit?” Tumayo na si Jacob para tumabi sakin. Tumabi naman si Callix kay Belle.

Umiling ako nang naramdaman ko siya sa tabi ko.

“Nang masimulan mo na…”

Tumawa yung mga kabanda niya. Napasulyap ako kay Callix at Belle na parehong nakatingin sa TV. Sheeeeet! Kinakabahan ako!

“Yung ano… yung report niyo.” Dagdag ni Leo.

“Hindi yung diskarte.” Dinig ko ang pabulong na sinabi ni Ron.

Tumawa ulit sila.

Nang nakaalis na sila. Kaming apat na lang ang natira.

“Hala! oo nga pala! Di ako nakapagdala ng laptop.” Sabi ni Callix.

“Ano? May desktop ba kayo dito, Jacob?” Tanong ni Belle.

Umiling si Jacob, “Wala eh. Laptop lang.”

“Patay! Paano tayo makakagawa ng report ngayon, Belle?” Sabi ni Callix.

“O! Wa’g mo sabihing uuwi tayo. Mamaya na lang tayo gumawa! Dito na lang tayo.” Sabi ni Belle habang tinitignan si Jacob.

Buti na man at di pumayag si Belle pero halatang di masaya si Jacob sa desisyon nilang dito muna sila.

“Rosie, dun na muna tayo nang seryoso nating mapag usapan ‘to.”

Napatingin si Callix at Belle samin ni Jacob.

“Bro! Masyado ka namang seryoso diyan!” Tumawa si Callix.

Ngumisi si Jacob at tumingin sakin… Bakit ba double meaning ang mga naiisip ko? “Oo. Syempre seryoso ako.”

Hindi ko na alam kung anong naging reaksyon ni Callix sa sinabi ni Jacob dahil umalis na kami sa sofa at pumunta na sa kabila. Nilapag ko ang laptop niya…

“Natapos ko na yung iba. Tinatamad ako, copy paste lang tapos edit ng konti.” Sabi ko.

Nakatitig siya sakin. Tinuro ko yung laptop at inirapan ko siya.

“Pwede ba, tigilan mo yung pagtitig mo sakin! Mahalata ka ni Callix niyan eh.”

“Ibig sabihin ayaw mong sabihin kay Callix kung anong meron tayo?” Tanong niya.

“Bakit? Ano bang meron tayo eh diba wala naman?” Sagot ko.

“Mahal mo pa ba siya?”

Napabuntong-hininga na lang ako at di ko siya sinagot.

Hindi na rin siya nagsalita. Tinapos namin ang buong report na iritable siya.

“Sh1t!” Aniya. “Nakalimutan kong Iprint! May coverpage pa pala.” Sabi niya. “Isulat mo na lang dito yung gusto mong format ng coverpage.” Sabi niya sabay pakita ng bond paper.

“Pakopya din ng coverpage niyo.” Sabi ni Callix na mukhang inaantok na sa kakapanood ng mga movie kasama si Belle.

Nilagay ko lahat sa bondpaper except sa pangalan naming dalawa ni Jacob. Si Jacob ang tumapos sa paglagay nang pangalan naming dalawa.

“Aba! Alam mo pala ang kumpletong pangalan ni Rosie?”

Kinabahan ako sa biglang sinabi ni Callix. Napatingin ako sa mukah paring galit na si Jacob.

“Oo naman. Bakit hindi?” Sabi niya bago umalis.

Nakakunot ang noo ni Callix habang pinagmamasdan ang nagtatantrums niyang pinsan. Sh1t talaga! Napapamura talaga ako sa kainisan ko kay Jacob eh!

“Hay! Next time, Jacob, pwedeng pumunta dito sa bahay niyo?” Hinaplos ni Belle ang leeg ni Jacob nang nakabalik ito pagkatapos iprint ang coverpage.

Nilapag ko ang baso ng softdrink na ininuman ko sa mesa. Inaayos ko na ang mga gamit ko para makauwi na kami.

“Hindi ko alam, Belle. Pwede… siguro… kung di ako busy.”

Mukhang naoffend si Belle nang umalis si Jacob sa tabi niya para tabihan ulit ako.

“Tayo na?” Sabi ko kay Callix at tumayo na agad.

Uminom si Jacob sa mismong baso ko! Nakita ito ni Callix at Belle kaya sabay silang…

“Kay Rosie yan!”

“Ah!” Sabi ni Jacob at nilapag niya ang baso ko.

Hindi ko na maitsura ang naghuhuramentado kong ekspresyon. SHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHT!

“Alam ko. Inuuhaw kasi ako eh.” Ngumisi siya at dinagdagan pa, “Sino maghahatid kay Rosie?”

“Ako, syempre, bro!” Kalmadong sinabi ni Callix.

“Ako, sinong maghahatid sakin?” Sabi ni Belle kahit na pwede namang si Callix din.

“Ikaw na lang kaya, Jacob?” Nabigla ako sa sinabi ni Callix.

Ngumisi si Jacob at tumango sa pinsan niya, “Diba di niyo pa nagagawa ang report niyo, bro?” Tanong ni Jacob.

“Ah! Oo nga pala. Nakalimutan ko. Sumama ka na lang samin, Belle.” Sabi ni Callix.

“Hay nakoooo!” Sabi ni Belle at naunang nag martsa palabas ng bahay nina Jacob.

Tensyon ba itong nararamdaman ko o ano? Hindi ako sigurado! Siguro guni-guni ko lang yun.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 1 – Kabanata 47

Kabanata 47

Walk Out

Hindi pumasok si Jacob sa mga sumunod na araw. Iniisip kong naglalasing siya. Or worst… baka nambababae? Bakit naman yun worst? Bahala siya sa buhay niya.

Isang araw nang pumasok siya sa school nang Biology 10, tumatawa ako nun dahil sa joke ni Callix tapos napasulyap ako sa pintuan kung saan nagkatagpo agad yung mga titig namin.

Serious-Laughing: Ganung titig? Alam mo yun? Agad napawi yung tawa ko nang nakita ko ang seryoso at mukhang galit niyang pagmumukha.

Umupo siya sa harapan ko. As in, exactlyng harapan ko. Kitang-kita ko naman ang pagkakalaglag ng panga lalong lalo na ng mga babae.

“Yung cousin ni Callix?” Narinig kong bulong ng mga babae sa unahan.

Actually, hindi yun bulong kasi nandito ako sa likuran at imposible namang bulong yun kung narinig ko diba.

“Ikaw ba si Jacob?” May lumapit na tatlong babaita sa kanya.

Tumitili sila at kinikilig habang kinakausap ng kumag.

“Huy, mga flirt! Alis kayo dito!” Sigaw ni Belle.

“Huy din, Belle! Sinong flirt satin ngayon eh ikaw itong tatabi-tabi diyan…”

Bahala kayo sa mga buhay niyo. Nagtatalo si Belle at yung tatlong babae habang naghihintay kami sa Professor.

“Uy, easy lang kayo. Di niyo naman kailangang magtalo.” Sabi ni Jacob.

“See? Oh, Jacob? Sino ba ang gusto mong makausap?” Tanong nung isa sa tatlo.

“H-Huh?”

Umiling ako nang narinig ko ang tanong niya. Hindi niya talaga ma gets kung bakit maraming nagkakandarapa sa kanya. If looks could kill, patay na lahat ng tao dito.

Nabigla ako nang sumulyap siya sakin nang di siya makasagot. Napa face-palm ako sa ginawa niya. Nakita kong ngumisi si Karl sa malayo habang ngumunguso kay Jacob.

“Jacob,” Tawag ni Callix sa pinsan niya. “May nag invite nga pala sa banda niyong tumugtog daw sa acquaintance party ng School of Business, ano, okay ka ba?”

Hindi parin tumitigil sina Belle sa pagtatalo.

“O-Oo bah.” Sumulyap siya kina Leo.

Tumango naman ang mga kabanda niya.

“Kailan ba?” Tanong ni Jacob.

“Next Friday. Pero diba dapat mag papractice pa kayo?” Tanong ni Callix.

“Oo.” Tumango si Jacob.

“Pwede ko bang isama si Rosie sa practice niyo bukas?” Tanong ni Callix.

Napalingon ako sa sinabi ni Callix. Nakangisi naman siya sakin. Napatingin na rin si Jacob sakin at naramdaman kong uminit ang pisngi ko.

“Sa bahay?” Tanong ni Jacob. “Sige bah!” Halata sa boses ni Jacob ang kasiyahan.

Nagkakamali ka, Jacob! Akala mo pupunta ako? Kung pwede lang iluwa ka ng buhay ko matagal na kitang iniluwa eh!

“Callix, di ako pwede bukas eh. May gagawin kami ng ate ko… Uh, manonood kami ng sine.”

“Talaga? Sayang naman!” Sabi ni Callix.

“Si Ava at Belle na lang kaya isama mo. Mukhang interesado si Belle eh?” Sumulyap ako kay Belle na kitang-kita ang cleavage at parang sinasadya pa talaga nang makita ni Jacob.

Tinanggal ko ang tingin ko sa kanya at tinignan ko si Karl sa malayo na ngisng-ngisi. Masaya dahil di na sa kanya binabalandra ni Belle ang cleavage na iyon.

Akala ko okay na ang lahat. Akala ko nakatakas na ako sa sumpa ng kumag pero nagkakamali ako.

“Okay, for next week. I want you by pairs… pass a report on A History of Biology, Significant Names in Biology and their contribution. Buenaventura-Aranjuez, present ba ito?”

“Po?” Sabay pa kami ni Jacob na nagsalita.

Napawhistle si Leo at agad tumingin sa harapan para di ko mahalata.

“Del Rosario-Castro.” Nagpatuloy ang professor namin.

Napamura si Belle, “So close! Castro-Buenaventura.” Aniya sakin. “Sayang!”

Oo. Sana kayo na lang ni Jacob ang partner nang di ako mahirapan.

“Paano ba yan?” Lumingon si Jacob sakin ng nakangisi. “Bukas? Siguradong pwede ka na kasi importante ito.”

Kumunot ang noo ni Callix habang tinitignan kaming dalawa ni Jacob na nag uusap. Oo nga pala. Hindi niya alam na magkakilala kami kaya unusual sa kanya kung mag usap kaming dalawa.

“‘kay.” Sabi ko habang tumitingin sa nakakunot na noo ni Callix.

Ngumisi siya at, “Yes! Edi makakasama ka na!” Sabi ni Callix.

Tumawa ako at sumulyap kay Jacob na nakatingin sakin, “Yep! Doon na rin kayo ni Belle gumawa ah nang may kasama naman ako.”

Inakbayan ako ni Callix sa sobrang ayaw, “As you wish!”

Nakita kong naghalf-open ulit yung bibig ni Jacob habang tinitignan kami ni Callix na ganun ang posisyon.

Hindi na siya nagsalita, agad siyang tumayo at umalis sa classroom bago pa nag, “Class dismiss.” Ang prof.

“Huy, Jacob!” Sigaw ni Teddy na sumulyap sakin habang tumitingin.

Si Callix naman ay walang alam sa ginawang pag-alis ni Jacob. Masaya parin siya habang inaakbayan ako. O, ano ka ngayon Jacob? Walk-out ka? Kainis lang pero pag naiisip ko yung mukha niya sa maulang gabing yun? Argh! Wala! Bahala siya.

Ilang beses kaming nagkasalubong ni Jacob sa corridor. Palaging may nakabuntot sa kanyang babae. Kabanas lang. Isang araw pa lang siyang pumasok naging household name na ang Jacob Buenaventura.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]