Baka Sakali 1 – Wakas

Wakas

“Leo, anong pangalan nung pamangkin ni Auntie Precy Aranjuez?” Tanong ko kay Leo.


“HUH? Ewan ko. Rosie yata. Buti pa si Ron ang tanungin mo, crush niya yun eh.” Sabay turo niya kay Ron na pulang-pula ang pisngi.


“Ano, Ron?”

“Roseanne L. Aranjuez. Rosie for short.”


“Crush mo yun?” Tumaas ang kilay ko.


Bakas parin sa dibdib ko yung tigkal ng putik na aksidente niyang nahagis sakin kanina. Buti at nag s-swimming kami dito, niligo ko na lang sa shower yung putik.


“Maganda nga pero ang sama naman ng ugali.” Sabi ko at inirapan sila. “Ang sama niya kanina.” Sabay tingin ko kung nasaan siya nakaupo.


Nakasimangot siya at pinaglalaruan ang buhok.


“Maganda din yung ate niya.” Sabay turo ni Leo sa naliligong ate di umano nung Rosie na yun.
Pareho silang maganda pero ibinaling ko ulit ang tingin ko sa bunsong nakasimangot.


Ang pula ng labi niya at ang kinis ng kutis.


“Jacob…” Tawag ni Eunice.


“Hmmm?”


“Swimming ulit tayo? Tara!” Anyaya niya.


“Mamaya na.” Sabi ko habang pinapanood si Rosie.


Sa unang araw ng eskwela, magkatabi kami ng mataray na babaeng yun. Bakit kaya ganyan? Minsan talaga pinaglalaruan ka ng tadhana. Dahil alam ng tadhanang ayaw mo, pagtatabihin pa talaga kayo.


“Aranjuez, Buenaventura” Sabay turo ni Mrs Gonzalo sa huling upuan na para saming dalawa.


Malamya akong lumapit doon. Nagkatinginan kami ni Ron at Leo. Pareho silang umiling. Alam nilang ayaw ko sa maarteng babaeng ito. Believe me, Ron. Crush mo siya diba? Payag talaga ako kung magpalit tayong dalawa.


Napailing ako nang naamoy na ang pabango niya. Lumapit na siya at umupo sa tabi ko.
“Kung ayaw mo sakin eh mag protesta ka kay Mrs Gonzalo!” Pabulong niyang sinabi.


Mabilis na nagalab ang sistema ko. Kahit anong gawin ko, naiinis talaga ako sa kanya. Ang yabang niya. Alam niyang maganda siya kaya nagtataray siya. Kaya ayaw ko sa mga magaganda. Mas naappreciate ko yung plain at simple na mabait.


“Hindi naman ako tanga, alam kong wala akong pag-asa.” Umirap ako sa kanya.

Ilang sandali ay nalaman naming partner din kami sa lahat ng activities. Kainis! Hindi ko alam kung naiinis rin ba siya, lagi kasi siyang nakasimangot. Masyadong mataray!


“Exchange tayo, pre! Gusto ko diyan!” Sabi ni Paul na kaklase ko.


May gusto rin siguro dito kay Rosie. Nagtatalo na naman kami. Talagang ayaw niya rin sakin. Nang iinis eh.
“Eh yun naman pala. Edi ikaw na ang umapila doon. Kung di ka mag aapila dun, ibig sabihin gusto mo akong makatabi… siguro nga may gusto ka sakin eh.” Sabi ko.


Nakangiti siya pero alam kong inis na inis siya. Bakas yun sa kilay at mata niya, “Binablackmail mo ba ako? Kay kapal din naman ng mukha mo para sabihing may gusto ako sayo ah? For your information, yung ex ko sa Maynila, mayaman, may sasakyan at hindi taga bukid!”


“So?” Seryoso ko siyang tinignan.


“So? Hindi ka kailanman papasa sa taste ko. Magkasalungat kayong dalawa kaya ‘wag ka ng mangarap.” Sabi niya.


“Mangarap? Baka ikaw diyan yung nangangarap!” Napatawa ako sa sinabi niya.


Hindi mo siguro alam na akin ang pinakamalaking negosyo dito sa Alegria. Imposibleng di ka pa nakakabili ng produkto namin! Hindi na ako makapaghintay na malaman mong mayaman ako. Humanda ka!


“Gusto kong sumuka sa mga pinagsasabi mo.” Aniya.


“Noong isang araw pa ako sumusuka pagnakikita kita.”


Pinapagalitan kami halos araw-araw ng mga teacher. Akala nila close kami pero ang totoo, nagbabangayan lang kami.


Sht! Hindi matanggal sa isipan ko yung sinabi niyang mayaman ang ex niya. So… nagka boyfriend na siya? Ano naman kaya ang mukha non? Ayaw kong malaman pero nabigla ako at nagkaboyfriend na siya sa sama ng ugali niya? Tapos pinapamukha niya pa parati sakin na mahirap lang ako (kahit hindi). Natatakot tuloy akong sabihin sa kanya ang totoo, baka magpakabait siya para maakit ako.


Gulat ako nang isang araw ay nakita kong magkaibigan na sila ni April. Mabait si April kaya inaabuso iya ng mga estudyante, naaawa ako kaya pinagtatanggol ko siya at tinutulungan. Nasanay na rin kasi akong tumulong sa mga nagtatrabaho sa negosyo ng papa ko. Kaya tinutulungan ko rin ang papa niya.


Nagkatinginan kami nang binisita niya ako isang hapon sa school, kumakanta ako sa club namin. Gusto ko talaga ang music. Sarap makinig at sarap kumanta. Tinitigan niya ako nang nakakunot ang noo, bakas parin sa mukha niya ang galit, pero may kung ano sa tingin niya at sa unang pagkakataon, kinakabahan ako habang kumakanta dito.


“Weh? Di mo alam eh close na close kayo ni April?” Narinig ko yung sarcasm or bitterness sa boses niya nang tinanong ako.


Di ko siya masisisi kasi nakita niyang nag holding-hands kami ni April nung isang araw. Hindi ko rin alam bakit naglahad si April ng kamay. Ang alam ko lang, hindi ko alam kung paano ko tatanggihan ang kamay niya, kaya hinawakan ko na lang. Nakita niya iyon at siguro ay yun ang punto niya sa sinabi niya ngayon.


“We’ll do it all… everything… on our own…We don’t need… Anything… Or anyone… If I lay here… If I just lay here… Would you lie with me… And just forget the world?” Kinantahan ko siya sa harap ng field.


Kaming dalawa lang ang nandito. Kakaalis lang ni April. Gusto kong i-prove sa sarili ko na hindi ako kinakabahan nung una niya akong nakitang kumanta. Pero nabigo ako kasi hanggang ngayon, kinakabahan parin ako. Pinagpapawisan at halos manginig ang kamay ko habang nag s-strum ng gitara.


“Di mo man lang ba ako papansinin? Heto ako at nagpapapansin sayo at kinakantahan ka at eto ka mukhang mas gugustuhin pang umupo dun sa kabila kesa dito sa tabi ko?” Tanong ko nang nakita siyang mukhang di nakikinig at nakatingin lang sa malayo.


“Nagustuhan mo ba?” Tanong ko.


“Magaling ka.” Tumango siya.


“Yun lang?” Hinawakan ko ang pisngi niya.


Napatingin siya sakin. “A-Ano ang gusto mong marinig?”


Napatingin ako sa pulang labi niya. Siguro ang lambot ng labi niya. Siguro matamis yung halik niya. Hindi ko alam pero bakit pinagpapawisan ako ng sobra ngayon at bakit di ko maiwasang di tumingin sa labi niya?
Napalunok ako. Hindi pwede. Gusto niya ng mayaman, at pag nalaman niyang mayaman ako… maaring magugustuhan niya lang ako dahil dun at ayaw kong mangyari yun. Tumingala ako at nilagay ang kamay ko sa noo.


Sht! Kahit nakatingin ako sa araw, labi niya parin ang iniisip ko. Napahawak ako sa dibdib ko, ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganito.


Nainis ako sa sarili ko nang sumali siya ng Ms Intrams. Ako yung nag suggest kay Mrs Gonzalo. Nainis din ako kasi akala ko hindi niya yun tatanggapin. Iniisip ko pa lang kung anong gagawin niya, naiinis na ako sa sarili ko.


Hinalikan ko siya sa inis ko… sa library. Walang tao. Akala ko pagkatapos ko siyang mahalikan, mawala na yung attraction ko sa kanya pero nagkamali ako, mas lumala yata.


Sa sobrang bilis ng paghalik ko sa kanya, hindi ko na matandaan yung pakiramdam ng labi niya, gusto ko na lang ulitin ulit. Tangina! Naaadik na yata ako sa kanya. First kiss ko yun pero alam kong hindi lang dapat ganun ang kiss.


Nang nakita ko na siya sa stage, hindi ko makontrol ang emosyon ko. Inis na inis ako sa kanya. Paano siya nakakangiti diyan? Paano siya nagpapacute sa lahat ng tao? Hindi pwede sakin yun!


Panay ang picture ni Ron sa kanya at iba pang lalaking may gusto sa kanya. Hindi pwedeng ganun! Hindi pwedeng babasta-bastahin lang nila yung pagpipicture sa kanya.


“Anong problema mo, bro?” Tanong ni Leo.


Natauhan ako sa sinabi niya, “W-Wala.”


“Kanina pa masama ang tingin mo sa kanila Ron ah? Makisaya ka naman! Ang ganda kaya ni Rosie! Kinis talaga ng legs niya no? Yung hita alam mo talagang masarap- Bakit?”


Ginulo ko ang buhok ko at nagsikap na iwasan ang pagsuntok sa kanya.


Umatras siya nang nakita ang nag aalab na galit sa mata ko.


“Anong nangyari sayo?” Tanong niya.


Napatingin naman siya kay April. Nagpatulong siya sakin kanina. Nanghiram ng jersey kaya pinahiram ko. Pero hindi ko matignan si April kasi hinahanap ng paningin ko si Rosie.


“Patingin!” Sigaw ni Louie sa kay Ron.


Pinagkaguluhan nila ang cellphone ni Ron na may mga picture ni Rosie.
“Patingin rin!” Sabi ko.


Napabuntong-hininga si Leo at binigay sakin ang cellphone.


Limang shots na si Rosie lang. Isang nakangiti. Isang whole body. Isang hita, dibdib at legs niya lang. Dinelete ko agad ang tatlong sumunod na picture.


“Jacob! Anong ginawa mo?” Nagwala silang apat pero hinayaan ko na.
Mga bwiset! Ang mamanyak niyo!


Nanalo siya at maraming mas lalong humanga sa kanya. Hindi ko na talaga mapigilan ang galit ko kaya napagbuntungan ko na siya. Nagalit din siya pero ganun dapat yun diba? Ilang buwan ang nakalipas, lagi kaming nagtatalo, hindi pwedeng ngayon, nanlalambot na ako sa kanya.


Nang nalaman niyang mayaman ako, nagwalk out siya. Hindi ko inasahan yung pag wa-walk out niya. Natahimik din sina Leo at mukhang nalaman din nilang may gusto ako kay Rosie. Wala akong pakealam.
Natauhan ako nang sinampal niya ako. Umiyak siya. Yun na yata ang pinaka masakit kong nakita… ang makita siyang umiyak.


Sinundan ko siya papuntang bahay nila. Wala akong pakealam kung mabasa ako sa ulan, ang importante mabalik ulit siya sakin, matignan niya ulit ako nang di umiiyak, malaman niya lang na gusto ko siya, mabasa na kung mabasa…


At alam ko sa sarili kong kung gusto niya man ang pera ko, wala na akong pakealam kasi gusto ko siya.
Bago ako nag birthday, nalaman kong mahal niya rin ako. October 17.


“Sorry dahil mahal din kita.” Aniya.


Electricity na talaga siguro yung bumugso sakin. Galing paa hanggang ulo. Sobrang saya ko. Akin siya. Sakin ang puso niya.


Hinalikan ko siya. Hindi ko mapigilan ang pag gapang ng kamay ko a buong katawan niya. Gusto kong angkinin siya. Gusto kong markahan siya ng pangalan ko. Ayaw ko ng magkahiwalay kami. Ganito pala ang feeling… yung feeling na gusto mo maging parte siya ng buhay mo. Gusto mong lagi siyang nandiyan.


Pinigilan ko ang sarili ko sa kubo. Basang basa kaming dalawa. Bakat sa damit niya yung hubog ng katawan niya. Yung bra niya, kitang kita ko na… Ang ganda ganda niya talaga… at akin siya. Napailing ako at napapikit. Nag iinit na ako pag naiisip kong gusto niya rin ako… mahal niya rin ako. Ibig sabihin iniisip niya rin ang labi ko? Ibig sabihin iniisip niya rin ang mga halik namin? Hindi rin siya makatulog sa kakaisip sakin?


“Ba’t ka lumalayo sakin, Jacob? May problema ba?” Tanong niya habang umaatras ako sa kanya.


Hindi ko na mapigilan ang init ng katawan ko.


“Jacob! Nafu-frustrate na ako, anong problema mo-“


Natatakot siyang may problema ulit kaming dalawa na ang totoo, “Ang problema ko ay eto.”


Tinulak ko siya sa bench at hinalikan. Yes! Eto ang gusto ko! Parang kanina ko pa pinagbabawalan ang sarili ko sa gusto ko.


Napadaing siya sa halik ko.


Sheeeet! Ganun ang nagagawa ko sa kanya? Hindi ko na mapigilan talaga. Init na init na ako.


Pinaghiwalay ko ang magkabilang legs niya at idinikit ko ang sarili ko sa kanya. Kanina pa ako na tuturn on. Alam kong mali ito… Kung sasabihin niya sakin tumigil ako ngayon din, titigil talaga ako pero kung dadaing siya palagi, hindi ko na talaga mapipigilan.


“Jacob, baka mabuntis ako.”


Mas lalo akong nag init. Oo, Rosie… yun lang talaga ang nasa isip ko ngayon. Gusto kong mabuntis ko siya. Siya ang gusto kong makasama.


Itinaboy ko siya nung birthday ko dahil nalaman kong si Callix yung ex niya. Sinungaling! Akala ko ako ang una niya. Shet! Yung pinsan ko pala? Wala bang ibang tao dito sa mundo? Pinsan ko pa talaga?
Nasusuka ako habang iniisip kong nag shi-share kami ni Callix. Sabi ni Callix, lahat ng naging ex niya ay nasubukan niya na. Ibig sabihin pati si Rosie? Hindi ko kayang isipin na dumadaing at tinatawag niya ang pangalan ni Callix habang nag ka-climax sila. SHT! Tangina! Naiiyak ako sa inis! Hindi ko masisisi si Callix! Talagang nakakahalina si Rosie! Naiinis ako kay Rosie… kasi hindi niya sinabi. Kasi nagsinungaling siya.
Tama kaya na itinaboy ko siya?


Binisita ko siya sa bahay nila. Di ako pumasok dahil alam kong galit parin siya sakin. Pahuhupain ko muna ang galit niya tulad noong nagalit siya sakin, isang buwan bago niya ako pinansin ngoon… baka mas mahabang panahon pa ang kailangan niya ngayon. Galit din ako sa kanya pero tangina, mahal ko siya masyado na hindi ko kayang magalit sa kanya ng matagal. Wala na akong pakealam kung sinabi ni Callix na mahal niya pa yung huling ex niya na sigurado akong si Rosie. Wala din akong pakealam kung nagsinungaling siya sakin na virgin pa siya, ang importante ay akin siya ngayon.


“Jacob, kasi… bumalik na nang Maynila sina Rosie.” Sagot ni Auntie Precy nang sa wakas ay nagdesisyon akong puntahan siya sa bahay nila. Nabitiwan ko ang white roses na dala ko. Pasukan na bukas ah?
“Kailan po ang balik niya?” Napalunok ako.


“Ewan ko. Sa Maynila na siya mag aaral eh. Nasa New Zealand kasi ang mama at papa niya kaya balik Maynila na sila.”


Hindi ako makapagsalita. Sigurado akong yun ang pinakamalaking pagkakamali sa buong buhay ko. Ang pagtaboy sa kanya sa walang hiyang kadahilanan.


“TANGINA!” Sigaw ko pagkarating ng bahay. “PA! Mag hahighschool ako sa Maynila!” Sigaw ko.
“Jacob, ano bang problema mo?” Tanong ni Papa.


Inaawat na ako ng mga katulong at guard namin sa bahay. Nakabasag na ako ng flower vase pagkarating ko dito. Achievement nga na di ko binangga yung Hummer.


“Wala si Rosie! Umalis! Nasa Maynila! Pa! Mag Mamaynila din ako!” Sobrang huramentado ang naramdaman ko.


Frustrated na ako masyado. Ilang linggo kaming di nagkikita at di nagkakausap. Sa huling kita pa namin, itinaboy ko siya at sinampal niya ako.


Bullsht! Hindi pwede! Mamatay ako! Sht! Paano ako? Anong mangyayari sakin? Rosie! Bakit mo ako iniwan!?
Ginulo ko ang buhok ko at dumiretso sa kwarto.


“Jacob, hindi pwede. Naka enrol ka na. Tsaka, kasalanan mo rin yan eh. Padalos-dalos ka. Itinaboy mo siya kaya ayun umalis nga.” Sabi ni Papa.


Sinuntok ko yung haligi ng kwarto ko. Dumugo na ang kamao ko. Kanina pa ako sumusuntok ng mga matitigas na bagay. Sht! Rosie!


“Pa! Luluwas akong Maynila bukas! Sht! Wala akong pakealam kung ako naman yung itataboy niya dun. Hindi madali, pa! Yung thesis namin? Yung upuan ko?! Lahat isinisigaw ang pangalan niya! Paano ko matatapos yung thesis kung wala siya? At kung yung mga pangungusap dun ay isinisigaw na kanya yun?

Sht!”


Magmamakaawa ako sa kanya.


Naisip ko yung sa kubo. Hindi ako sigurado sa ginawa ko dun. Ang alam ko, tinanggal ko yung akin bago ako nilabasan pero baka sakaling hindi yun tuluyang safe. God! Sana nabuntis ko siya. Hindi siya pwedeng mawala sakin.


Sana nabuntis ko siya. Hahanapin ko siya bukas. Aabsent ako ng school. Kung buntis siya, sigurado akong di pa yun halata sa ngayon kaya bibisitahin ko siya linggo-linggo. Sana mabilis lumaki ang tiyan niya para agad akong magpakita.


“Sht! Di siya buntis!” Napamura ako sa sasakyan ko.


Isang buwan na ang nakalipas pero ang liit parin ng tiyan niya. Sht! Di siya buntis? Hindi pa ako makakasiguro. Gusto kong magpakita sa kanya pero natatakot ako.


“Hay! Ang ganda talaga ni Rosie, pre! Tingin ko talaga magkakabalikan na kami-“


Nailuwa ko yung beer na iniinom ko. Nag babar kami ng pinsan ko ngayon. Bukambibig niya si Rosie.

Langya! Kahit sino siguro! Naiinis ako tuwing naiisip ko yun. Talaga bang may nangyari sa kanila?


“Hindi ko talaga makalimutan yung labi niya. Minsan kinakagat niya pa yun noon pag hinahaplos ko yung dibdib niya. Tsk! Tinamaan talaga ako- Okay ka lang ba, Jacob?”


Sukang-suka ako habang nakikinig sa kanya.


“CR lang ako.” Sabi ko at umalis na.


Hindi ko kayang makinig. Kinakagat ni Rosie yung labi niya. Sht! Please! Sana nabuntis ko siya! Kinakagat niya ba yung labi niya kasi sarap na sarap siya kay Callix? Walang hiyang buhay. I need to move on…


Hindi pwedeng ganito. Mahal ni Callix si Rosie at mamahalin din ni Rosie si Callix soon.


Bumalik ako at nagpakalasing. Maraming kaibigang babae si Callix. Agad nila akong naging kaibigan din. Nakapikit na ako sa kalasingan pagkatapos naming sumayaw ni Grace.


“Jacob… alis tayo dito?” Hinaplos niya ang pisngi ko at hinalikan ako.


Si Rosie ba ‘to? Hinalikan ko rin siya. Hindi ito si Rosie. Fck! Kilala ko ang labi ni Rosie at alam ko kung paano siya humalik. Pero ang labing iyon din ay humalik kay Callix. Kinakagat niya pa nga ang labi niya diba? Kinakagat niya sa sarap! Tangina!


Hinila ko ang buhok ni Grace at mas lalo kong binaon ang labi ko sa kanya. Narinig ko ang hiyawan nina Callix.


Narinig kong nag moan si Grace.


“Sarap mo Jacob…” Hinalikan ko siya sa leeg.


Sana si Rosie ito.


“Jacob, alis na tayo dito.”


Hinila ko siya. Nag iinit na talaga ako… Kay Rosie. Hinila ko siya palabas ng bar, papuntang sasakyan ko. Dadalhin ko siya sa isang hotel at mag kunwaring siya si Rosie.


Pumikit ako at sinimulan ang sasakyan.


Binaba niya ang zipper ko habang nag didrive ako.


“Jacob, hindi na ako makapag hintay… Bilisan mo naman.” Aniya.
“Saan ang bahay niyo?”


“Huh?” Tanong niya.


“Bahay niyo. Ihahatid kita.”


“Huh? Akala ko…”


“Hindi. Sorry. Di ko kaya.”


“Pero hinalikan mo ako kanina. Nilasing mo ako sa halik mo, ‘wag mong sabihing di ka pa nag iinit sa lagay na yun?”


Kung nag init man ako kanina, dahil si Rosie ang iniisip ko. Sht! Kailan ko ba matatanggal si Rosie sa isipan ko?


Gumapang ang kamay niya sa pants ko.


“Umuwi ka na, please!” Sinarado ko ang zipper ko at lumabas ng sasakyan para pagbuksan siya. “Umuwi ka na. Inaantok na ako.”


Kumunot ang noo niya. “Oh well, whatever! Next time?” Ngumisi siya.


Hindi ako makatingin sa kanya. Ilang beses pa yung naulit pero di ko maituloy. Tanginang Rosie na yan! Kumakagat pa ng labi pag nasasarapan sa ginawa ni Callix!?


Nakakainis tuwing naiisip ko ang mukha niyang kinakagat ang labi niya. Pumipikit din siguro siya sa sarap tulad ng ginagawa niya sakin?


PUTANGINAAAAAAAAAAAAAAAAA! BWISET NA BUHAY! SANA MAMATAY NA LANG AKO! ROSIE! SHT!
Lahat ng kanta ko bwiset kung hindi ako naiiyak, nasusuka ako. Para sa kanya lahat. Lahat ng kanta ko nakakarelate kaming dalawa… o baka ako lang?


Langyang Rosie na yan!


Una kaming nagkita sa bar. Hindi ako makapagsalita sa ekspresyon niya sa mukha niya. Hindi ko alam kung apektado ba siya o hindi. Sana umiyak siya. Nang malaman kong minahal niya talaga ako. Pero hindi… sinayaw niya si Callix.


Sumayaw ako kay Grace at isa pang kasama niya pero nakatingin ako sa kanya. The way she moves her hips… parang nag thu-thrust lang kay Callix. She’s fcking killing me… Yung pagkakagat niya ng labi habang tinitignan ako.


GALIT NA GALIT NA AKO. Pero pinipigilan ko para kay Callix. Gusto ko ng aminin sa kanya ang totoong nangyari samin ni Rosie pero natatakot akong baka mas lalo pang magalit si Rosie sakin.
Paano kung gusto niya na si Callix? At ayaw niyang umamin?


“Kanino mo pineke ang virginity mo, sakin o kay Callix?” Sigaw ko sa kanya nang sa wakas ay nakapag usap na kaming dalawa sa loob ng CR.


“WALANG HIYA KA, JACOB!” Sinampal niya ako.


Lintek! Mahal na mahal ko parin siya! Lintek na buhay! Pagkatapos ng lahat! Lintek mahal na mahal ko parin siya? Yung labi niya parin ang distraction ko? Yung mata niya parin ang bumabasag sa puso ko? Yung iyak niya parin ang nakakapanlambot sakin? Lintek na pagmamahal na yan!


“NAPAKAWALANG HIYA MO! HINDING HINDI KITA BABALIKAN!” Sigaw niya bago siya umalis.


Liar! Babalik ka sakin! Aakitin kita! Sakin ka magkakagat ng labi, Rosie! Sakin ka lang magmamahal. Ako ang magiging huli mo… Masakit man yun sayo pero ako talaga… Sisiguraduhin ko yan.


“Jacob, tama na! Hindi ka na niya babalikan. I hate to break it to you, pero nagkamali ka lang talaga. Learn from your mistakes and move on-“


“Sht!” Sabay suntok ko sa kay Leo.


“Pare! Tama na!” Sigaw ni Louie.


“Wala akong pakealam! Kukunin ko kung anong akin!” Sigaw ko.


“Bro, baliw ka na. Hindi siya sayo…” Umiling si Teddy.


“Wala akong pakealam! Sa kanya lang ako magmamahal. Its now or never! Kaya hayaan niyo ako!” Sigaw ko sa kanila.


Natahimik lang sila. Nakita kong umiling si Ron habang tinitignan ako.
“Oo! Alam kong gusto mo rin siya noon! Magkaibigan tayo pero wala akong sinasanto diba? Ngayon, pati pinsan ko di ko sasantuhin-“


“‘wag kang pakasigurado, Jacob. Paano kung di ka na niya tanggapin. Nasaktan mo siya. Kaya nga umiyak siya diba?” Tanong ni Ron.


“Sinaktan niya rin ako pero lintek at mahal ko parin siya. Hindi ako papayag na ako lang yung nagmamahal dito. Kung pwedeng magmakaawa ako sa kanya. Gagawin ko!”


Sabay-sabay silang umiling nang umalis ako. Hinalikan ni Callix si Rosie habang tumutugtog ako sa harapan, talagang mag wawala ako.


Ang lamig lamig ko na sa kakahintay kay Rosie sa gitna ng ulan. Parang bading na umiiyak habang umuulan. Langya talaga! Bakit ba ganito? Bakit pakiramdam ko, di pwedeng hindi kami. Parang di ko malalagpasan ang buhay na ‘to kung hindi kami ang magkakatuluyan? Bakit ganito?


“Rosie, sabihin mo sakin kung anong pwede kong gawin mapatawad mo ako. Sabihin mo sakin kasi takot na akong magdesisyon ng kahit ano. Ayoko ng magkamali ulit. Ayoko ng mawala ka ulit.”
“Di na kailangan, Jacob. Kasi wala na ako sayo, noon pa.” Aniya.


Grabe yung luha ko. Buti na lang at umuulan. Pula din ang mga mata ni Rosie.
“Rosie, Kilala mo ako! Alam mong di kita titigilan! Bakit di mo ako maharap? Umiiyak ka ba? Mahal mo paba ako?”


Inanyayahan siya sa kasal ng ate ni Callix.


Nahalikan ko siya sa loob ng saakyan ko. Alam kong nandyan si Callix sa labas na naghihintay samin pero binalewala ko. Lasing ako sa halik niya. Pumipikit siya at ramdam na ramdam ko na mahal niya parin ako. May pag asa pa ako! Alam ko yun! Pero kumalas siya nang kinatok kami ni Callix. Bullsht! Pati halik niya nagmamakaawa ako? Konting oras lang nagmamakaawa na ako sa kanya.


Nanalo kami sa game ng reception. Pinaglalaruan yata ako ng tadhana nang gagamitin pa yung bibig sa pag soot ng garter sa legs niya.


Namula siya kaya nasiyahan ako sa ginawa ko. That’s it, Rosie, ako yung mahal mo. Sakin mo lang dapat yan maramdaman.


Nag outing kami dahil sa panalo namin ni Rosie. Nakakainis at sumama pa sina Callix at yung Karl na yun na mukhang may gusto rin kay Rosie.


Nagwalk out nang bigla si Rosie habang nilalandi ako ni Belle.


Sinundan ko siya. Inaway niya ako. Sinumbatan. Pero sobrang saya ko dahil nagseselos siya! Sobrang saya ko!


“OO! VIRGIN PA AKO NUN! TANGINA MO! Pinagtabuyan mo ako para sa wala! Sabi na sayo virgin pa ako diba? Tangina ikaw ang nakauna! At ikaw lang ang may marka sakin! Tangina mo di ka worth it!” Sigaw niya sakin.


WHAT? Wala na akong pakealam kung virgin pa siya noon o hindi pero talagang virgin pa pala siya nun? Ibig sabihin ako lang talaga?


“Rosie!” Niyugyog ko ang balikat niya. “Wala akong pakealam! Wala akong pakealam sa nangyari dati ang gusto ko ay yung ngayon… Gusto kong ibalik lahat! Please! Sorry! Please… Huminahon ka.” Sabi ko.


“Walang hiya ka! Anong klase kang pinsan!” Sigaw ni Callix at sinuntok ako.


Sige Callix! Mabuti na yang malaman mong kami ni Rosie ang para sa isa’t-isa. Sinungaling karin ano? Sabi mo natikman mo siya? Naging pinsan pa kita!? Sige! Magpapasuntok ako kai inahas ko siya. Inibig ko si Rosie sa likuran niya.


“Isang tanong, isang sagot, Jacob. Mahal mo ba si Rosie?”


“Sagad sa buto, bro. Pero di ako magsosorry.” Sabi ko.


Binugbog niya ako pero wala akong pakealam. Mahal ko si Rosie. Patayin niyo man ako ngayon, mamahalin ko parin siya.


Yinakap ko si Rosie. Pagkatapos nang lahat na nangyari, kami parin. Takot na takot na akong mawala siya ulit sakin. Paano kung may biglang sumulpot na may gusto sa kanya at akitin siya? Paano kung iba na ang gusto niya.


Nakakatakot ang lahat pero dahil mahal na mahal ko siya magbabakasakali ako. Para sa kanya lahat ng ‘to. Dahil hindi ko na kayang mawala ulit siya sakin. Kung nabaliw ako nang nawala siya sakin isang bese, baka sa pangalawa, mamatay na talaga ako.


“Jacobbb…” Bulong niya sakin habang hinahalikan ko ang leeg niya.


Gumapang ang kamay niya sa abs ko. Umamba siyang tatanggalin ang t-shirt ko kaya tinanggal ko na.

Nalaglag ang panga niya sa abs ko. Mejo pawis na rin ako at nag iinit na. Napangiti ako sa ekspresyon niya.
Pinaghiwalay ko ang legs niya.


“Mamaya na, Rosie…” Bulong ko.


Sumimangot siya habang hinahalikan ko ulit sa leeg. Nakita kong ngumisi siya at idiniin niya ang sarili niya sakin.


Hindi ko yata siya kayang bitinin. Ako mismo natetempt na sa kanya eh.


“Jacob, mahal na mahal kita.” Bulong niya sakin.


Kinagat niya ang labi niya bago ako hinalikan.


Umiling ako at hinubad na ang t-shirt niya.


Kinuha ko ang pulang box na nasa unan ko. Bukas ko pa sana siya ibibigay sa birthday ko pero narealize kong di na ako makapaghintay. Bukas, isosorpresa ko ulit siya pero ngayon ang unang pagkakataong tatanungin ko siya…


“Pakasalan mo ako, Rosie.” Sabi ko habang binubuksan ang box at nakita niya ang singsing.


Biglang-bigla siya. Napatingin siya sakin… pabalik sa singsing. Ngumisi siya at umiyak. Yinakap niya ako at hinalikan.


“Alam kong ayaw mong magmadali pero gusto ko ng kasiguraduhan. Pagsinoot mo ‘to, maiibsan ang mga pangamba ko.”


Naglahad siya ng kamay. Isinoot ko ‘to sa daliri niya.


Yinakap niya ulit ako, “Mahal na mahal kita, Jacob.” Aniya.


“Mas mahal kita. At alam mo yun. Kaya ‘wag ka ng makipagtalo.” Tumawa ako at hinalikan ulit ang leeg niya. “Rosie, binyagan natin ang singsing.”


Hinalikan ko siya galing leeg pababa ng dibdib niya.


“Jacob…” Tawag niya.


Napangisi ulit ako.


“Sisiguraduhin kong gabi gabi mong babanggitin ang pangalan mo, Rosie…”


Nakita kong uminit ang pisngi niya nang nakita akong nakangiti.


“Hinding hindi ka na ulit magbabakasakali sa pag ibig ko, palagi akong nandito, kahit anong mangyari. Mamahalin kita. At aanakan ng marami.”


Humalakhak siya sa sinabi ko at hinila niya ang mukha ko sa kanya para halikan.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 1 – Kabanata 65

Kabanata 65


Celebrate

Nabigla ako nang nakita kong nandoon din sina Leo, Teddy, Louie at Ron sa sumunod na araw.


Ang lalaki nang ngiti nila nang nakita akong palabas ng kwarto ni Jacob. Maagang maaga pa kasi kaya siguro akala nila dito ako natulog.


Umiling ako, “Naliligo pa si Jacob.”


Mas lalong lumaki ang ngisi nila. Nagsisikuhan pa ang mga ito habang naka upo sa sofa nina Jacob.
“Di ako dito natulog ah?! Maaga lang akong pumunta dito.” Sabi ko kahit na umiinit ang pisngi.
Sorry na. Sobrang tindi lang talaga ng epekto ni Jacob sakin kaya minsan nawawala ako sa sarili ko.


“Okay. Defensive masyado.” Sabi ni Leo at ngumisi na naman.


Uupo na sana ako sa tabi nila pero pinigilan ako ni Ron.


“Rosie, sa harap ka na lang. Basta lumayo ka ng konti.” Aniya.
Pumula ang pisngi niya at di makatingin sakin. Nakita kong umiling si Teddy.


“Rosie, masaya kami na kayo parin talaga ni Jacob hanggang ngayon kahit ang dami ng nangyari.”
Ngumisi ako at tinignan ang mga mukha nila, isa-isa.


“Alam mo bang nasuntok kaming lahat ni Jacob nung wala ka?”


“Huh?”


“Oo.” Sabi ni Leo. “Yung lokong yun! Konting asar lang nagwawala na eh nung bumalik kang Maynila? Grabe. Tatlong beses niya akong nasuntok noon.” Umiling siya.


“Sorry, Rosie pero tingin talaga namin noon, wala na siyang pag-asang makuha ka ulit. Ang sama rin kasi ng ginawa niyang pagtataboy. Nasaktan siya dahil pinsan niya si Callix. Nasaktan din siya nang narinig ang mommy mong interesado siya sa pera nina Jacob kaya kinumbinsi namin siyang ‘wag na siyang mangarap na magiging kayo pa.” Napalunok si Teddy. “Sorry, Rosie. Alam naming hindi ka ganun. Pero yun talaga ang tingin namin sa mga panahong yun. Pinagsusuntok niya kaming lahat.” Sabay turo kay Ron. “Lalo na si Ron. Tapos si Leo.”


“Buti na lang talaga at kayo ulit ngayon. Baka hanggang ngayon ay wasak pa yang si Jacob. Halos mamatay yan sa kakainom noon.” Sabi ni Louie.


Napalunok ako sa mga sinabi nila. Naiisip ko yung pag iyak ni Jacob sa labas ng bahay habang lasing siya. Umuulan noon at halos magmakaawa na siya sakin matanggap ko lang ulit siya. Sumakit ang dibdib ko. Hindi ko na maintindihan kung bakit hindi ko siya agad tinanggap. Nabulag ako sa galit ko. Pero mabuti na rin yun para ma-prove ko na talagang deserving siya sa chance na ibibigay ko.
“Rosie!” Tawag ng nakasimangot na Jacob sa taas.


Bumaba siya sa stairs nang nakita akong naka upo sa sala nila kasama ang mga kabanda.
“Jacob, tayo na?” Sigaw ni Leo.


Nakipag-apir siya sa kanilang apat. Sarap tignan na loyal yung mga kaibigan niya. Kahit na ang sama pala ng ugali ni Jacob nung wala ako, nandyan parin sila. Lumaki talaga si Jacob na mahal na mahal siya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Lumaki ako na wala masyadong kaibigan, siguro hindi nila masyadong nagugustuhan ang ugali ko. Pero ngayong nandito na si Jacob, hindi ako makapaniwalang may magmamahal sakin ng sobra. Sa katauhan niya pa.


Tinalikuran sila ni Jacob para humarap sakin. Nakakunot ang noo niya.


“Akala ko saan ka na nagpupupunta. Hmmp!” Kinuha niya ang kamay ko at humarap sa nakangising kabanda niya. “Tara!”


Sinalubong kami ng hiyawan sa school nila. Kahit hindi na nag-aaral ang batchmates namin sa school na yun, sikat na sikat parin sila. Naghihintay sina Eunice at iba pang kaklase namin noon.


Sabi ni Leo, nakiusap daw si Eunice sa principal kung pwede bang hiramin ang covered court para makapagreunion kami. Hindi pumayag yung principal dahil labag daw yun sa mga ‘puclic schools’ kaya binayaran niya na lang. Oo, mag ho-homecoming daw kami ngayon. Sa isang community college daw nag aral si Eunice, sa kabilang mas maunlad na bayan.


Kahit na di naman dapat ako kasali dito (kasi di ako gumraduate dito), dahil kay Jacob, walang imik yung mga gustong mag protesta.


Tumayo silang lahat nang naaninaw ang buong banda. Sa hulihan, naghoholding hands kami ni Jacob. Sabay-sabay ang paglaglag ng panga nilang lahat nang nakita kami ni Jacob.


“Rosieee?” Sabi nung isang kaklase ko.


Nagbulung-bulungan silang lahat. Sumimangot si Eunice nang nakita ako pero nagkibit-balikat na lang siya.
“I saw this coming.” Aniya at sumulyap kay Leo.


Hindi mapawi ang bulung-bulungan. Pinalibutan ako ng mga kaklaseng babae at lalaki para tignan akong mabuti. Nakalaglag parin ang panga nila nang nilapitan ako.


“Lanya! Sobrang ganda mo na! Sobra na talaga!” Sabi nung isang kaklase ko noon. “Sayang at nagkabalikan kayo!”


Tinitigan siya ni Jacob at hinila niya ako palayo sa kanila.

Halikan mo ako, Rosie at baka masuntok ko sila, isa-isa.” Bulong niya.


Tumawa ako sa sinabi niya. Sumimangot naman siya.


“Ganda niya ba kamo? Sayang kasi nagkabalikan kami? Pagsusuntukin ko kayo-” Tinakpan ko ang bibig niya.


Kahiya talaga ‘tong si Jacob. Sumimangot pa siya lalo. Hindi niya man lang tinitignan ang mga bumabati sa kanya. May isa pang nagbigay ng regalo.


“Jacob, gusto ko ako ang maunang magbigay ng regalo sayo. Eto oh.” Pulang pula ang pisngi ng batchmate naming iyon habang binibigay ang regalo niya.


“Thanks!” Kinuha ni Jacob at binigay sakin.

indi niya na ulit tinignan ang ibang tao. Buong atensyon niya nasa akin lang. Ang sama-sama naman ng lalaking ito. Noon, ang bait niya. Binibigyan niya naman ng atensyon ang mga tao, lalo na ang mga babaeng gustong makipagkaibigan sa kanya.


Tumili yung iba habang tinitignan siyang humahakbang papuntang first row ng mga upuan.
“Gwapo mo talaga Jacob! I love you talaga!” Sigaw ng tatlong babae.


Alam ko. Maging sa Maynila ay pinagkakaguluhan siya kaya di ko talaga masisisi ang mga taga Alegria.
“Mahal na mahal kita Jacob!” Sigaw nung isa.


Umiling ako habang tinitignan siyang nakatingin sakin.


“Hindi mo ba sila naririnig? Ang daming may gusto sayo oh? Sa Maynila hanggang Alegria, ang haba ng buhok mo huh?” Tawa ko.


Sumimangot siya, “Asan?” Sabay tingin niya sa paligid.


Mas lalong tumili ang mga babae. Nakita ko ngang umiling si Leo. Halos sambahin kasi si Jacob dito. Alam kong may mga nagkakagusto rin kina Leo pero iba talaga ang dating ni Jacob sa kanila. Maging sakin. Kaya di ko sila masisisi.


“Di ako makapagconcentrate. Yung iniisip ko na naman ngayon ay ikaw, ako, atsaka yung kama.”
Binatukan ko na habang tumatawa siya.


“Jacob! Sht ka naman! Nasa gitna tayo ng homecoming niyo! Birthday mo bukas! Ano ba yang pinag iisip mo at pinagsasabi mo? Kainis ka talaga!” Uminit ang pisngi ko.


Pinulupot niya ulit yung braso niya sa baywang ko at inilapit yung mukha niya sa leeg ko. Sht! Tumindig ang balahibo ko. Natahimik lahat sa ginawa niya.


Tapos nag sigawan nang nakarecover. Oh my god! Masyado talaga siyang PDA! Kaloka!


“Hindi na kahoy yung bubuhatin ko ng nakahubad, Rosie. Ikaw na!” Tumawa siya at iniwan ako sa upuan na nasa harapan nang tinawag na sila ni Eunice sa stage.


“Hello, Alegria!” Sigaw niya nang umakyat na siya.


Naghiyawan ang mga tao. Ako naman dito nagmumura habang inaayos ang sarili sa pag upo. Sht! Jacob! Uwi na tayo! Dun na lang tao sa kama? Oh my godness!


“Namiss niyo ba kami?” Sigaw niya.


“OOOOOOO!” Grabe, halos mabingi ako sa sagot nila.


“Namiss rin namin kayo!” Sabi ni Jacob sa kanila. “Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako babalik kung di ko siya kasama kaya ngayon lang ulit ako nakabalik. Kasi sa wakas, kasama ko na siya.” Nakatingin siya sakin the whole time na sinabi niya yun.


Dinumog na naman ako ng batchmates namin. Todo na lang ang ngiti ko habang nginingitian nila ako. I swear may umiyak pa doon.


Syempre, nakita nilang lumaki si Jacob. Akala nila ay isa sa kanila ang magugustuhan niya pero mali kasi nung dumating akong bigla, sakin siya agad nahulog. Masakit siguro yung naramdaman ni April. Sa kanilang lahat, si April ang pinakaclose sa kay Jacob. Umasa siyang sa kanya mahuhulog si Jacob dahil ang bait-bait ni Jacob sa kanya, pero nang dumating ako, biglang nawala si Jacob sa kanilang lahat. Buong atensyon niya, nakabuhos sakin. Kaya maiintindihan ko kung hindi nila yun matanggap ng tuluyan. Dumating lang kasi ako para kunin si Jacob sa kanilang lahat.


“Rosie, buti naging kayo na ulit. Hindi mo nakita si Jacob nung 2nd term na umalis ka na.” Umiling sila.
Lumapit din si Eunice sakin at ngumiti.


“Jacob is back.” Sabi niya. “As in… really back.”


Tumango ang mga babaeng nakatingin sakin.


Nasaan kaya si April?


“Kakanta kami, okay lang ba sa inyo? Tagal ko na kasing di nakakakanta dito!” Sabi ni Jacob.
Ngumiti siya at kinindatan ako. Naghiyawan ang lahat.


“Ilan ang gusto niyo?” Tanong niya sa mga tao habang inaayos nina Leo ang mga instruments nila.
“SAMPUUUU! LAHAATTTT!” Iba iba ang sigaw ng mga tao.


“Hmmm…” Sumimangot si Jacob. “Tatlo lang? Bibilisan ko ah? Di na kasi ako makapaghintay na tumabi ulit sa kanya. Baka mabaliw ako pag natagalan ako dito.” Humalakhak siya.


Halos marinig ko ang pagbuntong-hininga nilang lahat. Sayang talaga si Jacob! Sobrang in love na kay Rosie! Shettttt!


Shet ang swerte ko!


Kinanta ni Jacob ang mga paborito ko. Chasing Cars. Look After You. Whatever it Takes.


Tulad ng sabi niya, tatlo lang talaga ang kinanta nila.


“Jacobbb! Mag artista kaaa!” Sigaw ng marami.


Tumawa na lang si Jacob at tinignan ulit ako.


“Ewan ko, gusto ko lang maging ama ng mga anak namin eh.” Sabay turo sakin.
“OMG YOU’RE PREGNANT?” Sigaw ni Eunice.


Ayun! Dinumog na naman ako ng mga tao. May iilan na talaga akong nakitang umiyak. Walang hiyang Jacob talaga! Tumatawa lang siya sa stage habang tinitignan silang nagtatanong sakin (at hindi na niniwala sa sagot ko).


“Hindi ako buntis.” Sabi ko ng pang isang milyong beses sa ika isang milyong nagtanong sakin.
“Hindi po siya buntis, sorry Rosie. Baka mamaya iwan mo ulit ako.”


Umiling ako habang tinitignang tumatawa siya. Crazy boy!


“Gusto ko lang samantalahin ang pagkakataong ito para sabihin sa inyo na mahal na mahal ko si Rosie, hindi na mababawi. Sobrang hulog na ang loob ko sa kanya. Sana wala nang humadlang saming dalawa tulad nang paghadlang samin last year. Gusto kong malaman niyo na hinding hindi ko siya susukuan kaya useless yung paghadlang niyo samin. Kung ayaw niyo sa kanya, wala akong pakealam kasi mahal na mahal ko siya. At kung huhusgahan niyo siya, ako ang babanggain niyo.”


Hindi ako makahinga habang sinasabi niya yun. Tulala lang ako sa mukha niya. Seryosong seryoso kasi siya at tinitignan isa-isa ang batchmates namin.


“Sorry kung may nasaktan ako sa inyo last year. Sorry sa inasal ko. Sana makita ninyo na I’m a better person when I’m with her.” Ngumiti siya. “Birthday ko na ulit bukas. You are all invited! Kita lang po tayo sa bahay namin. At sana humingi kayo ng kapatawaran kay Rosie dahil alam kong hindi lang ako ang nagkasala sa kanya, last year. Tayong lahat. Kasi hinusgahan natin siya sa video na yun. Salamat.”


Alam ko kahit binabalewala ko lang kanina. May mga humihingi na ng tawad (example si Eunice) bago pa nagsimulang mag salita si Jacob sa harapan.


“I’m sorry, Rosie!” Sabay yakap sakin ni Eunice. “Tanggap ko na ikaw na!” Tumawa siya.


Marami ding yumakap sakin. Lalaki. Babae. I’m sure nagsisisi na naman ang kumag na yun habang tinitignan akong niyayakap kahit nino. Pero bahala siya. Hanggang simangot lang naman ang kaya niyang gawin eh pagdating sakin. Yinakap ko na rin sila pabalik. I miss Alegria!


Gosh! Umaapaw na yung luha ko dahil sa yakap nila.


Nang kumalas ako sa huling yunakap, hinila ako ng nakasimangot na Jacob at yinakap niya ako. Mukhang di niya na yata ako bibitiwan.


“Humingi ng tawad, hindi yumakap. Kainis!” Bulong niya sa tenga ko.


Hinarap niya ako at pinunasan ang luha.


“Si April?!” Narinig kong bulong ng mga nakapaligid samin.

Nag give-way sila sa nakangangang si April. Nakadress siya at nanlaki ang mga mata niya nang nakita niya kami ni Jacob.


“Sorry Jacob!” Tumakbo siya at niyakap si Jacob.


Napasinghap ako. Sakit rin pala no pag may yumakap sa kanya ng ganun? Siguro ganitong scene ang naabutan ni Callix sa bahay nina Jacob. Hinayaan ko na lang. Gayung nakatitig ang mga mata ni Jacob sakin. Namutla siya at nagmukhang balisa.


“April, kay Rosie ka dapat magsorry. Sa kanya ka nagkasala.” Sabi ni Jacob.


Kinalas ni Jacob ang yakap ni April. Humarap si April sakin. Umiiyak parin siya.


“Sorry, Rosie.” Aniya. Di niya ako niyakap. “Hindi ko alam kung paano ka harapin. Sorry talaga. Sorry sa video. Dahil doon nagkahiwalay kayo-“


“Okay lang, April. Wala akong pinagsisisihan. Yung video na yun ang nagpatunay sakin kung gaano ako kamahal ni Jacob kaya salamat na rin doon.”


Napalunok siya sa sinabi ko.


“Really… Okay lang lahat.” Sabi ko.


Pinulupot ni Jacob ang braso niya sa baywang ko.


Tinignan ko ang tiyan ni April. Hindi pa naman ganun ka laki pero alam mo talagang may dinadala siya. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwalang buntis nga siya. Ang bait niya nung una kaming nagkakilala. I mean, parang di makabasag pinggan. Paano nangyaring ganun?


“Sinong ama ng dinadala mo, April?” Tanong ko.


Napatingin lahat sa kay April dahil sa tanong ko.


Suminghap siya at magsasalita na sana pero…


“Suuus! Sasabihin niya na naman na si Jacob para masira ulit sila ni Rosie!” Sigaw ni Eunice kung saan.
Umiling si April at umiyak ulit.


“Eunice, tama na yan.” Sabi ko.


Napatingin ako kay Jacob. For the first time in history, hindi niya pinagtanggol si April. Seryoso ang mukha niya nang nagkatitigan kami.


“Si… Randy…”


“Sabi na nga ba…” Sabi nung nasa likuran namin ni Jacob.


Lalong umiyak si April.


Sinong Randy?


“Yung anak na baliw ni Aleng Doleng?” May narinig ako. “Kaya nga eh. Lagi silang magkasama eh. Naku!”


Unti-unti kong naaalala yung mga bilin ni mama sakin noon dito sa Alegria. May sinabi nga siya saking ‘wag daw makipagkaibigan yata sa anak ni Aling Doleng.


“Sorry talaga. Rosie, Jacob.” Aniya at umiyak pa lalo.


Umiling na lang ako. Nang bumalik na ulit kami sa bahay nina Jacob…


“Ba’t di mo pinagtanggol?” Bulong ko.


“Rosie, mahirap magpatawad basta tungkol sating dalawa, tungkol sayo. Matatagalan pa bago ako magpatawad pero hindi ako sigurado kung makakalimutan ko ba yun.” Aniya.


“Hindi niya naman kasalanan. May gusto siya sayo kaya siniraan niya ako. Ganun yun. Tapos naniwala ka pa.”


Sumimangot siya, “Wala akong pakealam kung anong rason. Kaya nga iniingatan kita ngayon para mapatawad ko na ang sarili ko diba? At mahal na mahal kita.”


Pinaglaruan niya ang buhok ko habang nag iisip ako sa kawawang April na yun. Hindi rin ako makapaniwalang maayos na ang lahat sa Alegria. Although, hindi ako sigurado kung maayos ba sa Maynila at hindi ko parin nasasabi kina mama at papa ang pagbabalikan namin ni Jacob, kontento na ako sa buhay namin sa ngayon.


Mag-aaral ako. Yun dapat ang unahin pero pwede ko namang pagsabayin ang pag aaral at si Jacob, diba? At di naman ako kailangang mangamba ngayong alam kong mahal na mahal ako ni Jacob. Alam kong maiintindihan niya yun. Masaya ako dahil kahit uhaw siyang pakasalan ako, kaya niya paring respetuhin ang desisyon kong mag aral muna. Kaya niyang maghintay.


“Hindi mo naman kailangang mag aral pa. Ako, mag aaral lang ako para makasama kita araw-araw.” Yun ang laging linya na pagnahihirapan ako sa school.


Umiiling na lang ako. Alam ko. Dahil sa yaman nila, kahit isang dosena pa ang anak namin, kaya niyang buhayin yun. Pero gusto kong iprove sa lahat na kaya ko ring tumayo sa sarili ko. Na hindi ko siya pinaibig para lang sa yaman nila (tulad ng akala ng marami).


Ang daming masasamang nangyari samin ni Jacob, pero worth it naman sa mga masasaya. That’s whats going to happen kung magbakasakali ka… pwede kang mabigo, pero bakit marami paring nagbabakasakali? Kasi worth it pag sumaya ka. Kahit ilang beses kang mabigo, kung sasaya ka naman sa huli, hindi mo na yun iindahin. Kaya maraming sumusugal. Kaya maraming nagbabakasakali.


“Rosie…” Bulong ni Jacob sa tenga ko habang sinasarado ang pintuan ng kwarto niya.


“Jacob, manood tayo ng movie? O di kaya mamasyal sa Kampo Juan? Laki na siguro ng improvement nun ano?” Sabi ko.


“Hmmm…” Hinila niya ako sa kama niya.


Umupo siya sa edge dun at pinaupo niya ako sa lap niya.


“Jacob!” Sigaw ko. “Hmmm?” Itinuro ko yung guitar niya. “Kantahan mo na lang ako sa Kampo Juan. Parang hinaharana? Sige na…” Sabi ko para idistract siya. “Diba yun ang hilig mo?”


“Ewan ko… Rosie… Parang iba na ang hilig ko eh…” Bulong niya.


Tumindig na naman ang balahibo ko. Ewan ko na talaga kay Jacob! Ang landi landi nito.


“Jacob!” Sabay pigil ko sa kamay niyang gumagapang na sa dibdib ko.


“Rosie, alam mo ba anong araw ngayon?” Bulong niya sa tenga ko.


“Oo! Bukas birthday mo na. October 17 ngayon, October 18 bukas, birthday mo.”


“Hindi. Anniversary ‘to sa nangyari dun sa kubo.” Ngumisi siya. Naramdaman ko yun sa labi niya sa tenga ko.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Grabe si Jacob kung maka take note ng mga araw eh.


“Tapos?” Napalunok ako.


“Celebrate naman tayo.” Tuluyan ng gumapang ang kamay niya sa dibdib ko.


“Halos araw-araw ka namang nagcecelebrate!” Sabi ko.


Ngumiti ulit siya. “Kasi araw-araw karing akin. Dapat icelebrate din yun.”


Hinuli niya ang labi ko para mahalikan na ako. Mababaliw na yata ako kay Jacob. Sige. Gusto ko ring makita ang sparkling abs niyang basa sa sparkling sweat. Pero ang totoo, ang hirap niyang pigilan minsan. Errr.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 1 – Kabanata 64

Kabanata 64

Wag na Lang

“Pupunta tayo dun para makita nilang hindi nila tayo kayang paghiwalayin. Kailangan nilang malaman na pagkatapos ng paninira nila, tayong dalawa parin. Na walang makakapigil satin.” Sabi ni Jacob.

Nakumbinsi niya akong pumunta ng Alegria pagkatapos ng finals namin. Paparating na rin kasi ang birthday niya. Nagpapa-party yung daddy niya tuwing birthday niya kaya kinailangang umuwi. Gusto niyang isama ako saan man siya magpunta.

Driver nina Jacob ang naghatid samin sa Alegria. Siyam na oras ang papunta doon kaya mahaba-haba kaming nakaupo sa likuran.

Inanyayahan namin si Maggie at James na pumunta pero busy sila kaya kami lang dalawa ni Jacob.

“Rosie…” Sumandal si Jacob sa balikat ko.

“Hmmm?”

“Ang bango mo talaga.” Inamoy niya ang leeg ko.

Kinurot ko na at sumulyap sa driver. Kainis ang pagiging PDA nito.

“Aray!”

Napangiti ako.

“Ito naman oh, naglalambing lang naman ako. Lagi na lang tayong nag aaway eh kailangan ng lambing.” Aniya.

Hindi ko na mapigilan ang tawa ko. Kainis talaga! Bakit natatawa talaga ako sa kanya? Haaaay!

Yinakap ko siya pagkatapos kong tumawa. Mahal na mahal ko talaga siya, sobra. Natakot ako nung huling away namin. Akala ko siya ang ama ng pinagbubuntis ni April. Gusto ko na siyang iwan pero hindi ako readyng iwan siya. Kung sakaling mangyari ulit yun, ewan ko na lang.

Pinulupot niya ang braso niya sa baywang ko at ngumisi sa ginawa niya.

“Pinangako ko sa sarili kong hindi na ulit ako uuwi ng Alegria kung hindi kita kasama.” Bulong niya sa leeg ko.

“Eto na nga diba, kasama mo na ako.” Napangiti ako.

“Pakasal na tayo, Rosie? Tingin ko magkakaheart attack na ako kung may humadlang o may mangyari pang masama eh.” Aniya.

“Hmm? Ayoko! Bata pa tayo. Marami pang mangyayari. Mag aaral pa ako.”

Kumalas siya sa pagkakayap niya sakin at itinaas ang ulo para magkatinginan kami.

“Ano pa bang pwedeng mangyari? Ayoko na. Gusto ko na lang mamuhay kasama ka. Yun lang. Wala ng mangyayari. Baka mamaya makahanap ka pa ng iba. Baka mamaya kayo pala ni Karl. Baka mamaya may makilala kang iba. Rosie, hindi ka ba natatakot?” Tanong niyang seryoso.

Napatawa na naman ako. Ang cute niya talaga.

“Jacob, natatakot din. Na baka ikaw naman ang makahanap ng iba. Baka makabuntis ka ng iba-“

“Ba’t ako makakabuntis eh ikaw lang naman ang gusto kong pagurin sa kama. Edi sure na na ikaw yung mabubuntis dito!”

Napaface-palm ako at sumulyap sa driver. Godness! Hindi ko alam kung nagpapanggap ba siyang hindi siya nakikinig o may rule silang hindi pwedeng mag react sa mga naririnig.

Sinapak ko si Jacob.

“Oh bakit? Totoo naman ah? Buti nga pumapayag pa ako na ayaw mong magpabuntis eh. Kung makita kong may iba ka ng kinahuhumalingan, sisiguraduhin kong mabubuntis ka na talaga! Hmp!”

Hinalikan ko na lang siya. Nakakatuwa talaga siya. I mean, hindi nakakatuwa na bubuntisin niya daw ako. Pero natutuwa ako dahil natatakot siyang mawala ako sa kanya. Natutuwa ako kasi ang cute niya, palagi. Natutuwa ako kasi mahal niya ako at mahal na mahal ko rin siya.

Is this even possible?

Sa lahat ng nangyari saming dalawa, hindi ako sigurado na posible palang mamuhay kami ng tahimik ni Jacob. No heated fights. No drama.

“Rosie,” Sabi ni pagkatapos ko siyang halikan.

Gumagapang na ang kamay niya sa halos lahat ng nakakakiliting part ng katawan ko.

“Sana pala ako na lang yung nagdrive para pwedeng tumigil muna tayo at…” Ngumiti siya.

Uminit ang pisngi ko.

“Tapos dito tayo sa likuran. Sige. Next time.” Humalakhak siya sa tenga ko.

Tumindig yung balahibo ko sa ginawa at sinabi niya. At na realize na tama siya, sana nga ganun ang nangyari. ARGH! JACOOOOB! Ang bad influence niya talaga sakin. My gosh!!!

Nang nakarating na kami sa Alegria, pinili kong bumisita muna kay Auntie Precy.

Biglang bigla si Auntie Precy nang nakita niyang magkasama kami ni Jacob. Siguro sa loob ng isang taon, nalaman niya rin talaga kung ano ang tunay na nangyari saming dalawa. Nalaman niya rin siguro ang nangyari sa video na yun.

“Paanong… Bakit… Hindi ba…?” Suminghap si Auntie Precy.

Si Jacob, nasa likuran ko habang tinitignan kami ni Auntie Precy.

Napabuntong hininga siya at, “Nagkaayos na kayo.”

Tumango kaming dalawa ni Jacob. Pinulupot niya ang braso niya sa baywang ko.

Tinignan ito ni Auntie Precy at parang natulala na lang siya sa braso ni Jacob.

“Okay.” Napaiyak si Auntie Precy.

Hindi ko alam kung bakit.

“Auntie? Okay lang po ba kayo?” Tanong ko.

Nagpapanic na kami ni Jacob.

“Wala. Sorry, Rosie.” Itinaas niya ang kamay niya samin. Pinunasan niya ang luha niya at ngumiti. Itinuro niya ang braso ni Jacob sa baywang ko, “Ganyan din siya, noon.”

Hindi ko alam kung bakit lumakas at bumilis ang pintig ng puso ko sa sandaling iyon. Siya. Meaning si Don Juan Antonio, ang daddy ni Jacob.

“At buti na lang hindi talaga kami nagkatuluyan, para sa inyong dalawa.” Niyakap niya kaming dalawa ni Jacob at mas lalo siyang humagulhol sa pag iyak. “Magpakasal na kayo! Ayokong magkahiwalay na naman kayo. Pag nagkahiwalay kayo, magsisisi ako.”

Hindi ko alam kung bakit siya magsisisi pero alam ko, noon pa, na sising-sisi siya sa nangyari sa kanila noon. Pero ako? Hindi ako nagsisisi. Hindi sila nagkatuluyan ni Don Juan kaya ipinanganak si Jacob. My god, hinding hindi ako magsisisi. Magpapasalamat pa ako! Sorry Auntie Precy pero tingin ko ganun din ang tingin niya.

Nang dumating na kami sa bahay nila, sinalubong kami ng mga katulong at ng daddy niya.

“Welcome home!” Ngiting-ngiti ang daddy niya habang niyayakap si Jacob. “Kailan ang kasal?” Dagdag niya.

“Ewan ko, pa. Siguro, buwan-buwan kong tatanungin si Rosie baka sakaling magbago ang isip niya. Ayaw niya pa kasi eh.”

Tumawa ang daddy ni Jacob at tumingin sakin para yakapin ako.

“PA!” Sigaw ni Jacob nang niyakap ako ng daddy niya.

“Hmmm?” Kumalas agad ang daddy niya at tinignan si Jacob.

Tumawa na lang ako kasi galit na naman siya. Grabe! Ang seloso talaga nito! Pero ang cute niya talaga!

“Hindi pwedeng yakapin si Rosie, sakin lang siya pwedeng yumakap.” Sabay hila ni Jacob sa kamay ko.

Tumawa ang daddy niya, “Sige ka, Jacob. Pag masyado kang seloso, maghahanap si Rosie ng iba. Yung hindi.” Kumunot ang noo niya bago kami tinalikuran.

“ANO?” Sabi ni Jacob at hinarap ako.

“Ano?” Tanong ko habang tinitignang umaalis ang daddy niya.

“Maghahanap ka ng iba kung masyado akong seloso?” Napalunok siya.

Napatingin ako sa daddy niyang naglalakad papunta yata ng kitchen nila. “Hindi naman.”

Siguro ay ganun yung nangyari sa kanila ni Auntie Precy? Nagcollege si Auntie Precy sa Maynila, maraming lalaki doon kaya paniguradong nagseselos si Don Juan. Sobra-sobra siguro ang pagseselos niya kaya iniwan siyang tuluyan ni Auntie. O baka nung dito pa sila sa Alegria, seloso na si Don Juan? Ewan ko pero may feeling akong mejo ganun nga ang nangyari. OMG!

“Rosie? Maghahanap ka ng iba? Si Karl? Sino?”

Sinuntok ko ang dibdib niya. Masyado talagang matigas. Argh! Uminit ang pisngi ko nang naisip ko yung abs niya. “Bading si Karl. Kailan ba yan papasok sa utak mo?” Tanong ko. “Tsaka din ako maghahanap ng iba. Seloso ka at isa yan sa dahilan kung bakit nagustuhan kita.” Yinakap ko siya.

Napabuntong-hininga siya at hinalikan ang noo ko.

“Kailangan lang talaga natin ng trust. Magtiwala ka na ikaw lang ang mamahalin ko at magtitiwala din ako na ako lang yung sayo.” Sabi ko.

“May tiwala ako sayo, sa mga taong nakapaligid sayo ako walang tiwala.” Aniya.

“Ows?” Natawa ako sa sinabi niya. Talagang wala siyang tiwala maging sa daddy niya?

Humikab siya at, “Rosie, pagod ako sa byahe. Pahinga muna tayo sa kwarto.” Ngumisi siya.

Kinurot ko na naman siya. Alam ko na naman kung anong klaseng ‘pahinga’ ang gusto niya.

Hay! Ang manyak talaga nito!

Pumayag naman yung daddy niya na sa kwarto niya kami matulog, the whole time na nandito ako. Hindi ako pumayag, sinabi kong kina Auntie Precy ako tutuloy. Kaya ayun at malungkot si Jacob. Bakit daw ayaw ko. HAHA! Tama na at baka magbago ang isip ko. Gusto ko naman eh pero tingin ko ito ang tamang gawin.

Tama! Ganun yun! Minsan, may mga gusto ka pero alam mong di tama. Kailangan mong sundin kung ano ang tingin mo ay tama kahit na hindi mo yun gusto. Tutal, kung para sayo talaga ang isang bagay, mapupunta yan sayo kahit anong iwas ang gagawin mo. At kung hindi naman yun para sayo, kahit anong pagkakamali ang gagawin mo para lang dun, hindi talaga yun mapapasayo.

At least sa lahat ng nangyari, may natutunan ako. Worth it lahat. Worth it na nagkasakitan kaming dalawa kung sa huli ay kami parin.

Umiling ako nang nabuksan ko ang box na puno ng condoms sa kwarto niya.

“JACOOOOB!” Sigaw ko.

“Bakit?” Galing siyang banyo para maligo.

Nakatuwalya lang at nakabalandra yung abs niya. Napalunok ako at tumingin na lang sa box ng condom. Mas disturbing yata yung abs niya kesa sa box ng condom na ‘to.

“Ano ‘to?” Tanong ko.

“Condoms?”

“Bakit ang dami? Limang araw lang tayo dito tsaka wala naman akong planong makipag ano sayo dito! Kahiya ka talaga!”

Dinala niya ito galing Maynila! Ang kumag talaga! grrr.

“Baka sakali lang namang maparami eh.” Ngumisi siya at umupo sa kama niyang hinihigaan ko.

Hindi ko alam kung kaya ko ba talagang humindi minsan.

“Jacob, pumunta na tayo sa school. Gusto mong pumunta diba? Bisitahin na natin si April.” Sabi ko para madistract siya.

Pero wala yatang makakadistract sa kanya ngayon. Nakatingin lang siya sa labi ko habang nagsasalita ako.

“Ang pula talaga ng labi mo, Rosie. Kahit walang lipstick. Lagyan kaya natin para tanggalin ko?”

Okay. Parang kailangan ko na rin ng distraction. Gulay!

“Jacob!” Kumunot ang noo ko at tinulak ang basa niyang katawan.

“Wa’g na lang? Yung damit mo na lang kaya ang tanggalin ko?”


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 1 – Kabanata 63

Kabanata 63

Bakla Ako

Buong araw akong di makapag-isip ng mabuti dahil sa babaeng kayakap ni Jacob. Totoo kaya yung sinabi ni Callix? Bakit hindi binanggit ni Jacob sakin yun? Alam kong dapat magtiwala ako kay Jacob. Yun ang kulang saming dalawa. Iniwan niya ako noon dahil wala siyang tiwala sakin at kung iiwan ko siya ngayon para dito, iiwan ko siya dahil ako naman ang walang tiwala sa kanya.

“Jacob,” Nilapitan ko si Jacob nang nagkasalubong kami.

Abot tenga ang ngiti niya nang nakita niya ako.

“Oh, Rosie? Tapos na ba klase mo?” Tanong niya sabay tingin kay Karl na nasa likuran ko.

Sumimangot siya agad nang nakita si Karl. Binalewala ko yun dahil may bumabagabag sa isipan ko sa ngayon. Mabigat ang damdamin ko dahil dun.

“Oo eh. Tapos na.” Sabi ko.

“May pasok pa ako eh.” Ngumisi siya. “Movie marathon na lang kaya tayo sa bahay niyo?” Tanong niya.

Umiling ako at di man lang ngumiti sa anyaya niya.

Nakita kong nagbubulung-bulungan ang mga tao sa paligid. I’m sure naiinis na naman sila sakin dahil kausap ko si Jacob. Pero wala akong pakealam sa kanila ngayon. Kailangan kong maliwanagan.

“Jacob… uhmmm.”

“Hmmm?” Nakangiti parin siya nang tinitignan ako.

Nasa likuran niya sina Leo. Kahit na nag-uusap ang mga kabanda niya, nararamdaman ko paring nakikinig sila.

“Kailan kayo nag usap ni Callix?”

Nalaglag ang panga niya.

Ilang sandali pa siya bago nagsalita…

“Uhm… Kahapon ng umaga.”

Napahinga ako ng malalim, “Bakit? Hindi ba kayo nag usap nung Sabado?”

“Hindi eh.” Napalunok siya at di na makatingin sakin.

“Bakit?” Tanong ko.

“Pagod na kasi ako nun eh. Dami kasing pumunta sa gig.” Di siya makatingin sakin.

“Ahhh. Ganun ba?” Pinilit kong ngumiti. “Sige, uwi na ako ah? La na kasi akong pasok eh…”

“Huh? Sasamahan na kita. Mag momovie marathon-“

“Wa’g na! Okay lang naman. Nandito naman si Karl.” Sumulyap ako kay Karl.

Nabigla si Karl pero hinila ko parin siya palayo kina Jacob. Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko.

LIAR!

“Karl, I’m sorry. May pasok ka pa diba?” Pinunasan ko ang luha ko.

Umiling si Karl nang nakita ako, “Di bale, lika, umuwi na tayo sa inyo…” Hinawakan niya ang kamay ko at siya na mismo ang naghila sakin.

Umiling ako, “Wa’g… Alam kong pupunta dun si Jacob. Pwedeng sa ibang lugar?” Tanong ko.

Tumango siya.

“Karl, I’m sorry for being so selfish. Alam kong may pasok ka pa…”

“Rosie, hindi naman ako araw-araw na nag aabsent para sayo. Wa’g mo ng aalalahanin yun.”

Pumasok ako sa sasakyan niya at dinala niya ako sa isang overlooking na cafe.

Umiiyak parin ako habang lumalabas sa sasakyan niya.

“Sinungaling!” Sabi ko.

Tahimik lang si Karl habang nakikinig sakin.

“Napaka sinungaling niya, Karl! Sinubukan kong mag tiwala pero sht! LIAR!” Sabi ko habang tumitingin sa buong syudad.

Tumango si Karl at nakinig lang.

“Karl, tama naman yung ginawa ko diba? Tinanong ko siya. Sinagot niya ako. Nagsinungaling siya. Sht!”

“Rosie, yung cellphone mo…” Sabay turo sa bag ko.

Kanina pa pala tumutunog ang cellphone ko. Nakita kong si Jacob ang tumatawag. Agad kong pnatay ito at nagsimulang umiyak ulit.

Nag order si Karl ng pagkain at kape para sakin. Umiiyak ako at wala akong pakealam sa mga tingin ng waiter sakin dito.

“Rosie…” Sa wakas ay nagsalita na ulit siya. “Hindi kaya natatakot lang si Jacob na sabihin sayo ang totoo?”

Tinitigan ko si Karl na parang siya ang may kasalanan.

“I mean… Di kaya wala naman talagang nangyari kaya di na importante kung pag usapan?”

“Karl! Kailangan kong malaman ang lahat. May nangyari man o wala. Honesty. Yun ang gusto ko sa relasyon namin. Yun yung sumira noon, Karl. Dapat malaman niya yun.”

Tumango si Karl, “Sa bagay. Kung wala naman talagang nangyari, dapat di siya guilty kung sabihin niya yun sayo.”

Napasinghap ako sa sinabi niya. Parang mas lalo akong nasaktan ngayong pati si Karl ay nag give up na kay Jacob.

Alas syete na at tulala parin ako sa city lights ng syudad. Hindi parin ako makapaniwala sa pagsisinungaling ni Jacob. Ayokong isipin. Gusto kong kalimutan. Kaligtaan ang detalyeng ito at magsimula ulit. Na naman. Kasi ayokong mawala siya. Kasi walang makakapag pa-ayaw sakin kay Jacob ngayon. Wala na. Pero alam kong di dapat ganun. Kalimutan ko man yun ngayon, mauungkat lang ulit yun balang araw.

“Uwi na tayo.” Sabi ko kay Karl.

Tumango siya at tumayo.

Umalis na kami sa cafe. Kinakabahan ako nang papalapit na kami sa bahay. Buti na lang at wala yung Ford Ranger ni Jacob. I mean… Nasaktan ako na wala yung sasakyan niya. Tangina. Baka naman kasama niya na naman ang babaeng kasama niya nung isang gabi? Oh my god! Hindi ko na alam kung anong mas maganda… yung nandito ang sasakyan niya o wala.

Let’s face it. Wala yung sasakyan niya kaya wala siya.

Napaiyak ako nang nag park si Karl sa tapat ng apartment.

“Thanks, Karl.” Sabi ko.

Tinapik niya ang likuran ko.

Hindi ko na napigilan. Niyakap ko siya at humagulhol na sa iyak.

“Rosie, magiging okay din lahat.” Hinaplos niya ang likuran ko.

“Karl, paano magiging okay? Nagsinungaling siya sakin. Ayaw kong pilitin siyang sabihin sakin ang totoo. At natatakot ako. Paano kung-” Di ko masabi.

Kasi alam ko kung sino yung babaeng yun. Si April! Sigurado akong si April yun! Siguradong-sigurado!

“Reresbakan natin yung babaeng yun kung sino man siya.” Sbai ni Karl.

May biglang kumatok sa bintana ni Karl. Kinalas ko ang pagkakayakap sa kanya at nakita kong si Jacob ang nasa labas. Oh my gosh! Nandito siya? Napatingin ako sa likuran at nakita kong kakarating lang niya. Kakapark lang ng sasakyan niya sa likuran ng sasakyan ni Karl.

“Rosie…” Nanlaki ang mata ni Karl. “Galit siya.”

“Akong bahala.” Sabi ko at lumabas sa sasakyan.

“Rosie…” Pumungay ang mga mata ni Jacob.

Tinignan niya ako tapos si Karl, tapos ako ulit, tapos si Karl.

“Rosie… nawala ka ba sakin?” Nabasag yung boses niya sa dulo.

Napaiyak ako sa tanong niya.

“Jacob, magsabi ka sakin ng totoo.” Sabi ko. Tinitigan ko siyang mabuti.

Yumuko siya at napabuntong-hininga.

“Jacob… magsabi ka ng totoo. Sino ang babaeng nasa bahay niyo nung Sabado?”

Nanlaki yung mata niya.

“Si April.” Suminghap siya. “Sorry, Rosie pero hindi ko kayang mawala ka sakin.” Umiling siya.

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya.

“Mawawala ako sayo, Jacob kung di mo sasabihin sakin ang lahat-“

“Pumunta si April sa bahay namin. Lumayas siya sa kanila. Itinaboy ko siya pero, Rosie, wala siyang mapuntahan. Gabi na nang naabutan ko siya sa bahay. Tinawagan ako ni Manang pagkatapos ng gig para sabihin na nasa labas si April. Buntis siya, Rosie.”

OH MY GOD! Ewan ko na lang kung nasaan ang panga ko dahil hindi ko na talaga maramdaman ang pagbalik niya sa mukha ko.

Oh my god! April? Pregnant? Si Jacob ang ama?

OH MY GOD!

No. Freakin. Way.

“Rosie, kasalanan ko ‘to. I’m sorry. Pero tinaboy ko siya-“

Sinampal ko si Jacob. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagbuhos.

“Rosie!?” Basag na basag na yung boses niya nang tinawag ulit ako.

Narinig kong bumaba si Karl sa kotse para yakapin ako.

“Karl!” Sigaw ni Jacob. “Bitiwan mo si Rosie!” Tinulak niya si Karl.

Kumunot ang noo ni Karl sa pagkakatulak ni Jacob.

“Nag aaway lang kami. Hindi niya ako iniiwan kaya wa’g kang makealam!” Sigaw ni Jacob kay Karl.

“Anong sabi mo Jacob? you just lost me! Forever!” Sigaw ko pabalik sa kanya.

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.

“Rosie… Rosie… Rosie, bakit?” Hinuli niya ang titig ko.

Di ako makatingin sa kanya.

“Umuwi ka na dun kay April! Dun ka nababagay! Sht! I hate you!” Sigaw ko.

I swear sira na ang vocal cords ko!

Tumawa si Jacob at niyakap ako, “No… Rosie… Hindi.”

Sinuntok ko ang matigas niyang dibdib. Malakas. Pero di siya natinag.

“Roseanne Aranjuez, for God’s sake hindi ko yun anak! Walang nangyari samin ni April! Wala! Rosie!”

Oh my godness! Napaiyak ako lalo dahil sa sobrang relief nang narinig ko yun sa kanya. Nanghina ako sa yakap niya. Humagulhol ako sa iyak sa balikat niya. Mas lalong humigpit ang yakap niya sakin. Hinaplos niya ang buhok ko. Kinalas niya ang pagkakayakap niya sakinpara punasan ang luha sa mga mata ko.

“Hindi ko yun magagawa sayo. Ikaw lang ang mahal ko. Hindi ko sinabi sayo yun dahil hindi importante at natatakot akong magduda ka kahit wala naman talaga. Tinulungan ko lang si April ng isang beses. Pinauwi ko na sa kanila kinaumagahan. Yun lang yun. Galit ako sa kanya, Rosie dahil sa ginawa niya satin… pero hindi ko siya maitaboy mag isa sa kalsada nang walang pera, pagkain ngayong buntis siya.”

Tinitigan niya ako. Nilagay niya ang kamay niya sa magkabilang pisngi ko.

“Tignan mo ako, Rosie…” Hinuli niya ang titig ko.

Nang sa wakas ay tinignan ko na siya…

“Bawiin mo lahat ng sinabi mo, please. Dahil natatakot akong mawala ka ulit sakin. Please, sabihin mong mahal mo ulit ako. Sabihin mong di mo ako iiwan. Please.”

Nanginginig pa ang lalamunan ko dahil sa nangyari. Hindi ako makapagsalita.

“Damn!” Napapikit siya nang narealize na hindi ako magsasalita.

Hinalikan ko na lang siya dahil ayokong mabigo siya. Kanya parin ako. Sht! Alam kong kahit nabuntis niya si April, mamahalin at mamahalin ko parin siya. Iiwan ko siya dahil hindi ko yun matatanggap pero sigurado akong kanya parin ako!

He kissed me back.

“Ermmm. Uhm, Rosie, uwi na ako ah? Di na yata ako kailangan dito.” Sabi ni Karl sa gilid.

Tumigil si Jacob sa paghalik sakin.

“Bakit mo siya yinakap kanina, Karl?” Seryosong tanong ni Jacob kay Karl.

“Huh? Excuse me? Siya yung yumakap sakin, hindi ako.” Umirap si Karl.

Kumunot ang noo ni Jacob at naglakad papunta kay Karl.

Nakita kong bumilis na ulit ang paghinga niya. Galit na ulit siya.

“Jacob!” Sa wakas ay nakapagsalita ako kahit nanginginig na.

“Oy! Oy! Oy! ano?” Umatras si Karl at pumikit.

Nagreready na yata sa suntok ni Jacob. Hinila ko si Jacob palayo kay Karl.

“Langya! Bakla ako! Wa’g mo lang akong suntukin, Jacob!” Sigaw ni Karl habang nakapikit.

“Huh? Ano ngayon kung bakla ka!? Lalaki ka parin kaya wa’g mong mayakap-yakap si Rosie kasi akin siya!”

“Shet, Rosie! Wala palang kwenta ang pag amin ko!” Sigaw ni Karl, nakapikit parin.

“Jacob! Tama na!” Napabuntong-hininga si Jacob at tumingin sakin.

Hinawakan ko ang kamay niya.

“Harmless si Karl. Bakla nga siya, diba?” Sabi ko.

“Hindi ako naniniwala! Nagloloko lang yan para makachancing sayo! At kung totoo man na bakla siya, wala akong pakealam, lalaki parin siya kaya dapat di ka niya hinahawakan ng marurumi niyang mga kamay.”

Sa wakas at dinilat na ni Karl ang mata niya.

“Langya. Makaalis na nga dito, Rosie. Langya naman ‘to.” Umiling si Karl at umikot sa kotse niya.

“Karl! Sorryyyy! At… salamat! Mag uusap tayo soon. Itetext kita. Sorry!” Sigaw ko.

Kumaway siya sakin. Kailangan kong itatak sa kokote na kailangan pang mag sorry ni Jacob sa kanya sa susunod na magkita sila.

“Rosie, punta tayo ng Alegria.” Sabi ni Jacob nang nakaalis na si Karl.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 1 – Kabanata 62

Kabanata 62

Kayakap Niya

Hinayaan ko si Callix na makipag ayos kay Jacob. Hindi ko ginulo si Jacob sa gabing iyon.

Hindi ko rin siya tinanong kung bakit di niya ako tinext. Tanghali ng Linggo, pumunta siya sa bahay na may dalang pagkain.

Napangiti ako nang yinakap niya ako…

“I missed you.” Bulong niya at hinalikan ang lips ko.

Uminit ang pisngi ko.

“Ehem…” Singit ni Maggie.

Hindi maiiwasan kasi pareho silang nasa sofa ni James nang pinagbuksan ko si Jacob.

Pinapasok ko siya. Hindi matanggal ang ngiti niya nang pinapasok ko siya. Kinuha ko yung pagkain at nilagay sa kusina.

“Ehmmm, kumain muna kayo sis ah? Baka… hmmmm…” Tinaas ni Maggie ang kilay niya habang nakangiting tumitingin samin ni Jacob.

Sumimangot ako. Alam ko na naman ang ibig sabihin ni Maggie. Baka akala niya maglalampungan na naman kami. Hindi ko alam pero feeling ko alam niyang may nangyari samin ni Jacob sa gabing iyon. Errr. Kahiya!

“Kain tayo, Mag, James…” Sabi ko.

“Oo. Mamaya na kami. Kayo muna diyan.” Sabi ni Maggie.

Nang nasa hapagkainan na kami. Nagdala si Jacob ng Fried Chicken, spagetti at french fries.

“Nakipag ayos na sakin si Callix.” Aniya.

Tumango ako at ngumiti.

“Nag usap pala kayo sa bar kagabi?” Tanong niya.

“Oo. Isosorpresa sana kita pero di ka pumunta. Umuwi ka daw ang sabi ni Callix.”

Tumango siya at tinignan ang spagetti sa gitna ng mesa, “Nagbihis lang ako.”

“Pupunta ka dapat ng Club 777 diba?” Tanong ko at hinuli ang tingin niya.

Yumuko pa siya lalo, “Oo…”

“Pero dumating si Callix kaya di ka natuloy… okay lang.” Tinapik ko siya sa likuran.

Tinignan niya ako, half-open ang bibig…

“Okay na kami…” Aniya.

“Oo.” Napalunok siya at ngumiti.

“Jacob… may sasabihin ako.”

Suminghap siya at mas lalong sumeryoso ang mukha.

“Alam kong di na ‘to kailangan pero gusto kong malaman mo na… naghiwalay kami ni Callix noon kasi yinaya niya akong makipagsex sa kanya. Ayoko. Hindi ko gusto yun kaya hiniwalayan niya ako.”

Nanlaki yung mga mata niya.

Nakita kong naging kamao yung kamay niyang nasa mesa… Nakita ko rin ang pagbilis ng paghinga niya.

“Hiniwalayan ka niya… para dun?” Dahan dahan niyang sinabi yun.

Alam kong galit siya. Ilang beses ko na siyang nakitang galit, sakin o sa mga taong nasa paligid niya.

“Shhh. Oo. Noon yun.”

“SINAKTAN KA NIYA PARA LANG DUN?”

Hinawakan ko ang kamao niya para huminahon siya. Agad siyang pumikit. Ginulo niya ang buhok niya. Nang dumilat siya, tumingin siya sakin…

“Pati ako! Ako mismo sinaktan kita sa mababaw na rason! Shit!” Ginulo niya pa lalo ang buhok niya.

Naninikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Tama pero di na dapat balikan iyon. Tapos na yun at masaya na kami ngayon…

“Sorry, Rosie. I’m so sorry.” Niyakap niya ako.

Sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya pakiramdam ko mababali na yata ang buto ko. Pero gusto ko ‘to. Gusto kong niyayakap niya ako ng ganito. Gusto kong maramdaman kung gaano niya ako ka mahal. Kung gaano kahigpit niya akong hahawakan simula ngayon.

Hinaplos ko ang buhok niya. Kumalas siya at nakita kong mejo pula yung mata niya, para bang pinigilan ang pag iyak.

“Jacob, okay lang. Kalimutan na natin yun. Napatawad na kita-“

“Pero di ko pa napapatawad ang sarili ko-“

“Shhh… Basta, Jacob. Magsimula tayo ng bago, okay?”

“Okay… Mahal na mahal kita. Sobra. Ikakamatay ko pag nawala ka ulit sakin.” Aniya bago niya ako hinalikan.

Hinayaan ko ang sarili kong siyasatin siya habang naghahalikan kami. Yung buhok niya, mukha niya, leeg, dibdib, abs. Ngumisi siya sa kalagitnaan ng halik namin nang tumigil yung kamay ko sa abs niya.

“Paborito mo yan?” Tanong niya.

Ngumiti ako. “Oo.” At hinalikan ko ulit siya.

“Wa’g kang mag alala, palagi yang nandyan kung palagi tayong nasa kama.”

Sinapak ko siya. Tumigil ako sa paghalik at sumulyap sa sofa. Nanonood parin si Maggie at James ng TV kaya okay lang.

Tumawa si Jacob nang nakita akong tinitignan sina Maggie at James.

“Lumipat ka na sa bahay namin, Rosie.” Aniya.

“Huh? Yoko!” Pumula ang pisngi ko sa alok niya.

“Hmm? Talaga? Ayaw mo?” Ngumisi siya.

Hindi ako makatingin sa kanya. Gosh!!! Iniisip ko pa lang kinikilabutan na ako eh. Ako? Sa bahay nina Jacob? Oh my gosh! Paniguradong matutuwa si mama, pero ewan ko kay papa… Tsaka… anong gagawin namin sa bahay nila?

“Gabi-gabi kang pagod, sigurado. Mapupuyat ka kaya di ka na lang mag aaral.” Ngumisi siya habang iniisip yung pantasya niya.

“Huy!” Binatukan ko na. “Mapupuyat ako sa pag-aaral kaya hindi ako pwedeng mapagod sa gabi. Ganun dapat yun, Jacob! Ikaw talaga!” Tumawa ako.

Ngumuso siya.

Di ko mapigilang di ngumisi sa mukha niya. Ewan ko na lang. Pakiramdam ko maraming babae pang makikipagpatayan sakin para kay Jacob. Sobrang gwapo niya eh. Inosente pa! Mabait pa! Natatakot akong dumating ang araw na mag mature siya… hindi naman sa hindi pa siya nagmamature. Ang laki ng pinagbago niya mula nung nagkakilala kami. Pero natatakot parin akong mas lalo siyang magmature. Yung tipong trabaho na ang priority? Paano kung may makilala siyang iba? Mas mamahalin niya pa kesa sakin? First love lang pala ako at may last love pa siya.

Napabuntong-hininga ako sa mga iniisip ko.

Paano kung ganun ang mangyari?

Iniisip ko pa lang nasasaktan na ako eh. Siguro hindi talaga matatapos ang pagbabakasakali ng mga tao. Sa buhay natin, hindi mo maiiwasang di sumugal. Sumugal sa mga desisyong walang kasiguraduhan. Kung di ka susugal, parang di ka nabubuhay. Kahit walang kasiguraduhan ang pagsusugal mo, susugal ka parin dahil BAKA SAKALI. Dun lang umiikot ang lahat eh. Sa pagbabakasakali.

“Callix!” Tinawag ko si Callix sa corridor.

Nakangiti ako nang hinarap siya.

“Rosie!” Tumango siya at nilapitan ako.

“Okay na ba kayo ni Jacob?” Tanong ko kahit na alam ko na naman ang sagot.

“Oo.” Ngumiti siya. “Buti naabutan ko siya kahapon.”

Tumango ako at kumunot ang noo, “Kahapon?” Linggo kahapon ah? Ang akala ko ang nung Sabado ng gabi sila nagkasundo?

“Oo.” Tumango si Callix.

“Bakit? Di ba kayo nagkita nung umalis ka sa club?”

Umiling siya, “Nagkita kami… Pumunta ako sa bahay nila pero may pumunta kasing babae eh.”

Mas lalong kumunot ang noo ko, “Babae?”

“Oo. Nag uusap sila. Masinsinan kaya di na lang ako tumuloy. Baka maistorbo ko.”

Natahimik ako. Ilang sandali pa ako bago nagsalita.

“Sinong babae?” Tanong ko.

“Hindi ko kilala eh. Mukhang kaibigan ni Jacob. Ewan ko. Mataas yung buhok, mejo maputi. Hindi ko masyadong nakita yung mukha pero may dalang bag.”

Tumango ako.

Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.

“Kaedad natin, Rosie.” Dagdag ni Callix.

Tumango ulit ako at napalunok.

Inisip ko yung mga sagot ni Jacob sakin nung tinanong ko siya. Bakit di niya nabanggit ang part na ito?

“Kilala mo ba yun, Rosie? Uh, okay ka lang ba?” Hinuli ni Callix ang balisa kong tingin.

“O-Oo. Ano dang ginagawa nung babae dun?”

“Dun daw yata natulog.”

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi naman sa nanghuhusga ako o nag iisip ng masama pero bakit di ito sinabi ni Jacob sakin? Sino ang babaeng iyon at bakit nasa bahay siya ni Jacob?

“Baka relative.” Nabasag yung boses ko.

“Ewan ko. Di ko kilala eh. Pero seryoso silang nag usap. Uh… actually, niyakap niya yung babae, Rosie.”

OH MY GOD! Pinaypayan ko ang mukha ko. Baka sakaling bumalik yung luha kong namumuo sa mga mata.

Bakit naglilihim si Jacob sakin? Bakit siya magsisinungaling? At sino yung kayakap niya? Totoo ba ang sinasabi ni Callix? Sino ang paniniwalaan ko?

OH MY GOD!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 1 – Kabanata 61

Kabanata 61

Sorry

Natulog si Jacob sa sofa. 3:00AM nung lumipat siya dun. Kinaumagahan…

“Rosie? Kakain na!” Tawag ni Maggie.

Bumangon ako at inayos ang sarili sa harap ng salamin. Mukhang mas pula ang labi ko ngayon ah? Di kaya dahil to sa kakahalik ni Jacob sakin? Uminit ang pisngi ko habang iniisip yung nangyari.

“Oo. Eto na…”

Nagkatinginan kami ni Jacob pagkalabas ko ng kwarto. Ngumiti siya at sinalubong ako ng yakap.

“Ehmmmm…” Ngumisi si Maggie habang tinitignan kami. “Kain na tayo.” Aniya.

Sa hapagkainan, hindi ako sigurado kung sadyang tahimik lang o awkward lang dahil may ginawa kaming milagro ni Jacob kagabi at pakiramdam ko ay may alam si James at Maggie.

“Nakatulog kaba ng maayos kagabi, Jacob?” Tanong ni James.

Napatingin kaming tatlo kay James.

“O-Oo naman.” Sagot ni Jacob.

“Ako kasi hindi.”

Pareho kaming natigilan ni Jacob. Halos lumuha na ako sa kaba dahil sa sinabi ni James.

“I mean… nung una akong natulog sa sofa nila noon, di ako nakatulog ng maayos. Buti na lang sa kama na ako nakakatulog ngayon. Hehe.”

TALAGA? Really? Napabuntong-hininga kaming pareho ni Jacob.

“Anong problema niyong dalawa? Halos di kayo makahinga kanina ah?” Tanong ni Maggie. Tumaas ang kilay niya.

“Wala n-naman.” Sagot ko at nagpatuloy kami sa pagkain.

Lumipas ang dalawang linggo na ganun parin ang tratuhan namin ni Jacob sa school.

Binibigyan niya ako ng flowers. Pero syempre, palihim lang yun. Hindi parin kasi sila nag uusap ni Callix. Kailangan pa ng time.

Sa binigay niyang flowers sakin sa araw na ‘to, may note:

Rosie, punta ka mamaya sa gig namin oh, please? Lagi ka na lang wala eh.

Napangiti ako. Hindi ako pumupunta tuwing tumutugtog sila doon sa grill o sa isang bar/cafe dahil alam kong nandoon palagi sina Grace, Belle at JACOB-Fans club kung nasaan sila.

Tinext ko siya:

Ayoko. 😛

Jacob:

Hmp! Palagi na lang!

Tuwing may gig sila, sa bahay siya umuuwi. Kaya ini-expect kong pupunta siya mamaya.

“Karl…”

“Hmmm?”

“Punta tayo mamaya sa gig ni Jacob?” Tanong ko.

Naisip ko kasing sorpresahin siya mamaya. Sigurado akong mabibigla siya kung nandun ako.

“Diba nandun sina Belle?” Sabi ni Karl gamit ang nandidiring mukha.

“Oo. Pero magtatago naman tayo. Pupunta tayo dun ng mejo gabi na. Yung malapit ng matapos yung gig nila.” Sabi ko.

Tumango siya.

Ganun nga ang ginawa namin ni Karl. 10:30 nang dumating kami sa grill.

Sa sobrang daming tao, yung iba hindi na pinapapaok. Ganun ka grabe pag tumutugtog sila? Maraming babae na mukhang nagbihis talaga para sa gabing ito.

“Dinig ko kay Louie na pupunta sila ng 777 mamaya. Edi pumunta din tayo dun!” Sabi nung babae na nasa labas.

“Nah! Useless. Pagkatapos ng gig nila, palagi na lang silang pumupunta sa Club 777 pero hindi nila kasama si Jacob. Umuuwi si Jacob ng maaga.” Sabi nung kasama niya.

Nagkatinginan kami ni Karl. Napangiti ako sa narinig ko.

“Iba ‘to ngayon! Nandito yung pinsan niyang si Callix! I’m sure pupunta siya.”

What? Nandito si Callix.

“Paano na yan?” Bulong ni Karl sakin.

“Di na lang tayo magpapakita. Magtago tayo! Hindi pwedeng umatras ngayong nandito na tayo.” Sabi ko.

“Okay… Sinabi mo eh.”

Naririnig ko ng konti ang kanta ni Jacob sa loob na natatapos na…

“Ladies… and gentlemen… this is the last song for tonight. Kita na lang tayong lahat sa Club 777?” Sabi ni Jacob.

Nalaglag ang panga ko. Pupunta siya sa Club! Naghiyawan ang mga tao sa loob.

“Kita mo? Lika na! Doon na tayo maghintay!” Umalis ang dalawang babae nang narinig nila si Jacob.

Sa sobrang ingay sa loob, halos di ko na narinig ang pagsisimula ng kanta ni Jacob…

“And if you give me a chance

Believe it, I can change

I’ll keep us together

Whatever it takes”

Nawala ako sa pag iisip nang narinig ko ng mabuti ang boses niya. Sobrang ganda ng boses niya. Nakakain-love!

“Well… expected talaga na nakakapanindig balahibo yung boses niya kasi nakakapanindig balahibo din naman ang mukha niya.” Tumango si Karl sakin.

Ngumiti ako. Alam ko, marami akong kahati sa kanya ngayon… maraming may gusto sa kanya… At sa hinaharap, mas lalong dadami pa yun. Gwapo, mabait at talented siya. Natatakot akong ngayon ay sakin siya… Ngayong bata pa kami ay nasakin siya tapos pag dating nang ilang taon, baka makahanap siya ng iba… Iniisip ko pa lang nasasaktan na ako eh.

Naiiyak tuloy ako.

“Huy…” Siniko ako ni Karl.

Napatalon ako, “Karl, dun na lang din tayo sa Club 777 maghintay?” Sabi ko.

Nilalamok narin kasi kami sa labas kaya buti ng doon maghintay sa Club.

Nang dumating kami, nakita ko yung dalawang babae kanina sa loob na may kasamang iilan pang babae. Hula ko nag aabang sila kina Jacob.

“Doon tayo.” Sabay turo ni Karl sa isang table na nasa liblib na lugar ng club.

“Okay!” Sabi ko.

Mabilis dumami ang tao sa Club. Umabot sa point na di ko na makita kung sino ang kakapasok lang. Hindi ko na rin makita ang mga babaeng nag hihintay kay Jacob. Si Karl naman ay nag eenjoy sa pag sa-sight seeing, dumami na rin kasi ang mga lalaki eh.

“Karl, CR lang muna ako.”

“HA?” Hindi niya ako marinig sa ingay ng house music.

Itinuro ko na lang ang CR. Masikip na ang bar. Halos di ako makadaan ng mabuti kasi nagsasayawan na ang lahat. Kung hindi ko makita si Jacob ngayon… itetext ko na talaga siya o uuwi na lang ako. Palpak naman tong plano ko oh? Baka naman lagi niyang sinasabing ‘magkikita sa Club 777’ pero di naman siya pumupunta?

Napabuntong hininga ako pagkarating ng CR. Walang tao sa loob except sa isang cubicle na may gumagamit yata…

Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang alang mensahe o missed call man lang galing kay Jacob.

Kung umuwi na siya samin, tinext niya na dapat ako… pero hindi eh kaya malamang nandito siya.

“Ahh…”

WHAT? Boses yun ng lalaki ah? Sa ladies CR? May boses ng lalaki.

Napatingin ako sa cubicle na may gumagamit. Sinilip ko ang ilalim. Nakikita kasi yung mga paa/sapatos sa ilalim. Nakita kong sapatos yun ng isang lalaki.

Napasinghap ako. O. M. G. Lalaki! O. M. G.

Pinaypayan ko ang sarili ko at inisip na baka si Jacob yun? At may kasamang babae? O. M. G.

“Callix…” Ungol ng babaeng kasama niya.

Napabuntong-hininga ako… Hay! Shet! Akala ko si Jacob! Nakakalurkey!

“Teka…” Natigilan yung lalaki at biglang binuksan ang pintuan.

Saka pa nagregister sakin lahat ng narinig ko… SI CALLIX YUNG LALAKI! At tanginers nang binuksan niya ang pintuan sa cubicle nakita kong si Belle yung babae! Parehong nanlaki ang mga mata nila. Inayos agad ni Belle ang kanyang damit. Sinarado naman ni Callix ang kanyang zipper.

REALLY? Gusto kong tumawa pero dahil magkagalit kaming tatlo hindi ko nagawa…

“Uh? Sorry…” Tumalikod ako.

“Rosie!” Tawag ni Callix.

Huli na ang lahat… nakaalis na ako ng CR. Naabutan niya ako sa dancefloor. Hinila niya ang braso ko…

“Rosie!” Tawag niya.

“Bakit, Callix?”

Ang ingay. Halos di ko siya marinig. Kaya hinila niya ako palabas ng club.

“Callix, di mo naman kailangang mag explain. Okay lang sakin lahat. Hindi naman tayo… Hindi na naman kita gusto…” Sinabi ko agad bago pa siya makapagassume.

Tumunganga muna siya sa kawalan ng ilang sandali bago sumagot.

“Bakit mo kami tinalikuran?” Tanong niya.

“Anong gusto mo, panoorin ko kayong dalawa dun?” Hindi ko na mapigilan ang paghalakhak ko.

Really? Si Belle at Callix? Bagay! Parehong mga manyak! Napailing ako sa sarili ko…

“Sorry, Rosie.” Sabi niya.

“Okay lang nga…” Sagot ko.

“Hindi… yung nangyari sa Imperial Bay.”

Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha ko. Naramdaman ko yung galit dahil binugbog niya si Jacob… Naramdaman ko rin yung inis ko sa sarili ko that time.

“Hindi ka dapat sakin nagso-sorry, Callix.” Sabi ko. “Nagalit din ako sayo dahil ginawa mo yun kay Jacob… Pero mas galit ako sa sarili ko kasi naglihim ako sayo.”

Napalunok siya nang tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. “Ano ba talagang meron sa inyo ni Jacob, Rosie? Kailan ba kayo nag kagustuhan? Nun bang pinakilala ko siya sayo? Nung nag partner kayo sa report? Kailan?”

Napapikit ako, “Callix… magkakilala na kami ni Jacob noon pa. Nung nawala ako sa first term nung 6th year tayo, pumunta ako ng Alegria at doon nag aral.”

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Sinabi ko sa kanya kung paano kami nagkakilala at paano kami nagkahiwalay.

Napalunok ulit siya pagkatapos niyang marinig ang lahat (except sa kubo part).

“Damn! Dapat noon pa ako nag sorry.” Aniya.

“Hindi pa naman huli ang lahat, Callix.”

Kumunot yung noo niya at napatingin ulit sakin galing sa kawalan, “Sinabi mo ba sa kanya kung bakit tayo nagkahiwalay noon?”

Umiling ako, “Tingin mo dapat kong sabihin?”

Napabuntong-hininga siya at tumango, “Sino nga pala talaga ang pinili mo, si Jacob o si Karl?”

Napangiti ako at nagpasalamat sa panginoon dahil mejo smooth na kami ni Callix ngayon. Baka magkaayos na sila ni Jacob. Malapit na…

“Magkaibigan lang kami ni Karl.”

Napabuntong-hininga ulit siya at tumango.

Ilang sandaling katahimikan…

“Nasan nga pala si Jacob?” Tanong ko.

“Umuwi eh. Umalis. Bakit? Di ba siya nagpaalam?” Tumaas ang kilay ni Callix.

“Hindi eh. Hindi niya naman alam na nandito ako.” Tumingin ako sa loob at nagpasyang itext si Karl nang makauwi na kami. Baka kasi nandoon si Jacob.

“Talaga? Sana tinext mo. Nung umuwi siya may katawagan siya sa cellphone eh. Hindi ba ikaw yung kausap niya?”

“H-Hindi.” Sabi ko.

Napasinghap siya at tumingin sa sasakyan niyang nakapark sa kabilang lot.

“Pupuntahan ko siguro siya nang makapagsorry ako.” Ngumiti si Callix sakin.

Ngumiti din ako, “O sige… Paano si Belle?”

Pumula ang pisngi niya, “She can wait.” At tumingin sa malayo.

Tumango ako.

Kahit na di ako sigurado kung talagang nasa bahay nila si Jacob o nasa bahay namin, hinayaan ko parin si Callix. Masaya na ako at ganun yung usapan namin. Sa wakas! Magkakaayos na sila! Sa wakas! Hindi na kami magtatago ni Jacob. This is it!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 1 – Kabanata 60

Kabanata 60

What’s the Big Deal?

Palabas pa lang kami ng sasakyan ni Jacob, nakikita ko na si Maggie na ngumingisi at umiiling sa bintana habang tinitignan kami.

“Dito ako matutulog, Mag.” Paunang bati ni Jacob kay Maggie.

Tumaas ang kilay ni Maggie at tinignan ako bago sumagot kay Jacob.

“Talaga?”

“Oo. Sana nagdala ako ng mga gamit. Dito ko na lang kaya iwan yung mga damit ko, no?” Tanong ni Jacob sakin.

“Ewan ko sayo, Jacob!” Umirap ako.

Nagtawanan si Maggie at James.

“O pwede namang yung gamit mo na lang dun sa bahay namin, Rosie? Ano sa tingin mo?” Ngumisi siyang abot tenga.

Umiling na lang ako at dumiretso na sa kwarto para makapagbihis ng pambahay.

As usual, sumunod na naman si Jacob papuntang kwarto.

“Ano bang ginagawa mo dito? Magbibihis ako!” Sabi ko sa kanya.

Umupo siya sa kama ko.

“Ano bang problema? Nakita ko na naman yang lahat mo, bakit ka ba conservative dyan?” Tanong niya.

Tinapon ko yung unan sa mukha niya.

“Tumigil ka ah? Baka mapalayas kita dito.” Sabi ko.

Ngumisi siya, “Sige, tatalikuran kita para makapagbihis ka na. May pa hiya-hiya ka pang nalalaman ah… Oh ayan!” Aniya at tumalikod na.

“Okay.” Sabi ko kahit na gusto ko naman talaga siyang palabasin. “Wa’g kang titingin!” Sabi ko sa nakatalikud na Jacob.

Nakaharap ako sa likod niya habang tinatanggal ang damit at pants ko. Gusto ko kasing masigurado na hindi siya sumusulyap sakin.

Pero tama ang hinala ko! Sumulyap nga siya.

Hinagis ko agad yung tshirt ko sa kanya. Bull’s eye sa mukha niya. Tumawa siya at di niya agad tinanggal.

“Manyak ka talaga!” Sabi ko.

Umalis ako na dala ang tuwalya ko nang makapag half-bath ako.

Tumatawa parin siya nung tinanggal niya ang t-shirt ko sa mukha niya.

“Ang bango mo.” Aniya. “Saan ka pupunta?”

“Mag hahalf bath ako. Matutulog na kasi ako eh.”

“Ano? Di pwede, Rosie… Magmo-movie marathon pa tayo eh!”

Sinundan niya ako patungong banyo.

“Whatever! Wa’g mo nga akong sundan!” Sabi ko.

Pinasarhan ko siya ng pintuan. Di ko mapigilang tumunganga sa loob ng banyo at matawa sa nangyayari samin ni Jacob ngayon.

Pagkatapos kong maligo. Nagbihis ulit ako sa banyo. Ayokong lumabas dito nang nakatapis ng tuwalya sa presenya ng manyak na yan!

Nakita ko siyang komportableng nakaupo sa sofa habang nanonood na ng isang movie.

Tumingin siya agad sakin. Naghalf open ang bibig niya nang nakita ako. Anong problema ng kumag na ‘to? Pinupunasan ko ang buhok kong basa.

“R-Rosie, nagdala ako ng dvds. Uhhh… Eto oh!” Sabay turo sa TV.

Tumango ako at tinignan ang TV.

Action yung movie.

“Uh..” Di siya makatingin sakin. “Lika… d-dito.” Sabay tapik sa tabi niya.

“Nasaan sina Maggie?” Tanong ko sabay tingin sa kitchen.

“Tulog na yata.” Aniya.

Tumabi ako kay Jacob. Hindi ko alam kung bakit awkward nung tinabihan ko na siya.

Sinuklay ko ang buhok ko habang nanonood ng movie sa TV.

Unti-unti kong naramdaman ang kamay ni Jacob sa likuran ko.

Shet naman ito! Di ko mapigilan ang pagngiti. Ang landi niya talaga!

“Ang bango mo. Lagi naman.” Ngumisi siya at dumikit pa lalo sakin.

Mabango din si Jacob! Kaya nga namamanyak ako sa damit niya diba? Pero di ko yun sasabihin. Hmp!

“Tumigil ka nga, Jacob! Ayan ka na naman. Manyak ka talaga…”

Tumawa siya at hinilig niya ang ulo niya sa balikat ko.

“Rosie?” Sabi niya ilang sandali ng katahimikan.

“Hmmm?”

“Kahit anong mangyari, wala ng iwanan ah?” Malambing niyang sinabi sakin ‘to.

Ngumiti ako. Nagkatinginan kaming dalawa.

Magsasalita na sana ako nang biglang may narinig akong moan galing sa movie na pinapanood namin.

Napatingin kaming dalawa sa bed scene ng bida. Nalaglag ang panga ko at sure akong ganun din siya dahil ilang sandali lang ang nakalipas ay hinila niya na ang braso ko.

Hinalikan niya ako. Nakapikit siya habang hinahalikan ako. Pumikit na rin ako nang naramdaman na sobrang na-carried-away siya sa nakita. Habang naghahalikan kami, dinig na dinig naming dalawa ang pag ungol ng babaeng bida. Hindi ko alam kung bakit pero tumitindig ang balahibo ko.

“Rosie…” Idinikit niya pa lalo ang katawan niya sakin. Nilagay niya ang isang kamay niya sa basa kong buhok. “I love you.”

Nakakalasing ang halik niya. Itinulak ko siya pero sa sobrang tigas ng dibdib niya, walang kwenta. Kinuha niya ang kamay kong tumutulak sa kanya.

“Ayaw mo sakin, Rosie?” Tanong niya at itinigil ang paghalik.

Nakahalf-open parin ang labi ko nang tinanong niya ako nito. Lasing sa halik.

“Gusto, Jacob. I love you, too.” Bulong ko.

Ngumisi siya at hinalikan ulit ako. Hinila niya ang mga legs ko. Pinaghiwalay niya ang magkabilang legs ko. Nilagay niya ang magkabilang legs ko sa hips niya habang naghahalikan parin kami.

Hindi pwedeng may mangyari samin pero shet na malagkit miss na miss ko siya. Para bang walang ibang paraan para makabawi sa lahat ng nangyari samin kundi sa ganito.

“Ja…cob…”

Ngumisi siya at hinalikan niya ang leeg ko nang dahan-dahan.

“Jacob, h-hindi pwede…”

Nandito sina Maggie! Maririnig tayo! Oh my gosh! I can’t believe I’m doing this again! With him!

Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa legs ko at tumayo siya. Hinalikan niya ulit ang labi ko.

“Jacob…”

Habang binubuhat niya ako (na ganito ang posisyon) papuntang kwarto, naramdaman ko ang tigas ng kanya sakin. Apat na layers lang ang nagse-separate… Panty ko, shorts ko, pants niya, boxers niya. Oh my gosh! Eto na! Di ko na mapipigilan ‘to! Ang tigas tigas niya kaya mas lalo tuloy akong na tu-turn on.

Nilagay niya ako sa kama ko. Una niyang tinanggal ang bra ko habang hinahalikan ang leeg ko. Gumapang ang kamay niya sa ilalim ng t-shirt ko… sa ilalim ng bra ko… at hinaplos niya ang boobs ko. Napadaing ako sa ginawa niya.

“Miss na miss na kita, Rosie.” Bulong niya.

“Jacob… di… pwede dito… maririnig… tayo… nina… Maggie…” Sabi ko. “Tsaka… baka… mabuntis ako…”

Pagkatapos kong sabihin ang mahabang linyang yun, panty na lang ang natira sakin. Sheet! Nag hubad siya ng t-shirt. Nagflex yung muscles niya nang tinanggal yung t-shirt niya. OH MY GOSH! SMOKING HOT!

Napapikit ako, “Bilis Jacob!” Kinagat ko ang labi ko. Ayoko ng magsalita! Baka nakikinig sina Maggie saming dalawa!

Nang nakahubad na rin siya, uminit ang pisngi ko nang hinawakan niya ang gitna ng panty ko. Ngumisi siya at alam ko kung bakit.

“Di pwedeng mabuntis ako.” Sabi ko.

“Talaga? Pano kung sabihin kong pwede?” Ngumisi siya.

“Jacob!” Sinapak ko siya.

“Wala akong condom, Rosie! Tsaka! What’s the big deal?” Tumawa siya.

“What’s the big deal?” Sinapak ko na.

“Next time, magdadala na ako ng condom. Sa ngayon… please.” Nagsimula na naman siyang halikan ako sa leeg pababa.

Inabot ko yung tissue sa table malapit sa unan ko at tinabi sa kanya.

Umiling siya sa ginawa ko at ngumisi. Hinaplos niya ulit ang gitna ng panty ko.

“Ja…cob.”

Oh my gosh! Stop it Rosie! Ang ingay mo! Pinigilan ko ang pagtawag sa kanya nang hinubad niya na ang panty ko.

Nawala na ako sa kawalan. Ang bilis kong bumigay sa kanya.

“Ah! Rosie!!!”

Agad kong tinakpan ang bibig niya. Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang tinanggal yung kanya sakin. Napapikit ako sa naramdaman ko.

“Oh…” My Gosh! Kinagat ko ang labi ko para di ko masabi ng buo yun.

Halos mapunit ang bedsheet ko sa pagkakahawak ko.

Nang dinilat ko ang mga mata ko, nakita kong humiga na siya sa tabi ko, nakangiti at hinihingal. Pawis na pawis siya… ako rin.

“I love you, Rosie. Magsimula ulit tayo, please. Mahal na mahal kita. Mababaliw ako kung mawala ka ulit sakin.” Hinaplos niya ang mukha ko.

“Oo, Jacob… magsisimula tayo ulit.”

“Wala ng makakapaghiwalay sating dalawa.” Hinalikan niya ang noo ko at yinakap ako. “Damn, miss na miss kita. Sobra sobra…”

Yinakap ko na rin siya. Alam ko na ngayon kung bakit di ko binigay ang virginity ko kay Callix. Dahil para lang yun kay Jacob. Nakareserve ang sarili ko para sa kanya… wala ng iba. Lahat ng baka sakali ko noon, magkakatotoo na ngayon. Dahil kahit anong mangyari, di ko na papakawalan si Jacob. Magkamatayan na… hinding hindi ko siya papakawalan.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 1 – Kabanata 59

Kabanata 59

Miss na Miss

“Sakit sa bangs ni Jacob. Araw-araw nung midterms sinusundan niya ako para lang malaman kung nasaan ka. Grrr…” Sabi ni Karl habang naglalakad kami papuntang classroom ng Biology 10.

Nagbulung-bulungan ang mga kaklase ko nang papalapit na kami sa classroom.

“Anong problema ng mga ito?” Tanong ni Karl sakin.

“Ewan ko. Palagi naman silang ganyan.”

Pagkapasok namin sa classroom, nakita kong may isang bouquet of flowers sa desk ko.

Kinuha ko ‘to at mas lalong nagbulung-bulungan ang mga kaklase ko.

“Sinong nagbigay niyan, Rosie?” Tanong ng isang kaklase ko.

Nagkibit balikat ako.

Pero nang nakita ko na ang card, nakilala ko agad yung sulat-kamay. Galing ito kay Jacob!

Jacob:

One month na lang, 1 year na tayo. I love you, Rosie. 9-23.

September 23 ang sinasabi ni Jacob na anniversary namin dahil una kaming naghalikan sa araw na yun. Ngumisi ako nang naalala ko yun pero agad kong itinigil ang pagngiti dahil nakita kong nakatitig si Callix sakin.

“HAHA! Lokong Ron! Sarap sapakin!” Narinig kong sinabi ni Teddy nang papasok na sila sa classroom.

Unang pumasok si Teddy, tapos si Leo, sinundan ni Louie, Ron at huling pumasok ang nakangiting si Jacob.

Napabuntong-hininga ang mga babae samin nang nakita si Jacob. Hanggang ngayon, hindi parin kami nag papansinan sa classroom.

Sumulyap siya sakin habang nakangisi. Tinignan niya ang flowers tapos agad tumingin sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit napawi ang ngiti niya at di niya na ako tinignan ulit.

Anyare?

Pagkatapos ng klase namin, naunang lumabas sina Leo at ang iba pang kabanda ni Jacob. Si Jacob naman, nagpahuli. Nag-alala tuloy ako kung anong nangyari?

“Rosie, ano? Mamaya na lang ulit. Punta tayo ng mall ah? You know na!” Sabi ni Karl at nagpaalam ng umalis.

Pupunta kami ng mall mamaya para magchill at manood ng sine. Kakatapos lang kasi ng midterms at kailangan naming mag loosen up. Konti na lang kaming natira sa classroom. Tumayo si Jacob at nilapitan ako.

“Jacob-“

Nilagay niya ang kamay niya sa chin ko at tinaas ang mukha ko. Akala ko hahalikan niya ako sa harap ng dalawang lalaking kaklase ko pero hindi pala. Lumiit yung mata niya habang tinititigan ang mga labi ko.

“Ano ba?” Sabay tanggal ko sa kamay niya.

“Nag lipstick ka ba?” Tanong niya.

What? Uminit ang pisngi ko. Napayuko ako para ayusin ang bag ko… kakahiya naman to. Ba’t ba siya nagtatanong?

“Nag lipstick ka ba?” Tanong niya ulit.

“Oo. Bakit? Anong problema?” Tinaas ko ang kilay ko para magtaray.

“Bakit?”

“Huh? Kailangan ba ng dahilan para mag lipstick?” Umirap ako.

“Ibig sabihin mas nagpapaganda ka pa? Para kanino? Di mo na kailangang magpaganda ah? Inlove na naman ako sayo bakit nagpapaganda ka pa?”

Sinapak ko na!

“Ang ingay mo!” Napatingin ako sa umaalis ng kaklase ko.

Buti wala silang pakealam.

“Sino ba kasing pinapagandahan mo, ha?” Tanong niya. Galit.

“Wala! Bawal bang magpaganda kahit na para sa sarili lang?” Umirap ulit ako.

“Ganun? Bakit narinig ko kanina may date kayo ni Karl?”

Napatunganga ako sa sinabi niya. Karl na naman? Kailan ko ba masasabi sa kanya na juding si Karl?

“O sige! Makikipagdate din ako sayo mamaya! Sinong pipiliin mo?” Tanong niya sakin.

“Hay nako! Edi sumama ka samin ni Karl nang malaman mong magkaibigan lang kami.”

“T-Talaga? Isasama mo ako?” Malambing niyang sinabi. Pero agad bumalik sa galit ang tono ng boses niya, “Bakit di pwedeng tayong dalawa na lang?”

“Jacob, naunang nagyaya si Karl sakin. Ikaw, nahuli… Kaya mag adjust ka. Kung sana nauna ka, edi tayo lang dalawa!”

“A-Ano? P-Pwede pala tayong mag date? A-Akala ko hindi-“

Umalis na ako habang nagmuni-muni pa siya sa kanyang sarili. Di ko talaga mapigilan ang pagngiti ko. Sheeeet! Bakit sa gitna ng kainosentihan ni Jacob, sexy parin ang tingin ko sa kanya? May problema yata ako sa pag isiip.

Nang nagpunta na kami ni Karl sa mall, tinext ko na lang si Jacob na nandun na kami. Agad naman siyang dumating.

“Shet ayan na siya! Ano? Wa’g mong kalimutan ah? Lalaki ako! Bakit ba kasi ako nandito? Sana kayo na lang. Sheeet! Gwapo niya! Pwedeng tabi kami sa sine.” Siniko ko na si Karl dahil papalapit na si Jacob samin.

“Manonood kami ng sine, Jacob.” Sabi ko.

Tumango siya, “Lilibre na kita.” Aniya.

“Paano ako?” Tumingin si Jacob kay Karl at naweirduhan. “I mean… ilibre mo rin ako, dude!”

Halos pumutok ang mga ugat ko sa utak sa pagpipigil ng tawa.

“O sige.” Sabay sulyap ni Jacob sakin.

Nagpapaimpress yata. Kahit na yung mortal enemy niya, nililibre.

Bumili siya ng ticket, pagkatapos ay bumili kami ng popcorn at iba pang pagkain, siya parin ang nagbayad.

“J.A foods diba? Yung may JA na icon? Yung sa mga junkfood at iba pang pagkain?” Bulong ni Karl sakin habang bumibili si Jacob ng popcorn.

“Oo.” Sabi ko.

Natatandaan ko noon kung paano ko iniwasan ang pag kain ng mga produkto nila nung bumalik akong Maynila galing Alegria. Tapos ngayon, heto na naman kami. Naglalaro ulit sa apoy. Buti na lang talaga nandito si Karl.

Pumasok kamis a loob ng madilim na sinehan. Wala pa masyadong tao. Dalawampung minuto pa bago magsimula. Puro trailer pa lang ang meron.

Umupo kaming tatlo na ako ang nasa gitna. Nilagay agad ni Jacob ang braso niya sa likuran ko para maakbayan ako.

Nagkatinginan kami ni Karl. Ngumisi siya at nilapa ang popcorn.

“Gusto ko ng umuwi.” Bulong niya ulit habang tumatawa.

Siniko ko ulit.

“Anong pinag uusapan niyo?” Tanong ng singit na si Jacob.

“Wala.” Sagot ko kahit na nakangiti parin.

“Wala? Hindi niyo ako sinasali sa usapan niyo eh…” Sinimangutan niya ako.

Nagpatuloy kami sa pag-uusap ni Karl. Out of place na talaga si Jacob pero hinayaan ko na lang.

“Ehe-Ehem.. Bathroom lang ah?” Sabi ni Karl nang na-off na ang lights para magsimula na ang movie.

Hinila ko ang t-shirt niya nang tumayo siya.

“Wa’g kang umuwi ah? Wa’g mo kong tatraydorin.”

Tumawa siya, “Oo! CR lang talaga.”

Alam ko ang iniisip ng bading na yun. Walang hiya, ayokong matira dito kasama si Jacob.

“Ano ngayon kung umuwi na siya?” Tanong ni Jacob sakin habang hinihigpitan pa ang pagkakaakbay sakin.

“Date namin to. Dapat di siya umuwi.” Sabi ko nang nakatingin sa screen.

“Pag umuwi siya, edi date na natin ‘to.”

Umirap ako sa kawalan habang nakatingin parin sa screen. Hindi ko maintindihan yung dialogue nung bida kasi nakatitig si Jacob sakin sa unang part ng movie.

“Anong problema mo?” Napatingin ako sa kanya.

Nakatitig parin siya sakin. Sobrang gwapop niya kahit madilim. Kitang kita mo talaga ang pagkislap ng mata niya dahil sa repleksyon ng screen.

“Asan naba yung si Karl.” Sabi ko at nagsimulang tignan ang cellphone ko…

Pero na distract ako dahil sa sinabi ni Jacob…

“Rosie, pahalik naman oh.”

“Huh?”

Sheeet! Di na naman niya hinintay ang go signal ko. Hinalikan niya na ako agad. Kung saan-saan pa napadpad ang kamay niya. Sobrang nalasing na naman ako sa halik niya kaya di ko siya matulak ng tuluyan.

“Uy!” Pinutol niya ang halikan namin para batiin kung sino ang nasa likuran ko. “Eto na pala si Karl, Rosie.” Nakangiting sinabi ni Jacob.

Nandun nga si Karl, nakaupo na sa tabi ko. Nakatitig sa screen. Mukhang ilang sandali na siya dito sa tabi ko, nihindi ko man lang namalayan!

Umayos ako at inirapan ang nakangising si Jacob.

Ang kumag ay nagpapaselos pa yata. Hindi yan magseselos kasi langya bakla yan eh!

“Pwedeng exchange seats tayo, Rosie? Sobrang nag iinit na ako!” Bulong ni Karl sakin.

Uminit ang pisngi ko at pareho kaming natawa. Ayun na naman at balik sa tantrums si Jacob.

“Karl, ako na maghahatid kay Rosie. Ikaw naman naghatid sa kanya dito, kaya ako maghahatid sa kanya pauwi… hindi naman sa kailangan ko pa ng approval mo pero sinasabi ko lang naman para di ka mag expect.” Sabi ni Jacob pagkatapos kumain at manood ng movie.

Ramdam na ramdam ko na naman ang ugat sa ulo ko na parang sasabog kung di ako tatawa. Pati si Karl ay natatawa na rin.

“O sige, no problem! Rosie, mauna na kayo. May bibilhin lang ako?” Sabay turo niya sa wing kung saan naroon ang Etude House. “Alam mo namang di pwedeng… sumama diba?” Sumulyap si Karl kay Jacob.

Tumango ako at sumama kay Jacob papuntang Ford Ranger niya. Halos mapasayaw siya sa saya nang naglakad na kami papunta sa sasakyan niya.

“If I don’t say this now, I will surely break…” Ngumingiti siya habang kumakanta nito sa pagbukas ng sasakyan niya.

Umiling na lang ako sa lamig ng boses niya. Hindi ko talaga maimagine na may ibang babaeng kakantahan niya ng ganito… kahumalingan niya tulad ng pagkahumaling niya sakin.

“Rosie, pwede bang sa inyo ako matulog?” Tanong niya sakin nang pinaandar niya ang sasakyan niya.

“Huh? Bakit naman?”

“Sleep over lang naman.” Ngumisi siya.

“Hindi pwede!” Sabi ko.

“Sige na naman, please!”

“Ikaw? Alam mo ang landi mo talaga! Alam ko kung anong gusto mong mangyari at hindi pwede!”

“Huh? Bakit? anong ibig mong sabihin?” Sumulyap siya sakin.

Pababa na kami ng carpark ngayon.

“Hindi pwede!” Sabi ko agad. “Basta hindi pwede!”

Sumimangot siya, “Wala namang mangyayari. Gusto ko lang talagang magkasama tayo ng mas matagal. Palagi na lang tayong di nagpapansinan sa school. Sana kahit ngayon lang, oh.”

“Bahala ka sa buhay mo! Pwede pero dun ka lang sa sala matulog.”

“Huh? Bakit si James sa loob ng kwarto ni Maggie natutulog?”

“Eh kasi hindi ikaw si James! Kaya doon ka sa sofa!” Sabi ko. “Oh? Kung ayaw mo. Umuwi ka na lang.”

“Hindi! Gusto ko no! Kahit saan basta makasama lang kita ng mas matagal.” Ngumisi siya at tinitigan ako nang nagtraffic.

“Nawala na yung lipstick mo dahil sa halik ko kanina.” Ngumisi siya. “Ay meron pa palang konti. Tanggalin natin?”

Napatingin ako sa kanya. So naughty! Ugh! Napangisi ako sa sinabi niya.

Inilapit niya agad ang mukha niya sakin para halikan ako. I think I’m addicted… My God! Tama si Karl! Sobrang hot ni Jacob, naiinitan na rin ako.

PEEEEEEEEEEEEEEEEP

“Ooppps!” Tumawa siya at pinaandar ang sasakyan.

Nag green light na pala at di kami umusad kanina dahil sa paghalik niya. Shucks! I just can’t get enough. Para akong timang na naghihintay na halikan niya ulit dito sa tabi niya. Buti at nag di-drive siya ng seryoso kaya di niya ako napapansin.

Nakangisi siya habang nag di-drive…

“Damn, miss na miss ko ang labi mo. Palagi na lang.” Aniya.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 1 – Kabanata 58

Kabanata 58

Halik sa Rooftop

Mas madali kong nakumbinsi si Jacob na maghintay ngayong nabigyan ko siya ng pag-asa.

Sa gabing yun, wala akong ibang naisip kundi mahal na mahal ko parin siya hanggang ngayon. Hindi ko makakayang may pumagitna pa saming dalawa pero para maitama lahat ng pagkakamali naming dalawa, kailangan namin ito. Ayokong maging selfish kahit na alam kong kailangan minsan. Siguro kailangan lang talaga ng tamang timing ang lahat.

Lunes na at pumasok si Jacob. Pagkapasok niya sa Biology 10, tahimik ang mga kaklase namin. Di ako tumingin o sumulyap man sa kanya. Nakatitig ako sa notebook ko. Siya naman, seryosong pumasok at di rin sumulyap sakin. Nakita ko ang mga tititg ni Callix sakin… titig ng mga kaklase naming dalawa. Bulung-bulungang di ko marinig at tsismisang alam kung patungkol samin ang bumalot sa classroom.

“Showbusiness.” Bulong ni Karl sakin.

Mula nung nangyari sa Imperial Bay, si Karl na ang katabi ko. Nandidiri ng tumabi si Callix sakin (buti at ayaw ko rin siyang katabi). Si Belle at Ava naman ay sumama sa kanya.

“Jacob, buti pumasok ka na.” Sabi ni Belle habang ngumingiti kay Jacob.

Para bang walang nangyari sa Imperial Bay kung makapagsalita si Belle. Umiiling na langs ina Leo at iba pang kabanda ni Jacob habang tinitignan siya. Si Jacob naman, mukhang bad trip. Hindi ko alam kung bakit. Gusto kong mag text pero parang weird naman kung habang nag uusap sila ni Belle ay nagtitext siya kaya hinayaan ko na lang muna.

“Ano, Jacob? Balik na ba ang gig niyo? Saan? Excited na akong marinig ulit yung boses mo..” Hinimas ni Belle ang braso ni Jacob.

Tumalon sa bigla si Jacob at halos masiko niya si Leo (na katabi niya) sa ginawa ni Belle. Nabigla si Belle sa ginawa ni Jacob pero ngumisi ulit.

“Marami kaya kaming naghihintay sa inyo.” Sabay nguso ni Belle kay Leo. “Ansabi ni Leo nagbakasyon ka daw kaya ngayong nandito ka na.” Humalakhak siya. “Ayan… excited kami.”

“JACOOOB!” Sigaw ni Grace sa labas.

Napailing ako nang nakita ang isang batalyong babae na pumasok sa room namin. Di namin sila kaklase pero nakiusyuso sila kay Jacob.

“Narinig namin na pumasok ka na kanina, okay ka na ba?” Malambing na tanong ni Grace.

Tinulak niya si Belle para mas lalong mapalapit kay Jacob. Humalakhak din ang mga babaeng kasama niya at parehong nag-uunahan para mahawakan ang braso nat pisngi ni Jacob. Napalunok ako sa mga ginawa nila.

“ANO BA!” Tumayong bigla si Jacob.

Napanganga silang lahat at natigilan sa ginawa niya.

“Tumigil na nga kayo! Di kayo nakakatuwa ah!” Sigaw niya sa mga babaeng nakapaligid.

“J-Jacob?” Tawag ni Belle nang narinig ang nanginginig na boses ni Jacob.

Galit na galit talaga siya at di ko alam kung bakit.

“Dude, chill.” Sabay tapik ni Leo sa balikat ni Jacob pero tinanggal ni Jacob ang kamay niya.

“AYOKO!” Sigaw niya kay Leo.

Anong problema ng kumag na to at bakit ganyan siya?

“Oo nga naman, Jacob? Di ba gusto mo ng atensyon ng mga babae, ba’t ganyan ka ngayon?” Singit ni Callix sa malayo.

Napatingin kaming lahat sa kanya. Kitang kita ko na ang mabibigat na paghinga ni Jacob habang nagkakatitigan sila ni Callix.

“Di ako tulad mo!” Sigaw niya pabalik kay Callix.

Patay! Mag aaway na naman tong dalawa.

“Hindi? Pinapatawa mo ba ako?” Tumawa si Callix. “Magpinsan tayo. Yung dugo ko, nananalaytay din sa sistema mo… kaya alam ko! Diba kaya mo nga siya inagaw sakin diba? Kasi di ka makapagpigil.”

Si Teddy, Leo at Louie, parehong pinipigilan si Jacob na sumugod kay Callix. Alam kong isang kalabit na lang ay sasabog na sa galit ni Jacob.

“Jacob, tama na.” Bulong ko pero dinig na dinig to ng lahat.

Napabuntong-hininga si Jacob nang narinig ang boses ko. Umupo siya ulit na parang walang nangyari. Isa-isa akong tinignan ng mga tao dun… pati ni Callix.

Nakita kong si Callix naman ang galit ngayon habang tinitignan kaming dalawa.

Dumating ang professor namin kaya umalis din yung ibang di ko classmate (tulad ni Grace). Pero buong klase ang nakatutok kay Jacob habang nag lelecture ang professor.

“Mas lalo siyang gumwapo! Ano ba kasing nangyari?” Bulong nung kaklase ko sa unahan.

“Girl, kaw lang talaga ang makakakontrol sa kanya. Alam mo yun? Ang cool nung kanina? ‘Jacob, tama na.’ Tapos tumigil siya.” Tiling-tili si Karl habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

“Whatever. Kailangan lang talaga siyang pigilan minsan. Galit na galit eh.”

“Sino ba namang di magagalit? Kanina pa kaya siya hinahabol ng mga babae. I mean… oo nga no? Ba’t siya galit eh lalaki naman siya? Ako lang dapat yung galit pag hinahabol ng mga babae diba?”

Umiling ako at tumawa sa sinabi ni Karl.

Mabuti at natutunan ni Jacob na umiwas na sa mga babae ngayon. Alam ko, gusto ko ng distansya kaya kailangang di muna kami magkasama.

Sa kabilang table, nakita ko si Jacob na katawanan ang mga kabanda niya. Umiling ulit ako habang umuupo sa pinakagilid na table kasama si Karl.

Nakita kong dumating si Callix sa cafeteria kasama si Josh at Edward. Tumingin siya samin ni Karl at kay Jacob tapos nilagpasan kaming parehi.

Napabuntong-hininga ako sa nangyari.

Kumain kami ni Karl ng french fries na may cheese dip habang nag s-study para sa upcoming midterms. Siya, nag-aaral sa kanyang course, ako naman sakin.

“R-Rosie, may cheese ka sa mukha.”

“Huh?” Pinunasan ko ng tissue ang mukha ko.

“Hindi natanggal!” Nainis si Karl habang tinuturo yung sariling pisngi, “Dito!”

Pinunasan ko ang kabilang pisngi ko.

“Tsss! Ako na nga!” Kumuha si Karl ng tissue at tinanggal ang cheese sa pisngi ko. Tumawa siya at, “Tapos? Ano? Nasan na yung binili kong lipstick, huh? Dun na lang yun sa drawer mo? Parang di siya mahal para di mo gamitin?”

Natahimik ang buong cafeteria nang may narinig kaming lahat na nabasag sa table nina Jacob.

Nakita ko ang kumag na nakahalf-open ang bibig habang tinitignan kami. Nabasag ang bote ng softdrinks na kanina niya pa hinahawakan.

“Oh my gosh!” Sabi ni Karl sabay tayo. “Patay tayo kay papa J!” Bulong niya sakin.

Napatingin ako kay Callix na galit din habang tinitignan kaming dalawa ni Karl.

“Tayo na, Karl.” Sabi ko sabay kuha sa gamit ko at tumakbo palabas ng cafeteria.

Nagtawanan kami nang nakalabas kami at napunta sa soccerfield.

“Langya! Ba’t tayo tumatawa! Patay na patay ako nito!” Tumatawa parin si Karl.

“Well, nakakatawa ito kasi alam nating dalawa na hindi tayo pwede. Pero sa kanila… hindi diba? Kasi di nila alam, diba?” Sabi ko habang hinahabol parin ang hininga.

May mahigpit na humawak sa braso ko at hinila ako palayo kay Karl.

“Ahhh! Ano ba?” Nakita kong si Jacob yun. “Jacob! Sabi naman sayo di tayo pwedeng magkasama!”

Hindi siya tumigil sa pagkaladkad sakin hanggang napunta kami sa rooftop ng building ng School of Business. Hindi pa ako nakakapunta dito pero hiningal ako sa dire-diretsong paglakad namin sa hagdanan.

Hindi pa ako tumitigil sa paghingal ko, napahilig na ako sa pintuan ng rooftop.

“Anong ginagawa mo, Rosie?” His jaw clenched.

Hinihingal parin ako. Ang lapit lapit ng mukha niya sakin kaya tumingin ako sa kaliwa para makahinga naman ako ng mas maluwang. Nakalagay ang magkabilang kamay niya sa pintuang hinihiligan ko kaya wala akong kawala.

“Jacob, ano… ba.” Hinihingal parin ako.

“Sabi mo ako! Pero bakit siya!?” Sigaw niya. “Pinipigilan ko na ang sarili ko sa pagtitig sayo nang makuha mo na ang gusto mo pero bakit ganito ngayon? Sabihin mo sakin, pinapaikot mo ba ako?!”

Hinampas niya ang pintuan nang nakitang di ako tumitingin sa mga mata niya at di parin nagsasalita.

“Balak mo bang maghiganti sakin?! Sinasadya mo bang saktan ako?!” Hinampas niya ulit ang pintuan.

“Jacob, wala ka talagang tiwala, noh?” Sabi ko.

Tinignan ko siya at nakita kong galit na galit parin talaga siya.

“AAAAAAAAAAAAAH!” Ginulo niya ang buhok niya. “Nagtitiwala ako pero kung ganun yung nakikita ko, mababaliw ako!”

“Bakit? Wala naman kaming ginagawang masama ni Karl ah! Pinunasan niya lang yung pisngi ko-”

“At tumitingin siya sa labi mo!” Sigaw niya pabalik sakin.

Nilagay niya ulit ang kamay niya sa pintuan at idinikit niya ang sarili niya sakin. Damang dama ko na ang abs niyang nakadikit sa katawan ko.

Tumitingin siya sa labi ko kasi naman po… gusto niyang maglipstick ako! Bading yun! Bekibells!

“Magkaibigan lang kami. Ilang beses ko bang sasabihin-”

“Pero di kaibigan yung gusto niya para sa inyo! Rosie, mahal kita, mahal mo ako… magtitiwala ako pero jusko naman wala akong tiwala sa walang hiyang yun! Ang ganda-ganda mo na ang laman ng usap-usapan ng kilala kong lalaki sa school dito, ngayon, maging noon, sa Alegria, ay yung mukha mo o di kaya ay yang dibdib mo… o di kaya ay yung mga hita mo kaya pwede bang wa’g mo akong binabaliw?”

Natahimik ako sa sinabi niya.

“Alam kong paborito mong mag shorts pero please lang naman! Alam mo ba kung paano nila pag usapan yung kaswertehan nung Karl na yun? Maging si Callix ay kumbinsidong siya ang gusto mo, di ako! At alam ko rin na paborito mong kasama yung Karl nayun pero ano ba talaga? Kasi nababaliw na ako sa kakaisip!”

Chineck ko ang paligid at nakita kong wala talagang tao. Ito na yata ang pinakamataas na builidng sa buong school kaya walang makakakita samin dito.

Pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya. Nakita kong naghalf-open ang labi niya at huminahon ang features ng mukha niya.

“Basta, kalimutan mo na yun. Kaibigan lang kami ni Karl at ikaw ang mahal ko. Sa ngayon, mag tiis muna tayo na ganito. Wa’g masyadong mainit ang ulo hanggang sa tuluyang makamove-on ang lahat-”

Hindi niya na ako pinatapos, hinalikan niya na ako agad-agad.

“Jacob…” Sabi ko inbetween kisses.

Nakita kong ngumisi siya nang narinig ang tawag ko.

“Kulang pa ‘to, Rosie…” Sabi niya.

Sinapak ko na. Alam ko ang ibig niyang sabihin at natatakot ako dahil alam kong tama siya. Sht! Miss na miss ko na siya at grabe yung frustrations ko na idinulot niya! NAKAKAINIS! NAKAKABALIW DIN!

“Tumigil ka!” Sabay tawa ko.

“Naghalikan na ba kayo ni Karl?” Biglang tanong niya.

Tumigil siya sa paghalik.

“Hindi!” Tumawa ako.

Sumimangot siya, “Ba’t ka tumatawa? Nagkahalikan na kayo, no?”

“Hindi naman ako tulad mo na kung sinu-sino lang ang hinahalikan.” Tumawa ulit ako.

Mas lalo siyang sumimangot.

“Siguro dito mo dinadala yung mga babae mo?” Sabay tingin ko sa paligid. “Tahimik, walang istorbo-”

Hindi niya ulit ako pinatapos, hinalikan niya na naman ako.

Tinulak ko siya. Hinila niya naman ako kaya nakatayo kaming pareho sa gitna ng rooftop habang naghahalikan. Shttt! Sarap humalik ng kumag! Nilagay niya ang kamay niya sa likuran ko at yung isa naglalakbay sa leeg ko pababa.

“Jacob! Ugh! Sorry!”

Naitulak ko si Jacob nang biglang bumukas yung pintuan ng rooftop. Sa sobrang gulat ko, napalayo talaga yung pagtulak ko sa kanya. Tinakpan ko yung bibig ko at nakitang sina Leo, Teddy, Ron at Louie yung pumasok. Nagtatawanan sila at isa-isang lumabas ng rooftop. Uminit ang pisngi ko nang nakita kong di talaga mapawi ang tawanan nila.

“Mga ulol! Kumatok kayo! Mga istorbo! Malis na kayo! Kainis kayo! Gag0! Umuwi na kayo!” Sigaw ni Jacob sa kanila. “Kumatok kayo!”

“Hindi mo naman kasi pag aari ang rooftop!” Sigaw ni Leo.

Naiiyak na yata sila sa tawanan. Mas lalong uminit ang pisngi ko.

“Sige na, sorry, pagpatuloy niyo lang yan.” Sabi ni Leo.

Nagwalk-out ako sa sobrang kahihiyan.

“Rosie!” Sigaw ni Jacob.

Kumaway na lang ako at tumakbo palabas.

“Mga walang hiya! Mga istorbo! Bugbugin ko kayong lahat!” Sigaw ni Jacob sa nagtatawanan niyang kabanda.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Baka Sakali 1 – Kabanata 57

Kabanata 57

Ang Saya Ko

“Ano ba talaga, hija? Bakit ba parang nakakalito ka na? Hindi parang! Actually talagang nalilito ako!” Sabi ni Karl nang lumabas kami sa sumunod na araw.

Umiling ako habang pinaglalaruan ang inorder kong tea.

“Una sa lahat, gusto mo siyang layuan. Pagkatapos, nagseselos ka kung may ibang kasama siya. Pagkatapos, pinagtatabuyan mo naman pag may time, anyare? Bakit ganyan? Dahil ba binabae lang ako kaya di ko maintyendes?”

Sinapak ko si Karl at tinitigan.

“Lam mo? Kunti na lang at malalaman na ng buong syudad na bakla ka! Nitong nakaraang araw parang talagang naghuhubad ka na eh.”

Tumawa siya, “Wala si daddy eh. Tsss.”

Yung daddy lang ni Karl ang kinakatakutan niya. Paano ba kasi, nag iisang lalaking anak siya. Aniya’y di yun matatanggap ng mga magulang niya kung baklita siya. Kawawa. Noon, wala naman talaga akong pakealam sa mga bading. Pero ngayong naging kaibigan ko na siya, narealize kong mahirap pala ang sitwasyon nila. Lalo na ang sitwasyon ni Karl. Kung ako, nahusgahan, ilang beses, ng pagiging gold digger ng mga tao… Siya naman, mahuhusgahan, buong buhay niya, di lang ng ibang tao, kundi pati na rin ng pamilya niya. Mahirap.

Napabuntong-hininga ako.

“Ngayong Lunes, panigurado, magbabalik na ang Jacob na yun. Alam mo bang iniisip kong baka next week ay bugbugin niya ang maganda kung mukha? Alam mo ba kung magkano yung BBCream sa Etude House at paano ko yun binibili nang di pinagdududahan ng mga tao? Pink yung bag, Rosie… Tsaka ayoko talagang magkapasa!”

“Hay nako! Hindi ka susuntukin non! Hindi naman ganung klaseng tao si Jacob. Tsaka… Akong bahala!”

“Point is… Iisipin niyang tayo. Tapos magseselos na naman yun. Magkakagulo na naman. Tsaka… ano ba talaga? Gusto mo ba siya o hindi? Anong next step mo?”

“Karl, pati ba naman ikaw? Wa’g nga kayong atat! Ganito…” Napabuntong hininga ako.

Sa dalawang linggong pagmumuni-muni ko, marami akong narealize. Naliwanagan ako at nabwiset sa sariling mga desisyon. Nagkamali ako nung una pa lang kaming nagkita ni Jacob, nung inisip kong maghiganti. Nagpadala ako sa galit. Unti-unti kong narealize na mahal ko parin siya pero sa oras na yun hindi na pwede kasi alam ko ng may something si Callix para sakin.

“I’m so confused, okay? Ayokong saktan si Callix pero gusto ko si Jacob PERO naiisip ko yung panggagago niya sakin. Sorry pero hindi ko kayang ipafeel sayo kung anong nafifeel ko dahil ako mismo, di ako sigurado. Basta ang alam ko, seryoso akong ayaw ko munang makipag ugnayan kay Jacob.”

“So… Meaning? In case na makipag landian si Papa J sa iba, okay lang diba? Kasi ayaw mo ng makealam? Diba?”

Tinitigan ko siya at sinabi ng diretso sa mga mata niya, “Oo.”

Nagkibit-balikat siya.

Nag-ikot kami sa mall para bumili ng daily dose of cosmetics. Hirap maging bakla. Buti pa maging babae. Wala masyadong arte.

“Lam mo? Bilhan kita ng lipstick.” Aniya nang napadpad kami sa paboritong store niya.

“Yoko.” Sabi ko.

Naglilipstick ako pero kay Maggie yung ginagamit ko. Saka ko lang din yun ginagamit kung may espesyal na occassion tulad ng kasal (nung minake upan ako ni Karl) o prom.

Sa huli, binilhan ako ni Karl ng pink na lipstick. Hinatid niya rin ako sa bahay at niyaya ko siyang tumambay muna ng saglit.

Nagtatawanan kami habang papasok sa pintuan. Pagkabukas ko agad kong naaninaw ang 8-pack sparkling abs ni Jacob sa sofa namin. Parehong nalaglag sa sahig ang panga namin ni Karl.

“Rosie!” Ngumiti siya at napawi nang nakita si Karl.

“Nakita ko na to sa dagat noon at di ko inaasahang sa pangalawang pagkakataon tutulo parin yung laway ko-” Siniko ko si Karl habang bumubulong sakin.

Anong tawag mo sakin? Ilang beses ko na yang nakita at hanggang ngayon nag kaka lock-jaw parin ako.

Umubo ako, “Anong ginawa mo dito at bakit nakahubad ka?” Tanong ko.

Napatingin ako sa paligid. Lumabas si Maggie at James sa kwarto nila nang narinig ako.

“S-Saan kayo galing? B-Bakit magkasama na naman kayo?” Tanong niya sabay turo kay Karl.

Tinignan ko si Karl at hayun, laglag parin ang panga habang nakatingin sa abs ni Jacob.

“Sabi naman sayo Jacob diba? Magkasama sila ni Karl. May binili lang.” Sabi ni Maggie.

“Pero bakit?” Tanong ni Jacob habang tinitignan si Maggie.

Narinig kong humalakhak si James at hinila si Maggie papasok ulit sa kwarto nila.

“Mag, ba’t mo pinapasok ang kumag na to?” Sigaw ko pero tinalikuran na ako ni Maggie.

Umiling ako habang hinila si Karl papuntang sofa nang makaupo na. Pumalakpak din ako sa mukha niya nang magising siya sa pagtitig kay Jacob.

“Rosie!” Tawag ni Jacob. “Kunin ko lang yung damit ko sa loob ng kwarto mo. Naiwan ko eh.”

Nanliit ang mata ko habang tinitignan siyang naghihintay sa magiging reaksyon ni Karl. I know this! Pinagseselos niya ba si Karl sa pamamagitan ng ‘damit’ niya sa kwarto ko?

“Ba’t mo ba nilagay sa kwarto ko ang t-shirt mo?” Tanong ko sabay turo sa abs niya.

Tinry kong wa’g masyadong tumitig dun. Ngumisi siya nang nakitang balisa ako.

“Ang init kasi.” Aniya. “Magbibihis kaba? Kasi sasabay na ako para kunin yung t-shirt!”

“Tseh! Alam mo ikaw, Jacob? Anong nangyari sayo at bakit ang landi mo na!? Yan na napapala mo sa pagsama sa mga malalandi.” Sabi ko habang naglalakad papuntang kwarto.

Sinundan niya ako.

“Dyan ka lang sa labas! Ako ang papasok. Ako ang kukuha ng t-shirt mo.” Sabi ko.

Pinagsarhan ko siya ng pintuan. Mahirap talagang nandyan siya sa isang enclosed space. Naalala ko nung naghalikan kami sa sasakyan niya. Grrr. Hindi ko mapigilan eh. Kainis pa yung moves niya parang bata! Hay naku! Inosente talaga hanggang ngayon… Walang kupas. Sana ganyan siya palagi.

Nakita ko agad yung t-shirt niya. Inamoy ko ‘to. SOBRAAAAAAANG BANGO! Sa kakaamoy ko pakiramdam ko naubos ko yung amoy ng t-shirt. Ayoko na tuloyng ibalik sa kanya. Papayag naman siguro yung di ko na ibalik to. Hindi naman siya mahiyain (at wala naman siyang dapat ikahiya) sa pagpapakita ng katawan niya.

“Rosie-“

Tinapon ko agad yung t-shirt. Bigla kasi niyang binuksan ang pinto. Walangya! Sabi na i-lock eh! Di ka nakikinig kay Jacob, Rosie! Pero sa mukha niyang abot tenga ang ngiti, nalaman kong nahuli niya akong inaamoy at ginagahasa yung t-shirt niya.

“JACOB! Di ka ba marunong kumatok.” Kainis lang yung ngiti niya habang pinagsasarhan ko siya at pinipigilan niya naman ako.

“Bakit kailangang sa t-shirt eh pwede namang ako yung amoyin mo?”

“Tseh! Tumigil ka nga!” Uminit ang pisngi ko.

Di na naman ako makatingin sa kanya.

“Umalis ka na! Magbibihis ako!” Sigaw ko.

“Oh? Bakit ako aalis eh nakita na naman kita-“

“TSEEEEEEEEEH! Jacob Antonio Buenaventura! Umalis ka na o tuluyan na kitang itataboy sa buhay ko!” Seryosong sinabi ko kahit na natatawa naman talaga ako.

“Nagbibiro lang naman ako. Ito naman. Seryoso mo lagi.”

Siya na mismo ang nagsarado ng pintuan. Hindi ko talaga mapigilan ang paghalakhak ko sa loob ng kwarto. Lanyang kumag na yun! Bakit ba…? HAAAAAAAY! Bakit ba nakakatuwa siya?

Sinubukan kong gawing seryoso ang mukha ko pagkatapos kong magpalit ng pambahay na damit. Lumabas ako ng kwarto at amoy ko agad ang niluluto ni Maggie para sa hapunan. Nandoon parin si Jacob sa sofa kasama ni Karl. Naramdaman ko talaga ang tensyon sa dalawa (o kay Jacob lang).

“Rosie!” Tumayo agad si Karl nang nakita ako. “Uwi na ako.” Sabi niya.

“Talaga? Bye, pare!” Sabi ni Jacob tapos humikab.

Umiling ako habang tinitignan si Jacob na nakahubad parin sa sofa.

Nakaflex yung 8-pack niya at parang wala siyang nararamdaman kung anong nangyayari sa world. Pumalakpak ulit ako sa mukha ni Karl nang nakita ko siyang nakatitig na, hindi sa sparkling abs, kundi doon sa ZIPPER!

“Ah! Oo! Aalis na ako!”

“Wa’g na! Dito ka na maghapunan!” Sabi ko. Hihilain ko na sana siya sa hapagkainan nang binulong niya sakin ‘to…

“Wa’g na, baka malapa ko yan si Jacob at makalimutan kong tomboy ako.”

Tinitigan ko siya.

“Oo na! Aalis na ako. Joke lang. Kailangan ko ng umuwi.”

“O sige! Text ka na lang-“

“Huh? Nag t-text kayo? Kala ko ba wala kang load kaya di ka nakakareply, Rosie?” Singit ni Jacob.

Di ko siya sinagot at hinatid ko na si Karl palabas ng bahay. Pagkatapos nun ay tinulungan ko si Maggie at James sa paghahanda sa mesa. Nilagyan ko ng tatlong plato ang mesa.

“Rosie!” Sabi ni Maggie habang umiiling sakin.

Siya ang naglagay ng para kay Jacob. Kainis ang kalandian ni Jacob! Umupo pa sa tabi ko. Nakahubad na yan ah? Nagtawanan naman si Maggie at James nang nakitang nakaupo na kaming dalawa sa hapag.

“Maya na lang kaming kakain, Rosie.” Sabay disappear ni Maggie at James.

“Bahala kayo, basta ginugutom na ako!” Sabi ko.

Kumain din si Jacob kasama ko pero nakatitig siya sakin the whole time. Hindi ko magawang tignan siya dahil nakabalandra ang sparkling abs niya.

“Rosie?” Hinuli niya ang titig ko.

Nang di ko talaga siya pinansin, nilagay niya ang kamay niya sa chin ko at dinala ang mukha ko sa titig niya. Uminit ang pisngi ko nang nakita kong seryoso at tagos sa kaluluwa ang titig niya.

“Ngayong Lunes, babalik na ako sa school.” Aniya.

“Uh-huh.” Tumingin ako sa baso niya.

Para siyang araw na nakakasilaw. Di ko kayang tignan ang mukha niya ng matagal. Baka kung tignan ko siya ng matagal, mawala ako sa sarili ko.

“Alam kong ayaw mong masaktan si Callix. At sinabi ko sayong wala akong pakealam diba? Kaya masasaktan siya sa gagawin ko.”

“Huh? Bakit anong gagawin mo?” Tanong ko sa kawalan.

“Liligawan kita. Kahit alam kong hindi naman talaga tayo nag break diba?”

“HUH?” Na-blink ako ng ilang beses sa sinabi niya.

“Liligawan kita kahit nakatingin si Callix.”

“Jacob, wa’g mong gawin yan. Mas lalo kayong mag aaway ni Callix niyan.” Sabi ko.

“Anong gusto mong gawin ko? Palihim na naman kitang ligawan tulad nung sa Alegria?” Tanong niya. “Kasi hindi ko na ulit yun gagawin.”

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para kumbinsihin siyang wa’g akong ligawan.

Its either wala akong maisip na paraan o talagang ayaw ko lang umisip ng paraan.

“Basta… hindi kita papansinin. Distansya at oras, Jacob. Yun lang ang hinihingi ko sayo ngayon.”

Sa wakas, nagawa ko nang tignan siya sa mata niya. Nakita kong nag half-open ang labi niya.

“Pagkatapos ng distansya at oras na hinihingi mo, t-tayo parin ba?” Napalunok siya sa sariling tanong niya.

Pumikit ako. Sobrang higpit na pagkapikit ng mga mata… dahil hindi na naman ako sigurado kung tama ba ang isasagot ko.

Ilang beses na akong napahamak ng puso ko at ilang beses na akong sumugal, nagbakasakali, at nabigo sa huli pero eto parin ako at naglalaro parin sa casino ng buhay. Sumusugal parin.

“Oo. Tayo parin.” Kasi ikaw ang mahal ko.

Kasi di ko kayang mawala ka. Ilang beses ka ng nawala sakin. Buhay naman ako kung wala ka pero walang buhay ang buhay ko dahil wala ka.

Dumilat ako at nakita kong nakapikit na siya malapit sa mukha ko. Hinila niya ang chin ko papunta sa kanya at hinalikan ako. Matagal. Yung halik niya parang nakakalasing. I kissed him back. Nilagay niya ang kamay niya sa batok ko at mas lalo niya pa akong nilapit sa kanya.

“Good.” Tumigil siya kahit na di ayaw ko pang tumigil.

Ngumisi siya nang nakitang half-open pa ang bibig ko.

“Kaya kong maghintay sa wala. At mas lalong kaya kong maghintay ngayon dahil alam kung meron… alam kong tayo parin. Yun lang ang gusto ko, Rosie. Yung pag asang tayo parin. Kahit di ngayon. Kahit kailan mo gusto. Basta tayo parin.” Bulong niya sakin.

Tumindig ang mga balahibo ko nang narinig ko ang malamig niyang boses sa tenga ko.

“Sht ang saya ko.” Aniya.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]