Baka Sakali 1 – Kabanata 63

Kabanata 63

Bakla Ako

Buong araw akong di makapag-isip ng mabuti dahil sa babaeng kayakap ni Jacob. Totoo kaya yung sinabi ni Callix? Bakit hindi binanggit ni Jacob sakin yun? Alam kong dapat magtiwala ako kay Jacob. Yun ang kulang saming dalawa. Iniwan niya ako noon dahil wala siyang tiwala sakin at kung iiwan ko siya ngayon para dito, iiwan ko siya dahil ako naman ang walang tiwala sa kanya.

“Jacob,” Nilapitan ko si Jacob nang nagkasalubong kami.

Abot tenga ang ngiti niya nang nakita niya ako.

“Oh, Rosie? Tapos na ba klase mo?” Tanong niya sabay tingin kay Karl na nasa likuran ko.

Sumimangot siya agad nang nakita si Karl. Binalewala ko yun dahil may bumabagabag sa isipan ko sa ngayon. Mabigat ang damdamin ko dahil dun.

“Oo eh. Tapos na.” Sabi ko.

“May pasok pa ako eh.” Ngumisi siya. “Movie marathon na lang kaya tayo sa bahay niyo?” Tanong niya.

Umiling ako at di man lang ngumiti sa anyaya niya.

Nakita kong nagbubulung-bulungan ang mga tao sa paligid. I’m sure naiinis na naman sila sakin dahil kausap ko si Jacob. Pero wala akong pakealam sa kanila ngayon. Kailangan kong maliwanagan.

“Jacob… uhmmm.”

“Hmmm?” Nakangiti parin siya nang tinitignan ako.

Nasa likuran niya sina Leo. Kahit na nag-uusap ang mga kabanda niya, nararamdaman ko paring nakikinig sila.

“Kailan kayo nag usap ni Callix?”

Nalaglag ang panga niya.

Ilang sandali pa siya bago nagsalita…

“Uhm… Kahapon ng umaga.”

Napahinga ako ng malalim, “Bakit? Hindi ba kayo nag usap nung Sabado?”

“Hindi eh.” Napalunok siya at di na makatingin sakin.

“Bakit?” Tanong ko.

“Pagod na kasi ako nun eh. Dami kasing pumunta sa gig.” Di siya makatingin sakin.

“Ahhh. Ganun ba?” Pinilit kong ngumiti. “Sige, uwi na ako ah? La na kasi akong pasok eh…”

“Huh? Sasamahan na kita. Mag momovie marathon-“

“Wa’g na! Okay lang naman. Nandito naman si Karl.” Sumulyap ako kay Karl.

Nabigla si Karl pero hinila ko parin siya palayo kina Jacob. Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko.

LIAR!

“Karl, I’m sorry. May pasok ka pa diba?” Pinunasan ko ang luha ko.

Umiling si Karl nang nakita ako, “Di bale, lika, umuwi na tayo sa inyo…” Hinawakan niya ang kamay ko at siya na mismo ang naghila sakin.

Umiling ako, “Wa’g… Alam kong pupunta dun si Jacob. Pwedeng sa ibang lugar?” Tanong ko.

Tumango siya.

“Karl, I’m sorry for being so selfish. Alam kong may pasok ka pa…”

“Rosie, hindi naman ako araw-araw na nag aabsent para sayo. Wa’g mo ng aalalahanin yun.”

Pumasok ako sa sasakyan niya at dinala niya ako sa isang overlooking na cafe.

Umiiyak parin ako habang lumalabas sa sasakyan niya.

“Sinungaling!” Sabi ko.

Tahimik lang si Karl habang nakikinig sakin.

“Napaka sinungaling niya, Karl! Sinubukan kong mag tiwala pero sht! LIAR!” Sabi ko habang tumitingin sa buong syudad.

Tumango si Karl at nakinig lang.

“Karl, tama naman yung ginawa ko diba? Tinanong ko siya. Sinagot niya ako. Nagsinungaling siya. Sht!”

“Rosie, yung cellphone mo…” Sabay turo sa bag ko.

Kanina pa pala tumutunog ang cellphone ko. Nakita kong si Jacob ang tumatawag. Agad kong pnatay ito at nagsimulang umiyak ulit.

Nag order si Karl ng pagkain at kape para sakin. Umiiyak ako at wala akong pakealam sa mga tingin ng waiter sakin dito.

“Rosie…” Sa wakas ay nagsalita na ulit siya. “Hindi kaya natatakot lang si Jacob na sabihin sayo ang totoo?”

Tinitigan ko si Karl na parang siya ang may kasalanan.

“I mean… Di kaya wala naman talagang nangyari kaya di na importante kung pag usapan?”

“Karl! Kailangan kong malaman ang lahat. May nangyari man o wala. Honesty. Yun ang gusto ko sa relasyon namin. Yun yung sumira noon, Karl. Dapat malaman niya yun.”

Tumango si Karl, “Sa bagay. Kung wala naman talagang nangyari, dapat di siya guilty kung sabihin niya yun sayo.”

Napasinghap ako sa sinabi niya. Parang mas lalo akong nasaktan ngayong pati si Karl ay nag give up na kay Jacob.

Alas syete na at tulala parin ako sa city lights ng syudad. Hindi parin ako makapaniwala sa pagsisinungaling ni Jacob. Ayokong isipin. Gusto kong kalimutan. Kaligtaan ang detalyeng ito at magsimula ulit. Na naman. Kasi ayokong mawala siya. Kasi walang makakapag pa-ayaw sakin kay Jacob ngayon. Wala na. Pero alam kong di dapat ganun. Kalimutan ko man yun ngayon, mauungkat lang ulit yun balang araw.

“Uwi na tayo.” Sabi ko kay Karl.

Tumango siya at tumayo.

Umalis na kami sa cafe. Kinakabahan ako nang papalapit na kami sa bahay. Buti na lang at wala yung Ford Ranger ni Jacob. I mean… Nasaktan ako na wala yung sasakyan niya. Tangina. Baka naman kasama niya na naman ang babaeng kasama niya nung isang gabi? Oh my god! Hindi ko na alam kung anong mas maganda… yung nandito ang sasakyan niya o wala.

Let’s face it. Wala yung sasakyan niya kaya wala siya.

Napaiyak ako nang nag park si Karl sa tapat ng apartment.

“Thanks, Karl.” Sabi ko.

Tinapik niya ang likuran ko.

Hindi ko na napigilan. Niyakap ko siya at humagulhol na sa iyak.

“Rosie, magiging okay din lahat.” Hinaplos niya ang likuran ko.

“Karl, paano magiging okay? Nagsinungaling siya sakin. Ayaw kong pilitin siyang sabihin sakin ang totoo. At natatakot ako. Paano kung-” Di ko masabi.

Kasi alam ko kung sino yung babaeng yun. Si April! Sigurado akong si April yun! Siguradong-sigurado!

“Reresbakan natin yung babaeng yun kung sino man siya.” Sbai ni Karl.

May biglang kumatok sa bintana ni Karl. Kinalas ko ang pagkakayakap sa kanya at nakita kong si Jacob ang nasa labas. Oh my gosh! Nandito siya? Napatingin ako sa likuran at nakita kong kakarating lang niya. Kakapark lang ng sasakyan niya sa likuran ng sasakyan ni Karl.

“Rosie…” Nanlaki ang mata ni Karl. “Galit siya.”

“Akong bahala.” Sabi ko at lumabas sa sasakyan.

“Rosie…” Pumungay ang mga mata ni Jacob.

Tinignan niya ako tapos si Karl, tapos ako ulit, tapos si Karl.

“Rosie… nawala ka ba sakin?” Nabasag yung boses niya sa dulo.

Napaiyak ako sa tanong niya.

“Jacob, magsabi ka sakin ng totoo.” Sabi ko. Tinitigan ko siyang mabuti.

Yumuko siya at napabuntong-hininga.

“Jacob… magsabi ka ng totoo. Sino ang babaeng nasa bahay niyo nung Sabado?”

Nanlaki yung mata niya.

“Si April.” Suminghap siya. “Sorry, Rosie pero hindi ko kayang mawala ka sakin.” Umiling siya.

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya.

“Mawawala ako sayo, Jacob kung di mo sasabihin sakin ang lahat-“

“Pumunta si April sa bahay namin. Lumayas siya sa kanila. Itinaboy ko siya pero, Rosie, wala siyang mapuntahan. Gabi na nang naabutan ko siya sa bahay. Tinawagan ako ni Manang pagkatapos ng gig para sabihin na nasa labas si April. Buntis siya, Rosie.”

OH MY GOD! Ewan ko na lang kung nasaan ang panga ko dahil hindi ko na talaga maramdaman ang pagbalik niya sa mukha ko.

Oh my god! April? Pregnant? Si Jacob ang ama?

OH MY GOD!

No. Freakin. Way.

“Rosie, kasalanan ko ‘to. I’m sorry. Pero tinaboy ko siya-“

Sinampal ko si Jacob. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagbuhos.

“Rosie!?” Basag na basag na yung boses niya nang tinawag ulit ako.

Narinig kong bumaba si Karl sa kotse para yakapin ako.

“Karl!” Sigaw ni Jacob. “Bitiwan mo si Rosie!” Tinulak niya si Karl.

Kumunot ang noo ni Karl sa pagkakatulak ni Jacob.

“Nag aaway lang kami. Hindi niya ako iniiwan kaya wa’g kang makealam!” Sigaw ni Jacob kay Karl.

“Anong sabi mo Jacob? you just lost me! Forever!” Sigaw ko pabalik sa kanya.

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.

“Rosie… Rosie… Rosie, bakit?” Hinuli niya ang titig ko.

Di ako makatingin sa kanya.

“Umuwi ka na dun kay April! Dun ka nababagay! Sht! I hate you!” Sigaw ko.

I swear sira na ang vocal cords ko!

Tumawa si Jacob at niyakap ako, “No… Rosie… Hindi.”

Sinuntok ko ang matigas niyang dibdib. Malakas. Pero di siya natinag.

“Roseanne Aranjuez, for God’s sake hindi ko yun anak! Walang nangyari samin ni April! Wala! Rosie!”

Oh my godness! Napaiyak ako lalo dahil sa sobrang relief nang narinig ko yun sa kanya. Nanghina ako sa yakap niya. Humagulhol ako sa iyak sa balikat niya. Mas lalong humigpit ang yakap niya sakin. Hinaplos niya ang buhok ko. Kinalas niya ang pagkakayakap niya sakinpara punasan ang luha sa mga mata ko.

“Hindi ko yun magagawa sayo. Ikaw lang ang mahal ko. Hindi ko sinabi sayo yun dahil hindi importante at natatakot akong magduda ka kahit wala naman talaga. Tinulungan ko lang si April ng isang beses. Pinauwi ko na sa kanila kinaumagahan. Yun lang yun. Galit ako sa kanya, Rosie dahil sa ginawa niya satin… pero hindi ko siya maitaboy mag isa sa kalsada nang walang pera, pagkain ngayong buntis siya.”

Tinitigan niya ako. Nilagay niya ang kamay niya sa magkabilang pisngi ko.

“Tignan mo ako, Rosie…” Hinuli niya ang titig ko.

Nang sa wakas ay tinignan ko na siya…

“Bawiin mo lahat ng sinabi mo, please. Dahil natatakot akong mawala ka ulit sakin. Please, sabihin mong mahal mo ulit ako. Sabihin mong di mo ako iiwan. Please.”

Nanginginig pa ang lalamunan ko dahil sa nangyari. Hindi ako makapagsalita.

“Damn!” Napapikit siya nang narealize na hindi ako magsasalita.

Hinalikan ko na lang siya dahil ayokong mabigo siya. Kanya parin ako. Sht! Alam kong kahit nabuntis niya si April, mamahalin at mamahalin ko parin siya. Iiwan ko siya dahil hindi ko yun matatanggap pero sigurado akong kanya parin ako!

He kissed me back.

“Ermmm. Uhm, Rosie, uwi na ako ah? Di na yata ako kailangan dito.” Sabi ni Karl sa gilid.

Tumigil si Jacob sa paghalik sakin.

“Bakit mo siya yinakap kanina, Karl?” Seryosong tanong ni Jacob kay Karl.

“Huh? Excuse me? Siya yung yumakap sakin, hindi ako.” Umirap si Karl.

Kumunot ang noo ni Jacob at naglakad papunta kay Karl.

Nakita kong bumilis na ulit ang paghinga niya. Galit na ulit siya.

“Jacob!” Sa wakas ay nakapagsalita ako kahit nanginginig na.

“Oy! Oy! Oy! ano?” Umatras si Karl at pumikit.

Nagreready na yata sa suntok ni Jacob. Hinila ko si Jacob palayo kay Karl.

“Langya! Bakla ako! Wa’g mo lang akong suntukin, Jacob!” Sigaw ni Karl habang nakapikit.

“Huh? Ano ngayon kung bakla ka!? Lalaki ka parin kaya wa’g mong mayakap-yakap si Rosie kasi akin siya!”

“Shet, Rosie! Wala palang kwenta ang pag amin ko!” Sigaw ni Karl, nakapikit parin.

“Jacob! Tama na!” Napabuntong-hininga si Jacob at tumingin sakin.

Hinawakan ko ang kamay niya.

“Harmless si Karl. Bakla nga siya, diba?” Sabi ko.

“Hindi ako naniniwala! Nagloloko lang yan para makachancing sayo! At kung totoo man na bakla siya, wala akong pakealam, lalaki parin siya kaya dapat di ka niya hinahawakan ng marurumi niyang mga kamay.”

Sa wakas at dinilat na ni Karl ang mata niya.

“Langya. Makaalis na nga dito, Rosie. Langya naman ‘to.” Umiling si Karl at umikot sa kotse niya.

“Karl! Sorryyyy! At… salamat! Mag uusap tayo soon. Itetext kita. Sorry!” Sigaw ko.

Kumaway siya sakin. Kailangan kong itatak sa kokote na kailangan pang mag sorry ni Jacob sa kanya sa susunod na magkita sila.

“Rosie, punta tayo ng Alegria.” Sabi ni Jacob nang nakaalis na si Karl.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: