Baka Sakali 1 – Kabanata 64

Kabanata 64

Wag na Lang

“Pupunta tayo dun para makita nilang hindi nila tayo kayang paghiwalayin. Kailangan nilang malaman na pagkatapos ng paninira nila, tayong dalawa parin. Na walang makakapigil satin.” Sabi ni Jacob.

Nakumbinsi niya akong pumunta ng Alegria pagkatapos ng finals namin. Paparating na rin kasi ang birthday niya. Nagpapa-party yung daddy niya tuwing birthday niya kaya kinailangang umuwi. Gusto niyang isama ako saan man siya magpunta.

Driver nina Jacob ang naghatid samin sa Alegria. Siyam na oras ang papunta doon kaya mahaba-haba kaming nakaupo sa likuran.

Inanyayahan namin si Maggie at James na pumunta pero busy sila kaya kami lang dalawa ni Jacob.

“Rosie…” Sumandal si Jacob sa balikat ko.

“Hmmm?”

“Ang bango mo talaga.” Inamoy niya ang leeg ko.

Kinurot ko na at sumulyap sa driver. Kainis ang pagiging PDA nito.

“Aray!”

Napangiti ako.

“Ito naman oh, naglalambing lang naman ako. Lagi na lang tayong nag aaway eh kailangan ng lambing.” Aniya.

Hindi ko na mapigilan ang tawa ko. Kainis talaga! Bakit natatawa talaga ako sa kanya? Haaaay!

Yinakap ko siya pagkatapos kong tumawa. Mahal na mahal ko talaga siya, sobra. Natakot ako nung huling away namin. Akala ko siya ang ama ng pinagbubuntis ni April. Gusto ko na siyang iwan pero hindi ako readyng iwan siya. Kung sakaling mangyari ulit yun, ewan ko na lang.

Pinulupot niya ang braso niya sa baywang ko at ngumisi sa ginawa niya.

“Pinangako ko sa sarili kong hindi na ulit ako uuwi ng Alegria kung hindi kita kasama.” Bulong niya sa leeg ko.

“Eto na nga diba, kasama mo na ako.” Napangiti ako.

“Pakasal na tayo, Rosie? Tingin ko magkakaheart attack na ako kung may humadlang o may mangyari pang masama eh.” Aniya.

“Hmm? Ayoko! Bata pa tayo. Marami pang mangyayari. Mag aaral pa ako.”

Kumalas siya sa pagkakayap niya sakin at itinaas ang ulo para magkatinginan kami.

“Ano pa bang pwedeng mangyari? Ayoko na. Gusto ko na lang mamuhay kasama ka. Yun lang. Wala ng mangyayari. Baka mamaya makahanap ka pa ng iba. Baka mamaya kayo pala ni Karl. Baka mamaya may makilala kang iba. Rosie, hindi ka ba natatakot?” Tanong niyang seryoso.

Napatawa na naman ako. Ang cute niya talaga.

“Jacob, natatakot din. Na baka ikaw naman ang makahanap ng iba. Baka makabuntis ka ng iba-“

“Ba’t ako makakabuntis eh ikaw lang naman ang gusto kong pagurin sa kama. Edi sure na na ikaw yung mabubuntis dito!”

Napaface-palm ako at sumulyap sa driver. Godness! Hindi ko alam kung nagpapanggap ba siyang hindi siya nakikinig o may rule silang hindi pwedeng mag react sa mga naririnig.

Sinapak ko si Jacob.

“Oh bakit? Totoo naman ah? Buti nga pumapayag pa ako na ayaw mong magpabuntis eh. Kung makita kong may iba ka ng kinahuhumalingan, sisiguraduhin kong mabubuntis ka na talaga! Hmp!”

Hinalikan ko na lang siya. Nakakatuwa talaga siya. I mean, hindi nakakatuwa na bubuntisin niya daw ako. Pero natutuwa ako dahil natatakot siyang mawala ako sa kanya. Natutuwa ako kasi ang cute niya, palagi. Natutuwa ako kasi mahal niya ako at mahal na mahal ko rin siya.

Is this even possible?

Sa lahat ng nangyari saming dalawa, hindi ako sigurado na posible palang mamuhay kami ng tahimik ni Jacob. No heated fights. No drama.

“Rosie,” Sabi ni pagkatapos ko siyang halikan.

Gumagapang na ang kamay niya sa halos lahat ng nakakakiliting part ng katawan ko.

“Sana pala ako na lang yung nagdrive para pwedeng tumigil muna tayo at…” Ngumiti siya.

Uminit ang pisngi ko.

“Tapos dito tayo sa likuran. Sige. Next time.” Humalakhak siya sa tenga ko.

Tumindig yung balahibo ko sa ginawa at sinabi niya. At na realize na tama siya, sana nga ganun ang nangyari. ARGH! JACOOOOB! Ang bad influence niya talaga sakin. My gosh!!!

Nang nakarating na kami sa Alegria, pinili kong bumisita muna kay Auntie Precy.

Biglang bigla si Auntie Precy nang nakita niyang magkasama kami ni Jacob. Siguro sa loob ng isang taon, nalaman niya rin talaga kung ano ang tunay na nangyari saming dalawa. Nalaman niya rin siguro ang nangyari sa video na yun.

“Paanong… Bakit… Hindi ba…?” Suminghap si Auntie Precy.

Si Jacob, nasa likuran ko habang tinitignan kami ni Auntie Precy.

Napabuntong hininga siya at, “Nagkaayos na kayo.”

Tumango kaming dalawa ni Jacob. Pinulupot niya ang braso niya sa baywang ko.

Tinignan ito ni Auntie Precy at parang natulala na lang siya sa braso ni Jacob.

“Okay.” Napaiyak si Auntie Precy.

Hindi ko alam kung bakit.

“Auntie? Okay lang po ba kayo?” Tanong ko.

Nagpapanic na kami ni Jacob.

“Wala. Sorry, Rosie.” Itinaas niya ang kamay niya samin. Pinunasan niya ang luha niya at ngumiti. Itinuro niya ang braso ni Jacob sa baywang ko, “Ganyan din siya, noon.”

Hindi ko alam kung bakit lumakas at bumilis ang pintig ng puso ko sa sandaling iyon. Siya. Meaning si Don Juan Antonio, ang daddy ni Jacob.

“At buti na lang hindi talaga kami nagkatuluyan, para sa inyong dalawa.” Niyakap niya kaming dalawa ni Jacob at mas lalo siyang humagulhol sa pag iyak. “Magpakasal na kayo! Ayokong magkahiwalay na naman kayo. Pag nagkahiwalay kayo, magsisisi ako.”

Hindi ko alam kung bakit siya magsisisi pero alam ko, noon pa, na sising-sisi siya sa nangyari sa kanila noon. Pero ako? Hindi ako nagsisisi. Hindi sila nagkatuluyan ni Don Juan kaya ipinanganak si Jacob. My god, hinding hindi ako magsisisi. Magpapasalamat pa ako! Sorry Auntie Precy pero tingin ko ganun din ang tingin niya.

Nang dumating na kami sa bahay nila, sinalubong kami ng mga katulong at ng daddy niya.

“Welcome home!” Ngiting-ngiti ang daddy niya habang niyayakap si Jacob. “Kailan ang kasal?” Dagdag niya.

“Ewan ko, pa. Siguro, buwan-buwan kong tatanungin si Rosie baka sakaling magbago ang isip niya. Ayaw niya pa kasi eh.”

Tumawa ang daddy ni Jacob at tumingin sakin para yakapin ako.

“PA!” Sigaw ni Jacob nang niyakap ako ng daddy niya.

“Hmmm?” Kumalas agad ang daddy niya at tinignan si Jacob.

Tumawa na lang ako kasi galit na naman siya. Grabe! Ang seloso talaga nito! Pero ang cute niya talaga!

“Hindi pwedeng yakapin si Rosie, sakin lang siya pwedeng yumakap.” Sabay hila ni Jacob sa kamay ko.

Tumawa ang daddy niya, “Sige ka, Jacob. Pag masyado kang seloso, maghahanap si Rosie ng iba. Yung hindi.” Kumunot ang noo niya bago kami tinalikuran.

“ANO?” Sabi ni Jacob at hinarap ako.

“Ano?” Tanong ko habang tinitignang umaalis ang daddy niya.

“Maghahanap ka ng iba kung masyado akong seloso?” Napalunok siya.

Napatingin ako sa daddy niyang naglalakad papunta yata ng kitchen nila. “Hindi naman.”

Siguro ay ganun yung nangyari sa kanila ni Auntie Precy? Nagcollege si Auntie Precy sa Maynila, maraming lalaki doon kaya paniguradong nagseselos si Don Juan. Sobra-sobra siguro ang pagseselos niya kaya iniwan siyang tuluyan ni Auntie. O baka nung dito pa sila sa Alegria, seloso na si Don Juan? Ewan ko pero may feeling akong mejo ganun nga ang nangyari. OMG!

“Rosie? Maghahanap ka ng iba? Si Karl? Sino?”

Sinuntok ko ang dibdib niya. Masyado talagang matigas. Argh! Uminit ang pisngi ko nang naisip ko yung abs niya. “Bading si Karl. Kailan ba yan papasok sa utak mo?” Tanong ko. “Tsaka din ako maghahanap ng iba. Seloso ka at isa yan sa dahilan kung bakit nagustuhan kita.” Yinakap ko siya.

Napabuntong-hininga siya at hinalikan ang noo ko.

“Kailangan lang talaga natin ng trust. Magtiwala ka na ikaw lang ang mamahalin ko at magtitiwala din ako na ako lang yung sayo.” Sabi ko.

“May tiwala ako sayo, sa mga taong nakapaligid sayo ako walang tiwala.” Aniya.

“Ows?” Natawa ako sa sinabi niya. Talagang wala siyang tiwala maging sa daddy niya?

Humikab siya at, “Rosie, pagod ako sa byahe. Pahinga muna tayo sa kwarto.” Ngumisi siya.

Kinurot ko na naman siya. Alam ko na naman kung anong klaseng ‘pahinga’ ang gusto niya.

Hay! Ang manyak talaga nito!

Pumayag naman yung daddy niya na sa kwarto niya kami matulog, the whole time na nandito ako. Hindi ako pumayag, sinabi kong kina Auntie Precy ako tutuloy. Kaya ayun at malungkot si Jacob. Bakit daw ayaw ko. HAHA! Tama na at baka magbago ang isip ko. Gusto ko naman eh pero tingin ko ito ang tamang gawin.

Tama! Ganun yun! Minsan, may mga gusto ka pero alam mong di tama. Kailangan mong sundin kung ano ang tingin mo ay tama kahit na hindi mo yun gusto. Tutal, kung para sayo talaga ang isang bagay, mapupunta yan sayo kahit anong iwas ang gagawin mo. At kung hindi naman yun para sayo, kahit anong pagkakamali ang gagawin mo para lang dun, hindi talaga yun mapapasayo.

At least sa lahat ng nangyari, may natutunan ako. Worth it lahat. Worth it na nagkasakitan kaming dalawa kung sa huli ay kami parin.

Umiling ako nang nabuksan ko ang box na puno ng condoms sa kwarto niya.

“JACOOOOB!” Sigaw ko.

“Bakit?” Galing siyang banyo para maligo.

Nakatuwalya lang at nakabalandra yung abs niya. Napalunok ako at tumingin na lang sa box ng condom. Mas disturbing yata yung abs niya kesa sa box ng condom na ‘to.

“Ano ‘to?” Tanong ko.

“Condoms?”

“Bakit ang dami? Limang araw lang tayo dito tsaka wala naman akong planong makipag ano sayo dito! Kahiya ka talaga!”

Dinala niya ito galing Maynila! Ang kumag talaga! grrr.

“Baka sakali lang namang maparami eh.” Ngumisi siya at umupo sa kama niyang hinihigaan ko.

Hindi ko alam kung kaya ko ba talagang humindi minsan.

“Jacob, pumunta na tayo sa school. Gusto mong pumunta diba? Bisitahin na natin si April.” Sabi ko para madistract siya.

Pero wala yatang makakadistract sa kanya ngayon. Nakatingin lang siya sa labi ko habang nagsasalita ako.

“Ang pula talaga ng labi mo, Rosie. Kahit walang lipstick. Lagyan kaya natin para tanggalin ko?”

Okay. Parang kailangan ko na rin ng distraction. Gulay!

“Jacob!” Kumunot ang noo ko at tinulak ang basa niyang katawan.

“Wa’g na lang? Yung damit mo na lang kaya ang tanggalin ko?”


One thought on “Baka Sakali 1 – Kabanata 64

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: