Baka Sakali 1 – Kabanata 57

Kabanata 57

Ang Saya Ko

“Ano ba talaga, hija? Bakit ba parang nakakalito ka na? Hindi parang! Actually talagang nalilito ako!” Sabi ni Karl nang lumabas kami sa sumunod na araw.

Umiling ako habang pinaglalaruan ang inorder kong tea.

“Una sa lahat, gusto mo siyang layuan. Pagkatapos, nagseselos ka kung may ibang kasama siya. Pagkatapos, pinagtatabuyan mo naman pag may time, anyare? Bakit ganyan? Dahil ba binabae lang ako kaya di ko maintyendes?”

Sinapak ko si Karl at tinitigan.

“Lam mo? Kunti na lang at malalaman na ng buong syudad na bakla ka! Nitong nakaraang araw parang talagang naghuhubad ka na eh.”

Tumawa siya, “Wala si daddy eh. Tsss.”

Yung daddy lang ni Karl ang kinakatakutan niya. Paano ba kasi, nag iisang lalaking anak siya. Aniya’y di yun matatanggap ng mga magulang niya kung baklita siya. Kawawa. Noon, wala naman talaga akong pakealam sa mga bading. Pero ngayong naging kaibigan ko na siya, narealize kong mahirap pala ang sitwasyon nila. Lalo na ang sitwasyon ni Karl. Kung ako, nahusgahan, ilang beses, ng pagiging gold digger ng mga tao… Siya naman, mahuhusgahan, buong buhay niya, di lang ng ibang tao, kundi pati na rin ng pamilya niya. Mahirap.

Napabuntong-hininga ako.

“Ngayong Lunes, panigurado, magbabalik na ang Jacob na yun. Alam mo bang iniisip kong baka next week ay bugbugin niya ang maganda kung mukha? Alam mo ba kung magkano yung BBCream sa Etude House at paano ko yun binibili nang di pinagdududahan ng mga tao? Pink yung bag, Rosie… Tsaka ayoko talagang magkapasa!”

“Hay nako! Hindi ka susuntukin non! Hindi naman ganung klaseng tao si Jacob. Tsaka… Akong bahala!”

“Point is… Iisipin niyang tayo. Tapos magseselos na naman yun. Magkakagulo na naman. Tsaka… ano ba talaga? Gusto mo ba siya o hindi? Anong next step mo?”

“Karl, pati ba naman ikaw? Wa’g nga kayong atat! Ganito…” Napabuntong hininga ako.

Sa dalawang linggong pagmumuni-muni ko, marami akong narealize. Naliwanagan ako at nabwiset sa sariling mga desisyon. Nagkamali ako nung una pa lang kaming nagkita ni Jacob, nung inisip kong maghiganti. Nagpadala ako sa galit. Unti-unti kong narealize na mahal ko parin siya pero sa oras na yun hindi na pwede kasi alam ko ng may something si Callix para sakin.

“I’m so confused, okay? Ayokong saktan si Callix pero gusto ko si Jacob PERO naiisip ko yung panggagago niya sakin. Sorry pero hindi ko kayang ipafeel sayo kung anong nafifeel ko dahil ako mismo, di ako sigurado. Basta ang alam ko, seryoso akong ayaw ko munang makipag ugnayan kay Jacob.”

“So… Meaning? In case na makipag landian si Papa J sa iba, okay lang diba? Kasi ayaw mo ng makealam? Diba?”

Tinitigan ko siya at sinabi ng diretso sa mga mata niya, “Oo.”

Nagkibit-balikat siya.

Nag-ikot kami sa mall para bumili ng daily dose of cosmetics. Hirap maging bakla. Buti pa maging babae. Wala masyadong arte.

“Lam mo? Bilhan kita ng lipstick.” Aniya nang napadpad kami sa paboritong store niya.

“Yoko.” Sabi ko.

Naglilipstick ako pero kay Maggie yung ginagamit ko. Saka ko lang din yun ginagamit kung may espesyal na occassion tulad ng kasal (nung minake upan ako ni Karl) o prom.

Sa huli, binilhan ako ni Karl ng pink na lipstick. Hinatid niya rin ako sa bahay at niyaya ko siyang tumambay muna ng saglit.

Nagtatawanan kami habang papasok sa pintuan. Pagkabukas ko agad kong naaninaw ang 8-pack sparkling abs ni Jacob sa sofa namin. Parehong nalaglag sa sahig ang panga namin ni Karl.

“Rosie!” Ngumiti siya at napawi nang nakita si Karl.

“Nakita ko na to sa dagat noon at di ko inaasahang sa pangalawang pagkakataon tutulo parin yung laway ko-” Siniko ko si Karl habang bumubulong sakin.

Anong tawag mo sakin? Ilang beses ko na yang nakita at hanggang ngayon nag kaka lock-jaw parin ako.

Umubo ako, “Anong ginawa mo dito at bakit nakahubad ka?” Tanong ko.

Napatingin ako sa paligid. Lumabas si Maggie at James sa kwarto nila nang narinig ako.

“S-Saan kayo galing? B-Bakit magkasama na naman kayo?” Tanong niya sabay turo kay Karl.

Tinignan ko si Karl at hayun, laglag parin ang panga habang nakatingin sa abs ni Jacob.

“Sabi naman sayo Jacob diba? Magkasama sila ni Karl. May binili lang.” Sabi ni Maggie.

“Pero bakit?” Tanong ni Jacob habang tinitignan si Maggie.

Narinig kong humalakhak si James at hinila si Maggie papasok ulit sa kwarto nila.

“Mag, ba’t mo pinapasok ang kumag na to?” Sigaw ko pero tinalikuran na ako ni Maggie.

Umiling ako habang hinila si Karl papuntang sofa nang makaupo na. Pumalakpak din ako sa mukha niya nang magising siya sa pagtitig kay Jacob.

“Rosie!” Tawag ni Jacob. “Kunin ko lang yung damit ko sa loob ng kwarto mo. Naiwan ko eh.”

Nanliit ang mata ko habang tinitignan siyang naghihintay sa magiging reaksyon ni Karl. I know this! Pinagseselos niya ba si Karl sa pamamagitan ng ‘damit’ niya sa kwarto ko?

“Ba’t mo ba nilagay sa kwarto ko ang t-shirt mo?” Tanong ko sabay turo sa abs niya.

Tinry kong wa’g masyadong tumitig dun. Ngumisi siya nang nakitang balisa ako.

“Ang init kasi.” Aniya. “Magbibihis kaba? Kasi sasabay na ako para kunin yung t-shirt!”

“Tseh! Alam mo ikaw, Jacob? Anong nangyari sayo at bakit ang landi mo na!? Yan na napapala mo sa pagsama sa mga malalandi.” Sabi ko habang naglalakad papuntang kwarto.

Sinundan niya ako.

“Dyan ka lang sa labas! Ako ang papasok. Ako ang kukuha ng t-shirt mo.” Sabi ko.

Pinagsarhan ko siya ng pintuan. Mahirap talagang nandyan siya sa isang enclosed space. Naalala ko nung naghalikan kami sa sasakyan niya. Grrr. Hindi ko mapigilan eh. Kainis pa yung moves niya parang bata! Hay naku! Inosente talaga hanggang ngayon… Walang kupas. Sana ganyan siya palagi.

Nakita ko agad yung t-shirt niya. Inamoy ko ‘to. SOBRAAAAAAANG BANGO! Sa kakaamoy ko pakiramdam ko naubos ko yung amoy ng t-shirt. Ayoko na tuloyng ibalik sa kanya. Papayag naman siguro yung di ko na ibalik to. Hindi naman siya mahiyain (at wala naman siyang dapat ikahiya) sa pagpapakita ng katawan niya.

“Rosie-“

Tinapon ko agad yung t-shirt. Bigla kasi niyang binuksan ang pinto. Walangya! Sabi na i-lock eh! Di ka nakikinig kay Jacob, Rosie! Pero sa mukha niyang abot tenga ang ngiti, nalaman kong nahuli niya akong inaamoy at ginagahasa yung t-shirt niya.

“JACOB! Di ka ba marunong kumatok.” Kainis lang yung ngiti niya habang pinagsasarhan ko siya at pinipigilan niya naman ako.

“Bakit kailangang sa t-shirt eh pwede namang ako yung amoyin mo?”

“Tseh! Tumigil ka nga!” Uminit ang pisngi ko.

Di na naman ako makatingin sa kanya.

“Umalis ka na! Magbibihis ako!” Sigaw ko.

“Oh? Bakit ako aalis eh nakita na naman kita-“

“TSEEEEEEEEEH! Jacob Antonio Buenaventura! Umalis ka na o tuluyan na kitang itataboy sa buhay ko!” Seryosong sinabi ko kahit na natatawa naman talaga ako.

“Nagbibiro lang naman ako. Ito naman. Seryoso mo lagi.”

Siya na mismo ang nagsarado ng pintuan. Hindi ko talaga mapigilan ang paghalakhak ko sa loob ng kwarto. Lanyang kumag na yun! Bakit ba…? HAAAAAAAY! Bakit ba nakakatuwa siya?

Sinubukan kong gawing seryoso ang mukha ko pagkatapos kong magpalit ng pambahay na damit. Lumabas ako ng kwarto at amoy ko agad ang niluluto ni Maggie para sa hapunan. Nandoon parin si Jacob sa sofa kasama ni Karl. Naramdaman ko talaga ang tensyon sa dalawa (o kay Jacob lang).

“Rosie!” Tumayo agad si Karl nang nakita ako. “Uwi na ako.” Sabi niya.

“Talaga? Bye, pare!” Sabi ni Jacob tapos humikab.

Umiling ako habang tinitignan si Jacob na nakahubad parin sa sofa.

Nakaflex yung 8-pack niya at parang wala siyang nararamdaman kung anong nangyayari sa world. Pumalakpak ulit ako sa mukha ni Karl nang nakita ko siyang nakatitig na, hindi sa sparkling abs, kundi doon sa ZIPPER!

“Ah! Oo! Aalis na ako!”

“Wa’g na! Dito ka na maghapunan!” Sabi ko. Hihilain ko na sana siya sa hapagkainan nang binulong niya sakin ‘to…

“Wa’g na, baka malapa ko yan si Jacob at makalimutan kong tomboy ako.”

Tinitigan ko siya.

“Oo na! Aalis na ako. Joke lang. Kailangan ko ng umuwi.”

“O sige! Text ka na lang-“

“Huh? Nag t-text kayo? Kala ko ba wala kang load kaya di ka nakakareply, Rosie?” Singit ni Jacob.

Di ko siya sinagot at hinatid ko na si Karl palabas ng bahay. Pagkatapos nun ay tinulungan ko si Maggie at James sa paghahanda sa mesa. Nilagyan ko ng tatlong plato ang mesa.

“Rosie!” Sabi ni Maggie habang umiiling sakin.

Siya ang naglagay ng para kay Jacob. Kainis ang kalandian ni Jacob! Umupo pa sa tabi ko. Nakahubad na yan ah? Nagtawanan naman si Maggie at James nang nakitang nakaupo na kaming dalawa sa hapag.

“Maya na lang kaming kakain, Rosie.” Sabay disappear ni Maggie at James.

“Bahala kayo, basta ginugutom na ako!” Sabi ko.

Kumain din si Jacob kasama ko pero nakatitig siya sakin the whole time. Hindi ko magawang tignan siya dahil nakabalandra ang sparkling abs niya.

“Rosie?” Hinuli niya ang titig ko.

Nang di ko talaga siya pinansin, nilagay niya ang kamay niya sa chin ko at dinala ang mukha ko sa titig niya. Uminit ang pisngi ko nang nakita kong seryoso at tagos sa kaluluwa ang titig niya.

“Ngayong Lunes, babalik na ako sa school.” Aniya.

“Uh-huh.” Tumingin ako sa baso niya.

Para siyang araw na nakakasilaw. Di ko kayang tignan ang mukha niya ng matagal. Baka kung tignan ko siya ng matagal, mawala ako sa sarili ko.

“Alam kong ayaw mong masaktan si Callix. At sinabi ko sayong wala akong pakealam diba? Kaya masasaktan siya sa gagawin ko.”

“Huh? Bakit anong gagawin mo?” Tanong ko sa kawalan.

“Liligawan kita. Kahit alam kong hindi naman talaga tayo nag break diba?”

“HUH?” Na-blink ako ng ilang beses sa sinabi niya.

“Liligawan kita kahit nakatingin si Callix.”

“Jacob, wa’g mong gawin yan. Mas lalo kayong mag aaway ni Callix niyan.” Sabi ko.

“Anong gusto mong gawin ko? Palihim na naman kitang ligawan tulad nung sa Alegria?” Tanong niya. “Kasi hindi ko na ulit yun gagawin.”

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para kumbinsihin siyang wa’g akong ligawan.

Its either wala akong maisip na paraan o talagang ayaw ko lang umisip ng paraan.

“Basta… hindi kita papansinin. Distansya at oras, Jacob. Yun lang ang hinihingi ko sayo ngayon.”

Sa wakas, nagawa ko nang tignan siya sa mata niya. Nakita kong nag half-open ang labi niya.

“Pagkatapos ng distansya at oras na hinihingi mo, t-tayo parin ba?” Napalunok siya sa sariling tanong niya.

Pumikit ako. Sobrang higpit na pagkapikit ng mga mata… dahil hindi na naman ako sigurado kung tama ba ang isasagot ko.

Ilang beses na akong napahamak ng puso ko at ilang beses na akong sumugal, nagbakasakali, at nabigo sa huli pero eto parin ako at naglalaro parin sa casino ng buhay. Sumusugal parin.

“Oo. Tayo parin.” Kasi ikaw ang mahal ko.

Kasi di ko kayang mawala ka. Ilang beses ka ng nawala sakin. Buhay naman ako kung wala ka pero walang buhay ang buhay ko dahil wala ka.

Dumilat ako at nakita kong nakapikit na siya malapit sa mukha ko. Hinila niya ang chin ko papunta sa kanya at hinalikan ako. Matagal. Yung halik niya parang nakakalasing. I kissed him back. Nilagay niya ang kamay niya sa batok ko at mas lalo niya pa akong nilapit sa kanya.

“Good.” Tumigil siya kahit na di ayaw ko pang tumigil.

Ngumisi siya nang nakitang half-open pa ang bibig ko.

“Kaya kong maghintay sa wala. At mas lalong kaya kong maghintay ngayon dahil alam kung meron… alam kong tayo parin. Yun lang ang gusto ko, Rosie. Yung pag asang tayo parin. Kahit di ngayon. Kahit kailan mo gusto. Basta tayo parin.” Bulong niya sakin.

Tumindig ang mga balahibo ko nang narinig ko ang malamig niyang boses sa tenga ko.

“Sht ang saya ko.” Aniya.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: