Baka Sakali 1 – Kabanata 53

Kabanata 53

Sagad Sa Buto

Hindi ko sinagot si Jacob. Tumayo ako at hinubad ang upper shirt ko. Nakita kong tumayo rin siya…

“Rosie, ba’t mo hinubad-“

“Maliligo muna ako, Jacob.” Sabi ko at umalis.

Ilang sandali ay sumunod din siya at alam kong lalapit siya sakin. Kitang kita ko ang mga mata ni Callix na nakatoon sa kanya. Basang-basa na ang abs part ni Jacob dahil sa alon. Hindi ako makatingin ng diretso. Pag tinitignan ko kasi siya naaalala ko yung unang halik namin. Yung nasa hot spring kami. Naaalala ko lahat ng alaala namin. Naiinis ako dahil hindi ko mapigilang purihin ang sparkling abs niya. Hindi ko mapigilan ang paglaglag ng panga ko. Hindi ko maiwasang tignan ang paligid at mainis sa mga nakikita kong babaeng nakanganga at tinititigan siya.

Dahil doon, lalong dumami ang mga babaeng lumapit sa kay Jacob. Pinilit siyang kumanta sa stage nung nag dinner kami. Ang ingay ni Belle sa pagchi-cheer kay Jacob at pang-aaway sa mga babaeng lumalapit sa kanya.

“Kala mo naman girlfriend, di pala!” Sigaw nung isang babae na kanina pa lumalapit kay Jacob.

“Eh bakit ikaw? Girlfriend ka ba? Di rin diba?” Sigaw pabalik ni Belle habang umiirap. “Lalaban talaga ako ng patayan para kay Jacob.” Biglang sabi niya habang umiiling samin. “Oh, Rosie, ba’t ganyan mukha mo?” Kumunot ang noo niya.

Umiling ako, “W-Wala.”

Napatingin ako sa nakapikit na si Jacob doon sa taas ng stage. Kahit na di niya kilala ang mga nasa banda, kaya niya paring kumanta na mukhang at-home. Magaling talaga siya. Sa sobrang gwapo at talented niya, di na ako magtataka kung mag sho-showbiz siya. Pero para yatang di ko kaya yun… Hindi ko alam kung bakit. Naririnig ko pa lang si Belle na makikipagpatayan para kay Jacob, hindi ko na masikmura.

“There’s a million reasons for you to go, but if you can find a reason to stay, I’ll do whatever it takes, to turn this around. I know whats at stake. I know that I’ve let you down. But if you give me a chance and give me a break. I’ll keep us together, whatever it takes.”

Iniimagine ko na ako yung pinaparinggan niya. Lumalambot ako. Lalo na’t maganda talaga ang buo niyang boses. Pati ang lyrics ng kanta wala akong maisip kundi kaming dalawa.

“OMG! Parang ako yung kinakantahan niya! OMG! Callix!” Sabi ni Belle.

Nabigla ako nang tinawag ni Belle si Callix. Kanina kasi umalis siya, ngayon lang yata nakabalik. Napatingin ako sa likuran. Nakita kong nakangisi si Callix sakin. Kumunot ang noo ko.

“Bakit, Belle?”

“Pahiram ng, uhm, ano… Yung room. Pwede? Pwede bang exchange muna tayo? Kami muna ni Jacob…” tumili siya. “Ngayong gabi? PLEASE! PLEASE!” Tumili pa siya lalo.

“Belle!” Sigaw ni Ava. “Kadiri ka!”

Nakita kong umiling si Karl sakin. Nagtawanan naman si Josh at Edward.

“Di ko na talaga mapigilan. Gusto ko na talaga siyang… alam mo na.” Tumili ulit siya at tumingin sa mga babaeng tumitili din para kay Jacob. “Humanda ang mga babaeng yan… at si Grace! Makikita nila… haha! Dudurugin ko ang mga pangarap nila.”

Hindi ko na talaga malunok ang pagkain kaya uminom ako ng tubig.

“Sige bah! Ayusin mo ah?” Tumawa si Callix at hinagis niya kay Belle ang susi ng kwarto nila.

Napaubo ako. Nabilaukan sa tubig.

“Rosie? Okay ka lang ba?” Tanong ni Belle.

Umiling ulit ako habang punupunasan ang sarili. “O-okay lang.”

Tumabi si Callix sakin at tinignan pa ako lalo. Kumain siya at nagbalik sa dati ang aura lalo na nang nakabalik ulit si Jacob galing stage. Ang daming pumupunta sa table namin para magpapicture sa kanya.

“Grabe, bro! Sikat mo na agad!” Sabi ni Callix sa pinsan niya.

“Pili ka lang! Kainggit ka!” Singit ni Josh.

“Nakakalaglag panty. Ubos na strap ng mga bra ko dahil sayo.” Sabi ni Belle.

Napabuntong-hininga si Ava sa sinabi ng bestfriend nila. Nag order si Callix ng maraming beer at tequila.

Kinuha ko ang unang shot at ininom. Nakita ko ang pag protesta ni Jacob sa mukha niya pero di siya nagsalita. Ilang oras ang nakalipas ay natamaan na sila. Kanina ko pa tinigilan ang pag inom kasi kinailangan ko ng ulirat sa pagbabantay kay Jacob. Inakbayan ako ni Callix pero di ko na pinansin dahil busy ako sa pakikinig kay Jacob at Belle.

“Bakit ba ang ganda ng katawan mo?” Seductive ang boses ni Belle nang tinanong niya ito.

“Hindi naman-“

“Di talaga… ganda talaga. Kanina? Sa beach? Di ko talaga mapigilan ang sarili ko.” Sabay hawak niya sa dibdib ni Jacob.

Lumayo si Jacob ng bahagya kay Belle.

Busy sa pagku-kwentuhan si Callix, Josh, at Edward. Si Ava at Karl naman nag ku-kwentuhan din kaya di nila yun nakita.

“Jacob, malamig ang gabi. Pero pinag iinit mo ako, lalo na pag lumalayo ka.”

Di na talaga nahiya ang panga ko at nalaglag na talaga siya ng kusa.

Kinuha ni Belle ang kamay ni Jacob ay nilagay sa gitna ng hita niya. Hinaplos niya ito pero binawi agad ni Jacob. Nakita kong namutla si Jacob habang tinitignan si Belle.

“Belle, wa’g. Hindi ako ganun-“

“Imposible.” Sabi ni Belle at nilagay niya ang kamay niya sa gitna ng hita ni Jacob.

Ngumisi si Belle at kinagat ang labi. Hindi na ako naghintay sa reaksyon ni Jacob. Tumayo na talaga ako. Halos tumambling yung table sa pagtayo ko kaya naagaw ko ang pansin nila.

“Excuse me.” Sabi ko at umalis agad papuntang dagat… palayo sa kanila.

“Rosie!” Narinig ko ang tawag ni Jacob sa likuran ko pero di ko pinansin.

Naiiyak ako. Naiinis ako dahil sa lahat ng kagaguhang ginawa niya sakin, mahal ko parin siya. Nasasaktan ako kasi ganito na ngayon. Nasasaktan ako kasi nagbago na ang lahat. Nasasaktan ako kasi di ko na siya ma control… NASASAKTAN AKO KASI MAHAL KO PARIN SIYA.

Naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa braso ko. Hinarap ko siya. Wala akong pakealam kung makita niyang umiiyak na ako.

Alon na lang ang naririnig namin ngayon. May mga tao sa paligid pero sobrang tahimik. Wala silang pakealam saming dalawa at wala rin akong pakealam sa kanila.

“ANO?” Sigaw ko sa mukha ni Jacob. “Wala! Wala akong pake! Makipagkant—- ka kahit kanino! La ako pake!” Sabay punas ng luha ko.

“Rosie, hindi ko magagawa yun.”

“Not in my face! Siguro! Kasi kung wala ako… kaya mo yun!” Sabi ko.

“ROSIE! HINDI! Ikaw lang mula noon ikaw lang!” Sabi niya.

“Ba’t ka nag eexplain? Iniwan mo ako nun! Tinaboy mo ako! Ngayon para kang aso na bubuntot-buntot sakin? Mukha mo Jacob! Bakit? Dahil sa lahat ng nakantot mo ako lang yung iba? Kasi virgin pa ako nun, ganun ba?” Sigaw ko.

Grabe! Ito na siguro ang pamatay kong speech. Supressed feelings na sa wakas ay nasabi ko na.

“OO! VIRGIN PA AKO NUN! TANGINA MO! Pinagtabuyan mo ako para sa wala! Sabi na sayo virgin pa ako diba? Tangina ikaw ang nakauna! At ikaw lang ang may marka sakin! Tangina mo di ka worth it!” Sabi ko habang umaapaw ang luha.

Nakita kong natigilan siya ng bongga. Bullsh1t siya! Akala mo ah! Mag iisang taon mo na akong sinasaktan! Panahon na talaga para magbayad ka! Magsisisi ka! Sa lahat! At di ako magiging sayo kahit na hinahatak ako ng sarili kong puso pabalik sayo! Hindi! Dahil ngayon, utak ko ang lider. Hindi na ako yung babae noon na puso ang pinaiiral. Muntik na akong napahamak nun! Kita niyo? Pinili ko siya noon sa pag-aaral ko pero anong ginawa niya? Pinagtabuyan niya ako!

“Rosie!” Yinugyog niya ang magkabilang balikat ko.

Nakita ko ang galit sa mukha niya.

“Wala akong pakealam! Wala akong pakealam sa nangyari dati ang gusto ko ay yung ngayon… Gusto kong ibalik lahat! Please! Sorry! Please… Huminahon ka.” Mahinahon niyang sinabi.

“HINDI JACOB! It will take mooore than this! Baka nga di enough lahat ngt gawin mo para pabalikin mo ako sayo eh! Alam mo kung bakit? Kasi winalanghiya mo ang pagkatao ko! Di mo ako pinaglaban! Pinalabas sa lahat ng video na yun na gold digger ako. Sirang sira ako! Tapos yun pala ang dahilan mo? Sige! Sabihin nating big thing sayo kung nag sisinungaling ako nun, big thing kung virgin o hindi… Pero iniwan mo ako sa ere!”

“Sh1t, Rosie! Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?! Nandito ako para ipaglaban ka! Dahil hindi kita matanggal sa sistema ko. Ginusto kong kalimutan ka pero hindi ko nagawa. Di ko magawa. Langya, Rosie mahal na mahal kita! Pangalan mo ang nananalaytay sa dugo at kaluluwa ko! Inangkin mo na ang buong pagkatao ko mula noon! Di ko kaya ng wala ka sa buhay ko! Pero di pwede diba? Pinsan ko siya! Nagsinungaling ka! Yun ang akala ko! MALI! MALI NA!”

Nakita ko ang luha sa mga mata niya. Tuwing pumupungay ang mga mata niya, naaalala ko ang Jacob KO. Naaalala ko siya sa Alegria. Inosente at sweet. Simple. Gusto ko siyang yakapin.

“Kung pwede lang mamatay sa pagkakamaling yun namatay na ako! Akala mo ba di ko yun pinagsisihan ng grabe! Nawasak ako! Nasabi ko na ba yun sayo?! Di ko na mahanap ang sarili ko kung wala ka! Nakadepende ang buong pagkatao ko sayo kaya di kita lulubayan! WALA NA AKONG PAKEALAM!”

Nabigla ako nang napahiga si Jacob sa buhangin at sumigaw ang ilang babae sa paligid.

“Walang hiya ka! Anong klase kang pinsan!” Sigaw ni Callix.

Pinatayo niya si Jacob para suntukin ulit.

“Isang tanong isang sagot, Jacob…” Sigaw ni Callix.

Nakita kong dumugo ang labi ni Jacob.

“Callix!” Sigaw ko.

“Tumahimik ka, Rosie!” Sigaw niya sakin. “Mahal mo ba si Rosie?” Tanong niya kay Jacob.

“Sagad sa buto, bro. Pero di ako magsosorry.”

“WALANG HIYA KA! ANG KAPAL NG MUKHA MONG HAYOP KA!!” Sinuntok niya ulit si Jacob.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: