Baka Sakali 1 – Kabanata 51

Kabanata 51

Kasal-anan

“Kayo na nga lang kasing dalawa!” Sabi ni Maggie sabay turo sakin at kay Karl.

Umirap ako sa sinabi niya. Hindi alam ni Maggie na kulay pink itong si Karl. Palagi niyang iniemphasize na may iba pang lalaki diyan na pwedeng samahan (sa katauhan ni Karl). Bakit ako nakadikit sa mag pinsang yun?

“Revenge parin ba ito, sis?” Tanong niya na naitanong ko na rin sa sarili ko.

Totoo, maaaring nagsimula ito sa revenge pero ngayong nandito na ako, naguguluhan na ako. Una sa lahat, sinaktan ako ni Jacob. Pangalawa, nagbago na siya… Kahit anong iyak niya sa harapan ko at effort niya sa pagsasabing mahal niya ako, kulang parin yun. Alam kong nagpipigil siya dahil close sila ni Callix pero… hindi ko matapos ang iniisip ko kasi alam kong illegal iyon. Illegal na isiping sana ay ipaglaban ako ni Jacob sa lahat. Alam kong magagawa niya yun. Kaya lang, may isang parte sa sarili kong ayaw siyang balikan dahil sa sakit na naidulot niya. Oo, nasasaktan ako kasi nag iba na siya. Tuwing nakikita ko siyang kumakanta sa harapan ng tumitiling mga babae, nakikita kong nag iba na siya… Maaring minsan nasakin ang atensyon niya pero naiisip ko kung sino ang kinikindatan at nginingitian niya kung wala ako? Alam kong natural siyang gentleman sa mga babae pero naiinis ako dahil ganun siya. Naiinis ako dahil dapat ako lang! I know… selfish. At masama yun. Masamang masama.

Sa Alegria pa lang, open siya sa ibang babae. Pero nung naging kami na, nilinaw niya agad kay April na ako lang… gusto ko ganun ulit. Naiinis ako dahil mabait parin siya sa iba kahit na sinasabi niya saking ako lang. Nasan na yung actions niya? Bakit puro salita na lang?

“Hindi Mag, magkaibigan kami ni Callix. Nilinaw ko sa kanya ‘to noon. Bibigyan ko siya ng chance na ibuild ulit ang pagkakaibigan namin-“

“Si Callix may second chance pero si Jacob wala?” Singit ng haliparot na bading. “Okay, whatever!”

“Basta, Rosie, sinasabi ko sayo hindi talaga ako agree sa ginagawa mo.”

Hindi ko alam kung sadyang dense lang talaga si Maggie o masyadong gwapo si Karl para pagdudahang bading gayung kanina pa nito sinusoot ang headband kong may malaking ribbon dito sa kwarto ko. Nagbibihis ako para sa kasal. Tinulungan ako ni Karl na pumili ng damit at mag make up (hindi alam ni Maggie na si Karl ang nagmake up).

“Sure ka ba talaga?” Sabi ni Karl nang lumabas ako sa sasakyan niya pagkatapos akong ihatid sa tapat ng simbahan.

“Oo! Salamat sa make up ah?” Sabi ko.

Ngumisi siya at umalis.

Nang pumasok na ako sa simbahan, nakita ko agad si Jacob at Callix na nagkukwentuhan at nagtatawanan. Una akong nakita ni Jacob. Umamba siyang lalapit pero unang nakalapit si Callix sakin.

“Rosie! Lika! Pakilala kita sa parents ko.” Ngumiti siya.

“Callix.”

Nakuha niya ang tingin ko, “Alam ko. As a friend. Syempre.”

Mabuti at malinaw sa kanya yun. Lumapit kami sa isang mid-50s na babaeng may kausap na tingin ko’y daddy ni Callix (kasi kamukha niya).

“Mom, Dad, this is Rosie Aranjuez.”

Nang nagkatagpo ang mga titig namin, narealize kong magkahawig sila ng mommy ni Jacob sa picture. Hula ko nakakatandang kapatid itong mommy ni Callix.

“Kaibigan ko po.” Dagdag ni Callix nang sumulyap sakin.

Tumango ang mommy niya. I hate introductions. Ngumiti na lang ako ng parang tanga…

“Kaibigan? Hindi ka nagpapakilala ng kaibigan… Hmmm.” Ngumisi ang mommy niya. “Hello, Rosie! Mag enjoy ka ah? Itong si Callix eh di kasi nagpapakilala ng mga babae.”

“Mom!” Putol ni Callix.

“Magiging busy kami sa kasal ng ate niya kaya sana mag enjoy ka ah?”

Tumango ako. Kakahiya naman nito. Awkward. Tahimik lang yung daddy ni Callix habang ngumingiti sakin.

“Okay lang, magkaibigan din naman sila ni Jacob eh.” Nabigla ako sa sinabi ni Callix.

Mabuti at busy nga ang buong pamilya ni Callix sa kasal kaya di na ako masyadong nakikihalubilo sa kanila. Si Jacob ang katabi ko sa simbahan. Si Jacob na tumitingin sakin habang nag “I do.” yung ikinasal.

Ayoko siyang pansinin dahil galit at naiinis ako sa kanya. Nang pumunta na kami sa reception.

“Rosie, okay lang ba na kay Jacob ka muna sumakay?” Sabi ni Callix habang tinitignan ang bride at groom.

Ayaw ko sa ideya niya pero wala akong magagawa.

Nang nasa loob na kami ng Ford Ranger ni Jacob, may isang bouquet ng flowers sa front seat, itinabi ko ito.

“Sayo yan.” Sabi niya. “Di ko maibigay sa loob. Baka magduda si Callix.”

“Di ko kailangan ‘to.”

Napabuntong-hininga siya, “Rosie… mahal mo ba si Callix?”

“Jacob… Bakit ba? Anong pakealam mo?”

Bakit? Kung sinabi ko bang di ko siya mahal saka ka pa aaksyon.

“Ayokong magkamali ka.” Aniya. “Alam kong siya ang…” Pumikit siya. “First love mo. Pero kung… baka sakaling… ako yung mahal mo… wa’g mo na siyang paasahin.” Umandar yung sasakyan.

“Jacob, eto na naman tayo. Mag aaway na naman ba tayo?”

“Hindi kita inaaway, Rosie! Gusto ko lang malaman mo ang tingin ko.”

“Mag kaibigan lang kami ni Callix-“

“Ayaw ka niyang maging kaibigan lang!” Sumulyap siya sakin at pabalik sa daanan.

“At least kung ganun ang tingin niya mukhang seryoso siya kasi ipinakilala niya ako sa pamilya niya!” Sabi ko nang di nag iisip. Naiinis na kasi talaga ako sa kanya.

“Anong ibig mong sabihin?” Tumingin siya sakin.

PEEEEEEEP

“Sh1t, Jacob!” Sigaw ko kasi muntik na kaming nabunggo.

Hindi nagbago ang ekspresyon niya. Bumilis naman ang pintig ng puso ko.

“Tumingin ka nga sa kalsada!”

“Ipinakilala din naman kita sa daddy ko ah!? Seryoso din ako!”

“Oo! Noon! Siguro! Kasi ngayon…” Itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng venue ng reception. Binuksan ko ang pintuan bago ko dinagdagan ang sinabi ko. “Sa dami ng babae mo, hindi ko na makita kung ano ang pinagkaiba ko sa kanila.”

Hinila niya ang braso ko.

“Rosie, alam mong di totoo yan!”

“JACOB, nawala lang ako saglit naging manwh0re ka na! Akala mo ba di sinabi ni Callix kung paano ka nakikipaglandian-“

“Rosie, sinabi ko naman-” Hinila niya ako pabalik kaya nasarado yung pintuan.

“Kahit na!”

Nagkalapit ang mukha namin.

“Kahit na! Dahil kung anong akin… gusto ko akin lang!” Hindi ko na alam kung bakit ganito ang lumalabas sa bibig ko. Siguro dahil yun ang iniisip ko buong buwan simula nang nagkita ulit kami. “Kung akin ka nga… WALANG IBANG BABAE-“

Hindi ko na naipagpatuloy kasi hinalikan niya na ako. Iba ito sa halik ni Callix. Yung kamay ni Jacob, nasa leeg ko. Tinutulak ko siya pero nawawalan ako ng lakas. Nanghihina ako sa halik niya. Gusto kong umiyak at bumigay pero nangingibabaw ang inis ko sa kanya. Iniisip ko kung ilang labi na ang nahalikan niya simula nung nagkahiwalay kami. Naiinis ako!

Tumigil siya sa paghalik at hinarap ako.

“Rosie, ikaw lang. Nagkamali ako pero ikaw lang. Hanggang ngayon. At alam mo yun. At alam ko ring mali ito dahil sayo ako… sayong sayo pero ikaw? Akin ka ba? Hindi diba? Kaya mali. Pero okay lang. Kung gusto mong kabit ako sa buhay mo… wala akong pakealam, maambunan lang ng pagmamahal mo. Kahit konti. At Lalayuan ko ang lahat, aapakan ko ang sisira satin sa oras na sabihin mo saking ako parin at yun ang dapat kong gawin. Wala akong pakealam kung sino. Kahit si…” Pumikit siya, “Callix pa. Ipaglalaban kita. Sabihin mo lang sakin na yun ang gusto mo.”

Suminghap ako. Dinig na dinig ko ang lakas ng pintig ng puso ko nang biglang may kumatok sa salamin. Nakita ko si Callix na nakangisi sa labas.

“Jacob!” Nanlaki ang mata ko at napanganga sa nakita.

Ngayon ko lang narealize na marami palang tao sa labas! SH111111111111t!

Napabuntong-hininga siya at in-unlock ang sasakyan (na ni-lock niya pala kanina).

“Guilty ka parin sating dalawa. Tinted to. Don’t worry.”

Binuksan ko ang pintuan at hinarap si Callix. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba si Jacob gayung marami siyang babae. Ayoko ng masaktan. Natatakot na ako. Ayoko ring mag away silang dalawa dahil sakin. Ngayon pang mukhang nagbago na si Callix… Ayokong masira silang dalawa.

Sobrang confused na ako. Ayoko na! Mali na to! Alam kong mali pero nandito na ako!!! Mas lalo kong narealize yung pagkakamali ko sa reception.

Nang pinili na kung sino ang makakatanggap ng bouquet ng bride, nagkaroon ng game. Ang mechanics ng laro ay ilagay ng mga single na babae ang sapatos niya sa sahig. Pupulutin ng bride ang MASWERTENG mananalo. Yung sandals ko ang napili kaya ayun! Ako!

Nang pinaupo na ako sa harapan… hindi ko alam kung anong ipagdarasal ko sa mananalo, si Callix ba o si Jacob? Sino?

Laro din yung sakanila. Ang huling makakahanap at makasoot ng sapatos nila, yun ang mananalo.

Nagtawanan ang mga tao nang sinadya ni Callix ang pagiging huli samantalang yung ibang boys ay nagmadali (dahil ayaw maging center of attention), may iilan ding nahirapan. Pero nang isinoot na ni Callix yung sapatos niya… narealize kong wala si Jacob.

Pawis na pawis siya nang nakita ko ulit. Sparkling sweat na ang kumag nang nagpakita dala-dala ang sapatos niya.

“Ngayon ko pa nahanap!” Sabi ni Jacob. “Sh1t!”

Tumawa ang mga tao nang narealize na siya ang nanalo. Nakita kong tumingin agad siya sakin. Napatingin naman ako sa pumapalakpak at tumatawang si Callix.

“Pinagkakaisahan niyo ako ah?” Sigaw niya sa ibang relatives nilang nandoon na nagtatawanan.

“Okay, nowwww! Kung paano tinanggal ng groom ang garter, ganun din ang gagawin ni Jacob sa ating future-bride!”

Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Callix. Umiling ako sa upuan ko.

“Di pwedeng mag back out! Sige na! Wa’g ng KJ!” Sabi nung emcee.

Nagtilian ang mga tao!

“GO JACOB! GO JACOB!”

Kasi… alam niyo kung paano tinanggal? Ganito…

Nang lumuhod na si Jacob sa harapan ko, nagsimula na akong kabahan. Kasi alam ko kung anong memories ang maaalala ko. Nagkahalikan kami kanina sa sasakyan niya, doon palang, naligo na ako sa memories naming dalawa… pero ngayon… alam kong lahat na ang maaalala ko.

Kinagat niya ang garter at yumuko pa lalo sa binti ko. Hindi ko na marinig ang emcee dahil sa ingay ng mga tao. Uminit ang pisngi ko at narealize na wala akong kilala dito bukod sa isa pang pinsan ni Callix na nasa higher year.

“GO JACOB!” Sigaw ng iba.

Isinoot ni Jacob sa binti ko ang garter, gamit ang kanyang bibig.

“HIGHER!” Sigaw nung emcee.

Napamura at napapikit ako sa kaba nang nakita kong nakatitig si Jacob sakin habang kinakagat pataas yung garter sa legs ko.

“This is torture, Rosie.” Bulong niya sakin pagkatapos niya yun ginawa.

TORTURE. UNDERSTATEMENT. Hindi ko na maorganize ang iniisip ko. Gusto kong mapag isa. Mali ito!

“YOU WON A FREE-TICKET-FOR-TWO TO IMPERIAL BAY!” Excited na sinabi nung emcee sabay pakita sa dalawang ticket na kulay red at blue.

“WHOAAA!” Sigaw ng marami.

WHAT? WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT? Salamat na lang pero di ko matatanggap yun! NOT WITH JACOB! NO!


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: