Kabanata 4
Heartache
Hindi na muling nanggulo si Mylene sa akin. Sumasama ako madalas kay Lorie sa palengke para tumulong sa pagtitinda at tuwing nagkakasalubong kami ni Mylene ay umiiwas naman ito.
“Usap-usapan talaga ‘yong pagtulak ni Ali sa kanya… Buti nga…” sabi ni Daisy nang namataan naming dumaan siya sa pwesto nina Lorie.
Dumarami ang dayo sa bayan. Nalalapit na kasi ang pista kaya kahit medyo maulan ay nag dagsaan parin ang mga turista. Sa linggong ito, ilang beses na akong nakakita ng grupo ng mga turista na namimili rito bago tumulak patungo sa Isla.
Isang babae ang palapit sa tindahan. She’s wearing a black slacks, black stilletos, and a white shirt below a black suit. Nakatali ang buhok niya sa likod at ang malaking shades ay nakasabit sa kanyang leeg.
Alam kong dumarami na ang turista pero hindi ganito ang suot ng mga dayo. Minsan, they’d look like locals with their shorts, loose tops, or laid-back dresses. Ang isang ito ay tila galing sa Maynila o sa kahit ano mang syudad na mas malaki.
Nagkatinginan kaming dalawa. I can sense humor on the way she looks at me but I couldn’t match it because it’s awkward. I don’t know her.
“Bili na kayo! Mura lang dito!” tawag ni Daisy nang napansin din ang papalapit na babae.
Bumagsak ang tingin ko sa mga pamaypay at inayos ko ang mga iyon. Nang tumapat siya sa aming pwesto ay hinawakan niya ang mga pamaypay na binibenta ko.
“Hand made?” she asked.
Tumango ako nang ‘di tumitingin sa kanya.
She smells like fruits and flowers. Very opposite from the clothes she wore. Nag-angat muli ako ng tingin sa kanya at tila naghahanap ng kung ano ang mga mata niya. Her cheekbones are high and her lips were thin and tanned because of the lipstick. Her eyebrows were wellmade and her eyes were of a different color than mine.
“Ikaw ba ang gumawa?”
“Oo…” sagot ko.
“Bili ka na, ma’am! Mainit ang panahon ngayon, kailangan mo ng pamaypay! Heto pa ang sumbrero! Iba’t ibang kulay!” ani Pamela habang binibigay sa babae ang sumbrero.
Sumulyap ang babae sa kay Pamela. Ganoon din sa dalawa ko pang kaibigan sa likod bago bumaling muli sa akin.
“Aia, ako na rito…” seryosong sinabi ni Lorie at bahagya akong tinabi para mapalitan. “Anong kailangan mo, Miss?”
Nagulat ang babae sa ginawa ni Lorie. Sumulyap siyang muli sa akin.
“Bibili ka ba o hindi?” mataray na sabi ni Lorie.
“Lorie!” siniko siya ni Pamela.
Kumuha ng supot si Lorie at hinintay ang isasagot ng babae. Tumikhim ang babae at kumuha ng iilang produkto.
“Limang sumbrero. Limang pamaypay… Lima rin nitong mga wallet…”
Marami pa siyang binili. Pakiramdam ko, may binili siya sa lahat ng binibenta namin. Lorie was hard on her. She wasn’t even pleased that the woman bought so many products in our store. Nagbayad siya ng isang malaking halaga dahilan kung bakit wala kaming maisukli.
“Titingnan ko muna kina Aling Mila kung mas sukli nitong isang libo…” ani Lorie at umalis sa tindahan.
Nanatili ang babaeng nakatayo sa harap. Dala niya ang isang malaking supot kung saan nilagay ni Lorie ang mga binili.
“Baka gusto mo pa ng mga keychain, Ma’am…” si Pamela.
“Ayos na ‘to…” she said and then turned to me.
Para akong napapaso sa tingin niya sa akin. Not sure if she realized how I felt kaya siya laging sumusulyap sa akin.
“Turista ka, Ma’am?” tanong ni Pamela.
“Parang ganoon. Galing akong Iloilo…” sabi nito at ngumiti kay Pamela. “Kayo? Taga rito talaga kayo?” then she looked at me.
“Dito na ako pinanganak si Carles, Ma’am. Pati rin itong si Daisy…” nagngising aso si Pamela. “Si Aia lang ang hindi…”
She turned to me again with wide eyes. Now the humor is very evident. Kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit.
“Bakit? Saan ka pala galing?” tanong niya sa akin.
“Sa… Maynila ako pinanganak.”
She nodded. “I see… Then why did you end up here in Carles?”
Umawang ang bibig ko para sa mga salitang hindi dumating. Nauna pa si Lorie at binigay na agad ang sukli sa babae.
“Thank you…” sabi nito at nilingon muli ako. “Nice to meet you all. I’m Penny, by the way…”
Kumunot ang noo ko. Naglahad siya ng kamay kay Daisy at Pamela na agad namang tinanggap. She held out her hand to me, too, tinanggap ko naman iyon. Huli… kay Lorie na hindi man lang tiningnan ang kamay noong babae. Binaba na lang ni Penny ang kanyang kamay at ngumiti.
“Sorry. Am I a bit too friendly? Sorry… I should go now…” sabi nito.
Sumulyap ng isang beses sa akin bago ito tuluyang umalis. Nagpaalam si Daisy at Pamela. Nang nawala si Penny ay nilingon nila agad si Lorie na ngayon ay nag-aayos na ng mga gamit.
“Bakit ang taray mo sa babaeng iyon? Ang ganda! Sosyal!” sabi ni Pamela.
“Wala lang. Hindi ko kilala kaya ba’t ako magiging mabait?” ani Lorie.
“Hala! May dalaw ka, ‘te?” tukso ni Daisy.
Umirap si Lorie sabay tingin sa akin. “Ikaw din. Huwag ka masyadong maging mabait sa mga ‘di mo kilala…”
“Siya… balik na tayo sa trabaho…” si Pamela.
Nang dumating ang Nanay ni Lorie ay natapos din kami. Nagpaalam kami na bumalik na sa cottage para makagawa pa ng maraming pamaypay at iba pang mga pwedeng ibenta.
Pauwi kami sa dalampasigan ay may parada kaming nadaanan. Motorcade iyon ng mga nanalo sa isang beauty pageant na kailanlang dinaos. May iilang tarpaulin din na may nakalagay na announcement sa isang disco sa ‘di kalayuang court. Coronation night daw iyon at pagkatapos ay magkakaroon ng sayawan.
“Pupunta kami mamaya nina Dodong… Kayo?” excited na sinabi ni Lorie.
“Pupunta rin kami… Kayo, Aia?” bumaling silang tatlo sa akin.
Umiling ako. “Ngayon ko lang nalaman na may ganyan. Hindi ko alam kay Ali…”
“Yayain mo! Sus! Ang boring ng lagi na lang kayong nasa bahay…” ani Daisy.
“Pero kung si Ali ba naman ang lagi mong kasama sa bahay, gabi-gabi, magiging boring kaya?” humagikhik naman si Pamela.
Nangiti ako sa mga tukso nila. Nag-usap sila tungkol sa mga bestidang isusuot nila sa sayawan. Ayaw ko na sanang pumunta pero tama rin namang minsan ay makisama ako sa katuwaan. Dumarami na kasi ang ganito dahil sa nalalapit na fiesta.
Sinundo ako ni Ali sa cottage nang natapos na silang mangisda. Naibenta agad sa dalampasigan pa lang kaya hindi na nila kailangang pumunta sa fish landing.
“Pupunta ba ang mga kaibigan mo sa sayawan mamaya?” tanong ko habang naglalakad kami pauwi.
“Hmm. Pupunta sila. Bakit? Gusto mong pumunta?” nilingon niya ako.
Hindi ako nakasagot sa tanong. Uminit lamang ang pisngi ko at diretso ang tingin sa bahay.
“Pupunta tayo pagkatapos maghapunan…” aniya.
Tumango na lamang ako.
Nang dumating kami sa bahay, dumiretso na ako sa loob. Magsasaing ako para sa aming hapunan. Dumiretso naman siya sa banyo para makaligo.
Pagkatapos niyang maligo ay nagluto na siya ng adobong pusit. I watched him as he cooked it. His firm biceps don’t match the way he looked on the kitchen. Niyakap ko ang unan sa aming sofa habang pinagmamasdan siya. Kahit naka on ang TV ay hindi ko iyon pinansin. Mas nalilibang ako sa panonood sa kanyang magluto.
Lumubog na ang araw. Hindi na namalayan dahil hindi masyadong maganda ang panahon. Hindi kita ang kulay kahel na langit dahil natatabunan iyon ng madidilim na ulap. For sure it’s going to rain but the people in Carles aren’t fazed by it. Mas lalo lamang na excite ang lahat sa sayawang gaganapin mamayang gabi.
For sure, Mylene’s going to be there. Susubok kaya ulit siya kay Ali? Hindi ko alam pero medyo kumalma ang pakiramdam ko kay Mylene. Siguro na rin dahil sa ginawa ni Ali noon. Hindi na ako masyadong nagngingitngit ng lubusan sa kanya.
Pagkatapos magluto ni Ali ay kumain na kami. The squid looks so delicious and its aroma starved me.
“Pupunta ba ang mga kaibigan mo sa sayawan?”
“Oo…” sambit ko. “Nakita kasi namin iyong parada kanina noong pauwi kami rito. Iyong sa Binibini? Nalaman kong may ganap na ganoon pala.”
Tumango siya. “Pupunta rin naman ang mga kasama ko. Babanggitin ko sana sa’yo kanina pero nauna ka…”
Sumagi sa isipan ko iyong isa sa madalas kong napapanaginipan. The room full of people… the ceiling with ancient looking paintings… a dance… and a man holding his hand out for me.
“M… Madalas ba akong pumupunta sa mga sayawan noon?” tanong ko.
His jaw immediately clenched. Binaba niya ang kanyang kubyertos pagkatapos ay mariin akong tiningnan. I’m really not used to his intense stares. More so his intense physique. Tuwing naiisip ko iyon, lagi akong nagtataka kung paano ko siya nagustuhan noon.
“Hindi ako sigurado…” aniya.
Tumango ako. Or… maybe… he’s not part of that memory that’s why he’s not sure about it.
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga na muna kami sandali. May pinagkaabalahan siya sa lambat na nasa labas samantalang abala naman ako ngayon sa pagpili ng susuotin. I don’t have much clothes. Paano pa iyong pang sayawan.
Isang puting off shoulder dress lang ang nilabas ko. Iyon madalas ang suot ko tuwing may espesyal na okasyon kaya iyon na lang din ang isusuot ko sa ngayon.
I changed to that and looked at my face on a rounded mirror. Pinagmasdan kong mabuti ang mapupula kong labi at mapusyaw kong mukha. Like a deja vu, I can picture myself wearing clothes like what Penny wore in that market. I can also slightly remember how I can do my own make up. Pero tulad ng iba ko pang naaalala, tila panaginip iyon.
Paano ako magsusuot ng ganoong klaseng damit gayong taga rito lamang ako? Para saan iyon? Paano ako natutong mag make up? It’s no use here…
Then… I remember… We were from Costa Leona. As far as I remember, the province looked much like Carles only with better sources and infrastractures. Pero hindi gaya ng ibang syudad kung saan magkakaroon ng hustisya kung magsusuot man ako ng ganoong klaseng damit o ‘di kaya’y mag make up gaya ng iniisip ko.
I licked my lips. The moist only heightened the redness of my lips. I brushed my hair backwards pero may iilang hibla na palaging bumabalik malapit sa aking mukha.
Tumunog ang pintuan hudyat ng pagdating ni Ali. Immediately, I put away the brush and the face powder I have. Magbibihis siguro siya at kailangan ko nang umalis.
Tumayo ako at niligpit pa ang ibang kagamitan ngunit naghubad na siya ng t-shirt. Galing sa likod ang paghubad niya at mabilis niya itong natanggal. Kumuha siya ng damit sa aparador. Sumulyap ako sa salamin at nakita kong puting longsleeves iyon. He turned to me. Our gazes met at our reflection on the mirror.
“Mukhang uulan. Pero tuloy naman siguro ang sayawan…”
Nanginginig ang pagtango ko. Tumikhim ako. Pakiramdam ko ay kahit tahimik ako, nababasa niya ang mga tanong sa utak ko.
Paano ko siya nagustuhan? How can I like a man this intense? I can’t contain him. He’s too much for me. I don’t think I will ever be comfortable when he’s around so how the hell did I end up with him?
Tinupi niya ang sleeves hanggang siko. Sumulyap muli ako sa kanyang repleksyon. This time, he’s busy folding the sleeves so our eye contact got lost. His faded jeans made his look semi formal. If he’s dressed in a slacks, pakiramdam ko mas lalo siyang magiging intimidating.
“L-Labas muna ako…” sabi ko at dumiretso na ngayon sa labas ng kwarto ng walang lingon-lingon.
Humugot ako ng malalim na hininga pagkatapos. Pakiramdam ko ay nawala ang bigat ng hangin pagkalabas ko! Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok at umupo na lang sa aming sofa.
Inayos ko ang stringed sandals na suot ko at mabilis na sinuklay ang aking daliri sa aking buhok. Habang tumatagal ay mas lalong bumibilis ang pintig ng puso ko.
Nang lumabas si Ali sa kwarto at nakita akong nakaupo at nag-aantay ay agad na akong tumayo. Kumunot ang kanyang noo sa aking naging reaksyon.
“Tapos ka na bang mag-ayos?”
“Yeah…” sabi ko at pinasadahan ng tingin ang suot bago bumaling muli sa kanya. “Tara na…”
Heck, I don’t know why I’m so nervous! Tumango siya at tumulak na kami sa labas.
Tahimik kami patungo sa court. Sa malayo pa lang ay naririnig na namin ang ingay. Mukhang may programme pa bago ang sayawan. Ang mga tao ay medyo pormal na nakaupo sa mga monoblock chair sa gilid ng court.
“Ali… Akala ko ‘di ka pupunta?” tanong ng mga kaibigan ni Ali na naroon sa bulwagan.
Nakita ko sina Pamela, Daisy, at Lorie kasama ang iilan pang mga mangingisda. They’re wearing their best dresses. Ngumiti ako nang lumapit sila sa akin. Sinipat nila si Ali sa aking gilid na abala sa pakikipagbatian sa ilan pang kakilala.
“Ang gwapo ni Ali, Aia. Grabe!” bulong ni Daisy sa akin.
Ngumiwi ako. Hindi alam kung ano ang magiging reaksyon.
His other friends went to him. Nagkatuwaan agad. Lalo na nang may nagyaya ulit ng inuman.
“Ang ganda ng suot ni Lorie, oh…” puna ni Daisy.
“Kahapon ko ‘to binili para lang talaga sa sayawan. Syempre!” humagikhik si Lorie.
Pinalupot agad ng kanyang boyfriend ang braso sa baywang ni Lorie pagkatapos ay tila nawala na ang dalawa sa kanilang sariling mundo. Umiling si Pamela at hinigit na lang ako patungo sa monoblock chair kung saan sila nakaupo kanina bago kami dumating.
Nilingon ko si Ali na ngayon ay hinanap din ako. Nang nakita akong kasama sina Daisy at Pamela ay nagyaya na rin siya sa kanyang mga kaibigang maupo.
The programme invited the crowned pageant winners. They celebrated the success and shared it with the crowd. May iilan ding paraffle. At pagkatapos ng Tatlumpong minuto ay natapos din iyon.
The lights dimmed and the crowd cheered. Lahat yata ng naroon ay ang sayawan lamang ang pinunta. The crowned pageant winners were asked to dance their chosen man from the crowd. Maingay na nagtuksuhan at nagtilian ang mga tao. Iilang lalaki ang pinagtutulakan habang namimili ang first runner up at ang iba pang runner up.
The girls roam around the court. Nagtataasan ang kamay ng mga lalaki. Nilingon ko si Ali na nakikitawa at nakahalukipkip lamang sa kanyang kinauupuan.
Parang may humawak na malamig na kamay sa aking tiyan. Pakiramdam ko ay alam ko na ang susunod na mangyayari. Hindi na ako makangiti ng maayos habang umaligid ang nanalo malapit sa amin.
Alam kong marami ang nagkakagusto kay Ali. Mylene is just one of them. I’m not even sure if she’s here but I’m sure that most of the girls here likes him, too. Tumigil ang nanalo sa tapat ng upuan ng mga kaibigan ni Ali. Her ball gown bounced with her everytime she steps. Ngumiti siya at nilapitan ng Emcee.
“I want him…” tinuro ng babae si Ali.
Nagpakawala ako ng hiningang kanina pa inipon. I was so sure it’s going to happen.
Umiling agad si Ali nang napagtantong siya ang itinuro ng babae. His friends laughed hard at halos ipinagkanulo siya ng mga ito. A part of me is mad that they even want him to dance with other girls when they know that he’s married to me.
“Kasal na siya, ma’am!” sigaw ni Pamela.
A familiar feeling in my gut surfaced. Pakiramdam ko ay ilang beses ko na itong naramdaman noon. Pakiramdam ko, hindi ito ang unang pagkakataon. Sa sobrang pamilyar nito ay nakakaya ko nang lumunok kahit na barado ang aking lalamunan.
“I’m married…” Ali said when the Emcee held the microphone for him.
Nanatili siyang nakahalukipkip kahit na pinagkakaguluhan na siya roon.
Bakit ako lang ang nagtataka kung paano ko siya nagustuhan gayong halos lahat ng babae ay nagkakandarapa sa kanya?
“He’s married na raw! Pero sigurado naman kaming hindi magseselos ang asawa mo. Tatlong minutong sayaw lang iyon… Asan ba si misis?”
Our friends immediately pointed at me. Ngumiti ako at agad na nagkibit ng balikat. I can’t say no when everyone’s very willing to let him dance with the winner. Nakita ko pang pumalakpak ang babaeng siguro’y kasing edad ko lang na nanalo sa pageant. The other runner up have their own chosen man. Siya na lang ang hinihintay at magsisimula na ang sayawan.
Tinulak si Ali ng kanyang mga kaibigan. Napatayo siya habang nagtatawanan ang mga ito. Bumaling ang Emcee sa akin. Nilapitan ako at natabunan ang lamig sa aking tiyan ng kahihiyan!
“Anong masasabi mo, misis?” sabay bigay sa akin ng microphone.
“I-I don’t mind…” maagap kong sinabi.
The whole crowd cheered at that and immediately the crowned winner took Ali’s hand. Hinila niya ito patungong gitna ng bulwagan. Mas lalong umingay ang musika. Nakita kong may sinabi si Ali sa babae pero tuluyan ding nawala ang dalawa dahil sa mga taong nagyayaang sumayaw.
“Oh, ba’t mo ginawa ‘yon?” tanong ni Lorie na ngayon ay tinatarayan na ako.
“It’s just a game…” sambit ko at nanatiling nakaupo.
Hinihila na siya ng kanyang boyfriend patungong dancefloor pero hindi siya sumusunod dahil gusto niya pa ata akong paulanan ng mga tanong.
“Pagkatapos kay Mylene ay ipapahiram mo rin pala ang asawa mo sa iba? Aia naman!” ani Lorie.
Nairita ako sa sinabi niya. Bumaling ako at matama siyang tiningnan.
“Iba ito. This is a game. Ang ginawa ni Mylene ay isang atake sa relasyon namin ni Ali…” sabi ko.
“Atake sa relasyon ang hindi pagrespeto sa pagkakatali, Aia. Tumanggi ang asawa mo… Dapat ganoon ka rin…”
“KJ naman si Aia kung tatanggi siya, ‘di ba? Ang Emcee at ang nanalo ang may kasalanan! Pagkasabi sana ni Ali na ayaw niya dahil kasal na siya, umatras dapat ang dalawa!” si Pamela.
Suminghap si Lorie at kinuha ang kamay ko.
“Halika’t sumayaw na lang tayo!” aniya.
Muntik na akong nadapa sa rahas ng pagkakahila niya. Sumunod si Daisy at Pamela sa akin. Each have their own partner. Ako lamang ang wala but I don’t mind. Hindi naman nila pinaparamdam sa akin na mag-isa ako kahit na may kapartner ang tatlo.
The happy music made the people dance like crazy. Pero nang natapos iyon at napalitan ng isang mellow na lovesong ay nawalan ako ng lakas. Lalo na nang sinabit ng boyfriend ni Lorie ang dalawa nitong kamay sa kanyang balikat. Kinailangan ng sayaw na iyon ang buong atensyon ng kasayaw. I suddenly felt so out of place.
Babalik na sana ako sa kinauupuan ko nang hinarangan ako ni Ali sa dancefloor. Ang dilim ay hindi naging hadlang upang makita kung gaano ka bigat ang tingin niya. Ipinako ako ng mga mata niya sa kinatatayuan ko. Unable to move… unable to even smile.
He held his hand out for me. Isang alaala ang dumaan sa aking utak. A slight pain throbbed at the back of my head but I didn’t mind it.
Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang kamay niya. He immediately pulled me closer. His other hand at the small of my back. Pakiramdam ko ay hindi siya sigurado kung dapat bang naroon ito dahil lutang ang pagkakahawak niya roon. Nilapag niya ang aking palad sa kanyang balikat.
“Iyong kasayaw mo?” tanong ko pagkatapos ay nag-iwas ng tingin.
“Iniwan ko. I’m not up for it…” bulong niya at mas lalo pa akong hinapit palapit.
My chest was already on his. The coldness I’m feeling was swallowed by his warm body.
“Sorry. It was so awkward to say no to the crowd. They’re all expecting you to say yes…” sabi ko.
Actually, it’s a familiar feeling… to know that someone is dancing with another. Not dancing with me. At nalilito na ako kung bakit ang napapanaginipan ko’y iba.
His lips are in a thin line now. Lumapat ang kanyang kamay sa aking likod at mas lalo kong naramdaman ang init. Bumaba ang tingin ko sa kanyang balikat at marahan akong pumikit. May dumaang sakit sa aking puso habang nagsasayaw kaming dalawa. Raw tears formed on my eyes. Ayaw tumulo dahil nakapikit ako.
Like a fast moving movie, I saw all my dreams about dances once more. Una ay iyong nasa pamilyar na bahay at sa gitna ng isipang iyon ay sumisingit ang maliliwanag at maliliit na ilaw galing sa kung saan. A short black dress and a designer bag I don’t remember. And then back to the familiar house with vines and marble floor. Then back again to a louder music and a balcony above with tables as lights o a very dark room. And then back to the spanish style house with so many guests in formal dresses. A man held his hand out for me. He smiled and it felt so good.
“Ivo…” I whispered.
Tumigil si Ali sa pagsasayaw. Dumilat ako, lito sa huli kong sinabi.
Hinanap ko ang mga mata niya. Pumungay ito nang nagkatinginan kami. Kumalabog ang puso ko. Binaba ko ang aking kamay galing sa kanyang balikat at umatras ako ng bahagya. His hand firmly stayed behind me. Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata at naramdaman kong gusto niyang ibalik ang dati naming distansya.
“I remember something… someone…” sambit ko habang nangingilid ang luha.
Mabilis siyang tumango at lumapit sa akin. Umatras muli ako at tumingin sa kawalan habang unti-unting hinihila sa aking utak ang isang alaala. For the first time… my head didn’t ache. Iyon nga lang… ngayon, ang puso ko ang masakit.
“Ivo… Who’s Ivo?” tanong ko kay Ali.