Kabanata 5
Keep Me
Iniwan ko siya sa dancefloor. Ayaw kumalma ng puso ko at kinailangan kong maupo sa silya.
I stared at the floor as the mellow music continued to play. Nararamdaman kong sumunod si Ali sa akin pero hindi ko siya nilingon. I stayed still, hoping I can pull, if not all, some memories back.
But like a dream, all of the flashbacks slowly stopped and drifted away. Gusto kong sumakit ang ulo ko. Gusto kong may maramdamang kahit ano para lang maibalik ang mga alaalang kanina ko lang nalaman at agarang nawala. The image of the classic paintings above a ceiling drifted too. Slowly, I forgot what it looks like. The marbled floor slowly faded… the image of a man faded… even the name.
“Ivo…” I whispered.
Umupo si Ali sa aking tabi. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
“I want to remember. I might remember it. My head isn’t aching…” sabi ko.
Pagod ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Tumayo ako at naglahad ng kamay sa kanya.
My heart is beating faster by the second. I want to dance with him. That way, I might remember. Tutal ay naalala ko iyon kanina habang nagsasayaw kami.
“Baka maalala ko ulit siya kapag sumayaw tayo kaya, please, Ali, isayaw mo ako…” sabi ko.
Tumango siya at tinanggap ang aking kamay. Abot-abot ang tahip ng aking puso nang hinila ako ni Ali sa dancefloor.
The way his palms rested at the small of my back and the way he brushed off the hair covering my face made me tremble. Inangat niya ang aking baba para maikulong ang aking mata sa kanya. He looks sad and weary. I looked at his eyes but I don’t really see him. All I think about is the man I remember just a few minutes ago.
Umawang ang bibig niya habang dinudungaw ako. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. I want to think deeply. Maybe I’ll remember Ivo. Maybe… he’s the key to my lost memories. Is he a dear friend? Was he the man of my dreams?
Inangat muli ni Ali ang aking baba para magkatinginan kami. Slowly he bended a bit so he’d lock in our gazes. The mellow classic love song filled the dancefloor with a different ambience.
Lumamig ang simoy ng hangin at narinig ko ang mumunting kulog. Drops of rain fell but I didn’t mind. I want to dance to remember.
Through clenched teeth, he looked at me with intense eyes. His dark hooded eyes felt like a deep and infinite abyss I will never, ever spell out. If you love someone, you will know all his secrets and feelings. Ali, on the otherhand, is a mystery to me. Not because I can’t remember anything… it’s because that’s how I feel with him.
Kung ang lalaki sa aking panaginip ang naiisip ko, magaan ang loob ko. Like I know what’s going to happen next… I can spell all of it out in a blink of an eye.
“Thraia, sumilong muna tayo… umuulan…” sabi ni Ali sabay tigil sa pagsasayaw.
Hinila niya ako pero hindi ako nagpadala.
“Ayaw ko. Sumayaw muna tayo… Kailangan kong maalala…” sabi ko.
He looked pissed at my decision but he tried to calm himself and stayed with me. He rocked me slowly, never leaving my eyes. Pinilit kong isipin ang mukha ng lalaki. Habang ginagawa namin iyon ay unti-unti ring umaalis ang mga tao sa dancefloor dahil unti unting lumakas ang ulan.
May parteng hindi nauulanan. Doon nagtungo ang mga tao. That place got filled with dancing crowd. Pero kaming dalawa ay nanatili roon.
“Thraia, lumalakas na ang ulan. Sumilong muna-“
“No… I will remember it here. I know!” I said with conviction.
He held me closer to him. My breath hitched when our chest meet. His warm and iron clad chest feels comfortable in this cold weather.
Mas lalong lumakas ang ulan. Ali was soaking wet in front of me. The drops of rain fell on his forehead down to his chin.
“Sumilong na tayo, Aia…” aniya at niyakap ako para lang hindi mabasa ng ulan.
He tried to pull me towards the sides but I didn’t let him.
“No!” sambit ko sabay suntok sa kanyang dibdib.
I’m an inch closer to remembering things. I can’t let it slip away.
“Huwag mong pilitin ang sarili mong makaalala!” wika niya.
“Makakaalala ako, Ali!”
Hinila niya ako palayo roon. Pareho na kaming basang basa ng ulan. Kami na lang ang nanatili roon. Kahit ang mga monoblock chair ay nilubayan ng mga tao para lang makasilong malapit sa stage.
Umatras ako at lumikha iyon ng distansya sa gitna namin ni Ali. Umawang muli ang bibig niya bakas ang gulat.
“Umuulan, Aia! Magkakasakit ka!” sigaw niya kahit na malakas ang buhos ng ulan ay rinig ko parin.
“Ayaw ko! Kung ayaw mo akong isayaw, sumilong ka na lang doon!”
Lumapit siya sa akin at hinagilap ang kamay ko para mahila ako paalis doon.
“Bitiwan mo ako!” sigaw ko at binawi ang kamay ko.
He looks so shocked at my reaction. My eyes looked at him with unadulterated accusation. Thoughts that lingered in my mind for the past few weeks escaped my lips.
“Ayaw mo lang akong pagbigyan kasi ayaw mo akong makaalala, hindi ba? If you were really part of my past, you should’ve told me everything I need to hear but you didn’t! Ayaw mo akong isayaw dahil baka maalala ko kung sino si Ivo at kung bakit siya lang ang palaging naiisip ko at hindi ikaw!”
Nanatili siyang nakatayo roon, gulat sa sinabi ko. His bloodshot eyes were washed by the cold rain. Halos manginig na ako sa buhos ng ulan at sa ihip ng hangin pero hindi ako nagpatinag. I need to be here to remember!
Tinikom niya ang bibig niya at lumapit muli sa akin. I flinched when he tried to get my hand.
“Magsasayaw tayo para makaalala ka…” mahinahon niyang sinabi at tuluyang kinuha ang aking kamay.
He pulled me closer to him. Hugged me tight. He put my hands on his shoulder and he bended a little so he can rest his forehead on my shoulder.
Nararamdaman ko ang panlalamig ng kanyang balat. But his body warmed me that I stopped shivering. Bumuhos ang luha ko at napalitan ang lamig ng ulan sa aking pisngi. Puro maiinit na luha ang dumaloy doon.
He pulled me closer. He hugged me tighter like I’m going to slip if he stopped hugging me. He stopped dancing. Nanatili siya sa ganoong ayos. Pilit ko siyang sinasayaw pero hindi siya gumagalaw.
Kinagat ko ang labi ko at pinikit ng mariin ang mga mata. I want to remember so bad but there’s just nothing on my mind but Ali’s hot breath against my chest… his cold arms and cold shoulders.
Ilang sandali kaming nanatili sa ganoong ayos hanggang sa unti-unting bumanayad ang ulan. He’s not moving anymore. He remained that way for minutes.
“Ali…” banayad kong sinabi nang napagtantong kung pipilitin ko ang sarili ay wala akong maalala.
Memories come back only when I don’t need them or I don’t expect them to have. Kapag pinilit ko ay hindi ko sila mahagilap.
“Ali, umuwi na tayo…” sabi ko.
He nodded on my neck. Unti-unti siyang nag-angat ng ulo. He couldn’t look at me as he held my hand.
“Let’s go…” napapaos niyang sinabi.
Hinila niya na ako palayo roon. Pareho kaming umaapak sa medyo binabaha ng sahig ng court, pareho rin kaming basang basa sa ulan.
Sa oras na nakarating kami sa dalampasigan, tanging ambon na lang ang mayroon. May iilang kapitbahay na nakakita sa aming dalawa.
“O, nagpaulan kayong dalawa?” tanong ni Aling Mila nang natanaw kami.
Ali continued walking as if he heard nothing. Ako na lamang ang nagpaliwanag kay Aling Mila na umulan sa court kaya kami basa.
He opened the door without letting go of my hand. Pagkapasok ay ‘tsaka niya lang ako binitiwan nang makadiretso sa aming kwarto.
Kumuha siya ng tuwalya at ibinigay iyon sa akin. Nanatili ako malapit sa pintuan, unable to move because of shock. He removed his long sleeves and then he put the towel on his shoulders. Nang nakita niyang nanatili ang tuwalya sa aking kamay ay nilapitan niya ako.
Gusto kong umatras pero ang sakit na nakikita ko sa kanyang mga mata ay ayaw kong subukin. Kinuha ni Ali ang aking tuwalya at marahan niyang pinunasan ang aking braso. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Tahimik niyang pinagpatuloy ang ginawa.
After my arms, he wiped away the wetness of my face and my neck.
“Magkakasakit ka kung hindi ka magbibihis…” aniya.
Tumango ako. Hinila niya ako patungo sa aming kwarto at nang nakarating ay agad niyang hinalughog ang aking gamit.
When he found a pair of pajamas, he turned to me and wiped away excess water from my hair. Kinuha ko sa kanya ang tuwalya ‘tsaka pa lang siya napatingin muli sa aking mga mata.
“Ako na. Magbihis ka na rin…” sabi ko.
He nodded and turned to his clothes. Kumuha siya ng maisusuot pagkatapos ay lumabas na ng kwarto para mapagbigyan akong magbihis mag-isa.
It took me long before I finished cleaning myself up. Pinagsamamtalahan kong mabuti ang pag-iisip ngayong wala akong nararamdamang sakit sa ulo. Pero ganunpaman ay wala rin akong naaalala na kahit anong bago. If I didn’t say the name while we were on that dancefloor, I’d probably forget about it too.
Lumabas ako upang makita si Ali na nakaupo sa sofa. He’s change to clean clothes now. A black shorts and a white v neck t-shirt. His weary eyes looked at me. Tumayo agad siya.
“Ayos ka lang ba? Nagtimpla ako ng gatas…” sabay tingin niya sa lamesa.
Tumango ako at unti-unting umupo sa sofa.
Quickly he went to the table to get the cup of milk. Binigay niya sa akin iyon.
“Thank you…” sabi ko at tinanggap ang gatas.
Nilingon ko siya. Nanatili ang tingin ni Ali sa akin. I remember what I told him while we were on that dancefloor. I feel guilty about it. I feel sad for him but I guess it’s inevitable since that’s how I secretly felt for the past weeks.
Maraming tanong. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo. If we were married, our rings were the only evidence I have. He’s not on my dreams. I wonder if he’s in any fraction of my memory. I feel nothing for him but awkwardness and uneasiness. He’s intimidating and intense. He evades my questions about the past. Syempre at takot siyang isugod muli ako sa ospital. But then again… if he really was so desperate for me to remember him, he’d never ever think twice about bringing me to Costa Leona.
“Do you know anyone with a name Ivo?” tanong kong diretsahan sa kanya.
Hindi siya agad nakasagot. Iyon pa lang ay nasasabi ko nang may kilala nga siya.
“He’s the brother of my father…” aniya.
I don’t know if I can trust him. What if he’s misleading me? Why is Ivo so important to me? Bakit tila gusto ng utak kong makilala ko ng husto si Ivo kumpara sa kanya na ngayon ay nasa harapan ko.
“How old is he?” I asked.
“Halos kaedad ko lang…” aniya.
“So… I met him at Costa Leona? Did we meet at Costa Leona, too?”
Huminga siya ng malalim at tumango.
“Kaibigan ko ba si Ivo?” nanliit ang mga mata ko.
“Oo…” matapang niyang sagot.
A throb suddenly attacked my head. I knew it was too much now that it’s hurting. But I can’t help it.
“I feel like I liked him… I like him…” sambit ko. “In a romantic way…”
He didn’t look at me. Nanatili ang tingin ni Ali sa kawalan. My head hurts but I didn’t let him see para hindi siya mag-alala.
“Did I?” tanong ko.
Hindi parin siya makasagot. Umigting ang kanyang panga at nag-angat siya ng tingin sa akin. Humalukipkip ako at hinamon siyang umamin sa kung ano man ang nililihim niya.
“You expect me to say yes?” nahimigan ko ang iritasyon sa boses niya.
Tila ba napigtas ang kanyang pasensya at ayaw niya nang sumakay sa pakulo ko ngayon. Namilog ang mata ko at humakipkip ako. He eyes my stance and his expression calmed.
“Why won’t you say yes if it’s true?” sigaw ko, naghahamon.
“You think I’ll celebrate if you remember that? The hell, Thraia!-“
“Ang gusto ko lang naman ay ang malaman ang totoo! I know I shouldn’t rely too much from you, Ali! Dapat ay malaman ko iyon sa sarili ko but information from you will help me a lot! I want you to be honest to me!”
“Yes!” sigaw niya ng padabog. “You like him!”
Shit! Then what is he? Why is he my husband? If I love Ivo… where is he know? Why isn’t he my husband instead?
Lumayo si Ali sa akin at hinilamos niya ang kanyang mukha. The pain on my head was bearable. I don’t think it’s too much to ask another question.
“Bakit tayo ang mag-asawa?” tanong ko.
He turned to me with eyes so hurt and bloodshot. Bumagsak ang kanyang balikat. He wetted his lips. Naging mas mapula iyon. Kitang kita ko ang panghihina sa kanyang mga mata.
His lips twitched like he’s stopping himself from saying something. Pumikit siya at dahan-dahang tumango na tila may napagtanto.
“You don’t trust me…” banayad ang kanyang boses. “Hahayaan kitang makadiskubre ng sarili mong alaala. Give me time before we leave for Costa Leona. I promise you, you’ll remember-“
“Bakit ngayon mo lang ito naisip? For two months, you kept me here in your shadows without knowing the truth of my identity. Ngayong unti-unti na akong nakakaalala, ‘tsaka mo lang ako ipapabalik ng Costa Leona? Bakit hindi noon?” sigaw ko. “You’re not part of my memory! Even a fraction of you isn’t there! Are you really part of my past or you just saw me after the accident and decided to take me here and keep me as your fucking wife?”
It was so odd to see him looking away and in a distant. His arms flexed and his fist was clenched like he’s ready to punch something.
Nilapag ko ang gatas na binigay niya sa lamesa.
“Magpapahinga na muna ako…” sabi ko at nakita siyang pumikit ng marahan bago ako tuluyang umalis sa kanyang harapan.
Hindi ako halos makatulog. Pinilit kong ipikit ang mga mata ko at kahit sa dilim ng silid ay ayaw akong hilahin ng antok. Nanatili ang ilaw sa aming sala at kahit noong mas lumalim ang gabi ay hindi na pumasok si Ali sa kwarto.
Thoughts of the possible things between us drowned my want to sleep. What if he’s a fisherman in Costa Leona. He saw me on that accident and decided to keep me? Is it true that Ivo is his father’s brother? Napakabata naman yata ni Ivo sa isipan ko para maging kapatid ng pwedeng ama ni Ali.
The only evidence that we’re married is the ring. I didn’t ask for a marriage certificate.
Few days after the so called accident, I can’t remember anything. But he was right when he said that my name is Thraia. Dahil noong nakaalala na ako, iyon nga ang tamang pangalan ko. At least he didn’t lie about it.
He said that my name is Thraia Gabriella Fortunato, twenty three years old and married to Antonius Lienzo Mercadejas a twenty nine years old fisherman of Carles. Hindi ako sigurado kung tama ba ang mga sinabi niya bukod sa aking pangalan. Now that I remember at least the fourteen years of my existence, at least I’ve proven that he’s right about my name.
My throbbing head helped me sleep.
Kinabukasan ay masama ang pakiramdam ko. Hindi dahil magkakasakit ako kundi dahil naisip ko iyong mga masasamang salitang nasabi ko kay Ali kagabi.
I woke up without him. Well, nangisda siya kaya paniguradong wala siya. It’s not new…
Sa cottage kami nanatili ng mga kaibigan ko upang maghabi ng pamaypay at iba pang pwedeng pagkakitaan.
“Saan ka ba kagabi? Masyado kayo ni Ali, ha? Nagpabasa sa ulan!” tukso ni Lorie sa akin.
Hindi ako makangiti. Hindi ko masabi sabi sa kanila kung ano talaga ang nangyari at kung bakit kami nagpaulan.
“Masyado n’yo yatang dinibdib ang sayawan kaya ayon!” humalakhak si Daisy.
Paulit ulit akong tumingin sa dalampasigan kahit na alam kung matatagalan pa ang mga mangingisda. Habang nagku-kwentuhan kami tungkol sa naging gabi nila kahapon ay paulit ulit akong sumulyap at naghanap ng mga bangka.
“Huy!” sabay sikmat ni Lorie nang nakita akong tanaw ang dagat. “Ano? Gustong gusto mo nang pumunta sa mga Higante? Magdasal na sana maalala mo si Ali at nang magkamabutihan na kayo?”
Nanatili ang tingin ko sa ngising aso ni Lorie. I guess I can’t really bottle up my own feelings, huh?
Binaba ko ang hinahabi at pagod na tinagilid ang ulo.
“Lorie, tingin mo nagsasabi ng totoo si Ali na siya ang asawa ko?” tanong ko.
“Huh? Ba’t naman siya magsisinungaling?”
Tumingin muli ako sa dagat. Tahimik iyon at parang walang problema. Ang ganda tingnan ng mga ulap sa langit. Hindi ko kayang lubayan ang pagtingin sa kanila.
“Paano kung may mahal pala akong iba at hindi siya? Paano kung natagpuan niya lang ako at inakong asawa niya? Hindi ko alam pero may napapanaginipan akong lalaki…”
Si Daisy at Pamela ay agarang binitiwan ang mga ginagawa para lumapit sa akin. Umupo sila sa aking tabi at si Lorie ay nanatiling nakatayo sa aking harap.
“Tapos?”
“Masaya ako kasama ‘yong lalaki. Pakiramdam ko gusto ko siya kumpara kay Ali…”
“Baka ex mo ‘yon, te! Tapos si Ali na ang mahal mo!”
“Kung ganoon bakit hindi siya ang napapanaginipan ko?” tanong ko.
Nagkibit sila ng balikat. Hindi rin alam ang sagot sa mga katanungan ko.
“Tingin mo, Thraia, kung hindi ka niya asawa hihintayin ka niya ng ganito? Mag titiis siya ng ganito? Wala kang maalala, hindi ka niya pinipilit sa kama, at high maintainanced ka pa dahil sa gamot at sa pagkakaospital mo… tingin mo ang isang mangingisda ay magtitiis doon? Guwapo ang asawa mo. Kung dadamitan ng maayos ay pwede siya bilang artista. Marami pa siyang mabibihag, mas magandang babae sa kinoronahan kagabi. Pero sa’yo siya nanatili… kahit wala kang maalala…”
Ngumuso ako sa sinabi ni Lorie. Bumagsak ang tingin niya sa aking pamaypay.
“Hindi rin ako sigurado sa lahat ng tungkol sa inyo pero tuwing naiisip ko iyan, tingin ko ay tama lang na bigyan mo ng pagkakataon si Ali. Kung may ibang motibo siya sayo, dapat noon pa niya ginawa habang wala ka pang naaalalang kahit ano…”
“Palakpakan!” tukso ni Daisy kay Lorie.
Nangiti si Lorie sabay tampak sa braso ni Daisy. Kahit na nagtawanan na sila ay tingin ko may punto rin naman kahit paano.
Dumating ang mga mangingisda dala ang mga huli. Nagulat ako nang hindi tumigil si Ali roon. Dinala nila Mang Emil ang mga huli at naglakad na sila patungong fish landing. Tumayo ako at pinagmasdan si Ali na paalis sa dalampasigan.
Huminga ako ng malalim at binalingan ang tatlo. Ngumiti si Lorie sa akin.
“Marami akong paratang sa kanya kagabi. Pinagsisihan ko naman agad… Nadala lang ako sa nararamdaman…” sabi ko.
“Mag sorry ka na lang sa kanya…” sabi ni Pamela sabay hagod sa likod ko.
Tama sila. Iyon ang gagawin ko.